SlideShare a Scribd company logo
Knowledge Begins With The Words “I 
Don’t Know.” 
Mga Tula at Kuwento ng Puso at Damdamin 
Ni Paul O. Pruel 
Bato-bato sa langit 
Kung tinamaan ka huwag magalit 
Ito'y paglalahad ng damdamin na walang galit 
Bahagi ito ng aking hangarin 
Ang magpaliwanag at pasayahin 
Puso mong nalulumbay ay paliligayahin… 
Formerly an Overseas Filipino Worker 
(1994 – 2012) 
Riyadh, Saudi Arabia
The Beauty of Filipino Language in 
Poetry is Endless 
• Ayon sa kasaysayan, bago paman dumating sa aming bayan ang mga 
banyagang nagnasa at umagaw sa karapatan naming mga Pilipino sa aming 
sariling bayan, ang Wikang Pilipino ay buhay na at nananaghoy na sa 
aming mga puso. Sa Wikang Pilipino ay nagkaisa ang mga maginoo at 
mapagmahal naming mga ninuno upang isigaw ang mga karapatan nila. 
Mga sigaw na humantong sa madugong pag-aaklas at pakikipaglaban sa 
mga dayuhan. 
• 
• Sa pamamagitan ng kanilang pawis, dugo at buhay, ang Wikang Pilipino ay 
namuhay sa bawat pintig ng kanilang mga puso, damdamin at sa bawat 
pagbuka ng kanilang bibig. Ang tubig sa batis at kaparangan ay nabahiran 
ng kanilang dugo habang sila ay nakikipagdigma sa mga mananakop. Ang 
panaghoy ng pagkakaisa ay nagbigay lakas sa kanila at tuluyang namugad 
at lalong pinaigting ang pakikibaka. Ang bunga ay napasaamin ang aming 
minimithing kasarinlan – na namayagpag at nabubuhay magpahanggang 
ngayon. 
•
•Paul O. Pruel 
Maikling Talam-buhay 
Ayon sa artikulo ‘Manunulat ng Tula Nais Palaganapin ang Wikang Pambansa’ 
na sinulat ni Ginoong Rodolfo C. Estimo Jr. (Editor ng Pinoy Xtra, Arab News, 
Riyadh, Saudi Arabia na nalimbag noong Enero 4, 2009, si Paul O. Pruel ay 
kilala bilang magaling na manunulat bagama’t wala siyang aktuwal na 
pagsasanay upang magsulat ng tula. Marami sa kaniyang mga tula ang 
nailathala na sa Pinoy Xtra, bukod pa sa mga matatagpuan sa blog sa Internet. 
Ang pagsusulat ng tula ang pangunahin niyang pinagkakalibangan may 
ginagawa man siya o wala. 
“Ang pagsusulat ng tula ay nakakatuwa para sa akin. Para itong isang gamot sa 
pangungulila sa aking pamilya na nasa Capipisa, Tanza, Cavite, kung saan na 
kami dumayo at tuluyang manirahan,” sabi niya sa isang panayam. Siya ay 
isinilang sa Guiuan, Eastern Samar, noong Abril 29,1960 kina Antonio Pruel at
Paul O. Pruel 
Maliban sa paghahabi ng mga tula si Paul O. Pruel ay isa rin blogista at web-content 
creator sa iba pang mga sharing revenue websites. Siya rin ay nagpro-promote ng 
iba’t-ibang produkto at serbisyo ng mga merchants o negosyante available online. 
Siya ay may sariling website na bukas sa lahat ng mga net users o surfers – 
matatagpuan ito sa http://www.wikinutawesome.com
Mga Tula at Kuwento ni Paul O. Pruel 
Table of Contents (Part 1) 
• Orasan at Buhay 
• Pangarap Ko sa Pasko 
• Ugaling Pinoy 
• Nang Awitin ni Ina Ang 
Kundiman 
• Balimbing 
• Hinagpis ng Isang Bayani 
• Impeachment Wan-O-Wan 
• Ang Matalino at Bobo ay 
Pareho 
• Pilipinas 
• Malilimot Din Kita 
• Hiyaw ni Kabayan 
• Hustisya at Katarungan 
• December, Magastos na 
Buwan 
• Ikaw Lang 
• Alkansiya 
• Walang Katulad 
• Ang Mahiwagang 
Balangaw
Mga Tula at Kuwento ni Paul O. Pruel 
Table of Contents (Part 2) 
• Pasasalamat Kay Nanay 
• Chacha Tugtog ng 
Pagbabago 
• Awit ng mga Maralita 
• Sana’y Laging Umaga 
• Ang Lalake’y Nagmula sa 
Babae 
• Hunyo 12 
• Mananatiling Buhay sa 
Alaala 
• Sa Ngalan ng 
Pagkakaibigan 
• Mananatiling Buhay sa 
Puso’t Alaala 
• Maligayang Kaarawan 
Mahal 
• Dapat Bang Isuko Ang 
Buhay Nang Walang 
Laban? 
• Kilala Ko si Alamid ng 
Desierto 
• Dahil sa Kagat ng Lamok 
Napakinabangan ang 
PhilHealth
Mga Tula at Kuwento ni Paul O. Pruel 
Table of Contents (Part 3) 
• Tulad ng Tuyong Dahon 
• Ang Manlilikha 
• Nang Pumatak ang Luha, 
Nasulat ang Tula 
• Sigaw Para sa Katotohanan 
• Polaris ng Buhay 
• Ang Ugat ay Kahirapan 
• Ang Magmahal ay 
Pagpapatiwakal 
• Nang Mapikon ang Langit 
• Mahal Namin Kayo, Inay 
• Puna sa Puna ni Kabayang 
Lamberto 
• Amanos Lang Tayo 
• Anghel 
• Anti-terrorism Bill 
• Boses Niya’y Nananamlay 
(Inang Sinilangan) 
• Dahil Ako’y Pala-ibigin…Pala-ibigan 
• Dapat Bang Maglimos sa 
Pulubi? 
• Gusto Mo Ng Masayang 
Buhay? 
• Huwag Sayangin ang Iyong 
Kabataan 
• Gamot sa Pangungulila
Mga Tula at Kuwento ni Paul O. Pruel 
Table of Contents (Part 4) 
• Hangad Ko’y Lagi Kitang 
Kasama 
• Hinagpis ng Isang 
Bayani 
• Hinahanap Ko si Laura 
• Inamorata: Inamorato 
• Inibig Ko ang Aking 
Likha 
• Init ng Aking Pag-ibig 
• Kakaiba Siya 
• Lason na Papatay sa Iyo 
• Nanny at mga 
Kasambahay 
• Pag-ibig Mo ang Buhay 
Ko 
• Panaghoy ni Inang – 
Bayan 
• Salamat sa Tawag Mo 
Mahal
Mga Tula at Kuwento ni Paul O. Pruel 
Table of Contents (Part 5) 
• Sumisigaw ng Pagsuyo 
• Mga Anak-pawis Simbolo ng 
Lakas at Katapatan 
• Walang Papalag! Hold Up 
Ito! 
• You’re The Loser 
• Your Love is Forever in My 
Heart 
• A Dry Leaf 
• A Way to Fight 
Homesickness 
• This is My Love Song 
• The Man You Dreamed 
• The Magic of Camera 
• The Bed of My Burning Love 
• Sizzling Butt 
• Lodestar of Life 
• Illusion 
• His Blood Most Precious 
• Forever Young 
• Additional Details of The 
Author 
• Bonus Page: For Job Seekers
Ang simoy ng hanging amihan ay lakas natin 
At pagsapit ng gabing tahimik 
Mga bituin sa langit ay pananglaw sa daraanan 
At gigiya sa ating patutunguhan 
Ang mga lagitik ng kawayan 
Ay hudyat ng katuwaan 
Mga nagsisipagsayaw sa kaligayahan 
Sa tuwing hahampas ang malambing na hangin 
Nandoon yumuyuko sila, minsa’y dumadapa 
Nguni’t yaring lakas ay ‘di naparam 
Bumango’t tumindig sa galak 
Upang harapin ang bagyo ng buhay 
Napakasayang pakinggan 
Mga ibong umaawit sa kabundukan 
Nagbibigay ligaya yaring pusong matamlay 
Nagpipista sa kagalakan sa bawa’t segundong pag-ikot ng orasan 
Nguni’t hanggang kailan itong ligayang ninanais 
Yaring pusong makamundo 
Paano kung tumigil na ang pag-ikot ng orasan? 
Halina’t humayo tayo 
Samasama nating aliwin ang ating kabataan
Nang maiwasan ang gulo’t pangamba 
Pakikiusapan ko ang malambing na hangin 
Sa lahat ng sulok ang awiting ito’y dalhin 
Sa kabundukan, kagubatan, at kaparangan 
Sa malawak na lupain, mga ilog, sapa’t karagatan 
Aawitin n’ya bawat nota’y mensahe ng kapayapaan 
Mga raliyista aral na matututunan 
Ang madugong pag-aaklas ay dapat iwasan 
Mga pinuno ng bansa maging tapat sa tungkulin 
Alagaan ang kaban ng bayan 
Iyon ay para sa bayan at mamamayan 
Mga terorista’t mga taong uhaw sa kapangyarihan 
Iwasan ang gulo’t madugong digmaan 
Buhay ng tao’t ari-arian ay mahalin 
Ang bawat isa’y magmahalan 
Mamuhay nang payapa sa Inang-tinubuan 
Kaya natin ibalik ang mundo sa tunay n’yang ganda 
Kung saan ang mga tao’y payapa’t nagkakaisa 
May takot sa Diyos, matatapat at nagmamahalan 
Tunay na paraiso, walang gulo, patayan at hidwaan 
Ito ang hiling ko awit ng kapayapaan
Isa lamang akong janitor noon 
Trabahong aking pinag-igihan 
Kakarampot na sahod na pinagpaguran 
Para ibuhay sa pamilya kong iniwan 
Na naghihintay sa ‘Pinas kong tinubuan 
Pagkaraan ng maraming araw, buwan at taon 
Hinatak akong pataas ng kompanyang aking pinaglilingkuran 
Pinagkatiwalaan ng puwestong aking kinalugdan 
Bilang isang clerk sa posisyong iniwan 
Ng isa kong kasamang umuwi sa ating bayan 
Lumaki nang konti ang kita kong buwanan 
Nabili ko ang gusto ng aking katawan 
At dumating muli ang suwerteng ‘di inasahan: 
Ako’y hinango sa aking inuupuan 
Dinala sa isang rolling chair at nanatili hanggang ngayon… 
Kasalukuyan isa akong analyst sa kompanyang pinagtratrabahuhan 
Dati iyak ng walis ang maririnig ngayon awit ng kapanatagan 
Tunog ng calculator at computer ay mensahe ng magandang kinabukasan 
At malayo sa sinag ng araw at trabaho sa maghapon 
Lahat ng ito’y dahil sa pagsisikap kong maahon sa kahirapan 
Subali’t kabayan at kaibigan 
Ni minsan ‘di ako nagbago sa aking katauhan
At pagsusumamo para sa katiwasayan 
Sa loob at labas ng kan’yang tahanan 
Layunin ni Ina’y magkasundo ang buong angkan 
Pero sa isang pamilya ‘di maiwasan ang iringan 
Ito’y katotohanan na dapat sana’y iwasan 
Kung ang bawa’t isa’y magbibigayan 
Nang awitin ni Ina ang kundiman 
Nagpamalas ito ng pag-ako at pag-amin 
Kapabayaan naging sanhi ng kaguluhan 
Ngayon hangad ay kapatawaran… 
Kay sarap pakinggan ang awit ni Ina 
Ako’y namangha sa ganda ng mga nota 
Sa tuwa’y naitanong ko sa kan’ya: 
“Ina, susi na ba ito ng pagkakaisa?”
Ito’y ‘di magandang kaugalian 
Dati busilak kuno sa katapatan 
Ngayon kabaligtaran ng katotohana 
Gulong-gulo na ako, kabayan 
Sino ang dapat pakinggan 
Ang balimbing o ang iniwan? 
Dati magkahawak-kamay 
Banaag ang saya sa kanilang kilay 
Pero saglit lang nagkahiwa-hiwalay 
Hay naku! Polika 
Ma-aksyon na, ma-drama pa 
Sa ‘Pinas lang talaga!
Butil-butil na pawis sa katawan 
Sigaw at pasakit ng among pinaglilingkuran 
‘Di alintana dahil sa mga mahal sa buhay 
Hanggang kailan ang pagtitiis mo, kabayan 
Na kayanin ang lahat ng iyong paghihirap 
Sa kuko ng abusadong amo, ika’y sinasaktan 
Sa araw at gabi sadsad ka sa kapaguran 
Dagdag-pasakit buwanang sahod nabibitin 
Minsan ginagawang ATM (after three months) 
O ‘di kaya pagkatapos ng anim na buwan 
Wala kang magawa kungdi ang tanggapin 
Sinubok mong isumbong ang iyong kalagayan 
Sa Konsolada’t Embahada ng ating pamahalaan 
Pinangakuan ka ng tulong kaya naghihintay 
Pero pangako’y hindi pa natutupad 
Tanong mo sa sarili, Bayani nga ba ako, kabayan? 
Ganito ba inaalagaan ng ating pamahalaan 
Ang kapakanan ng mga manggagawa sa ibayong-dagat 
O sadyang tayo ay tuluyan nang nakaligtaan?
Aywan ko nga ba kung bakit nauso 
Sa ating bayan ang ganitong senakulo 
Malayo pa ang mahal na araw ng pagsasakripisyo 
Pero bawa’t lansangan marami na ang nakiki-usyoso 
Impeachment wan-o-wan 
1/3 ng 236 ay kailangan 
Para sa madaliang proseso sa mababang kapulungan 
At sa Senado’y masimulan ang husgahan 
Inay ko po ‘di kaya sila nagkamali 
Sabi ng isa 1/3 ng 236 ay 78 
“Yong iba naman 1/3 ng 236 ay 79 
Impeachment 101 pakitama ang mali 
Nakakapanggigil nguni’t ako’y natutuwa 
Maliwanag na sila’y magaling sa matematika 
78 x 3 = 236?, ‘di po ba 234, nasaan ang dalawa? 
79 x 3 = 236?, ‘di po ba 237, sobra naman ng isa! 
Mag-isip-isip muna tayo, mga kabayan 
‘Di pa nasisimulan ang Impeachment wan-o-wan 
Hilo’t litong-lito na sila sa bilangan 
Baka sa huli lahat tayo’y pulutin sa kangkungan!
Ang bobo kung minsan pinung-pino ang paggalaw 
Ang matalino kung minsan ang kilos ay magaslaw 
“Pag nanligaw ang bobo iisa lang ang estilo 
Ang matalino mambobola, simbolo ng pagiging palikero 
Nguni’t sila’y parehong tao, nagmamahal at nasasaktan 
Minsan biktima sila ng mapaglarong kapalaran 
Magkaiba man ang kanilang kaugalia’t pamamaraan 
Pareho’y hangad ang mabuhay na puno ng kasaganaan 
Kapwa’y nangarap ng walang katapusang kaligayahan 
Sa mundo na kani-kanilang ginagalawan 
At sa tuwing darating ang dapithapon 
Pareho sila’y haharap sa Poon 
Mga mata’y ipipikit, kakalimutan ang nakaraan 
Pansamantalang iiwan ang mundong kanilang kinagisnan!
Dahil sa kanilang ‘di matatawarang kagitingan 
Naisulat ang ‘di malilimutang kasaysayan 
At ‘yan ay ang pagkakaroon ng sariling kasarinlan 
Pero ngayon ika’y nasasadlak sa kapighatian 
Dala ng nagkakagulong sambayanan 
Ang isat’t isa’y nagsisiraan at nagpapagalingan 
Dati’y maririnig mo’y sigaw laban sa mga dayuhan 
Ngayon mga sigaw ng mga taong-bayan 
Laban sa kapuwa at sariling angkan 
Panawagan lang po, mga kabayan at kaibigan 
Ilayo natin si Inang-bayan sa kapahamakan 
Lapatan natin ng lunas ang sakit na kan’yang nararamdaman 
Ipagkaloob natin sa kan’ya ang katahimikan 
Pagbuklurin natin ang ‘di magkasundong mamamayan 
Ipaalam natin sa kanila ang katotohanan 
Na ang tunay na solusyon sa problema’y ‘di karahasan 
Ang mapapala nito’y kaguluhang walang katapusan 
Sa bansang Pilipinas, lupang hinirang, na ating kinagisnan!
Dala’y pag-asa na bukas muli siyang masisilayan 
Pati malambing na hangin ay naki-ayon 
At ilang saglit pa tayong dalawa’y magkayakap na: 
Nangako kang ako alang ang iyong iibigin 
Mamahalin hanggang sa dulo ng walang hanggang 
Subali’t ang lahat ng pangako mo’y napako 
Ni isa walang natupad sa mga sinabi mo 
Kirot sa puso ko’y nanatili nang mahabang panahon 
Dulot ng iyong pag-ibig na puno ng kasinungalingan 
Pero ngayon ako’y handa na para kalimutan ka 
Ililibing ko sa limot na may ngiti ang nakaraan 
Tutuldukan ko ang mga alaalang nagdulot ng hapdi 
Isasara ko ang nakalipas at iiwanang nakasusi 
Malilimot din kita, ito ang tamang paraan 
Ang kailangan ko’y magmahal muli 
Gagawin kong makulay ang aking kapaligiran!
Ang baguhin ang sistema ng gobyerno 
Magpalit ng mga taong magpapatakbo nito 
At parusahan ang mga taksil at tuso 
Dagdag pa rito’y mga bilihin tumataas sa pamilihan 
Kasama ang koryente, gasul, gasolina at iba pa 
At umaasa na lahat ng ito’y masolusyunan na 
Ito’y katotohanan lamang na tayo’y malaya 
May demokrasya sa loob ng ating bansa 
Nirerespeto ang karapatan ng bawa’t isa 
Pero hanggang kailan mananawagan ang bayan? 
Kailan hihinto ang paghiyaw ng mga mamamayan? 
Kung sila ba’y lugmok na at wala nang pakinabang? 
‘Di kaya ang pagkakasundo ang kailangan 
Ng mga opisyal ng bayan at mamamayan 
Para tuluyan nang wakasan ang pighati ni Inang-bayan?
Ng mga opisyal ng ating bansa 
Dapat lamang usigin silang mga maysala 
Hindi pa huli ang lahat 
Nasa kanilang mga kamay ang huling sibat 
Na papataw ng kaukulang parusa sa mga nagkasala 
‘Di po ba karapatan ng biktima 
Ang makamit ang tunay na hustisya 
Laban sa mga dayukdok na gumahasa sa kan’ya? 
Hustisya’t katarungan mabuhay ka para sa biktima 
Bigyan mo ng lunas ang pusong nagdurugo’t nasasaktan 
Bago tuluyang panghinaan sa sakit na kan’yang nararanasan 
Huwag hayaang makawala ang mga lapastangan 
Mga mapagnasa sa laman at mahilig sa kababuyan 
Dapat silang makulong sa gintong hawla na ‘di mabubuksan!
Ang simbang gabi’y nagsisimula sa ika-16 ng December 
Pero ang kapaskuhan unang nadama pagpasok ng September 
Sa tuwing darating ang araw ng Pasko 
Para sa mga bata’t musmos ito’y kaligayahan 
Sila’y nagmamano sa kani-kanilang Ninang at Ninong 
At umaawit ng iba’t-ibang X’mas songs 
Ayon sa paniniwala ang Dec. 25 ay kaarawan ni Hesukristo 
Pero ang petsang ito’y kapanganakan din ng ibang tao 
Noong taong 1642 ipinanganak si Sir Isaac Newton 
Mahusay na physicist at mathematician 
Sa petsang ito’y marami din ang sumakabilang buhay 
Noong taong 795 si Pope Adrian 1, ay namatay 
Si Karel Capek, Czech, author, inventor ng word robot 
Ay noong 1938 sa kabilang buhay pumalaot 
Ang December 25 ay pang 359th day ng taon 
Ito rin ay pang 360th day ‘pag leap year 
At pang 300th day kung ating bibilangin 
Magmula sa Marso uno, every year 
Bagama’t ang December ay magastos na buwan 
Ito’y ‘di alintana ng mga mamamayan 
Kahit pa malubog sa utang ay paghahandaan
Mga karanasan, pangyayari’t damdamin ng mga tao 
Galing man sa isang Muslim o Kristiyano 
Nagkakaisa na iparating sa iyo 
At malugod mong tinanggap ang mga ito 
Dahil sa iyo, alaala ko rin mga dating kaibigan 
Nag-iwan sa akin ng isang kapirasong larawan 
Sa larawang ito masisinag matatamis nilang ngiti 
Pagmamahal ay nasa kanilang mga labi 
Na siyang tanging alaala ko bawa’t sandali 
Bakit ko ba sinasabi sa ‘yo ang lahat ng ito? 
Bakit kay dali akong nagtiwala sa iyo? 
Ano ang mayroon ka na wala ang iba? 
Dahil nag-iisa ka lang, Pinoy Xtra 
Kasama’t kaibigan sa aking pag-iisa!
Ang ikakahiya’t mamaliitin ‘di dapat 
Kung tayo’y gipit at walang mautangan 
Alkansiya nati’y naghihintay na buksan 
Pagtitiis ang kailangan sa umpisa 
Kasama na ang pang-unawa ng bawa’t isa 
Sa bandang huli mapapasa-ati’y suporta 
At mula sa Maykapal ay pagpapala 
Pag-iipo’y nagsisimula sa barya 
At maghulog sa alkansiya 
Gawa sa kawayan, plastic o lata 
Pakinggan ang taginting ng barya: 
Sa mga pagal na tainga ito’y musika!
Tumakbo patungong kusina na puno ng usok 
At nangalingasaw ang nakakahilong amoy 
Mula sa karne na ginawang uling ng apoy 
Ganito katindi ang dating sa akin 
Ng Arab News-Pinoy Xtra sa tuwing aking babasahin 
Bawa’t pahina ang dulot ay kaligayahan 
Sa puso’t nalulungkot kong damdamin 
Dapat lang ito’y mahalin at arugain natin 
Bihisan ng magagandang salita’t pagyamanin 
Simbolo ito ng pagkakaisa’t pagkakaibigan 
Ng mga Pinoy at ibang tao dito sa Kaharian 
Sa Arab News-Pinoy Xtra marami tayong matututuhan: 
Sari-saring bagay na may katuturan 
At nakakawiling mga tula’t iba’t-ibang salaysay 
Na hinabi mula sa puso ng mga may akda 
‘Di man sila nasulat sa taal na Tag-alog, sabi ng iba 
Nguni’t ‘di matatawaran sa ganda!
Kapag paningin sa kaniya’y mapadako 
Sa silahis ng araw at patak ng ulan 
Siya’y masisilip sa taas ng kalangitan 
May pitong kulay ang kan’yang mukha 
Sa pangalan na “Roy G. Biv” na maganda 
Matatandaan ang pitong kulay na mahiwaga 
Na lalagi sa alaala hanggang doon kay Bathala 
Katulad ng kulay berde, simbolo ng pag-asa 
Ang dilaw, simbolo ng pagkakaibigan 
Ang pula, simbolo ng pagmamahal 
Ang bughaw, simbolo ng katapatan 
Dagdag pa rito’y ang kulay na violet at orange 
At kulay indigo, na ayon kay Isaac Asimov 
Ay anino ng mga kulay na violet at blue 
Sa Tag-alog, Bahaghari ang tawag sa kan’ya 
Indradhanush naman sa Hindu na mitolohiya 
Sa mga Ilokano ang tawag ay Bulalayaw 
At sa kabisayaan Balangaw o Balingaw 
Katunog ng nawawalang batingaw 
Ng Balangiga, Eastern Samar!
Gusto n’ya paglabas ko sa ‘sanlibutan 
Ay masayang mundo ang aking masisilayan 
At nang ako’y iluwal na sa mundong ibabaw 
Mabuting pag-aalaga ay sa akin ipinalasap 
Ipinasyal sa malawak na kaparangan 
Ipinakita ang mga alon sa karagatan 
At iba’t-ibang hugis ng ulap sa kalangitan 
Kasama ang mga ibon sa himpapawid 
Ang pagaspas ng kanilang mga pakpak 
Ay awit ng katahimika’t kapanatagan 
Paano ko po kayo mapapasalamatan inay 
Sa kabutihan sa aki’y iyong ibinigay? 
Ang hirap na dinanas mo para sa akin 
Lahat man ng ginto’y pagsamahin 
Mga diyamante sa mundo’y ‘di sapat 
Nguni’t sa puso ko, kayo po’y laging buhay 
Mahal na mahal kita, Inay!
Kahit sa loob ng Senado’t Kongreso 
Mga kalaba’y tuwirang tumututol na patugtugin ito 
May duda ako, sila’y katulad ko 
Na may mga paang kaliwete 
O mabigat ang mga katawan 
Kulang sa ehersisyo 
Laging naka-upo sa upuan 
Nagpapalaki ng kanilang puwit at t’yan 
Napuna ko rin, ang mga lansangan 
Kahit panahon na ng tag-ulan 
Dinadagsa pa rin ng maraming tao 
Iba’t-ibang grupo’y sumisigaw na itigil 
Ang pagtugtog ng chacha 
Ano ang nasa likod ng musikang ito? 
Bakit karamiha’y sa kanila’y takot dito? 
