SlideShare a Scribd company logo
PANITIKANG
FILIPINO
Kasaysayan at Pag-unlad
Pangkolehiyo
Erlinda M. Santiago
Alicia H. Kahayon
Magdalena P. Limdico
MGA NILALAMAN
KABANATA 1 -Panimulang Pag-aaral Ng Panitikan
- Ano ang Panitikan
- Ang Panitikan At Kasaysayan
- Mga Paraan Ng Pagpapahayag Ng Panitikan
- Bakit Dapat Mag-aral Ng Panitikan
- Mga Kalagayang Nakapangyayari Sa Panitikan
- Ang Impluwensiya Ng Panitikan
- Pangkalahatang Uri Ng Panitikan
- Ang Mga Akdang Tuluyan
- Mga Akdang Patula
- Mga Uri Ng Tulang Pasalaysay
- Mga Uri Ng Tulang Liriko
- Mga Tulang Dula o Pantanghalan
- Mga Tulang Patnigan
- Kahulugang Saklaw Ng Panitikang Filipino
- Mga Tulong Sa Pag-aaral
KABANATA 2 - Panahon Bago Dumating Ang Mga Kastila
- Kaligirang Kasaysayan
- Mga Bahagi Ng Panitikang Filipino Bago Dumating Ang Mga Kastila
- Ang Alamat
- Ang Alamat Ng Mga Tagalog
- Kuwentong Bayan
- Si Bulan At Si Adlaw
- Panahon Ng Epiko
- Biag Ni Lam-Ang
- Alim
- Mga Awiting Bayan
- Kundiman
- Kumintang o Tagumpay
- Dalit o Imno
- Oyayi o Hele
- Diona
- Suliranin
- Talindaw
- Mga Unang Tulang Filipino
- Mga Tulong Sa Pag-aaral
KABANATA 3 - Panahon Ng Mga Kastila
- Kaligirang Kasaysayan
- Mga Impluwensiya Ng Kastila Sa Panitikang Filipino
- Mga Unang Aklat
- Doctrina Cristiana
- Nuestra Señora del Rosario
- Ang Barlaan At Josaphat
- Urbana At Felisa
- Mga Akdang Pangwika
- Mga Kantahing Bayan
- Leron-Leron Sinta
- Pamulinawen
- Dandansoy
- Sarong Banggi
- Atin Cu Pung Singsing
- Mga Dulang Panlibangan
- Tibag
- Lagaylay
- Sinakulo
- Panunuluyan
- Panubong
- Karilyo
- Moro-moro
- Karagatan
- Duplo
- Kurido
- Saynete
- La India Elegante Y El Negrito Amante
- Sarsuela
- Mga Tulong Sa Pag-aaral
KABANATA 4 - Panahon Ng Pagbabagong Isip
- Kaligirang Kasaysayan
- Ang Kilusang Propaganda
- Mga Taluktok Ng Propaganda
- Dr. Jose Rizal
- Marcelo H. del Pilar
- Graciano Lopez Jaena
- Iba Pang Mga Propagandista
- Antonio Luna
- Mariano Ponce
- Pedro Paterno
- Jose Ma. Panganiban
- Ang Panahon Ng Tahasang Paghihimagsik
- Kaligirang Kasaysayan
- Mga Taluktok Ng Tahasang Paghihimagsik
- Andres Bonifacio
- Emilio Jacinto
- Iba Pang Maghihimagsik
- Ang Mga Pahayagan Ng Panahon Ng Himagsikan
- Mga Tulong Sa Pag-aaral
KABANATA 5 - Panahon Ng Amerikano
- Kaligirang Pangkasaysayan
- Mga Katangian Ng Panitikan Sa Panahong Ito
- Panitikan Sa Kastila
- Cecilio Apostol
- Fernando Ma. Guerrero
- Jesus Balmori
- Manuel Bernabe
- Claro M. Recto
- Mga Iba Pang Manunulat Sa Wikang Kastila
- Panitikan Sa Tagalog
- Lope K. Santos
- Florentino Collantes
- Amado V. Hernadez
- Valeriano H. Peña
- Iñigo Ed. Regelado
- Ang Dulang Tagalog
- Ang Nobelang Tagalog
- Ang Maikling Kuwentong Tagalog
- Ang Tulang Tagalog
- Mga Iba Pang Panitikang Filipino
- Panitikang Ilokano
- Panitikang Kapampangan
- Panitikang Bisaya
- Ang Panitikang Filipino Sa Ingles
- Mga Tulong Sa Pag-aaral
KABANATA 6 - Panahon Ng Mga Hapones
- Kaligirang Kasaysayan
- Ang Mga Tula Sa Panhong Ito
- Haiku
- Tanaga
- Karaniwang Tula
- Ang Mga Dula Sa Panahong Ito
- Ang Maikling Kuwento Sa Panahong Ito
- Lupang Tinubuan
- Uhaw Ang Tigang Na Lupa
- Mga Tulong Sa Pag-aaral
KABANATA 7 - Panahon Ng Isinauling Kalayaan
- Kaligirang Kasaysayan
- Ang Kalagayan Ng Panitikan Ng Panahong Ito
- Ang Bagong Panitikan Sa Tagalog Ng Panahong Ito
- Ang Muling Pagsigla Ng Panitikan Sa Ingles
- Ang Timpalak-Palanca
- Kuwento Ni Mabuti
- Mabangis na Kamay ...Maamong Kamay
- Planeta, Bituin at mga Bituin
- Alamat Ng Pasig
- Mga Tulong Sa Pag-aaral
KABANATA 8 - Panahon Ng Aktibismo
- Kaligirang Kasaysayan
- Ang Binhi Ng Aktibismo
- Panahon Ng Duguang Plakard
- Ang Kalagayan Ng Panitikan Ng Panahong Ito
- Ang Panulaang Filipino Ng Panahon Ng Aktibismo
- Ang Dula, Maikling Kuwento, at Nobela Ng Panahong Ito
- Mga Tulong Sa Pag-aaral
KABANATA 9 - Panahon Ng Bagong Lipunan
- Kaligirang Kasaysayan
- Ang Panulaang Tagalog Sa Bagong Lipunan
- Ang Awiting Filipino Sa Bagong Lipunan
- Ang Radyo at Telebisyon
- Ang Pelikulang Filipino
- Ang Mga Pahayagang Komiks, Magasin, at Iba Pang Babasahin
- Kabuuang Tanaw Sa Panitikan Sa Panahon Ng Bagong Lipunan
- Mga Tulong Sa Pag-aaral
KABANATA 10 - Panahon Ng Ikatlong Republika
- Kaligirang Kasaysayan
- Ang Panulaang Tagalog Ng Panahon Ng Ikatlong Republika
- Ang Awiting Filipino Sa Panahon Ng Ikatlong Republika
- Ang Pelikulang Filipino Ng Panahon Ng Ikatlong Republika
- Ang Mga Pahayagan, Komiks, Magasin, At Iba Pang Babasahin
- Ang Timpalak-Palanca Sa Panahon Ng Ikatlong Republika
- Di Mo Masilip Ang Langit – ni “Ramaden”
- Sa Kaduwagan Ng Pilikmata ni “Virginia Rivera”
- Unang Binyag ni “Homer”
- Kabuuang Tanaw Ng Panitikang Pilipino Ng Panahon Ng Ikatlong Republika
- Mga Tulong Sa Pag-aaral
KABANATA 11 - Ang Panitikan Sa Kasalukuyan
- Kaligirang Kasaysayan
- Ang Kalagayan Ng Panitikan Sa Panahong Ito
- Ang Panulaang Filipino Sa Panahong Ito
- Ang Awiting Filipino Sa Kasalukuyan
- Ang Sanaysay Sa Panahong Ito
- Ang Mga Programa Sa Radyo at Telebisyon
- Ang Mga Pahayagan at Iba Pang Babasahin
- Ang Mga Manunulat Sa Kasalukuyan
- Ang Timpalak-Palanca Sa Kasalukuyan
- Mga Tulong Sa Pag-aaral
KABANATA 12 - Panunuring Pampanitikan
- Isang Halimbawa Ng Sinuring Akda “Sinag Sa Karimlan” ni Dionisio Salazar
- Talasanggunian
MGA TIYAK NA LAYUNIN TUNGKOL SA
KABUTIHAN AT NASYONALISMO
(Specific Behavioral Objectives about
Value Formation ang Nationalism)
1. Malaman natin ang kasaysayan ng ating lahi, ang idealismong Pilipino, ang ating
pananampalataya at ang ating mga paniniwala, kultura, at kaisipang panlipunan.
