SlideShare a Scribd company logo
1
Mga dapat tandaan sa paggamit
ng modyul na ito.
1. Hindi pupunit ng kahit isang
pahina mula rito.
2. Bawal gusutin ang modyul.
3. Panatlihing malinis ito hanggang
sa maibalik sa guro.
4. Iwasang masulatan ng bolpen o
lapis ang modyul upang magamit
pa ng iba.
5. Ibalik sa tamang lagayan.
2
Sa Bukirin
(Modyul sa pagbibigay ng salitang magkakatugma)
Alvin M. Geralde
Muzon Elementary School
Muzon, Naic, Cavite
3
4
Copyright 2023
5
6
modyul ito ay aking
ihnihahandog sa mga mag- aaral ng
ikatlong baitang at sa mga gurong
patuloy na nagpupursigi sa kanilang
propesyon upang mapaunlad ang
kakayahan ng kanilang mga mag-
aaral.
7
Paunang Salita
Ang modyul na “Sa Bukirin (modyul sa
pagbibigay ng salitang
magkakatugma)” ay isang kagamitan
ng mag- aaral na pang ikatlong baitang
. Ito ay magpapataas ng kanilang
kakayahan at pang- unawa sa salitang
magkakatugma. Ito ay kinapapalooban
ng iba’t ibang gawain na angkop sa
kakayahan ng mga mag- aaral.
8
Talaan na Nilalalaman
Mga Dapat Tandaan --------------------- 1
Pamagat ng Modyul --------------------- 2
Paghahandog --------------------- 6
Paunang Salita --------------------- 7
Layunin -------------------- 10
Panimulang Gawain --------------------- 12
Pagtalakay --------------------- 14- 18
Pagsasanay 1 --------------------- 19
Pagsasanay 2 --------------------- 20
Pagtatasa --------------------- 21
Paglalagom --------------------- 23
Huling Pagsubok --------------------- 25
Talasanggunian --------------------- 29
Talatinigan --------------------- 30
9
Pamantayang Pangnilalaman:
Nauunawaan ang ugnayan ng simbolo at ng mga
tunog
Kasanayan:
F3KP-IIb-d-8
Natutukoy ang mga salitang magkakatugma
10
Kumusta? Ako nga
pala si Pepe, isang
batang magsasaka
dahil tinutulungan ko
ang aking ama sa
pagsasaka. Ngunit sa
pagkakataong ito,
ako naman ang
inyong tutulungan.
Hindi sa pag- aani
kung hindi sa
pagsagot ng
modyul. Handa na
ba kayo?..Tara !
simulan na natin.
11
Layunin:
Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-
aaral ay:
•Nakikilala ang mga magkakatugmang salita.
•Nakakapagbigay ng mga magkakatugmang salita.
•Naibabahagi ang kanilang sariling karanasan
12
Ngayong nalaman na
natin ang mga layunin,
atin nang simulan ang
pagsasagot sa modyul.
Simulan natin sa
pagsasanay na ito….
13
Panimulang Gawain:
Basahin nang mabilis ang mga sumusnod na pahayag.
Ano- anong mga salita ang magkakatugma?
1. minikaniko ni Monico ang makina ng minika ni Monica
2. butiki, bituka, botika
3. pitumput pitong puting patani
4. Ang relo ni Leroy ay rolex.
14
Magaling !!! ating
nalagpasan ang unang
pagsasanay.
Para lubos
nating
maunawaan ang
ating aralin,
ipababasa ko sa
inyo ang tulang
aking isinulat.
15
Pagtatalakay:
“Sa Bukirin”
Kay sayang mamuhay sa aming bukirin
Pagkat kay raming palay na maaari nang anihin
Para sa iba at para sa amin
Upang ang lahat ng tiyan ay lubos na busugin
Kasama namin sa buhay ay isang kalabaw
Na walang tigil sa pagaararo araw araw
Kaya lubos namin siyang inaalagaan
Dahil ito ang aming kabuhayan
Sa gitna ng bukirin ay iyong makikita
Ang mga magsasaka pati ang mga bata
Oh! Kay sarap nilang tingnan sa gitna ng ipa
Habang sila ay sama samang gumagawa
16
Naunawaan niyo ba
ang aking tula?
Kung gayon, halika,
sagutan ang mga
katanungan.
17
Mga katanungan:
Ano ang inyong naramdaman nang binasa ninyo ang
tula?
Kayo ba ay mayroon ding mga karanasan sa bukid?
Ano ang iyong napansin sa tula?
Magaling!! Mayroon itong magkakatugmang salita sa
huli ng bawat pahayag
Ano ano ang mga ito?
- bukirin ; anihin
- amin; busugin
- kalabaw; araw araw
- inaalagaan ; kabuhayan
- makikita ; bata
18
Magaling !! ating
nasagutan ang mga
katanungan tungkol sa
tula.
Atin nang talakayin
ang ating paksa at
sagutan ang mga
pagsasanay.
19
Ano ang salitang magkatugma?
Ang salitang magkatugma ay ang
dalawang salitang pareho ng hulihang
pantig.
Ito ay karaniwang natatagpuan sa
mga tula, salawikain at iba pa.
