Masusing Banghay Aralin sa Filipino
Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Edukasyon
La Salle University, Ozamiz City
I. Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasaang:
a. Nakakikilala sa kumunikasyong berbal,
b. Nakagagawa ng isang presentasyong gamit ang komunikasyong berbal,
c. Nakapapaliwanag sa kahalagahan ng komunikasyon.
II. Paksang Aralin: Komunikasyong Berbal
Teksbuk: Diwa ng Wika at Panitikan 7
Ni: Eugene Y. Evasco
Sanggunian: Komunikasyon sa Akademikong Filipino
Nina: Mag-atas, R. et al
www.wikipedia.com
III. Kagamitan: kagamitang biswal, cellphone
IV. Pamaraan: Paglalahad
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Paghahanda
Magandang hapon, grade 7!
Kamusta naman kayo sa hapong ito, klas?
Masaya akong marinig iyan, klas.
Ngayon, handa na ba kayo sa bagong paksa na ating tatalakayin?
Kung ganoon, ipakita niyo sa akin na kayo’y handa na. Ayusin
ninyo ang inyong mga upuan at pulutin ang mga kalat sa sahig.
Bago ang lahat klas ay nais kong ipakilala ang aking mga
alituntunin.
1. Makinig nang mabuti.
2. Iwasan ang makipagdaldalan sa katabi.
3. Marunong rumespeto.
Maliwanag ba klas?
Magandang hapon din po, Bb.
Centizas!
Mabuti naman po!
Opo!
(Gagawin ng mga mag-aaral)
Opo!
1. Pagbabalik-aral
Klas, noong nakaraang tagpo ay tinalakay ninyo ang bugtong.
Ano nga ulit ang bugtong, klas?
Tama!
Ngayon, upang matukoy ko kung talagang naunawaan niyo nga
an gating tinalakay noong nakaraan, may inihanda akong gawain
para sa inyo.
(Ipakikita ng guro)
Panuto: Tukuyin ang sagot ng bawat bilang.
1. Kung kalian ko pinatay humaba ang buhay.
2. Hindi linggo, hindi pista, nakaladlad ang bandera.
3. Tumakbo si Tarzan, bumuka ang daan.
4. Dalawang batang itim, malayo ang nararating.
5. Maliit na bahay, puno ng mga patay
(Tumawag ang guro ng ilang estudyante para sagutin ang
katanungan.)
Okay klas, sa inyong ginawang Gawain, kayo ay nakakuha ng
limang puntos.
Dahil diyan klas, dapat kayong bigyan ng lasalyanong palakpak.
2. Pagganyak
May ipapakita ako rito, klas.
(Ipapakita ng guro)
Ano ba ang hawak ko, klas?
Tumpak!
Ano ba ang gamit ng cellphone, klas?
Ano ba ang komunikasyon para sa inyo?
Magaling!
Alam niyo ba klas na may uri ng komunikasyon?
Gusto niyo bang malaman ang isa sa mga uri nito?
Ang bugtong po aygumagamit ng
talinghaga, o mga metapora sa
pagsasalarawan ng isang partikular
na bagay.
Mga Posibleng Sagot:
1. Kandila
2. Sampayan
3. Zipper
4. Mga mata
5. Posporo
(Sinimulan ng sagutin ng mga
estudyante ang katanungan.)
(Nagpalakpakan)
Ang hawak niyo po ay isang
cellphone.
Ang cellphone ay ginagamit sa
pangkomunikasyon.
Ang komunikasyon ay isang
paraan upang magkaunawaan ang
dalawang tao.
Hindi po!
Opo!
Mabuti naman.
3. Paglalahad ng Bagong Aralin
Ngayong hapong ito ay tatalakayin natin ang Komunikasyong
Berbal.
Nais kong making kayo nang mabuti dahil pagkatapos ng
talakayan kayo ay inaasahang:
a. Nakakikilala sa komunikasyong berbal,
b. Nakagagawa ng isang presentasyon gamit ang komunikasyong
berbal, at
c. Nakapagpapaliwanag sa kahalagahan ng komunikasyon.
Maliwanang ba, klas?
B. Pagtatalakay
Araw-araw sa ating buhay ay gumagamit tayo ng wika sa
pangkomunikasyon?
Kung ganoon, ano ba para sa inyo ang komunikasyon?
Mahusay!
