SlideShare a Scribd company logo
MAGANDANG
UMAGA SA
INYONG LAHAT!
Panahon ng Himagsikan
(Laban sa mga Kastila)
1896-1900
3
KATIPUNAN
4
Kaligirang kasaysayan
 Hindi naipagkaloob sa mga Pilipino ang mga
hinihinging pagbabago ng mga Propagandista.
Naging bingi ang pamahalaan, nagpatuloy ang
pang-aapi at pagsasamantala, at naging mahigpit
pa sa mga Pilipino ang pamahalaan at simbahan.
Ang mga mabuting balakin sana ng Inang
Espanya sa Pilipinas ay nasasalungat pa rin ng
mga prayleng nangaghari rito.
5
Matapos madakip si Rizal noong
Hulyo 6, 1892, inisip ng mga
Pilipino na hindi na nila makakamit
ang hinihinging pagbabago sa
mapayapang paraan.
Para sa kanila, ang tanging paraan
na lamang upang mabago ang
pamumuhay ng mga Pilipino ay ang
pagpapaalis ang mga Espanyol sa
pamamagitan ng rebolusyon.
6
PAGKATATAG
NG KATIPUNAN
Noong Hulyo 7, 1892,
itinatag nina Andres
Bonifacio,Valentin
Diaz,Teodoro Plata,
Ladislao Diwa,Deodato
Arellano sa isang bahay
sa Azcarraga.
7
LAYUNIN NG KATIPUNAN
1.Politikal
2.Moral
3.Sibiko
TATLONG SANGGUNIAN NG KKK
1.Kataastaasang Sanggunian
2.Sangguniang Bayan
3.Sangguniang Balangay
8
 Ang trianggulong
sistema ay ginamit sa
pagkuha ng mga
kasaping katipunero
 Ang dating miyembro ay
maghahanap ng dalawang
bagong miyembro na
hindi magkakilala.
 Sa maikling panahon,
lumaki ang samahan ng
Katipunan.
9
MGA KASAPI NG KATIPUNAN
Katipun
Bayani
Kawal
10
Katipun
Unang antas ng Katipunero
(Password): Anak ng Bayan
Nagsusuot ng itim na pandong sa mga
pagpupulong na may nakasulat na titik
Z,B,L. Nangangahulugang Anak ng
Bayan
11
Kawal
Ikalawang antas ng Katipunero
(Password): GOMBURZA
Nagsusuot ng berdeng pandong sa
mga pagpupulong na may titik na Z,B,L
nangangahulugang Anak ng Bayan
12
Bayani
 Ikatlong antas ng Katipunero
 (Password): Rizal
 Nagsusuot ng pulang hood sa mga
pagpupulong.
 Binubuo ng mga pinuno ng Katipunan.
13
Pacto de Sangre
• Ang ritwal na ginagawa sa mga taong
nais na maging kasapi ng Katipunan.
• Ito ay ginagawa sa isang lihim na silid na
kung tawagin ay Camara Negra (Dark
Chamber)
• Ito ay nagsisimula sa isang pagsubok at
nagtatapos sa paglagda sa
kasunduan gamit ang sarili nilang
dugo.
14
Kalayaan
• Ang opisyal na
pahayagan ng
Katipunan.
NILALAMAN NG PANITIKAN SA
PANAHON NG TAHASANG
PAGHIHIMAGSIK
Pawang pagtuligsa sa pamahalaan at
simbahan
Pagbibigay-payo sa mga Pilipino
upang magkaisa at maghanda nang
matamo ang inaasam na kalayaan
15
16
TALUKTOK NG TAHASANG
PAGHIHIMAGSIK
Ang kinikilalang taluktok o
pinakalider ng tahasang
paghihimagsik ay sina: Andres
Bonifacio, Emilio Jacinto at
Apolinario Mabini.
18
Andrés Bonifacio y de Castro
Siya’y isáng tunay na Pilipino na
ipinanganak noong ika-30 ng
Nobiyembre ng 1863 sa isang bahay na
pawid sa pook na nasa sa harap ng
himpilan ngayón ng pero-karil sa daang
Azcárraga, Tundó, Maynila. Ang kanyang
amá’y nagngangalang Santiago Bonifacio
na ang hanap-buhay ay sastré at ang
kanyang ina nama’y Catalina de Castro.
Mga taal na taga Maynilà.
19
Isang Pilipinong makabayan at rebolusyonaryo.
 Binansagan siyang "Ama ng Katipunan". Siya
ang nagtatag at lumaon naging Supremo ng
kilusang Katipunan na naglayong makamtan ang
kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya at
nagpasimula ng Himagsikang Pilipino.
Kinikilala rin siya ng ilang mga dalubhasa sa
kasaysayan bílang unang Pangulo ng Pilipinas,
subalit hindi siya opisyal na kinikilala.
20
Hamak ang pinanggalingang kalagayan sa
buhay, kaya’t sinasabing ang kanyang mga
natutuhan ay pawang galing sa “paaralan ng
karanasan”
Umanib o lumahok sa kilusang itinatag ni Jose
Rizal-ang LA LIGA FILIPINA
Lalong kilala sa pagiging dakilang mandirigma
kaysa manunulat
21
MGA AKDA NI A. BONIFACIO
 Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Ang dapat mabatid ng mga Tagalog
Tapunan ng Lingap
Ang mga Cazadores
Katungkulang Gagawin Ng Mga Anak Ng Bayan
(Decalogo)
 Mi Abanico
Huling Paalam ni Dr. Jose Rizal
(Salin ng Mi Ultimo Adios ni Gat Andres
Bonifacio)
 Katapusang Hibik ng Pilipinas
22
Katapusang Hibik ng Pilipinas
Sumikat na, Ina, sa sinisilangan,
Ang araw ng poot ng Katagalugan,
Tatlong daang taong aming iningatan
Sa dagat ng dusa ng karalitaan.
Walang isinuway kaming iyong anak
Sa bagyong masasal ng dalita’t hirap
Iisa ang puso nitong Pilipinas
at ikaw ay di na Ina naming lahat.
Sa kapuwa Ina’y wala kang kaparis
Ang laway ng anak; dalita’t pasakit;
pag nagpatirapang sa iyo’y humubik,
lunas na gamot mo ay kasakit- sakit.
23
Gapusing mahigpit ang mga Tagalog;
makinahit biting parang isang hayop;
Hinain sa sikad, kulata at suntok
Ito baga, Ina, ang iyong pag-irog?
Ipabilanggo mo’t sa dagat itapon;
Barilin, lasunin, nang kami’y malipol
sa aming Tagalog, ito baga’y hatol
Inang mahabagin, sa lahat ng kampon?
Aming tinitiis hanggang sa mamatay;
Bangkay nang mistula’y ayaw pang tigilan
Kaya kung ihulog sa mga libingan,
Linsad na ang buto’t lamuray ang laman.
24
Wala nang pamana itong Pilipinas
Na layaw sa Ina kundi pawing hirap:
Tiis ay pasulong, patente’y nagkalat ,
Rekargo’t impuwesto’y nagsala-salabat.
Sari-saring silo sa ami’y inisip,
Kasabay ng utos na tuparing pilit,
May sa alumbrado,__ kaya kaming tikis,
Kahit isang ilaw ay walang masilip.
Ang lupa at bahay na tinatahanan,
Bukid at tubigang kalawak-lawakan,
At gayon din pati ng mga halaman,
Sa paring Kastila ay binabawasan.
25
Bukod pa rito’yang iba’t iba
pa, huwag nang saysayin, Oh,
Inang Espanya, sunod kaming
lahat hanggang may hininga
Tagalog di’y siyang
minamasama pa.
Ikaw nga, Oh, Inang pabaya’t
sukaban kami’ydi na iyo saan
man humanggan, Ihanda mo,
Ina, ang paglilibingan sa
mawawakawak na maraming
bangkay.
26
Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog ang
barila’t kanyong katulad ay kulog, ang sigwang
masasal sadugong aagos ng kanilang bala na
magpapamook.
Di na kailangan sa iyo ang awa ng mga Tagalog,
Oh Inang kuhila, paraiso naming ang kami’y
mapuksa langit mo naman ang kami’y madusta.
