Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Eleizel Gaso
Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa binasang akdang pampanitikan
Nasusuri ang binasang anekdota batay sa:paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng pagsulat F10PB-IIIb-81
1. Natutukoy ang kahulugan ng anekdota
2. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng pagsulat
3. Nakasusulat ng anekdota tungkol sa mga dating karanasan nang may pagpapahalaga
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Eleizel Gaso
Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa binasang akdang pampanitikan
Nasusuri ang binasang anekdota batay sa:paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng pagsulat F10PB-IIIb-81
1. Natutukoy ang kahulugan ng anekdota
2. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng pagsulat
3. Nakasusulat ng anekdota tungkol sa mga dating karanasan nang may pagpapahalaga
requirement for the subject in TTL 1 kahulugan at mga gawain sa araling elehiya sa kamatayan ni kuya sa Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte
Gramatika/ Retorika masidhing damdamin
uri ng teksto ng paglalarawan
The document summarizes the short story "Akasya o Kalabasa" by Consolation P. Conde. It discusses that the story originated from Persia/Iran and aims to convey that education should not be rushed as everything done in life has appropriate results. The main characters are Iloy, a student, his mother Aling Irene, and his father Mang Simon. The story focuses on their desire to enroll Iloy in a good school in Manila to further his education.
Ang akdang "Ang Tinig ng Ligaw na Gansa" ay isang tula mula sa Egypt. Ang powerpoint presentation na ito ay naglalaman ng kompletong aralin sa Modyul 1, Aralin 1.6 ng Gr.10-Filipino. Maaari ninyo itong i-download upang magamit sa pagtuturo.
requirement for the subject in TTL 1 kahulugan at mga gawain sa araling elehiya sa kamatayan ni kuya sa Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte
Gramatika/ Retorika masidhing damdamin
uri ng teksto ng paglalarawan
The document summarizes the short story "Akasya o Kalabasa" by Consolation P. Conde. It discusses that the story originated from Persia/Iran and aims to convey that education should not be rushed as everything done in life has appropriate results. The main characters are Iloy, a student, his mother Aling Irene, and his father Mang Simon. The story focuses on their desire to enroll Iloy in a good school in Manila to further his education.
Ang akdang "Ang Tinig ng Ligaw na Gansa" ay isang tula mula sa Egypt. Ang powerpoint presentation na ito ay naglalaman ng kompletong aralin sa Modyul 1, Aralin 1.6 ng Gr.10-Filipino. Maaari ninyo itong i-download upang magamit sa pagtuturo.
Aralin 1 Karapatan at Tungkulin ng Tao.
Kumpara sa iba pang nilikha, ang tao lamang ang mayroong higit na halaga kaysa sa ibang bunga ng pagkakalikha sapagkat siya ay nilikha ayon sa larawan at wangis ng Diyos, at siyang paraan na rin ng paghahayag nang Kaniyang sarili sa tao. 1 Ang halagang ito o value ay tinatawag na dignidad na siyang pinakamatibay na dahilan kung bakit ang bawat tao ay mayroong karapatan. Umuusbong ang karapatan mula sa dignidad2 sapagkat ang bawat karapatan ay pagpapakita nang pagkamahalaga ng tao.
Ang karapatan ay tumutukoy sa mga prinsipyo na nagsisilbing gabay sa mga pananaw ng tao na may kinalaman sa kung papaano niya itrato ang kanyang kapuwa at sa kanyang dignidad bilang tao. Ito ay itinuturing na kapangyarihang moral sapagkat ang paggamit ng mga karapatan ay may kakayahang magdulot ng kaligayahan, kapayapaan, at pagkakaisa.
Ang pagkilala sa mga patas at hindi maaalis na karapatan ng bawat tao sa buong mundo na pinakikilos nang may kalayaan, katarungan at kapayapaan ay nangangailangan ng patas na pagbibigay-halaga sa karapatan at tungkulin upang makabuo ng batayang moral kung saan lahat ng lalake at babae ay mamumuhay ng mapayapa at makakamit ang kanilang kaganapan bilang tao. Ito ang dahilan kung bakit binuo rin ng United Nations ang Pangkalahatang Pagpapahayag ng Tungkulin ng Tao o Universal Declaration of Human Rights noong 1997.
