SlideShare a Scribd company logo
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Maikling Kuwento mula sa Uganda
(Panitikang African at Persian)
AIRs - LM
10
Filipino 10 (Panitikang African at Persian)
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Maikling Kuwento mula sa Uganda
Unang Edisyon, 2021
Karapatang sipi © 2021
La Union Schools Division
Region I
Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o
pagkuha ng bahagi nang walang pahintulot ay hindi pinapayagan.
Bumuo sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: John-John L. Pasul, Saytan Integrated School
Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II
Tagapamahala:
Atty. Donato D. Balderas, Jr.
Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, Ph. D, CID Chief
Virgilio C. Boado, Ph. D, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, Ph. D, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II
Sapulin
Mapagpalang araw sa iyo minamahal kong mag-aaral! Kumusta ka?
Binabati kita dahil natapos mo ng mapag-aralan ang mito, anekdota at tula.
Nagkaroon ka ng kaalaman at malalim na pang-unawa sa mga akdang iyong nabasa.
Ngayon, handa ka na ba para sa mga bagong kaalaman at kasanayang malilinang
mo sa paksang ating tatalakayin? Kung oo, maghanda ka na sa mga aralin at halina’t
samahan mo akong lakbayin ang inihandang modyul para sa iyo.
Ang Modyul 4 ay naglalaman ng maikling kuwentong may pamagat na “Ang
Alaga” ni Barbara Kimenye mula sa bansang Uganda. Isa si Kimenye sa mga sikat
na manunulat hindi lang sa Uganda kundi maging sa kabuoan ng rehiyon ng East
Africa. Inilalahad sa akdang ito ang tungkol sa pagmamahal na inukol ng isang tao
sa kaniyang alaga.
Nabuo ang modyul na ito para sa iyo upang maunawaan ang Mga
Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC):
1. Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang
pangyayari sa lipunan. (F10PN-IIId-e-79)
2. Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa.
(F10PT-IIId-e-79)
3. Nabibigyang-puna ang napanood na teaser o trailer ng pelikula na may
paksang katulad ng binasang akda. (F10PD-IIId-e-77)
Halina’t atin nang talakayin ang isa sa ipinagmamalaking maikling
kuwentong mula sa Uganda. Handa ka na ba? Kung nakahanda ka na, maaaring ka
nang magsimula sa mga gawain at aralin.
Aralin
4
Maikling Kuwento
mula sa Uganda
Panitikan: Ang Alaga
Simulan
Bago natin simulan ang malalimang talakayan, alamin muna natin ang iyong
kaalaman sa paksang ating tatalakayin sa pamamagitan ng sumusunod na gawain.
Gawain 1: Alaga Mo, Ikuwento Mo!
Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang iyong alagang hayop (ilagay ang pangalan kung
mayroon) saka magkuwento ng ilang mga pangyayaring pinagsamahan ninyo sa isa’t
isa sa mga kahon. Gayahin ang pormat ng Graphics Organizer sa sagutang papel.
Binabati kita sa mahusay mong pagsagot. Matagumpay mong naisagawa ang
paunang gawain. Makatutulong ito para sa pag-unawa mo akdang iyong babasahin.
Ngayon, basahin at alamin mo ang kahulugan ng maikling kuwento upang mas
lumawak pa ang dati mo ng kaalaman ukol dito. Halina’t simulan mo na.
Alam mo bang….
Ang Maikling Kuwento ay nilikha nang masining upang mabisang
maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari tungkol sa
buhay ng tauhan o lugar na pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari?
Taglay nito ang pagkakaroon ng sumusunod:
• Iisang kakintalan
• Isang pangunahing tauhang may mahalagang suliraning kailangang
bigyang solusyon
• Tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay
• May mahalagang tagpuan
• May kawilihan hanggang sa kasukdulan na agad susundan ng wakas.
Isa sa mga uri ng maikling kuwento ay ang kuwento ng tauhan - ang
binibigyang-diin ay ang ugali o katangian ng tauhan. Ang maikling kuwentong
iyong babasahin ay nakatuon sa katangian ng tauhan. Ang tauhan sa akda ay
kumilos ayon sa kaniyang paligid.
Ang Alaga kong
_______________
Lakbayin
Samahan mo akong basahin at unawain ang maikling kuwento upang
malaman kung paano nakatutulong ang maikling kuwento sa pagkakaroon ng
kamalayan sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan.
Ang Alaga
Mula sa “The Pig” ni Barbara Kimenye
(Isinalin sa Filipino ni Magdalena O. Jocson)
Naniniwala si Kibuka na hindi para sa kaniya ang pagreretiro. Isa siyang
mapagkakatiwalaang kawani sa Ggogombola Headquarters. Hanggang isang araw,
may pinapunta mula sa Komisyon ng Serbisyo Publiko sa kanilang tanggapan
upang alamin kung sino ang mga kawaning dapat nang magretiro. Ang sumunod
na pangyayari sa likod ng maitim na kulay ng kaniyang buhok, may pensiyon na
siya, may Sertipiko ng Serbisyo, at wala ng trabaho.
Sa pagkakaretiro niya, nag-aalala pa rin siya kung paano ginagawa sa
kasalukuyan ang dati niyang trabaho. Minsan, ipinatawag siya sa dati niyang
tanggapan upang tingnan kung kailangan ng kaniyang kapalit ang payo at tulong.
Hindi siya makapaniwala sa nadatnan niyang makalat na mga papeles at
napatunayan niya ang kawalan ng kaayusan. Sa buong paligid ng tanggapan,
nagkalat din ang iba’t ibang papeles, maging ang mga kompidensiyal na papeles
na hindi dapat makita ng kung sino-sino ay nababasa na ng lahat. Sa ganitong
sitwasyon tila walang pakialam ang kaniyang kapalit. Mas binibigyang-pansin pa
nito ang pakikipag-usap sa telepono habang napaliligiran ng ilang babae.
Hindi naging maganda ang pagpunta niya sa dating tanggapan. Maging ang
dati niyang mga kasamahan ay hindi na interesado sa sinasabi ni Kibuka. Ngayon,
gugugulin na niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabi ng ilog sa
Kalansanda. Nagkataon pang ang matalik niyang kaibigang si Yosefu Mukasa ay
nasa Buddu Country para sa pagnenegosyo. Naiisip ni Kibuka na kaawa-awa na
siya at mabuting mamatay na lamang. Paulit-ulit niya itong naiisip habang nag-
iinit ng tubig para sa iinuming tsaa. Sa ganoong sitwasyon, nakarinig siya ng tunog
ng paparating na kotse. Sabik niyang tinungo ang pinto ng bahay upang alamin
kung sino ang dumating. Siya ang pinakamatanda sa kaniyang mga apo,
matangkad, payat at kaboses niya.
Masayang-masaya si Kibuka habang nanginginig na niyakap ang apo.
“Napakagandang sorpresa! Tuloy ka mahal kong apo, tamang-tama naghanda ako
ng maiinom na tsaa.”
“Lolo, sandali lang po ako. Hindi po ako magtatagal. Tiningnan ko lamang
po ang katayuan ninyo at dinalhan ko po kayo ng pasalubong.”
“Napakabuti mo, aking apo. Ang biglang pagbisita mo at may pasalubong
pa ay lubha kong ikinatuwa.” Dahil dito, nabaligtad na lahat ang hindi niya
magagandang naiisip tungkol sa buhay, puno na siya ng kapanabikan.
“Isang biik ang pasalubong ko po sa inyo mula sa Farm School. Hindi na
siya mapakain doon at naisip kong baka gusto ninyong mag-alaga nito.”
Kinuha ng apo ni Kibuka ang itim na biik. Tuwang-tuwa si Kibuka. Ngayon
lang siya nakakita ng napakaliit na biik. Sampung minuto ang ginugol niya para
tingnan ang kabuoan ng biik: ang mapupungay na mata, mga kuko sa paa at
pagwagwag ng buntot. Masayang nagpaalam si Kibuka sa apo at habang
kumakaway siya rito, sumisiksik naman sa kaniyang dibdib ang biik.
Sinabi niya sa apo na dadalhin niya sa Markansas ang biik at kakausapin
si Miriamu na ihanda ang biik bilang espesyal na pagkain sa hapunan para sa
pag-uwi ni Yosefu.
Nagdalawang-isip si Kibuka para sa planong gagawin sa biik sapagkat
sunod nang sunod ang biik at bawat pag-upo niya laging nasa paanan niya ito.
Hindi ito umaalis sa tabi niya. Parang taong nakikinig sa bawat sasabihin ni
Kibuka.
Pagdating ng gabi, biglang maiisip ni Kibuka na pakainin ang biik ng tirang
pagkain sa sarili niyang pinggan, bukod pa sa talagang kinakain nito. Pagkalipas
ng ilang araw, lumalaki na ang biik, malakas nang kumain at kailangang manguha