Ito ba’y dapat katakutan? 
Na kapag marinig nila 
Sila’y madedehado? 
‘Di po ba ito’y musikang kahali-halina?
Upang ibulalas ang karaingan 
Ang aming hinaing ay kaparusahan 
Para sa mga tusong mandarambong 
At mga abusado sila’y nagnanakaw 
Sa kaban ng bayan kaya dalhin sa kulungan 
Sila’y ipakain sa buwayang gutom! 
Subali’t kaming mga maralitang Pinoy 
Ay may puso at may takot sa Maykapal 
At dahil mabait kami’y maka-Diyos 
Aming hihilingin sa Diyos na Poon 
Huminto na kayo sa masamang gawa 
Dapat magbago na kayong mga hinirang 
Ang pangungurakot ay ’wag atupagin 
Salapi ng bayan ay inyong ingatan 
At bigyan ng lunas ang mga hinaing 
Hustisya’t trabaho ang inyong igawad!
At marinig ang iyong halakhak 
Nang habang buhay 
At pahintulutan ng Diyos sa langit 
Na tayong dalawa’y laging magkalapit 
Habang aking pinagmamasdan 
Ang taglay mong kagandahan 
Na sa pagdaan ng panahon ay ‘di kukupas 
Nag-aalab ang ating pag-ibig 
Pintig ng puso ko’y ikaw lang 
Hangad tayo’y ‘di magkakawalay 
At sa hirap at ginhawa tayo’y magkatuwang!
Ang araw nang ako’y kan’yang isilang 
Isang malusog na sanggol na lalake 
Kasing guwapo ng tata ko 
Sabi ni ina, “Lalu akong minahal ng tatay mo.” 
Habang ang kan’yang mga kamay 
At dahan-dahang pinipisil-pisil 
Ang matitigas kong braso 
Na nakapulupot sa kan’yang baywang 
Sabay ang paghalik n’ya sa mukha ko 
Ngayon muli kong isisigaw 
Ang pasasalamat ko kay ina 
At unang pagkakataon ay akin ding 
Ipangangalandakan sa buong mundo 
Na ang lalake pala’y nagmula sa babae 
Taliwas sa matandang pinaniwalaan 
Na ang babae’y nagmula sa tadyang ng lalake!
Ng 117 katao at ikinasugat 
Ng dalawang-daang katao 
Taon 1943, ang Holocaust 
Umaga ng Sabado Hunyo 12 
1,180 na Jews ang humarap kay kamatayan 
Sila’y isa-isang pinagbabaril 
Nang walang pakundangan at awa 
At sama-samang inilibing 
Taon 1978, Hunyo 12 
Si David Berkowitz 
Na binansagang “Son of Sam” 
Mamamatay-tao ng New York City 
Ay nahatulan ng 365 taon na pagkabilanggo 
Dahil sa kan’yang pagpatay nang anim na beses 
Kung maraming yumao sa petsang ito 
Marami rin ang dumating na nagpamalas 
Ng kani-kanilang lakas at galing: 
Taon 1107 Hunyo 12 
Ipinanganak si Gaozong 
At naging Emperor ng China 
Umabot ang kan’yang edad na otsenta 
Namatay siya noong taong 1187
noong ako’y nag-aaral pa. Maaaring ang makarating sa ibayong-dagat ay karaniwan na 
lamang ngayon, dahil sa maging ang mga karaniwang manggagawa lamang ay nasa 
iba’t-ibang dako na ng daigdig, kabilang na ang Gitnang Silangan. 
Ang kaibhan ko nga lamang, at mga katulad kong nabiyayaan sa pagkakaroon ng guro 
na tulad ni Dean Balino, ay kahit papaano ay mas-siguradong may mararating kaysa sa 
mga hindi nag-aaral noon na nakarating na rin sa ibayong-karagatan. 
Batid kong maraming mga Dean Felicitas Balinos na umubos at umuubos, ng lakat at 
panahon upang hutukin at linangin ang kaisipan ng kanilang mga mag-aaral. Pero sa 
dami ng kanilang pinagbubuhusan ng panahon, ilan kaya ang nakakaalala sa kanila? 
Malamang ay kukunti lamang, kung mayroon man! Kaya naman aking ibinabahagi ang 
mga personal kong kaisipan tungkol sa kaniya bilang paraan ng pagsasabi ng “Thank 
you, Dean” sa kaniya. Ito ay isang pagpaparating sa kaniya – saan man siya noroon 
ngayon – na sa bahaging ito ng mundo ay may isang nakakaalala sa kaniya. 
Sabi nila ay may “life after death” at kung totoo man ito, sana ay mabasa niya ang 
aking liham na ito. Pasensha na mga mambabasa kung parang nagiging batabg-isip ako 
dahil sa ang taong wala na ay ipinagluluksa ko pa. Ito ay may kaugnayan sa aking mga 
likhang tula na lumalabas sa Pinoy Xtra. Ang pagiging makasining ay isang regalo mula 
sa Maykapal at masasabi kong mapalad ako dahil dito. 
Hindi ako magtataka kung ang iba na humahabi rin ng mga matulaing talata ay ganito 
rin ang pananaw.
Sa tulong ng balangaw na aking nasilayan 
Na kumikinang sa mukha ng kalangitan 
Nasungkit ko ang lahat na aking kailangan 
At sila’y nananatiling buhay sa aking isipan 
Maliban kay Patnugot at ang ibang staff 
Ng PX, ikaw, ako – tayo lang ang sa 
Palagay ko ang nakaaalam, sa likod 
Ng sagisag na Alamid ng Desierto 
At sa ngalan ng pagkakaibigan 
Magandang araw sa ‘yo, kaibigan!
Ang puso ko'y humahalakhak sa tuwa 
Sila’y nagniningning parang mga bituin 
Na kumikislap sa gitna ng dilim 
'Di sapat ang mabulaklak na salita 
Na isigaw ang kanyang pagkadakila 
Ang iniwan n’yang mga alaala 
Sa buong mundo ay dapat iwagayway 
Inubos ang kaniyang lakas at panahon 
Sa paglinang sa kaisipan ng mga mag-aaral 
Para sa kaniya mahalaga ang edukasyon 
Ito’y kayamanan na ‘di maaagaw ninuman 
Habang hinahabi ko ang mga linya 
'Di ko mapigilan ang pagdaloy ng luha 
Nangibabaw sa puso ko’y kalungkutan 
Dahil kailanma’y ‘di ko na siya makikita 
Nguni’t sa kaibuturan ng aking puso 
Mananatiling buhay ang alaala n'ya 
Dahil ang binhi na kaniyang ipinunla 
Sa mga mag-aaral na kaniyang ginabayan 
Ay nabuhay, yumabong at namunga!
Parehong naghahanap ng pagkalinga’t pagmamahal 
Taong 1986, Disyembre 9, araw ng Martes 
Araw ng ating kasal, doon mo napagtanto 
Na ang pagmamahal ko sa iyo’y wagas at totoo 
Kapuwa tayo’y kinakabaha’t malalamig ang mga palad 
Nguni’t nang hagkan kita sa pisngi 
Ang lamig at kaba’y naparam sa init ng ating pag-ibig 
Sa harap nina Mayor, Ninong at Ninang tayo’y nangako 
Sa isa’t-isa na magsasama sa hirap at ginhawa 
Sobrang hirap ang ating dinanas sa umpisa 
Nguni’t lahat ng hirap at mga pagsubok ay kinaya 
Hinangaan kita sa haba ng iyong pasensha 
Nabuo natin ang isang masayang pamilya 
Dumating sa buhay natin ang tatlo nating supling 
Lalu tayong nangarap at lalong tumibay ang pagsasama 
Ngayon papalapit na tayo sa tatlong dekada 
Basbas ng Maykapal ‘di nag-away dahil sa pera’t materyal na bagay 
At ako’y nangibang-bansa, iniwan kitang mag-isa 
‘Di mo inalintana ang hirap magpalaki ng mga bata
Para sa mahal kong asawa’t mga anak 
Kasabay ang pagtanong ko sa aking sarili: 
Paano ko kaya ito’y sisimulan? 
Sa bawat sulyap ko sa aking mag-iina 
Ang nakikita ko’y mukha ng kawalan 
Nang magkasakit ang mahal naming bunso 
Halos sumabog ang puso ko sa galit 
Nagawa kong murahin ang kalikasan 
At sisihin ang Maylalang sa nangyari 
Nagkataon na ang aking mga pananim 
Sa lupang aking sinasaka’y nasira 
Nang ito’y hagupitin ng bagyong Luring 
Nakiusap kami sa mga kaibigan 
Nguni’t kami’y pinagkaitan ng tulong 
Nasugata’t nagkabukol ang ulo ko 
Nang bigla kong ingud-ngod ito sa pader 
Dahil sa sobrang sama ng aking kalooban 
Halos panawan ako ng aking lakas
Simbolo ng wagas na pagmamahal 
1 ay simbolo ng pag-asa’t katapatan 
2 ay anino ng mga kulay na violet at blue 
Ang kaniyang pangalan ay may pitong titik 
Ang unang letra ay isa sa pitong kulay na 
Simbolo ng pagmamahal, sumunod ay 
Ang unang titik ng kulay na ayon kay 
Isaac Asimov ay anino ng mga kulay na 
Violet at blue, pangatlo ang unang letra ng 
Mga kulay na simbolo ng pag-asa’t katapatan 
Pang-apat ang unang titik sa salitang 
Adjective na antonym ng ineffective 
Pang-lima ay katulad sa unang letra 
Pang-anim ang unang titik ng salitang 
Tag-alog na ang katumbas sa English 
Ay real, genuine at authentic, pang-pito 
Ay katulad sa sumunod na titik 
Ang kaniyang surname ay may anim na letra 
Ang unang titik ay unang mababasa sa English 
At Pilipino alphabet, pangalawa ay kulay pula 
Na simbolo ng pagmamahal, pangatlo ang 
Unang letra ng titulo sa TV drama series ng TFC
Napakinabangan ang 
PhilHealth • Dahil sa Kagat ng Lamok 
Sa iba’t-ibang internet forums ay naging paksa sa talakayan ng mga OFWs 
ang tungkol sa mga tanong: Kung ito ba ay pakikinabangan ng mga OFWs at 
kanilang mga dependents? Marami sa mga OFWs ang nagsabi na walang 
pakinabang. 
Dati ang isang OFW bago pumunta sa ibayong-dagat ay nagbabayad sa POEA 
para sa OWWA Medicare na nagkakahalaga ng 900 pesos para sa isang taong 
membership. At ang kaniyang dependent o mga dependents ay mabibigyan 
ng discounts sa mga gastos sa hospitals na accredited ng OWWA kung sila 
(dependents) ay may hawak na kopya ng OWWA Medicare Certificate mula 
sa papaalis na OFW. 
Maliban sa OWWA Medicare, mayroon din SSS Medicare noon at ang 
buwanang premium ay 75 pesos na kasamang binabayaran kung ang isang 
SSS member ay nagbabayad ng kaniyang monthly contribution. Ngunit 
tumaas ang premium na 100 pesos ang isang buwan o 1,200 pesos sa isang 
taon, nang ang SSS Medicare ay naging PhilHealth noong 1999. 
Dahil ako ay dating SSS Medicare member, mula 2000 hanggang 2006, ang 
bawat taon na aking binabayaran ay 1,200 pesos sa PhilHealth. Nang aking 
hingan ng paliwanag ang PhilHealth collecting office sa Trece Martirez City, 
Cavite, dahil ako’y nakatira noon sa Cavite, kung bakit nagtaas ang premium 
mula 75 pesos ay naging 100 pesos na, ang sagot nila sa akin ay wala raw
Ang mga idiyang napinta sa isipan 
Kung lilinangin sila’t palalaguin 
Sila’y magbibigay ligaya’t liwanag 
At karagdagang kaalaman sa buhay 
Nguni’t pagkatapos na sila ay gamitin 
Sila ay wawalisin at papalitan 
Upang bigyan ng daan ang mga susunod 
Na mga bagong ipupunlang kaalaman 
Sila’y tulad ng mga dahong malalago 
Sa mga sanga ng malagong punong kahoy 
Kapag sila’y natuyo na – kusa silang 
Babagsak sa lupa’t doon mananahan!
Ng kakaibang baho, bango at lansa ng buhay 
Matamis mangusap ang kaniyang puso 
Kahit sa kaniyang pagtulog tuloy ang pag-iisip 
Naghahanap ng mga simbolo’t piling-piling salita 
Na tutumbok sa kaniyang diwa’t kuro-kuro 
Gamit ang papel at panulat nagagawa niyang 
Yakapin ang buwan at hagkan ang mga bituin 
Na kumikinang sa pisngi ng kalangitan 
At nagsasaboy ng liwanag sa gitna ng gabi 
Nguni’t ang kaniyang mga nalikha’y walang kahulugan 
Kung ang lahat ay tiniklop at ibinaon sa limot 
Ang ipinunla niyang kaisipan sa ibang tao 
Ay ‘di maalaala ng lahat ang ligaya ng kahapon 
Siya ang manlilikha na pinagpala ni Bathala 
Nagtatago sa likod ng kaniyang pluma 
Ang bisyo’y ang paglaruan ang mga salita 
Upang damdami’y ipaabot sa kapwa!
Karagatan ng iba’t-ibang imosyon 
Mga sigaw – hanap ay ang katotohanan 
Matang lumuluha, hiling ay pagbigyan 
Ilabas ang tama, dasal ay pakinggan… 
Halos mabingi ako sa’king narinig 
Mga mata ko’y lumuwa sa’king nasilip 
Ako’y lito. Kanino ako papanig? 
Sila kaya ay nagsasabi ng tapat? 
Bilang manggagawa sa ibayong dagat 
Milya man ang layo ako ay tatawid 
Maglalayag dala ang pape’t panulat 
Isusulat ko lahat ang nagaganap… 
Himig tula ang kuwento nilang lahat 
Kurido ng pangamba at pighati 
Sa bawat puso’y laging magugunita 
Tulang nasulat nang pumatak ang luha!
Ang baguhin ang sistema ng gobyerno 
Magpalit ng mga taong magpapatakbo nito 
At parusahan ang mga taksil at tuso… 
Dagdag pa rito’y mga bilihin tumataas sa pamilihan 
Kasama ang koryente, gasul, gasolina at iba pa 
At umaasa na lahat ng ito’y masolusyunan… 
Ito’y katotohanan lamang na tayo’y malaya 
May demokrasya sa loob ng ating bansa 
Nirerespito ang karapatan ng bawat isa… 
Pero hanggang kailan mananawagan ang bayan? 
Kailan hihinto ang paghiyaw ng mga mamamayan? 
Kung sila ba’y lugmok na at wala nang pakinabang? 
‘Di kaya ang pagkakasundo ang kailangan 
Ng mga opisyal ng bayan at mga mamamayan 
Para tuluyan nang wakasan ang pighati ni Inang-Bayan?
Kumikinang kahit sa gitna ng karimlan 
Tulay ka ng mga nasasawi’t nasasaktan 
Pinapangarap ng mga taong nagmamahal 
Ika’y langis na hahaplos sa lahat ng sigalot 
Na namumutawi sa loob at labas ng tahanan 
Matibay kang bantayog ng mabuting pamayanan 
Taglay mo’y buhay at dakilang pag-asa 
Para sa mundong puno ng hilahil at hinagpis 
Ang ma-angkin ka Pag-ibig, ay samo ng bawat isa 
‘Di matutularang regalong bigay ni Bathala 
Ika’y makapangyarihan at walang katulad!
Patuloy kong naririnig ang pighati 
Ang kanilang sigaw na umalingawngaw 
Nananaghoy sa sobrang sakit at kirot 
At sa puso ko ay nanatiling sugat 
Na hanggang ngayo’y ‘di pa rin magamot 
Mahapdi at patuloy na kumikirot 
Dahil nananatili pa rin ang ugat 
Sanhi ng pagkitil ng maraming buhay 
Ng ating mga kabayan na nagbakasali 
Sa Ultra, higit siyam na taon na ang lumipas 
Na naging libingan ng 71 kababayan 
Naghangad ng magandang kinabukasan 
Isinugal buhay nila’t kapalaran 
Nagwakas sa kandungan ni kamatayan!
Ang talikuran ang katotohanan 
At maniwala sa mga imposible 
Ang paglimot sa mga alaala 
Na minsa'y sa buhay mo'y nagpasaya... 
Ang pagputol ng tulay 
Na nagu-ugnay sa nakaraan 
Ang umibig sa sigaw ng isipan 
Hindi ang itinitibok ng puso... 
Ang paniwalain ang sarili 
Na may magandang darating 
Na imposible namang makita 
At kailan ma'y 'di mangyayari... 
Ang magmahal para sa kabutihan 
Sa kasamaan, sa kaligayahan 
Sa matinding kalungkutan 
At walang katapusang kabiguan... 
Ang magmahal na wala sa sarili 
Na walang pagpapahalaga sa panahon 
Ang magpatawad at lumimot
Naniwala silang ako’y nagkasala ng pandarambong 
At pag-aabuso ng kapangyarihan na taglay ko 
Ako’y nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo 
Sang-ayon sa batas ng bayan kong sinilangan 
Dito sa loob ng masikip at madilim na piitan 
Ang kaniig ko’y siphayo at kalungkutan 
At mga kaluluwang ‘tulad ko’y naparusahan 
Nangagsisisi’t humihingi ng kapatawaran 
Ang kanilang mga hinaing at paghihirap 
Ang kanilang mga luhang nalalaglag 
Ang kanilang mga nakabibinging pag-iyak 
Ay lalung nagpapahina sa natitira kong lakas 
Aaminin ko mahirap ang magkunwari 
Ang bawat himaymay ng aking laman 
Ay sumisigaw din ng matinding hirap 
Nagsisikip ang dibdib ko sa sobrang sakit 
At ang mga karapatan ko bilang mamamayan 
Ay kasamang ikakandado sa loob ng kulungan 
Ang pagiging haligi ko ng tahana’y pawawalang bisa din
Ang iyong mga yakap at halik 
Mabisang gamot para sa amin 
Pinapawi ang aming takot 
Sa tuwing dumadalaw ang gabi 
Kayo po ay ang aming Anghel 
Na may dalang liwanag at pag-asa 
Nagbabantay sa amin sa tuwina 
Upang masiguro na kami’y ligtas nga 
Papaano po namin kayo pasasalamatan, Inay? 
Kahit pagsamahin man ang lahat ng kinang 
Ng mga ginto’t diyamante ay hindi sapat 
Na tumbasan ang lahat ng inyong pagpapakasakit! 
Nguni’t sa kaibuturan ng aming mga puso 
Ay ligaya’t saya ang nadarama at sabay-sabay 
Kaming magsasabing: Maraming salamat 
Mahal namin po kayo, Inay. Happy Mother’s Day!
Puna sa Puna ni Kabayang Lamberto 
• Tanggapin mo, kabayang Lamberto, ang taos-puso kong pagbati sa iyo ng 
magandang umaga. At nawa’y pagpalain tayong lahat na OFWs ng ating 
Panginoon. Nang mabasa ko ang puna n’yo doon sa nalimbag na lathalain 
ng PX noong Marso 2, 2008, halos mata ko’y maluwa. Ang dibdib ko’y 
parang sasabog sa lakas ng pintig ng puso ko. Ang mga binitiwan mong 
mga salita ay may lasa ng pinagsamang suka at dinikdik sa siling labuyo. 
Ang laway ko’y hindi ko malunok nang diretso. Ang pakiramdam ko’y may 
nakakalso sa aking lalamunan. Ang dugo ko ay nag-init nang bahagya! 
• Nguni’t natiyak ko na ako’y humanga sa iyo dahil nagpakatotoo ka lamang 
sa iyong paglalahad ng tunay mong damdamin sa mga nangyayari ngayon 
sa ating bansa at iba’t-ibang bagay sa paligid mo. Nguni’t hindi ko rin 
maiwasan na hindi ko pansinin ang iyong mga pangungusap sa sadya 
naman pong nakakapagpainit ng damdamin dahil kapuwa tayong Pinoy. 
• Kaibigan, ako rin ay sumusubaybay sa PX tuwing Linggo. Natutuwa ako 
nang labis dahil sa kabila na tayo ay malayo sa ‘Pinas ay abot-kamay lang
Pagtawanan at sabihin nila na ako’y nababaliw 
“Walang panahon! Marami akong trabaho!” 
Iyon ang lagi kong sigaw at katuwiran 
At wala rin akong oras para sa mga kaluluwa 
Na nangangailangan din ng aking mga dasal 
Nguni’t ‘di ko naisip na darating din sa akin 
Ang imbitasyon ni kamatayan na humarap sa Poon 
Sa isang iglap ay naglaro’t nailarawan sa isipan ko 
Ang pagkakataon na ako’y nasa harap na ng Maylalang 
Nakita ko Siya na may hawak na Aklat ng Buhay 
Aklat ng mga nilalang na Kaniyang kinalugdan 
Binuksan Niya ang Aklat ng Buhay at nagsabi: 
“Wala pa ang pangalan mo sa aklat, binalak 
Kong isulat at isama ka sa mga nakalista dito 
Nguni’t wala akong panahon at pagkakataon!” 
Kulang na lang na sabihin sa akin na "Amanos Lang Tayo!" 
"Patawad po Panginoon" nguni't huli na ang aking pagsisisi!
Siya’y isang munting anghel 
Na galing sa mundong nagmahal 
At nag-aruga mula ng siya’y isilang 
Ang kaniyang inang mapagpala 
Sa kabila na siya’y mahina 
Malalambot ang mga paa 
Hubad at wala pang malay 
Siya’y bulaklak ng buhay 
Ang haplos ng kaniyang mga kamay 
At tamis ng kaniyang halik at dighay 
Sa t’wing siya’y naglalambing 
Walang matamis na maihahambing 
Kaya dapat lamang na siya’y mahalin 
Alagaan ng husto at pagyamanin 
Siya’y bunga ng pag-iibigan 
Ng dalawang pusong nagmahalan…
Na sagabal sa tatahaking landas... 
Ang katawan nito'y gawa sa bakal 
Matigas na walang katulad 
Hahabulin ang mga may sala 
Papanagutin sa kanilang masamang gawa 
Na nagdulot ng pambansang pagdurusa... 
Bagong batas na pakikinabangan 
Ng mga taong nangarap ng kapayapaan 
Buhay na tahimik na walang gulo't patayan 
Sa loob at labas ng bayang kinagisnan... 
Ito bang batas ay dapat katakutan 
Kung ang tunay nitong layunin 
Ay para maalagaan si Inang-Bayan? 
Ano sa palagay n'yo kabayan?
Sa bayan kong may siphayo 
Ako ay nangungulila 
Sa maganda niyang mukha 
Na dati kong sinasamba 
Mula pa ng ako'y bata 
Ngayo'y takot at pangamba 
Ang tunay kong nadarama 
Boses niya'y nananamlay 
Sa hirap at mga pighati 
Sapat ba ang mga salita 
Upang siya'y lumigaya? 
'Di kaya'y pagkakaisa 
Sa kan'ya'y magpapasaya?
At sasamahan sa iyong dadapuan, 
Sa t’wing ang araw ay lulubog sa kanluran. 
Masarap lumipad na kasama ka, 
Lalu na kung magsasabay, 
Ang pagkampay ng ating mga pakpak, 
Sa mukha ng nakikiliting hangin. 
At pabulong kong isisigaw sa’yo 
Ang saya na aking nararamdaman, 
Sa t’wing tayo’y bubulusok, 
Pababa’t pataas ng kalangitan…
Tropa ni ka Ezzard, hinarap ang kalaban 
At ipinahayag - ang tunay na paninindigan! 
Ang naglalaro ngayon sa’king makulit na isipan 
Ay ‘sang tanong: Nasaan na kaya ngayon si Kuya Sam? 
Ang hindi niya pagsagot sa magiting na kalaban 
Siya ay suko na’t katunggali’y pakikisamahan! 
O hindi kaya – siya ngayon ay nagpapakondisyon 
Sa muling pagharap ay higit na malakas kaysa no’n 
Dala’y pamatong ng paniniwala na ang maglimos 
Sa pulubi ay kalugod-lugod sa mata ng Diyos! 
Aking na rin gaganyakin ang iba nating katoto 
Na sana lahat tayo ay makiisa at maglaro 
Huwag mag-atubili, sapantaha’y bigyang laya 
Yakapin ang higit na matimbang sa inyong puso: 
Maglimos o Hindi sa pulubing tulad nati’y tao? 
Tama ang aking kutob na si Kuya Sam ay babalik 
