2. Bago natin sisimulan ang modyul na ito
ay aalamin natin kung gaano kalawak
ang iyong kaalaman sa pagbibigay ng
kahulugan.
3. Panuto: Piliin ang titik nang tamang sagot. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel o notbuk.
1. Ang mga salitang ito ang ginagamit sa paaralan,
panayam, seminar, gayundin sa mga aklat, ulat at
iba pang usapan o sulating pang-intelektuwal.
a. Pormal
b. Balbal
c. Kolokyal
d. Lalawiganin
4. Panuto: Piliin ang titik nang tamang sagot.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel o
notbuk.
2. Karaniwang ginagamit sa mga
lalawigan o probinsiya kaya’y
partikular na pook kung saan
nagmula o kilala ang wika.
a. Balbal
b. Pormal
c. Lalawiganin
5. Panuto: Piliin ang titik nang tamang sagot.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel o
notbuk.
3. Salitang karaniwang ginagamit sa
mga kalye kaya’t madalas na
tinatawag ring salitang kalye.
a. Balbal
b. Kolokyal
c. Lalawiganin
6. Panuto: Piliin ang titik nang tamang sagot. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel o notbuk.
4. Uri ng salitang di-pormal kung saan ito
ay ginagamitan ng pagpapaikli o
pagkakaltas ng ilang titik sa salita
upang mapaikli ang salita o kaya’y
mapagsama ang dalawang salita.
a. Pormal
b. Balbal
c. Kolokyal
d. Lalawiganin
7. Panuto: Piliin ang titik nang tamang sagot.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel o
notbuk.
5. Salitang karaniwang ginagamit sa
pakikipag-usap sa mga kakilala o
kaibigan.
a. Balbal
b. Pormal
c. Lalawiganin
8. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga
salitang balbal na nakasulat nang
initiman sa pangungusap. Piliin sa loob
ng kahon ang kahulugan ng mga salitang
ito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel o notbuk.
Ina ama pera kotse
Bata pulis matanda
9. 1. Nakakainis talaga ang ermat ko, umagang-
umaga pa lamang ay sermon na ang almusal ko.
2. Wow! Bagong-bago ang tsekot mo, natupad na rin
ang pangarap mo na magkaroon nito.
3. Hindi na talaga mapipigilan ang pagiging gurang
ko, patunay ang pagdami ng aking puting buhok.
4. Hindi ko inaasahan na sisitahin ako ng lespu
dahil wala akong naipakitang quarantine pass.
5. Kailan pa kaya ako magkakaroon ng maraming
datung upang makatulong naman ako sa mga
taong naapektuhan ang kabuhayan ng dahil sa
pandemyang dulot ng covid-19.
10. Panuto: Suriin ang barayti ng
wikang ginamit sa
pangungusap.Kilalanin at isulat sa
patlang ang salitang may
salungguhit kung ito ay balbal,
kolokyal, lalawiganin, o pormal.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel o notbuk.
11. 1. Ugaling kung ikaw hidlawon ang payaw imo
lang lantawon.”
2. “Kung tanawin ay nakaliligaya, may
ningning at tangi at dakilang ganda.”
3. Napakaganda ng bebot na nagbabakasyon
kina Aling Selya.
4. Ang mga dalagang Pilipina ay tunay na
mahinhin at mayumi.
5. Ay, ay! Kalisud, kalisud sang binayaan.Adlaw
gab-I firmi kita guinatangisan.”
12. Magaling! Binabati kita
dahil maayos mong
naisagawa ang mga
naunang gawain. Ngayon
ay maaari ka nang
magpatuloy sa ating aralin
13. Bago natin simulan ang ating
talakayan, magbigay ka ng paghahatol
o pagmamatuwid tungkol sa pahayag
gamit ang iba’t ibang diyalekto
(Cebuano, Taglish, Kolokyal) gamit ang
concept map na nasa ibaba. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel o
notbuk.
