SlideShare a Scribd company logo
BAHAGI NG
PANANALITA
Bahagi ng Pananalita
•Nahahati sa dalawa: ang Pangnilalaman at
ang Pangkayarian.
•Ang mga salitang pangnilalaman ay nahahati
sa tatlo:
1.Nominal
2.Pandiwa
3.Panuring
MGA NOMINAL/
PANGNILALAMAN
PANGNGALAN
Ang pangngalan ay ang mga salitang
sumasagisag sa ngalan ng tao, bagay, hayop,
lugar, pangyayari, katangian at kalalagyan.
Ang pangngalan ay nauuri sa mga pangunahing
batayan ayon sa sumusunod:
A. Ayon sa Konsepto
May dalawang uri ang pangngalan
ayon sa konsepto- ang kongkreto o tahas
at abstrakto o basal.
Kongkreto oTahas
Ang pangngalan kapag mga materyak na bagay
ang tinutukoy. Ito ay ang mga pangngalang
nakikita at nahahawakan.
Halimbawa:
lapis aklat papel
mesa silya bulaklak
plastic bahay bote
Abstrak o Basal
Ang pangngalan kapag mga di-materyal na bagay
ang tinutukoy. Ito ay ang mga pangngalang hindi
nakikita at hindi nahahawakan.
Halimbawa:
diwa kaisipan damdamin
hangin kaluluwa hininga
tuwa ligaya pagkagutom
B. Ayon sa Kaanyuan
Nauuri ang pangngalan ayon sa paraan
ng pagkakabuo o kayarian nito. Maaaring
ang pangngalan ay payak, maylapi, inuulit
o tambalan.
1. Payak
Ang pangngalan ay payak kapag binubuo ng isang
salitang-ugat lamang.
Halimbawa:
bata lindol mangga aklat
tasa halaman baso paru-paro
2. Maylapi
Ang pangngalan ay maylapi kapag binubuo ng
salitang-ugat at panlaping makangalan.
Halimbawa:
palaruan kamag-aral tagaluto
sayawan kaibigan manlalaro
3. Inuulit
Ang pangngalan ay inuulit kapag binubuo ng
salitang-ugat na inuulit.
Halimbawa:
sabi-sabi bali-balita
tau-tauhan tatay-tatayan
4.Tambalan
Ang pangngalan ay tambalan kapag binubuo ng
dalawang salitang magkaiba ngunit pinag-isa.
Halimbawa:
hampaslupa bahay-kubo salid-tulugan
dalagambukid kapitbahay silid-aklatan
C. Ayon sa Kayariang
Pansemantika
Pambalana-kung nagsasaad ng diwang
panlahat. Nagsisimula sa maliit na titik.
Pantangi-kung nagsasaad ng diwang para
sa isang partikular na tao, hayop, bagay,
kaisipan o pangyayari. Ito’y nagsisimula sa
malaking titik.
Halimbawa:
Pambalana Pantangi
paaralan Saint Louis University
sabon Safeguard
teleserye Marina
abogado Atty. Rodrigo
D. Ayon sa Kasarian
Mauuri ang pangngalan ayon sa kasarian o sex.
1. Panlalaki ito kung tumutukoy sa ngalan ng lalaki
Halimbawa:
tatay hari
bayaw mama
lolo tandang
2. Pambabae ito kung tumutukoy sa ngalan ng babae
Halimbawa:
nanay reyna
ditse hipag
lola ale
3. Di-tiyak o pambalana kung hindi malaman ang tiyak na kasarian.
Halimbawa:
manggagamot pinuno
guro asawa
nars bata
4. Walang kasarian ito kung tumutukoy sa mga
bagay na walang buhay tulad ng bagay, lugar, at
pangyayari.
Halimbawa:
pagamutan kompyuter
dyip cellphone
bangko aklat
E. Ayon sa Kailanan
Ang pangngalan ay nauuri ayon sa kailanan o
dami ng tinutukoy. Makikilala ang kailanan o dami
ng pangngalan sa pamamagitan ng paggamit ng
pananda o marker, pamilang, at panlaping
makangalan at sa paggamit ng quantifier o
panukat para maging tiyak ang bilang.
1. Isahan
Ito ay gumagamit ng panandang ang, ng, sa, si, ni,
kay at pamilang na isa.
Halimbawa:
ang sanggol ni Roxanne
ng aklat isang baso
sa ospital kay Philip
Tatlong kailanan ng pangngalan
2. Dalawahan
Ito ay gumagamit ng panlaping makangalan na
mag- at pamilang na dalawa.
Halimbawa:
magkapatid mag-ama
magkasintahan dalawang aklat
3. Maramihan
Ito ay gumagamit ng panandang mga, sina, kina, nina, at
quantifier na marami, ilan, at iba pang pamilang na higit
sa dalawa at paggamit ng panlaping mag- a pag-uulit sa
unang pantig ng salitang-ugat.
Halimbawa:
mga tagapamahala mga balita sina Nonoy
maraming anak kina Jack nina Elezar
magkakaibigan limang baso magkakasama
F. Ayon sa Kaukulan
May tatlong palagyo ang pangngalan
Palagyo, Paari at Palayon.
1. Palagyo
Nasa kaukulang palagyo ang pangngalan
kung ginagamit ito sa bilang:
a. Paksa ng Pangungusap
ang pangungusap na gumagamit ng pangngalan bilang
paksa ay maaaring nasa karaniwan o kabalikang ayos.
Halimbawa:
1. Si Lee ay madalas na pumupunta sa palengke.
2. nanonood ng telebisyon si Norbert.
3. Ang mga guro ay dumalo sa seminar.
b. Panaguring pangngalan (kaganapang
pansimuno)
ang mga pangngalan ginagamit na panaguring
pangngalan ay lagging pinangungunahan ng
pangawing na “ay” kapag nasa di-karaniwang ayos ang
pangungusap at inuulit o inilalarawan ang paksa.
Halimbawa:
1. Si Ian ay masipag na mag-aaral
2. Ang paborito naming guro ay sa Bb. Santos.
3. Si Jerone ay isang tanyag na abogado.
c. Pangngalang Pantawag
nasa kaukulang palagyo ang pangngalan kung
ito ang tinutukoy o tinatawag sa pangungusap.
Halimbawa:
1. Ivan, pwede bang tumahimik!
2.Umawit na, Gingging.
3. Abe, gumising ka na.
d. Pamuno ng paksa (pangngalang pabanggit)
Ipinaliwanag o nililinaw ng pamumuno ng paksa ang
pangngalang nasa unahan ito. Ang kaukulan ng
pamumuno sa paksa ay iyon din sa pangngalang
tinutukoy.
Halimbawa:
1. Si Dr. Galangco, ang direktor, ay nagbabakasyon sa
Boracay.
2. Si Mary, ang nanalong Bb. Pilipinas, ay nangibang
bansa.
3. Si Dr. Go, ang doktor ay kinausap ko.
e. Pamumuno sa kaganapang pansimuno
Nililinaw ng pamuno ang kaganapang
pansimuno.
Halimbawa:
1. Ang dalagang iyan ay si Neri, ang kapatid ko.
2.Ang doctor na kinausap ko ay si Rex, ang pinsan I
Tado.
3. Ang abogadong namatay ay si Amelita, ang
kamag-aral ko.
2. Paari
Nasa kaukulang paari ang pangngalan kung
ito ay: (a) nagsasaad ng pag-aari at (b)
ginagamitan na nakakabuuan ng isang bagay
na binabanggit.
a) Pangngalang nagsasaad ng paari
Ang mga ngalang tumutukoy sa tao o bagay na
nag-aari.
Halimbawa:
1. Ang hawakan ng bag ay naputol.
2.Ang damit ng matanda ay naputikan.
3. Ang bagong biling sapatos na iyon ay para kay
Aguiluz.
3. Palayon
Nasa kaukulang palayon ang pangngalan
kung kapag ginagamit sa sumusunod na
pangyayari.
a)Tuwirang layon o layon ng pandiwa
karaniwang mga pangngalang pambalana. Ito ay
mga pandiwang pinangungunahan ng pantukoy na
pambalanang “ng” at sumagot sa tanong na “ano?”
Halimbawa:
1. Bumili si Pamela ng kotseng bago.
2.Pumitas ng bulaklak na mabango si Raphael.
3. Si Sandra ay kumakain ng manga.
b) Layon ng pang-ukol
maaaring pambalana at maaaring pantangi ang mga
pangngalang layon ng pang-ukol at pinangungunahan ng
mga pang-ukol gaya ng: sa, ukol sa/kay, hinggil sa/kay,
alinsunod sa/kay at iba pa.
Halimbawa:
1. Inihandog ko kay Ella ang karangalan kong ito.
2. Wala na akong nalalaman tungkol sa balita.
3. Ang para sa bata ay nawala.
4.Ialay mo sa Diyos ang lahat ng hinanakit mo sa buhay.
c) Tagaganap ng pandiwang nasa balintiyak
na tinig
ang pangngalan ay siyang tagaganap o layon ng
pandiwa na nasa balintiyak na tinig.
Halimbawa:
1. Ang lapis ay binali ng bata.
2.Ang laruan ay kinuha ng magnanakaw.
3. Ang larawan ay iginuhit ng isang mag-aaral.
PANGHALIP
Salita o katagang panghalili sa pangngalan. Sa
makabagong pananaw naman, ang panghalip ay
makikilala sa pagbabagong anyo ayon sa tatlong
kaukulan-panghalip na nasa anyong ang, ng at sa
bilang panghalili.
PANGHALIP
Ang Panghalip ay maaaring uriin bilang:
a. Panghalip Panao
b. Panghalip Pananong
c. Panghalip Panaklaw
d. Panghalip Pamatlig
Panghalip Panao/Personal
Ito ay mga panghalip na inihalili sa pangalan
ng tao.
Ang panghalip ay may tatlong kaukulan
1. Anyong “ang” (palagyo)
2.Anyong “ng” (paari)
3.Anyong “sa o kay” (palayon o paukol)
A. KAUKULAN
1. Panghalip na panao sa anyong “ang” (palagyo)
ito ay panghalip na inihalili sa pangngalang
pinangungunahan ng ang o si o kaya’y panghalip na
ginagamit sa paksa o kaganapang pansimuno.
Ginamit bilang paksa
Halimbawa
Siya ay masungit.
Ako ay naglilingko sa bayan.
Kata ay manonood ng palabras mamayang hapon.
Ginamit bilang kaganapang pansimuno
Halimbawa
Ikaw ang dahilan ng kanilang pag-aaway.
Sila dapat managot sa kasalan.
Kami ang may-ari ng malaking bahay.
2. Panghalip na Panao sa anyong “ng” (paari)
Ito ay mga panghalip na inihalili sa pangalang
may panangdang ng o ginagamit ito bilang
panuring at nagsasaad ng paaari.
bilang panuring
Halimbawa:
Ang aking kaibigan ay nangibang bansa.
Ang iyong bag ay napakaganda.
Ginamit bilang nag-aari
Halimbawa
Kanila ang lupang sinsaka niTemyong.
Akin ang lahat na hiniram niya.
3. Panghalip Panao sa anyong “sa” (palayon o
paukol)
Ito ay mga panghalip na inihalili sa pangalang
may panangdang sa o kay. Ginagamit ito bilang
layon ng pang-ukol at di-tuwirang layon.
bilang layon ng pang-ukol
Halimbawa:
Para sa inyo ang karangalan ko.
Wala akong kinalaman tungkol sa kanya.
Ginamit di-tuwirang layon
Halimbawa
Ang pahayagan ay basahin mo araw-araw.
Kanyang babayaran ang utang ni Nida.
May tatlong panauhan ang panghalip panao.
1. Unang panauhan- tumutukoy sa taong
nagsasalita
2. Ikalawang panauhan- tumutukoy sa taong
kinakausap
3. Ikatlongpanauhan- tumutukoy sa taong
pinag-uusapan
B. PANAUHAN
Unang
Panauhan
Ikalawang
Panauhan
Ikatlong
Panauhan
Angyong ang Ako, kita, kata,
kami, tayo
Ikaw, ka, kayo siya, sila
Anyong ng Ko, natin,
namin
Mo, ninyo Niya, anila
Anyong sa Akin, atin,
amin
Iyo, inyo Kanya, kanila
•Halimbawa:
Ikaw ang tatanggap ng tropeo.
Tatanggap ka ng tropeo.
May tatlong kailanan ang panghalip-
ang isahan, dalawahan at maramihan.
c. KAILANAN
1.Isahan- ginagamit ito para sa isang tao
tulad ng siya, ikaw, niya, kanya, iyo, mo, ako
at iba pa.
2.Dalawahan- ginagamit ito para sa
dalawahang tao tulad ng kata, kita, kanita.
3.Maramihan- ginagamit ito para sa higit sa
dalawang tao tulad ng sila, kayo, kanila,
natin, naming, ninyo at iba pa.
Panghalip pananong/integratibo
Ito ay mga panghalip na ginagamit sa
pagtatanong tungkol sa tao, bagay, hayop,
pook, Gawain, katangian, panahon, at
pangyayari.
Sino at Kanino- para sa tao
Halimbawa:
Sino ang pambansang bayani sa Pilipinas?
Kanino mo iaalay ang awitin mo ngayon?
Ang iba’t ibang panghalip na pananong:
Ano-para sa bagay, hayop, katangian, pangyayari o
ideya.
Halimbawa:
Ano ang bibilhin mo?
Ano ang nakita mo sa zoo?
Kailan-para sa panahon o petsa
Halimbawa:
Kailan ka luluwas ng Maynila?
Kailan ibibigay ang sahod sa atin?
Saan-para sa lugar
Halimbawa:
Saan ka ipinanganak?
Nasaan ang bag mo ?
Bakit-para sa dahilan
Halimbawa:
Bakit natalo cTyzon sa labanan?
Nasaan ang bag mo?
Paano-para sa paraan
Halimbawa:
Paano mo ginawa iyon?
Paano nangyare ang pagpaslang sa binata?
Magkano-para presyo
Halimbawa:
Magkano ang sapatos na Nike?
Magkano ang ibinayad niya sa iyo?
Gaano at Ilan-para sa dami at kantidad
Halimbawa:
Gaano karami ang dumalo sa kasal?
Ilan ang nakaenrol sa klase mo?
Alin-para sa mamimili
Halimbawa:
Alin ang gusto mo?
Alin ang pipiliin mong damit?
May dalawang kailanan ang panghalip pananong.
1. Isahan- kapag ang panghalip ay tumutukoy sa
isa.
2. Maramihan- kapag ang panghalip ay
tumutukoy sa marami. Sa pagpaparami ng
panghalip pananong, ginagawa ito sa
pamamagitan ng pag-uulit nito.
A. KAILANAN
Halimbawa:
Isahan Maramihan
sino sino-sino
ano ano-ano
alin alin-alin
kanino kani-kanio
Halimbawa:
1. Sino ang nakapunta na sa Banaue RiceTerraces?
2. Sino-sino ang mga nakapunta na Banaue RiceTerraces?
3. Alin ang mga napili mong damit?
4. Alin-alin ang mga napili mong damit?
Panghalip panaKLAW/inDEPINIT
Ito ay mga panghalip na nagsasaad ng
kaisahan, dami o kalahatan ng ngalang
tinutukoy na maaaring tiyakan o di-tiyakan.
Ito ay sumasaklaw sa kaisahan o kalahatan
ng pangngalan.
Kaisahan- isa, iba, balana
Dami o kalahatan- lahat, pawa, madla
Di-katiyakan- gaanuman, alinman, saanman, anuman,
kailanman
Halimbawa:
1. Isa lang ang nais kong sabihin sa inyo.
2. Nasiyahan ang madla sa iyong talumpati.
3. Sinuman ay may karapatang mabuhay sa mundo.
4. Anuman ang buhay na bumabagabag sa iyo ay dapat mong
ipagwalang-bahala.
Ang panghalip na panaklaw ay may tatlong
kaukulan.
1. Palagyo
2. Paari
3. Palayon
A. KAUKULAN
1. Palagyo
Nasa kaukulang paglagyo ang panghalip kung ito
ay ginagamit bilang paksa at kaganapang
pansimuno ng pangungusap.
Halimbawa:
1. Lahat ay nasisiyahan sa kanyang pagdating. (paksa)
2. Sinuman ay maaaring magtagumpay sa buhay kung
nanaisin.(paksa)
3. Ang hiningi mo ay iba. (kaganapang pansimuno)
4. Balana ang humatol sa nagawang sala ni Mang Paking.
(kaganaping pansimuno)
2. Paari
Nasa kaukulang paari ang panghalip kung ito ay
sinusundan ng ng.
Halimbawa:
1. Iginagalang ang hatol ng lahat.
2. Nais kong marinig ang kaisipang balana.
2. Palayon
Nasa kaukulang palayon ang panghalip kung ito
ay ginagamit bilang tuwirang layon, tagaganap ng
pandiwang balintiyak at layon ng pang-ukol.
Halimbawa:
1. Anuman ang mahihirap ay tumatanggap ng anuman.
(tuwirang layon)
2. Ang pangulong may sakit ay tinutulungan ng sinuman.
(tuwirang layon)
Halimbawa:
3. Siya ang binabati ng madla. (tagaganap ng pandiwang
balintiyak)
4. Ang mga kalahok sa paligsahan ay ipinagbunyi ng lahat.
(tagaganap ng pandiwang balintiyak)
5. Ayaw kong makialam tungkol sa iba. (layon ng pang-
ukol)
a. ang lahat ng hirap ko ay inuukol ko sa isa.(layon ng
pang-ukol)
Panghalip paMATLIG/DEMONSTRATIBO
Ito ay mga panghalip na ginagamit sa
pagtuturo ng tao, bagay, hayop, lunan o
pangyayari. Sa panghalip na pamatlig,
nalalaman ang layo o lapit ng bagay na
itinuturo.
Ang panghalip na pamatlig ay nauuri sa apat:
1. Pronominal- ngalan ng tao o bagay.
2. Panawang-pansin- sa bagay , tao o lugar
3. Patulad- naghahambing
4. Panlunan- nagsasaad ng kinaroroonan ng
tinutukoy na tao, bagay, lugar at iba pa.
A. KAURIAN
a. Anyong palagyo/paturol
• ire (ibang anyo: yare), ito iyan (ibang anyo: yaan) at iyon
(ibang anyo: yaon)
a. Anyong paari
• nire (ibang anyo: niyari), nito, niyan, noon (ibang
anyo:niyon)
b. Anyong sa palayon/paukol
• dine , ditto, diyan, doon
o
1. pRONOMINAL
Halimbawa:
1. Ito ang bahay nina Anita.
2. Kailangan nito ang pansin mula sa gobyerno.
3. Dito nakatira ang mga pinsan ko.
