SlideShare a Scribd company logo
1 of 16
Download to read offline
Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 5:
Komunikatibong Gamit ng Wika
sa Lipunan
AIRs - LM
LU_Q1_KomPan_Module5
Senior High School
LU_Q1_KomPan_Module5
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Baitang 11 – Unang Semestre
Unang Markahan - Modyul 5: Komunikatibong Gamit ng Wika sa Lipunan
Ikalawang Edisyon, 2021
Karapatang sipi © 2021
La Union Schools Division
Region I
Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o pagkuha
ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.
Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________
Department of Education – SDO La Union
Office Address: Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Emelaine M. Areola
Mga Tagasuri: Justine Carlos G. Villanueva, Ana Jane M. Morales
Gracia G. Garcia at Jonabelle R. Rimando
Editor: Alvin D. Mangaoang
SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Angela Pauline C. Ganuelas
Tagapamahala:
Atty. Donato D. Balderas Jr.
Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, PhD, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II
LU_Q1_KomPan_Module5
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 5:
Komunikatibong Gamit ng Wika
sa Lipunan
(Mga Konsepto, Gamit at Tungkulin
ng Wika sa Lipunan)
Senior High School
LU_Q1_KomPan_Module5
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan naming magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kaming matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
1
LU_Q1_KomPan_Module5
Sapulin
Magandang araw sa iyo mahal kong mag-aaral! Sabik ka na bang magpatuloy
sa iyong pag-aaral? Marahil ay oo kaya humanda ka na, sapagkat ang pag-aaralan
nating aralin ay susubok sa iyong malalim na pagpapakahulugan sa
komunikatibong gamit ng wika sa lipunan.
Sa nakaraang modyul, iyong napag-aralan ang mga iba’t ibang mga terminong
pangwika. Nagkaroon ka ng malalim na pag-unawa sa kung papaano nagagamit ang
mga mahahalagang mga konseptong pangwika na ito sa pang-araw-araw mong
pakikisalamuha at pagkilos sa lipunan na iyong kinagagalawan.
Sa Modyul 5 naman, mas palalalimin pa natin ang iyong pagpapahalaga sa
kahalagahan ng wika sa komunikasyon. Iyong matutuklasan ang mga konseptong
nakapaloob sa pakikipag-ugnayan sa mga iba’t ibang gamit ng wika na
makatutulong sa atin sa mga sitwasyon na maaari mong kasangkupan.
Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang malilinang mo ang sumusunod:
Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs):
1. Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
(F11PT-Ic-86); at
2. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng
napanood na palabas sa telebisyon at pelikula. (F11PD-Id-87)
Mga Tiyak na Layunin:
1. Natutukoy ang katuturan ng iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan;
2. Natutukoy ang mga pahayag na nagpapakita ng gamit ng wika;
3. Nakasusulat ng halimbawa ng mga pangungusap sa bawat gamit ng wika;
at
4. Nakasululat ng sanaysay batay sa napanood na teleserye o pelikula sa
tulong ng gamit ng wika.
Handa ka na ba? Halika! Sabay nating palalimin pa ang ating mga kaalaman
sa ating wika!
2
LU_Q1_KomPan_Module5
Aralin
5
Gamit ng
Wika sa Lipunan
Simulan
Bago tayo magsimula sa ating talakayan tungkol sa gamit ng wika ay
sasagutin mo muna ang paunang gawain para masukat ang iyong inisyal na
kaalaman sa araling ating tatalakayin.
Gawain1: Paunang Gawain
A. Panuto:Basahin at unawain ang mensahe ng sumusunod na mga pahayag. Ano
ang masasabi mo sa mga paalalang ito? Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
MAGSUOT NG FACEMASK
TUWING LALABAS
BAWAL UMIHI RITO
MAY MULTA
3
LU_Q1_KomPan_Module5
B. Panuto:Kilalanin mo ang tinutukoy ng mga pahayag na nasa loob ng bituin. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.
Gawain 2: Hugot Ko, Hula Mo
Panuto:Basahin mo ang pahayag sa bawat bilang at hulaan mo kung anong
pamagat ng pelikula o teleserye binanggit ang sumusunod. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.
1. “Sana ako pa rin… ako na lang…ako na lang ulit...” -Bea Alonzo
2. “Gusto ko, gumanda ang buhay ko… gusto ko, maipagmalaki ako ng pamilya
ko.”-Kathryn Bernardo
3. “May kulang ba sa akin? May mali ba sa akin? Pangit ba ako?”-Liza Soberano
4. “Oo na, ako na! Ako na mag-isa!” -Jennylyn Mercado
5. “Walang maiinip sa taong tapat ang hangarin. Walang susuko sa taong totoo
ang tibok ng puso. Ang pag-ibig na hinihintay ang tamang panahon, ay pag-
ibig na magtatagal sa mahabang panahon.” -Lola Nidora
Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain. Ngayon, pag-
aralan mo ang komunikatibong gamit ng wika sa lipunan.
Pambansang Bae
Surfing Capital of the North
“Nakasisiguro gamot ay laging
bago”
Hari ng Padala
Queen of All Media
4
LU_Q1_KomPan_Module5
Lakbayin
Sa bahaging ito aking mahal na mag-aaral, tayo ay maingat na maglalakbay
upang pag-aralan ang komunikatibong gamit ng wika sa lipunang ating
ginagalawan.
Alam mo bang…
Wika ang midyum na ginagamit natin sa komunikasyon? Wika ang
instrumento sa paghahatid ng mensahe at palitan ng reaksiyon ng mga nag-uusap.
• May mga gamit ang wika ayon sa intensiyon ng nagsasalita. Halimbawa, sa
mga plakard sa itaas, ang intensyon ng pahayag na “Magsuot ng Facemask
Tuwing Lalabas” ay magbigay ng paalala sa mga taong lalabas na ugaliin ang
pagsusuot ng facemask para huwag mahawa sa sakit.
• Sa “Bawal Umihi Rito, May Multa!” ay nagbibigay ng impormasyon na
ipinagbabawal ang umihi sa lugar na iyon at ang sinomang iihi ay
magmumulta.
• Sa mga salitang Pambansang Bae, Surfing Capital of the North, Hari ng
Padala at iba pa ay mga pagkakakilanlang ikinakabit sa tao o lugar.
Ngayon ay magsisimula ka na sa ating aralin. Pag-aaralan mo ang iba’t ibang
gamit ng wika. Unawaing mabuti ang iyong babasahin upang lubusang maintindihan
ang pagkakaiba-iba ng gamit ng wika.
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
A. Conative
➢ Ito ang gamit ng wika sa paghimok at pag-impluwensiya sa iba sa
pamamagitan ng pag-utos at pakiusap.
➢ Ito ay nakatuon sa pagbibigay ng utos, o babala sa kausap o grupo ng mga
tao.
➢ Sa pamamagitan ng conative na gamit ng wika ay gusto nating humimok o
