2. Do you want to edit this presentation?
Gumawa ng kopya at i-
edit sa Google Slides.
1. Sa menu tab, i-click ang File at
pagkatapos ay ang Make a
copy at Entire Presentation.
2. I-type ang pangalan ng file.
3. Piliin kung saan ito isi-save sa
iyong Google Drive.
4. I-click ang OK.
5. May magbubukas na bagong
tab. Hintayin na kompletong
mag-load ang file sa bagong tab.
6. Kapag nag-load na ang file, i-edit
ang presentation na ito gamit
ang Google Slides.
Mag-download ng offline
na kopya at i-edit sa
Microsoft PowerPoint.
1. Sa menu tab, i-click ang File at
pagkatapos ay ang Download as.
2. Piliin ang uri ng file. Piliin ang
Microsoft PowerPoint (.pptx).
3. Hintayin na ma-download ang file
sa iyong local disk.
4. Sa sandaling makompleto ang
pag-download, buksan ang file at
i-edit gamit ang Microsoft
PowerPoint o anumang offline na
program para sa presentation.
Gusto mo bang i-edit ang presentation na ito?
3. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
● Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa
bugtong, salawikain, sawikain, o kasabihan
(eupemistikong pahayag); at
● Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain, o
kasabihan na angkop sa kasalukuyang kalagayan.
(F8WG-Ia-c-17)
Kinakailangan ang araling ito upang higit na maunawaan ang
kasanayan sa pagkatuto na itinakda ng DepEd:
4. Mga Layunin sa Pagkatuto
● natutukoy ang mga angkop na panlapi at hudyat sa
paghahambing sa pagbuo ng mga eupemistikong pahayag at
karunungang-bayan;
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang
natatalakay ang paghahambing at mga eupemistikong
pahayag, na may tuon sa sumusunod:
5. Mga Layunin sa Pagkatuto
● nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa
bugtong, salawikain, o kasabihan (eupemistikong pahayag);
at
● nakasusulat ng sariling bugtong, salawikain, sawikain, o
kasabihan na angkop sa kasalukuyang kalagayan.
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang
natatalakay ang paghahambing at mga eupemistikong
pahayag, na may tuon sa sumusunod:
6. 1. Basahin at unawain ang mga pares ng salita sa talahanayan.
2. Tukuyin kung magkatulad o magkasalungat ang kahulugan
ng mga ito.
3. Gumuhit ng bituin ⭐ sa magkatulad at ▲ tatsulok naman
sa magkasalungat.
4. Gamitin ang talahanayan sa pagsasagawa ng gawain.
5. Gawing gabay ang nakasaad na halimbawa sa talahanayan.
Magkatulad o Magkasalungat?
8. Sagutin:
1. Madali mo bang natukoy kung magkatulad o
magkasalungat ang pares ng mga salita? Bakit?
2. Sa iyong palagay, paano makatutulong ang kaalaman
mo sa magkatulad at magkasalungat na salita sa
pagkukumpara o paghahambing?
11. Pagganyak
Sagutin:
● Ano-ano ang naiisip ninyo kapag naririnig ang salitang
“paghahambing”?
● Kailan ba ginagamit ang paghahambing?
12. Mahahalagang Tanong
● Ano ang mga eupemistikong pahayag?
● Ano ang iba’t ibang uri ng paghahambing?
● Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng sariling
makabagong karunungang-bayan?
13. Gawain
1. Hatiin ang papel sa dalawang bahagi. Isulat sa kaliwa ang
Give One at sa kanan ang Get One.
2. Ipatala sa kaliwang hanay ang mga paghahambing na
ginamit sa mga pahayag na ipakikita ng guro.
3. Sa kanan naman ilalagay ang sagot ng kamag-aral.
Gawain 1: Give One, Get One
14. Gawain
Gawain 2: Pair Up
1. Sa hudyat na pair ng guro, papiliin ang mga mag-aaral ng
makakakapares sa gawain.
2. Tukuyin ang paghahambing sa bawat kahon.
3. Isagawa ang pagpapares para sa dalawa pang
pangungusap.
15. Gawain
Gawain 2: Pair Up
Butas ang bulsa ni
George gaya ni
Anton dahil pareho
silang wala pang
trabaho.
