SlideShare a Scribd company logo
Salamat!
Pamilya’y Buo ko Na!
Efril Jane T. Tabios
Tagapag-suri
Isang Pagsusuri sa Likhang Tula
Mahirap na mawalan ng isang pakpak
Na s’yang kaagapay upang di bumagsak
Mahirap mabuhay na may kulang sayo
Di mo malaman kung paano tatayo
Pilit ko mang nilalabanan ang lungkot
Sa puso’t isip mayroon paring takot
Di maiwasang sa tabi ay magmukmok
At lihim na umiyak sa isang sulok
Salamat!
Pamilya’y Buo ko Na!
Likha ni: Efril Jane T. Tabios
Alam ko lahat ng bagay may dahilan
Saya ng buhay muling mararamdaman
Di na muling papatak ang ulang likha
Isang ulang umaagos sa aking mukha
Balang araw ako’y magiging buo
Sa pag-ibig niyang wagas at totoo
Sa halik at yakap ng mahal kong ama
Salamat! Pamilya’y buo ko na
PAKSANG DIWA
Ang aking tulang naisulat ay patungkol sa aking
sariling buhay. Ang tula ay patungkol sa kung gaano
kahirap mabuhay na wala ang isang pakpak, iyon nga
ay ang kanyang ama. Isang anak na hindi namulat at
lumaki sa piling at kalinga ng isang ama. Isang anak na
nangungulila sa pagmamahal ng kanyang tatay.
Anak na umaasang balang araw ay masasabi
niyang buo ang kanyang pagkatao,
buo ang kanyang buhay sapagkat
nabuo na niya ang kanyang pamilya
kahit sa tula lamang.
A. Pamagat
Ang naging pamagat ng tula ay kung ano ang nais
mangyari ng may akda sa kanyang buhay. Mababasa sa
pamagat na mayroong katuparan ang kanyang hiling.
Dahil umaasa siyang balang araw mabubuo nga ang
kanyang pamilya. Mararanasan niyang magkaroon ng
isang ama na makakasama sa araw-araw.
Simple ngunit malaman ang pamagat.
Literal lang ang kahulugan ng bawat salita
sa pamagat kaya’t madaling maunawaan
kung tungkol saan ang kanyang tulang
isinulat. Makikita rin ang pamagat sa
pinakahuling saknong.
Ang naging daloy ng tula ay nagsimula sa
pagkukwento ng kanyang buhay at karanasan bilang
isang anak na lumaking walang tatay. Sa una at ikalawang
saknong ay mababasa at mararamdaman ang hirap at
kalungkutang napagdaan ng may akda. Ngunit sa
pangatlo at pang-apat na saknong ay kakikitaan na nang
pang-asa sa mga salitang kanyang ginamit sa bawat
talutod sa bawat saknong. Nais din niyang ipahatid ang
mensahe sa kanyang mga mambabasa na
huwag mawalan ng pag-asa para sa isang
pangarap na nais mong makamit.
Ika nga, “habang may buhay may pag-asa”.
Makikita sa tula na mayroon itong apat na
saknong at bawat saktong na mayroong apat na
talutod at sa bawat talutod ay mayroong
labindalawang pantig. Sa huling pantig ay
mayroong tugma sa bawat huling salita, kayat
mapapansin sa tulang ito na ang mga tugmaan sa
huling salitaan ng mga taludtod ay
nagtatapos na magkakatunog kaya
maituturin na ang tula ay nabibilang
sa tradisyunal na tula sapagkat
mayroon itong sukat at tugma.
C. Tayutay
Kakikitaan din ito ng mga malalalim na salita o
matalinhagang pagpapahayag tulad ng salitang “pakpak”
na parang inihahalintulad sa isang ibong nawalan ng
isang pakpak kaya’t hindi makalipad ginamit dito ang
tayutay na Metapora, dahil inihalintulad niya ang isang
pakpak sa kanyang ama. Makikita rin sa ikatlong saknong
ang pariralang “ulang likha” na ang tinutukoy
ay “luha” na umaagos sa kaniyang mukha na
ibig sabihin ay pagtangis ng pangunahing
tauhan sa tula. Ang pariralang
“ulang umaagos” din ay maaaring
maibilang sa tuyutay na pagmamalabis.
II. Kagandahang Pampanulaan
A. Guniguni
Sa tulang ito, nagawang ipakilala ng may akda ang kanyang
sarili, naipahayag niya ng maayos at makabuluhan ang
kanyang saloobin. Sa pamamagitang ng tulang ito ay naging
malaya ang may akda na mangarap at maisakatuparan ito ayon
sa kanyang nais mangyari. Naging malikhain ang kanyang
imahensayon at guniguni na kahit batid niya malabong
mangyari ito sa totoong buhay ay nagawa niyang maging totoo