a. * (h) ere, b. (h) eto c. (h) ayan d. (h) ayun
Halimbawa:
1. Hayun ang aso sa damuhan.
2. Ang mga bisita natin ay heto na.
3.. Hayan na ang hinahanap mong bolpen.
2. PANAWANG-PANSIN O
PAHIMATON
a. * ganire b. ganito c. ganyan d. ganoon
(ibang anyo : gayon)
Halimbawa:
1. Ganyan ang sapatos na binili ko.
2. Ganito ang buhay sa probinsiya.
3.Ganoon ang paraan ng epektibong
pangangampanya.
3. PATULAD
a. *narini (ibang anyo: nandini)
b. Narito (ibang anyo: nandito)
c. Nariyan (ibang anyo: nandiyan)
d. Naroon (ibang anyo: nandoon)
Halimbawa:
1. Narito ana ang mga bagong salita.
2. Naroon ba ang kapatid ko?
3. Nariyan ang gurong masungit?
4. PANLUNAN
Ang panghalip na pamatlig ay may dalawang
kailanan:
1. Isahan kung tumutukoy sa isa lamang.
Halimbawa:
Nanalo iyan sa labanan. (angyong ang)
Pinanood nito ang palabas. (angyong ng)
B. KAILANAN
2. Maramihan- kung tumutukoy sa marami
Pinararami ang panghalip pamatlig sa
pamamagitan ng pagdaragdag ng salitang mga.
Halimbawa:
Nanalo ang mga iyan sa labanan.
Pinanood ng mga ito ang palabas.
Nahahati sa tatlong kaukulan ang panghalip
pamatlig.
1. Panghalip pamatlig sa anyong “ang” (palagyo)
2. Panghalip pamatlig sa anyong paari
3. Panghalip pamatlig sa anyong palayon o paukol
c. kaukulan
Ito ay panghalip na ginagamit bilang panghalili sa
pangngalang pinangungunahan ng “ang” kaya ang gamit sa
pangungusap ay bilang paksa.
• Ito= malapit sa nagsasalita
Halimbawa: Ito ang damit ko.
• Iyan= malapit sa kausap
Halimbawa: Iyan ang damit ko.
• Iyon= malayo sa kapwa nagsasalita at kausap .
Halimbawa: Iyan ang damit ko.
1. Panghalip pamatlig sa anyong “ang”
(palagyo)
Ito ay panghalip na ginagamit na inihalili sa
pangngalang pinangungunahan ng ng kung
isahan at ng mga kung maramihan kaya
sumusunod ito sa gamit ng pangngalang
pinapalitan.
Halimbawa:
a.Ang layunin nito ay napakahalaga.
b.Ang papel ng mga ito at hindi pa naibibigay.
2. Panghalip pamatlig sa anyong paari
Ito ay panghalip na ginagamit na inihalili sa pangngalang
pinangungunahan ng sa. Maaaring gamitinh tuwirang
layon, tagagagap ng pandiwang balintiyak at layon ng
pang-ukol.
Halimbawa:
a.Siya ang bumili nito sa botika.(tuwirang layon)
b.Binibili ng mga iyon ang aklat. (tagaganap ng
pandiwang balintiyak)
c. Ang lapis na para sa mga iyon ay mahaba. (layon ng
pang-ukol)
3. Panghalip pamatlig sa anyong palayon o
paukol
Ang mga pangngalan ay maaaring halinhan ng
mga panghalip sa pamamagitan ng mga kaukulang
ang, ng at sa.
• Pangngalan sa ANG
Isahan Maramihan
ang/si ang mga/sina
• Panghalip panao sa ANG
Isahan Dalawahan Maramihan
ako kata/kita tayo, kami
ikaw,ka kayo
siya sila
•Panghalip pamatlig sa ANG
Isahan Maramihan
ito ang mga ito
iyan ang mga iyan
iyon ang mga iyon
•Pangngalan ng NG
Isahan Maramihan
ng/ni ng mga/nina
•Panghalip panao sa NG
Isahan Dalawahan Maramihan
ko nita natin, namin
mo ninyo
niya nila
•Panghalip pamatlig sa NG
Isahan Maramihan
nto ng mga ito
nyan ng mga iyan
niyon, noon ng mga iyon
•Pangngalan ng SA
Isahan Maramihan
sa/kay sa mga/kay
•Panghalip panao sa SA
Isahan Dalawahan Maramihan
sa akin sa kanita sa atin, sa amin
sa iyo sa inyo
sa kaniya sa kanila
•Panghalip pamatlig sa SA
Isahan Maramihan
dto sa mga ito
diyan sa mga iyan
doon sa mga iyon
PANDIWA
Ang mga salitang nagpapahayag ng kilos o galaw.
Binubuo ng salitang-ugat at mga panlaping
makadiwa. Ang salitang-ugat ay nagbibigay kahulugan
sa pandiwa. Ang panlapi naman ang nagpapakilala ng
iba’t ibang panahunan, kailanan, at tinig ng pandiwa.
Ang salitang-ugat at panlapi ang bubuo sa salitang
pawatas na magiging batayang anyo ng pandiwa.
May mga panlaping makadiwa na ginagamit gaya
ng mag-, um, ma, maka, hin, -han/an, pa mang, maki
at iba pa.
Halimbawa:
Panlapi Salitang-ugat Pawatas
um- lakad lumakad
mag- laro laruan
i- luto iluto
ma- sabi masabi
pa- hula pahula
MGA ASPEKTO NG PANDIWA
•Ito ay nagpapakita ng kilos o pangyayari na naganap, o
katatapos pa ma lang, sisismulang ganapin, at magaganap
pa lamang.Ang mga ito ay nababanghay sa aspekto.
1. Perpektibo o ginanap na o natapos na
2.Imperpektibo o ginaganap at hindi pa natatapos
3. Kontemplatibo o gaganapin o hindi pa nasisimulan ang kilos
•May tinatawag na anyong neutral, ito ay
ang pawatas at ang pautos. Iisa ang anyo
ng mga ito.
A. ASPEKTONG PERPEKTIBO O
PANGNAKARAAN
• Ito ay nagsasaad ng kilos na nasimulan at natapos na.
Halimbawa:
Anyong Pawatas Aspektong Perpektibo
umalis umalis
kumain kumain
maglaro naglaro
magpaganda nagpaganda
A.1 ASPEKTONG PERPEKTIBONG
KAKATAPOS
•Ito ay nagsasaad ng kilos na kakatapos lamang bago
nagsimula ang pagsasalita. Ito ay maihahanay sa
aspektong perperktibo. Ang kayarian ng aspektong ito
ay nabubuo sa pamamagitan ng paggamit ng unlaping
ka at ang pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat.
Ngunit hindi lahat ng pandiwa ay may aspektong
perpertibong katatapos.
A.1 ASPEKTONG PERPEKTIBONG
KAKATAPOS
Halimbawa:
Anyong Pawatas Aspektong Perpektibo
sumulat kakasulat
kumain kakakain
maglaro kakalaro
B. ASPEKTONG IMPERPEKTIBONG O
PANGKASALUKUYAN
•Ang kilos ay nasimulan na ngunit di pa natatapos.
Kasalukuyan pang ipinagpapatuloy ang kilos. May
dalawang uri ng kilos na imperpektibo;
una, kilos na nasimulan ngunit hindi pa natatapos,
nagaganap o ipinagpapatuloy
Ikalawa, kilos na paulit-ulit na ginagawa.
Halimbawa:
1. Sumusulat ng tula ang mga mag-aaral.
(nagsimula nang sumulat at sumusulat pa, hindi pa
tapos ang kilos)
2. Parati siyang umaawit. (ang kilos ay paulit-ulit
na ginagawa)
Pawatas/Pautos Perpektibo Katatapos Imperpektibo
maglaro naglaro kalalaro naglalaro
kumain kumain kakakain kumakain
sumulat sumulat kasusulat sumusulat
umalis umalis kaaalis umaalis
C. ASPEKTONG KONTEMPLATIBO O
PANGHINAHARAP
•Ang kilos ay hindi nasisimulan, ito’y gaganapin pa lamang.
Halimbawa:
Pawatas Perpektibo Katatapos Imperpektibo Kontemplatibo
maglaro naglaro kalalaro naglalaro maglalaro
kumain kumain kakakain kumakain kakain
sumulat sumulat kasusulat sumusulat susulat
•Ang pandiwa ay may pagbabagong ango o tinatawag na
pagbabanghay batay sa aspekto nito. Sa salitang-ugat at
panlapi naipapakita ang pag-iiba ng anyo ng aspekto ng
pandiwa.
Neutral Banghay sa UM
Anyong Pawatas sumulat
Perpektibo sumulat
Perpektibong katatapos kasusulat
Imperpektibo sumusulat
Kontemplatibo susulat
URI NG PANDIWA
1. Pandiwang Katawarin
•Nagtataglay ng kahulugang buo na hindi
nangangailangan ng tagaganap o tagatanggap ng kilos.
Halimbawa:
Umalis na ang panauhan.
Lumipad sa himpapawid ang mga ibon.
Ang mga panauhin ay pumunta sa ilog.
1. Pandiwang Katawarin
•Nagtataglay ng kahulugang buo na hindi
nangangailangan ng tagaganap o tagatanggap ng kilos.
Halimbawa:
Umalis na ang panauhan.
Lumipad sa himpapawid ang mga ibon.
Ang mga panauhin ay pumunta sa ilog.
TINIG NG
PANDIWA
1.Tinig na tahasan o tukuyan
•Sa mga pandiwang nasa tinig na tahasan, ang paksa ng
pangungusap ang tagaganap ng kilos na sinasabi ng
pandiwa ay may layong tagatanggap ng kilos na
tinatawag na tuwirang layon.
Halimbawa:
Bumili ng sariwang gulay ang ina ni Karl.
Bumabalangkas ng isang talata si Cesar.
Ang bata ay nagpalit ng damit.
•Ang mga tinig tahasan pangungusap ay bumili,
bumabalangkas at nagpalit.
•Ang paksa ay siyang tagaganap ng kilos. Ang mga
paksa na ina, Cesar at bata ay may mga layong
tagatanggap, ang mga ito ay –ng gulay, -ng talata
at ng damit.
2.Tinig na Balintiyak
•Sa tinig na balintiyak, ang paksa ay hindi gumaganap ng
kilos manapa, ito ang tumatanggap ng kilos na sinasabi
ng pandiwa, samakatuwid, tagatanggap ng kilos ang
paksa.
Halimbawa:
Ang tula ay isinulat ng batikang manunulat.
Pinulot ng bata ang aklat.
Nabili ni Grace ang bagongVan.
•Ang mga tinig balintiyak na nasa pangungusap ay
isinulat, pinulot at nabili sapagkat may paksa itong
tagatanggap ng kilos tulad ng: tula, aklat atVan.
•Ang tagaganap naman ng mga ito ay manunulat,
bata at Grace.
POKUS NG
PANDIWA
• Naipapakita sa pamamagitan ng pokus ang kaugnayan ng paksa
sa pandiwa kung tagaganap, tagatanggap, sanhi, pinaglalaanan,
ginanapan, o kagamitan ang paksa. Ang pokus ay ang
pinakapaksa ng pangungusap. Maaaring maging:
1. Aktor
2. Gol
3. Lokatib
4. Kosatib
5. Instrumental
6. Direksyunal
7. Benepektib
1. Aktor Pokus
•Kapag ang paksa ang tagaganap ng kilos ng pandiwa sa
pangungusap. May mga panlaping ginagamit gaya ng:
um, mag-, maka-, mang, at ilang ma-.
Halimbawa:
Sumungkit ng mga atis ang mga mag-aaral.
Nagdala ng radyo siTrixy.
Mangunguha si Cris ng maraming prutas.
2. Gol Pokus
•Kapag ang paksa ang siyang tagatanggap ng kilos na
ipinapahayag ng pandiwa at may layon tagaganap. Ang
mga panlaping ginagamit sa pokus na ito ay i-, in, -an/-
han, ma-, ipa. Pinangungunahan ng marker na ng/ni ang
actor o ang kahalili nitong mga panghalip.
Halimbawa:
Kinuha ni Joe ang susi.
Binali ng bata ang lapis.
Binasa ng pulis ang pahayagan.
3. Lokatib Pokus
•Kapag ang tinutukoy ay ang pook na pinagganapan ng
kilos. Ang mga panlaping ginagamit ay –an/han, pag- -
an/han, -an/-han, pang... –an/-han.
Halimbawa:
Pinaghukayan ni Pedro ang kanilang bakuran.
Pinaglutuan ng kakanin ang bagong kawali.
napagtamnan ni Joe ang mga malaking paso.
4. Kosatib Pokus
•Kapag ang tinutukoy ang dahilan ng kilos sa
pangungusap. Ang panlaping ginagamit ay i-, ika-, at
ikapag-. Pinangungunahan ng ng/ni ang aktor o
panghalili rito.
Halimbawa:
Inilula niya ang pag-alis mo.
Ikinais nila ang pinagsisinungalingan.
Ikinagalit ko ang iyong pagtataksil.
5. Instrumental Pokus
•Kapag ang paksa ay ang kagamitang ginamit sa pagkilos
ng pandiwa sa pangungusap. Ang panlaping ginagamit
ay ipang- at pinangungunahan ng ng/ni ang aktor.
Halimbawa:
Ipinangguhit ng bata ang lapis na iyan.
Ipinamunas ni Ging-ging ang bagong twalta.
Ipinanghiwa ni Abie ng sibuyas ang kutsilyo.
6. Direksyunal Pokus
•Kapag tinutukoy ang direksyon o tagatanggap ng kilos sa
pangungusap. Ang mga panlaping ginagamit sa ganitong
pokus –an/han-, at pinangungunahan ng ng/ni marker
ang aktor o mga panghalili nito.
Halimbawa:
Pinasyalan naming ang Banaue RiceTerraces.
Pinuntahan ng mga pulis ang kanilang bahay.
Tinabihan niya ang kanyang kaibigan.
7. Benepaktib Pokus
•Kapag ang paksa ay pinaglalaanan o di-tuwirang layon
ng kilos ng pandiwa. Ang mga panlaping ginagamit sa
ganitong pokus ay --, ipang-, at ipag-. Pinangungunahan
ng ng/ni ang marker ng aktor.
Halimbawa:
Ikinuha ng inumun ng katulong ang panauhin.
Ipinaghugas ni Ana ng pinggan ang bata.
Ipinagluto ng ina ng masarap na ulam ang
maysakit.
Mga Kaganapan ng
Pandiwa
•Kaganapan ng pandiwa ang tawag sa bahagi
ng panaguri na binubuo o nagbibigay ng
ganao na kahulugan sa pandiwa.
1. Kaganapang Tagaganap o Aktor
•Nasa aktor kaganapan ang pandiwa kapag ang bahagi
ng panaguri ang gumaganap ng kilos na ipinapahayag
ng pandiwa.
Halimbawa:
a. Ipinagbunyi ng mga tao ang kanilang
tagumpay. (ang pariralang “ng mga tao” ay siyang
nagsasaad kung sino ang gumanap ng kilos ng pandiwa)
Halimbawa:
b. Ipinagkaloob ni Jose ang ilang pagkain sa mga bata.
(Ang pariralang “ni Jose” ay ang gumanap ng kilos)
c. Isinadula ng mga mag-aaral ang madamdaming
bahagi ng telenobela.
(Ang pariralang “ng mga mag-aaral” ang nagsaad
kung sino ang gumawa ng kilos)
2. Kaganapang Layon o Gol
•Nasa kaganapang gol o layon ang pandiwa kapah ang
bagay o mga bagay ay ang tinutukoy ng panaguri sa
pangungusap.
Halimbawa:
a. Nagpaluto ako ng masarap na pinikpikang
manok. (ang pariralang ng pinikpikang manok ang
tinutukoy ng iniluto)
Halimbawa:
b. Nagpaihaw sila ng malaking bangus.
c. Kumuha ang mga bata ng duhat sa bukid.
d. Pumulot ng mga kumikinang na bato ang mga bata
sa Crystal Cave.
3. Kaganapang Ganapan o Lokatib
•Nasa ganapan o lokatib ang kaganapan ng pandiwa
dahil ang panaguri ay nagsasaad ng lugar na
pinagganapan ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
a. Nagtampisaw sa ilog ang mga dalaga. (ang
pariralang sa ilog nagsasaad kung saan nagtampisaw ang
mga dalaga.)
Halimbawa:
b. Nagsayaw ng retro sa plaza ang mga kabataan.
c. Pumulot ng dumi sa sahig si Ivan.
d. Kumuha ng damit sa aparador ang tatay.
4. Kaganapang Kagamitan o Instrumental
•Ito ay nagsasaad kung anong bagay, kagamitan o
instrument sa panaguri ang ginamit upang magawa ang
kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
a. Ginupit ng nanay ang mga pira-pirasong tela sa
pamamagitan ng gunting. (ang pariralang sa
pamamagitan ng gunting ay nagsasaad kung ano ang
ginamit upang magupit ang tela.)
Halimbawa:
b. Iginuhit ni Norbert ang magandang tanawin sa
pamamagitan ng lapis.
c. Pinunasan ni Liyan ang mga upuan sa pamamagitan
ng tuyong basahan.
d. Binuksan niya ang kabinet sa pamamagitan ng susi.
5. Kaganapang Sanhi o Kosatib
•Ito ang kaganapang nagsasaad sa panaguri kung ano
ang dahilan ng pandiwa.
Halimbawa:
a. Nagkasakit siya dahil sa pagpapabaya. (ang
pariralang dahil sa pagpapabaya ay nagsasaad ng
pagpapasakit ng taong tinutukoy.)
Halimbawa:
b. Nakalimot si Dolores dahil sa dami ng Gawain.
c. Nalugod ang mga kabatan dahil sa pabuyang
ibinigay.
d. Natuwa si Joel dahil nakapasa siya sa UP Diliman.
6. Kaganapang Tagatanggap o Benepaktib
•Ito ang kaganapang ito ay nagsasaad kung sino ang
tatanggap o makikinabang sa panaguri sa kilos ng
pandiwa.
Halimbawa:
a. Bumili si Jane ng mga gulay para sa kanyang
panauhin. (ang pariralang para sa kanyang panauhin ay
nagsasaad kung para kanino ang biniling gulay.)
Halimbawa:
b. Nagluto si Nanay ng asado para sa kanyang
pamangkin.
c. Namitas si Daniel ng mga bulaklak para kay Girlie.
d. Nanguha si Felisa ng mga kamatis para kay Anita.
7. Kaganapang Direksyunal
•Ang kaganapang direksyunal ay nagsasaad ng direksyon
ng kilos na taglay ng pandiwa sa panaguri.
Halimbawa:
a. Pumunta sila sa park. (ang pariralang sa park ay