Mas halang ang
kaluluwa ng mga taong
kurakot kaysa mga
sinungaling.
Di-masyadong buto’t
balat ang
pangangatawan ni
Kathy kaysa kay Joan.
3. Gawin ang pagpapares para sa dalawa pang pangungusap.
16. Pagsusuri
1. Ano ang pagkakaiba ng paghahambing na palamang
at pasahol?
2. Bakit gumagamit ng mga eupemistikong pahayag?
3. Ano ang kadalasang salitang ginagamit sa mga
bugtong?
Para sa Gawain 1: Give One, Get One
17. Pagsusuri
1. Ano ang pagkakaiba ng paghahambing sa mga
eupemistikong pahayag?
2. Bakit mahalaga ang kaalaman sa paghahambing at
eupemistikong pahayag?
3. Paano makatutulong ang paghahambing sa pagbuo ng
mga eupemistikong pahayag?
Para sa Gawain 2: Pair Up
18. Pagsusuri
4. Paano makatutulong ang paghahambing at
eupemistikong pahayag sa pagbuo ng karunungang-
bayan?
Para sa Gawain 2: Pair Up
19. A. Tukuyin kung pahambing na magkatulad o pahambing
na di-magkatulad ang ginamit sa sumusunod na pahayag.
Isulat ang sagot sa patlang sa ilalim ng bawat bilang.
1. Ang buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw,
minsang nasa ilalim.
__________________________________________
1. Ang mabuting halimbawa ay higit na mabisa kaysa
pahayag na dakila.
__________________________________________
20. A. Tukuyin kung pahambing na magkatulad o pahambing
na di-magkatulad ang ginamit sa sumusunod na pahayag.
Isulat ang sagot sa patlang sa ilalim ng bawat bilang.
3. Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak.
__________________________________________
3. Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop
at malansang isda.
__________________________________________
21. A. Tukuyin kung pahambing na magkatulad o pahambing
na di-magkatulad ang ginamit sa sumusunod na pahayag.
Isulat ang sagot sa patlang sa ilalim ng bawat bilang.
5. Parehong kaliwa ang paa niya kaya hindi siya makasunod
sa musika ng sayaw.
__________________________________________
22. B. Ibigay ang angkop na panlapi at hudyat na salita sa paghahambing
upang mabuo ang diwa ng sumusunod na eupemistikong pahayag
at karunungang-bayan. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang kaginhawaan ay ______ matatagpuan sa kasiyahan kaysa
kasaganaan.
A. mas B. tulad C. di-gaanong
1. Ang buhay ay ________ ng gulong, minsan ay nasa ibaba, minsan
ay nasa ilalim.
A. mas B. tulad C. di-gaanong
23. B. Ibigay ang angkop na panlapi at hudyat na salita sa paghahambing
upang mabuo ang diwa ng sumusunod na eupemistikong pahayag
at karunungang-bayan. Piliin ang titik ng tamang sagot.
3. _______ na nakalulula ang presyo ng bilihin noong nakaraang
taon kaysa ngayon.
A. higit B. di-gaanong C. di-gasinong
3. _______ na nakakapaso ang init ng araw tuwing buwan ng Marso
kaysa Disyembre.
A. mas B. di-hamak C. di-gasinong
24. B. Ibigay ang angkop na panlapi at hudyat na salita sa
paghahambing upang mabuo ang diwa ng sumusunod na
eupemistikong pahayag at karunungang-bayan. Piliin ang titik
ng tamang sagot.
5. Ang napanood na pelikula ni Richmond ay ______
nakapaninindig ng balahibo kaysa pelikulang Haunted
Forest.
A. mas B. di-hamak C. di-gasinong
25. Paglalapat
● Ano-ano ang dapat tandaan sa paghahambing?
● Sa inyong palagay, ano-ano ang posibleng implikasyon ng
hindi wastong paggamit ng paghahambing sa
paglalarawan o pagpapahayag?
● Paano matitiyak na wastong nailalapat ang paghahambing
sa pagbubuo ng sariling karunungang-bayan?