Kailan ba natin masasabi na may komunisayon?
Magaling!
Ano ba ang intrumentong, gagamitin natin sa komunikasyon?
Tumpak!
Klas, upang lubusan niyong maunawaan ang tungkol sa
komunikasyon, narito ang kahulugan nito.
Komunikasyon
a. Paraan ng paghahatid ng impormasyon
b. Pagbabahagi ng mga kaisipan
c. Pagbibigay ng saloobin buhat sa isang tao patungo sa iba pang tao
Basahin sabay-sabay
Ngayon naman, matapos nating bigyang kahulugan ang
komunikasyon, paano niyo naman mabibigyang kahulugan ang
komunikasyong berbal?
Tumpak! May ideya kayo, klas.
Opo, titser!
Opo naman, titser.
Ang komunikasyon ay paraan ng
paghahatid ng mensahe sa bawat
tao.
May komunikasyon kapag may
isang bagay na nagpapalitan ng
impormasyon o mensahe sa bawat
tao.
Ang instrumentong gagamitin ay
ang wika.
(Babasahin)
Ang komunikasyong berbal ay ang
pagpapalitan at pakikipag-usap,
pasalita man o pasulat.
Ngayon, para maintindihan niyo talaga ito, may kahulugan akong
ipapakita sa inyo.
Komunikasyong Berbal
- Ang pagpapalitan at pakikipag-usap sa pamamagitan ng
pagsasalita at pasulat na pagpapahayag.
Maaari bang basahin sabay-sabay.
Nauunawaan ba?
May mga katanungan pa ba kayo?
C. Paglalapat
Pasikatan
Mekaniks:
1. Ang klase ay ipapangkat sa lima.
2. Bawat pangkat ay magkakaroon ng presentasyon ukol sa temang
pagbibigayan at pagpapatawad.
3. Bubunot ng isang gawaing paghahandaan.
4. May limang minuto para sa pag-eensayo at tatlong minuto para sa
presentasyon.
Rubriks:
Batayan Napakahusay
(5 puntos)
Mahusay
(3 puntos)
Di gaanong
mahusay
(2 puntos)
1. Nilalaman Naipaliwanag at
naipakita ang lahat
ng dapat tunguhin
ng proyekto.
Naipakita ang
lahat na dapat
lamanin ng
proyekto
ngunit kulang
sa paliwanag.
Di gaanong
nakita ang
dapat
lamanin ng
proyekto at
dapat na
ipaliwanag.
2. Kaisahan
ng pangkat
Lubos na
nagpamalas ng
kaisahan ang bawat
miyembro sa
pangkat.
Nagpamalas
ng kaisahan
ang bawat
miyembro sa
pangkat.
Di gaanong
nagpamalas
ng kaisahan
ng bawat
miyembro
sa pangkat.
3.
Presentasyon
Naging maayos,
maliwanag at
mahalaga ang
kabuuang
presentasyon.
Maayos ang
presentasyon
subalit kulang
sa
mahahalagang
datos.
Di gaanong
maayos ang
presentasyo
n at kulang
ang mga
datos.
(Babasahin)
Opo!
Wala na po.
4.
Kaangkupan
ng
impormasyon
Malinaw at ankop
sa paksa ang
presentasyon.
Malinaw ang
mga
impormasyon
subalit kulang
sa
kaangkupan.
Di gaanong
malinaw
ang mga
impormasyo
n na nais
ipahiwatig.
Pagpapahalaga
Klas, may pagkakataon ba sa inyong buhay nakung saan wala
kayong kumunikasyon sa isang tao?
Ano ba ang nangyari?
Naiparating mob a sa kanya ang nais mong ipahayag?
Ano ang nangyari sa inyong relasyon?
Kung ganoon, mahalaga ba, para sa inyo ang komunikasyon?
Bakit, klas?
Napakahusay!
V. Takdang-aralin
Panuto: Sa isang short bondpaper, sumulat ng isang liham para sa
inyong mga magulang upang iparating ang inyong pasasalamat at
pagmamahal. Siguraduhing mababasa ito ng inyong mga
magulang at palagdaan ito. Ipasa ito ngayong ika-19 ng Hunyo
taong 2015, Byernes.
Opo!
Nawalan kami ng komunikasyon
dahil nagpalit po ng numero ang
kaibigan ko kaya hindi ko na siya
na kontak.