ng matoke (isang uri ng saging) si Kibuka sa mga kaibigan at kapitbahay.
Nalaman na sa buong Kabzanda na may alagang baboy si Kibuka. Mula
noon, hindi na nagbabahay-bahay si Kibuka upang manguha ng matoke para sa
alaga niyang baboy sapagkat ang mga babae at batang nag-iigib ng tubig na
malapit sa bahay ni Kibuka ang nagdadala na ng mga matoke. Nagiging dahilan
iyon upang makita at makipaglaro sila sa alagang baboy ni Kibuka. Para na nilang
kamag-anak ito na sinusundan at inaalam ang paglaki nito.
Ito lamang ang baboy na napakalinis dahil naaalagaan ito nang maayos.
Dahil dito, pinapayagan ni Kibukang matulog ito sa kaniyang paanan bagaman
ingat na ingat siya na malaman ito ng kaniyang mga kapitbahay. Naging mabilis
ang paglaki ng alagang baboy. Lumaki ito sa maayos na kapaligiran at higit sa
lahat, napamahal na iyon kay Kibuka.
Sa paglipas ng mga linggo, habang lumalaki ang alagang baboy, maraming
problema ang dumarating. Halimbawa, kailangan na nang mas maraming pagkain
at hindi naman ganoon karami ang makukuha sa mga kapitbahay kaya kapag
wala nang makain ang baboy, pupunta ito sa shamba (plantasyon) ng mga
kapitbahay at kakainin ang tanim na mga gulay at kape. Maging si Kibuka ay
naninimot sa sarili niyang mga pagkain maibigay lamang sa alagang baboy.
Hindi na rin gusto ni Kibuka na natutulog sa kaniyang paanan ang alagang
baboy gaya noong biik pa lamang ito. Ngayon, napakalakas nitong humulik na
nakapagpapapuyat kay Kibuka. Isang mabigat na desisyon na hindi na magtatagal
ay ilalabas na niya ang alagang baboy at itatali na lamang sa puno. Kung sino
kaya ang magdurusa, si Kibuka o kaniyang alagang baboy ay mahirap na sagutin.
Walang malayang alagang baboy at si Kibuka lamang ang makapagsasabi.
Sa araw, malayang nakagagala pa ang baboy, bagaman laging nahuhulog
sa ilog. Hindi tiyak ang lalim ng ilog sa Kalansanda. Karaniwang naliligo o
nagtatampisaw ang mga taga-Kalansanda sa nasabing ilog. Minsan, kapag
umuulan, malakas ang agos ng tubig na maaaring madala nito ang isang bata.
Ibig na ibig ng alagang baboy na magtampisaw rito. Naglalaro sa imahinasyon ni
Kibuka na baka paglaruan ang alagang baboy ng mga batang naglalaro na
maaaring hulihin at dalhin sa gitna ng ilog at lunurin ang baboy.
Para hindi ito mangyari, tuwing magdidilim na, pinapasyal niya ang alagang
baboy na kinasanayan nang makita ng mga taga-Kalansanda at tanging hindi mga
tagaroon ang tila nagugulat sa ginagawa niyang pagpasyal sa alagang baboy
habang may tali ito. Naging magandang ehersisyo ito ni Kibuka dahil sa pananakit
ng kaniyang mga kalyo na sa bawat hakbang niya upang masiyahan ang alagang
baboy ay katumbas naman ng labis na sakit ang dulot sa kaniya na halos ikaiyak
niya. Sinabi niya kay Daudi Kulubya na nagmamalasakit sa papilay-pilay niyang
lakad na nasisiyahan naman siya sa ginagawa niya sa alagang baboy. Masaya
siyang uuwi at ibababad ang mga paa sa isang palanggana ng mainit na tubig ng
isang oras. Hindi na niya iisipin ang pananakit ng kaniyang mga kalyo.
Gaano pa katagal ang ganitong sitwasyon? May mga pagkakataong
kinakausap ni Kibuka ang ilang kilala niyang bumibili ng alaga niyang baboy.
Ngunit ang pagmamahal sa alagang baboy ang namamayani kay Kibuka kaya
hindi niya ito maipagbibili dahil para na rin itong pagtataksil sa alaga.
Isang araw, habang papunta si Kibuka sa Sagradong Puno at habang
naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang ‘di inaasahang
pangyayari ang naganap. Si Kibuka, ang alagang baboy at ang drayber ng isang
motorsiklo ay tumilapon sa iba’t ibang direksiyon. Nasagasahan sina Kibuka at
alagang baboy ng isang motorsiklo. Nang magkamalay na siya, natuwa siya
sapagkat buo pa rin ang kaniyang katawan maliban sa isang balikat na sumasakit
at dugo sa mga kamay niya. Nakilala niya ang drayber na si Nathaniel Kiggundu
na tila hindi naman gaanong nasaktan. Inalis niya ang mga damong nakatabon sa
kaniyang mukha at makikita ang mahabang punit ng pantalon sa tapat ng isa sa
kaniyang tuhod.
Mula sa kung saan, narinig nila ang napakalakas na iyak ng alagang baboy
ni Kibuka at doon nagpunta ang dalawang lalaki. Pagdating nila, ay umiiyak ang
baboy dahil sa pagkakaipit ng leeg. Ilang sandal pa’y namatay na ang alaga niya
baboy. Totoong nakasama kay Kibuka ang aksidenteng nag-iwan sa kaniya ng
kondisyong walang katiyakan. Habang nakaupo siya sa tabi ng namatay na
alagang hayop, iniisip niya ang kasunod na mga pangyayari. Marami nang taong
nag-uusyoso, titingnan si Kibuka at namatay na alagang hayop at pagkatapos ang
motorsiklo naman ang kanilang titingnan. Dumating si Musisi, ang Hepe ng
Ggogombola. Kinuha ang pahayag ni Kiggundu at pagkatapos nilapitan si Kibuka
at pinipilit na isakay sa kaniyang sasakyan upang iuwi sa bahay niya.
“Sir, mukhang hindi pa maganda ang lagay ninyo, bukas na lang kayo
kukunan ng pahayag. Magpahinga muna kayo.” “Pero hindi ko maaaring iwanan
ang namatay kong alagang baboy.”
“Maaari po nating ilagay sa likod ng aking sasakyan kung ibig po ninyo.
Mas mabuti sana kung puputol-putulin na ito ng matadero dahil hindi na ito
maaaring magtagal sa klase ng klima ngayon.”
Kailanman ay hindi pumasok sa isipan ni Kibukang kainin ang alagang
hayop. Iniisip niya kung saang bahagi ng shamba ililibing ang alagang hayop.
Sinabi niya na ang pagkain ng isang napamahal na alaga ay isang barbarong
gawain. Naiisip niya na naghuhukay na siya ng paglilibingan ng alaga. Natitiyak
niyang hindi siya tutulungan ng mga taga-kalsada na gawin ito. Sa bandang huli,
naisip niya na bakit hindi magkaroon ng bahagi ang kaniyang mga kapitbahay sa
namatay niyang alaga. Sila naman ang nagpakain sa nasabing alaga.
Dinala sa Ggogombola Headquarters ang nasabing alaga ni Kibuka at
ipahahati-hati ito sa askaris na naroon. Sinoman ang may gustong kumain ng
baboy ay pumunta roon bago mag-ikapito ng gabi, ayon kay Musisi na siya nang
nag-asikaso sa namatay na baboy.
Sa pagbalik ni Kibuka sa kaniyang tahanan, ginamot niya ang kaniyang
balikat ng gamot na karaniwang ginagamit niya sa anomang sakit na nararanasan.
Umupo sandali habang umiinom ng tsaa. Maaga siyang natulog at nagising sa
magandang sikat ng araw. Nasabi niya sa kaniyang sarili na ito ang
pinakamaganda niyang pagtulog at nasiyahan siya pagkatapos ng maraming
buwang nagdaan. Dumating si Musisi habang papaalis na si Kibuka upang
tingnan kung ang pata ng alaga niyang baboy ay nadala kay Yosefu at Miriamu.
“Hindi pa, Sir, ngayon ko pa lamang dadalhin doon, ibig ba ninyong
sumabay na sa akin pagpunta roon?”
Pumayag si Kibuka na makisabay. Tinanggihan naman niya ang laman ng
baboy na dinala sa kaniya ni Musisi.
Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Hanapin ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit. Pumili ng
titik ng iyong sagot sa kahon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Karaniwang nagtatampisaw ang mga taga-kalansada sa ilog.
2. Maging si kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain maibigay
lamang sa alaga niyang baboy.
3. Ang pagmamahal sa alagang baboy ang namamayani kay KIbuka kaya
hindi niya ito maipagbili.
4. Si Kibuka, ang alagang baboy at ang drayber ng isang motorsiklo ay
tumilapon sa iba’t ibang direksiyon.
5. Habang naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang
di inaasahang pangyayari ang naganap.
Gawain 3: Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa akda? Itala ang kaniyang kalakasan at
kahinaan bilang tauhan.
___________________________________________________________________________
2. Batay sa akda, paano mo ilalarawan ang isang alaga nang may
pagpapahalaga?
___________________________________________________________________________
3. Paano ka naapektuhan ng akdang iyong nabasa?
