mala-masusing banghay aralin sa filipino-lumbriaSalvador Lumbria
nilalayon ng banghay araling ito na matulungan ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino. Nawa'y magsilbi itong gabay upang lubos na maunawaan ang mabisang pagtuturo ng panitikan na may angkop at naayon sa wastong pamamaraan ng pagtuturo nito.
mala-masusing banghay aralin sa filipino-lumbriaSalvador Lumbria
nilalayon ng banghay araling ito na matulungan ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino. Nawa'y magsilbi itong gabay upang lubos na maunawaan ang mabisang pagtuturo ng panitikan na may angkop at naayon sa wastong pamamaraan ng pagtuturo nito.
para sa mga nag hahanap oh gustong makuha ang file na ito maari lamang pong mag register ng account dito sa SLIDESHARE,pag katapos non ay iconfirm muna sa inyong email para ito ay maisave oh maidownload ng tama.
kung may katanungan po kayo maari lamang na mag email sa account na ito:
asa.net2015@gmail.com
asa.net2014@yahoo.com
maraming SALAMAT PO!
1. BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 4
UNANG KWARTER-IKAWALONG LINGGO
Ikalawang Araw
LAYUNIN
Pagkatapos ng 50 minutong talakayan, ang mga bata
ay inaasahang:
Nasusunod ang napakinggang panuto o hakbang ng
isang gawain. (F4PN-le-j-1.1)
PAKSA • Pagsunod sa Panuto.
A. Sanggunian Yaman ng Lahi (Wika at Pagbasa)
sa Filipino 4, ph.100-112
Kagamitan Larawan, tsart, aklat, laptop at iba pa.
PAMAMARAAN
A. Paghahanda
1. Balik-aral
2. Pagganyak
Ano ang ating leksyon kahapon mga bata?.
Paggamit ng Read’oke Program
Pagbasa ng tula gamit ang tonong “Awitin mo at
Isasayaw ko” gamit ang Read’oke Program
“Ang Mga Panuto”
Lahat kayo ay makinig
Sa aking mga panuto
Isa,dalawa hanggang tatlo,
handa naba kayo?
Ang mga panuto halina’t pakinggan nyo ako
Para sa ganun kayo ay matuto
Pakinggan nyo ako…ho ho ho
Makinig ng Mabuti
Pag may nagsasalita
Wag kayong maingay
Kung gusto nyong sumali
Itaas lang ang iyong kamay….
Ahhhh….Basahin ko
At isusulat nyo.hohoho
Ahhh… Sundin nyo
Bawat mga panuto
Ho…ho..ho
Ano-ano ang mga panutong nabanggit sa kanta?
2. 1. Itaas ang kamay kung gustong sumagot.
2. Making ng mabuti pag may nagsasalita.
3. Wag maingay.
Ang panutong eto ay ang ating mga kasunduan sa
araw na eto.
B.Paglalahad Ngayon ay tatalakayin natin ang tungkol sa
pagsunod ng napakinggang panuto.
Ngayon ay magkakaroon tayo ng dula dulaan.
Sitwasyon: Isang anak na ituutosan ng ina na pumunta
sa merkado at bumili ng mga sumusunod. Isinulat ng
anak ang inutos ng inay.
1.Isang kilo ng malagkit
2.Kalahating kilo ng pulang asukal.
Tanong?
1.Ano ang inutos ng ina sa kanyang anak?
2. Anong ginawa ng anak upang masunod nya ang
panuto ng ina?
3. Sa iyong palagay Ninyo ano kaya ang lulutuin ng
kanyang ina?
C.Pagtatalakay Ang panuto ay isang hakbang o tagubilin sa pagsasagawa ng iniuutos
na gawain. Lagi nating tatandaan na ito ay maaaring pabigkas o pasulat.
Makatutulong ito sa maayos, mabilis at wastong pagsasagawa ng isang
gawain.
Kasabay sa pag-uutos, ay ang pagsasabi ng panuto kung paano
gagawin ang utos. Kailangan sundin ng maayos ang mga panuto upang
magawa ang gawain nang wasto , maayos at mabilis.
Lagi nating tatandaan ang mga sumusunod na Pamantayan ng
Pagsunod sa Panuto:
1. Makinig at intidihin ang ibinibigay na panuto.
2. Unawaing mabuti ang isinasaad ng panuto.
-Kung nakasulat, basahin o unawaing mabuti .
-Kung pasalita, pakinggang mabuti ang nagbibigay ng panuto.
3. Kung mahaba ang panuto, itala ang mahalagang detalye.
4. Kung hindi nalinawan, magalang na ipaulit ang panutong hindi
naunawaan.
5. Magtanong kung may hindi nauunawaan.
6. Gawin ng maingat ang hakbang sa mga gawain at ayon sa
pagkakasunud-sunod sa panuto.
Subukin natin : Gawain 1 (Lahatang Gawain)
Sabihin o bigkasin nang malakas nang guro ang panuto na dapat
sundin sa paggawa ng iniaatas na gawain nito.
1.Panuto: Gumuhit ng isang kahon. Sa loob nito, iguhit ang tatlong
bituin.
Inaasahang sagot:
3. 2.Panuto: Isulat ang iyong apelyido sa malaking titik. Salungguhitan ang
katinig at bilugan ang patinig.
Inaasahang sagot: Hal.- M A G D A L O
D. Paglalapat Mga Gawain: (Pangkatang Gawain)
Gawin at upang mas lalong Matutoto, Kasama ninyo ako!