Paalam na, Ina, itong Pilipinas,
Paalam na, Ina, itong nasa hirap,
Paalam, paalam, Inang walang habag,
Paalam na ngayon, katapusang tawag
27
Kartilya ni Bonifacio
1. Ibigin mo ang Diyos nang buong puso.
2. Laging isaisip na ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay ang pag-
ibig sa bayan at sa kapwa tao.
3. Ikintal mo sa puso na ang tunay na karangalan at
kaligayahan ay natatamo sa iyong pagkamatay sapakikilaban
sa ngalan ng iyong bayan.
4. Ang lahat ng mabubuti mong hangarin ay makakamtan kung
ikaw ay mahinahon, matiyaga, makatwiran at may pag-asa sa
iyong gawain.
5. Pangalagaang katulad ng iyong karangalan ang mga
kautusan at mga hangarin ng KKK.
28
6. Katungkulan mong iligtas ang buhay na nasa panganib sa pagpupumilit na
matupad ang isang marangal na hangarin, kahit mapilitang ihandog mo ang
sariling buhayat yaman.
7. Bayaang ang saring pag-uugali at pangingilos sa pagtupad ng ating
tungkulin ay maging uliran ng iba.
8. Bahagian mo ng iyong yaman ang bawat dukha at taong kulang-palad sa
loob ng iyong makakaya.
9. Ang pagsusumikap at pagpipilit na kumita ng ikabubuhay ay nagpapahayag
ng tunay na pagmamahal sa sarili, sa asawa, anak, kapatid at kababayan.
10. May parusa sa bawatsalarin ang taksil, at gantimpala sa lahat ng
mabubuting gawa. Manalig na ang puntahin ng KKK ay kaloob ng Maykapal,
samaktwid ang hangad ng bayanay hangad din niya.
29
Emilio Jacinto (1875-1899)
 Ang tinaguriang “Utak ng Katipunan.”
Si Emilio Jacinto ay anak nila Mariano
Jacinto at Josefa Dizon. Namatay agad ang
kanyang ama ilang sandali lamang matapos
na siya ay isilang na nagtulak sa kanyang
ina.
 na ipaampon si Emilio sa kanyang tiyuhin
na si Don Jose Dizon upang magkaroon ng
magandang buhay.
30
 Si Emilio ay bihasa sa pagsasalita ng Tagalog at Kastila pero mas
gusto niya ang Kastila. Siya ay nag-aral sa Kolehiyo ng San Juan de
Letran at nang maglaon ay lumipat sa Pamantasan ng Sto. Tomas
para mag-aral ng batas. Hindi niya natapos ang kurso at sa edad na
20 ay sumapi siya sa isang sikretong samahan na ang pangalan ay
Katipunan.
 Nang mamatay si Bonifacio, ipinagpatuloy ni Jacinto ang paglaban sa
mga Kastila bagamat hindi siya sumali sa puwersa ni Aguinaldo.
Namatay si Emilio Jacinto sa sakit na malaria noong Abril 16, 1899 sa
Majayjay, Laguna sa edad na 23.
 Nakilatis ni Bonifacio ang dunong at katapatan ni Jacinto, kaya
hinirang niya itong kalihim (secretary) at fiscal (abogado, attorney)
ng Katipunan.
31
Akda ni Emilio Jacinto
PAHAYAG (1875-1899)
ANG KASALANAN NI CAIN (1875-1899)
PAHAYAG NG AGOSTO 1897 (1875-1899)
SA MAY NASANG MAKISANIB SA KATIPUNANG ITO
(1875-1899)
Ang Liwanag at Dilim
Mga Aral ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan.
32
Mga Aral ng Katipunan sa Kartilya
ni Emilio Jacinto
1. Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay
kahoy (puno) na walang lilim, kundi (man) damong makamandag.
2. Ang gawang magaling na nagbubuhat sa paghahambog o papipita sa sarili
(paghahangad na makasarili), at hindi talagang nasang gumawa ng
kagalingan, ay di kabaitan.
3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa
kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa't pangungusap sa talagang
Katuwiran.
4. Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay;
mangyayaring ang isa'y hihigitan sa dunong, sa yaman, sa ganda; ngunit di
mahihigitan sa pagkatao.
33
5. Ang may mataas na kalooban, inuuna ang (dangal o) puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may
hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri.
6. Sa taong may hiya, salita'y panunumpa.
7. Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala'y mangyayaring magbalik; ngunit
panahong nagdaan nay di na muli pang magdadaan.
8. Ipagtanggol mo ang inaapi;kabakahin (labanan) ang umaapi.
9. Ang taong matalino'y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin;matutong ipaglihim ang dapat
ipaglihim.
10. Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot ng asawa at mga anak; kung ang
umaakay ay tungo sa sama, patutunguhan ng inaakay ay kasamaan din. (Ang simula nito ay
obserbasyon sa ugnayan ng babae at lalaki sa panahon ng Katipunan; para sa kasalukuyan,
iminumungkahing ipalit ang sumusunod: "Sa daang matinik ng buhay, ang mga magulang ang
patnugot ng mag-anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, and patutunguhan ng inaakay ay
kasamaan din.)
34
11. Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isnag katuwang
at karamay (ng lalaki) sa mga kahirapan nitong buhay; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang
kanyang (pisikal na ) kahinaan, alalahanin ang inang pinagbuhatan at nag-iwi sa iyong
kasanggulan.
12. Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa,
anak at kapatid ng iba.
13. Ang kamahalan ng tao'y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong at puti ng mukha, wala
sa pagkaparing kahalili ng Diyos, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa: wagas at tunay
na mahal na tao, kahit laking gubat at walang nababatid kundi sariling wika, yaong may
magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri, yaong di nagpaaapi't di nakikiapi;
yaong marunong magdam-dam at marunong lumingap sa bayang tinubuan.
14. Paglaganap ng mga aral na ito, at maningning na sisikat ang araw ng mahal na kalayaan dito
sa kaaba-abang Sangkapuluan at sabungan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang
magkakalahi't magkakapatid, ng liwanag ng walang katapusan, ang mga ginugol na buhay,
pagod, at mga tiniis na kahirapa'y labis nang matutumbasan.
35
Pio Valenzuela
 Si Pio Valenzuela ay isang Pilipinong manggagamot at isang
importanteng tao sa panahon ng Rebolusyong Pilipino laban
sa mga kolonyalistang Espanyol. Noong ika-11 ng Hulyo
1869, siya ay isinilang sa Polo, Bulacan (ngayon ay
Valenzuela City).
 Si Valenzuela ay isang mag-aaral sa medisina ng University of
Santos Tomas nang sumali siya sa bagong tatag na