Mga halimbawa:
-liko ; piko
-gulay ; kulay
-saliw; baliw
-pasaway ; inaway
-buhay ; bahay
20
Pagsasanay 1:
Panuto: Ano ano ang mga salitang
magkakatugma sa bawat pahayag.
1. Huwag magsiksikan, Tayo’y magbigayan
2. Nasa Diyos ang awa, Nasa tao ang gawa
3. Walang pagod mag- ipon, Walang hinayang
magtapon
4. Pag may isinuksok, May madudukot
5. Pag hangin ang itinanim, Bagyo ang aanihin
6. Lalong maganda ang kinabukasan, Kung tayo’y may
pinag- aralan
7. Aanhin pa ang damo, Kung patay na ang kabayo
8. Ang lumalakad nang matulin, Kung matinik ay
malalim
9. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, Di
makararating sa paroroonan
10. May tainga ang lupa, May pakpak ang balita
21
Pagsasanay 2:
Ano ano ang iyong mga karanasan sa bukid?
Magbigay ng limang pahayag tungkol dito gamit
ang magkakatugmang salita.
22
aanihin
magulang
kagutuman
mamaluktot
nabibigkis
kayamanan
kailangan
nakatunganga
din
panunumpa
Pagtatasa:
Panuto: Piliin sa kahon ang salitang katugma upang
gumanda ang diwa ng salawikain.
1. Huli man daw at magaling
Ay naihahabol
2. Ang batang magalang
Ay dangal ng
3.Kaya matibay ang walis
Sapagkat ito’y
23
4. Ubus- ubos biyaya
Pagkatapos ay
5. Pag ika’y may itinanim
Mayroon kang
6. Ang kasipaga’y kapatid ng kayamanan
Ang katamara’y kapatid ng
7. Sa taong may hiya
Ang salita’y
8. Sa ikauunlad ng bayan
Disiplina ang
9. Habang maikli ang kumot
Ay matutong
10. Ang kalusugan
Ay
24
Paglalagom:
1. Ano ang salitang magkatugma?
2. Saan ito madalas nakikita?
3. Magbigay ng ilang halimbawa nito.
25
Magaling !! ating
nalagpasan ang mga
pagsasanay.
Para sa hukling
pagsubok, atin
itong sagutan.
26
Huling Pagsubok:
Panuto: Basahing mabuti ang mga saknong mula sa
tulang “Ang Pamayanan ay Kayamanan” ni Natasha B.
Natividad. Kumpletuhin ang mga ito. Pilliin lamang ang
titk ng tamang sagot.
1. Ako ay mahilig mamasyal
Sa pamayanan na aking mahal
Tuwing Sabado ako’y naglalaro
Sa palaruan, kasama ang
a. kalaro c. bumbero
b. kaaway d. kaibigan
2. Minsan ako’y nagulat sa ‘king nakita
Aking kaibigan nag-iwan ng basura
Mabilis ko siyang tinawag
Kaibigan, huwag mong gawin
a. yon c. iyon
b. yan d. ito
3. Dapat alagaan at ingatan
Ang ating
Kung ito ay pababayaan
Tayo rin ang mahihirapan
a. simbahan c. pamayanan
b. sasakyan d. tahanan
27
Mahusay !! Ating
nalagpasan ang mga
pagsasanay.
Maraming salamat
sa tulong mo
kaibigan….Marami ka
bang natutuhan?...
Mabuti kung gayon….
Binabati kita dahil
natapos natin ang
modyul
Hanggang sa muli
kaibigan..
Paalam !!!
28
Mga Sagot:
Panimulang Gawain:
1. minikaniko ; Monico
makina ; minka ; Monica
2. bituka ; botika
3. pitumpu ; pito
puti ; patani
4. relo ; Leroy
Pagsasanay 1:
1. magsiksikan ; magbigayan
2. awa ; gawa
3. mag- ipo ; magtapon
4. isinuksok ; madudukot
5. itinanim, aanihin
6. Kinabukasan ; pinag- aralan
7. damo ; kabayo
8. matulin ; malalim
9. Pinanggalingan ; paroroonan
10. lupa ; balita
Pagsasanay 2: ( base sa kanilang karanasan)
29
Pagtatasa:
1. din 6. kagutuman
2. magulang 7. kayamanan
3. nabibigkis 8. panunumpa
4. nakatunganga 9. kailangan
5. aanihin 10. mamaluktot
Paglalagom:
1. Ang salitang magkatugma ay ang dalawang
salitang pareho ng hulihang pantig.
2. Ito ay karaniwang natatagpuan sa mga tula,
salawikain at iba pa.
3. Mga halimbawa:
-liko ; piko
-gulay ; kulay
-saliw; baliw
-pasaway ; inaway
-buhay ; bahay
Huling Pagsubok:
1. A 2. b 3. c
30
Talasanggunian:
a. Mga aklat
Filipino ng Bagong Salinlahi (Wika at Pagbasa
pp. 74-76
Batang Pinoy Ako- Batayang Akalat sa Filipino 3
pp. 12- 15
b. Webliyograpi
www. slideshare.com
www. google.com
31
Talatinigan:
anihin- kuhanin ang mga palay
bukirin- malawak na bukid
busugin- punuin ng pagkain ang tiyan
ipa- balat ng palay
kabuhayan- trabaho
32
33
34
35
May Akda
Alvin Medina Geralde
- Nagtapos ng Bachelor in Secondary
Education sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
- Kasalukuyang nagtuturo sa Mababang
Paaralan ng Muzon sa Muzon, Naic, Cavite.