Halimbawa:
Ang mga kababaihan noong unang panahon ay walang lugar sa politika ngunit hindi naglaon ay nabigyan na ang mga kababaihan ng karapatan upang mamuno sa lipunan. Ngunit inaasahan din sa kanya ang maayos na pamamalakad at paglilingkod.
Ang tungkulin ay ang mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao. Kung maisasagawa mo nang maayos ang mga tungkuling paggawa ng mabuti sa kapuwa, maaaring magbigay ng kaligayahan at kaganapan kung sino at ano ka bilang tao dito sa mundo.
Tandaan ang bawat karapatan at ang kaakibat na tungkulin ng tao.
✓ Karapatang mabuhay
✓ Tungkulin ang pangalagaan ang sarili o pangalagaan ng mga magulang ang mga anak. Halimbawa: Sa babaeng nagdadalang-tao, tungkulin ng ina na pangalagaan ang kaniyang sarili upang masiguro ang kaligtasan ng sanggol.
✓ Karapatan magkaroon ng pribadong ari-arian
✓ Tungkulin na gawing legal ang pag-aari, mapayabong ang mga ito at gamitin upang tulungan ang kapuwa at paunlarin ang pamayanan. Halimbawa: Pagtulong sa mga nasalanta ng baha sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain, damit o pera, mga bagay na tunay nilang kailangan.
✓ Karapatang magpakasal o magkaroon ng pamilya
✓ Tungkulin na pangalagaan ang pamilya. Halimbawa: Pagiging isang mabuting halimbawa sa mga anak, pag-iwas sa eskandalo na magiging sanhi sa pagsira ng pangalan ng pamilya at pagsasabuhay ng mga birtud bilang isang pamilya.
✓ Karapatan sa pananampalataya
✓ Tungkulin na igalang ang ibang relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba.
✓ Karapatang maghanapbuhay
✓ Tungkulin maghanapbuhay ng marangal
✓ Tungkulin ng bawat isa na magpunyagi sa t
The document contains certificates of participation from an In-Service Training for Teachers held from August 23-27, 2021 at Cabay National High School. The training theme was "Teacher Resilience: Adapting Trends and Innovations for the New Normal Education". Each certificate recognizes an individual teacher for their active participation in the training and is signed by the Principal, Public Schools District Supervisor, and INSET Chairman.
The document lists 12 students with perfect attendance and their names. It then lists the top student in various subjects such as Filipino, English, Math, Science, AP, ESP, TLE, and MAPEH. Rhobie R. Villanueva is listed as the top student in most subjects. It also lists 8 students as Achievers and 8 students as graduating With Honors.
This document provides information for grade 10 students at DAU for the 2023-2024 school year. It includes an opening prayer, daily class schedule divided by subject and teacher, and the school's principal and advisers. It outlines classroom policies on tardiness, absences, and electronic device use. It introduces the school's behavior project called Project DANGAL and motto of the "5 P's". The classroom management plan describes procedures for flag ceremony and movement between classes. It provides the first quarter topics for Filipino class and establishes five classroom rules around punctuality, following instructions, participation, respect, and honesty. It concludes with contact details for the teacher and an announcement of an upcoming diagnostic test.
This document provides information for students in Grade 10 at DAU SY 2023-2024. It includes an opening prayer, class schedule, list of subjects and teachers. Classroom policies on tardiness, absences and electronic device use are outlined. The classroom management plan describes procedures for flag ceremony and classroom entry. The first quarter topics are listed for Filipino class. Classroom rules to make learning safe and effective are stated. Contact details for the teacher are provided. The document concludes with an announcement of a diagnostic test.