nagsasaad direksyon ng kilos na taglay ng pandiwa.
Halimbawa:
b. Nagtungo sila sa lugar ng mga katutubo.
c. Nagpunta si Imelda sa Maynila.
Mga panuring
Ang mga panuring ay mga salitang nagbibigay
turing o larawan sa ibang salita upang lalong
maging mabisa ang pahayag.
PANG-URI
Ang Pang-uri ay nagsasaad ng katangian o mga
salitang naglalarawan. Maaari itong salitang-ugat
at panlaping makauri.
Halimbawa:
1. Kapatid niya ang matabil na batang naliligo.
2. Ang dakilang ama ay mapagparaya.
3. Magtatagumpay ang mapagpalang kamay.
A. TUNGKULIN NG
PANG-URI
1. Pang-uring Nagbibigay-turing sa Pangngalan
Halimbawa:
1.Tayong mahihirap ay dapat magkaisa.
2. Kayong mapagkumbaba ay malapit sa Panginoon.
3. Kaming mapagmahal ay mga taong tapat.
2. Pang-uring Nagbibigay-turing sa Panghalip
Halimbawa:
1. Ang masisipag ay nagtatagumpay.
2.Ang mga malulusog ay mahilig sa mga laro.
3. Ang mga matitino ay nakatayo sa harap.
3. Pang-uring maaaring paksa ng isang Pangungusap
Halimbawa:
1. Malulusog ang mga bata.
2.Mabango ang kanyang damit.
3. Sunog ang kanyang sinaing.
4. Pang-uring maaaring isang kaganapang
pansimuno ng isang pangungungusap
Halimbawa:
1. Ang dalawang turista ay pawing Amerikano.
2.Labindalawang sundalo ang nagtagumpay sa
digmaan.
3. Ikalawang upuan ang iyong kapatid.
5. Pang-uring maaaring nagsasaad ng bilang
sa salitang binibigyang turing nito.
Ang pang-uri ay nasa payak na kayarian kapag
binubuo ng isang salita o salitang-ugat.
Halimbawa:
puti saya
pula dakila
anim turo
B. KAYARIAN NG PANG-
URI
1.Payak
Ito’y pinagsamang panlapi at salitang-ugat.
Halimbawa:
Panlapi + salitang-ugat = maylapi
ma- + ganda =maganda
ma- + sipag = masipag
napaka + dulas = napakadulas
2. Maylapi
Ang salita ay maaaring inuulit ng buo o inuulit na
ganap. Maaari ring bahagi lamang ng isang salitang-
ugat o tinatawag na parsyal ang pag-uulit.
Halimbawa:
inuulit na ganap parsyal na pag-uulit
pulang-pula masasarap
maputing-maputi matatabil
malamig na malamig bibilugin
3. Inuulit
Ito’y binubuo ng pinagsamang dalawang salita na
maaaring may ikatlong kahulugan o mananatili ang
kahulugan.
Halimbawa:
ngiting-aso pusong-bakal
kapus-palad ningas-kugon
tulog-hipon
4.Tambalan
Kung nagsasaad ito ng isang bilang bilang ng
salitang nagbibigay turing o inilalarawan.
Halimbawa:
1. Siya ay masipag.
2. Ang sanggol ay malusog.
3. Ang mag-aaral ay matalino.
c. kailanan
1. ISAHAN
Nasa kailanang dalawahan ang pang-uri kung
ito’y nagbibigay-turing sa dalawa.
Halimbawa:
1.Magkasintaas sina Diego at Kris.
2. Dalawang matatalinong lalaki ang sumali sa
laro.
3. Kapwa guro ang dalawang anak ni Mang
Fred.
2. DALAWAHAN
Kung ito’y nagbibigay-turing o naglalarawan
nang higit sa dalawa. Makikilala ang maramihan sa
pamamagitan ng pag-uulit ng unang pantig ng
salitang-ugat o sa pamamagitan ng paggamit ng
salitang mga sa salitang-ugat.
Halimbawa:
1.Maraming pera ang mga bata.
2. Pagkatatatamis ng mga suha.
3. Magsisingganda ang nanalo sa paligsahan.
3. MARAMIHAN
Ang pang-uri ay naantas ayon sa paraan ng
paghahambing. Ito ay katangian ng pang-uri
ikinaiiba sa ibang salitang pangnilalaman.
D. KAANTASAN NG
PANG-URI
Walang paghahambing nagaganap. Iisa lamang
ang tinutukoy, maaaring salitang-ugat at panlaping
makauri.
Halimbawa:
1.Siya ay matapang.
2. Siya ay maganda.
1. Lantay
Ginagawa ito kapag may pinagtutulad o pinag-
iiba. Ito ang pang-uring ginagamit sa pagtutulad ng
dalawang tao, bagay, lunan o pangyayari na
maaaring magkatulad o di-magkatulad.
Ang di-magkatulad ay nahahati sa dalawa ang
palamang at pasahol.
2. Pahambing
Ito ang uri ng paghahambing na ginagamit kung
patas o pareho ang mga pinagtutulad, may mga
panlaping ginagamit gaya ng magsing, magkasing,
ka, magka, kasing at sing.
Halimbawa:
magkasingganda katulad
magsimputi kasinghaba
magsintapang magkasingtangkad
a. Magkatulad na paghahambing
Ito ang uri ng paghahambing na ginagamit kung
di-magkatulad o may higit na katangian ang
pinaghahambing sa salitang inihahambing. Ito ay
nahahati sa palamang at pasahol.
b. Di-magkatulad na paghahambing
kapag nakahihigit sa isang pinagtutulad. Ito ay
ginagamitan ng mga katagang mas, lalo, higit na at
may katuwang na kaysa sa/kay.
Halimbawa:
mas maliwanag kaysa, lalong matibay kaysa,
higit na matalino kaysa higit na mahusay kaysa
Palamang na pagtutulad
kapag kulang ang katangian ng isang itinutulad. Ito
ay ginagamitan ng mga kataga gaya ng lalo, di-gaano,
di-tulad, di-gasino, at may katuwang na tulad ng/ni.
Halimbawa:
1. Lalong pangi si Carlo kaysa kay Kim.
2. Di-gaanong matamis ang suha kaysa sa dalandan.
3. Di-gaanong masipag ang dalagang Amerikana
tulad ng dalagang Pilipina.
Pasahol na pagtutulad
Ang paghahambing na ito ay naipapalita sa
pamamagitan ng pag-uulit ng pang-uring may
panlaping ma-, sa paggamit ng salitang medyo na
sinusundan ng pang-uri, sa paggamit ng may na
sinusundan ng pang-uring nabuo sa pamamagitan ng
mga panlaping kabilanang ka-at –an/-han.
Halimbawa:
1. Medyo masakit ang aking ulo.
2. may kaukulan si Gilbert.
3. Masipag-sipag ang taong iyan.
c. Moderasyon/Katamtaman
Kapag walang tiyak na pinaghahambingan at
ipinakikilalang pinakatampok sa lahat o nangunguna sa lahat
ng katangian. Ito ang pinakamataas na kaantasan ng pang-uri
na may panlaping pinaka, ubod, hari, napaka, di-hamak na,
lubhang, totoong o nagpapakita ng kasukdulan ng
paghahambing ng higit sa dalawang bagay.
Halimbawa:
1. Ubod ng ganda ang batang iyan.
2. hari ng tapang ang kanyang kaibigan.
3. Ulo ng yabang ang pangulo ng klase.
3. Pasukdol
PANG-URING
PAMILANG
Uri ng Pamilang
Ito ay likas at payak ba anyo ng mga bilang na
pinagbabatayan ng tawag at ginagamit sa paglalarawan ng
dami ng tao, bagay at iba pa. ito ang pamilang mula sa wala
hanggang sa bilyon.
Halimbawa:
Wala siyam dalawampu sanlibo
Isa sampu tatlumpu apatnaraan
Dalawa labing-isa apatnapu’t apat labinsiyam
Apat labintatlo limampu’t siyam labinlima
Lima labing-apat dalawandaan sandaan
Labingwalo sambilyon sangmilyon walo
1. Pataran o Kardinal
Ito ay nagpapakita sa pagkakasunod-sunod ng bilang ng mga
tao, bagay at iba pa. nakikilala ang bilang na panunuruan sa
pamamagitan ng panlaping ika- at pang.
Ang ika-ay ginamit kapag hindi kasabay ang panahon o hanay.
Ang pang ay ginagamit kapag kasabay ang panahon o hanay.
Halimbawa:
1. Pangatlo ako sa bunso.
2. Sino ang nasa unahan ng ikalawang hanay?
3. Ika-una sa hanay ang makisig na binata.
2. Panununuran/Ordinal
Sa pagsulat ng tambilang, ang ika- ay ginagamit at nagkakaroon ng
gitling sa pagitan.
Halimbawa:
Ika-ng Disyembre Ika-6:00 ng gabi
Sa pagsulat ng pan- at ika- may nawawalang titik ang ibang bilang.
Ang pamilang na nilalagyan ng pang at ika ay ang mga patakaran.
Halimbawa:
Bilang pang- ika-
dalawa pangalawa ikalawa
tatlo pangatlo ikatlo
apat pang-apat ikaapat
pito pampito ikapito
Ginagamit ang pamilang na ito kapag nais ipakilala ang
mga bahagi ng isang kabuoang painaghati-hati. Nakikilala
ito sa paggamit ng ika at ng bahaging tinutukoy.
Halimbawa:
kalahati ikasampung bahagi tatlong-kapat
sangkapat ikawalong bahagi kaputol
3. Pamahagi
Ito ay nagsasaad ng bukod ng pagsasama-sama ng
anumang bilang ng tao, bagay, hayop , pook at iba pa.
ginagawa ito sa pamamagitan ng paulit-ulit ng salitang-ugat
o unang pantig ng salitang-ugat na nangangailangan ng
maramihan o minsanan.
Halimbawa:
isa-isa dala-dalawa sampu-sampu
apat-apat pitu-pito daan-daan
milyun-milyon libo-libo
4. Palansak/Papangkat
Ginagamit ito para sa pagsasaad ng halaga ng bagay o
mga bagay.
Halimbawa:
mamiso maningkwenta tig-iisa
5. Pahalagang Pamilang
Ito ay nagsasaad ng tiyak na bilang, dami o halaga na
wala kundi iyon o hanggang doon lamang. Maaaring ulitin
ang unang pantig ng salitang-ugat upang bigyang diin at
maaari ring ulitin pa ang salitang-ugat.
Halimbawa:
iisa dadalawa pipiso tatatlo
aapat lilima aanim sasampu
6. Patakda
Ang pagtatakda ng presyo o ang pagbibigay ng patas na
paghahati ay mabibilang din. Nakikilala ito sa pantig ng
salitang-ugat o sa paggamit ng tiga-tig.
Halimbawa:
tig-iisa tiga-tigalawa tigtatlo
tig-dadalawa tigwawalo tig-aanim
PANG-ABAY
Sa tradisyunal na pagpapakahulugan ng pang-abay, ito
ay nagbibigay-buhay sa pandiwa, pang-uri o kapwa
pang-abay.
Sa istruktural na pagbibigay ng katuturan, ang pang-
abay ay makikilala dahil sa kasama ito ng pandiwa, pang-
uri o isa pang-abay na bumubuo ng parirala.
PANG-ABAY
May dalawang pangunahing uri ito:
1. Inklitik
2. mga pang-abay na nalilipat ang posisyon
Ang Mga Inklitik (Kataga o
Particle)
•May iba’t ibang Inklitik o kataga sa Filipino na
karaniwang nakikita pagkatapos ng unang salita
sa pangungusap
Halimbawa:
1. Narito na ang nanay.
2. Ikaw yata ang hinahanap niya.
3. Ano kaya ang gagawin niya?
4. Nasaan ba siya?
5. Hindi man lamang ako nakabati
Iba pang Inklitik: daw/raw, din/rin, ho,
lamang/lang, pa, po, nga, sana, yata, naman, muna
Mga Pang-abay na Nalilipat ang
Posisyon
•Ito ang mga pang-abay na walang tiyak na
posisyon at nakikita sa iba’t ibang bahagi
pangungusap.
A. Pang-abay na Pamanahon
•Ito ang nagsasaad ng panahon, may mga
salita at mga kataga lamang na nagsasaad
ng panahon. Sumasagot ito sa tanong na
kalian at gumagamit ng mga pananda.
1. Pamanahong pang-abay na may pananda
Halimbawa:
1. Hindi na raw darating ang pangulo ng
samahan.
2. Ang damit pangkasal ay hindi pa natatapo
ng mananahi.
Panandang: na- nangangahulugan ng tapos na.
ng – nangangahulugan ng ginaganap o
gaganapin pa.
Iba pang pananda:
yaong, buhat, kapag, hanggang, umpisa, noon,
sa, nang, mula, na/-ng.
2. Pamanahong pang-abay na walang
pananda
Halimbawa:
1. Kahapon lang ay nandito siya.
2. Dumating sila kanina.
3. Palagi rito si Jr.
4. Araw-araw sila rito.
3. Pang-abay na pangngalang pandiwa.
Ito ay ang mga pangngalang-pandiwa na ginagamit
sa pagsusuri ng panahon.
Halimbawa:
1. Pagkaalis na pagkaalis niya, siyang pagdating
ko.
2. Puputulin niya ang nabaling sanga pagkakain.
4. Pinalawak na pang-abay na pamanahon
Ang mga pang-abay na may pananda ay maaaring
palawakin pa sa pagdaragdag ng salita tungkol sa
bahagi ng araw.
Halimbawa:
1. Umalis siya kaninang umaga.
2. Kahapon sila dumating.
3. Sa kamakalawa aalis sina Adolfo patungong Saudi.
B. Pang-abay na Panlunan
•Ito ay tinatawag na pariralang sa.
Kumakatawan ito sa lugar kung saan
ginagawa ang kilos at sumasagot sa tanong
na saan o nasaan kabilang ang mga
sumusunod na halimbawa:
1. sa + walang panandang pangngalan
Halimbawa:
1. Kumakain siya sa kantina.
2. Sa lalawiganin siya pumunta.
2. sa + panghalip paari
Halimbawa:
1. Guwardiya siya sa aming tanggapan.
2. Sa aming paaralan siya nagtuturo.
3. sa + panghalip pamatlig
Halimbawa:
1. Guro siya roon.
2. Doon siya nakatira.
C. Pang-abay na Pamaraan
•Ito ay nagsasaad kung paano ginagawa ang
kilos at sumasagot sa tanong na paano.
Ginagamitan din ito ng katagang nang na
nangangahulugan ng pamaraan sa
pagkaganap ng kilos.
1. nang + pang-abay
Halimbawa:
1. Nagsasalita nang banayad ang guro.
2. Lumakad ka nang dahan-dahan.
2.Pang-angkop na na/-ng
Halimbawa:
1. Siya ay umalis na umiiyak.
2. Naglalakad na nakapayong ang dalaga.
3. Ang karaniwang pandiwa ay ginagamit ding pang—
abay upang palinawin pa rin ang paraan ng
pagkaganap ng pandiwang binibigyang-turing.
Halimbawa:
1. Nagmamadaling sumakay ng kotse ang
magnanakaw at mabilis na pinatakbo.
2. Bubulung-bulong na pumanaog ng bahay ang
ina.
3. Humahangos na dumating at humihingi ng
pagkain si Randy.
•Ang panahunang pangkasalukuayn at
panghinaharap ang karaniwang ginagamit na
pang-abay na pamaraan.
D. Pang-abay na Pananggi at Panang-
ayon
•Ang pananggi ay kataliwas ng panang-ayon.
Ang pang-abay na pananggi ay nagsasaad ng
pagtanggi tulad ng : hindi, wala, ayaw. Ang
pang-abay na panang-ayon ay nagsasaad ng
pagsang-ayon tulad ng: Oo, tunay, talaga,
walang duda at tiyak.
Halimbawa:
1. Oo, tinanggap ng pangulo ang ating paanyaya.
2. Hindi ako sasama sa iyo.
3.Totoo bang kahapon dumating ang iyong ina?
E. Pang-abay na Pang-agam
•Ito ay nagpapahayag ng di-katiyaka sa kilos
na ipinapahayag ng pandiwa, pang-uri at
gayundin ng pang-abay tulad ng: tila,
marahil, wari, baka, yata, siguto, di-sasala,
pag nagkataon.
Panuring sa Pandiwa
Halimbawa:
1. Marahil magtatagumpay ang balak ninyo.
2.Tila yata namamasyal sila sa Luneta.
3. Baka napahamak ka sa iyong gagawin.
Panuring sa Pang-uri
Halimbawa:
1.Tila maaliwalas ang panahon.
2. Maganda yata ang palabas sa sine.
3. Mariwasa marahil ang kanyang magulang.
Panuring sa Pang-abay
Halimbawa:
1.Totoo yatang masama ang kanyang loob.
2. Hindi marahil darating ang aming guro.
3. Di-sasalang tutulak bukas ang bapor patungong
Mindoro.
F. Pang-abay na Panggaano
•Ito ay nagsasaad ng dami o bigat ng
kahulugang sinasabi ng pandiwa o pang-uri
gaya :ng labis, wala, katamtaman, katakut-
takot, kaigihan, sapat, kaunti, at marami.
Halimbawa:
1. Ang mga mag-aaral ay maraming ginagawa sa
paaralan.
2. Naghahanda nang katamtaman ang mag-anak
para sa binyagan.
3. Kaigihan ang dami ng mga nagsidalo sa
palatuntunan.
G. Pang-abay na Pananong
•Ito ay nagsasaad ng pagtatanong na
nagbibigay-turing sa pandiwa,, pang-uri at
pang-abay. Itinatanong ng pang-abay na ito
ang nauukol sa panahon, lunan, kailanan,
kaparaanan o kadahilanan.
Halimbawa:
1. Bakit nagagalit ang pangulo sa mga pulis?
2. Magkano ang inabot ng iyong pinamili?
3. Kailan maalinsangan ang panahon sa Maynila?
G. Pang-abay na Patulad
•Ito ay nagsasaad ng paghahambing ng mga
pang-uri. Ang pang-abay na panulad ay
gumagamit ng di-gasino, gaya, tulad, higit, di-
hamak, mas, kaysa at lalo.
Halimbawa:
1. Higit na mahirap ang buhay sa Maynila kaysa sa
lalawigan.
2. Di-lubhang nakakain ang bata sa umaga.
3. Ang tatay ay lalong magagalit sa iyo kapag ikaw
ay hindi umuwi sa bahay.
BAHAGI NG PANANALITA-.pptx