Katipunan, isang sikretong lipunan na itinatag ni Andres
Bonifacio noong Hulyo 7, 1892 sa Tondo, Maynila. Lihim na
itinatag niya ang mga sangay ng Katipunan sa maraming lugar
sa Morong (ngayon Rizal province) at Bulacan. Si Dr.
Valenzuela din ang kinomisyon ni Bonifacio upang makipag-
usap kay Dr. Jose Rizal, na pinatapon sa Dapitan, tungkol sa
Katipunan at sa plano ng grupo na bumangon laban sa mga
awtoridad ng Espanyol.
36
 Umalis siya sa papuntang Dapitan noong Hunyo 15, 1896. Gayunpaman,
nagbigay ng babala si Rizal laban sa pagpapalit ng pamahalaan kung saan
hindi handa ang mga tao. Sinabi ni Rizal na kinakailangan ang edukasyon,
at sa kanyang opinyon pangkalahatang paliwanag ang tanging daan upang
umunlad.
 Si Valenzuela rin ang tumulong kay Emilio Jacinto sa pagtatag ng
"Kalayaan", ang pahayagan ng Katipunan, gamit ang mga ninakaw na
makinilya mula sa Diario de Manila.
 Nang maglaon, tinanggap ni Valenzuela ang amnestiya na inaalok ng
kolonyal na gobyerno ng Espanyol. Sumuko siya noong Setyembre 1,
1896 at pagkatapos ay dineport siya sa Espanya at nabilanggo sa Madrid.
Nang maglaon, siya ay inilipat sa Malaga, Barcelona at pagkatapos ay sa
isang outpost ng Espanya sa Africa. Siya ay nakulong sa loob ng mga
dalawang taon. Sa ilalim ng mga Amerikano, siya ay nabilanggo muli at
inihayag bilang isang "radical propagandist".
37
 Pagkalipas ng ilang taon, naglingkod siya bilang unang
alkalde (sa panahon ng rehimeng Amerikano) ng
munisipalidad ng Polo (ngayon ay Valenzuela City) mula
1899 hanggang 1900 bago siya naging gobernador ng
lalawigan ng Bulacan (1921-1925). Namatay siya noong
Abril 6, 1956 sa edad na 86.
 Noong 1963, pinalitan ang pangalan ng bayan ng Polo at
tinawag na Valenzuela bilang parangal kay Dr. Pio
Valenzuela. Ang munisipalidad ay naging isang lungsod
noong 1998.
38
Mga Pahayagan Noong Panahon ng Himagsikan
1.) Kalayaan- ang pamansag ng Katipunan. Itinatag ito noong 1896.
Pinamatnugutan ito ni Pio Valenzuela.
2.) Diario de Manila, ang pantulong ng Kalayaan. Natagpuan ng mga kastila
ang limbagan nito kaya’t may katibayan sila sa mga plano ng mga
Katipunero.
3.) El Heraldo de la Revolicion. Makalwa sanlinggom kung lumabas ang
pahayagang ito. Limbag ito sa Unang Republika ng Pilipinas noong 1898.
Itinaguyod nito ang kaisipang pampulitika. Nang lumaon, naging Heraldo
Filipino ang pangalan nito at kalaunan ay naging Indice Official at Gaceta de
Filipinas. Tumagal ang pahayagang ito mula ika- 28 ng Detyembre, 1898
hanggang kalagitnaan ng 1899. Layon nitong pag-alabin ang damdaming
makabayan tulad din ng mga naunang pahayagan.
39
4.) La Independencia. Naging patnugot nito si Antonio Luna. Itinatag
ito noong ika- 3 ng Setyembre, 1898.
5.) La Republika Filipina. Pinamatnugutan at itinatag ni Pedro
Paterno noong 1898.
6.) Ang Bayang Kahapis- hapis. Lumabas noong ika-24 ng Agosto,
1899.
7.) Ang Kaibigan ng Bayan. Lumabas noong 1898.
8.) Ang Kalayaan. Tagapamalitang Tagalog at Capampangan,
Tarlac, 1899.
40
Mga kababaihang Miyembro ng Katipunan
• Gregoria de Jesus
• Josefa Rizal
• Melchora Aquino
• Marina Dizon
• Angelica Lopez-Rizal
• Trinidad Tecson
41
Gregoria de Jesus
 Asawa ni Andres
Bonifacio.
 “Lakambini ng
Katipunan”
 “Ina ng Himagsikan”
42
Trinidad Tecson
tinaguriang
“Ina ng Biak-
Na- Bato”
Marina Dizon
Josefa Rizal
43
Melchora Aquino
 “Ina ng Katipunan”
 “Dakilang babae ng
rebolusyon”
 Kilala bilang
“Tandang Sora”
44
Pagkakatuklas ng Katipunan
 Nabunyag ang lihim ng Katipunan ng
ikinumpisal ito ng kapatid ni Teodoro
Patiño kay Padre Mariano Gil noong
August 19, 1896.
 Sa ginawang paghahalughog sa
palimbagan ng Diario de Manila,
natuklasan ang mga patalim, resibo
at dokumento ng Katipunan.
45
Sigaw sa Pugad Lawin
• Pagkatapos mabunyag ang lihim ng
Katipunan, tinipon ni Bonifacio ang
mga Katipunero sa Balintawak
noong Agosto 23, 1896.
• Dito napagkasunduan na
simulan agad ang
Rebolusyon.
46
• Bilang hudyat ng
himagsikan,pinunit nila
angkanilang mga cedulaat
sumigaw ng
• “Ligtas na tayosa
pagkaalipin”.
• “Mabuhayang Pilipinas!
Mabuhay ang
Katipunan”.
47
Unang Labanan para sa Kalayaan
 Noong August 30, 1896, sinalakay ng
mga Katipunero ang polverin ng mga
Kastila sa San Juan, Manila.
 Ipinag-utos ni Gob. Hen Jose Blanco
nailagay sa ilalim ng batas militar ang
walong lalawigan sa Luzon - Manila,
Cavite, Laguna, Batangas, Bulacan,
Pampanga, Nueva Ecija at Tarlac.
48
1892- Naging malaking dagok sa mga kasapi ng Kilusang Propaganda ang
pagkakatapon kay Dr. Jose Rizal sa Dapitan.
7 July 1892- itinatag ang KKK, isang lihim na samahan na naglalayong
pabagsakin ang pamahalaang Kastila.
3 July 1892- itinatag ang La Liga Filipina
Agosto 29, 1896- Napagkaisahan nilang simulan ang himagsikan pagkaraan
ng isang linggo, upang bigyan ng sapat na babala at panahong maghanda ang
mga Katipuneros sa mga lalawigan.
Agosto 25, 1896- dumating ang isang pangkat ng hukbong Español. Walang
sandata maliban sa mga itak, napilitang umurong ang mga Katipuneros at
hinabol sila ng mga sundalo hanggang abutan ng gabi sa Balara.
49
Agosto 29, 1896- ihinayag ni Bonifacio ang himagsikan laban sa España.
Agosto 30, 1896- pinamunuan nilang dalawa ang 800 Katipunerong
sumalakay sa bandang 100 sundalo na masipag umurong at nagkulong
sa El Deposito.
Agosto 23, 1896- pagkatapos nilang magsugo ng mga pasabi sa mga
lalawigan, pinunit nila ang kanilang mga cedula, pahiwatig na hindi na sila
paiilalim sa Español kailanman. Ipinahayag nina Bonifacio ang kanilang
layunin sa pakikipaglaban sa Pugad- lawin. Pinunit nila ang kanilang mga
sedula at isinigaw ang “Mabuhay ang Plipinas!”
19 Agosto, 1896- nabunyag kay Padre Mariano Gil sa pamamagitan ni
Teodoro Patiño ang tungkol sa Katipunan.
50
LAHAT NG IYONG MABUTING
HANGAD AY NAGWAWAGI KAPAG
IKAW AY MAY HINAHON, TIYAGA,
KATWIRAN AT PAG-ASA SA IYONG
INAASAL AT GINAGAWA.
~ ANDRES BONIFACIO
51
MARAMING
SALAMAT AT
MAGANDANG
ARAW!!
MAUREEN FAYE S.
MACARAEG