The document provides statistics on the distribution of self-learning modules (SLMs) across key stages 1 through 4. It shows that for key stage 3, 422 modules were CO modules (12.04%), 2,410 were PIVOT modules (68.78%), and 672 were localized SDO modules (19.18%). For key stage 4, 472 modules were CO modules (36.11%), 765 were PIVOT modules (58.53%), and 70 were localized SDO modules (5.36%).
2. Ang alaga
Maikling Kuwento mula sa East Africa
Isinulat ni: Barbara Kimenye
Isinalin sa Filipino ni Magdalena M. Jocson
3. MOST ESSENTIAL LEARNING
COMPETENCIES (MELCs)
1. Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa
napakinggangbahagi ng akda sa pandaigdigang
pangyayari sa lipunan
2. Naihahanay ang damdamin at saloobin tungkol
sa kahalagahanng akda sa: -sarili -panlipunan -
pandaigdig
4. Masiglang araw sa iyo mahal kong mag-aaral!
Ikinalulugod kong matagumpay mong napag-aralan ang
mito, anekdota, sanaysay, at epiko. Ngayon, ang bibigyan
naman natin ng pansin ay ang maikling kuwento.
Ang Modyul 5 ay tatalakay tungkol sa maikling
kuwentong “Ang Alaga” na sinulat ni Barbara Kimenye,
isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson. Sa akdang ito,
mababasa ang usaping pagmamahal na ipinagkaloob ng
isang tao sa kaniyang alaga. Kalakip din ng aralin ang
pagtalakay sa mga salitang nagsasaad ng paghihinuha at
paglalahad para lalong maunawaan ang tatalakaying paksa.
5. Aalamin natin kung paano nakatutulong ang
maikling kuwento sa pagkakaroon ng kamalayan sa
pandaigdigang pangyayari sa lipunan. Gayundin, kung
bakit mahalagang maunawaan ang paghahanay ang
damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahanng akda
sa: -sarili -panlipunan –pandaigdig.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang
makabubuo ng isang patalastas na pasulat batay sa
sumusunod na pamantayan: a.) makatotohanan b.)
masining c.) sapat na kaalaman sa paksa at d.) maayos
na paglalahad.
11. B. Pagpapaunlad
A. Gawain sa Pagkatuto 2. Panuto: Basahin
at unawain ang maikling kuwento na mula sa
East Africa. Pagkatapos, sagutin ang mga
katanungan sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
12.
13. Mga tanong:
1. Anong damdamin ang namayani sa iyo pagkatapos
mong mabasa ang akda?
2. Paano nakatulong sa pangunahing tauhan ang
kaniyang alagang baboy?
3. Anong batas ang nagpoprotekta sa mga alagang
hayop?
4. Paano maipapakita ang malaking pagpapahalaga sa
mga alagang hayop?
5. Ano-ano ang suliraning nangibabaw sa binasang
akda? Iugnay ito sa mga pangyayari sa lipunan.
14. ALAMIN ANG R.A. 8485 NA KILALA SA ANIMAL WELFARE ACT. Maaring magmulta mula
1000.00 hanggang 100,000.00 ang sino mang lalabag nito.
Sa Sec. 6 ng batas, ipinagbabawal ang pagmamaltrato at pag-torture sa mga hayop. Ipinasa rin
sa sa bahaging ito ang batas na hindi maaring pumatay ng hayop, maliban sa mga hayop na
kinakain tulad ng baboy , baka, tupa, kambing, manok, at iba pang poultry , kuneho, kalabaw,
kabayo, usa at buwaya. Isang paglabag sa batas ang pagpatay sa mga hayop Liban lamang
kung ito ay dahil sa ritwal ng isang relihiyon, malubhang sakit ng hayop at animal control kung
saan nasa bingit ng panganib ang hayop o mga taong malapit dito. Itinuturing na isang Landmark
Law ang animal welfare act dahil ito ang unang kimilala ng kalupitan sa hayop bilang isang
paglabag sa batas.