More Related Content

Similar to SA KABUKIRAN/ SELF MADE MODULE IN MTB V2.pdf

Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASEGrade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
R Borres
 
Modyul 8 pagsusuri ng akda batay sa romantesismo at eksisten
Modyul 8 pagsusuri ng akda batay sa romantesismo at eksistenModyul 8 pagsusuri ng akda batay sa romantesismo at eksisten
Modyul 8 pagsusuri ng akda batay sa romantesismo at eksisten
dionesioable
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q3-Q4)
LiGhT ArOhL
 
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12Ezekiel Patacsil
 
esp6m2-211005041732.pptx
esp6m2-211005041732.pptxesp6m2-211005041732.pptx
esp6m2-211005041732.pptx
loidagallanera
 
DLL_EPP-4-HE_Q1_W4.docx
DLL_EPP-4-HE_Q1_W4.docxDLL_EPP-4-HE_Q1_W4.docx
DLL_EPP-4-HE_Q1_W4.docx
Grace659666
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
LiGhT ArOhL
 
W3-DAY 1-4 Q2_Aralin 2.Alamat.pptx
W3-DAY 1-4 Q2_Aralin 2.Alamat.pptxW3-DAY 1-4 Q2_Aralin 2.Alamat.pptx
W3-DAY 1-4 Q2_Aralin 2.Alamat.pptx
reychelgamboa2
 
