SlideShare a Scribd company logo
FILIPINO 7
Ni Daneela Rose Andoy
Bakit Dala-Dala ni
Pagong ang Kanyang
Bahay?
Alamat mula sa Mindanao
Noong mga unang araw ay sinusugong paminsan-minsan ng bathalang
maykapal si Barangaw magmula sa alapaap upang tingnan kung
maligaya ang ating mga ninuno.  Kung minsan si Barangaw ay nag-
aanyong bahaghari upang pahintuin ang unos na maaaring makasira
sa mga pananim.  Kung minsan ay nag-aanyong isang sultan,
naglalagay ng putong, nagdadamit ng kundiman at palakad-lakad sa
loob at labas ng balangay.  Isang baston o tungkod na nilalik na
kamagong ang kanyang dala-dala tanda ng kapangyarihan.  Ito ang
pinaparusa niya sa mga malulupit at mga masasama, at ito rin ang
ginagamit niya sa paggawad ng gantimpala sa mabubuti.
Isang araw noong panahon ni Lakan Lumatay ay
inutusan nga ni Bathala si Barangaw na mamasyal sa
Malanday upang malaman ang mga daing ng mga aliping
namamahay at aliping sagigilid.  Samantalang naglalakad si
Barangaw, nakaalinig siya ng abot-abot na lagapak ng hagupit
na kasabay ang malungkot na daing.  Bakit kaya? ang tanong
ni Barangaw sa kanyang sarili walang kakilakilatis siyang
nasok sa silid na pinanggagalingan ng daing ng taong
hinahagupit ng lanubo ng bayabas.  Kitang-kita niyang
namimilipit sa sakit ang taong hinahagupit na sa kahit saan
tamaan! Kaawa-awang alipin! ang malungkot niyang nasabi. 
Walang nakakita kay Barangaw sapagkat ang tagaputong
niya ay maysa tagabulag, ngunit kitang-kita niya ang lahat.
 Naroon si Lakan Lumatay at nakapamewang, pinag-abot-
sikong nakabalita ang alipin at pinapalo ng walang
patumangga ni Magbitag na siyang tagapagparusa ni Lakan. 
Saan mo itinago ang iyong anak na dalaga? Ang tanong
ni Magbitag, sandaling tinigilan ng palo ang alipin ito’y hubad
baro, at ang katawan ay halos putok-putok sa sa kapapalo. 
Hala, magsabi ka ng totoo.  Pag hindi’y mauutas ka.  Dapat
mong ipagpasalamat na Lakan pa at puno natin ay may ibig
sa anak mo.  Ano, magsasabi ka o hindi?
Hindi umimik si Barangaw.  Nakinig siya upang malaman ang puno’t
dulo ngpaghahagupit na yaon.  Hinintay na sumagot ang alipin, ngunit
ito’y walang imik Matigas ang ulo, Hala lantakan mo uli! ang
makapangyarihang utos ni Lakan Lumatay.  Pagkamatay ay itapon na
ninyo sa ilog at ng lamunin ng buwaya. Pagkaunat-
unat ng Magbitag ng kanyang bisig upang hagupitin na naman ang
aliping halos wala ng malay-tao.  Datapwa’t ng sasayad na sa
katawan ang lanubo ang tagapagparusa ay biglang
sinangga ng tungkod na kamagong ni Barangaw.  Nahulog sa lupa
ang lanubo at nanginig ang buong katawan ng mabalasik na si
Magbitag. Si Barangaw ay galit na galit sa nakita niayang
kalupitan ng punong dapat sanang magpasunod sa kahabag-habag
na alipin.
Lakan Lumatay! Ikaw ba ang nag-utos na hagupitin ang aliping ito? ang
tanong ni Barangaw.