manghikayat, may gusto tayong mangyari o gusto nating pakilusin ang isang
tao.
Halimbawa:
“Huwag kang papatay”.
“Bawal tumawid. May namatay na rito”.
“Ano pang hahanapin mo? Dito ka na! Bili na!”
“Huwag po ninyong kalimutang isulat ang pangalan ko sa inyong balota!”
5
LU_Q1_KomPan_Module5
B. Informative
➢ Ito ang gamit ng wika sa mga sitwasyong may gusto tayong ipaalam sa tao.
Nagbibigay tayo ng mga datos at kaalaman at nagbabahagi sa iba ng mga
impormasyong nakuha o narinig natin.
Halimbawa:
Narrative Report, Balita, Ulat –Panahon, Kaalaman, Sarbey, Interbyu
Bigyang pansin ang usapan ng guro at kaniyang mga mag-aaral.
Guro: Alam ba ninyo ang mga propesyon ni Dr. Jose Rizal? Magbigay ng
mga halimbawa.
Pedro: Doktor po!
Jose: Manunulat po!
Batay sa halimbawang sitwasyon na iyong binasa, nagbigay ng mga
datos at kaalaman ang mga mag-aaral sa tanong ng guro.
C. Labeling
➢ Ito ang gamit ng wika kapag nagbibigay tayo ng bagong tawag o pangalan sa
isang tao, lugar o bagay.
➢ Madalas, nagbibigay tayo ng bagong pangalan, tawag, o bansag sa mga tao,
lugar o bagay batay sa pagkakakilala o pagsusuri natin sa kanila.
➢ Sinusuri natin ang mga taong nakakasalamuha natin. Ang kanilang ugali,
pisikal na anyo, trabaho, hilig, gawi, at iba pa.
➢ Ang pagsusuri natin sa kanila ang nagbibigay-daan para bansagan o bigyan
natin sila ng label o ng katawagan.
➢ May mga pagkakataon na batay sa trabaho ang pagbibigay ng bansag sa isang
tao. Halimbawa: “Tonyong magpuputo” kung ang trabaho ay paglalako ng
puto. Sa paaralan, may tinatawag ang mga estudyante na “Kuya Guard,”
“Manong Jani”, at iba pa. Nakabatay ang tawag na ito sa trabaho nila sa
paaralan bilang guwardiya, o tagapanatili ng kalinisan.
➢ Sa literaturang Pilipino, may mga manunulat na gumamit ng bansag o label
sa kanilang mga tauhan. Marahil ay naaalala mo pa si “Impeng Negro”
(Rogelio R. Sikat), si “Pilosopo Tasyo” (Jose Rizal), si “Sisang Baliw” (Jose
Rizal), at marami pang iba.
➢ Sa totoong buhay, marami rin tayong binibigyan ng bansag sa ating mga
kaibigan, kapamilya, guro, politiko, artista, mga nasa larangan ng media,
isports, military, at iba pa. Binibigyan natin sila ng bansag kung ano ang
pagkakilala natin sa kanila at kung paano natin sila sinusuri.
Halimbawa:
Ina ng Demokrasya Unkabogable Star Kapuso
Surfing Capital of the North bagong bayani fashionista
Tandaan: Maging magalang tayo sa gamit na Conative kung nag-uutos tayo. Tiyakin
nating tama at totoo ang gamit natin ng Informative kung nagbibigay tayo ng mga
kaalaman at impormasyon. Higit sa lahat, iwasan natin ang pagbibigay ng
negatibong bansag o label sa ating kapwa na maaaring makasakit ng damdamin.
6
LU_Q1_KomPan_Module5
D. Phatic
➢ Nagtatanong o nagbubukas ng usapan ang isang pahayag. Karaniwang maikli
ang usapang phatic.
➢ Tinatawag itong Social Talk o Small Talk. Ginagamit natin ang ito bilang
panimula ng usapan.
➢ Sa isang pag-uusap, ang bahagi lamang ng pagbubukas ng usapan ang
phatic.
Halimbawa:
“Magandang umaga”. “Magaling na ba siya?”
“Kumusta ka na?” “May problema ka ba?”
“Masama ba ang pakiramdam mo?”
E. Emotive
➢ Ito ang gamit ng wika na nagpapahayag ng damdamin o emosyon gaya ng
lungkot, awa, tuwa, takot, at iba pa sa pang-araw-araw nating pakikipag-
ugnayan.
➢ Ito rin ay nagpapahayag ng damdamin o pagpapalutang ng karakter ng
nagsasalita.
➢ May mga pagkakataong naibabahagi natin ang ating nararamdaman o
emosyon sa ating kausap.
Halimbawa:
“Nakatutuwang isipin na sa panahon ng pandemya ay lalong
nagbabayanihan ang mga tao”.
“Kinakabahan ako. Ako na ang susunod na magtatanghal”.
“Natatakot ako na baka lumala pa ang madapuhan ng COVID sa ating
bansa”.
F. Expressive
➢ Ang expressive na gamit ng wika naman ay nagpapakita ng sariling
saloobin o kabatiran, idea, at opinyon.
➢ Nakatutulong ito sa atin upang mas makilala at maunawaan tayo ng ibang
tao. Gayondin sa pagbuo ng isang kaaya-ayang relasyon sa ating kapuwa.
Halimbawa:
“Ayaw ko sa foreign artist”.
“Para sa akin, magagaling ang grupo ng BTS”
“Sa tingin ko matatalino na ang mga botante ngayon”.
Iyan ang mga iba’t ibang komunikatibong gamit ng wika sa lipunan. Batid ko
aking mahal na mag-aaral na nauwaan mo ang malalim na pagtalakay sa ating aralin
kung kaya’t gawin mo ang sumusunod na mga gawain.
7
LU_Q1_KomPan_Module5
Galugarin
Gawain 3: Tukuyin Mo
Panuto:Sipiin ang mga pahayag sa talata na nagpapakita ng conative o informative
na gamit ng wika. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
Tuwing Darating ang Eleksyon
Isa ang panahon ng eleksyon sa maituturing na mahalagang panahon sa
ating bansa. Mahalaga ito sapagkat sa panahong ito tayo pumipili ng mga taong
gusto nating maglingkod sa atin. Huwag nating ipagkatiwala ang kinabukasan
ng ating bayan sa mga kandidatong hindi karapat-dapat na maglingkod sa atin.
Dapat na maging matalino tayo sa pagpili ng mga kandidatong iboboto natin.
Huwag tayong basta maniwala sa kanilang mga sinasabi at ipinapangako sa
atin. Lagi nating isaisip ang tatlo hanggang anim na taong pag-upo nila sa
puwesto. Kapag nagkamali tayo sa pagpili sa kanila, hindi natin sila kaagad
mapapalitan.
Kung dati nang nanalo ang kandidato at tumatakbong muli, balikan natin
ang kaniyang naging paglilingkod. Balikan natin ang kaniyang mga nagawa.
Alamin natin ang mga naitulong niya sa pagsulong ng bayan at saka tayo
magdesisyon kung muli ba natin siyang pagkakatiwalaan o hindi na. Kapag
bagong tumatakbo ang kandidato, alamin natin ang mahahalagang
impormasyon tungkol sa kaniyang propesyon, pamilya, at pagkatao. Huwag
tayong magpadala sa tamis ng pananalita ng isang kandidato.
Tuwing darating ang eleksyon, gamitin natin at huwag balewalain ang
isang mahalagang pamana sa atin ng demokrasya – ang pagboto. Piliin natin
ang mga kandidatong maglilingkod sa atin. Nasa matalino nating pagpapasiya
nakasalalay ang kinabukasan ng ating bayan.
Gawain 4: Isulat Mo!
Panuto:Sumulat ng tatlong halimbawa ng pangungusap na nagpapakita ng gamit
ng wika na phatic, emotive, at expressive. Isulat sa sagutang papel ang iyong
sagot.
Phatic:
1. ___________________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________________
3. ___________________________________________________________________________
Emotive:

Expressive:

Magaling! Binabati kita sapagkat nasagot mo ang mga gawain nang buong
husay. Ngayon, mas linangin pa natin ang iyong kasanayang pampagkatuto sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng inaasahang awtput sa araling ito.
8
LU_Q1_KomPan_Module5
Palalimin
Gawain 5: Nood-Sanaysay
Panuto: Batay sa napanood na bahagi ng teleserye o pelikula, sumulat ng isang
sanaysay tungkol dito at gamitin ang iba’t ibang gamit ng wika. Salugguhitan ang
mga salita o pahayag na nagpapakita ng gamit ng wika at tukuyin kung anong gamit
nito. Isulat ang iyong nabuong sanaysay sa isang buong papel. Ibatay ang iyong
sagot sa rubrik.
Rubrik sa Pagtataya ng Awtput
Nilalaman Mayaman sa mga nalikom na impormasyon.
Malinaw na naihahanay ang mga
impormasyon.
Naglalaman ng mga iba’t ibang gamit ng
wika.
Puntos
25
Pagsulat Wasto ang pagbabaybay ng mga salita at
mga bantas na ginamit.
Malinaw at nauunawaan ang daloy ng
kaisipan ng sanaysay.
15
Dating Humahamon sa mapanuring pag-iisip ng
mambabasa.
10
Kabuoang
puntos
50
Sukatin
Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa bahaging ito ng modyul. Sigurado
akong marami kang natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon,
ating tatayahin ang iyong kaalaman sa nakalipas na mga aralin.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Isulat mo sa iyong sagutang papel ang gamit ng wika sa bawat pahayag.
Isulat ang A kung conative, B kung informative, at C kung labeling.
Letra lamang ang isulat.
_____ 1. Star for all Seasons
_____ 2. PacMom
_____ 3. Mercury - “Nakasisiguro gamot ay laging bago.”
_____ 4. “Sakay na!”
_____ 5. Huwag magkopyahan ng sagot
9
LU_Q1_KomPan_Module5
Lubos na Mahusay! Binabati kita sa
matiyaga mong pagsama sa pagtalakay sa
mga aralin. Alam kong nakapapagod
maglakbay ngunit sulit naman dahil
matagumpay mong natutuhan ang mga
dapat mong malaman sa gamit ng wika sa
lipunan. Ihanda mo ang iyong sarili sa
kasunod na modyul – Modyul 6: Tungkulin ng
Wika sa Lipunan.
_____ 6. Filipino ang wikang pambansa ko.
_____ 7. Nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang buong
Kamaynilaan.
_____ 8. Tulungan mo naman akong gumawa ng proyekto ko.
_____ 9. Lumayas ka ngayon din.
_____ 10. Malapit na ang SONA ni Pangulong Duterte.
_____ 11. Mr. Palengke
_____ 12. Tama na, sobra na, palitan na!
_____ 13. Siya ang prinsesa ng selfie
_____ 14. Magkakaroon ng fire drill sa Lunes ng umaga.
_____ 15. Jack of all Trades
B. Panuto: Tukuyin kung Phatic, Emotive o Expressive ang bawat pahayag. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
_____ 1. “Napakasaya ko ngayong araw na ito.”
_____ 2. “Magandang araw po!”
_____ 3. “Nakapapangamba ang nangyayari ngayon.”
_____ 4. “Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.”
_____ 5. “Natatakot ako.”
_____ 6. “Bes! Kumusta ka na?
_____ 7. “Paborito ko ang luto niyang pansit.”
_____ 8. “Gustong-gusto kong panoorin ang teleseryeng Legal Wives.”
_____ 9. “Awang-awa ako sa mga frontliners sa panahon ng COVID-19.
_____ 10. “May problema ka ba?”
10
LU_Q1_KomPan_Module5
ARALIN
5
(Gamit
ng
Wika
sa
Lipunan)
SIMULAN
Gawain
1:
Paunang
Gawain
A.
Iba-iba
ang
sagot
B.
Pambansang
Bae
-
Alden
Richards
Surfing
Capital
of
the
North
-
San
Juan,
La
Union
“Nakasisiguro
gamot
ay
laging
bago”
-
Mercury
Drug
Store
Hari
ng
Padala
-
LBC
Queen
of
All
Media
-
Kris
Aquino
Gawain
2:
Hugot
Ko,
Hula
Mo
1.
One
More
Chance
2.
Barcelona
3.
My
Ex
and
Whys
4.
English
Only,
Please
5.
Kalyeserye
(Eat
Bulaga)
GALUGARIN
Gawain
3:
Tukuyin
Mo
Ang
eleksyon
ay
pagpili
ng
maglilingkod
Huwag
nating
ipagkatiwala
ang
kinabukasan
ng
ating
bansa
Dapat
maging
matalino
tayo
Huwag
tayong
basta
maniwala
Alamin
natin
ang
mahahalagang
impormasyon
tungkol
sa
kanya
Huwag
tayong
magpapadala
sa
tamis
ng
pananalita
ng
kandidato
Gamitin
nating
ang
mahalagang
pamana
sa
atin
ng
demokrasya-ang
pagboto
Piliin
natin
ang
mga
kandidatong
maglilingkod
sa
atin
Gawain
4:
Isulat
Mo!
Iba-iba
ang
sagot
PALALIMIN
Gawain
5:
Nood-Sanaysay
Iba-iba
ang
sagot
SUKATIN
PANGWAKAS
NA
PAGTATAYA
A.
1.
C
2.
C
3.
C
4.
A
5.
A
6.
B
7.
A
8.
A
9.
A
10.
B
11.
C
12.
A
13.
C
14.
B
15.
C
B.
1.
Emotive
2.
Phatic
3.
Emotive
4.
Expressive
5.
Emotive
6.
Phatic
7.
Expressive
8.
Expressive
9.
Emotive
10.
Phatic
Susi sa Pagwawasto
11
LU_Q1_KomPan_Module5
Sanggunian
Taylan. D.R., et.al (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Sampaloc Manila: REX Bookstore, Inc.
Bernales.R.A., et.al (2016). Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Malabon City:
Mutya Publishing House, Inc.
Tungkulin ng Wika. Nahango noong Hulyo 24, 2020 mula sa
https://www.slideshare.net.
Tungkulin ng Wika. Nahango noong Hulyo 26, 2020 mula sa
https://www.slideshare.net.
Gamit ng Wika. Nahango noong Hulyo 29 mula sa https://www.slideshare.net.
Gamit ng Wika. Nahango noong Agosto 1 mula sa https://www.slideshare.net.
12
LU_Q1_KomPan_Module5
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – SDO La Union
Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union 2500
Telefax: 072-205-0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

