SlideShare a Scribd company logo
MODYUL 15
ANG ROMANTISISMO SA PAGTALAKAY NG
MAIKLING KWENTO
• Romantisismo isang akda na napipili at napatutunayan ang
mga bahaging nagpapakita ng pagtakas sa
katotohanan,nagtatanghal ng kabayanihan,at may paksang
kasisinagan ng kagandahan.sa paningin ng romantisista,ang
buhay ay kaakit-akit,kapana-panabik,at kahanga-hanga.May
gandang nakikita ang manunulat na romantisista sa isang
panahong tila malayo na.Mahilig ang romantisismo sa
damdamin sa halip na pag-iisip.Ayon naman kay Harvey
(1996),ang kahalagahan ng romantisismong
pandamdamin,intwisyon,imahinasyon,at indibidwalismo,ay
tumataliwas sa mga ideyal ng pagpipigil,katwiran,at
kaayusang itinataguyod ng klasismo.
PRE-TEST
Basahin ang sumusunod na mga pangungusap at uriin kung
nagpapahiwatig o hindi ng kagandahan. Bilugan ang bahaging
nagpapahiwatig ng gayong palagay.
1. Sa kanyang bibig, nagkahugis agad ang matapat na ngiti.
2. Ang nakikita niya ay ang kulubot niyang mukha, ang tuyot niyang
mga kamay.
3. Nadarama kong ang hangin ay nagiging sariwa tulad ng simoy sa
mga unang oras ng umaga.
4. Sa kanyang mga mata, ang kislap ay waring naglalarong liwanag.
5. Para sa akin, ang restawrang iyon ay makipot na daigdig
na walang tao.
6. Laglag ang kanyang manipis na balikat at ang tuyot
niyang mga kamay ay nakabiting parang, sanga ng
patay na kahoy.
7. Malungkot ang kanyang tinig nang sabihing nag-iisa na
ito.
8. Naglalaro kami ng may tatlong-taong gulang na anak
kong si nonoy sa aming maaliwalas na salas.
ANG MANUNUGTOG NG LUTE
SALIN NI PAULINA BERONILLA-BISA
• Ang pangalan niya’y Achmad, at ang pangalang ito ay
kilalang-kilala ngayon ng mga matatapat na tagapakinig sa
radyo. Kapag sinabi ng anawnser na, “Mga kababayan,
narito na si Achmad…,” ang mga tagahanga niya ay agad na
hihinto sa anumang ginagawa nila para makinig sa kanya.
Ang librong nakahatak sa kanyang mambabasa ay saglit na
isasaisantabi, ang binuburdahang damit ay ipapatong ng
babae sa kanyang kandungan, at sasandal sa kinauupuang
silya, pagkat higit na mabuting namnamin ang tamis ng
kantang pakikinggan niya kasabay ng pumipintig na puso.
Kahit hindi pa niya nakikita ang taong iyon na labis na
nakabighani sa kanya, naguguniguni niyang isa itong
matipuno, may kakayahang kabataan, may taglay na
kislap ang mga matang nakapag-uutos para sundin
kaagad, nang may ngiting sinlamyos ng buwang
kabilugan.
Ngunit ang lahat ng ito’y mawawalan ng lahat ng
kahulugan kay Achmad kung malalaman niya ito.
Tinutugtog niya ang lute sapagkat ibig niyang
makapaghatid ng isang bagay, sapagkat ibig niyang
ibuhos ang laman ng kanyang puso, sapagkat ibig
niyang ipabatid ang kanyang mga pag-asa.
Habang kinakalabit niya ang mga kuwerdas ng kanyang lute, ang ulong
may makapal, maitim, at kulot na buhok na tumubo hanggang sa
kanyang mga taynga at naaadornohan ng mga nakasalit na abuhing
buhok, ay gumagalaw sa ritmo ng kanta at ang mga mata ay tatanaw sa
malayo, naghahanap wari ng isang bagay, na walang sinumang
makapagsasabi kung ano, lumalagos pa sa mga dingding ng istudyo, na
parang sinisikap na matakasan nang lubusan ang magatla nang
mukhang namutla, na waring hindi nasikatan ng araw.
Isa rin siyang pamilyar na anyo sa mga mamamayan sa isang
lugar na kanyang tinitirahan. Hindi siya nakikihalubilo sa kanila, nakikita
lamang nila si Achmad kapag ito’y umaalis at dumarating. Nag-iisa
lamang si Achmad sa kanyang kubo, hindi pinakikialaman ng mga tao sa
lugar na iyon, na, sila, sa kanilang panig ay hindi nagsikap na alamin ang
iba pang bagay tungkol sa pagkatao ng mahiwagang taong ito.
Ang alam lamang nila ay malimit nilang marinig na tumutugtog si
Achmad ng lute, at nakasisiya, sa kanila ang kanyang pagtugtog at
pagkanta kahit na hindi nasasagot ang mga katanungan tungkol sa
manunugtog na nasa kanilang mga puso. Kapag may sinumang
magtatanong sa mga kapitbahay kung nasaan ang bahay ni Achmad,
ang sagot ay ganito. “Si Achmad, ang manunugtog ng lute,” at ituturo
agad ang kanyang kubo. Iyon ang “pahingahan” ni Achmad-isa lamang
maliit na kubo, malayo ang anyo sa kanyang katanyagan, at naglalaman
lamang ng isang bangkong natatakpan ng banig na nagsisilbing
tulungan at, sa dingding, ng larawan ng isang babae, at katabi nito ang
kanyang lute na nakasabit na tila isang matapat na tagapangalaga.
Minsan isang linggo ang tinig niya ay pumapailanlang sa himpapawid, minsan isang
linggo ay pinasisigla niya ang libu-libong mga puso, minsan isang linggo ay nakikita
siya ng kanyang mga kapitbahay na nililisan ang kanyang “pahingahan,” taglay ang
katangi-tangi niyang paglakad, bitbit ang kanyang lute, at minsan isang linggo ay
umaalis si Achmad, puno ng pag-asang ang alingawngaw ng kanyang puso ay
maririnig ni Selma, ang kanyang dating asawa, saanman iyon naroroon…
Isang mayamang mangangalakal ang ama ni achmad, labis ang kayamanan kaya
ang tatlong magkakasunod na henerasyon ay makakapamuhay nang buong ginhawa
at kaluwagan kahit hindi gumawa. Ibig ng ama ni achmad na maging isa ring
mangangalakal ang anak, para mapalago pang lalo ang kanilang kayamanan at
maipagpatuloy ang tradisyon ng kanilang pamilya. Naging mangangalakal na sila sa
loob ng hindi mabibilang na henerasyon, at ibig ng amang maging walang katapusan
ang tradisyon. Sapagkat sa pananaw ng ama, ang pangangalakal lamang ang
pinakamahusay at pinakamarangal na gawain. Alam ito ni achmad at hindi maubos
ang pagtatanong niya tungkol doon. Kinasusuklaman niya ang pangangalakal,
kinamumuhian niya ang kanyang ama, na umiikot lamang ang buhay sa
pangangalakal.
Salapi, salapi…iyon ang kanyang ama.
Salapi lamang ang bukambibig ng kanyang ama; marahil habang
iyon ay kumakain, iniisip nito kung gaano karaming salapi ang kanyang
nilululon; at marahil, pati ang kanyang hininga ay nangangamoy-salapi.
Kapag ang kanyang ama’y sinuwerte sa pagkita ng maraming salapi,
napakabait nito at walang anghel na makapapantay sa kanyang
kabaitan, subalit kung ang kabaligtaran ang mangyari, mabuti pang
iwasan ang kanyang nilalakaran. Ang pinakamaliit na paghingi ng
paumanhin ay sapat na para ito’y magwala sa galit, at sa kalagayang
ganito, higit pa siyang malupit kaysa pinakamalupit pang demonyo.
Sa paglipas ng panahon, ang pagkamuhi ni achmad sa ama ay
lumubha, isang pagkamuhing nasasangkapan ng pagkatakot.
Kinamumuhian niya ang pananaw ng kanyang ama sa buhay,
kinatatakutan naman niyang pilitin siyang sumunod sa kagustuhan nito.
Paano niya mabubuo ang kanyang buhay sa paligid ng mga
nakasalansang salapi, walang iniisip sa umaga, tanghali, at sa gabi kundi
salapi,gayong ang kanyang puso ay nakahilig sa musika, ang likhang
iyon ng tao na magpapatahimik sa naguguluhan niyang puso, na
makapagpapaginhawa sa naguguluhang diwa ? Hindi kilala sa kanilang
tahanan ang musika, kahit na may isang radyong sintaas niya na
nakatrono sa kanilang sala. Paminsan-minsan lamang iyong
napatutunog, para makinig ng mga balita, at hanggang doon na lamang.
Bukod sa roon, walang makagagalaw sa radio kundi ang kanyang ama
lamang sa takot na baka iyon masira. At hindi lamang bahay nila ang
may radio, mayroon ding mga taong hindi nabubuhay na salapi lamang
ang iniisip, mga taong nagpapahalaga sa mga kahanga-hangang bagay
sa daigdig.
Doon, napaliligaya si achmad ng nililikhang kasiningan, mga likhang para
sa kanya ay higit na mahalaga, higit sa mga pag-aari ng kanyang ama.
Higit sa lahat, ang musikang Arabian at ang lute na nagpapatugtog sa
mga ito ang kinawilihan ni achmad. Hindi niya alam, ngunit ang pagkalabit
ng limang daliri sa lute ay nakatatangay sa kanya sa isang daigdig na
hindi pa niya naririnig. Nalimutan niya ang pagkamuhi at pagkatakot sa
kanyang ama; ang salapi ng kanyang ama at ang kayamanan nito ay
naglaho; hindi na niya inisip ang hangad ng kanyang amang siya’y
maging mangangalakal.
Siya’y magiging isang manunugtog ng lute. Ang hangarin ay biglang
lumusog, napaukit agad iyon sa kanyang puso, hindi pinilit, hindi hiningi.
Natutuhan ni achmad ang pagtugtog ng lute. Madaling mapabaluktot,
