4. Paghahawan ng Balakid:
Piliin sa loob ng panaklong ang
kasingkahulugan ng mga salita at gamitin sa
pangungusap.
Lumipas - (nakaraan, sandali, nakalimot)
Hitik na hitik- (nakayuko, maraming bunga,
sagana)
Lumundag- (umakyat, umahon, tumalon)
5. Pamantayan sa pakikinig ng kuwento:
Subalit bago ko basahin ang kuwento.
Magbigay kayo ng mga pamantayan sa
pakikinig ng kuwento.
• Maupo ng maayos
• Makinig nang mabuti sa babasahing
kuwento ng guro
• Huwag makipag usap sa katabi
6. Pangganyak na tanong:
Tiyak na nabasa na ninyo ang kuwento ng pagong at
matsing, subalit alam ba ninyo na hindi nagwakas ang
kuwento sa pagkakatapon ng matsing sa pagong sa
ilog?
Gusto pa ba ninyong alamin kung bakit hindi
nagwakas ang kuwento sa pagkakatapon ng matsing
sa ilog.
Narito ang sumunod pang mga pangyayari.
7. Pagtalakay
Sagutin ang mga tanong ayon sa narinig na
kuwentong binasa ng guro.
• Batay sa kanilang pananalita at pagkilos sa
kuwento, anong katangian ang mailalapat sa
pagong? Sa matsing?
• Kung pabibigyan sa iyo ng bagong pamagat
ang kuwento, anong pamagat ang ibibigay
mo? Bakit? Ipaliwanag.
• Kung ipapabago sa iyo ang wakas ng
kuwento, paano mo ito babaguhin?
8. Pinatnubayang Pagsasanay:
Makinig nang mabuti sa naka-record na kuwentong pabula Ang
Gumapang Ka, Ahas, at humanda sa mga tanong sa kuwentong
narinig.
Gumapang Ka, Ahas
(Pluma 6 Wika at Pagbasa Para sa Batang Pilipino p. 304)
Tanong:
1.Ilarawan ang ahas noong unang panahon. Bakit gusto sila ng
hari?
2. Ano ang natuklasan ng mga ahas sa palasyo?
3. Bakit di napansin ng mga kawal na may ninakaw na singsing ang
isang ahas?
4. Ano ano ang tuntuning sinusunod sa inyong paaralan upang
maging maayos ang takbo nito at matuto ang mga mag-aaral?
5. Bakit mabuting sumunod sa mga tuntunin at batas sa isang
pamayanan?
9. Isahang Pagsasanay:
Pipili ang guro ng isang batang mahusay bumasa at
siya ang aaktong lola basyang sa klase. Sagutin ang
mga tanong tungkol sa pabulang narinig.
Ang Leon at ang Daga
(Landas sa Wika 6 p. 170)
Tanong:
1. Bakit dinampot ng leon ang munting daga?
2. Ano ang pakiusap ng daga upang di siya kainin ng
leon?
3. Ibigay ang natutuhang aral sa kuwento.
10. Paglalahat:
Paano ninyo nakuha ang tamang
sagot sa mga tanong sa kuwento?
Paglalapat:
Sa tuwing makikinig ng kuwento,
dapat bang malaman ang aral na
ipinapahayag dito? Bakit?
11. Pagtataya:
Pakinggang mabuti ang kuwentong pabula at sagutin ang
mga tanong.
Si Kalabaw at si Kabayo Hiyas sa Pagbasa 4 Phina 42-44
Tanong:
1. Bakit magkapareho ng kapalaran sina kalabaw at
kabayo?
2. Paano raw gagamitin si kalabaw ng kaniyang amo kapag
siyay nakabili nang traktora?
3.Ano naman ang balak para kay kabayo kapag nakabili nan
g dyip ang kaniyang amo?
4. Kung ikaw ang isa sa mga amo o tagapag alagang
nabanggit, ganoon din ba ang iyong gagawin? Bakit?
5. Anong mabuting kaisipan ang nais ipabatid ng pabula?