(Guided Activity)
Mga kakailanganin:
-Colored or art paper o papel
-ballpen / lapis
-gunting
Gawain: Ito ay tinatawag na “ Fold the Books”.
Ilalagay ninyo dito ang mga natutuhan ninyo
sa araw na ito.
Narito ang mga dapat ninyong sundin:
1. Sa isang malinis na colored or art paper o papel, pagsalubungin
ang dalawang dulo sa gitna. Tupiin mo sa bawat gilid. Mayron ka
ng nakateklop na dalawang bintana, pero kailangan mo ng apat na
bintana, kaya gumamit ka ng gunting at hatiin ang bawat bintana
sa pamamagitan ng paggupit nito sa gitna upang magkaroon ka
ng apat na bintana.
Mga dapat ninyong isulat sa bawat bintana:
Unang bintana- sa kanang bintana sa bandang
itaas , isulat ang “SA KWARTO.”
-Sa loob ng bintanang ito, magtala ng isang
iniuutos ng iyong magulang na dapat mong
isagawa dito.
Hal. Magligpit ng higaan
Pangalawang bintana- sa kaliwang bintana sa
bandang taas, isulat ang salitang
“ SA KUSINA”.
-Sa loob ng bintanang ito, magtala ng isang
iniuutos ng iyong magulang na dapat mong
isagawa dito.
Hal. Maghugas ng pinagkainan
Pangatlong bintana- sa kanang bintana sa bandang
ibaba, isula ang salitang “SA HAPAG-
KAINAN.”
-Sa loob ng bintanang ito, magtala ng isang
iniuutos ng iyong magulang na dapat mong
isagawa dito.
Hal. Magligpit ng pinagkainan
Pang-apat na bintana bilang panghuli- sa kaliwang
bintana sa bandang baba, isulat ang salitang
“SA SALA.”
-Sa loob ng bintanang ito, magtala ng isang
4. iniuutos ng iyong magulang na dapat mong
isagawa dito.
Hal. Maglagay ng bulaklak sa plorera.
Mga Pamantayan ng Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Nakasusunod sa panuto 5
Pagkamalikhain 3
Kalinisan 2
Kabuuan 10
E.Paglalahat Ano ang ibig sabihin sa salitang panuto?
Ano-ano ang dalawang paraan sa pagsunod ng panuto?
Dapat bang sundin ang bawat panuto o hakbang ng
isang gawain?
Ano ang maitutulong ng isang panuto sa pagwa ng isang gawain?
Ano ang dapat nating gawin upang maging maayos, mabilis at wasto ang
pagsasagawa ng isang iniuutos na gawain?
F.Pagpapahalaga Isang mahalagang kasanayan at katangian na dapat mong matutunan
ay ang pagsunod sa panuto.
Kailangan taos puso nating sundin ang bawat panuto upang magawa
ang gawain nang wasto , maayos mabilis upang maiwasan ang anumang
pagkakamali at upang maging madali ang paggawa ng mga bagay-bagay.
IV. PAGTATAYA Gawin at upang mas lalong ‘Matutoto, Kasama ninyo ako!’
Basahin ang Maikling kwento sa loob ng kahon at Bilugan ang titik
ng tamang sagot.
1.Ano ang itinuro nang nanay kay Liarah na putahe?
a. tinolang isda b.letsong manok
c. adobong manok c.ginataang manok
2.Ano ang unang hakbang sa pagluluto ng tinolang manok?
A. Magpakulo ng anim na basong tubig.
B. Ilunod ang mga sangkap
C. Hiwain ang buong manok
D.Hugasa at ilagay sa sisidlan
3.Ano ang pangalawang hakbang sa pagluto ng tinolang manok?
A. Paglunod sa hiniwang manok sa kumukulong tubig.
B. Paghugas sa hiniwang manok at ilagay sa malinis na sisidlan
Isang araw tinuruan si Liarah ng kanyang nanay kung paano ang pagluto ng
tinolang manok.inisa-isa nang kanyang nanay ang mga hakbang kung paano ito
gawin. Una, ipanahiwa ni Liarah ang isang buong manok, sunod pinahugasan at
ipinalagay sa malinis na sisidlan, pagkatapos pinakulo siya ng anim na basong
tubig sa kaldero at sa hulihan pinapalunod niya ang hiniwang manok sa
kumukulong tubig saka ang mga sangkap nito.
Pagkaraan ng kalahating oras luto na!Dali dalian tinikman ng kanyang nanay ang
bagon hain na tinula. Napawow! Ang kanyang nanay sa sarap!
5. C. Paghiwa sa buong manok
D. Pagpakulo ng anim na basong tubig.
4.Bakit napangiti ang kanyang nanay nang tinikman nya ang niluto ni
Liarah?
A. Dahil maanghang ang las anito.
B. Dahil maalat ang pagkatimpla.
C. Dahil maasim ang timpla nito.
D. Dahil masarap at sakto ang pagkaluto.
5.Sa inyong palagay, bakit masarapan ang nanay sa kanyang niluto?
A. Dahil marami ang sangkap.
B. Dahil sariwa ang manok
C. Dahil nasunod niya ang tinuro ng kanyang nanay at ang mga hakbang nito.
D. Dahil siya ay marunong magluto.
V. TAKDANG-ARALIN Panuto: Gumawa ng talaan ng mga karaniwang
panutong ibinibigay ng inyong nanay
araw-araw. Lagyan ng tsek(/) ang mga
panutong naisasagawa mo at (X) ang hindi.
Inihanda ni:
JOSELITO C. UBAS
T-III