Buong tapang na humarap, bitbit niya ay kalasag 
Pangharang sa kalaban, sing-tigas ng asirong bakal 
Kayanin kaya ng kaniyang kabalagtas ang lakas? 
Nitong mamang ubod bait sa pulubi ay may awa
Pagkatapos hanapin mo 
Ang halaman ng buhay 
Ang katas ng kanyang bunga 
Ay tubig na papatid sa iyong uhaw 
Kunin mo sa pamamagitan 
Ng pagkagat ng iyong labi 
At kapag ika’y nagtagumpay na 
Sumaglit ka sa iyong kaibigang nalulungkot 
Gamutin mo ang kanyang lumbay 
Ng isang masayang awitin ng pagsinta 
At aawitin ng iyong kaluluwa 
Kasabay ang indayog ng pagmamahal…
Kami’y lumilipad sa hangin ‘tulad ng mga ibon… 
Ngayon ang katawan ko’t mga paa’y nakakaramdam 
Na ng pananakit hudyat ng pagtanda, ang lakas ko 
Ay nagbago na, natatakot sa tuwing naririnig ang 
Awit ng orasan na nakapako sa dingding at ang 
Mga nakabibinging mga iyak at sigaw sa paligid ko 
Sing-lakas sila ng dagundong ng kulog at kidlat 
Na umiiko sa matataas na kabundukan 
Na lalung nagpapalala ng aking takot… 
Alam ko na ang lahat ng bagay sa ibabaw ng mundo 
Ay may oras ang pagdating at paglisan, nguni’t 
Sa kabila ng katotohanan ay pangarap ko na 
Humaba pa ang buhay ko at manatili ang aking 
Kabataan upang lubusan kong mayakap at bigyan 
Ng sapat na pagpapahalaga ang tunay na ganda 
Ng Inang-Kalikasan habang hindi pa napaparam 
Ang liwanag ng nakasinding kandila ng buhay ko! 
(Tag-alog version for the poem 'Forever Young') .
Kumikilos ako sa gusto ng inyong puso’t isipan 
Ako’y maykakayahan na ‘di kayang gawin ng iba 
Sadyang sa akin lamang ipinagkaloob ng Poon 
Kaya kong pasiglahin ang nalulungkot na katawan 
Sanhi ng pagod at hapis na inyong nararamdaman… 
Haplos at pisil ko ang kailangan at babalik na agad 
Ang inyong lakas at kakisigan, kaya pakiusap 
Ako ay inyong alagaan at huwag hayaan na 
Ako ay magkakalyo, masaktan at masugatan 
Upang banayad na mapawi ang inyong kalungkutan… 
Ako’y isang mapagmahal na kaibigan 
Sa anumang panahon at pagkakataon 
Ako’y naririto - laging handa’t maaasahan!
At walang katapusang pagsinta 
Kailangan ka ng aking mga haplos 
Sa bawat araw at gabi na lilipas 
Na walang kasalo: tayong dalawa lang 
Sa sarili nating mundo sa buong magdamag 
Pagsasaluhan natin ang tamis ng pag-ibig 
Hanggang ang kaluluwa nati’y magsanib 
Ikaw ang nagbibigay kulay sa buhay ko 
Hangad ko’y lagi kitang kasama 
Kahit ang mundo’y huminto 
Sa kaniyang pag-ikot...
Ang sobrang pagod sa maghapon 
Butil-butil na pawis sa katawan 
Sigaw at pasakit ng among pinaglilingkuran 
‘Di alintana dahil sa mga mahal sa buhay 
Hanggang kailan ang pagtitiis mo, kabayan 
Na kayanin ang lahat ng iyong paghihirap 
Sa kuko ng abusadong amo, ika’y sinasaktan 
Sa araw at gabi sadsad ka sa kapaguran? 
Dagdag-pasakit, buwanang sahod nabibitin 
Minsan ginagawang ATM, after three months 
O ‘di kaya pagkatapos ng anim na buwan 
Wala kang magawa kundi ang tanggapin 
Sinubok mong isumbong ang iyong kalagayan 
Sa Konsolada’t Embahada ng ating pamahalaan 
Pinangakuan ka ng tulong kaya naghihintay 
Pero pangako’y hindi pa natutupad 
Tanong mo sa sarili, Bayani nga ba ako kabayan? 
Ganito ba inaalagaan ng ating pamahalaan 
Ang kapakanan ng mga manggagawa sa ibayong dagat
Si Laura ay laging laman ng aking isipan 
Larawan n’ya’y aking kinakausap 
Hinahalika’t lagi kong kayakap… 
Ako ba’y nagkulang sa iyo mahal? 
Ibinigay ko lahat ng gusto mo sa buhay 
Pero bakit bigla mo akong iniwan 
Kailan mo ako babalikan? 
Puso ko ngayo’y nagdurugo 
Sa pangungulila sa iyo, aking hirang 
Ano ba talaga ang dahilan ng inyong paglisan? 
Laura, aking sinta 
Magpakita ka 
Bigyan mo ng lunas 
Ang puso kong nalulumbay…
Pinangarap na ikaw ay maka-niig 
Ang mamasa-masa’t mapula mong labi 
Ibig nila’y dampian ng aking halik 
At paliguan ng matamis na tubig 
Mula sa pusong tunay na umi-ibig 
Kailangan mo’y ang aking mga haplos 
Sa bawat araw at gabi na lilipas 
Buhay nati’t kaluluwa’y mag-iisa 
Sa duyan ng pagmamahal at ligaya 
Sa ating mundo, tayo ay magsasama 
‘Di magkakawalay at laging masaya!
Sinilip ko siya’t aking pinagmasdan 
Pinag-aralan ko ang buka ng bibig 
Ang galaw ng mapupula niyang labi 
Ang pilantik ng kaniyang mga daliri 
At galaw ng kaniyang paa at baywang 
Nagmamakaawa na isayaw siya 
At dalhin sa itaas ng kalangitan 
At do’n siya mananahan bilang reyna 
Kasama ang mga ibon sa himpapawid 
At kumpol-kumpol na maharot na ulap 
Masaya silang nagsasayaw sa saliw 
Ng malanding awit ng hanging habagat 
Subali’t hindi pa siya nasiyahan 
Pati mga bituin ay gustong abutin 
Yakapin, hagkan at angkinin gagawin 
Niyang kuwentas, korona at porsilas 
Ang tindi ng kaniyang dating sa akin 
Pati ako ay sa kan’ya nahumaling 
Sa puso ko at isipa’y nagniningning 
Alab ng pagsinta siya’y makapiling
Nguni’t ang layo n’ya’y milya 
Sa akin na kan’yang sinta 
Puso ko ay nananamlay 
Dahil kami ay hiwalay 
Tuloy ako’y nangangamba 
Kay Inday baka magwala 
Dahil sa pangungulila 
Sa akin – siya’y mawala 
‘Wag lang magtampo’t magalit 
Ibibigay ko ang langit 
Init ng aking pag-ibig 
Lahat sa’king pagbabalik!
At burahin ang kanyang alaala 
Nguni’t para siyang linta 
Kumakapit nang napakahigpit… 
Ang totoo ‘di ko pa siya 
Nakikita’t nahahawakan 
Buhay siya’t galit na galit 
Nakabibingi ang kanyang sigaw 
Tumatagos sa puso ko’t kalamnan 
Pilit n’yang ginugulo 
Ang tahimik kong mundo… 
Kaya minabuti ko 
Na siya’y ikulong 
Ang kanyang mga himutok 
At kakaibang nararamdaman 
Dito sa isip ko!
Sumisigaw ako na itigil mo na 
Nguni’t hindi ka nahabag sa akin 
Nang maubos at masaid na ang lakas ko 
Saka mo lang ako tinantanan 
At naging basura ako sa iyong paningin 
Pinilipit at iniwan mo akong naghihingalo 
Napakasakit ang sinapit ko sa iyo 
Nguni’t ‘di pa huli ang lahat 
At hindi pa tapos ang laban ko 
Sapagkat ang nikotinang nasipsip mo: 
Ang natitirang sustansiya ng katawan ko 
Ay sakit ang idudulot nito 
Lason na papatay sa iyo! 
(Tag-alog version for the poem 'You're the Loser') .
Dagdag pa ang pagmamaltrato ng amo 
‘Di alintana ang sakit na dala nito 
Para sa kanilang mga mahal sa buhay… 
Lalu akong humanga kay Lara Quigaman 
Sa harap ng mga hurado’y kaniyang ipinaglaban 
Mahusay na sinagot ang katanungan 
Mabilis, parang kidlat kung mangat’wiran… 
Ano ang masasabi mo sa mga edukadong tao sa mundo 
Na kinahiligang tawagin ang Filipinos 
Sa katawagang nannies? 
“Puso ko’y walang pagdaramdam 
Kung ang tawag nila sa ami'y nannies 
Ang ikinasasama ng aking kalooban 
Kung sino pa ang mga edukadong tao sa mundo 
Sila pa ang nagpababa sa tunay na kahulugan 
At kahalagahan ng pagiging isang nanny.” 
Sa pagsagot ni Lara sa tanong na ‘yon 
Ni kaba sa dibdib o hiya ‘di siya nakitaan 
Taas noo n’yang ipinamalas ang kasagutan 
Na umani ng nakabibinging palakpakan…
Suot mo ang manipis na damit na gustong-gusto ko sa araw 
Ng ating pagpupulot-gata,20 taon na ang nakakaraan 
At nakiliti ang puso ko sa sobrang saya… 
Sa tindi ng aking pangungulila bigla kitang hinalikan 
Sa pisngi at niyakap ng mahigpit na mahigpit 
At sumayaw tayo sa saliw ng mga alon 
Habang ramdam na randam ng ating mga paa 
Ang kiliti sa t’wing umiindak tayo sa buhanginan 
At sa itaas ng langit ay mapuputing ulap 
Na masasayang nagmamasid sa ating dalawa… 
Nguni’t ilang saglit pa’y unti-unti kang naglalaho 
Sa aking mga kamay at paningin 
Sumisigaw ako na huwag mo akong iiwan 
Subalit tinangay ka ng hangin papalayo sa akin 
At sumama ka sa mga ulap sa kalangitan 
Wala akong nagawa kungdi ang pagmasdan kita 
Hindi ako makakilos sa aking kinatatayuan… 
Hanggang sa mapansin ko na unti-unti nang nagdidilim 
Ang paligid ko at ang dating mahinang awit ng mga alon 
Ay palakas nang palakas kasabay ang pangako ko 
Sa aking sarili, na ang pag-ibig mo ay mananatili
Ay sanhi ng tuloy-tuloy na paglapastangan 
At walang patumanggang iringan ng aking mga anak 
Pangarap ko’y matahimik na tahanan 
Ngunit ang aking mga inakay ay mga pasaway 
’Di magkasundo’t laging nag-aaway 
Ang ugat ay ang aking kapangyariha’t salapi 
At iba kong mga ari-arian na aking ipapamana sa kanila 
Sa oras na ako’y panawan na ng buhay 
Subalit ‘di sila makapaghintay 
Ang gusto nila’y makuha na agad 
Ang kanilang pamana at pamamahala 
Dahan-dahan nila akong pinapatay!
Ng awit ng hangin mula sa Silangan 
Na pumapasok sa bintana at kumikiliti 
Sa aking mga pagal na tainga 
Habang ika’y aking kinakausap 
Isang napakagandang himig 
Na kahali-halina sa aking pandinig 
Pagod ko’y pansamantalang naglaho 
Dahil sa oras na ’yon nasa gitna ako 
Ng masilang trabaho’t minamadali ng boss ko 
Ngunit isa kang hulog ng langit sa umagang ito 
Lakas ko’y agad nanumbalik, Mahal ko!
Sa kan’yang ganda’t kariktan 
Ng kan’yang sariling angkan 
Ka’lan aahon si Ina 
Sa hirap at pagdurusa 
Mga inakay ay pasaway 
Lagi silang naga-away 
Ang kan’yang katahimikan 
Ay kan’lang niyuyurakan 
Kahit si Ina’y masaktan 
Gagawin ang kagustuhan 
Sila itong sumasakal 
Kay Inang humahagulgol 
Luha niya’y kulay dugo 
Sumisigaw ng pagsuyo
Sa lahat ba ng panahon tayo’y aasa na lang ba sa mga maharlika? 
Sa mga politikong mandarambong at mandaraya? 
Lagi na lang ba natin iaasa ang buhay at kinabukasan 
Sa mga taong nasa nanunungkulan? 
‘Wag kalimutan na tayong mga anak-pawis 
ay simbolo ng lakas at katapatan! 
Naalaala ko ang hirap ng nakaraan, I cried looking at my feet and hands 
wounded; 
too painful I couldn’t bear. Sa edad na 13, sa isang construction site sa bayan 
namin habang pinapala ko ang sang katirbang na hinalong semento graba at 
buhangin na nakalubog ang mga paa ko sa semento para lamang may 
pantustos sa pag-aaral sa high school sa susunod napasukan. 
Sometimes I asked God, why it happened to me? Pero I realized na di dapat 
panghinaan ng loob, ginusto ko po ito at dahil din sa kawalan. I was firmed 
with my decision na ako na ang magpapatakbo sa buhay ko. Pero deep in my 
heart buhay na buhay ang pagmamahal at respito ko po sa aking mga 
magulang, naunawaan ko ang kalagayan namin. 
At sa edad na 13 ako na ang nagpatakbo sa buhay ko 
Kung sinu-sinong tao ang nakasama ko 
Pero hindi ako nawalan ng pag-asa
I begged you to stop hurting me 
But you did not listen 
You just ignored my wish 
And laughed-out-loud 
After draining out my vitality 
You gauged me rubbish 
And then throw me somewhere 
In the toilet bowl and garbage can 
Now I realize living with you 
Is really helpless and unproductive 
But I will tell you the truth 
You’ll be the loser at the end 
For every tar and nicotine 
That you had drawn from me 
Generate great pains, misery as well 
And shorten your life!
Of the pearly gown you wore in our 
First night 20 years ago on our honeymoon 
You smirked: your smile dimpled your face 
So I longed for you 
And touched you with my thirsty lips 
And we danced with the sea spray 
That hugged our feet relaxing 
On the sands beneath a cloudy sky 
But thereafter you disappeared slowly 
You slipped from my hands 
And had joined the thin air 
Like bubbles you mixed with those clouds 
Leaving me with your sweet fragrance 
The sun sank and you’re gone with the breeze 
But your love will be persisting in my heart forever!
When ideas have served their purpose 
They need to be swept away 
We must constantly sweep out the old 
And give way for the new one 
Man breathes for life 
As he reaches 
His old age 
It will cease 
And will fall apart 
Like a dry leaf…
And whatever his heart dictates 
His brain and body desires 
I always run for his wishes: 
Bashing the candle 
Buffing the banana 
Choking the chicken 
Cleaning his rifle 
Cuffing the carrot 
Polishing the banister 
Polishing the rocket 
Tossing the turkey 
And walking his dog 
Are the same terms 
For the same job: 
His dog became stronger and harder 
and you know what I got? 
His sweet smiles of satisfactions! 
(through 'Mariang Palad' as we call it in Pilipino, for me is a very effective tool 
to fight homesickness I am a OFW, Saudi Arabia...in English it is called 'Mrs.
and let it dwells in their hearts forever 
the song would unite all feuding politicians 
and drives them to show vision, determination 
as well as responsibility and motivation 
to give the people good governance 
the song would also enlighten the terrorists 
from killing innocent people and stop 
the armed conflict to come by 
the world would become free 
from criminal crimes such as war 
graft and corruption, terrorism, rebellion 
cheating, rape, drug addiction smuggling 
child abuse, prostitution, kidnapping 
spousal abuse and other heinous crimes 
so the world becomes a pleasant place 
no enemies to fear, this is my love song!
Or maybe because I am sincere 
I seldom say, “I’m sorry” 
But when I say it 
It is said with sincerity 
And touches your heart 
Or you loved me because 
I am a loving person 
Through text messages and calls 
I say, “I love you” in the morning 
Lunch time, after office hours 
And in the evening before sleep 
Or because of my being romantic 
To you, through gestures 
I show my love, care and affections 
I hold your hands, hug you 
And kiss your lips 
Or is it because I am always 
Here for you, all sunny and rainy days 
Guarding you, protecting you 
From any harm and keeping 
You safe into my arms 
Whatever reasons you have 
In mind, I am sure 
You loved me because
Picked, planned 
Cloning each moment of joys and laughter 
With just a rapid sound of a button 
Almost as precise as the human eye; 
And I am left behind alone 
Surprised staring at you 
This is a piece of you, a copy of your face 
Caught in this frame I am holding 
Is this all I remember of you? 
I had to rely on another eye, not my own: 
Invention of mirrors and light 
To aid me recall what my heart cannot?
especially my beloved one: 
The flower of my eyes - bulaklak ng aking mata 
The light of my home - ilaw ng aking tahanan 
The pulse of my heart - pintig ng aking puso 
The smile of my lips - ngiti ng aking labi 
The cry of my lusts - sigaw ng aking pangungulila 
My dream star - pangarap kong bituin 
My miracle medicine - gamot sa t’wing ako’y nanghihina 
The bed of my burning love - kanlungan ng nag-aapoy kong pag-ibig 
And my delicious coffee and pie in the morning- panulak at pantulak ko sa 
bawat umaga.
One day, your sweet scent wraith 
Through the place, like a haunting 
And your fans grabbed you 
Held you tight around your neck 
They kissed your lips and cheeks 
Leaving them with luminous spits 
You had complaint, wanting to stop them 
Though they just ignored your wish 
For them you’re their asset 
You’re yelling for help but nobody came 
And in great pains, you cried 
Then you fell down unconscious 
The hour altered, dusk became dawn 
You woke up and screamed so hard 
Seeing yourself lying in the pool of mud 
With those filthy and ugly faces 
Your own effigy, those sizzling cigarette butts!
children weep 
the yearning of youth 
the adhesive 
that binds marriage 
the lubricant 
that prevents devastating 
friction in the home 
the safeguard 
of community life 
the beam of hope 
in a world of distress 
the peace of old age
and I’ll go sleep and wait you 
to kiss my lips and get my breathe 
Again I wish, if I could 
not thinking the last time 
to kiss you hard 
but thinking to stay with you 
holding you into my arms 
so close, ‘til the end of time 
I promise…
Then go on to know more and more 
Of what that treasure is 
And glorify your God, without end.” 
Was He the same God whom I used to kneel to pray? 
Who was made out of blocks, wood, stone and clay? 
Verily I wondered but my doubt did not alter my desire 
Still I read the following text; 
'God created man and female 
In His image and likeness, He created them 
For His love and for the purpose to live with Him 
And that we must give our highest admiration 
And submit to Him, as our only God in return.' 
Consoled I said this is it I am looking for! 
The true God I had long desired 
God’s love to His children is lasting 
God is a reasonable One 
And understanding one in nature 
He sent Jesus Christ, His begotten Son 
His Son’s Sprinkling Blood save the world 
And washed out His children’s sins.
Swam in the crystal river with the morning puff of wind 
Climbed up the trees, crawled on sandy shores 
Skipped over the green meadows 
And pretended flying like birds in the breeze… 
Now my mid-life is claiming me restlessness 
And itchy feet a symptom 
My strength is deteriorating 
I’m scared of hearing those seconds 
Those passed when the clock sings 
I can hear cries when the sun descends 
As loud as the roaring thunder and lightning 
Their sounds are bouncing back on high mountains 
Brought by the strong wind, they caused fear… 
I’m certain that everything in this world comes and goes 
Although I’d wish to be always a youngster 
And enjoy my youth to the utmost…
Additional Details of The Author 
• Web content creator, on-line 
marketer, products and services 
promoter, on-line writer and 
Filipino Blogger. 
I am an Internet Blogger, Writer 
and Computer literate. I had 
worked as an Overseas Filipino 
Worker in Saudi Arabia from 1994 
to present for the following 
positions: Salesman/Analyst, 
Analyst, Assistant Secretary to 
The Vice President, 
Analyst/Bookkeeper and Facility 
Records Clerk. Presently I am in 
Philippines. 
• SalesRep/Analyst 
• Fusion Boutique: SITML (Saudi 
International Trading and 
Marketing Ltd. 
• March 2008 – Present (6 years 8 
months)Sales Department: 
Riyadh City, KSASells and 
entertains customers, responsible 
for the inventory of stocks, 
determines the products costs 
and the selling prices, encodes 
the products details and 
maintains the Multisoft Program 
and performs tasks assigned to 
me from time to time.
on Your Online Personal Profile 
• When you start creating your simple and unique online personal profile 
you should consider it that it is the same way when you are creating your 
attractive resume. The only difference is that you will write it or have to 
inject it with some short descriptions about you – your job, your business, 
your status and connections and other things that are significant and 
momentous to you. A simple but unique personal profile helps attract 
people to like you, to believe you and to follow you. And you do not need 
to create it by using erudite language - just use simple English. 
• HIT reveals some important good qualities, attitude and characteristics 
you possessed. Hit is the abbreviation form for the following words that 
you must consider. 
• Honesty - is all about truthfulness, candidness, admirable, fairness, 
adherence, decency, allegiance, rectitude, goodness and honor.

