Nakapaloob dito ang mahahalagang pangyayari sa buhay ni Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin bilang mangingibig at biktima ng pagkakataon sa nobelang Noli Me Tangere.
Ang presentasyong ito ay nagpapakilala sa kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Paano nga ba ito nabuo, ano ang inspirasyon, kailan nasimulan at bakit isinulat?
Ang presentasyong ito ay nagpapakilala sa kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Paano nga ba ito nabuo, ano ang inspirasyon, kailan nasimulan at bakit isinulat?
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7Wimabelle Banawa
Ang pang-ugnay ay nakatutulong upang pag-ugnayin ang mga kaisipang nais paimbabawin. Ito ay nagagamit sa pagbuo ng sanaysay upang maging kahali-halina itong basahin.
Naglalaman ang slides presentation tungkol sa kaligirang pangkasaysayan sa pagkasulat ng nobelang "El Filibusterismo" at buhay ni Jose Rizal nang isinulat niya ang nobela.
Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon o motibo ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.
May mga halibawa nito sa susunod na mga slides.
I made this simpler so that next time I can use this in my schools, and I can also help other children that needs my summarized description about figure of speech (HIHI English po yan)
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 4 (Erehe at Pilibustero)Juan Miguel Palero
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang: Kabanata 4 ng Noli Me Tangere. Dito din matatagpuan ang ilang aktibidad o diskusyon patungkol sa paksang tinalakay.
• Ito ang sektor na gumagabay sa buong yugto ng produksyon, distribusyon , kalakalan at pagkonsumo ng mga produkto sa loob o labas ng bansa.
• Ang sektor ng paglilingkod ay maaring pampamayanan, panlipunan, o personal.
• Sa pangkalahatan, ang paglilingkod ay ang pagbibigay ng serbisyo sa halip na bumuo ng produkto

Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....ryannioda32
Ang Noli Me Tangere ay ang unang obra maestra na gawa ni Jose Rizal, isinasalamin sa paksang ito ang mga banghay na dulot ng katunggalian, pagmamahal, pagsasalo, at iba pa.
Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon
1.
2. Crisostomo Ibarra
• Buong pangalan: Juan Crisostomo
Ibarra y Magsalin
• Ama: Don Rafael Ibarra
• Kasintahan niya si Maria Clara.
• Nag-aral siya sa Europa ng pitong taon.
• Likas siyang matalino at mataas ang
pagpapahalaga sa edukasyon bunga na
rin ng pagtataguyod ng ama.
• Nagmula sa isang mayamang pamilya sa
bayan ng San Diego.
• Nangarap na makapagpatayo ng
paaralan sa bayan ng San Diego.
3.
4. Kabanata 2- Si Crisostomo
Ibarra
• Siya ay bumalik sa Pilipinas matapos
ang pitong taong pamamalagi niya sa
Europa nang mabalitaan niya ang
pagkamatay ng kanyang ama na si Don
Rafael Ibarra.
5. Kabanata 3- Ang Hapunan
• Ininsulto ni Padre Damaso ang tungkol
sa mga karanasan ni Ibarra sa ibang
bansa. Kalmado lamang si Ibarra at
nagpaalam na. Nang gabing iyon, sinulat
ni Ibarra sa kolum ng Estudios
Coloniales ang tungkol sa isang pakpak
at leeg ng manok na naging sanhi ng
alitan sa salu-salo at ang hindi dapat
pag-aaral ng isang Indio sa ibang lupain.
6. Kabanata 4- Erehe at
Pilibusterismo
• Naglakad lakad si Ibarra at nakilala niya
si Tinyente Guevarra. Pinakiusapan niya
itong magsalaysay tungkol sa buhay ng
kanyang ama dahil wala siyang
nalalaman dito. Ayon sa kanya, ang
kanyang ama ang pinakamayaman sa
kanilang lalawigan, bagamat siya ay
ginagalang ay kinaiinggitan din.
Pinagbintangan siyang nakapatay kaya
siya ay naging erehe at
pilibustero. Isinalaysay din niya ang
tungkol sa pagkamatay nito.
7. Kabanata 7- Suyuan sa Isang
Asotea
• Nagkita sina Ibarra at Maria Clara na
nagdulot ng kaligayahan sa kanilang
mga puso.
8. Kabanata 23- Pangingisda
• Tumungo sa dalawang bangkang
nakahinto sa pasigan sila Ibarra, Maria
Clara at iba pa nitong kasama upang
mangisda at mag-piknik.
9. Kabanata 24- Sa Gubat
• Pinapausig ni Padre Damaso si Ibarra
dahil sa pag-anyaya at pagkupkop nito
umano sa masamang tao (si Elias).
Ginalugad ng mga sibil at sarhento ang
gubat upang hanapin si Elias ngunit
hindi siya nakita.
10. Kabanata 32- Ang Sermon
• Isang lalaki (si Elias) ang lumapit kay
Ibarra at nagbabala tungkol sa gagawing
pagdiriwang sa paaralan. Kailangang
maging maingat, anya si Ibarra sa
pagbaba sa hukay at huwag lalapit sa
bato sapagkat maari siyang mamatay.