Fil_CO2.pptxffffffffffunoookhgghukkouggh
Fil_CO2.pptxffffffffffunoookhgghukkougghFil_CO2.pptxffffffffffunoookhgghukkouggh
Fil_CO2.pptxffffffffffunoookhgghukkouggh
DeceilPerez
 
LONG TEST.docx
LONG TEST.docxLONG TEST.docx
LONG TEST.docx
irenebanuelos3
 
Masayang Mundo ng Filipino - Nursery
Masayang Mundo ng Filipino - NurseryMasayang Mundo ng Filipino - Nursery
Masayang Mundo ng Filipino - Nursery
Diwa Learning Systems Inc
 
Filipino 6 dlp 12 ano ang iyong reaksyon
Filipino 6 dlp 12   ano ang iyong reaksyonFilipino 6 dlp 12   ano ang iyong reaksyon
Filipino 6 dlp 12 ano ang iyong reaksyon
Alice Failano
 
FIL6-Q1-M2.pdf
FIL6-Q1-M2.pdfFIL6-Q1-M2.pdf
FIL6-Q1-M2.pdf
AlyssaMedinaDeLeon
 
Fil Q2 W1 D1-3.pptx ffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffff
Fil Q2 W1 D1-3.pptx ffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffFil Q2 W1 D1-3.pptx ffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffff
Fil Q2 W1 D1-3.pptx ffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffff
MejayacelOrcales1
 
Modyul 3 pagsusuri ng akda batay sa imanismo at romantisismo
Modyul 3 pagsusuri ng akda batay sa imanismo at romantisismoModyul 3 pagsusuri ng akda batay sa imanismo at romantisismo
Modyul 3 pagsusuri ng akda batay sa imanismo at romantisismo
dionesioable
 
Masayang Mundo ng Filipino - Preparatory
Masayang Mundo ng Filipino - PreparatoryMasayang Mundo ng Filipino - Preparatory
Masayang Mundo ng Filipino - Preparatory
Diwa Learning Systems Inc
 
Week8-RBI-Script.docx
Week8-RBI-Script.docxWeek8-RBI-Script.docx
Week8-RBI-Script.docx
CamelleMedina2
 
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoGrade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
MaeJhierecaSapicoPau
 

Similar to SA KABUKIRAN/ SELF MADE MODULE IN MTB V2.pdf (20)

Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASEGrade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
 
Aralin 7
Aralin 7Aralin 7
Aralin 7
 
Modyul 8 pagsusuri ng akda batay sa romantesismo at eksisten
Modyul 8 pagsusuri ng akda batay sa romantesismo at eksistenModyul 8 pagsusuri ng akda batay sa romantesismo at eksisten
Modyul 8 pagsusuri ng akda batay sa romantesismo at eksisten
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q3-Q4)
 
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
 
esp6m2-211005041732.pptx
esp6m2-211005041732.pptxesp6m2-211005041732.pptx
esp6m2-211005041732.pptx
 
DLL_EPP-4-HE_Q1_W4.docx
DLL_EPP-4-HE_Q1_W4.docxDLL_EPP-4-HE_Q1_W4.docx
DLL_EPP-4-HE_Q1_W4.docx
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
 
W3-DAY 1-4 Q2_Aralin 2.Alamat.pptx
W3-DAY 1-4 Q2_Aralin 2.Alamat.pptxW3-DAY 1-4 Q2_Aralin 2.Alamat.pptx
W3-DAY 1-4 Q2_Aralin 2.Alamat.pptx
 
Fil_CO2.pptxffffffffffunoookhgghukkouggh
Fil_CO2.pptxffffffffffunoookhgghukkougghFil_CO2.pptxffffffffffunoookhgghukkouggh
Fil_CO2.pptxffffffffffunoookhgghukkouggh
 
COT AP.pptx
COT AP.pptxCOT AP.pptx
COT AP.pptx
 
LONG TEST.docx
LONG TEST.docxLONG TEST.docx
LONG TEST.docx
 
Masayang Mundo ng Filipino - Nursery
Masayang Mundo ng Filipino - NurseryMasayang Mundo ng Filipino - Nursery
Masayang Mundo ng Filipino - Nursery
 