More Related Content

What's hot

Mga sikat na bayani sa pilipinas
Mga sikat na bayani sa pilipinasMga sikat na bayani sa pilipinas
Mga sikat na bayani sa pilipinas
janus rubiales
 
Rubric sa pagsulat ng tula
Rubric sa pagsulat ng tulaRubric sa pagsulat ng tula
Rubric sa pagsulat ng tula
Macky Mac Faller
 
Pagsulat ng Liham
Pagsulat ng LihamPagsulat ng Liham
Pagsulat ng Liham
RitchenMadura
 
Filipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon
Filipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at OpinyonFilipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon
Filipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon
Juan Miguel Palero
 
Pagsulat ng sanaysay
Pagsulat ng sanaysayPagsulat ng sanaysay
Pagsulat ng sanaysay
Vicente Antofina
 
10 karapatan ng bawat batang pilipino
10 karapatan ng bawat batang pilipino10 karapatan ng bawat batang pilipino
10 karapatan ng bawat batang pilipinorajnulada
 
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
jessacada
 
Ang zarzuela at walang sugat
Ang zarzuela at walang sugatAng zarzuela at walang sugat
Ang zarzuela at walang sugatEvelyn Manahan
 
Calabrzon march lyrics
Calabrzon march lyricsCalabrzon march lyrics
Calabrzon march lyrics
JoelPatropez1
 
Tunggalian
TunggalianTunggalian
Tunggalian
michael saudan
 
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7
Wimabelle Banawa
 
Talumpati
TalumpatiTalumpati
Talumpati
RaymorRemodo
 
Uri ng pang abay
Uri ng pang abayUri ng pang abay
Uri ng pang abay
Macky Mac Faller
 
Iba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salitaIba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salita
Renalyn Arias
 
Himagsikan(1896-1900)
Himagsikan(1896-1900)Himagsikan(1896-1900)
Himagsikan(1896-1900)
Maureen Sonido Macaraeg
 
Ang Pamahalaan at serbisyong Panlipunan
Ang Pamahalaan at serbisyong PanlipunanAng Pamahalaan at serbisyong Panlipunan
Ang Pamahalaan at serbisyong Panlipunan
iamnotangelica
 