ito sa pamamagitan ng kanyang tula. Binalikan niya ang
damdaming nanaig noong mga panahong may
maraming “bakit” sa kanyang isipan. Naipaabot
ng maayos ng makata ang mensaheng nais
iyang ikintal sa isipan ng kanyang
mambabasa.
B. Sagimsim
Ipinahayag ng may akda ang labis niyang
kalungkutan sa pagkawalay sa kanyang amain. Nakapaloob
sa tula ang matinding pag-asam na makapiling niya ang
haligi ng tahanan na bubuo sana sa kanyang pagkatao.
Kakikitaan man ng pagkabigo at kawalan ng pag-asa sa una
at ikalawang saknong ng tula ang makata ngunit mababasa
naman sa ikatlong saknong na batid niyang parti
lamang ng buhay ng tao ang mga pagsubok,
bigay ito ng Diyos upang sukatin ang
kanyang katatagan at maging ang
pananampalataya sa Maylikha.
Sa huling saknong naman, ipinamalas ng
makata ang kanyang katatagan.
Kakikitaan rin ang may-akda ng labis na
pagmamahal para sa kanyang ama na sa kabila ng pag-
iwan nito sa kanya ay nananatili at nananaig parin ang
kanyang pagmamahal para dito. Ang pag-asam ng anak
sa isang ama ang nagtulak sa makata na umasang ang
isang pangarap ay magkakaroon nang katuparan balang
araw. Kung bibigyang buhay ng mambabasa at ilalagay
nila ang kanilang sarili sa sitwasyon ng makata,
sa huling saknong ng tula ay tiyak kong uukit
sa kanilang mga labi ang labis na kaligayahan,
iiwan ito ng ngiti sa mga mambabasa na
siyang nagpabisa sa tula.
III. Kaisipang Pampanulaan
Sa saknong na ito umikot ang kuwento ng aking tula,
para akong isang ibong hindi makalipad dahil sa tingin ko’y
naputulan ako ng isang pakpak. Nakapahirap lumipad,
napakahirap bumangon, sa murang edad namulat ako sa
tuksong, “A walang tatay” hindi ako makaimik, hindi ako
makalaban, di ko kayang ipagtanggol ang sarili ko
sapagkat totoo. Paano ako lalaban? Sa murang
isipan paano ako gaganti? Pero sa kabila ng
lahat, sa halip na piliin kong makipagtalo,
mas pinili kong magpakatotoo. Sa halip na
lumaban mas pinili kong manahimik nalang.
Mas pinili kong maging mabuting tao,
iyan ang pinakamatindi kong ganti.
Mahirap na mawalan ng isang pakpak
Na s’yang kaagapay upang di bumagsak
Di na muling papatak ang ulang likha
Isang ulang umaagos sa aking mukha
Ang saknong na ito ang nag bigay din sa akin ng pag-
asa na hindi ko na muling mararanasang umiyak sa tukso ng
mga taong hindi nakauunawa ng aking sitwasyon, para ito sa
mga taong labis na nanakit sa aking damdamin. Sila ang
naging dahilan ko rin upang lumaban. Ngingiti ako sa kabila
ng naranasan at kawalan ko ng isang pakpak.
May isa pa akong pakpak. Sa pagdaan ng panahon,
natutunan kong lumipad gamit lamang ang
isa kong pakpak. Mahirap sa umpisa pero
dahil sa labis na kagustuhang makalipad,
nagsumikap akong matutong lumipad.
Sa pag-ibig niyang wagas at totoo
Sa halik at yakap ng mahal kong ama
Salamat! Pamilya’y buo ko na.
Habang isinusulat ko ang tulang akin likha, sa loob loob ko,
kulang ako ng isang pakpak, pero ngayon habang ako mismo
ang sumusuri sa aking tula, ito rin pala ang magpapamulat sa
akin sa loob ng maraming taon, ito ang naging daan
upang lumaya ako sa kaisiping wala akong tatay.
Ito ang naging repleksyon ko na hindi pala
talaga ako kulang, walang kulang sa akin.
Oo nga, wala akong tatay sa tabi ko, pero,
narealize ko, May Ama ako sa langit.
Isang amang totoong nagmamahal sa akin.
Isang Amang handang bumuo ng pagkatao ko,
handang punan kung ano man ang kulang sa akin.
Sa pag-ibig niyang wagas at totoo
Sa halik at yakap ng mahal kong ama
Salamat! Pamilya’y buo ko na.
Kaya’t sa aking pagtatapos sa pagsusuri ng aking tula,
buong tapang kong sasabihin hindi bukas, sa susunod na
araw, buwan o taon kundi ngayon din mismo.
Sarili ko’y buo ko na!
Ang Pagsusuri ng Likhang Tula - Efril Jane Tabios-Fil.414.pptx