More Related Content

What's hot

Sinaunang paniniwala at kaugalian
Sinaunang paniniwala at kaugalianSinaunang paniniwala at kaugalian
Sinaunang paniniwala at kaugalianHannah Dionela
 
Antas ng katayuan ng mga pilipino sa panahon ng espanyol - Grade 5
Antas ng katayuan ng mga pilipino sa panahon ng espanyol - Grade 5Antas ng katayuan ng mga pilipino sa panahon ng espanyol - Grade 5
Antas ng katayuan ng mga pilipino sa panahon ng espanyol - Grade 5
Roselyn Dela Cruz
 
Kilusang propaganda
Kilusang propagandaKilusang propaganda
Kilusang propagandaJay R Lazo
 
Aralin 4 ang sistema ng edukasyon ng mga espanyol
Aralin 4  ang sistema ng edukasyon ng mga espanyolAralin 4  ang sistema ng edukasyon ng mga espanyol
Aralin 4 ang sistema ng edukasyon ng mga espanyol
CHIKATH26
 
Ang Layunin ng mga Amerikano
Ang Layunin ng mga AmerikanoAng Layunin ng mga Amerikano
Ang Layunin ng mga Amerikano
Admin Jan
 
Ang pagbubukas ng Suez Canal (THE OPENING OF SUEZ CANAL)
Ang pagbubukas ng Suez Canal (THE OPENING OF SUEZ CANAL)Ang pagbubukas ng Suez Canal (THE OPENING OF SUEZ CANAL)
Ang pagbubukas ng Suez Canal (THE OPENING OF SUEZ CANAL)
hm alumia
 
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa PilipinasAP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
Juan Miguel Palero
 
Mga Akda/Naisulat ni Dr. Jose Rizal
Mga Akda/Naisulat ni Dr. Jose RizalMga Akda/Naisulat ni Dr. Jose Rizal
Mga Akda/Naisulat ni Dr. Jose Rizal
Cedrick Abadines
 
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga KastilaPanitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Merland Mabait
 
Panitikan sa kasalukuyan
Panitikan sa kasalukuyanPanitikan sa kasalukuyan
Panitikan sa kasalukuyan
Ernie Chris Lamug
 
panahon ng pagkamulat
panahon ng pagkamulatpanahon ng pagkamulat
panahon ng pagkamulat
shekainalea
 
Aralin 6 kultura ng mga Sinaunang Filipino
Aralin 6   kultura ng mga Sinaunang FilipinoAralin 6   kultura ng mga Sinaunang Filipino
Aralin 6 kultura ng mga Sinaunang Filipino
Forrest Cunningham
 
Impluwensya ng mga amerikano
Impluwensya ng mga amerikanoImpluwensya ng mga amerikano
Impluwensya ng mga amerikano
Tristan Navarrosa
 
Aralin 7 Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
Aralin 7   Pananakop ng mga Espanyol sa PilipinasAralin 7   Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
Aralin 7 Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
Forrest Cunningham
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Admin Jan
 
Kilusang Propaganda at La Liga Filipina
Kilusang Propaganda at La Liga FilipinaKilusang Propaganda at La Liga Filipina
Kilusang Propaganda at La Liga Filipina
Milorenze Joting
 
Panitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaPanitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaNikko Mamalateo
 

What's hot (20)

Sinaunang paniniwala at kaugalian
Sinaunang paniniwala at kaugalianSinaunang paniniwala at kaugalian
Sinaunang paniniwala at kaugalian
 
Antas ng katayuan ng mga pilipino sa panahon ng espanyol - Grade 5
Antas ng katayuan ng mga pilipino sa panahon ng espanyol - Grade 5Antas ng katayuan ng mga pilipino sa panahon ng espanyol - Grade 5
Antas ng katayuan ng mga pilipino sa panahon ng espanyol - Grade 5
 
Kilusang propaganda
Kilusang propagandaKilusang propaganda
Kilusang propaganda
 
Aralin 4 ang sistema ng edukasyon ng mga espanyol
Aralin 4  ang sistema ng edukasyon ng mga espanyolAralin 4  ang sistema ng edukasyon ng mga espanyol
Aralin 4 ang sistema ng edukasyon ng mga espanyol
 
Ang Layunin ng mga Amerikano
Ang Layunin ng mga AmerikanoAng Layunin ng mga Amerikano
Ang Layunin ng mga Amerikano
 
Panitikan sa panahon ng amerikano
Panitikan sa panahon ng amerikanoPanitikan sa panahon ng amerikano
Panitikan sa panahon ng amerikano
 
Ang pagbubukas ng Suez Canal (THE OPENING OF SUEZ CANAL)
Ang pagbubukas ng Suez Canal (THE OPENING OF SUEZ CANAL)Ang pagbubukas ng Suez Canal (THE OPENING OF SUEZ CANAL)
Ang pagbubukas ng Suez Canal (THE OPENING OF SUEZ CANAL)
 
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa PilipinasAP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
 
Mga Akda/Naisulat ni Dr. Jose Rizal
Mga Akda/Naisulat ni Dr. Jose RizalMga Akda/Naisulat ni Dr. Jose Rizal
Mga Akda/Naisulat ni Dr. Jose Rizal
 
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga KastilaPanitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
 
Mga uri ng diin
Mga uri ng diinMga uri ng diin
Mga uri ng diin
 
Ikatlong republika
Ikatlong republikaIkatlong republika
Ikatlong republika
 
Panitikan sa kasalukuyan
Panitikan sa kasalukuyanPanitikan sa kasalukuyan
Panitikan sa kasalukuyan
 
panahon ng pagkamulat
panahon ng pagkamulatpanahon ng pagkamulat
panahon ng pagkamulat
 
Aralin 6 kultura ng mga Sinaunang Filipino
Aralin 6   kultura ng mga Sinaunang FilipinoAralin 6   kultura ng mga Sinaunang Filipino
Aralin 6 kultura ng mga Sinaunang Filipino
 
Impluwensya ng mga amerikano
Impluwensya ng mga amerikanoImpluwensya ng mga amerikano
Impluwensya ng mga amerikano
 