Hindi po!
Naputol po ang aming
komunikasyon kaya hanggang
ngayon wala na kaming balita sa
isa’t isa.
Opo naman!
Mahalaga ito upang
magkaunawaan ang bawat tao.

Masusing Banghay Aralin sa Filipino

  • 1.
    Masusing Banghay Aralinsa Filipino Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Edukasyon La Salle University, Ozamiz City I. Layunin: Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasaang: a. Nakakikilala sa kumunikasyong berbal, b. Nakagagawa ng isang presentasyong gamit ang komunikasyong berbal, c. Nakapapaliwanag sa kahalagahan ng komunikasyon. II. Paksang Aralin: Komunikasyong Berbal Teksbuk: Diwa ng Wika at Panitikan 7 Ni: Eugene Y. Evasco Sanggunian: Komunikasyon sa Akademikong Filipino Nina: Mag-atas, R. et al www.wikipedia.com III. Kagamitan: kagamitang biswal, cellphone IV. Pamaraan: Paglalahad Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral A. Paghahanda Magandang hapon, grade 7! Kamusta naman kayo sa hapong ito, klas? Masaya akong marinig iyan, klas. Ngayon, handa na ba kayo sa bagong paksa na ating tatalakayin? Kung ganoon, ipakita niyo sa akin na kayo’y handa na. Ayusin ninyo ang inyong mga upuan at pulutin ang mga kalat sa sahig. Bago ang lahat klas ay nais kong ipakilala ang aking mga alituntunin. 1. Makinig nang mabuti. 2. Iwasan ang makipagdaldalan sa katabi. 3. Marunong rumespeto. Maliwanag ba klas? Magandang hapon din po, Bb. Centizas! Mabuti naman po! Opo! (Gagawin ng mga mag-aaral) Opo!
  • 2.
    1. Pagbabalik-aral Klas, noongnakaraang tagpo ay tinalakay ninyo ang bugtong. Ano nga ulit ang bugtong, klas? Tama! Ngayon, upang matukoy ko kung talagang naunawaan niyo nga an gating tinalakay noong nakaraan, may inihanda akong gawain para sa inyo. (Ipakikita ng guro) Panuto: Tukuyin ang sagot ng bawat bilang. 1. Kung kalian ko pinatay humaba ang buhay. 2. Hindi linggo, hindi pista, nakaladlad ang bandera. 3. Tumakbo si Tarzan, bumuka ang daan. 4. Dalawang batang itim, malayo ang nararating. 5. Maliit na bahay, puno ng mga patay (Tumawag ang guro ng ilang estudyante para sagutin ang katanungan.) Okay klas, sa inyong ginawang Gawain, kayo ay nakakuha ng limang puntos. Dahil diyan klas, dapat kayong bigyan ng lasalyanong palakpak. 2. Pagganyak May ipapakita ako rito, klas. (Ipapakita ng guro) Ano ba ang hawak ko, klas? Tumpak! Ano ba ang gamit ng cellphone, klas? Ano ba ang komunikasyon para sa inyo? Magaling! Alam niyo ba klas na may uri ng komunikasyon? Gusto niyo bang malaman ang isa sa mga uri nito? Ang bugtong po aygumagamit ng talinghaga, o mga metapora sa pagsasalarawan ng isang partikular na bagay. Mga Posibleng Sagot: 1. Kandila 2. Sampayan 3. Zipper 4. Mga mata 5. Posporo (Sinimulan ng sagutin ng mga estudyante ang katanungan.) (Nagpalakpakan) Ang hawak niyo po ay isang cellphone. Ang cellphone ay ginagamit sa pangkomunikasyon. Ang komunikasyon ay isang paraan upang magkaunawaan ang dalawang tao. Hindi po! Opo!
  • 3.