Hulihin ang pangahas! ang mabangis na utos ni Lakan Lumatay sa
kanyang mga kampon.  Paluhurin sa monggo at timbain sa tubig.
Sayang, sa gulogod mo sana naubos ang lanubo ko.  Kung hindi lamang
sa utos ng puno ko, masasarapan ka!  Mata mo lang ang walang latay!
At inakmang hagupitin si Barangaw.
Ngunit pinigil ni Barangaw ang lanubo, hinarap si Magbitag at ang
wika: Malupit kang walang kaparam wala kang awa sa kapwa.  Ngayon
din ay magsisi ka ng iyong mga kasalanan.
Dadaluhong sana si Magbitag ngunit ang mga paa nito ay parang natilos
sa kinatatayuan at nawalan ng lakas.
Kaya si Lakan Lumatay naman ang nagtangkang humagupit kay
Barangaw, ngunit ito’y nawalan din ng lakas.
Ah, malulupit, magagara ang inyong damit, maiinam ang inyong bihis
ngunit wala kayong bait.  Binigyan pa naman kayo ng Lumikha ng puso’t
diwa, ang bagay sa inyo ay ito! at anyong hahatawin ang kanyang
tungkod.
Sayang, sa gulogod mo sana naubos ang lanubo ko.  Kung hindi
lamang sa utos ng puno ko, masasarapan ka!  Mata mo lang ang
walang latay! At inakmang hagupitin si Barangaw.
Ngunit pinigil ni Barangaw ang lanubo, hinarap si Magbitag at ang
wika: Malupit kang walang kaparam wala kang awa sa kapwa.  Ngayon
din ay magsisi ka ng iyong mga kasalanan.
Dadaluhong sana si Magbitag ngunit ang mga paa nito ay parang
natilos sa kinatatayuan at nawalan ng lakas.
Kaya si Lakan Lumatay naman ang nagtangkang humagupit kay
Barangaw, ngunit ito’y nawalan din ng lakas.
Ah, malulupit, magagara ang inyong damit, maiinam ang inyong bihis
ngunit wala kayong bait.  Binigyan pa naman kayo ng Lumikha ng
puso’t diwa, ang bagay sa inyo ay ito! at anyong hahatawin ang
kanyang tungkod.
Ngunit ang alipin ay natauhan noon at napasigaw.  Poon ko po patawarin
mo po ang aking puno.  Ang akin pong anak ay itinatago ko nga!
Hindi itinuloy ang paghataw ni Barangaw.
Bakit mo itinago ang iyong anak? ang tanong sa alipin.
Ayaw ko ng anak ko na mahulog sa kamay ni Lakan.  May tunay po
siyang iniibig: si Malaya, ayoko po namang piliting ibigin ng anak ko ang
Lakan.  Ako po ang may sala.  Patawarin mo na po ang aking puno.
Mabuti kang kampon, aliping tapat hanggang wakas.  Bakit ang
kalupitan ay sinusuklian mo ng katapatan? Dahil sa iyong hiling ay hindi
ko papatayin ang iyong puno at ang humagupit sa iyo.  Subalit sila’y
hindi makatao, kaya’t sila’y dapat parusahan.  Buhat ngayo’y mag-
uusad silang tulad ng ibang hayop; ngunit ng sila’y may masilungan,
dadalhin nila ang kanilang bahay.
Sinaling ang tungkod niya kay Lakan at si Magbitag, at ang wika sa
mga ito: Mula ngayon ay dadalhin ninyo ang inyong bahay at kayo’y
uusad upang huwag ng pamarisan.
SANGGUNIAN
• http://www.kapitbisig.com/philippines/tagal
og-version-of-fables-mga-pabula-bakit-
dala-dala-ni-pagong-ang-kanyang-bahay-
pabula-fable_1148.html/page/0/1