Alamat ng Bulkang Mayon
Alamat ng Bulkang MayonAlamat ng Bulkang Mayon
Alamat ng Bulkang Mayon
Jessie Pedalino
 

What's hot (20)

Dagli
DagliDagli
Dagli
 
Mga sikat na bayani sa pilipinas
Mga sikat na bayani sa pilipinasMga sikat na bayani sa pilipinas
Mga sikat na bayani sa pilipinas
 
Rubric sa pagsulat ng tula
Rubric sa pagsulat ng tulaRubric sa pagsulat ng tula
Rubric sa pagsulat ng tula
 
Pagsulat ng Liham
Pagsulat ng LihamPagsulat ng Liham
Pagsulat ng Liham
 
Matalinghagang salita
Matalinghagang salitaMatalinghagang salita
Matalinghagang salita
 
Filipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon
Filipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at OpinyonFilipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon
Filipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon
 
Pagsulat ng sanaysay
Pagsulat ng sanaysayPagsulat ng sanaysay
Pagsulat ng sanaysay
 
10 karapatan ng bawat batang pilipino
10 karapatan ng bawat batang pilipino10 karapatan ng bawat batang pilipino
10 karapatan ng bawat batang pilipino
 
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
 
Ang zarzuela at walang sugat
Ang zarzuela at walang sugatAng zarzuela at walang sugat
Ang zarzuela at walang sugat
 
Calabrzon march lyrics
Calabrzon march lyricsCalabrzon march lyrics
Calabrzon march lyrics
 
Tunggalian
TunggalianTunggalian
Tunggalian
 
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7
 
Talumpati
TalumpatiTalumpati
Talumpati
 
Uri ng pang abay
Uri ng pang abayUri ng pang abay
Uri ng pang abay
 
Ang mga dalit kay maria
Ang mga dalit kay mariaAng mga dalit kay maria
Ang mga dalit kay maria
 
Iba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salitaIba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salita
 
Himagsikan(1896-1900)
Himagsikan(1896-1900)Himagsikan(1896-1900)
Himagsikan(1896-1900)
 
Ang Pamahalaan at serbisyong Panlipunan
Ang Pamahalaan at serbisyong PanlipunanAng Pamahalaan at serbisyong Panlipunan
Ang Pamahalaan at serbisyong Panlipunan
 
Alamat ng Bulkang Mayon
Alamat ng Bulkang MayonAlamat ng Bulkang Mayon
Alamat ng Bulkang Mayon
 

Similar to Mga tula at kuwento ng puso at damdamin

Aralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptxAralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptx
donna123374
 
filipino 10 tula at pagpapahayag ng emosyon.pptx
filipino 10 tula at pagpapahayag ng emosyon.pptxfilipino 10 tula at pagpapahayag ng emosyon.pptx
filipino 10 tula at pagpapahayag ng emosyon.pptx
RoxsanBCaramihan
 
Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10
sarahruiz28
 
BULONG AT AWITING BAYAN
BULONG AT AWITING BAYANBULONG AT AWITING BAYAN
BULONG AT AWITING BAYAN
ErichMacabuhay
 
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docxMga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
RechelleIvyBabaylan2
 
Icons of superfluity
Icons of superfluityIcons of superfluity
Icons of superfluityIsi Miranda
 
Akademiko
AkademikoAkademiko
Akademiko
StemGeneroso
 
folksongs-grade7-180102075431.pdf
folksongs-grade7-180102075431.pdffolksongs-grade7-180102075431.pdf
folksongs-grade7-180102075431.pdf
joanabesoreta2
 
Tayutay
TayutayTayutay
grade 9 module 4.pptx
grade 9 module 4.pptxgrade 9 module 4.pptx
grade 9 module 4.pptx
ferdinandsanbuenaven
 
Ang Aking Pag-ibig - Aralin 2.3
Ang Aking Pag-ibig - Aralin 2.3Ang Aking Pag-ibig - Aralin 2.3
Ang Aking Pag-ibig - Aralin 2.3
Al Beceril
 
Folk songs- Grade 7
Folk songs- Grade 7Folk songs- Grade 7
Folk songs- Grade 7
Kaypian National High School
 
Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentation
Marti Tan
 
MODYUL 4.pptx
MODYUL 4.pptxMODYUL 4.pptx
MODYUL 4.pptx
LovelyBaniqued2
 
Filipino8
Filipino8Filipino8
Filipino8
marryrosegardose
 
ANDRES BONIFACIO (Panahon ng Himagsikan)
ANDRES BONIFACIO (Panahon ng Himagsikan)ANDRES BONIFACIO (Panahon ng Himagsikan)
ANDRES BONIFACIO (Panahon ng Himagsikan)
Supreme Student Government
 
Philippine folk songs
Philippine folk songsPhilippine folk songs
Philippine folk songs
Raquel Castillo
 
FILIPINO_Modyul 1_karunungan bayan.pptx
FILIPINO_Modyul 1_karunungan bayan.pptxFILIPINO_Modyul 1_karunungan bayan.pptx
FILIPINO_Modyul 1_karunungan bayan.pptx
ssuser71bc9c
 
Grade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.pptGrade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.ppt
marryrosegardose
 

Similar to Mga tula at kuwento ng puso at damdamin (20)

Aralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptxAralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptx
 
Philippine folk songs
Philippine folk songsPhilippine folk songs
Philippine folk songs
 
filipino 10 tula at pagpapahayag ng emosyon.pptx
filipino 10 tula at pagpapahayag ng emosyon.pptxfilipino 10 tula at pagpapahayag ng emosyon.pptx
filipino 10 tula at pagpapahayag ng emosyon.pptx
 
Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10
 
BULONG AT AWITING BAYAN
BULONG AT AWITING BAYANBULONG AT AWITING BAYAN
BULONG AT AWITING BAYAN
 
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docxMga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
 
Icons of superfluity
Icons of superfluityIcons of superfluity
Icons of superfluity
 
Akademiko
AkademikoAkademiko
Akademiko
 
folksongs-grade7-180102075431.pdf
folksongs-grade7-180102075431.pdffolksongs-grade7-180102075431.pdf
folksongs-grade7-180102075431.pdf
 
Tayutay
TayutayTayutay
Tayutay
 
grade 9 module 4.pptx
grade 9 module 4.pptxgrade 9 module 4.pptx
grade 9 module 4.pptx
 
Ang Aking Pag-ibig - Aralin 2.3
Ang Aking Pag-ibig - Aralin 2.3Ang Aking Pag-ibig - Aralin 2.3
Ang Aking Pag-ibig - Aralin 2.3
 
Folk songs- Grade 7
Folk songs- Grade 7Folk songs- Grade 7
Folk songs- Grade 7
 
Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentation
 
MODYUL 4.pptx
MODYUL 4.pptxMODYUL 4.pptx
MODYUL 4.pptx
 
Filipino8
Filipino8Filipino8
Filipino8
 
ANDRES BONIFACIO (Panahon ng Himagsikan)
ANDRES BONIFACIO (Panahon ng Himagsikan)ANDRES BONIFACIO (Panahon ng Himagsikan)
ANDRES BONIFACIO (Panahon ng Himagsikan)
 
Philippine folk songs
Philippine folk songsPhilippine folk songs
Philippine folk songs
 
FILIPINO_Modyul 1_karunungan bayan.pptx
FILIPINO_Modyul 1_karunungan bayan.pptxFILIPINO_Modyul 1_karunungan bayan.pptx
FILIPINO_Modyul 1_karunungan bayan.pptx
 
Grade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.pptGrade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.ppt
 