Ang RA 10631 ay pinirmahan ng dating pangulong Noynoy Aquino upang paigtingin ang
kasalukuyang batas na umiiral kaugnay ang animal welfare. Ilan sa mga amyenda o
pagbabagong itinadhana ng RA 10631 ay ang mas mataas na piyansa o parusa kapag
napatunayan ang paglabag sa Animal Welfare Act. Itinaas ang RA 10631 ang multa sa paglabag
ng batas, mula sa P1000.00 hanggang P5, 000.00 hanggang P100, 000.00. inihiwalay rin nito
ang mga parusa sa bawat opensa at idinagdag bilang paglabay sa batas ang sinumang
mapapatunayang pinabayaan ang hayop na nasa kanyang pangangalaga.
15.
16. C. Pakikipagpalihan
A.Gawain sa Pagkatuto 3.
Panuto: Ibigay ang iyong damdamin at saloobin tungkol
sa kahalagahan ng akda sa:
1. Ibigay ang naidudulot o kahalagahan ng akdang
“Ang Alaga” sa pansarili, panlipunan at pandaigdig
na pamumuhay. Gamitin ang grapikong
representasyon sa pagpapahayag ng iyong kaisipan.
17.
18.
19.
20.
21. A. Gawain sa Pagkatuto 4. Panuto: Suriin at unawain ang isang
sanaysay tungkol sa mga alagang hayop at pagkatapos ay sagutin ang
mga sumusunod na tanong.
Ang mga Hayop ay Mahalin at Huwag Abusuhin
mula kay Mings
Malaking bahagi ang ginagampanan ng mga hayop sa buhay
nating mga tao. Ang mga hayop ang nagsisilbing kasama, alaga,
libangan, pangunahing pinagkukunan natin ng pagkain at katulong sa
paghahanapbuhay. Tinagurian pa ngang 'man's bestfriend' ang mga
alagang aso sa kadahilanang sila ang hayop na pinakamalapit sa tao
at itinuturing rin sila ng karamihan sa atin bilang isang matalik na
kaibigan.
22. Ang mga hayop kagaya ng aso at pusa ang madalas na
ginagawa nating alaga sa bahay. Malaki ang naiaambag nilang tulong sa
buhay nating mga tao, ang aso ang ginagawang bantay sa bahay at
ginagamit ng pulis sa pagtukoy ng bomba sa pamamagitan ng matalas
nitong pang amoy. Habang ang pusa naman ay nakakatulong sa
pagpatay ng mga peste sa loob ng bahay. May mga hayop rin na
pinagkukunan natin ng pagkain kagaya ng itlog galing sa manok, karne
galing sa baboy, baka, kambing at maraming pang iba.
Karapatan ng mga hayop na mahalin at alagaan. Karapatan
nilang mabuhay, pakainin, linisan, at bigyan ng kaukulang pansin dahil
sila ay gawa rin ng ating Poong Maykapal katulad nating mga tao.
Marami sa atin ang itinuturing na bahagi ng pamilya ang mga ito ngunit
sa kasamaang- palad marami din sa atin ang nilalabag ang kanilang
karapatan.
23. Ang batas na tinatawag na Republic Act No. 8485 na mas kilala
bilang Animal Welfare Act ay nagsusulong na pangalagaan ang
kapakanan ng mga hayop. Ang batas na ito ay naglalayong maparusahan
ang mga taong lalabag sa karapatan ng mga hayop. Ang mga taong
nagmamahal sa mga hayop ay maigting na isinusulong at sinusuportahan
ang batas na ito. Sa kabila ng malawak na pangangampanya na
pangalagaan ang mga hayop dito sa Pilipinas, may mga tao pa ring
binabalewala ang adbokasiyang ito, mga taong walang awang
tomu"torture" at pumapatay ng mga aso, pusa, ibon, at iba pa upang
gawing pulutan o gusto lamang silang paglaruan. Pinahihirapan,
pinagmamalupitan, at inaabuso, halimbawa na lamang diyan ay ang
alagang kalabaw na ginagawang katulong ng magsasaka sa pag-aararo
ng lupa sa bukid na halos buong araw na pinagtatrabaho sa ilalim ng
mainit na panahon.