Filipino 6 dlp 12 ano ang iyong reaksyon
Filipino 6 dlp 12   ano ang iyong reaksyonFilipino 6 dlp 12   ano ang iyong reaksyon
Filipino 6 dlp 12 ano ang iyong reaksyon
 
FIL6-Q1-M2.pdf
FIL6-Q1-M2.pdfFIL6-Q1-M2.pdf
FIL6-Q1-M2.pdf
 
Fil Q2 W1 D1-3.pptx ffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffff
Fil Q2 W1 D1-3.pptx ffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffFil Q2 W1 D1-3.pptx ffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffff
Fil Q2 W1 D1-3.pptx ffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffff
 
Modyul 3 pagsusuri ng akda batay sa imanismo at romantisismo
Modyul 3 pagsusuri ng akda batay sa imanismo at romantisismoModyul 3 pagsusuri ng akda batay sa imanismo at romantisismo
Modyul 3 pagsusuri ng akda batay sa imanismo at romantisismo
 
Masayang Mundo ng Filipino - Preparatory
Masayang Mundo ng Filipino - PreparatoryMasayang Mundo ng Filipino - Preparatory
Masayang Mundo ng Filipino - Preparatory
 
Week8-RBI-Script.docx
Week8-RBI-Script.docxWeek8-RBI-Script.docx
Week8-RBI-Script.docx
 
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoGrade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
 