14. Ang paghingi ng
pahintulot sa
magulang ay
nagmamatuwid na
mataas ang
pagpapahalaga at
respeto sa
nakatatanda.
Cebuano
Kolokyal
Taglish
Pormal
15. Dalawang uri ng antas ng Wika
1. Mga Salitang Impormal O Di-Pormal - ito ay mga salitang
karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap sa mga
kakilala o kaibigan.
Tatlong Uri Ng Salitang Di-Pormal
A. Balbal (Slang) - ang tawag sa mga salitang karaniwang
ginagamit sa mga kalye kaya’t madalas na tinatawag
ding salitang kanto o salitang kalye. Nabibilang ang
mga salitang ito sa di-pormal na uri ng salita kaya’t
karaniwang hindi ginagamit sa mga pormal na
pagtitipon o pagsulat.
16. Paraan Upang Makabuo Ng Salitang Balbal
a. Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagkuha sa
huling dalawang pantig ng salita.
Halimbawa: Amerikano – Kano
b. Pagbaliktad sa mga titik ng isang salita
Halimbawa: tigas – astig
c. Pagkuha ng salitang Ingles at pagbibigay rito ng
ibang kahulugan
Halimbawa: toxic - ang ibig sabihin ay busy o
maraming trabaho
17. Paraan Upang Makabuo Ng Salitang Balbal
a. Pagbibigay kahulugan mula sa katunog na
pangalan.
Halimbawa: Carmi Martin na ang kahulugan
ay karma
Iba pang halimbawa:
1. Yosi - sigarilyo
2. Ermat - nanay, ina
3. Erpat - tatay, ama
4. Utol - kapatid
18. Dalawang uri ng antas ng Wika
1. Mga Salitang Impormal O Di-Pormal - ito ay mga salitang
karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap sa mga
kakilala o kaibigan.
Tatlong Uri Ng Salitang Di-Pormal
B. Kolokyal - ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-
usap.Ito ay madalas na ginagamitan ng papaikli o
pagkakaltas ng ilang titik sa salita upang mapaikli ang
salita o kaya’y mapagsama ang dalawang salita.
19. Paraan Upang Makabuo Ng Salitang Kolokyal
Paraan o bahagi pa rin ng barayting ito ang
dalawang wika tulad ng tagalog at Ingles o
Taglish o Tagalog-Espanyol
Halimbawa:
A-attend ka ba sa birthday ni Lina? (Taglish)
Hindi, may gagawin kami sa eskwelahan. (Tag-
Espanyol)
20. Dalawang uri ng antas ng Wika
1. Mga Salitang Impormal O Di-Pormal - ito ay mga salitang
karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap sa mga
kakilala o kaibigan.
Tatlong Uri Ng Salitang Di-Pormal
C. Lalawiganin - ito ay mga salitang karaniwang
ginagamit sa mga lalawigan o probinsiya o kaya’y
particular na pook kung saan nagmula o kilala ang
wika. Kapansin-pansing ang mga lalawiganing
salita ay may taglay na kakaibang tono o bigkas na
maaaring magbigay ng ibang kahulugan nito.
21. Paraan Upang Makabuo Ng Salitang Lalawiganin
Halimbawa:
ambot mula sa salitang Bisaya na ang ibig sabihin
ay “ewan”
kaon mula sa salitang Bisaya na ang ibig sabihin
ay “kain”
biag mula sa salitang Ilocano na ang ibig sabihin
ay “buhay”
ngarud mula sa salitang Ilocano na katumbas ng
katagang “nga”
22. Dalawang uri ng antas ng Wika
1. Mga Salitang Impormal O Di-Pormal - ito ay mga salitang
karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap sa mga
kakilala o kaibigan.
