KAY ESTELLA ZEEHANDELAA 
Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo Mula sa Mga Liham ng Isang Prinsesang Javanese 
Japara, Mayo 25, 1899 
Ibig na ibig kong makilala ng isang “babaeng moderno” iyong babaeng malaya, nakapagmamalaki’t makaakit 
ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla’t maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at 
sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kundi maging ang kabutihan ng buong 
sangkatauhan. 
Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa puso’t isip ko’y hindi ako 
nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae na tumatanaw sa 
malayong kanluran. 
Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang 
sarili sa mga nagtratrabaho;t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit nakatali ako sa mga lumang 
tradisyong hindi maaaring suwayin. Balang araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan, ngunit lubhang 
malayo pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat 
na hebenerasyon. Alam mo ba kung paano mahalin ang bago at batang panahong ito ng buong puso’t 
kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon ng sariling bayan. Tuwirang sumasalungat 
sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang lahat ng mga institusyon naming. Wala akong 
iniisip gabi’t araw kindi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga lumang tradisyon naming. Alam kong 
para sa aking sarili’y magagawa king iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na 
matibay pa sa alinmang lumanag tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na inuukol ko sa mga 
pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba 
akong was akin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga taong 
nag-alaga sa akin ng buong pagsuyo? 
Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at bagong-silang na Europe ay 
nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa ako’y 
may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang “emansipasyon”; may isang naiibang kabuluhan ito, isang 
kahulugang hindi maaabot ng aking pang-unawa. Gumigising ito para sa hangarin ang pagsasarili at kalayaan-isang 
paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso ko’y sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa 
akin at sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan. 
Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot sa akin, at sa kasiyahan ng ilang 
nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala ntio ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat, 
sukmibol hanggang sa lumakas at sumigla. 
Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo. 
Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara. Ako’y may anim na kapatid na lalki at babae. 
Ang lolo kong si Pangeran Ario Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong 
kapanahunan niya. Siya rin ang kaunaunahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng pinto para sa mga 
panauhin mula sa ibayong dagat-ang sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak niya’y may edukasyong 
European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay umiibig o umibig sa kanlurang minana sa 
kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga anak nila ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo. 
Karamihan sa mga pinsan ko’t nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger School, sng 
pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan ditto sa India. Ang bunso sa tatlong nakatatandang 
kapatid kong lalaki’y tatlong taon na ngayong nag-aaral sa Netherlands at naglilingkod din naman doon bilang
sundalo ang dalawa pa. Samantala, kaming mga babae’y bahagya nang magkaroon ng pagkakataong 
makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan n gaming lumang tradisyon at kumbensyon. Labag sa aming 
kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalo’t kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa 
eskwela. Ipinagbabawal n gaming kaugalian na lumabas man lamang ng bahay ang babae. Hindi kami 
pinapayagang pumunta saan man, liban lamang kung sa paaralan, at ang tanginglugar na pagtuturong 
maipagmamalaki ng syudad naming na bukas sa mga babae ay ang libreng grammar school ng mga 
European. 
Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taonng gulang, ako ay itinali sa bahay-kinailangang “ikahon” ako. 
Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-uganayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong hindi ko 
na makikita marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang di -kilalang lalaking 
pinili ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko namamalayan. Noong banding huli, 
nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko 
para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang 
mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng 
makapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas. 
Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang naiwan sa aki’y pagbabasa ng 
mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito-ito lamang 
ang nagiisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na panahong iyon, na kung inalis pa sa akin ay 
lalo nang nagging kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay ko’t 
kaluluwa. Subalit dumating ang kaibigan ko’t tagapagligtas-ang Diwa ng panahon; umalingawngaw sa lahat ng 
dako ang mga yabag niya. Nayanig sa paglapit niya ang palalo’t matatag na balangkas ng mga lumang 
tradisyon. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba nama’y pilit at bahagya 
lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-inanyayahang panauhin. 
Sa wakes, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglabing-anim na taon. Salamat sa Diyos! 
Malalabasan ko ang aking kulungan nang Malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis 
pang sumunod ang mga pangyayari nagpabalik sa aming mga babae ng mga nawala naming kalayaan. 
Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang Prinsesa (bilang Reyna Wilhemina ng 
Netherland), “opisyal” na inihandog sa amin ng mga magulang naming an gaming kalayaan. Sa kauna-unahang 
pagkakataon sa aming buhay, pinyagan kaming umalis sa bayan naming at pumunta sa siyudad na 
pinadarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakila tagumpay iyon! Ang maipakita ng mga 
kabataang babaeng tulang naming ang sarili sa labas, na imposibleng mangyari noon. Nasindak ang “mundo” 
nagging usap-usapan ang “krimeng” iyon na dito’y wala pang nakagagawa. Nagsaya an gaming mga kaibigang 
European, at para naman sa amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako nasisiyahan. 
LAgi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring makapamista, o malibang. Hindi 
iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo ng mag-isa, 
mag-aral, hindia para mapailalim sa sinuman, at higit sa lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan. 
Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang 
magagawa ng isang babaeng Muslim. Ito ang pinakamalaking maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa 
kanyang pamilya. 
At ang pag-aasawa para sa amin-mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At paano nga ba 
hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at 
hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa kanya lang?
Ang dekonstruksyon ay isang uri ng teoryang pampanitikan kung saan ang karaniwang istraktura ng 
kwento ay hindi sinusunod. Natural nitong pinaadadaloy ang kamalayan at kaisipan ng tao at gayon 
din ang mga pangyayari sa kanyang paligid. Pinapaksa nito ang mga pangyayaring hindi karaniwang 
pinag-uusapan. Lumilikha ito ng serye ng mga pangyayaring magkakaugnay subalit winawakasan 
naman ng mga hindi sukat akalaing pangyayari. Salungat ito sa mga nakagawiang siklo na 
nakakahon. Halimbawa, lagi nang ang bida ang mabuti at nangingibabaw sa wakas at ang kontrabida 
ay malakas subalit natatalo sa bandang huli. 
Sa dekonstruksyong pananaw, binibigyang-pansin ng mga nais sabihin ng akda batay sa relasyon ng 
tao sa kanyang lipunan. Natutukoy ang mga bahagi ng akda na nagpapahiwatig ng impluwensya ng 
pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa at sa kahihinatnan nito. 
KESA AT MORITO... 
Si morito at si kesa ay matagal na mag kakilala at nag iibigan. 
sapagkat si kesa ay isang klaseng babae na talagang bagay na bagay 
kay morito dahil sa kanilang pagkakatulad . pero isang pangyayari ang naganap 
sa dalawa ng isinama si morito ng kanyang ama sa estados unidos upang doon 
pag aralin.dahil doon ay naiiwang nag iisa si kesa. 
lubhang ikinalungkot ni kesa ang pag alis ni morito. 
kaya naman ay nagkaroon si wataru ng pagkakataon na paibigin si kesa. 
dahil nga sa pagibig nya rito ay nag aral pa sya ng paggawa ng tula. 
At di naman nagtagal ay na pa ibig nya rin si kesa.pero sa totoo ay 
ang laman parin ng puso ni kesa ay para kay morito pa rin. 
ilang taon pa ang nakalipas nang magbalik si morito. 
dumiretso agad ito sa kanyang tiyahin na si Komorogawa.Muling nagkita ang dalwa sa bahay ni 
komorogawa nagkoroon ng pagkakataon na muling maka-usap niya si kesa. SAtulay ng watanabe 
niyang naka-usap ng ganap si kesa di niya kasama si wataru at ng araw na ring iyon ay isinama siya 
ni kesa sa kanilang bahay. wala pa noon si wataru sa mga oras n iyon. Nagtalik ang dalwa at iniutos ni 
morito na patayin nila si wataru, nagulat n lamang ito ng sumang-ayon si kesa. Nandiri siya at dito 
lamang niya nakilala ang tunay na ugali ni kesa. Npagkasunduan nila na si morito ay darating sa 
bahay n iyon sa pag lubog ng araw at siguraduhin n si wataru lamang ang nasa loob ng kwarto. 
Dumilim na ang paligid nagsimula na kesa at pinaghandaan ang mga binabalak para sa pag patay kay 
wataru. Sa mga oras n iyon lamang niya napagtanto na mali ang kanilang binabalak at dapat pa 
ngang siya ang mamatay dahil sa pag nagawang kataksilan nito sa kanyang asawa na si wataru. 
Narinig n niaya ang mga yapak ng paa ni morito. Pinatay niya ang lampara at nahiga sa higaan. 
Pagkalaoy dumating na si morito at ingat na ingat sa mga kilos. Snaksak niya ito ngunit ang hindi 
niiya alam ay si kesa ang taong naroon sa mga sandaling iyon at aksidenteng napatay niya si kesa. 
ENDING: 
Ang naging ending ng kwentong kesa at morito ay pinatay talaga ni kesa ang kanyang sarili bago pa 
man tuluyang makapasok si morito. 
PAANO NAPATUNAYAN? 
pagpatay ng ilawan- pagpatay sa sarili 
maputlang sinag ng araw- pagdanak ng dugo 
ang teoryang feminismo ay tumutukoy sa prinsipiyo o paniniwalang dapat maging pantay ang mga babae 
at mga lalaki sa pagtamasa ng mga karapatang sosyal, ekonomiko, at politikal. Bilang isang teoryang 
pampanitikan, layunin nito ang maunawaan ang di pagpakapantay-pantay ng mga lalaki at mga babae. 
AANHIN NINO ‘YAN?
Vilas ManwatSalin ni Luwalhati Bautista(Akdang tinalakay ni Mr. Galcoso C. Alburo sa Pagsusuring 
Pampanitikan) 
Si Nai phan ay isa sa mga sikat sa kapit-bahayan. Hindi dahil isa siyang 
mananayaw na ang paa‟y singgaan ng saboy ng 
bituin; hindi rin dahilginawa niyang bukod-tangi ang sarili sa larangan ng pulitika o panitikan.Marahil, ang 
kanyang talino sa pagsasangkap sa isang masarap na luto ngsinangag ang kanyang naging tuntungan 
sa kawalang-hanggan, pero kahithindi naging katangi-tangi ang nalalaman niya sa pagluluto, magigingtanyag pa 
rin siya, dahil handa niyang pahintulutan ang kanyang mgaparokayano sa walang limitasyong 
pangungutang.Mahilig siyang mamigay ng matamis sa mga bata nang hindi naghahanap ngpera. Mangyari pang 
dahilan ito lagi para magreklamo ang kanyang asawa, 
pero sasabihin niya: “Ang dalawampung satang na halaga ng matamis ayhindi ipinahihirap ng pamilya.” Pag ang 
Than Khun, isang mataas na opisyal 
na naninirahan sa may iskinita, ay gusto ng isang masarap na kape, 
sasabihin nito sa anak: “Magdala ka rito ng kape mula sa tindahan ni Nai 
Phan. Marami siyang maglagay ng gatas; iisipin mong nag-aalaga siya ng 
baka para doon!” 