More Related Content

What's hot

Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3jessacada
 
Ortograpiyang filipino
Ortograpiyang filipinoOrtograpiyang filipino
Ortograpiyang filipinoshekainalea
 
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na PahayagFilipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na PahayagJuan Miguel Palero
 
Ang gamit-ng-wika-sa-lipunan
Ang gamit-ng-wika-sa-lipunanAng gamit-ng-wika-sa-lipunan
Ang gamit-ng-wika-sa-lipunanjohhnsewbrown
 
Grade 10 Filipino Learners Material (Unit 2)
Grade 10 Filipino Learners Material (Unit 2)Grade 10 Filipino Learners Material (Unit 2)
Grade 10 Filipino Learners Material (Unit 2)Zeref D
 
Panghihiram ng salita
Panghihiram ng salitaPanghihiram ng salita
Panghihiram ng salitaEmma Sarah
 
Modyul 1: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo at Poliglot
Modyul 1: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo at PoliglotModyul 1: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo at Poliglot
Modyul 1: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo at PoliglotLexter Ivan Cortez
 
Filipino 10 - Pagsasaling-Wika
Filipino 10 - Pagsasaling-WikaFilipino 10 - Pagsasaling-Wika
Filipino 10 - Pagsasaling-WikaJuan Miguel Palero
 
Pakitang turo sa panunuring pampelikula
Pakitang turo sa panunuring pampelikulaPakitang turo sa panunuring pampelikula
Pakitang turo sa panunuring pampelikulaLaila Dinolan
 
Hele ng ina
Hele ng inaHele ng ina
Hele ng inariolyn13
 
Filipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's ModuleFilipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's ModulePRINTDESK by Dan
 
dokumen.tips_aralin-1-konsepto-at-katuturan-ng-pagkamamamayan-citizenship.pdf
dokumen.tips_aralin-1-konsepto-at-katuturan-ng-pagkamamamayan-citizenship.pdfdokumen.tips_aralin-1-konsepto-at-katuturan-ng-pagkamamamayan-citizenship.pdf
dokumen.tips_aralin-1-konsepto-at-katuturan-ng-pagkamamamayan-citizenship.pdfLaylie Guya
 
Mag isyung moral tungkol sa buhay 3rd day p
Mag isyung moral tungkol sa buhay   3rd day pMag isyung moral tungkol sa buhay   3rd day p
Mag isyung moral tungkol sa buhay 3rd day pliezel andilab
 
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang PahayagFilipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang PahayagJuan Miguel Palero
 
antas-ng-wika-ppt
antas-ng-wika-ppt antas-ng-wika-ppt
antas-ng-wika-ppt sembagot
 
Nelson mandela modyul 3 filipino 10
Nelson mandela modyul 3 filipino 10Nelson mandela modyul 3 filipino 10
Nelson mandela modyul 3 filipino 10jessacada
 
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Eleizel Gaso
 
Register Bilang VARAYTI NG WIKA
Register Bilang VARAYTI NG WIKARegister Bilang VARAYTI NG WIKA
Register Bilang VARAYTI NG WIKARochelle Nato
 
What's hot (20)

Modyul 15 Mga isyung moral tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan
Modyul 15 Mga isyung moral tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohananModyul 15 Mga isyung moral tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan
Modyul 15 Mga isyung moral tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan
 
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
 
Ortograpiyang filipino
Ortograpiyang filipinoOrtograpiyang filipino
Ortograpiyang filipino
 
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na PahayagFilipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
 
Ang gamit-ng-wika-sa-lipunan
Ang gamit-ng-wika-sa-lipunanAng gamit-ng-wika-sa-lipunan
Ang gamit-ng-wika-sa-lipunan
 
Grade 10 Filipino Learners Material (Unit 2)
Grade 10 Filipino Learners Material (Unit 2)Grade 10 Filipino Learners Material (Unit 2)
Grade 10 Filipino Learners Material (Unit 2)
 
Panghihiram ng salita
Panghihiram ng salitaPanghihiram ng salita
Panghihiram ng salita
 
Modyul 1: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo at Poliglot
Modyul 1: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo at PoliglotModyul 1: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo at Poliglot
Modyul 1: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo at Poliglot
 
Filipino 10 - Pagsasaling-Wika
Filipino 10 - Pagsasaling-WikaFilipino 10 - Pagsasaling-Wika
Filipino 10 - Pagsasaling-Wika
 
Tayutay
TayutayTayutay
Tayutay
 
Pakitang turo sa panunuring pampelikula
Pakitang turo sa panunuring pampelikulaPakitang turo sa panunuring pampelikula
Pakitang turo sa panunuring pampelikula
 
Hele ng ina
Hele ng inaHele ng ina
Hele ng ina
 
Filipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's ModuleFilipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's Module
 
dokumen.tips_aralin-1-konsepto-at-katuturan-ng-pagkamamamayan-citizenship.pdf
dokumen.tips_aralin-1-konsepto-at-katuturan-ng-pagkamamamayan-citizenship.pdfdokumen.tips_aralin-1-konsepto-at-katuturan-ng-pagkamamamayan-citizenship.pdf
dokumen.tips_aralin-1-konsepto-at-katuturan-ng-pagkamamamayan-citizenship.pdf
 
Mag isyung moral tungkol sa buhay 3rd day p
Mag isyung moral tungkol sa buhay   3rd day pMag isyung moral tungkol sa buhay   3rd day p
Mag isyung moral tungkol sa buhay 3rd day p
 
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang PahayagFilipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
 
antas-ng-wika-ppt
antas-ng-wika-ppt antas-ng-wika-ppt
antas-ng-wika-ppt
 
Nelson mandela modyul 3 filipino 10
Nelson mandela modyul 3 filipino 10Nelson mandela modyul 3 filipino 10
Nelson mandela modyul 3 filipino 10
 