More Related Content

Similar to Ang Pagsusuri ng Likhang Tula - Efril Jane Tabios-Fil.414.pptx

Aralin-3.pptx
Aralin-3.pptxAralin-3.pptx
Aralin-3.pptx
MariaLizaCamo1
 
-REPORT-sumiogbarcelonmanginsaypanerhortilanoA.gallardo-1.pptx
-REPORT-sumiogbarcelonmanginsaypanerhortilanoA.gallardo-1.pptx-REPORT-sumiogbarcelonmanginsaypanerhortilanoA.gallardo-1.pptx
-REPORT-sumiogbarcelonmanginsaypanerhortilanoA.gallardo-1.pptx
shessglue
 
grade 9 module 4.pptx
grade 9 module 4.pptxgrade 9 module 4.pptx
grade 9 module 4.pptx
ferdinandsanbuenaven
 
FIL10.M3-4. W3-4.pdf
FIL10.M3-4. W3-4.pdfFIL10.M3-4. W3-4.pdf
FIL10.M3-4. W3-4.pdf
LeahMaePanahon1
 
Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)
Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)
Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)Omegaxis26
 
Elective 2 ppt.pptx
Elective 2 ppt.pptxElective 2 ppt.pptx
Elective 2 ppt.pptx
RashielJaneCeliz1
 
final demo.ppt
final demo.pptfinal demo.ppt
final demo.ppt
Lorniño Gabriel
 
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Aubrey Arebuabo
 
Elemento ng Tula
Elemento ng TulaElemento ng Tula
Elemento ng Tula
Jessie Pedalino
 
tula.pptx
tula.pptxtula.pptx
Elehiya sa kamatayan ni kuya isinalin sa tagalog
Elehiya sa kamatayan ni kuya isinalin sa tagalogElehiya sa kamatayan ni kuya isinalin sa tagalog
Elehiya sa kamatayan ni kuya isinalin sa tagalog
marieannedrea
 
Tayutay
TayutayTayutay
Pagsusuri sa uhaw ang tigang na lupa
Pagsusuri sa uhaw ang tigang na lupaPagsusuri sa uhaw ang tigang na lupa
Pagsusuri sa uhaw ang tigang na lupa
Margarita Celestino
 
Filipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asya
Filipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asyaFilipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asya
Filipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asya
MarizLizetteAdolfo1
 
Q2M3 TULA NG ENGLAND.pptx
Q2M3 TULA NG ENGLAND.pptxQ2M3 TULA NG ENGLAND.pptx
Q2M3 TULA NG ENGLAND.pptx
LeomarBornales1
 
Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2
aguilarliezelann
 
Ang Tula at ang mga Elemento Nito .ppt
Ang Tula at ang mga Elemento Nito   .pptAng Tula at ang mga Elemento Nito   .ppt
Ang Tula at ang mga Elemento Nito .ppt
ramelragarcia
 