SA KABUKIRAN/ SELF MADE MODULE IN MTB V2.pdf

  • 1. 1 Mga dapat tandaan sa paggamit ng modyul na ito. 1. Hindi pupunit ng kahit isang pahina mula rito. 2. Bawal gusutin ang modyul. 3. Panatlihing malinis ito hanggang sa maibalik sa guro. 4. Iwasang masulatan ng bolpen o lapis ang modyul upang magamit pa ng iba. 5. Ibalik sa tamang lagayan.
  • 2. 2 Sa Bukirin (Modyul sa pagbibigay ng salitang magkakatugma) Alvin M. Geralde Muzon Elementary School Muzon, Naic, Cavite
  • 3. 3
  • 5. 5
  • 6. 6 modyul ito ay aking ihnihahandog sa mga mag- aaral ng ikatlong baitang at sa mga gurong patuloy na nagpupursigi sa kanilang propesyon upang mapaunlad ang kakayahan ng kanilang mga mag- aaral.
  • 7. 7 Paunang Salita Ang modyul na “Sa Bukirin (modyul sa pagbibigay ng salitang magkakatugma)” ay isang kagamitan ng mag- aaral na pang ikatlong baitang . Ito ay magpapataas ng kanilang kakayahan at pang- unawa sa salitang magkakatugma. Ito ay kinapapalooban ng iba’t ibang gawain na angkop sa kakayahan ng mga mag- aaral.
  • 8. 8 Talaan na Nilalalaman Mga Dapat Tandaan --------------------- 1 Pamagat ng Modyul --------------------- 2 Paghahandog --------------------- 6 Paunang Salita --------------------- 7 Layunin -------------------- 10 Panimulang Gawain --------------------- 12 Pagtalakay --------------------- 14- 18 Pagsasanay 1 --------------------- 19 Pagsasanay 2 --------------------- 20 Pagtatasa --------------------- 21 Paglalagom --------------------- 23 Huling Pagsubok --------------------- 25 Talasanggunian --------------------- 29 Talatinigan --------------------- 30
  • 9. 9 Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang ugnayan ng simbolo at ng mga tunog Kasanayan: F3KP-IIb-d-8 Natutukoy ang mga salitang magkakatugma
  • 10. 10 Kumusta? Ako nga pala si Pepe, isang batang magsasaka dahil tinutulungan ko ang aking ama sa pagsasaka. Ngunit sa pagkakataong ito, ako naman ang inyong tutulungan. Hindi sa pag- aani kung hindi sa pagsagot ng modyul. Handa na ba kayo?..Tara ! simulan na natin.
  • 11. 11 Layunin: Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag- aaral ay: •Nakikilala ang mga magkakatugmang salita. •Nakakapagbigay ng mga magkakatugmang salita. •Naibabahagi ang kanilang sariling karanasan
  • 12. 12 Ngayong nalaman na natin ang mga layunin, atin nang simulan ang pagsasagot sa modyul. Simulan natin sa pagsasanay na ito….
  • 13. 13 Panimulang Gawain: Basahin nang mabilis ang mga sumusnod na pahayag. Ano- anong mga salita ang magkakatugma? 1. minikaniko ni Monico ang makina ng minika ni Monica 2. butiki, bituka, botika 3. pitumput pitong puting patani 4. Ang relo ni Leroy ay rolex.
  • 14. 14 Magaling !!! ating nalagpasan ang unang pagsasanay. Para lubos nating maunawaan ang ating aralin, ipababasa ko sa inyo ang tulang aking isinulat.
  • 15. 15 Pagtatalakay: “Sa Bukirin” Kay sayang mamuhay sa aming bukirin Pagkat kay raming palay na maaari nang anihin Para sa iba at para sa amin Upang ang lahat ng tiyan ay lubos na busugin Kasama namin sa buhay ay isang kalabaw Na walang tigil sa pagaararo araw araw Kaya lubos namin siyang inaalagaan Dahil ito ang aming kabuhayan Sa gitna ng bukirin ay iyong makikita Ang mga magsasaka pati ang mga bata Oh! Kay sarap nilang tingnan sa gitna ng ipa Habang sila ay sama samang gumagawa
  • 16. 16 Naunawaan niyo ba ang aking tula? Kung gayon, halika, sagutan ang mga katanungan.
  • 17. 17 Mga katanungan: Ano ang inyong naramdaman nang binasa ninyo ang tula? Kayo ba ay mayroon ding mga karanasan sa bukid? Ano ang iyong napansin sa tula? Magaling!! Mayroon itong magkakatugmang salita sa huli ng bawat pahayag Ano ano ang mga ito? - bukirin ; anihin - amin; busugin - kalabaw; araw araw - inaalagaan ; kabuhayan - makikita ; bata
  • 18. 18 Magaling !! ating nasagutan ang mga katanungan tungkol sa tula. Atin nang talakayin ang ating paksa at sagutan ang mga pagsasanay.
  • 19. 19 Ano ang salitang magkatugma? Ang salitang magkatugma ay ang dalawang salitang pareho ng hulihang pantig. Ito ay karaniwang natatagpuan sa mga tula, salawikain at iba pa. Mga halimbawa: -liko ; piko -gulay ; kulay -saliw; baliw -pasaway ; inaway -buhay ; bahay
