3. _____ 1. Ang ponemang suprasegmental ay
mahalaga para sa mabisang pakikipagtalastasan.
_____ 2. Nakatutulong ito upang maging malinaw
at wasto ang mensaheng nais iparating ng
tagapagsalita.
_____ 3. Nakatutulong ito upang maging kaakit-
akit at kapani-paniwala ang pagsasalita ng isang
tao.
4. _____ 4. Naipaparating ang mas maliwanag at
wastong damdamin o kaisipan ng
nagpapahayag.
_____ 5. Nakadaragdag ito ng kasiningan at
kagandahan sa pagpapahayag.
5. Balik-aralan mo ang tungkol sa nais ipakahulugan ng mga bantas.
Ipaliwanag ang mensahe/kahulugan ng mga pangungusap na may
iba’t ibang bantas.
6. Dahil sa proyektong COVAX ng World Health Organization o
WHO, mas naging maaga ang pagdating ng mga bakuna kontra
Covid-19 dito sa Pilipinas. Prayoridad na mabakunahan ang mga
frontliners at mga manggagawang Pilipino. Kung sakaling
dumating ang panahon na babakunahan na rin ang mga
kabataang tulad mo, papayag ka ba? Ipaliwanag ang iyong sagot.
________ Hindi ako papayag magpabakuna.
________ Hindi, papayag ako magpabakuna.
7. Ating Basahin!!!
Basahin ang usapan ng isang mag-anak tungkol sa bakuna
kontra Covid-19 habang sila ay nanonood ng balita sa
telebisyon.
Pahina 2-4
8. 1. Tungkol saan ang usapan ng mag-anak?
2. Alin sa mga ideyang nabanggit ang sinasang-ayunan mo at
alin ang hindi?
3. Basahin ang mga salitang nakaitim sa usapan. Salungguhitan
angkahulugan ng mga salitang ito batay sa konteksto ng
pangungusap.
a. Bukas (sa susunod na araw, hindi sarado)
b. Kita (kumita ng pera, nasilayan)
c. Buhay (humihinga pa, taglay ng tao mula pagkasilang)
d. Galing (may pinagmulan, mahusay)
e. Saya (ligaya, pambansang kasotan ng babae)
9. 4. Ano ang damdamin na namamayani sa mga sumusunod na
pahayag batay sa tono ng pagkakasabi nito sa binasang usapan.
a. May bakuna na! - ____________________
b. Hinding hindi talaga ako magpapabakuna! - _____________
c. Tama ka dyan anak! - ____________________
5. Paano nakatulong ang mga pahayag na nabanggit sa aytem 4
upang higit nating maunawaan ang usapan ng mag-anak?
10. Ang Ponemang Suprasegmental ay mahalaga para sa mabisang
pakikipagtalastasan. Nakatutulong ito upang maging malinaw at wasto ang
mensaheng nais iparating ng tagapagsalita. Gayundin ang pagpaparating
ng tamang damdamin at kaisipan.
1. Intonasyon o Tono
Tumutukoy ang tono sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita na
maaaring maghudyat ng kahulugan ng salita kahit magkapareho pa ng
baybay ang mga salita. Ang tono ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin.
Halimbawa:
➢ May disiplina ang mga Marikeño. (Naglalahad)
➢ May disiplina ang mga Marikeño! (Nagmamalaki)
➢ May disiplina ang mga Marikeño? (Nagtatanong)
11. 2. Diin
Ang lakas o bigat sa pagbigkas ng isang salita o pantig ay
nagpapahiwatig ng kahulugan.
➢ /ba.sa/ (read)
➢ /basa/ (wet)
➢ /la.bi/ (lips)
➢ /labi/ (remains/dead body)
12. 3. Antala
Tumutukoy sa pansamantalang pagtigil sa pagsasalita upang
higit na maging malinaw ang mensahe. Kadalasang gumagamit
ng kuwit, tuldok, tutuldok, tuldok-kuwit upang maipakita ito.
➢ Hindi malinis sa aming lugar. (Sinasabing hindi malinis ang
kanilang lugar)
➢ Hindi, malinis sa aming lugar. (Pinasusubalian at sinasabing
malinis ang kanilang lugar)
13. Iyong isaisip din na bukod rito ay nakatutulong
din ang mga di-berbal na palatandaan gaya ng
kumpas ng kamay, reaksyon ng mukha, galaw ng
mata at katawan sa mabisang pagpapahayag.
Sa ating pang-araw-araw na pakikipagkomunika
sa kapwa, marami tayong nagagamit na mga di-
berbal na palatandaan gaya na lamang ng mga
sumusunod:
14. ➢ Pagnguso - pagtuturo sa isang bagay
➢ Paglaki ng mata - maaaring nanakot o
naninindak
➢ Pagtaas ng kamay - pagkuha ng atensyon ng
iba (ginagamit sa oras ng klase)
➢ Pagtaas ng balikat - hindi alam o ewan
➢ Saradong kamay - nagpapahayag ng galit
15. Gawin ang mga sumusunod Offline:
• Tayahin ( Pahina 7-8 )
• Karagdagang Gawain ( Pahina 8 )
• Ipasa sa Google Form na matatagpuan sa
ating Google Classroom.