Tula
TulaTula
Tanaga Diona Dalit Tanka Haiku
Tanaga Diona Dalit Tanka HaikuTanaga Diona Dalit Tanka Haiku
Tanaga Diona Dalit Tanka Haiku
NeilfrenVillas1
 

Similar to Ang Pagsusuri ng Likhang Tula - Efril Jane Tabios-Fil.414.pptx (20)

Aralin-3.pptx
Aralin-3.pptxAralin-3.pptx
Aralin-3.pptx
 
-REPORT-sumiogbarcelonmanginsaypanerhortilanoA.gallardo-1.pptx
-REPORT-sumiogbarcelonmanginsaypanerhortilanoA.gallardo-1.pptx-REPORT-sumiogbarcelonmanginsaypanerhortilanoA.gallardo-1.pptx
-REPORT-sumiogbarcelonmanginsaypanerhortilanoA.gallardo-1.pptx
 
grade 9 module 4.pptx
grade 9 module 4.pptxgrade 9 module 4.pptx
grade 9 module 4.pptx
 
FIL10.M3-4. W3-4.pdf
FIL10.M3-4. W3-4.pdfFIL10.M3-4. W3-4.pdf
FIL10.M3-4. W3-4.pdf
 
Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)
Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)
Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)
 
Elective 2 ppt.pptx
Elective 2 ppt.pptxElective 2 ppt.pptx
Elective 2 ppt.pptx
 
final demo.ppt
final demo.pptfinal demo.ppt
final demo.ppt
 
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
 
Elemento ng Tula
Elemento ng TulaElemento ng Tula
Elemento ng Tula
 
tula.pptx
tula.pptxtula.pptx
tula.pptx
 
Elehiya sa kamatayan ni kuya isinalin sa tagalog
Elehiya sa kamatayan ni kuya isinalin sa tagalogElehiya sa kamatayan ni kuya isinalin sa tagalog
Elehiya sa kamatayan ni kuya isinalin sa tagalog
 
Tayutay
TayutayTayutay
Tayutay
 
Pagsusuri sa uhaw ang tigang na lupa
Pagsusuri sa uhaw ang tigang na lupaPagsusuri sa uhaw ang tigang na lupa
Pagsusuri sa uhaw ang tigang na lupa
 
Filipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asya
Filipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asyaFilipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asya
Filipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asya
 
Q2M3 TULA NG ENGLAND.pptx
Q2M3 TULA NG ENGLAND.pptxQ2M3 TULA NG ENGLAND.pptx
Q2M3 TULA NG ENGLAND.pptx
 
Unang bahagi
Unang bahagiUnang bahagi
Unang bahagi
 
Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2
 
Ang Tula at ang mga Elemento Nito .ppt
Ang Tula at ang mga Elemento Nito   .pptAng Tula at ang mga Elemento Nito   .ppt
Ang Tula at ang mga Elemento Nito .ppt
 
Tula
TulaTula
Tula
 
Tanaga Diona Dalit Tanka Haiku
Tanaga Diona Dalit Tanka HaikuTanaga Diona Dalit Tanka Haiku
Tanaga Diona Dalit Tanka Haiku
 

