Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod na may tig-labindalawang pantig, na may tradisyonal na dulong tugma. Kadalasang paksa ng awit ay ang pakikipagsapalaran ng bayani, alamat, at relihiyosong tema, at may pagkakatulad ito sa korido maliban sa bilang ng pantig. Ilan sa mga tanyag na halimbawa ng awit ay ang 'Florante at Laura' ni Francisco Balagtas at 'Buhay ni Segismundo' ni Eulogio Juan de Tandiona.