2. WORDS OF THE DAY
Balangkas Magkakaugnay
Pagkakalahad Pagpapalawak
Katuturan Depinisyon
Paghahawig Pagsisiyasat
Pangangalap Karapat-dapat
Pagpapakahulugan
3. GAWAIN 1. Magkaugnay tayo
Panuto: Gamitin ang iyong sariling kaalaman, ibigay ang mga bagay na
maaari mong iugnay sa salitang pinag-uusapan sa ibaba.
4. Alam mo ba?
Ang talata ay isang maikling kathang binuo ng mga
pangungusap na magkakaugnay, may balangkas, may layunin,
at may pag-unlad ang kaisipang nakasaad sa pinakapaksang
pangungusap na maaaring lantad o di-lantad. Layunin ng isang
talata ang makapaghatid ng isang ganap na kaisipan sa tulong
ng mga pangungusap na magkakaugnay. Upang maging mabisa
ang isang talata, dapat ito ay may isang paksang diwa, buong
diwa, may kaisahan, maayos ang pagkakalahad, at may tamang
pagkakaugnay at pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan.
Sa pagsulat ng talata, mahalaga ring bigyang-pansin ang
pagpapalawak ng paksa upang higit na maging mabisa at
maliwanag ang pagsusulat o paglalahad.
5. May iba’t ibang paraan o teknik ang ginagamit sa pagpapalawak
ng paksa, ilan sa mga ito ang sumusunod:
1. Pagbibigay-katuturan o depinisyon-
-May mga salitang hindi agad-agad maintindihan kaya’t
kailangang bigyan ng depinisyon. Ito’y mga bagay o kaisipang
nangangailangan nang higit na masaklaw na pagpapaliwanag.
Ang kaurian, kaantasan, at kaibahan ng mga salitang ito ay
binibigyang diin sa pagbibigay ng depinisyon.
Halimbawa:
Ang pananaliksik ay isang mapanuri at makaagham na
imbestigasyon o pagsisiyasat ng isang bagay, paksa, o kaalaman
sa pamamagitan ng pangangalap, pagpapakahulugan, pagbubuo,
at paguulat ng mga ideya nang obhetibo,matapat, at may
kalinawan.
6. 2. Paghahawig o Pagtutulad-
-May mga bagay na halos magkapareho o nasa kategoryang iisa.
Samakatuwid, ang mga bagay na magkakatulad ay
pinaghahambing upang mapalitaw ang kanilang mga tiyak na
katangian.
Halimbawa:
Ang buhay ay parang gulong. Minsan nasa ibabaw at minsan
nasa ilalim. Ngunit gaano man kahirap ang buhay ay hindi dapat
agad sumuko.
7. 3. Pagsusuri-
- Ang pagsusuri ay nagpapaliwanag hindi lamang ng mga bahagi
ng kabuoan ng isang bagay kundi pati na rin ang kaugnayan ng
mga bahaging ito sa isa’t isa. Samakatuwid, dahil masaklaw ito,
higit na madaling maintindihan ang kalikasan ng isang bagay sa
pamamagitan ng pagsusuri.
Halimbawa:
Nang mamatay ang kanilang ama, ang kanyang nakatatandang
kapatid na si Prinsipe Madali ang hinirang na bagong hari.
Nagkaroon ng protesta sa mga ranggo. Nais nilang si Prinsipe
Bantugan ang maging bagong hari. Kahit ang mga ordinaryong
mamamayan ay nagsabing si Prinsipe Bantugan ang mas
karapat-dapat maging hari sa dalawang prinsipe.
8. GAWAIN 2. Piliin Mo Ako
Panuto: Piliin ang titik ng pinakawastong sagot at isulat sa
iyong sagutang papel.
1. Ano ang tawag sa kalipunan ng mga pangungusap na
tumatalakay sa iisang paksa?
A. Pangungusap B. Parirala C. Sugnay D. Talata
2. Ano ang tawag sa proseso ng paglalahad sa diwa ng isang
paksa sa anyo ng isang talata?
A. Pagpapalawak sa Idea C. Pagpapalawak sa Talasalitaan
B. Pagpapalawak sa Paksa D. Pagpapalawak sa Talata
9. 3.Aling teknik sa pagpapalawak ng paksa ang ginamit sa talatang
nagbibigay- katuturan sa isang bagay o salita?
