SlideShare a Scribd company logo
1 of 365
Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Wika at Kulturang
Pilipino
Mass Training for
Grade 11
LAYUNIN
1. Naiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa mga napakinggang
sitwasyong pangkomunikasyon sa
radyo, talumpati, at mga panayam
2. Natutukoy ang mga kahulugan at
kabuluhan ng mga konseptong
pangwika
LAYUNIN
3.Niuugnay ang mga konseptong
pangwika sa mga napanood na
sitwasyong pang komunikasyon sa
telebisyon (halimbawa: Tonight with
Arnold Clavio, State of the Nation,
Mareng Winnie,World of the Lourd
(http://lourddeveyra.blogspot.com)
Paksa
• Mga Konseptong Pangwika
•Wika
•Wikang Pambansa
•Wikang Panturo
•Wikang Opisyal
•Bilinggwalismo
•Multilinggwalismo
•Register/Barayti ng Wika
•Homogenous
•Heterogenous
• Linggwistikong Komunidad
• Unang Wika
• Pangalawang wika at iba pa
Mga Katanungan:
1.Bakit ninyo napagdesisyunan na dito mag-
aral?
2.Ano ang naging dahilan upang kuhanin ninyo
ang strand na HUMSS?
3.Marami na ba kayong naging kakilala buhat
nang magsimula ang pasukan noong lunes?
Ang wika mismo ang patunay na
tayo’y may katutubong kultura.
Isang wikang patuloy na nabuhay sa
kabila ng mahabang pananakop na
nagbigay kaalaman at karunungan
sa ating lahi. ( Prof. Virgilio S.
Almario)
Ang wika ay isang sistema ng
komunikasyon sa pagitan ng
mga tao sa pamamagitan ng
mga pasulat o pasalitang
simbulo.(Webster,1974)
Masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng
mga taong kabilang sa isang
kultura (Henry Gleason, 1988)
Ang wika ang pangunahin
at pinakaelaboreyt na
anyo ng simbolikong
gawaing pantao.( Archibald
Hill)
WIKA
• Ang lahat ng wika ng tao ay
nagsimula sa tunog. Kung kaya’t
lumutang ang konseptong
“ponosentrismo” (phonocentrism)
na nangangahulugang “ una ang
bigkas bago ang sulat” ayon kay
Ferdinand saussare (1911).
Katangian ng Wika
1. Ang wika ay masistemang
balangkas
Ponolohiya Morpolohiya Sintaksis
Tunog Salitang-ugat Pangungusap Diskurso
(Ponema) (Morpema) (sambitla)
2. Ang wika ay sinasalitang tunog.
Hindi lahat ng tunog ay wika
sapagkat hindi lahat ng tunog ay may
kahulugan.
Wikang Filipino-2 pangkat ng ponema
katinig- punto ng artikulasyon
patinig-posisyon ng dila
PARAAN NG
ARTIKULASYON PUNTO NG ARTIKULASYON
PASARA
(walang tunog
may tunog)
LABI
p
b
NGIPIN
t
d
GILAGID NGALANGALA GLOTTAL
̉
PALATAL VELAR
k;g
PAILONG
(may tunog) m n
ᵑ
PASUTSOT
(walang tunog)
s
PAGILID
(may tunog)
l
PAKATAL
(may tunog)
r
MALAPATINIG
(may tunog)
y w
HARAP SENTRAL LIKOD
MATAAS i u
GITNA e o
MABABA a
3.Ang wika ay arbitraryo
• - sapagkat may iba’t ibang gamit ang wika
ng iba’t ibang komunidad.
4. Ang wika ay ginagamit sa
komunikasyon.
Ano ang silbi ng patay na wika?
5. Ang wika ay nakabatay sa
kultura
6. Ang wika ay nagbabago.
7. Ang wika ay pantao.
8. Ang wika ay pinipili at
isinasaayos.
Antas ng Wika
• 1.Pormal – Ito ang salitang istandard dahil
kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakararami lalo na ang nakapag-aral ng wika.
a. Pambansa – Ito ang salitang karaniwang
ginagamit sa mga aklat pangwika/
pambalarila sa lahat ng mga paaralan
b. Pampanitikan o Panretorika – Ito
ang mga sulating gamitin ng mga
manunulat sa kanilang mga akdang
pampanitikan.
Ito ang mga salitang karaniwang
matatayog, malalalim, makulay at
masining. Madalas itong gumagamit
ng mga idyoma at/o tayutay.
2. Impormal – Ito ang mga
salitang karaniwan, palasak,
pang-araw-araw na madalas
nating gamitin sa pakikipag-
usap at pakikipagtalastasan sa
mga kakilala at kaibigan.
a. Lalawiganin- Ito ang bokabularyong
dayalektal. Gamitin ang mga ito sa mga
partikular na pook o lalawigan lamang,
maliban kung ang mga taal na
gumagamit nito ay magkikita-kita sa
ibang lugar dahil natural na sila itong
naibubulalas.
Makikilala rin ito sa pagkakaroon na
kakaibang tono, o ang tinatawag ng
marami na punto.
b.Kolokyal – Ito’y mga pang-araw-
araw na salita na ginagamit sa mga
pagkakataong impormal. Maaaring
may kagaspangan nang kaunti ang
mga salitang ito ngunit maaari rin
itong maging repinado ayon sa kung
sino ang nagsasalita nito.
Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang
mga salita lalo na sa mga pasalitang
komunikasyon ay mauuri rin sa antas
nito.
Halimbawa:
Nasa’n (nasaan), pa’no (paano), sa’kin (sa
akin),
Sa’yo (sa iyo), kelan (kailan), meron
(mayroon).
c. Balbal – Ito ang tinatawag sa
Ingles na slang. Sa mga
pangkat-pangkat nagmumula
ang ang mga ito upang ang
mga pangkat ay magkaroon ng
sariling codes.
• Mababang antas ng wika ito,
bagamat may mga dalubwikang
nagmumungkahi ng higit pang
mababang antas, ang antas-
bulgar (Halimbawa nito ay mga
mura at mga salitang may
kabastusan).
Pormal Impormal
Pambansa Pampanitikan/P
anretorika
Lalawiganin Kolokyal Balbal
ina
Ilaw ng tahanan Inang Nanay Ermat
Ama Haligi ng
tahanan
Itang Tatay erpat
Baliw Nasisiraan ng
bait
Muret,bal-la,
buang
Sira ulo Praning, me
toyo
Umiiyak Lumuluha Agsangsangit,na
ghilaka
Umiiyak krayola
Maganda Marikit Napinta,magayo
n, gwapa
Maganda adnagam
Paraan o proseso ng pagbuo
ng salitang balbal
• Paghango sa salitang
katutubo/Lalawiganin
Halimbawa : gurang (Bic., Bis)
bayot (Ceb.)
buang (Bis.)
dako (Bis)
• Panghihiram sa Wikang Banyaga
(maaaring nananatili o nagbabago ang
orihinal na kahulugan ng salita)
Halimbawa:
pikon (pick on, Eng.)
wheels ( Eng.)
Indian (Eng.)
Salvage (Eng.)
• Pagbibigay ng Bagong kahulugan sa salitang
Tagalog
• Halimbawa:
hiyas (gem –virginity)
Luto (cook –game fixing)
Taga (hack –commission)
Ube (purple yam- (P 100)
Bata (child,fiancee)
Pagpapaikli/Reduksyon
Halimbawa:
Muntinlupa – Munti
Kaputol- utol/tol
Wala –wa
Amerikana - Kana
• Pagbabaligtad/ Metatesis
a. Buong Salita
Halimbawa: bata- atab
kita- atik
bakla – alkab
maganda- adnagam
b. Papantig
Halimbawa:
pulis-lespu
kotse-tsikot
tigas –astig
kaliwa-wakali
party -tipar
• Paggamit ng akronim
gg- (galunggong)
Hp (hindi pansin)
Ksp (kulang sa pansin)
Pg (patay gutom)
Hd (hidden desire)
Tl ( true love)
• Pagpapalit ng pantig
Halimbawa: daya-joya Asawa – jowa
bakla –jokla
walanghiya –walanjo/walastik
• Paghahalo ng Wika
Anong say mo ma-take
bakal boy
ma-get
• Paggamit ng bilang
14344 (I love you very much)
1432 ( I love you too)
5254 ( mahal na mahal kita)
50-50 ( naghihingalo, pantay)
48 years ( matagal)
• Kumbinasyon
a. Pagbabaligtad at pagdaragdag
Halimbawa: hiya-yahi-dyahi
wala-alaw-alaws
b. Pagpapaikli at Pagdaragdag
Pilipino –Pino- Pinoy
Bagito – baget -bagets
• Pagpapaikli at Pagbabaligtad
pantalon –talon –lonta
sigarilyo - siyo –yosi
Panghihiram at Pagpapaikli
Dead malice – dedma
American boy –amboy
tomar – toma
security – sikyo
• Panghihiram at Pagdaragdag
Halimbawa: get – gets/getsing
in-love –inlab/inlababo
dead - dedo
cry -crayola
• Pinakamainit na Balita ngayong Araw
• Speech – President Rodrigo Duterte
• Mga Katolikong ginunita ang Salubong sa
Pasko ng Pagkabuhay
• TL Ako Sa iyo
GAWAIN
1.Maglista ng limang bagong
salitang hindi pa umiiral noon.
2. Maglista ng limang salitang
hindi na o bihira nang gamitin
ngayon
GAWAIN
3. Maglista ng limang lumang
salitang may bago nang
kahulugan ngayon.
4. Maglista ng limang salitang
Ingles na walang katumbas sa
Filipino.
MGA TEORYA NG
PINAGMULAN NG WIKA
1. Tore ng Babel
2. Bow-wow- Ang wika ay mula sa panggagaya
sa tunog ng kalikasan.
3. Pooh-pooh- Pagbulalas tulad ng matinding
damdamin gaya ng sakit, tuwa, sarap,
kalungkutan, takot at pagkabigla.
4. Yo-he -yo- bunga ng pwersang pisikal.
5. Ta-ra-ra-boom-de-ay- nag-ugat sa tunog
na nililikha sa mga ritwal na kalauna'y
nagpabago-bago at nilapatan ng iba't ibang
kahulugan.
6. tata- kumpas o galaw ng kamay ng tao
na kanyang ginagawa sa bawat partikular
na okayson ay ginaya ng dila at naging
sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng
tunog at kalaunay nagsalita.
7. Ding-dong- katulad ng bow-wow
ngunit hindi limitado sa kalikasan
“lahat ng bagay ay may sariling
tunog na siyang kumakatawan sa
bawat isa at at ang tunog na iyon ang
siyang ginagad ng sinumang tao na sa
kalaunan ay nagbago at nilapatan ng
iba't ibang kahulugan. “
8. Mama- nagmula ang wika sa pinakamadadaling
pantig ng pinakamahahalagang bagay.
9. Sing-song- ang unang salita ay sadyang
mahahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas
na pinaniniwalaan ng marami.
10. Hey you- nagmula ang wika sa mga tunog na
nagbabadya ng pagkakakilanlan (ako!) at
pagkakabilang (tayo!). Napabulalas din tayo bilang
pagbabadya ng takot, galit o sakit (saklolo) .
Tinatawag din itong teoryang kontak.
11. Coo-coo- ang wika ay nagmula sa tunog na
nililikha ng mga sanggol.
12. Yum-yum- katulad ng tata, pinag-uugnay nito
ang tunog at kilos ng katawan.
13. Babble Lucky- ang wika ay nagmula sa walang
kahulugang bulalas ng tao.
14. Hokus-pokus- tulad ng pinanggalingan ng mga
mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng
ating mga ninuno.
15. Eureka- maaari raw na ang
ating mga ninuno ay may ideya
ng pagtatakda ng mga
arbitraryong tunog upang
ipakahulugan sa mga tiyak na
bagay.
Ang wikang pambansa ng Pilipinas
ay Filipino.
Filipino
Pilipino
Tagalog
Ayon sa Merriam –Webster Dictionary, ang
wikang pambansa ay tumutukoy sa isang
wikang ginagamit nang pasalita at
pasulat ng mga mamamayan ng isang
bansa. Ito ang nag-iisang wikang
ginagamit batay sa kultura ng lipunan.
Nagiging batayan din ito ng identidad o
pagkakakilanlan ng grupo ng taong
gumagamit nito.
• Sa Pilipinas , Filipino ang de jure at de facto na
pambansang wika ng bansa. De jure sapagkat
legal at naaayon sa batas na Filipino ang
pambansang wika. Tinitiyak ng ating
konstitusyon ang pagkakaroon at
pagpapaunlad ng isang pambansang wika.
Matatagpuan sa Artikulo XIV, Seksyon 6-9 ng
Konstitusyon ng 1987 ang mga tiyak na
probisyong kaugnay ng wika.
Ayon dito:
Ang wikang Pambansa ng
Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay
dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral
na wika sa Pilipinas at sa iba
pang wika.
• Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-
ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng mga
hakabanging ang pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang daluyan ng
opisyal na komunikasyon at bilang wika
ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.
Wikang Panturo
• Nakabatay sa pangkalahatang polisiya sa
wika at programa sa edukasyon ng isang
bansa, ang wikang panturo ay ang
wikang ginagamit sa midyum o daluyan
ng pagtuturo at pagkatuto sa sistema ng
edukasyon.
• Wikang panturo ang wikang ginagamit ng
guro upang ituro sa mga mag-aaral.
• Nauunawaan ng mga mag-aaral ang iba’t
ibang konsepto, teorya, pangkalahatang
nilalaman at mga kasanayan sa isang tiyak na
asignatura o larangan.
• Inaasahan din na sa kalaunan ng pag-aaral ay
nagiging bihasa ang mga mag-aaral sa wikang
panturo na ginagamit sa paaralan at maging
siya ay epektibong magagamit ito sa
pagkakamit ng lalong mataas na kaalaman.
• Sa Pilipinas, ipinatupad ang
Bilinggual Education Policy (BEP)
noong 1987 bilang pagtupad sa
mandato ng Konstitusyong 1987.
• Pangunahing nilalalaman ng
polisiyang pangwikang ito ang
paggamit ng Filipino at Ingles bilang
mga wikang panturo.
• Ipinatupad naman ang Mother
Tongue-Based Multilingual
Education (MTB MLE) noong
2009 na nagbibigay-diin sa
paggamit ng mga katutubong
wika bilang unang wika ng mga
mag-aaral na wikang panturo sa
sistema ng edukasyon sa
Pilipinas.
• Ang mga wikang opisyal ay Filipino at Ingles.
• Ang mga opisyal na wikang panturo ay
Filipino at Ingles.
• Ang mga wikang Panrehyon ay pantulong na
wikang panturo at pakikipagtalastasan
How Batangueño write a
love letter
Giliw,
Sa oras na sapitin ng aking liham na arih ay
ikaw sana'y nasa maigeng kalagayan.
Ako'y napasulat sa iyo upang ipaalam na
talagang ako'y parang minsa'y nag-uulagain
na, ika ng Inay.
Ay awan baga, kung bakin noong una
kung mamulaglagan ang kislap ng
iyong busileg at umis mong matam-es
pa sa asukal na pula, wari ko baga'y
pirming ike nasagi sa aking balintataw.
Hindi ko mawari ang nasa loob ng
aking tiyan kung paru-paro pa baga o
kalagaykay na. Magpakaanu-ano ma'y
gartong nakapagtapat na ako ng aking
pag-ibig, mangyaring sagutin mo ang
aking liham kung kailangan ko nang
mag-inainata ng pag-iimpok para sa
kinseng baboy.
Siya, hanggang dine na laang.
Narineng ang Tatay ihh palakat na't
yari na daw ang tudling. Sana nama'y
sa pagsibol nareng aming itatanim na
mais ihh sumibol na rin ang pag-ibig
mo sa akin.
Ingate ang iyong sarili at mamahalin pa
kita.
PS:
Hindi ko na lalanguyin ang malawak na
dagat. Hindi ko na din aakyatin ang
matayog na bundok. Iyo'y luma na.
Basta tandae arih; Miski ike singkar
kaligalig, sa iyo pa rin ako iibig, kikikig, at
mangingisig! 💕
Tapat na mangingibig,
Batang
• BILINGGUWALISMO- isang
penomenang pangwika na tahasan
at puspusang tinatalakay sa
larangan ng sosyolinggwistiks.
Ipinapakita rito ang malaking
ugnayan ng wika at lipunan at kung
paano ang lipunan ay nakapag-
aambag sa debelopment ng wika.
• Ang patakarang pangwika na
nakasaad sa Saligang-Batas ng 1973
at 1987 ay tumutugon sa
instrumental na pangangailangan ng
mga Pilipino upang magkaroon ng
pagkakaisa hindi lamang sa identidad
sa pamamagitan ng wika
MGA BATAYAN SA PAGTUTURO
NG EDUKASYONG BILINGUWAL
1974
• panahon ng aktibismo at demonstrasyon-
simula ng pag-unlad ng wikang pambansa.
• Sa UP pinagtibay ng dating Presidente
Salvador P. Lopez ang tinaguriang malayang
bilingguwalismo. (paggamit ng Pilipino
bilang midyum ng pagtuturo at ang
sinumang estudyante sa UP ay
makagagamit ng Ingles at/o Filipino sa
anumang asignatura/aralin)
• Noong 1969 pinagtibay ni Pangulong Ferdinand
E. Marcos ang Executive Order No.202 na bubuo
sa Presidential Commission to Survey Philippine
Education (PCSPE) upang gumawa ng masusing
pag-aaral sa pagpapabuti ng sistema ng
edukasyon tulad ng inaasahan. . .ang wika ng
pagtuturo ang siyang nakita ng komisyon na
nangangailangan ng atensyon.
Pinagtibay ng PCSPE na:
• (1) ang Pilipino ang pangunahing
midyum sa elementary, at ang
bernakular ay pantulong na wika sa
unang dalawang taon sa mga lugar
na di-Tagalog
• (2) ang Pilipino at Ingles ang mga
midyum sa sekundarya at tersiyarya
• Noong 1971 sa bisa ng E.O. 318 s. 1971,
binuo ng Pangulo ng Pilipinas ang
Educational Development Projects
Implementing Task Force(EDPITAF) sa
ilalim ng pamumuno ng Kagawaran ng
Edukasyon upang bumuo ng programa
para sa implementasyon ng mga
rekomendasyon sa Komisyon.
• Kasunod nito pinagtibay noong 1973 ang
palisi sa edukasyon sa pamamagitan ng
bagong Konstitusyon na nagsasaad sa Sek.
3, Artikulo XIV, na:
• Ang Pambansang Asamblea ay gagawa ng
mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pormal na adopsiyon ng isang panlahat na
wikang pambansa na makikilalang Filipino.
• Hangga’t walang ibang itinadhana ang batas,
ang Ingles at Pilipino ang dapat na mga wikang
opisyal.
• Pebrero 27, 1973, batay sa probisyon ng
bagong Konstitusyon sinunod ng Lupon ng
Pambansang Edukasyon ang Bilingguwal na
Patakaran sa Edukasyon. Sa Resolusyon Blg.
73-7 ng Lupon noong Agosto 7, 1973,
pinagtibay ang mga sumusunod (Bernabe
1987-159):
• Na ang Ingles at Pilipino ay
magsisilbing midyum ng
pagtuturo at ituturo bilang mga
asignatura sa kurikulum mula
Baitang I hanggang sa
unibersidad sa lahat ng mga
paaralang publiko at pribado.
C.IMPLEMENTASYON NG
EDUKASYONG BILINGGUWAL
1974
• Hunyo 19, 1974 ang Kagawaran ng
Edukasyon at Kultura ay naglagda sa
pamamagitan ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974 ng
mga panuntunan sa pagpapatupad
ng Patakarang Edukasyong
Bilingguwal. Ayon sa panuntunang
ito:
• Ang edukasyong bilingguwal ay
binibigyan ng katuturang
magkahiwalay na paggamit ng
Pilipino at Ingles bilang mga panturo
sa mga tiyak na asignatura, sa
pasubaling gagamitin ang Arabic sa
mga lugar na ito’y kinakailangan.
• Ang implementasyon ng Edukasyong
Bilingguwal ay binubuo ng apat na taong
transisyon (1974-1978) na uumpisahan ang
paggamit ng Pilipino bilang midyum sa mga
asignaturang tulad ng A.P (Social Studies),
Agham Panlipunan (Social Science),
Edukasyong Panggawain (Work Education),
Edukasyon sa Wastong Pag-uugali (Character
Education), Edukasyong Pangkalusugan
(Health Education).
• Simula 1978 hanggang 1982
magiging sapilitan na ang
paggamit ng Pilipino sa mga
paaralan sa mga Tagalog na lugar
at sa mga lugar na nagsisimulang
gumamit nito noong 1974-1975.
• Kautusang Pangkagawaran Blg. 50 s. 1975
ipinag-utos ang sumusunod:
• Courses in English and Pilipino shall be offered
in tertiary institution as part of appropriate
curricula pursuant to the policy of bilingual
education; furthermore, by school year 1984,
all graduates of tertiary institutions should be
able to pass examinations in English and/or
Pilipino for the practice of their profession.
• Nagtakda ng tiyak na programa ng
pagtuturo ng Pilipino sa antas
tersiyarya (MEC Order No. 22, s.
1978).
–simula sa taong panuruan 1979-
1980, magsasama sa kurikulum ang
lahat ng mga institusyong tersiyarya
ng anim (6) na yunit ng Pilipino.
Wikang Opisyal
• Ang wikang itinatadhana ng batas bilang
wikang gagamitin /ginagamit sa mga opisyal
na komunikasyon sa gobyerno.
• Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa mga
opisyal na dokumento na may kinalaman sa
korte, lehislatura at pangkalahatang
pamamamahala sa gobyerno , maging sa
sistema ng edukasyon
• Usapin ng pagsasakapangyarihan ng isang
tiyak na wika at grupo ng mga taong
gumagamit nito ang pagkapili rito bilang
opisyal na wika sapagkat may kaakibat itong
prebelehiyo at adbentahe.
• Sa Pilipinas, itinatakda sa Konstitusyong 1987
ang Filipino at Ingles bilang mga opisyal na
wika ng bansa.
• Narito ang tiyak na probisyong pangwika sa
Artikulo XIV ng Konstitusyon.
Sek.7 – Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo , ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino hanggat walang itinatadhana ang bats,
Ingles.
Sek.8- Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa
Filipino at Ingles; at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
Bilinggwalismo
• Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang
taong makapagsalita ng dalawang wika.
Maaari ring ilapat ang konsepto sa isang
buong komunidad kung saan ginagamit
ng mga mamamayan ang dalawang
magkaibang wika o kaya naman ay ang
politikal o institusyunal na pagkilala sa
dalawang wika.
•Ayon kay Lowry (2011),
isang Speech-Language
Pathologist, maraming
kapakinabangan ang
bilingguwalismo sa isang
indibidwal.
• Ipinapakita sa pananaliksik na ang
mga bilingguwal na bata ay
kadalasang mas malikhain at
nagpapakita ng kahusayan sa
pagpaplano at paglutas ng mga
kompleks na suliranin kaysa sa mga
batang iisang wika lamang ang
nauunawaan.
• Para naman sa mga matatandang bilingguwal,
nababawasan ang pagkakasakit na may
kinalaman sa pag-iisip dala ng pagtanda.
• Sa isang pag-aaral , ipinakitang mas nahuhuli
ng apat na taon ang pagkakaroon ng
dementia sa matatandang bilingguwal kaysa
sa monolingguwal.
• Ipinapakitang mas nagkakaroon din ng access
sa kapwa at kaparaanan ang mga
bilingguwal.
• Halimbawa, sa bansang Canada,
mas mataas ang employment
rate o bilang ng mga hanapbuhay
ng mga nakapagsasalita ng
wikang Pranses at Ingles kaysa sa
monolingguwal.
• Ipinatupad ang Bilingguwal Education
Policy (BEP) sa Pilipinas sa pamamagitan
ng National Board of Education (NBE)
Resolution No. 73-7, S. 1973.
• Noong 1994, ipinatupad ang polisiya sa
pamamagitan ng paglalabas ng DECS ng
Department Order No. 25, s. 1974 na
may titulong Implementing Guidelines
for the Policy on Bilingual Education.
• Sa kabuuan, naglalaman ito ng
gabay kung paanong
magkahiwalay na gagamitin
ang Filipino at Ingles bilang
wikang panturo sa mga tiyak
na larangan ng pagkatuto sa
mga paaralan
• Ayon sa polisiya, Pilipino (kalaunan
ay naging Filipino) ang gagamitin
bilang wikang panturo sa mga
asignaturang may kinalaman sa
Araling Panlipunan/ Agham
Panlipunan, Musika, Sining, Physical
Education, HE., at VE.
• Ingles naman ang gagamitin sa Syensya,
Teknolohiya at Matematika.
• Pangunahing layunin ng BEP na makamit
ang kahusayan ng mga mag-aaral sa
dalawang wika sa pambansang antas sa
pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang
wika at sa pamamagitan ng pagiging
wikang panturo nito sa lahat ng antas.
Sa kabuuan, nais nitong:
1. Mapataas ang pagkatuto sa
pamamagitan ng dalawang wika,
2. Maipalaganap ang wikang Filipino
bilang wika ng literasi,
3. Mapaunlad ang Filipino bilang simbolo
ng pambansang identidad at
pagkakaisa,
1. Malinang ang elaborasyon at
intelektuwalisasyon ng Filipino bilang
wika ng akademikong diskurso, at
2. Mapanatili ang Ingles bilang
internasyonal na wika para sa Pilipinas
at bilang wika ng syensya at
teknolohiya.
Tanong:
Sa iyong karanasan at kakayahan,
nakatulong ba ang patakarang
bilingguwal sa iyong pagkatuto?
• Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang
indibidwal na makapagsalita at
makaunawa ng iba’t ibang wika.
• Sa antas ng lipunan, ito ay
nangangahulugan ng pagkakaroon ng
iba’t ibang wika na sinasalita ng iba’t
ibang grupo ng mga tao sa mga
lalawigan at rehiyon.
• Ayon kay Stavenhagen (1990), iilang bansa
lamang sa buong mundo ang monolingguwal,
mas laganap ang lipunang multilingguwal
kung hindi man bilingguwal.
Kapakinabangan:
• Kritikal na pag-iisip
• Kahusayan sa paglutas ng mga suliranin
• Mas mahusay na kasanayan sa pakikinig
• Matalas na memorya
• Mas maunlad na kognitibong kakayahan at
mas mabilis na pagkatuto ng iba’t ibang wika
bukod sa unang wika.
• Sa kabuuan, ipinakikita rin ng mga
pananaliksik na mas pleksibol at bukas sa
pagbabago ang mga multilingguwal , gayundin
may mas malalim na pag-unawa at paggalang
sa iba’t ibang kultura at paniniwala
(Cummins,1981)
• Ayon sa UNESCO (2003) , upang tugunan ang
suliranin sa pagiging eksklusibo ng edukasyon
para sa iilan, kailangang buuin ang isang uri
ng edukasyong mataas ang kalidad at may
pagpapahalaga sa katutubong kultura at wika
ng mag-aaral. Gayon din, binuo ang tatlong
bahagi ng rasyonal na sumusuporta sa
MTB_MLE sa lahat ng antas ng edukasyon.
1. Tungo sa pagpapataas ng kalidad
na edukasyong nakabatay sa
kaalaman at karanasan ng mga
mag-aaral at guro;
2. Tungo sa promosyon ng
pagkakapantay sa lipunang iba-iba
ang wika; at
3. Tungo sa pagpapalakas ng
edukasyong multikultural at
pagkakaunawaan at paggalang sa
batayang karapatan sa
pamamagitan ng mga grupo sa
lipunan.
Sa Pilipinas, ipinatupad ang
multilingguwal na edukasyon sa
pamamagitan ng Department of
Education Order 16,s.2012 (Guidelines
on the Implementation of the MTB-
MLE) na may layuning:
1. Pagpapaunlad ng wika tungo sa
matatag na edukasyon at habambuhay
na pagkatuto;
2. Kognitibong pag-unlad na may
pokus sa higher order thinking skills
(HOTS).
3. Akademikong pag-unlad na
maghahanda sa mga mag-aaral na
paghusayin ang kakayahan sa iba’t
ibang larang ng pagkatuto;
4. Pag-unlad ng kamalayang
sosyo-kultural na
pagpapayabong sa
pagpapahalaga at
pagmamamalaki ng mag-aaral
sa kanyang pinagmulang kultura
at wika.
Anu-ano sa palagay mo ang
benepisyo sa isang propesyonal,
guro, negosyante, o karaniwang
tao ng pagkakaroon ng
kasanayan sa higit sa dalawang
wika?
• Sanggunian:
• Bernales, Rolando et.al. 2016. Komunikasyon sa Makabagong Panahon Filipino Alinsunod sa
K-12 Kurikulum ng Batayang Edukasyon, Mutya Publishing House, INC.
• Nuncio, Rhoderick at Nuncio Elizabeth et.al.2016 Sidhaya 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino
(Batayang Aklat sa Filpino sa Senior High School)C ad E Publishing INC
Ang monolinggwalismo
• isang kaparaanan at pagbabagong
penomenang pangwika na puspusang
tinatalakay ng mga sosyolinggwistiks, sa
madaling sabi layunin ng
monolinggwalismo na ipatupad ang
iisang wika sa isang bansa katulad ng
mahigpit na paggamit ng Pransya ng
Wikang French.
• Sa anumang talastasan kailangan ang
isang wika na magiging tulay sa
pakikipagtalastasan, wika ng
komersyo, wika ng negosyo at wika
sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Mga Bansang Nangunguna sa paggamit ng
Monolinggwal
• Kapansin-pansin ang mabilis na pag-unlad ng
mga bansang Hapon, South Korea at Pransya
na mahigpit na ipinag-uutos ang sistemang
monolinggwal sa kani-kanilang bansa. Ang
iisang wika ay gagamiting panturo sa anumang
larang (field) o asignatura dahilan upang mas
lalong magkaunawaan ang bawat isa at
makagagawa ng mas produktibong ani.
• Kung susuriin, mahigpit ang patakarang
Monolinggwal kaya naman isang malaking
hamon ito sa Pilipinas kung magkaganun.
Kung ekonomiya ang pagbabatayan ng mga
bansang Monolinggwal ay walang dudang
mauunlad at mayayaman ang mga ito.
Tumatagos kasi sa kanilang kurikulum ang mga
patakarang-pangwika
• By: Richard P. Moral Jr. at Leah Farfaran
Ang mga Varayti ng Wika
• Sa aklat ni Austero, (2012) Binigyang -linaw
nina Zapra at Constantino(2001) na may
varayti ang wika ayon sa lugar kung saan
ginagamit ito. Bunga raw ito ng ng punto,
bokabolaryo o pagkakabuo ng mga salita. May
varayti ang pagsasalita ng Tagalog sa mga
lugar kung saan ito sinasalita. Iba ang punot,
indayog at ritmo ng Tagalog sa Quezon, Nueva
Ecija, Batangas, Bulacan, Zambales, Rizal,
Laguna, Marinduque, Bataan at Cavite.
• Para sa mga sosyolinggwistik na
nag-aaral ng lenggwahe ng lipunan,
ang varyasyon ay nangyayari ayon
sa konteksto ng etniciti, sosyal klas,
seks, heyograpiya, ead at iba pang
faktor. Sa linggwistiks, tinutukoy
ang varyasyong fonolohikal,
varyasyong morpolohikal,
varyasyong sintaktik at varyasyong
semantik.
Varyasyon sa Punto, Titik at
Ispeling(phonological, morphological)
• Varyasyon sa pagbigkas at ispeling ng salita
ayon sa lugar kung saan ito sinasalita
• Ang panlaping um ay napapalitan ng na sa
lalawigan ng Quezon at Batangas.
• Kumain ako ng isda. - Maynila
• Nakain ka ga ng isda?- Batangas
• Varyasyon sa wikang Visaya. Mas ginagamit
ang unlaping mag kaysa sa um.
– Magkuha sa halip na kumuha
– Magsisid sa halip na sumusid
– Magkain sa halip na kakain
– Magbisita sa halip na bibisita
• Ginagamit din ang ekspresyong ah, ala eh, ga
ire
– - Kumain ako, ah! Bataan
– Bakit? Tagalog
– Bakit ga? Batangas
– Bakit ah! Bataan
– Eh, bakit ba? Maynila
– Ano ito? Maynila
– Ano Ire ? Nueva Ecija
• Varyasyon pa rin sa pagbigkas
• Gabi- binibigkas ng gab-i sa Batangas
• Ngayon – binibigkas ng ngay-on sa Batangas
• Matamis – matam-is
• Nilunok – nilun-ok
• Sa Morong Rizal, ang titik D ay napapalitan ng
R kapag binibigkas.
• Bundok- bunrok
• Dagat- ragat
• Dingding – ringring
• Isda-isra
• Pagdaragdag ng H at pagkawal ng H sa mga
salita sa Kapampangan.
• Umiinom-humihinom
• Hihiyaw-iiyaw
• Hihimig- iimig
• May varyasyon sa salita na
magkakasingkahulugan sa iba’t ibang lugar/
rehiyon
• Halimbawa: maganda, maanyag, magayon,
matahum, masanting
• Ilang varyasyon sa Ispeling
– Bandila-bandira, bandera wala-wara
– Buwaya –buaya pwede -puyde
– Kasal-kasar araw-adlaw
• Ang pagpapalit ng titik o sa u
– Sa halip na totoo – tutoo/tutuo
Pagpapalita ng mga titik I at e
(I sa e) (e sa i)
lalaki-lalake babae-babai
Bakit? – baket? bibe -bibi
Ika – eka
Nito – neto
• Dayalek – Ang barayti ng wikang
nalilikha ng ng dimensyong
heograpiko.
• Wikang ginagamit sa partikular na
rehiyon, lalawigan o pook, malaki
man o maliit.
• Isang wikang nabuo dahil sa
heyograpikal bowndari, varayti ng
wika na ginagamit ng isang
partikular na rehiyon na may
partikular na sosyal bakgrawnd.
Isang “subset” ng lenggwahe.
• Halimbawa:
asawa (tagalog); bana sa Negros
tubig (tagalog); danum sa Pangasinense
bulaklak (tagalog); burak (Bikol/Waray);
sabong (Ilokano);
sumpin(Samar)
• Sa Bikol, nagkakaiba-iba rin ang kanilang
salita.
• Matagal ka doon sa palengke? (Tagalog)
• Naeban ika sadto sa sa-ran? (Iriga)
• Haloy ka dumaan sa saod? (Naga)
• Naegey ika adto sa sa-ran (Buhi)
• Awat ka didto sa palsa? (Gubat)
• Eley ka idto sa sed? (Oas)
Ang pag-ibig ay sinasabi rin sa iba’t
ibang dayalekto nang ganito:
• Pamantagan ka (Maranao)
• Nahihugma ko nimo (Visaya)
• Ta ama yo contigo (Chavacano)
• Ang mga sumusunod ay mga halimbawa
ng mga salitang Ilocano at ang kanilang
ibig sabihin sa Tagalog:
• Wen-oo
• Haan/saan-hindi
• Awan – wala
• Nagaget- masipag
• Nasadot -tamad
• Napintas – maganda
• Inya nagan mo? – Ano ang pangalan mo?
• Adinno iti balay yo? Saan ang bahay mo? Saan
ka nakatira?
• Inay-ayat ka- Mahal kita.
• Mangan tayon – Kain na tayo.
• Agdigos kan. – Maligo ka na.
• Agawid kan – Umuwi ka na
• Agadal ka nga nalaeng. –Mag-aral kang
mabuti.
Mga Salitang Cebuano at ang kahulugan ng mga
ito sa Tagalog
Mokanta/kantahon –kumanta
Balay- bahay
Dakodako – lider
Karon-ngayon
Mokit/kitaon –kita mula sa pagtatraabaho
Dungog- reputasyon;dangal
Sosyolek
• Nabubuo ito batay sa dimensyong sosyal.
Makikilala ang iba’t ibang barayti nito sa
pagkakaroon ng kakaibang rehistro na tangi
sa pangkat na gumagamit ng wika.
• Ito ay batay sa sosyal “grouping” na makikita
sa lipunan.
• Ito ay may kinalaman sa sosyo-ekonomik na
katayuan ng isang tao. Isang varyasyon sa