24. Di porket hindi sila marunong magsalita at magreklamo ay ibig
sabihin hindi na sila nasasaktan. Katulad nating mga tao nakakaramdam
din sila ng pagod, hirap at sakit. Pareho lang tayo ng mundong
ginagalawanang gusto lamang nila ay malasakit at respeto nating mga tao
maski nasila ay mga hayop. Bigyan natin sila ng halaga o importansya
dahil isipinniyo na lang kung wala ang mga hayop kung patuloy natin
silang aabusuhin, saan na tayo kukuha ng isa sa pangunahing
pinagkukunan natin ng pagkain?Sino na ang tutulong sa magsasaka sa
pagsasaka ng mga pananim sa bukid? sino na ang tatahol, poprotekta
sayo laban sa mga masasamang loob at ang papatay sa mga peste sa
loob ng inyong bahay?
Mga kaibigan, ito lamang ay paalala na huwag nating abusuhin
ang karapatan ng hayop tingnan niyo na lang ang malaking papel na
ginagampanan nila sa ating buhay.Tratuhin natin sila ng wasto at nang
may pagmamahal na parang isang pamilya nang sa gayon ay magkaroon
tayo ng maunlad at maayos na pamumuhay.
25. Mga Tanong:
1.Ano ang malaking ginagampanan ng mga
hayop sa buhay ng tao?
2.Ano ang karapatang binabanggit ng may
akda tungkol sa mga hayop?
3.Ano ang isinasaad sa Republic Act 8485?
4.Paano dapat tratuhin ang mga hayop
ayon sa may-akda?
26. D. Paglalapat
Naibigan mo ba ang wakas ng akda? Kung
ikaw ang may-akda, paano mo ito
wawakasan? Isalaysay at isulat ang sagot sa
sagutang papel.
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
27. Alam Mo Ba?
Ang mga salita o pahayag na naglalahad ng opinyon ay
mahalagang maunawaan natin. Layunin nitong ipahiwatig ang
ipinahahayag ng ating kausap o ng mambabasa.
Mga Salitang Nagpapakilala ng Pagsasaad ng Opinyon.
sa palagay ko
ipinahihiwatig sa kaniyang sinabi
batay sa aking paniniwala
sa tingin ko
maaaring
baka
siguro
28. Alam Mo Ba?
Ang mga salita o pahayag na naglalahad ng opinyon ay
mahalagang maunawaan natin. Layunin nitong ipahiwatig ang
ipinahahayag ng ating kausap o ng mambabasa.
Mga Salitang Nagpapakilala ng Pagsasaad ng Opinyon.
sa palagay ko
ipinahihiwatig sa kaniyang sinabi
batay sa aking paniniwala
sa tingin ko
maaaring
baka
siguro
29. Panuto: Bumuo ng pangungusap gamit ang mga pahayag na
naglalahad ng opinyon batay sa sumusunod na sitwasyon. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. Matagumpay na pamimigay ng mga Punong barangay at alkalde ng
mga ayuda sa panahon ng krisis
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
2. Masigla at malalagong halaman sa bulubundundukin ng Pilipinas
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
30. PATALASTAS
Ang patalastas ay maaaring pasalita at pasulat. Ang
pagsasahimpapawid ay ginagamit sa pagbibigay ng patalastas sa paraang
pasalita tulad ng ginagawa sa radyo at telebisyon. Ipinakikita rito ang mga
produktong maaaring magustuhan ng mga tao o kaya’y mga paligsahang
ipinababatid sa publiko. Sa paraang pasulat ay maaari itong ipakita o
ilathala sa pahayagan, billboards, poster at magasin. Nakalimbag dito ang
nais ipaanunsyong mga gawain o hanapbuhay na kailangan ng isang tao o
kompanya; mga larawan o hitsura’t katangian ng produkto o kaya’y
panawagan para sa mga magnanais lumahok sa paligsahan.