Mga tula at kuwento ng puso at damdamin

  • 1. Knowledge Begins With The Words “I Don’t Know.” Mga Tula at Kuwento ng Puso at Damdamin Ni Paul O. Pruel Bato-bato sa langit Kung tinamaan ka huwag magalit Ito'y paglalahad ng damdamin na walang galit Bahagi ito ng aking hangarin Ang magpaliwanag at pasayahin Puso mong nalulumbay ay paliligayahin… Formerly an Overseas Filipino Worker (1994 – 2012) Riyadh, Saudi Arabia
  • 2. The Beauty of Filipino Language in Poetry is Endless • Ayon sa kasaysayan, bago paman dumating sa aming bayan ang mga banyagang nagnasa at umagaw sa karapatan naming mga Pilipino sa aming sariling bayan, ang Wikang Pilipino ay buhay na at nananaghoy na sa aming mga puso. Sa Wikang Pilipino ay nagkaisa ang mga maginoo at mapagmahal naming mga ninuno upang isigaw ang mga karapatan nila. Mga sigaw na humantong sa madugong pag-aaklas at pakikipaglaban sa mga dayuhan. • • Sa pamamagitan ng kanilang pawis, dugo at buhay, ang Wikang Pilipino ay namuhay sa bawat pintig ng kanilang mga puso, damdamin at sa bawat pagbuka ng kanilang bibig. Ang tubig sa batis at kaparangan ay nabahiran ng kanilang dugo habang sila ay nakikipagdigma sa mga mananakop. Ang panaghoy ng pagkakaisa ay nagbigay lakas sa kanila at tuluyang namugad at lalong pinaigting ang pakikibaka. Ang bunga ay napasaamin ang aming minimithing kasarinlan – na namayagpag at nabubuhay magpahanggang ngayon. •
  • 3. •Paul O. Pruel Maikling Talam-buhay Ayon sa artikulo ‘Manunulat ng Tula Nais Palaganapin ang Wikang Pambansa’ na sinulat ni Ginoong Rodolfo C. Estimo Jr. (Editor ng Pinoy Xtra, Arab News, Riyadh, Saudi Arabia na nalimbag noong Enero 4, 2009, si Paul O. Pruel ay kilala bilang magaling na manunulat bagama’t wala siyang aktuwal na pagsasanay upang magsulat ng tula. Marami sa kaniyang mga tula ang nailathala na sa Pinoy Xtra, bukod pa sa mga matatagpuan sa blog sa Internet. Ang pagsusulat ng tula ang pangunahin niyang pinagkakalibangan may ginagawa man siya o wala. “Ang pagsusulat ng tula ay nakakatuwa para sa akin. Para itong isang gamot sa pangungulila sa aking pamilya na nasa Capipisa, Tanza, Cavite, kung saan na kami dumayo at tuluyang manirahan,” sabi niya sa isang panayam. Siya ay isinilang sa Guiuan, Eastern Samar, noong Abril 29,1960 kina Antonio Pruel at
  • 4. Paul O. Pruel Maliban sa paghahabi ng mga tula si Paul O. Pruel ay isa rin blogista at web-content creator sa iba pang mga sharing revenue websites. Siya rin ay nagpro-promote ng iba’t-ibang produkto at serbisyo ng mga merchants o negosyante available online. Siya ay may sariling website na bukas sa lahat ng mga net users o surfers – matatagpuan ito sa http://www.wikinutawesome.com
  • 5. Mga Tula at Kuwento ni Paul O. Pruel Table of Contents (Part 1) • Orasan at Buhay • Pangarap Ko sa Pasko • Ugaling Pinoy • Nang Awitin ni Ina Ang Kundiman • Balimbing • Hinagpis ng Isang Bayani • Impeachment Wan-O-Wan • Ang Matalino at Bobo ay Pareho • Pilipinas • Malilimot Din Kita • Hiyaw ni Kabayan • Hustisya at Katarungan • December, Magastos na Buwan • Ikaw Lang • Alkansiya • Walang Katulad • Ang Mahiwagang Balangaw
  • 6. Mga Tula at Kuwento ni Paul O. Pruel Table of Contents (Part 2) • Pasasalamat Kay Nanay • Chacha Tugtog ng Pagbabago • Awit ng mga Maralita • Sana’y Laging Umaga • Ang Lalake’y Nagmula sa Babae • Hunyo 12 • Mananatiling Buhay sa Alaala • Sa Ngalan ng Pagkakaibigan • Mananatiling Buhay sa Puso’t Alaala • Maligayang Kaarawan Mahal • Dapat Bang Isuko Ang Buhay Nang Walang Laban? • Kilala Ko si Alamid ng Desierto • Dahil sa Kagat ng Lamok Napakinabangan ang PhilHealth
  • 7. Mga Tula at Kuwento ni Paul O. Pruel Table of Contents (Part 3) • Tulad ng Tuyong Dahon • Ang Manlilikha • Nang Pumatak ang Luha, Nasulat ang Tula • Sigaw Para sa Katotohanan • Polaris ng Buhay • Ang Ugat ay Kahirapan • Ang Magmahal ay Pagpapatiwakal • Nang Mapikon ang Langit • Mahal Namin Kayo, Inay • Puna sa Puna ni Kabayang Lamberto • Amanos Lang Tayo • Anghel • Anti-terrorism Bill • Boses Niya’y Nananamlay (Inang Sinilangan) • Dahil Ako’y Pala-ibigin…Pala-ibigan • Dapat Bang Maglimos sa Pulubi? • Gusto Mo Ng Masayang Buhay? • Huwag Sayangin ang Iyong Kabataan • Gamot sa Pangungulila
  • 8. Mga Tula at Kuwento ni Paul O. Pruel Table of Contents (Part 4) • Hangad Ko’y Lagi Kitang Kasama • Hinagpis ng Isang Bayani • Hinahanap Ko si Laura • Inamorata: Inamorato • Inibig Ko ang Aking Likha • Init ng Aking Pag-ibig • Kakaiba Siya • Lason na Papatay sa Iyo • Nanny at mga Kasambahay • Pag-ibig Mo ang Buhay Ko • Panaghoy ni Inang – Bayan • Salamat sa Tawag Mo Mahal
  • 9. Mga Tula at Kuwento ni Paul O. Pruel Table of Contents (Part 5) • Sumisigaw ng Pagsuyo • Mga Anak-pawis Simbolo ng Lakas at Katapatan • Walang Papalag! Hold Up Ito! • You’re The Loser • Your Love is Forever in My Heart • A Dry Leaf • A Way to Fight Homesickness • This is My Love Song • The Man You Dreamed • The Magic of Camera • The Bed of My Burning Love • Sizzling Butt • Lodestar of Life • Illusion • His Blood Most Precious • Forever Young • Additional Details of The Author • Bonus Page: For Job Seekers
  • 10. Ang simoy ng hanging amihan ay lakas natin At pagsapit ng gabing tahimik Mga bituin sa langit ay pananglaw sa daraanan At gigiya sa ating patutunguhan Ang mga lagitik ng kawayan Ay hudyat ng katuwaan Mga nagsisipagsayaw sa kaligayahan Sa tuwing hahampas ang malambing na hangin Nandoon yumuyuko sila, minsa’y dumadapa Nguni’t yaring lakas ay ‘di naparam Bumango’t tumindig sa galak Upang harapin ang bagyo ng buhay Napakasayang pakinggan Mga ibong umaawit sa kabundukan Nagbibigay ligaya yaring pusong matamlay Nagpipista sa kagalakan sa bawa’t segundong pag-ikot ng orasan Nguni’t hanggang kailan itong ligayang ninanais Yaring pusong makamundo Paano kung tumigil na ang pag-ikot ng orasan? Halina’t humayo tayo Samasama nating aliwin ang ating kabataan
  • 11. Nang maiwasan ang gulo’t pangamba Pakikiusapan ko ang malambing na hangin Sa lahat ng sulok ang awiting ito’y dalhin Sa kabundukan, kagubatan, at kaparangan Sa malawak na lupain, mga ilog, sapa’t karagatan Aawitin n’ya bawat nota’y mensahe ng kapayapaan Mga raliyista aral na matututunan Ang madugong pag-aaklas ay dapat iwasan Mga pinuno ng bansa maging tapat sa tungkulin Alagaan ang kaban ng bayan Iyon ay para sa bayan at mamamayan Mga terorista’t mga taong uhaw sa kapangyarihan Iwasan ang gulo’t madugong digmaan Buhay ng tao’t ari-arian ay mahalin Ang bawat isa’y magmahalan Mamuhay nang payapa sa Inang-tinubuan Kaya natin ibalik ang mundo sa tunay n’yang ganda Kung saan ang mga tao’y payapa’t nagkakaisa May takot sa Diyos, matatapat at nagmamahalan Tunay na paraiso, walang gulo, patayan at hidwaan Ito ang hiling ko awit ng kapayapaan
  • 12. Isa lamang akong janitor noon Trabahong aking pinag-igihan Kakarampot na sahod na pinagpaguran Para ibuhay sa pamilya kong iniwan Na naghihintay sa ‘Pinas kong tinubuan Pagkaraan ng maraming araw, buwan at taon Hinatak akong pataas ng kompanyang aking pinaglilingkuran Pinagkatiwalaan ng puwestong aking kinalugdan Bilang isang clerk sa posisyong iniwan Ng isa kong kasamang umuwi sa ating bayan Lumaki nang konti ang kita kong buwanan Nabili ko ang gusto ng aking katawan At dumating muli ang suwerteng ‘di inasahan: Ako’y hinango sa aking inuupuan Dinala sa isang rolling chair at nanatili hanggang ngayon… Kasalukuyan isa akong analyst sa kompanyang pinagtratrabahuhan Dati iyak ng walis ang maririnig ngayon awit ng kapanatagan Tunog ng calculator at computer ay mensahe ng magandang kinabukasan At malayo sa sinag ng araw at trabaho sa maghapon Lahat ng ito’y dahil sa pagsisikap kong maahon sa kahirapan Subali’t kabayan at kaibigan Ni minsan ‘di ako nagbago sa aking katauhan
  • 13. At pagsusumamo para sa katiwasayan Sa loob at labas ng kan’yang tahanan Layunin ni Ina’y magkasundo ang buong angkan Pero sa isang pamilya ‘di maiwasan ang iringan Ito’y katotohanan na dapat sana’y iwasan Kung ang bawa’t isa’y magbibigayan Nang awitin ni Ina ang kundiman Nagpamalas ito ng pag-ako at pag-amin Kapabayaan naging sanhi ng kaguluhan Ngayon hangad ay kapatawaran… Kay sarap pakinggan ang awit ni Ina Ako’y namangha sa ganda ng mga nota Sa tuwa’y naitanong ko sa kan’ya: “Ina, susi na ba ito ng pagkakaisa?”
  • 14. Ito’y ‘di magandang kaugalian Dati busilak kuno sa katapatan Ngayon kabaligtaran ng katotohana Gulong-gulo na ako, kabayan Sino ang dapat pakinggan Ang balimbing o ang iniwan? Dati magkahawak-kamay Banaag ang saya sa kanilang kilay Pero saglit lang nagkahiwa-hiwalay Hay naku! Polika Ma-aksyon na, ma-drama pa Sa ‘Pinas lang talaga!
  • 15. Butil-butil na pawis sa katawan Sigaw at pasakit ng among pinaglilingkuran ‘Di alintana dahil sa mga mahal sa buhay Hanggang kailan ang pagtitiis mo, kabayan Na kayanin ang lahat ng iyong paghihirap Sa kuko ng abusadong amo, ika’y sinasaktan Sa araw at gabi sadsad ka sa kapaguran Dagdag-pasakit buwanang sahod nabibitin Minsan ginagawang ATM (after three months) O ‘di kaya pagkatapos ng anim na buwan Wala kang magawa kungdi ang tanggapin Sinubok mong isumbong ang iyong kalagayan Sa Konsolada’t Embahada ng ating pamahalaan Pinangakuan ka ng tulong kaya naghihintay Pero pangako’y hindi pa natutupad Tanong mo sa sarili, Bayani nga ba ako, kabayan? Ganito ba inaalagaan ng ating pamahalaan Ang kapakanan ng mga manggagawa sa ibayong-dagat O sadyang tayo ay tuluyan nang nakaligtaan?
  • 16. Aywan ko nga ba kung bakit nauso Sa ating bayan ang ganitong senakulo Malayo pa ang mahal na araw ng pagsasakripisyo Pero bawa’t lansangan marami na ang nakiki-usyoso Impeachment wan-o-wan 1/3 ng 236 ay kailangan Para sa madaliang proseso sa mababang kapulungan At sa Senado’y masimulan ang husgahan Inay ko po ‘di kaya sila nagkamali Sabi ng isa 1/3 ng 236 ay 78 “Yong iba naman 1/3 ng 236 ay 79 Impeachment 101 pakitama ang mali Nakakapanggigil nguni’t ako’y natutuwa Maliwanag na sila’y magaling sa matematika 78 x 3 = 236?, ‘di po ba 234, nasaan ang dalawa? 79 x 3 = 236?, ‘di po ba 237, sobra naman ng isa! Mag-isip-isip muna tayo, mga kabayan ‘Di pa nasisimulan ang Impeachment wan-o-wan Hilo’t litong-lito na sila sa bilangan Baka sa huli lahat tayo’y pulutin sa kangkungan!
  • 17. Ang bobo kung minsan pinung-pino ang paggalaw Ang matalino kung minsan ang kilos ay magaslaw “Pag nanligaw ang bobo iisa lang ang estilo Ang matalino mambobola, simbolo ng pagiging palikero Nguni’t sila’y parehong tao, nagmamahal at nasasaktan Minsan biktima sila ng mapaglarong kapalaran Magkaiba man ang kanilang kaugalia’t pamamaraan Pareho’y hangad ang mabuhay na puno ng kasaganaan Kapwa’y nangarap ng walang katapusang kaligayahan Sa mundo na kani-kanilang ginagalawan At sa tuwing darating ang dapithapon Pareho sila’y haharap sa Poon Mga mata’y ipipikit, kakalimutan ang nakaraan Pansamantalang iiwan ang mundong kanilang kinagisnan!
  • 18. Dahil sa kanilang ‘di matatawarang kagitingan Naisulat ang ‘di malilimutang kasaysayan At ‘yan ay ang pagkakaroon ng sariling kasarinlan Pero ngayon ika’y nasasadlak sa kapighatian Dala ng nagkakagulong sambayanan Ang isat’t isa’y nagsisiraan at nagpapagalingan Dati’y maririnig mo’y sigaw laban sa mga dayuhan Ngayon mga sigaw ng mga taong-bayan Laban sa kapuwa at sariling angkan Panawagan lang po, mga kabayan at kaibigan Ilayo natin si Inang-bayan sa kapahamakan Lapatan natin ng lunas ang sakit na kan’yang nararamdaman Ipagkaloob natin sa kan’ya ang katahimikan Pagbuklurin natin ang ‘di magkasundong mamamayan Ipaalam natin sa kanila ang katotohanan Na ang tunay na solusyon sa problema’y ‘di karahasan Ang mapapala nito’y kaguluhang walang katapusan Sa bansang Pilipinas, lupang hinirang, na ating kinagisnan!
  • 19. Dala’y pag-asa na bukas muli siyang masisilayan Pati malambing na hangin ay naki-ayon At ilang saglit pa tayong dalawa’y magkayakap na: Nangako kang ako alang ang iyong iibigin Mamahalin hanggang sa dulo ng walang hanggang Subali’t ang lahat ng pangako mo’y napako Ni isa walang natupad sa mga sinabi mo Kirot sa puso ko’y nanatili nang mahabang panahon Dulot ng iyong pag-ibig na puno ng kasinungalingan Pero ngayon ako’y handa na para kalimutan ka Ililibing ko sa limot na may ngiti ang nakaraan Tutuldukan ko ang mga alaalang nagdulot ng hapdi Isasara ko ang nakalipas at iiwanang nakasusi Malilimot din kita, ito ang tamang paraan Ang kailangan ko’y magmahal muli Gagawin kong makulay ang aking kapaligiran!
  • 20. Ang baguhin ang sistema ng gobyerno Magpalit ng mga taong magpapatakbo nito At parusahan ang mga taksil at tuso Dagdag pa rito’y mga bilihin tumataas sa pamilihan Kasama ang koryente, gasul, gasolina at iba pa At umaasa na lahat ng ito’y masolusyunan na Ito’y katotohanan lamang na tayo’y malaya May demokrasya sa loob ng ating bansa Nirerespeto ang karapatan ng bawa’t isa Pero hanggang kailan mananawagan ang bayan? Kailan hihinto ang paghiyaw ng mga mamamayan? Kung sila ba’y lugmok na at wala nang pakinabang? ‘Di kaya ang pagkakasundo ang kailangan Ng mga opisyal ng bayan at mamamayan Para tuluyan nang wakasan ang pighati ni Inang-bayan?
  • 21. Ng mga opisyal ng ating bansa Dapat lamang usigin silang mga maysala Hindi pa huli ang lahat Nasa kanilang mga kamay ang huling sibat Na papataw ng kaukulang parusa sa mga nagkasala ‘Di po ba karapatan ng biktima Ang makamit ang tunay na hustisya Laban sa mga dayukdok na gumahasa sa kan’ya? Hustisya’t katarungan mabuhay ka para sa biktima Bigyan mo ng lunas ang pusong nagdurugo’t nasasaktan Bago tuluyang panghinaan sa sakit na kan’yang nararanasan Huwag hayaang makawala ang mga lapastangan Mga mapagnasa sa laman at mahilig sa kababuyan Dapat silang makulong sa gintong hawla na ‘di mabubuksan!
  • 22. Ang simbang gabi’y nagsisimula sa ika-16 ng December Pero ang kapaskuhan unang nadama pagpasok ng September Sa tuwing darating ang araw ng Pasko Para sa mga bata’t musmos ito’y kaligayahan Sila’y nagmamano sa kani-kanilang Ninang at Ninong At umaawit ng iba’t-ibang X’mas songs Ayon sa paniniwala ang Dec. 25 ay kaarawan ni Hesukristo Pero ang petsang ito’y kapanganakan din ng ibang tao Noong taong 1642 ipinanganak si Sir Isaac Newton Mahusay na physicist at mathematician Sa petsang ito’y marami din ang sumakabilang buhay Noong taong 795 si Pope Adrian 1, ay namatay Si Karel Capek, Czech, author, inventor ng word robot Ay noong 1938 sa kabilang buhay pumalaot Ang December 25 ay pang 359th day ng taon Ito rin ay pang 360th day ‘pag leap year At pang 300th day kung ating bibilangin Magmula sa Marso uno, every year Bagama’t ang December ay magastos na buwan Ito’y ‘di alintana ng mga mamamayan Kahit pa malubog sa utang ay paghahandaan
  • 23. Mga karanasan, pangyayari’t damdamin ng mga tao Galing man sa isang Muslim o Kristiyano Nagkakaisa na iparating sa iyo At malugod mong tinanggap ang mga ito Dahil sa iyo, alaala ko rin mga dating kaibigan Nag-iwan sa akin ng isang kapirasong larawan Sa larawang ito masisinag matatamis nilang ngiti Pagmamahal ay nasa kanilang mga labi Na siyang tanging alaala ko bawa’t sandali Bakit ko ba sinasabi sa ‘yo ang lahat ng ito? Bakit kay dali akong nagtiwala sa iyo? Ano ang mayroon ka na wala ang iba? Dahil nag-iisa ka lang, Pinoy Xtra Kasama’t kaibigan sa aking pag-iisa!
  • 24. Ang ikakahiya’t mamaliitin ‘di dapat Kung tayo’y gipit at walang mautangan Alkansiya nati’y naghihintay na buksan Pagtitiis ang kailangan sa umpisa Kasama na ang pang-unawa ng bawa’t isa Sa bandang huli mapapasa-ati’y suporta At mula sa Maykapal ay pagpapala Pag-iipo’y nagsisimula sa barya At maghulog sa alkansiya Gawa sa kawayan, plastic o lata Pakinggan ang taginting ng barya: Sa mga pagal na tainga ito’y musika!
  • 25. Tumakbo patungong kusina na puno ng usok At nangalingasaw ang nakakahilong amoy Mula sa karne na ginawang uling ng apoy Ganito katindi ang dating sa akin Ng Arab News-Pinoy Xtra sa tuwing aking babasahin Bawa’t pahina ang dulot ay kaligayahan Sa puso’t nalulungkot kong damdamin Dapat lang ito’y mahalin at arugain natin Bihisan ng magagandang salita’t pagyamanin Simbolo ito ng pagkakaisa’t pagkakaibigan Ng mga Pinoy at ibang tao dito sa Kaharian Sa Arab News-Pinoy Xtra marami tayong matututuhan: Sari-saring bagay na may katuturan At nakakawiling mga tula’t iba’t-ibang salaysay Na hinabi mula sa puso ng mga may akda ‘Di man sila nasulat sa taal na Tag-alog, sabi ng iba Nguni’t ‘di matatawaran sa ganda!
  • 26. Kapag paningin sa kaniya’y mapadako Sa silahis ng araw at patak ng ulan Siya’y masisilip sa taas ng kalangitan May pitong kulay ang kan’yang mukha Sa pangalan na “Roy G. Biv” na maganda Matatandaan ang pitong kulay na mahiwaga Na lalagi sa alaala hanggang doon kay Bathala Katulad ng kulay berde, simbolo ng pag-asa Ang dilaw, simbolo ng pagkakaibigan Ang pula, simbolo ng pagmamahal Ang bughaw, simbolo ng katapatan Dagdag pa rito’y ang kulay na violet at orange At kulay indigo, na ayon kay Isaac Asimov Ay anino ng mga kulay na violet at blue Sa Tag-alog, Bahaghari ang tawag sa kan’ya Indradhanush naman sa Hindu na mitolohiya Sa mga Ilokano ang tawag ay Bulalayaw At sa kabisayaan Balangaw o Balingaw Katunog ng nawawalang batingaw Ng Balangiga, Eastern Samar!
  • 27. Gusto n’ya paglabas ko sa ‘sanlibutan Ay masayang mundo ang aking masisilayan At nang ako’y iluwal na sa mundong ibabaw Mabuting pag-aalaga ay sa akin ipinalasap Ipinasyal sa malawak na kaparangan Ipinakita ang mga alon sa karagatan At iba’t-ibang hugis ng ulap sa kalangitan Kasama ang mga ibon sa himpapawid Ang pagaspas ng kanilang mga pakpak Ay awit ng katahimika’t kapanatagan Paano ko po kayo mapapasalamatan inay Sa kabutihan sa aki’y iyong ibinigay? Ang hirap na dinanas mo para sa akin Lahat man ng ginto’y pagsamahin Mga diyamante sa mundo’y ‘di sapat Nguni’t sa puso ko, kayo po’y laging buhay Mahal na mahal kita, Inay!
  • 28. Kahit sa loob ng Senado’t Kongreso Mga kalaba’y tuwirang tumututol na patugtugin ito May duda ako, sila’y katulad ko Na may mga paang kaliwete O mabigat ang mga katawan Kulang sa ehersisyo Laging naka-upo sa upuan Nagpapalaki ng kanilang puwit at t’yan Napuna ko rin, ang mga lansangan Kahit panahon na ng tag-ulan Dinadagsa pa rin ng maraming tao Iba’t-ibang grupo’y sumisigaw na itigil Ang pagtugtog ng chacha Ano ang nasa likod ng musikang ito? Bakit karamiha’y sa kanila’y takot dito? Ito ba’y dapat katakutan? Na kapag marinig nila Sila’y madedehado? ‘Di po ba ito’y musikang kahali-halina?