lenggwaheng sinasalita ng isang grupo, sosyal
klas o sab-kultyur na nakuha/ nadebelop mula
sa kanilang pagsilang, nakapamihasnan o
nakasanayan.
• Tinatawag din itong sosyal na varayti ng wika
dahil sa nakabatay ito sa mga pangkat
panlipunan.
Halimbawa nito ay ang wika ng mga estudyante,
wika ng matatanda, wika ng kababaihan, wika
ng mga preso, wika ng mga bakla at ng iba
pang mga pangkat.
Makikilala ang iba’t ibang varayti nito sa
pagkakaroon ng kakaibang rehistro na tangi sa
pangkat na gumagamit ng wika.
• Mga halimbawa:
-Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!
- Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven!
- Kosa, pupuga na tayo mamaya.
- Girl, bukas na lamang tayo mag-lib. Mag-
malling muna tayo ngayon.
-
• Halimbawa ng pagbati ng mga taong nasa
iba’t ibang antas ng lipunan:
• Ola, amigas, palangas!
• Sa mga abogado…Kumusta, companero!
Samantala, isang grupo naman ng mga
mag-aaral ang nagsabi ng “It’s so hot naman
here, nakaka-irritate
• Halimbawa:
siN0H AnG iBoBo2 U- sa ELeKxoN, Noh?
c - N0N0y- ba Na- wLAng TRack- rEc0RD- AT-
S0C-dEM,-c- VILLAR- bA nA SndAmKMK Ang kSO
ng qRapx0n, o- C ErAp- Na PiNTwd nA
KRIMInl, N0h? (mula sa sanaysay ni Rolando
Tolentino)
Idyolek - kakaibang paggamit ng wika ng isang
indibidwal sa isang panahon.
• Ito’y isang personal na lenggwahe na gamit ng
isang tao.
• Nakikita ito sa mga patern ng piniling salita,
parirala, gramar o kung paano siya bumibigkas.
Isang paglihis ito sa regular na patern.
• Halimbawa:
Salamat poh!
Ang ganda ng lolah ko!
May h ang pagbigkas maging ang pagsulat ng
salitang lola. Maaaring para sa empasis ng
salita, istilo o kostumbre lamang. Idinadagdag
din ang letrang(h) sa mga pangngalang
pantangi.
• Halimbawa:
Rhizza sa halip na Rizza.
Whendy sa halip na Wendy
• Ang p ay napapalitan ng f sa mga nahirating
magsalita sa Ingles.
Hal.
Farang di ko kaya! Farang mahirap
tanggapin!
Paulit-ulit ang pagsasabi ng mga salitang bale at
salitang tapos.
• Paggamit ng salitang ano – ang “all-around”,
“all-purpose” na salita na kumakatawan sa
maraming bagay.
• Halimbawa:
• Ano? (What?)
• Ano fi? (What else?)
• Ano pa ba? (What else)
• Ano ka mo? (What did you say?)
• Ano! (mabigat na ekslamasyon)
• Nasaan ‘yong ano? (hinahanap ang isang
bagay)
• Anuhin na ito (gawin ito)
• This is so, ano.(dinideskrayb ang isang
bagay/pangyayari)
• Nalinis mo na ba yong ano mo?
• Paggamit ng panghalip na siya. Ito ay salitang
panghalip panao subalit nagagamit bilang
panuring sa mga bagay o anuman sa loob ng
pangungusap.
• Halimbawa:
Siyang nararapat gawin!
Maasim siya. ( itinuturo ang mangga)
• Pansinin din ang kung paano nagkakaiba-iba
ang idyolek ng mga sumusunod na brodkaster
kahit pa silang lahat ay gumagamit ng isang
wika, nabibilang sa isang larangan at
naninirahan marahil sa Metro Manila:
• Mike Enriquez Mon Tulfo
• Noli de Castro Gus Abelgas
• Rey Langit
• Rehistro
– Ito ay wikang ginagamit sa iba’t ibang propesyon.
Sa komunikasyon sa iba’t ibang disiplina, may
angkop napananalita at espesyalisadong
terminong dapat gamitin na partikular sa
larangan.
– Wika ng mga inhenyero
– Wika ng mga abogado at nasa hukuman
– Wika ng mga eksperto sa iba’t ibang larangan
• Ano ang iisipin mong trabaho ng gumagamit
ng mga terminong ito?
Hearing appeal
pleading court
settlement justice
exhibit
fiscal
Pidgin
• Ito ay tinatawag sa Ingles na nobody’s
native language. Nagkakaroon nito kapag
ang dalawang taal na tagapagsalita ng
dalawang magkaibang wika na walang
komong wika ay nagtatangkang
magkaroon ng kumbersasyong makeshift.
• Madalas, ang leksikon ng
kanilang usapan ay hango sa
isang wika at ang istruktura
naman ay mula sa isa pang wika.
Madalas na bunga ng
kolonisasyon ang barayti ng
wikang ito.
• Pansinin ang pananagalog ng mga
Intsik sa Binondo. Ang salitang gamit
nila ay Tagalog ngunit ang istruktura
ng kanilang pangungusap ay hango
sa kanilang unang wika. Ganito ang
madalas na maririnig sa kanila: Suki,
ikaw bili tinda mura.
Creole
- isang wika na unang naging pigin at
kalaunan ay naging likas na wika
(nativized). Nagkaroon nito sapagkat may
komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-
aangkin dito bilang kanilang unang wika.
Pinakamahusay na halimbawa nito ang
mga Chavacano na hindi masasabing
purong Kastila dahil sa impluwensya ng
ating katutubong wika sa istruktura nito.
• Madalas ding nalilinang ang creole
sa mga dating alipin na populasyon
sa mga dating estadong kolonyal. Ito
ang dahilan kung bakit may French
Creole na sinasalita sa Haiti at
Lousiana at English Creole sa Jamaica
at Sierra Leone.
Linggwistikong Komunidad
• Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon at ito
ang dahilan upang makapag-ugnayan ang
bawat isa. Napagbubuklod ng wika ang grupo
ng tao dahil nagkakaintindihan sila at
nagagampanan nila ang kani-kanilang
tungkulin upang maging kapaki-pakinabang ito
hindi lamang sa sarili kundi para sa lahat.
• Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng
panlipunang dimensyon ang wika dahil
napagsasama-sama nito ang mga tao upang
makabuo ng isang komunidad tungo sa
pagtupad ng tungkulin, pagkilos at
kolektibong ugnayan sa ikauunlad ng bawat
isa. Kung sa ganitong tunguhin napupunta ang
talastasan o pakikipag-usap ng mamamayan,
masasabing lingguwistikong komunidad ang
kanilang kinabibilangan at pinanggagalingan.
Mga Salik ng lingguwistikong komunidad (
Saville-Troike, 2003:14
1. May kaisahan sa paggamit ng wika at
naibabahagi ito sa iba- homogenous ang wika,
ibig sabihin iisang anyo at uri o barayti ang
wikang ginagamit (Chomsky, 1965;
Lyons,1970).
2. Nakapagbabahagi at malay ang kasapi sa
tuntunin ng wika at interpretasyon nito
(Hymes, 1972) – katulad ito ng kinagawiang
interpersonal na komunikasyon gamit ang
pahiwatig ng mga Pilipino (Maggay, 2005)
3. May kaisahan sa pagpapahalaga at palagay
hinggil sa gamit ng wika. (Labov,1972)
• Samakatuwid, ipinapalagay nito na ang
linggwistikong komunidad ay umiiral lamang
sa sektor, grupo, o yunit na nagkakaunawaan
sa iisang gamit nila sa wika (homogenous) na
may kaisahan sa uri o anyo;
nagkakaintindihan sila sa tuntunin nito, at
naibabahagi ng bawat isa ang pareong
pagpapahalaga at damdamin sa paggamit nila
ng wika at pakikitungo nila sa isa’t isa.
Halimbawa:
Sektor – mga manggagawa na malay sa
kanilang karapatan at tungkulin sa bayan na
nagbubuklod sa bayan na nagbubuklod sa
pagsapi sa kilusang paggawa.
Grupong pormal –Bible study group na
nangangaral ng Salita ng Diyos.
• Grupong impormal – barkada
• Yunit – team ng basketbol; organisasyon ng
mga mag-aaral sa paaralan.
Multikutural na Komunidad
• Ang tunguhin ng linggiwistikong komunidad ay
kaisahan na tila may iisang mukha, wika, kilos,
o tunguhin ang bawat kasapi. Subalit ang
tunguhin ng multikultural na komunidad ay
“pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba.”
• Hindi kaisahan kundi pagkakaisa dahil iba’t
ibang salik, anyo, kapookan, pananaw, at
marami pang iba ang pinanggagalingan ng
indibidwal. Samakatuwid, iba-iba ang ating
lahi, kulay ng balat, kasarian, paniniwala,
pananampalataya, estado sa buhay, naging
kasysayan, at aspirasyon sa hinaharap.
–Sa usapin naman ng wika nagiging iba-
iba, samot-sari, o marami ang mga
wika dahil sa multikultural nating
katangian, identidad, at pinagmulan
(heterogenous).
• Sa multikultural na komunidad,
multilingguwal ang mga kasapi nito. Ang
ugnayang nabubuo ay naghahangad ng
pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba.
Halimbawa:
Internasyonal – United Nations; UNICEF: at iba
pa.
Rehiyonal-Eoropen Union; ASEAN; at iba pa
Pambansa – mga bansa at estado na may iba’t
ibang etnolingguwistikong pangkat tulad ng
Pilipinas, Indonesia, Japan; at iba pa.
Organisasyonal – Microsoft; Google; Nestle; at
iba pa
Mother Tongue o Unang Wika
ni Vilma AlcantaraMalabuyoc
• Binigyang - halaga ang gamit ng mother
tongue o unang wika sa pagtuturo ng mga
asignatura lalo na sa pre-school at unang
tatlong baitang ng elementarya.
• Ipinahayag sa RA 10533, (MTB-MLE) “starts
from where the learners are and from what
they already know proceeding fronm the
known to unknown.”(Corpuz at Salandanan,
2015)
• Ang mga lokal na wikang ito ay gagamitin sa
pagtuturo sa mga bata sa mga pampubliko at
pribadong paaralan sa ilalim ng programang
K-12. May paniniwalang mas madaling
matuto ang mga batang mag-aaral kung ang
kanilang mother tongue o unang wika ang
wikang panturo ng mga guro. Ang mga
karagdagang wika ring ito ay ituturo rin bilang
asignatura.
Tinukoy ng Kagawaran ng Edukasyon noong
2012 ang labindalawang wikang gagamitin sa
pagtuturo:
• Ito ang Tagalog, Kapampangan,
Pangasinense, Iloko, Bikol, Cebuano,
Hiligaynon, Waray, tausug , Maguindanaoan,
Maranao, at Chavacano.
Samantala, ngayong taon ay nakabilang ang
pitong bagong asignatura ng Mother Tongue
sa mga katutubong wikang gagamitin sa loob
ng paaralan: ang Ybanag para sa Lalawigan ng
Cagayan at Isabela at Lungsod ng
Tuguegarao; Ivatan para sa Batanes; Sambal
para sa Zambales;
• Aklanon at Kiniray-a para sa lalawigan ng
Aklan at Capiz; Yakan para sa lalawigan ng
Basilan; at Surigaonon para sa mga lalawigan
ng surigao at Lungsod ng Surigao.
• Ang mother tongue/ unang wika/ wikang
katutubo ang siyang ginagamit na wikang
panturo sa mga bansang tulad ng Alemanya,
Amerika, Britanya, at marami pang
progresibong mga bansa at ito marahil ang
makapagpapaliwanag kung bakit nauuna sila
sa pag-aaral at pagkatuto sa halos lahat ng
bagay. ( Malone, 2010)
• Isa sa una at pangunahing tagapagsulong ng
pagtuturo ng mother tongue sa
komunikatibong klasrum ay si David Atkinson
(1987). Tinukoy ni Atkinson ang metodolohikal
na agwat (methodological gap) sa literatura sa
gamit ng mother tongue.
• Ayon sa ulat ng UNESCO (2003), tinukoy
nilang ang mga batang natutong bumasa at
sumulat sa unang wika bago matuto ng
ikalawang wika ay mas matagumpay sa pag-
aaral kumpara sa mga kamag-aral nilang hindi
natutuhan nang lubos ang unang wika.
Sinusugan naman ito ni Lundberg (2002) sa
pagbanggit nina Scott, t.al. (2009), na
maraming mga pananaliksik ang
Nagpapatunay ng positibong ugnayan ng unang
wika sa pagkatuto ng pangalawang wika.
Sa pahayag ni Corson (2001), may karapatan ang
mga batang matuto sa lengguwaheng katulad
ng sinasalita sa kanilang sariling tahanan,
dapat din silang bigyan ng pagkakataon na
matutuhan ang kanilang katutubong wika sa
posibleng pinakamataas na lebel ng
kasanayang lingguwistika,
• Lalo na ang pagkakaroon ng malawak na
bokabularyo, sa pang-unawa at pagtalakay ng
paksang pinag-aaralan.
• Sa pamamagitan ng mga kasanayang ito,
makapagpapahayag sila ng kanilang sariling
opinyon, makapagpaliwanang ng mga bagay-
bagay, makalilikha ng mga babasahin at iba
pang kasanayang nangangailangan ng
malikhain at mapanuring pag-iisip.
Habang ginagamit ng bata ang kaniyang pag-
iisip , lubos na gumagana ang kaniyang pag-
iisip at naipakikita ang kaniyang talino.
(Gardner, 1993)
Maliwanag ang mga implikasyon ng mga
pahayag sa paggamit ng mother tongue o
unang wika sa pag-aaral at pagkatuto ng
isang mag-aaral dahil nauunawaan na niyang
mabuti ang wikang ginagamit bilang midyum
ng pagtuturo,
• Maiisip na magiging madali sa kanila ang
paggamit ang mataas na lebel ng kasanayang
pangkaisipan(higher level thinking skills) sa
mga gawaing pasalita at pasulat. Nakapag-
iisip siya ng malalim sa wikang kaniyang
nauunawaan at higit siyang nakapagsusuri at
nakapagpapahayag.
Mga Tanong:
1. Ano-ano sa palagay mo ang kahalagahan ng
paggamit ng mother tongue o unang wika sa
pag-aaral ng mga bata?
2. Sumasang-ayon ka ba na ang mother tongue
o unang wika sa pagtuturo ay nakatutulong
upang mas madaling maunawaan ng mga
bata ang aralin? Patunayan
Day 2
• 1:00-5:00 - Gamit ng wika
Gamit ng Wika/Tungkulin ng Wika sa Lipunan
Ang wika ay may iba’t ibang gamit sa
lipunan na nakatutulong sa tao upang
mabisang makipag-ugnayan sa kanyang
kapwa. Ang wika ay maaaring gamitin
upang ipahayag ang iba’t ibang, layon,
pakay o tunguhin. Ito ay maituturing na
instrumental dahil natutugunan ang
pangangailangan ng tao
• Ito ay maituturing na instrumental dahil
natutugunan nito ang pangangailangan
ng tao tulad ng mga sumusunod:
1. pagpapahayag ng damdamin kaugnay
sa pasasalamat, pag-ibig, galit,
kalungkutan, pagpapatawad, sigla, pag-
asa at iba pa.
2. Panghihikayat upang gawin ng kausap
ang nais na tupdin.
3. Direktang pag-uutos
4. Pagtuturo at pagkatuto ng maraming
kaalaman at karunungang kapaki-
pakinabang
Mga Tanong:
1. Bakit tayo napapabili ng mga produkto
na nakikita natin sa diyaryo o magasin,
napapanood sa telebisyon o naririnig
sa radyo?
2. Anong halina mayroon ang mga
produktong ito?
• Anong panghahalina ang
nagagawa ng wika upang
impluwensyahan ang mga tao na
gumawa ng desisyon o kumilos?
Wika ng Panghikayat at
Pagganap
• Tinatawag na speech act (bigkas-
pagganap) ang paggamit ng wika ng
isang tao upang paganapin at
direkta o di-direktang pakilusin ang
kausap niya batay sa nilalaman sa
mensahe (Jaworowska n.d.)
• Ang bigkas-pagganap ay hango sa
teorya ni John L. Austin. Sa kaniyang
teorya (1962), nahahati sa 3
kategorya ang bigkas –tungong-
pagganap:
1.Literal na pahayag o
loksyusyunaryo: Ito ang literal
na kahulugan ng pahayag:
Halimbawa:
“Tama na!”
2. Pahiwatig na konteksto ng
kultura’t lipunan o
ilokusyunaryo: Ito ang kahulugan
ng mensahe batay sa
kontekstong pinagmumulan ng
nakikinig at tumatanggap nito.
Ang “Tama na!” ay maaaring
mangahulugang :
-tumpak, totoo, o kapani-paniwala
- Tigil na, tapusin na, sa konteksto ng
pagkainis o galit para pigilin o tapusin
na ang ginagawang di-katanggap-
tanggap
-
-Mula sa mali o sablay, hinihintay
na maging tama, sa konteksto
halimbawa ng pagtitimpla ng
niluluto.
• 3. Pagganap sa mensahe o perlokusyunaryo:
Ito ang ginawa o matapos mapakinggan o
matanggap ang mensahe.
Halimbawa:
Ang pagsasabi ng pahayag na “Tama na!” ay
maaaring magbunga ng pagtigil ng tao sa
kaniyang ginagawa.
Wika sa Patalastas
Dahil mabisang instrumento ang wika sa
panghihikayat, ito ang ginagamit upang
maipakiklala ang isang tao, produkto, serbisyo,
o pangyayari sa pamamagitan ng mga
patalastas gumagamit ng ibat’t ibang paraan
at atake upang tumatak sa isipan ng mamimili
ang isang produkto.
Tagline
mula sa
:https://www.google.com.ph/search?q=lbc+logo&biw=1366&bih=657&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwinz6ub7vLMAhXJo
pQKHco8DPYQ_AUIBigB#imgrc=5xxU_KPOGUsIZM%3A
Mga Gawain:
1. Pag-usapan kung kailan nagiging
instrumental ang wika. Maaaring magbigay ng
maraming halimbawa. Ipaliwanag sa klase
ang buong saysay ng sitwasyong
pangkomunikasyon na napag-usapan.
Pagiging Instrumental ng Wika Mga Halimbawang Sitwasyon
Pagpapahayag ng damdamin kaugnay
sa pasasalamat, pag-ibig,
kalungkutan, pagpapatawad, sigla,
pag-asa, at marami pang iba
Pagdaraos ng konsyerto ng mga mag-
aaral sa Araw ng mga Guro
Panghihikayat upang gawin ng kausap
ang nais mangyari
Direktang pag-uutos
Pagtuturo at pagkatuto ng maraming
kaalaman at karunungang kapaki-
pakinabang.
2. Tingnan ang sumusunod na tagline ng mga
sikat na produkto. Gumawa ng sariling tagline
ng mga sikat na produkto. Maaaring maglagay
ng larawan ng sariling produkto.
Max’s Restaurant : Sarap to the bones!
Cobra Energy Drink : Hindi umaatras ang
may tunay na lakas
• Globe Telecom : Abot mo ang
mundo.
• Mang Inasal : Hahanap-
hanapin mo…
Gawain
PRODUKTO TAGLINE
3. Lumikha ng sariling produkto at gumawa
ng isang patalastas upang maipakilala at
mahikayat ang mga mamimili na
tangkilikin ito. Isaalang-alang ang mga
sumusunod na mga gabay:
1. Maaaring pagkain, pabango, lugar-pasyalan,
sapatos, o iba pang bagay.
2. Maging malikhain sa paggawa ng
patalastas. Maaaring gumamit ng
kompyuter, poster, o anumang paraang
mapagkakasunduan ng pangkat.
3. Gawing makatotohanan ang patalastas
ngunit tiyaking kawili-wili ito at
mahihikayat ang mga mamimili na
tangkilikin ang produkto.
Bakit mahalaga ang batas sa
ating lipunan at paano
lubos na maipatutupad at
masusunod ang mga ito sa
pamamagitan ng
komunikasyon?
Ang Bisa ng Regulatoryong
Komunikasyon sa Lipunan
Ang regulatoryong bisa ng
wika ay nagtatakda , nag-
uutos, nagbibigay-
direksyon sa atin bilang
kasapi o kaanib ng lahat ng
alinmang institusyon.
Ang wika ay regulatoryo kung mayroon
ito ng sumusunod na elemento:
1.Batas o kautusan na nakasulat,
nakikita, nakalimbag, o iniuutos nang
pasalita
2.Taong may kapangyarihan o posisyon
na nagpapatupad ng kautusan o
batas.
3. Taong nasasaklawan ng batas na
sumusunod dito
4.Konteksto na nagbibigay-bisa sa
batas o kautusan tulad ng lugar,
institusyon, panahon, at taong
sinasaklawan ng batas.
Tatlo ang klasipikasyon ng wika
ayon sa regulatoryong bisa nito:
1. Berbal ang tawag sa lahat ng
kautusan, batas, o tuntunin na
binabanggit lamang nang
pasalita ng pinuno o sinumang
nasa kapangyarihan.
Halimbawa:
Pamilya- kapag sinabi ng magulang
na may curfew sa gabi, kailangang
sumunod ang anak dahil…
Guro- Kapag sinabi ng guro na
babagsak ang sinumang hindi
makakapasa sa pagsusulit na
iyon .
2. Nasusulat, nakalimbag, at biswal ang lahat
ng kautusan, batas, o tuntunin na
mabababasa , mapapanood, makikita na
ipinatutupad ng nasa kapangyarihan.
Halimbawa:
Saligang Batas o Konstitusyon ng republika ng
Pilipinas, mga batas na ipinasa ng Kongreso,
mga ordinansa sa mga munisipyo at siyudad
, mga kautusan at patakaran ng kompanya
at iba pa.
3. Di nasusulat na tradisyon
–Ang mahabang tradisyon ng
pasalin-saling bukambibig na
kautusan, batas , o tuntuning
sinusunod ng lahat.
Halimbawa:
Sa patriyarkal na lipunan, ang
tagapagmana ng negosyo ay laging
ang panganay na lalaki.
Gamit ng wika ayon sa
regulatoryong bisa nito
1.Pagpapatupad ng batas,
kautusan, at tuntunin sa
pamahalaan at ibang institusyong
panlipunan.
2.Pagpapataw ng parusa sa
susuway sa mga batas, kautusan,
at tuntunin
3. Partisipasyon ng mamamayan sa paggawa
ng tuntunin, polisiya at batas
4. Pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa
mga kumunidad at ugnayan ng mamamayan.
5. Pagtatakda ng polisiya, batas at kautusan
para sa kaunlaran at masaganang
kabuhayan ng lahat para sa pantay na
oportunidad; pagkilala sa karapatan ng iba’t
ibang uri at katayuan ng mamamayan sa
bansa.
Mahalaga na ang lahat ng
komunikasyon patungkol sa
batas at pagpapaunlad nito ay
nauunawaan ng mamamayan
kung kaya’t napakahalaga na ito
nakasulat at nauunawaan sa
wikang Filipino
• Halimbawa ng Regulasyon o Batas
1. Saligang Batas o Konstitusyon
2. Ang batas na itinakda ng Kongreso
ay tinatawag na Batas ng Republika
3. Ang ordinansa ay kautusan o batas
na ipinatutupad sa mga probinsya ,
siyudad at munisipyo.
4. Ang polisiya ay kautusan o
desisyong ipinatutupad sa isang
organisasyon, ahensya o kompanya.
5. Ang patakaran at regulasyon ay
ipinatutupad na kautusan o
alituntunin sa paaralan, kompanya
pribadong organisasyon, at iba pang
samahan
Ano ang kahalagahan ng
paggamit ng wikang Filipino
sa pagpapatupad ng batas?
• Talakayin ang gamit ng regulatoryong wika
sa lipunan. Mamili sa dalawang halimbawa o
kaya ay magdagdag ng ilan pang halimbawa
alinsunod sa paksang “gamit ng
regulatoryong wika sa lipunan.”
1. Mga dahilan kung bakit hindi dapat
ipagbawal ang Facebook sa paaralan
(regulasyon o alituntuning
ipinatutupad sa paaralan; panig ng
sumasang-ayon at di-sumasang-
ayon, mga pakinabang ng Facebook
sa pagkatuto ng mag-aaral.
2. Alituntuning maaaring imungkahi ng
mga mag-aaral upang hindi mahalina
sa sobrang paglalaro ng online game
ang kabataan.
Interaksiyonal
• Ang pakikipag-usap sa isa o higit
pang tao ay interpersonal na
komunikasyon. Ito ay
pagpapalitan ng impormasyon ng
dalawa o higit pang mga tao.
• Sa aklat na Explorations of Function of
Language ni M.A.K. Halliday (1973)
binigyang-diin na ang pagkakategorya ng
wika ay batay sa tungkuling
ginagampanan nito sa ating buhay. Isa
rito ang interaksyunal na wika na ang
tungkulin ay tulungan tayong makipag-
ugnayan at bumuo ng sosyal na
relasyon sa ating pamilya, kaibigan o
kakilala.
• Pasalitang paraan:
- pormularyong panlipunan
Pasulat na paraan:
- liham –kaibigan
Sa makabbagong teknolohiya:
- pakikipag-chat gamit ang internet
Mga Halimbawa ng interaksiyon sa Internet
Dalawahan
1. E-mail
2. Personal na mensahe o instant message
Grupo:
Group Chat
Forum
Maramihan
1. Sociosite
2. Online store
Mga Tanong:
• Paano nagiging interaksyonal ang
wika?
• Sa iyong palagay, ano ang
magandang epekto ng pagkakaroon
ng Internet at social media?
Personal
• Ang “personal” ay mula sa salitang
personalidad. Nabubuo ang personalidad
ng isang tao habang siya’y nagkakaisip at
nagiging bahagi ng isang lipunan. Ayon sa
sikolohiya, ang personalidad ay kaugnay
ng mga pangunahing teorya, kabilang
ang pag-uugali, pangkatauhan,
biyolohikal, asal, ebolusyo, at
perspektibo sa kaalamang panlipunan.
• Ayon sa mga sikolohistang sina Katherine
Briggs at Isabel Myers (1950) batay sa
personality theory ni Carl Jung (1920),
mayroong apat na dimensyon ang ating
personalidad:
• 1. Panlabas laban sa panloob (Extraversion
vs.Introversion) inilalarawan kung paano
nagkakaroon ng enerhiya
2. Pandama laban sa Sapantaha (Sensing
vs. Intuition) Inilalarawan kung paano
kumukuha ng impormasyon ang tao
3. Pag-iisip laban sa Damdamin (Thinking
vs. Feeing) – inilalalarawan ang paraan na
ginagamit ng isang tao sa pagdedesisyon.
Paghuhusga laban sa Pag-unawa (Judging vs.
Perceiving) – Inilalarawan ang bilis ng pagbuo
ng desisyon ng isang tao
–Mahalagang piliin ang mga bagay na
makaiimpluwensya sa pagbuo mo ng mga
personal na paniniwala at prinsipyo.
–Ito ay maaaring batay sa kabutihan o
pamantayang moral na itinakda ng lipunan,
sapagkat ito ang bubuo ng iyong pagkatao
at sarili na magiging sandigan mo habang
hinaharap ang iba-ibang karanasan at
sitwasyon.
Personal Bilang
Pagpapahayag ng Sarili
Ayon sa pag-aaral ni Halliday (1973) tungkol sa
gamit ng wika, isa sa mga kategorya ay ang
personal.
-Ginagamit ang wika upang maipahayag ang
sarili at anumang pansariling layunin.
-Kaakibat ng personal na pagpapahayag nang
pasalita man o pasulat, nakapagpapahayag
din ng personal na kalooban ang isang tao
Sa pamamagitan ng “selfie.”
Malikhaing sanaysay
Sanaysay
Malikhaing Sanaysay
Halimbawa:
-Biograpiya
- Awtobiograpiya
- Alaala (Memoir)
- Sanaysay o Tala ng Paglalakbay
- Personal sanaysay
- Blog – isang webpage o online na dyornal na
maaaring ma-access ng madla
• Bahagi ng sanaysay
Panimula
Katawan
Wakas
• Mga Paalaala Sa pagsulat ng masining na
Sanaysay
1. Pumili ng paksang may dating sa babasa
2. Gumawa ng balangkas
3. Gumamit ng mga salitang akma sa paksa at
sa inaasahang babasa
4. Tiyaking tama ang gramatika
5. Gamitin ang sariling materyal Talaarawan,
tala, larawan o kaya’y pagsaliksik
6. Magbigay ng kakaibang pananaw at
malikhaing bisyon
Mga Tanong:
1.Bakit itinuturing na personal na paggamit ng
wika ang isang malikhaing sanaysay?
2. Naniniwala ka bang ang wika ay naglalahad o
sumasalamin ng sariling identidad o personal
na pakakakilanlan? Bigyang-katwiran ang
sagot.
• DAY 3 -Kasaysayan ng Wikang Pambansa
• AM
• PM- Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa
isang panayam tungkol sa aspektong kultural
o lingguwistiko ng napiling komunidad
Kasaysayan ng Wikang
Pambansa
• Bago dumating ang mga Kastila
- Baybayin ang katutubong paraan ng
pagsulat na ginamit ng mga katutubong
Pilipino noong sinaunang panahon.
- Marunong ng bumasa at magsulat gamit ang
baybyin na naglalamn ng 17 simbolo ( 14 na
katinig at 3 patinig)
• Panahon ng Kastila
• Panahon ng Amerikano
• Panahon ng Hapon
• Panahon ng Republika
• Final Output
• Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang
panayam tungkol sa aspektong kultural o
lingguwistiko ng napiling komunidad
Mga SitwasyongPangwika sa
Pilipinas
Mass Media
Pangmasang media, pangmadlang media, o
mass media ang tawag sa
pinakamaimpluwensiyal at masasabi ring
pinakamakapangyarihang institusyon sa ating
lipunan.
Ang media ay isang institusyong panlipunan
tulad ng pamilya, paaralan, simbahan, at
pamahalaan na ang natatanging tungkulin ay
maging tagapagbantay, tagamasid, taga-ulat
ng mga pangyayari sa lipunan, maging tinig ng
mamamayan, at tagapaghatid ng mensahe sa
kinauukulan.
Ang mass media ay isa ring malaking
industriya. Kasama sa sangay ng mass media
Ang pahayagan, radyo, at telebisyon. Sa sarbey
na ginawa ng TNS Digital Life (2012) , ipinakita
na marami pa ring Filipino ang nanonood ng
telebisyon at nakikinig ng radyo. Ang internet
ang pumapangalawa sa pinakagamiting media
sa Pilipinas.
• Samakatuwid, isa itong malaking negosyo.
Kumikita ito sa tulong at sa pamamagitan ng
mga patalastas. Ang mga patalastas sa
telebisyon o radyo ay ginagawa ng mga
advertising agency para sa mga multinasyonal
na kompanya o negosyong nangangailangan
ng publisidad para mabili ang kanilang mga
produkto o serbisyo, nagbabayad ang mga
kompanyang ito para isingit o ilagay sa mga
pahayagan, Internet blog at website, at
programang pantelebisyon o panradyo ang
mga patalastas tungkol sa kanilang produkto o
serbisyo.
Saang programa nila ito inilalagay? Hindi sa
lahat ng programa. Namumuhunan ang mga
kompanyang ito sa mga palabas o programang
higit na tinatangkilik ng mga ito. Nalalaman
nila ito pamamagitan ng resulta ng rating
survey ng telebisyon o radyo.
Siklo ng pagnenegosyo sa
Mass Media
Produkto at Serbisyo ng
mga Kompanya
Paggawa ng Patalastas ng
mga Advertising Agency
Survey Rating ng Telebisyon
o Radyo
Iba’t Ibang Palabas o
Programang Patok sa
Masa/Manonood
/Mambabasa
Mga Patalastas sa
Telabisyon o Radyo
• Nakapaloob ang mass media sa siklo ng
produksiyon, distribusyon at pagkonsumo ng
menshe, produkto, at serbisyo sa lipunang
ating ginagalawan. Nililikha tayo ng mass
media kung kaya’t totoo ang sinabi ni
Marshall McLuhan na ang midyum ang
mismong mensahe. Ang midyum o mass
media na kinokonsumo natin ang nagtatakda
ng ating pag-iral sa lipunan.
• Mahirap nang mahiwalay sa telebisyon, radyo,
Internet, o cellphone lalo kung nasa siyudad
tayo.
• Kung kaya’t tulad ng kaalaman, mensahe, o
impormasyon, hinuhubog na tayo mismo ng
mass media.
Radyo – Ang Media ng Masa
• Ang mga programa sa radyo ang
pinakamalawak at may pinakamaraming
naabot na mamamayan dahil sa higi 6000 ang
mga estasyon ng radyo (BBC News, 2014).
• Pinakamurang kasangkapan sa bahay
kumpara sa telebisyon o ibang media gadget
• Maaaring gamitin sa mga baryo na wala pang
elektrisidad
• Sa resulta ng sarbey noong 2012 ng TNS
Digital Life, umabot sa 36% ng populasyon sa
Pilipinas ang nakikinig ng radyo, at 45% ng
Internet, at 89% na tumatangkilik sa
telebisyon.
• Noong 1960, namayagpag ang radyo bilang
numero unong mass media ng mga Pilipino
• Ang radyo ang pinagmumulan at
pinagkukunan ng balita, aliw, impormasyon,
payo, at serbisyong publiko sa mga tao.
• Mas mabilis din ang dating ng mga balita at
pagbabalita kumpara sa telebisyon dahil
madaling maipadala ang impormasyon at
makakonekta sa himpilan ng radyo.
Panonood Bilang Pagbasa,
Pagkatuto, at Pagkonsumo
• Ang panonood ay ikalimang kasanayang
pangwika.
• Ito ang proseso ng pagbasa, pagkuha at pag-
unawa ng mensahe mula sa palabasa.
• Isang uri ng pagbasa ang panonood dahil sa
halip na tekstong nakalimbag, ang tekstong
audio-visual ang binibigyang-kahulugan at
inuunawa ng manonood.
• Laging magkarugtong ang naririnig at
nakikitang nilalaman ng palabas. Hindi kasi
binabasa ang audio kundi pinakikinggan at ang
visual naman ay pinagmamasdan o
pinanonood.
• Maaari ring basahin ang visual; kung ito’y
susuriin o bibigyan ng interpretasyon sa
pamamagitan ng kritika at teorya tulad ng
ginagawa sa panunuring pansining sa guhit,
larawan, eskultura, disenyo, at arkitektura.
Subalit ang mga visual na nabanggit ay hindi
gumagalaw.
Mga Uri ng Palabas
A. Tanghalan/ Teatro
- Ang panonood ay maaaaring panonood ng
pagtatanghal bilang palabas na umaarte ang
mga tauhan, diyalogo/monologo; may
iskoring o musika; may tunggalian; tagpuan;
at wakas.
Ang palabas ay kuwentong napapanood sa
pagtatanghal sa teatro.
B. Pelikula
• Ito ay tinatawag ring motion picture o mga
larawang gumagalaw. Ayon sa mga iskolar,
magkarugtong ang kasaysayan ng teatro at
pelikula. Iisa ang kwento, nagkakaiba lang sa
midyum ng palabas: teatro ang sa
pagtatanghal, sinehan ang sa pelikula.
Napapanood natin ang pelikula sa pinilakang-
tabing sa loob ng mga sinehan.
C. Telebisyon
• Ang telebisyon naman ang midyum
samantalang ang mga programa sa telebisyon
ang palabas.
Iba’t ibang uri ng palabas sa telebisyon:
1.Palabas ayon sa kuwento gaya ng teleserye,
komediserye, telenovela, pelikula sa
telebisyon, at iba pa,
2. Balita tungkol sa paligid, sa pamahalaan, sa
mga artista, serbisyo-publiko at mga
dokumentaryo.
3. Variety show tuwing tanghali at kung linggo
4. Reality TV show o reality TV gameshow
D. You Tube
• -dahil sa makabagong teknolohiya ng internet,
maaari na ring manood ng mga palabas sa
YouTube(http://youtube.com) .
• Ang mga personal na video ng mga tao’y
maaaring i-upload sa Internet sa pamamagitan