2. Maipamalas natin ang sariling kaugalian, pananaw, at kalinangan ng ating lahi.
3. Maisaalang-alang din natin ang mga kabayanihan, pagpapakasakit, at
pakikipaglaban ng ating mga ninuno upang makamtan natin ang ating kasarinlan.
4. Masuri natin ang ating sariling panitik ayon sa mga magagandang katangiang
taglay nito.
5. Matalakay ang mga Panitikang Filipino noon at hanggang sa kasalukuyan at
maihahambing ang paglago at paglinang ng mga akda ayon sa pagtalakay ng mga
manunulat.
6. Maipakita ang mga pagbabagong naganap sa panitik, kultura at kaugalian ng mga
Pilipino sapul noong bago dumating ang mga Kastila hanggang sa kasalakuyang
panahon.
7. Maipakita sa pamamagitan ng mga akdang Filipino ang magagandang kaugalian
ng mga Pilipino noon at maaaring makabuluhan pa sa kasalukuyan.
8. Mailahad ang suliranin sa kuwento at mabigyang-kalutasan ayon sa pang-unawa
ng guro at mag-aaral.
9. Magkaroon ng malayang talakayan hinggil sa mga mahahalagang paksang
napapaloob sa bawat kuwento.
10. Matutuhang sumuri at magbigay ng sariling pala-palagay o kuro-kuro ukol sa
ilang mahahalagang bahagi ng kuwento.
11. Maunawaan ang tunay na pagmamahal sa Diyos, sa magulang, at sa bayan.
12. Maisasaisip tuwina na kung may tungkulin man ang magulang sa anak, ang mga
anak ay mayroon ding katungkulan sa magulang.
13. Matutuhang tumanaw ng utang na loob sa Diyos, sa magulang, sa mga kaibigan,
at sa lahat ng pinagkakautangan ng loob.
14. Mapahalagahan ang lahat ng pagsisikap ng mga magulang para sa kinabukasan
ng anak.
15. Mahubog ang mga kabataan sa mga mabubuting kaugaliang panlipunan
sapagkat sila ang pag-asa ng ating Bayan.
16. Mapukaw ang kanilang kaisipan o kawilihan sa mga gawaing pangnasyonalismo.
17. Magkaroon ng kamalayan sa mga nagaganap sa ating bansa, at magkaroon din
ng partisipasyon tungo sa ikauunlad nito. Mailahad ang kahirapang dinaranas ng
ating mga kapatid sa kasalukuyan at makagawa ng kaukulang pag-aaral tungkol dito.
19. Maisaalang-alang ang panuntunang pantay-pantay para sa lahat, lalo na sa
edukasyon. Pagbibigay ng huwaran sa magaganda at mabubuting gawain na nais
mapahalili sa mga kabataan sa kasalukuyan.
20. Maikintal sa kaisipan at hangarin ng bawat kabataan ang pagkukusang pagtulong
sa kaniyang pamayanan at sa gayon ay magkaroon siya ng damdamin upang
dumamay, umunawa, at tumingin sa kaniyang kapwa.
21. Maikintakl sa kaisipan ng bawa’t mag-aaral na sila ay mamamayan ng Republika
ng Pilipinas at dapat na maging matapat sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin at
obligasyon.
22. Mahubog ang kabataan sa mga kagandahang-asal na udyok ng isang matatag
na pananalig sa Bathalang mapagkalinga.
23. Malinang sa kaisipan ng mga mamamayang Pilipino ang mga matatandang
kaugalian tulad ng kasipagan, kalinisan, katapatan, at wastong pagtitipid. Mabigyan
sila ng kasanayan at kaalamang makatutulong sa kanila upang kumita sa isang
malinis na paraan. Makapamuhay nang maayos at makapag-abuloy sa kalinangan at
kagalingang pangkabuhayan ng bansa.
24. Mabigyan ng kasanayan ang ating mga kababaihan at kalalakihan ng tungkuling
panatilihin.
25. Maturuan ang ating kabataan ng kahalagahan at wastong paggamit ng oras
upang makatulong sa kanilang pansariling kaunlaran at magtaguyod sa kagalingan
nila sa pamayanang ginagalawan.
26. Maunawaan ang pangangailangan ng bawat mag-aaral, kung paano sila
nakapag-iisip at nakadarama ng mabibisang paraan upang matanto ang mga
kahalagahan ng edukasyon sabuhay ng bawat nilalang, at makapagpalahad ng
palatuntunan na maaaring gawing sanayan ng mga mag-aaral.
27. Makahanap ng paraang makatutulong upang ang mga mag-aaral ay tumuklas ng
pansariling pakahulugan sa mga pangyayari sa kaniyang paligid.
28. Makapaglimi tungkol sa kung paano makapagbibigay ng kasiyahang pisikal at
ispiritwal at mapaunlad ang iba’t ibang aspekto ng pamumuhay.
KABANATA 1
Panimulang Pag-aaral ng Panitikan
ANO ANG PANITIKAN
Maraming pakahulugan ang iba’t ibang manunulat tungkol sa panitikan. May
nagsasabing “ang tunay na kahulugan daw ng panitikan ay yaong pagpapahayag ng
damadamin, panaginip, at karanasan ng sangkatauhang nasusulat sa maganda,
makahulugan, at masining na mga pahayag”. Sa aklat nina Atienza, Ramos, Zalazar,
at Nazal na pinamagatang Panitikang Pilipino, ipinahahayag na “ang tunay na
panitikan ay yaong walang kamatayan, yaong nagpapahayag ng damdamin ng tao
bilang ganti niya sa reaksyon sa kaniyang pang-araw-araw na pagsusumikap upang
mabuhay at lumigaya sa kaniyang kapaligiran at gayun din sa kaniyang kapaligiran at
gayun din sa kaniyang pag susumikap na makita ang Maykapal”.
Si Bro. Azarias ay nagsabing “ang panitikan ay ang pagpapahayag ng
damdamin ng tao, sa lipunan, sa pamahalaan, sa kapaligiran, sa kapwa, at sa
Dakilang Lumikha”. Ang pagpapahayag daw ng damdamin ng isang nilikha ay
maaaring sa pamamagitan ng pag-ibig, kalungkutan, kaligayahan, galit o poot,
pagkahabag, pag-alipusta, paghihiganti, at iba pa.
Ayon namn kay Webster, sa kaniyang pinakabuod na pakahulugan,
“anumang bagay raw na naisasatitik, basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin
ng tao, maging ito’y totoo , kathangisip o bungang tulog lamang ay maaaring
tawaging panitikan”.
Ganito naman ang makabayaning pakahulugan ni MariaRamos sa panitikan.
Ayon sa kanya, “Ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan. Sa
panitikan nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing, at
guniguni ng mga mamamayan na nasusulat o binabanggit sa maganda, makulay,
makahulugan, matalinghaga, at masining na mga pahayag.” Ang panitikan ay
nagbubunsod sa pagkilos ng mga mamamayan sa kanilang pagkamakabayan o
nasyonalismo. Ito ang lakas na nagbubuklod ng kanilang damdamin, nagdidilat ng
kanilang mga mata sa katwiran at katarungan.