Ang Pagsusuri ng Likhang Tula - Efril Jane Tabios-Fil.414.pptx

  • 1. Salamat! Pamilya’y Buo ko Na! Efril Jane T. Tabios Tagapag-suri Isang Pagsusuri sa Likhang Tula
  • 2. Mahirap na mawalan ng isang pakpak Na s’yang kaagapay upang di bumagsak Mahirap mabuhay na may kulang sayo Di mo malaman kung paano tatayo Pilit ko mang nilalabanan ang lungkot Sa puso’t isip mayroon paring takot Di maiwasang sa tabi ay magmukmok At lihim na umiyak sa isang sulok Salamat! Pamilya’y Buo ko Na! Likha ni: Efril Jane T. Tabios
  • 3. Alam ko lahat ng bagay may dahilan Saya ng buhay muling mararamdaman Di na muling papatak ang ulang likha Isang ulang umaagos sa aking mukha Balang araw ako’y magiging buo Sa pag-ibig niyang wagas at totoo Sa halik at yakap ng mahal kong ama Salamat! Pamilya’y buo ko na
  • 4. PAKSANG DIWA Ang aking tulang naisulat ay patungkol sa aking sariling buhay. Ang tula ay patungkol sa kung gaano kahirap mabuhay na wala ang isang pakpak, iyon nga ay ang kanyang ama. Isang anak na hindi namulat at lumaki sa piling at kalinga ng isang ama. Isang anak na nangungulila sa pagmamahal ng kanyang tatay. Anak na umaasang balang araw ay masasabi niyang buo ang kanyang pagkatao, buo ang kanyang buhay sapagkat nabuo na niya ang kanyang pamilya kahit sa tula lamang.
  • 5. A. Pamagat Ang naging pamagat ng tula ay kung ano ang nais mangyari ng may akda sa kanyang buhay. Mababasa sa pamagat na mayroong katuparan ang kanyang hiling. Dahil umaasa siyang balang araw mabubuo nga ang kanyang pamilya. Mararanasan niyang magkaroon ng isang ama na makakasama sa araw-araw. Simple ngunit malaman ang pamagat. Literal lang ang kahulugan ng bawat salita sa pamagat kaya’t madaling maunawaan kung tungkol saan ang kanyang tulang isinulat. Makikita rin ang pamagat sa pinakahuling saknong.
  • 6. Ang naging daloy ng tula ay nagsimula sa pagkukwento ng kanyang buhay at karanasan bilang isang anak na lumaking walang tatay. Sa una at ikalawang saknong ay mababasa at mararamdaman ang hirap at kalungkutang napagdaan ng may akda. Ngunit sa pangatlo at pang-apat na saknong ay kakikitaan na nang pang-asa sa mga salitang kanyang ginamit sa bawat talutod sa bawat saknong. Nais din niyang ipahatid ang mensahe sa kanyang mga mambabasa na huwag mawalan ng pag-asa para sa isang pangarap na nais mong makamit. Ika nga, “habang may buhay may pag-asa”.
  • 7. Makikita sa tula na mayroon itong apat na saknong at bawat saktong na mayroong apat na talutod at sa bawat talutod ay mayroong labindalawang pantig. Sa huling pantig ay mayroong tugma sa bawat huling salita, kayat mapapansin sa tulang ito na ang mga tugmaan sa huling salitaan ng mga taludtod ay nagtatapos na magkakatunog kaya maituturin na ang tula ay nabibilang sa tradisyunal na tula sapagkat mayroon itong sukat at tugma.
  • 8. C. Tayutay Kakikitaan din ito ng mga malalalim na salita o matalinhagang pagpapahayag tulad ng salitang “pakpak” na parang inihahalintulad sa isang ibong nawalan ng isang pakpak kaya’t hindi makalipad ginamit dito ang tayutay na Metapora, dahil inihalintulad niya ang isang pakpak sa kanyang ama. Makikita rin sa ikatlong saknong ang pariralang “ulang likha” na ang tinutukoy ay “luha” na umaagos sa kaniyang mukha na ibig sabihin ay pagtangis ng pangunahing tauhan sa tula. Ang pariralang “ulang umaagos” din ay maaaring maibilang sa tuyutay na pagmamalabis.
  • 9. II. Kagandahang Pampanulaan A. Guniguni Sa tulang ito, nagawang ipakilala ng may akda ang kanyang sarili, naipahayag niya ng maayos at makabuluhan ang kanyang saloobin. Sa pamamagitang ng tulang ito ay naging malaya ang may akda na mangarap at maisakatuparan ito ayon sa kanyang nais mangyari. Naging malikhain ang kanyang imahensayon at guniguni na kahit batid niya malabong mangyari ito sa totoong buhay ay nagawa niyang maging totoo ito sa pamamagitan ng kanyang tula. Binalikan niya ang damdaming nanaig noong mga panahong may maraming “bakit” sa kanyang isipan. Naipaabot ng maayos ng makata ang mensaheng nais iyang ikintal sa isipan ng kanyang mambabasa.