More Related Content

What's hot

Mitolohioya ng Ehipto
Mitolohioya ng EhiptoMitolohioya ng Ehipto
Mitolohioya ng Ehipto
Jay-R Diacamos
 
Noli me tangere kabanata 14
Noli me tangere kabanata 14Noli me tangere kabanata 14
Noli me tangere kabanata 14
Sir Pogs
 
Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu
Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong IsyuKahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu
Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu
edmond84
 
Association of southeast asian nations (asean)
Association of southeast asian nations (asean)Association of southeast asian nations (asean)
Association of southeast asian nations (asean)
jpm_dalida
 
Tulalang
TulalangTulalang
Kakapusan at kakulangan
Kakapusan at kakulanganKakapusan at kakulangan
Kakapusan at kakulangan
Marie Cabelin
 
Filipino 9 Introduksyon sa Panitikan ng Timog-Silangang Asya
Filipino 9 Introduksyon sa Panitikan ng Timog-Silangang AsyaFilipino 9 Introduksyon sa Panitikan ng Timog-Silangang Asya
Filipino 9 Introduksyon sa Panitikan ng Timog-Silangang Asya
Juan Miguel Palero
 
Tulalang: Epiko ng mga Manobo
Tulalang: Epiko ng mga ManoboTulalang: Epiko ng mga Manobo
Tulalang: Epiko ng mga Manobo
Ellebasy Tranna
 
Ang buwis at budget ng pamahalaan
Ang buwis at budget ng pamahalaanAng buwis at budget ng pamahalaan
Ang buwis at budget ng pamahalaanmma1213
 
Ang Hukuman ni Sinukuan
Ang Hukuman ni SinukuanAng Hukuman ni Sinukuan
Ang Hukuman ni SinukuanMckoi M
 
Patakarang Piskal - Pagbubuwis
Patakarang Piskal - PagbubuwisPatakarang Piskal - Pagbubuwis
Patakarang Piskal - Pagbubuwis
tinna_0605
 
Ang Hukuman Ni Sinukuan: Bakit Naparusahanang Lamok
Ang Hukuman Ni Sinukuan: Bakit Naparusahanang LamokAng Hukuman Ni Sinukuan: Bakit Naparusahanang Lamok
Ang Hukuman Ni Sinukuan: Bakit Naparusahanang Lamok
Anna Mie Tito Mata
 
Noli Me Tangere Kabanata 16-20 (ADN)
Noli Me Tangere Kabanata 16-20 (ADN)Noli Me Tangere Kabanata 16-20 (ADN)
Noli Me Tangere Kabanata 16-20 (ADN)yanuuuh
 
Aralin 1.2a panitikan- ang mataba at payat ng usa
Aralin 1.2a panitikan- ang mataba at payat ng usaAralin 1.2a panitikan- ang mataba at payat ng usa
Aralin 1.2a panitikan- ang mataba at payat ng usa
Agusan National High School
 
Tuwaang (epikong bagobo)
Tuwaang (epikong bagobo)Tuwaang (epikong bagobo)
Tuwaang (epikong bagobo)Geraldine Cruz
 
Alim- Epiko ng mga ifugao
Alim- Epiko ng mga ifugaoAlim- Epiko ng mga ifugao
Alim- Epiko ng mga ifugao
junaid mascara
 
GNP and GDP
GNP and GDP GNP and GDP
GNP and GDP
Rhouna Vie Eviza
 
Filipino 9 Sino ang Nagkaloob
Filipino 9 Sino ang NagkaloobFilipino 9 Sino ang Nagkaloob
Filipino 9 Sino ang Nagkaloob
Juan Miguel Palero
 

What's hot (20)

Mitolohioya ng Ehipto
Mitolohioya ng EhiptoMitolohioya ng Ehipto
Mitolohioya ng Ehipto
 
Noli me tangere kabanata 14
Noli me tangere kabanata 14Noli me tangere kabanata 14
Noli me tangere kabanata 14
 
Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu
Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong IsyuKahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu
Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu
 
Association of southeast asian nations (asean)
Association of southeast asian nations (asean)Association of southeast asian nations (asean)
Association of southeast asian nations (asean)
 
Pagbabago ng Supply
Pagbabago ng SupplyPagbabago ng Supply
Pagbabago ng Supply
 
Tulalang
TulalangTulalang
Tulalang
 
Kakapusan at kakulangan
Kakapusan at kakulanganKakapusan at kakulangan
Kakapusan at kakulangan
 
Filipino 9 Introduksyon sa Panitikan ng Timog-Silangang Asya
Filipino 9 Introduksyon sa Panitikan ng Timog-Silangang AsyaFilipino 9 Introduksyon sa Panitikan ng Timog-Silangang Asya
Filipino 9 Introduksyon sa Panitikan ng Timog-Silangang Asya
 
Tulalang: Epiko ng mga Manobo
Tulalang: Epiko ng mga ManoboTulalang: Epiko ng mga Manobo
Tulalang: Epiko ng mga Manobo
 