Ang panitikan ay hindi lamang lumilinang ng nasyonalismo kundi ito’y nag-
iigat din ng mga karanasan, tradisyon, at mga mithiin ng bawat bansa. Hinuhubog sa
panitikan ang kagandahan ng kultuira ng bawat lipunan. Dito nasusulat ang henyo ng
bawat panahon. Ito’y walang paglipas hanggang may tao sa sandaigdigan. Ang
panitikan ay isang ilaw na walang kamatayang tumatanglaw sa kabihasnan ng tao.
ANG PANITIKAN AT KASAYSAYAN
Matlik na magkaugnay ang Panitikan at Kasaysayan. Sa pagtalakay ng
kasaysayan ng isang lahi, tiyak na kasama rito ang damdamin, saloobin, kaugalian, o
tradisyon ng lahing ito. At ang lahat ng ito kapag naisatitik ay tinatawag na panitikan.
Ang kasaysayan ay naisatitik kaya’t ito’y makatotohanang panitikan. Ang lahat ng
mga bagay na naisatitik at tunay na mga nangyari ay makatotohanang panitikan.
Samakatwid, bahagi ng panitikan ang kasaysayan.
Ang panitikan at kasaysayan ay mayroon ding pagkakaiba. Ang panitikan ay
maaaring mga likhang-isip o bungang-isip lamang o mga pangyayaring hubad sa
katotohanan na naisatala, samantalang ang kasaysayan ay pawing mga
pangyayaring tunay na naganap- may pinangyarihan, may sanhi ng pangyayari, at
may panahon.
Mga Paraan Ng Pagpapahayag
Pasulat man o pasalita, tuluyan man o patula, ang anumang sining ng
panitikan ay maaaring talakayin sa apat na paraan ng pagpapahayag.
1. Pagsasalaysay – Ito’y isang uri ng pagpapahayag na nagsasalaysay ng
isang karanasan. Halimbawa: “Isang Karanasang Hindi Ko Malilimutan.”
2. Paglalahad – Ito’y isang paraang nagbibigay katuturan sa isang ideya o
konsepto. Nagmumungkahi rin ito ng paraan ng paggawa ng isang bagay.
Tumatalakay rin ito sa suliranin, nagbibigay dahilan , at nagpapayo ng mga
kalutasan. Halimbawa: “Ano Ang Panitikan?”
3. Paglalarawan – Ito’y isang paraang naglalarawan ng isang bagay, tao, o
lunan. Ang detalye ng mga katangian, o kapintasan ng tao, o bagay na namamalas
ay nababanggit ditto. Halimbawa: “Maynila … Kulay Anyo ng Lahi.”
4. Pangngatwiran – Naglalayong humikayat sa bumabasa o sa mga nakikinig na
pumanig sa opinyon ng nagsasalita o sa sumulat ang paraang ito. Malinaw na mga
katwiran at sinasamahan ng mga pagpapatunay upang lalong mapaniwala sa
kaniyang mga kuro-kuro ang mga bumabasa o nakikinig. Halimbawa: “Kailangan Ang
Tapat Na Pagtawag at Pananalig Sa Diyos Sa Anuimang Oras”.
BAKIT DAPAT MAG-ARAL NG PANITIKAN
May limang mahahalagang bagay kung bakit dapat tayong mag-aral ng
Panitikang Pilipino.
UNA: Upang makilala natin an gating sarili bilang Pilipino, at matalos ang
ating minanang yaman ng isip at angking talino ng ating pinanggalingang lahi.
IKALAWA: Tulad ng ibang lahi sa daigdig, dapat nating mabatid na tayo’y
may dakila at marangal na tradisyong siya nating ginawang sandigan ng pagkabuo
ng ibang kulturang nakarating sa ating bansa.
IKATLO: Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng
panitikan at makapagsanay na ito’y matuwid at mabago.
IKAAPAT: Upang makilala at magamit ang ating mga kakayahan sa pagsulat
at magsikap na ito’y malinang at mapaunlad.
IKALIMA: Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling
kulturan ay kailangang maipamalas ang pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.
MGA KALAGAYANG NAKAPANGYAYARI SA PANITIKAN
May mga mahahalagang bagay na nakapangyayari sa panitikan. Ito’y ang
mga sumusunod:
1. Ang klima – ang init o lamig ng panahon, ang bagyo, unos, baha, at ulan ay
malaki ang nagagawa sa kaisipan at damdamin ng manunulat.
2. Ang hanapbuhay o gawaing pang-araw-araw ng tao – Nagpapasok ng
mga salita o kuro-kuro sa wika at panitikan ng isang lahi ang tuingkulin, hanapbuhay,
o gawaing pang-araw-araw ng mga tao.
3. Ang pook o tinitirhan – Malaki ang nagagawa nito sa isipan at damdamin
ng tao. Kung ang pook na kinatitirahan ng mga tao ay may magagandang tanawin,
mahalaman, maaliwalas, sagana sa kabukiran, madagat, at mabundok, ang mga ito’y
siyang magiging paksa ng panitikan ng mga taong nagnanasang sumulat.
4. Lipunan at pulitika – Nasasalamin sa panitikan ng isang lahi ang sistema
ng pamahalaan, ang ideolohiya at ugaling panlipunan, at gayuin din ang kultura ng
mga tao.
5. Edukasyon at pananampalataya – Kung busog ang isipan, dala ng
malawak na edukasyong natutuhan, ang mga ito’y mababakas sa panitikan ng lahi.
Ang pananampalataya ay pinapaksa rin ng mga makata at manunulat.
ANG IMPLUWENSIYA NG PANITIKAN
Kung ang limang kalagayang nabanggit na nakapangyayari sa panitikan ay
may impluwensiya sa anyo, hangarin, at laman ng panitikan, ang panitikan naman ay
may dalang mahalagang impluwensiya sa buhay, kaisipan, at ugali ng tao.
1. Ang panitikan ay nagpapaliwanag ng kahulugan ng kalinangan at
kabihasnan ng lahing pinanggalingan ng akda.
2. Dahil sa panitikan nagkakalapit ang damdamin ng mga tao sa
sandaigdigan. Nagkakahiraman sila ng ugali at palakad at nagkakatulungan.
Marami ring mga akdang pampanitikan ang nagdala ng impluwensiya sa
buong daigdig. Ilan lamang sa mga ito ang mga sumusunod:
1. Banal na Kasulatan o Bibliya – Ito ang naging batayan ng Kakristiyanuhan.
Mula sa sa Palestino at Gresya.
2. Koran – Ang pinakabibliya ng mga Muslim. Galing ito sa Arabia.
3. Ang Iliad at Odyssey – Ito ang kinatutuhan ng mga mitolohiya at paalamatan ng
Gresya. Akda ito ni Homer.
4. Ang Mahabharata – Ito ay ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong
daigdig. Naglalaman ito ng kasaysayan ng pananampalataya ng Indiya.
5. Canterbury Tales – Naglalarawan ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga
Ingles noong unang panahon. Galing ito sa Inglatera at sinulat ni Chaucer.
6. Uncle Tom’s Cabin – Akda ito ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos.
Kababasahan ito ng naging karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at naging
batayan ng demokrasya.
7. Ang Divine Comedia – Akda ni Dante ng Italya. Nagpapahayag ito ng
pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano nang panahong yaon.
8. Ang El Cid Compeador – Nagpapahayag ng mga katangiang panlahi ng mga
Kastila at ng kanilang kasaysayang pambansa.
9. Ang Awit ni Rolando – Kinapapalooban ito ng Donce Pares at Roncesvalles ng
Pransya. Nagsasalaysay ng gintong panahon ng Kakristiyanuhan sa Pransya.