  • 10. B. Sagimsim Ipinahayag ng may akda ang labis niyang kalungkutan sa pagkawalay sa kanyang amain. Nakapaloob sa tula ang matinding pag-asam na makapiling niya ang haligi ng tahanan na bubuo sana sa kanyang pagkatao. Kakikitaan man ng pagkabigo at kawalan ng pag-asa sa una at ikalawang saknong ng tula ang makata ngunit mababasa naman sa ikatlong saknong na batid niyang parti lamang ng buhay ng tao ang mga pagsubok, bigay ito ng Diyos upang sukatin ang kanyang katatagan at maging ang pananampalataya sa Maylikha. Sa huling saknong naman, ipinamalas ng makata ang kanyang katatagan.
  • 11. Kakikitaan rin ang may-akda ng labis na pagmamahal para sa kanyang ama na sa kabila ng pag- iwan nito sa kanya ay nananatili at nananaig parin ang kanyang pagmamahal para dito. Ang pag-asam ng anak sa isang ama ang nagtulak sa makata na umasang ang isang pangarap ay magkakaroon nang katuparan balang araw. Kung bibigyang buhay ng mambabasa at ilalagay nila ang kanilang sarili sa sitwasyon ng makata, sa huling saknong ng tula ay tiyak kong uukit sa kanilang mga labi ang labis na kaligayahan, iiwan ito ng ngiti sa mga mambabasa na siyang nagpabisa sa tula.
  • 12. III. Kaisipang Pampanulaan Sa saknong na ito umikot ang kuwento ng aking tula, para akong isang ibong hindi makalipad dahil sa tingin ko’y naputulan ako ng isang pakpak. Nakapahirap lumipad, napakahirap bumangon, sa murang edad namulat ako sa tuksong, “A walang tatay” hindi ako makaimik, hindi ako makalaban, di ko kayang ipagtanggol ang sarili ko sapagkat totoo. Paano ako lalaban? Sa murang isipan paano ako gaganti? Pero sa kabila ng lahat, sa halip na piliin kong makipagtalo, mas pinili kong magpakatotoo. Sa halip na lumaban mas pinili kong manahimik nalang. Mas pinili kong maging mabuting tao, iyan ang pinakamatindi kong ganti. Mahirap na mawalan ng isang pakpak Na s’yang kaagapay upang di bumagsak
  • 13. Di na muling papatak ang ulang likha Isang ulang umaagos sa aking mukha Ang saknong na ito ang nag bigay din sa akin ng pag- asa na hindi ko na muling mararanasang umiyak sa tukso ng mga taong hindi nakauunawa ng aking sitwasyon, para ito sa mga taong labis na nanakit sa aking damdamin. Sila ang naging dahilan ko rin upang lumaban. Ngingiti ako sa kabila ng naranasan at kawalan ko ng isang pakpak. May isa pa akong pakpak. Sa pagdaan ng panahon, natutunan kong lumipad gamit lamang ang isa kong pakpak. Mahirap sa umpisa pero dahil sa labis na kagustuhang makalipad, nagsumikap akong matutong lumipad.
  • 14. Sa pag-ibig niyang wagas at totoo Sa halik at yakap ng mahal kong ama Salamat! Pamilya’y buo ko na. Habang isinusulat ko ang tulang akin likha, sa loob loob ko, kulang ako ng isang pakpak, pero ngayon habang ako mismo ang sumusuri sa aking tula, ito rin pala ang magpapamulat sa akin sa loob ng maraming taon, ito ang naging daan upang lumaya ako sa kaisiping wala akong tatay. Ito ang naging repleksyon ko na hindi pala talaga ako kulang, walang kulang sa akin. Oo nga, wala akong tatay sa tabi ko, pero, narealize ko, May Ama ako sa langit. Isang amang totoong nagmamahal sa akin. Isang Amang handang bumuo ng pagkatao ko, handang punan kung ano man ang kulang sa akin.
  • 15. Sa pag-ibig niyang wagas at totoo Sa halik at yakap ng mahal kong ama Salamat! Pamilya’y buo ko na. Kaya’t sa aking pagtatapos sa pagsusuri ng aking tula, buong tapang kong sasabihin hindi bukas, sa susunod na araw, buwan o taon kundi ngayon din mismo. Sarili ko’y buo ko na!