Sa iskinita ding iyon naninirahan ang isang lasenggo na hilig nang lumitawsa kaninan at tumula ng mga berso 
mula sa kwento nina Khun Chang atKhun Phaen; makikinig si Nai Phan nang taimtim ang 
atensyon. Mataposmagpalabas, hihingi ang lasenggo ng isang libreng baso ng tsaang mayyelo, na malugod 
namang ipagkakaloob ni Nai Phan, na may kasama pangdoughnut para kumpleto. 
Pag maulan, sasabihin ni Nai Phan sa mga estudyanteng dalagita: “Mga 
binibini, nahihirapan na kayo sa pagtatampisaw sa putik. Mula ngayon,pwede nyong bitbitin ang inyong mga 
sapatos hanggang sa aking tindahan 
at doon n‟yo isuot.” Lagi niyang binibigyan ang mga ito ng malinis na tubig 
para panghugas ng paa.Pero eksakatong gabi-gabi, isasara niya ang kanyang tindahan. Sasabihin sa 
kanya ng mga kaibigan niya, “Dapat kang magbukas at magsilbi sa gabi; 
dyan maganda ang negosyo, 
mas madali kang yayaman.” 
Masayang tatawa si Nai Phan at sasabihin, “Mas masarap matulog kaysamagpayaman nang mabilis.” 
Ang sagot na ito‟y may pinupukaw sa puso ng mga nakakarinig na mas 
mayaman kaysa kay Nai Phan, pero hindi pa rin kuntento sa yaman nila,bagkus ay nagkukumagkag pang 
magpundar ng mas malaki pangkayamanan.Ang mga taong naninirahan sa iskinita, pauwi sa kani -kanilang bahay 
sakalaliman ng gabi pagkaraan ng maghapong ginugol sa paghahabol ng pera,ay makatatanaw kay Nai Phan na 
nakahilig sa kanyang maliit na silyang de-tiklop, kuntentong nakikipag-usap sa asawa. At maiisip nila sa kanilang 
sarili, “Ang saya 
-saya nilang tingnan, malayo sa paghahangad sa 
kayamanan. Mas mabuti pa sila sa amin.” 
Isang gabi ay nagpunta sa sinehan ang kanyang asawa, at nag-iisia si NaiPhan. Papadilim na at naghahanda na 
siyang magsara ng tindahan nangmabilis na pumasok ang isang kabataang lalaki. 
“Anong maipaglilingkod ko sa inyo sir?” Tanong ni Nai Phan. Sa halip na 
sumagot, naglabas ng baril ang estranghero at itinapat iyon sa puso niya.Hindi ito maunawaan ni Nai Phan, 
pero nadaman niya na hindi maganda angmga pangyayari. 
“Iabot mo ang salapi mo,” marahas na sabi ng kabataang lalaki. “Lahat! 
Kung anuman meron ka. Mukhang patayan ang uso sa mga panahong itonagbabarilan ang mga tao sa iba‟t ibang 
dako araw 
-araw. Pag pinatay kita,wala nang ispesyal doon, at pag napatay mo ako, hindi na rin masyadongnakapagtataka, 
kaya bilisan mo na. pag hindi ko nakuha ang salapi, 
patitikimin kita ng mga bala.” 
Hindi nanginig si Nai Phan. Kalmante siyang nakatayo at sinabi niya sa tinigna parang nakikipag-usap 
lang; “Ibibigay ko sa‟yo ang pera, pero hindi dahilsa baril mo, ibibigay ko sa‟yo dahil mukhang kailangang 
-kailangan mo iyon. 
Baka nakasalalay dito‟y buhay at kamatay 
an. Eto. . . lahat ng perang meronako ay nandito. Kunin mo na at umuwi ka na agad. Sinong nakakaalam? 
Siguro‟y may sakit ang iyong ina; baka nga maraming taong naghihintay 
doon, iniisip kung mag-uuwi ka ng pera o hindi. Maraming buhay angmaaaring mnakadepende sa pag-uwi mo na 
may dalang pera. Hindi kosasabihin sa mga pulis. Mga siyam na raan ang cash dito; higit pa. . .kunin 
mo na.” 
Inilagay niya ang salapi sa mesa pero ang binatang holdaper ay tila hindinagkalakas-loob na hipuin iyon. 
“Bakit hindi mo kunin?” tanong ni Nai Phan. “Tingnan mo, bakit kita
lolokohin? Alam kong hirap na hirap ka. Hirap tayong lahat sa mga araw naito. Hindi ako naniniwalang masama 
kang tao. Sino ang gustong magingmagnanakaw kung maiiwasan niya? Maaari ding nagkaatake ang iyong amaat 
kailangan mo siyang alagaan. Dalhin mo sa kanya ang perang ito, perohuwag mong ubusin lahat sa gamot. 
Maniwalak ka sa akin, magagamot ngdoktor ang katawan, pero kailangan ng tao ang lunas pati sa kanyang isip 
atkaluluwa. Bumili ka ng ilang mababangong bulaklak, isang kuwintas ngbulaklak para sa iyong ina 
na mailalagay niya sa harap ng sagradongimahen sa bahay. Iyon ang ginagawa ko gabi-gabi. Hindi mo 
kailangangmalaman kung ano ang kabanalan o kung saan ito nananahan. Sapat na angmakadama ka ng 
kapayapaan sa iyong sarili. Iyon ang langit. Ay! 
at itabimo ang iyong baril giginhawa agad ang pakiramdam mo. Ang isanglalaking may dalang baril ay hindi 
nakakakilala nbg kapayapaan, ang puso 
niya‟y naghihirap sa takot at pag 
-aalinlangan, at sa amoy ng panganib.Hindi tayo liligaya habang ang ating mga kamay ay nagsisikip sa mga 
sandata.” 
Inilagay ng kabataang lalaki ang baril sa kanyang bulsa, tulad ng isangmasunuring bata. Itinaas niya ang mga 
kamay sa pagpupugay sa wai kayNai Phan, na kilala sa kanyang sinangag at kape at pagbubukas-palad. 
“Dapat na barilin ko ang aking sarili imbis na barilin ka,” sabi ng kabataang 
lalaki. 
“Huwag kang magsalita na parang baliw,” sabi ng tagapamahala ngtindahan, habang inaabot ang pera sa binata. 
“Ito na lahat iy 
on. Dalhin moat iyo nang lahat. Hindi ito pagbibigay na ginawa sa galit. Alam ko na punoang mga bilangguan, pero 
hindi ng mga kriminal. Isa kang lalaking tulad ko,tulad ng ibang lalaki; kahit sinong lalaki, kahit isang 
ministro, ay ganyan dinang gagawi 
n ko kung desperado.” 
Naupo ang kabataang holdaper. “Hindi pa kita nakita kailanman, at hindi pa 
ako nakakita kailanman ng gaya mo kung magsalita. Hindi ko kukunin ang 
pera mo, pero itinabi ko na ang aking baril. Ngayo‟y uuwi na ako sa aking 
ina na gaya ng 
sabi mo,” umubo siya ng ilang ulit bago nagpatuloy.“Masama akong anak. Lahat ng perang ibinigay sa akin ng 
aking ina‟yinubos ko sa karera ng kabayo; yong kakaunting natira‟y inubos ko sa pag iinom.” 
“Lahat ng tao‟y nagkakamali. Ano ba ang buhay kundi ma 
gkahalong 
eksperimento, pagkakamali‟t mga kabiguan?” sabi ni Nai Phan. 
“Hindi, malakas ang katawan ko, alam mo,” pagpapatuloy ngkabataanglalaki. “Narinig mo ba ang ubo ko? 
Natatakot ako na mayroon na akong T.B. 
iyon ang dapat sa akin, sa palagay ko, dahil meron akong mga ginawang masasama 
dapat talagang mamatay na ako agad-agad. Hindi ako dapat 
mabuhay, pasanin lang ako sa mundo. Salamat, at paalam.” 
“Hindi mo kailangang umalis agad. Dito ka muna sandali at mag 
-usap tayo.Gusto kitang makilala. Saan ka nakatira? Ano ang mga hilig mo? Ibig kong 
sabihin, ano ang mga pinaniniwalaan mo?” 
Ang teoryang eksistensyalismo ay hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng tao 
at binibigyan halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran. 
Tahanan ng Isang Sugarol 
salin ni Rustica Carpio 
Ang maputing ulap sa maaliwalas na langit ay matingkad na nakukulayan, parang bahaghari. Mabilis na papunta sa 
kanluran ang lumulubog na araw. 
Dahil tapos nang magalaba, mabagal na tumayo si Lian-chiao sa tabi ng balon. Sandali siyang napapikit nang 
maramdamang tila may mga bituing lumilipad sa harap niya, gustong mawala ang mga bituing nakahihilo. Si Siao-lan, ang 
anak niyang babae na tatlong taong gulang ay hubad na nakaupo sa tabi ng palanggana at naglalaro ng tubig. 
“Inay, tapos na po ba kayong maglaba? Ako na ang magsasampay.” Si Ah Yue iyon na mas matanda kay Siao-lan ng mga 
tatlo o apat na taon. Nagdidilig siya ng mga gulay na Chai-sim sa kabilang gilid. Nang makitang tapos nang maglaba ang 
ina, mabilis siyang tumakbo para kunin ang mga labada at isampay sa alambreng nakatali sa dalawang poste sa loob ng 
kubong walang dingding. 