33. Panuto: Sa iyong sagutang papel ay sagutan ang pagtataya ayon sa iyong
natutuhan sa araling ito. Isulat ang Tama kung ang pahayag ay makikita sa akda
at Mali kung wala itong kaugnayan sa akda at ang pahayag ay hindi totoo.
1. Masayang pangyayari para kay Kibuka ang pagreretiro.
2. Sariling desisyon ni Kibuka na tanggapin ang biik na galing sa kanyang apo.
3. Masaya si Kibuka na magkaroon ng alagang biik.
4. Kagustuhan ni Kibuka na ipasyal ang alagang biik kahit kung minsan ay
nahihirapan siya.
5. Kusa nahulog ang kalooban ni kibuka sa kanyangalagang aso.
6. Pinilit si Kibuka ng sinuman para lutuin ang kanyangalaga.
7. Pinuwersa si Kibuka para kainin ang kanyang sariling alaga.
8. Ang alagang baboy ang naging sandigan ni Kibuka sa kalungkutan at pag-iisa.
9. Kinainisan ng mga kapitbahay ni Kibuka ang alaga niyang baboy dahil sa
mabahong amoy nito.
10. Ang alagang hayop ay stress reliver ng tao gaya kay Kibuka.
34. PANGHULING PAGTATAYA
Panuto: Sagutin ang mga tanong upang matiyak kung naunawaan mo ang
mahalagang konsepto ng aralin. Isulat ang napiling letra sa sagutang papel.
1. Ang akdang, “Ang Alaga” ay isang uri ng tekstong _______.
A. naglalahad C. nagbabalita
B. nagsasalaysay D. naglalarawan
2. Ang sumusunod ay mga salitang nagsasaad ng opinyon maliban sa _____.
A. maaaring C. sa tingin ko
B. magmadali ka D. batay sa aking paniniwala
3. Anong pagsasaad ng opinyon ang angkop at pupuno sa pangungusap na,
“ ___________, mas mainam na manatili sa loob ng bahay kung hindi naman
gaanong mahalaga ang lalakarin sa labas sa mga panahong ito ng pandemya
ng Covid 19.”
A. Makinig kayo C. Huwag
B. Sa palagay ko D. Pinapangunahan niya
4. Saang bansa nagmula ang akdang “Ang Alaga”?
A. Kanlurang Aprika C. Hilagang America
B. Timog Aprika D. Silangang Aprika
35. Para sa bilang na 5-8 basahin ang talata sa ibaba.
Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa kaniyang sarili. Nang mawala ang
aming ama, ganoon na lamang ang pag-aalala namin sa kaniya. Inaakala ko na
manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwal subalit nananatili siyang
matatag at nakakapit sa Diyos.
5. Anong damdamin ang namamayani sa nagsasalaysay sa talata?
A. pagkalungkot C. paghinanakit
B. pagkabalisa D. panghihinayang
6. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya
kami kaysa sa kaniyang sarili?
A. Gagawin ng magulang ang lahat para sa mga anak.
B. Alam ng magulang kung ano ang makabubuti sa mga anak.
C. Ibibigay ng magulang ang mga pangangailangan ng mga anak
D. Ibinibigay ng magulang ang mga luho ng anak para sa sarili nitong
kapakanan.
36. 7. Anong uri ng ina ang masasalamin sa talata?
A. malungkutin subalit matatag
B. nangungunsinti sa kakulangan ng mga anak
C. mapagbigay para sa pangangailangang pisikal ng mga anak
D. inang mapagmahal sa mga anak at nagpapahalaga sa Diyos
8. Ano ang maaaring maging bunga ng pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos ng
isang ina?
