Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Mga Pang-uring nagpapasidhi ng Damdamin. Dito din matatagpuan ang ilang depinisyon, halimbawa at aktibidad patungkol sa paksang tatalakayin.
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Mga Akdang lumaganap bago dumating ang mga Espanyol. Dito din matatagpuan ang ilang halimbawa ng mga Matalinghagang Pahayag.
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Elemento ng Alamat. Dito din matatagpuan ang ilang halimbawa ng mga kahulugan, elemento at mga katanungan patungkol sa Elemento ng Alamat.
para sa mga nag hahanap oh gustong makuha ang file na ito maari lamang pong mag register ng account dito sa SLIDESHARE,pag katapos non ay iconfirm muna sa inyong email para ito ay maisave oh maidownload ng tama.
kung may katanungan po kayo maari lamang na mag email sa account na ito:
asa.net2015@gmail.com
asa.net2014@yahoo.com
maraming SALAMAT PO!
Banghay aralin sa araling panlipunan 9 (Team accelerated instruction)
1. Rhumfel C. Panaginip BSED-Social Science IV (TAI)
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9
Content Standard: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng ekonomiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.
Performance Standard: Ang mga mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing
konsepto ng ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.
Learning Competency: Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo
I. Desired Learning Outcomes/ Objectives
Pagkatapos ng araling ito, 85% na bahagdan ng klase ay:
C- Natutukoy ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo.
A- Naibabahagi ang kanilang karanasan bilang mga mamimili o consumer.
P- Nakakalikha ng “rap song” na nagpapaliwanag sa iba’t-ibang salik na nakakaapekto sa
pagkonsumo.
II. Lesson
Content: Salik ng pagkonsumo.
Skills: Kaisipang kolaboratib, Kaisipang Kritikal, pagkamalikhain
Attitude: mapagkilatis, mapanuri, matalinong pamimili
Values: pagpapahalaga
III. Instructional Materials
PowerPoint Presentation
strips of words
pocket chart
questionnaires
IV. Strategies:
1. Presentasyon ng mga materyales
Activity 1 (art of questioning)
Ang guro ay magtatanong sa klase gamit ang sumusunod na katanungan sa ibaba:
1. Sino dito ang bumibili sa mga department stores?
2. Anong mga produkto ang madalas makakita niyo sa isang Department store?
3. Anu-anong mga produkto ang kadalasang binibili niyo?
4. Anu-anong mga produkto and hindi niyo binibili?
5. Bakit hindi niyo ito binibili? (ang mga sagot nga katanungang ito ay may malaking
koneksyon sa mga salik ng pagkonsumo. Magbibigay ng realisasyon ang guro na
maghahatid sa maikling diskusyon.)
Activity 2 (Story Selection)
Panuto: Salungguhitan ang mga eksina na may dahilan ng pagbili o hindi pagbili ng mga
mamimili sa mga produkto na nasa kwento at tukuyin kung anong mga salik ng
pagkonsumo ito. Isulat ang mga salik sa gilid ng sinalungguhitan na eksena.
2. Rhumfel C. Panaginip BSED-Social Science IV (TAI)
Nene
Isang araw, natanggap ni Nene ang allowance niya galing sa kanyang mga magulang
sa probinsya. Sa wakas, ay mabibili na rin niya ang Maybelline make-up na inindurso
sa Radio ng isang bantug na artista na gusto niyang gayahin. Kaya agad siyang
pumunta sa mall at hinanap niya ang Maybelline make-up. Nasa unang palapag pa
siya sa mall nang biglang napansin niya ang mga taong nagkakagulo. Narinig niya na
tataas daw ang presyo ng bigas sa susunod na linggo dahil sa El Nino kaya nag-
uunahan ang mga tao. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy siya sa paghahanap. Dahil
sa taas ng nilibot niya sa mall, nauhaw siya. Nakita niya ang isang ali na umiinom ng
McFloat kaya bumili rin siya para maibsan ang uhaw niya. Habang umiinom,
Nagpatuloy siya sa paghahanap hanggang nakita niya ang shop ng Maybelline. Sa gilid
ng Maybelline shop ay may nagtitinda ng mga CD, DVD atbp. Tinanong ni Nene ang
tindera kung anong mga music playlist ang bentang-benta. Sinagot ng tindera na
Christmas songs dahil malapit na ang pasko. Hinanap ni Nene ang mga kanta ni Ed
Sheeran ngunit wala siyang nakita. “Ali, may Ed Sheeran songs po ba kayo dito?”
tanong ni Nene. “Wala po,” sagot ng tindera. “Sayang, gusto ko pa naman yung mga
kanta niya. Sa susunod nalang ali.” sumbat ni Nene. Tumuloy si Nene sa Maybelline
shop. Agad siyang sinalubong ng clerk at inindorso ang ibang mga produkto ngunit
agad niyang hinanap ang make-up ngunit nang makita niya ito, tumaas na pala ang
presyo nito kaya nagpasya siyang hindi na nalang siya bibili nito dahil hindi sapat ang
budget niya para sa Make-up.