Aralin 7 Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
Aralin 7   Pananakop ng mga Espanyol sa PilipinasAralin 7   Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
Aralin 7 Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
 
Kilusang Propaganda at La Liga Filipina
Kilusang Propaganda at La Liga FilipinaKilusang Propaganda at La Liga Filipina
Kilusang Propaganda at La Liga Filipina
 
Panitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaPanitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastila
 

Similar to Himagsikan(1896-1900)

Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentation
Marti Tan
 
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaPagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaRodel Moreno
 
Kalansay sa Baul ng Kasaysayan
Kalansay sa Baul ng KasaysayanKalansay sa Baul ng Kasaysayan
Kalansay sa Baul ng Kasaysayan
Christ Jericho Johnson
 
Mga Kalansay sa Baul ng Kasaysayan
Mga Kalansay sa Baul ng KasaysayanMga Kalansay sa Baul ng Kasaysayan
Mga Kalansay sa Baul ng Kasaysayan
Cansinala High School
 
kilusang propaganda.pptx
kilusang propaganda.pptxkilusang propaganda.pptx
kilusang propaganda.pptx
ssuser7e03a4
 
Pagaalsa at himagsikan
Pagaalsa at himagsikanPagaalsa at himagsikan
Pagaalsa at himagsikanMigi Delfin
 
Kartilya ng KatipunanKartilya ng KatipunanKartilya ng Katipunan.pptx
Kartilya ng KatipunanKartilya ng KatipunanKartilya ng Katipunan.pptxKartilya ng KatipunanKartilya ng KatipunanKartilya ng Katipunan.pptx
Kartilya ng KatipunanKartilya ng KatipunanKartilya ng Katipunan.pptx
Gavin Malala
 
KABANATA-19-EL-FILIBUSTERISMO-NAILATHALA-SA-GHENT.pptx
KABANATA-19-EL-FILIBUSTERISMO-NAILATHALA-SA-GHENT.pptxKABANATA-19-EL-FILIBUSTERISMO-NAILATHALA-SA-GHENT.pptx
KABANATA-19-EL-FILIBUSTERISMO-NAILATHALA-SA-GHENT.pptx
maicamesias6
 
Araling Panlipunan 6 Quarter v1, q1w3 melc.pptx
Araling Panlipunan 6 Quarter v1, q1w3 melc.pptxAraling Panlipunan 6 Quarter v1, q1w3 melc.pptx
Araling Panlipunan 6 Quarter v1, q1w3 melc.pptx
dioneloevangelista1
 
Caiingat Cayo
Caiingat CayoCaiingat Cayo
Caiingat Cayo
Shaina Gregorio
 
ANDRES BONIFACIO (Panahon ng Himagsikan)
ANDRES BONIFACIO (Panahon ng Himagsikan)ANDRES BONIFACIO (Panahon ng Himagsikan)
ANDRES BONIFACIO (Panahon ng Himagsikan)
Supreme Student Government
 
Panahon propaganda at himagsikan
Panahon propaganda at himagsikanPanahon propaganda at himagsikan
Panahon propaganda at himagsikan
ceblanoantony
 
Noli me tangere
Noli me tangereNoli me tangere
Noli me tangere
shekainalea
 
BALAGTASAN-2.pptx
BALAGTASAN-2.pptxBALAGTASAN-2.pptx
BALAGTASAN-2.pptx
EdrichNatinga
 
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptxPanahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
AprilLumagbas
 
Noli
NoliNoli
Pakikipaglaban para sa kalayaan
Pakikipaglaban para sa kalayaanPakikipaglaban para sa kalayaan
Pakikipaglaban para sa kalayaan
Alice Bernardo
 
panahon-ng-himagsikan.pdf
panahon-ng-himagsikan.pdfpanahon-ng-himagsikan.pdf
panahon-ng-himagsikan.pdf
ClydeAelVincentSalud
 

Similar to Himagsikan(1896-1900) (20)

Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentation
 
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaPagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
 
Kalansay sa Baul ng Kasaysayan
Kalansay sa Baul ng KasaysayanKalansay sa Baul ng Kasaysayan
Kalansay sa Baul ng Kasaysayan
 
Mga Kalansay sa Baul ng Kasaysayan
Mga Kalansay sa Baul ng KasaysayanMga Kalansay sa Baul ng Kasaysayan
Mga Kalansay sa Baul ng Kasaysayan
 
kilusang propaganda.pptx
kilusang propaganda.pptxkilusang propaganda.pptx
kilusang propaganda.pptx
 
Pagaalsa at himagsikan
Pagaalsa at himagsikanPagaalsa at himagsikan
Pagaalsa at himagsikan
 
Kartilya ng KatipunanKartilya ng KatipunanKartilya ng Katipunan.pptx
Kartilya ng KatipunanKartilya ng KatipunanKartilya ng Katipunan.pptxKartilya ng KatipunanKartilya ng KatipunanKartilya ng Katipunan.pptx
Kartilya ng KatipunanKartilya ng KatipunanKartilya ng Katipunan.pptx
 
Ferdi2 Power
Ferdi2 PowerFerdi2 Power
Ferdi2 Power
 
KABANATA-19-EL-FILIBUSTERISMO-NAILATHALA-SA-GHENT.pptx
KABANATA-19-EL-FILIBUSTERISMO-NAILATHALA-SA-GHENT.pptxKABANATA-19-EL-FILIBUSTERISMO-NAILATHALA-SA-GHENT.pptx
KABANATA-19-EL-FILIBUSTERISMO-NAILATHALA-SA-GHENT.pptx
 
Araling Panlipunan 6 Quarter v1, q1w3 melc.pptx
Araling Panlipunan 6 Quarter v1, q1w3 melc.pptxAraling Panlipunan 6 Quarter v1, q1w3 melc.pptx
Araling Panlipunan 6 Quarter v1, q1w3 melc.pptx
 
Caiingat Cayo
Caiingat CayoCaiingat Cayo
Caiingat Cayo
 
ANDRES BONIFACIO (Panahon ng Himagsikan)
ANDRES BONIFACIO (Panahon ng Himagsikan)ANDRES BONIFACIO (Panahon ng Himagsikan)
ANDRES BONIFACIO (Panahon ng Himagsikan)
 
Panahon propaganda at himagsikan
Panahon propaganda at himagsikanPanahon propaganda at himagsikan
Panahon propaganda at himagsikan
 
Noli me tangere
Noli me tangereNoli me tangere
Noli me tangere
 
BALAGTASAN-2.pptx
BALAGTASAN-2.pptxBALAGTASAN-2.pptx
BALAGTASAN-2.pptx
 
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptxPanahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
 
Noli
NoliNoli
Noli
 
Pakikipaglaban para sa kalayaan
Pakikipaglaban para sa kalayaanPakikipaglaban para sa kalayaan
Pakikipaglaban para sa kalayaan
 
2 4a modyul final
2 4a modyul final2 4a modyul final
2 4a modyul final
 
panahon-ng-himagsikan.pdf
panahon-ng-himagsikan.pdfpanahon-ng-himagsikan.pdf
panahon-ng-himagsikan.pdf
 

Himagsikan(1896-1900)

