Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Epiko ni Bidasari. Dito din matatagpuan ang kahulugan, mga uri at mga gawain patungkol sa paksang Pang-Abay
Credits to the one who made the talasalitaan. I just borrowed.
But the rest, I was the one who made it. Thanks for reading!
Sincerely,
MRS. ANNA MIE M. ARNADO
(Canduman NHS, Mandaue City, Cebu)
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Epiko ni Bidasari. Dito din matatagpuan ang kahulugan, mga uri at mga gawain patungkol sa paksang Pang-Abay
Credits to the one who made the talasalitaan. I just borrowed.
But the rest, I was the one who made it. Thanks for reading!
Sincerely,
MRS. ANNA MIE M. ARNADO
(Canduman NHS, Mandaue City, Cebu)
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Mga Akdang lumaganap bago dumating ang mga Espanyol. Dito din matatagpuan ang ilang halimbawa ng mga Matalinghagang Pahayag.
Nawa'y mayroong maitulong sa inyo ang presentasyon na ito. Maaaring makakita kayo ng ilang pagkakamali magkagayon man alam kong ito'y makakatulong pa rin sa inyo. Salamat!
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Mga Akdang lumaganap bago dumating ang mga Espanyol. Dito din matatagpuan ang ilang halimbawa ng mga Matalinghagang Pahayag.
Nawa'y mayroong maitulong sa inyo ang presentasyon na ito. Maaaring makakita kayo ng ilang pagkakamali magkagayon man alam kong ito'y makakatulong pa rin sa inyo. Salamat!
1. YUMAYAPOS ANG TAKIPSILIM
Genoveva Edroza-Matute
Kay Lydia niya unang narinig ang balita.
"La," ang sabi ni Lydia na kumandong sa kanya at pinagdaop ang mga palad sa kanyang batok "aalis ka na nga ba rito, ha, La?"
"Aalis ako? Abá, saan akó pupunta?" ang tanong niyang may kahalong tawa. "Di na nga 'ko makakilos e-diyantreng rayuma 'to! Aalis
pa ko?
"Ayan! Ayan!" Tuwang-tuwa si Lydia. Inalis ang pagkakadaop ng mga palad sa batok ng Lola at pumalakpak. "Sabi na nga ba, di ka
pupunta kina Odet!
Ang tawang nagpalabas sa mga gilagid na wala nang ngipin ay unti-unting natikom, kasabay nang panliliit ng mga mata-mga matang
umaaninag sa mukha ng apo. "Batang ire, kung saan-saan kinukuha ang pinagsasabi. Saan mo ba
nahagilap iyan? Pa'no ko pupunta kina Odet-ni hindi ko alam kung saan nakatira iyon? Dadalawang beses kong nakikita sa kukung
gano na katagal na panahon!"
Ngunit hindi na nakikinig sa kanya si Lydia. Ito'y matuling bumaba buhat sa kanyang kandungan sa unang ingit ng pinto na
nagpasungaw sa magandang ina nito
"Lydia," ang tawag ng magandang si Carmen. Ang tinig na dumating sa pakinig ng Lola ay hindi marahas, hindi galit Malamig.
Malamig, Ang magandang si Carmen ay aral sa koleluyo. Kailanma'y hindi niya narinig ang tinig nitong naging marahas, ni galit.
Malamig lamang Malamig. Si Lydia ay mabilis na lumabas sa kusina Sumunod ang ina nito. Mula sa
upuang may-pagulong ay tinanaw ng matanda ang mag-ina. Sinasabong mabuti ng magandang si Carmen ang mga bisig at kamay ni
Lydia
Sa kanyang panganay niya narinig na muli ang balita. "Inay," ang marahang sabi ni Ramon, "gustong-gusto kayong makuha ni Rey-
sabik na sabik daw sa lola ang anak niyang si Odet. Kung isipin nga naman, halos hindi kayo nakikilala ng mga apo ninyo sa anak
niyong bunso. May marahang tawang walang-taginting ang kasabay ng sinabing iyon ni Ramon "Sabi ko nga'y hindi kami papayag ni
Carmen na makuha kayo ng kapatid kong iyon, pero Ba ayoko ron. Sabi mo nga, ni hindi kami halos nagkakakilala ng mga apó ko-
maski manugang ko-kay Rey
"Pero," ang patuloy ni Ramon, "baka naman magdamdam si Rey Sabi ko na la'ng, payag kami ni Carmen na magbakasyon kayo roon."
Mailap ang mga paningin ni Ramon. Umiwas sa kulu-kulubot, na mukhang nakataas sa kanya, sa mga nanlalabong matang
umaaninag sakanya
"Magbabakasyon akó sa bahay ng aking bunso?" Buong kupad na gumapang sa kanyang isipan ang narinig na iyon sa kanyang
panganay Hinaplos haplos ng butuhan niyang kamay ang buhok niyang simputi ng pilak Bakasyon nga ba ang sinabi ng aking
panganay? Kina Rey? Saan nga ba nakatira ang aking bunso? Ano nga ba ang pangalan ng napangasawa niya? Si Odet ay apó ko yata
sa aking bunsong anak. Hindi ko maalala ang mukha. A, iba si Lydia. Kilala ko si Lydia. Bunso ng aking panganay Maganda ang
kanyang ina Sinasabong mabuti ang mga kamay ni Lydia. Bakit kaya? Talaga bang dadalawa ang aking mga anak? Matagal nang
namamatay ang kanilang ama.
