Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Elemento ng Alamat. Dito din matatagpuan ang ilang halimbawa ng mga kahulugan, elemento at mga katanungan patungkol sa Elemento ng Alamat.
Filipino 9 Napatutunayan kung Makatotohanan o Di-Makatotohanan ang mga PahayagJuan Miguel Palero
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa pagpapatunay kung Makatotohanan o Di-makatotohanan ang mga pahayag. Kasama rin dito ang ilang aktibidad patungkol sa paksa.
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Elemento ng Alamat. Dito din matatagpuan ang ilang halimbawa ng mga kahulugan, elemento at mga katanungan patungkol sa Elemento ng Alamat.
Filipino 9 Napatutunayan kung Makatotohanan o Di-Makatotohanan ang mga PahayagJuan Miguel Palero
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa pagpapatunay kung Makatotohanan o Di-makatotohanan ang mga pahayag. Kasama rin dito ang ilang aktibidad patungkol sa paksa.
4. A. Kahulugan
Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento
tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari
hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan
sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-
bayan. Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang “legend” ng
ingles.
5. B. Kasaysayan
Ang salitang alamat ay panumbas sa “legend” ng
Ingles. Ang katawagan namang ito ay nagmula sa salitang
Latin na “legendus”, na ang Kahulugan ay “upang
mabasa”.
6. Noon pa mang 1300 AD ( After Death ), ang ating mga ninuno,
nakilala sa katawagang Ita, Aetas, Negrito o Baluga ay may sarili ng mga
karunungang-bayan, kabilang ang alamat. ( Sila ang mga taong walang
permanenteng tirahan.) Ayon sa mga heologo ( geologists ), nakuha o
nalikha nila ang mga ito dahil sa kanilang pandarayuhan sa iba’t ibang
lupain sa Asya. Dahil sa wala silang sistema ng pamahalaan ( bunga
marahil ng kakauntian ), panulat, sining, at siyensya, ang mga ito ay
nagpapasaling-dila o lipat-dila lamang.
7. Pagkalipas ng 4,000 taon dumating sa ating kapuluan
ang mga Indones na may dalang sariling sistema ng
pamahalaan, panitikan at pananampalatayang pagano. Ang
matatandang alamat ng ating mga ninuno ay nalangkapan ng
kanilang mga katutubong alamat na ang nilalaman ay tungkol
sa mga anito, buhay ng mga santo at santa, bathala,at
pananampalataya sa Lumikha.
8. Sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan ang mga
Malay. Katulad ng mga Indones, sila rin ay may
pananampalatayang pagano. May dala rin silang sariling mga
alamat, kwentong-bayan at mga karunungang bayan. Sila rin ang
nagturo sa ating mga ninuno ng alpabeto na tinatawag na Alifbata
o Alibata. Dahil dito, ang ilan sa ating mga alamat na pasaling-dila
o bukambibig lamang ay naisatitik ng ating mga ninuno sa mga
kawayan, talukap ng niyog, dahon, balat ng kahoy, at maging sa
mga bato sa pamamagitan ng matutulis na kahoy, bato, o bakal.
9. Sa panahong ito, higit na lumaganap ang mga alamat
hinggil sa pananampalatayang pagano at sumibol ang “Maragtas”
at “Malakas at Maganda”. Nandayuhan din sa ating kapuluan ang
mga Intsik, Bumbay, Arabe at Persyano. Ang mga ito ay may mga
dala ring kani-kaniyang kultura na nakaambag sa patuloy na pag-
unlad ng mga alamat sa ating kapuluan. Sa mga panahong ito
higit na umunlad ang wika at panulat ng ating mga ninuno kaya’t
marami sa mga alamat ang naisulat at naipalaganap.
10. Gayunpaman, nakahihigit pa rin ang mga alamat na
nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan.
Sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan ang mga
Espanyol na may layuning mapalawak ang kanilang kolonya,
at magpalaganap ng pananampalatayang Kristyanismo.
Ipinasunog ng mga prayleng Espanyol
ang mga naisulat na panitikan ng ating mga ninuno.
11. Ang iba’y ipinaanod sa ilog sapagkat ayon sa kanila
ang mga iyon raw ay gawa ng demonyo. Ngunit ang mga
alamat at iba pang panitikang nagpasalin-salin lamang sa
bibig ng mga taong-bayan ay hindi nila masira. Nanatili ang
mga alamat…nakitalad, nakipagsubukan sa mahaba at
masalimuot na panahon at nanatiling buhay hanggang sa
kasalukuyang.