2. TALASALITAAN
• Hindi magkamayaw – hindi mapakali
• Bisperas – ang araw bago dumating
ang takdang araw ng pagdiriwang
• Deboto – panatiko
• Kabaliwan – kalokohan
• Magpaumanhinan –
magpasensiyahan; Mag-unawaan
• Mapukaw sa galit – udyukan
• Monasteryo – sambahan
• Nagkakawag – nagkakaway;
nagpupumiglas
• Nahihiyasan – napapalamutian
• Nakasaksi – nakakita
• Napakataimtim – tapat; sinsero
• Sisidhi ang galit – mag-iibayo
• Umalma – lumaban
3. •Handa na ang mga banda ng musiko umaga
pa lang upang magbigay saya at salubungin
ang kapistahan. Sinabay pa ang tunog ng
kampana at mga siklab at pasabog ng
paputok.
4. •Samantalang ang mga tao sa bayan ay
nagising na at nagsigayak para makiisa. Suot
nila ang kanilang pinakamainan na kasuotan
at mga alahas. Hinatak nila ang mga tao
upang tikman ang masasarap na pagkaing
kanilang hinanda.
5. •Hindi naman sang-ayon dito si Pilosopo
Tasyo. Aniya, paglulustay lamang ng salapi at
pagpapakitang tao lamang ang pagsasaya sa
araw na ito. Mas marami umano ang may
kabuluhan na dapat pagkagastusan at isama
pa diyan ang maraming hinaing ng bayan na
hindi natutugunan.
6. •Sang ayon naman si Don Filipo sa pananaw
ng Pilosopo ngunit wala siyang lakas ng loob
para salungatin ang mga pari.
7. •Naghihintay na ang mga tao sa simbahan
pati na rin ang at mga tanyag na tao sa San
Diego.
8. •Sinadya naman ni Padre Damaso na
magkasakit upang higit na makakuha ng
importansya mula sa lahat. Ang taga-
pangasiwa ng simbahan ang nag-aala sa pari
habang siya ay may sakit.
9. •Bandang alas-otso ng umaga sinimulan ang
mahabang prusisyon ng iba’t-ibang santo. Sa
prusisyon ay makikita ang pagkakaiba ng
antas o diskriminasyon sa lipunan. Kahit na
ang mga nagpuprusisyon ay mga ginggon.
10. •Sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago natapos
ang prusisyon na inaabangan naman ng
ibang mga Kastila pati na rin nina Maria Clara
at Ibarra.
11. SAGUTIN!
1. Saan natapos ang prusisyon?
2. Sino ang hindi sumang-ayon sa ginagawa ng mga tao sa
bayan?
3. Sino ang walang lakas ng loob para salungatin ang mga
pari?
4. Anong oras sinimulan ang mahabang prusisyon?
5. Sinong pari ang sinadyang magkasakit?