"Inay, nakikinig ba kayo?" Nangibabaw ang tinig ni Ramon sa sali- salimuot na isipang buong kupad na gumagapang sa kanyang utak.
Bakit ba padalas nang padalas na nagsasali-salimuot nang gayon ang iba't ibang isipan sa kanyang ulo? Noong bata-bala pa siya: Kung
mauna ako sa iyo'y huwag mong gaanong damdamin-may dalawa ka namang anak
Mabigat ang kamay na pumatong sa kanyang balikat. "Napag-usapan na namin ni Carmen ang bagay na ito, Inay Nagkasundo kami-na
pagbigyan ang gusto ni Rey"
Ngayon ay humiliwanag nang bahagya ang kanyang isipan. Magbabakasyon ba 'ka mo ako kina Rey? Hinagilap ng nanlalabo niyang
paningin ang mukhang kangina'y nakatunghay sa kanya, ngunit nag-usa na siya Luminga linga siya. Talagang nag-isa na siya.
l'inagulong niya ang kanyang upuan hanggang sa may pinto. Pinihit niya ang hawakan Hindi natinag ang pinto. Nanatili sa
pagkakapinid
Sa kabila ng nakapinid na pinto 'y naulinigan niya ang tinig ni Ramon Malakas. Ngunit hindi malinaw ang mga salitang hinahadlangan
ng makapal na pinto. Naulinigan niyang bahagyang bahagya ang tinig ni Carmen. Marahan Hindi galit Malamig Naglagos sa pinud na
pinto ang kalamigan ng tinig niyon.
Inantok siya sa pakikinig sa mga tinig na iyon. Bakit ba padalas nang padalas ang pag-aantok niya kahit na araw? Sindalas ng
pagsasali-salimuot ng iba't ibang isipan sa kanyang utak na pabagal nang pabagal sa pag- unawa sa anumang sabihin sa kanya ni
Ramon. Ni Lydia. Ng mga kapatid nito. Ng mga utusan. Matagal na siyang hindi kinakausap ng magandang si Carmen.
Kaalinsabay ng pag-aantok niya ang pagsasali-salimuot ng iba't ibang isipan. Isipan nga ba o alaala? Alaala nga ba o guniguni?
Dadalawa naman ang ating anak. Ang tinig ay humahakdaw sa maraming taon. Nagbabalik sa kanya sa buong kabaitan niyon. Sa
buong pagmamahal niyon. Napagtapos na natin silang dalawa ng karera. Makapagsisimula na sila sa tulong ng kanilang sariling
pagsisikap. Tayo naman ay maglibot-libot-hanggang Mindanaw man lamang hanggang llokos. Makita man lamang natin ang sariling
bayan bago tayo mamatay. Taong ito, pasasaan ba't hindi natin magagatoa iyan alam mong gustong gusto ko iyan. Ngunit kailangan
pa nila tayo.
2. Aba, masama naman yatang ibigay na natin sa kanila ang lahat ng kanilang kailangan-ubusin nang lahat sa kanila ang natitira pa sa
kaunti nating natipon. Abi, baki naman maging masyadong makasarili ang mga iyan. Ang tinig na iyon. sa buong kabaitan niyon, sa
buong pagmamahal niyon, ay ginapangan ng manipis na ulap ng pag-aalinlangan. Ngunit ito'y mabilis na pinawi ng nakasisilaw na
liwanag ng kanyang pananalig..
Taong ito, ang dalawa kong bunso, maging makasarili? Hindi mo nga pala silá nakikilala-gaya ng pagkakilala ko!
Una muna si Ramon. Malaking bahagi ng kanilang tinipon ang nagpatayo ng isang bupete para rito Kagaraang umakit ng magagarang
kliyente, ng mga usapin ng maseselang damdamin ng maseselang tao na naghatid ng tagumpay, ng kolehiyala't magandang si Carmen
Sumunod si Rey. Ang nalalabi pa sa kanilang tinipon ang nag-akyat kay Rey sa lipunang kinatagpuan sa isang tagapagmanang taga-
Timog
Kinabukasan ng kasalan, ang tinig na iyo'y nagbalik sa katahimikang pinagmulan Isang sakuna ang sumakmal at kumitil nang
panghabang- panahon, sa tinig na iyon at sa marupok na pangarap ng dapithapon ng buhay.
"Huwag na kayong umiyak, Inay Iyon ay tinig ni Ramon "Sa amin kayo titira. Mabait si Carmen, at malapit na kayong magkaapo."