___________________________________________________________________________
4. Naibigan mo ba ang wakas? Kung ikaw ang may-akda, paano mo ito
wawakasan? Isalaysay.
___________________________________________________________________________
5. Kung ikaw si Kibuka, ano ang gagawin mo kung may nagbigay sa iyo ng isang
alagang hayop?
___________________________________________________________________________
“Sa iyo na iyon, anak, hindi ako mahilig kumain ng baboy.” Kinuha ni
Miriamu ang pata ng baboy at ang interes naman ni Yosefu ay ang mga detalye ng
aksidenteng naranasan ni Kibuka. Pinilit ni Yosefu at Miriamu na mananghalian
sa kanila ang dalawa. Ngunit kailangang dumalo sa isang pulong ni Musisi sa
Mmengo, kaya si Kibuka na lamang ang iniwan. Maraming napag-usapan sina
Kibuka at Yosefu. Matagal silang hindi nagkita kaya magiging masarap ang
pagkain nila ng pananghalian.
“Talagang napakahusay mong magluto, Miriamu,” wika ni Kibuka habang
naglalagay ng maraming pagkain sa kaniyang pinggan.”
“Napakalambot ng karne ng baboy na iyon na parang isang manok at
napakasarap pa,” pahayag naman ni Miriamu.
May ilang sandaling nalulungkot siya sapagkat alam niyang karne ito ng
mahal niyang alaga at masaya niyang kinakain ito. Ngunit sandali lamang ito at
patuloy pa rin niyang nilalagyan ng karne ang kaniyang pinggan. Natatawa siya
sa sarili at alam niyang hindi na siya maglalakad tuwing hapon at sa halip
makatutulog na siya nang maayos.
A. nagtitipid B. nangingibabaw C. naghuhukay
D. naihagis E. nag-aaksaya F. naliligo
Galugarin
Gawain 4: Ihambing Mo!
Panuto: Tukuyin ang pangunahing paksa ng maikling kuwento. Pagkatapos ay itala
ang / ang mga suliraning nangibabaw o kinaharap ng pangunahing tauhan at
iugnay ito sa mga suliraning kasalukuyang maiuugnay sa pandaigdigang pangyayari
sa lipunan. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.
Gawain 5: Pagnilayan Mo!
Panuto: Sagutin ang tanong upang matiyak na naunawaan ang mahahalagang
konsepto ng aralin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Magaling! Binabati kita sa matagumpay mong magsagot sa mga gawain.
Ngayon ay mas palalalimin pa mo pa ang iyong kasanayang pampagkatuto sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng iba pang mga gawain.
Paano nakatutulong ang maikling
kuwento sa pagkakaroon ng kamalayan sa
pandaigdigang pangyayari
sa lipunan?
Kibuka
Pangunahing tauhan
Suliraning
nangibabaw o
kinaharap ng
pangunahing tauhan
Suliranin sa
kasalukuyang
maiuugnay sa
pandaigdigang
pangyayari sa lipunan
Pangunahing Paksa
Ang Alaga
Maikling Kuwento
Palalimin
Gawain 6: Nood-trailer, Saliksikin!
Panuto: Magsaliksik ng isang Trailer o Teaser ng isang pelikulang may kahalintulad
na paksa sa binasang maikling kuwento. Punan ang impormasyon sa ibaba saka
sagutin ang mga gabay na tanong sa iyong sagutang papel.
Pamagat ng Pelikula: _________________________________________
Pangunahing tauhan: ________________________________________
Suliraning kinaharap: ________________________________________
1. Makatotohanan ba ang mga pangyayari sa trailer o teaser ng pelikula?
2. Paano sinolusyonan ng pangunahing tauhan ang suliraning kinaharap?
3. Ano ang iyong pangkalahatang puna sa nasabing trailer o teaser ng pelikula?
Gawain 7: Isabuhay Mo!
Panuto: Ibigay ang kahalagahan ng akdang binasa sa sarili, lipunan at daigdig.
Gayahin ang pormat sa sagutang papel.
Sarili Lipunan Daigdig
ANG ALAGA
Kahalagahan ng Akda sa
Sukatin
Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa bahaging ito. Alam kong marami
kang natutuhan sa modyul na ito. Ngayon, ating tatayahin ang iyong kaalaman sa
nakalipas na mga aralin.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na tanong. Isulat sa iyong
sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
_____ 1. Bakit nawalan ng trabaho si Kibuka?
A. Dahil sa pagiging tamad sa trabaho.
B. Dahil sa pagmamalupit ng kaniyang amo.
C. Dahil sa katandaan at kailangan na niyang magretiro.
D. Dahil gusto niyang gawin ang matagal na niyang pangarap.
_____ 2. Bakit nagbago ang isip ni Kibuka na gawing handa ang kaniyang
alagang hayop sa pagdating ni Yosefu?
A. Dahil sa awa at pagkaaliw nito sa kaniyang alaga.
B. Dahil maliit pa ang kaniyang alaga at kaunti pa lang ang karne nito.
C. Dahil nasasayangan itong maging handa lamang ang kaniyang
alaga.
D. Dahil napamahal na sa kaniya ang alaga kaya naman hindi siya
pumayag na maging handa lamang ito.
_____ 3. Ano ang dahilan ng pagkamatay ng alagang baboy ni Kibuka?
A. Sobrang katandaan ng alaga kaya namatay.
B. Kailangan ng katayin dahil sa kawalan ng pera.
C. Sa tumamang sakit sa kaniyang alagang baboy.
D. Nasagasahan ng motor na sanhi ng kaniyang kamatayan.
_____ 4. Anong suliranin ang nangingibabaw sa akda?
A. Pagbabalewala sa mga matatandang manggagawa.
B. Kahirapang dinulot ng alaga sa kaniyang amo.
C. Pagkamatay ng kaniyang alagang baboy.
D. Pagmamalupit sa mga alagang hayop.
_____ 5. Ano ang mensaheng nakapaloob sa akda?
A. Pagkakaroon ng pagpapahalaga sa mga alagang hayop.
B. Pagpili sa mga pinagkakatiwalaan at binibigyang pansin.
C. Pagbibigay ng importansya sa lahat, mapatao man ito o hayop.
D. Pagkakaroon ng pagpapahalaga sa mga matatanda na nating
pamilya.
Napakahusay mo! Binabati kita sa matiyaga mong
pagsama sa paglalakbay at pagtalakay natin sa
maikling kuwentong nagmula sa Uganda. Batid
kong naipaabot nito ang pagbibigay-halaga hindi
lamang sa tao maging sa kahit anomang nilalang
ng Maykapal. Ihanda mo ngayon ang iyong sarili
sa kasunod na modyul – Modyul 5: Maikling
Kuwento mula sa Iran (Persia).
B. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang ✓ kung pahayag at Tama samantalang X
naman kung ito’y Mali.
_____ 1. Pagod na si Kibuka sa pagtatrabaho kaya tuwang-tuwa siya nang siya
ay nagretiro.
_____ 2. Naging maayos ang trabaho ng pumalit sa kaniya sa headquarters.
_____ 3. Binigyan ng kaniyang apo si Kibuka ng isang biik na aalagaan.
_____ 4. Napamahal nang husto si Kibuka sa kaniyang alagang biik.
_____ 5. Ang matoke ay nangangahulugang isang uri ng saging.
_____ 6. Hindi nagustuhan ng mga kapitbahay ni Kibuka ang kaniyang alaga.
_____ 7. Pagdating ng gabi, biglang maiisip ni Kibuka na pakainin ang biik ng
tirang pagkain sa sarili niyang pinggan, bukod pa sa talagang kinakain
nito
_____ 8. Ang shamba ay nangangahulugang plantasyon.
_____ 9. Natatawa si Kibuka dahil hindi na siya maglalakad tuwing hapon at sa
halip makakatulog na siya nang maayos.
_____ 10. Ang drayber ng motor ay nasawi rin kasama ng baboy.
_____ 11. Ang maikling kuwento ay may tatlo o mahigit pang kakintalan.
_____ 12. Sa maikling kuwento, may isang pangunahing tauhang may
mahalagang suliraning kailangang bigyang solusyon
_____ 13. Sa isang maikling kuwento hindi na kailangang bigyan ng pansin ang
tagpuan.
_____ 14. Nagiging buhay ang isang naisulat na maikling kuwento kung ito’y
naisapelikula.
_____ 15. Nakapupukaw ng atensiyon ang isang trailer o teaser bago panoorin
ang isang pelikula.
ARALIN
1.1
(Panitikan:
Ang
Alaga)
SIMULAN
Gawain
1:
Alaga
Mo,
Ikuwento
Mo!
LAKBAYIN
Gawain
2:
Paglinang
ng
Talasalitaan
GALUGARIN
Gawain
3:
Pag-unawa
sa
Binasa
Gawain
4:
Ihambing
Mo!
Gawain
5:
Pagnilayan
Mo!
PALALIMIN
Gawain
6:
Isabuhay
Mo!
Gawain
7:
Nood-trailer,
Saliksikin
SUKATIN
PANGWAKAS
NA
PAGTATAYA
A.
1.
C
2.
A
3.
D
4.
B
5.
C
B.
1.
X
2.
X
3.
✓
4.
✓
5.
✓
6.
X
7.
✓
8.
✓
9.
✓
10.X
11.X
12.
✓
13.X
14.
✓
15.
✓
Iba-iba
ang
sagot.
Iba-iba
ang
sagot.
Iba-iba
ang
sagot.
Iba-iba
ang
sagot.
Iba-iba
ang
sagot.
Iba-iba
ang
sagot.
Iba-iba
ang
sagot.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Department of Education – Curriculum and Instruction Strand (2020). Most
Essential Learning Competencies. p. 252
Ambat, V.C., et.al (2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal
Group, Inc. p. 291-298.