mapalambot, ang kanyang mga daliri, dahil sa masidhi niyang hangarin, at
hindi nagtagal ang mga daliring iyon ay nakatalun-talon na sa kabuuan ng
lute na waring may namamagitang pagkakaunawaan sa mga dulo ng
kanyang mga daliri at sa mga daliri at sa mga kuwerdas. Sumapi si
achmad sa isang grupong tumutugtog ng lute sa radyo. Mahirap ilarawan
ang katuwaan niya sa pagkakataong makayapak sa daigdig na itong
dati’y lagi lamang niyang pinapangarap. Kung paanong ang iniisip ng
kanyang ama ay salapi lamang mula umaga hanggang sa kinabukasan,
gayundin si achmad na walang ginawa kundi tugtugin ang lute sa unang
brodkast hanggang sa susunod. Nakaligtaan na niya ang paaralan at ang
mga teksbuk nito sa mathematics, algebra, at iba pang bagay; at tungkol
sa kalakal ng kanyang ama- maililibing na iyon, at wala siyang pakialam.
Di nagtagal, nalaman ng ama ni achmad kung ano ang ginagawa ng
anak. Wala nang kinakailangang diskusyon o mga pag-uusap; ang suwail
na anak ay itinaboy at sinabihang hindi na ito kailanman makatutuntong
sa pamamahay ng ama.
Hindi natakot si achmad sapagkat ang kanyang buhay ay nakatuon sa
kanyang lute. Kung ang mga kaluskos na ingay ng mga papel de bangko
ng kanyang ama ay hindi makakapamumuhay na kapiling ang
magandang tunog ng kanyang lute, walang magagawa tungkol doon.
Hayaang tumira ang ama niya sa daigdig ng pangangalakal, habang siya
ay mananatiling katabi ng kanyang lute. Dapat ipagmalaki ng isang ama
ang pagkakaroon ng anak na buong tapang at walang tinag na gumawa
ng mga sakripisyo para sa kanyang mga hangarin. Ngunit ang
kabaligtaran ang nangyari, si achmad ay pinalayas na isinusumpa.
Kayamanan at kaginhawahan ang naiwan, ang buhay sa malawak na
daigdig ay nasimulan. Ang mga bagay na dati’y hindi niya napag-uukulan
ng pansin ay naging malulubhang problema ngayon. Bawat paglalakbay
tungo sa ideyal na hangarin ay nangangailangan ng mga pagpapakasakit.
Ang grupo niya ay nagpatuloy sa pagtugtog at si achmad ay nagging
tanyag.
Nag-asawa si achmad, isa rin naman siyang karaniwang tao. Naging
saksi ang mga kapitbahay sa kaligayahang lumukob sa tahanan ni
achmad. Gabi-gabi, ang mahinang tunog ng lute sa likod ng mga dingding
ay nakapagbibigay sa mga nakikinig ng sulyap na sa paraiso ng pag-ibig.
Dumating ang panahong nawala na ang pagkagiliw ng mga tao sa buhay
ni achmad, sa kanyang asawa, at sa kanyang lute. Maraming bagong
bagay ang dumating, na nangailangan ng paghanga at pagtingin
hanggang dumating ang sandaling maranasan ng mga ito ang kapalarang
sinapit ni achmad. Bawat isa’y may kanyang pagkakataon; ang mga nasa
gitna ng tanghalan ngayon ay makatatawa at makapagmamayabang sa
paglakad, kaya lamang ay hindi sila dapat mag-isip ng kabiguan at
pagkainggit kung sa pagtatagal ay kailangan na nilang isuko sa iba
naman ang tanghalan.
Nasundan ng mga araw ang mga gabi, at sa likuran ng mga dingding,
nakakubli sa mga matang hindi kailangang makakita at mga tayngang
hindi kailangang makarinig, si Selma, ang asawa ni achmad, ay
nagreklamo. Pagkaraan ng dalawang taong pagsasama, hindi pa sila
binibiyayaan ng isang anak. Anak! Isang mauunawaang hangarin ng
isang babae. Alam ni achmad ang mga hangarin ng kanyang asawa,
ngunit ano ang maaari niyang gawin? Ang diyos ang makapangyarihan
sa lahat, at siya, si achmad, at isa lamang niyang kasangkapan. Isang
manggagamot ang kinunsulta, nagsunog ng mga insenso, at naglakbay
sila sa mga banal na lugar na ayon sa mga alamat ay nakapagbigay ng
mabuting kapalaran sa mga nananalangin doon, ngunit ang lahat ay
kabiguan.
Umasa si achmad at nanalangin; ang kanyang asawa ay nagsimula
nang magmukmok at magtiis. Ang mga bisig na nanabik sa pagkarga sa
sanggol ay nawalan ng pasensiya; masasamang isipin ang naglaro sa isip
niyon. Ang sisi ay ibinigay kay achmad at malimit na marami nang
nasasabing hindi mabibigkas kung nasa kalagayang payapa ang isipan.
Gayon talaga ang mga tao. Ang mga silakbo ng damdamin ay hindi
madaling tutulan. Para bang ang mga iyon ay sinadyang likhain para
maragdagan ang mga paghihirap ng sangkatauhan. Ang “silakbo” ay
isang pangkaraniwang salita, hindi na naiiba sa hugis ng ibang salita.
Gayunman ang silakbo ay isang damdaming makapagtutulak sa isang
walang kakayahang pumigil o magpakalma ditto para mahulog sa isang
balong puno ng pagsisisi at mga luha. Ang tao ay maraming katangian,
gawi, at ugali. Nagsisilbing sandata ang mga ito para ihatid tayo sa ating
mga hangarin o madala tayo sa kabiguan na lagi nating sinisikap na
iwasan.
Matiisin si achmad. Sinikap niyang amuin ang kanyang asawa, ngunit
binigyang-kahulugan iyon ni Selma na pag-amin ng kasalanan at isang
palatandaan ng kahinaan. Si Selma, ang kanyang asawa, hindi na
mapagbigay, ay naghangad na makuha ang anumang hangarin sa
anumang paraan. At ang kawalan ng pag-asa ang nagtulak sa babae
para maligaw ng landas.
Nang umalis si achmad para magtungo sa istasyon ng radyo,
umalis din si Selma. Ang isa’y umalis para kumita ng isang dakot na bigas
para sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng kanyang kakayahang
tumugtog ng lute na ipinagkaloob sa kanya ng diyos; ang kabila’y umalis
upang hanapin ang hindi niya makamit sa kanyang asawa na
ipinagkaloob sa kanya ng diyos. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita
ni achmad ang kanyang asawa, isang gabi, na naglalakad na kasama ng
ibang lalaki. Hindi siya kailanmang naghinala sa kanyang asawa.
Ngunit ngayon … nagdilim ang kanyang paningin; sa kabutihang-palad
ang kanyang pag-ibig sa asawa at ang kanyang matinong pag-iisip ang
pumigil sa kanya para gumawa ng isang bagay na maaari niyang
pagsisihan sa buong buhay niya. “hihintayin ko siya pag-uwi sa bahay at
kakausapin ko nang maayos,” naisip ni achmad.
Umiikot ang kanyang isipan; ang kanyang pananalig ay nasugatan
nang malalim. Bakit ito nangyari sa kanya? Hindi niya kailanman
tinalikuran ang tungkulin sa asawa bilang haligi ng tahanan, ni hindi
niya inisip na pagtaksilan ang sinumpaan nang sila’y ikasal, ni hindi niya
kinalimutan ang magpahayag ng pasasalamat sa diyos para sa kanyang
masayang buhay. Nag-isip siya nang malalim at nag-apuhap ng mga
kasagutan, tulad ng ginagawang pag-iisip nang malalim at pag-apuhap
sa mga kasagutan ng maraming tao.
Ang daigdig ay puno ng mga kasabihan, mga simulain, at mga kautusan.
Maraming masisigasig at mga walang malay na tao ang nabubuhay sa patnubay
ng mga ito… at sa huli’y makatatanggap lamang ng kalungkutan bilang
gantimpala. “magsipag na mabuti at tutumbasan iyon ng katimbang na
gantimpala sa iyong pagsisikap.” Nakabubusog na mensahe ito na isinisigaw ng
mga ministro mula sa kanilang mga pulpito. At ang hamak na tao, puno ng
pananalig, ay sumusunod, para matuklasan lamang na wala siyang tatanggapin.
Hindi niya matatakasan ang pangingibabaw ng mga nasa itaas at ng mga
makapangyarihan, na simula pa sa pagkabata ay walang nalaman kundi luho at
susumpain pa nila ang diyos dahil sa naging luho ng kanilang buhay. Ano ang
totoo, at ano ang ating gagawin?
Hindi nagpakita ng anumang pagsisisi si Selma nang kausapin ito ni achmad.
Ang tinanggap lamang ni achmad bilang kasagutan ay pagtngo ng ulo; ang bibig
niya at ang kanyang puso ay walang pakialam sa sinabi ni achmad.
Pagkaraan ng ilang linggo, lumubha pa ang sitwasyon hanggang sa puntong
maging ang mga kaibigan ni achmad ay nagtatanong sa kanya kung bakit
pinapayagan nito ang mga ikinikilos ng asawa. Umiyak si achmad sa harapan ng
kanyang asawa, ipinakikiusap na talikuran ang kanyang maling landas.
Ano’ng magagawa ko? Maghintay-hintay ka at huwag baguhin ang
direksiyon ng ating buhay. Kahiya-hiyang malaman ng ibang tao ang tungkol dito,”
Sa huli, walang mapagpilian kundi ang diborsyo. Mapagbigay ang puso ni
achmad, sapagkat mahal na mahal niya ang kanyang asawa. Ngunit patuloy
siyang umaasa na magbalik ang kanyang asawa. Dumating ang araw, gayunman,
na mababalitaan ni achmad na mag-aasawang muli si Selma. Sa ilang
pagkakataon, bago nangyari ito, ay hinimok pa niya ang asawang bumalik sa