10. Ang Aklat ng mga Patay – Naglalaman ito ng mga kulto ni Osiris at ng mitolohiya
at teolohiya ng Ehipto.
11. Ang Aklat ng mga Araw – Akda ito ni Confucio ng Tsina. Naging batayan ng mga
Intsik sa kanilang pananampalataya.
12. Isang Libo’t Isang Gabi – Mula ito sa Arabia at Persya. Nagsasaad ng mga
ugaling pampamahalaan, pangkabuhayan, at panlipunan ng mga Arabo at Persyano.
PANGKALAHATANG URI NG PANITIKAN
Ang pangkalahatang uri ng panitikan ay ang tuluyan at patula. Ang mga akdang
tuluyan ay yaong mga nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap, samantalang
ang patula ay yaong mga pahayag na may sukat o bilang ng mga pantig, tugma
taludtod, at saknong.
ANG MGA AKDANG TULUYAN
Ang mga akdang tuluyan ay marami. Kinabibilangan ito ng nobela o
kathambuhay, maikling kuwento, mga dula sa kasalukuyang panahon, mga alamat,
pabula, sanaysay, talambuhay, balita, talumpati, at iba pa.
1. Nobela – ito’y isang mahabang salaysayang nahahati sa mga kabanata.
Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa mahabang
panahon. Ginagalawan ito ng maraming tauhan. Halimbawa: “Banaag at Sikat” ni
Lope K. Santos.
2. Maikling Kuwento – ito’y salaysaying may isa o ilang tauhan, may isang
pangyayari sa kakintalan. Halimbawa: “Pagbabalik” ni Genoveva E. Matute.
3. Dula – ito’y itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan. Nahahati ito
sa ilang yugto, at sa bawat yugto ay maraming tagpo. Halimbawa: “Kahapon,
Ngayon, at Bukas” ni Aurelio Tolentino.
4. Alamat – ito’y mga salaysaying hubad sa katotohanan. Tungkol sa
pinagmulan ng bagay ang karaniwang paksa rito. Halimbawa: “Ang Alamat ng Pinya”.
5. Ang Pabula – mga salaysayin din itong hubad sa katotohanan ngunit ang
layuni’y gisingin ang isipan ng mga bata sa mga pangyayaring makahuhubog ng
kanilang ugali at pagkilos. Natutungkol sa mga hayop ang kuwentong ito. Halimbawa:
“Ang Pagong at Ang Unggoy”.
6. Anekdota – mga likhang-isip lamang ng mga manunulat ang mga maikling
salaysaying ito na ang tanging layunin ay makapagbigay-aral sa mga mambabasa.
Maaaring ito’y isang kuwento ng mga hayop o bata. Halimbawa: “Ang Gamugamo at
Ang Munting Ilawan”.
7. Sanaysay – ito’y pagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon ng may-akda
tungkol sa isang suliranin o pangyayari. Ang pinakamahusay na halimbawa nito’y ang
bahagi ng Editoryal ng isang pahayagan.
8. Talambuhay – ito’y tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaaring
ito’y pang-iba o pansarili.
9. Balita – ito’y isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan,
pamahalaan, mga industriya at agham, mga sakuna, at iba pang paksang
nagaganap sa buong bansa o maging sa ibayong dagat.
10. Talumpati – ito’y isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga
tagapakinig. Ang layuinin nito ay humikayat, magbigay ng impormasyon,
mangatwiran, magpaliwanag, at magbigay ng opinyon o paniniwala.
11. Parabula – ito’y mga salaysaying hango sa Bibliya na tulad ng anekdota. Ang
layunin nito’y makapagbigay-aral sa mga mambabasa o nakikinig. Halimbawa: “Ang
Matandang Mayaman at si Lazaro”.
Mga Akdang Patula
ANG TULA
Ang pagsulat ng tula ay naiiba sa ibang sangay ng panitikan sapagkat dito ay
nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, pagbilang ng mga pantig, at
paghahanap ng makakatugmang mga salita upang maipadama ang isang damdamin
o kaisaping nais ipahayag ng isang manunulat. Bagama’t sa kasalukuyan ay unti-unti
nang nawawala ang sukat at tugma ng isang tula, lalo’t ang makabagong manunulat
ay naniniwala sa kaisipang malayang taludturan.
Sa isang tula ay maaaring may tatlong interpretasyon o pakahulugan: yaong
sa manunulat, sa guro at mag-aaral, bagama’t ang pinakadiwa nito ay iisa lamang.
Marami nang katuturang nabuo ang tula at ang ilan ay babanggitin dito. Ayon
kay Julian Cruz Balmaceda, “ang tuila ay isang kaisipang naglalarawan ng
kagandahan, ng kariktan na natitipon sa isang kaisipan upaing maangkin ang
karapatang matawag na tula.”
Ayon kay Iñigo Ed. Regalado, “ang tuila ay kagandahan, diwa, katas,
larawan, at kabuuang tonong kariktang makikita sa silong ng alinmang langit.”
Ayon naman sa katuituiran ni Fernando Monleon mula kay Lord Macaulay,
“ang pagtula’y panggagagad at ito’y lubhang kahawig ng sining ng pangguhit,
paglililok, at pagtatanghal. Ang kasaklawan ng pagtula ay higit na malawak kaysa
alinman sa ibang gagad na mga sining, pagsama-samahin man ang mga iyon.”
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang katuturang ibinigay ni Edith Sitwell na
napili niya, ay nagsasabing, “ang tuila ay kamalayang napapasigasig (heightened
consciousness).”
Ang mga akdang patula ay may apat na uri: tulang pasalaysay, tulang paawit
o liriko, tulang padula o pantanghalan, at tulang patnigan.
1. Tulang pasalaysay – ang uirng ito ay naglalarawan ng mahahalagang mga
tagpo o pangyayari sa buhay; halimbawa’y ang kabiguan sa pag-ibig, ang mga
suliranin at painganib sa pakikidigma, o kagitingan ng mga bayani.
MGA UIRI NG TULANG PASALAYSAY
a) Epiko – ang mga epiko ay nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos
hindi mapaniwalaan pagkat nauukol sa mga kababalaghan. Ito’y nagbubunyi sa
isang alamat o kasaysayan na naging mataguimpaiy laban sa mga panganib at
kagipitan.
Halimbawa: “Ang Indarapatra at Sulayman”
INDARAPATRA AT SULAYMAN
(Epiko ng mga Muslim)
*Isinatula ni Bartolome del Valle
Nang unang panahon ayon sa alamat, ang pulong Mindanaw ay wala ni kahit
munting kapatagan. Pawang kabundukan ang tinatahanan ng maraming taong doo’y
namumuhay. Maligaya sila sapagka’t sagana sa likas na yaman.
Subali’t ang lagim ay biglang dumating sa kanilang bundok na dati’y payapa.
Apat na halimaw ang doo’y nanalot. Una’y si Kurita na maraming paa at ganid na
hayop, pagkat sa pagkain kahit limang tao’y kanyang nauubos.
Ang bundok Matutum ay tinirhan naman ng isang halimaw na may mukhang tao na
nakatatakot kung ito’y mamasdan, ang sino mang tao na kanyang mahuli agad
nilalapang at ang nilalaman nito’y kinakain na walang anuman.
Ang ikatlo’y si Pah na ibon, malaki ang bundok ng Bita ay napadidilim niyong
kanyang pakpak. Ang lahat ng tao’y sa kuweba tumahan upang makaligtas sa salot
na itong may matang malinaw at kukong matalas.
Ang bundok Kurayang pinanahanan ng maraming tao ay pinapanlagim ng isa pang
ibon na may pitong ulo. Walang nakaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na kuko
pagkat maaari na kanyang matanaw ang lahat ng dako.