More Related Content

What's hot

Sundiata.pptx
Sundiata.pptxSundiata.pptx
Sundiata.pptx
CherryCaralde
 
Mullah Nassreddin.pptx
Mullah Nassreddin.pptxMullah Nassreddin.pptx
Mullah Nassreddin.pptx
Emmalyn Bagsit
 
Dilma Rousseff
Dilma RousseffDilma Rousseff
Dilma Rousseff
GhieSamaniego
 
MITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIA
MITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIAMITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIA
MITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIA
RegineBatle
 
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na GansaAng Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Jenita Guinoo
 
Jenita powerpoint kwintas
Jenita powerpoint kwintasJenita powerpoint kwintas
Jenita powerpoint kwintas
Jenita Guinoo
 
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptx
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptxAralin_3.7.ppt paglisan.pptx
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptx
PrincejoyManzano1
 
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga HiganteSina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Emelyn Inguito
 
Detailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - AnekdotaDetailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - Anekdota
Krystal Pearl Dela Cruz
 
Modyul (Romeo at Juliet)
Modyul (Romeo at Juliet)Modyul (Romeo at Juliet)
Modyul (Romeo at Juliet)
Aubrey Arebuabo
 
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
jessacada
 
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang PagpapahayagTuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Allan Lloyd Martinez
 
MENSAHE NG BUTIL NG KAPE AT PASALAYSAY.pdf
MENSAHE NG BUTIL NG KAPE AT PASALAYSAY.pdfMENSAHE NG BUTIL NG KAPE AT PASALAYSAY.pdf
MENSAHE NG BUTIL NG KAPE AT PASALAYSAY.pdf
GenerAbreaJayan
 
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMOMALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
JovelynValera
 
Ang Alaga; Isinulat ni Barbara kemenye
Ang Alaga; Isinulat ni Barbara kemenyeAng Alaga; Isinulat ni Barbara kemenye
Ang Alaga; Isinulat ni Barbara kemenye
RebsRebs
 
SIM Ang Kuba ng Notre Dame
SIM Ang Kuba ng Notre DameSIM Ang Kuba ng Notre Dame
SIM Ang Kuba ng Notre Dame
Ramelia Ulpindo
 
Mitolohiya ng-kenya (1)
Mitolohiya ng-kenya (1)Mitolohiya ng-kenya (1)
Mitolohiya ng-kenya (1)
faithdenys
 
Week 6 Epiko ni Gilgamesh.pptx
Week 6 Epiko ni Gilgamesh.pptxWeek 6 Epiko ni Gilgamesh.pptx
Week 6 Epiko ni Gilgamesh.pptx
SandyRestrivera
 
Alegorya ng Yungib.pptx
Alegorya ng Yungib.pptxAlegorya ng Yungib.pptx
Alegorya ng Yungib.pptx
RheaSaguid1
 

What's hot (20)

Sundiata.pptx
Sundiata.pptxSundiata.pptx
Sundiata.pptx
 
Mullah Nassreddin.pptx
Mullah Nassreddin.pptxMullah Nassreddin.pptx
Mullah Nassreddin.pptx
 
Lessonplan demo epiko
Lessonplan demo epikoLessonplan demo epiko
Lessonplan demo epiko
 
Dilma Rousseff
Dilma RousseffDilma Rousseff
Dilma Rousseff
 
MITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIA
MITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIAMITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIA
MITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIA
 
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na GansaAng Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
 
Jenita powerpoint kwintas
Jenita powerpoint kwintasJenita powerpoint kwintas
Jenita powerpoint kwintas
 
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptx
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptxAralin_3.7.ppt paglisan.pptx
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptx
 
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga HiganteSina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
 
Detailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - AnekdotaDetailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - Anekdota
 
Modyul (Romeo at Juliet)
Modyul (Romeo at Juliet)Modyul (Romeo at Juliet)
Modyul (Romeo at Juliet)
 
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
 
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang PagpapahayagTuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
 
MENSAHE NG BUTIL NG KAPE AT PASALAYSAY.pdf
MENSAHE NG BUTIL NG KAPE AT PASALAYSAY.pdfMENSAHE NG BUTIL NG KAPE AT PASALAYSAY.pdf
MENSAHE NG BUTIL NG KAPE AT PASALAYSAY.pdf
 
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMOMALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
 
Ang Alaga; Isinulat ni Barbara kemenye
Ang Alaga; Isinulat ni Barbara kemenyeAng Alaga; Isinulat ni Barbara kemenye
Ang Alaga; Isinulat ni Barbara kemenye
 
SIM Ang Kuba ng Notre Dame
SIM Ang Kuba ng Notre DameSIM Ang Kuba ng Notre Dame
SIM Ang Kuba ng Notre Dame
 
Mitolohiya ng-kenya (1)
Mitolohiya ng-kenya (1)Mitolohiya ng-kenya (1)
Mitolohiya ng-kenya (1)
 
Week 6 Epiko ni Gilgamesh.pptx
Week 6 Epiko ni Gilgamesh.pptxWeek 6 Epiko ni Gilgamesh.pptx
Week 6 Epiko ni Gilgamesh.pptx
 
Alegorya ng Yungib.pptx
Alegorya ng Yungib.pptxAlegorya ng Yungib.pptx
Alegorya ng Yungib.pptx
 

Similar to Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdf

Ang Alaga 2.pptx
Ang Alaga 2.pptxAng Alaga 2.pptx
Ang Alaga 2.pptx
Alexia San Jose
 
Filipino 6 Q1 Week 1-Pagsagot ng mga Tanong Tungkol sa NapakingganNabasang mg...
Filipino 6 Q1 Week 1-Pagsagot ng mga Tanong Tungkol sa NapakingganNabasang mg...Filipino 6 Q1 Week 1-Pagsagot ng mga Tanong Tungkol sa NapakingganNabasang mg...
Filipino 6 Q1 Week 1-Pagsagot ng mga Tanong Tungkol sa NapakingganNabasang mg...
CrystelRuiz2
 
Pagbibigay – kahulugan sa sawikain.pptx
Pagbibigay – kahulugan sa sawikain.pptxPagbibigay – kahulugan sa sawikain.pptx
Pagbibigay – kahulugan sa sawikain.pptx
ArvinDayag
 