Hindi sinagot ni Lian-chiao si Ah Yue. Tumango lamang siya, nakatayo pa rin at nakapikit—nagpipilit na mabawi ang
lakas. Payat siya at maliit, mga biente-singko anyos, at nakasuot ng kupas na asul na sam-fu. Medyo nakangiwi ang 
kanyang mga labi. May pangit at nangingitim na bukol sa kanyang noo. Halatang napalo siya ng isang matigas na bagay 
kamakailan lamang. Malaki ang kanyang tiyan. Madaling mapansing nagdadalantao siya at malapit nang manganak. 
Nang dumilat si Lian-chiao, nakatayo na si Ah Yue sa isang bangkito at isa-isang isinampay ang mga damit sa alambre. 
Dahil mataas ang alambre, kailangang tumingkayad siya at tumingala. Habang minamasdan ang maliit na katawan niyon 
at ang alanganing paraan ng pagsasmpay ng mga damit sa alambre, biglang nahabag si Lian-chiao. Mahina niyang sinabi, 
“Ah Yue, mag-ingat ka. Baka ka mahulog!” 
“Opo!”, sagot ni Ah Yue. Bigla iyong pumihit, nangangambang tumingin at nagtanong, “Inay, luto nab a ang hapunan? Kung 
hindi, kagagalitan at bubugbugin na naman tayo ni itay!” 
Nakapukaw kay Lian-chiao ang huling sinabi niyon. Bigla siyang kinabahan. Kahit mayroon pang kaning lamig na natira sa 
pananghalian, lulutuin pa ang mga gulay. Kapag walang nakain, pag-uwi ang asawa niyang sugarol, tiyak na may 
mangyayari. Hindi sinasadya’y nahipo niya ang namamagang bahagi ng noo. Tuamahip ang kanyang puso. Nagmamadali 
siyang naligo sa tabi ng balon at pagkatapos ay tinulungansi Siao-lan sa paglilinis ng katawan nito. Pinuno niya ang 
dalawang bald eng tubig at kinarga ang mga ito sa pingga pauwi. 
Ang nakahilis na sinag ng lumulubog na araw ay tumama sa kanyang katawan, sa malaki at bilog na tiyan, sa dalawang 
umuugang balde ng tubig sa pingga, sa umiika niyang paa, at sa hubad na si Siao-lan na naglalakad sa kanyang likuran, 
palinga-linga. 
Pagod na si Lian-chiao sa walang tigil na pagtatrabaho, ngunit hindi siya puwedeng magbagal ng kilos. Mabilis niyang 
sinindihan ang apoy sa pugon, hiniwa ang mga gulay, pinakulo ang tubig, nilinis ang mga kawali at iba pang kasangkapan 
sa kusina. 
Ang pugon ay yari sa luwad at may mga gatla na sa iba’t ibang bahagi. Sa tabi ng pugon ay may maliit na lalagyan ng 
panggatong. Wala na iyong laman. Kinakailangang isantabi muna ni Lian-chiao ang sipit ng kalan para manguha ng 
panggatong. Tumulong si Siao-lan at may dalang isa o dalawang piraso tuwing papasok, ikinakalat sa lahat ng lugar. 
Abala sa gawain si Lian-chiao.Tinanglawan ng liwanag na namumula sa apoy ang mga guhit ng pagod at puyat sa kanyang 
mukha. Walang makasisisi sa kanya. Mula alas-sais ng umaga, nang bumangon siya para maghanda ng almusal, hindi na 
siya natigil sa paggawa hanggang ngayon maliban sa sandaling pahinga noong tanghalian. Noong umaga’y nanguha siya 
ng mga punla ng palay at itinanim sa bukid, at noong hapon ay nagsibak siya ng kahoy na panggatong at namitas ng ta-feng- 
ho isang damong panggamot nagagamitin niyang pampaligo pagkapanganak. Malapit nang isilang ang sanggol at 
hindi maaaring hindi siya handa. Kung hindi niya ihahanda agad ang mga kailanga, anong mangyayari sa bahay kung bigla 
na lang siya ipasok sa ospital? Walang alam ang sugarol niyang asawa kundi humilata sa kama sa kuta ng opyo at 
magmadyong araw-araw sa Hsiang Chi Coffee Shop. Kung hindi niya aasikasuhin ang mga bagay-bagay ngayon, sino ang 
tutulong sa kanya? Bukod sa gawain sa bahay, kailangan niyang lagyan ng pataba ang mga gulay at pipino na nakatanim sa 
gilid ng kanyang bahay, at bunutin ang ligaw na damo. Kung hindi ay bubugbugin siya ng kangyang a sawa kapag nagging 
masama ang ani. Masakit pa nga ang kanyang noo dahil sa suntok nito dalawang araw na ang nakararaan dahil nagkamali 
siyang sagutin iyon. 
“Sssst…” Inilagay niya sa kawali ang mga dahon ng kamote. Ang buong bahay ay napuno ng bango ng nilu lutong gulay. 
Nakaupo si Siao-lan sa loobg ng bahay, dinidilaan ang mga labi at tinitignan ang nakatatandang kapatid na nakatyao pa rin 
sa kuwadradong bangko sa labas. 
Di kaginsa-ginsa’y isang tinig na tila tunog ng basag na kampana na nagbuhat sa labas ng pinto. “Ah Yue! Hindi ka ba 
natatakot mahulog diyan? Ang taas ng naaakyat mo, ha? Gusto mo nab a dalawin ang hari ng kadiliman?” 
“Itay… Nagsasampay lang ako…”, kiming sagot ni Ah Yue. 
Halos kasimbilis ng kidlat, isang parang-kawayang lalaki ang pumasok sa bahay at sandaling tumayo, galit. “Lintik! Gabi 
na’y hindi pa luto ang hapunan. Umalis ka ba para hanapin ang kalaguyo mo?” 
“Sandali na lang…maluluto na… Ipiprito ko na lang ang inasinang isda. Pagkatapos…pagkatapos ay puwede na tayong…
maghapunan.” Walang lakas ng loob si Lian-chiao na tumingala man lamang. Inilagay niya sa isang plato ang pinipritong 
talbos ng kamote at naglagay pa ng ilang patak ng langis sa kawali. Bahagyang nanginginig ang kanyang mga kamay 
habang hinuhugasan ang inasinang isda. Hindi siya naglakas-loob na tumutol sa ingay ng kanyang asawa. 
Si Li Hua, ang asawa ni Lian-chiao, ay larawan ng isang tunay na manghihithit ng opyo:payat at matangkad, may maiitim 
na ngipin at namumulang mga mata. Matapos nakapamaywang na sinigawan ang bawat isa, nagsimula siyang maghubad, 
at marahas na nagtanong, “Handan a ba ang tubig na pampaligo?” 
“Ihahanda ko na ang tubig,ihahanda ko na…” 
Mabilis niyang itinabi ang siyansi, ibinuhos ang isang kaldero ng kumukulong tubig sa isang balde na kauuwi lamang niya . 
Pagkatapos ay binuhat iyon nang dalawang kamay sa luma at sira-sirang banyo. Yukung-yuko siya dahil sa bigat ng tubig. 
Umaalog ang malaki niyang tiyan, at nakangiwi ang maputlang mukha, nagpapakita ng hirap at marahil ay kawang -pag-sa. 
Sumagitsit sa kawali ang inasinang isda dahil sa init ng mantika. 
“Masusunog na ang inasinang isda. Hindi mo ba naaamoy? Napakabagal mong kumilos. Wala kanga lam kundi kumain!” 
Walang tigil sa pagmumura sa asawa si Li Hua habang ang babae’y papunta sa banyo. 
Nagtago sa isang sulok ng bahay ang dalawang bata, nanginginig sa takot. Hindi sila nagkalakas-loob na magsalita. 
Kabisado na nila ang nangyayari, baka natalo na naman sa sugal si Li Hua. 
Pagkatapos kumain at habang pinupunasan ang nagmamantikang nguso, kinuha ni Li Hua ang lalagyan ng tsa. Humigop 
siya ng kaunting tsa at pagkatapos ay, “Pwe!”, lumura sa lupa. Niligis ng kanan niyang paa ang malapot na laway sa sahig. 
Inaakalang aalis na naman ang lalaki, mabilis na ibinaba ni Lian-chiao, na kumakain pa, ang mangkok at chopsticks, at 
nagkakandautal na, “Ama ni Ah Yue, aalis ka na naman? Ako’y…” 
“Ano? Hindi ako aalis!” Napakalakas ng boses ni Li hua. “Natalo ako ng biente dolyar ngayong hapon sa Hsiang Chi Coffee 
Shop. Bakit hindi ako babalik para makabawi ang natalo sa akin? Pag hindi ako nanalo ngayong gabi hindi ko na tatawagin 
ang sarili kong eksperto sa madyong!” 
“Puwede bigyan mo ako ng ilang dolyar? Nag-order ako ng dalawampung itlog kay Ying… Malapit na akong manganak. 
Kailangang bumili ako ng ilang itlog para lutuin sa luya at alak.” Minasdan ni Lian-chiao ang malaki niyang tiyan. 
Masyadong mahina at mababa ang kanyang boses. 
Nang marinig na kailangan niya ng pera, biglang nagtaas ng kilay si Li Hua. Lalong pumula ang mga mata niyang dati nang 
namumula. Ibinuka niya ang bibig, ipinakikita ang dalawang hanay ng bungi-bungi at maiitim na ngipin. “Hindi! Hindi! 
Sinong may sabi sa iyong bumili ka ng masarap ba pagkain kung wala kang pera? Kung kaya mong mag-order, bakit hindi 
mo kayang magbayad?” 
Lumura na naman sa sahig ang lalaki at dinilaan and nguso. Humakbang ang mahahaba niyang binti at lumabas ang tila-kawayan 
niyang katawan. 
Nakatayo sa gitna ng bahay si Lian-chiao, nakabuka ang medyo laylay na bibig, natitigilan at hindi makakilos. 
Mahangin at maginaw nang gabing iyon. Habang nakahigang walang tinag sa matigas na higaang kahoy, hindi makatulog 
si Lian-chiao. Naglalakbay ang kanyang isip. Kahit pago na pagod siya at mabigat na ang mga mata pagkatapos ng 
maghapong pagtatrabaho, gising na gising pa rin ang kanyang isip. 