kanya, ngunit ang desisyon ay hindi na magbabago. At ngayon? Ang kanyang
asawa ay magpapakasal na muli?
Ang paghihintay ay talagang may hangganan; at sa araw ng
pagpapakasal ng kanyang dating asawa, nagtungo si achmad sa
tahanang pagdarausan ng seremonya nang may tiyak na layunin.
Ang kasal ay hindi magaganap, kahit na ang kanyang mga kamay ay
matigmak sa dugo ng dating asawa. Isang kapangyarihang higit na
malakas sa anumang lakas ng tao ang humadlang para hindi maituloy ni
achmad ang balak na bunga ng walang katuturang poot. Nalaman niya na
ang kanyang dating asawa at ang bago nitong asawa ay nakaalis na.
Kung sa anong kadahilanan ang kasal ay ginanap nang higit na maaga
kaysa unang plano.
Nagsimulang maglakad si achmad na ngayon ay walang tiyak na
pupuntahan. Wala na siyang kasamang mahahatian niya ng kanyang
kaligayahan at mga kapaitan ng daigdig.tinalikdan na siya; ngayon ang
tangi na lamang niyang mapag-aaliwan ay ang kanyang lute.
Ang pag-ibig ni achmad sa kanyang asawa ang nag-utos sa
kanya para hanapin ang kanyang dating kabiyak. Ipakikita niya
kung gaano niya kamahal ito, at ibig din niyang masaksihan nito
kung gaano napuno ng mga paghihirap ang kasalukuyan niyang
buhay. Iniwan niya ang kanyang tahanang nagtataglay ng mga
alaala ng panahon ng kaligayahan. Inihanda ni achmad ang pag-
alis na dala ang kanyang lute at maglalakbay kung saan siya
ihahatid ng kanyang kapalaran. Hindi niya alam kung saan
nagpunta ang kanyang asawa ngunit hindi niya matitiis na tumigil
nang mag-isa sa tahanang kanilang pinanahanan nang matagal.
Hahangarin pa niyang magpalabuy-laboy kung saan siya
inuudyukan ng kanyang puso, at ang kanyang lute ang kanyang
kasama sa paglalakbay na iyon tungo sa walang katiyakang
wakas.
May makikitang naglalakbay, sa bayan-bayan at mga kanayunan, na
isang manunugtog ng lute, ang kanyang katawan ay pinahihirapan sa
maghapon, magdamag, ng init ng araw at ng buhos ng ulan. Ang ulo niya,
na nagtatanghal lamang ng isang imahen, ay patuloy na naaadornohan
ng abuhing buhok, marahil ay sindami ng mga hakbang na nagawa ng
kanyang mga paa mula nang iwan niya ang kanyang tahanan. Sa bawat
pamilihan sa mga nayon at mga bayan ay tinutugtog niya ang kanyang
lute, para siya’y mabuhay. Sa maraming taong nakakita sa manunugtog
ng lute, walang nakababatid sa kasaysayang kanyang iniwan; ni walang
sinumang nakaalam na ang manunugtog ng lute ay anak ng isang
mayamang mangangalakal na maaaring makabili sa lahat sa lahat ng ari-
arian ng mga taong nakatanaw kay achmad at nagmamasid sa kanyang
pagtatanghal nang may iba’t ibang reaksyon.
“Mahusay siyang tumugtog”, “Matamis ang kanyang tinig”. “Sawa na
akong makakita ng lahat ng mga musikerong ito sa mga kalye.
Iba’t iba ang mga sinasabi, ang iba’y pumupuri, ang iba’y nanlilibak,
ang iba’y naaawa, ngunit hindi iyon pinapansin ni achmad. Nasa
kalagayan siyang naghahanap. Wala siyang pakialam sa ibang tao.
Sa Tjikampek, isang tren ang huminto. May sigabo ng kaingayan sa
istasyon; may bumababa at may sumasakay na mga pasahero; ang mga
nagtitinda ay nagpapalakasan ng boses sa kanilang pag-aalok ng
kanilang mga tinda. Nasa isang sulok si achmad na tumutugtog ng lute.
Kung may magtapon sa kanya ng isang barya isisilid niya iyon sa
kanyang bulsa, at, muli babalikan ng kanyang mga daliri ang pagkalabit
sa mga kuwerdas ng kanyang lute.
Achmad, ano’ng ginagawa mo rito?” ang lider ng kanyang dating
grupo ay nakatayo sa kanyang harapan. “Bakit ayaw magbalik sa
Djakarta? Mas maraming saklaw ang iyong talino roon kaysa rito na isang
sulok ng istasyon ng tren.”
Pinagpayuhan siya at hinimok ng dating lider nila, at sa wakas,
pumayag na si achmad. “Oo, maihahatid ng radio ang aking mensahe,”
naisip miya.
At nagbalik si achmad para tumugtog at umawit sa harap ng
mikropono. Hindi nagtagal, ang kanyang pangalan ay higit na naging
tanyag. Ang pagtugtog na pinagbubuhusan ng kanyang buong puso ay
bumihag kaagad sa mga tao. Umani siya ng napakaraming tagahangang
naibigan ang paraan ng pagtugtog niya ng lute.
Ngunit walang kahulugan ang mga iyon kay achmad, pagkat
ang hangd niya ay ibigin siya ng isang taong kanyang iniibig.
Tumutugtog siya para sa isang tao lamang, para kay Selma, ang
dati niyang asawa, na ang larawan ay katabi ng kanyang lute na
patuloy na magbabantay sa kanyang kubo…
GAWAIN 1
Ibigay ang kahulugan, o tumbasan ng salita o parirala ang sumusunod.
Gamitin ito sa pangungusap batay sa binasang kuwento.
1. Namnamin ang tamis ng kanta
2. ibuhos ang laman ng puso
3. pagkamuhing nasangkapan ng pagkatakot
4. masidhing hangarin
5. kaligayahang lumukob sa tahanan
6. nagtulak para maligaw ng landas
7. pagtutog na pinagbuhusan ng puso
GAWAIN 2
Tukuyin kung saan-saang bilang ng mga talata ng
binasang kuwento matatagpuan o mahihiwatigan ang
tagpuan at panahon, pangunahing tauhan, tunggalian
o suliranin, at ang wakas. Banggitin ang mga ito.
GAWAIN 3
Mapaghahandaan: pagtatakda sa pagbasa ng mga piling tagpo. O
gumawa ng skrip para maitanghal ng ibat-ibang grupo.
1. Pagbasa o pagsasadula sa bahagi ng pagkabatid na ang pagsasama
ng mag-asawang achmad ay hindi magbubunga.
2. Pagbasa o pagsasadula ng namagitang pagtutunggali ng damdamin
ng mag amang achmad.
3. Pagbasa o pagsasadula ng mga tagpo ng paghihiwalay ni
Selma sa asawa, paghahanap ni achmad, at pagpigil sa
gagawing pag-aasawang muli ni Selma.
4. Pagbasa o pagsasadula ng huling tagpo-ang pagbabalik ni
achmad sa pagtugtog sa radio.
SINTESIS
Ang teorya o pananaw na romantisismo (Harkavey [ed.] 1965) ay
nagsimula bilang pagtutol sa kahigpitan at katigasan ng aral at gawaing
klasikal. Ibinabandila ng romantisismo ang kalayaan ng sarili o
pagsunod sa mga kakayahang katutubong hiwalay sa bait at pag-iisip.
Ang romantisismo ang pagpipilit ng alagad ng sining sa kanilang
karapatang gumawa ng anumang pagsubok sa paksa at sa kaanyuan
upang malikha ang tanging kagandahang pinipilit na magawa. Sa
ibabaw ng lahat, minamahalaga ng romantisista ang pamamalagi at
paglikha ng isang bukod-tanging kagandahan-isang kagandahang may
tatak na pantastiko o kagulat-gulat.
POST-TEST
A. PAGTALAKAY
1. Magbigay ng opinion, mula tatlo hanggang limang
pangungusap, kung naipakita sa binasang kuwento ang mga
katangian ng romantisismo, tulad ng pagpapahalaga sa
kagandahan, pagtakas sa katotohanan, pagkahilig sa damdamin
o emosyon, pagiging kaakit-akit ng naapi-na nagagawa sa tulong
ng guniguni. (Tukuyin ang mga bilang ng talata na maaaaring
katatagpuan sa mga ito.)
2. Ipaliwanag sa dalawa hanggang tatlong pangungusap kung paano
nakatulong ang mga tauhan at diyalogo para mapalitaw ang magandang
katangian ng pangunahing tauhan. Paano ilalarawan ang pagkatao ni
achmad? (Tukuyin ang mga particular na bahagi; banggitin ang mga
bilang ng talata na katatagpuan sa mga ito.)
3. Kung susulatin ito sa paningin ng realism o pagkamakatotohanan,
magmungkahi kung paano babaguhin ang desisyon ng pangunahing
tauhan. Paano wawawkasan ng isang realista ang kuwento?
4. Bumanggit ng kaisipan o kagandahang naituro ng binasang kuwento.
B. PAGSASANAY
Basahin ang sumusunod at bigyan ng puna (isang pangungusap), kung
paano ipinahihiwatig na kahulugan, kaisipan, o napuoukaw na damdamin
ng mga ito.
1. Habang tumutugtog ng lute. . . Ang mga mata ay tatanaw sa malayo,
naghahanap wari ng isang bagay. . . Lumalagos sa mga dingding ng
istudyo, na parang sinisikap na matakasan nang lubusan ang magatla
nang mukhang namutla. . .
2. Salapi lamang ang bukambibig ng kanyang ama; marahil habang iyon
ay kumakain, iniisip nito kung gaano karaming salapi ang kanyang nilulon,
at marahil, pati ang kanyang hininga ay nangangamoy-salapi.
3. Hindi niya alam, ngunit ang pagkalabit ng limang daliri sa lute ay
nakatangay sa kanya sa daigdig na hindi pa niya nararating.
4. Magsipag na mabuti at tutumbasan iyon ng katimbang na gantimpala
sa iyong pagsisikap.
5. Tumutugtog siya para sa isang tao lamang, para kay Selma, na ang
larawan ay katabi ng kanyang lute na patuloy na nagbabantay sa kanyang
kubo.
THANK YOU !!!