Grade 8 Learning Module in Filipino - Complete
Grade 8 Learning Module in Filipino - CompleteGrade 8 Learning Module in Filipino - Complete
Grade 8 Learning Module in Filipino - Complete
R Borres
 
angkop-na-pahayag-sa-panimula-gitna-at-wakas_compress.pptx
angkop-na-pahayag-sa-panimula-gitna-at-wakas_compress.pptxangkop-na-pahayag-sa-panimula-gitna-at-wakas_compress.pptx
angkop-na-pahayag-sa-panimula-gitna-at-wakas_compress.pptx
2z9s6rsqpn
 
Grade 7 Filipino LAS.pdf
Grade 7 Filipino LAS.pdfGrade 7 Filipino LAS.pdf
Grade 7 Filipino LAS.pdf
ReychellMandigma1
 
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
NelizaSalcedo
 
Panitikang pilipino
Panitikang pilipino Panitikang pilipino
Panitikang pilipino
Towerville Elementary School
 
mtb2ppt.pptx. mothertoungesubject. Demo teaching gradw1
mtb2ppt.pptx. mothertoungesubject. Demo teaching gradw1mtb2ppt.pptx. mothertoungesubject. Demo teaching gradw1
mtb2ppt.pptx. mothertoungesubject. Demo teaching gradw1
KristineAbeGail2
 
Ang Ama_g9.pptx
Ang Ama_g9.pptxAng Ama_g9.pptx
Ang Ama_g9.pptx
MichaellaAmante
 
GR.7-Week-3-Struggling-filgr7-edited.pdf
GR.7-Week-3-Struggling-filgr7-edited.pdfGR.7-Week-3-Struggling-filgr7-edited.pdf
GR.7-Week-3-Struggling-filgr7-edited.pdf
FranzValerio
 
KUNEHO.pptx
KUNEHO.pptxKUNEHO.pptx
KUNEHO.pptx
russelsilvestre1
 
Masayang Mundo ng Filipino - Nursery
Masayang Mundo ng Filipino - NurseryMasayang Mundo ng Filipino - Nursery
Masayang Mundo ng Filipino - Nursery
Diwa Learning Systems Inc
 
DLP1-ANG-ALAGA.docxDSAHDJQWHEUHAJSDBSMBC
DLP1-ANG-ALAGA.docxDSAHDJQWHEUHAJSDBSMBCDLP1-ANG-ALAGA.docxDSAHDJQWHEUHAJSDBSMBC
DLP1-ANG-ALAGA.docxDSAHDJQWHEUHAJSDBSMBC
MaryJoyceHufano1
 
IKATLONG-MARKAHAN-WEEK-5.pptx
IKATLONG-MARKAHAN-WEEK-5.pptxIKATLONG-MARKAHAN-WEEK-5.pptx
IKATLONG-MARKAHAN-WEEK-5.pptx
Mark James Viñegas
 
IKATLONG-MARKAHAN-WEEK-5 (1).pptx
IKATLONG-MARKAHAN-WEEK-5 (1).pptxIKATLONG-MARKAHAN-WEEK-5 (1).pptx
IKATLONG-MARKAHAN-WEEK-5 (1).pptx
Mark James Viñegas
 
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptxG8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
EDNACONEJOS
 
Pabula
PabulaPabula
ikatlong-markahan-week-fil10.pptx
ikatlong-markahan-week-fil10.pptxikatlong-markahan-week-fil10.pptx
ikatlong-markahan-week-fil10.pptx
ferdinandsanbuenaven
 

Similar to Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdf (20)

Ang Alaga 2.pptx
Ang Alaga 2.pptxAng Alaga 2.pptx
Ang Alaga 2.pptx
 
Filipino 6 Q1 Week 1-Pagsagot ng mga Tanong Tungkol sa NapakingganNabasang mg...
Filipino 6 Q1 Week 1-Pagsagot ng mga Tanong Tungkol sa NapakingganNabasang mg...Filipino 6 Q1 Week 1-Pagsagot ng mga Tanong Tungkol sa NapakingganNabasang mg...
Filipino 6 Q1 Week 1-Pagsagot ng mga Tanong Tungkol sa NapakingganNabasang mg...
 
Pagbibigay – kahulugan sa sawikain.pptx
Pagbibigay – kahulugan sa sawikain.pptxPagbibigay – kahulugan sa sawikain.pptx
Pagbibigay – kahulugan sa sawikain.pptx
 
Grade 8 Learning Module in Filipino - Complete
Grade 8 Learning Module in Filipino - CompleteGrade 8 Learning Module in Filipino - Complete
Grade 8 Learning Module in Filipino - Complete
 
angkop-na-pahayag-sa-panimula-gitna-at-wakas_compress.pptx
angkop-na-pahayag-sa-panimula-gitna-at-wakas_compress.pptxangkop-na-pahayag-sa-panimula-gitna-at-wakas_compress.pptx
angkop-na-pahayag-sa-panimula-gitna-at-wakas_compress.pptx
 
1 FINAL.pptx
1 FINAL.pptx1 FINAL.pptx
1 FINAL.pptx
 
Grade 7 Filipino LAS.pdf
Grade 7 Filipino LAS.pdfGrade 7 Filipino LAS.pdf
Grade 7 Filipino LAS.pdf
 
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
 
Panitikang pilipino
Panitikang pilipino Panitikang pilipino
Panitikang pilipino
 
mtb2ppt.pptx. mothertoungesubject. Demo teaching gradw1
mtb2ppt.pptx. mothertoungesubject. Demo teaching gradw1mtb2ppt.pptx. mothertoungesubject. Demo teaching gradw1
mtb2ppt.pptx. mothertoungesubject. Demo teaching gradw1
 
Ang Ama_g9.pptx
Ang Ama_g9.pptxAng Ama_g9.pptx
Ang Ama_g9.pptx
 
GR.7-Week-3-Struggling-filgr7-edited.pdf
GR.7-Week-3-Struggling-filgr7-edited.pdfGR.7-Week-3-Struggling-filgr7-edited.pdf
GR.7-Week-3-Struggling-filgr7-edited.pdf
 
KUNEHO.pptx
KUNEHO.pptxKUNEHO.pptx
KUNEHO.pptx
 
Masayang Mundo ng Filipino - Nursery
Masayang Mundo ng Filipino - NurseryMasayang Mundo ng Filipino - Nursery
Masayang Mundo ng Filipino - Nursery
 
DLP1-ANG-ALAGA.docxDSAHDJQWHEUHAJSDBSMBC
DLP1-ANG-ALAGA.docxDSAHDJQWHEUHAJSDBSMBCDLP1-ANG-ALAGA.docxDSAHDJQWHEUHAJSDBSMBC
DLP1-ANG-ALAGA.docxDSAHDJQWHEUHAJSDBSMBC
 
IKATLONG-MARKAHAN-WEEK-5.pptx
IKATLONG-MARKAHAN-WEEK-5.pptxIKATLONG-MARKAHAN-WEEK-5.pptx
IKATLONG-MARKAHAN-WEEK-5.pptx
 
IKATLONG-MARKAHAN-WEEK-5 (1).pptx
IKATLONG-MARKAHAN-WEEK-5 (1).pptxIKATLONG-MARKAHAN-WEEK-5 (1).pptx
IKATLONG-MARKAHAN-WEEK-5 (1).pptx
 
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptxG8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
 
Pabula
PabulaPabula
Pabula
 
ikatlong-markahan-week-fil10.pptx
ikatlong-markahan-week-fil10.pptxikatlong-markahan-week-fil10.pptx
ikatlong-markahan-week-fil10.pptx
 

More from LUELJAYVALMORES4

Filipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdf
LUELJAYVALMORES4
 
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
LUELJAYVALMORES4
 
FILIPINO10-Q3-MODYUL5.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL5.pdfFILIPINO10-Q3-MODYUL5.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL5.pdf
LUELJAYVALMORES4
 
Filipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdf
LUELJAYVALMORES4
 
Filipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdf
LUELJAYVALMORES4
 
FILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdfFILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdf
LUELJAYVALMORES4
 

More from LUELJAYVALMORES4 (6)

Filipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdf
 
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
 
FILIPINO10-Q3-MODYUL5.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL5.pdfFILIPINO10-Q3-MODYUL5.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL5.pdf
 
Filipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdf
 
Filipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdf
 
FILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdfFILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdf
 

Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdf

  • 1. Filipino Ikatlong Markahan – Modyul 4: Maikling Kuwento mula sa Uganda (Panitikang African at Persian) AIRs - LM 10
  • 2. Filipino 10 (Panitikang African at Persian) Ikatlong Markahan – Modyul 4: Maikling Kuwento mula sa Uganda Unang Edisyon, 2021 Karapatang sipi © 2021 La Union Schools Division Region I Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o pagkuha ng bahagi nang walang pahintulot ay hindi pinapayagan. Bumuo sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: John-John L. Pasul, Saytan Integrated School Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II Tagapamahala: Atty. Donato D. Balderas, Jr. Schools Division Superintendent Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D Assistant Schools Division Superintendent German E. Flora, Ph. D, CID Chief Virgilio C. Boado, Ph. D, EPS in Charge of LRMS Luisito V. Libatique, Ph. D, EPS in Charge of Filipino Michael Jason D. Morales, PDO II Claire P. Toluyen, Librarian II
  • 3. Sapulin Mapagpalang araw sa iyo minamahal kong mag-aaral! Kumusta ka? Binabati kita dahil natapos mo ng mapag-aralan ang mito, anekdota at tula. Nagkaroon ka ng kaalaman at malalim na pang-unawa sa mga akdang iyong nabasa. Ngayon, handa ka na ba para sa mga bagong kaalaman at kasanayang malilinang mo sa paksang ating tatalakayin? Kung oo, maghanda ka na sa mga aralin at halina’t samahan mo akong lakbayin ang inihandang modyul para sa iyo. Ang Modyul 4 ay naglalaman ng maikling kuwentong may pamagat na “Ang Alaga” ni Barbara Kimenye mula sa bansang Uganda. Isa si Kimenye sa mga sikat na manunulat hindi lang sa Uganda kundi maging sa kabuoan ng rehiyon ng East Africa. Inilalahad sa akdang ito ang tungkol sa pagmamahal na inukol ng isang tao sa kaniyang alaga. Nabuo ang modyul na ito para sa iyo upang maunawaan ang Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC): 1. Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan. (F10PN-IIId-e-79) 2. Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa. (F10PT-IIId-e-79) 3. Nabibigyang-puna ang napanood na teaser o trailer ng pelikula na may paksang katulad ng binasang akda. (F10PD-IIId-e-77) Halina’t atin nang talakayin ang isa sa ipinagmamalaking maikling kuwentong mula sa Uganda. Handa ka na ba? Kung nakahanda ka na, maaaring ka nang magsimula sa mga gawain at aralin.
  • 4. Aralin 4 Maikling Kuwento mula sa Uganda Panitikan: Ang Alaga Simulan Bago natin simulan ang malalimang talakayan, alamin muna natin ang iyong kaalaman sa paksang ating tatalakayin sa pamamagitan ng sumusunod na gawain. Gawain 1: Alaga Mo, Ikuwento Mo! Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang iyong alagang hayop (ilagay ang pangalan kung mayroon) saka magkuwento ng ilang mga pangyayaring pinagsamahan ninyo sa isa’t isa sa mga kahon. Gayahin ang pormat ng Graphics Organizer sa sagutang papel. Binabati kita sa mahusay mong pagsagot. Matagumpay mong naisagawa ang paunang gawain. Makatutulong ito para sa pag-unawa mo akdang iyong babasahin. Ngayon, basahin at alamin mo ang kahulugan ng maikling kuwento upang mas lumawak pa ang dati mo ng kaalaman ukol dito. Halina’t simulan mo na. Alam mo bang…. Ang Maikling Kuwento ay nilikha nang masining upang mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o lugar na pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari? Taglay nito ang pagkakaroon ng sumusunod: • Iisang kakintalan • Isang pangunahing tauhang may mahalagang suliraning kailangang bigyang solusyon • Tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay • May mahalagang tagpuan • May kawilihan hanggang sa kasukdulan na agad susundan ng wakas. Isa sa mga uri ng maikling kuwento ay ang kuwento ng tauhan - ang binibigyang-diin ay ang ugali o katangian ng tauhan. Ang maikling kuwentong iyong babasahin ay nakatuon sa katangian ng tauhan. Ang tauhan sa akda ay kumilos ayon sa kaniyang paligid. Ang Alaga kong _______________
  • 5. Lakbayin Samahan mo akong basahin at unawain ang maikling kuwento upang malaman kung paano nakatutulong ang maikling kuwento sa pagkakaroon ng kamalayan sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan. Ang Alaga Mula sa “The Pig” ni Barbara Kimenye (Isinalin sa Filipino ni Magdalena O. Jocson) Naniniwala si Kibuka na hindi para sa kaniya ang pagreretiro. Isa siyang mapagkakatiwalaang kawani sa Ggogombola Headquarters. Hanggang isang araw, may pinapunta mula sa Komisyon ng Serbisyo Publiko sa kanilang tanggapan upang alamin kung sino ang mga kawaning dapat nang magretiro. Ang sumunod na pangyayari sa likod ng maitim na kulay ng kaniyang buhok, may pensiyon na siya, may Sertipiko ng Serbisyo, at wala ng trabaho. Sa pagkakaretiro niya, nag-aalala pa rin siya kung paano ginagawa sa kasalukuyan ang dati niyang trabaho. Minsan, ipinatawag siya sa dati niyang tanggapan upang tingnan kung kailangan ng kaniyang kapalit ang payo at tulong. Hindi siya makapaniwala sa nadatnan niyang makalat na mga papeles at napatunayan niya ang kawalan ng kaayusan. Sa buong paligid ng tanggapan, nagkalat din ang iba’t ibang papeles, maging ang mga kompidensiyal na papeles na hindi dapat makita ng kung sino-sino ay nababasa na ng lahat. Sa ganitong sitwasyon tila walang pakialam ang kaniyang kapalit. Mas binibigyang-pansin pa nito ang pakikipag-usap sa telepono habang napaliligiran ng ilang babae. Hindi naging maganda ang pagpunta niya sa dating tanggapan. Maging ang dati niyang mga kasamahan ay hindi na interesado sa sinasabi ni Kibuka. Ngayon, gugugulin na niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabi ng ilog sa Kalansanda. Nagkataon pang ang matalik niyang kaibigang si Yosefu Mukasa ay nasa Buddu Country para sa pagnenegosyo. Naiisip ni Kibuka na kaawa-awa na siya at mabuting mamatay na lamang. Paulit-ulit niya itong naiisip habang nag- iinit ng tubig para sa iinuming tsaa. Sa ganoong sitwasyon, nakarinig siya ng tunog ng paparating na kotse. Sabik niyang tinungo ang pinto ng bahay upang alamin kung sino ang dumating. Siya ang pinakamatanda sa kaniyang mga apo, matangkad, payat at kaboses niya. Masayang-masaya si Kibuka habang nanginginig na niyakap ang apo. “Napakagandang sorpresa! Tuloy ka mahal kong apo, tamang-tama naghanda ako ng maiinom na tsaa.” “Lolo, sandali lang po ako. Hindi po ako magtatagal. Tiningnan ko lamang po ang katayuan ninyo at dinalhan ko po kayo ng pasalubong.” “Napakabuti mo, aking apo. Ang biglang pagbisita mo at may pasalubong pa ay lubha kong ikinatuwa.” Dahil dito, nabaligtad na lahat ang hindi niya magagandang naiisip tungkol sa buhay, puno na siya ng kapanabikan. “Isang biik ang pasalubong ko po sa inyo mula sa Farm School. Hindi na siya mapakain doon at naisip kong baka gusto ninyong mag-alaga nito.” Kinuha ng apo ni Kibuka ang itim na biik. Tuwang-tuwa si Kibuka. Ngayon lang siya nakakita ng napakaliit na biik. Sampung minuto ang ginugol niya para tingnan ang kabuoan ng biik: ang mapupungay na mata, mga kuko sa paa at