  • 2. Panahon ng Himagsikan (Laban sa mga Kastila) 1896-1900
  • 4. 4 Kaligirang kasaysayan  Hindi naipagkaloob sa mga Pilipino ang mga hinihinging pagbabago ng mga Propagandista. Naging bingi ang pamahalaan, nagpatuloy ang pang-aapi at pagsasamantala, at naging mahigpit pa sa mga Pilipino ang pamahalaan at simbahan. Ang mga mabuting balakin sana ng Inang Espanya sa Pilipinas ay nasasalungat pa rin ng mga prayleng nangaghari rito.
  • 5. 5 Matapos madakip si Rizal noong Hulyo 6, 1892, inisip ng mga Pilipino na hindi na nila makakamit ang hinihinging pagbabago sa mapayapang paraan. Para sa kanila, ang tanging paraan na lamang upang mabago ang pamumuhay ng mga Pilipino ay ang pagpapaalis ang mga Espanyol sa pamamagitan ng rebolusyon.
  • 6. 6 PAGKATATAG NG KATIPUNAN Noong Hulyo 7, 1892, itinatag nina Andres Bonifacio,Valentin Diaz,Teodoro Plata, Ladislao Diwa,Deodato Arellano sa isang bahay sa Azcarraga.
  • 7. 7 LAYUNIN NG KATIPUNAN 1.Politikal 2.Moral 3.Sibiko TATLONG SANGGUNIAN NG KKK 1.Kataastaasang Sanggunian 2.Sangguniang Bayan 3.Sangguniang Balangay
  • 8. 8  Ang trianggulong sistema ay ginamit sa pagkuha ng mga kasaping katipunero  Ang dating miyembro ay maghahanap ng dalawang bagong miyembro na hindi magkakilala.  Sa maikling panahon, lumaki ang samahan ng Katipunan.
  • 9. 9 MGA KASAPI NG KATIPUNAN Katipun Bayani Kawal
  • 10. 10 Katipun Unang antas ng Katipunero (Password): Anak ng Bayan Nagsusuot ng itim na pandong sa mga pagpupulong na may nakasulat na titik Z,B,L. Nangangahulugang Anak ng Bayan
  • 11. 11 Kawal Ikalawang antas ng Katipunero (Password): GOMBURZA Nagsusuot ng berdeng pandong sa mga pagpupulong na may titik na Z,B,L nangangahulugang Anak ng Bayan
  • 12. 12 Bayani  Ikatlong antas ng Katipunero  (Password): Rizal  Nagsusuot ng pulang hood sa mga pagpupulong.  Binubuo ng mga pinuno ng Katipunan.
  • 13. 13 Pacto de Sangre • Ang ritwal na ginagawa sa mga taong nais na maging kasapi ng Katipunan. • Ito ay ginagawa sa isang lihim na silid na kung tawagin ay Camara Negra (Dark Chamber) • Ito ay nagsisimula sa isang pagsubok at nagtatapos sa paglagda sa kasunduan gamit ang sarili nilang dugo.
  • 14. 14 Kalayaan • Ang opisyal na pahayagan ng Katipunan.
  • 15. NILALAMAN NG PANITIKAN SA PANAHON NG TAHASANG PAGHIHIMAGSIK Pawang pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan Pagbibigay-payo sa mga Pilipino upang magkaisa at maghanda nang matamo ang inaasam na kalayaan 15
  • 16. 16
  • 17. TALUKTOK NG TAHASANG PAGHIHIMAGSIK Ang kinikilalang taluktok o pinakalider ng tahasang paghihimagsik ay sina: Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at Apolinario Mabini.
  • 18. 18 Andrés Bonifacio y de Castro Siya’y isáng tunay na Pilipino na ipinanganak noong ika-30 ng Nobiyembre ng 1863 sa isang bahay na pawid sa pook na nasa sa harap ng himpilan ngayón ng pero-karil sa daang Azcárraga, Tundó, Maynila. Ang kanyang amá’y nagngangalang Santiago Bonifacio na ang hanap-buhay ay sastré at ang kanyang ina nama’y Catalina de Castro. Mga taal na taga Maynilà.
  • 19. 19 Isang Pilipinong makabayan at rebolusyonaryo.  Binansagan siyang "Ama ng Katipunan". Siya ang nagtatag at lumaon naging Supremo ng kilusang Katipunan na naglayong makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya at nagpasimula ng Himagsikang Pilipino. Kinikilala rin siya ng ilang mga dalubhasa sa kasaysayan bílang unang Pangulo ng Pilipinas, subalit hindi siya opisyal na kinikilala.
  • 20. 20 Hamak ang pinanggalingang kalagayan sa buhay, kaya’t sinasabing ang kanyang mga natutuhan ay pawang galing sa “paaralan ng karanasan” Umanib o lumahok sa kilusang itinatag ni Jose Rizal-ang LA LIGA FILIPINA Lalong kilala sa pagiging dakilang mandirigma kaysa manunulat
  • 21. 21 MGA AKDA NI A. BONIFACIO  Pag-ibig sa Tinubuang Lupa Ang dapat mabatid ng mga Tagalog Tapunan ng Lingap Ang mga Cazadores Katungkulang Gagawin Ng Mga Anak Ng Bayan (Decalogo)  Mi Abanico Huling Paalam ni Dr. Jose Rizal (Salin ng Mi Ultimo Adios ni Gat Andres Bonifacio)  Katapusang Hibik ng Pilipinas
  • 22. 22 Katapusang Hibik ng Pilipinas Sumikat na, Ina, sa sinisilangan, Ang araw ng poot ng Katagalugan, Tatlong daang taong aming iningatan Sa dagat ng dusa ng karalitaan. Walang isinuway kaming iyong anak Sa bagyong masasal ng dalita’t hirap Iisa ang puso nitong Pilipinas at ikaw ay di na Ina naming lahat. Sa kapuwa Ina’y wala kang kaparis Ang laway ng anak; dalita’t pasakit; pag nagpatirapang sa iyo’y humubik, lunas na gamot mo ay kasakit- sakit.
  • 23. 23 Gapusing mahigpit ang mga Tagalog; makinahit biting parang isang hayop; Hinain sa sikad, kulata at suntok Ito baga, Ina, ang iyong pag-irog? Ipabilanggo mo’t sa dagat itapon; Barilin, lasunin, nang kami’y malipol sa aming Tagalog, ito baga’y hatol Inang mahabagin, sa lahat ng kampon? Aming tinitiis hanggang sa mamatay; Bangkay nang mistula’y ayaw pang tigilan Kaya kung ihulog sa mga libingan, Linsad na ang buto’t lamuray ang laman.
  • 24. 24 Wala nang pamana itong Pilipinas Na layaw sa Ina kundi pawing hirap: Tiis ay pasulong, patente’y nagkalat , Rekargo’t impuwesto’y nagsala-salabat. Sari-saring silo sa ami’y inisip, Kasabay ng utos na tuparing pilit, May sa alumbrado,__ kaya kaming tikis, Kahit isang ilaw ay walang masilip. Ang lupa at bahay na tinatahanan, Bukid at tubigang kalawak-lawakan, At gayon din pati ng mga halaman, Sa paring Kastila ay binabawasan.
  • 25. 25 Bukod pa rito’yang iba’t iba pa, huwag nang saysayin, Oh, Inang Espanya, sunod kaming lahat hanggang may hininga Tagalog di’y siyang minamasama pa. Ikaw nga, Oh, Inang pabaya’t sukaban kami’ydi na iyo saan man humanggan, Ihanda mo, Ina, ang paglilibingan sa mawawakawak na maraming bangkay.
  • 26. 26 Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog ang barila’t kanyong katulad ay kulog, ang sigwang masasal sadugong aagos ng kanilang bala na magpapamook. Di na kailangan sa iyo ang awa ng mga Tagalog, Oh Inang kuhila, paraiso naming ang kami’y mapuksa langit mo naman ang kami’y madusta. Paalam na, Ina, itong Pilipinas, Paalam na, Ina, itong nasa hirap, Paalam, paalam, Inang walang habag, Paalam na ngayon, katapusang tawag