Ang kalagim-lagim na kinasapitan ng pulong Mindanaw ay nagdulot-lungkot sa
maraming baya’t mga kaharian, si Indarapatra na haring mabait dakila’t marangal ay
agad nag-utos sa kanyang kapatid na prinsipeng mahal.
“Prinsipe Sulayman, ako’y sumasamo na iyong iligtas ang maraming taong
nangangailangan ng tulong mo’t habag.” “O mahal na hari na aking kapatid, ngayon
di’y lilipad at maghihiganti sa mga halimaw ang talim ng tabak.”
Binigyan ng singsing at isang ispada ang kanyang kapatid upang sandatahin sa
pakikibaka. Kanyang isinabit sa munting bintana ang isang halaman at saka nagsulit:
“Ang halamang ito’y siyang magsasabi ng iyong nasapit”.
Nang siya’y dumating sa tuktok ng bundok na tinatahanan nitong si Kurita, siya ay
nagmasid at kanyang natunghan ang maraming nayong walang kahit isang taong
tumatahan “Ikaw’y magbabayad, mabangis na hayop!” yaong kanyang sigaw.
Di pa nagtagal ang kanyang sinabi, nagimbal ang bundok at biglang lumabas itong si
Kuritang sa puso’y may poot. Sila ay nagbaka at hindi tumigil hanggang sa malagot
ang tanging hininga niyong si Kuritang sa lupa, ay salot.
Tumatag ang puso nitong si Sulayman sa kanyang tagumpay kaya’t sa Matutum, ang
hinanap naman ay si Tarabusaw; sa tuktok ng bundok ay kanyang namalas ang
nakahahambal na mga tanawin: “Ngayon di’y lumabas nang ikaw’y mamatay.”
Noon di’y nahawi ang maraming puno sa gilid ng bundok at ilang saglit pa’y
nagkaharap silang puso’y nagpupuyos. Yaong si Sulayma’y may hawak na tabak na
pinag-uulos, ang kay Tarabusaw na sandata nama’y sangang panghambulas.
At sa paghahamok ng dalawang iyong balita sa tapang, ang ganid na hayop sa
malaking pagod ay napahandusay. “Ang takdang oras mo ngayo’y dumating na,”
sigaw ni Sulayman at saka sinaksak ng kanyang sandata ang pusong halimaw.
Noon di’y nilipad niyong si Sulayman ang bundok ng Bita, siya ay nanlumo pagka’t
ang tahanan sa tao’y ulila; ilang sandali pa ay biglang nagdilim gayong maaga pa at
kanyang natantong ang kalabang ibon ay dumarating na.
Siya ay lumundag at kanyang tinaga ang pakpak ng ibon datapwa’t siya rin ang
sinamang-palad na bagsakan niyon; sa bigat ng pakpak, ang pakpak niya’y sa lupa
bumaon kaya’t si Sulayman noon ay nalibing nang walang kabaong.
Kasawiang ito ay agad nabatid ng mahal na hari pagka’t ang halaman noon di’y
nalanta’t sanga’y nangabali. “Siya ay patay na!” ang sigaw ng kanyang namumutlang
labi, “Ang kamatayan mo’y ipaghihiganti buhay ma’y masawi!”
Nang siya’y dumating sa bundok ng Bita ay kanyang binuhat ang pakpak ng ibon.
Katawang napipis ay kanyang namamalas.Nahabag sa kanya ang kanyang
bathala,biglang nagliwanag at ilang saglit pa ay nakita niya ang tubig na lunas.
Kanyang ibinuhos ang tubig na yaon sa lugaming bangkay at laking himala! Ang
kanyang kapatid ay dagling nabuhay, sila ay nagyakap sa gitna ng galak at ng
katuwaan, saka pinauiwi itong si Sulayman sa sariling bayan.
Sa bundok Kurayan sinapit ay agad hinanap ang ibong sa tao’y nagbibigay-lagim at
nagpapahirap dumating ang ibong kaylaki ng ulo at kukong matalas subalit ang kalis
ni Indarapatra’y nagwagi sa wakas.
Sa kanyang tagumpay may isang diwatang dumating magalang “Slamat sa iyo,
butihing bayani na ubod ng tapang, Kaming mga labi ng ibong gahaman ngayon ay
nabubuhay.” At kanyang namalas ang maraming taong noo’y nagdiriwang.
Nabihag ang puso ng mahal na hari sa ganda ng mutya kaya’t sa naroon ay kanyang
hiniling na lakip ang sumpa na sila’y ikasal. Noon di’y binuklod ng isang adhika ang
kanilang puso. “Mabuhay ang Hari!” ang sigaw ng madla.
Ang tubig ng dagat ay tila hinigop sa kailaliman at muling lumitaw ang lawak ng
lupang pawang kapatagan, Si Indarapatra’y hindi na bumalik sa sariling bayan at dito
naghari sa mayamang lupa ng pulong Mindanaw.
b) Awit at Kurido - ang mga ito’y may mga paksang hango sa pangyayaring tungkol
sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran, at ang mga tauhan ay mga hari’t reyna,
prinsipe’t prinsesa. Ang dalawang ito’y nagkakaisa sa kaharian. Ang awit ay may
sukat na labindalawang (12) pantig at inaawit nang mabagal sa saliw ng gitara o
bandurya, samantalang ang kurido’y may sukat na walong (8) pantig at binibigkas sa
kumpas ng martsa.
Halimbawa ng Awit – “Doce Pares sa Kaharian ng Francia” at “Florante at Laura” in
Francisco Balagtas
BUOD NG “DOCE PARES SA KAHARIAN NG FRANCIA”
Nang ang Herusalem ay nasa ilalim ng kapangyarihan ni Patriyarka Aaron,
ang mga tagaroon ay tumanggap ng balitang sasalakayin sila ng mga mrong taga-
Zaragosa. Nagpadala agad ng sulat si Patriyarka Aaron kay Carlo Magno ng Francia
upang humingi ng tulong. Hindi nag-aksaya ng panahon si Carlo Magno. Pinaghanda
ang matatapang niyang Pares at sila’y naglakbay sa Herusalem. Tatlong buwan na
silang naglalakbay nang malaman ni Carlo Magno na sila ay naliligaw. Nanalangin
sila sa Diyos at kaagad ay maraming ibon ang naglalabasan at nag-awitan at sila’y
sumunod dito patungong Herusalem.
Pagdating nila sa Herusalem ay nalaman nila na a nasalakay na ito ng mga
moro. Pininsala ang simbahan at pinagkukuha ang mga relikya. Pumatay rin sila ng
mga taong bayan at si Aaron ay ipiniit nila.
Nagimbal si Carlo Magno at nagpadala siya ng mga kawal sa Zaragosa.
Ipinasabi sa pinuno nila na palayain si Aaron pati na ang mga kawal nito, isauli ang
mga ninakaw at sila’y pabibinyag at kung hindi ay dirigmain sila ng mga kawal-
kristiyano. Nagkaroon ng madugong labanan sapagkat tumanggi ang mga moro sa
nais ni Carlo Magno. Nagtagumpay si Carlo Magno at ibinalik ang kapangyarihan kay
Aaron.
Bilang pagtanaw ng utang na loob ay ipinagkaloob ni Aaron ang korona ni
kristo.
Pakaraan ng tatlong taon ay muli silang sinalakay ng mga moro sa
pamumunao ni Fierabras, isang morong kilabot sa digmaan. Pinatay nila ang Papa at
tinangay sa Turkiya ang mga relikya. Iniutos ni Carlo Magno na salakayin noon din
ang Roma sapagkat doon nagtayo ng isang pamahalaan ang mga moro. Nag-alala
ang mga Pares na baka hindi nila abutan si Fierabras kaya nagpadala na lamang si
Carlo Magno ng isang embahador at ang napili ay si Gui ng Borgonya.