More Related Content

What's hot

SANHI AT BUNGA.pptx
SANHI AT BUNGA.pptxSANHI AT BUNGA.pptx
SANHI AT BUNGA.pptx
ariston borac
 
Bahagi ng Pangungusap
Bahagi ng PangungusapBahagi ng Pangungusap
Bahagi ng Pangungusap
JessaMarieVeloria1
 
Mga estratihiya sa pagtuturo ng filipino milagros m. saclauso lala national h...
Mga estratihiya sa pagtuturo ng filipino milagros m. saclauso lala national h...Mga estratihiya sa pagtuturo ng filipino milagros m. saclauso lala national h...
Mga estratihiya sa pagtuturo ng filipino milagros m. saclauso lala national h...
Mila Saclauso
 
Paghihinuha
PaghihinuhaPaghihinuha
Paghihinuha
leishiel
 
Modyul 9 DLP.pdf
Modyul 9 DLP.pdfModyul 9 DLP.pdf
Modyul 9 DLP.pdf
Carmelle Dawn Vasay
 
PANG-URI (all about pang-uri)
PANG-URI (all about pang-uri)PANG-URI (all about pang-uri)
PANG-URI (all about pang-uri)
None
 
Estratehiya sa filipino
Estratehiya sa filipino Estratehiya sa filipino
Estratehiya sa filipino
Albertine De Juan Jr.
 
PANGATNIG
PANGATNIGPANGATNIG
PANGATNIG
elvira dadios
 
Bahagi, Ayos at Kayarian ng Pangungusap
Bahagi, Ayos at Kayarian ng PangungusapBahagi, Ayos at Kayarian ng Pangungusap
Bahagi, Ayos at Kayarian ng Pangungusap
vaneza22
 
Simuno sa karaniwan at di karaniwang ayos
Simuno sa karaniwan at di karaniwang ayosSimuno sa karaniwan at di karaniwang ayos
Simuno sa karaniwan at di karaniwang ayos
Maylord Bonifaco
 
Pang abay na ingklitik, kondisyonal at kusatibo (DISCUSSION)
Pang abay na ingklitik, kondisyonal at kusatibo (DISCUSSION)Pang abay na ingklitik, kondisyonal at kusatibo (DISCUSSION)
Pang abay na ingklitik, kondisyonal at kusatibo (DISCUSSION)
kenneth Clar
 
Maikling kwento (2).pdf
Maikling kwento (2).pdfMaikling kwento (2).pdf
Maikling kwento (2).pdf
EvaMarie15
 
Banghay Aralin - Antas ng Pang-uri
Banghay Aralin - Antas ng Pang-uriBanghay Aralin - Antas ng Pang-uri
Banghay Aralin - Antas ng Pang-uri
DepEd
 
Pang-uri (paglalarawan)
Pang-uri (paglalarawan)Pang-uri (paglalarawan)
Pang-uri (paglalarawan)
RitchenMadura
 
MITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docx
MITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docxMITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docx
MITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docx
HelenLanzuelaManalot
 
PANGATNIG
PANGATNIGPANGATNIG
PANGATNIG
Sunshine Casas
 
Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
Uri ng Pangungusap Ayon sa KayarianUri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
Sonarin Cruz
 

What's hot (20)

SANHI AT BUNGA.pptx
SANHI AT BUNGA.pptxSANHI AT BUNGA.pptx
SANHI AT BUNGA.pptx
 
Bahagi ng Pangungusap
Bahagi ng PangungusapBahagi ng Pangungusap
Bahagi ng Pangungusap
 
Mga estratihiya sa pagtuturo ng filipino milagros m. saclauso lala national h...
Mga estratihiya sa pagtuturo ng filipino milagros m. saclauso lala national h...Mga estratihiya sa pagtuturo ng filipino milagros m. saclauso lala national h...
Mga estratihiya sa pagtuturo ng filipino milagros m. saclauso lala national h...
 
Paghihinuha
PaghihinuhaPaghihinuha
Paghihinuha
 
Modyul 9 DLP.pdf
Modyul 9 DLP.pdfModyul 9 DLP.pdf
Modyul 9 DLP.pdf
 
PANG-URI (all about pang-uri)
PANG-URI (all about pang-uri)PANG-URI (all about pang-uri)
PANG-URI (all about pang-uri)
 
Estratehiya sa filipino
Estratehiya sa filipino Estratehiya sa filipino
Estratehiya sa filipino
 
Pang Abay
Pang AbayPang Abay
Pang Abay
 
Filipino v 4th grading
Filipino v 4th gradingFilipino v 4th grading
Filipino v 4th grading
 
PANGATNIG
PANGATNIGPANGATNIG
PANGATNIG
 
Bahagi, Ayos at Kayarian ng Pangungusap
Bahagi, Ayos at Kayarian ng PangungusapBahagi, Ayos at Kayarian ng Pangungusap
Bahagi, Ayos at Kayarian ng Pangungusap
 
Simuno sa karaniwan at di karaniwang ayos
Simuno sa karaniwan at di karaniwang ayosSimuno sa karaniwan at di karaniwang ayos
Simuno sa karaniwan at di karaniwang ayos
 
Pang abay na ingklitik, kondisyonal at kusatibo (DISCUSSION)
Pang abay na ingklitik, kondisyonal at kusatibo (DISCUSSION)Pang abay na ingklitik, kondisyonal at kusatibo (DISCUSSION)
Pang abay na ingklitik, kondisyonal at kusatibo (DISCUSSION)
 
Maikling kwento (2).pdf
Maikling kwento (2).pdfMaikling kwento (2).pdf
Maikling kwento (2).pdf
 
Banghay Aralin - Antas ng Pang-uri
Banghay Aralin - Antas ng Pang-uriBanghay Aralin - Antas ng Pang-uri
Banghay Aralin - Antas ng Pang-uri
 
Pang-uri (paglalarawan)
Pang-uri (paglalarawan)Pang-uri (paglalarawan)
Pang-uri (paglalarawan)
 
MITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docx
MITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docxMITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docx
MITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docx
 
PANGATNIG
PANGATNIGPANGATNIG
PANGATNIG
 
"AYOS NG PANGUNGUSAP"
"AYOS NG PANGUNGUSAP""AYOS NG PANGUNGUSAP"
"AYOS NG PANGUNGUSAP"
 
Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
Uri ng Pangungusap Ayon sa KayarianUri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
 

Similar to BAHAGI NG PANANALITA-.pptx

bahagi ng pananalita, pangalan, uri ng pangalan, mga halimbawa ppt
bahagi ng pananalita, pangalan, uri ng pangalan, mga halimbawa pptbahagi ng pananalita, pangalan, uri ng pangalan, mga halimbawa ppt
bahagi ng pananalita, pangalan, uri ng pangalan, mga halimbawa ppt
funagetanoledgenmee
 
Group 6 mga salitang pangnilalaman
Group 6   mga salitang pangnilalamanGroup 6   mga salitang pangnilalaman
Group 6 mga salitang pangnilalaman
John Ervin
 
Powerpoint presentation quarter 1 3 & 4Filipino new 2.pptx
Powerpoint presentation quarter 1 3 & 4Filipino new 2.pptxPowerpoint presentation quarter 1 3 & 4Filipino new 2.pptx
Powerpoint presentation quarter 1 3 & 4Filipino new 2.pptx
lailer1
 
Panghalip Pamatlig na Paari at Patulad
Panghalip Pamatlig na Paari at PatuladPanghalip Pamatlig na Paari at Patulad
Panghalip Pamatlig na Paari at Patulad
MAILYNVIODOR1
 
Pang-Uri..pptx
Pang-Uri..pptxPang-Uri..pptx
Pang-Uri..pptx
MarkJamesSagaral2
 
Retorika at Gramatika
Retorika at GramatikaRetorika at Gramatika
Retorika at Gramatika
Jo Annie Barasina
 
Mga Bahagi Ng Pananalita
Mga Bahagi Ng PananalitaMga Bahagi Ng Pananalita
Mga Bahagi Ng Pananalita
MingMing Davis
 
Yunit-II_Mga-Matatalinhagang-Pahayag.pdf
Yunit-II_Mga-Matatalinhagang-Pahayag.pdfYunit-II_Mga-Matatalinhagang-Pahayag.pdf
Yunit-II_Mga-Matatalinhagang-Pahayag.pdf
QuinnEkaii
 
FILIPINO - GRAMATIKA
FILIPINO - GRAMATIKAFILIPINO - GRAMATIKA
FILIPINO - GRAMATIKA
Ricca Ramos
 
Q4 M2 PARA KAY SELYA.pptx
Q4 M2 PARA KAY SELYA.pptxQ4 M2 PARA KAY SELYA.pptx
Q4 M2 PARA KAY SELYA.pptx
NoryKrisLaigo
 
demonstration in pilipino.pptx
demonstration in pilipino.pptxdemonstration in pilipino.pptx
demonstration in pilipino.pptx
NainaMayArroyoBonda
 
SINTAKSIS- report fil.213.pptx, MAT FILIPINO
SINTAKSIS- report fil.213.pptx, MAT FILIPINOSINTAKSIS- report fil.213.pptx, MAT FILIPINO
SINTAKSIS- report fil.213.pptx, MAT FILIPINO
MarissaMalobagoPasca
 
Masusing Banghay Aralin sa Filipino (Detailed lesson plan in Filipino) (CDSGA...
Masusing Banghay Aralin sa Filipino (Detailed lesson plan in Filipino) (CDSGA...Masusing Banghay Aralin sa Filipino (Detailed lesson plan in Filipino) (CDSGA...
Masusing Banghay Aralin sa Filipino (Detailed lesson plan in Filipino) (CDSGA...
tj iglesias
 
Panghalip panao - Copy.pptx
Panghalip panao - Copy.pptxPanghalip panao - Copy.pptx
Panghalip panao - Copy.pptx
MarivicCastaneda
 
BAHAGI NG PANALITA.pdf
BAHAGI NG PANALITA.pdfBAHAGI NG PANALITA.pdf
BAHAGI NG PANALITA.pdf
DONNA G. DELGADO-OLIVERIO, MATF, LPT
 
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptxKulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
CristyJoySalarda
 
Filipino 5 - Ikalawang Markahan - Aralin 6 - Lektyur No. 2 (1).pptx
Filipino 5 - Ikalawang Markahan - Aralin 6 - Lektyur No. 2 (1).pptxFilipino 5 - Ikalawang Markahan - Aralin 6 - Lektyur No. 2 (1).pptx
Filipino 5 - Ikalawang Markahan - Aralin 6 - Lektyur No. 2 (1).pptx
EmilJohnLatosa
 
pdfslide.net_mga-bahagi-ng-pananalita-558492b745a65.ppt
pdfslide.net_mga-bahagi-ng-pananalita-558492b745a65.pptpdfslide.net_mga-bahagi-ng-pananalita-558492b745a65.ppt
pdfslide.net_mga-bahagi-ng-pananalita-558492b745a65.ppt
AngelMaeIturiaga3
 
Grade 5-Panghalip Panao - Pananong.pptx
Grade 5-Panghalip Panao - Pananong.pptxGrade 5-Panghalip Panao - Pananong.pptx
Grade 5-Panghalip Panao - Pananong.pptx
JeanPaulynMusni1
 

Similar to BAHAGI NG PANANALITA-.pptx (20)

bahagi ng pananalita, pangalan, uri ng pangalan, mga halimbawa ppt
bahagi ng pananalita, pangalan, uri ng pangalan, mga halimbawa pptbahagi ng pananalita, pangalan, uri ng pangalan, mga halimbawa ppt
bahagi ng pananalita, pangalan, uri ng pangalan, mga halimbawa ppt
 
Group 6 mga salitang pangnilalaman
Group 6   mga salitang pangnilalamanGroup 6   mga salitang pangnilalaman
Group 6 mga salitang pangnilalaman
 