Ang mga lumipas na pangyayari ay parang ulap sa bundok na mabagal na pumapailanglang sa lambak, naaanod, 
naaanod—kasinggaan ng usok. Sa lahat ng mga taong patay na o buhay pa, ang larawan ng kanyang ina ang namumukod 
na lumalantad. Sa kagustuhang magkaapo kaagad, pinag-asawa nito ang tila bulaklak na anak niya—si Lian- Chiao na 
kinse anyos pa lamang noon. At ang masama pa, sa kasabikang magkaroon ng mainam na buhay pagtanda niya, at laban sa 
payo ng mga kamag-anak at kaibigan nila, pinili niya para maging manugang si Li Hua, na anak ng noo’y isang mayamang 
negosyante. Lahat ng kanyang pag-asa ay nabigo. Isang taon pagkaraang makasal si Lian-chiao at lumipat ng bahay, ang 
ina’y namatay sa kanser sa dibdib. Paano niya malalaman na dahil sa ipinagkasundong kasal, mawawala sa kanyang anak 
ang katahimikan at kaligayahan sa buong buhay nito? 
Nagbuntung-hininga nang malalim si Lian-chiao. Nanlabo ang kanyang mga mata dahil sa luhang napigil ang pagpatak.
Ngayon, ang taong lumilitaw sa isip niya ay ang kanyang asawa, ang walang silbi at tila kawayang siLi Hua. Winaldas 
niyang lahat ang manang iniwan ng ama niya. Marami siyang bisyo: pagsusugal, paglalasing, paghithit ng opyo, pagpunta 
sa bahay-aliwan…eksperto siya sa lahat ng ito. Ang pinakamalakas na dagok kay Lian-chiao ay ang pagkamapamahiin ni Li 
Hua. Naniniwala ito sa manghuhulang nagsabi na pulos babae ang isisilang ni Lian-chiao at hindi ito kailanman 
maghahatid sa kanya ng yaman o suwerte. Sa madaling sabi, si Lian-chiao ang pinanggagalingan ng kasawiang-palad. 
Dahil dito, napakasama ng pakikitungo niya kay Lian-chiao. 
Walang magawa si Lian-chiao kundi tahimik na pagtiisan ang hindi makatwiran at kung minsan ay malupit na pakikitungo 
nito sa kanya. Kung nagkaroon siya ng lakas ng loob na magmaktol at mangatwiran, mandidilat agad iyon, at luluraan sa 
mukha mismo, humihiyaw, “Ikaw ang sumpa ng pamilya! Sinong may sabi sa iyong magpakasal ka sa akin? Luka -luka! 
Kung gusto mong lumayaw, puwede ka nang lumayaw ngayon din. Alis! Alis! Sinong pumipigil sa iyo?...” 
Tumulo sa pisngi ang luha ni Lian-chiao. Dahan dahan siyang bumaling. 
Nasipa na nina Ah Yue at Siao-lan ang kumot. Mahimbing na natutulog ang dalawa, magkayakap. Kinuha ni Lian-chiao ang 
kumot at itinakip sa kanila. Pumikit siya ngunit hindi pa rin makatulog. Nag-aalala siya. Malapit na siyang manganak. 
Makukunan kaya siya? Mahirap sabihin. Sa kabila ng kanyang pagbubuntis, kailangan niyang magbuhat ng mabibigat na 
bagay—kasimbigat ng animnapu o pitumpung katies araw-araw. Mga ilang araw pa lang ang nakararaan ay bumagsak 
siya habang nagsisibak ng kahoy na panggatong. Sino ang gagarantiyang hindi naapektuhan ang bata sa loob ng kanyang 
tiyan? Halimbawang malaglag ang bata, at mamatay siya, sino ang humahalinghing, “Ang tiyan ko…masakit…dalhin 
agad…dalhin ninyo ako sa ospital…” 
“Ano? Ngayon na? Mananalo ako sa larong ito. Sandali. Pung! Ang galing! Ang gandang pitsa ito. Ito talaga ang kailangan 
ko. Ha, ha! Quadruple! Unang apat, pangalawang apt…isang libo dalawang daan at walumpu at dalawang libo limang daan 
at animnapu!” 
Malaki and panalong iyon. Nagsimula siya sa ilang chips lamang ngunit ngayon ay isang bunton na ang nasa harap niya. 
Tuwang tuwa si Li Hua at hindi niya mapigil ang kakatawa, maluwang na maluwang ang nangingitim na bibig. Habang 
sinasamsam at inaayos ang mga chips, ngumiti siya sa taong nakaupo sa harap niya. “Ha, ha, Lumpong Chun! 
Napakagaling nitong siyamnapung libong galing sa iyo! Napakagaling! Ha, ha…” 
“Ai-yo…yo…” 
“Hoy lumakad ka na. Manganganak na ang misis mo!, may humimok kay Li Hua. 
Walang magawa si Li Hua kundi hilingin sa isang miron na maglaro para sa kanya. Galit na tinignan niya si Lian -chiao at 
nag-aatubiling tumayo. Pumayag ang maybahay ng towkay na ipaarkila sa kanya and Morris Minor nito sa dalawang 
dolyar bawat oras, at dodoblehin sa gabi. 
Tinulungan ng maybahay si Lian-chiao na makasakay sa kotse. Si Li Hua, na umuungol pa ay nagpunta sa kasilyas sa likod 
ng kapihan. 
Bagamat hindi na gaanong humihilab ang tiyan niya,balisa si Lian-chiao. Bigla siyang nakakita ng ilaw ma mabilis na 
papalapit sa dako nila. Bahagyang kumislap ang munting ilaw, dahil marahil sa hangin. Habang papalapit iyon ay nakita 
niya si Ah Yueng pangku-pangko ang nakababatang kapatid. Kapwa sila umiiyak at namumula na ang kanilang mga mata. 
“Ah Yue, Ah Yue! Bakit dinala mo rito ang kapatid mo? Sisipunin kayo!” Lumabas sa kotse si Lian -chiao, nilapitan ang 
maliliit na batang babae, hindi malaman kung ano ang gagawin. 
Humagulgol ng iyak si Siao-lan… Kaagad siyang inaliw ni Lian-chiao. 
Habang pinapahiran ang luha a ilong, marahang nagssaita si Ah Yue, “Nagising ako sa iyak ni Siao-lan. Hinahanap niya ang 
nanay. Hindi ko Makita si nanay sa bahay. Naisip kong baka narito kayo, kaya dinala ko siya dito…” 
Nang malaman ni Ah Yuen a papunta sa ospital ang kanyang ina, kumbot ng kaunti ang ilong nya at ang bibig niya ay 
lumaylay sa mga sulok. Luhaan ang mga mata niya. 
“Kokak,kokak…”Umiiyak ang mga palaka sa mga pilapil sa gawing kaliwa ng maliit na kalsada. Binasag ng malungkot 
nilang pagkokak ang katahimikan ng gabi. Muling bumugso ang hangin. Tuluyan nang namatay ang ilaw sa gasera. Si Lian
chiao at ang lahat ng bagay sa kanyang paligid ay dagling nakulong sa kadiliman. Hindi siya makasulong at hindi din siya 
makaurong ilang sandal siya tumayo roon, walang tinag at hindi malaman ang gagawin. Parang hinihiwa ng isang matalim 
na kutsilyo ang tiyan niya. Natutuliro siya at nahihilo. ”Kras.” Nalaglag ang gasera mula sa nanginginig niyang mga 
daliri,nagkapira-piraso. Hindi na maisip ni Lian-chiao kung ano ang nangyayari. Sinapo niya ng dalawang kamay ang 
kanyang ulo, nagpupumilit na manatili siyang nakatayo. 
Pagkalipas ng ilang sandali, medyo nanumbalik ang lakas ni Lian-chiao at unti-unting nasanay ang mga mata niya sa dilim. 
Lumakad siyang muli, mabagal, hindi matatag. Kung ilang beses na halos madapa siya dahil sa madulas na kalsada. 
Madalas siyang huminto dahil sa sumusumpong na sakit. Tatayo siya, yuyuko ng mababa hanggang ang sakit ay 
humupa…ngunit ilang sandal lamang. 
Narating din sa wakas ni Lian-chiao ang Hsiang Chi Coffee Shop. Napakaliwanag s loob at maingay: ang kalantog ng mga 
pitsa ng madyong sa mesa, ang maingay na boses ng mga sugarol, umuungol o tumatawa… 
Nanghihinang itinaas ni Lian-chiao ang kaliwang kamay at kumatok sa pinto. 
Marahil ay buhos na buhos ang mga isip ng tao sa pagsusugal, o baka naman napakahina ng katok niya. Walang lumapit 
para buksan ang pinto. Hindi na matiis ni Lian-chiao ang sakit, at kumatok uli siya ng buong lakas. 
Isang matabang babae ang nagbukas ng pinto. Iyon ang maybahay ng may-ari ng kapihan. Si Lian-chiao na nakasandal ng 
mabuti sa pinto ay bumagsak sa loob. 
Noon una ay nagulat ang matabang babae sa pagpasok niya. Ngunit nang matanto niya kung sino ang babae, maliksi niya 
itong tinulungan at inakay papasok. 
Si Li Hua, na dadampot na lamang ng pitsa ay namangha rin s pagdating ni Lian-chiao. Ngunit nakapagpigil siya at 
mabagsik na nagtanong, “Anong nangyari? Bakit gabing-gabi na ay narito ka pa? Pung! Teka, teka! Red Center ba ‘yon? Ha! 
Maganda!” Magaganda ang pitsa niya at medyo ninenerbyos siya, matamang nakatingin sa mesa. 
Tinulungan ng maybahay ng towkay si Lian-chiao na maupo sa silyang rattan. Sapo ng dalawang kamay ni Lian-chiao ang 
kanyang tiyan, “Ah Yue, huwag kang umiyak. Mabait ka di ba? Alagaan mong mabuti and kapatid mo. Uuwi ang nanay 
pagkaraan ng dalawa o tatlong araw. Pagkahatid sa akin sa ospital, uuwi ang tatay ninyo…” Habang inaaliw si Ah Yue, 
napaiyak na rin si Lian-chiao. Hindi niyang makayang isipin na aalis siya ng mga ilang araw, iiwan ang dalawang munting 
bata sa bahay na walang mag-aalaga sa kanila. 