26. Pagpapahalaga
Paano mo mapauunlad ang kaalaman at kasanayan sa
paggamit ng paghahambing at eupemistikong pahayag at
pagbuo ng karunungang-bayan sa pang-araw-araw mong
pakikipagtalastasan?
27. Inaasahang Pag-unawa
● Itinuturing na eupemistikong pahayag ang mga pananalitang
nagkukubli sa tahasang kahulugan ng isang pahayag, tulad ng
pamumuna, karahasan, kabastusan, at iba pang may
matatalim na mensahe.
● Nahahati sa dalawang uri ang paghahambing—ang
pahambing na magkatulad at pahambing na di-magkatulad.
28. Inaasahang Pag-unawa
● Naisaalang-alang sa pagbuo ng mga karunungang-bayan ang
paggamit ng paghahambing at eupemistikong pahayag, na
nagtataglay ng mga taludtod, pagpapakita ng kultura at
tradisyon, pagiging matalinghaga, pagiging maikli,
napapanahon, at nakapupukaw ng interes ng mga tao.
29. Dapat Tandaan
● Ang paghahambing ay isang paraan ng pagpapahayag na
nagkukumpara ng mga bagay o salitang magkatulad o
hindi magkatulad ang anyo at katangian.
● Ang pahambing na magkatulad ay patas o magkatulad
ang katangian ng pinaghahambing.
30. Dapat Tandaan
● Ang pahambing na palamang ay paghahambing ng mas
malaki o nakahihigit kaysa isa. Samantala, ang pahambing
na pasahol ay naghahambing ng mas maliit o kulang sa
katangian kumpara sa isa.
● Ang eupemistikong pahayag ay mga pananalitang
nagkukubli sa tahasang kahulugan ng isang pahayag.
31. Dapat Tandaan
● Binubuo ng taludturan ang bugtong at salawikain sa
pamamagitan ng matatalinghagang pahayag na
ginagamitan ng paghahambing at eupemistikong
pahayag.
● Kinakailangang angkop sa kasalukuyang panahon at
nakapupukaw ng interes ang bubuuin o isusulat na
karunungang-bayan.
32. Paglalagom
● Mahalagang malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa
pagsulat ng sarili at makabagong karunungang-bayan
sapagkat sinasalamin nito ang patuloy na pag-unlad ng
panitikang may-tuon sa pagpapahalagang pantao.
● Magagamit ng mga mag-aaral ang paghahambing sa
paglikha ng sarili at makabagong karunungang-bayan,
gayundin sa mabisang pakikipagtalastasan sa araw-araw.
33. Kasunduan
Sumulat ng limang pangungusap na naghahambing sa mga
larawan. Gumamit ng dalawang magkatulad na paghahambing
at tatlong di-magkatulad na paghahambing sa bawat bilang.
1. Di-magkatulad
2. Di-magkatulad
3. Magkatulad
4. Magkatulad
5. Di-magkatulad
Larawan A Larawan B
34. Sanggunian
Arevalo, Miguel Victor. 2002. Tekstong Patnubay sa Pag-aaral ng Gramatika. Lungsod Quezon: C & E. Publishing Inc.
Badayos, Paquito. 2008. Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng/ sa Filipino (Mga Teorya, Simulain at Istratehiya). Lungsod Valenzuela:
Mutya Publishing House.
Eugenio, Damiana. 1989. Philippine Folk Literature: The Folktales. Lungsod Quezon: University of the Philippines Press.
Lazaro, Nina Christina at Lydia B. Liwanag. 2006. Interaktibong Modyul sa Filipino. Lungsod Quezon: New Star Publishing House.
Santiago, Alfonso O. at Norma G. Tiangco. 1991. Makabagong Balarilang Filipino. Lungsod ng Maynila: Rex Book Store.
Jomar G. Adaya, et al. 2012. Retorika at Masining na Pagpapahayag: Kasaysayan, Teorya, Antolohiya at Praktika. Lungsod Malabon:
Jimczyville Publications.
Jose Arrogante, et al. 2004. Panitikang Filipino (Antolohiya) Binagong Edisyon. Lungsod Mandaluyong: National Bookstore.
Lilia D. Antonio, et al. 2008. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Lungsod Quezon: C & E Publishing, Inc.