ng YouTube o maaari ring sa isang video site.
Maaari ring mag-upload sa Facebook at iba
pang social networkingsite.
• Internet
- mula sa dalawang pinagsamang salita na
inter at networking na batay sa pakahulugan
ng The Free Dictionary.com(2015) ay kilala rin
bilang malawakang daluyan ng impormasyon
(information superhighway) at World wide
Web.
• Ang internet ang pinakamalaking aklatan
ngayon at walang iisang teksbuk ang
makatatapat dito .
BLOG
• Ito ay galing sa dalawang salita, web at log.
• Ito ay isang pangngalan na tumutukoy sa isang
website na mituturing naman na isang blog
dahil sa tema at mga nilalaman nito-maaaring
mga salita o teksto, litrato, video, link, o kung
ano man ang naisin ng mga blogger.
• Blogger ang tawag sa tao o grupong
nangangalaga , nagpapatakbo at nagsisimula
ng isang blog.
Mga Uri ng Blog
• Fashion Blog – ito ang isa sa mga pinaksikat na
uri ng blog. Ang mga blog na may ganitong
tema ay naglalaman ng mga damit o kung ano
man ang bago sa mundo ng fashion o
pnanamir. Kabilang ang mga blogger na sina
Laureen Uy, Kryz Uy, at Liz Uy sa mga
nagpapatakbo ng ganitong blog.
• Personal Blog – marami sa mga blogger ang
gusto lamang magbahagi ng kanilang buhay.
Maaaring gusto lamang nilang matuto ang
mga tao sa kanila o magbahagi lang ng mga
bagay na tumatakbo sa kanilang isipan. Halos
walang tema ang blog na ito – kahit ano ay
pwede.
• News blog – ang nais lamang ng mga blog na
may ganitong tema ay magbahagi ng mga
bagong balita sa mga mambabasa. Isa na sa
mga mapagkakatiwalaang blogger mula sa
ganitong uri ay ang Time na kilala dahil sa
kanilang magasin. Maaari ring isama rito ang
mga blog na nagbabahagi ng balita ukol sa
kalusugan, isports, at teknolohiya.
• Humor blog – naglalayon ang mga blog na ito
na makapagpatawa o makapagpaaliw ng mga
mambabasa. Maganda ang may ganitong uri ng
blog upang mas lumabas ang halina ng blogger
na makuha ang kiliti at emosyon ng mga
mambabasa, pinakasikat na marahil si
Professional Heckler sa mga humor blogger dito
sa Pilipinas. Ngunit hindi lamang sila
nagpapatawa, gusto rin nilang maimulat tayo sa
katotohanan gamit ng kanilang alam na paraan.
• Photo blog – ang blog na ito ay naglalaman ng
mga litrato hanggang sa mga typographics.
Naging malaking parte na ng buhay ng kabataan
ang mga photo blog. Isa na marahil sa
pinakasikat na pinagkukuhanan at
pinagmumulan ng nasabing blog ang Tumblr,
• hindi man katulad ng ibang mga blog site,
maganda pa rin ang Tumblr dahil bukod sa
napakarami ng mga gumagamit ay nakikita
ang talento ng mga makabagong kabataan sa
paggawa ng iba’t ibang litrato na karaniwan ay
naglalaman ng mga mensahe.
• Food blog – ang pangunahin at maaaring
natatanging layunin ng blog na ito ay
magbahagi ng mga resipi at mga paraan sa
pagluluto ng masasarap o kakaibang mga
pagkain.
• Vlog- ito ay kilala din bilang video blog
sapagkat naglalaman ito ng mga video mula sa
blogger. Ang mga video ay maaaring kuha ng
mga paglalakbay, eksperimento, o kung
anumang personal na gawain.
• Educational blog – nakatutulong ang mga
ganitong blog upang maliwanagan ang mga
mag-aaral sa mga aral na hindi nila
maintindihan sa paaralan. Napakarami na ng
mga blogger na may mabubuting puso upang
ipaliwanag nang malinaw ang mga aralin.
Kabilang na rito ang blog site na
AccountingCoach.co
Etikal na Pamantayan ng
mga blogger(salin ni Danilo Arao)
• Maging Tapat at walang Kinikilingan
Ang mga blogger ay dapat na maging tapat
at walang kinikilingan sa pangangalap, pag-
uulat, at pagsusuri ng impormasyon.
Ang blogger ay dapat na
1. Hindi nangongopya
2. Tinutukoy ang pinagmulan ng impormayon
• At ibinibigay ang hyperlink dito (kung posible).
Ang publiko ay may karapatang malaman
• Ang publiko ay may karapatang malaman
kung ang impormasyong ibinibigay sa kanila ay
mapagkakatiwalaan.
• Nakasisigurong ang mga weblog entry, sipi,
titulo, larawan, at iba pang laman ay hindi
nagbibigay ng maling imresyon sa publiko.
• Hindi nagbabago ang nilalaman ng mga
larawan nang hindi inaamin ang mga ito sa
publiko.
Anumang pagpapaganda ng larawan ay
katanggap-tanggap lang kung ito ay para sa
teknikal na kalinawan (technical clarity). Ang
mga montage at ilustrasyong binubuo ng mga
larawan ay dapat na may kaukulang titulo.
• Hindi maglalabas ng impormasyong hindi
totoo– at kung maglalabas ng impormasyng
hindi beripikado, maging malinaw na may
pagdududa rito.
• Nalalaman ang pagkakaiba –iba ng
pagtataguyod ng isyu, pagbibigay ng
komentaryo, at simpleng paglalahad ng datos.
Kahit ang pagsulat ng pagtataguyod ng isang
isyu at pagbibigay ng komentaryo ay dapat na
hindi nagbibigay ng maling impormasyon o
konteksto.
Inihihiwalay ang pagbibigay ng datos at
komentaryo sa mga patalastas at hindi mag-
blog sa paraang hindi makita ang kaibahan ng
dalawa.
Bawasan ang Pinsala
Ang mga etikal na blogger ay nagbibigay-galang sa mga
taong pinagkukunan ng impormasyon. Ang mga blogger
ay dapat na :
1. Magpakita ng pag-iintindi sa mga taong maaaring
sobrang maapektuhan ng anumang nilalaman ng isang
weblog . Gumamit ng espesyal na sensibilidad
kung tinatalakay ang mga isyung may
kinalaman sa mga bata o kumukuha ng
impormasyon mula sa mga taong walang
karanasan;
• Maging sensitibo kung humihiling ng panayam
o kumukuha ng larawan ng mga taong
apektado ng trahedya o nagdadalamhati;
• Kinikilalang pangangalap o pag-uulat ng
impormasyon ay maaaring magresulta sa
pinsala o pagkabalisa. Ang pagkuha ng
impormasyon ay hindi lisensya para maging
arogante;
• Kinikilala na ang mga pribadong indibidwal ay
may mas malaking karapatang huwag
magbigay ng impormasyon tungkol sa kanila
kumpara sa mga opisyal ng gobyerno
o iba pang nagnanais ng kapangyarihan,
impluwensya , o atensyon . Tanging ang
malaking pangangailangan ng publiko para sa
impormasyon ang nagbibigay-dahilan para
panghimasukan ang pribadong buhay ng isang
tao;
Magpakita ng kagandahang-asal. Iwasan ang
pagpatol sa kagila-gilalas na pampublikong
pag-uusyoso. Maging maingat sa pagbibigay
ng tunay na pangalan ng mga batang suspek
sa krimen, mga biktima ng panggagahasa, at
iba pang mga suspek ng krimen bago ang
pormal na paghahain ng kaso.
• Magkaroon ng pananagutan
Ang mga blogger ay dapat na
1. Aminin ang anumang kamalian at mabilis na
iwasto ang mga ito.
2. Ipaliwanag ang misyon ng bawat weblog at
hikayatin ang publiko sa palitan ng kuro-kuro
hinggil sa nilalaman nito at asal ng mga
blogger;
3. ibunyag ang mga nagtutunggaling interes,
pagiging miyembro ng anumang organisasyon,
mga aktibidad, at personal na adyenda;
4. hindi pinapaboran ang mga naglalagay ng
patalastas sa blog at iba pang grupo at
nilalabanan ang anumang pamimilit na
baguhin ang nilalaman ng blog para maging
pabor sa kanila. Pero kung sakaling gagawin
ito, ibunyag ito nang buo sa mga mambabasa.
5. Maging maingat sa mga taong nais magbigay
ng impormasyong kapalit ng ilang pabor. Kung
tatanggapin ang kanilang impormasyon,
kailangang ilahad ang mga nasabing pabor.
6. Ilantad ang mga hindi etikal na gawi ng iba
pang blogger; at
7. Sumusunod sa parehong mataas na
pamantayang itinatakda para sa iba.
Pangkatang Gawin
• Pangkat isa
• Pag-usapan at iulat sa klase ang mga
napakinggang panayam sa mga kilalang tao.
Tukuyin ang iba’t ibang gamit ng wika mula
sa mga pahayag ng kinapanayam
• (Pangkat dalawa at tatlo)
• Tukuyin ang iba’t ibang gamit ng wika sa mga
blog na napanood/nabasa ninyo
• (Pangkat apat at lima)
• Magbigay ng halimbawa ng napanood na
dula/pelikula na napanood ninyo. Ipaliwanag
kung paano ginamit ang wika upang bigyang
–diin ang kulturang inilalarawan ng nasabing
panoorin.
• Mga Layunin ng aralin:
1.Naipaliliwanag nang pasalita ang iba’t ibang
dahil, anyo, at pamamaraan ng paggamit ng
wika sa iba’t ibang sitwasyon.
2.Nakasusulat ng mga tekstong
nakapagpapakita ng kalagayang pangwika sa
kulturang Pilipino.
Lunsaran
• Paano natin pinag-aralan ng sariling kultura?
KAUGALIANG PABIGKAS
A. Bumuo ng apat na pangkat sa klase. Sa loob
ng 10 minuto, ang bawat pangkat ay mag-
uunahang mkapaglista ng mga pamagat o
halimbawa ng tradisyong pasalita batay sa
mga kaalamang bayan at panitikang bayan ng
Pilipinas na natutuhan sa klase. Tukuyin kung
saang etnolingguwistikong pangkat o
rehiyon/bayan ito nagmula.
ALAMAT PINAGMULANG
ETNOLINGGUWISTIKONG PANGKAT
EPIKO PINAGMULANG REHIYON/BAYAN
PABULA PINAGMULNG REHIYON/BAYAN
B. Ano-ano ang iba’t ibang uri ng umpukan ng
mga tao? Saan ito ngaganap? Sino-sino ang
kasalo sa usapan? Ano-ano ang karaniwang
pinag-uusapan sa umpukan ng mga tao?
Ugnayan ng wika at kultura
Ang kultura ay tumutukoy sa paraan ng
pamumuhay na nakagawian o nakasanayan
na ng mga tao sa isang lugar. Binubuo ito ng
mg karunungan, panitikan, paniniwala,
kaugalian, sining , batas, pagpapahalaga, at
iba pa.
• Dahil mahalagang instrumento ang wika
upang makapag-ugnayan ang mga tao, ito ang
ginagamit upang maipahayag, malinang at
mapalaganap pa ang kultura.
• Ito rin ang ginagamit upang maisali at
maipamana ito sa susunod na henerasyon.
Ang paraan ng paggamit ng wika at
pagbibigay-kahulugan dito ay maaaring
magkakaiba sa iba’t ibang lugar batay sa
kulturang taglay ng lugar na gumagamit nito.
• Kaalamang Bayan
• Ito ay umiiral na kwento panitikan, paniniwala,
ritwal, gawi, at tradisyon, ng mga mamamayan
sa isang pamayanan o kalinangan na
nagpasalin-salin sa iba’t ibang lahi at pook
dhil sa ito’y bukambibig ng taumbayan.
KAALAMANG BAYAN
A. Ang awiting –bayan ay mga awit ng mga
Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay
kinakanta o inaawit p rin. Halimbawa ng mga
awiting ito ay Leron, Leron Sinta, Bahay Kubo,
Atin Cu Pung Singsing at Paruparong Bukid
(Simbulan 2012, mula sa aklat nina Nuncio et
al.,2016)
• Mga uri ng Awiting Bayan
1.Oyaye o hele – awit sa pagpapatulog ng bta
2.Kundiman-awit ng pag-ibig
3.Pananapatan – Panghahrana s Tagalog. Awit
ng mga binta sa dlagang pinipintuho.
4.Soliranin- rowing song o awit ng pamamangka
5.Kumintang – awit ng pakikidigma
• Sambotani – awit ng pagtatagumpay
• Diona – awit ng pagpapaksal
• Balitaw – awit sa paghaharana ng mga Bisaya
• Pangangaluluwa – awit sa araw ng mga
Panata ng mga Tagalog
• Paninsit- (kapampangan) “o kaka, o kaka”
• Dalit – awit na panrelihiyon
• Dung-aw – awit sa patay ng mga Ilokano
Sanggunian: Panitikang Kayumanggi (National Bookstore. Inc)
Pananapatan o Harana
• Tao po, tao po, may bahay na bato
buksan ang bintana
tayo’y magpandanggo
ang sadya pa namin
hitso’t sigarilyo
hindi pala hitso
ang dalaga ninyo
Ang dalaga ninyo
Ayaw paligawan
Pumasok sa silid
Nagsakit-sakitan
Tinanong ng ina
Kung anong dahilan
Sumakit daw po
ang kanyang tiyan
Nagpatawag na siya
Dalawang mediko
Pinagtig-isahan
Ang dalawang pulso
Wika ng mediko
Hindi raw sakit ito
Sinta ng binatang
Umakyat sa ulo
B. Ang Alamat
-pasalitang pampanitikan tungkol sa pinagmulan
ng iba’t ibang bagay
-tumutukoy sa pinanggalingan ng pangaln ng
lugar, kalikasan, at kay Bathala.
- Nagbibigay ito ng aral sa buhay at paghamon
na maituwid ang masasamang nakaraan
Pabula
• -isang maikling kwentong kathang isip na
tumatalakay sa mg aral sa buhay ng tao.
• Mga hayop ang mga tauhan dito
Epiko
-isang tulang pasalaysay na nag sasaaad ng
kabayanihan ng pangunahing tauhan na
nagtataglay ng kapangyarihan na kdalasan ay
galing sa diyos o diyosa.
-mula sa salitang epos na nangangahulugang
salawikain o awit.
-sa ilang mga lugar sa bansa, ang epiko ay
binibigkas nang paawit tuwing may kasiyahan
o pagtitipon-tipon at inabot nang ilang oras
o araw bago matapos
• Layunin:
• Manggising ng damdamin upang hangaan ang
pangunahing tauhan
• Pagtatagumpay laban sa mga suliraning
nakakaharap (River,www.kaptbisig.com)
• Kuwentong katatakutan o urban legend -
ay hindi mawawala sa umpukan sa kanto, sa
huntahan ng magbabarkada sa klase, o di
kaya’y tuwing nagkikita-kita ang
magkukumpre sa palengke.
Madalas, ang ganitong uri ng kuwento ay
patungkol sa mistoryosong paglabas ng
babaeng nakaputi, kapre o aswang sa
siyudad.
Tumatanim sa isip ng mga ng mga nakaririnig at
minsa’y napapaniwala ang iba kahit na
walang matibay na ebidensya kung totoo ito o
hindi
Halimbawa nito ay ang mahiwagang babae sa
Balete Drive o di kaya’y nagkalat na multo sa
mga pangunahing unibersidad ng bansa.
F. Hindi mawawala sa isang bayan o pamayanan
ang pista bilang alay sa patrong santo sa
simbahan ng mga Katoliko. Sa mga kapatid
nating Muslim, ipinagdiriwang nila ang Eid Al-
Fitr matapos ang isang buwan ng pag-aayuno.
Sa araw na ito, naghahanda ng masasarap na
putahe ang mga Muslim at nagsasalo-salo
bilang pamilya at pamayanan.
• Bahagi rin ng ating kultura ang magagarbong
selebrasyon o pagtitipon tulad ng kasal,
binyag, at maski pagtatapos ng mga anak sa
kolehiyo. Mahilig din ang mga Pilipino sa
paligsahan tulad ng pagkanta, pagsayaw, at
pagpapakita ng iba’t ibang talento
• Mga Tanong :
• Ano ang ugnayan ng wika at kultura?
• Bikit posibleng hindi pareho ng paggamit at
pagpapakahulugan sa wika sa magkakaibang
lugar?
• Ano-ano ang halimbawa ng kaalamang
bayan?Magbigay ng isang kaalamang bayan
mula sa iyong kinalakihang lugar
Mga Gawain
A. Bumuo ng apat na pangkat sa klase.
Magsaliksik tungkol sa alamat at kasaysayan
ng isang bayan. Pumili ng bayan kung saan
nakatira ang karamihan ng kasapi sa pangkat.
Kapanayamin ang matatanda sa lugar na ito o
sumangguni sa lokal na museo at lokal na
pamahalaan. Alamin ang mga sumusunod:
1. Ano ang kuwento ng matatanda tungkol sa
pagpapangalan sa bayan?
2. Paano nagpago-bago sa takbo ng panahon
ang pangalan ng bayan?
3. Ano-ano ang pangalan ng barangay sa bayang
ito? Alamin ang kasaysayan at kuwento sa
likod ng pagpapangalan ng mga ito.
4. Ano-anong pagbabago ang nangyari sa
bayan?
a. Dami ng populasyon
b. Pagbabagong hatid ng industriyalisasyon at
komersiyalisasyon
c. Pagbabago sa tradisyon (piyesta, paniniwala,
ibang gawaing byan) takbo ng panahon
d. Paggamit ng wika sa inyong bayan at
impluwensya ng ibang wika
Pagkatapos ay sumulat ng isang sanaysay batay
sa mga nakalap na impormasyon. Iulat ito sa
klase.
B. Obserbahan ang natatanging kilos at gawi o
kalagayan ng mga Pilipinong nakakasalamuha
o nakikita mo sa iyong pang-araw-araw na
buhay. Pagkatapos ay magsaliksik ng mga
orihinal na kanta o awiting Pilipino (OPM),
dula
• Dula, pelikula at kilatisin at pagnilayan kung
paano nito sinasalamin ang iyong
naobserbahan.
• Halimbawa:
Isyu/Kalagayan Awiting Pinoy Pagnilay-nilay
Mga batang
palaboy sa
kalsada
Masdan Mo ang
mga Bata ng Asin
Kahit lugmok sa kahirapan ang mga palaboy
na bata sa kalsada, may ngiti at ningning
ang kanilang mga mta. Tayo’y dumaan sa
pagiging bata at ang pagiging inosente ,
mapaglaro , makulit , matanong ay unti-
unting nawawala habang tayo’y tumatanda.
Naramdaman ko ang pangangailangang
maging bata-masaya sa buhay , makulit,
matanong, at iba pa sa gitna ng pagsubok
at hamon sa buhay. Masdan natin ang mga
bata.
Isulat ang inyong mga naging obserbasyon,
repleksiyon, pagsusuri o reaksiyon sa mga
gawaing nakasaad sa itaas.
• Kilalanin ang pino-post o ang mga inilalagay
ng mga kabataang Pilipino sa Facebook
tungkol sa napapanahong isyung panlipunan
at pangkultura.
1. Ano ang popular na isyung pangkultura at
panlipunan na pinag-uusapan nila?
2. Anong uri ng Diskurso ang ginagamit nila sa
pagtalakay?
• Ang facebook ay maaaring ituring na
makabagong umpukan ng mga tao, lalong -
lalo na ng kbataan. Talakayin ang isyung napili
batay sa angkop na diskurso nito.
(pagsasalaysay, pangangatwiran, paglalahd, o
paglalarawan) Magbigay ng sariling pahayag
tungkol sa isyu.
Isyung Pangkultura Diskursibong Pagtalakay sa Isyu Sariling Pahayag
Isyung Pangkultura
(Sining, palabas sa
telebisyon at pelikula,
pagkain, tradisyon,
paniniwala, kaalamang-
bayan, at iba pa.
Diskursibong Pagtalakay ng isyu
(pagsasalaysay, pangangatwiran,
paglalahad, paglalarawan)
Maaaring higit sa isang diskurso ang
uri ng pagtalakay sa iisang paksa.
Ibigay ang mg ito kung kinakailangan
Isyung pnlipunan
(politika, edukasyon,
ekonomiya, pamilya,
relihiyon, ugnayang
panlabas, at iba pa)
Diskursibong Pagtalakay ng isyu
(pagsasalaysay, pangangatwiran,
paglalahad, paglalarawan)
Maaaring higit sa isang diskurso ang
uri ng pagtalakay sa iisang paksa.
Ibigay ang mg ito kung kinakailangan
Kakayahang Komunikatibo ng
mga Pilipino
Sa pag-aaral ng wika, may dalawang kakayahang
dapat bigyan ng tuon, ang komunikatibo at
lingguwistiko.
Ang kakayahang komunikatibo ay tumutukoy sa
paglalapat nga kaalamang lampas sa
gramatika o balarila. Mahalaga rito ang
mabisang paggamit ng wika para sa ganap na
pagkakaunawaan(Garcia, et al.,2008)
• Lingguwistika ang tawag sa maagham na pag-
aaral ng wika. Pinag-aaralan dito at sinusuri
ang estruktura, katangian, pag-unlad, at iba
pang bagay na may kaugnayan sa isang wika.
(Lachica,2001:2) Kinapapalooban ito ng
pagsusuri ng bawat tunog (ponema), titik,
yunit ng salita (morpema), salita (leksikon),
pangungusap (sinataks), at
pagpapahayag(diskors).
• Sang-ayon kina Canale at Swain (1980), para
daw masabi na ang isang tao ay may
kakayahang komunikatibo sa isang wika,
kailangang tinataglay niya ang kakayahang
panlinggwistika at gramatika (Tiongan,2011).
• Tumutukoy ito sa kakayahang umunawa at
makabuo ng mga estruktura ng wika na sang-
ayon sa tuntunin ng gramatika. Sa batayang
ito, ipinapakikita ng isang tao ang kaniyang
kahusayan sa paglalapat ng tuntunin ng wika.
• Tumutukoy ito sa kakayahang umunawa at
makabuo ng mga estruktura ng wika na sang-
ayon sa tuntunin ng gramatika. Sa batayang
ito, ipinapakikita ng isang tao ang kaniyang
kahusayan sa paglalapat ng tuntunin ng wika.
Mga Madalas na pagkakamali
sa Gramatikang Filipino
• Nang
• Ng
• Subukin at subukan
• Pahirin
• Pahiran
• Operahin / operahan
• Din,rin ,raw, daw
• May
• Mayroon
• Kung at kong
• Kita at kata
• Sila at nila /sina at nina
• Pinto at pintuan
• Sina/nina
Mabisang Pangungusap
• May kaisahan ang pangungusap kung
tumutulong ang bawat bahagi sa paghahayag
ng isang pangunahing diwa.
Halimbawa:
Nagmamadaling bumangon si Nelia, naligo, nag-
ayos ng katawan, kumain ng almusal, at
pumasok sa paaralan.
Nagkakaisa ang aspekto
• Nagsialis at nagsisiuwi na ang mga panauhin
ko kanina
• Nagsialis at nagsiuwi na ang mga panauhin ko
kanina
Gamitin ang tinig na balintuyak ng pandiwa
kapag ang simuno ng pangungusap ay hindi
siyang gumaganap ng kilos.
• Si Lissette ay binili ang relo para kay Jovic.
• Ang relo ay binili ni Lissette para kay Jovic
• Pagbibigay-diin- Kinakailangan ang wastong
pag-aayos ng mga salita at pagbibigay-diin.
May kahinaan:
Mag-aral ka raw na mabuti, ang sabi ng
nanay mo.
Maayos: Ang sabi ng nanay mo ay mag-aral ka
raw nang mabuti.
Palagitlingan
Ginagamit ang gitling kapag
• Ang salita ay inuulit
• Ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang
salitang-ugat na nilalapian ay nagsisimula sa
patinig
• May katagang nawawala sa pagitan ng
dalawang salitang pinagsasama
Halimbawa: bulaklak – parang (bulaklak-
parang)
• Ang isang panlapi ay inilalapi sa uanahan ng
isang ngalang pantangi.
• Ang panlaping ika- ay ginagawang unlapi sa
mga tambilang.
• Binabaybay ang yunit ng praksyon
• halimbawa: isang-katlo tatlong-kapat
• Nananatili ang kahulugan ng dalawang
salitang pinagtatambal.
• halimbawa: tawang-aso dalagang-bukid
Gamit ng Kudlit
• Ako at ikaw - ako’t ikaw
• Mayaman at mahirap - mayama’t mahirap
• Bayan at lungsod – baya’t lungsod
Kakayahang Sosyolinggwistiko
• Bahagi ng pag-aaral ng linggwistika ang
tinatawag na sosyolinggwistika. Sinisipat sa
pag-aaral nito ang ugnayan ng wika at lipunan
partikular ang kaangkupan ng gamit ng isang
wika batay sa iba’t ibang konteksto
• Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay
maituturing na gamit o kasangkapan ng
sosyalisasyon, na ang ugnayang sosyal ay hindi
magiging ganap o buo kung wala ang
wika.(Villanueva,2012:74)
• Friday
• 3:00 pm
Saturday
8:00 -pagbuo ng pananaliksik
1:00 - Demo
Introduksyon sa Pananaliksik
sa wika at Panitikan
• Mga Layunin:
1.Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa
sa wika’ t kulturang Pilipino.
2.Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng
isang makabuluhang pananaliksik
3. Nagagamit ang angkop na mga salita at
pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay
ang mga ideya sa isang sulatin.
4. Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik
sa mga penomenang kultural na panlipunan
sa bansa
Gawain
1. Ano ang isang natatanging tradisyon sa
sinilangan at kinalakihang bayan ng iyong
mga magulang? Sa Iyong sinilangan at
kinalakihang bayan?
2. Ano ang wikang natutuhan ng iyong mga
magulang mula sa kanilang lugar o bayan?
3. Nagagamit ba sa inyong tahanan ang wika ng
iyong mga magulang?
4. Kung magkaiba ang wika ng iyong mga
magulang, alin ang mas ginagamit na wika sa
inyong tahanan?
5. Nagagamit ba ninyo ang wikang Ingles sa
inyong tahanan? Bakit
6. Sa kasalukuyan, ginagawa o sinusunod pa ba
ng inyong mga magulang ang tradisyong
kinamulatan nila sa kani-kanilang bayan?
Pagtuklas a Pagtatanong
tungo sa Pananaliksik
Mga uri ng tanong:
1. Ang praktikal na tanong
Ito ay mga tanong na may kagyat na solusyon o
aplikasyon ayon sa sitwasyon at suliranin.
Halimbawa: Paano patitibayin ang bubong ng
bahay? Paano magpalit ng gulong ng
sasakyan na umimpis o nabutas na?
2. Ang espekulatibo o pilosopikal na tanong
Ito ay mga tanong na humihingi ng palagay o
pagpapalagay tungkol sa isang bagay o
sitwasyon.
Halimbawa: May ikalawang buhay ba
matapos mamatay ang tao? Nakararamdam
ba ng awa ang mga hayop? Paano maging
malaya sa lipunang punumpuno ng batas at
regulasyon? May nilalalang bang nabubuhay
sa ibang planeta?
• 3. Ang panandalian o tentatibo o mga tanong
na batay sa prediksyon at probabilidad ay
mga tanong na sinasagot batay sa panahon o
pagkakataon kung kailan ito naganap o
itinanong.
• Halimbawa:
• Uulan ba bukas?
• Ano ang halaga ng piso kontra dolyar sa
susunod na linggo?
4. Mga imbestigatibong tanong
• umuusisa o sumisiyasat sa isang pangyayari
o sitwasyon.
Halimbawa: Sino ang nagnakaw ng mg manok sa
bakuran? Ano ang motibo ng suspek para
gawin ang krimen?
• Ang disiplinal na tanong
mga tanong na umiikot sa mga paksang
tinatalakay sa isang disiplina ng pag-aaral?
Sikolohiya ng wika: Ano ang naibubulalas ng
taong bugnutin?
Ekonomiks: Ano ang tototoong halaga ng
perang padala ng OFW sa ekonomiya ng
bansa?
Pamamahala : Paano mapapataas ang kita ng
kompanya sa panahong may krisis sa bansa?
Biology: Mabubuhay ba ang halaman sa
planetang Mars? Paano?
Proseso sa Pagsulat ng
Pananaliksik
1.Pagpili ng Paksa
2. Pagpapahayag ng Layunin
3. Paghahanda ng pansamantalang Bibliograpiya
4. Paggawa ng Pansamantalang Balangkas
5. Pangangalap ng mga datos
6. Ang pinal na balangkas
7. Pagsulat ng burdor at pagwawasto
8. Pagsulat ng kongkusyon
Tseklist sa pagsulat at
proseso ng pananaliksik
a. Pag-iisip ng Paksa
b. Pangunahing idea o tesis ng pag-aaral
c. Layunin kung bakit pinili ang paksa
d. Suliranin ng pag-aaral o paglalahad ng
problema
e. Paglalahad ng mgkakaugnay na pag-aaral
f. Metodolohiya
g. Teorya o dalumat
h. Sakop at limitasyon
i. Pagtalakay sa resulta ng pananaliksik
j. Kongklusyon
• Pananaliksik
• Ayon kay Good, ang pananaliksik ay isang
maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa
pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan
batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na
suliranin tungo sa klarifikasyon at/o
resolusyon nito.
• Layunin ng Pananaliksik - preserbasyon
at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng
tao.
Tiyak na layunin ng Pananaliksik ayon sa
Tala nina Calderon at Gonzalez(1993):
• a. Upang makadiskubre ng mga Bagong
kaalaman hinggil sa mga batid na penomena
• b. Upang makakita ng mga sagot sa mga
suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga
umiiral na metodo at nformasyon.
• c. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at
makadevelop ng mga bagong instrumento o
produkto.
d. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang
substances at elements.
d. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa
kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan
at iba pang larangan.
e. Masatisfy ang kuryosidad ng mananaliksik
h. Mapalawak ang mga umiiral na kaalaman
• Ang Pamanahong –Papel o term paper
• Isang uri ng papel – pampananaliksik na
karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante sa
kolehiyo bilang isa sa pangangailangan sa
isang larangang akademiko.
• Uri ng Pananaliksik Batay sa Pakay: Pag-usisa
vs. Pakinabang
1. Pangunahing Pananaliksik (Basic research)
Umiikot ito sa mausisang pagtatanong ng mga
mananaliksik tungkol sa isang posibleng ideya;
penomenon na mahirap ipaliwanag;
• suliraning nararanasan sa lipunan, pagkatao at
kalikasan; at iba pang maaaring masagot o di
kaya’y mauunawaan lamang kapag natapos na
ang pananaliksik. May ilang tanong na wala
talagang tiyak na kasagutan sa kasalukuyan.
Halimbawa ng mga tanong:
a.Ano ng “black hole”? Paano nito
maipapaliwanag ang simula ng kalawakan?
b.Bakit mas malulusog at mas magaganda ang
henerasyon ng mga bata ngayon?
c. Ano ang dahilan ng makauring tunggalian sa
lipunan?
2. Praktikal na pananaliksik (Applied research)-
Umiikot ito sa hangaring matugunan at
masolusyunan ang isang praktikal na suliranin
sa lipunan. Isinasagwa ito dahil sa direkta
nitong kapakinabangan.
• Halimbawa ng mga tanong:
a. Paano mas matututo ng kabataan sa loob ng
bahay?
b. Ano ang paraan ng pagpapataas ng ani ng
palay ngayong tag-init?
c. Ano-ano ang mga hakbang upang higit na
matugunan ang sakuna sa syudad?
Uri ng Pananaliksik Batay sa
Proseso
1. Descriptive- Pananaliksik na nakatutok sa
pagpapakita ng pangyayari o nangyari: kung
paano, kailan at bakit nagsimula. Inuusisa nito
ang pinagmulan o kasaysayan ng isang bagay o
penomenon sa pamamagitan nang masusi at
mabusising pangangalap ng datos o
impormsyon
• Inilalarawan nito nang buo ang kuwento,
diskurso o penomenon ayon sa pananaw at
karanasan ng impormante o kalahok sa
pananaliksik.
• Halimbawa ng mga paksa:
a.“Ang paglaganap ng Emo-Fashion sa Kolehiyo”
b.“Ang Korean Pop at ang Pagtangkilik nito ng
Kabataan”
c. “Ang Paglala ng Krimen sa Lungsod ng
Maynila”
2. Exploratory – Pananaliksik na
nagtatangkang usisain ang nangyayaring
penomenon. Kasalukuyan ang lunan at
panahon ng pananaliksik na ito.
Nakikilahok ang mananaliksik upang sa
kanyang direktang karanasan at pag-
aaral, maunawaan niya ang paksa ng
kanyang pananaliksik na exploratory at
vice – versa.
Halimbawa ng mga Paksa:
a.“ Ang Pagkamaluho ng Kabataan sa
Teknolohiya”
b.“Ang Paglala ng Krimen sa Maynila sa Pananaw
ng Kabataan”
3. Explanatory- Layunin ng Pananaliksik na ito
na ipaliwanag ang sanhi at bunga o mga
baryabol na sangkot sa pagsusuri ng
penomenon. Hindi lamang ito simpleng
paglalahad ng datos kundi pagpapaliwanag o
pagsusuri sa penomenong pinag-aaralan.
Halimbawa ng mga paksa:
“ Ang Epekto ng Cramming sa Ugali, Pag-iisip, at
Kalusugan ng mga Estudyante”
4. Transdisiplinari- Ganito ang pananaliksik
kapag tatahkin o pag-aaralan ng mananaliksik
ang paksa na kabilang sa larangang hindi niya
gamay o espesyalisasyon. Sabay niyang
tutuklasin ang larangan at ng kanyang
paksang pinag-aaralan.
Halimbawa ng paksa:
a. “Ang Theraphy ng Poetika” (pag-aaralan ng
isang clinical psychologist habang pinag-
aaralan din niya ang panulaan/ poetik at ang
epekto nito sa makatang may sakit.
• Awtput
• Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik
sa mga penomenang kultural at panlipunan sa
bansa
Lubos na pasasalamat sa mga awtor ng mga
aklat na ginamit na sanggunian.
• Mga Sanggunian:
• Bernales, Rolando et.al. 2016. Komunikasyon sa
Makabagong Panahon Filipino Alinsunod sa K-12
Kurikulum ng Batayang Edukasyon, Mutya Publishing
House, INC.
• Bernales, Rolando et.al. 2009. Komunikasyon sa
Makabagong Panahon Filipino (Batayan at Sanayang-
Aklat sa Filipino I,Antas Tersyarya. Mutya Publishing
House, INC.
Sanggunian:
Bernales, Rolando et al. 2013. Komunikasyon sa
Makabagong Panahon ( Batayan at Sanayang
Aklat sa Filipino 1, Antas Tersyarya)Mutya
Publishing House , Inc.
• Nuncio, Rhoderick at Nuncio Elizabeth
et.al.2016 Sidhaya 11 Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
(Batayang Aklat sa Filipino sa Senior High
School)C ad E Publishing INC.
• Rubin,Ligaya Tiamson et.al. Kasaysayan at
pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas.
Rex Bookstore.2002.
Sanggunian:
Panitikang Kayumanggi (Pangkolehiyo).National
Bookstore.INC.1994
• Mga Sanggunian:
• Austero, Cecilia S. et.al.2012.Komunikasyon sa
Akademikong Filipino.Rajah Publishing
House.Sta.Mesa Manila.
• Bernales, Rolando. 2013
et.al.Retorika:Masining na Pagpapahayag
(Batayan at Sanayang-aklat sa Filipino 3, Antas
Tersyarya)Mutya Publishing House. Inc.
• Elizabeth Morales Nuncio., et.al
Makabagong Filipino sa Iba’t Ibang
Pagkakataon: Batayang aklat sa pagbasa,
pagsulat at pananaliksik sa antas
pangkolehiyo(Filipino ), C& E Publishing Inc.,
2015.