Kinausap ni Gui ang Pangulo ng Roma ngunit ipinagpaliban nila ang
unawaan sapagkat wala si Fierabras, ang heneral ng mga moro. Si Gui ay paalis na
nang masalubong si Floripes at sa pagtatama ng kanilang paningin ay sumibol ang
isang pag-ibig.
Nang bumalik si Gui sa Francia ay nagalit si Carlo Magno at siya’y pinabalik
na may kasamang tatlumpong libong kawal. Si Gui ay nagpasabi na kung hindi
lilisanin ng mga moro ang Roma at isauli ang kanilang mga ninakaw ay dirigmain sila
ng mga Taga-Francia. Tumanggi ang mga moro kaya’t sila ay sumalakay na. Nang
makita ni Gui na ang namumuno sa pangkat na kaaway ay si Floripes ay hindi
ipinagpatuloy ang pagsalakay. Nagalit si Carlo Magno sa nangyari at inutusan si
Roldan na mamuno sa mga Pares na lulusob sa Roma. Inutusan naman ni Balan
ang kapatid na si Corsubel na paumaroon sa Roma at magdala ng limampung libong
sundalo. Dinatnan ni Corsubel doon ang siyam na Pares at ang unang lumaban sa
kanya ay si Ricarte. Napatay ni Ricarte si Corsubel. Nagalit ang mga moro at
nagsilusob ngunit wala silang nagawa sa mga Pares. Napatay ang mga moro ngunit
si Oliveros, isa sa mga Pares, ay nagtamong maraming mga sugat. Ang pangulo
ngRoma ay humingi ng saklolo kay Balan at ito ay nagpadala ng sanlibong kawal
upng lumaban sa siyam na Pares. Papasok na sana sila sa roma upng patayin ang
Pangulo ngunit tumanggi si Roldan sapagkat ang mga Pares ay hapung-hapo na.
Nagsibalik ang mga Pares sa Francia at ibinalita kay Carlo Magno ang
pangyayari. Nagalit si Carlo magno sa kanilng pagbabalik at sinabing ang
matatndang Pares ay hindi umalis sa labanan hangga’t hindi nagtatagumpay. Tiniis
na lamang ng mga Pares ang kanilang narinig. Isinumpa ni Carlo Magno na hindi
siya titigil hangga’t hindi nalilipol ang mga moro. Ang Doce Pares na
pinangungunahan ng kanyng pamngking si Roldan ay binubuo nina Oliveros, na
Konde sa Gones; Ricarte, ang Duke ng Normandia; Guarin, na tubo sa Lorena; Gute,
na taga-Bordolois; Noel, Lamberto, Basin, Gui ng Borgonya, Guadabois, at iba pa.
Nalaman naman ni Fierabras na ang kanyang amaing si Corsubel ay
napatay ng mga Pares at isinumpa niyang ito’y ipaghihiganti. Si Fierabras ay
pangalawang anak ni Balan at makapangyarihan sa Turkiya. Nang malaman ni
Fierabras na si Carlo Magno at ang kanyang mga Pares ay nakipaglaban sa kanya.
Inatasan ng Emperador si Roldan na humarap kay Fierabras ngunit tumutol ito at
sinabing bakit hindi ang isa sa Matatandang Pares ang paharapin sa moro? Gayon
na lamang ang poot ng Emperador sa pangungutya ni Roldan kaya’t dumampot ng
isang bagay at inihagis kay Roldan.
Pinaghanda niya ang kaniyang hukbo at lumusob sila sa Turkiya. Nagwagi
sina Carlo Magno at nabihag nila si Balan. Tumangging pabinyag si Balan sa kabila
ng pagsusumamo ng anak na si Fierabras kaya’t pinaputulan ito ng ulo. Nagpabinyag
si Floripes at ikinasal siya kay Gui. Sila ay kinoronahan bilang kahalili ni Balan.
Isinauling lahat ni Floripes ang mga relikyung sinamsam ng mga moro. Pagkaraan ng
dalawang buwan ay nagpaalam na si Carlo Magno at nagsiuwi na sa Francia.
Isang araw ay nakakita si Carlo Magno ng maraming tala sa kalangitan.
Hiniling niya sa Diyos na ipaalam sa kaniya ang kahulugan ng gayong kababalaghan.
Isang kaluluwa ang kaniyang nakita samantalang nananalangin at iyon si Santiago,
ang apostol ni Kristo. Inutusan si Carlo Magno ng kalulwa na pumunta sa Galicia
upang kunin sa mga moro ang kanyang katawan at sumunod naman si Carlo Magno
at sila’y lumakad. Una nilang narating ang Pamplona at sila’y nagwagi roon.
Maraming moro ang nagpabinyag. Sa Galicia ay nagtagumpay rin sila. Dumaan sila
sa Valende at nagwagi rin doon ngunit wala kahit isang nagpabinyag. Sa matinding
galit ni Carlo Magno ay isinumpa ang pook na iyon at kapagdaka’y bumuka ang lupa
at bumukal ang tubig. Maiitim na isda ang nagsilabas at nangaglanguyan.
Nabalitaan niyang ang Haring Aigolante ng Africa ay maraming pinatay na
Kristiyano. Nagpahanda siya ng isang armada upang hanapin si Aigolante ngunit
hindi nila natagpuan. Isang sugo ni Haring Aigolante ang lumalabas sa kampo at
sinabing sila’y maglabanan. Nagwagi si Carlo Magno, napatay si Aigolante, at sila’y
umuwi na sa Francia.
Mahabang panahon ang nagdaan bago napalaban si Carlo Magno kay
Haring Marsirios na taga-Ronsevalles. Nagpadala ng sugo si Carlo Magno kay
Haring Marsirios at ipinasabi niyang ang nasasakupan ni Haring Marsirios ay
kailangang pabinyag at magsipagbayad ng buwis sapagkat ang bayang iyon ay
sakop ng Emperador Carlo Magno. Lingid sa kaalaman ng emperador, si Galalon ay
isa palang taksil. Dinaya niya ang kanyang mga kasamahan. Nang siya ay bumalik
sa sa Francia, marami siyang dalang mga bagay katulad ng mga ginto, pilak, alahas,
alak, at lahat ng buwis na hinihingi ng emperador. Ayon sa kaniya’y sumang-ayon na
raw na paskop at pabinyag ang Hring Marsirios kaya’t inatasan agad ng emperador
ang mga Pares sa dami ng mga kalaban, kaya’t labing-isa sa kanila ay napatay nang
matgal-tagal na ang labanan. Ang isa’y sugatn ngunit hindi rin inabutang buhay ng
emperador. Halos himatayin si Carlo Magno sa kasawiang inabot ng kanyang tapat
na Pares. Ipinalibing niya ang mga mahal niyang mga Pares. Ang taksil na si Galalon
ay ipinadakip, ipinagapos ang mga kamay at paa nito sa apat na kabayo na
pinatakbo hanggang magkahiwa-hiwalay ang buong katawan ng lilo.
Sa matinding pangunguilila ng emperador ay inihandog niya sa simbahan
ang kanyang buong kayamanan. Kusa siyang pumasok sa Aquisgron at ipinagawa
ang simbahan at monasteryo. Hindi nagluwat at namatay ang emperador Carlo
Magno. Binawian siya ng buhay noong ika-16 ng Pebrero ng taong sanlibo’t
labindalawang taon ni Kristo. Ito ang wakas ng buhay ni Carlo Magno at ng kilabot ng
Doce Pares.
Ang “Doce Pares sa Kaharian ng Francia” ay isang awit. Narito ang ilang
mga saknong na kinuha sa naturang awit.
Sa lubhang ligaya lahit gaganapin,
pusong di mabaklang sa pagod tumitik,
sa galak salitin ang siyang umikit,
sa historiyang liham ng balitang Pares.
Magaling sa isang mag-aliw ang nasa,
at sa makinig namang matiyaga,
puno’t hanggang dulo ay kung maunawa,
laging pakingga’t nanaising kusa.