More Related Content

What's hot

Uhaw sa tigang na lupa
Uhaw sa tigang na lupaUhaw sa tigang na lupa
Uhaw sa tigang na lupa
DepEd
 
Sanaysay at talumpati.pptx
Sanaysay at talumpati.pptxSanaysay at talumpati.pptx
Sanaysay at talumpati.pptx
RhodalynBaluarte2
 
Karagatan
KaragatanKaragatan
Karagatan
Mark Baron
 
Panitikan lit1-report
Panitikan lit1-reportPanitikan lit1-report
Panitikan lit1-report
Charlie Agravante Jr.
 
pananaw na sikolohikal
pananaw na sikolohikalpananaw na sikolohikal
pananaw na sikolohikal
myrepearl
 
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonKaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonGilbert Joyosa
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Denni Domingo
 
Panahon ng Kastila
Panahon ng KastilaPanahon ng Kastila
Panahon ng Kastila
MiMitchy
 
mga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinomga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipino
solivioronalyn
 
Malayang Taludturan
Malayang TaludturanMalayang Taludturan
Malayang Taludturan
rosemelyn
 
Panitikan at rehiyon
Panitikan at rehiyonPanitikan at rehiyon
Panitikan at rehiyon
Kedamien Riley
 
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
MARYJEANBONGCATO
 
Isahan at Sabayang Pagbigkas
Isahan at Sabayang PagbigkasIsahan at Sabayang Pagbigkas
Isahan at Sabayang Pagbigkas
Angelique .
 
Awit
AwitAwit
Awit
sadyou99
 
TEORYANG DEKONSTRUKSYON
TEORYANG DEKONSTRUKSYONTEORYANG DEKONSTRUKSYON
TEORYANG DEKONSTRUKSYON
Allan Lloyd Martinez
 
Mga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng TayutayMga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng Tayutay
JustinJiYeon
 
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINOMGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
METRO MANILA COLLEGE
 
Teoryang pampanitikan
Teoryang pampanitikanTeoryang pampanitikan
Teoryang pampanitikanJM Ramiscal
 

What's hot (20)

Uhaw sa tigang na lupa
Uhaw sa tigang na lupaUhaw sa tigang na lupa
Uhaw sa tigang na lupa
 
Sanaysay at talumpati.pptx
Sanaysay at talumpati.pptxSanaysay at talumpati.pptx
Sanaysay at talumpati.pptx
 
Karagatan
KaragatanKaragatan
Karagatan
 
Panitikan lit1-report
Panitikan lit1-reportPanitikan lit1-report
Panitikan lit1-report
 
pananaw na sikolohikal
pananaw na sikolohikalpananaw na sikolohikal
pananaw na sikolohikal
 
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonKaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
 
Panahon ng Kastila
Panahon ng KastilaPanahon ng Kastila
Panahon ng Kastila
 
mga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinomga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipino
 
Malayang Taludturan
Malayang TaludturanMalayang Taludturan
Malayang Taludturan
 
Panitikan at rehiyon
Panitikan at rehiyonPanitikan at rehiyon
Panitikan at rehiyon
 
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
 
Isahan at Sabayang Pagbigkas
Isahan at Sabayang PagbigkasIsahan at Sabayang Pagbigkas
Isahan at Sabayang Pagbigkas
 
Awit
AwitAwit
Awit
 
TEORYANG DEKONSTRUKSYON
TEORYANG DEKONSTRUKSYONTEORYANG DEKONSTRUKSYON
TEORYANG DEKONSTRUKSYON
 
Mga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng TayutayMga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng Tayutay
 
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINOMGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
MGA KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG PILIPINO
 
Ako ang Daigdig
Ako ang DaigdigAko ang Daigdig
Ako ang Daigdig
 
1.UNANG BAHAGI
1.UNANG BAHAGI1.UNANG BAHAGI
1.UNANG BAHAGI
 
Teoryang pampanitikan
Teoryang pampanitikanTeoryang pampanitikan
Teoryang pampanitikan
 

Viewers also liked

Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ekModyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
dionesioable
 
ESP GRADE 10 LEARNER'S MODULE
ESP GRADE 10 LEARNER'S MODULEESP GRADE 10 LEARNER'S MODULE
ESP GRADE 10 LEARNER'S MODULE
PRINTDESK by Dan
 
Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo
Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang RomantisismoAng Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo
Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang RomantisismoYmara Margarita Yap
 
Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz
Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora CruzPagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz
Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz
Shaina Mavreen Villaroza
 
Ang maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikanAng maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikan
Kedamien Riley
 
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleK to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
Nico Granada
 
K to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners ModuleK to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners Module
Nico Granada
 
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTOHALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
asa net
 
Partial Quotients
Partial QuotientsPartial Quotients
Partial Quotients
guestb30cd4
 
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismoModyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
Allan Ortiz
 
Ang maikling kwento ng dalawang anghel
Ang maikling kwento ng dalawang anghelAng maikling kwento ng dalawang anghel
Ang maikling kwento ng dalawang anghel
Maria Romina Angustia
 
Saranggola ni Efren R. Abueg
Saranggola ni Efren R. AbuegSaranggola ni Efren R. Abueg
Saranggola ni Efren R. Abueg
Alex Jose
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
Mirasol Rocha
 
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikanPagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
kim desabelle
 
Ap esp
Ap espAp esp
Mga uri ng maikling
Mga uri ng maiklingMga uri ng maikling
Mga uri ng maikling
iaintcarlo
 
Memorandum filipino
Memorandum  filipinoMemorandum  filipino
Memorandum filipino
Cee Saliendrez
 

Viewers also liked (20)

Teoryang Pampanitikan
Teoryang PampanitikanTeoryang Pampanitikan
Teoryang Pampanitikan
 
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ekModyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
 
ESP GRADE 10 LEARNER'S MODULE
ESP GRADE 10 LEARNER'S MODULEESP GRADE 10 LEARNER'S MODULE
ESP GRADE 10 LEARNER'S MODULE
 
Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo
Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang RomantisismoAng Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo
Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo
 
Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz
Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora CruzPagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz
Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz
 
Ang maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikanAng maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikan
 
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleK to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
 
K to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners ModuleK to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners Module
 
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTOHALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
 
Partial Quotients
Partial QuotientsPartial Quotients
Partial Quotients
 
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismoModyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
 
Talaan Ng Nilalaman
Talaan Ng NilalamanTalaan Ng Nilalaman
Talaan Ng Nilalaman
 
Ang maikling kwento ng dalawang anghel
Ang maikling kwento ng dalawang anghelAng maikling kwento ng dalawang anghel
Ang maikling kwento ng dalawang anghel
 
Kwento ni mabuti
Kwento ni mabutiKwento ni mabuti
Kwento ni mabuti
 
Saranggola ni Efren R. Abueg
Saranggola ni Efren R. AbuegSaranggola ni Efren R. Abueg
Saranggola ni Efren R. Abueg
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
 
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikanPagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
 
Ap esp
Ap espAp esp
Ap esp
 
Mga uri ng maikling
Mga uri ng maiklingMga uri ng maikling
Mga uri ng maikling
 
Memorandum filipino
Memorandum  filipinoMemorandum  filipino
Memorandum filipino
 

Similar to Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

Ang pamana tula.pptx
Ang pamana tula.pptxAng pamana tula.pptx
Ang pamana tula.pptx
Noemz1
 
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docxMga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
RechelleIvyBabaylan2
 
Love of country (2)
Love of country (2)Love of country (2)
Love of country (2)charm0611
 
YUMAYAPOS-ANG-TAKIPSILIM.docx
YUMAYAPOS-ANG-TAKIPSILIM.docxYUMAYAPOS-ANG-TAKIPSILIM.docx
YUMAYAPOS-ANG-TAKIPSILIM.docx
NCCollegeofGeodeticE
 
angpamanatula g8 lesson 1 aned 2.pptx
angpamanatula g8 lesson 1 aned 2.pptxangpamanatula g8 lesson 1 aned 2.pptx
angpamanatula g8 lesson 1 aned 2.pptx
DenandSanbuenaventur
 
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
CleoAlagos
 
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
MichaelDaveMacaraeg
 
Isang Dipang Langit- Final
Isang Dipang Langit- FinalIsang Dipang Langit- Final
Isang Dipang Langit- Final
czareaquino
 
Aralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptxAralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptx
donna123374
 
Isang dipang-langitfinal-1232715874952185-1
Isang dipang-langitfinal-1232715874952185-1Isang dipang-langitfinal-1232715874952185-1
Isang dipang-langitfinal-1232715874952185-1Angelica Aala
 
Maikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang MarkahanMaikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang Markahan
KennethSalvador4
 
Sanaysay na mga guho
Sanaysay na mga guhoSanaysay na mga guho
Sanaysay na mga guhoIrene Yutuc
 
El Amor Patrio
El Amor PatrioEl Amor Patrio
El Amor Patrio
Shayne Galo
 
Ang Kuwintas.pdf
Ang Kuwintas.pdfAng Kuwintas.pdf
Ang Kuwintas.pdf
NeilAlcantaraMasangc
 
Ang Pagsusuri ng Likhang Tula - Efril Jane Tabios-Fil.414.pptx
Ang Pagsusuri ng Likhang Tula - Efril Jane Tabios-Fil.414.pptxAng Pagsusuri ng Likhang Tula - Efril Jane Tabios-Fil.414.pptx
Ang Pagsusuri ng Likhang Tula - Efril Jane Tabios-Fil.414.pptx
EfrilJaneTabios1
 

Similar to Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento (20)

Ang pamana tula.pptx
Ang pamana tula.pptxAng pamana tula.pptx
Ang pamana tula.pptx
 
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docxMga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
 
Love of country (2)
Love of country (2)Love of country (2)
Love of country (2)
 
YUMAYAPOS-ANG-TAKIPSILIM.docx
YUMAYAPOS-ANG-TAKIPSILIM.docxYUMAYAPOS-ANG-TAKIPSILIM.docx
YUMAYAPOS-ANG-TAKIPSILIM.docx
 
angpamanatula g8 lesson 1 aned 2.pptx
angpamanatula g8 lesson 1 aned 2.pptxangpamanatula g8 lesson 1 aned 2.pptx
angpamanatula g8 lesson 1 aned 2.pptx
 
project in AP
project in APproject in AP
project in AP
 
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
 
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
 
My First Slideshared :)
My First Slideshared :)My First Slideshared :)
My First Slideshared :)
 
Ang ama
Ang amaAng ama
Ang ama
 
Isang Dipang Langit- Final
Isang Dipang Langit- FinalIsang Dipang Langit- Final
Isang Dipang Langit- Final
 
Ang ama
Ang amaAng ama
Ang ama
 
Aralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptxAralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptx
 
Isang dipang-langitfinal-1232715874952185-1
Isang dipang-langitfinal-1232715874952185-1Isang dipang-langitfinal-1232715874952185-1
Isang dipang-langitfinal-1232715874952185-1
 
Maikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang MarkahanMaikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang Markahan
 
Sanaysay na mga guho
Sanaysay na mga guhoSanaysay na mga guho
Sanaysay na mga guho
 
El Amor Patrio
El Amor PatrioEl Amor Patrio
El Amor Patrio
 
Ang Kuwintas.pdf
Ang Kuwintas.pdfAng Kuwintas.pdf
Ang Kuwintas.pdf
 
Ang Pagsusuri ng Likhang Tula - Efril Jane Tabios-Fil.414.pptx
Ang Pagsusuri ng Likhang Tula - Efril Jane Tabios-Fil.414.pptxAng Pagsusuri ng Likhang Tula - Efril Jane Tabios-Fil.414.pptx
Ang Pagsusuri ng Likhang Tula - Efril Jane Tabios-Fil.414.pptx
 
Filipino ix
Filipino ixFilipino ix
Filipino ix
 

Recently uploaded

Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Bryan Ben Orcenado
 
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptxTHE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
Martin M Flynn
 
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
zairrah
 
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdfunang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
TeodoroRanque1
 
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPTNoli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
PrincessYsabelFornes
 
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
AilaSastre
 

Recently uploaded (6)

Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
 
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptxTHE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
 
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
 
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdfunang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
 
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPTNoli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
 