Mga Salitang Pormal
A. MGA SALITANG PORMAL - mga salitang istandard
dahil ang mga ito ay ginagamit ng karamihan ng mga
nakapag-aral sa wika. Ito ang mga salitang ginagamit
sa paaralan, sa panayam, seminar, gayundin sa mga
aklat, ulat, at sa iba pang usapan o sulating pang-
intelektuwal.
23. Paraan Upang Makabuo Ng Salitang Pormal
Halimbawa:
a. Maybahay sa halip na waswit
b. Ama at ina sa halip na erpat at ermat
c. Salapi o yaman sa halip na datung
Kabilang din sa uring ito ang masisining na salitang tulad
ng mga tayutay na lalong nagpaparikit sa pagkakagamit ng
wika.
Halimbawa:
a. “Ang kinis ng kanyang buhok ay nakikipag-agawan sa
nagmamanibalang na mangga.”
b. “Ang bilugang pisngi’y may biloy na sa kanyang pagngiti’y
binubukalan mandin ng pag-ibig.
Mula sa “Ang Dalaginding” ni Inigo Ed Regalado
24. Panuto: Isulat ang mga salitang sinalungguhitan sa hanay B. Tukuyin
kung anong antas ng wika ito napabilang (Balbal, Kolokyal,
Lalawiganin, Pormal ) at isulat sa hanay C. ( Ang guro ay magbibigay
ng hiwalay na pahina para sa gawaing ito.)
HANAY A
BAHAGI NG AWITING-BAYAN
HANAY B
SALITA
HANAY C
ANTAS NG WIKA
Ang Dalagang Pilipina
Ang dalagang Pilipina
Parang tala sa umaga
Kung tanawin ay
nakaliligaya
May ningning at tangi
at
25. Panuto: Isulat ang mga salitang sinalungguhitan sa hanay B. Tukuyin
kung anong antas ng wika ito napabilang (Balbal, Kolokyal,
Lalawiganin, Pormal ) at isulat sa hanay C. ( Ang guro ay magbibigay
ng hiwalay na pahina para sa gawaing ito.)
HANAY A
BAHAGI NG AWITING-BAYAN
HANAY B
SALITA
HANAY C
ANTAS NG WIKA
Dandansoy
Dandansoy, bayaan ta
ikaw Pauli ako sa payaw
Ugaling kung ikaw
hidlawon
Ang payaw imo lang
lantawon
26. Panuto: Isulat ang mga salitang sinalungguhitan sa hanay B. Tukuyin
kung anong antas ng wika ito napabilang (Balbal, Kolokyal,
Lalawiganin, Pormal ) at isulat sa hanay C. ( Ang guro ay magbibigay
ng hiwalay na pahina para sa gawaing ito.)
HANAY A
BAHAGI NG AWITING-BAYAN
HANAY B
SALITA
HANAY C
ANTAS NG WIKA
BEBOT
Bebot, bebot
Be bebot, bebot
Be bebot, bebot be
Ikaw ang aking
Bebot, bebot
27. Kung umabot ka na sa bahaging ito ay ibig sabihin ay
natutunan mo na ang dapat malaman sa aralin na ito.
Ngayon ay ating pagtitibayin ang iyong kaalaman sa
bahaging ito.
Panuto: Basahin ang ilang bahagi ng awiting-bayan at
suriin ang mga antas ng wika na ginamit sa mga salitang
may salungguhit.
1. Dandansoy, bayaan na kita. Babalik ako sa payaw. Ang
salitang bayaan ay halimbawa ng______.
a. Pormal
b. Balbal
c. Kolokyal
28. Kung umabot ka na sa bahaging ito ay ibig sabihin ay
natutunan mo na ang dapat malaman sa aralin na ito.
Ngayon ay ating pagtitibayin ang iyong kaalaman sa
bahaging ito.
Panuto: Basahin ang ilang bahagi ng awiting-bayan at
suriin ang mga antas ng wika na ginamit sa mga salitang
may salungguhit.