Pupulhin sa ibang trahedyang nangyari,
dahas kabantugan di huli kay Marte
kaya O nasasa kung may maling sabi’y,
punan na husto mong bait sa sarili.
Sapagkat alinmang marunong sa pantas,
sumibol sa lupang alabok na hamak,
ay mahihidwa rin di lalo ang pahat,
laban sa Diyos ang di malilinsad.
Sa iyong pagbasa’y iyong liwanagan,
Iisa ang pagkutya’y dili dasal mahal,
nang ang nakikinig mapanatag naman,
sa matatamis mong sa bibig bumukal.
Ang palaging lakad ay biglang nalagot,
sa tuko’y ng nasa siyang ilalagos,
upang hanggang wakas nang ating masayod,
sasapitin ngayon bayaning guerreros.
Bayaning Herusalem ng unang panahon,
ang gumugubyerno’y patriyarka Aaron,
nang salakayin at bigyang linggatong,
taga-Zaragosang mga morong buhong.
Nang mabalitaan nitong patriyarka,
na ang Herusalem daratnang pangamba,
nagpapadala agad ng sulat sa Francia,
sa kay Carlo Magno bayani sa giyera.
Matatag ang liham nitong emperador,
biglang iginayak ang kaniiiyang kampon,
at ang tanang Pares tinungo ang layon,
naligaw sa lakad ng daang patuloy.
Naging tatlong buwan ang tropa sa landas,
sa kay Carlo Magno nang ito’y matatap,
na sa tutunguhi’y sila’y nalilinsad,
pagdaka’y nagwikang manalanging lahat.
Sa puspos at taos na panalangin,
sa Diyos at inang Birheng mahabagin,
dininig ng langit ang kanilang daing,
sari-saring ibon ang nagbigay aliw.
Huning kinakanta nilang pakinggan,
tropa’y magtuloy na’t sila’y siyang sundan,
sa marinig ito niyang kalahatan,
lumakad na sila’t pawang nagdiwang.
Halimbawa ng Kurido: BUHAY NA PINAGDAANAN NI DONYA MARIANG ASAWA
NG
AHAS
BUOD:
Ang kaharian ng Murcia ay malungkot sapagkat ang hari ay may sakit.
Ipinatawag na lahat ng pinakamagagaling na mediko subalit hindi pa rin gumagaling
ang hari. Nakarinig ang hari ng tinig mula sa langit na nagsasabing ang tanging
makakapagpagaling sa kanya ay isang ahas na nasa aplaya at siya’y napadaing sa
hirap. Gagamutin siya ng ahas kung isa sa tatlong anak niyang prinsesa ay
pakakasal dito. Sina Prinsesa Clara, Prinsesa Catharina, at Prinsesa Maria ay
kinausap ng hari. Ang panganay na si Prinsesa Clara ay tumangging pakasal sa
ahas at sinabing mamatamisin pa niyang mamatay kaysa pakasal sa ahas. Ang
pangalawang anank na si Prinsesa Catharina ay katulad din ng panganay na
tumanggi sapagkat di raw niya maaatim na makasal sa isang ahas. Ang busong si
Prinsesa Maria ang huling tinanong ng hari at lumuluhang sumang-ayon ang
prinsesa alang-alang sa kaligtasan ng ama. Ipinatawag ng hari noon din ang ahas at
ang Arsobispo.
Ikinasal si Prinsesa Maria at ang ahas. Ginamot ng ahas ang hari at agad
namang gumaling. Dinala na ng ahas si Donya Maria sa tahanan nito sa isang pulo
sa gitna ng karagatan. Laging lumuluha si Donya Maria. Araw-gabi’y nananalangin
siya kaya’t labis na nag-alala ang ahas. Nangamba siyang mamatay sa
pagdadalamhati ang asawa kaya siya ay nagalis na ng balatkayo at nagpakilala kay
Donya Maria. Siya pala’y si Don Juan Rey del Mundo de Austria ng kahariang
Espanya. Ipinagbilin ng ahas kay Donya Maria na huwag ipagtatapat kahit kanino
ang kanyang lihim sapagkat kapag ito’y nangyari ay daranas ng mga kahirapan ang
mga babae. Nangako naman si Donya Maria na itatago niya ang lihim ng ahas.
Hiniling ni Donya Maria sa asawa na sila’y dumalaw sa kanyang mga
magulang at kapatid. Pumayag naman ang ahas. Binigyan pa siya ng singsing na
maaaring hilingin ang anumang naisin. Humiling siya ng magandang kasuotan, mga
alahas, korona, karwaheng hila ng labindalwang kabayong pawang puti, at sampung
alipin. Nagtuloy sa simbahan si Prinsesa Maria nang siya’y dumating sa kanilang
kaharian sapagkat alam niyang naroon ang hari. Hindi siya nakilala ng ama. Gayon
na lamang ang tuwa ng kanyang ina’t mga kapatid nang magtungo siya sa palasyo.
Ang dalawang kapatid niya’y inggit na inggit sa kanya. Nagkasundo ang dalawa na
yayain sa hardin si Maria at paaminin kung sino ang kanyang asawa.
Gayon nga ang ginawa ng dalawa. Pilit na pinaaamin si Maria kung sino ang
asawa at nang ayaw nitong magtapat ay ginapos nila ang mga kamay nito. Bumali
sila ng mga sanga ng mga halamang matinik at painaghahampas ang kahabag-
habag. Nang hindi na matiis ni Maria ang mga pahirap ng mga kapatid ay ipinagtapat
niyang si Don Juan ng Espanya ang kanyang asawa. Noon lamang siya tinigilan ng
dalawa. Nang pumanhik ang tatlo sa palasyo ay hindi ipinagtapat ni Maria sa mga
magulang ang ginawa ng mga kapatid. Nagpaalam siya sa mga magulang at tinungo
ang aplaya.
Wala roon ang dalawa kaya’t napalugmok sa pagdaramdam ang prinsesa.
Nang makalamay na niya ang kalooban ay bumalik na siya sa palasyo. Napansin ng
hari ang paghihinagpis ng anak ngunit palibhasa’y may angking kabaitan ay hindi rin
nito ipinagtapat sa ama ang ginawa ng dalawang kapatid. Hiniling lamang niya sa
amang hari na ipagpagawa siya ng pitong balutang bakal na isusuot sa katawan
sapagkat siya’y aalis upang hanapin ang asawa. Lumakad na ang prinsesa at
hinanap ang asawa na walang baon kundi pitong tinapay.
Si Don Juan naman ay umalis sa kanyang tirahang pulo sa gitna ng dagat.
Nakarating siya sa kaharian ng Antioquia. Napag-alaman niyang kamamatay lamang
ng emperador at ang kaharian ay naiwan sa isang magandang dalagang
nagngangalang Valeriana na siyang magiging emperadora. Nagkakilala sina Don
Juan at Emperador Valeriana. Naakit ng kakisigan ng prinsipe ang emperadora at
sila’y nagkaibigan. Hindi nagtagal at sila’y ikinasal sa pagbubunyi ng buong kaharian.
Samntala naman ay maraming hirap ang tiniis ni Donya Maria sa
paghahanap sa asawa. Kapag siya ay nakakasalubong ng mababangis na hayop
tulad ng leon at tigre ay binabanggit niya ang pangalan ng asawang si Don Juan at
lahat ay nangangayupapa sa kanya. Pitong bundok na ang kanyang nalakbay nang
makakita siya ng isang higanteng babae. Ipinagtapat niya na siya ay asawa ni Don
Juan at hinahanap niya ito. Naawa ang higanteng dalaga at itinago siya sa amang
higanteng mahilig kumain ng tao. Hiiniling sa ama na tulungan at huwag patayin ang
prinsesa. Naniwala naman ang higante sa pahayag ni Donya Maria sapagkat suot
nito ang engkantadang singsing ni Don Juan. Si Don Juan pala’y pamangkin ng
higante at sinabing ang hinahanap ay nasa kaharian ng Antioquia.