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
 

Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

  • 1. MODYUL 15 ANG ROMANTISISMO SA PAGTALAKAY NG MAIKLING KWENTO
  • 2. • Romantisismo isang akda na napipili at napatutunayan ang mga bahaging nagpapakita ng pagtakas sa katotohanan,nagtatanghal ng kabayanihan,at may paksang kasisinagan ng kagandahan.sa paningin ng romantisista,ang buhay ay kaakit-akit,kapana-panabik,at kahanga-hanga.May gandang nakikita ang manunulat na romantisista sa isang panahong tila malayo na.Mahilig ang romantisismo sa damdamin sa halip na pag-iisip.Ayon naman kay Harvey (1996),ang kahalagahan ng romantisismong pandamdamin,intwisyon,imahinasyon,at indibidwalismo,ay tumataliwas sa mga ideyal ng pagpipigil,katwiran,at kaayusang itinataguyod ng klasismo.
  • 3. PRE-TEST Basahin ang sumusunod na mga pangungusap at uriin kung nagpapahiwatig o hindi ng kagandahan. Bilugan ang bahaging nagpapahiwatig ng gayong palagay. 1. Sa kanyang bibig, nagkahugis agad ang matapat na ngiti. 2. Ang nakikita niya ay ang kulubot niyang mukha, ang tuyot niyang mga kamay. 3. Nadarama kong ang hangin ay nagiging sariwa tulad ng simoy sa mga unang oras ng umaga. 4. Sa kanyang mga mata, ang kislap ay waring naglalarong liwanag.
  • 4. 5. Para sa akin, ang restawrang iyon ay makipot na daigdig na walang tao. 6. Laglag ang kanyang manipis na balikat at ang tuyot niyang mga kamay ay nakabiting parang, sanga ng patay na kahoy. 7. Malungkot ang kanyang tinig nang sabihing nag-iisa na ito. 8. Naglalaro kami ng may tatlong-taong gulang na anak kong si nonoy sa aming maaliwalas na salas.
  • 5. ANG MANUNUGTOG NG LUTE SALIN NI PAULINA BERONILLA-BISA • Ang pangalan niya’y Achmad, at ang pangalang ito ay kilalang-kilala ngayon ng mga matatapat na tagapakinig sa radyo. Kapag sinabi ng anawnser na, “Mga kababayan, narito na si Achmad…,” ang mga tagahanga niya ay agad na hihinto sa anumang ginagawa nila para makinig sa kanya. Ang librong nakahatak sa kanyang mambabasa ay saglit na isasaisantabi, ang binuburdahang damit ay ipapatong ng babae sa kanyang kandungan, at sasandal sa kinauupuang silya, pagkat higit na mabuting namnamin ang tamis ng kantang pakikinggan niya kasabay ng pumipintig na puso.
  • 6. Kahit hindi pa niya nakikita ang taong iyon na labis na nakabighani sa kanya, naguguniguni niyang isa itong matipuno, may kakayahang kabataan, may taglay na kislap ang mga matang nakapag-uutos para sundin kaagad, nang may ngiting sinlamyos ng buwang kabilugan. Ngunit ang lahat ng ito’y mawawalan ng lahat ng kahulugan kay Achmad kung malalaman niya ito. Tinutugtog niya ang lute sapagkat ibig niyang makapaghatid ng isang bagay, sapagkat ibig niyang ibuhos ang laman ng kanyang puso, sapagkat ibig niyang ipabatid ang kanyang mga pag-asa.
  • 7. Habang kinakalabit niya ang mga kuwerdas ng kanyang lute, ang ulong may makapal, maitim, at kulot na buhok na tumubo hanggang sa kanyang mga taynga at naaadornohan ng mga nakasalit na abuhing buhok, ay gumagalaw sa ritmo ng kanta at ang mga mata ay tatanaw sa malayo, naghahanap wari ng isang bagay, na walang sinumang makapagsasabi kung ano, lumalagos pa sa mga dingding ng istudyo, na parang sinisikap na matakasan nang lubusan ang magatla nang mukhang namutla, na waring hindi nasikatan ng araw. Isa rin siyang pamilyar na anyo sa mga mamamayan sa isang lugar na kanyang tinitirahan. Hindi siya nakikihalubilo sa kanila, nakikita lamang nila si Achmad kapag ito’y umaalis at dumarating. Nag-iisa lamang si Achmad sa kanyang kubo, hindi pinakikialaman ng mga tao sa lugar na iyon, na, sila, sa kanilang panig ay hindi nagsikap na alamin ang iba pang bagay tungkol sa pagkatao ng mahiwagang taong ito.
  • 8. Ang alam lamang nila ay malimit nilang marinig na tumutugtog si Achmad ng lute, at nakasisiya, sa kanila ang kanyang pagtugtog at pagkanta kahit na hindi nasasagot ang mga katanungan tungkol sa manunugtog na nasa kanilang mga puso. Kapag may sinumang magtatanong sa mga kapitbahay kung nasaan ang bahay ni Achmad, ang sagot ay ganito. “Si Achmad, ang manunugtog ng lute,” at ituturo agad ang kanyang kubo. Iyon ang “pahingahan” ni Achmad-isa lamang maliit na kubo, malayo ang anyo sa kanyang katanyagan, at naglalaman lamang ng isang bangkong natatakpan ng banig na nagsisilbing tulungan at, sa dingding, ng larawan ng isang babae, at katabi nito ang kanyang lute na nakasabit na tila isang matapat na tagapangalaga.
  • 9. Minsan isang linggo ang tinig niya ay pumapailanlang sa himpapawid, minsan isang linggo ay pinasisigla niya ang libu-libong mga puso, minsan isang linggo ay nakikita siya ng kanyang mga kapitbahay na nililisan ang kanyang “pahingahan,” taglay ang katangi-tangi niyang paglakad, bitbit ang kanyang lute, at minsan isang linggo ay umaalis si Achmad, puno ng pag-asang ang alingawngaw ng kanyang puso ay maririnig ni Selma, ang kanyang dating asawa, saanman iyon naroroon… Isang mayamang mangangalakal ang ama ni achmad, labis ang kayamanan kaya ang tatlong magkakasunod na henerasyon ay makakapamuhay nang buong ginhawa at kaluwagan kahit hindi gumawa. Ibig ng ama ni achmad na maging isa ring mangangalakal ang anak, para mapalago pang lalo ang kanilang kayamanan at maipagpatuloy ang tradisyon ng kanilang pamilya. Naging mangangalakal na sila sa loob ng hindi mabibilang na henerasyon, at ibig ng amang maging walang katapusan ang tradisyon. Sapagkat sa pananaw ng ama, ang pangangalakal lamang ang pinakamahusay at pinakamarangal na gawain. Alam ito ni achmad at hindi maubos ang pagtatanong niya tungkol doon. Kinasusuklaman niya ang pangangalakal, kinamumuhian niya ang kanyang ama, na umiikot lamang ang buhay sa pangangalakal.
  • 10. Salapi, salapi…iyon ang kanyang ama. Salapi lamang ang bukambibig ng kanyang ama; marahil habang iyon ay kumakain, iniisip nito kung gaano karaming salapi ang kanyang nilululon; at marahil, pati ang kanyang hininga ay nangangamoy-salapi. Kapag ang kanyang ama’y sinuwerte sa pagkita ng maraming salapi, napakabait nito at walang anghel na makapapantay sa kanyang kabaitan, subalit kung ang kabaligtaran ang mangyari, mabuti pang iwasan ang kanyang nilalakaran. Ang pinakamaliit na paghingi ng paumanhin ay sapat na para ito’y magwala sa galit, at sa kalagayang ganito, higit pa siyang malupit kaysa pinakamalupit pang demonyo. Sa paglipas ng panahon, ang pagkamuhi ni achmad sa ama ay lumubha, isang pagkamuhing nasasangkapan ng pagkatakot.
  • 11. Kinamumuhian niya ang pananaw ng kanyang ama sa buhay, kinatatakutan naman niyang pilitin siyang sumunod sa kagustuhan nito. Paano niya mabubuo ang kanyang buhay sa paligid ng mga nakasalansang salapi, walang iniisip sa umaga, tanghali, at sa gabi kundi salapi,gayong ang kanyang puso ay nakahilig sa musika, ang likhang iyon ng tao na magpapatahimik sa naguguluhan niyang puso, na makapagpapaginhawa sa naguguluhang diwa ? Hindi kilala sa kanilang tahanan ang musika, kahit na may isang radyong sintaas niya na nakatrono sa kanilang sala. Paminsan-minsan lamang iyong napatutunog, para makinig ng mga balita, at hanggang doon na lamang. Bukod sa roon, walang makagagalaw sa radio kundi ang kanyang ama lamang sa takot na baka iyon masira. At hindi lamang bahay nila ang may radio, mayroon ding mga taong hindi nabubuhay na salapi lamang ang iniisip, mga taong nagpapahalaga sa mga kahanga-hangang bagay sa daigdig.
  • 12. Doon, napaliligaya si achmad ng nililikhang kasiningan, mga likhang para sa kanya ay higit na mahalaga, higit sa mga pag-aari ng kanyang ama. Higit sa lahat, ang musikang Arabian at ang lute na nagpapatugtog sa mga ito ang kinawilihan ni achmad. Hindi niya alam, ngunit ang pagkalabit ng limang daliri sa lute ay nakatatangay sa kanya sa isang daigdig na hindi pa niya naririnig. Nalimutan niya ang pagkamuhi at pagkatakot sa kanyang ama; ang salapi ng kanyang ama at ang kayamanan nito ay naglaho; hindi na niya inisip ang hangad ng kanyang amang siya’y maging mangangalakal. Siya’y magiging isang manunugtog ng lute. Ang hangarin ay biglang lumusog, napaukit agad iyon sa kanyang puso, hindi pinilit, hindi hiningi. Natutuhan ni achmad ang pagtugtog ng lute. Madaling mapabaluktot, mapalambot, ang kanyang mga daliri, dahil sa masidhi niyang hangarin, at hindi nagtagal ang mga daliring iyon ay nakatalun-talon na sa kabuuan ng