Powerpoint presentation quarter 1 3 & 4Filipino new 2.pptx
Powerpoint presentation quarter 1 3 & 4Filipino new 2.pptxPowerpoint presentation quarter 1 3 & 4Filipino new 2.pptx
Powerpoint presentation quarter 1 3 & 4Filipino new 2.pptx
 
Panghalip Pamatlig na Paari at Patulad
Panghalip Pamatlig na Paari at PatuladPanghalip Pamatlig na Paari at Patulad
Panghalip Pamatlig na Paari at Patulad
 
Pang-Uri..pptx
Pang-Uri..pptxPang-Uri..pptx
Pang-Uri..pptx
 
Retorika at Gramatika
Retorika at GramatikaRetorika at Gramatika
Retorika at Gramatika
 
Mga Bahagi Ng Pananalita
Mga Bahagi Ng PananalitaMga Bahagi Ng Pananalita
Mga Bahagi Ng Pananalita
 
Mga Bahagi Ng Pananalita
Mga Bahagi Ng PananalitaMga Bahagi Ng Pananalita
Mga Bahagi Ng Pananalita
 
Yunit-II_Mga-Matatalinhagang-Pahayag.pdf
Yunit-II_Mga-Matatalinhagang-Pahayag.pdfYunit-II_Mga-Matatalinhagang-Pahayag.pdf
Yunit-II_Mga-Matatalinhagang-Pahayag.pdf
 
FILIPINO - GRAMATIKA
FILIPINO - GRAMATIKAFILIPINO - GRAMATIKA
FILIPINO - GRAMATIKA
 
Q4 M2 PARA KAY SELYA.pptx
Q4 M2 PARA KAY SELYA.pptxQ4 M2 PARA KAY SELYA.pptx
Q4 M2 PARA KAY SELYA.pptx
 
demonstration in pilipino.pptx
demonstration in pilipino.pptxdemonstration in pilipino.pptx
demonstration in pilipino.pptx
 
SINTAKSIS- report fil.213.pptx, MAT FILIPINO
SINTAKSIS- report fil.213.pptx, MAT FILIPINOSINTAKSIS- report fil.213.pptx, MAT FILIPINO
SINTAKSIS- report fil.213.pptx, MAT FILIPINO
 
Masusing Banghay Aralin sa Filipino (Detailed lesson plan in Filipino) (CDSGA...
Masusing Banghay Aralin sa Filipino (Detailed lesson plan in Filipino) (CDSGA...Masusing Banghay Aralin sa Filipino (Detailed lesson plan in Filipino) (CDSGA...
Masusing Banghay Aralin sa Filipino (Detailed lesson plan in Filipino) (CDSGA...
 
Panghalip panao - Copy.pptx
Panghalip panao - Copy.pptxPanghalip panao - Copy.pptx
Panghalip panao - Copy.pptx
 
BAHAGI NG PANALITA.pdf
BAHAGI NG PANALITA.pdfBAHAGI NG PANALITA.pdf
BAHAGI NG PANALITA.pdf
 
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptxKulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
 
Filipino 5 - Ikalawang Markahan - Aralin 6 - Lektyur No. 2 (1).pptx
Filipino 5 - Ikalawang Markahan - Aralin 6 - Lektyur No. 2 (1).pptxFilipino 5 - Ikalawang Markahan - Aralin 6 - Lektyur No. 2 (1).pptx
Filipino 5 - Ikalawang Markahan - Aralin 6 - Lektyur No. 2 (1).pptx
 
pdfslide.net_mga-bahagi-ng-pananalita-558492b745a65.ppt
pdfslide.net_mga-bahagi-ng-pananalita-558492b745a65.pptpdfslide.net_mga-bahagi-ng-pananalita-558492b745a65.ppt
pdfslide.net_mga-bahagi-ng-pananalita-558492b745a65.ppt
 
Grade 5-Panghalip Panao - Pananong.pptx
Grade 5-Panghalip Panao - Pananong.pptxGrade 5-Panghalip Panao - Pananong.pptx
Grade 5-Panghalip Panao - Pananong.pptx
 

More from LorenzJoyImperial2

Panunuring Pampanitikan-Katangian ng.pptx
Panunuring Pampanitikan-Katangian ng.pptxPanunuring Pampanitikan-Katangian ng.pptx
Panunuring Pampanitikan-Katangian ng.pptx
LorenzJoyImperial2
 
Mga Bahagi ng Teksto at mga Paraan.pptx
Mga Bahagi ng Teksto at mga Paraan.pptxMga Bahagi ng Teksto at mga Paraan.pptx
Mga Bahagi ng Teksto at mga Paraan.pptx
LorenzJoyImperial2
 
komunikasyong teknikal.pptx
komunikasyong teknikal.pptxkomunikasyong teknikal.pptx
komunikasyong teknikal.pptx
LorenzJoyImperial2
 
PPT COT2 2023.pptx
PPT COT2 2023.pptxPPT COT2 2023.pptx
PPT COT2 2023.pptx
LorenzJoyImperial2
 
Teknikal na Pagsulat.pptx
Teknikal na Pagsulat.pptxTeknikal na Pagsulat.pptx
Teknikal na Pagsulat.pptx
LorenzJoyImperial2
 
INDIVIDUAL DEVELOPMENT (IDP).docx
INDIVIDUAL DEVELOPMENT (IDP).docxINDIVIDUAL DEVELOPMENT (IDP).docx
INDIVIDUAL DEVELOPMENT (IDP).docx
LorenzJoyImperial2
 
likas na katangian ng wika.pptx
likas na katangian ng wika.pptxlikas na katangian ng wika.pptx
likas na katangian ng wika.pptx
LorenzJoyImperial2
 
WIKA at MGA TEAORYA NG WIKA.pptx
WIKA at MGA TEAORYA NG WIKA.pptxWIKA at MGA TEAORYA NG WIKA.pptx
WIKA at MGA TEAORYA NG WIKA.pptx
LorenzJoyImperial2
 
ANTAS NG WIKA.pptx
ANTAS NG WIKA.pptxANTAS NG WIKA.pptx
ANTAS NG WIKA.pptx
LorenzJoyImperial2
 
Sitwasyon Pangwika Bago ang Konstitusyong 1935.pptx
Sitwasyon  Pangwika Bago ang Konstitusyong 1935.pptxSitwasyon  Pangwika Bago ang Konstitusyong 1935.pptx
Sitwasyon Pangwika Bago ang Konstitusyong 1935.pptx
LorenzJoyImperial2
 
SPEECH ACT THEORY.pptx
SPEECH ACT THEORY.pptxSPEECH ACT THEORY.pptx
SPEECH ACT THEORY.pptx
LorenzJoyImperial2
 
Barayti ng wika.pptx
Barayti  ng wika.pptxBarayti  ng wika.pptx
Barayti ng wika.pptx
LorenzJoyImperial2
 
PUNTO AT PARAAN NG ARTIKULASYON.pptx
PUNTO AT PARAAN NG ARTIKULASYON.pptxPUNTO AT PARAAN NG ARTIKULASYON.pptx
PUNTO AT PARAAN NG ARTIKULASYON.pptx
LorenzJoyImperial2
 
Pormasyon at Pagpapantig.pptx
Pormasyon at Pagpapantig.pptxPormasyon at Pagpapantig.pptx
Pormasyon at Pagpapantig.pptx
LorenzJoyImperial2
 
Ponolohiya.pptx
Ponolohiya.pptxPonolohiya.pptx
Ponolohiya.pptx
LorenzJoyImperial2
 
Kulturang Popular.pptx
Kulturang Popular.pptxKulturang Popular.pptx
Kulturang Popular.pptx
LorenzJoyImperial2
 
Kalagayan ng Sining at Kultura.pptx
Kalagayan ng Sining at Kultura.pptxKalagayan ng Sining at Kultura.pptx
Kalagayan ng Sining at Kultura.pptx
LorenzJoyImperial2
 
Kaalamang Bayan.pptx
Kaalamang Bayan.pptxKaalamang Bayan.pptx
Kaalamang Bayan.pptx
LorenzJoyImperial2
 
GLOBALISASYON.pptx
GLOBALISASYON.pptxGLOBALISASYON.pptx
GLOBALISASYON.pptx
LorenzJoyImperial2
 
Gabay-sa-Pagtutuldik.pdf
Gabay-sa-Pagtutuldik.pdfGabay-sa-Pagtutuldik.pdf
Gabay-sa-Pagtutuldik.pdf
LorenzJoyImperial2
 

More from LorenzJoyImperial2 (20)

Panunuring Pampanitikan-Katangian ng.pptx
Panunuring Pampanitikan-Katangian ng.pptxPanunuring Pampanitikan-Katangian ng.pptx
Panunuring Pampanitikan-Katangian ng.pptx
 
Mga Bahagi ng Teksto at mga Paraan.pptx
Mga Bahagi ng Teksto at mga Paraan.pptxMga Bahagi ng Teksto at mga Paraan.pptx
Mga Bahagi ng Teksto at mga Paraan.pptx
 
komunikasyong teknikal.pptx
komunikasyong teknikal.pptxkomunikasyong teknikal.pptx
komunikasyong teknikal.pptx
 
PPT COT2 2023.pptx
PPT COT2 2023.pptxPPT COT2 2023.pptx
PPT COT2 2023.pptx
 
Teknikal na Pagsulat.pptx
Teknikal na Pagsulat.pptxTeknikal na Pagsulat.pptx
Teknikal na Pagsulat.pptx
 
INDIVIDUAL DEVELOPMENT (IDP).docx
INDIVIDUAL DEVELOPMENT (IDP).docxINDIVIDUAL DEVELOPMENT (IDP).docx
INDIVIDUAL DEVELOPMENT (IDP).docx
 
likas na katangian ng wika.pptx
likas na katangian ng wika.pptxlikas na katangian ng wika.pptx
likas na katangian ng wika.pptx
 
WIKA at MGA TEAORYA NG WIKA.pptx
WIKA at MGA TEAORYA NG WIKA.pptxWIKA at MGA TEAORYA NG WIKA.pptx
WIKA at MGA TEAORYA NG WIKA.pptx
 
ANTAS NG WIKA.pptx
ANTAS NG WIKA.pptxANTAS NG WIKA.pptx
ANTAS NG WIKA.pptx
 
Sitwasyon Pangwika Bago ang Konstitusyong 1935.pptx
Sitwasyon  Pangwika Bago ang Konstitusyong 1935.pptxSitwasyon  Pangwika Bago ang Konstitusyong 1935.pptx
Sitwasyon Pangwika Bago ang Konstitusyong 1935.pptx
 
SPEECH ACT THEORY.pptx
SPEECH ACT THEORY.pptxSPEECH ACT THEORY.pptx
SPEECH ACT THEORY.pptx
 
Barayti ng wika.pptx
Barayti  ng wika.pptxBarayti  ng wika.pptx
Barayti ng wika.pptx
 
PUNTO AT PARAAN NG ARTIKULASYON.pptx
PUNTO AT PARAAN NG ARTIKULASYON.pptxPUNTO AT PARAAN NG ARTIKULASYON.pptx
PUNTO AT PARAAN NG ARTIKULASYON.pptx
 
Pormasyon at Pagpapantig.pptx
Pormasyon at Pagpapantig.pptxPormasyon at Pagpapantig.pptx
Pormasyon at Pagpapantig.pptx
 
Ponolohiya.pptx
Ponolohiya.pptxPonolohiya.pptx
Ponolohiya.pptx
 
Kulturang Popular.pptx
Kulturang Popular.pptxKulturang Popular.pptx
Kulturang Popular.pptx
 
Kalagayan ng Sining at Kultura.pptx
Kalagayan ng Sining at Kultura.pptxKalagayan ng Sining at Kultura.pptx
Kalagayan ng Sining at Kultura.pptx
 
Kaalamang Bayan.pptx
Kaalamang Bayan.pptxKaalamang Bayan.pptx
Kaalamang Bayan.pptx
 
GLOBALISASYON.pptx
GLOBALISASYON.pptxGLOBALISASYON.pptx
GLOBALISASYON.pptx
 
Gabay-sa-Pagtutuldik.pdf
Gabay-sa-Pagtutuldik.pdfGabay-sa-Pagtutuldik.pdf
Gabay-sa-Pagtutuldik.pdf
 