More Related Content

Similar to Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).ppt

Introdusyon sa Pag-aaral ng Wika
Introdusyon sa Pag-aaral ng WikaIntrodusyon sa Pag-aaral ng Wika
Introdusyon sa Pag-aaral ng WikaJerlieMaePanes
 
3.-Konseptong-Pangwika-Homo-at-Heterogenous-Barayti-ng-Wika-at-Lingguwistikon...
3.-Konseptong-Pangwika-Homo-at-Heterogenous-Barayti-ng-Wika-at-Lingguwistikon...3.-Konseptong-Pangwika-Homo-at-Heterogenous-Barayti-ng-Wika-at-Lingguwistikon...
3.-Konseptong-Pangwika-Homo-at-Heterogenous-Barayti-ng-Wika-at-Lingguwistikon...Chols1
 
1_Q1-Komunikasyon.pptx
1_Q1-Komunikasyon.pptx1_Q1-Komunikasyon.pptx
1_Q1-Komunikasyon.pptxMarife Culaba
 
barayti ng wika lesson 1.pptx
barayti ng wika lesson 1.pptxbarayti ng wika lesson 1.pptx
barayti ng wika lesson 1.pptxZarica Onitsuaf
 
Ang Lingguwistikong Barayti Ng Wika.pptx
Ang Lingguwistikong Barayti Ng Wika.pptxAng Lingguwistikong Barayti Ng Wika.pptx
Ang Lingguwistikong Barayti Ng Wika.pptxJohnHenilonViernes
 
FIL 111 Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Barayti ng wika.pptx
FIL 111 Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Barayti ng wika.pptxFIL 111 Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Barayti ng wika.pptx
FIL 111 Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Barayti ng wika.pptxMaryGraceYgotParacha
 
UNIBERSAL NA KATANGIAN NG WIKA.pptx
UNIBERSAL NA KATANGIAN NG WIKA.pptxUNIBERSAL NA KATANGIAN NG WIKA.pptx
UNIBERSAL NA KATANGIAN NG WIKA.pptxEverDomingo6
 
BAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptx
BAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptxBAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptx
BAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptxevafecampanado1
 
MGA SALITA SA PAGPAPAHAYAG- RETORIKA
MGA SALITA SA PAGPAPAHAYAG- RETORIKAMGA SALITA SA PAGPAPAHAYAG- RETORIKA
MGA SALITA SA PAGPAPAHAYAG- RETORIKAGOOGLE
 
Konseptong pangwika(modyul1)
Konseptong pangwika(modyul1)Konseptong pangwika(modyul1)
Konseptong pangwika(modyul1)princessalcaraz
 
baraytingwika-180926023656-converted.pptx
baraytingwika-180926023656-converted.pptxbaraytingwika-180926023656-converted.pptx
baraytingwika-180926023656-converted.pptxSherwinAlmojera1
 
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02Lerma Sarmiento Roman
 
baraytingwika-180926023656.pptxkuqgdiqgiwdk
baraytingwika-180926023656.pptxkuqgdiqgiwdkbaraytingwika-180926023656.pptxkuqgdiqgiwdk
baraytingwika-180926023656.pptxkuqgdiqgiwdkronaldfrancisviray2
 
Komunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdf
Komunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdfKomunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdf
Komunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdfRyanPaulCaalem1
 

Similar to Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).ppt (20)

Wika
WikaWika
Wika
 
Introdusyon sa Pag-aaral ng Wika
Introdusyon sa Pag-aaral ng WikaIntrodusyon sa Pag-aaral ng Wika
Introdusyon sa Pag-aaral ng Wika
 
WIKA2 (1).ppt
WIKA2 (1).pptWIKA2 (1).ppt
WIKA2 (1).ppt
 
3.-Konseptong-Pangwika-Homo-at-Heterogenous-Barayti-ng-Wika-at-Lingguwistikon...
3.-Konseptong-Pangwika-Homo-at-Heterogenous-Barayti-ng-Wika-at-Lingguwistikon...3.-Konseptong-Pangwika-Homo-at-Heterogenous-Barayti-ng-Wika-at-Lingguwistikon...
3.-Konseptong-Pangwika-Homo-at-Heterogenous-Barayti-ng-Wika-at-Lingguwistikon...
 