Ibinaba ni Ah Yue ang nakababatang kapatid at sa pagitan ng mga hikbi, “Inay, dadalawin ko kayo bukas, kasama ang 
kapatid ko. Sasabihin ko kay Itay na isama kami roon. May isa pang dolyar sa aking lata ng sigarilyo. Dadalhin ko iyon para 
magamit mo muna…” 
Magiliw na hinawakan ni Lian-chiao ang munting ulo ng anak. Hindi siya makapagsalita dahil sa pag-aalala. 
Lumabas si Li Hua. Kinagalitan ang dalawang bata gaya ng dati. Pagkatapos ay pumasok sa kotse, binuhay ang makina at 
pinatakbo. 
Patuloy ang madyong sa Hsiang Chi. Ang gabi ay ginulo ng mga tunog ng pitsa, “Khe -ta… khe-ta…” at paminsan minsan ng 
malakas na pung! 
Malamig na kumislap ang mga bituin sa langit. Malakas ang ihip ng hangin. Isang munting ilaw ang mabagal na kumikilos 
sa daan. Si Ah Yue, pangko sa likod ang umiiyak at inaantok na kapatid, mabagal at atubiling naglalakad patungo sa 
kanilang luma at hungkag na bahay. 
Moralistiko- sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit 
pinahahalagahan ang moralidad, disciplina, at kaayusang nakapaloob sa 
akda.

project in AP

  • 1.
    KAY ESTELLA ZEEHANDELAA Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo Mula sa Mga Liham ng Isang Prinsesang Javanese Japara, Mayo 25, 1899 Ibig na ibig kong makilala ng isang “babaeng moderno” iyong babaeng malaya, nakapagmamalaki’t makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla’t maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kundi maging ang kabutihan ng buong sangkatauhan. Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa puso’t isip ko’y hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae na tumatanaw sa malayong kanluran. Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtratrabaho;t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi maaaring suwayin. Balang araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan, ngunit lubhang malayo pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na hebenerasyon. Alam mo ba kung paano mahalin ang bago at batang panahong ito ng buong puso’t kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon ng sariling bayan. Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang lahat ng mga institusyon naming. Wala akong iniisip gabi’t araw kindi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga lumang tradisyon naming. Alam kong para sa aking sarili’y magagawa king iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na matibay pa sa alinmang lumanag tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na inuukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba akong was akin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin ng buong pagsuyo? Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at bagong-silang na Europe ay nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa ako’y may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang “emansipasyon”; may isang naiibang kabuluhan ito, isang kahulugang hindi maaabot ng aking pang-unawa. Gumigising ito para sa hangarin ang pagsasarili at kalayaan-isang paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso ko’y sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan. Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot sa akin, at sa kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala ntio ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat, sukmibol hanggang sa lumakas at sumigla. Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo. Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara. Ako’y may anim na kapatid na lalki at babae. Ang lolo kong si Pangeran Ario Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong kapanahunan niya. Siya rin ang kaunaunahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng pinto para sa mga panauhin mula sa ibayong dagat-ang sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak niya’y may edukasyong European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay umiibig o umibig sa kanlurang minana sa kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga anak nila ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga pinsan ko’t nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger School, sng pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan ditto sa India. Ang bunso sa tatlong nakatatandang kapatid kong lalaki’y tatlong taon na ngayong nag-aaral sa Netherlands at naglilingkod din naman doon bilang
  • 2.
    sundalo ang dalawapa. Samantala, kaming mga babae’y bahagya nang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan n gaming lumang tradisyon at kumbensyon. Labag sa aming kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalo’t kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa eskwela. Ipinagbabawal n gaming kaugalian na lumabas man lamang ng bahay ang babae. Hindi kami pinapayagang pumunta saan man, liban lamang kung sa paaralan, at ang tanginglugar na pagtuturong maipagmamalaki ng syudad naming na bukas sa mga babae ay ang libreng grammar school ng mga European. Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taonng gulang, ako ay itinali sa bahay-kinailangang “ikahon” ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-uganayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong hindi ko na makikita marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang di -kilalang lalaking pinili ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko namamalayan. Noong banding huli, nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas. Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang naiwan sa aki’y pagbabasa ng mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito-ito lamang ang nagiisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na panahong iyon, na kung inalis pa sa akin ay lalo nang nagging kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay ko’t kaluluwa. Subalit dumating ang kaibigan ko’t tagapagligtas-ang Diwa ng panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako ang mga yabag niya. Nayanig sa paglapit niya ang palalo’t matatag na balangkas ng mga lumang tradisyon. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba nama’y pilit at bahagya lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-inanyayahang panauhin. Sa wakes, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglabing-anim na taon. Salamat sa Diyos! Malalabasan ko ang aking kulungan nang Malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis pang sumunod ang mga pangyayari nagpabalik sa aming mga babae ng mga nawala naming kalayaan. Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang Prinsesa (bilang Reyna Wilhemina ng Netherland), “opisyal” na inihandog sa amin ng mga magulang naming an gaming kalayaan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aming buhay, pinyagan kaming umalis sa bayan naming at pumunta sa siyudad na pinadarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakila tagumpay iyon! Ang maipakita ng mga kabataang babaeng tulang naming ang sarili sa labas, na imposibleng mangyari noon. Nasindak ang “mundo” nagging usap-usapan ang “krimeng” iyon na dito’y wala pang nakagagawa. Nagsaya an gaming mga kaibigang European, at para naman sa amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako nasisiyahan. LAgi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring makapamista, o malibang. Hindi iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo ng mag-isa, mag-aral, hindia para mapailalim sa sinuman, at higit sa lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan. Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim. Ito ang pinakamalaking maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa kanyang pamilya. At ang pag-aasawa para sa amin-mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa kanya lang?
  • 3.
    Ang dekonstruksyon ayisang uri ng teoryang pampanitikan kung saan ang karaniwang istraktura ng kwento ay hindi sinusunod. Natural nitong pinaadadaloy ang kamalayan at kaisipan ng tao at gayon din ang mga pangyayari sa kanyang paligid. Pinapaksa nito ang mga pangyayaring hindi karaniwang pinag-uusapan. Lumilikha ito ng serye ng mga pangyayaring magkakaugnay subalit winawakasan naman ng mga hindi sukat akalaing pangyayari. Salungat ito sa mga nakagawiang siklo na nakakahon. Halimbawa, lagi nang ang bida ang mabuti at nangingibabaw sa wakas at ang kontrabida ay malakas subalit natatalo sa bandang huli. Sa dekonstruksyong pananaw, binibigyang-pansin ng mga nais sabihin ng akda batay sa relasyon ng tao sa kanyang lipunan. Natutukoy ang mga bahagi ng akda na nagpapahiwatig ng impluwensya ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa at sa kahihinatnan nito. KESA AT MORITO... Si morito at si kesa ay matagal na mag kakilala at nag iibigan. sapagkat si kesa ay isang klaseng babae na talagang bagay na bagay kay morito dahil sa kanilang pagkakatulad . pero isang pangyayari ang naganap sa dalawa ng isinama si morito ng kanyang ama sa estados unidos upang doon pag aralin.dahil doon ay naiiwang nag iisa si kesa. lubhang ikinalungkot ni kesa ang pag alis ni morito. kaya naman ay nagkaroon si wataru ng pagkakataon na paibigin si kesa. dahil nga sa pagibig nya rito ay nag aral pa sya ng paggawa ng tula. At di naman nagtagal ay na pa ibig nya rin si kesa.pero sa totoo ay ang laman parin ng puso ni kesa ay para kay morito pa rin. ilang taon pa ang nakalipas nang magbalik si morito. dumiretso agad ito sa kanyang tiyahin na si Komorogawa.Muling nagkita ang dalwa sa bahay ni komorogawa nagkoroon ng pagkakataon na muling maka-usap niya si kesa. SAtulay ng watanabe niyang naka-usap ng ganap si kesa di niya kasama si wataru at ng araw na ring iyon ay isinama siya ni kesa sa kanilang bahay. wala pa noon si wataru sa mga oras n iyon. Nagtalik ang dalwa at iniutos ni morito na patayin nila si wataru, nagulat n lamang ito ng sumang-ayon si kesa. Nandiri siya at dito lamang niya nakilala ang tunay na ugali ni kesa. Npagkasunduan nila na si morito ay darating sa bahay n iyon sa pag lubog ng araw at siguraduhin n si wataru lamang ang nasa loob ng kwarto. Dumilim na ang paligid nagsimula na kesa at pinaghandaan ang mga binabalak para sa pag patay kay wataru. Sa mga oras n iyon lamang niya napagtanto na mali ang kanilang binabalak at dapat pa ngang siya ang mamatay dahil sa pag nagawang kataksilan nito sa kanyang asawa na si wataru. Narinig n niaya ang mga yapak ng paa ni morito. Pinatay niya ang lampara at nahiga sa higaan. Pagkalaoy dumating na si morito at ingat na ingat sa mga kilos. Snaksak niya ito ngunit ang hindi niiya alam ay si kesa ang taong naroon sa mga sandaling iyon at aksidenteng napatay niya si kesa. ENDING: Ang naging ending ng kwentong kesa at morito ay pinatay talaga ni kesa ang kanyang sarili bago pa man tuluyang makapasok si morito. PAANO NAPATUNAYAN? pagpatay ng ilawan- pagpatay sa sarili maputlang sinag ng araw- pagdanak ng dugo ang teoryang feminismo ay tumutukoy sa prinsipiyo o paniniwalang dapat maging pantay ang mga babae at mga lalaki sa pagtamasa ng mga karapatang sosyal, ekonomiko, at politikal. Bilang isang teoryang pampanitikan, layunin nito ang maunawaan ang di pagpakapantay-pantay ng mga lalaki at mga babae. AANHIN NINO ‘YAN?
  • 4.