  • 27. 27 Kartilya ni Bonifacio 1. Ibigin mo ang Diyos nang buong puso. 2. Laging isaisip na ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay ang pag- ibig sa bayan at sa kapwa tao. 3. Ikintal mo sa puso na ang tunay na karangalan at kaligayahan ay natatamo sa iyong pagkamatay sapakikilaban sa ngalan ng iyong bayan. 4. Ang lahat ng mabubuti mong hangarin ay makakamtan kung ikaw ay mahinahon, matiyaga, makatwiran at may pag-asa sa iyong gawain. 5. Pangalagaang katulad ng iyong karangalan ang mga kautusan at mga hangarin ng KKK.
  • 28. 28 6. Katungkulan mong iligtas ang buhay na nasa panganib sa pagpupumilit na matupad ang isang marangal na hangarin, kahit mapilitang ihandog mo ang sariling buhayat yaman. 7. Bayaang ang saring pag-uugali at pangingilos sa pagtupad ng ating tungkulin ay maging uliran ng iba. 8. Bahagian mo ng iyong yaman ang bawat dukha at taong kulang-palad sa loob ng iyong makakaya. 9. Ang pagsusumikap at pagpipilit na kumita ng ikabubuhay ay nagpapahayag ng tunay na pagmamahal sa sarili, sa asawa, anak, kapatid at kababayan. 10. May parusa sa bawatsalarin ang taksil, at gantimpala sa lahat ng mabubuting gawa. Manalig na ang puntahin ng KKK ay kaloob ng Maykapal, samaktwid ang hangad ng bayanay hangad din niya.
  • 29. 29 Emilio Jacinto (1875-1899)  Ang tinaguriang “Utak ng Katipunan.” Si Emilio Jacinto ay anak nila Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Namatay agad ang kanyang ama ilang sandali lamang matapos na siya ay isilang na nagtulak sa kanyang ina.  na ipaampon si Emilio sa kanyang tiyuhin na si Don Jose Dizon upang magkaroon ng magandang buhay.
  • 30. 30  Si Emilio ay bihasa sa pagsasalita ng Tagalog at Kastila pero mas gusto niya ang Kastila. Siya ay nag-aral sa Kolehiyo ng San Juan de Letran at nang maglaon ay lumipat sa Pamantasan ng Sto. Tomas para mag-aral ng batas. Hindi niya natapos ang kurso at sa edad na 20 ay sumapi siya sa isang sikretong samahan na ang pangalan ay Katipunan.  Nang mamatay si Bonifacio, ipinagpatuloy ni Jacinto ang paglaban sa mga Kastila bagamat hindi siya sumali sa puwersa ni Aguinaldo. Namatay si Emilio Jacinto sa sakit na malaria noong Abril 16, 1899 sa Majayjay, Laguna sa edad na 23.  Nakilatis ni Bonifacio ang dunong at katapatan ni Jacinto, kaya hinirang niya itong kalihim (secretary) at fiscal (abogado, attorney) ng Katipunan.
  • 31. 31 Akda ni Emilio Jacinto PAHAYAG (1875-1899) ANG KASALANAN NI CAIN (1875-1899) PAHAYAG NG AGOSTO 1897 (1875-1899) SA MAY NASANG MAKISANIB SA KATIPUNANG ITO (1875-1899) Ang Liwanag at Dilim Mga Aral ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan.
  • 32. 32 Mga Aral ng Katipunan sa Kartilya ni Emilio Jacinto 1. Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy (puno) na walang lilim, kundi (man) damong makamandag. 2. Ang gawang magaling na nagbubuhat sa paghahambog o papipita sa sarili (paghahangad na makasarili), at hindi talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan. 3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa't pangungusap sa talagang Katuwiran. 4. Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay; mangyayaring ang isa'y hihigitan sa dunong, sa yaman, sa ganda; ngunit di mahihigitan sa pagkatao.
  • 33. 33 5. Ang may mataas na kalooban, inuuna ang (dangal o) puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri. 6. Sa taong may hiya, salita'y panunumpa. 7. Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala'y mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan nay di na muli pang magdadaan. 8. Ipagtanggol mo ang inaapi;kabakahin (labanan) ang umaapi. 9. Ang taong matalino'y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin;matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim. 10. Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot ng asawa at mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, patutunguhan ng inaakay ay kasamaan din. (Ang simula nito ay obserbasyon sa ugnayan ng babae at lalaki sa panahon ng Katipunan; para sa kasalukuyan, iminumungkahing ipalit ang sumusunod: "Sa daang matinik ng buhay, ang mga magulang ang patnugot ng mag-anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, and patutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.)
  • 34. 34 11. Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isnag katuwang at karamay (ng lalaki) sa mga kahirapan nitong buhay; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyang (pisikal na ) kahinaan, alalahanin ang inang pinagbuhatan at nag-iwi sa iyong kasanggulan. 12. Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba. 13. Ang kamahalan ng tao'y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Diyos, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa: wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking gubat at walang nababatid kundi sariling wika, yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri, yaong di nagpaaapi't di nakikiapi; yaong marunong magdam-dam at marunong lumingap sa bayang tinubuan. 14. Paglaganap ng mga aral na ito, at maningning na sisikat ang araw ng mahal na kalayaan dito sa kaaba-abang Sangkapuluan at sabungan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang magkakalahi't magkakapatid, ng liwanag ng walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagod, at mga tiniis na kahirapa'y labis nang matutumbasan.