2. Forming Study Team
a. May mga “chips” na ibibigay ang guro sa bawat mag-aaral. Ang mga chips ay may
nakalaang numero. “1,2,3,4,5”. Ang mga mag-aaral na may parehong numero sa chips
ay magiging teammates.
b. Magtitipon-tipon ang mga mag-aaral sa kanilang “teams” sa pabilog na hugis at
magkakaroon ng checking sa Activity 2.
c. Ang mga marka ng bawat team members ay ililista mula sa pinakamalaki, hanggang sa
pinakamababang marka. Kung ang isang team ay may limang miyembro, ang miyembro
na may pinakamataas na marka ay magiging “Members A”. Ang dalawang miyembro na
may pinakamababa ay magiging “Members C” at ang natira ay magiging “Members B”.
3. Team Assistance
a. Aatasan ng guro ang mga “Members A” na ipaliwanag kung paano at bakit ganyan ang
sagot nila sa mga “slow members” habang ang “Members B” ay magtitipon-tipon para
sa susunod na activity.
Activity 3 (Situational Questions)-para sa mga members B
Panuto: Suriin ang sitwasyon at itukoy kung anong mga salik ng pagkonsumo ang
pinapahiwatig nito. Isulat ang sagot sa ¼ sheet na papel.
1. Bumili si Bebe ng gift wrapper na blue. Ayaw nya ng pink kasi lalaki ang bibigyan nya
ng gift.
2. Dahil sa taas ng presyo ng gulay, nagpasya si Bobot na bumili nalang ng karne.
3. Rhumfel C. Panaginip BSED-Social Science IV (TAI)
3. Hindi bumibili ng karneng baka ang mga Hindu.
4. Binibilihan ni aling Perta ang kanyang anak ng sapatos tuwing kaarawan nito.
5. Paparating na ang pasko, kaya maraming mga consumer ang bumibili ng paputok.
6. Papalapit na ang bagyo, kaya nag-panic-buying ang lahat ng tao.
7. Hindi bumili si Ana ng karneng baboy sapagkat nag-abstinence siya.
8. Imbis na Pediasure, bumili na lamang ng bearbrand si Tata dahil wala pa ang
kanyang suweldo.
9. Malapit na ang Halloween kaya marami na ang bumibili ng mga Halloween
decoration.
10. Hindi bumibili si Anna ng pustiso sapagkat bata pa siya.
b. Pagkatapos ng tutorial at activity 3, magtitipon-tipon ang lahat ng “fast members” para
sa kanilang activity.
Activity 4 (Table chart)-para sa mga members A
Panuto: Maglista ng 10 bagay na hindi niyo binibili at isuri kung anong mga salik ang
nakakaapekto sa inyong hindi pagbili nito.
Produkto Salik ng Pagkonsumo
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
c. Habang sumasagot pa ang mga “Members A”, magtitipon-tipon ang mga “Members C”
kasama ang kani-kanilang “Members B” para tumulong sa kanila sa susunod nilang
Activity.
Activity 5 (Situational Questions)-para sa mga Members C
Panuto: Suriin ang sitwasyon at itukoy kung anong mga salik ng pagkonsumo ang pinapahiwatig.
1. Marami ang bumibili ng Iphone 6 para pang-regalo sa mga graduating nilang kamag-anak.
2. May paparating na bagyo. Kaya naubos ang lahat ng stocks na baterya sa mall.
3. Kulang ang kita ni Pedro kaya nag-noodles nalang siya.
4. Maraming mga tsuper ang bibili ng gasolina bukas dahil bababa ang presyo nito bukas.
5. Si Pelita ay ayaw bumili ng sapatos. Gusto niya ng sandal.
6. Malapit na ang Semana Santa kaya mahina ang benta ng mga baboy.
7. May piyesta sa nayon kaya panay ang bentahan ng baboy.
8. Hindi bumibili si John ng napkin dahil babae lang ang gumagamit nito.
9. Malapit na ang birthday ni Junior kaya bumili si aling Ana ng mga damit para sa kanya.
10. Hindi nag-order si Althea ng dinugoan dahil sabadista siya.
4. Team Acceleration
4. Rhumfel C. Panaginip BSED-Social Science IV (TAI)
a. Pagkatapos ng lahat ng activity na ginawa ng mga mag-aaral, babalik sila sa kani-kanilang
pangkat.
b. Aatasan ang bawat pangkat na gumawa ng isang “rap song” at isusulat ito sa isang buong
papel.
Activity 6 (Rap song Composition)
Panuto: Ang bawat pangkat ay may nakalaang mga salik ng pagkonsumo. Gagawa ang bawat
pangkat ng isang rap song na may dalawang verse na may apat na linya at isang chorus na
nagpapaliwanag sa nakalaang mga salik ng pagkonsumo. Ipapaliwanag niyo gamit ang rap song
kung bakit ang salik na iyon ay nakakaapekto sa pagkonsumo.
Group 1- Presyo
Group 2- Kita
Group 3- Panahon
Group 4- Okasyon
Group 5- Panlasa
c. Ipapa-check ng grupo ang kanilang nalikha sa guro at Pagkatapos, ibabalik ito sa pangkat.
Assessment:
1. Ang rap song na nilikha nila ay ipipresenta nila sa harap. Bibigyan sila ng 20 minuto para
mag-ensayo.
Criteria: Content- 30%
Organization- 40%
Creativity- 30%
___________________
100%
Enrichment:
Sagutin ang mga katanungan sa pahina 103-105. Isulat sa kwaderno ang sagot.