1_Q1-Komunikasyon.pptx
1_Q1-Komunikasyon.pptx1_Q1-Komunikasyon.pptx
1_Q1-Komunikasyon.pptx
 
Wika sa pang araw-araw na buhay
Wika sa pang araw-araw na buhayWika sa pang araw-araw na buhay
Wika sa pang araw-araw na buhay
 
barayti ng wika lesson 1.pptx
barayti ng wika lesson 1.pptxbarayti ng wika lesson 1.pptx
barayti ng wika lesson 1.pptx
 
Ang Lingguwistikong Barayti Ng Wika.pptx
Ang Lingguwistikong Barayti Ng Wika.pptxAng Lingguwistikong Barayti Ng Wika.pptx
Ang Lingguwistikong Barayti Ng Wika.pptx
 
Wikang Filipino
Wikang FilipinoWikang Filipino
Wikang Filipino
 
FIL 111 Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Barayti ng wika.pptx
FIL 111 Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Barayti ng wika.pptxFIL 111 Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Barayti ng wika.pptx
FIL 111 Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Barayti ng wika.pptx
 
UNIBERSAL NA KATANGIAN NG WIKA.pptx
UNIBERSAL NA KATANGIAN NG WIKA.pptxUNIBERSAL NA KATANGIAN NG WIKA.pptx
UNIBERSAL NA KATANGIAN NG WIKA.pptx
 
BAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptx
BAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptxBAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptx
BAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptx
 
MGA SALITA SA PAGPAPAHAYAG- RETORIKA
MGA SALITA SA PAGPAPAHAYAG- RETORIKAMGA SALITA SA PAGPAPAHAYAG- RETORIKA
MGA SALITA SA PAGPAPAHAYAG- RETORIKA
 
Konseptong pangwika(modyul1)
Konseptong pangwika(modyul1)Konseptong pangwika(modyul1)
Konseptong pangwika(modyul1)
 
baraytingwika-180926023656-converted.pptx
baraytingwika-180926023656-converted.pptxbaraytingwika-180926023656-converted.pptx
baraytingwika-180926023656-converted.pptx
 
aralin 1 fiilipino 11.pptx
aralin 1 fiilipino 11.pptxaralin 1 fiilipino 11.pptx
aralin 1 fiilipino 11.pptx
 
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02
 
Konsepto ng Wika.pptx
Konsepto ng Wika.pptxKonsepto ng Wika.pptx
Konsepto ng Wika.pptx
 
baraytingwika-180926023656.pptxkuqgdiqgiwdk
baraytingwika-180926023656.pptxkuqgdiqgiwdkbaraytingwika-180926023656.pptxkuqgdiqgiwdk
baraytingwika-180926023656.pptxkuqgdiqgiwdk
 
Komunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdf
Komunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdfKomunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdf
Komunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdf
 

Recently uploaded

power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxRosemarieGaring
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxElmaPBasilio
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...VielMarvinPBerbano
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxjobellejulianosalang
 
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....ryannioda32
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxpagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxChristineJaneWaquizM
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............AljayGanda
 
ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...
ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...
ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...MerryChristJoely
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxMaryGraceSepida1
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoChristineJaneWaquizM
 
Pangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptx
Pangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptxPangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptx
Pangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptxPaoloBriones2
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasRonalynGatelaCajudo
 

Recently uploaded (20)

power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxpagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
 
ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...
ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...
ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
 
Pangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptx
Pangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptxPangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptx
Pangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptx
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
 