Ang buwis at budget ng pamahalaan
Ang buwis at budget ng pamahalaanAng buwis at budget ng pamahalaan
Ang buwis at budget ng pamahalaan
 
Ang Hukuman ni Sinukuan
Ang Hukuman ni SinukuanAng Hukuman ni Sinukuan
Ang Hukuman ni Sinukuan
 
Patakarang Piskal - Pagbubuwis
Patakarang Piskal - PagbubuwisPatakarang Piskal - Pagbubuwis
Patakarang Piskal - Pagbubuwis
 
Ang Hukuman Ni Sinukuan: Bakit Naparusahanang Lamok
Ang Hukuman Ni Sinukuan: Bakit Naparusahanang LamokAng Hukuman Ni Sinukuan: Bakit Naparusahanang Lamok
Ang Hukuman Ni Sinukuan: Bakit Naparusahanang Lamok
 
Noli Me Tangere Kabanata 16-20 (ADN)
Noli Me Tangere Kabanata 16-20 (ADN)Noli Me Tangere Kabanata 16-20 (ADN)
Noli Me Tangere Kabanata 16-20 (ADN)
 
Aralin 1.2a panitikan- ang mataba at payat ng usa
Aralin 1.2a panitikan- ang mataba at payat ng usaAralin 1.2a panitikan- ang mataba at payat ng usa
Aralin 1.2a panitikan- ang mataba at payat ng usa
 
Tuwaang (epikong bagobo)
Tuwaang (epikong bagobo)Tuwaang (epikong bagobo)
Tuwaang (epikong bagobo)
 
Alim- Epiko ng mga ifugao
Alim- Epiko ng mga ifugaoAlim- Epiko ng mga ifugao
Alim- Epiko ng mga ifugao
 
GNP and GDP
GNP and GDP GNP and GDP
GNP and GDP
 
Ang buwang hugis suklay
Ang buwang hugis suklayAng buwang hugis suklay
Ang buwang hugis suklay
 
Filipino 9 Sino ang Nagkaloob
Filipino 9 Sino ang NagkaloobFilipino 9 Sino ang Nagkaloob
Filipino 9 Sino ang Nagkaloob
 

Viewers also liked

KWENTONG BAYAN (ano?)
KWENTONG BAYAN (ano?)KWENTONG BAYAN (ano?)
KWENTONG BAYAN (ano?)
Daneela Rose Andoy
 
Ang Maikling kwento
Ang Maikling kwentoAng Maikling kwento
Ang Maikling kwento
ar_yhelle
 
Sanaysay
SanaysaySanaysay
Sanaysay
Andrea Yamson
 
Ang Panitikang Filipino
Ang Panitikang FilipinoAng Panitikang Filipino
Ang Panitikang Filipino
Daneela Rose Andoy
 
Panitikang Filipino
Panitikang FilipinoPanitikang Filipino
Panitikang Filipino
Daneela Rose Andoy
 
Sanaysay
SanaysaySanaysay
Sanaysay
Abbie Laudato
 
Kwentong bayan
Kwentong bayanKwentong bayan
Kwentong bayan
Ladylhyn Emuhzihzah
 
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa panahon ng kastila at rebolusyon
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa panahon ng kastila at rebolusyonKasaysayan ng Wikang Pambansa sa panahon ng kastila at rebolusyon
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa panahon ng kastila at rebolusyon
Jeff Austria
 
Filipino 9 Sanaysay
Filipino 9 SanaysayFilipino 9 Sanaysay
Filipino 9 Sanaysay
Juan Miguel Palero
 
Akademikong Pagsulat
Akademikong PagsulatAkademikong Pagsulat
Akademikong Pagsulat
Miguel Dolores
 

Viewers also liked (10)

KWENTONG BAYAN (ano?)
KWENTONG BAYAN (ano?)KWENTONG BAYAN (ano?)
KWENTONG BAYAN (ano?)
 