  • 29. Upang ibulalas ang karaingan Ang aming hinaing ay kaparusahan Para sa mga tusong mandarambong At mga abusado sila’y nagnanakaw Sa kaban ng bayan kaya dalhin sa kulungan Sila’y ipakain sa buwayang gutom! Subali’t kaming mga maralitang Pinoy Ay may puso at may takot sa Maykapal At dahil mabait kami’y maka-Diyos Aming hihilingin sa Diyos na Poon Huminto na kayo sa masamang gawa Dapat magbago na kayong mga hinirang Ang pangungurakot ay ’wag atupagin Salapi ng bayan ay inyong ingatan At bigyan ng lunas ang mga hinaing Hustisya’t trabaho ang inyong igawad!
  • 30. At marinig ang iyong halakhak Nang habang buhay At pahintulutan ng Diyos sa langit Na tayong dalawa’y laging magkalapit Habang aking pinagmamasdan Ang taglay mong kagandahan Na sa pagdaan ng panahon ay ‘di kukupas Nag-aalab ang ating pag-ibig Pintig ng puso ko’y ikaw lang Hangad tayo’y ‘di magkakawalay At sa hirap at ginhawa tayo’y magkatuwang!
  • 31. Ang araw nang ako’y kan’yang isilang Isang malusog na sanggol na lalake Kasing guwapo ng tata ko Sabi ni ina, “Lalu akong minahal ng tatay mo.” Habang ang kan’yang mga kamay At dahan-dahang pinipisil-pisil Ang matitigas kong braso Na nakapulupot sa kan’yang baywang Sabay ang paghalik n’ya sa mukha ko Ngayon muli kong isisigaw Ang pasasalamat ko kay ina At unang pagkakataon ay akin ding Ipangangalandakan sa buong mundo Na ang lalake pala’y nagmula sa babae Taliwas sa matandang pinaniwalaan Na ang babae’y nagmula sa tadyang ng lalake!
  • 32. Ng 117 katao at ikinasugat Ng dalawang-daang katao Taon 1943, ang Holocaust Umaga ng Sabado Hunyo 12 1,180 na Jews ang humarap kay kamatayan Sila’y isa-isang pinagbabaril Nang walang pakundangan at awa At sama-samang inilibing Taon 1978, Hunyo 12 Si David Berkowitz Na binansagang “Son of Sam” Mamamatay-tao ng New York City Ay nahatulan ng 365 taon na pagkabilanggo Dahil sa kan’yang pagpatay nang anim na beses Kung maraming yumao sa petsang ito Marami rin ang dumating na nagpamalas Ng kani-kanilang lakas at galing: Taon 1107 Hunyo 12 Ipinanganak si Gaozong At naging Emperor ng China Umabot ang kan’yang edad na otsenta Namatay siya noong taong 1187
  • 33. noong ako’y nag-aaral pa. Maaaring ang makarating sa ibayong-dagat ay karaniwan na lamang ngayon, dahil sa maging ang mga karaniwang manggagawa lamang ay nasa iba’t-ibang dako na ng daigdig, kabilang na ang Gitnang Silangan. Ang kaibhan ko nga lamang, at mga katulad kong nabiyayaan sa pagkakaroon ng guro na tulad ni Dean Balino, ay kahit papaano ay mas-siguradong may mararating kaysa sa mga hindi nag-aaral noon na nakarating na rin sa ibayong-karagatan. Batid kong maraming mga Dean Felicitas Balinos na umubos at umuubos, ng lakat at panahon upang hutukin at linangin ang kaisipan ng kanilang mga mag-aaral. Pero sa dami ng kanilang pinagbubuhusan ng panahon, ilan kaya ang nakakaalala sa kanila? Malamang ay kukunti lamang, kung mayroon man! Kaya naman aking ibinabahagi ang mga personal kong kaisipan tungkol sa kaniya bilang paraan ng pagsasabi ng “Thank you, Dean” sa kaniya. Ito ay isang pagpaparating sa kaniya – saan man siya noroon ngayon – na sa bahaging ito ng mundo ay may isang nakakaalala sa kaniya. Sabi nila ay may “life after death” at kung totoo man ito, sana ay mabasa niya ang aking liham na ito. Pasensha na mga mambabasa kung parang nagiging batabg-isip ako dahil sa ang taong wala na ay ipinagluluksa ko pa. Ito ay may kaugnayan sa aking mga likhang tula na lumalabas sa Pinoy Xtra. Ang pagiging makasining ay isang regalo mula sa Maykapal at masasabi kong mapalad ako dahil dito. Hindi ako magtataka kung ang iba na humahabi rin ng mga matulaing talata ay ganito rin ang pananaw.
  • 34. Sa tulong ng balangaw na aking nasilayan Na kumikinang sa mukha ng kalangitan Nasungkit ko ang lahat na aking kailangan At sila’y nananatiling buhay sa aking isipan Maliban kay Patnugot at ang ibang staff Ng PX, ikaw, ako – tayo lang ang sa Palagay ko ang nakaaalam, sa likod Ng sagisag na Alamid ng Desierto At sa ngalan ng pagkakaibigan Magandang araw sa ‘yo, kaibigan!
  • 35. Ang puso ko'y humahalakhak sa tuwa Sila’y nagniningning parang mga bituin Na kumikislap sa gitna ng dilim 'Di sapat ang mabulaklak na salita Na isigaw ang kanyang pagkadakila Ang iniwan n’yang mga alaala Sa buong mundo ay dapat iwagayway Inubos ang kaniyang lakas at panahon Sa paglinang sa kaisipan ng mga mag-aaral Para sa kaniya mahalaga ang edukasyon Ito’y kayamanan na ‘di maaagaw ninuman Habang hinahabi ko ang mga linya 'Di ko mapigilan ang pagdaloy ng luha Nangibabaw sa puso ko’y kalungkutan Dahil kailanma’y ‘di ko na siya makikita Nguni’t sa kaibuturan ng aking puso Mananatiling buhay ang alaala n'ya Dahil ang binhi na kaniyang ipinunla Sa mga mag-aaral na kaniyang ginabayan Ay nabuhay, yumabong at namunga!
  • 36. Parehong naghahanap ng pagkalinga’t pagmamahal Taong 1986, Disyembre 9, araw ng Martes Araw ng ating kasal, doon mo napagtanto Na ang pagmamahal ko sa iyo’y wagas at totoo Kapuwa tayo’y kinakabaha’t malalamig ang mga palad Nguni’t nang hagkan kita sa pisngi Ang lamig at kaba’y naparam sa init ng ating pag-ibig Sa harap nina Mayor, Ninong at Ninang tayo’y nangako Sa isa’t-isa na magsasama sa hirap at ginhawa Sobrang hirap ang ating dinanas sa umpisa Nguni’t lahat ng hirap at mga pagsubok ay kinaya Hinangaan kita sa haba ng iyong pasensha Nabuo natin ang isang masayang pamilya Dumating sa buhay natin ang tatlo nating supling Lalu tayong nangarap at lalong tumibay ang pagsasama Ngayon papalapit na tayo sa tatlong dekada Basbas ng Maykapal ‘di nag-away dahil sa pera’t materyal na bagay At ako’y nangibang-bansa, iniwan kitang mag-isa ‘Di mo inalintana ang hirap magpalaki ng mga bata
  • 37. Para sa mahal kong asawa’t mga anak Kasabay ang pagtanong ko sa aking sarili: Paano ko kaya ito’y sisimulan? Sa bawat sulyap ko sa aking mag-iina Ang nakikita ko’y mukha ng kawalan Nang magkasakit ang mahal naming bunso Halos sumabog ang puso ko sa galit Nagawa kong murahin ang kalikasan At sisihin ang Maylalang sa nangyari Nagkataon na ang aking mga pananim Sa lupang aking sinasaka’y nasira Nang ito’y hagupitin ng bagyong Luring Nakiusap kami sa mga kaibigan Nguni’t kami’y pinagkaitan ng tulong Nasugata’t nagkabukol ang ulo ko Nang bigla kong ingud-ngod ito sa pader Dahil sa sobrang sama ng aking kalooban Halos panawan ako ng aking lakas
  • 38. Simbolo ng wagas na pagmamahal 1 ay simbolo ng pag-asa’t katapatan 2 ay anino ng mga kulay na violet at blue Ang kaniyang pangalan ay may pitong titik Ang unang letra ay isa sa pitong kulay na Simbolo ng pagmamahal, sumunod ay Ang unang titik ng kulay na ayon kay Isaac Asimov ay anino ng mga kulay na Violet at blue, pangatlo ang unang letra ng Mga kulay na simbolo ng pag-asa’t katapatan Pang-apat ang unang titik sa salitang Adjective na antonym ng ineffective Pang-lima ay katulad sa unang letra Pang-anim ang unang titik ng salitang Tag-alog na ang katumbas sa English Ay real, genuine at authentic, pang-pito Ay katulad sa sumunod na titik Ang kaniyang surname ay may anim na letra Ang unang titik ay unang mababasa sa English At Pilipino alphabet, pangalawa ay kulay pula Na simbolo ng pagmamahal, pangatlo ang Unang letra ng titulo sa TV drama series ng TFC
  • 39. Napakinabangan ang PhilHealth • Dahil sa Kagat ng Lamok Sa iba’t-ibang internet forums ay naging paksa sa talakayan ng mga OFWs ang tungkol sa mga tanong: Kung ito ba ay pakikinabangan ng mga OFWs at kanilang mga dependents? Marami sa mga OFWs ang nagsabi na walang pakinabang. Dati ang isang OFW bago pumunta sa ibayong-dagat ay nagbabayad sa POEA para sa OWWA Medicare na nagkakahalaga ng 900 pesos para sa isang taong membership. At ang kaniyang dependent o mga dependents ay mabibigyan ng discounts sa mga gastos sa hospitals na accredited ng OWWA kung sila (dependents) ay may hawak na kopya ng OWWA Medicare Certificate mula sa papaalis na OFW. Maliban sa OWWA Medicare, mayroon din SSS Medicare noon at ang buwanang premium ay 75 pesos na kasamang binabayaran kung ang isang SSS member ay nagbabayad ng kaniyang monthly contribution. Ngunit tumaas ang premium na 100 pesos ang isang buwan o 1,200 pesos sa isang taon, nang ang SSS Medicare ay naging PhilHealth noong 1999. Dahil ako ay dating SSS Medicare member, mula 2000 hanggang 2006, ang bawat taon na aking binabayaran ay 1,200 pesos sa PhilHealth. Nang aking hingan ng paliwanag ang PhilHealth collecting office sa Trece Martirez City, Cavite, dahil ako’y nakatira noon sa Cavite, kung bakit nagtaas ang premium mula 75 pesos ay naging 100 pesos na, ang sagot nila sa akin ay wala raw
  • 40. Ang mga idiyang napinta sa isipan Kung lilinangin sila’t palalaguin Sila’y magbibigay ligaya’t liwanag At karagdagang kaalaman sa buhay Nguni’t pagkatapos na sila ay gamitin Sila ay wawalisin at papalitan Upang bigyan ng daan ang mga susunod Na mga bagong ipupunlang kaalaman Sila’y tulad ng mga dahong malalago Sa mga sanga ng malagong punong kahoy Kapag sila’y natuyo na – kusa silang Babagsak sa lupa’t doon mananahan!
  • 41. Ng kakaibang baho, bango at lansa ng buhay Matamis mangusap ang kaniyang puso Kahit sa kaniyang pagtulog tuloy ang pag-iisip Naghahanap ng mga simbolo’t piling-piling salita Na tutumbok sa kaniyang diwa’t kuro-kuro Gamit ang papel at panulat nagagawa niyang Yakapin ang buwan at hagkan ang mga bituin Na kumikinang sa pisngi ng kalangitan At nagsasaboy ng liwanag sa gitna ng gabi Nguni’t ang kaniyang mga nalikha’y walang kahulugan Kung ang lahat ay tiniklop at ibinaon sa limot Ang ipinunla niyang kaisipan sa ibang tao Ay ‘di maalaala ng lahat ang ligaya ng kahapon Siya ang manlilikha na pinagpala ni Bathala Nagtatago sa likod ng kaniyang pluma Ang bisyo’y ang paglaruan ang mga salita Upang damdami’y ipaabot sa kapwa!
  • 42. Karagatan ng iba’t-ibang imosyon Mga sigaw – hanap ay ang katotohanan Matang lumuluha, hiling ay pagbigyan Ilabas ang tama, dasal ay pakinggan… Halos mabingi ako sa’king narinig Mga mata ko’y lumuwa sa’king nasilip Ako’y lito. Kanino ako papanig? Sila kaya ay nagsasabi ng tapat? Bilang manggagawa sa ibayong dagat Milya man ang layo ako ay tatawid Maglalayag dala ang pape’t panulat Isusulat ko lahat ang nagaganap… Himig tula ang kuwento nilang lahat Kurido ng pangamba at pighati Sa bawat puso’y laging magugunita Tulang nasulat nang pumatak ang luha!
  • 43. Ang baguhin ang sistema ng gobyerno Magpalit ng mga taong magpapatakbo nito At parusahan ang mga taksil at tuso… Dagdag pa rito’y mga bilihin tumataas sa pamilihan Kasama ang koryente, gasul, gasolina at iba pa At umaasa na lahat ng ito’y masolusyunan… Ito’y katotohanan lamang na tayo’y malaya May demokrasya sa loob ng ating bansa Nirerespito ang karapatan ng bawat isa… Pero hanggang kailan mananawagan ang bayan? Kailan hihinto ang paghiyaw ng mga mamamayan? Kung sila ba’y lugmok na at wala nang pakinabang? ‘Di kaya ang pagkakasundo ang kailangan Ng mga opisyal ng bayan at mga mamamayan Para tuluyan nang wakasan ang pighati ni Inang-Bayan?
  • 44. Kumikinang kahit sa gitna ng karimlan Tulay ka ng mga nasasawi’t nasasaktan Pinapangarap ng mga taong nagmamahal Ika’y langis na hahaplos sa lahat ng sigalot Na namumutawi sa loob at labas ng tahanan Matibay kang bantayog ng mabuting pamayanan Taglay mo’y buhay at dakilang pag-asa Para sa mundong puno ng hilahil at hinagpis Ang ma-angkin ka Pag-ibig, ay samo ng bawat isa ‘Di matutularang regalong bigay ni Bathala Ika’y makapangyarihan at walang katulad!
  • 45. Patuloy kong naririnig ang pighati Ang kanilang sigaw na umalingawngaw Nananaghoy sa sobrang sakit at kirot At sa puso ko ay nanatiling sugat Na hanggang ngayo’y ‘di pa rin magamot Mahapdi at patuloy na kumikirot Dahil nananatili pa rin ang ugat Sanhi ng pagkitil ng maraming buhay Ng ating mga kabayan na nagbakasali Sa Ultra, higit siyam na taon na ang lumipas Na naging libingan ng 71 kababayan Naghangad ng magandang kinabukasan Isinugal buhay nila’t kapalaran Nagwakas sa kandungan ni kamatayan!
  • 46. Ang talikuran ang katotohanan At maniwala sa mga imposible Ang paglimot sa mga alaala Na minsa'y sa buhay mo'y nagpasaya... Ang pagputol ng tulay Na nagu-ugnay sa nakaraan Ang umibig sa sigaw ng isipan Hindi ang itinitibok ng puso... Ang paniwalain ang sarili Na may magandang darating Na imposible namang makita At kailan ma'y 'di mangyayari... Ang magmahal para sa kabutihan Sa kasamaan, sa kaligayahan Sa matinding kalungkutan At walang katapusang kabiguan... Ang magmahal na wala sa sarili Na walang pagpapahalaga sa panahon Ang magpatawad at lumimot
  • 47. Naniwala silang ako’y nagkasala ng pandarambong At pag-aabuso ng kapangyarihan na taglay ko Ako’y nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo Sang-ayon sa batas ng bayan kong sinilangan Dito sa loob ng masikip at madilim na piitan Ang kaniig ko’y siphayo at kalungkutan At mga kaluluwang ‘tulad ko’y naparusahan Nangagsisisi’t humihingi ng kapatawaran Ang kanilang mga hinaing at paghihirap Ang kanilang mga luhang nalalaglag Ang kanilang mga nakabibinging pag-iyak Ay lalung nagpapahina sa natitira kong lakas Aaminin ko mahirap ang magkunwari Ang bawat himaymay ng aking laman Ay sumisigaw din ng matinding hirap Nagsisikip ang dibdib ko sa sobrang sakit At ang mga karapatan ko bilang mamamayan Ay kasamang ikakandado sa loob ng kulungan Ang pagiging haligi ko ng tahana’y pawawalang bisa din
  • 48. Ang iyong mga yakap at halik Mabisang gamot para sa amin Pinapawi ang aming takot Sa tuwing dumadalaw ang gabi Kayo po ay ang aming Anghel Na may dalang liwanag at pag-asa Nagbabantay sa amin sa tuwina Upang masiguro na kami’y ligtas nga Papaano po namin kayo pasasalamatan, Inay? Kahit pagsamahin man ang lahat ng kinang Ng mga ginto’t diyamante ay hindi sapat Na tumbasan ang lahat ng inyong pagpapakasakit! Nguni’t sa kaibuturan ng aming mga puso Ay ligaya’t saya ang nadarama at sabay-sabay Kaming magsasabing: Maraming salamat Mahal namin po kayo, Inay. Happy Mother’s Day!
  • 49. Puna sa Puna ni Kabayang Lamberto • Tanggapin mo, kabayang Lamberto, ang taos-puso kong pagbati sa iyo ng magandang umaga. At nawa’y pagpalain tayong lahat na OFWs ng ating Panginoon. Nang mabasa ko ang puna n’yo doon sa nalimbag na lathalain ng PX noong Marso 2, 2008, halos mata ko’y maluwa. Ang dibdib ko’y parang sasabog sa lakas ng pintig ng puso ko. Ang mga binitiwan mong mga salita ay may lasa ng pinagsamang suka at dinikdik sa siling labuyo. Ang laway ko’y hindi ko malunok nang diretso. Ang pakiramdam ko’y may nakakalso sa aking lalamunan. Ang dugo ko ay nag-init nang bahagya! • Nguni’t natiyak ko na ako’y humanga sa iyo dahil nagpakatotoo ka lamang sa iyong paglalahad ng tunay mong damdamin sa mga nangyayari ngayon sa ating bansa at iba’t-ibang bagay sa paligid mo. Nguni’t hindi ko rin maiwasan na hindi ko pansinin ang iyong mga pangungusap sa sadya naman pong nakakapagpainit ng damdamin dahil kapuwa tayong Pinoy. • Kaibigan, ako rin ay sumusubaybay sa PX tuwing Linggo. Natutuwa ako nang labis dahil sa kabila na tayo ay malayo sa ‘Pinas ay abot-kamay lang
  • 50. Pagtawanan at sabihin nila na ako’y nababaliw “Walang panahon! Marami akong trabaho!” Iyon ang lagi kong sigaw at katuwiran At wala rin akong oras para sa mga kaluluwa Na nangangailangan din ng aking mga dasal Nguni’t ‘di ko naisip na darating din sa akin Ang imbitasyon ni kamatayan na humarap sa Poon Sa isang iglap ay naglaro’t nailarawan sa isipan ko Ang pagkakataon na ako’y nasa harap na ng Maylalang Nakita ko Siya na may hawak na Aklat ng Buhay Aklat ng mga nilalang na Kaniyang kinalugdan Binuksan Niya ang Aklat ng Buhay at nagsabi: “Wala pa ang pangalan mo sa aklat, binalak Kong isulat at isama ka sa mga nakalista dito Nguni’t wala akong panahon at pagkakataon!” Kulang na lang na sabihin sa akin na "Amanos Lang Tayo!" "Patawad po Panginoon" nguni't huli na ang aking pagsisisi!
  • 51. Siya’y isang munting anghel Na galing sa mundong nagmahal At nag-aruga mula ng siya’y isilang Ang kaniyang inang mapagpala Sa kabila na siya’y mahina Malalambot ang mga paa Hubad at wala pang malay Siya’y bulaklak ng buhay Ang haplos ng kaniyang mga kamay At tamis ng kaniyang halik at dighay Sa t’wing siya’y naglalambing Walang matamis na maihahambing Kaya dapat lamang na siya’y mahalin Alagaan ng husto at pagyamanin Siya’y bunga ng pag-iibigan Ng dalawang pusong nagmahalan…
  • 52. Na sagabal sa tatahaking landas... Ang katawan nito'y gawa sa bakal Matigas na walang katulad Hahabulin ang mga may sala Papanagutin sa kanilang masamang gawa Na nagdulot ng pambansang pagdurusa... Bagong batas na pakikinabangan Ng mga taong nangarap ng kapayapaan Buhay na tahimik na walang gulo't patayan Sa loob at labas ng bayang kinagisnan... Ito bang batas ay dapat katakutan Kung ang tunay nitong layunin Ay para maalagaan si Inang-Bayan? Ano sa palagay n'yo kabayan?
  • 53. Sa bayan kong may siphayo Ako ay nangungulila Sa maganda niyang mukha Na dati kong sinasamba Mula pa ng ako'y bata Ngayo'y takot at pangamba Ang tunay kong nadarama Boses niya'y nananamlay Sa hirap at mga pighati Sapat ba ang mga salita Upang siya'y lumigaya? 'Di kaya'y pagkakaisa Sa kan'ya'y magpapasaya?
  • 54. At sasamahan sa iyong dadapuan, Sa t’wing ang araw ay lulubog sa kanluran. Masarap lumipad na kasama ka, Lalu na kung magsasabay, Ang pagkampay ng ating mga pakpak, Sa mukha ng nakikiliting hangin. At pabulong kong isisigaw sa’yo Ang saya na aking nararamdaman, Sa t’wing tayo’y bubulusok, Pababa’t pataas ng kalangitan…
  • 55. Tropa ni ka Ezzard, hinarap ang kalaban At ipinahayag - ang tunay na paninindigan! Ang naglalaro ngayon sa’king makulit na isipan Ay ‘sang tanong: Nasaan na kaya ngayon si Kuya Sam? Ang hindi niya pagsagot sa magiting na kalaban Siya ay suko na’t katunggali’y pakikisamahan! O hindi kaya – siya ngayon ay nagpapakondisyon Sa muling pagharap ay higit na malakas kaysa no’n Dala’y pamatong ng paniniwala na ang maglimos Sa pulubi ay kalugod-lugod sa mata ng Diyos! Aking na rin gaganyakin ang iba nating katoto Na sana lahat tayo ay makiisa at maglaro Huwag mag-atubili, sapantaha’y bigyang laya Yakapin ang higit na matimbang sa inyong puso: Maglimos o Hindi sa pulubing tulad nati’y tao? Tama ang aking kutob na si Kuya Sam ay babalik Buong tapang na humarap, bitbit niya ay kalasag Pangharang sa kalaban, sing-tigas ng asirong bakal Kayanin kaya ng kaniyang kabalagtas ang lakas? Nitong mamang ubod bait sa pulubi ay may awa