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).ppt

  • 1. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Mass Training for Grade 11
  • 2. LAYUNIN 1. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, at mga panayam 2. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
  • 3. LAYUNIN 3.Niuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pang komunikasyon sa telebisyon (halimbawa: Tonight with Arnold Clavio, State of the Nation, Mareng Winnie,World of the Lourd (http://lourddeveyra.blogspot.com)
  • 4. Paksa • Mga Konseptong Pangwika •Wika •Wikang Pambansa •Wikang Panturo •Wikang Opisyal •Bilinggwalismo •Multilinggwalismo
  • 5. •Register/Barayti ng Wika •Homogenous •Heterogenous • Linggwistikong Komunidad • Unang Wika • Pangalawang wika at iba pa
  • 6. Mga Katanungan: 1.Bakit ninyo napagdesisyunan na dito mag- aral? 2.Ano ang naging dahilan upang kuhanin ninyo ang strand na HUMSS? 3.Marami na ba kayong naging kakilala buhat nang magsimula ang pasukan noong lunes?
  • 7. Ang wika mismo ang patunay na tayo’y may katutubong kultura. Isang wikang patuloy na nabuhay sa kabila ng mahabang pananakop na nagbigay kaalaman at karunungan sa ating lahi. ( Prof. Virgilio S. Almario) Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbulo.(Webster,1974) Masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura (Henry Gleason, 1988) Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao.( Archibald Hill) WIKA
  • 8. • Ang lahat ng wika ng tao ay nagsimula sa tunog. Kung kaya’t lumutang ang konseptong “ponosentrismo” (phonocentrism) na nangangahulugang “ una ang bigkas bago ang sulat” ayon kay Ferdinand saussare (1911).
  • 9. Katangian ng Wika 1. Ang wika ay masistemang balangkas Ponolohiya Morpolohiya Sintaksis Tunog Salitang-ugat Pangungusap Diskurso (Ponema) (Morpema) (sambitla)
  • 10. 2. Ang wika ay sinasalitang tunog. Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Wikang Filipino-2 pangkat ng ponema katinig- punto ng artikulasyon patinig-posisyon ng dila
  • 11. PARAAN NG ARTIKULASYON PUNTO NG ARTIKULASYON PASARA (walang tunog may tunog) LABI p b NGIPIN t d GILAGID NGALANGALA GLOTTAL ̉ PALATAL VELAR k;g PAILONG (may tunog) m n ᵑ PASUTSOT (walang tunog) s PAGILID (may tunog) l PAKATAL (may tunog) r MALAPATINIG (may tunog) y w
  • 12. HARAP SENTRAL LIKOD MATAAS i u GITNA e o MABABA a
  • 13. 3.Ang wika ay arbitraryo • - sapagkat may iba’t ibang gamit ang wika ng iba’t ibang komunidad.
  • 14. 4. Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon. Ano ang silbi ng patay na wika?
  • 15. 5. Ang wika ay nakabatay sa kultura 6. Ang wika ay nagbabago. 7. Ang wika ay pantao. 8. Ang wika ay pinipili at isinasaayos.
  • 16. Antas ng Wika • 1.Pormal – Ito ang salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ang nakapag-aral ng wika. a. Pambansa – Ito ang salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/ pambalarila sa lahat ng mga paaralan
  • 17. b. Pampanitikan o Panretorika – Ito ang mga sulating gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay at masining. Madalas itong gumagamit ng mga idyoma at/o tayutay.
  • 18. 2. Impormal – Ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag- usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
  • 19. a. Lalawiganin- Ito ang bokabularyong dayalektal. Gamitin ang mga ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang, maliban kung ang mga taal na gumagamit nito ay magkikita-kita sa ibang lugar dahil natural na sila itong naibubulalas. Makikilala rin ito sa pagkakaroon na kakaibang tono, o ang tinatawag ng marami na punto.
  • 20. b.Kolokyal – Ito’y mga pang-araw- araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal. Maaaring may kagaspangan nang kaunti ang mga salitang ito ngunit maaari rin itong maging repinado ayon sa kung sino ang nagsasalita nito.
  • 21. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang mga salita lalo na sa mga pasalitang komunikasyon ay mauuri rin sa antas nito. Halimbawa: Nasa’n (nasaan), pa’no (paano), sa’kin (sa akin), Sa’yo (sa iyo), kelan (kailan), meron (mayroon).
  • 22. c. Balbal – Ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Sa mga pangkat-pangkat nagmumula ang ang mga ito upang ang mga pangkat ay magkaroon ng sariling codes.
  • 23. • Mababang antas ng wika ito, bagamat may mga dalubwikang nagmumungkahi ng higit pang mababang antas, ang antas- bulgar (Halimbawa nito ay mga mura at mga salitang may kabastusan).
  • 24. Pormal Impormal Pambansa Pampanitikan/P anretorika Lalawiganin Kolokyal Balbal ina Ilaw ng tahanan Inang Nanay Ermat Ama Haligi ng tahanan Itang Tatay erpat Baliw Nasisiraan ng bait Muret,bal-la, buang Sira ulo Praning, me toyo Umiiyak Lumuluha Agsangsangit,na ghilaka Umiiyak krayola Maganda Marikit Napinta,magayo n, gwapa Maganda adnagam
  • 25. Paraan o proseso ng pagbuo ng salitang balbal • Paghango sa salitang katutubo/Lalawiganin Halimbawa : gurang (Bic., Bis) bayot (Ceb.) buang (Bis.) dako (Bis)
  • 26. • Panghihiram sa Wikang Banyaga (maaaring nananatili o nagbabago ang orihinal na kahulugan ng salita) Halimbawa: pikon (pick on, Eng.) wheels ( Eng.) Indian (Eng.) Salvage (Eng.)
  • 27. • Pagbibigay ng Bagong kahulugan sa salitang Tagalog • Halimbawa: hiyas (gem –virginity) Luto (cook –game fixing) Taga (hack –commission) Ube (purple yam- (P 100) Bata (child,fiancee)
  • 29. • Pagbabaligtad/ Metatesis a. Buong Salita Halimbawa: bata- atab kita- atik bakla – alkab maganda- adnagam
  • 31. • Paggamit ng akronim gg- (galunggong) Hp (hindi pansin) Ksp (kulang sa pansin) Pg (patay gutom) Hd (hidden desire) Tl ( true love)
  • 32. • Pagpapalit ng pantig Halimbawa: daya-joya Asawa – jowa bakla –jokla walanghiya –walanjo/walastik • Paghahalo ng Wika Anong say mo ma-take bakal boy ma-get
  • 33. • Paggamit ng bilang 14344 (I love you very much) 1432 ( I love you too) 5254 ( mahal na mahal kita) 50-50 ( naghihingalo, pantay) 48 years ( matagal)
  • 34. • Kumbinasyon a. Pagbabaligtad at pagdaragdag Halimbawa: hiya-yahi-dyahi wala-alaw-alaws b. Pagpapaikli at Pagdaragdag Pilipino –Pino- Pinoy Bagito – baget -bagets
  • 35. • Pagpapaikli at Pagbabaligtad pantalon –talon –lonta sigarilyo - siyo –yosi Panghihiram at Pagpapaikli Dead malice – dedma American boy –amboy tomar – toma security – sikyo
  • 36. • Panghihiram at Pagdaragdag Halimbawa: get – gets/getsing in-love –inlab/inlababo dead - dedo cry -crayola
  • 37. • Pinakamainit na Balita ngayong Araw • Speech – President Rodrigo Duterte • Mga Katolikong ginunita ang Salubong sa Pasko ng Pagkabuhay • TL Ako Sa iyo
  • 38. GAWAIN 1.Maglista ng limang bagong salitang hindi pa umiiral noon. 2. Maglista ng limang salitang hindi na o bihira nang gamitin ngayon
  • 39. GAWAIN 3. Maglista ng limang lumang salitang may bago nang kahulugan ngayon. 4. Maglista ng limang salitang Ingles na walang katumbas sa Filipino.
  • 40. MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA 1. Tore ng Babel 2. Bow-wow- Ang wika ay mula sa panggagaya sa tunog ng kalikasan. 3. Pooh-pooh- Pagbulalas tulad ng matinding damdamin gaya ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot at pagkabigla. 4. Yo-he -yo- bunga ng pwersang pisikal.
  • 41. 5. Ta-ra-ra-boom-de-ay- nag-ugat sa tunog na nililikha sa mga ritwal na kalauna'y nagpabago-bago at nilapatan ng iba't ibang kahulugan. 6. tata- kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okayson ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalaunay nagsalita.
  • 42. 7. Ding-dong- katulad ng bow-wow ngunit hindi limitado sa kalikasan “lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at at ang tunog na iyon ang siyang ginagad ng sinumang tao na sa kalaunan ay nagbago at nilapatan ng iba't ibang kahulugan. “
  • 43. 8. Mama- nagmula ang wika sa pinakamadadaling pantig ng pinakamahahalagang bagay. 9. Sing-song- ang unang salita ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami. 10. Hey you- nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (ako!) at pagkakabilang (tayo!). Napabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (saklolo) . Tinatawag din itong teoryang kontak.
  • 44. 11. Coo-coo- ang wika ay nagmula sa tunog na nililikha ng mga sanggol. 12. Yum-yum- katulad ng tata, pinag-uugnay nito ang tunog at kilos ng katawan. 13. Babble Lucky- ang wika ay nagmula sa walang kahulugang bulalas ng tao. 14. Hokus-pokus- tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.
  • 45. 15. Eureka- maaari raw na ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay.
  • 46. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Filipino Pilipino Tagalog
  • 47. Ayon sa Merriam –Webster Dictionary, ang wikang pambansa ay tumutukoy sa isang wikang ginagamit nang pasalita at pasulat ng mga mamamayan ng isang bansa. Ito ang nag-iisang wikang ginagamit batay sa kultura ng lipunan. Nagiging batayan din ito ng identidad o pagkakakilanlan ng grupo ng taong gumagamit nito.
  • 48. • Sa Pilipinas , Filipino ang de jure at de facto na pambansang wika ng bansa. De jure sapagkat legal at naaayon sa batas na Filipino ang pambansang wika. Tinitiyak ng ating konstitusyon ang pagkakaroon at pagpapaunlad ng isang pambansang wika. Matatagpuan sa Artikulo XIV, Seksyon 6-9 ng Konstitusyon ng 1987 ang mga tiyak na probisyong kaugnay ng wika.
  • 49. Ayon dito: Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.
  • 50. • Alinsunod sa tadhana ng batas at sang- ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakabanging ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang daluyan ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang- edukasyon.
  • 51. Wikang Panturo • Nakabatay sa pangkalahatang polisiya sa wika at programa sa edukasyon ng isang bansa, ang wikang panturo ay ang wikang ginagamit sa midyum o daluyan ng pagtuturo at pagkatuto sa sistema ng edukasyon. • Wikang panturo ang wikang ginagamit ng guro upang ituro sa mga mag-aaral.
  • 52. • Nauunawaan ng mga mag-aaral ang iba’t ibang konsepto, teorya, pangkalahatang nilalaman at mga kasanayan sa isang tiyak na asignatura o larangan. • Inaasahan din na sa kalaunan ng pag-aaral ay nagiging bihasa ang mga mag-aaral sa wikang panturo na ginagamit sa paaralan at maging siya ay epektibong magagamit ito sa pagkakamit ng lalong mataas na kaalaman.
  • 53. • Sa Pilipinas, ipinatupad ang Bilinggual Education Policy (BEP) noong 1987 bilang pagtupad sa mandato ng Konstitusyong 1987. • Pangunahing nilalalaman ng polisiyang pangwikang ito ang paggamit ng Filipino at Ingles bilang mga wikang panturo.
  • 54. • Ipinatupad naman ang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB MLE) noong 2009 na nagbibigay-diin sa paggamit ng mga katutubong wika bilang unang wika ng mga mag-aaral na wikang panturo sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
  • 55. • Ang mga wikang opisyal ay Filipino at Ingles. • Ang mga opisyal na wikang panturo ay Filipino at Ingles. • Ang mga wikang Panrehyon ay pantulong na wikang panturo at pakikipagtalastasan
  • 56. How Batangueño write a love letter Giliw, Sa oras na sapitin ng aking liham na arih ay ikaw sana'y nasa maigeng kalagayan. Ako'y napasulat sa iyo upang ipaalam na talagang ako'y parang minsa'y nag-uulagain na, ika ng Inay.
  • 57. Ay awan baga, kung bakin noong una kung mamulaglagan ang kislap ng iyong busileg at umis mong matam-es pa sa asukal na pula, wari ko baga'y pirming ike nasagi sa aking balintataw.
  • 58. Hindi ko mawari ang nasa loob ng aking tiyan kung paru-paro pa baga o kalagaykay na. Magpakaanu-ano ma'y gartong nakapagtapat na ako ng aking pag-ibig, mangyaring sagutin mo ang aking liham kung kailangan ko nang mag-inainata ng pag-iimpok para sa kinseng baboy.
  • 59. Siya, hanggang dine na laang. Narineng ang Tatay ihh palakat na't yari na daw ang tudling. Sana nama'y sa pagsibol nareng aming itatanim na mais ihh sumibol na rin ang pag-ibig mo sa akin. Ingate ang iyong sarili at mamahalin pa kita.
  • 60. PS: Hindi ko na lalanguyin ang malawak na dagat. Hindi ko na din aakyatin ang matayog na bundok. Iyo'y luma na. Basta tandae arih; Miski ike singkar kaligalig, sa iyo pa rin ako iibig, kikikig, at mangingisig! 💕 Tapat na mangingibig, Batang
  • 61. • BILINGGUWALISMO- isang penomenang pangwika na tahasan at puspusang tinatalakay sa larangan ng sosyolinggwistiks. Ipinapakita rito ang malaking ugnayan ng wika at lipunan at kung paano ang lipunan ay nakapag- aambag sa debelopment ng wika.
  • 62. • Ang patakarang pangwika na nakasaad sa Saligang-Batas ng 1973 at 1987 ay tumutugon sa instrumental na pangangailangan ng mga Pilipino upang magkaroon ng pagkakaisa hindi lamang sa identidad sa pamamagitan ng wika
  • 63. MGA BATAYAN SA PAGTUTURO NG EDUKASYONG BILINGUWAL 1974 • panahon ng aktibismo at demonstrasyon- simula ng pag-unlad ng wikang pambansa. • Sa UP pinagtibay ng dating Presidente Salvador P. Lopez ang tinaguriang malayang bilingguwalismo. (paggamit ng Pilipino bilang midyum ng pagtuturo at ang sinumang estudyante sa UP ay makagagamit ng Ingles at/o Filipino sa anumang asignatura/aralin)
  • 64. • Noong 1969 pinagtibay ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Executive Order No.202 na bubuo sa Presidential Commission to Survey Philippine Education (PCSPE) upang gumawa ng masusing pag-aaral sa pagpapabuti ng sistema ng edukasyon tulad ng inaasahan. . .ang wika ng pagtuturo ang siyang nakita ng komisyon na nangangailangan ng atensyon.
  • 65. Pinagtibay ng PCSPE na: • (1) ang Pilipino ang pangunahing midyum sa elementary, at ang bernakular ay pantulong na wika sa unang dalawang taon sa mga lugar na di-Tagalog • (2) ang Pilipino at Ingles ang mga midyum sa sekundarya at tersiyarya
  • 66. • Noong 1971 sa bisa ng E.O. 318 s. 1971, binuo ng Pangulo ng Pilipinas ang Educational Development Projects Implementing Task Force(EDPITAF) sa ilalim ng pamumuno ng Kagawaran ng Edukasyon upang bumuo ng programa para sa implementasyon ng mga rekomendasyon sa Komisyon.
  • 67. • Kasunod nito pinagtibay noong 1973 ang palisi sa edukasyon sa pamamagitan ng bagong Konstitusyon na nagsasaad sa Sek. 3, Artikulo XIV, na: • Ang Pambansang Asamblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na adopsiyon ng isang panlahat na wikang pambansa na makikilalang Filipino.
  • 68. • Hangga’t walang ibang itinadhana ang batas, ang Ingles at Pilipino ang dapat na mga wikang opisyal. • Pebrero 27, 1973, batay sa probisyon ng bagong Konstitusyon sinunod ng Lupon ng Pambansang Edukasyon ang Bilingguwal na Patakaran sa Edukasyon. Sa Resolusyon Blg. 73-7 ng Lupon noong Agosto 7, 1973, pinagtibay ang mga sumusunod (Bernabe 1987-159):
  • 69. • Na ang Ingles at Pilipino ay magsisilbing midyum ng pagtuturo at ituturo bilang mga asignatura sa kurikulum mula Baitang I hanggang sa unibersidad sa lahat ng mga paaralang publiko at pribado.
  • 70. C.IMPLEMENTASYON NG EDUKASYONG BILINGGUWAL 1974 • Hunyo 19, 1974 ang Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ay naglagda sa pamamagitan ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974 ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal. Ayon sa panuntunang ito:
  • 71. • Ang edukasyong bilingguwal ay binibigyan ng katuturang magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang mga panturo sa mga tiyak na asignatura, sa pasubaling gagamitin ang Arabic sa mga lugar na ito’y kinakailangan.
  • 72. • Ang implementasyon ng Edukasyong Bilingguwal ay binubuo ng apat na taong transisyon (1974-1978) na uumpisahan ang paggamit ng Pilipino bilang midyum sa mga asignaturang tulad ng A.P (Social Studies), Agham Panlipunan (Social Science), Edukasyong Panggawain (Work Education), Edukasyon sa Wastong Pag-uugali (Character Education), Edukasyong Pangkalusugan (Health Education).
  • 73. • Simula 1978 hanggang 1982 magiging sapilitan na ang paggamit ng Pilipino sa mga paaralan sa mga Tagalog na lugar at sa mga lugar na nagsisimulang gumamit nito noong 1974-1975.
  • 74. • Kautusang Pangkagawaran Blg. 50 s. 1975 ipinag-utos ang sumusunod: • Courses in English and Pilipino shall be offered in tertiary institution as part of appropriate curricula pursuant to the policy of bilingual education; furthermore, by school year 1984, all graduates of tertiary institutions should be able to pass examinations in English and/or Pilipino for the practice of their profession.
  • 75. • Nagtakda ng tiyak na programa ng pagtuturo ng Pilipino sa antas tersiyarya (MEC Order No. 22, s. 1978). –simula sa taong panuruan 1979- 1980, magsasama sa kurikulum ang lahat ng mga institusyong tersiyarya ng anim (6) na yunit ng Pilipino.
  • 76. Wikang Opisyal • Ang wikang itinatadhana ng batas bilang wikang gagamitin /ginagamit sa mga opisyal na komunikasyon sa gobyerno. • Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa mga opisyal na dokumento na may kinalaman sa korte, lehislatura at pangkalahatang pamamamahala sa gobyerno , maging sa sistema ng edukasyon
  • 77. • Usapin ng pagsasakapangyarihan ng isang tiyak na wika at grupo ng mga taong gumagamit nito ang pagkapili rito bilang opisyal na wika sapagkat may kaakibat itong prebelehiyo at adbentahe. • Sa Pilipinas, itinatakda sa Konstitusyong 1987 ang Filipino at Ingles bilang mga opisyal na wika ng bansa.
  • 78. • Narito ang tiyak na probisyong pangwika sa Artikulo XIV ng Konstitusyon. Sek.7 – Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo , ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino hanggat walang itinatadhana ang bats, Ingles. Sek.8- Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles; at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
  • 79. Bilinggwalismo • Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang taong makapagsalita ng dalawang wika. Maaari ring ilapat ang konsepto sa isang buong komunidad kung saan ginagamit ng mga mamamayan ang dalawang magkaibang wika o kaya naman ay ang politikal o institusyunal na pagkilala sa dalawang wika.
  • 80. •Ayon kay Lowry (2011), isang Speech-Language Pathologist, maraming kapakinabangan ang bilingguwalismo sa isang indibidwal.
  • 81. • Ipinapakita sa pananaliksik na ang mga bilingguwal na bata ay kadalasang mas malikhain at nagpapakita ng kahusayan sa pagpaplano at paglutas ng mga kompleks na suliranin kaysa sa mga batang iisang wika lamang ang nauunawaan.
  • 82. • Para naman sa mga matatandang bilingguwal, nababawasan ang pagkakasakit na may kinalaman sa pag-iisip dala ng pagtanda. • Sa isang pag-aaral , ipinakitang mas nahuhuli ng apat na taon ang pagkakaroon ng dementia sa matatandang bilingguwal kaysa sa monolingguwal. • Ipinapakitang mas nagkakaroon din ng access sa kapwa at kaparaanan ang mga bilingguwal.
  • 83. • Halimbawa, sa bansang Canada, mas mataas ang employment rate o bilang ng mga hanapbuhay ng mga nakapagsasalita ng wikang Pranses at Ingles kaysa sa monolingguwal.
  • 84. • Ipinatupad ang Bilingguwal Education Policy (BEP) sa Pilipinas sa pamamagitan ng National Board of Education (NBE) Resolution No. 73-7, S. 1973. • Noong 1994, ipinatupad ang polisiya sa pamamagitan ng paglalabas ng DECS ng Department Order No. 25, s. 1974 na may titulong Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual Education.
  • 85. • Sa kabuuan, naglalaman ito ng gabay kung paanong magkahiwalay na gagamitin ang Filipino at Ingles bilang wikang panturo sa mga tiyak na larangan ng pagkatuto sa mga paaralan
  • 86. • Ayon sa polisiya, Pilipino (kalaunan ay naging Filipino) ang gagamitin bilang wikang panturo sa mga asignaturang may kinalaman sa Araling Panlipunan/ Agham Panlipunan, Musika, Sining, Physical Education, HE., at VE.
  • 87. • Ingles naman ang gagamitin sa Syensya, Teknolohiya at Matematika. • Pangunahing layunin ng BEP na makamit ang kahusayan ng mga mag-aaral sa dalawang wika sa pambansang antas sa pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang wika at sa pamamagitan ng pagiging wikang panturo nito sa lahat ng antas.
  • 88. Sa kabuuan, nais nitong: 1. Mapataas ang pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang wika, 2. Maipalaganap ang wikang Filipino bilang wika ng literasi, 3. Mapaunlad ang Filipino bilang simbolo ng pambansang identidad at pagkakaisa,
  • 89. 1. Malinang ang elaborasyon at intelektuwalisasyon ng Filipino bilang wika ng akademikong diskurso, at 2. Mapanatili ang Ingles bilang internasyonal na wika para sa Pilipinas at bilang wika ng syensya at teknolohiya.
  • 90. Tanong: Sa iyong karanasan at kakayahan, nakatulong ba ang patakarang bilingguwal sa iyong pagkatuto?
  • 91. • Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na makapagsalita at makaunawa ng iba’t ibang wika. • Sa antas ng lipunan, ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng iba’t ibang wika na sinasalita ng iba’t ibang grupo ng mga tao sa mga lalawigan at rehiyon.
  • 92. • Ayon kay Stavenhagen (1990), iilang bansa lamang sa buong mundo ang monolingguwal, mas laganap ang lipunang multilingguwal kung hindi man bilingguwal. Kapakinabangan: • Kritikal na pag-iisip • Kahusayan sa paglutas ng mga suliranin • Mas mahusay na kasanayan sa pakikinig
  • 93. • Matalas na memorya • Mas maunlad na kognitibong kakayahan at mas mabilis na pagkatuto ng iba’t ibang wika bukod sa unang wika. • Sa kabuuan, ipinakikita rin ng mga pananaliksik na mas pleksibol at bukas sa pagbabago ang mga multilingguwal , gayundin may mas malalim na pag-unawa at paggalang sa iba’t ibang kultura at paniniwala (Cummins,1981)
  • 94. • Ayon sa UNESCO (2003) , upang tugunan ang suliranin sa pagiging eksklusibo ng edukasyon para sa iilan, kailangang buuin ang isang uri ng edukasyong mataas ang kalidad at may pagpapahalaga sa katutubong kultura at wika ng mag-aaral. Gayon din, binuo ang tatlong bahagi ng rasyonal na sumusuporta sa MTB_MLE sa lahat ng antas ng edukasyon.
  • 95. 1. Tungo sa pagpapataas ng kalidad na edukasyong nakabatay sa kaalaman at karanasan ng mga mag-aaral at guro; 2. Tungo sa promosyon ng pagkakapantay sa lipunang iba-iba ang wika; at
  • 96. 3. Tungo sa pagpapalakas ng edukasyong multikultural at pagkakaunawaan at paggalang sa batayang karapatan sa pamamagitan ng mga grupo sa lipunan.
  • 97. Sa Pilipinas, ipinatupad ang multilingguwal na edukasyon sa pamamagitan ng Department of Education Order 16,s.2012 (Guidelines on the Implementation of the MTB- MLE) na may layuning: 1. Pagpapaunlad ng wika tungo sa matatag na edukasyon at habambuhay na pagkatuto;
  • 98. 2. Kognitibong pag-unlad na may pokus sa higher order thinking skills (HOTS). 3. Akademikong pag-unlad na maghahanda sa mga mag-aaral na paghusayin ang kakayahan sa iba’t ibang larang ng pagkatuto;
  • 99. 4. Pag-unlad ng kamalayang sosyo-kultural na pagpapayabong sa pagpapahalaga at pagmamamalaki ng mag-aaral sa kanyang pinagmulang kultura at wika.
  • 100. Anu-ano sa palagay mo ang benepisyo sa isang propesyonal, guro, negosyante, o karaniwang tao ng pagkakaroon ng kasanayan sa higit sa dalawang wika?
  • 101. • Sanggunian: • Bernales, Rolando et.al. 2016. Komunikasyon sa Makabagong Panahon Filipino Alinsunod sa K-12 Kurikulum ng Batayang Edukasyon, Mutya Publishing House, INC. • Nuncio, Rhoderick at Nuncio Elizabeth et.al.2016 Sidhaya 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (Batayang Aklat sa Filpino sa Senior High School)C ad E Publishing INC
  • 102. Ang monolinggwalismo • isang kaparaanan at pagbabagong penomenang pangwika na puspusang tinatalakay ng mga sosyolinggwistiks, sa madaling sabi layunin ng monolinggwalismo na ipatupad ang iisang wika sa isang bansa katulad ng mahigpit na paggamit ng Pransya ng Wikang French.
  • 103. • Sa anumang talastasan kailangan ang isang wika na magiging tulay sa pakikipagtalastasan, wika ng komersyo, wika ng negosyo at wika sa pang-araw-araw na pamumuhay.
  • 104. Mga Bansang Nangunguna sa paggamit ng Monolinggwal • Kapansin-pansin ang mabilis na pag-unlad ng mga bansang Hapon, South Korea at Pransya na mahigpit na ipinag-uutos ang sistemang monolinggwal sa kani-kanilang bansa. Ang iisang wika ay gagamiting panturo sa anumang larang (field) o asignatura dahilan upang mas lalong magkaunawaan ang bawat isa at makagagawa ng mas produktibong ani.
  • 105. • Kung susuriin, mahigpit ang patakarang Monolinggwal kaya naman isang malaking hamon ito sa Pilipinas kung magkaganun. Kung ekonomiya ang pagbabatayan ng mga bansang Monolinggwal ay walang dudang mauunlad at mayayaman ang mga ito. Tumatagos kasi sa kanilang kurikulum ang mga patakarang-pangwika • By: Richard P. Moral Jr. at Leah Farfaran
  • 106. Ang mga Varayti ng Wika • Sa aklat ni Austero, (2012) Binigyang -linaw nina Zapra at Constantino(2001) na may varayti ang wika ayon sa lugar kung saan ginagamit ito. Bunga raw ito ng ng punto, bokabolaryo o pagkakabuo ng mga salita. May varayti ang pagsasalita ng Tagalog sa mga lugar kung saan ito sinasalita. Iba ang punot, indayog at ritmo ng Tagalog sa Quezon, Nueva Ecija, Batangas, Bulacan, Zambales, Rizal, Laguna, Marinduque, Bataan at Cavite.
  • 107. • Para sa mga sosyolinggwistik na nag-aaral ng lenggwahe ng lipunan, ang varyasyon ay nangyayari ayon sa konteksto ng etniciti, sosyal klas, seks, heyograpiya, ead at iba pang faktor. Sa linggwistiks, tinutukoy ang varyasyong fonolohikal, varyasyong morpolohikal, varyasyong sintaktik at varyasyong semantik.
  • 108. Varyasyon sa Punto, Titik at Ispeling(phonological, morphological) • Varyasyon sa pagbigkas at ispeling ng salita ayon sa lugar kung saan ito sinasalita • Ang panlaping um ay napapalitan ng na sa lalawigan ng Quezon at Batangas. • Kumain ako ng isda. - Maynila • Nakain ka ga ng isda?- Batangas
  • 109. • Varyasyon sa wikang Visaya. Mas ginagamit ang unlaping mag kaysa sa um. – Magkuha sa halip na kumuha – Magsisid sa halip na sumusid – Magkain sa halip na kakain – Magbisita sa halip na bibisita
  • 110. • Ginagamit din ang ekspresyong ah, ala eh, ga ire – - Kumain ako, ah! Bataan – Bakit? Tagalog – Bakit ga? Batangas – Bakit ah! Bataan – Eh, bakit ba? Maynila – Ano ito? Maynila – Ano Ire ? Nueva Ecija
  • 111. • Varyasyon pa rin sa pagbigkas • Gabi- binibigkas ng gab-i sa Batangas • Ngayon – binibigkas ng ngay-on sa Batangas • Matamis – matam-is • Nilunok – nilun-ok
  • 112. • Sa Morong Rizal, ang titik D ay napapalitan ng R kapag binibigkas. • Bundok- bunrok • Dagat- ragat • Dingding – ringring • Isda-isra
  • 113. • Pagdaragdag ng H at pagkawal ng H sa mga salita sa Kapampangan. • Umiinom-humihinom • Hihiyaw-iiyaw • Hihimig- iimig
  • 114. • May varyasyon sa salita na magkakasingkahulugan sa iba’t ibang lugar/ rehiyon • Halimbawa: maganda, maanyag, magayon, matahum, masanting • Ilang varyasyon sa Ispeling – Bandila-bandira, bandera wala-wara – Buwaya –buaya pwede -puyde – Kasal-kasar araw-adlaw
  • 115. • Ang pagpapalit ng titik o sa u – Sa halip na totoo – tutoo/tutuo Pagpapalita ng mga titik I at e (I sa e) (e sa i) lalaki-lalake babae-babai Bakit? – baket? bibe -bibi Ika – eka Nito – neto
  • 116. • Dayalek – Ang barayti ng wikang nalilikha ng ng dimensyong heograpiko. • Wikang ginagamit sa partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit.
  • 117. • Isang wikang nabuo dahil sa heyograpikal bowndari, varayti ng wika na ginagamit ng isang partikular na rehiyon na may partikular na sosyal bakgrawnd. Isang “subset” ng lenggwahe.
  • 118. • Halimbawa: asawa (tagalog); bana sa Negros tubig (tagalog); danum sa Pangasinense bulaklak (tagalog); burak (Bikol/Waray); sabong (Ilokano); sumpin(Samar)
  • 119. • Sa Bikol, nagkakaiba-iba rin ang kanilang salita. • Matagal ka doon sa palengke? (Tagalog) • Naeban ika sadto sa sa-ran? (Iriga) • Haloy ka dumaan sa saod? (Naga) • Naegey ika adto sa sa-ran (Buhi) • Awat ka didto sa palsa? (Gubat) • Eley ka idto sa sed? (Oas)
  • 120. Ang pag-ibig ay sinasabi rin sa iba’t ibang dayalekto nang ganito: • Pamantagan ka (Maranao) • Nahihugma ko nimo (Visaya) • Ta ama yo contigo (Chavacano)
  • 121. • Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga salitang Ilocano at ang kanilang ibig sabihin sa Tagalog: • Wen-oo • Haan/saan-hindi • Awan – wala • Nagaget- masipag • Nasadot -tamad
  • 122. • Napintas – maganda • Inya nagan mo? – Ano ang pangalan mo? • Adinno iti balay yo? Saan ang bahay mo? Saan ka nakatira? • Inay-ayat ka- Mahal kita. • Mangan tayon – Kain na tayo. • Agdigos kan. – Maligo ka na. • Agawid kan – Umuwi ka na • Agadal ka nga nalaeng. –Mag-aral kang mabuti.
  • 123. Mga Salitang Cebuano at ang kahulugan ng mga ito sa Tagalog Mokanta/kantahon –kumanta Balay- bahay Dakodako – lider Karon-ngayon Mokit/kitaon –kita mula sa pagtatraabaho Dungog- reputasyon;dangal
  • 124. Sosyolek • Nabubuo ito batay sa dimensyong sosyal. Makikilala ang iba’t ibang barayti nito sa pagkakaroon ng kakaibang rehistro na tangi sa pangkat na gumagamit ng wika. • Ito ay batay sa sosyal “grouping” na makikita sa lipunan.
  • 125. • Ito ay may kinalaman sa sosyo-ekonomik na katayuan ng isang tao. Isang varyasyon sa lenggwaheng sinasalita ng isang grupo, sosyal klas o sab-kultyur na nakuha/ nadebelop mula sa kanilang pagsilang, nakapamihasnan o nakasanayan.
  • 126. • Tinatawag din itong sosyal na varayti ng wika dahil sa nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan. Halimbawa nito ay ang wika ng mga estudyante, wika ng matatanda, wika ng kababaihan, wika ng mga preso, wika ng mga bakla at ng iba pang mga pangkat. Makikilala ang iba’t ibang varayti nito sa pagkakaroon ng kakaibang rehistro na tangi sa pangkat na gumagamit ng wika.