    Vilas ManwatSalin niLuwalhati Bautista(Akdang tinalakay ni Mr. Galcoso C. Alburo sa Pagsusuring Pampanitikan) Si Nai phan ay isa sa mga sikat sa kapit-bahayan. Hindi dahil isa siyang mananayaw na ang paa‟y singgaan ng saboy ng bituin; hindi rin dahilginawa niyang bukod-tangi ang sarili sa larangan ng pulitika o panitikan.Marahil, ang kanyang talino sa pagsasangkap sa isang masarap na luto ngsinangag ang kanyang naging tuntungan sa kawalang-hanggan, pero kahithindi naging katangi-tangi ang nalalaman niya sa pagluluto, magigingtanyag pa rin siya, dahil handa niyang pahintulutan ang kanyang mgaparokayano sa walang limitasyong pangungutang.Mahilig siyang mamigay ng matamis sa mga bata nang hindi naghahanap ngpera. Mangyari pang dahilan ito lagi para magreklamo ang kanyang asawa, pero sasabihin niya: “Ang dalawampung satang na halaga ng matamis ayhindi ipinahihirap ng pamilya.” Pag ang Than Khun, isang mataas na opisyal na naninirahan sa may iskinita, ay gusto ng isang masarap na kape, sasabihin nito sa anak: “Magdala ka rito ng kape mula sa tindahan ni Nai Phan. Marami siyang maglagay ng gatas; iisipin mong nag-aalaga siya ng baka para doon!” Sa iskinita ding iyon naninirahan ang isang lasenggo na hilig nang lumitawsa kaninan at tumula ng mga berso mula sa kwento nina Khun Chang atKhun Phaen; makikinig si Nai Phan nang taimtim ang atensyon. Mataposmagpalabas, hihingi ang lasenggo ng isang libreng baso ng tsaang mayyelo, na malugod namang ipagkakaloob ni Nai Phan, na may kasama pangdoughnut para kumpleto. Pag maulan, sasabihin ni Nai Phan sa mga estudyanteng dalagita: “Mga binibini, nahihirapan na kayo sa pagtatampisaw sa putik. Mula ngayon,pwede nyong bitbitin ang inyong mga sapatos hanggang sa aking tindahan at doon n‟yo isuot.” Lagi niyang binibigyan ang mga ito ng malinis na tubig para panghugas ng paa.Pero eksakatong gabi-gabi, isasara niya ang kanyang tindahan. Sasabihin sa kanya ng mga kaibigan niya, “Dapat kang magbukas at magsilbi sa gabi; dyan maganda ang negosyo, mas madali kang yayaman.” Masayang tatawa si Nai Phan at sasabihin, “Mas masarap matulog kaysamagpayaman nang mabilis.” Ang sagot na ito‟y may pinupukaw sa puso ng mga nakakarinig na mas mayaman kaysa kay Nai Phan, pero hindi pa rin kuntento sa yaman nila,bagkus ay nagkukumagkag pang magpundar ng mas malaki pangkayamanan.Ang mga taong naninirahan sa iskinita, pauwi sa kani -kanilang bahay sakalaliman ng gabi pagkaraan ng maghapong ginugol sa paghahabol ng pera,ay makatatanaw kay Nai Phan na nakahilig sa kanyang maliit na silyang de-tiklop, kuntentong nakikipag-usap sa asawa. At maiisip nila sa kanilang sarili, “Ang saya -saya nilang tingnan, malayo sa paghahangad sa kayamanan. Mas mabuti pa sila sa amin.” Isang gabi ay nagpunta sa sinehan ang kanyang asawa, at nag-iisia si NaiPhan. Papadilim na at naghahanda na siyang magsara ng tindahan nangmabilis na pumasok ang isang kabataang lalaki. “Anong maipaglilingkod ko sa inyo sir?” Tanong ni Nai Phan. Sa halip na sumagot, naglabas ng baril ang estranghero at itinapat iyon sa puso niya.Hindi ito maunawaan ni Nai Phan, pero nadaman niya na hindi maganda angmga pangyayari. “Iabot mo ang salapi mo,” marahas na sabi ng kabataang lalaki. “Lahat! Kung anuman meron ka. Mukhang patayan ang uso sa mga panahong itonagbabarilan ang mga tao sa iba‟t ibang dako araw -araw. Pag pinatay kita,wala nang ispesyal doon, at pag napatay mo ako, hindi na rin masyadongnakapagtataka, kaya bilisan mo na. pag hindi ko nakuha ang salapi, patitikimin kita ng mga bala.” Hindi nanginig si Nai Phan. Kalmante siyang nakatayo at sinabi niya sa tinigna parang nakikipag-usap lang; “Ibibigay ko sa‟yo ang pera, pero hindi dahilsa baril mo, ibibigay ko sa‟yo dahil mukhang kailangang -kailangan mo iyon. Baka nakasalalay dito‟y buhay at kamatay an. Eto. . . lahat ng perang meronako ay nandito. Kunin mo na at umuwi ka na agad. Sinong nakakaalam? Siguro‟y may sakit ang iyong ina; baka nga maraming taong naghihintay doon, iniisip kung mag-uuwi ka ng pera o hindi. Maraming buhay angmaaaring mnakadepende sa pag-uwi mo na may dalang pera. Hindi kosasabihin sa mga pulis. Mga siyam na raan ang cash dito; higit pa. . .kunin mo na.” Inilagay niya ang salapi sa mesa pero ang binatang holdaper ay tila hindinagkalakas-loob na hipuin iyon. “Bakit hindi mo kunin?” tanong ni Nai Phan. “Tingnan mo, bakit kita
  • 5.
    lolokohin? Alam konghirap na hirap ka. Hirap tayong lahat sa mga araw naito. Hindi ako naniniwalang masama kang tao. Sino ang gustong magingmagnanakaw kung maiiwasan niya? Maaari ding nagkaatake ang iyong amaat kailangan mo siyang alagaan. Dalhin mo sa kanya ang perang ito, perohuwag mong ubusin lahat sa gamot. Maniwalak ka sa akin, magagamot ngdoktor ang katawan, pero kailangan ng tao ang lunas pati sa kanyang isip atkaluluwa. Bumili ka ng ilang mababangong bulaklak, isang kuwintas ngbulaklak para sa iyong ina na mailalagay niya sa harap ng sagradongimahen sa bahay. Iyon ang ginagawa ko gabi-gabi. Hindi mo kailangangmalaman kung ano ang kabanalan o kung saan ito nananahan. Sapat na angmakadama ka ng kapayapaan sa iyong sarili. Iyon ang langit. Ay! at itabimo ang iyong baril giginhawa agad ang pakiramdam mo. Ang isanglalaking may dalang baril ay hindi nakakakilala nbg kapayapaan, ang puso niya‟y naghihirap sa takot at pag -aalinlangan, at sa amoy ng panganib.Hindi tayo liligaya habang ang ating mga kamay ay nagsisikip sa mga sandata.” Inilagay ng kabataang lalaki ang baril sa kanyang bulsa, tulad ng isangmasunuring bata. Itinaas niya ang mga kamay sa pagpupugay sa wai kayNai Phan, na kilala sa kanyang sinangag at kape at pagbubukas-palad. “Dapat na barilin ko ang aking sarili imbis na barilin ka,” sabi ng kabataang lalaki. “Huwag kang magsalita na parang baliw,” sabi ng tagapamahala ngtindahan, habang inaabot ang pera sa binata. “Ito na lahat iy on. Dalhin moat iyo nang lahat. Hindi ito pagbibigay na ginawa sa galit. Alam ko na punoang mga bilangguan, pero hindi ng mga kriminal. Isa kang lalaking tulad ko,tulad ng ibang lalaki; kahit sinong lalaki, kahit isang ministro, ay ganyan dinang gagawi n ko kung desperado.” Naupo ang kabataang holdaper. “Hindi pa kita nakita kailanman, at hindi pa ako nakakita kailanman ng gaya mo kung magsalita. Hindi ko kukunin ang pera mo, pero itinabi ko na ang aking baril. Ngayo‟y uuwi na ako sa aking ina na gaya ng sabi mo,” umubo siya ng ilang ulit bago nagpatuloy.“Masama akong anak. Lahat ng perang ibinigay sa akin ng aking ina‟yinubos ko sa karera ng kabayo; yong kakaunting natira‟y inubos ko sa pag iinom.” “Lahat ng tao‟y nagkakamali. Ano ba ang buhay kundi ma gkahalong eksperimento, pagkakamali‟t mga kabiguan?” sabi ni Nai Phan. “Hindi, malakas ang katawan ko, alam mo,” pagpapatuloy ngkabataanglalaki. “Narinig mo ba ang ubo ko? Natatakot ako na mayroon na akong T.B. iyon ang dapat sa akin, sa palagay ko, dahil meron akong mga ginawang masasama dapat talagang mamatay na ako agad-agad. Hindi ako dapat mabuhay, pasanin lang ako sa mundo. Salamat, at paalam.” “Hindi mo kailangang umalis agad. Dito ka muna sandali at mag -usap tayo.Gusto kitang makilala. Saan ka nakatira? Ano ang mga hilig mo? Ibig kong sabihin, ano ang mga pinaniniwalaan mo?” Ang teoryang eksistensyalismo ay hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng tao at binibigyan halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran. Tahanan ng Isang Sugarol salin ni Rustica Carpio Ang maputing ulap sa maaliwalas na langit ay matingkad na nakukulayan, parang bahaghari. Mabilis na papunta sa kanluran ang lumulubog na araw. Dahil tapos nang magalaba, mabagal na tumayo si Lian-chiao sa tabi ng balon. Sandali siyang napapikit nang maramdamang tila may mga bituing lumilipad sa harap niya, gustong mawala ang mga bituing nakahihilo. Si Siao-lan, ang anak niyang babae na tatlong taong gulang ay hubad na nakaupo sa tabi ng palanggana at naglalaro ng tubig. “Inay, tapos na po ba kayong maglaba? Ako na ang magsasampay.” Si Ah Yue iyon na mas matanda kay Siao-lan ng mga tatlo o apat na taon. Nagdidilig siya ng mga gulay na Chai-sim sa kabilang gilid. Nang makitang tapos nang maglaba ang ina, mabilis siyang tumakbo para kunin ang mga labada at isampay sa alambreng nakatali sa dalawang poste sa loob ng kubong walang dingding. Hindi sinagot ni Lian-chiao si Ah Yue. Tumango lamang siya, nakatayo pa rin at nakapikit—nagpipilit na mabawi ang
  • 6.