  • 6. pagwagwag ng buntot. Masayang nagpaalam si Kibuka sa apo at habang kumakaway siya rito, sumisiksik naman sa kaniyang dibdib ang biik. Sinabi niya sa apo na dadalhin niya sa Markansas ang biik at kakausapin si Miriamu na ihanda ang biik bilang espesyal na pagkain sa hapunan para sa pag-uwi ni Yosefu. Nagdalawang-isip si Kibuka para sa planong gagawin sa biik sapagkat sunod nang sunod ang biik at bawat pag-upo niya laging nasa paanan niya ito. Hindi ito umaalis sa tabi niya. Parang taong nakikinig sa bawat sasabihin ni Kibuka. Pagdating ng gabi, biglang maiisip ni Kibuka na pakainin ang biik ng tirang pagkain sa sarili niyang pinggan, bukod pa sa talagang kinakain nito. Pagkalipas ng ilang araw, lumalaki na ang biik, malakas nang kumain at kailangang manguha ng matoke (isang uri ng saging) si Kibuka sa mga kaibigan at kapitbahay. Nalaman na sa buong Kabzanda na may alagang baboy si Kibuka. Mula noon, hindi na nagbabahay-bahay si Kibuka upang manguha ng matoke para sa alaga niyang baboy sapagkat ang mga babae at batang nag-iigib ng tubig na malapit sa bahay ni Kibuka ang nagdadala na ng mga matoke. Nagiging dahilan iyon upang makita at makipaglaro sila sa alagang baboy ni Kibuka. Para na nilang kamag-anak ito na sinusundan at inaalam ang paglaki nito. Ito lamang ang baboy na napakalinis dahil naaalagaan ito nang maayos. Dahil dito, pinapayagan ni Kibukang matulog ito sa kaniyang paanan bagaman ingat na ingat siya na malaman ito ng kaniyang mga kapitbahay. Naging mabilis ang paglaki ng alagang baboy. Lumaki ito sa maayos na kapaligiran at higit sa lahat, napamahal na iyon kay Kibuka. Sa paglipas ng mga linggo, habang lumalaki ang alagang baboy, maraming problema ang dumarating. Halimbawa, kailangan na nang mas maraming pagkain at hindi naman ganoon karami ang makukuha sa mga kapitbahay kaya kapag wala nang makain ang baboy, pupunta ito sa shamba (plantasyon) ng mga kapitbahay at kakainin ang tanim na mga gulay at kape. Maging si Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain maibigay lamang sa alagang baboy. Hindi na rin gusto ni Kibuka na natutulog sa kaniyang paanan ang alagang baboy gaya noong biik pa lamang ito. Ngayon, napakalakas nitong humulik na nakapagpapapuyat kay Kibuka. Isang mabigat na desisyon na hindi na magtatagal ay ilalabas na niya ang alagang baboy at itatali na lamang sa puno. Kung sino kaya ang magdurusa, si Kibuka o kaniyang alagang baboy ay mahirap na sagutin. Walang malayang alagang baboy at si Kibuka lamang ang makapagsasabi. Sa araw, malayang nakagagala pa ang baboy, bagaman laging nahuhulog sa ilog. Hindi tiyak ang lalim ng ilog sa Kalansanda. Karaniwang naliligo o nagtatampisaw ang mga taga-Kalansanda sa nasabing ilog. Minsan, kapag umuulan, malakas ang agos ng tubig na maaaring madala nito ang isang bata. Ibig na ibig ng alagang baboy na magtampisaw rito. Naglalaro sa imahinasyon ni Kibuka na baka paglaruan ang alagang baboy ng mga batang naglalaro na maaaring hulihin at dalhin sa gitna ng ilog at lunurin ang baboy. Para hindi ito mangyari, tuwing magdidilim na, pinapasyal niya ang alagang baboy na kinasanayan nang makita ng mga taga-Kalansanda at tanging hindi mga tagaroon ang tila nagugulat sa ginagawa niyang pagpasyal sa alagang baboy habang may tali ito. Naging magandang ehersisyo ito ni Kibuka dahil sa pananakit ng kaniyang mga kalyo na sa bawat hakbang niya upang masiyahan ang alagang baboy ay katumbas naman ng labis na sakit ang dulot sa kaniya na halos ikaiyak niya. Sinabi niya kay Daudi Kulubya na nagmamalasakit sa papilay-pilay niyang lakad na nasisiyahan naman siya sa ginagawa niya sa alagang baboy. Masaya siyang uuwi at ibababad ang mga paa sa isang palanggana ng mainit na tubig ng isang oras. Hindi na niya iisipin ang pananakit ng kaniyang mga kalyo.
  • 7. Gaano pa katagal ang ganitong sitwasyon? May mga pagkakataong kinakausap ni Kibuka ang ilang kilala niyang bumibili ng alaga niyang baboy. Ngunit ang pagmamahal sa alagang baboy ang namamayani kay Kibuka kaya hindi niya ito maipagbibili dahil para na rin itong pagtataksil sa alaga. Isang araw, habang papunta si Kibuka sa Sagradong Puno at habang naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang ‘di inaasahang pangyayari ang naganap. Si Kibuka, ang alagang baboy at ang drayber ng isang motorsiklo ay tumilapon sa iba’t ibang direksiyon. Nasagasahan sina Kibuka at alagang baboy ng isang motorsiklo. Nang magkamalay na siya, natuwa siya sapagkat buo pa rin ang kaniyang katawan maliban sa isang balikat na sumasakit at dugo sa mga kamay niya. Nakilala niya ang drayber na si Nathaniel Kiggundu na tila hindi naman gaanong nasaktan. Inalis niya ang mga damong nakatabon sa kaniyang mukha at makikita ang mahabang punit ng pantalon sa tapat ng isa sa kaniyang tuhod. Mula sa kung saan, narinig nila ang napakalakas na iyak ng alagang baboy ni Kibuka at doon nagpunta ang dalawang lalaki. Pagdating nila, ay umiiyak ang baboy dahil sa pagkakaipit ng leeg. Ilang sandal pa’y namatay na ang alaga niya baboy. Totoong nakasama kay Kibuka ang aksidenteng nag-iwan sa kaniya ng kondisyong walang katiyakan. Habang nakaupo siya sa tabi ng namatay na alagang hayop, iniisip niya ang kasunod na mga pangyayari. Marami nang taong nag-uusyoso, titingnan si Kibuka at namatay na alagang hayop at pagkatapos ang motorsiklo naman ang kanilang titingnan. Dumating si Musisi, ang Hepe ng Ggogombola. Kinuha ang pahayag ni Kiggundu at pagkatapos nilapitan si Kibuka at pinipilit na isakay sa kaniyang sasakyan upang iuwi sa bahay niya. “Sir, mukhang hindi pa maganda ang lagay ninyo, bukas na lang kayo kukunan ng pahayag. Magpahinga muna kayo.” “Pero hindi ko maaaring iwanan ang namatay kong alagang baboy.” “Maaari po nating ilagay sa likod ng aking sasakyan kung ibig po ninyo. Mas mabuti sana kung puputol-putulin na ito ng matadero dahil hindi na ito maaaring magtagal sa klase ng klima ngayon.” Kailanman ay hindi pumasok sa isipan ni Kibukang kainin ang alagang hayop. Iniisip niya kung saang bahagi ng shamba ililibing ang alagang hayop. Sinabi niya na ang pagkain ng isang napamahal na alaga ay isang barbarong gawain. Naiisip niya na naghuhukay na siya ng paglilibingan ng alaga. Natitiyak niyang hindi siya tutulungan ng mga taga-kalsada na gawin ito. Sa bandang huli, naisip niya na bakit hindi magkaroon ng bahagi ang kaniyang mga kapitbahay sa namatay niyang alaga. Sila naman ang nagpakain sa nasabing alaga. Dinala sa Ggogombola Headquarters ang nasabing alaga ni Kibuka at ipahahati-hati ito sa askaris na naroon. Sinoman ang may gustong kumain ng baboy ay pumunta roon bago mag-ikapito ng gabi, ayon kay Musisi na siya nang nag-asikaso sa namatay na baboy. Sa pagbalik ni Kibuka sa kaniyang tahanan, ginamot niya ang kaniyang balikat ng gamot na karaniwang ginagamit niya sa anomang sakit na nararanasan. Umupo sandali habang umiinom ng tsaa. Maaga siyang natulog at nagising sa magandang sikat ng araw. Nasabi niya sa kaniyang sarili na ito ang pinakamaganda niyang pagtulog at nasiyahan siya pagkatapos ng maraming buwang nagdaan. Dumating si Musisi habang papaalis na si Kibuka upang tingnan kung ang pata ng alaga niyang baboy ay nadala kay Yosefu at Miriamu. “Hindi pa, Sir, ngayon ko pa lamang dadalhin doon, ibig ba ninyong sumabay na sa akin pagpunta roon?” Pumayag si Kibuka na makisabay. Tinanggihan naman niya ang laman ng baboy na dinala sa kaniya ni Musisi.