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
 
Register Bilang VARAYTI NG WIKA
Register Bilang VARAYTI NG WIKARegister Bilang VARAYTI NG WIKA
Register Bilang VARAYTI NG WIKA
 
Similar to Kom-Pan-11_Q1_Modyul-5_Edisyon2_ver1.pdf

KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdfJohnnyJrAbalos1
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptxrufinodelacruz3
 
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdfKPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdfJohnnyJrAbalos1
 
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdfKPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdfJohnnyJrAbalos1
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptxrufinodelacruz3
 
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdfKPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdfJohnnyJrAbalos1
 
KPWKP_q2_mod6_Rehistro-at-Barayti-ng-Wika_v2.pdf
KPWKP_q2_mod6_Rehistro-at-Barayti-ng-Wika_v2.pdfKPWKP_q2_mod6_Rehistro-at-Barayti-ng-Wika_v2.pdf
KPWKP_q2_mod6_Rehistro-at-Barayti-ng-Wika_v2.pdfAcelsophiaRabino
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptxrufinodelacruz3
 
KPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdf
KPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdfKPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdf
KPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdfJohnnyJrAbalos1
 
AP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdf
AP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdfAP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdf
AP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdfjosefadrilan2
 
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdfKPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdfJohnnyJrAbalos1
 
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdfJohnnyJrAbalos1
 
ESP3_Module 1_Magandang Kaugalian,Isabuhay!.pdf
ESP3_Module 1_Magandang Kaugalian,Isabuhay!.pdfESP3_Module 1_Magandang Kaugalian,Isabuhay!.pdf
ESP3_Module 1_Magandang Kaugalian,Isabuhay!.pdfMaCatherineMendoza
 
Q1_w9_Komunikasyon_Decipolo-For-Teacher (1).pptx
Q1_w9_Komunikasyon_Decipolo-For-Teacher (1).pptxQ1_w9_Komunikasyon_Decipolo-For-Teacher (1).pptx
Q1_w9_Komunikasyon_Decipolo-For-Teacher (1).pptxrufinodelacruz3
 
Filipino 3 Learner's Manual 3rd Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 3rd  QuarterFilipino 3 Learner's Manual 3rd  Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 3rd QuarterEDITHA HONRADEZ
 
FILIPINO-7-Q3-LAS-1-Week-1-MELC-1.pdf
FILIPINO-7-Q3-LAS-1-Week-1-MELC-1.pdfFILIPINO-7-Q3-LAS-1-Week-1-MELC-1.pdf
FILIPINO-7-Q3-LAS-1-Week-1-MELC-1.pdfAilexonArnaiz1
 
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdfKPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdfJohnnyJrAbalos1
 
Similar to Kom-Pan-11_Q1_Modyul-5_Edisyon2_ver1.pdf (20)

KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 4 FOR STUDENT.pptx
 
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdfKPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
 
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdfKPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
 
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdfKPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
 
KPWKP_q2_mod6_Rehistro-at-Barayti-ng-Wika_v2.pdf
KPWKP_q2_mod6_Rehistro-at-Barayti-ng-Wika_v2.pdfKPWKP_q2_mod6_Rehistro-at-Barayti-ng-Wika_v2.pdf
KPWKP_q2_mod6_Rehistro-at-Barayti-ng-Wika_v2.pdf
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
 
KPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdf
KPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdfKPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdf
KPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdf
 
AP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdf
AP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdfAP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdf
AP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdf
 
F11_Q1_MODULE_2.pdf
F11_Q1_MODULE_2.pdfF11_Q1_MODULE_2.pdf
F11_Q1_MODULE_2.pdf
 
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdfKPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
 
F11_Q1_MODULE_1.pdf
F11_Q1_MODULE_1.pdfF11_Q1_MODULE_1.pdf
F11_Q1_MODULE_1.pdf
 
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
 
ESP3_Module 1_Magandang Kaugalian,Isabuhay!.pdf
ESP3_Module 1_Magandang Kaugalian,Isabuhay!.pdfESP3_Module 1_Magandang Kaugalian,Isabuhay!.pdf
ESP3_Module 1_Magandang Kaugalian,Isabuhay!.pdf
 
Q1_w9_Komunikasyon_Decipolo-For-Teacher (1).pptx
Q1_w9_Komunikasyon_Decipolo-For-Teacher (1).pptxQ1_w9_Komunikasyon_Decipolo-For-Teacher (1).pptx
Q1_w9_Komunikasyon_Decipolo-For-Teacher (1).pptx
 
3 fil lm q3
3 fil lm q33 fil lm q3
3 fil lm q3
 
Filipino 3 Learner's Manual 3rd Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 3rd  QuarterFilipino 3 Learner's Manual 3rd  Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 3rd Quarter
 
FILIPINO-7-Q3-LAS-1-Week-1-MELC-1.pdf
FILIPINO-7-Q3-LAS-1-Week-1-MELC-1.pdfFILIPINO-7-Q3-LAS-1-Week-1-MELC-1.pdf
FILIPINO-7-Q3-LAS-1-Week-1-MELC-1.pdf
 
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdfKPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
 
Recently uploaded

Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxElmaPBasilio
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxRosemarieGaring
 
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxBatas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxDanicaAndoyoDuhali
 
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....ryannioda32
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...KeanuJulian
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoChristineJaneWaquizM
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxNicsSalvatierra
 
Pangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptx
Pangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptxPangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptx
Pangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptxPaoloBriones2
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxNaennylMTanuban
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasRonalynGatelaCajudo
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxJeneferSaloritos
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALHerlynJanMarieJuelo2
 
Recently uploaded (20)

Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
 
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxBatas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
 
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
 
Pangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptx
Pangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptxPangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptx
Pangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptx
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
 