A. katatagan ng buong pamilya
B. panghihina ng espiritwal na aspekto
C. pamumuhay ng masaganang materyal
D. maraming pagsubok sa bawat miyembro ng pamilya
9. Taglay ng maikling kuwento ang pagkakaroon ng may kawilihan hanggang sa
kasukdulan na agad na susundan ng_______.
A. wakas B. kakalasan C. kasukdulan D. suliranin
10. Sino ang binabanggit sa pahayag na, “Natatawa siya sa sarili at alam niya na
hindi na siya maglalakad tuwing hapon at sa halip makatutulog na siya nang
maayos.”?
A. apo B. Kibuka C. Miriamu D. Yosefu
38. Project DANGAL ng Cabayan: Susi sa Tagumpay!
MONITORING AND EVALUATION TOOL
DISIPLINA
Pumapasok sa tamang oras araw-araw
Sumusunod sa mga alituntunin ng paaralan
Hindi nasasangkot sa anumang away o kaguluhan sa paaralan
Hindi nangungutya at nambu-bully ng kamag-aaral
Hindi lumilikha ng anumang ingay sa loob at labas ng silid-aralan
Hindi pagala-gala, palabas-labas o palipat lipat ng upuan
Hindi nandaraya o nangongopya sa kamag-aaral
Nagpapasa ng mga requirements sa lahat ng asignatura
Hindi kumukuha ng mga bagay o kagamitan na hindi pag-aari
Hindi gumagamit ng cellphone sa oras ng klase
Hindi nagsusulat (vandalism) at naninira ng mga gamit ng paaralan
Nagsusuot ng kaaya-ayang kasoutan sa pagpasok
Hindi nagkukulay ng buhok (babae at lalaki) at di nagsusuot ng hikaw ang mga lalaki at
mahigit sa dalawang pares sa mga babae
Nakikiisa sa Flag Ceremony tuwing Lunes nang may kaayusan
39. Project DANGAL ng Cabayan: Susi sa Tagumpay!
MONITORING AND EVALUATION TOOL
AMBISYON
Nagpapakita ng sikap sa pag-aaral
Nagpapamalas ng determinisyon at positibong pananaw sa buhay
Matatag sa pagharap sa mga hamon o pagsubok sa buhay
NATATANGING PAG-UUGALI
Magalang sa mga guro, magulang, kamag-aaral at sa mga nakatatanda
Matapat na nagsasabi ng katotohanan, hindi nakikialam/kumukuha ng pag-aari ng iba, at
nagbabalik ng anumang bagay na napulot
Masipag sa pag-aaral at mga gawain sa paaralan
Masunurin sa mga guro at lider na kamag-aaral
Matiyaga at masikap sa pag-aaral
Masayahin sa loob at labas ng silid-aralan na kinagigiliwan ng lahat
Mahinahon sa pakikipag-usap sa mga guro, magulang at kamag-aaral
Mapagkumbaba sa pagtanggap ng kamalian, pagkatalo at pagkapanalo
Mapagkakatiwalaan sa klase at sa buong paaralan
40. Project DANGAL ng Cabayan: Susi sa Tagumpay!
MONITORING AND EVALUATION TOOL
GALING AT HUSAY
Nakikiisa sa mga activities sa paaralan
Nagpapamalas nang galing sa klase sa bawat aralin
Napauunlad ang sariling kakayahan, talino at talento
ANGKING KABUTIHAN
Nagpapakita ng Malasakit sa kapwa mag-aaral at iba pang nangangailangan
Mapagbigay at handing maglaan ng tulong material, bagay at serbisyo sa abot ng
kakayahan sa kamag-aaral at ibang tao
Nagpapahalaga sa kapaligiran at kalikasan
Pagdamay at pagtulong sa kamag-aaral, guro at magulang
LIKAS NA PAGMAMAHAL SA DIYOS
Nagsisimba tuwing Linggo at Pistang pangilin
Tahimik na nakikinig at nananalangin tuwing may misa sa unang Biyernes ng buwan
Iginagalang at minamahal ang mga guro
Hindi nagsisiunungaling