BAHAGI NG PANANALITA-.pptx

  • 2. Bahagi ng Pananalita •Nahahati sa dalawa: ang Pangnilalaman at ang Pangkayarian. •Ang mga salitang pangnilalaman ay nahahati sa tatlo: 1.Nominal 2.Pandiwa 3.Panuring
  • 4. PANGNGALAN Ang pangngalan ay ang mga salitang sumasagisag sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari, katangian at kalalagyan. Ang pangngalan ay nauuri sa mga pangunahing batayan ayon sa sumusunod:
  • 5. A. Ayon sa Konsepto May dalawang uri ang pangngalan ayon sa konsepto- ang kongkreto o tahas at abstrakto o basal.
  • 6. Kongkreto oTahas Ang pangngalan kapag mga materyak na bagay ang tinutukoy. Ito ay ang mga pangngalang nakikita at nahahawakan. Halimbawa: lapis aklat papel mesa silya bulaklak plastic bahay bote
  • 7. Abstrak o Basal Ang pangngalan kapag mga di-materyal na bagay ang tinutukoy. Ito ay ang mga pangngalang hindi nakikita at hindi nahahawakan. Halimbawa: diwa kaisipan damdamin hangin kaluluwa hininga tuwa ligaya pagkagutom
  • 8. B. Ayon sa Kaanyuan Nauuri ang pangngalan ayon sa paraan ng pagkakabuo o kayarian nito. Maaaring ang pangngalan ay payak, maylapi, inuulit o tambalan.
  • 9. 1. Payak Ang pangngalan ay payak kapag binubuo ng isang salitang-ugat lamang. Halimbawa: bata lindol mangga aklat tasa halaman baso paru-paro
  • 10. 2. Maylapi Ang pangngalan ay maylapi kapag binubuo ng salitang-ugat at panlaping makangalan. Halimbawa: palaruan kamag-aral tagaluto sayawan kaibigan manlalaro
  • 11. 3. Inuulit Ang pangngalan ay inuulit kapag binubuo ng salitang-ugat na inuulit. Halimbawa: sabi-sabi bali-balita tau-tauhan tatay-tatayan
  • 12. 4.Tambalan Ang pangngalan ay tambalan kapag binubuo ng dalawang salitang magkaiba ngunit pinag-isa. Halimbawa: hampaslupa bahay-kubo salid-tulugan dalagambukid kapitbahay silid-aklatan
  • 13. C. Ayon sa Kayariang Pansemantika Pambalana-kung nagsasaad ng diwang panlahat. Nagsisimula sa maliit na titik. Pantangi-kung nagsasaad ng diwang para sa isang partikular na tao, hayop, bagay, kaisipan o pangyayari. Ito’y nagsisimula sa malaking titik.
  • 14. Halimbawa: Pambalana Pantangi paaralan Saint Louis University sabon Safeguard teleserye Marina abogado Atty. Rodrigo
  • 15. D. Ayon sa Kasarian Mauuri ang pangngalan ayon sa kasarian o sex. 1. Panlalaki ito kung tumutukoy sa ngalan ng lalaki Halimbawa: tatay hari bayaw mama lolo tandang
  • 16. 2. Pambabae ito kung tumutukoy sa ngalan ng babae Halimbawa: nanay reyna ditse hipag lola ale 3. Di-tiyak o pambalana kung hindi malaman ang tiyak na kasarian. Halimbawa: manggagamot pinuno guro asawa nars bata
  • 17. 4. Walang kasarian ito kung tumutukoy sa mga bagay na walang buhay tulad ng bagay, lugar, at pangyayari. Halimbawa: pagamutan kompyuter dyip cellphone bangko aklat
  • 18. E. Ayon sa Kailanan Ang pangngalan ay nauuri ayon sa kailanan o dami ng tinutukoy. Makikilala ang kailanan o dami ng pangngalan sa pamamagitan ng paggamit ng pananda o marker, pamilang, at panlaping makangalan at sa paggamit ng quantifier o panukat para maging tiyak ang bilang.
  • 19. 1. Isahan Ito ay gumagamit ng panandang ang, ng, sa, si, ni, kay at pamilang na isa. Halimbawa: ang sanggol ni Roxanne ng aklat isang baso sa ospital kay Philip Tatlong kailanan ng pangngalan
  • 20. 2. Dalawahan Ito ay gumagamit ng panlaping makangalan na mag- at pamilang na dalawa. Halimbawa: magkapatid mag-ama magkasintahan dalawang aklat
  • 21. 3. Maramihan Ito ay gumagamit ng panandang mga, sina, kina, nina, at quantifier na marami, ilan, at iba pang pamilang na higit sa dalawa at paggamit ng panlaping mag- a pag-uulit sa unang pantig ng salitang-ugat. Halimbawa: mga tagapamahala mga balita sina Nonoy maraming anak kina Jack nina Elezar magkakaibigan limang baso magkakasama
  • 22. F. Ayon sa Kaukulan May tatlong palagyo ang pangngalan Palagyo, Paari at Palayon.
  • 23. 1. Palagyo Nasa kaukulang palagyo ang pangngalan kung ginagamit ito sa bilang:
  • 24. a. Paksa ng Pangungusap ang pangungusap na gumagamit ng pangngalan bilang paksa ay maaaring nasa karaniwan o kabalikang ayos. Halimbawa: 1. Si Lee ay madalas na pumupunta sa palengke. 2. nanonood ng telebisyon si Norbert. 3. Ang mga guro ay dumalo sa seminar.
  • 25. b. Panaguring pangngalan (kaganapang pansimuno) ang mga pangngalan ginagamit na panaguring pangngalan ay lagging pinangungunahan ng pangawing na “ay” kapag nasa di-karaniwang ayos ang pangungusap at inuulit o inilalarawan ang paksa. Halimbawa: 1. Si Ian ay masipag na mag-aaral 2. Ang paborito naming guro ay sa Bb. Santos. 3. Si Jerone ay isang tanyag na abogado.
  • 26. c. Pangngalang Pantawag nasa kaukulang palagyo ang pangngalan kung ito ang tinutukoy o tinatawag sa pangungusap. Halimbawa: 1. Ivan, pwede bang tumahimik! 2.Umawit na, Gingging. 3. Abe, gumising ka na.
  • 27. d. Pamuno ng paksa (pangngalang pabanggit) Ipinaliwanag o nililinaw ng pamumuno ng paksa ang pangngalang nasa unahan ito. Ang kaukulan ng pamumuno sa paksa ay iyon din sa pangngalang tinutukoy. Halimbawa: 1. Si Dr. Galangco, ang direktor, ay nagbabakasyon sa Boracay. 2. Si Mary, ang nanalong Bb. Pilipinas, ay nangibang bansa. 3. Si Dr. Go, ang doktor ay kinausap ko.
  • 28. e. Pamumuno sa kaganapang pansimuno Nililinaw ng pamuno ang kaganapang pansimuno. Halimbawa: 1. Ang dalagang iyan ay si Neri, ang kapatid ko. 2.Ang doctor na kinausap ko ay si Rex, ang pinsan I Tado. 3. Ang abogadong namatay ay si Amelita, ang kamag-aral ko.
  • 29. 2. Paari Nasa kaukulang paari ang pangngalan kung ito ay: (a) nagsasaad ng pag-aari at (b) ginagamitan na nakakabuuan ng isang bagay na binabanggit.
  • 30. a) Pangngalang nagsasaad ng paari Ang mga ngalang tumutukoy sa tao o bagay na nag-aari. Halimbawa: 1. Ang hawakan ng bag ay naputol. 2.Ang damit ng matanda ay naputikan. 3. Ang bagong biling sapatos na iyon ay para kay Aguiluz.
  • 31. 3. Palayon Nasa kaukulang palayon ang pangngalan kung kapag ginagamit sa sumusunod na pangyayari.
  • 32. a)Tuwirang layon o layon ng pandiwa karaniwang mga pangngalang pambalana. Ito ay mga pandiwang pinangungunahan ng pantukoy na pambalanang “ng” at sumagot sa tanong na “ano?” Halimbawa: 1. Bumili si Pamela ng kotseng bago. 2.Pumitas ng bulaklak na mabango si Raphael. 3. Si Sandra ay kumakain ng manga.
  • 33. b) Layon ng pang-ukol maaaring pambalana at maaaring pantangi ang mga pangngalang layon ng pang-ukol at pinangungunahan ng mga pang-ukol gaya ng: sa, ukol sa/kay, hinggil sa/kay, alinsunod sa/kay at iba pa. Halimbawa: 1. Inihandog ko kay Ella ang karangalan kong ito. 2. Wala na akong nalalaman tungkol sa balita. 3. Ang para sa bata ay nawala. 4.Ialay mo sa Diyos ang lahat ng hinanakit mo sa buhay.
  • 34. c) Tagaganap ng pandiwang nasa balintiyak na tinig ang pangngalan ay siyang tagaganap o layon ng pandiwa na nasa balintiyak na tinig. Halimbawa: 1. Ang lapis ay binali ng bata. 2.Ang laruan ay kinuha ng magnanakaw. 3. Ang larawan ay iginuhit ng isang mag-aaral.
  • 35.
  • 36. PANGHALIP Salita o katagang panghalili sa pangngalan. Sa makabagong pananaw naman, ang panghalip ay makikilala sa pagbabagong anyo ayon sa tatlong kaukulan-panghalip na nasa anyong ang, ng at sa bilang panghalili.
  • 37. PANGHALIP Ang Panghalip ay maaaring uriin bilang: a. Panghalip Panao b. Panghalip Pananong c. Panghalip Panaklaw d. Panghalip Pamatlig
  • 38. Panghalip Panao/Personal Ito ay mga panghalip na inihalili sa pangalan ng tao.
  • 39. Ang panghalip ay may tatlong kaukulan 1. Anyong “ang” (palagyo) 2.Anyong “ng” (paari) 3.Anyong “sa o kay” (palayon o paukol) A. KAUKULAN
  • 40. 1. Panghalip na panao sa anyong “ang” (palagyo) ito ay panghalip na inihalili sa pangngalang pinangungunahan ng ang o si o kaya’y panghalip na ginagamit sa paksa o kaganapang pansimuno. Ginamit bilang paksa Halimbawa Siya ay masungit. Ako ay naglilingko sa bayan. Kata ay manonood ng palabras mamayang hapon.
  • 41. Ginamit bilang kaganapang pansimuno Halimbawa Ikaw ang dahilan ng kanilang pag-aaway. Sila dapat managot sa kasalan. Kami ang may-ari ng malaking bahay.
  • 42. 2. Panghalip na Panao sa anyong “ng” (paari) Ito ay mga panghalip na inihalili sa pangalang may panangdang ng o ginagamit ito bilang panuring at nagsasaad ng paaari. bilang panuring Halimbawa: Ang aking kaibigan ay nangibang bansa. Ang iyong bag ay napakaganda.
  • 43. Ginamit bilang nag-aari Halimbawa Kanila ang lupang sinsaka niTemyong. Akin ang lahat na hiniram niya.
  • 44. 3. Panghalip Panao sa anyong “sa” (palayon o paukol) Ito ay mga panghalip na inihalili sa pangalang may panangdang sa o kay. Ginagamit ito bilang layon ng pang-ukol at di-tuwirang layon. bilang layon ng pang-ukol Halimbawa: Para sa inyo ang karangalan ko. Wala akong kinalaman tungkol sa kanya.
  • 45. Ginamit di-tuwirang layon Halimbawa Ang pahayagan ay basahin mo araw-araw. Kanyang babayaran ang utang ni Nida.
  • 46. May tatlong panauhan ang panghalip panao. 1. Unang panauhan- tumutukoy sa taong nagsasalita 2. Ikalawang panauhan- tumutukoy sa taong kinakausap 3. Ikatlongpanauhan- tumutukoy sa taong pinag-uusapan B. PANAUHAN
  • 47. Unang Panauhan Ikalawang Panauhan Ikatlong Panauhan Angyong ang Ako, kita, kata, kami, tayo Ikaw, ka, kayo siya, sila Anyong ng Ko, natin, namin Mo, ninyo Niya, anila Anyong sa Akin, atin, amin Iyo, inyo Kanya, kanila
  • 48. •Halimbawa: Ikaw ang tatanggap ng tropeo. Tatanggap ka ng tropeo.
  • 49. May tatlong kailanan ang panghalip- ang isahan, dalawahan at maramihan. c. KAILANAN
  • 50. 1.Isahan- ginagamit ito para sa isang tao tulad ng siya, ikaw, niya, kanya, iyo, mo, ako at iba pa. 2.Dalawahan- ginagamit ito para sa dalawahang tao tulad ng kata, kita, kanita. 3.Maramihan- ginagamit ito para sa higit sa dalawang tao tulad ng sila, kayo, kanila, natin, naming, ninyo at iba pa.
  • 51. Panghalip pananong/integratibo Ito ay mga panghalip na ginagamit sa pagtatanong tungkol sa tao, bagay, hayop, pook, Gawain, katangian, panahon, at pangyayari.
  • 52. Sino at Kanino- para sa tao Halimbawa: Sino ang pambansang bayani sa Pilipinas? Kanino mo iaalay ang awitin mo ngayon? Ang iba’t ibang panghalip na pananong:
  • 53. Ano-para sa bagay, hayop, katangian, pangyayari o ideya. Halimbawa: Ano ang bibilhin mo? Ano ang nakita mo sa zoo? Kailan-para sa panahon o petsa Halimbawa: Kailan ka luluwas ng Maynila? Kailan ibibigay ang sahod sa atin?
  • 54. Saan-para sa lugar Halimbawa: Saan ka ipinanganak? Nasaan ang bag mo ? Bakit-para sa dahilan Halimbawa: Bakit natalo cTyzon sa labanan? Nasaan ang bag mo?
  • 55. Paano-para sa paraan Halimbawa: Paano mo ginawa iyon? Paano nangyare ang pagpaslang sa binata? Magkano-para presyo Halimbawa: Magkano ang sapatos na Nike? Magkano ang ibinayad niya sa iyo?
  • 56. Gaano at Ilan-para sa dami at kantidad Halimbawa: Gaano karami ang dumalo sa kasal? Ilan ang nakaenrol sa klase mo? Alin-para sa mamimili Halimbawa: Alin ang gusto mo? Alin ang pipiliin mong damit?
  • 57. May dalawang kailanan ang panghalip pananong. 1. Isahan- kapag ang panghalip ay tumutukoy sa isa. 2. Maramihan- kapag ang panghalip ay tumutukoy sa marami. Sa pagpaparami ng panghalip pananong, ginagawa ito sa pamamagitan ng pag-uulit nito. A. KAILANAN
  • 58. Halimbawa: Isahan Maramihan sino sino-sino ano ano-ano alin alin-alin kanino kani-kanio Halimbawa: 1. Sino ang nakapunta na sa Banaue RiceTerraces? 2. Sino-sino ang mga nakapunta na Banaue RiceTerraces? 3. Alin ang mga napili mong damit? 4. Alin-alin ang mga napili mong damit?
  • 59. Panghalip panaKLAW/inDEPINIT Ito ay mga panghalip na nagsasaad ng kaisahan, dami o kalahatan ng ngalang tinutukoy na maaaring tiyakan o di-tiyakan. Ito ay sumasaklaw sa kaisahan o kalahatan ng pangngalan.
  • 60. Kaisahan- isa, iba, balana Dami o kalahatan- lahat, pawa, madla Di-katiyakan- gaanuman, alinman, saanman, anuman, kailanman Halimbawa: 1. Isa lang ang nais kong sabihin sa inyo. 2. Nasiyahan ang madla sa iyong talumpati. 3. Sinuman ay may karapatang mabuhay sa mundo. 4. Anuman ang buhay na bumabagabag sa iyo ay dapat mong ipagwalang-bahala.
  • 61. Ang panghalip na panaklaw ay may tatlong kaukulan. 1. Palagyo 2. Paari 3. Palayon A. KAUKULAN
  • 62. 1. Palagyo Nasa kaukulang paglagyo ang panghalip kung ito ay ginagamit bilang paksa at kaganapang pansimuno ng pangungusap. Halimbawa: 1. Lahat ay nasisiyahan sa kanyang pagdating. (paksa) 2. Sinuman ay maaaring magtagumpay sa buhay kung nanaisin.(paksa) 3. Ang hiningi mo ay iba. (kaganapang pansimuno) 4. Balana ang humatol sa nagawang sala ni Mang Paking. (kaganaping pansimuno)
  • 63. 2. Paari Nasa kaukulang paari ang panghalip kung ito ay sinusundan ng ng. Halimbawa: 1. Iginagalang ang hatol ng lahat. 2. Nais kong marinig ang kaisipang balana.
  • 64. 2. Palayon Nasa kaukulang palayon ang panghalip kung ito ay ginagamit bilang tuwirang layon, tagaganap ng pandiwang balintiyak at layon ng pang-ukol. Halimbawa: 1. Anuman ang mahihirap ay tumatanggap ng anuman. (tuwirang layon) 2. Ang pangulong may sakit ay tinutulungan ng sinuman. (tuwirang layon)
  • 65. Halimbawa: 3. Siya ang binabati ng madla. (tagaganap ng pandiwang balintiyak) 4. Ang mga kalahok sa paligsahan ay ipinagbunyi ng lahat. (tagaganap ng pandiwang balintiyak) 5. Ayaw kong makialam tungkol sa iba. (layon ng pang- ukol) a. ang lahat ng hirap ko ay inuukol ko sa isa.(layon ng pang-ukol)
  • 66. Panghalip paMATLIG/DEMONSTRATIBO Ito ay mga panghalip na ginagamit sa pagtuturo ng tao, bagay, hayop, lunan o pangyayari. Sa panghalip na pamatlig, nalalaman ang layo o lapit ng bagay na itinuturo.
  • 67. Ang panghalip na pamatlig ay nauuri sa apat: 1. Pronominal- ngalan ng tao o bagay. 2. Panawang-pansin- sa bagay , tao o lugar 3. Patulad- naghahambing 4. Panlunan- nagsasaad ng kinaroroonan ng tinutukoy na tao, bagay, lugar at iba pa. A. KAURIAN
  • 68. a. Anyong palagyo/paturol • ire (ibang anyo: yare), ito iyan (ibang anyo: yaan) at iyon (ibang anyo: yaon) a. Anyong paari • nire (ibang anyo: niyari), nito, niyan, noon (ibang anyo:niyon) b. Anyong sa palayon/paukol • dine , ditto, diyan, doon o 1. pRONOMINAL
  • 69. Halimbawa: 1. Ito ang bahay nina Anita. 2. Kailangan nito ang pansin mula sa gobyerno. 3. Dito nakatira ang mga pinsan ko.