  • 35. 35 Pio Valenzuela  Si Pio Valenzuela ay isang Pilipinong manggagamot at isang importanteng tao sa panahon ng Rebolusyong Pilipino laban sa mga kolonyalistang Espanyol. Noong ika-11 ng Hulyo 1869, siya ay isinilang sa Polo, Bulacan (ngayon ay Valenzuela City).  Si Valenzuela ay isang mag-aaral sa medisina ng University of Santos Tomas nang sumali siya sa bagong tatag na Katipunan, isang sikretong lipunan na itinatag ni Andres Bonifacio noong Hulyo 7, 1892 sa Tondo, Maynila. Lihim na itinatag niya ang mga sangay ng Katipunan sa maraming lugar sa Morong (ngayon Rizal province) at Bulacan. Si Dr. Valenzuela din ang kinomisyon ni Bonifacio upang makipag- usap kay Dr. Jose Rizal, na pinatapon sa Dapitan, tungkol sa Katipunan at sa plano ng grupo na bumangon laban sa mga awtoridad ng Espanyol.
  • 36. 36  Umalis siya sa papuntang Dapitan noong Hunyo 15, 1896. Gayunpaman, nagbigay ng babala si Rizal laban sa pagpapalit ng pamahalaan kung saan hindi handa ang mga tao. Sinabi ni Rizal na kinakailangan ang edukasyon, at sa kanyang opinyon pangkalahatang paliwanag ang tanging daan upang umunlad.  Si Valenzuela rin ang tumulong kay Emilio Jacinto sa pagtatag ng "Kalayaan", ang pahayagan ng Katipunan, gamit ang mga ninakaw na makinilya mula sa Diario de Manila.  Nang maglaon, tinanggap ni Valenzuela ang amnestiya na inaalok ng kolonyal na gobyerno ng Espanyol. Sumuko siya noong Setyembre 1, 1896 at pagkatapos ay dineport siya sa Espanya at nabilanggo sa Madrid. Nang maglaon, siya ay inilipat sa Malaga, Barcelona at pagkatapos ay sa isang outpost ng Espanya sa Africa. Siya ay nakulong sa loob ng mga dalawang taon. Sa ilalim ng mga Amerikano, siya ay nabilanggo muli at inihayag bilang isang "radical propagandist".
  • 37. 37  Pagkalipas ng ilang taon, naglingkod siya bilang unang alkalde (sa panahon ng rehimeng Amerikano) ng munisipalidad ng Polo (ngayon ay Valenzuela City) mula 1899 hanggang 1900 bago siya naging gobernador ng lalawigan ng Bulacan (1921-1925). Namatay siya noong Abril 6, 1956 sa edad na 86.  Noong 1963, pinalitan ang pangalan ng bayan ng Polo at tinawag na Valenzuela bilang parangal kay Dr. Pio Valenzuela. Ang munisipalidad ay naging isang lungsod noong 1998.
  • 38. 38 Mga Pahayagan Noong Panahon ng Himagsikan 1.) Kalayaan- ang pamansag ng Katipunan. Itinatag ito noong 1896. Pinamatnugutan ito ni Pio Valenzuela. 2.) Diario de Manila, ang pantulong ng Kalayaan. Natagpuan ng mga kastila ang limbagan nito kaya’t may katibayan sila sa mga plano ng mga Katipunero. 3.) El Heraldo de la Revolicion. Makalwa sanlinggom kung lumabas ang pahayagang ito. Limbag ito sa Unang Republika ng Pilipinas noong 1898. Itinaguyod nito ang kaisipang pampulitika. Nang lumaon, naging Heraldo Filipino ang pangalan nito at kalaunan ay naging Indice Official at Gaceta de Filipinas. Tumagal ang pahayagang ito mula ika- 28 ng Detyembre, 1898 hanggang kalagitnaan ng 1899. Layon nitong pag-alabin ang damdaming makabayan tulad din ng mga naunang pahayagan.
  • 39. 39 4.) La Independencia. Naging patnugot nito si Antonio Luna. Itinatag ito noong ika- 3 ng Setyembre, 1898. 5.) La Republika Filipina. Pinamatnugutan at itinatag ni Pedro Paterno noong 1898. 6.) Ang Bayang Kahapis- hapis. Lumabas noong ika-24 ng Agosto, 1899. 7.) Ang Kaibigan ng Bayan. Lumabas noong 1898. 8.) Ang Kalayaan. Tagapamalitang Tagalog at Capampangan, Tarlac, 1899.
  • 40. 40 Mga kababaihang Miyembro ng Katipunan • Gregoria de Jesus • Josefa Rizal • Melchora Aquino • Marina Dizon • Angelica Lopez-Rizal • Trinidad Tecson
  • 41. 41 Gregoria de Jesus  Asawa ni Andres Bonifacio.  “Lakambini ng Katipunan”  “Ina ng Himagsikan”
  • 42. 42 Trinidad Tecson tinaguriang “Ina ng Biak- Na- Bato” Marina Dizon Josefa Rizal
  • 43. 43 Melchora Aquino  “Ina ng Katipunan”  “Dakilang babae ng rebolusyon”  Kilala bilang “Tandang Sora”
  • 44. 44 Pagkakatuklas ng Katipunan  Nabunyag ang lihim ng Katipunan ng ikinumpisal ito ng kapatid ni Teodoro Patiño kay Padre Mariano Gil noong August 19, 1896.  Sa ginawang paghahalughog sa palimbagan ng Diario de Manila, natuklasan ang mga patalim, resibo at dokumento ng Katipunan.
  • 45. 45 Sigaw sa Pugad Lawin • Pagkatapos mabunyag ang lihim ng Katipunan, tinipon ni Bonifacio ang mga Katipunero sa Balintawak noong Agosto 23, 1896. • Dito napagkasunduan na simulan agad ang Rebolusyon.
  • 46. 46 • Bilang hudyat ng himagsikan,pinunit nila angkanilang mga cedulaat sumigaw ng • “Ligtas na tayosa pagkaalipin”. • “Mabuhayang Pilipinas! Mabuhay ang Katipunan”.
  • 47. 47 Unang Labanan para sa Kalayaan  Noong August 30, 1896, sinalakay ng mga Katipunero ang polverin ng mga Kastila sa San Juan, Manila.  Ipinag-utos ni Gob. Hen Jose Blanco nailagay sa ilalim ng batas militar ang walong lalawigan sa Luzon - Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija at Tarlac.
  • 48. 48 1892- Naging malaking dagok sa mga kasapi ng Kilusang Propaganda ang pagkakatapon kay Dr. Jose Rizal sa Dapitan. 7 July 1892- itinatag ang KKK, isang lihim na samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaang Kastila. 3 July 1892- itinatag ang La Liga Filipina Agosto 29, 1896- Napagkaisahan nilang simulan ang himagsikan pagkaraan ng isang linggo, upang bigyan ng sapat na babala at panahong maghanda ang mga Katipuneros sa mga lalawigan. Agosto 25, 1896- dumating ang isang pangkat ng hukbong Español. Walang sandata maliban sa mga itak, napilitang umurong ang mga Katipuneros at hinabol sila ng mga sundalo hanggang abutan ng gabi sa Balara.
  • 49. 49 Agosto 29, 1896- ihinayag ni Bonifacio ang himagsikan laban sa España. Agosto 30, 1896- pinamunuan nilang dalawa ang 800 Katipunerong sumalakay sa bandang 100 sundalo na masipag umurong at nagkulong sa El Deposito. Agosto 23, 1896- pagkatapos nilang magsugo ng mga pasabi sa mga lalawigan, pinunit nila ang kanilang mga cedula, pahiwatig na hindi na sila paiilalim sa Español kailanman. Ipinahayag nina Bonifacio ang kanilang layunin sa pakikipaglaban sa Pugad- lawin. Pinunit nila ang kanilang mga sedula at isinigaw ang “Mabuhay ang Plipinas!” 19 Agosto, 1896- nabunyag kay Padre Mariano Gil sa pamamagitan ni Teodoro Patiño ang tungkol sa Katipunan.
  • 50. 50 LAHAT NG IYONG MABUTING HANGAD AY NAGWAWAGI KAPAG IKAW AY MAY HINAHON, TIYAGA, KATWIRAN AT PAG-ASA SA IYONG INAASAL AT GINAGAWA. ~ ANDRES BONIFACIO