Ang Maikling kwento
Ang Maikling kwentoAng Maikling kwento
Ang Maikling kwento
 
Sanaysay
SanaysaySanaysay
Sanaysay
 
Ang Panitikang Filipino
Ang Panitikang FilipinoAng Panitikang Filipino
Ang Panitikang Filipino
 
Panitikang Filipino
Panitikang FilipinoPanitikang Filipino
Panitikang Filipino
 
Sanaysay
SanaysaySanaysay
Sanaysay
 
Kwentong bayan
Kwentong bayanKwentong bayan
Kwentong bayan
 
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa panahon ng kastila at rebolusyon
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa panahon ng kastila at rebolusyonKasaysayan ng Wikang Pambansa sa panahon ng kastila at rebolusyon
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa panahon ng kastila at rebolusyon
 
Filipino 9 Sanaysay
Filipino 9 SanaysayFilipino 9 Sanaysay
Filipino 9 Sanaysay
 
Akademikong Pagsulat
Akademikong PagsulatAkademikong Pagsulat
Akademikong Pagsulat
 

More from Daneela Rose Andoy

two levels of faith
two levels of faithtwo levels of faith
two levels of faith
Daneela Rose Andoy
 
ANG ALAMAT
ANG ALAMATANG ALAMAT
ANG ALAMAT
Daneela Rose Andoy
 
Gamit ng pang-ugnay sa pagpapahayag ng opinyon FIL-9
Gamit ng pang-ugnay sa pagpapahayag ng opinyon FIL-9Gamit ng pang-ugnay sa pagpapahayag ng opinyon FIL-9
Gamit ng pang-ugnay sa pagpapahayag ng opinyon FIL-9
Daneela Rose Andoy
 
tula at ang mga elemeto
tula at ang mga elemetotula at ang mga elemeto
tula at ang mga elemeto
Daneela Rose Andoy
 
pagpapahayag ng sariling damdamin
pagpapahayag ng sariling damdaminpagpapahayag ng sariling damdamin
pagpapahayag ng sariling damdamin
Daneela Rose Andoy
 
module 2 in ESP 7
module 2 in ESP 7module 2 in ESP 7
module 2 in ESP 7
Daneela Rose Andoy
 
NAGING SULTAN SI PILANDOK (2)
NAGING SULTAN SI PILANDOK (2)NAGING SULTAN SI PILANDOK (2)
NAGING SULTAN SI PILANDOK (2)
Daneela Rose Andoy
 
ESP 7
ESP 7ESP 7
Kohesyong Gramatikal sa Pagpapatunay
Kohesyong Gramatikal sa PagpapatunayKohesyong Gramatikal sa Pagpapatunay
Kohesyong Gramatikal sa Pagpapatunay
Daneela Rose Andoy
 
Ako ang Simula ng Pagbabago
Ako ang Simula ng PagbabagoAko ang Simula ng Pagbabago
Ako ang Simula ng Pagbabago
Daneela Rose Andoy
 
MAIKLING IMPORMASYON NG NOLI ME TANGERE
MAIKLING IMPORMASYON NG NOLI ME TANGEREMAIKLING IMPORMASYON NG NOLI ME TANGERE
MAIKLING IMPORMASYON NG NOLI ME TANGERE
Daneela Rose Andoy
 
Naging Sultan si Pilandok
Naging Sultan si PilandokNaging Sultan si Pilandok
Naging Sultan si Pilandok
Daneela Rose Andoy
 

More from Daneela Rose Andoy (12)

two levels of faith
two levels of faithtwo levels of faith
two levels of faith
 
ANG ALAMAT
ANG ALAMATANG ALAMAT
ANG ALAMAT
 
Gamit ng pang-ugnay sa pagpapahayag ng opinyon FIL-9
Gamit ng pang-ugnay sa pagpapahayag ng opinyon FIL-9Gamit ng pang-ugnay sa pagpapahayag ng opinyon FIL-9
Gamit ng pang-ugnay sa pagpapahayag ng opinyon FIL-9
 
tula at ang mga elemeto
tula at ang mga elemetotula at ang mga elemeto
tula at ang mga elemeto
 
pagpapahayag ng sariling damdamin
pagpapahayag ng sariling damdaminpagpapahayag ng sariling damdamin
pagpapahayag ng sariling damdamin
 
module 2 in ESP 7
module 2 in ESP 7module 2 in ESP 7
module 2 in ESP 7
 
NAGING SULTAN SI PILANDOK (2)
NAGING SULTAN SI PILANDOK (2)NAGING SULTAN SI PILANDOK (2)
NAGING SULTAN SI PILANDOK (2)
 