Apó? Mga apó? Mararahang yabag, mga yabag na di-nakatitiyak sa pangangabay, mabibilis na paa sa pagtakbo, matitinis na tinig
"Ang bola ko! -----it!" Saglit na katahimikang sumabog sa matinis na sigaw ng maraming tinig. Ano iyon? Tuminag ang lola sa
upuang may-pagulong, sa saglit ng
kanyang pagkakalimot. O pagkakatulog? O pangangarap? Lumalapit sa kanya si Tinay, ang utusan. May tangang kutsarita ng gamot at
isang basong tubig. "Lula, mag-inum na ikaw sa gamut-para d'yan sa imu na balat. U. mag-inum ikaw agad sa tubig-masyadu nang
mapait n'yan, anu?" Sinipat ni Tinay ang namamalikaskas na balát sa mga bisig ng matanda. "Pur bida, baka magi na matanda sa akon,
gan'yan din sang balat ku? Tumawa si Tinay. Ngunit bago iyon lumabas ay kinuwentuhan muna siya. "Lula, magdating na naman sang
Mistir at Misis Valli." "Sino?"
"Sang Misis, yung kumadri sang Niyura Carmin- 'yung magsabi, pag magkita sa imu, parang magkita rin sang nanay n'yang mamatay.
Magsabi pa nga magsuwirti sang Lydia, mi lula-sang anak n'ya, ala..”
“A, iyon ba?"
Lumabas si Tinay, dala ang kutsarita at ang basong wala nang laman.. Ipininid na muli ang pinto. Buhat sa kabilang silid ay wala na
ang taginting ng malakas na tinig ni Ramon. Wala na ang malamig na tinig ni Carmen UMAAMBUN-AMBON NANG HAPONG
pumasok sa malaki't lumalangitngit na pinto sa harap ang awto ni Rey. Si Tinay, ang utusan, ang nagsabi sa kanya kung sino ang
dumating
"Sang lula naman ang natawang sabi ni Tinay "Sinu gid bisita ang
magtanung sa imu? Sang Mistir Riy 'yun a! Imu na anak, di mu man kilala? Pur bida!" Muling tumawa si Tinay
May kung anong biglang umawit sa kalooban ng matanda. Sumayaw Nagningning Inaninag ng kanyang mga nanlalabong paningin
ang matangkad at matipunong katawang tuloy-tuloy sa salas Banaag ng araw na nagdaan sa kanyang pangmalas ang mukhang yaong
kapilas ng sa amang nag-alala nang gayon na lamang sa kanya-kung sakali't mauna iyong angkinin ng kamatayan.
Simbilis ng alaala ang pagpapagulong niya ng upuan, patungo sa pinasukan ng kanyang bunso. Alaala ng tinig na iyong mabait at
mapagmahal: Hu, the ba naman, mas mahal mo ang bunso mong iyan kaysa panganay. At ang tinig niya sa pagsagot: Taong ito-gaya
mo ba may paborito? Kung hindi pa halatang halata ang pagkiling mo sa panganay mong yan!
Ang tinig niya ngayo'y humahakdaw sa kalawakan, sa buhay at kamatayan, at ngayo'y sinasabi niya sa ama ng magkapatid: Nakita mo
na-wala kang dapat ipangamba, mauna ka man sa akin. Kukunin na ako ngayon ng ating bunso. Isasama ako sa bahay nila sa Timog.
Taong ito-nag-aalala nang walang dahilan.
Talagang itutuloy niya ang pagpapagulong ng upuan hanggang sa pinasukan ng kanyang bunso. Sabik na sabik ang butuhan niyang
mga kamay na makasalat sa mukhang iyong kapilas ng sa kanyang kabiyak ang nanlalabo niyang paningin na umaninag sa kabuoan
niyong kinalong kalong sa bata niyang dibdib noong araw,
Sa may-pinto'y ipinatda siya ng malalakas na tinig ng kanyang panganay at ng kanyang bunso. Nahinto ang paggulong ng kanyang
upuan, kasabay ng pagtigil ng pag-inog ng kanyang daigdig "Habang panahon yatang kami ang nagpasan diyan Ngayon namang
ikaw ang dapat, marami ka riyang idinadahilan."
"A, ngayong hindi na ni yo pinakikinabangan, ano? Saká sinabi ko na sa iyo, magra-round-the-world kami, paano?"
Sumunod ang tinig ng magandang si Carmen Malamig na tinig na hindi niya maunawaan ang sinasabi. Malamig na tinig na nanuot
nang malalim sa kanyang mga buto.
Sinlamig ng patak ng ambong kumupkop sa kanya sa marahang paggulong ng kanyang upuan sa terraza Sinlamig ng takipsilim na
yumapos sa butuhan niyang katawan
Si Tinay, ang utusan, ang nakatagpo sa kanya sa terraza. "Naku, sang matanda na ari-bakit magbasa ikaw sang ulan? Halika
sang luub. Anu nang ibulung sa imu-Misis Valli, Misis Valli, Misis Valli. Naku, siguru mag-ulian nang talaga sang Lula, Halika sang
luub"
Ga-daigdig ang kaamuan, ang kahabagan sa tinig ni Tinay- ang utusan.