2. Ikaw ang aking bebot. Ang bebot ay isang uri ng antas
ng di-pormal na wika na_____.
a. Balbal
b. Pormal
c. Kolokyal
29. Kung umabot ka na sa bahaging ito ay ibig sabihin ay
natutunan mo na ang dapat malaman sa aralin na ito. Ngayon
ay ating pagtitibayin ang iyong kaalaman sa bahaging ito.
Panuto: Basahin ang ilang bahagi ng awiting-bayan at
suriin ang mga antas ng wika na ginamit sa mga salitang may
salungguhit.
3. “Ang dalagang Pilipina parang tala sa umaga,kung tanawin
ay nakaliligaya.”
Ang pariralang may salungguhit ay nabibilang sa antas ng
wika na ______.
a. Pormal
b. Balbal
c. Kolokyal
d. Lalawiganin
30. Kung umabot ka na sa bahaging ito ay ibig sabihin ay
natutunan mo na ang dapat malaman sa aralin na ito.
Ngayon ay ating pagtitibayin ang iyong kaalaman sa
bahaging ito.
Panuto: Basahin ang ilang bahagi ng awiting-bayan at
suriin ang mga antas ng wika na ginamit sa mga salitang
may salungguhit.
4. Sa awiting “Si Pelimon, si Pelimon nangisda sa
karagatan, nakahuli, nakahuli ng isdang tambasakan,
ang kanyang huli ay guibaligya sa munting
palengke.”Ang guibaligya ay kabilang sa antas na di-
pormal na______.
a. Balbal
b. Pormal
c. Kolokyal
31. Kung umabot ka na sa bahaging ito ay ibig sabihin ay
natutunan mo na ang dapat malaman sa aralin na ito.
Ngayon ay ating pagtitibayin ang iyong kaalaman sa
bahaging ito.
Panuto: Basahin ang ilang bahagi ng awiting-bayan at
suriin ang mga antas ng wika na ginamit sa mga salitang
may salungguhit.
5. “O aking mahal, nahan ngayon ang iyong habag? Bakit
di mo lingapin ang pusong nagdurusa” Ang salitang
nakasalungguhit ay halimbawa ng antas na wika
na______.
a. Pormal
b. Balbal
c. Kolokyal
32. Umabot ka na sa bahaging malapit mo nang
mapagtagumpayan ang aralin. Ngayon ay muli na namang
susubukin ang iyong natutunan sa kabuuan ng aralin. Masusukat
dito kung lubos mo bang naunawaan ang aralin. Handa ka na ba?
Halika at iyong simulang sagutin ang mga tanong.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag at isulat
ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel/ notbuk.
1. Pupunta ka ba bukas sa eskwelahan? Ang salitang eskwelahan
ay halimbawa ng ____.
a. Balbal
b. Kolokyal
c. Lalawiganin
d. Pormal
33. Umabot ka na sa bahaging malapit mo nang
mapagtagumpayan ang aralin. Ngayon ay muli na namang
susubukin ang iyong natutunan sa kabuuan ng aralin. Masusukat
dito kung lubos mo bang naunawaan ang aralin. Handa ka na ba?
Halika at iyong simulang sagutin ang mga tanong.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag at isulat ang titik
ng tamang sagot sa inyong sagutang papel/ notbuk.
2. Sabik na sabik na akong makita ang aking mga kapatid at ina. Kelan
kaya ako makadadalaw sa kanila? Ang salitang kelan ay halimbawa
ng____.
a. Balbal
b. Pormal
c. Kolokyal
d. Lalawiganin
34. Umabot ka na sa bahaging malapit mo nang
mapagtagumpayan ang aralin. Ngayon ay muli na namang
susubukin ang iyong natutunan sa kabuuan ng aralin. Masusukat
dito kung lubos mo bang naunawaan ang aralin. Handa ka na ba?
Halika at iyong simulang sagutin ang mga tanong.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag at isulat ang titik
ng tamang sagot sa inyong sagutang papel/ notbuk.