Kom-Pan-11_Q1_Modyul-5_Edisyon2_ver1.pdf

  • 1. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan – Modyul 5: Komunikatibong Gamit ng Wika sa Lipunan AIRs - LM LU_Q1_KomPan_Module5 Senior High School
  • 2. LU_Q1_KomPan_Module5 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO Baitang 11 – Unang Semestre Unang Markahan - Modyul 5: Komunikatibong Gamit ng Wika sa Lipunan Ikalawang Edisyon, 2021 Karapatang sipi © 2021 La Union Schools Division Region I Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan. Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________ Department of Education – SDO La Union Office Address: Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union Telefax: 072 – 205 – 0046 Email Address: launion@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Emelaine M. Areola Mga Tagasuri: Justine Carlos G. Villanueva, Ana Jane M. Morales Gracia G. Garcia at Jonabelle R. Rimando Editor: Alvin D. Mangaoang SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr. Tagalapat: Angela Pauline C. Ganuelas Tagapamahala: Atty. Donato D. Balderas Jr. Schools Division Superintendent Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD Assistant Schools Division Superintendent German E. Flora, PhD, CID Chief Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS Luisito V. Libatique, PhD, EPS in Charge of Filipino Michael Jason D. Morales, PDO II Claire P. Toluyen, Librarian II
  • 3. LU_Q1_KomPan_Module5 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan – Modyul 5: Komunikatibong Gamit ng Wika sa Lipunan (Mga Konsepto, Gamit at Tungkulin ng Wika sa Lipunan) Senior High School
  • 4. LU_Q1_KomPan_Module5 Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani- kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naming magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kaming matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
  • 5. 1 LU_Q1_KomPan_Module5 Sapulin Magandang araw sa iyo mahal kong mag-aaral! Sabik ka na bang magpatuloy sa iyong pag-aaral? Marahil ay oo kaya humanda ka na, sapagkat ang pag-aaralan nating aralin ay susubok sa iyong malalim na pagpapakahulugan sa komunikatibong gamit ng wika sa lipunan. Sa nakaraang modyul, iyong napag-aralan ang mga iba’t ibang mga terminong pangwika. Nagkaroon ka ng malalim na pag-unawa sa kung papaano nagagamit ang mga mahahalagang mga konseptong pangwika na ito sa pang-araw-araw mong pakikisalamuha at pagkilos sa lipunan na iyong kinagagalawan. Sa Modyul 5 naman, mas palalalimin pa natin ang iyong pagpapahalaga sa kahalagahan ng wika sa komunikasyon. Iyong matutuklasan ang mga konseptong nakapaloob sa pakikipag-ugnayan sa mga iba’t ibang gamit ng wika na makatutulong sa atin sa mga sitwasyon na maaari mong kasangkupan. Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang malilinang mo ang sumusunod: Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs): 1. Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (F11PT-Ic-86); at 2. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabas sa telebisyon at pelikula. (F11PD-Id-87) Mga Tiyak na Layunin: 1. Natutukoy ang katuturan ng iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan; 2. Natutukoy ang mga pahayag na nagpapakita ng gamit ng wika; 3. Nakasusulat ng halimbawa ng mga pangungusap sa bawat gamit ng wika; at 4. Nakasululat ng sanaysay batay sa napanood na teleserye o pelikula sa tulong ng gamit ng wika. Handa ka na ba? Halika! Sabay nating palalimin pa ang ating mga kaalaman sa ating wika!
  • 6. 2 LU_Q1_KomPan_Module5 Aralin 5 Gamit ng Wika sa Lipunan Simulan Bago tayo magsimula sa ating talakayan tungkol sa gamit ng wika ay sasagutin mo muna ang paunang gawain para masukat ang iyong inisyal na kaalaman sa araling ating tatalakayin. Gawain1: Paunang Gawain A. Panuto:Basahin at unawain ang mensahe ng sumusunod na mga pahayag. Ano ang masasabi mo sa mga paalalang ito? Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. MAGSUOT NG FACEMASK TUWING LALABAS BAWAL UMIHI RITO MAY MULTA
  • 7. 3 LU_Q1_KomPan_Module5 B. Panuto:Kilalanin mo ang tinutukoy ng mga pahayag na nasa loob ng bituin. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Gawain 2: Hugot Ko, Hula Mo Panuto:Basahin mo ang pahayag sa bawat bilang at hulaan mo kung anong pamagat ng pelikula o teleserye binanggit ang sumusunod. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1. “Sana ako pa rin… ako na lang…ako na lang ulit...” -Bea Alonzo 2. “Gusto ko, gumanda ang buhay ko… gusto ko, maipagmalaki ako ng pamilya ko.”-Kathryn Bernardo 3. “May kulang ba sa akin? May mali ba sa akin? Pangit ba ako?”-Liza Soberano 4. “Oo na, ako na! Ako na mag-isa!” -Jennylyn Mercado 5. “Walang maiinip sa taong tapat ang hangarin. Walang susuko sa taong totoo ang tibok ng puso. Ang pag-ibig na hinihintay ang tamang panahon, ay pag- ibig na magtatagal sa mahabang panahon.” -Lola Nidora Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain. Ngayon, pag- aralan mo ang komunikatibong gamit ng wika sa lipunan. Pambansang Bae Surfing Capital of the North “Nakasisiguro gamot ay laging bago” Hari ng Padala Queen of All Media
  • 8. 4 LU_Q1_KomPan_Module5 Lakbayin Sa bahaging ito aking mahal na mag-aaral, tayo ay maingat na maglalakbay upang pag-aralan ang komunikatibong gamit ng wika sa lipunang ating ginagalawan. Alam mo bang… Wika ang midyum na ginagamit natin sa komunikasyon? Wika ang instrumento sa paghahatid ng mensahe at palitan ng reaksiyon ng mga nag-uusap. • May mga gamit ang wika ayon sa intensiyon ng nagsasalita. Halimbawa, sa mga plakard sa itaas, ang intensyon ng pahayag na “Magsuot ng Facemask Tuwing Lalabas” ay magbigay ng paalala sa mga taong lalabas na ugaliin ang pagsusuot ng facemask para huwag mahawa sa sakit. • Sa “Bawal Umihi Rito, May Multa!” ay nagbibigay ng impormasyon na ipinagbabawal ang umihi sa lugar na iyon at ang sinomang iihi ay magmumulta. • Sa mga salitang Pambansang Bae, Surfing Capital of the North, Hari ng Padala at iba pa ay mga pagkakakilanlang ikinakabit sa tao o lugar. Ngayon ay magsisimula ka na sa ating aralin. Pag-aaralan mo ang iba’t ibang gamit ng wika. Unawaing mabuti ang iyong babasahin upang lubusang maintindihan ang pagkakaiba-iba ng gamit ng wika. GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN A. Conative ➢ Ito ang gamit ng wika sa paghimok at pag-impluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-utos at pakiusap. ➢ Ito ay nakatuon sa pagbibigay ng utos, o babala sa kausap o grupo ng mga tao. ➢ Sa pamamagitan ng conative na gamit ng wika ay gusto nating humimok o manghikayat, may gusto tayong mangyari o gusto nating pakilusin ang isang tao. Halimbawa: “Huwag kang papatay”. “Bawal tumawid. May namatay na rito”. “Ano pang hahanapin mo? Dito ka na! Bili na!” “Huwag po ninyong kalimutang isulat ang pangalan ko sa inyong balota!”