  • 127. • Mga halimbawa: -Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day! - Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven! - Kosa, pupuga na tayo mamaya. - Girl, bukas na lamang tayo mag-lib. Mag- malling muna tayo ngayon. -
  • 128. • Halimbawa ng pagbati ng mga taong nasa iba’t ibang antas ng lipunan: • Ola, amigas, palangas! • Sa mga abogado…Kumusta, companero! Samantala, isang grupo naman ng mga mag-aaral ang nagsabi ng “It’s so hot naman here, nakaka-irritate
  • 129. • Halimbawa: siN0H AnG iBoBo2 U- sa ELeKxoN, Noh? c - N0N0y- ba Na- wLAng TRack- rEc0RD- AT- S0C-dEM,-c- VILLAR- bA nA SndAmKMK Ang kSO ng qRapx0n, o- C ErAp- Na PiNTwd nA KRIMInl, N0h? (mula sa sanaysay ni Rolando Tolentino)
  • 130. Idyolek - kakaibang paggamit ng wika ng isang indibidwal sa isang panahon. • Ito’y isang personal na lenggwahe na gamit ng isang tao. • Nakikita ito sa mga patern ng piniling salita, parirala, gramar o kung paano siya bumibigkas. Isang paglihis ito sa regular na patern.
  • 131. • Halimbawa: Salamat poh! Ang ganda ng lolah ko! May h ang pagbigkas maging ang pagsulat ng salitang lola. Maaaring para sa empasis ng salita, istilo o kostumbre lamang. Idinadagdag din ang letrang(h) sa mga pangngalang pantangi.
  • 132. • Halimbawa: Rhizza sa halip na Rizza. Whendy sa halip na Wendy
  • 133. • Ang p ay napapalitan ng f sa mga nahirating magsalita sa Ingles. Hal. Farang di ko kaya! Farang mahirap tanggapin! Paulit-ulit ang pagsasabi ng mga salitang bale at salitang tapos.
  • 134. • Paggamit ng salitang ano – ang “all-around”, “all-purpose” na salita na kumakatawan sa maraming bagay. • Halimbawa: • Ano? (What?) • Ano fi? (What else?) • Ano pa ba? (What else) • Ano ka mo? (What did you say?)
  • 135. • Ano! (mabigat na ekslamasyon) • Nasaan ‘yong ano? (hinahanap ang isang bagay) • Anuhin na ito (gawin ito) • This is so, ano.(dinideskrayb ang isang bagay/pangyayari) • Nalinis mo na ba yong ano mo?
  • 136. • Paggamit ng panghalip na siya. Ito ay salitang panghalip panao subalit nagagamit bilang panuring sa mga bagay o anuman sa loob ng pangungusap. • Halimbawa: Siyang nararapat gawin! Maasim siya. ( itinuturo ang mangga)
  • 137. • Pansinin din ang kung paano nagkakaiba-iba ang idyolek ng mga sumusunod na brodkaster kahit pa silang lahat ay gumagamit ng isang wika, nabibilang sa isang larangan at naninirahan marahil sa Metro Manila: • Mike Enriquez Mon Tulfo • Noli de Castro Gus Abelgas • Rey Langit
  • 138. • Rehistro – Ito ay wikang ginagamit sa iba’t ibang propesyon. Sa komunikasyon sa iba’t ibang disiplina, may angkop napananalita at espesyalisadong terminong dapat gamitin na partikular sa larangan. – Wika ng mga inhenyero – Wika ng mga abogado at nasa hukuman – Wika ng mga eksperto sa iba’t ibang larangan
  • 139. • Ano ang iisipin mong trabaho ng gumagamit ng mga terminong ito? Hearing appeal pleading court settlement justice exhibit fiscal
  • 140. Pidgin • Ito ay tinatawag sa Ingles na nobody’s native language. Nagkakaroon nito kapag ang dalawang taal na tagapagsalita ng dalawang magkaibang wika na walang komong wika ay nagtatangkang magkaroon ng kumbersasyong makeshift.
  • 141. • Madalas, ang leksikon ng kanilang usapan ay hango sa isang wika at ang istruktura naman ay mula sa isa pang wika. Madalas na bunga ng kolonisasyon ang barayti ng wikang ito.
  • 142. • Pansinin ang pananagalog ng mga Intsik sa Binondo. Ang salitang gamit nila ay Tagalog ngunit ang istruktura ng kanilang pangungusap ay hango sa kanilang unang wika. Ganito ang madalas na maririnig sa kanila: Suki, ikaw bili tinda mura.
  • 143. Creole - isang wika na unang naging pigin at kalaunan ay naging likas na wika (nativized). Nagkaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag- aangkin dito bilang kanilang unang wika. Pinakamahusay na halimbawa nito ang mga Chavacano na hindi masasabing purong Kastila dahil sa impluwensya ng ating katutubong wika sa istruktura nito.
  • 144. • Madalas ding nalilinang ang creole sa mga dating alipin na populasyon sa mga dating estadong kolonyal. Ito ang dahilan kung bakit may French Creole na sinasalita sa Haiti at Lousiana at English Creole sa Jamaica at Sierra Leone.
  • 145. Linggwistikong Komunidad • Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon at ito ang dahilan upang makapag-ugnayan ang bawat isa. Napagbubuklod ng wika ang grupo ng tao dahil nagkakaintindihan sila at nagagampanan nila ang kani-kanilang tungkulin upang maging kapaki-pakinabang ito hindi lamang sa sarili kundi para sa lahat.
  • 146. • Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng panlipunang dimensyon ang wika dahil napagsasama-sama nito ang mga tao upang makabuo ng isang komunidad tungo sa pagtupad ng tungkulin, pagkilos at kolektibong ugnayan sa ikauunlad ng bawat isa. Kung sa ganitong tunguhin napupunta ang talastasan o pakikipag-usap ng mamamayan, masasabing lingguwistikong komunidad ang kanilang kinabibilangan at pinanggagalingan.
  • 147. Mga Salik ng lingguwistikong komunidad ( Saville-Troike, 2003:14 1. May kaisahan sa paggamit ng wika at naibabahagi ito sa iba- homogenous ang wika, ibig sabihin iisang anyo at uri o barayti ang wikang ginagamit (Chomsky, 1965; Lyons,1970).
  • 148. 2. Nakapagbabahagi at malay ang kasapi sa tuntunin ng wika at interpretasyon nito (Hymes, 1972) – katulad ito ng kinagawiang interpersonal na komunikasyon gamit ang pahiwatig ng mga Pilipino (Maggay, 2005) 3. May kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hinggil sa gamit ng wika. (Labov,1972)
  • 149. • Samakatuwid, ipinapalagay nito na ang linggwistikong komunidad ay umiiral lamang sa sektor, grupo, o yunit na nagkakaunawaan sa iisang gamit nila sa wika (homogenous) na may kaisahan sa uri o anyo; nagkakaintindihan sila sa tuntunin nito, at naibabahagi ng bawat isa ang pareong pagpapahalaga at damdamin sa paggamit nila ng wika at pakikitungo nila sa isa’t isa.
  • 150. Halimbawa: Sektor – mga manggagawa na malay sa kanilang karapatan at tungkulin sa bayan na nagbubuklod sa bayan na nagbubuklod sa pagsapi sa kilusang paggawa. Grupong pormal –Bible study group na nangangaral ng Salita ng Diyos.
  • 151. • Grupong impormal – barkada • Yunit – team ng basketbol; organisasyon ng mga mag-aaral sa paaralan.
  • 152. Multikutural na Komunidad • Ang tunguhin ng linggiwistikong komunidad ay kaisahan na tila may iisang mukha, wika, kilos, o tunguhin ang bawat kasapi. Subalit ang tunguhin ng multikultural na komunidad ay “pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba.”
  • 153. • Hindi kaisahan kundi pagkakaisa dahil iba’t ibang salik, anyo, kapookan, pananaw, at marami pang iba ang pinanggagalingan ng indibidwal. Samakatuwid, iba-iba ang ating lahi, kulay ng balat, kasarian, paniniwala, pananampalataya, estado sa buhay, naging kasysayan, at aspirasyon sa hinaharap.
  • 154. –Sa usapin naman ng wika nagiging iba- iba, samot-sari, o marami ang mga wika dahil sa multikultural nating katangian, identidad, at pinagmulan (heterogenous).
  • 155. • Sa multikultural na komunidad, multilingguwal ang mga kasapi nito. Ang ugnayang nabubuo ay naghahangad ng pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba.
  • 156. Halimbawa: Internasyonal – United Nations; UNICEF: at iba pa. Rehiyonal-Eoropen Union; ASEAN; at iba pa Pambansa – mga bansa at estado na may iba’t ibang etnolingguwistikong pangkat tulad ng Pilipinas, Indonesia, Japan; at iba pa. Organisasyonal – Microsoft; Google; Nestle; at iba pa
  • 157. Mother Tongue o Unang Wika ni Vilma AlcantaraMalabuyoc • Binigyang - halaga ang gamit ng mother tongue o unang wika sa pagtuturo ng mga asignatura lalo na sa pre-school at unang tatlong baitang ng elementarya. • Ipinahayag sa RA 10533, (MTB-MLE) “starts from where the learners are and from what they already know proceeding fronm the known to unknown.”(Corpuz at Salandanan, 2015)
  • 158. • Ang mga lokal na wikang ito ay gagamitin sa pagtuturo sa mga bata sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa ilalim ng programang K-12. May paniniwalang mas madaling matuto ang mga batang mag-aaral kung ang kanilang mother tongue o unang wika ang wikang panturo ng mga guro. Ang mga karagdagang wika ring ito ay ituturo rin bilang asignatura.
  • 159. Tinukoy ng Kagawaran ng Edukasyon noong 2012 ang labindalawang wikang gagamitin sa pagtuturo: • Ito ang Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Iloko, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, tausug , Maguindanaoan, Maranao, at Chavacano.
  • 160. Samantala, ngayong taon ay nakabilang ang pitong bagong asignatura ng Mother Tongue sa mga katutubong wikang gagamitin sa loob ng paaralan: ang Ybanag para sa Lalawigan ng Cagayan at Isabela at Lungsod ng Tuguegarao; Ivatan para sa Batanes; Sambal para sa Zambales;
  • 161. • Aklanon at Kiniray-a para sa lalawigan ng Aklan at Capiz; Yakan para sa lalawigan ng Basilan; at Surigaonon para sa mga lalawigan ng surigao at Lungsod ng Surigao.
  • 162. • Ang mother tongue/ unang wika/ wikang katutubo ang siyang ginagamit na wikang panturo sa mga bansang tulad ng Alemanya, Amerika, Britanya, at marami pang progresibong mga bansa at ito marahil ang makapagpapaliwanag kung bakit nauuna sila sa pag-aaral at pagkatuto sa halos lahat ng bagay. ( Malone, 2010)
  • 163. • Isa sa una at pangunahing tagapagsulong ng pagtuturo ng mother tongue sa komunikatibong klasrum ay si David Atkinson (1987). Tinukoy ni Atkinson ang metodolohikal na agwat (methodological gap) sa literatura sa gamit ng mother tongue.
  • 164. • Ayon sa ulat ng UNESCO (2003), tinukoy nilang ang mga batang natutong bumasa at sumulat sa unang wika bago matuto ng ikalawang wika ay mas matagumpay sa pag- aaral kumpara sa mga kamag-aral nilang hindi natutuhan nang lubos ang unang wika. Sinusugan naman ito ni Lundberg (2002) sa pagbanggit nina Scott, t.al. (2009), na maraming mga pananaliksik ang
  • 165. Nagpapatunay ng positibong ugnayan ng unang wika sa pagkatuto ng pangalawang wika. Sa pahayag ni Corson (2001), may karapatan ang mga batang matuto sa lengguwaheng katulad ng sinasalita sa kanilang sariling tahanan, dapat din silang bigyan ng pagkakataon na matutuhan ang kanilang katutubong wika sa posibleng pinakamataas na lebel ng kasanayang lingguwistika,
  • 166. • Lalo na ang pagkakaroon ng malawak na bokabularyo, sa pang-unawa at pagtalakay ng paksang pinag-aaralan. • Sa pamamagitan ng mga kasanayang ito, makapagpapahayag sila ng kanilang sariling opinyon, makapagpaliwanang ng mga bagay- bagay, makalilikha ng mga babasahin at iba pang kasanayang nangangailangan ng malikhain at mapanuring pag-iisip.
  • 167. Habang ginagamit ng bata ang kaniyang pag- iisip , lubos na gumagana ang kaniyang pag- iisip at naipakikita ang kaniyang talino. (Gardner, 1993) Maliwanag ang mga implikasyon ng mga pahayag sa paggamit ng mother tongue o unang wika sa pag-aaral at pagkatuto ng isang mag-aaral dahil nauunawaan na niyang mabuti ang wikang ginagamit bilang midyum ng pagtuturo,
  • 168. • Maiisip na magiging madali sa kanila ang paggamit ang mataas na lebel ng kasanayang pangkaisipan(higher level thinking skills) sa mga gawaing pasalita at pasulat. Nakapag- iisip siya ng malalim sa wikang kaniyang nauunawaan at higit siyang nakapagsusuri at nakapagpapahayag.
  • 169. Mga Tanong: 1. Ano-ano sa palagay mo ang kahalagahan ng paggamit ng mother tongue o unang wika sa pag-aaral ng mga bata? 2. Sumasang-ayon ka ba na ang mother tongue o unang wika sa pagtuturo ay nakatutulong upang mas madaling maunawaan ng mga bata ang aralin? Patunayan
  • 170. Day 2 • 1:00-5:00 - Gamit ng wika
  • 171. Gamit ng Wika/Tungkulin ng Wika sa Lipunan Ang wika ay may iba’t ibang gamit sa lipunan na nakatutulong sa tao upang mabisang makipag-ugnayan sa kanyang kapwa. Ang wika ay maaaring gamitin upang ipahayag ang iba’t ibang, layon, pakay o tunguhin. Ito ay maituturing na instrumental dahil natutugunan ang pangangailangan ng tao
  • 172. • Ito ay maituturing na instrumental dahil natutugunan nito ang pangangailangan ng tao tulad ng mga sumusunod: 1. pagpapahayag ng damdamin kaugnay sa pasasalamat, pag-ibig, galit, kalungkutan, pagpapatawad, sigla, pag- asa at iba pa.
  • 173. 2. Panghihikayat upang gawin ng kausap ang nais na tupdin. 3. Direktang pag-uutos 4. Pagtuturo at pagkatuto ng maraming kaalaman at karunungang kapaki- pakinabang
  • 174. Mga Tanong: 1. Bakit tayo napapabili ng mga produkto na nakikita natin sa diyaryo o magasin, napapanood sa telebisyon o naririnig sa radyo? 2. Anong halina mayroon ang mga produktong ito?
  • 175. • Anong panghahalina ang nagagawa ng wika upang impluwensyahan ang mga tao na gumawa ng desisyon o kumilos?
  • 176. Wika ng Panghikayat at Pagganap • Tinatawag na speech act (bigkas- pagganap) ang paggamit ng wika ng isang tao upang paganapin at direkta o di-direktang pakilusin ang kausap niya batay sa nilalaman sa mensahe (Jaworowska n.d.)
  • 177. • Ang bigkas-pagganap ay hango sa teorya ni John L. Austin. Sa kaniyang teorya (1962), nahahati sa 3 kategorya ang bigkas –tungong- pagganap:
  • 178. 1.Literal na pahayag o loksyusyunaryo: Ito ang literal na kahulugan ng pahayag: Halimbawa: “Tama na!”
  • 179. 2. Pahiwatig na konteksto ng kultura’t lipunan o ilokusyunaryo: Ito ang kahulugan ng mensahe batay sa kontekstong pinagmumulan ng nakikinig at tumatanggap nito.
  • 180. Ang “Tama na!” ay maaaring mangahulugang : -tumpak, totoo, o kapani-paniwala - Tigil na, tapusin na, sa konteksto ng pagkainis o galit para pigilin o tapusin na ang ginagawang di-katanggap- tanggap -
  • 181. -Mula sa mali o sablay, hinihintay na maging tama, sa konteksto halimbawa ng pagtitimpla ng niluluto.
  • 182. • 3. Pagganap sa mensahe o perlokusyunaryo: Ito ang ginawa o matapos mapakinggan o matanggap ang mensahe. Halimbawa: Ang pagsasabi ng pahayag na “Tama na!” ay maaaring magbunga ng pagtigil ng tao sa kaniyang ginagawa.
  • 183. Wika sa Patalastas Dahil mabisang instrumento ang wika sa panghihikayat, ito ang ginagamit upang maipakiklala ang isang tao, produkto, serbisyo, o pangyayari sa pamamagitan ng mga patalastas gumagamit ng ibat’t ibang paraan at atake upang tumatak sa isipan ng mamimili ang isang produkto.
  • 185.
  • 186. Mga Gawain: 1. Pag-usapan kung kailan nagiging instrumental ang wika. Maaaring magbigay ng maraming halimbawa. Ipaliwanag sa klase ang buong saysay ng sitwasyong pangkomunikasyon na napag-usapan.
  • 187. Pagiging Instrumental ng Wika Mga Halimbawang Sitwasyon Pagpapahayag ng damdamin kaugnay sa pasasalamat, pag-ibig, kalungkutan, pagpapatawad, sigla, pag-asa, at marami pang iba Pagdaraos ng konsyerto ng mga mag- aaral sa Araw ng mga Guro Panghihikayat upang gawin ng kausap ang nais mangyari Direktang pag-uutos Pagtuturo at pagkatuto ng maraming kaalaman at karunungang kapaki- pakinabang.
  • 188. 2. Tingnan ang sumusunod na tagline ng mga sikat na produkto. Gumawa ng sariling tagline ng mga sikat na produkto. Maaaring maglagay ng larawan ng sariling produkto. Max’s Restaurant : Sarap to the bones! Cobra Energy Drink : Hindi umaatras ang may tunay na lakas
  • 189. • Globe Telecom : Abot mo ang mundo. • Mang Inasal : Hahanap- hanapin mo…
  • 191. 3. Lumikha ng sariling produkto at gumawa ng isang patalastas upang maipakilala at mahikayat ang mga mamimili na tangkilikin ito. Isaalang-alang ang mga sumusunod na mga gabay: 1. Maaaring pagkain, pabango, lugar-pasyalan, sapatos, o iba pang bagay.
  • 192. 2. Maging malikhain sa paggawa ng patalastas. Maaaring gumamit ng kompyuter, poster, o anumang paraang mapagkakasunduan ng pangkat. 3. Gawing makatotohanan ang patalastas ngunit tiyaking kawili-wili ito at mahihikayat ang mga mamimili na tangkilikin ang produkto.
  • 193. Bakit mahalaga ang batas sa ating lipunan at paano lubos na maipatutupad at masusunod ang mga ito sa pamamagitan ng komunikasyon?
  • 194. Ang Bisa ng Regulatoryong Komunikasyon sa Lipunan Ang regulatoryong bisa ng wika ay nagtatakda , nag- uutos, nagbibigay- direksyon sa atin bilang kasapi o kaanib ng lahat ng alinmang institusyon.
  • 195. Ang wika ay regulatoryo kung mayroon ito ng sumusunod na elemento: 1.Batas o kautusan na nakasulat, nakikita, nakalimbag, o iniuutos nang pasalita 2.Taong may kapangyarihan o posisyon na nagpapatupad ng kautusan o batas.
  • 196. 3. Taong nasasaklawan ng batas na sumusunod dito 4.Konteksto na nagbibigay-bisa sa batas o kautusan tulad ng lugar, institusyon, panahon, at taong sinasaklawan ng batas.
  • 197. Tatlo ang klasipikasyon ng wika ayon sa regulatoryong bisa nito: 1. Berbal ang tawag sa lahat ng kautusan, batas, o tuntunin na binabanggit lamang nang pasalita ng pinuno o sinumang nasa kapangyarihan.
  • 198. Halimbawa: Pamilya- kapag sinabi ng magulang na may curfew sa gabi, kailangang sumunod ang anak dahil… Guro- Kapag sinabi ng guro na babagsak ang sinumang hindi makakapasa sa pagsusulit na iyon .
  • 199. 2. Nasusulat, nakalimbag, at biswal ang lahat ng kautusan, batas, o tuntunin na mabababasa , mapapanood, makikita na ipinatutupad ng nasa kapangyarihan. Halimbawa: Saligang Batas o Konstitusyon ng republika ng Pilipinas, mga batas na ipinasa ng Kongreso, mga ordinansa sa mga munisipyo at siyudad , mga kautusan at patakaran ng kompanya at iba pa.
  • 200. 3. Di nasusulat na tradisyon –Ang mahabang tradisyon ng pasalin-saling bukambibig na kautusan, batas , o tuntuning sinusunod ng lahat. Halimbawa: Sa patriyarkal na lipunan, ang tagapagmana ng negosyo ay laging ang panganay na lalaki.
  • 201. Gamit ng wika ayon sa regulatoryong bisa nito 1.Pagpapatupad ng batas, kautusan, at tuntunin sa pamahalaan at ibang institusyong panlipunan. 2.Pagpapataw ng parusa sa susuway sa mga batas, kautusan, at tuntunin
  • 202. 3. Partisipasyon ng mamamayan sa paggawa ng tuntunin, polisiya at batas 4. Pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa mga kumunidad at ugnayan ng mamamayan. 5. Pagtatakda ng polisiya, batas at kautusan para sa kaunlaran at masaganang kabuhayan ng lahat para sa pantay na oportunidad; pagkilala sa karapatan ng iba’t ibang uri at katayuan ng mamamayan sa bansa.
  • 203. Mahalaga na ang lahat ng komunikasyon patungkol sa batas at pagpapaunlad nito ay nauunawaan ng mamamayan kung kaya’t napakahalaga na ito nakasulat at nauunawaan sa wikang Filipino
  • 204. • Halimbawa ng Regulasyon o Batas 1. Saligang Batas o Konstitusyon 2. Ang batas na itinakda ng Kongreso ay tinatawag na Batas ng Republika 3. Ang ordinansa ay kautusan o batas na ipinatutupad sa mga probinsya , siyudad at munisipyo.
  • 205. 4. Ang polisiya ay kautusan o desisyong ipinatutupad sa isang organisasyon, ahensya o kompanya. 5. Ang patakaran at regulasyon ay ipinatutupad na kautusan o alituntunin sa paaralan, kompanya pribadong organisasyon, at iba pang samahan
  • 206. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino sa pagpapatupad ng batas?
  • 207. • Talakayin ang gamit ng regulatoryong wika sa lipunan. Mamili sa dalawang halimbawa o kaya ay magdagdag ng ilan pang halimbawa alinsunod sa paksang “gamit ng regulatoryong wika sa lipunan.”
  • 208. 1. Mga dahilan kung bakit hindi dapat ipagbawal ang Facebook sa paaralan (regulasyon o alituntuning ipinatutupad sa paaralan; panig ng sumasang-ayon at di-sumasang- ayon, mga pakinabang ng Facebook sa pagkatuto ng mag-aaral.
  • 209. 2. Alituntuning maaaring imungkahi ng mga mag-aaral upang hindi mahalina sa sobrang paglalaro ng online game ang kabataan.
  • 210. Interaksiyonal • Ang pakikipag-usap sa isa o higit pang tao ay interpersonal na komunikasyon. Ito ay pagpapalitan ng impormasyon ng dalawa o higit pang mga tao.
  • 211. • Sa aklat na Explorations of Function of Language ni M.A.K. Halliday (1973) binigyang-diin na ang pagkakategorya ng wika ay batay sa tungkuling ginagampanan nito sa ating buhay. Isa rito ang interaksyunal na wika na ang tungkulin ay tulungan tayong makipag- ugnayan at bumuo ng sosyal na relasyon sa ating pamilya, kaibigan o kakilala.
  • 212. • Pasalitang paraan: - pormularyong panlipunan Pasulat na paraan: - liham –kaibigan Sa makabbagong teknolohiya: - pakikipag-chat gamit ang internet
  • 213. Mga Halimbawa ng interaksiyon sa Internet Dalawahan 1. E-mail 2. Personal na mensahe o instant message Grupo: Group Chat Forum
  • 215. Mga Tanong: • Paano nagiging interaksyonal ang wika? • Sa iyong palagay, ano ang magandang epekto ng pagkakaroon ng Internet at social media?
  • 216. Personal • Ang “personal” ay mula sa salitang personalidad. Nabubuo ang personalidad ng isang tao habang siya’y nagkakaisip at nagiging bahagi ng isang lipunan. Ayon sa sikolohiya, ang personalidad ay kaugnay ng mga pangunahing teorya, kabilang ang pag-uugali, pangkatauhan, biyolohikal, asal, ebolusyo, at perspektibo sa kaalamang panlipunan.
  • 217. • Ayon sa mga sikolohistang sina Katherine Briggs at Isabel Myers (1950) batay sa personality theory ni Carl Jung (1920), mayroong apat na dimensyon ang ating personalidad: • 1. Panlabas laban sa panloob (Extraversion vs.Introversion) inilalarawan kung paano nagkakaroon ng enerhiya
  • 218. 2. Pandama laban sa Sapantaha (Sensing vs. Intuition) Inilalarawan kung paano kumukuha ng impormasyon ang tao 3. Pag-iisip laban sa Damdamin (Thinking vs. Feeing) – inilalalarawan ang paraan na ginagamit ng isang tao sa pagdedesisyon.
  • 219. Paghuhusga laban sa Pag-unawa (Judging vs. Perceiving) – Inilalarawan ang bilis ng pagbuo ng desisyon ng isang tao
  • 220. –Mahalagang piliin ang mga bagay na makaiimpluwensya sa pagbuo mo ng mga personal na paniniwala at prinsipyo. –Ito ay maaaring batay sa kabutihan o pamantayang moral na itinakda ng lipunan, sapagkat ito ang bubuo ng iyong pagkatao at sarili na magiging sandigan mo habang hinaharap ang iba-ibang karanasan at sitwasyon.
  • 221. Personal Bilang Pagpapahayag ng Sarili Ayon sa pag-aaral ni Halliday (1973) tungkol sa gamit ng wika, isa sa mga kategorya ay ang personal. -Ginagamit ang wika upang maipahayag ang sarili at anumang pansariling layunin. -Kaakibat ng personal na pagpapahayag nang pasalita man o pasulat, nakapagpapahayag din ng personal na kalooban ang isang tao
  • 222. Sa pamamagitan ng “selfie.” Malikhaing sanaysay Sanaysay Malikhaing Sanaysay Halimbawa: -Biograpiya
  • 223. - Awtobiograpiya - Alaala (Memoir) - Sanaysay o Tala ng Paglalakbay - Personal sanaysay - Blog – isang webpage o online na dyornal na maaaring ma-access ng madla
  • 224. • Bahagi ng sanaysay Panimula Katawan Wakas
  • 225. • Mga Paalaala Sa pagsulat ng masining na Sanaysay 1. Pumili ng paksang may dating sa babasa 2. Gumawa ng balangkas 3. Gumamit ng mga salitang akma sa paksa at sa inaasahang babasa
  • 226. 4. Tiyaking tama ang gramatika 5. Gamitin ang sariling materyal Talaarawan, tala, larawan o kaya’y pagsaliksik 6. Magbigay ng kakaibang pananaw at malikhaing bisyon
  • 227. Mga Tanong: 1.Bakit itinuturing na personal na paggamit ng wika ang isang malikhaing sanaysay? 2. Naniniwala ka bang ang wika ay naglalahad o sumasalamin ng sariling identidad o personal na pakakakilanlan? Bigyang-katwiran ang sagot.
  • 228. • DAY 3 -Kasaysayan ng Wikang Pambansa • AM • PM- Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad
  • 229. Kasaysayan ng Wikang Pambansa • Bago dumating ang mga Kastila - Baybayin ang katutubong paraan ng pagsulat na ginamit ng mga katutubong Pilipino noong sinaunang panahon. - Marunong ng bumasa at magsulat gamit ang baybyin na naglalamn ng 17 simbolo ( 14 na katinig at 3 patinig)
  • 230. • Panahon ng Kastila • Panahon ng Amerikano • Panahon ng Hapon • Panahon ng Republika
  • 231. • Final Output • Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad
  • 232. Mga SitwasyongPangwika sa Pilipinas Mass Media Pangmasang media, pangmadlang media, o mass media ang tawag sa pinakamaimpluwensiyal at masasabi ring pinakamakapangyarihang institusyon sa ating lipunan.
  • 233. Ang media ay isang institusyong panlipunan tulad ng pamilya, paaralan, simbahan, at pamahalaan na ang natatanging tungkulin ay maging tagapagbantay, tagamasid, taga-ulat ng mga pangyayari sa lipunan, maging tinig ng mamamayan, at tagapaghatid ng mensahe sa kinauukulan. Ang mass media ay isa ring malaking industriya. Kasama sa sangay ng mass media
  • 234. Ang pahayagan, radyo, at telebisyon. Sa sarbey na ginawa ng TNS Digital Life (2012) , ipinakita na marami pa ring Filipino ang nanonood ng telebisyon at nakikinig ng radyo. Ang internet ang pumapangalawa sa pinakagamiting media sa Pilipinas. • Samakatuwid, isa itong malaking negosyo. Kumikita ito sa tulong at sa pamamagitan ng mga patalastas. Ang mga patalastas sa telebisyon o radyo ay ginagawa ng mga
  • 235. advertising agency para sa mga multinasyonal na kompanya o negosyong nangangailangan ng publisidad para mabili ang kanilang mga produkto o serbisyo, nagbabayad ang mga kompanyang ito para isingit o ilagay sa mga pahayagan, Internet blog at website, at programang pantelebisyon o panradyo ang mga patalastas tungkol sa kanilang produkto o serbisyo.
  • 236. Saang programa nila ito inilalagay? Hindi sa lahat ng programa. Namumuhunan ang mga kompanyang ito sa mga palabas o programang higit na tinatangkilik ng mga ito. Nalalaman nila ito pamamagitan ng resulta ng rating survey ng telebisyon o radyo.
  • 237. Siklo ng pagnenegosyo sa Mass Media Produkto at Serbisyo ng mga Kompanya Paggawa ng Patalastas ng mga Advertising Agency Survey Rating ng Telebisyon o Radyo Iba’t Ibang Palabas o Programang Patok sa Masa/Manonood /Mambabasa Mga Patalastas sa Telabisyon o Radyo
  • 238. • Nakapaloob ang mass media sa siklo ng produksiyon, distribusyon at pagkonsumo ng menshe, produkto, at serbisyo sa lipunang ating ginagalawan. Nililikha tayo ng mass media kung kaya’t totoo ang sinabi ni Marshall McLuhan na ang midyum ang mismong mensahe. Ang midyum o mass media na kinokonsumo natin ang nagtatakda ng ating pag-iral sa lipunan.
  • 239. • Mahirap nang mahiwalay sa telebisyon, radyo, Internet, o cellphone lalo kung nasa siyudad tayo. • Kung kaya’t tulad ng kaalaman, mensahe, o impormasyon, hinuhubog na tayo mismo ng mass media.
  • 240. Radyo – Ang Media ng Masa • Ang mga programa sa radyo ang pinakamalawak at may pinakamaraming naabot na mamamayan dahil sa higi 6000 ang mga estasyon ng radyo (BBC News, 2014). • Pinakamurang kasangkapan sa bahay kumpara sa telebisyon o ibang media gadget • Maaaring gamitin sa mga baryo na wala pang elektrisidad
  • 241. • Sa resulta ng sarbey noong 2012 ng TNS Digital Life, umabot sa 36% ng populasyon sa Pilipinas ang nakikinig ng radyo, at 45% ng Internet, at 89% na tumatangkilik sa telebisyon. • Noong 1960, namayagpag ang radyo bilang numero unong mass media ng mga Pilipino
  • 242. • Ang radyo ang pinagmumulan at pinagkukunan ng balita, aliw, impormasyon, payo, at serbisyong publiko sa mga tao. • Mas mabilis din ang dating ng mga balita at pagbabalita kumpara sa telebisyon dahil madaling maipadala ang impormasyon at makakonekta sa himpilan ng radyo.
  • 243. Panonood Bilang Pagbasa, Pagkatuto, at Pagkonsumo • Ang panonood ay ikalimang kasanayang pangwika. • Ito ang proseso ng pagbasa, pagkuha at pag- unawa ng mensahe mula sa palabasa. • Isang uri ng pagbasa ang panonood dahil sa halip na tekstong nakalimbag, ang tekstong audio-visual ang binibigyang-kahulugan at inuunawa ng manonood.
  • 244. • Laging magkarugtong ang naririnig at nakikitang nilalaman ng palabas. Hindi kasi binabasa ang audio kundi pinakikinggan at ang visual naman ay pinagmamasdan o pinanonood.
  • 245. • Maaari ring basahin ang visual; kung ito’y susuriin o bibigyan ng interpretasyon sa pamamagitan ng kritika at teorya tulad ng ginagawa sa panunuring pansining sa guhit, larawan, eskultura, disenyo, at arkitektura. Subalit ang mga visual na nabanggit ay hindi gumagalaw.
  • 246. Mga Uri ng Palabas A. Tanghalan/ Teatro - Ang panonood ay maaaaring panonood ng pagtatanghal bilang palabas na umaarte ang mga tauhan, diyalogo/monologo; may iskoring o musika; may tunggalian; tagpuan; at wakas. Ang palabas ay kuwentong napapanood sa pagtatanghal sa teatro.
  • 247. B. Pelikula • Ito ay tinatawag ring motion picture o mga larawang gumagalaw. Ayon sa mga iskolar, magkarugtong ang kasaysayan ng teatro at pelikula. Iisa ang kwento, nagkakaiba lang sa midyum ng palabas: teatro ang sa pagtatanghal, sinehan ang sa pelikula. Napapanood natin ang pelikula sa pinilakang- tabing sa loob ng mga sinehan.
  • 248. C. Telebisyon • Ang telebisyon naman ang midyum samantalang ang mga programa sa telebisyon ang palabas. Iba’t ibang uri ng palabas sa telebisyon: 1.Palabas ayon sa kuwento gaya ng teleserye, komediserye, telenovela, pelikula sa telebisyon, at iba pa,
  • 249. 2. Balita tungkol sa paligid, sa pamahalaan, sa mga artista, serbisyo-publiko at mga dokumentaryo. 3. Variety show tuwing tanghali at kung linggo 4. Reality TV show o reality TV gameshow
  • 250. D. You Tube • -dahil sa makabagong teknolohiya ng internet, maaari na ring manood ng mga palabas sa YouTube(http://youtube.com) . • Ang mga personal na video ng mga tao’y maaaring i-upload sa Internet sa pamamagitan ng YouTube o maaari ring sa isang video site. Maaari ring mag-upload sa Facebook at iba pang social networkingsite.