  • 13. lute na waring may namamagitang pagkakaunawaan sa mga dulo ng kanyang mga daliri at sa mga daliri at sa mga kuwerdas. Sumapi si achmad sa isang grupong tumutugtog ng lute sa radyo. Mahirap ilarawan ang katuwaan niya sa pagkakataong makayapak sa daigdig na itong dati’y lagi lamang niyang pinapangarap. Kung paanong ang iniisip ng kanyang ama ay salapi lamang mula umaga hanggang sa kinabukasan, gayundin si achmad na walang ginawa kundi tugtugin ang lute sa unang brodkast hanggang sa susunod. Nakaligtaan na niya ang paaralan at ang mga teksbuk nito sa mathematics, algebra, at iba pang bagay; at tungkol sa kalakal ng kanyang ama- maililibing na iyon, at wala siyang pakialam. Di nagtagal, nalaman ng ama ni achmad kung ano ang ginagawa ng anak. Wala nang kinakailangang diskusyon o mga pag-uusap; ang suwail na anak ay itinaboy at sinabihang hindi na ito kailanman makatutuntong sa pamamahay ng ama.
  • 14. Hindi natakot si achmad sapagkat ang kanyang buhay ay nakatuon sa kanyang lute. Kung ang mga kaluskos na ingay ng mga papel de bangko ng kanyang ama ay hindi makakapamumuhay na kapiling ang magandang tunog ng kanyang lute, walang magagawa tungkol doon. Hayaang tumira ang ama niya sa daigdig ng pangangalakal, habang siya ay mananatiling katabi ng kanyang lute. Dapat ipagmalaki ng isang ama ang pagkakaroon ng anak na buong tapang at walang tinag na gumawa ng mga sakripisyo para sa kanyang mga hangarin. Ngunit ang kabaligtaran ang nangyari, si achmad ay pinalayas na isinusumpa. Kayamanan at kaginhawahan ang naiwan, ang buhay sa malawak na daigdig ay nasimulan. Ang mga bagay na dati’y hindi niya napag-uukulan ng pansin ay naging malulubhang problema ngayon. Bawat paglalakbay tungo sa ideyal na hangarin ay nangangailangan ng mga pagpapakasakit.
  • 15. Ang grupo niya ay nagpatuloy sa pagtugtog at si achmad ay nagging tanyag. Nag-asawa si achmad, isa rin naman siyang karaniwang tao. Naging saksi ang mga kapitbahay sa kaligayahang lumukob sa tahanan ni achmad. Gabi-gabi, ang mahinang tunog ng lute sa likod ng mga dingding ay nakapagbibigay sa mga nakikinig ng sulyap na sa paraiso ng pag-ibig. Dumating ang panahong nawala na ang pagkagiliw ng mga tao sa buhay ni achmad, sa kanyang asawa, at sa kanyang lute. Maraming bagong bagay ang dumating, na nangailangan ng paghanga at pagtingin hanggang dumating ang sandaling maranasan ng mga ito ang kapalarang sinapit ni achmad. Bawat isa’y may kanyang pagkakataon; ang mga nasa gitna ng tanghalan ngayon ay makatatawa at makapagmamayabang sa paglakad, kaya lamang ay hindi sila dapat mag-isip ng kabiguan at pagkainggit kung sa pagtatagal ay kailangan na nilang isuko sa iba
  • 16. naman ang tanghalan. Nasundan ng mga araw ang mga gabi, at sa likuran ng mga dingding, nakakubli sa mga matang hindi kailangang makakita at mga tayngang hindi kailangang makarinig, si Selma, ang asawa ni achmad, ay nagreklamo. Pagkaraan ng dalawang taong pagsasama, hindi pa sila binibiyayaan ng isang anak. Anak! Isang mauunawaang hangarin ng isang babae. Alam ni achmad ang mga hangarin ng kanyang asawa, ngunit ano ang maaari niyang gawin? Ang diyos ang makapangyarihan sa lahat, at siya, si achmad, at isa lamang niyang kasangkapan. Isang manggagamot ang kinunsulta, nagsunog ng mga insenso, at naglakbay sila sa mga banal na lugar na ayon sa mga alamat ay nakapagbigay ng mabuting kapalaran sa mga nananalangin doon, ngunit ang lahat ay kabiguan.
  • 17. Umasa si achmad at nanalangin; ang kanyang asawa ay nagsimula nang magmukmok at magtiis. Ang mga bisig na nanabik sa pagkarga sa sanggol ay nawalan ng pasensiya; masasamang isipin ang naglaro sa isip niyon. Ang sisi ay ibinigay kay achmad at malimit na marami nang nasasabing hindi mabibigkas kung nasa kalagayang payapa ang isipan. Gayon talaga ang mga tao. Ang mga silakbo ng damdamin ay hindi madaling tutulan. Para bang ang mga iyon ay sinadyang likhain para maragdagan ang mga paghihirap ng sangkatauhan. Ang “silakbo” ay isang pangkaraniwang salita, hindi na naiiba sa hugis ng ibang salita. Gayunman ang silakbo ay isang damdaming makapagtutulak sa isang walang kakayahang pumigil o magpakalma ditto para mahulog sa isang balong puno ng pagsisisi at mga luha. Ang tao ay maraming katangian, gawi, at ugali. Nagsisilbing sandata ang mga ito para ihatid tayo sa ating mga hangarin o madala tayo sa kabiguan na lagi nating sinisikap na iwasan.
  • 18. Matiisin si achmad. Sinikap niyang amuin ang kanyang asawa, ngunit binigyang-kahulugan iyon ni Selma na pag-amin ng kasalanan at isang palatandaan ng kahinaan. Si Selma, ang kanyang asawa, hindi na mapagbigay, ay naghangad na makuha ang anumang hangarin sa anumang paraan. At ang kawalan ng pag-asa ang nagtulak sa babae para maligaw ng landas. Nang umalis si achmad para magtungo sa istasyon ng radyo, umalis din si Selma. Ang isa’y umalis para kumita ng isang dakot na bigas para sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng kanyang kakayahang tumugtog ng lute na ipinagkaloob sa kanya ng diyos; ang kabila’y umalis upang hanapin ang hindi niya makamit sa kanyang asawa na ipinagkaloob sa kanya ng diyos. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ni achmad ang kanyang asawa, isang gabi, na naglalakad na kasama ng ibang lalaki. Hindi siya kailanmang naghinala sa kanyang asawa.
  • 19. Ngunit ngayon … nagdilim ang kanyang paningin; sa kabutihang-palad ang kanyang pag-ibig sa asawa at ang kanyang matinong pag-iisip ang pumigil sa kanya para gumawa ng isang bagay na maaari niyang pagsisihan sa buong buhay niya. “hihintayin ko siya pag-uwi sa bahay at kakausapin ko nang maayos,” naisip ni achmad. Umiikot ang kanyang isipan; ang kanyang pananalig ay nasugatan nang malalim. Bakit ito nangyari sa kanya? Hindi niya kailanman tinalikuran ang tungkulin sa asawa bilang haligi ng tahanan, ni hindi niya inisip na pagtaksilan ang sinumpaan nang sila’y ikasal, ni hindi niya kinalimutan ang magpahayag ng pasasalamat sa diyos para sa kanyang masayang buhay. Nag-isip siya nang malalim at nag-apuhap ng mga kasagutan, tulad ng ginagawang pag-iisip nang malalim at pag-apuhap sa mga kasagutan ng maraming tao.
  • 20. Ang daigdig ay puno ng mga kasabihan, mga simulain, at mga kautusan. Maraming masisigasig at mga walang malay na tao ang nabubuhay sa patnubay ng mga ito… at sa huli’y makatatanggap lamang ng kalungkutan bilang gantimpala. “magsipag na mabuti at tutumbasan iyon ng katimbang na gantimpala sa iyong pagsisikap.” Nakabubusog na mensahe ito na isinisigaw ng mga ministro mula sa kanilang mga pulpito. At ang hamak na tao, puno ng pananalig, ay sumusunod, para matuklasan lamang na wala siyang tatanggapin. Hindi niya matatakasan ang pangingibabaw ng mga nasa itaas at ng mga makapangyarihan, na simula pa sa pagkabata ay walang nalaman kundi luho at susumpain pa nila ang diyos dahil sa naging luho ng kanilang buhay. Ano ang totoo, at ano ang ating gagawin? Hindi nagpakita ng anumang pagsisisi si Selma nang kausapin ito ni achmad. Ang tinanggap lamang ni achmad bilang kasagutan ay pagtngo ng ulo; ang bibig niya at ang kanyang puso ay walang pakialam sa sinabi ni achmad.
  • 21. Pagkaraan ng ilang linggo, lumubha pa ang sitwasyon hanggang sa puntong maging ang mga kaibigan ni achmad ay nagtatanong sa kanya kung bakit pinapayagan nito ang mga ikinikilos ng asawa. Umiyak si achmad sa harapan ng kanyang asawa, ipinakikiusap na talikuran ang kanyang maling landas. Ano’ng magagawa ko? Maghintay-hintay ka at huwag baguhin ang direksiyon ng ating buhay. Kahiya-hiyang malaman ng ibang tao ang tungkol dito,” Sa huli, walang mapagpilian kundi ang diborsyo. Mapagbigay ang puso ni achmad, sapagkat mahal na mahal niya ang kanyang asawa. Ngunit patuloy siyang umaasa na magbalik ang kanyang asawa. Dumating ang araw, gayunman, na mababalitaan ni achmad na mag-aasawang muli si Selma. Sa ilang pagkakataon, bago nangyari ito, ay hinimok pa niya ang asawang bumalik sa kanya, ngunit ang desisyon ay hindi na magbabago. At ngayon? Ang kanyang asawa ay magpapakasal na muli?