  • 70. a. * (h) ere, b. (h) eto c. (h) ayan d. (h) ayun Halimbawa: 1. Hayun ang aso sa damuhan. 2. Ang mga bisita natin ay heto na. 3.. Hayan na ang hinahanap mong bolpen. 2. PANAWANG-PANSIN O PAHIMATON
  • 71. a. * ganire b. ganito c. ganyan d. ganoon (ibang anyo : gayon) Halimbawa: 1. Ganyan ang sapatos na binili ko. 2. Ganito ang buhay sa probinsiya. 3.Ganoon ang paraan ng epektibong pangangampanya. 3. PATULAD
  • 72. a. *narini (ibang anyo: nandini) b. Narito (ibang anyo: nandito) c. Nariyan (ibang anyo: nandiyan) d. Naroon (ibang anyo: nandoon) Halimbawa: 1. Narito ana ang mga bagong salita. 2. Naroon ba ang kapatid ko? 3. Nariyan ang gurong masungit? 4. PANLUNAN
  • 73. Ang panghalip na pamatlig ay may dalawang kailanan: 1. Isahan kung tumutukoy sa isa lamang. Halimbawa: Nanalo iyan sa labanan. (angyong ang) Pinanood nito ang palabas. (angyong ng) B. KAILANAN
  • 74. 2. Maramihan- kung tumutukoy sa marami Pinararami ang panghalip pamatlig sa pamamagitan ng pagdaragdag ng salitang mga. Halimbawa: Nanalo ang mga iyan sa labanan. Pinanood ng mga ito ang palabas.
  • 75. Nahahati sa tatlong kaukulan ang panghalip pamatlig. 1. Panghalip pamatlig sa anyong “ang” (palagyo) 2. Panghalip pamatlig sa anyong paari 3. Panghalip pamatlig sa anyong palayon o paukol c. kaukulan
  • 76. Ito ay panghalip na ginagamit bilang panghalili sa pangngalang pinangungunahan ng “ang” kaya ang gamit sa pangungusap ay bilang paksa. • Ito= malapit sa nagsasalita Halimbawa: Ito ang damit ko. • Iyan= malapit sa kausap Halimbawa: Iyan ang damit ko. • Iyon= malayo sa kapwa nagsasalita at kausap . Halimbawa: Iyan ang damit ko. 1. Panghalip pamatlig sa anyong “ang” (palagyo)
  • 77. Ito ay panghalip na ginagamit na inihalili sa pangngalang pinangungunahan ng ng kung isahan at ng mga kung maramihan kaya sumusunod ito sa gamit ng pangngalang pinapalitan. Halimbawa: a.Ang layunin nito ay napakahalaga. b.Ang papel ng mga ito at hindi pa naibibigay. 2. Panghalip pamatlig sa anyong paari
  • 78. Ito ay panghalip na ginagamit na inihalili sa pangngalang pinangungunahan ng sa. Maaaring gamitinh tuwirang layon, tagagagap ng pandiwang balintiyak at layon ng pang-ukol. Halimbawa: a.Siya ang bumili nito sa botika.(tuwirang layon) b.Binibili ng mga iyon ang aklat. (tagaganap ng pandiwang balintiyak) c. Ang lapis na para sa mga iyon ay mahaba. (layon ng pang-ukol) 3. Panghalip pamatlig sa anyong palayon o paukol
  • 79. Ang mga pangngalan ay maaaring halinhan ng mga panghalip sa pamamagitan ng mga kaukulang ang, ng at sa. • Pangngalan sa ANG Isahan Maramihan ang/si ang mga/sina • Panghalip panao sa ANG Isahan Dalawahan Maramihan ako kata/kita tayo, kami ikaw,ka kayo siya sila
  • 80. •Panghalip pamatlig sa ANG Isahan Maramihan ito ang mga ito iyan ang mga iyan iyon ang mga iyon •Pangngalan ng NG Isahan Maramihan ng/ni ng mga/nina •Panghalip panao sa NG Isahan Dalawahan Maramihan ko nita natin, namin mo ninyo niya nila
  • 81. •Panghalip pamatlig sa NG Isahan Maramihan nto ng mga ito nyan ng mga iyan niyon, noon ng mga iyon •Pangngalan ng SA Isahan Maramihan sa/kay sa mga/kay •Panghalip panao sa SA Isahan Dalawahan Maramihan sa akin sa kanita sa atin, sa amin sa iyo sa inyo sa kaniya sa kanila
  • 82. •Panghalip pamatlig sa SA Isahan Maramihan dto sa mga ito diyan sa mga iyan doon sa mga iyon
  • 83.
  • 84. PANDIWA Ang mga salitang nagpapahayag ng kilos o galaw. Binubuo ng salitang-ugat at mga panlaping makadiwa. Ang salitang-ugat ay nagbibigay kahulugan sa pandiwa. Ang panlapi naman ang nagpapakilala ng iba’t ibang panahunan, kailanan, at tinig ng pandiwa. Ang salitang-ugat at panlapi ang bubuo sa salitang pawatas na magiging batayang anyo ng pandiwa.
  • 85. May mga panlaping makadiwa na ginagamit gaya ng mag-, um, ma, maka, hin, -han/an, pa mang, maki at iba pa. Halimbawa: Panlapi Salitang-ugat Pawatas um- lakad lumakad mag- laro laruan i- luto iluto ma- sabi masabi pa- hula pahula
  • 86. MGA ASPEKTO NG PANDIWA •Ito ay nagpapakita ng kilos o pangyayari na naganap, o katatapos pa ma lang, sisismulang ganapin, at magaganap pa lamang.Ang mga ito ay nababanghay sa aspekto. 1. Perpektibo o ginanap na o natapos na 2.Imperpektibo o ginaganap at hindi pa natatapos 3. Kontemplatibo o gaganapin o hindi pa nasisimulan ang kilos
  • 87. •May tinatawag na anyong neutral, ito ay ang pawatas at ang pautos. Iisa ang anyo ng mga ito.
  • 88. A. ASPEKTONG PERPEKTIBO O PANGNAKARAAN • Ito ay nagsasaad ng kilos na nasimulan at natapos na. Halimbawa: Anyong Pawatas Aspektong Perpektibo umalis umalis kumain kumain maglaro naglaro magpaganda nagpaganda
  • 89. A.1 ASPEKTONG PERPEKTIBONG KAKATAPOS •Ito ay nagsasaad ng kilos na kakatapos lamang bago nagsimula ang pagsasalita. Ito ay maihahanay sa aspektong perperktibo. Ang kayarian ng aspektong ito ay nabubuo sa pamamagitan ng paggamit ng unlaping ka at ang pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat. Ngunit hindi lahat ng pandiwa ay may aspektong perpertibong katatapos.
  • 90. A.1 ASPEKTONG PERPEKTIBONG KAKATAPOS Halimbawa: Anyong Pawatas Aspektong Perpektibo sumulat kakasulat kumain kakakain maglaro kakalaro
  • 91. B. ASPEKTONG IMPERPEKTIBONG O PANGKASALUKUYAN •Ang kilos ay nasimulan na ngunit di pa natatapos. Kasalukuyan pang ipinagpapatuloy ang kilos. May dalawang uri ng kilos na imperpektibo; una, kilos na nasimulan ngunit hindi pa natatapos, nagaganap o ipinagpapatuloy Ikalawa, kilos na paulit-ulit na ginagawa.
  • 92. Halimbawa: 1. Sumusulat ng tula ang mga mag-aaral. (nagsimula nang sumulat at sumusulat pa, hindi pa tapos ang kilos) 2. Parati siyang umaawit. (ang kilos ay paulit-ulit na ginagawa)
  • 93. Pawatas/Pautos Perpektibo Katatapos Imperpektibo maglaro naglaro kalalaro naglalaro kumain kumain kakakain kumakain sumulat sumulat kasusulat sumusulat umalis umalis kaaalis umaalis
  • 94. C. ASPEKTONG KONTEMPLATIBO O PANGHINAHARAP •Ang kilos ay hindi nasisimulan, ito’y gaganapin pa lamang. Halimbawa: Pawatas Perpektibo Katatapos Imperpektibo Kontemplatibo maglaro naglaro kalalaro naglalaro maglalaro kumain kumain kakakain kumakain kakain sumulat sumulat kasusulat sumusulat susulat
  • 95. •Ang pandiwa ay may pagbabagong ango o tinatawag na pagbabanghay batay sa aspekto nito. Sa salitang-ugat at panlapi naipapakita ang pag-iiba ng anyo ng aspekto ng pandiwa. Neutral Banghay sa UM Anyong Pawatas sumulat Perpektibo sumulat Perpektibong katatapos kasusulat Imperpektibo sumusulat Kontemplatibo susulat
  • 97. 1. Pandiwang Katawarin •Nagtataglay ng kahulugang buo na hindi nangangailangan ng tagaganap o tagatanggap ng kilos. Halimbawa: Umalis na ang panauhan. Lumipad sa himpapawid ang mga ibon. Ang mga panauhin ay pumunta sa ilog.
  • 98. 1. Pandiwang Katawarin •Nagtataglay ng kahulugang buo na hindi nangangailangan ng tagaganap o tagatanggap ng kilos. Halimbawa: Umalis na ang panauhan. Lumipad sa himpapawid ang mga ibon. Ang mga panauhin ay pumunta sa ilog.
  • 100. 1.Tinig na tahasan o tukuyan •Sa mga pandiwang nasa tinig na tahasan, ang paksa ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na sinasabi ng pandiwa ay may layong tagatanggap ng kilos na tinatawag na tuwirang layon. Halimbawa: Bumili ng sariwang gulay ang ina ni Karl. Bumabalangkas ng isang talata si Cesar. Ang bata ay nagpalit ng damit.
  • 101. •Ang mga tinig tahasan pangungusap ay bumili, bumabalangkas at nagpalit. •Ang paksa ay siyang tagaganap ng kilos. Ang mga paksa na ina, Cesar at bata ay may mga layong tagatanggap, ang mga ito ay –ng gulay, -ng talata at ng damit.
  • 102. 2.Tinig na Balintiyak •Sa tinig na balintiyak, ang paksa ay hindi gumaganap ng kilos manapa, ito ang tumatanggap ng kilos na sinasabi ng pandiwa, samakatuwid, tagatanggap ng kilos ang paksa. Halimbawa: Ang tula ay isinulat ng batikang manunulat. Pinulot ng bata ang aklat. Nabili ni Grace ang bagongVan.
  • 103. •Ang mga tinig balintiyak na nasa pangungusap ay isinulat, pinulot at nabili sapagkat may paksa itong tagatanggap ng kilos tulad ng: tula, aklat atVan. •Ang tagaganap naman ng mga ito ay manunulat, bata at Grace.
  • 105. • Naipapakita sa pamamagitan ng pokus ang kaugnayan ng paksa sa pandiwa kung tagaganap, tagatanggap, sanhi, pinaglalaanan, ginanapan, o kagamitan ang paksa. Ang pokus ay ang pinakapaksa ng pangungusap. Maaaring maging: 1. Aktor 2. Gol 3. Lokatib 4. Kosatib 5. Instrumental 6. Direksyunal 7. Benepektib
  • 106. 1. Aktor Pokus •Kapag ang paksa ang tagaganap ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. May mga panlaping ginagamit gaya ng: um, mag-, maka-, mang, at ilang ma-. Halimbawa: Sumungkit ng mga atis ang mga mag-aaral. Nagdala ng radyo siTrixy. Mangunguha si Cris ng maraming prutas.
  • 107. 2. Gol Pokus •Kapag ang paksa ang siyang tagatanggap ng kilos na ipinapahayag ng pandiwa at may layon tagaganap. Ang mga panlaping ginagamit sa pokus na ito ay i-, in, -an/- han, ma-, ipa. Pinangungunahan ng marker na ng/ni ang actor o ang kahalili nitong mga panghalip. Halimbawa: Kinuha ni Joe ang susi. Binali ng bata ang lapis. Binasa ng pulis ang pahayagan.
  • 108. 3. Lokatib Pokus •Kapag ang tinutukoy ay ang pook na pinagganapan ng kilos. Ang mga panlaping ginagamit ay –an/han, pag- - an/han, -an/-han, pang... –an/-han. Halimbawa: Pinaghukayan ni Pedro ang kanilang bakuran. Pinaglutuan ng kakanin ang bagong kawali. napagtamnan ni Joe ang mga malaking paso.
  • 109. 4. Kosatib Pokus •Kapag ang tinutukoy ang dahilan ng kilos sa pangungusap. Ang panlaping ginagamit ay i-, ika-, at ikapag-. Pinangungunahan ng ng/ni ang aktor o panghalili rito. Halimbawa: Inilula niya ang pag-alis mo. Ikinais nila ang pinagsisinungalingan. Ikinagalit ko ang iyong pagtataksil.
  • 110. 5. Instrumental Pokus •Kapag ang paksa ay ang kagamitang ginamit sa pagkilos ng pandiwa sa pangungusap. Ang panlaping ginagamit ay ipang- at pinangungunahan ng ng/ni ang aktor. Halimbawa: Ipinangguhit ng bata ang lapis na iyan. Ipinamunas ni Ging-ging ang bagong twalta. Ipinanghiwa ni Abie ng sibuyas ang kutsilyo.
  • 111. 6. Direksyunal Pokus •Kapag tinutukoy ang direksyon o tagatanggap ng kilos sa pangungusap. Ang mga panlaping ginagamit sa ganitong pokus –an/han-, at pinangungunahan ng ng/ni marker ang aktor o mga panghalili nito. Halimbawa: Pinasyalan naming ang Banaue RiceTerraces. Pinuntahan ng mga pulis ang kanilang bahay. Tinabihan niya ang kanyang kaibigan.
  • 112. 7. Benepaktib Pokus •Kapag ang paksa ay pinaglalaanan o di-tuwirang layon ng kilos ng pandiwa. Ang mga panlaping ginagamit sa ganitong pokus ay --, ipang-, at ipag-. Pinangungunahan ng ng/ni ang marker ng aktor. Halimbawa: Ikinuha ng inumun ng katulong ang panauhin. Ipinaghugas ni Ana ng pinggan ang bata. Ipinagluto ng ina ng masarap na ulam ang maysakit.
  • 114. •Kaganapan ng pandiwa ang tawag sa bahagi ng panaguri na binubuo o nagbibigay ng ganao na kahulugan sa pandiwa.
  • 115. 1. Kaganapang Tagaganap o Aktor •Nasa aktor kaganapan ang pandiwa kapag ang bahagi ng panaguri ang gumaganap ng kilos na ipinapahayag ng pandiwa. Halimbawa: a. Ipinagbunyi ng mga tao ang kanilang tagumpay. (ang pariralang “ng mga tao” ay siyang nagsasaad kung sino ang gumanap ng kilos ng pandiwa)
  • 116. Halimbawa: b. Ipinagkaloob ni Jose ang ilang pagkain sa mga bata. (Ang pariralang “ni Jose” ay ang gumanap ng kilos) c. Isinadula ng mga mag-aaral ang madamdaming bahagi ng telenobela. (Ang pariralang “ng mga mag-aaral” ang nagsaad kung sino ang gumawa ng kilos)
  • 117. 2. Kaganapang Layon o Gol •Nasa kaganapang gol o layon ang pandiwa kapah ang bagay o mga bagay ay ang tinutukoy ng panaguri sa pangungusap. Halimbawa: a. Nagpaluto ako ng masarap na pinikpikang manok. (ang pariralang ng pinikpikang manok ang tinutukoy ng iniluto)
  • 118. Halimbawa: b. Nagpaihaw sila ng malaking bangus. c. Kumuha ang mga bata ng duhat sa bukid. d. Pumulot ng mga kumikinang na bato ang mga bata sa Crystal Cave.
  • 119. 3. Kaganapang Ganapan o Lokatib •Nasa ganapan o lokatib ang kaganapan ng pandiwa dahil ang panaguri ay nagsasaad ng lugar na pinagganapan ng kilos ng pandiwa. Halimbawa: a. Nagtampisaw sa ilog ang mga dalaga. (ang pariralang sa ilog nagsasaad kung saan nagtampisaw ang mga dalaga.)
  • 120. Halimbawa: b. Nagsayaw ng retro sa plaza ang mga kabataan. c. Pumulot ng dumi sa sahig si Ivan. d. Kumuha ng damit sa aparador ang tatay.
  • 121. 4. Kaganapang Kagamitan o Instrumental •Ito ay nagsasaad kung anong bagay, kagamitan o instrument sa panaguri ang ginamit upang magawa ang kilos ng pandiwa. Halimbawa: a. Ginupit ng nanay ang mga pira-pirasong tela sa pamamagitan ng gunting. (ang pariralang sa pamamagitan ng gunting ay nagsasaad kung ano ang ginamit upang magupit ang tela.)
  • 122. Halimbawa: b. Iginuhit ni Norbert ang magandang tanawin sa pamamagitan ng lapis. c. Pinunasan ni Liyan ang mga upuan sa pamamagitan ng tuyong basahan. d. Binuksan niya ang kabinet sa pamamagitan ng susi.
  • 123. 5. Kaganapang Sanhi o Kosatib •Ito ang kaganapang nagsasaad sa panaguri kung ano ang dahilan ng pandiwa. Halimbawa: a. Nagkasakit siya dahil sa pagpapabaya. (ang pariralang dahil sa pagpapabaya ay nagsasaad ng pagpapasakit ng taong tinutukoy.)
  • 124. Halimbawa: b. Nakalimot si Dolores dahil sa dami ng Gawain. c. Nalugod ang mga kabatan dahil sa pabuyang ibinigay. d. Natuwa si Joel dahil nakapasa siya sa UP Diliman.
  • 125. 6. Kaganapang Tagatanggap o Benepaktib •Ito ang kaganapang ito ay nagsasaad kung sino ang tatanggap o makikinabang sa panaguri sa kilos ng pandiwa. Halimbawa: a. Bumili si Jane ng mga gulay para sa kanyang panauhin. (ang pariralang para sa kanyang panauhin ay nagsasaad kung para kanino ang biniling gulay.)
  • 126. Halimbawa: b. Nagluto si Nanay ng asado para sa kanyang pamangkin. c. Namitas si Daniel ng mga bulaklak para kay Girlie. d. Nanguha si Felisa ng mga kamatis para kay Anita.
  • 127. 7. Kaganapang Direksyunal •Ang kaganapang direksyunal ay nagsasaad ng direksyon ng kilos na taglay ng pandiwa sa panaguri. Halimbawa: a. Pumunta sila sa park. (ang pariralang sa park ay nagsasaad direksyon ng kilos na taglay ng pandiwa.
