2. BALIK-ARAL:
Panuto: Gamit ang iyong natutuhan
sa naunang aralin, iugnay mga
karunungang-bayan na nasa HANAY
A sa angkop na sitwasyon na nasa
HANAY B. Isulat ang titik ng iyong
sagot sa sagutang papel.
5. Saknong 1:
Kapagka ang baya’y sadyang umiibig,
Sa kanyang salitang kaloob ng langit.
Sanlang kalayaan nasa ring masapit,
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
6. Saknong 3:
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.
7. Saknong 5:
Ang salita nati’y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong
una.
8. - ay ang lipon ng mga salita na may ibang
kahulugan
- ay di tuwirang pagbibigay ng kahulugan.
- Ang mga salitang ginagamit ay hindi
pangkaraniwan at may malalim na
kahulugan.
TALINHAGANG PAHAYAG
9. - ay sinasadyang paglayo sa paggamit
ng pangkaraniwang salita upang
maging kaakit-akit, maharaya at
mabisa ang pagpapahayag ng
kagandahan sa isang katha, pasalita
man o maging pasulat
TALINHAGANG PAHAYAG
10. 1. pag-iisang bibdib - kasal
2. kabiyak ng puso – asawa
3. naniningalang Pugad – nanliligaw o
nanunuyo
4. balitang kutsero – hindi totoo
5. pinagbiyak na bunga – magkamukha
Halimbawa:
11. - Ito ay isang salita na mas magandang
pakinggan kaysa sa salitang
masyadong bulgar, bastos o may talim
na maaaring makapanakit ng isang
damdamin o mga salitang hindi
maganda o kaaaya sa pandinig.
EUPEMISTIKO
12. - Ang orihinal na katawagan ay
pinagagaan ang kahulugan.
- Nagpapalit ng katawagan upang
hindi mabigat sa pandinig o hindi
masakit sa damdamin ng iba.
EUPEMISTIKO
14. Hanapin mo ang mga
matatalinghagang pahayag sa mga
piling bahagi ng akda sa bawat bilang.
Itala sa talahanayan at bigyan ng
kahulugan. Pansinin ang halimbawa
kung paano ito sasagutin.
Gawain 1.
15. 1. Pagkaraan ng ilang araw ay
magaling-galing na si Aling Rosa.
Hinanap niya si Pinang. Tinanong
niya ang mga kapitbahay kung nakita
nila ang kaniyang anak ngunit
naglahong parang bula si Pinang.
Alamat ng Pinya/Pinoycollection.com
Gawain 1.
16. 2. Oh, dila ng taong ang
bulong ay sigaw, Espada ng
bibig na nakamamatay.
Ang dila ng Tao ni Jose Crorazan de Jesus. Hiyas ng Diwa. 2007
17. 3. Bawat hakbang na gawin mo
sa Templo ng Kalayaan,
Ay hakbang na papalapit sa
bunganga ng libingan.
Republikang Basahan ni Teodoro Agoncillo. Hiyas ng Filipino 1997
18.
19. Dyad na Gawain
Ibigay ang eupemistikong
pahayag sa mga salitang
bulgar na may salungguhit sa
pangungusap.
20. 1. Nalasing ang binata sa
magdamag na inuman.
A. nalunod sa bote
B. nababad sa bote
C. nadaganan ng bote
D. nasagasaan ng bote
21. 2. Sa hindi inaasahan, siya ay
nabuntis na wala sa panahon.
A. nagdadalang-tao
B. nagdadalang-poot
C. nagdadalang-habag
D. nagdadala ng buhay
22. 3. Huwag maniwala sa tsismis.
A. kuwentong-tubero
B. kuwentong-barbero
C. kuwentong-bangkero
D. kuwentong-karpentero
23. 4. Mag-ingat sa magnanakaw.
A. mabilis ang kamay
B. manipis ang kamay
C. mabagal ang kamay
D. makapal ang kamay
24. 5. Presinto ang hantungan ng
mga taong luko-luko.
A. basag ang pula
B. basag ang tinig
C. basag ang bungo
D. basag ang pinggan
25. Panuto: Ang nasa Hanay A ay
mga eupemestikong pahayag.
Suriin ang kahulugan at
hanapin ang kasalungat nito sa
hanay B. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang
papel.
26. HANAY A
1. sumakabilang
bahay
2. walang ilaw ang
mata
3. matalim ang dila
4. matigas ang ulo
5. kumukulo ang
tiyan
HANAY B
A. nakakita, hindi
bulag
B. malumay
magsalita
C. masunurin
D. busog
E. tapat sa asawa
27. Panuto:
Tukuyin sa hanay B ang
kasingkahulugan ng
sumusunod. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang
papel.
28. HANAY A
1. maamong
kordero
2. bukas-palad
3. busilak ang puso
4. di-makabasag
pinggan
5. butas ang bulsa
HANAY B
A. matulungin
B. mahinhin
C. mabait na tao
D. tapat, malinis
ang kalooban
E. magpakasal
F. walang pera
29. Magtanong ka sa nakakatanda o
magsaliksik tungkol sa kadalasang
matatalinghang salita na ginamit
sa pagpayo o pangaral ng
kanilang mga magulang sa
kanilang panahon. Itala ito sa
talahanayan at bigyan ng
kahulugan.