  • 22. Ang paghihintay ay talagang may hangganan; at sa araw ng pagpapakasal ng kanyang dating asawa, nagtungo si achmad sa tahanang pagdarausan ng seremonya nang may tiyak na layunin. Ang kasal ay hindi magaganap, kahit na ang kanyang mga kamay ay matigmak sa dugo ng dating asawa. Isang kapangyarihang higit na malakas sa anumang lakas ng tao ang humadlang para hindi maituloy ni achmad ang balak na bunga ng walang katuturang poot. Nalaman niya na ang kanyang dating asawa at ang bago nitong asawa ay nakaalis na. Kung sa anong kadahilanan ang kasal ay ginanap nang higit na maaga kaysa unang plano. Nagsimulang maglakad si achmad na ngayon ay walang tiyak na pupuntahan. Wala na siyang kasamang mahahatian niya ng kanyang kaligayahan at mga kapaitan ng daigdig.tinalikdan na siya; ngayon ang tangi na lamang niyang mapag-aaliwan ay ang kanyang lute.
  • 23. Ang pag-ibig ni achmad sa kanyang asawa ang nag-utos sa kanya para hanapin ang kanyang dating kabiyak. Ipakikita niya kung gaano niya kamahal ito, at ibig din niyang masaksihan nito kung gaano napuno ng mga paghihirap ang kasalukuyan niyang buhay. Iniwan niya ang kanyang tahanang nagtataglay ng mga alaala ng panahon ng kaligayahan. Inihanda ni achmad ang pag- alis na dala ang kanyang lute at maglalakbay kung saan siya ihahatid ng kanyang kapalaran. Hindi niya alam kung saan nagpunta ang kanyang asawa ngunit hindi niya matitiis na tumigil nang mag-isa sa tahanang kanilang pinanahanan nang matagal. Hahangarin pa niyang magpalabuy-laboy kung saan siya inuudyukan ng kanyang puso, at ang kanyang lute ang kanyang kasama sa paglalakbay na iyon tungo sa walang katiyakang wakas.
  • 24. May makikitang naglalakbay, sa bayan-bayan at mga kanayunan, na isang manunugtog ng lute, ang kanyang katawan ay pinahihirapan sa maghapon, magdamag, ng init ng araw at ng buhos ng ulan. Ang ulo niya, na nagtatanghal lamang ng isang imahen, ay patuloy na naaadornohan ng abuhing buhok, marahil ay sindami ng mga hakbang na nagawa ng kanyang mga paa mula nang iwan niya ang kanyang tahanan. Sa bawat pamilihan sa mga nayon at mga bayan ay tinutugtog niya ang kanyang lute, para siya’y mabuhay. Sa maraming taong nakakita sa manunugtog ng lute, walang nakababatid sa kasaysayang kanyang iniwan; ni walang sinumang nakaalam na ang manunugtog ng lute ay anak ng isang mayamang mangangalakal na maaaring makabili sa lahat sa lahat ng ari- arian ng mga taong nakatanaw kay achmad at nagmamasid sa kanyang pagtatanghal nang may iba’t ibang reaksyon.
  • 25. “Mahusay siyang tumugtog”, “Matamis ang kanyang tinig”. “Sawa na akong makakita ng lahat ng mga musikerong ito sa mga kalye. Iba’t iba ang mga sinasabi, ang iba’y pumupuri, ang iba’y nanlilibak, ang iba’y naaawa, ngunit hindi iyon pinapansin ni achmad. Nasa kalagayan siyang naghahanap. Wala siyang pakialam sa ibang tao. Sa Tjikampek, isang tren ang huminto. May sigabo ng kaingayan sa istasyon; may bumababa at may sumasakay na mga pasahero; ang mga nagtitinda ay nagpapalakasan ng boses sa kanilang pag-aalok ng kanilang mga tinda. Nasa isang sulok si achmad na tumutugtog ng lute. Kung may magtapon sa kanya ng isang barya isisilid niya iyon sa kanyang bulsa, at, muli babalikan ng kanyang mga daliri ang pagkalabit sa mga kuwerdas ng kanyang lute.
  • 26. Achmad, ano’ng ginagawa mo rito?” ang lider ng kanyang dating grupo ay nakatayo sa kanyang harapan. “Bakit ayaw magbalik sa Djakarta? Mas maraming saklaw ang iyong talino roon kaysa rito na isang sulok ng istasyon ng tren.” Pinagpayuhan siya at hinimok ng dating lider nila, at sa wakas, pumayag na si achmad. “Oo, maihahatid ng radio ang aking mensahe,” naisip miya. At nagbalik si achmad para tumugtog at umawit sa harap ng mikropono. Hindi nagtagal, ang kanyang pangalan ay higit na naging tanyag. Ang pagtugtog na pinagbubuhusan ng kanyang buong puso ay bumihag kaagad sa mga tao. Umani siya ng napakaraming tagahangang naibigan ang paraan ng pagtugtog niya ng lute.
  • 27. Ngunit walang kahulugan ang mga iyon kay achmad, pagkat ang hangd niya ay ibigin siya ng isang taong kanyang iniibig. Tumutugtog siya para sa isang tao lamang, para kay Selma, ang dati niyang asawa, na ang larawan ay katabi ng kanyang lute na patuloy na magbabantay sa kanyang kubo…
  • 28. GAWAIN 1 Ibigay ang kahulugan, o tumbasan ng salita o parirala ang sumusunod. Gamitin ito sa pangungusap batay sa binasang kuwento. 1. Namnamin ang tamis ng kanta 2. ibuhos ang laman ng puso 3. pagkamuhing nasangkapan ng pagkatakot
  • 29. 4. masidhing hangarin 5. kaligayahang lumukob sa tahanan 6. nagtulak para maligaw ng landas 7. pagtutog na pinagbuhusan ng puso
  • 30. GAWAIN 2 Tukuyin kung saan-saang bilang ng mga talata ng binasang kuwento matatagpuan o mahihiwatigan ang tagpuan at panahon, pangunahing tauhan, tunggalian o suliranin, at ang wakas. Banggitin ang mga ito.
  • 31. GAWAIN 3 Mapaghahandaan: pagtatakda sa pagbasa ng mga piling tagpo. O gumawa ng skrip para maitanghal ng ibat-ibang grupo. 1. Pagbasa o pagsasadula sa bahagi ng pagkabatid na ang pagsasama ng mag-asawang achmad ay hindi magbubunga. 2. Pagbasa o pagsasadula ng namagitang pagtutunggali ng damdamin ng mag amang achmad.
  • 32. 3. Pagbasa o pagsasadula ng mga tagpo ng paghihiwalay ni Selma sa asawa, paghahanap ni achmad, at pagpigil sa gagawing pag-aasawang muli ni Selma. 4. Pagbasa o pagsasadula ng huling tagpo-ang pagbabalik ni achmad sa pagtugtog sa radio.
  • 33. SINTESIS Ang teorya o pananaw na romantisismo (Harkavey [ed.] 1965) ay nagsimula bilang pagtutol sa kahigpitan at katigasan ng aral at gawaing klasikal. Ibinabandila ng romantisismo ang kalayaan ng sarili o pagsunod sa mga kakayahang katutubong hiwalay sa bait at pag-iisip. Ang romantisismo ang pagpipilit ng alagad ng sining sa kanilang karapatang gumawa ng anumang pagsubok sa paksa at sa kaanyuan upang malikha ang tanging kagandahang pinipilit na magawa. Sa ibabaw ng lahat, minamahalaga ng romantisista ang pamamalagi at paglikha ng isang bukod-tanging kagandahan-isang kagandahang may tatak na pantastiko o kagulat-gulat.
  • 34. POST-TEST A. PAGTALAKAY 1. Magbigay ng opinion, mula tatlo hanggang limang pangungusap, kung naipakita sa binasang kuwento ang mga katangian ng romantisismo, tulad ng pagpapahalaga sa kagandahan, pagtakas sa katotohanan, pagkahilig sa damdamin o emosyon, pagiging kaakit-akit ng naapi-na nagagawa sa tulong ng guniguni. (Tukuyin ang mga bilang ng talata na maaaaring katatagpuan sa mga ito.)
  • 35. 2. Ipaliwanag sa dalawa hanggang tatlong pangungusap kung paano nakatulong ang mga tauhan at diyalogo para mapalitaw ang magandang katangian ng pangunahing tauhan. Paano ilalarawan ang pagkatao ni achmad? (Tukuyin ang mga particular na bahagi; banggitin ang mga bilang ng talata na katatagpuan sa mga ito.) 3. Kung susulatin ito sa paningin ng realism o pagkamakatotohanan, magmungkahi kung paano babaguhin ang desisyon ng pangunahing tauhan. Paano wawawkasan ng isang realista ang kuwento? 4. Bumanggit ng kaisipan o kagandahang naituro ng binasang kuwento.
  • 36. B. PAGSASANAY Basahin ang sumusunod at bigyan ng puna (isang pangungusap), kung paano ipinahihiwatig na kahulugan, kaisipan, o napuoukaw na damdamin ng mga ito. 1. Habang tumutugtog ng lute. . . Ang mga mata ay tatanaw sa malayo, naghahanap wari ng isang bagay. . . Lumalagos sa mga dingding ng istudyo, na parang sinisikap na matakasan nang lubusan ang magatla nang mukhang namutla. . .
  • 37. 2. Salapi lamang ang bukambibig ng kanyang ama; marahil habang iyon ay kumakain, iniisip nito kung gaano karaming salapi ang kanyang nilulon, at marahil, pati ang kanyang hininga ay nangangamoy-salapi. 3. Hindi niya alam, ngunit ang pagkalabit ng limang daliri sa lute ay nakatangay sa kanya sa daigdig na hindi pa niya nararating. 4. Magsipag na mabuti at tutumbasan iyon ng katimbang na gantimpala sa iyong pagsisikap. 5. Tumutugtog siya para sa isang tao lamang, para kay Selma, na ang larawan ay katabi ng kanyang lute na patuloy na nagbabantay sa kanyang kubo.