Nakilala ni Ibarra si Elias na kaagad
namang umalis.
11. Kabanata 33- Ang Kabriya
• Malakihan ang paghahanda ni Ibarra sa
pagbabaon ng panulukang-bato ng
bahay-paaralan. Sa ilalim ng maraming
habong itinayo ay pawang puno ng
pagkain at inuming aalmusalin ng mga
panauhing isa-isang sinundo ng mga
banda at musiko. Ang mga naghanda sa
almusal ay pawang mga guro at magaaral.
12. Kabanata 34- Malayang Pag-iisip
• Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni
Elias sa binata na ipaglihim nito ang
pagbibigay niya ng babala sa kanya. Isa
pa, si Elias ay nagbabayad lamang ng
utang na loob sa kanya. Ipinaliwanag
din niya na dapat pa ring mag-ingat si
Ibarra sapagkat sa lahat ng dako nito ay
mayroong kaaway.
13. Kabanata 35- Ang Tanghalian
• Panay ang pasaring ni Padre Damaso
kay Ibarra ngunit wala itong kibo.
Inungkat din niya ang tungkol sa
pagkamatay ng kanyang ama. Sumulak
ang dugo ni Ibarra. Bigla niyang
dinaluhong si Padre Damaso at muntik
na itong saksakin sa dibdib ngunit
pinigilan siya ni Maria Clara. Gulo ang
isip ni Ibarra na umalis.
14. Kabanata 36- Usap-usapan
• Ang mga pangyayaring namagitan kina
Ibarra at Padre Damaso ay madaling
kumalat sa buong San Diego. Sa mga
usapan, hindi matukoy kung sino ang
may katwiran sa dalawa. Handa ang
binata na dungisan ang kamay nito sa
sinumang lumapastangan sa kanyang
ama.
15. Kabanata 49- Hiwaga
• Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang
dahilan ng kanyang hindi pinasabing
pagdalaw. Nakatingin lamang sa kanya
si Maria Clara na parang inuunawa ang
bawat katagang namutawi sa kanyang
labi. Malungkot si Maria Clara, kaya
nakuro ni Ibarra na bukas na lamang
siya dumalaw.Tumango ang dalaga.
Umalis si Ibarra na ang puso ay
ginugutay ng matinding pagaalinlangan, gulo ang kanyang isipan.
16. Kabanata 55- Pagbubunyag
• Sinabi ni Elias kay Ibarra ang
nakatakdang paglusob. Si Ibarra ang
nagbayad sa mga kalahok sa paglusob.
Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili
ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan,
nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro
Eibarramendia na lolo ni Ibarra. Nayanig
ang buong pagkatao ni Elias.
17. Kabanata 56- Malaking Sakuna
• Nakatakdang dumating sa ikawalo ng
gabi sa bahay nila Maria Clara si Ibarra.
Paalis na sana siya nang makarinig siya
ng malakas na pagputok sa pintuan.
Tinig ng isang kawal na Kastila. Lalaban
sana siya ngunit nagbago ang kanyang
isip. Binitawan niya ang kanyang baril at
binuksan ang pinto. Dinakip si Ibarra ng
sarhento ng mga dumating na kawal.
18. Kabanata 59- Isinumpa
• Walang gapos ngunit nasa pagitan ng
dalawang kawal si Ibarra. Pasuyod na
tinignan siya ng maraming tao.
Umugong ang salitaan na kung sino pa
ang may sala ay siya pa itong walang
tali. Dahil dito, inutusan ni Ibarra na
gapusin siya ng mga kawal. Pati ang
kanyang mga nuno at magulang ay
isinumpa ng mga tao hanggang siya ay
tinawag na erehe na dapat mabitay.
Kasunod nito ay pinagbabato siya.
19. Kabanata 61- Ikakasal si Maria
Clara
• Nagtungo sa asotea si Maria Clara.
Nakatakas siya sa tulong ni Elias.
Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik
ni Ibarra si Maria Clara. Matagal.
Pagkaraan, lumundag muli ito sa pader
at sumakay sa bangka. Nag-alis ng
sumbrero si Elias at yumukod sa dalaga.
Sumagwang papalayo si Ibarra sa
lumuluhang si Maria Clara.
20. Kabanata 62- Pagtakas hanggang
Lawa
• Tumakas si Ibarra sakay ng bangka sa
tulong ni Elias. Umaga na nang sapitin
nila ang lawa ngunit nabanaagan nila
ang isang palwa ng mga sibil na
papalapit sa kanila. Nakuro ni Elias na
napagtatalikupan sila at isa pa, wala
silang kalaban laban. Mabilis na
naghubad ng damit si Elias. Sinabi niya
na magkita sila sa noche buena sa
libingan ng nuno ni Ibarra.
21. Si Crisostomo Ibarra,
isang biktima ng
pagkakataon na
humantong ang pagibig para kay Maria
Clara sa isang
masaklap na
pagwawakas.