    lakas. Payat siyaat maliit, mga biente-singko anyos, at nakasuot ng kupas na asul na sam-fu. Medyo nakangiwi ang kanyang mga labi. May pangit at nangingitim na bukol sa kanyang noo. Halatang napalo siya ng isang matigas na bagay kamakailan lamang. Malaki ang kanyang tiyan. Madaling mapansing nagdadalantao siya at malapit nang manganak. Nang dumilat si Lian-chiao, nakatayo na si Ah Yue sa isang bangkito at isa-isang isinampay ang mga damit sa alambre. Dahil mataas ang alambre, kailangang tumingkayad siya at tumingala. Habang minamasdan ang maliit na katawan niyon at ang alanganing paraan ng pagsasmpay ng mga damit sa alambre, biglang nahabag si Lian-chiao. Mahina niyang sinabi, “Ah Yue, mag-ingat ka. Baka ka mahulog!” “Opo!”, sagot ni Ah Yue. Bigla iyong pumihit, nangangambang tumingin at nagtanong, “Inay, luto nab a ang hapunan? Kung hindi, kagagalitan at bubugbugin na naman tayo ni itay!” Nakapukaw kay Lian-chiao ang huling sinabi niyon. Bigla siyang kinabahan. Kahit mayroon pang kaning lamig na natira sa pananghalian, lulutuin pa ang mga gulay. Kapag walang nakain, pag-uwi ang asawa niyang sugarol, tiyak na may mangyayari. Hindi sinasadya’y nahipo niya ang namamagang bahagi ng noo. Tuamahip ang kanyang puso. Nagmamadali siyang naligo sa tabi ng balon at pagkatapos ay tinulungansi Siao-lan sa paglilinis ng katawan nito. Pinuno niya ang dalawang bald eng tubig at kinarga ang mga ito sa pingga pauwi. Ang nakahilis na sinag ng lumulubog na araw ay tumama sa kanyang katawan, sa malaki at bilog na tiyan, sa dalawang umuugang balde ng tubig sa pingga, sa umiika niyang paa, at sa hubad na si Siao-lan na naglalakad sa kanyang likuran, palinga-linga. Pagod na si Lian-chiao sa walang tigil na pagtatrabaho, ngunit hindi siya puwedeng magbagal ng kilos. Mabilis niyang sinindihan ang apoy sa pugon, hiniwa ang mga gulay, pinakulo ang tubig, nilinis ang mga kawali at iba pang kasangkapan sa kusina. Ang pugon ay yari sa luwad at may mga gatla na sa iba’t ibang bahagi. Sa tabi ng pugon ay may maliit na lalagyan ng panggatong. Wala na iyong laman. Kinakailangang isantabi muna ni Lian-chiao ang sipit ng kalan para manguha ng panggatong. Tumulong si Siao-lan at may dalang isa o dalawang piraso tuwing papasok, ikinakalat sa lahat ng lugar. Abala sa gawain si Lian-chiao.Tinanglawan ng liwanag na namumula sa apoy ang mga guhit ng pagod at puyat sa kanyang mukha. Walang makasisisi sa kanya. Mula alas-sais ng umaga, nang bumangon siya para maghanda ng almusal, hindi na siya natigil sa paggawa hanggang ngayon maliban sa sandaling pahinga noong tanghalian. Noong umaga’y nanguha siya ng mga punla ng palay at itinanim sa bukid, at noong hapon ay nagsibak siya ng kahoy na panggatong at namitas ng ta-feng- ho isang damong panggamot nagagamitin niyang pampaligo pagkapanganak. Malapit nang isilang ang sanggol at hindi maaaring hindi siya handa. Kung hindi niya ihahanda agad ang mga kailanga, anong mangyayari sa bahay kung bigla na lang siya ipasok sa ospital? Walang alam ang sugarol niyang asawa kundi humilata sa kama sa kuta ng opyo at magmadyong araw-araw sa Hsiang Chi Coffee Shop. Kung hindi niya aasikasuhin ang mga bagay-bagay ngayon, sino ang tutulong sa kanya? Bukod sa gawain sa bahay, kailangan niyang lagyan ng pataba ang mga gulay at pipino na nakatanim sa gilid ng kanyang bahay, at bunutin ang ligaw na damo. Kung hindi ay bubugbugin siya ng kangyang a sawa kapag nagging masama ang ani. Masakit pa nga ang kanyang noo dahil sa suntok nito dalawang araw na ang nakararaan dahil nagkamali siyang sagutin iyon. “Sssst…” Inilagay niya sa kawali ang mga dahon ng kamote. Ang buong bahay ay napuno ng bango ng nilu lutong gulay. Nakaupo si Siao-lan sa loobg ng bahay, dinidilaan ang mga labi at tinitignan ang nakatatandang kapatid na nakatyao pa rin sa kuwadradong bangko sa labas. Di kaginsa-ginsa’y isang tinig na tila tunog ng basag na kampana na nagbuhat sa labas ng pinto. “Ah Yue! Hindi ka ba natatakot mahulog diyan? Ang taas ng naaakyat mo, ha? Gusto mo nab a dalawin ang hari ng kadiliman?” “Itay… Nagsasampay lang ako…”, kiming sagot ni Ah Yue. Halos kasimbilis ng kidlat, isang parang-kawayang lalaki ang pumasok sa bahay at sandaling tumayo, galit. “Lintik! Gabi na’y hindi pa luto ang hapunan. Umalis ka ba para hanapin ang kalaguyo mo?” “Sandali na lang…maluluto na… Ipiprito ko na lang ang inasinang isda. Pagkatapos…pagkatapos ay puwede na tayong…
  • 7.
    maghapunan.” Walang lakasng loob si Lian-chiao na tumingala man lamang. Inilagay niya sa isang plato ang pinipritong talbos ng kamote at naglagay pa ng ilang patak ng langis sa kawali. Bahagyang nanginginig ang kanyang mga kamay habang hinuhugasan ang inasinang isda. Hindi siya naglakas-loob na tumutol sa ingay ng kanyang asawa. Si Li Hua, ang asawa ni Lian-chiao, ay larawan ng isang tunay na manghihithit ng opyo:payat at matangkad, may maiitim na ngipin at namumulang mga mata. Matapos nakapamaywang na sinigawan ang bawat isa, nagsimula siyang maghubad, at marahas na nagtanong, “Handan a ba ang tubig na pampaligo?” “Ihahanda ko na ang tubig,ihahanda ko na…” Mabilis niyang itinabi ang siyansi, ibinuhos ang isang kaldero ng kumukulong tubig sa isang balde na kauuwi lamang niya . Pagkatapos ay binuhat iyon nang dalawang kamay sa luma at sira-sirang banyo. Yukung-yuko siya dahil sa bigat ng tubig. Umaalog ang malaki niyang tiyan, at nakangiwi ang maputlang mukha, nagpapakita ng hirap at marahil ay kawang -pag-sa. Sumagitsit sa kawali ang inasinang isda dahil sa init ng mantika. “Masusunog na ang inasinang isda. Hindi mo ba naaamoy? Napakabagal mong kumilos. Wala kanga lam kundi kumain!” Walang tigil sa pagmumura sa asawa si Li Hua habang ang babae’y papunta sa banyo. Nagtago sa isang sulok ng bahay ang dalawang bata, nanginginig sa takot. Hindi sila nagkalakas-loob na magsalita. Kabisado na nila ang nangyayari, baka natalo na naman sa sugal si Li Hua. Pagkatapos kumain at habang pinupunasan ang nagmamantikang nguso, kinuha ni Li Hua ang lalagyan ng tsa. Humigop siya ng kaunting tsa at pagkatapos ay, “Pwe!”, lumura sa lupa. Niligis ng kanan niyang paa ang malapot na laway sa sahig. Inaakalang aalis na naman ang lalaki, mabilis na ibinaba ni Lian-chiao, na kumakain pa, ang mangkok at chopsticks, at nagkakandautal na, “Ama ni Ah Yue, aalis ka na naman? Ako’y…” “Ano? Hindi ako aalis!” Napakalakas ng boses ni Li hua. “Natalo ako ng biente dolyar ngayong hapon sa Hsiang Chi Coffee Shop. Bakit hindi ako babalik para makabawi ang natalo sa akin? Pag hindi ako nanalo ngayong gabi hindi ko na tatawagin ang sarili kong eksperto sa madyong!” “Puwede bigyan mo ako ng ilang dolyar? Nag-order ako ng dalawampung itlog kay Ying… Malapit na akong manganak. Kailangang bumili ako ng ilang itlog para lutuin sa luya at alak.” Minasdan ni Lian-chiao ang malaki niyang tiyan. Masyadong mahina at mababa ang kanyang boses. Nang marinig na kailangan niya ng pera, biglang nagtaas ng kilay si Li Hua. Lalong pumula ang mga mata niyang dati nang namumula. Ibinuka niya ang bibig, ipinakikita ang dalawang hanay ng bungi-bungi at maiitim na ngipin. “Hindi! Hindi! Sinong may sabi sa iyong bumili ka ng masarap ba pagkain kung wala kang pera? Kung kaya mong mag-order, bakit hindi mo kayang magbayad?” Lumura na naman sa sahig ang lalaki at dinilaan and nguso. Humakbang ang mahahaba niyang binti at lumabas ang tila-kawayan niyang katawan. Nakatayo sa gitna ng bahay si Lian-chiao, nakabuka ang medyo laylay na bibig, natitigilan at hindi makakilos. Mahangin at maginaw nang gabing iyon. Habang nakahigang walang tinag sa matigas na higaang kahoy, hindi makatulog si Lian-chiao. Naglalakbay ang kanyang isip. Kahit pago na pagod siya at mabigat na ang mga mata pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho, gising na gising pa rin ang kanyang isip. Ang mga lumipas na pangyayari ay parang ulap sa bundok na mabagal na pumapailanglang sa lambak, naaanod, naaanod—kasinggaan ng usok. Sa lahat ng mga taong patay na o buhay pa, ang larawan ng kanyang ina ang namumukod na lumalantad. Sa kagustuhang magkaapo kaagad, pinag-asawa nito ang tila bulaklak na anak niya—si Lian- Chiao na kinse anyos pa lamang noon. At ang masama pa, sa kasabikang magkaroon ng mainam na buhay pagtanda niya, at laban sa payo ng mga kamag-anak at kaibigan nila, pinili niya para maging manugang si Li Hua, na anak ng noo’y isang mayamang negosyante. Lahat ng kanyang pag-asa ay nabigo. Isang taon pagkaraang makasal si Lian-chiao at lumipat ng bahay, ang ina’y namatay sa kanser sa dibdib. Paano niya malalaman na dahil sa ipinagkasundong kasal, mawawala sa kanyang anak ang katahimikan at kaligayahan sa buong buhay nito? Nagbuntung-hininga nang malalim si Lian-chiao. Nanlabo ang kanyang mga mata dahil sa luhang napigil ang pagpatak.