  • 56. Pagkatapos hanapin mo Ang halaman ng buhay Ang katas ng kanyang bunga Ay tubig na papatid sa iyong uhaw Kunin mo sa pamamagitan Ng pagkagat ng iyong labi At kapag ika’y nagtagumpay na Sumaglit ka sa iyong kaibigang nalulungkot Gamutin mo ang kanyang lumbay Ng isang masayang awitin ng pagsinta At aawitin ng iyong kaluluwa Kasabay ang indayog ng pagmamahal…
  • 57. Kami’y lumilipad sa hangin ‘tulad ng mga ibon… Ngayon ang katawan ko’t mga paa’y nakakaramdam Na ng pananakit hudyat ng pagtanda, ang lakas ko Ay nagbago na, natatakot sa tuwing naririnig ang Awit ng orasan na nakapako sa dingding at ang Mga nakabibinging mga iyak at sigaw sa paligid ko Sing-lakas sila ng dagundong ng kulog at kidlat Na umiiko sa matataas na kabundukan Na lalung nagpapalala ng aking takot… Alam ko na ang lahat ng bagay sa ibabaw ng mundo Ay may oras ang pagdating at paglisan, nguni’t Sa kabila ng katotohanan ay pangarap ko na Humaba pa ang buhay ko at manatili ang aking Kabataan upang lubusan kong mayakap at bigyan Ng sapat na pagpapahalaga ang tunay na ganda Ng Inang-Kalikasan habang hindi pa napaparam Ang liwanag ng nakasinding kandila ng buhay ko! (Tag-alog version for the poem 'Forever Young') .
  • 58. Kumikilos ako sa gusto ng inyong puso’t isipan Ako’y maykakayahan na ‘di kayang gawin ng iba Sadyang sa akin lamang ipinagkaloob ng Poon Kaya kong pasiglahin ang nalulungkot na katawan Sanhi ng pagod at hapis na inyong nararamdaman… Haplos at pisil ko ang kailangan at babalik na agad Ang inyong lakas at kakisigan, kaya pakiusap Ako ay inyong alagaan at huwag hayaan na Ako ay magkakalyo, masaktan at masugatan Upang banayad na mapawi ang inyong kalungkutan… Ako’y isang mapagmahal na kaibigan Sa anumang panahon at pagkakataon Ako’y naririto - laging handa’t maaasahan!
  • 59. At walang katapusang pagsinta Kailangan ka ng aking mga haplos Sa bawat araw at gabi na lilipas Na walang kasalo: tayong dalawa lang Sa sarili nating mundo sa buong magdamag Pagsasaluhan natin ang tamis ng pag-ibig Hanggang ang kaluluwa nati’y magsanib Ikaw ang nagbibigay kulay sa buhay ko Hangad ko’y lagi kitang kasama Kahit ang mundo’y huminto Sa kaniyang pag-ikot...
  • 60. Ang sobrang pagod sa maghapon Butil-butil na pawis sa katawan Sigaw at pasakit ng among pinaglilingkuran ‘Di alintana dahil sa mga mahal sa buhay Hanggang kailan ang pagtitiis mo, kabayan Na kayanin ang lahat ng iyong paghihirap Sa kuko ng abusadong amo, ika’y sinasaktan Sa araw at gabi sadsad ka sa kapaguran? Dagdag-pasakit, buwanang sahod nabibitin Minsan ginagawang ATM, after three months O ‘di kaya pagkatapos ng anim na buwan Wala kang magawa kundi ang tanggapin Sinubok mong isumbong ang iyong kalagayan Sa Konsolada’t Embahada ng ating pamahalaan Pinangakuan ka ng tulong kaya naghihintay Pero pangako’y hindi pa natutupad Tanong mo sa sarili, Bayani nga ba ako kabayan? Ganito ba inaalagaan ng ating pamahalaan Ang kapakanan ng mga manggagawa sa ibayong dagat
  • 61. Si Laura ay laging laman ng aking isipan Larawan n’ya’y aking kinakausap Hinahalika’t lagi kong kayakap… Ako ba’y nagkulang sa iyo mahal? Ibinigay ko lahat ng gusto mo sa buhay Pero bakit bigla mo akong iniwan Kailan mo ako babalikan? Puso ko ngayo’y nagdurugo Sa pangungulila sa iyo, aking hirang Ano ba talaga ang dahilan ng inyong paglisan? Laura, aking sinta Magpakita ka Bigyan mo ng lunas Ang puso kong nalulumbay…
  • 62. Pinangarap na ikaw ay maka-niig Ang mamasa-masa’t mapula mong labi Ibig nila’y dampian ng aking halik At paliguan ng matamis na tubig Mula sa pusong tunay na umi-ibig Kailangan mo’y ang aking mga haplos Sa bawat araw at gabi na lilipas Buhay nati’t kaluluwa’y mag-iisa Sa duyan ng pagmamahal at ligaya Sa ating mundo, tayo ay magsasama ‘Di magkakawalay at laging masaya!
  • 63. Sinilip ko siya’t aking pinagmasdan Pinag-aralan ko ang buka ng bibig Ang galaw ng mapupula niyang labi Ang pilantik ng kaniyang mga daliri At galaw ng kaniyang paa at baywang Nagmamakaawa na isayaw siya At dalhin sa itaas ng kalangitan At do’n siya mananahan bilang reyna Kasama ang mga ibon sa himpapawid At kumpol-kumpol na maharot na ulap Masaya silang nagsasayaw sa saliw Ng malanding awit ng hanging habagat Subali’t hindi pa siya nasiyahan Pati mga bituin ay gustong abutin Yakapin, hagkan at angkinin gagawin Niyang kuwentas, korona at porsilas Ang tindi ng kaniyang dating sa akin Pati ako ay sa kan’ya nahumaling Sa puso ko at isipa’y nagniningning Alab ng pagsinta siya’y makapiling
  • 64. Nguni’t ang layo n’ya’y milya Sa akin na kan’yang sinta Puso ko ay nananamlay Dahil kami ay hiwalay Tuloy ako’y nangangamba Kay Inday baka magwala Dahil sa pangungulila Sa akin – siya’y mawala ‘Wag lang magtampo’t magalit Ibibigay ko ang langit Init ng aking pag-ibig Lahat sa’king pagbabalik!
  • 65. At burahin ang kanyang alaala Nguni’t para siyang linta Kumakapit nang napakahigpit… Ang totoo ‘di ko pa siya Nakikita’t nahahawakan Buhay siya’t galit na galit Nakabibingi ang kanyang sigaw Tumatagos sa puso ko’t kalamnan Pilit n’yang ginugulo Ang tahimik kong mundo… Kaya minabuti ko Na siya’y ikulong Ang kanyang mga himutok At kakaibang nararamdaman Dito sa isip ko!
  • 66. Sumisigaw ako na itigil mo na Nguni’t hindi ka nahabag sa akin Nang maubos at masaid na ang lakas ko Saka mo lang ako tinantanan At naging basura ako sa iyong paningin Pinilipit at iniwan mo akong naghihingalo Napakasakit ang sinapit ko sa iyo Nguni’t ‘di pa huli ang lahat At hindi pa tapos ang laban ko Sapagkat ang nikotinang nasipsip mo: Ang natitirang sustansiya ng katawan ko Ay sakit ang idudulot nito Lason na papatay sa iyo! (Tag-alog version for the poem 'You're the Loser') .
  • 67. Dagdag pa ang pagmamaltrato ng amo ‘Di alintana ang sakit na dala nito Para sa kanilang mga mahal sa buhay… Lalu akong humanga kay Lara Quigaman Sa harap ng mga hurado’y kaniyang ipinaglaban Mahusay na sinagot ang katanungan Mabilis, parang kidlat kung mangat’wiran… Ano ang masasabi mo sa mga edukadong tao sa mundo Na kinahiligang tawagin ang Filipinos Sa katawagang nannies? “Puso ko’y walang pagdaramdam Kung ang tawag nila sa ami'y nannies Ang ikinasasama ng aking kalooban Kung sino pa ang mga edukadong tao sa mundo Sila pa ang nagpababa sa tunay na kahulugan At kahalagahan ng pagiging isang nanny.” Sa pagsagot ni Lara sa tanong na ‘yon Ni kaba sa dibdib o hiya ‘di siya nakitaan Taas noo n’yang ipinamalas ang kasagutan Na umani ng nakabibinging palakpakan…
  • 68. Suot mo ang manipis na damit na gustong-gusto ko sa araw Ng ating pagpupulot-gata,20 taon na ang nakakaraan At nakiliti ang puso ko sa sobrang saya… Sa tindi ng aking pangungulila bigla kitang hinalikan Sa pisngi at niyakap ng mahigpit na mahigpit At sumayaw tayo sa saliw ng mga alon Habang ramdam na randam ng ating mga paa Ang kiliti sa t’wing umiindak tayo sa buhanginan At sa itaas ng langit ay mapuputing ulap Na masasayang nagmamasid sa ating dalawa… Nguni’t ilang saglit pa’y unti-unti kang naglalaho Sa aking mga kamay at paningin Sumisigaw ako na huwag mo akong iiwan Subalit tinangay ka ng hangin papalayo sa akin At sumama ka sa mga ulap sa kalangitan Wala akong nagawa kungdi ang pagmasdan kita Hindi ako makakilos sa aking kinatatayuan… Hanggang sa mapansin ko na unti-unti nang nagdidilim Ang paligid ko at ang dating mahinang awit ng mga alon Ay palakas nang palakas kasabay ang pangako ko Sa aking sarili, na ang pag-ibig mo ay mananatili
  • 69. Ay sanhi ng tuloy-tuloy na paglapastangan At walang patumanggang iringan ng aking mga anak Pangarap ko’y matahimik na tahanan Ngunit ang aking mga inakay ay mga pasaway ’Di magkasundo’t laging nag-aaway Ang ugat ay ang aking kapangyariha’t salapi At iba kong mga ari-arian na aking ipapamana sa kanila Sa oras na ako’y panawan na ng buhay Subalit ‘di sila makapaghintay Ang gusto nila’y makuha na agad Ang kanilang pamana at pamamahala Dahan-dahan nila akong pinapatay!
  • 70. Ng awit ng hangin mula sa Silangan Na pumapasok sa bintana at kumikiliti Sa aking mga pagal na tainga Habang ika’y aking kinakausap Isang napakagandang himig Na kahali-halina sa aking pandinig Pagod ko’y pansamantalang naglaho Dahil sa oras na ’yon nasa gitna ako Ng masilang trabaho’t minamadali ng boss ko Ngunit isa kang hulog ng langit sa umagang ito Lakas ko’y agad nanumbalik, Mahal ko!
  • 71. Sa kan’yang ganda’t kariktan Ng kan’yang sariling angkan Ka’lan aahon si Ina Sa hirap at pagdurusa Mga inakay ay pasaway Lagi silang naga-away Ang kan’yang katahimikan Ay kan’lang niyuyurakan Kahit si Ina’y masaktan Gagawin ang kagustuhan Sila itong sumasakal Kay Inang humahagulgol Luha niya’y kulay dugo Sumisigaw ng pagsuyo
  • 72. Sa lahat ba ng panahon tayo’y aasa na lang ba sa mga maharlika? Sa mga politikong mandarambong at mandaraya? Lagi na lang ba natin iaasa ang buhay at kinabukasan Sa mga taong nasa nanunungkulan? ‘Wag kalimutan na tayong mga anak-pawis ay simbolo ng lakas at katapatan! Naalaala ko ang hirap ng nakaraan, I cried looking at my feet and hands wounded; too painful I couldn’t bear. Sa edad na 13, sa isang construction site sa bayan namin habang pinapala ko ang sang katirbang na hinalong semento graba at buhangin na nakalubog ang mga paa ko sa semento para lamang may pantustos sa pag-aaral sa high school sa susunod napasukan. Sometimes I asked God, why it happened to me? Pero I realized na di dapat panghinaan ng loob, ginusto ko po ito at dahil din sa kawalan. I was firmed with my decision na ako na ang magpapatakbo sa buhay ko. Pero deep in my heart buhay na buhay ang pagmamahal at respito ko po sa aking mga magulang, naunawaan ko ang kalagayan namin. At sa edad na 13 ako na ang nagpatakbo sa buhay ko Kung sinu-sinong tao ang nakasama ko Pero hindi ako nawalan ng pag-asa
  • 73. I begged you to stop hurting me But you did not listen You just ignored my wish And laughed-out-loud After draining out my vitality You gauged me rubbish And then throw me somewhere In the toilet bowl and garbage can Now I realize living with you Is really helpless and unproductive But I will tell you the truth You’ll be the loser at the end For every tar and nicotine That you had drawn from me Generate great pains, misery as well And shorten your life!
  • 74. Of the pearly gown you wore in our First night 20 years ago on our honeymoon You smirked: your smile dimpled your face So I longed for you And touched you with my thirsty lips And we danced with the sea spray That hugged our feet relaxing On the sands beneath a cloudy sky But thereafter you disappeared slowly You slipped from my hands And had joined the thin air Like bubbles you mixed with those clouds Leaving me with your sweet fragrance The sun sank and you’re gone with the breeze But your love will be persisting in my heart forever!
  • 75. When ideas have served their purpose They need to be swept away We must constantly sweep out the old And give way for the new one Man breathes for life As he reaches His old age It will cease And will fall apart Like a dry leaf…
  • 76. And whatever his heart dictates His brain and body desires I always run for his wishes: Bashing the candle Buffing the banana Choking the chicken Cleaning his rifle Cuffing the carrot Polishing the banister Polishing the rocket Tossing the turkey And walking his dog Are the same terms For the same job: His dog became stronger and harder and you know what I got? His sweet smiles of satisfactions! (through 'Mariang Palad' as we call it in Pilipino, for me is a very effective tool to fight homesickness I am a OFW, Saudi Arabia...in English it is called 'Mrs.
  • 77. and let it dwells in their hearts forever the song would unite all feuding politicians and drives them to show vision, determination as well as responsibility and motivation to give the people good governance the song would also enlighten the terrorists from killing innocent people and stop the armed conflict to come by the world would become free from criminal crimes such as war graft and corruption, terrorism, rebellion cheating, rape, drug addiction smuggling child abuse, prostitution, kidnapping spousal abuse and other heinous crimes so the world becomes a pleasant place no enemies to fear, this is my love song!
  • 78. Or maybe because I am sincere I seldom say, “I’m sorry” But when I say it It is said with sincerity And touches your heart Or you loved me because I am a loving person Through text messages and calls I say, “I love you” in the morning Lunch time, after office hours And in the evening before sleep Or because of my being romantic To you, through gestures I show my love, care and affections I hold your hands, hug you And kiss your lips Or is it because I am always Here for you, all sunny and rainy days Guarding you, protecting you From any harm and keeping You safe into my arms Whatever reasons you have In mind, I am sure You loved me because
  • 79. Picked, planned Cloning each moment of joys and laughter With just a rapid sound of a button Almost as precise as the human eye; And I am left behind alone Surprised staring at you This is a piece of you, a copy of your face Caught in this frame I am holding Is this all I remember of you? I had to rely on another eye, not my own: Invention of mirrors and light To aid me recall what my heart cannot?
  • 80. especially my beloved one: The flower of my eyes - bulaklak ng aking mata The light of my home - ilaw ng aking tahanan The pulse of my heart - pintig ng aking puso The smile of my lips - ngiti ng aking labi The cry of my lusts - sigaw ng aking pangungulila My dream star - pangarap kong bituin My miracle medicine - gamot sa t’wing ako’y nanghihina The bed of my burning love - kanlungan ng nag-aapoy kong pag-ibig And my delicious coffee and pie in the morning- panulak at pantulak ko sa bawat umaga.
  • 81. One day, your sweet scent wraith Through the place, like a haunting And your fans grabbed you Held you tight around your neck They kissed your lips and cheeks Leaving them with luminous spits You had complaint, wanting to stop them Though they just ignored your wish For them you’re their asset You’re yelling for help but nobody came And in great pains, you cried Then you fell down unconscious The hour altered, dusk became dawn You woke up and screamed so hard Seeing yourself lying in the pool of mud With those filthy and ugly faces Your own effigy, those sizzling cigarette butts!
  • 82. children weep the yearning of youth the adhesive that binds marriage the lubricant that prevents devastating friction in the home the safeguard of community life the beam of hope in a world of distress the peace of old age
  • 83. and I’ll go sleep and wait you to kiss my lips and get my breathe Again I wish, if I could not thinking the last time to kiss you hard but thinking to stay with you holding you into my arms so close, ‘til the end of time I promise…
  • 84. Then go on to know more and more Of what that treasure is And glorify your God, without end.” Was He the same God whom I used to kneel to pray? Who was made out of blocks, wood, stone and clay? Verily I wondered but my doubt did not alter my desire Still I read the following text; 'God created man and female In His image and likeness, He created them For His love and for the purpose to live with Him And that we must give our highest admiration And submit to Him, as our only God in return.' Consoled I said this is it I am looking for! The true God I had long desired God’s love to His children is lasting God is a reasonable One And understanding one in nature He sent Jesus Christ, His begotten Son His Son’s Sprinkling Blood save the world And washed out His children’s sins.
  • 85. Swam in the crystal river with the morning puff of wind Climbed up the trees, crawled on sandy shores Skipped over the green meadows And pretended flying like birds in the breeze… Now my mid-life is claiming me restlessness And itchy feet a symptom My strength is deteriorating I’m scared of hearing those seconds Those passed when the clock sings I can hear cries when the sun descends As loud as the roaring thunder and lightning Their sounds are bouncing back on high mountains Brought by the strong wind, they caused fear… I’m certain that everything in this world comes and goes Although I’d wish to be always a youngster And enjoy my youth to the utmost…
  • 86. Additional Details of The Author • Web content creator, on-line marketer, products and services promoter, on-line writer and Filipino Blogger. I am an Internet Blogger, Writer and Computer literate. I had worked as an Overseas Filipino Worker in Saudi Arabia from 1994 to present for the following positions: Salesman/Analyst, Analyst, Assistant Secretary to The Vice President, Analyst/Bookkeeper and Facility Records Clerk. Presently I am in Philippines. • SalesRep/Analyst • Fusion Boutique: SITML (Saudi International Trading and Marketing Ltd. • March 2008 – Present (6 years 8 months)Sales Department: Riyadh City, KSASells and entertains customers, responsible for the inventory of stocks, determines the products costs and the selling prices, encodes the products details and maintains the Multisoft Program and performs tasks assigned to me from time to time.
  • 87. on Your Online Personal Profile • When you start creating your simple and unique online personal profile you should consider it that it is the same way when you are creating your attractive resume. The only difference is that you will write it or have to inject it with some short descriptions about you – your job, your business, your status and connections and other things that are significant and momentous to you. A simple but unique personal profile helps attract people to like you, to believe you and to follow you. And you do not need to create it by using erudite language - just use simple English. • HIT reveals some important good qualities, attitude and characteristics you possessed. Hit is the abbreviation form for the following words that you must consider. • Honesty - is all about truthfulness, candidness, admirable, fairness, adherence, decency, allegiance, rectitude, goodness and honor.