ESP 7
ESP 7ESP 7
ESP 7
 
Kohesyong Gramatikal sa Pagpapatunay
Kohesyong Gramatikal sa PagpapatunayKohesyong Gramatikal sa Pagpapatunay
Kohesyong Gramatikal sa Pagpapatunay
 
Ako ang Simula ng Pagbabago
Ako ang Simula ng PagbabagoAko ang Simula ng Pagbabago
Ako ang Simula ng Pagbabago
 
MAIKLING IMPORMASYON NG NOLI ME TANGERE
MAIKLING IMPORMASYON NG NOLI ME TANGEREMAIKLING IMPORMASYON NG NOLI ME TANGERE
MAIKLING IMPORMASYON NG NOLI ME TANGERE
 
Naging Sultan si Pilandok
Naging Sultan si PilandokNaging Sultan si Pilandok
Naging Sultan si Pilandok
 

BAKIT DALA-DALA NI PAGONG ANG KANYANG BAHAY?

  • 2. Bakit Dala-Dala ni Pagong ang Kanyang Bahay? Alamat mula sa Mindanao
  • 3. Noong mga unang araw ay sinusugong paminsan-minsan ng bathalang maykapal si Barangaw magmula sa alapaap upang tingnan kung maligaya ang ating mga ninuno.  Kung minsan si Barangaw ay nag- aanyong bahaghari upang pahintuin ang unos na maaaring makasira sa mga pananim.  Kung minsan ay nag-aanyong isang sultan, naglalagay ng putong, nagdadamit ng kundiman at palakad-lakad sa loob at labas ng balangay.  Isang baston o tungkod na nilalik na kamagong ang kanyang dala-dala tanda ng kapangyarihan.  Ito ang pinaparusa niya sa mga malulupit at mga masasama, at ito rin ang ginagamit niya sa paggawad ng gantimpala sa mabubuti.
  • 4. Isang araw noong panahon ni Lakan Lumatay ay inutusan nga ni Bathala si Barangaw na mamasyal sa Malanday upang malaman ang mga daing ng mga aliping namamahay at aliping sagigilid.  Samantalang naglalakad si Barangaw, nakaalinig siya ng abot-abot na lagapak ng hagupit na kasabay ang malungkot na daing.  Bakit kaya? ang tanong ni Barangaw sa kanyang sarili walang kakilakilatis siyang nasok sa silid na pinanggagalingan ng daing ng taong hinahagupit ng lanubo ng bayabas.  Kitang-kita niyang namimilipit sa sakit ang taong hinahagupit na sa kahit saan tamaan! Kaawa-awang alipin! ang malungkot niyang nasabi. 
  • 5. Walang nakakita kay Barangaw sapagkat ang tagaputong niya ay maysa tagabulag, ngunit kitang-kita niya ang lahat.  Naroon si Lakan Lumatay at nakapamewang, pinag-abot- sikong nakabalita ang alipin at pinapalo ng walang patumangga ni Magbitag na siyang tagapagparusa ni Lakan.  Saan mo itinago ang iyong anak na dalaga? Ang tanong ni Magbitag, sandaling tinigilan ng palo ang alipin ito’y hubad baro, at ang katawan ay halos putok-putok sa sa kapapalo.  Hala, magsabi ka ng totoo.  Pag hindi’y mauutas ka.  Dapat mong ipagpasalamat na Lakan pa at puno natin ay may ibig sa anak mo.  Ano, magsasabi ka o hindi?
  • 6. Hindi umimik si Barangaw.  Nakinig siya upang malaman ang puno’t dulo ngpaghahagupit na yaon.  Hinintay na sumagot ang alipin, ngunit ito’y walang imik Matigas ang ulo, Hala lantakan mo uli! ang makapangyarihang utos ni Lakan Lumatay.  Pagkamatay ay itapon na ninyo sa ilog at ng lamunin ng buwaya. Pagkaunat- unat ng Magbitag ng kanyang bisig upang hagupitin na naman ang aliping halos wala ng malay-tao.  Datapwa’t ng sasayad na sa katawan ang lanubo ang tagapagparusa ay biglang sinangga ng tungkod na kamagong ni Barangaw.  Nahulog sa lupa ang lanubo at nanginig ang buong katawan ng mabalasik na si Magbitag. Si Barangaw ay galit na galit sa nakita niayang kalupitan ng punong dapat sanang magpasunod sa kahabag-habag na alipin.