  • 9. 5 LU_Q1_KomPan_Module5 B. Informative ➢ Ito ang gamit ng wika sa mga sitwasyong may gusto tayong ipaalam sa tao. Nagbibigay tayo ng mga datos at kaalaman at nagbabahagi sa iba ng mga impormasyong nakuha o narinig natin. Halimbawa: Narrative Report, Balita, Ulat –Panahon, Kaalaman, Sarbey, Interbyu Bigyang pansin ang usapan ng guro at kaniyang mga mag-aaral. Guro: Alam ba ninyo ang mga propesyon ni Dr. Jose Rizal? Magbigay ng mga halimbawa. Pedro: Doktor po! Jose: Manunulat po! Batay sa halimbawang sitwasyon na iyong binasa, nagbigay ng mga datos at kaalaman ang mga mag-aaral sa tanong ng guro. C. Labeling ➢ Ito ang gamit ng wika kapag nagbibigay tayo ng bagong tawag o pangalan sa isang tao, lugar o bagay. ➢ Madalas, nagbibigay tayo ng bagong pangalan, tawag, o bansag sa mga tao, lugar o bagay batay sa pagkakakilala o pagsusuri natin sa kanila. ➢ Sinusuri natin ang mga taong nakakasalamuha natin. Ang kanilang ugali, pisikal na anyo, trabaho, hilig, gawi, at iba pa. ➢ Ang pagsusuri natin sa kanila ang nagbibigay-daan para bansagan o bigyan natin sila ng label o ng katawagan. ➢ May mga pagkakataon na batay sa trabaho ang pagbibigay ng bansag sa isang tao. Halimbawa: “Tonyong magpuputo” kung ang trabaho ay paglalako ng puto. Sa paaralan, may tinatawag ang mga estudyante na “Kuya Guard,” “Manong Jani”, at iba pa. Nakabatay ang tawag na ito sa trabaho nila sa paaralan bilang guwardiya, o tagapanatili ng kalinisan. ➢ Sa literaturang Pilipino, may mga manunulat na gumamit ng bansag o label sa kanilang mga tauhan. Marahil ay naaalala mo pa si “Impeng Negro” (Rogelio R. Sikat), si “Pilosopo Tasyo” (Jose Rizal), si “Sisang Baliw” (Jose Rizal), at marami pang iba. ➢ Sa totoong buhay, marami rin tayong binibigyan ng bansag sa ating mga kaibigan, kapamilya, guro, politiko, artista, mga nasa larangan ng media, isports, military, at iba pa. Binibigyan natin sila ng bansag kung ano ang pagkakilala natin sa kanila at kung paano natin sila sinusuri. Halimbawa: Ina ng Demokrasya Unkabogable Star Kapuso Surfing Capital of the North bagong bayani fashionista Tandaan: Maging magalang tayo sa gamit na Conative kung nag-uutos tayo. Tiyakin nating tama at totoo ang gamit natin ng Informative kung nagbibigay tayo ng mga kaalaman at impormasyon. Higit sa lahat, iwasan natin ang pagbibigay ng negatibong bansag o label sa ating kapwa na maaaring makasakit ng damdamin.
  • 10. 6 LU_Q1_KomPan_Module5 D. Phatic ➢ Nagtatanong o nagbubukas ng usapan ang isang pahayag. Karaniwang maikli ang usapang phatic. ➢ Tinatawag itong Social Talk o Small Talk. Ginagamit natin ang ito bilang panimula ng usapan. ➢ Sa isang pag-uusap, ang bahagi lamang ng pagbubukas ng usapan ang phatic. Halimbawa: “Magandang umaga”. “Magaling na ba siya?” “Kumusta ka na?” “May problema ka ba?” “Masama ba ang pakiramdam mo?” E. Emotive ➢ Ito ang gamit ng wika na nagpapahayag ng damdamin o emosyon gaya ng lungkot, awa, tuwa, takot, at iba pa sa pang-araw-araw nating pakikipag- ugnayan. ➢ Ito rin ay nagpapahayag ng damdamin o pagpapalutang ng karakter ng nagsasalita. ➢ May mga pagkakataong naibabahagi natin ang ating nararamdaman o emosyon sa ating kausap. Halimbawa: “Nakatutuwang isipin na sa panahon ng pandemya ay lalong nagbabayanihan ang mga tao”. “Kinakabahan ako. Ako na ang susunod na magtatanghal”. “Natatakot ako na baka lumala pa ang madapuhan ng COVID sa ating bansa”. F. Expressive ➢ Ang expressive na gamit ng wika naman ay nagpapakita ng sariling saloobin o kabatiran, idea, at opinyon. ➢ Nakatutulong ito sa atin upang mas makilala at maunawaan tayo ng ibang tao. Gayondin sa pagbuo ng isang kaaya-ayang relasyon sa ating kapuwa. Halimbawa: “Ayaw ko sa foreign artist”. “Para sa akin, magagaling ang grupo ng BTS” “Sa tingin ko matatalino na ang mga botante ngayon”. Iyan ang mga iba’t ibang komunikatibong gamit ng wika sa lipunan. Batid ko aking mahal na mag-aaral na nauwaan mo ang malalim na pagtalakay sa ating aralin kung kaya’t gawin mo ang sumusunod na mga gawain.
  • 11. 7 LU_Q1_KomPan_Module5 Galugarin Gawain 3: Tukuyin Mo Panuto:Sipiin ang mga pahayag sa talata na nagpapakita ng conative o informative na gamit ng wika. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. Tuwing Darating ang Eleksyon Isa ang panahon ng eleksyon sa maituturing na mahalagang panahon sa ating bansa. Mahalaga ito sapagkat sa panahong ito tayo pumipili ng mga taong gusto nating maglingkod sa atin. Huwag nating ipagkatiwala ang kinabukasan ng ating bayan sa mga kandidatong hindi karapat-dapat na maglingkod sa atin. Dapat na maging matalino tayo sa pagpili ng mga kandidatong iboboto natin. Huwag tayong basta maniwala sa kanilang mga sinasabi at ipinapangako sa atin. Lagi nating isaisip ang tatlo hanggang anim na taong pag-upo nila sa puwesto. Kapag nagkamali tayo sa pagpili sa kanila, hindi natin sila kaagad mapapalitan. Kung dati nang nanalo ang kandidato at tumatakbong muli, balikan natin ang kaniyang naging paglilingkod. Balikan natin ang kaniyang mga nagawa. Alamin natin ang mga naitulong niya sa pagsulong ng bayan at saka tayo magdesisyon kung muli ba natin siyang pagkakatiwalaan o hindi na. Kapag bagong tumatakbo ang kandidato, alamin natin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kaniyang propesyon, pamilya, at pagkatao. Huwag tayong magpadala sa tamis ng pananalita ng isang kandidato. Tuwing darating ang eleksyon, gamitin natin at huwag balewalain ang isang mahalagang pamana sa atin ng demokrasya – ang pagboto. Piliin natin ang mga kandidatong maglilingkod sa atin. Nasa matalino nating pagpapasiya nakasalalay ang kinabukasan ng ating bayan. Gawain 4: Isulat Mo! Panuto:Sumulat ng tatlong halimbawa ng pangungusap na nagpapakita ng gamit ng wika na phatic, emotive, at expressive. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. Phatic: 1. ___________________________________________________________________________ 2. ___________________________________________________________________________ 3. ___________________________________________________________________________ Emotive: 1. ___________________________________________________________________________ 2. ___________________________________________________________________________ 3. ___________________________________________________________________________ Expressive: 1. ___________________________________________________________________________ 2. ___________________________________________________________________________ 3. ___________________________________________________________________________ Magaling! Binabati kita sapagkat nasagot mo ang mga gawain nang buong husay. Ngayon, mas linangin pa natin ang iyong kasanayang pampagkatuto sa pamamagitan ng pagsasagawa ng inaasahang awtput sa araling ito.
  • 12. 8 LU_Q1_KomPan_Module5 Palalimin Gawain 5: Nood-Sanaysay Panuto: Batay sa napanood na bahagi ng teleserye o pelikula, sumulat ng isang sanaysay tungkol dito at gamitin ang iba’t ibang gamit ng wika. Salugguhitan ang mga salita o pahayag na nagpapakita ng gamit ng wika at tukuyin kung anong gamit nito. Isulat ang iyong nabuong sanaysay sa isang buong papel. Ibatay ang iyong sagot sa rubrik. Rubrik sa Pagtataya ng Awtput Nilalaman Mayaman sa mga nalikom na impormasyon. Malinaw na naihahanay ang mga impormasyon. Naglalaman ng mga iba’t ibang gamit ng wika. Puntos 25 Pagsulat Wasto ang pagbabaybay ng mga salita at mga bantas na ginamit. Malinaw at nauunawaan ang daloy ng kaisipan ng sanaysay. 15 Dating Humahamon sa mapanuring pag-iisip ng mambabasa. 10 Kabuoang puntos 50 Sukatin Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa bahaging ito ng modyul. Sigurado akong marami kang natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon, ating tatayahin ang iyong kaalaman sa nakalipas na mga aralin. PANGWAKAS NA PAGTATAYA A. Panuto: Isulat mo sa iyong sagutang papel ang gamit ng wika sa bawat pahayag. Isulat ang A kung conative, B kung informative, at C kung labeling. Letra lamang ang isulat. _____ 1. Star for all Seasons _____ 2. PacMom _____ 3. Mercury - “Nakasisiguro gamot ay laging bago.” _____ 4. “Sakay na!” _____ 5. Huwag magkopyahan ng sagot
  • 13. 9 LU_Q1_KomPan_Module5 Lubos na Mahusay! Binabati kita sa matiyaga mong pagsama sa pagtalakay sa mga aralin. Alam kong nakapapagod maglakbay ngunit sulit naman dahil matagumpay mong natutuhan ang mga dapat mong malaman sa gamit ng wika sa lipunan. Ihanda mo ang iyong sarili sa kasunod na modyul – Modyul 6: Tungkulin ng Wika sa Lipunan. _____ 6. Filipino ang wikang pambansa ko. _____ 7. Nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang buong Kamaynilaan. _____ 8. Tulungan mo naman akong gumawa ng proyekto ko. _____ 9. Lumayas ka ngayon din. _____ 10. Malapit na ang SONA ni Pangulong Duterte. _____ 11. Mr. Palengke _____ 12. Tama na, sobra na, palitan na! _____ 13. Siya ang prinsesa ng selfie _____ 14. Magkakaroon ng fire drill sa Lunes ng umaga. _____ 15. Jack of all Trades B. Panuto: Tukuyin kung Phatic, Emotive o Expressive ang bawat pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel. _____ 1. “Napakasaya ko ngayong araw na ito.” _____ 2. “Magandang araw po!” _____ 3. “Nakapapangamba ang nangyayari ngayon.” _____ 4. “Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.” _____ 5. “Natatakot ako.” _____ 6. “Bes! Kumusta ka na? _____ 7. “Paborito ko ang luto niyang pansit.” _____ 8. “Gustong-gusto kong panoorin ang teleseryeng Legal Wives.” _____ 9. “Awang-awa ako sa mga frontliners sa panahon ng COVID-19. _____ 10. “May problema ka ba?”
  • 14. 10 LU_Q1_KomPan_Module5 ARALIN 5 (Gamit ng Wika sa Lipunan) SIMULAN Gawain 1: Paunang Gawain A. Iba-iba ang sagot B. Pambansang Bae - Alden Richards Surfing Capital of the North - San Juan, La Union “Nakasisiguro gamot ay laging bago” - Mercury Drug Store Hari ng Padala - LBC Queen of All Media - Kris Aquino Gawain 2: Hugot Ko, Hula Mo 1. One More Chance 2. Barcelona 3. My Ex and Whys 4. English Only, Please 5. Kalyeserye (Eat Bulaga) GALUGARIN Gawain 3: Tukuyin Mo Ang eleksyon ay pagpili ng maglilingkod Huwag nating ipagkatiwala ang kinabukasan ng ating bansa Dapat maging matalino tayo Huwag tayong basta maniwala Alamin natin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kanya Huwag tayong magpapadala sa tamis ng pananalita ng kandidato Gamitin nating ang mahalagang pamana sa atin ng demokrasya-ang pagboto Piliin natin ang mga kandidatong maglilingkod sa atin Gawain 4: Isulat Mo! Iba-iba ang sagot PALALIMIN Gawain 5: Nood-Sanaysay Iba-iba ang sagot SUKATIN PANGWAKAS NA PAGTATAYA A. 1. C 2. C 3. C 4. A 5. A 6. B 7. A 8. A 9. A 10. B 11. C 12. A 13. C 14. B 15. C B. 1. Emotive 2. Phatic 3. Emotive 4. Expressive 5. Emotive 6. Phatic 7. Expressive 8. Expressive 9. Emotive 10. Phatic Susi sa Pagwawasto
  • 15. 11 LU_Q1_KomPan_Module5 Sanggunian Taylan. D.R., et.al (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Sampaloc Manila: REX Bookstore, Inc. Bernales.R.A., et.al (2016). Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc. Tungkulin ng Wika. Nahango noong Hulyo 24, 2020 mula sa https://www.slideshare.net. Tungkulin ng Wika. Nahango noong Hulyo 26, 2020 mula sa https://www.slideshare.net. Gamit ng Wika. Nahango noong Hulyo 29 mula sa https://www.slideshare.net. Gamit ng Wika. Nahango noong Agosto 1 mula sa https://www.slideshare.net.
  • 16. 12 LU_Q1_KomPan_Module5 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – SDO La Union Curriculum Implementation Division Learning Resource Management Section Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union 2500 Telefax: 072-205-0046 Email Address: launion@deped.gov.ph lrm.launion@deped.gov.ph