3. Ang astig ng kapatid mong galing Amerika, parang ang idolo kong si
Robin Padilla. Ang salitang itiniman ay halimbawa ng ____.
a. Pormal
b. Kolokyal
c. Balbal
d. Lalawiganin
35. Umabot ka na sa bahaging malapit mo nang
mapagtagumpayan ang aralin. Ngayon ay muli na namang
susubukin ang iyong natutunan sa kabuuan ng aralin.
Masusukat dito kung lubos mo bang naunawaan ang aralin.
Handa ka na ba? Halika at iyong simulang sagutin ang mga
tanong.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag at isulat
ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel/ notbuk.
4. Ang chaka naman ng panaginip ko. Ang chaka ay salitang
balbal na ang ibig sabihin ay_____
a. Pangit
b. Kaakit-akit
c. maganda
d. Kahali-halina
36. Umabot ka na sa bahaging malapit mo nang
mapagtagumpayan ang aralin. Ngayon ay muli na namang
susubukin ang iyong natutunan sa kabuuan ng aralin. Masusukat
dito kung lubos mo bang naunawaan ang aralin. Handa ka na ba?
Halika at iyong simulang sagutin ang mga tanong.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag at isulat ang titik
ng tamang sagot sa inyong sagutang papel/ notbuk.
5. Ang kakosa ko ay hindi nagkait ng tulong sa panahon ng aking
kagipitan. Ang kakosa ay salitang balbal na ang ibig sabihin ay____.
a. Kapatid
b. Kaibigan
c. Kaaway
d. Kalaro
37. Umabot ka na sa bahaging malapit mo nang
mapagtagumpayan ang aralin. Ngayon ay muli na namang
susubukin ang iyong natutunan sa kabuuan ng aralin.
Masusukat dito kung lubos mo bang naunawaan ang aralin.
Handa ka na ba? Halika at iyong simulang sagutin ang mga
tanong.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag at isulat
ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel/ notbuk.
6. Masarap kainin ang inapoy kapag mainit pa. Ang inapoy ay
salitang Ilokano na ang ibig ipakahulugan ay_____.
a. Kanin
b. Lugaw
c. Tinapay
d. Pansit
38. Umabot ka na sa bahaging malapit mo nang
mapagtagumpayan ang aralin. Ngayon ay muli na namang
susubukin ang iyong natutunan sa kabuuan ng aralin.
Masusukat dito kung lubos mo bang naunawaan ang aralin.
Handa ka na ba? Halika at iyong simulang sagutin ang mga
tanong.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag at isulat
ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel/ notbuk.
7. Madalas ang paggoli ngayong tag-init. Ang paggoli ay salitang
balbal na ang ibig sabihin ay_____.
a. Paglalaba
b. Pagligo
c. Pagsasampay
d. Pagkukula
39. Umabot ka na sa bahaging malapit mo nang
mapagtagumpayan ang aralin. Ngayon ay muli na namang
susubukin ang iyong natutunan sa kabuuan ng aralin.
Masusukat dito kung lubos mo bang naunawaan ang aralin.
Handa ka na ba? Halika at iyong simulang sagutin ang mga
tanong.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag at isulat
ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel/ notbuk.
8. Sa panahon ng pandemya, maraming tao ang nakaranas ng
tomguts. Ang ibig ipakahulugan ng tomguts ay_____.
a. Gutom
b. Busog
c. Sagana
d. Marami
40. Umabot ka na sa bahaging malapit mo nang
mapagtagumpayan ang aralin. Ngayon ay muli na namang
susubukin ang iyong natutunan sa kabuuan ng aralin.
Masusukat dito kung lubos mo bang naunawaan ang aralin.
Handa ka na ba? Halika at iyong simulang sagutin ang mga
tanong.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag at isulat
ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel/ notbuk.