  • 251. • Internet - mula sa dalawang pinagsamang salita na inter at networking na batay sa pakahulugan ng The Free Dictionary.com(2015) ay kilala rin bilang malawakang daluyan ng impormasyon (information superhighway) at World wide Web.
  • 252. • Ang internet ang pinakamalaking aklatan ngayon at walang iisang teksbuk ang makatatapat dito .
  • 253. BLOG • Ito ay galing sa dalawang salita, web at log. • Ito ay isang pangngalan na tumutukoy sa isang website na mituturing naman na isang blog dahil sa tema at mga nilalaman nito-maaaring mga salita o teksto, litrato, video, link, o kung ano man ang naisin ng mga blogger. • Blogger ang tawag sa tao o grupong nangangalaga , nagpapatakbo at nagsisimula ng isang blog.
  • 254. Mga Uri ng Blog • Fashion Blog – ito ang isa sa mga pinaksikat na uri ng blog. Ang mga blog na may ganitong tema ay naglalaman ng mga damit o kung ano man ang bago sa mundo ng fashion o pnanamir. Kabilang ang mga blogger na sina Laureen Uy, Kryz Uy, at Liz Uy sa mga nagpapatakbo ng ganitong blog.
  • 255. • Personal Blog – marami sa mga blogger ang gusto lamang magbahagi ng kanilang buhay. Maaaring gusto lamang nilang matuto ang mga tao sa kanila o magbahagi lang ng mga bagay na tumatakbo sa kanilang isipan. Halos walang tema ang blog na ito – kahit ano ay pwede.
  • 256. • News blog – ang nais lamang ng mga blog na may ganitong tema ay magbahagi ng mga bagong balita sa mga mambabasa. Isa na sa mga mapagkakatiwalaang blogger mula sa ganitong uri ay ang Time na kilala dahil sa kanilang magasin. Maaari ring isama rito ang mga blog na nagbabahagi ng balita ukol sa kalusugan, isports, at teknolohiya.
  • 257. • Humor blog – naglalayon ang mga blog na ito na makapagpatawa o makapagpaaliw ng mga mambabasa. Maganda ang may ganitong uri ng blog upang mas lumabas ang halina ng blogger na makuha ang kiliti at emosyon ng mga mambabasa, pinakasikat na marahil si Professional Heckler sa mga humor blogger dito sa Pilipinas. Ngunit hindi lamang sila nagpapatawa, gusto rin nilang maimulat tayo sa katotohanan gamit ng kanilang alam na paraan.
  • 258. • Photo blog – ang blog na ito ay naglalaman ng mga litrato hanggang sa mga typographics. Naging malaking parte na ng buhay ng kabataan ang mga photo blog. Isa na marahil sa pinakasikat na pinagkukuhanan at pinagmumulan ng nasabing blog ang Tumblr,
  • 259. • hindi man katulad ng ibang mga blog site, maganda pa rin ang Tumblr dahil bukod sa napakarami ng mga gumagamit ay nakikita ang talento ng mga makabagong kabataan sa paggawa ng iba’t ibang litrato na karaniwan ay naglalaman ng mga mensahe.
  • 260. • Food blog – ang pangunahin at maaaring natatanging layunin ng blog na ito ay magbahagi ng mga resipi at mga paraan sa pagluluto ng masasarap o kakaibang mga pagkain.
  • 261. • Vlog- ito ay kilala din bilang video blog sapagkat naglalaman ito ng mga video mula sa blogger. Ang mga video ay maaaring kuha ng mga paglalakbay, eksperimento, o kung anumang personal na gawain.
  • 262. • Educational blog – nakatutulong ang mga ganitong blog upang maliwanagan ang mga mag-aaral sa mga aral na hindi nila maintindihan sa paaralan. Napakarami na ng mga blogger na may mabubuting puso upang ipaliwanag nang malinaw ang mga aralin. Kabilang na rito ang blog site na AccountingCoach.co
  • 263. Etikal na Pamantayan ng mga blogger(salin ni Danilo Arao) • Maging Tapat at walang Kinikilingan Ang mga blogger ay dapat na maging tapat at walang kinikilingan sa pangangalap, pag- uulat, at pagsusuri ng impormasyon. Ang blogger ay dapat na 1. Hindi nangongopya 2. Tinutukoy ang pinagmulan ng impormayon
  • 264. • At ibinibigay ang hyperlink dito (kung posible). Ang publiko ay may karapatang malaman • Ang publiko ay may karapatang malaman kung ang impormasyong ibinibigay sa kanila ay mapagkakatiwalaan.
  • 265. • Nakasisigurong ang mga weblog entry, sipi, titulo, larawan, at iba pang laman ay hindi nagbibigay ng maling imresyon sa publiko. • Hindi nagbabago ang nilalaman ng mga larawan nang hindi inaamin ang mga ito sa publiko.
  • 266. Anumang pagpapaganda ng larawan ay katanggap-tanggap lang kung ito ay para sa teknikal na kalinawan (technical clarity). Ang mga montage at ilustrasyong binubuo ng mga larawan ay dapat na may kaukulang titulo. • Hindi maglalabas ng impormasyong hindi totoo– at kung maglalabas ng impormasyng hindi beripikado, maging malinaw na may pagdududa rito.
  • 267. • Nalalaman ang pagkakaiba –iba ng pagtataguyod ng isyu, pagbibigay ng komentaryo, at simpleng paglalahad ng datos. Kahit ang pagsulat ng pagtataguyod ng isang isyu at pagbibigay ng komentaryo ay dapat na hindi nagbibigay ng maling impormasyon o konteksto.
  • 268. Inihihiwalay ang pagbibigay ng datos at komentaryo sa mga patalastas at hindi mag- blog sa paraang hindi makita ang kaibahan ng dalawa. Bawasan ang Pinsala Ang mga etikal na blogger ay nagbibigay-galang sa mga taong pinagkukunan ng impormasyon. Ang mga blogger ay dapat na : 1. Magpakita ng pag-iintindi sa mga taong maaaring sobrang maapektuhan ng anumang nilalaman ng isang
  • 269. weblog . Gumamit ng espesyal na sensibilidad kung tinatalakay ang mga isyung may kinalaman sa mga bata o kumukuha ng impormasyon mula sa mga taong walang karanasan; • Maging sensitibo kung humihiling ng panayam o kumukuha ng larawan ng mga taong apektado ng trahedya o nagdadalamhati;
  • 270. • Kinikilalang pangangalap o pag-uulat ng impormasyon ay maaaring magresulta sa pinsala o pagkabalisa. Ang pagkuha ng impormasyon ay hindi lisensya para maging arogante; • Kinikilala na ang mga pribadong indibidwal ay may mas malaking karapatang huwag magbigay ng impormasyon tungkol sa kanila kumpara sa mga opisyal ng gobyerno
  • 271. o iba pang nagnanais ng kapangyarihan, impluwensya , o atensyon . Tanging ang malaking pangangailangan ng publiko para sa impormasyon ang nagbibigay-dahilan para panghimasukan ang pribadong buhay ng isang tao;
  • 272. Magpakita ng kagandahang-asal. Iwasan ang pagpatol sa kagila-gilalas na pampublikong pag-uusyoso. Maging maingat sa pagbibigay ng tunay na pangalan ng mga batang suspek sa krimen, mga biktima ng panggagahasa, at iba pang mga suspek ng krimen bago ang pormal na paghahain ng kaso.
  • 273. • Magkaroon ng pananagutan Ang mga blogger ay dapat na 1. Aminin ang anumang kamalian at mabilis na iwasto ang mga ito. 2. Ipaliwanag ang misyon ng bawat weblog at hikayatin ang publiko sa palitan ng kuro-kuro hinggil sa nilalaman nito at asal ng mga blogger;
  • 274. 3. ibunyag ang mga nagtutunggaling interes, pagiging miyembro ng anumang organisasyon, mga aktibidad, at personal na adyenda; 4. hindi pinapaboran ang mga naglalagay ng patalastas sa blog at iba pang grupo at nilalabanan ang anumang pamimilit na baguhin ang nilalaman ng blog para maging pabor sa kanila. Pero kung sakaling gagawin ito, ibunyag ito nang buo sa mga mambabasa.
  • 275. 5. Maging maingat sa mga taong nais magbigay ng impormasyong kapalit ng ilang pabor. Kung tatanggapin ang kanilang impormasyon, kailangang ilahad ang mga nasabing pabor. 6. Ilantad ang mga hindi etikal na gawi ng iba pang blogger; at 7. Sumusunod sa parehong mataas na pamantayang itinatakda para sa iba.
  • 276. Pangkatang Gawin • Pangkat isa • Pag-usapan at iulat sa klase ang mga napakinggang panayam sa mga kilalang tao. Tukuyin ang iba’t ibang gamit ng wika mula sa mga pahayag ng kinapanayam
  • 277. • (Pangkat dalawa at tatlo) • Tukuyin ang iba’t ibang gamit ng wika sa mga blog na napanood/nabasa ninyo • (Pangkat apat at lima) • Magbigay ng halimbawa ng napanood na dula/pelikula na napanood ninyo. Ipaliwanag kung paano ginamit ang wika upang bigyang –diin ang kulturang inilalarawan ng nasabing panoorin.
  • 278. • Mga Layunin ng aralin: 1.Naipaliliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahil, anyo, at pamamaraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon. 2.Nakasusulat ng mga tekstong nakapagpapakita ng kalagayang pangwika sa kulturang Pilipino.
  • 279. Lunsaran • Paano natin pinag-aralan ng sariling kultura?
  • 280. KAUGALIANG PABIGKAS A. Bumuo ng apat na pangkat sa klase. Sa loob ng 10 minuto, ang bawat pangkat ay mag- uunahang mkapaglista ng mga pamagat o halimbawa ng tradisyong pasalita batay sa mga kaalamang bayan at panitikang bayan ng Pilipinas na natutuhan sa klase. Tukuyin kung saang etnolingguwistikong pangkat o rehiyon/bayan ito nagmula.
  • 281. ALAMAT PINAGMULANG ETNOLINGGUWISTIKONG PANGKAT EPIKO PINAGMULANG REHIYON/BAYAN PABULA PINAGMULNG REHIYON/BAYAN
  • 282. B. Ano-ano ang iba’t ibang uri ng umpukan ng mga tao? Saan ito ngaganap? Sino-sino ang kasalo sa usapan? Ano-ano ang karaniwang pinag-uusapan sa umpukan ng mga tao?
  • 283. Ugnayan ng wika at kultura Ang kultura ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na nakagawian o nakasanayan na ng mga tao sa isang lugar. Binubuo ito ng mg karunungan, panitikan, paniniwala, kaugalian, sining , batas, pagpapahalaga, at iba pa.
  • 284. • Dahil mahalagang instrumento ang wika upang makapag-ugnayan ang mga tao, ito ang ginagamit upang maipahayag, malinang at mapalaganap pa ang kultura. • Ito rin ang ginagamit upang maisali at maipamana ito sa susunod na henerasyon. Ang paraan ng paggamit ng wika at pagbibigay-kahulugan dito ay maaaring magkakaiba sa iba’t ibang lugar batay sa kulturang taglay ng lugar na gumagamit nito.
  • 285. • Kaalamang Bayan • Ito ay umiiral na kwento panitikan, paniniwala, ritwal, gawi, at tradisyon, ng mga mamamayan sa isang pamayanan o kalinangan na nagpasalin-salin sa iba’t ibang lahi at pook dhil sa ito’y bukambibig ng taumbayan.
  • 286. KAALAMANG BAYAN A. Ang awiting –bayan ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit p rin. Halimbawa ng mga awiting ito ay Leron, Leron Sinta, Bahay Kubo, Atin Cu Pung Singsing at Paruparong Bukid (Simbulan 2012, mula sa aklat nina Nuncio et al.,2016)
  • 287. • Mga uri ng Awiting Bayan 1.Oyaye o hele – awit sa pagpapatulog ng bta 2.Kundiman-awit ng pag-ibig 3.Pananapatan – Panghahrana s Tagalog. Awit ng mga binta sa dlagang pinipintuho. 4.Soliranin- rowing song o awit ng pamamangka 5.Kumintang – awit ng pakikidigma
  • 288. • Sambotani – awit ng pagtatagumpay • Diona – awit ng pagpapaksal • Balitaw – awit sa paghaharana ng mga Bisaya • Pangangaluluwa – awit sa araw ng mga Panata ng mga Tagalog • Paninsit- (kapampangan) “o kaka, o kaka” • Dalit – awit na panrelihiyon • Dung-aw – awit sa patay ng mga Ilokano Sanggunian: Panitikang Kayumanggi (National Bookstore. Inc)
  • 289. Pananapatan o Harana • Tao po, tao po, may bahay na bato buksan ang bintana tayo’y magpandanggo ang sadya pa namin hitso’t sigarilyo hindi pala hitso ang dalaga ninyo
  • 290. Ang dalaga ninyo Ayaw paligawan Pumasok sa silid Nagsakit-sakitan Tinanong ng ina Kung anong dahilan Sumakit daw po ang kanyang tiyan
  • 291. Nagpatawag na siya Dalawang mediko Pinagtig-isahan Ang dalawang pulso Wika ng mediko Hindi raw sakit ito Sinta ng binatang Umakyat sa ulo
  • 292. B. Ang Alamat -pasalitang pampanitikan tungkol sa pinagmulan ng iba’t ibang bagay -tumutukoy sa pinanggalingan ng pangaln ng lugar, kalikasan, at kay Bathala. - Nagbibigay ito ng aral sa buhay at paghamon na maituwid ang masasamang nakaraan
  • 293. Pabula • -isang maikling kwentong kathang isip na tumatalakay sa mg aral sa buhay ng tao. • Mga hayop ang mga tauhan dito
  • 294. Epiko -isang tulang pasalaysay na nag sasaaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng kapangyarihan na kdalasan ay galing sa diyos o diyosa. -mula sa salitang epos na nangangahulugang salawikain o awit. -sa ilang mga lugar sa bansa, ang epiko ay binibigkas nang paawit tuwing may kasiyahan o pagtitipon-tipon at inabot nang ilang oras o araw bago matapos
  • 295. • Layunin: • Manggising ng damdamin upang hangaan ang pangunahing tauhan • Pagtatagumpay laban sa mga suliraning nakakaharap (River,www.kaptbisig.com)
  • 296. • Kuwentong katatakutan o urban legend - ay hindi mawawala sa umpukan sa kanto, sa huntahan ng magbabarkada sa klase, o di kaya’y tuwing nagkikita-kita ang magkukumpre sa palengke. Madalas, ang ganitong uri ng kuwento ay patungkol sa mistoryosong paglabas ng babaeng nakaputi, kapre o aswang sa siyudad.
  • 297. Tumatanim sa isip ng mga ng mga nakaririnig at minsa’y napapaniwala ang iba kahit na walang matibay na ebidensya kung totoo ito o hindi Halimbawa nito ay ang mahiwagang babae sa Balete Drive o di kaya’y nagkalat na multo sa mga pangunahing unibersidad ng bansa.
  • 298. F. Hindi mawawala sa isang bayan o pamayanan ang pista bilang alay sa patrong santo sa simbahan ng mga Katoliko. Sa mga kapatid nating Muslim, ipinagdiriwang nila ang Eid Al- Fitr matapos ang isang buwan ng pag-aayuno. Sa araw na ito, naghahanda ng masasarap na putahe ang mga Muslim at nagsasalo-salo bilang pamilya at pamayanan.
  • 299. • Bahagi rin ng ating kultura ang magagarbong selebrasyon o pagtitipon tulad ng kasal, binyag, at maski pagtatapos ng mga anak sa kolehiyo. Mahilig din ang mga Pilipino sa paligsahan tulad ng pagkanta, pagsayaw, at pagpapakita ng iba’t ibang talento
  • 300. • Mga Tanong : • Ano ang ugnayan ng wika at kultura? • Bikit posibleng hindi pareho ng paggamit at pagpapakahulugan sa wika sa magkakaibang lugar? • Ano-ano ang halimbawa ng kaalamang bayan?Magbigay ng isang kaalamang bayan mula sa iyong kinalakihang lugar
  • 301. Mga Gawain A. Bumuo ng apat na pangkat sa klase. Magsaliksik tungkol sa alamat at kasaysayan ng isang bayan. Pumili ng bayan kung saan nakatira ang karamihan ng kasapi sa pangkat. Kapanayamin ang matatanda sa lugar na ito o sumangguni sa lokal na museo at lokal na pamahalaan. Alamin ang mga sumusunod:
  • 302. 1. Ano ang kuwento ng matatanda tungkol sa pagpapangalan sa bayan? 2. Paano nagpago-bago sa takbo ng panahon ang pangalan ng bayan? 3. Ano-ano ang pangalan ng barangay sa bayang ito? Alamin ang kasaysayan at kuwento sa likod ng pagpapangalan ng mga ito.
  • 303. 4. Ano-anong pagbabago ang nangyari sa bayan? a. Dami ng populasyon b. Pagbabagong hatid ng industriyalisasyon at komersiyalisasyon c. Pagbabago sa tradisyon (piyesta, paniniwala, ibang gawaing byan) takbo ng panahon d. Paggamit ng wika sa inyong bayan at impluwensya ng ibang wika
  • 304. Pagkatapos ay sumulat ng isang sanaysay batay sa mga nakalap na impormasyon. Iulat ito sa klase. B. Obserbahan ang natatanging kilos at gawi o kalagayan ng mga Pilipinong nakakasalamuha o nakikita mo sa iyong pang-araw-araw na buhay. Pagkatapos ay magsaliksik ng mga orihinal na kanta o awiting Pilipino (OPM), dula
  • 305. • Dula, pelikula at kilatisin at pagnilayan kung paano nito sinasalamin ang iyong naobserbahan. • Halimbawa:
  • 306. Isyu/Kalagayan Awiting Pinoy Pagnilay-nilay Mga batang palaboy sa kalsada Masdan Mo ang mga Bata ng Asin Kahit lugmok sa kahirapan ang mga palaboy na bata sa kalsada, may ngiti at ningning ang kanilang mga mta. Tayo’y dumaan sa pagiging bata at ang pagiging inosente , mapaglaro , makulit , matanong ay unti- unting nawawala habang tayo’y tumatanda. Naramdaman ko ang pangangailangang maging bata-masaya sa buhay , makulit, matanong, at iba pa sa gitna ng pagsubok at hamon sa buhay. Masdan natin ang mga bata.
  • 307. Isulat ang inyong mga naging obserbasyon, repleksiyon, pagsusuri o reaksiyon sa mga gawaing nakasaad sa itaas.
  • 308. • Kilalanin ang pino-post o ang mga inilalagay ng mga kabataang Pilipino sa Facebook tungkol sa napapanahong isyung panlipunan at pangkultura. 1. Ano ang popular na isyung pangkultura at panlipunan na pinag-uusapan nila? 2. Anong uri ng Diskurso ang ginagamit nila sa pagtalakay?
  • 309. • Ang facebook ay maaaring ituring na makabagong umpukan ng mga tao, lalong - lalo na ng kbataan. Talakayin ang isyung napili batay sa angkop na diskurso nito. (pagsasalaysay, pangangatwiran, paglalahd, o paglalarawan) Magbigay ng sariling pahayag tungkol sa isyu.
  • 310. Isyung Pangkultura Diskursibong Pagtalakay sa Isyu Sariling Pahayag Isyung Pangkultura (Sining, palabas sa telebisyon at pelikula, pagkain, tradisyon, paniniwala, kaalamang- bayan, at iba pa. Diskursibong Pagtalakay ng isyu (pagsasalaysay, pangangatwiran, paglalahad, paglalarawan) Maaaring higit sa isang diskurso ang uri ng pagtalakay sa iisang paksa. Ibigay ang mg ito kung kinakailangan Isyung pnlipunan (politika, edukasyon, ekonomiya, pamilya, relihiyon, ugnayang panlabas, at iba pa) Diskursibong Pagtalakay ng isyu (pagsasalaysay, pangangatwiran, paglalahad, paglalarawan) Maaaring higit sa isang diskurso ang uri ng pagtalakay sa iisang paksa. Ibigay ang mg ito kung kinakailangan
  • 311. Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino Sa pag-aaral ng wika, may dalawang kakayahang dapat bigyan ng tuon, ang komunikatibo at lingguwistiko. Ang kakayahang komunikatibo ay tumutukoy sa paglalapat nga kaalamang lampas sa gramatika o balarila. Mahalaga rito ang mabisang paggamit ng wika para sa ganap na pagkakaunawaan(Garcia, et al.,2008)
  • 312. • Lingguwistika ang tawag sa maagham na pag- aaral ng wika. Pinag-aaralan dito at sinusuri ang estruktura, katangian, pag-unlad, at iba pang bagay na may kaugnayan sa isang wika. (Lachica,2001:2) Kinapapalooban ito ng pagsusuri ng bawat tunog (ponema), titik, yunit ng salita (morpema), salita (leksikon), pangungusap (sinataks), at pagpapahayag(diskors).
  • 313. • Sang-ayon kina Canale at Swain (1980), para daw masabi na ang isang tao ay may kakayahang komunikatibo sa isang wika, kailangang tinataglay niya ang kakayahang panlinggwistika at gramatika (Tiongan,2011). • Tumutukoy ito sa kakayahang umunawa at makabuo ng mga estruktura ng wika na sang- ayon sa tuntunin ng gramatika. Sa batayang ito, ipinapakikita ng isang tao ang kaniyang kahusayan sa paglalapat ng tuntunin ng wika.
  • 314. • Tumutukoy ito sa kakayahang umunawa at makabuo ng mga estruktura ng wika na sang- ayon sa tuntunin ng gramatika. Sa batayang ito, ipinapakikita ng isang tao ang kaniyang kahusayan sa paglalapat ng tuntunin ng wika.
  • 315. Mga Madalas na pagkakamali sa Gramatikang Filipino • Nang • Ng • Subukin at subukan • Pahirin • Pahiran • Operahin / operahan • Din,rin ,raw, daw
  • 316. • May • Mayroon • Kung at kong • Kita at kata • Sila at nila /sina at nina • Pinto at pintuan • Sina/nina
  • 317. Mabisang Pangungusap • May kaisahan ang pangungusap kung tumutulong ang bawat bahagi sa paghahayag ng isang pangunahing diwa. Halimbawa: Nagmamadaling bumangon si Nelia, naligo, nag- ayos ng katawan, kumain ng almusal, at pumasok sa paaralan.
  • 318. Nagkakaisa ang aspekto • Nagsialis at nagsisiuwi na ang mga panauhin ko kanina • Nagsialis at nagsiuwi na ang mga panauhin ko kanina
  • 319. Gamitin ang tinig na balintuyak ng pandiwa kapag ang simuno ng pangungusap ay hindi siyang gumaganap ng kilos. • Si Lissette ay binili ang relo para kay Jovic. • Ang relo ay binili ni Lissette para kay Jovic
  • 320. • Pagbibigay-diin- Kinakailangan ang wastong pag-aayos ng mga salita at pagbibigay-diin. May kahinaan: Mag-aral ka raw na mabuti, ang sabi ng nanay mo. Maayos: Ang sabi ng nanay mo ay mag-aral ka raw nang mabuti.
  • 321. Palagitlingan Ginagamit ang gitling kapag • Ang salita ay inuulit • Ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang-ugat na nilalapian ay nagsisimula sa patinig • May katagang nawawala sa pagitan ng dalawang salitang pinagsasama Halimbawa: bulaklak – parang (bulaklak- parang)
  • 322. • Ang isang panlapi ay inilalapi sa uanahan ng isang ngalang pantangi. • Ang panlaping ika- ay ginagawang unlapi sa mga tambilang. • Binabaybay ang yunit ng praksyon • halimbawa: isang-katlo tatlong-kapat • Nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal. • halimbawa: tawang-aso dalagang-bukid
  • 323. Gamit ng Kudlit • Ako at ikaw - ako’t ikaw • Mayaman at mahirap - mayama’t mahirap • Bayan at lungsod – baya’t lungsod
  • 324. Kakayahang Sosyolinggwistiko • Bahagi ng pag-aaral ng linggwistika ang tinatawag na sosyolinggwistika. Sinisipat sa pag-aaral nito ang ugnayan ng wika at lipunan partikular ang kaangkupan ng gamit ng isang wika batay sa iba’t ibang konteksto
  • 325. • Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay maituturing na gamit o kasangkapan ng sosyalisasyon, na ang ugnayang sosyal ay hindi magiging ganap o buo kung wala ang wika.(Villanueva,2012:74)
  • 326. • Friday • 3:00 pm Saturday 8:00 -pagbuo ng pananaliksik 1:00 - Demo
  • 327. Introduksyon sa Pananaliksik sa wika at Panitikan • Mga Layunin: 1.Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika’ t kulturang Pilipino. 2.Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik
  • 328. 3. Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang mga ideya sa isang sulatin. 4. Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural na panlipunan sa bansa
  • 329. Gawain 1. Ano ang isang natatanging tradisyon sa sinilangan at kinalakihang bayan ng iyong mga magulang? Sa Iyong sinilangan at kinalakihang bayan? 2. Ano ang wikang natutuhan ng iyong mga magulang mula sa kanilang lugar o bayan? 3. Nagagamit ba sa inyong tahanan ang wika ng iyong mga magulang?
  • 330. 4. Kung magkaiba ang wika ng iyong mga magulang, alin ang mas ginagamit na wika sa inyong tahanan? 5. Nagagamit ba ninyo ang wikang Ingles sa inyong tahanan? Bakit 6. Sa kasalukuyan, ginagawa o sinusunod pa ba ng inyong mga magulang ang tradisyong kinamulatan nila sa kani-kanilang bayan?
  • 331. Pagtuklas a Pagtatanong tungo sa Pananaliksik Mga uri ng tanong: 1. Ang praktikal na tanong Ito ay mga tanong na may kagyat na solusyon o aplikasyon ayon sa sitwasyon at suliranin. Halimbawa: Paano patitibayin ang bubong ng bahay? Paano magpalit ng gulong ng sasakyan na umimpis o nabutas na?
  • 332. 2. Ang espekulatibo o pilosopikal na tanong Ito ay mga tanong na humihingi ng palagay o pagpapalagay tungkol sa isang bagay o sitwasyon. Halimbawa: May ikalawang buhay ba matapos mamatay ang tao? Nakararamdam ba ng awa ang mga hayop? Paano maging malaya sa lipunang punumpuno ng batas at regulasyon? May nilalalang bang nabubuhay sa ibang planeta?
  • 333. • 3. Ang panandalian o tentatibo o mga tanong na batay sa prediksyon at probabilidad ay mga tanong na sinasagot batay sa panahon o pagkakataon kung kailan ito naganap o itinanong. • Halimbawa: • Uulan ba bukas? • Ano ang halaga ng piso kontra dolyar sa susunod na linggo?
  • 334. 4. Mga imbestigatibong tanong • umuusisa o sumisiyasat sa isang pangyayari o sitwasyon. Halimbawa: Sino ang nagnakaw ng mg manok sa bakuran? Ano ang motibo ng suspek para gawin ang krimen?
  • 335. • Ang disiplinal na tanong mga tanong na umiikot sa mga paksang tinatalakay sa isang disiplina ng pag-aaral? Sikolohiya ng wika: Ano ang naibubulalas ng taong bugnutin? Ekonomiks: Ano ang tototoong halaga ng perang padala ng OFW sa ekonomiya ng bansa? Pamamahala : Paano mapapataas ang kita ng kompanya sa panahong may krisis sa bansa?
  • 336. Biology: Mabubuhay ba ang halaman sa planetang Mars? Paano?
  • 337. Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik 1.Pagpili ng Paksa 2. Pagpapahayag ng Layunin 3. Paghahanda ng pansamantalang Bibliograpiya 4. Paggawa ng Pansamantalang Balangkas 5. Pangangalap ng mga datos 6. Ang pinal na balangkas 7. Pagsulat ng burdor at pagwawasto 8. Pagsulat ng kongkusyon
  • 338. Tseklist sa pagsulat at proseso ng pananaliksik a. Pag-iisip ng Paksa b. Pangunahing idea o tesis ng pag-aaral c. Layunin kung bakit pinili ang paksa d. Suliranin ng pag-aaral o paglalahad ng problema e. Paglalahad ng mgkakaugnay na pag-aaral f. Metodolohiya g. Teorya o dalumat
  • 339. h. Sakop at limitasyon i. Pagtalakay sa resulta ng pananaliksik j. Kongklusyon
  • 340. • Pananaliksik • Ayon kay Good, ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klarifikasyon at/o resolusyon nito.
  • 341. • Layunin ng Pananaliksik - preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao. Tiyak na layunin ng Pananaliksik ayon sa Tala nina Calderon at Gonzalez(1993): • a. Upang makadiskubre ng mga Bagong kaalaman hinggil sa mga batid na penomena
  • 342. • b. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at nformasyon. • c. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadevelop ng mga bagong instrumento o produkto. d. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements.
  • 343. d. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan. e. Masatisfy ang kuryosidad ng mananaliksik h. Mapalawak ang mga umiiral na kaalaman
  • 344. • Ang Pamanahong –Papel o term paper • Isang uri ng papel – pampananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante sa kolehiyo bilang isa sa pangangailangan sa isang larangang akademiko.
  • 345. • Uri ng Pananaliksik Batay sa Pakay: Pag-usisa vs. Pakinabang 1. Pangunahing Pananaliksik (Basic research) Umiikot ito sa mausisang pagtatanong ng mga mananaliksik tungkol sa isang posibleng ideya; penomenon na mahirap ipaliwanag;
  • 346. • suliraning nararanasan sa lipunan, pagkatao at kalikasan; at iba pang maaaring masagot o di kaya’y mauunawaan lamang kapag natapos na ang pananaliksik. May ilang tanong na wala talagang tiyak na kasagutan sa kasalukuyan.
  • 347. Halimbawa ng mga tanong: a.Ano ng “black hole”? Paano nito maipapaliwanag ang simula ng kalawakan? b.Bakit mas malulusog at mas magaganda ang henerasyon ng mga bata ngayon? c. Ano ang dahilan ng makauring tunggalian sa lipunan?
  • 348. 2. Praktikal na pananaliksik (Applied research)- Umiikot ito sa hangaring matugunan at masolusyunan ang isang praktikal na suliranin sa lipunan. Isinasagwa ito dahil sa direkta nitong kapakinabangan.
  • 349. • Halimbawa ng mga tanong: a. Paano mas matututo ng kabataan sa loob ng bahay? b. Ano ang paraan ng pagpapataas ng ani ng palay ngayong tag-init? c. Ano-ano ang mga hakbang upang higit na matugunan ang sakuna sa syudad?
  • 350. Uri ng Pananaliksik Batay sa Proseso 1. Descriptive- Pananaliksik na nakatutok sa pagpapakita ng pangyayari o nangyari: kung paano, kailan at bakit nagsimula. Inuusisa nito ang pinagmulan o kasaysayan ng isang bagay o penomenon sa pamamagitan nang masusi at mabusising pangangalap ng datos o impormsyon
  • 351. • Inilalarawan nito nang buo ang kuwento, diskurso o penomenon ayon sa pananaw at karanasan ng impormante o kalahok sa pananaliksik.
  • 352. • Halimbawa ng mga paksa: a.“Ang paglaganap ng Emo-Fashion sa Kolehiyo” b.“Ang Korean Pop at ang Pagtangkilik nito ng Kabataan” c. “Ang Paglala ng Krimen sa Lungsod ng Maynila”
  • 353. 2. Exploratory – Pananaliksik na nagtatangkang usisain ang nangyayaring penomenon. Kasalukuyan ang lunan at panahon ng pananaliksik na ito. Nakikilahok ang mananaliksik upang sa kanyang direktang karanasan at pag- aaral, maunawaan niya ang paksa ng kanyang pananaliksik na exploratory at vice – versa.
  • 354. Halimbawa ng mga Paksa: a.“ Ang Pagkamaluho ng Kabataan sa Teknolohiya” b.“Ang Paglala ng Krimen sa Maynila sa Pananaw ng Kabataan”
  • 355. 3. Explanatory- Layunin ng Pananaliksik na ito na ipaliwanag ang sanhi at bunga o mga baryabol na sangkot sa pagsusuri ng penomenon. Hindi lamang ito simpleng paglalahad ng datos kundi pagpapaliwanag o pagsusuri sa penomenong pinag-aaralan. Halimbawa ng mga paksa: “ Ang Epekto ng Cramming sa Ugali, Pag-iisip, at Kalusugan ng mga Estudyante”
  • 356. 4. Transdisiplinari- Ganito ang pananaliksik kapag tatahkin o pag-aaralan ng mananaliksik ang paksa na kabilang sa larangang hindi niya gamay o espesyalisasyon. Sabay niyang tutuklasin ang larangan at ng kanyang paksang pinag-aaralan.
  • 357. Halimbawa ng paksa: a. “Ang Theraphy ng Poetika” (pag-aaralan ng isang clinical psychologist habang pinag- aaralan din niya ang panulaan/ poetik at ang epekto nito sa makatang may sakit.
  • 358. • Awtput • Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa
  • 359. Lubos na pasasalamat sa mga awtor ng mga aklat na ginamit na sanggunian.
  • 360. • Mga Sanggunian: • Bernales, Rolando et.al. 2016. Komunikasyon sa Makabagong Panahon Filipino Alinsunod sa K-12 Kurikulum ng Batayang Edukasyon, Mutya Publishing House, INC. • Bernales, Rolando et.al. 2009. Komunikasyon sa Makabagong Panahon Filipino (Batayan at Sanayang- Aklat sa Filipino I,Antas Tersyarya. Mutya Publishing House, INC.
  • 361. Sanggunian: Bernales, Rolando et al. 2013. Komunikasyon sa Makabagong Panahon ( Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino 1, Antas Tersyarya)Mutya Publishing House , Inc.
  • 362. • Nuncio, Rhoderick at Nuncio Elizabeth et.al.2016 Sidhaya 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (Batayang Aklat sa Filipino sa Senior High School)C ad E Publishing INC. • Rubin,Ligaya Tiamson et.al. Kasaysayan at pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. Rex Bookstore.2002.
  • 364. • Mga Sanggunian: • Austero, Cecilia S. et.al.2012.Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Rajah Publishing House.Sta.Mesa Manila. • Bernales, Rolando. 2013 et.al.Retorika:Masining na Pagpapahayag (Batayan at Sanayang-aklat sa Filipino 3, Antas Tersyarya)Mutya Publishing House. Inc.
  • 365. • Elizabeth Morales Nuncio., et.al Makabagong Filipino sa Iba’t Ibang Pagkakataon: Batayang aklat sa pagbasa, pagsulat at pananaliksik sa antas pangkolehiyo(Filipino ), C& E Publishing Inc., 2015.