    Mabuti naman. 3. Paglalahadng Bagong Aralin Ngayong hapong ito ay tatalakayin natin ang Komunikasyong Berbal. Nais kong making kayo nang mabuti dahil pagkatapos ng talakayan kayo ay inaasahang: a. Nakakikilala sa komunikasyong berbal, b. Nakagagawa ng isang presentasyon gamit ang komunikasyong berbal, at c. Nakapagpapaliwanag sa kahalagahan ng komunikasyon. Maliwanang ba, klas? B. Pagtatalakay Araw-araw sa ating buhay ay gumagamit tayo ng wika sa pangkomunikasyon? Kung ganoon, ano ba para sa inyo ang komunikasyon? Mahusay! Kailan ba natin masasabi na may komunisayon? Magaling! Ano ba ang intrumentong, gagamitin natin sa komunikasyon? Tumpak! Klas, upang lubusan niyong maunawaan ang tungkol sa komunikasyon, narito ang kahulugan nito. Komunikasyon a. Paraan ng paghahatid ng impormasyon b. Pagbabahagi ng mga kaisipan c. Pagbibigay ng saloobin buhat sa isang tao patungo sa iba pang tao Basahin sabay-sabay Ngayon naman, matapos nating bigyang kahulugan ang komunikasyon, paano niyo naman mabibigyang kahulugan ang komunikasyong berbal? Tumpak! May ideya kayo, klas. Opo, titser! Opo naman, titser. Ang komunikasyon ay paraan ng paghahatid ng mensahe sa bawat tao. May komunikasyon kapag may isang bagay na nagpapalitan ng impormasyon o mensahe sa bawat tao. Ang instrumentong gagamitin ay ang wika. (Babasahin) Ang komunikasyong berbal ay ang pagpapalitan at pakikipag-usap, pasalita man o pasulat.
  • 4.
    Ngayon, para maintindihanniyo talaga ito, may kahulugan akong ipapakita sa inyo. Komunikasyong Berbal - Ang pagpapalitan at pakikipag-usap sa pamamagitan ng pagsasalita at pasulat na pagpapahayag. Maaari bang basahin sabay-sabay. Nauunawaan ba? May mga katanungan pa ba kayo? C. Paglalapat Pasikatan Mekaniks: 1. Ang klase ay ipapangkat sa lima. 2. Bawat pangkat ay magkakaroon ng presentasyon ukol sa temang pagbibigayan at pagpapatawad. 3. Bubunot ng isang gawaing paghahandaan. 4. May limang minuto para sa pag-eensayo at tatlong minuto para sa presentasyon. Rubriks: Batayan Napakahusay (5 puntos) Mahusay (3 puntos) Di gaanong mahusay (2 puntos) 1. Nilalaman Naipaliwanag at naipakita ang lahat ng dapat tunguhin ng proyekto. Naipakita ang lahat na dapat lamanin ng proyekto ngunit kulang sa paliwanag. Di gaanong nakita ang dapat lamanin ng proyekto at dapat na ipaliwanag. 2. Kaisahan ng pangkat Lubos na nagpamalas ng kaisahan ang bawat miyembro sa pangkat. Nagpamalas ng kaisahan ang bawat miyembro sa pangkat. Di gaanong nagpamalas ng kaisahan ng bawat miyembro sa pangkat. 3. Presentasyon Naging maayos, maliwanag at mahalaga ang kabuuang presentasyon. Maayos ang presentasyon subalit kulang sa mahahalagang datos. Di gaanong maayos ang presentasyo n at kulang ang mga datos. (Babasahin) Opo! Wala na po.
  • 5.
    4. Kaangkupan ng impormasyon Malinaw at ankop sapaksa ang presentasyon. Malinaw ang mga impormasyon subalit kulang sa kaangkupan. Di gaanong malinaw ang mga impormasyo n na nais ipahiwatig. Pagpapahalaga Klas, may pagkakataon ba sa inyong buhay nakung saan wala kayong kumunikasyon sa isang tao? Ano ba ang nangyari? Naiparating mob a sa kanya ang nais mong ipahayag? Ano ang nangyari sa inyong relasyon? Kung ganoon, mahalaga ba, para sa inyo ang komunikasyon? Bakit, klas? Napakahusay! V. Takdang-aralin Panuto: Sa isang short bondpaper, sumulat ng isang liham para sa inyong mga magulang upang iparating ang inyong pasasalamat at pagmamahal. Siguraduhing mababasa ito ng inyong mga magulang at palagdaan ito. Ipasa ito ngayong ika-19 ng Hunyo taong 2015, Byernes. Opo! Nawalan kami ng komunikasyon dahil nagpalit po ng numero ang kaibigan ko kaya hindi ko na siya na kontak. Hindi po! Naputol po ang aming komunikasyon kaya hanggang ngayon wala na kaming balita sa isa’t isa. Opo naman! Mahalaga ito upang magkaunawaan ang bawat tao.