  • 8.
    Ngayon, ang taonglumilitaw sa isip niya ay ang kanyang asawa, ang walang silbi at tila kawayang siLi Hua. Winaldas niyang lahat ang manang iniwan ng ama niya. Marami siyang bisyo: pagsusugal, paglalasing, paghithit ng opyo, pagpunta sa bahay-aliwan…eksperto siya sa lahat ng ito. Ang pinakamalakas na dagok kay Lian-chiao ay ang pagkamapamahiin ni Li Hua. Naniniwala ito sa manghuhulang nagsabi na pulos babae ang isisilang ni Lian-chiao at hindi ito kailanman maghahatid sa kanya ng yaman o suwerte. Sa madaling sabi, si Lian-chiao ang pinanggagalingan ng kasawiang-palad. Dahil dito, napakasama ng pakikitungo niya kay Lian-chiao. Walang magawa si Lian-chiao kundi tahimik na pagtiisan ang hindi makatwiran at kung minsan ay malupit na pakikitungo nito sa kanya. Kung nagkaroon siya ng lakas ng loob na magmaktol at mangatwiran, mandidilat agad iyon, at luluraan sa mukha mismo, humihiyaw, “Ikaw ang sumpa ng pamilya! Sinong may sabi sa iyong magpakasal ka sa akin? Luka -luka! Kung gusto mong lumayaw, puwede ka nang lumayaw ngayon din. Alis! Alis! Sinong pumipigil sa iyo?...” Tumulo sa pisngi ang luha ni Lian-chiao. Dahan dahan siyang bumaling. Nasipa na nina Ah Yue at Siao-lan ang kumot. Mahimbing na natutulog ang dalawa, magkayakap. Kinuha ni Lian-chiao ang kumot at itinakip sa kanila. Pumikit siya ngunit hindi pa rin makatulog. Nag-aalala siya. Malapit na siyang manganak. Makukunan kaya siya? Mahirap sabihin. Sa kabila ng kanyang pagbubuntis, kailangan niyang magbuhat ng mabibigat na bagay—kasimbigat ng animnapu o pitumpung katies araw-araw. Mga ilang araw pa lang ang nakararaan ay bumagsak siya habang nagsisibak ng kahoy na panggatong. Sino ang gagarantiyang hindi naapektuhan ang bata sa loob ng kanyang tiyan? Halimbawang malaglag ang bata, at mamatay siya, sino ang humahalinghing, “Ang tiyan ko…masakit…dalhin agad…dalhin ninyo ako sa ospital…” “Ano? Ngayon na? Mananalo ako sa larong ito. Sandali. Pung! Ang galing! Ang gandang pitsa ito. Ito talaga ang kailangan ko. Ha, ha! Quadruple! Unang apat, pangalawang apt…isang libo dalawang daan at walumpu at dalawang libo limang daan at animnapu!” Malaki and panalong iyon. Nagsimula siya sa ilang chips lamang ngunit ngayon ay isang bunton na ang nasa harap niya. Tuwang tuwa si Li Hua at hindi niya mapigil ang kakatawa, maluwang na maluwang ang nangingitim na bibig. Habang sinasamsam at inaayos ang mga chips, ngumiti siya sa taong nakaupo sa harap niya. “Ha, ha, Lumpong Chun! Napakagaling nitong siyamnapung libong galing sa iyo! Napakagaling! Ha, ha…” “Ai-yo…yo…” “Hoy lumakad ka na. Manganganak na ang misis mo!, may humimok kay Li Hua. Walang magawa si Li Hua kundi hilingin sa isang miron na maglaro para sa kanya. Galit na tinignan niya si Lian -chiao at nag-aatubiling tumayo. Pumayag ang maybahay ng towkay na ipaarkila sa kanya and Morris Minor nito sa dalawang dolyar bawat oras, at dodoblehin sa gabi. Tinulungan ng maybahay si Lian-chiao na makasakay sa kotse. Si Li Hua, na umuungol pa ay nagpunta sa kasilyas sa likod ng kapihan. Bagamat hindi na gaanong humihilab ang tiyan niya,balisa si Lian-chiao. Bigla siyang nakakita ng ilaw ma mabilis na papalapit sa dako nila. Bahagyang kumislap ang munting ilaw, dahil marahil sa hangin. Habang papalapit iyon ay nakita niya si Ah Yueng pangku-pangko ang nakababatang kapatid. Kapwa sila umiiyak at namumula na ang kanilang mga mata. “Ah Yue, Ah Yue! Bakit dinala mo rito ang kapatid mo? Sisipunin kayo!” Lumabas sa kotse si Lian -chiao, nilapitan ang maliliit na batang babae, hindi malaman kung ano ang gagawin. Humagulgol ng iyak si Siao-lan… Kaagad siyang inaliw ni Lian-chiao. Habang pinapahiran ang luha a ilong, marahang nagssaita si Ah Yue, “Nagising ako sa iyak ni Siao-lan. Hinahanap niya ang nanay. Hindi ko Makita si nanay sa bahay. Naisip kong baka narito kayo, kaya dinala ko siya dito…” Nang malaman ni Ah Yuen a papunta sa ospital ang kanyang ina, kumbot ng kaunti ang ilong nya at ang bibig niya ay lumaylay sa mga sulok. Luhaan ang mga mata niya. “Kokak,kokak…”Umiiyak ang mga palaka sa mga pilapil sa gawing kaliwa ng maliit na kalsada. Binasag ng malungkot nilang pagkokak ang katahimikan ng gabi. Muling bumugso ang hangin. Tuluyan nang namatay ang ilaw sa gasera. Si Lian
  • 9.
    chiao at anglahat ng bagay sa kanyang paligid ay dagling nakulong sa kadiliman. Hindi siya makasulong at hindi din siya makaurong ilang sandal siya tumayo roon, walang tinag at hindi malaman ang gagawin. Parang hinihiwa ng isang matalim na kutsilyo ang tiyan niya. Natutuliro siya at nahihilo. ”Kras.” Nalaglag ang gasera mula sa nanginginig niyang mga daliri,nagkapira-piraso. Hindi na maisip ni Lian-chiao kung ano ang nangyayari. Sinapo niya ng dalawang kamay ang kanyang ulo, nagpupumilit na manatili siyang nakatayo. Pagkalipas ng ilang sandali, medyo nanumbalik ang lakas ni Lian-chiao at unti-unting nasanay ang mga mata niya sa dilim. Lumakad siyang muli, mabagal, hindi matatag. Kung ilang beses na halos madapa siya dahil sa madulas na kalsada. Madalas siyang huminto dahil sa sumusumpong na sakit. Tatayo siya, yuyuko ng mababa hanggang ang sakit ay humupa…ngunit ilang sandal lamang. Narating din sa wakas ni Lian-chiao ang Hsiang Chi Coffee Shop. Napakaliwanag s loob at maingay: ang kalantog ng mga pitsa ng madyong sa mesa, ang maingay na boses ng mga sugarol, umuungol o tumatawa… Nanghihinang itinaas ni Lian-chiao ang kaliwang kamay at kumatok sa pinto. Marahil ay buhos na buhos ang mga isip ng tao sa pagsusugal, o baka naman napakahina ng katok niya. Walang lumapit para buksan ang pinto. Hindi na matiis ni Lian-chiao ang sakit, at kumatok uli siya ng buong lakas. Isang matabang babae ang nagbukas ng pinto. Iyon ang maybahay ng may-ari ng kapihan. Si Lian-chiao na nakasandal ng mabuti sa pinto ay bumagsak sa loob. Noon una ay nagulat ang matabang babae sa pagpasok niya. Ngunit nang matanto niya kung sino ang babae, maliksi niya itong tinulungan at inakay papasok. Si Li Hua, na dadampot na lamang ng pitsa ay namangha rin s pagdating ni Lian-chiao. Ngunit nakapagpigil siya at mabagsik na nagtanong, “Anong nangyari? Bakit gabing-gabi na ay narito ka pa? Pung! Teka, teka! Red Center ba ‘yon? Ha! Maganda!” Magaganda ang pitsa niya at medyo ninenerbyos siya, matamang nakatingin sa mesa. Tinulungan ng maybahay ng towkay si Lian-chiao na maupo sa silyang rattan. Sapo ng dalawang kamay ni Lian-chiao ang kanyang tiyan, “Ah Yue, huwag kang umiyak. Mabait ka di ba? Alagaan mong mabuti and kapatid mo. Uuwi ang nanay pagkaraan ng dalawa o tatlong araw. Pagkahatid sa akin sa ospital, uuwi ang tatay ninyo…” Habang inaaliw si Ah Yue, napaiyak na rin si Lian-chiao. Hindi niyang makayang isipin na aalis siya ng mga ilang araw, iiwan ang dalawang munting bata sa bahay na walang mag-aalaga sa kanila. Ibinaba ni Ah Yue ang nakababatang kapatid at sa pagitan ng mga hikbi, “Inay, dadalawin ko kayo bukas, kasama ang kapatid ko. Sasabihin ko kay Itay na isama kami roon. May isa pang dolyar sa aking lata ng sigarilyo. Dadalhin ko iyon para magamit mo muna…” Magiliw na hinawakan ni Lian-chiao ang munting ulo ng anak. Hindi siya makapagsalita dahil sa pag-aalala. Lumabas si Li Hua. Kinagalitan ang dalawang bata gaya ng dati. Pagkatapos ay pumasok sa kotse, binuhay ang makina at pinatakbo. Patuloy ang madyong sa Hsiang Chi. Ang gabi ay ginulo ng mga tunog ng pitsa, “Khe -ta… khe-ta…” at paminsan minsan ng malakas na pung! Malamig na kumislap ang mga bituin sa langit. Malakas ang ihip ng hangin. Isang munting ilaw ang mabagal na kumikilos sa daan. Si Ah Yue, pangko sa likod ang umiiyak at inaantok na kapatid, mabagal at atubiling naglalakad patungo sa kanilang luma at hungkag na bahay. Moralistiko- sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit pinahahalagahan ang moralidad, disciplina, at kaayusang nakapaloob sa akda.