9. Mga salitang karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap sa mga
kakilala o kaibigan.
a. Pormal
b. Balbal
c. Kolokyal
d. Lalawiganin
41. Umabot ka na sa bahaging malapit mo nang
mapagtagumpayan ang aralin. Ngayon ay muli na namang
susubukin ang iyong natutunan sa kabuuan ng aralin.
Masusukat dito kung lubos mo bang naunawaan ang aralin.
Handa ka na ba? Halika at iyong simulang sagutin ang mga
tanong.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag at isulat
ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel/ notbuk.
10. Salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng
karamihan sa mga nakapag-aral ng wika.Pormal
a. Balbal
b. Pormal
c. Kolokyal
d. Di-Pormal
42. Umabot ka na sa bahaging malapit mo nang
mapagtagumpayan ang aralin. Ngayon ay muli na namang
susubukin ang iyong natutunan sa kabuuan ng aralin.
Masusukat dito kung lubos mo bang naunawaan ang aralin.
Handa ka na ba? Halika at iyong simulang sagutin ang mga
tanong.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag at isulat
ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel/ notbuk.
11. Ang mga salitang ito ay may kakaibang tono o bigkas na
maaaring magbigay pa ng ibang kahulugan nito.
a. Kolokyal
b. Balbal
c. Lalawiganin
d. Pormal
43. Umabot ka na sa bahaging malapit mo nang
mapagtagumpayan ang aralin. Ngayon ay muli na namang
susubukin ang iyong natutunan sa kabuuan ng aralin.
Masusukat dito kung lubos mo bang naunawaan ang aralin.
Handa ka na ba? Halika at iyong simulang sagutin ang mga
tanong.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag at isulat
ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel/ notbuk.
12. Ang salitang “Kano” ay halimbawa ng_______.
a. Lalawiganin
b. Balbal
c. Pormal
d. Kolokyal
44. Umabot ka na sa bahaging malapit mo nang
mapagtagumpayan ang aralin. Ngayon ay muli na namang
susubukin ang iyong natutunan sa kabuuan ng aralin.
Masusukat dito kung lubos mo bang naunawaan ang aralin.
Handa ka na ba? Halika at iyong simulang sagutin ang mga
tanong.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag at isulat
ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel/ notbuk.
13. Ipinagbabawal sa mga kabataan ang nakalalasing na inumin
at yosi. Ang salitang “yosi” ay halimbawa ng______.
a. Kolokyal
b. Pormal
c. Balbal
d. Lalawiganin
45. Umabot ka na sa bahaging malapit mo nang
mapagtagumpayan ang aralin. Ngayon ay muli na namang
susubukin ang iyong natutunan sa kabuuan ng aralin. Masusukat
dito kung lubos mo bang naunawaan ang aralin. Handa ka na ba?
Halika at iyong simulang sagutin ang mga tanong.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag at isulat ang titik
ng tamang sagot sa inyong sagutang papel/ notbuk.
14. Ang dami ng masasarap na pagkain, mapaparami na naman ang kain
ko nito, sira na naman my diet here. Ang salitang initiman ay
halimbawa ng______.
a. Pormal
b. Kolokyal
c. Lalawiganin
d. Balbal
46. Umabot ka na sa bahaging malapit mo nang
mapagtagumpayan ang aralin. Ngayon ay muli na namang
susubukin ang iyong natutunan sa kabuuan ng aralin. Masusukat
dito kung lubos mo bang naunawaan ang aralin. Handa ka na ba?
Halika at iyong simulang sagutin ang mga tanong.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag at isulat ang titik
ng tamang sagot sa inyong sagutang papel/ notbuk.
15. Sa bawat araw na pumapasok sa paaralan, ang palaging bilin at
sinasabi sa amin ni nanay “pag-amping.” Ang pag-amping ay _____
a. Kolokyal
b. Balbal
c. Pormal
d. Lalawiganin