Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng PagkakataonDonna Mae Tan
Nakapaloob dito ang mahahalagang pangyayari sa buhay ni Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin bilang mangingibig at biktima ng pagkakataon sa nobelang Noli Me Tangere.
3. •Sina Maria Clara at Tiya Isabel ay
maagang nakapagsimba ng araw na
iyon. Makatapos mag-almusal ay
nagkanya-kanya na sila ng gawain.
4. • Naglinis ng bahay si Tiya Isabel dahil sa mga kalat
bunga ng hapunan ng nakaraang gabi. Si Kapitan
Tiyago ay nagbuklat ng mga kasulatan tungkol sa
kabuhayan samantalang si Maria Clara ay nanahi
habang kausap ang ama upang malibang ang sarili
sapagkat ngayong araw ang nakatakdang
pagkikita nila ni Ibarra. Hindi mapakali ang dalaga
dahil sa pananabik na masilayan ang kanyang
sinisinta.
5. •Napagpasyahan nilang magbakasyon sa
San Diego dahil nalalapit na ang pista
doon. Maya-maya pa’y dumating na si
Ibarra at hindi maikakailang nataranta
ang dalaga.
6. •Pumasok pa sa silid si Maria Clara at
tinulungan naman siya ng kanyang Tiya
Isabel na ayusin ang sarili. Lumabas rin ito at
nagkita ang dalawa sa bulwagan. Kapwa
nagkaroon ng kaligayahan sa mga mata ng
dalawa ng magtama ang kanilang paningin
sa isa’t isa.
7. •Upang makapag-sarili at makaiwas na
rin sa alikabok na likha ng pagwawalis ni
Tiya Isabel ay nagtungo ang dalawa sa
Asotea.
8. •Doon ay masinsinan silang nag-usap
tungkol sa kanilang nararamdaman at sa
kanilang mga sinumpaan sa isa’t-isa.
Binalikan nila ang ala-ala ng kanilang
kamusmusan, ang kanilang naging
tampuhan at mabilis na pagbabati.
9. •Pareho din nilang itinago ang mga ala-ala at
bagay na ibinigay nila sa isa’t-isa. Kabilang
dito ang dahon ng sambong na inilagay ni
Maria Clara sa sumbrero ni Ibarra upang
hindi ito mainitan, at ang sulat ni Ibarra kay
Maria Clara bago ito umalis papuntang
Europa.
10. •Binasa naman ng dalaga sa katipan ang
laman ng sulat. Ayon sa sulat, layunin ni Don
Rafael na pag-aralin si Ibarra sa malayong
lugar upang makapaglingkod ng mataas na
kalidad sa bayang sinilangan. Handa
diumano itong magtiis na mawalay sa anak
upang sa bandang huli ay maibigay nito sa
bayan ang kanyang hangarin.
11. •Natigilan naman si Ibarra dahil naalala
nito na bukas ay undas at marami siyang
kailangang gawain. Nagpaalam na si
Ibarra na binilinan ng Kapitan na sabihan
ang kanyang katiwala na sila ay
magbabakasyon doon.
12. •Si Maria Clara naman ay hindi napigilang
maluha dahil sa pangungulila kay Ibarra.
Sinabihan siya ng kanyang ama na
ipagtulos si Ibarra ng dalawang kandila
at ialay sa santo ng manlalakbay.
13. SAGUTIN!
1. Ano ang ginagawa ni Maria Clara bago dumating si
Ibarra?
2. Saan balak magbakasyon nina Maria Clara?
3. Saan nag-usap sina Ibarra at Maria Clara?
4. Ano ang inilagay ni Maria Clara sa sombrero ni Ibarra?
5. Ano naman ang binigay ni Ibarra kay Maria Clara bago
ito pumunta sa Europa.