A. Pagbibigay- katuturan C. Pagsusuri
B. Paglalahad D. Pagtutulad
4. Kung hinimay sa loob ng talata ang kaugnayan ng bawat bahagi
ng paksang tinatalakay, anong teknik sa pagpapalawak ng paksa
ang naisakatuparan?
A. Pagbibigay- katuturan C. Pagsusuri
B. Paglalahad D. Pagtutulad
5. Aling teknik sa pagpapalawak ng paksa ang naisakatuparan kung
ang katangian ng paksa ay iniuugnay sa isa pang bagay sa loob ng
isang talata?
A. Pagbibigay- katuturan C. Pagsusuri
B. Paglalahad D. Pagtutulad
10. GAWAIN 3: TIK! TAK! TOK!
Panuto:Tukuyin ang mga ginamit na iba’t ibang teknik sa
pagpapalawak ng paksa. Isulat ang TAK kung ang ginamit ay
pagbibigay-katuturan o depinisyon, TIK kung ang ito ay paghahawig
o pagtutulad at TOK kung ito ay pagsusuri.
_____1. Katulad ng isang agilang mataas lumipad, ang isang
taong mataas ang pangarap sa buhay. Kahit anong balakid ang
kanyang kahaharapin matibay ang kaniyang mga pakpak sa
pag-abot ng mga bagay na gusto niyang makamit.
_____2. Dahil sa pandemya naging matumal ang benta ngayon
ng ilang produkto. Ang pariralang matumal ang benta ay
kasingkahulugan ng pariralang mahina ang benta
11. _____3. ”Walang pagkakaiba ang pananaw ng Pangulo at
programa ng department Nof education hinggil sa physical, face-
to-face classes. Ayaw ni President,ayaw din ng Deped na ma-
endanger ang mga bata” -Sec.Leonor Briones-
_____4. Ayon sa kasalukuyang sitwasyon,may ilang variant ang
corona virus na maaaring maipasa ng tao sa tao,(human-to-
human transmission).Kadalasan na nangyayari ito sa malapitang
pakikipagsalamuha sa iba ng taong mayroon nito, gaya sa bahay,
trabaho o health facility.
_____5. Ang edukasyon sa New Normal ay ang isang matinding
hamon sa mga mamamayan. Ito ay walang “Face to face” na
interaksyon sa pagitan ng mag-aaral at guro. Maaaring birtwal
ang komunikasyon dahil iniiwasan ang pagtitipon-tipon sa isang
lugar alinsunod sa health protocol na umiiral.
12. Gawain 5. Bakunado
Panuto: Bumuo ng talata tungkol sa larawan na nasa ibaba.
Gamitin ang mga teknik na natutuhan sa pagpapalawak ng
paksa.
13.
14. Sukatin
I. Pagsuri at Pagtukoy
Panuto: Suriin ang mga talata upang matukoy ang teknik sa
pagpapalawak ng paksa na ginamit sa pagsulat. ( Pagbibigay-
kahulugan, Paghahawig, Pagsusuri)
_______1. Tinatawag na panlapi ang mga morpemang ikinakabit
sa mga salitang-ugat, dahilan upang mabago ang kahulugan at
panahunan nito. May tatlong uri ang panlapi sa wikang Filipino
na kung tawagin ay unlapi, gitlapi, at hulapi. Unlapi ang tawag
sa ikinakabit na panlapi sa unahang bahagi ng salitang- ugat,
gitlapi sa gitna, at hulapi sa hulihan.
15. _______2. Lumaki si Clair na kinaiinggitan ang kaniyang kapatid
na si Loraine. Sa kaniyang pananaw, higit kasi itong maganda,
matalino at kinagigiliwan ng kanilang mga kakilala at magulang.
Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman, kinaiinggitan naman siya ni
Loraine dahil sa taglay nitong lakas ng loob, pagkamaparaan, at
angking talino.
16. II. Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa
Panuto: Sumulat ng tatlong talata gamit ang bawat teknik sa
pagpapalawak ng paksa (1 Pagbibigay- katuturan, 1
paghahawig, 1 pagsusuri). Isulat ang nabuong mga talata sa
iyong sagutang papel.
Paksa sa bawat talata:
1. Blended learning bilang paraan ng pag- aaral (Kahulugan)
2. Blended learning at relasyon sa kaibigan (Pagtutulad)
3. Blended learning at ang dulot nito sa pagkatuto ng mag-
aaral (Pagsusuri)