  • 7. Lakan Lumatay! Ikaw ba ang nag-utos na hagupitin ang aliping ito? ang tanong ni Barangaw. Hulihin ang pangahas! ang mabangis na utos ni Lakan Lumatay sa kanyang mga kampon.  Paluhurin sa monggo at timbain sa tubig. Sayang, sa gulogod mo sana naubos ang lanubo ko.  Kung hindi lamang sa utos ng puno ko, masasarapan ka!  Mata mo lang ang walang latay! At inakmang hagupitin si Barangaw. Ngunit pinigil ni Barangaw ang lanubo, hinarap si Magbitag at ang wika: Malupit kang walang kaparam wala kang awa sa kapwa.  Ngayon din ay magsisi ka ng iyong mga kasalanan. Dadaluhong sana si Magbitag ngunit ang mga paa nito ay parang natilos sa kinatatayuan at nawalan ng lakas. Kaya si Lakan Lumatay naman ang nagtangkang humagupit kay Barangaw, ngunit ito’y nawalan din ng lakas. Ah, malulupit, magagara ang inyong damit, maiinam ang inyong bihis ngunit wala kayong bait.  Binigyan pa naman kayo ng Lumikha ng puso’t diwa, ang bagay sa inyo ay ito! at anyong hahatawin ang kanyang tungkod.
  • 8. Sayang, sa gulogod mo sana naubos ang lanubo ko.  Kung hindi lamang sa utos ng puno ko, masasarapan ka!  Mata mo lang ang walang latay! At inakmang hagupitin si Barangaw. Ngunit pinigil ni Barangaw ang lanubo, hinarap si Magbitag at ang wika: Malupit kang walang kaparam wala kang awa sa kapwa.  Ngayon din ay magsisi ka ng iyong mga kasalanan. Dadaluhong sana si Magbitag ngunit ang mga paa nito ay parang natilos sa kinatatayuan at nawalan ng lakas. Kaya si Lakan Lumatay naman ang nagtangkang humagupit kay Barangaw, ngunit ito’y nawalan din ng lakas. Ah, malulupit, magagara ang inyong damit, maiinam ang inyong bihis ngunit wala kayong bait.  Binigyan pa naman kayo ng Lumikha ng puso’t diwa, ang bagay sa inyo ay ito! at anyong hahatawin ang kanyang tungkod.
  • 9. Ngunit ang alipin ay natauhan noon at napasigaw.  Poon ko po patawarin mo po ang aking puno.  Ang akin pong anak ay itinatago ko nga! Hindi itinuloy ang paghataw ni Barangaw. Bakit mo itinago ang iyong anak? ang tanong sa alipin. Ayaw ko ng anak ko na mahulog sa kamay ni Lakan.  May tunay po siyang iniibig: si Malaya, ayoko po namang piliting ibigin ng anak ko ang Lakan.  Ako po ang may sala.  Patawarin mo na po ang aking puno. Mabuti kang kampon, aliping tapat hanggang wakas.  Bakit ang kalupitan ay sinusuklian mo ng katapatan? Dahil sa iyong hiling ay hindi ko papatayin ang iyong puno at ang humagupit sa iyo.  Subalit sila’y hindi makatao, kaya’t sila’y dapat parusahan.  Buhat ngayo’y mag- uusad silang tulad ng ibang hayop; ngunit ng sila’y may masilungan, dadalhin nila ang kanilang bahay. Sinaling ang tungkod niya kay Lakan at si Magbitag, at ang wika sa mga ito: Mula ngayon ay dadalhin ninyo ang inyong bahay at kayo’y uusad upang huwag ng pamarisan.