  • 20. 20 Pagsasanay 1: Panuto: Ano ano ang mga salitang magkakatugma sa bawat pahayag. 1. Huwag magsiksikan, Tayo’y magbigayan 2. Nasa Diyos ang awa, Nasa tao ang gawa 3. Walang pagod mag- ipon, Walang hinayang magtapon 4. Pag may isinuksok, May madudukot 5. Pag hangin ang itinanim, Bagyo ang aanihin 6. Lalong maganda ang kinabukasan, Kung tayo’y may pinag- aralan 7. Aanhin pa ang damo, Kung patay na ang kabayo 8. Ang lumalakad nang matulin, Kung matinik ay malalim 9. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, Di makararating sa paroroonan 10. May tainga ang lupa, May pakpak ang balita
  • 21. 21 Pagsasanay 2: Ano ano ang iyong mga karanasan sa bukid? Magbigay ng limang pahayag tungkol dito gamit ang magkakatugmang salita.
  • 22. 22 aanihin magulang kagutuman mamaluktot nabibigkis kayamanan kailangan nakatunganga din panunumpa Pagtatasa: Panuto: Piliin sa kahon ang salitang katugma upang gumanda ang diwa ng salawikain. 1. Huli man daw at magaling Ay naihahabol 2. Ang batang magalang Ay dangal ng 3.Kaya matibay ang walis Sapagkat ito’y
  • 23. 23 4. Ubus- ubos biyaya Pagkatapos ay 5. Pag ika’y may itinanim Mayroon kang 6. Ang kasipaga’y kapatid ng kayamanan Ang katamara’y kapatid ng 7. Sa taong may hiya Ang salita’y 8. Sa ikauunlad ng bayan Disiplina ang 9. Habang maikli ang kumot Ay matutong 10. Ang kalusugan Ay
  • 24. 24 Paglalagom: 1. Ano ang salitang magkatugma? 2. Saan ito madalas nakikita? 3. Magbigay ng ilang halimbawa nito.
  • 25. 25 Magaling !! ating nalagpasan ang mga pagsasanay. Para sa hukling pagsubok, atin itong sagutan.
  • 26. 26 Huling Pagsubok: Panuto: Basahing mabuti ang mga saknong mula sa tulang “Ang Pamayanan ay Kayamanan” ni Natasha B. Natividad. Kumpletuhin ang mga ito. Pilliin lamang ang titk ng tamang sagot. 1. Ako ay mahilig mamasyal Sa pamayanan na aking mahal Tuwing Sabado ako’y naglalaro Sa palaruan, kasama ang a. kalaro c. bumbero b. kaaway d. kaibigan 2. Minsan ako’y nagulat sa ‘king nakita Aking kaibigan nag-iwan ng basura Mabilis ko siyang tinawag Kaibigan, huwag mong gawin a. yon c. iyon b. yan d. ito 3. Dapat alagaan at ingatan Ang ating Kung ito ay pababayaan Tayo rin ang mahihirapan a. simbahan c. pamayanan b. sasakyan d. tahanan
  • 27. 27 Mahusay !! Ating nalagpasan ang mga pagsasanay. Maraming salamat sa tulong mo kaibigan….Marami ka bang natutuhan?... Mabuti kung gayon…. Binabati kita dahil natapos natin ang modyul Hanggang sa muli kaibigan.. Paalam !!!
  • 28. 28 Mga Sagot: Panimulang Gawain: 1. minikaniko ; Monico makina ; minka ; Monica 2. bituka ; botika 3. pitumpu ; pito puti ; patani 4. relo ; Leroy Pagsasanay 1: 1. magsiksikan ; magbigayan 2. awa ; gawa 3. mag- ipo ; magtapon 4. isinuksok ; madudukot 5. itinanim, aanihin 6. Kinabukasan ; pinag- aralan 7. damo ; kabayo 8. matulin ; malalim 9. Pinanggalingan ; paroroonan 10. lupa ; balita Pagsasanay 2: ( base sa kanilang karanasan)
  • 29. 29 Pagtatasa: 1. din 6. kagutuman 2. magulang 7. kayamanan 3. nabibigkis 8. panunumpa 4. nakatunganga 9. kailangan 5. aanihin 10. mamaluktot Paglalagom: 1. Ang salitang magkatugma ay ang dalawang salitang pareho ng hulihang pantig. 2. Ito ay karaniwang natatagpuan sa mga tula, salawikain at iba pa. 3. Mga halimbawa: -liko ; piko -gulay ; kulay -saliw; baliw -pasaway ; inaway -buhay ; bahay Huling Pagsubok: 1. A 2. b 3. c
  • 30. 30 Talasanggunian: a. Mga aklat Filipino ng Bagong Salinlahi (Wika at Pagbasa pp. 74-76 Batang Pinoy Ako- Batayang Akalat sa Filipino 3 pp. 12- 15 b. Webliyograpi www. slideshare.com www. google.com
  • 31. 31 Talatinigan: anihin- kuhanin ang mga palay bukirin- malawak na bukid busugin- punuin ng pagkain ang tiyan ipa- balat ng palay kabuhayan- trabaho
  • 32. 32
  • 33. 33
  • 34. 34
  • 35. 35 May Akda Alvin Medina Geralde - Nagtapos ng Bachelor in Secondary Education sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas - Kasalukuyang nagtuturo sa Mababang Paaralan ng Muzon sa Muzon, Naic, Cavite.