  • 128. Halimbawa: b. Nagtungo sila sa lugar ng mga katutubo. c. Nagpunta si Imelda sa Maynila.
  • 129.
  • 130. Mga panuring Ang mga panuring ay mga salitang nagbibigay turing o larawan sa ibang salita upang lalong maging mabisa ang pahayag.
  • 131. PANG-URI Ang Pang-uri ay nagsasaad ng katangian o mga salitang naglalarawan. Maaari itong salitang-ugat at panlaping makauri.
  • 132. Halimbawa: 1. Kapatid niya ang matabil na batang naliligo. 2. Ang dakilang ama ay mapagparaya. 3. Magtatagumpay ang mapagpalang kamay. A. TUNGKULIN NG PANG-URI 1. Pang-uring Nagbibigay-turing sa Pangngalan
  • 133. Halimbawa: 1.Tayong mahihirap ay dapat magkaisa. 2. Kayong mapagkumbaba ay malapit sa Panginoon. 3. Kaming mapagmahal ay mga taong tapat. 2. Pang-uring Nagbibigay-turing sa Panghalip
  • 134. Halimbawa: 1. Ang masisipag ay nagtatagumpay. 2.Ang mga malulusog ay mahilig sa mga laro. 3. Ang mga matitino ay nakatayo sa harap. 3. Pang-uring maaaring paksa ng isang Pangungusap
  • 135. Halimbawa: 1. Malulusog ang mga bata. 2.Mabango ang kanyang damit. 3. Sunog ang kanyang sinaing. 4. Pang-uring maaaring isang kaganapang pansimuno ng isang pangungungusap
  • 136. Halimbawa: 1. Ang dalawang turista ay pawing Amerikano. 2.Labindalawang sundalo ang nagtagumpay sa digmaan. 3. Ikalawang upuan ang iyong kapatid. 5. Pang-uring maaaring nagsasaad ng bilang sa salitang binibigyang turing nito.
  • 137. Ang pang-uri ay nasa payak na kayarian kapag binubuo ng isang salita o salitang-ugat. Halimbawa: puti saya pula dakila anim turo B. KAYARIAN NG PANG- URI 1.Payak
  • 138. Ito’y pinagsamang panlapi at salitang-ugat. Halimbawa: Panlapi + salitang-ugat = maylapi ma- + ganda =maganda ma- + sipag = masipag napaka + dulas = napakadulas 2. Maylapi
  • 139. Ang salita ay maaaring inuulit ng buo o inuulit na ganap. Maaari ring bahagi lamang ng isang salitang- ugat o tinatawag na parsyal ang pag-uulit. Halimbawa: inuulit na ganap parsyal na pag-uulit pulang-pula masasarap maputing-maputi matatabil malamig na malamig bibilugin 3. Inuulit
  • 140. Ito’y binubuo ng pinagsamang dalawang salita na maaaring may ikatlong kahulugan o mananatili ang kahulugan. Halimbawa: ngiting-aso pusong-bakal kapus-palad ningas-kugon tulog-hipon 4.Tambalan
  • 141. Kung nagsasaad ito ng isang bilang bilang ng salitang nagbibigay turing o inilalarawan. Halimbawa: 1. Siya ay masipag. 2. Ang sanggol ay malusog. 3. Ang mag-aaral ay matalino. c. kailanan 1. ISAHAN
  • 142. Nasa kailanang dalawahan ang pang-uri kung ito’y nagbibigay-turing sa dalawa. Halimbawa: 1.Magkasintaas sina Diego at Kris. 2. Dalawang matatalinong lalaki ang sumali sa laro. 3. Kapwa guro ang dalawang anak ni Mang Fred. 2. DALAWAHAN
  • 143. Kung ito’y nagbibigay-turing o naglalarawan nang higit sa dalawa. Makikilala ang maramihan sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat o sa pamamagitan ng paggamit ng salitang mga sa salitang-ugat. Halimbawa: 1.Maraming pera ang mga bata. 2. Pagkatatatamis ng mga suha. 3. Magsisingganda ang nanalo sa paligsahan. 3. MARAMIHAN
  • 144. Ang pang-uri ay naantas ayon sa paraan ng paghahambing. Ito ay katangian ng pang-uri ikinaiiba sa ibang salitang pangnilalaman. D. KAANTASAN NG PANG-URI
  • 145. Walang paghahambing nagaganap. Iisa lamang ang tinutukoy, maaaring salitang-ugat at panlaping makauri. Halimbawa: 1.Siya ay matapang. 2. Siya ay maganda. 1. Lantay
  • 146. Ginagawa ito kapag may pinagtutulad o pinag- iiba. Ito ang pang-uring ginagamit sa pagtutulad ng dalawang tao, bagay, lunan o pangyayari na maaaring magkatulad o di-magkatulad. Ang di-magkatulad ay nahahati sa dalawa ang palamang at pasahol. 2. Pahambing
  • 147. Ito ang uri ng paghahambing na ginagamit kung patas o pareho ang mga pinagtutulad, may mga panlaping ginagamit gaya ng magsing, magkasing, ka, magka, kasing at sing. Halimbawa: magkasingganda katulad magsimputi kasinghaba magsintapang magkasingtangkad a. Magkatulad na paghahambing
  • 148. Ito ang uri ng paghahambing na ginagamit kung di-magkatulad o may higit na katangian ang pinaghahambing sa salitang inihahambing. Ito ay nahahati sa palamang at pasahol. b. Di-magkatulad na paghahambing
  • 149. kapag nakahihigit sa isang pinagtutulad. Ito ay ginagamitan ng mga katagang mas, lalo, higit na at may katuwang na kaysa sa/kay. Halimbawa: mas maliwanag kaysa, lalong matibay kaysa, higit na matalino kaysa higit na mahusay kaysa Palamang na pagtutulad
  • 150. kapag kulang ang katangian ng isang itinutulad. Ito ay ginagamitan ng mga kataga gaya ng lalo, di-gaano, di-tulad, di-gasino, at may katuwang na tulad ng/ni. Halimbawa: 1. Lalong pangi si Carlo kaysa kay Kim. 2. Di-gaanong matamis ang suha kaysa sa dalandan. 3. Di-gaanong masipag ang dalagang Amerikana tulad ng dalagang Pilipina. Pasahol na pagtutulad
  • 151. Ang paghahambing na ito ay naipapalita sa pamamagitan ng pag-uulit ng pang-uring may panlaping ma-, sa paggamit ng salitang medyo na sinusundan ng pang-uri, sa paggamit ng may na sinusundan ng pang-uring nabuo sa pamamagitan ng mga panlaping kabilanang ka-at –an/-han. Halimbawa: 1. Medyo masakit ang aking ulo. 2. may kaukulan si Gilbert. 3. Masipag-sipag ang taong iyan. c. Moderasyon/Katamtaman
  • 152. Kapag walang tiyak na pinaghahambingan at ipinakikilalang pinakatampok sa lahat o nangunguna sa lahat ng katangian. Ito ang pinakamataas na kaantasan ng pang-uri na may panlaping pinaka, ubod, hari, napaka, di-hamak na, lubhang, totoong o nagpapakita ng kasukdulan ng paghahambing ng higit sa dalawang bagay. Halimbawa: 1. Ubod ng ganda ang batang iyan. 2. hari ng tapang ang kanyang kaibigan. 3. Ulo ng yabang ang pangulo ng klase. 3. Pasukdol
  • 155. Ito ay likas at payak ba anyo ng mga bilang na pinagbabatayan ng tawag at ginagamit sa paglalarawan ng dami ng tao, bagay at iba pa. ito ang pamilang mula sa wala hanggang sa bilyon. Halimbawa: Wala siyam dalawampu sanlibo Isa sampu tatlumpu apatnaraan Dalawa labing-isa apatnapu’t apat labinsiyam Apat labintatlo limampu’t siyam labinlima Lima labing-apat dalawandaan sandaan Labingwalo sambilyon sangmilyon walo 1. Pataran o Kardinal
  • 156. Ito ay nagpapakita sa pagkakasunod-sunod ng bilang ng mga tao, bagay at iba pa. nakikilala ang bilang na panunuruan sa pamamagitan ng panlaping ika- at pang. Ang ika-ay ginamit kapag hindi kasabay ang panahon o hanay. Ang pang ay ginagamit kapag kasabay ang panahon o hanay. Halimbawa: 1. Pangatlo ako sa bunso. 2. Sino ang nasa unahan ng ikalawang hanay? 3. Ika-una sa hanay ang makisig na binata. 2. Panununuran/Ordinal
  • 157. Sa pagsulat ng tambilang, ang ika- ay ginagamit at nagkakaroon ng gitling sa pagitan. Halimbawa: Ika-ng Disyembre Ika-6:00 ng gabi Sa pagsulat ng pan- at ika- may nawawalang titik ang ibang bilang. Ang pamilang na nilalagyan ng pang at ika ay ang mga patakaran. Halimbawa: Bilang pang- ika- dalawa pangalawa ikalawa tatlo pangatlo ikatlo apat pang-apat ikaapat pito pampito ikapito
  • 158. Ginagamit ang pamilang na ito kapag nais ipakilala ang mga bahagi ng isang kabuoang painaghati-hati. Nakikilala ito sa paggamit ng ika at ng bahaging tinutukoy. Halimbawa: kalahati ikasampung bahagi tatlong-kapat sangkapat ikawalong bahagi kaputol 3. Pamahagi
  • 159. Ito ay nagsasaad ng bukod ng pagsasama-sama ng anumang bilang ng tao, bagay, hayop , pook at iba pa. ginagawa ito sa pamamagitan ng paulit-ulit ng salitang-ugat o unang pantig ng salitang-ugat na nangangailangan ng maramihan o minsanan. Halimbawa: isa-isa dala-dalawa sampu-sampu apat-apat pitu-pito daan-daan milyun-milyon libo-libo 4. Palansak/Papangkat
  • 160. Ginagamit ito para sa pagsasaad ng halaga ng bagay o mga bagay. Halimbawa: mamiso maningkwenta tig-iisa 5. Pahalagang Pamilang
  • 161. Ito ay nagsasaad ng tiyak na bilang, dami o halaga na wala kundi iyon o hanggang doon lamang. Maaaring ulitin ang unang pantig ng salitang-ugat upang bigyang diin at maaari ring ulitin pa ang salitang-ugat. Halimbawa: iisa dadalawa pipiso tatatlo aapat lilima aanim sasampu 6. Patakda
  • 162. Ang pagtatakda ng presyo o ang pagbibigay ng patas na paghahati ay mabibilang din. Nakikilala ito sa pantig ng salitang-ugat o sa paggamit ng tiga-tig. Halimbawa: tig-iisa tiga-tigalawa tigtatlo tig-dadalawa tigwawalo tig-aanim
  • 163.
  • 164. PANG-ABAY Sa tradisyunal na pagpapakahulugan ng pang-abay, ito ay nagbibigay-buhay sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay. Sa istruktural na pagbibigay ng katuturan, ang pang- abay ay makikilala dahil sa kasama ito ng pandiwa, pang- uri o isa pang-abay na bumubuo ng parirala.
  • 165. PANG-ABAY May dalawang pangunahing uri ito: 1. Inklitik 2. mga pang-abay na nalilipat ang posisyon
  • 166. Ang Mga Inklitik (Kataga o Particle) •May iba’t ibang Inklitik o kataga sa Filipino na karaniwang nakikita pagkatapos ng unang salita sa pangungusap
  • 167. Halimbawa: 1. Narito na ang nanay. 2. Ikaw yata ang hinahanap niya. 3. Ano kaya ang gagawin niya? 4. Nasaan ba siya? 5. Hindi man lamang ako nakabati Iba pang Inklitik: daw/raw, din/rin, ho, lamang/lang, pa, po, nga, sana, yata, naman, muna
  • 168. Mga Pang-abay na Nalilipat ang Posisyon •Ito ang mga pang-abay na walang tiyak na posisyon at nakikita sa iba’t ibang bahagi pangungusap.
  • 169. A. Pang-abay na Pamanahon •Ito ang nagsasaad ng panahon, may mga salita at mga kataga lamang na nagsasaad ng panahon. Sumasagot ito sa tanong na kalian at gumagamit ng mga pananda.
  • 170. 1. Pamanahong pang-abay na may pananda Halimbawa: 1. Hindi na raw darating ang pangulo ng samahan. 2. Ang damit pangkasal ay hindi pa natatapo ng mananahi.
  • 171. Panandang: na- nangangahulugan ng tapos na. ng – nangangahulugan ng ginaganap o gaganapin pa. Iba pang pananda: yaong, buhat, kapag, hanggang, umpisa, noon, sa, nang, mula, na/-ng.
  • 172. 2. Pamanahong pang-abay na walang pananda Halimbawa: 1. Kahapon lang ay nandito siya. 2. Dumating sila kanina. 3. Palagi rito si Jr. 4. Araw-araw sila rito.
  • 173. 3. Pang-abay na pangngalang pandiwa. Ito ay ang mga pangngalang-pandiwa na ginagamit sa pagsusuri ng panahon. Halimbawa: 1. Pagkaalis na pagkaalis niya, siyang pagdating ko. 2. Puputulin niya ang nabaling sanga pagkakain.
  • 174. 4. Pinalawak na pang-abay na pamanahon Ang mga pang-abay na may pananda ay maaaring palawakin pa sa pagdaragdag ng salita tungkol sa bahagi ng araw. Halimbawa: 1. Umalis siya kaninang umaga. 2. Kahapon sila dumating. 3. Sa kamakalawa aalis sina Adolfo patungong Saudi.
  • 175. B. Pang-abay na Panlunan •Ito ay tinatawag na pariralang sa. Kumakatawan ito sa lugar kung saan ginagawa ang kilos at sumasagot sa tanong na saan o nasaan kabilang ang mga sumusunod na halimbawa:
  • 176. 1. sa + walang panandang pangngalan Halimbawa: 1. Kumakain siya sa kantina. 2. Sa lalawiganin siya pumunta. 2. sa + panghalip paari Halimbawa: 1. Guwardiya siya sa aming tanggapan. 2. Sa aming paaralan siya nagtuturo.
  • 177. 3. sa + panghalip pamatlig Halimbawa: 1. Guro siya roon. 2. Doon siya nakatira.
  • 178. C. Pang-abay na Pamaraan •Ito ay nagsasaad kung paano ginagawa ang kilos at sumasagot sa tanong na paano. Ginagamitan din ito ng katagang nang na nangangahulugan ng pamaraan sa pagkaganap ng kilos.
  • 179. 1. nang + pang-abay Halimbawa: 1. Nagsasalita nang banayad ang guro. 2. Lumakad ka nang dahan-dahan. 2.Pang-angkop na na/-ng Halimbawa: 1. Siya ay umalis na umiiyak. 2. Naglalakad na nakapayong ang dalaga.
  • 180. 3. Ang karaniwang pandiwa ay ginagamit ding pang— abay upang palinawin pa rin ang paraan ng pagkaganap ng pandiwang binibigyang-turing. Halimbawa: 1. Nagmamadaling sumakay ng kotse ang magnanakaw at mabilis na pinatakbo. 2. Bubulung-bulong na pumanaog ng bahay ang ina. 3. Humahangos na dumating at humihingi ng pagkain si Randy.
  • 181. •Ang panahunang pangkasalukuayn at panghinaharap ang karaniwang ginagamit na pang-abay na pamaraan.
  • 182. D. Pang-abay na Pananggi at Panang- ayon •Ang pananggi ay kataliwas ng panang-ayon. Ang pang-abay na pananggi ay nagsasaad ng pagtanggi tulad ng : hindi, wala, ayaw. Ang pang-abay na panang-ayon ay nagsasaad ng pagsang-ayon tulad ng: Oo, tunay, talaga, walang duda at tiyak.
  • 183. Halimbawa: 1. Oo, tinanggap ng pangulo ang ating paanyaya. 2. Hindi ako sasama sa iyo. 3.Totoo bang kahapon dumating ang iyong ina?
  • 184. E. Pang-abay na Pang-agam •Ito ay nagpapahayag ng di-katiyaka sa kilos na ipinapahayag ng pandiwa, pang-uri at gayundin ng pang-abay tulad ng: tila, marahil, wari, baka, yata, siguto, di-sasala, pag nagkataon.
  • 185. Panuring sa Pandiwa Halimbawa: 1. Marahil magtatagumpay ang balak ninyo. 2.Tila yata namamasyal sila sa Luneta. 3. Baka napahamak ka sa iyong gagawin. Panuring sa Pang-uri Halimbawa: 1.Tila maaliwalas ang panahon. 2. Maganda yata ang palabas sa sine. 3. Mariwasa marahil ang kanyang magulang.
  • 186. Panuring sa Pang-abay Halimbawa: 1.Totoo yatang masama ang kanyang loob. 2. Hindi marahil darating ang aming guro. 3. Di-sasalang tutulak bukas ang bapor patungong Mindoro.
  • 187. F. Pang-abay na Panggaano •Ito ay nagsasaad ng dami o bigat ng kahulugang sinasabi ng pandiwa o pang-uri gaya :ng labis, wala, katamtaman, katakut- takot, kaigihan, sapat, kaunti, at marami.
  • 188. Halimbawa: 1. Ang mga mag-aaral ay maraming ginagawa sa paaralan. 2. Naghahanda nang katamtaman ang mag-anak para sa binyagan. 3. Kaigihan ang dami ng mga nagsidalo sa palatuntunan.
  • 189. G. Pang-abay na Pananong •Ito ay nagsasaad ng pagtatanong na nagbibigay-turing sa pandiwa,, pang-uri at pang-abay. Itinatanong ng pang-abay na ito ang nauukol sa panahon, lunan, kailanan, kaparaanan o kadahilanan.
  • 190. Halimbawa: 1. Bakit nagagalit ang pangulo sa mga pulis? 2. Magkano ang inabot ng iyong pinamili? 3. Kailan maalinsangan ang panahon sa Maynila?
  • 191. G. Pang-abay na Patulad •Ito ay nagsasaad ng paghahambing ng mga pang-uri. Ang pang-abay na panulad ay gumagamit ng di-gasino, gaya, tulad, higit, di- hamak, mas, kaysa at lalo.
  • 192. Halimbawa: 1. Higit na mahirap ang buhay sa Maynila kaysa sa lalawigan. 2. Di-lubhang nakakain ang bata sa umaga. 3. Ang tatay ay lalong magagalit sa iyo kapag ikaw ay hindi umuwi sa bahay.