  • 8. Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan Panuto: Hanapin ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit. Pumili ng titik ng iyong sagot sa kahon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Karaniwang nagtatampisaw ang mga taga-kalansada sa ilog. 2. Maging si kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain maibigay lamang sa alaga niyang baboy. 3. Ang pagmamahal sa alagang baboy ang namamayani kay KIbuka kaya hindi niya ito maipagbili. 4. Si Kibuka, ang alagang baboy at ang drayber ng isang motorsiklo ay tumilapon sa iba’t ibang direksiyon. 5. Habang naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang di inaasahang pangyayari ang naganap. Gawain 3: Pag-unawa sa Binasa Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel. 1. Sino ang pangunahing tauhan sa akda? Itala ang kaniyang kalakasan at kahinaan bilang tauhan. ___________________________________________________________________________ 2. Batay sa akda, paano mo ilalarawan ang isang alaga nang may pagpapahalaga? ___________________________________________________________________________ 3. Paano ka naapektuhan ng akdang iyong nabasa? ___________________________________________________________________________ 4. Naibigan mo ba ang wakas? Kung ikaw ang may-akda, paano mo ito wawakasan? Isalaysay. ___________________________________________________________________________ 5. Kung ikaw si Kibuka, ano ang gagawin mo kung may nagbigay sa iyo ng isang alagang hayop? ___________________________________________________________________________ “Sa iyo na iyon, anak, hindi ako mahilig kumain ng baboy.” Kinuha ni Miriamu ang pata ng baboy at ang interes naman ni Yosefu ay ang mga detalye ng aksidenteng naranasan ni Kibuka. Pinilit ni Yosefu at Miriamu na mananghalian sa kanila ang dalawa. Ngunit kailangang dumalo sa isang pulong ni Musisi sa Mmengo, kaya si Kibuka na lamang ang iniwan. Maraming napag-usapan sina Kibuka at Yosefu. Matagal silang hindi nagkita kaya magiging masarap ang pagkain nila ng pananghalian. “Talagang napakahusay mong magluto, Miriamu,” wika ni Kibuka habang naglalagay ng maraming pagkain sa kaniyang pinggan.” “Napakalambot ng karne ng baboy na iyon na parang isang manok at napakasarap pa,” pahayag naman ni Miriamu. May ilang sandaling nalulungkot siya sapagkat alam niyang karne ito ng mahal niyang alaga at masaya niyang kinakain ito. Ngunit sandali lamang ito at patuloy pa rin niyang nilalagyan ng karne ang kaniyang pinggan. Natatawa siya sa sarili at alam niyang hindi na siya maglalakad tuwing hapon at sa halip makatutulog na siya nang maayos. A. nagtitipid B. nangingibabaw C. naghuhukay D. naihagis E. nag-aaksaya F. naliligo
  • 9. Galugarin Gawain 4: Ihambing Mo! Panuto: Tukuyin ang pangunahing paksa ng maikling kuwento. Pagkatapos ay itala ang / ang mga suliraning nangibabaw o kinaharap ng pangunahing tauhan at iugnay ito sa mga suliraning kasalukuyang maiuugnay sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan. Gayahin ang pormat sa sagutang papel. Gawain 5: Pagnilayan Mo! Panuto: Sagutin ang tanong upang matiyak na naunawaan ang mahahalagang konsepto ng aralin. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Magaling! Binabati kita sa matagumpay mong magsagot sa mga gawain. Ngayon ay mas palalalimin pa mo pa ang iyong kasanayang pampagkatuto sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba pang mga gawain. Paano nakatutulong ang maikling kuwento sa pagkakaroon ng kamalayan sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan? Kibuka Pangunahing tauhan Suliraning nangibabaw o kinaharap ng pangunahing tauhan Suliranin sa kasalukuyang maiuugnay sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan Pangunahing Paksa Ang Alaga Maikling Kuwento
  • 10. Palalimin Gawain 6: Nood-trailer, Saliksikin! Panuto: Magsaliksik ng isang Trailer o Teaser ng isang pelikulang may kahalintulad na paksa sa binasang maikling kuwento. Punan ang impormasyon sa ibaba saka sagutin ang mga gabay na tanong sa iyong sagutang papel. Pamagat ng Pelikula: _________________________________________ Pangunahing tauhan: ________________________________________ Suliraning kinaharap: ________________________________________ 1. Makatotohanan ba ang mga pangyayari sa trailer o teaser ng pelikula? 2. Paano sinolusyonan ng pangunahing tauhan ang suliraning kinaharap? 3. Ano ang iyong pangkalahatang puna sa nasabing trailer o teaser ng pelikula? Gawain 7: Isabuhay Mo! Panuto: Ibigay ang kahalagahan ng akdang binasa sa sarili, lipunan at daigdig. Gayahin ang pormat sa sagutang papel. Sarili Lipunan Daigdig ANG ALAGA Kahalagahan ng Akda sa
  • 11. Sukatin Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa bahaging ito. Alam kong marami kang natutuhan sa modyul na ito. Ngayon, ating tatayahin ang iyong kaalaman sa nakalipas na mga aralin. PANGWAKAS NA PAGTATAYA A. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na tanong. Isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot. _____ 1. Bakit nawalan ng trabaho si Kibuka? A. Dahil sa pagiging tamad sa trabaho. B. Dahil sa pagmamalupit ng kaniyang amo. C. Dahil sa katandaan at kailangan na niyang magretiro. D. Dahil gusto niyang gawin ang matagal na niyang pangarap. _____ 2. Bakit nagbago ang isip ni Kibuka na gawing handa ang kaniyang alagang hayop sa pagdating ni Yosefu? A. Dahil sa awa at pagkaaliw nito sa kaniyang alaga. B. Dahil maliit pa ang kaniyang alaga at kaunti pa lang ang karne nito. C. Dahil nasasayangan itong maging handa lamang ang kaniyang alaga. D. Dahil napamahal na sa kaniya ang alaga kaya naman hindi siya pumayag na maging handa lamang ito. _____ 3. Ano ang dahilan ng pagkamatay ng alagang baboy ni Kibuka? A. Sobrang katandaan ng alaga kaya namatay. B. Kailangan ng katayin dahil sa kawalan ng pera. C. Sa tumamang sakit sa kaniyang alagang baboy. D. Nasagasahan ng motor na sanhi ng kaniyang kamatayan. _____ 4. Anong suliranin ang nangingibabaw sa akda? A. Pagbabalewala sa mga matatandang manggagawa. B. Kahirapang dinulot ng alaga sa kaniyang amo. C. Pagkamatay ng kaniyang alagang baboy. D. Pagmamalupit sa mga alagang hayop. _____ 5. Ano ang mensaheng nakapaloob sa akda? A. Pagkakaroon ng pagpapahalaga sa mga alagang hayop. B. Pagpili sa mga pinagkakatiwalaan at binibigyang pansin. C. Pagbibigay ng importansya sa lahat, mapatao man ito o hayop. D. Pagkakaroon ng pagpapahalaga sa mga matatanda na nating pamilya.
  • 12. Napakahusay mo! Binabati kita sa matiyaga mong pagsama sa paglalakbay at pagtalakay natin sa maikling kuwentong nagmula sa Uganda. Batid kong naipaabot nito ang pagbibigay-halaga hindi lamang sa tao maging sa kahit anomang nilalang ng Maykapal. Ihanda mo ngayon ang iyong sarili sa kasunod na modyul – Modyul 5: Maikling Kuwento mula sa Iran (Persia). B. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang ✓ kung pahayag at Tama samantalang X naman kung ito’y Mali. _____ 1. Pagod na si Kibuka sa pagtatrabaho kaya tuwang-tuwa siya nang siya ay nagretiro. _____ 2. Naging maayos ang trabaho ng pumalit sa kaniya sa headquarters. _____ 3. Binigyan ng kaniyang apo si Kibuka ng isang biik na aalagaan. _____ 4. Napamahal nang husto si Kibuka sa kaniyang alagang biik. _____ 5. Ang matoke ay nangangahulugang isang uri ng saging. _____ 6. Hindi nagustuhan ng mga kapitbahay ni Kibuka ang kaniyang alaga. _____ 7. Pagdating ng gabi, biglang maiisip ni Kibuka na pakainin ang biik ng tirang pagkain sa sarili niyang pinggan, bukod pa sa talagang kinakain nito _____ 8. Ang shamba ay nangangahulugang plantasyon. _____ 9. Natatawa si Kibuka dahil hindi na siya maglalakad tuwing hapon at sa halip makakatulog na siya nang maayos. _____ 10. Ang drayber ng motor ay nasawi rin kasama ng baboy. _____ 11. Ang maikling kuwento ay may tatlo o mahigit pang kakintalan. _____ 12. Sa maikling kuwento, may isang pangunahing tauhang may mahalagang suliraning kailangang bigyang solusyon _____ 13. Sa isang maikling kuwento hindi na kailangang bigyan ng pansin ang tagpuan. _____ 14. Nagiging buhay ang isang naisulat na maikling kuwento kung ito’y naisapelikula. _____ 15. Nakapupukaw ng atensiyon ang isang trailer o teaser bago panoorin ang isang pelikula.
  • 14. Sanggunian Department of Education – Curriculum and Instruction Strand (2020). Most Essential Learning Competencies. p. 252 Ambat, V.C., et.al (2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal Group, Inc. p. 291-298.