Tinulungan ng mag-amang higante na makarating sa Antioquia sa Prinsesa
Maria. Nagbalatkayo siyang pulubi at sumama sa palasyo upang manghingi ng limos.
Napansin ni Donya Valeriana si Maria at nagandahan dito kaya inalok na manirahan
sa palasyo. Gayon na lamang ang paghihirap ng kalooban ni Maria tuwing nakikitang
magkaniig sina Don Juan at Donya Valeriana.
Isang araw naisipan ni Donya Maria na humiling sa singsing ni Don Juan ng
laruang inahing may labindalawang sisiw na ang balahibo ay ginto. Pinagkaguluhan
ito sa palasyo at nang malaman ni Donya Valeriana ang tungkol dito ay sinabing
bibilhin niya kahit magkano. Tumanggi si Maria at sinabing ibibigay na lamang niya
ang mga ito kung patutulugin siya sa silid ng emperadora. Sinabi ni Donya Valeriana
na maaari siyang magtungo roon kahit anong oras.
Nang unang makita ng emperador si Maria ay naisip niyang kamukha ito ng
asawang iniwan. Isang gabi ay hindi na nakatiis si Donya Maria kaya humiling siya sa
sinsing ng damit ng isang prinsesa at nagpakilala kay Don Juan. Humingi siya ng
tawad sa pagbubunyag ng lihim ni Don Juan. Hindi kumibo si Don Juan kaya’t sa
sama ng loob ni Maria ay tinangkang saksakin ang sarili ng isang punyal ngunit
pinigil siya ni Don Juan at sinabing kasalanan niya ang lahat sapagkat hindi siya
sumunod sa tagubilin. Nang magising si Donya Valeriana ay hinanap niya si Maria at
nang hindi natagpuan ay nagtungo sa silid ni Don Juan. Nagitla siya nang makitang
magkasiping ang dalawa. Sinampal at inalimura ni Donya Valeriana si Maria ngunit
pinigil siya ni Don Juan at sinabing anak din ito ng hari. Inalipusta ni Valeriana si
Maria sa pagsiping nito sa asawa ngunit sinabi ni Maria na asawa rin niya si Don
Juan at sinabi pang tanungin si Don Juan kung ito’y katotohanan o hindi. Hindi
malaman ni Don Juan kung sino ang papanigan sa dalawa.
Ipinatawag ang Arsobispo at ang mga konseho upang magbigay ng hatol.
Ang hatol ng arsobispo ay dapat sumama si Don Juan kay Donya Maria sapagkat
siya ang unang pinakasalan nito. Si Donya Valeriana ay patuloy na naging
emperadora ng Antioquia. Umuwi sa kaharian ng Murcia sina Don Juan at Donya
Maria. Si Don Juan ay pinutungang hari ng Murcia sapagkat matanda na ang Amang
Hari ni Donya Maria.
Isang bahagi ng Kuridong
“BUHAY NA PINAGDAANAN NI DONYA MARIA”
May sinabi noong una
doon sa Reyno ng Murcia,
yaong hari at monarka,
na may tatlong anak siya.
Sabihin ang kariktan
huwag sa tala’t buwan
sila’y pinagkakaguluhan
prinsipe sa madlang bayan
Dito’y bayaan ko muna
mga karikta’t ganda
ang aking ipagbabadya
nasapit ang haring ama.
Itong haring nagkasakit
buong baya’y naligalig
tanang mediko’y nananhik
ay wala ring nasasapit.
Malaking pagkagulo
mediko at siruhano
sampung sa iba pang reyno
naparoon at dumalo.
Ano’y sa hinibik-hibik
ng hininging mapapatid,
may narinig siyang boses
na nanggaling sa langit.
May isang ahas ang badya
na naroon sa aplaya,
kung ang gagamot ay siya,
walang liwag gagaling ka.
Boses ay muling nangusap
ito ay ipinahayag,
kung sa hingi ko’y papayag,
gagaling kang waliang liwag.
Alin man sa tatlo baga
mga anak mong dalaga,
sa ahas ay mag-asawa
wailang liwag gagaling ka.
k) Balad – Ito ay may himig na awit dahilang ito ay inaawit habang may nagsasayaw.
Ito ay nilikha noong unang panahon. Sa kasalukuyan ay napapasama na ito sa
tulang kasaysayan na may anim hanggang walong pantig.
2. Tula ng Damdamin o Tuilang Liriko – Ang uring ito ay nagpapahayag ng
damdaming maaaring sarili ng sumulat o ng ibang tao, o kaya’y likha ng maharaya o
mapangaraping guni-guni ng makata na batay sa isang karanasan. Karaniwang
maikli, likas at madaling maunawaan ang mga ito.
MGA URI NG TULANG LIRIKO:
a) Awiting Bayan – ang karaniwang paksa ng uring ito ay pag-ibig, kawalang
pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa, at kalungkutan.
Halimbawa:
“CHIT CHIRIT CHIT”
Chit chiritchit alibangbang
Salaginto salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang.
Santo Nino sa Pandacan,
Puto seco sa tindahan
Kung ayaw kang magpautang
UUubusin ka ng langgam.
Mama, Mama, namamangka
Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng Manika.
Ale, ale namamayong
Pasukubin yaring sanggol
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong.
b) Soneto – ito’y tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at
kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na pagkatao, at sa kabuuan, ito’y
naghahatid ng aral sa mambasa.
Halimbawa:
“SONETO NG BUHAY”
(Fernando B. Monleo
Sa balabang niyog, aking minamalas
ang palabang buwang lumantad-sumilip
sa abot tanaw ko’y sultanang liwanag
na napapaaasan sa aking pag-ibig.....
sa lunday na puting kabigin-itulak
pati paningin ko’y naglalakbay langit
aling puso kaya ang di mangangarap
kung ang kalikasa’y isang panaginip
umigpa sa aking manlulumong diwa
ang mga anino niring panimdim
ang dalitang iwi’y nalimot na kusa
madaling araw na, nang ako’y gumising
pangarap! pangarap! pangarapang buhay!
kaambil: ligaya; katapat; libingan!
k) Elehiya – nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o
kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.
Halimbawa:
“AWIT SA ISANG BANGKAY”
(Bienvenido A. Ramos)
Ngayong hatinggabi’y nais kong awitin
ang ayaw marinig ng aking Diwata;
awit na kaiba may bagong pagtingin
may dugo ng buhay may tamis ng luha
awit na hinabi ng buwang may silim ...
(isinumpang awit ng mga bathala)
Anila, ang awit ang kagandahan
na nakaayubo sa ating paligid
mabituing langit, bagwis ng amihan
maingay na lunsod, at payapang bukid;
(di iyan ang awit na ngayon ay alay...
iya’y dati na’t mga lumang himig)
Ang awit kong ito’y pipi’t walang nota
at dilat sa labi ng mga pulubi
kalan ay nasagpang ng mga buwitre
aninong madapa sa mga bangketa
sa gabing ang buiwa’y ni ayaw ngumisi
Notang sa silabato’y nagbinhi ng takot
at gintong makuyom sa bantay-salakay
sa bawat lansanga’y uwak na magtanod
laganap ang salot sa hulo’t luwasan ....
(Sino ang pipigil, kung ito ay agos,
kung pati ang puno ay yagit na lamang?)
Inihimig pang pangako ring wasak
sa binging pandinig ng mga naburol
agunyas man ito’y makaaagnas
sa pusong nagmoog sa daya at lason....
(May bunyi ang awit ng palayong uwak
pagkat naging uwak ang lahat ng ibon!)
Di para sa iyo ang awit kong ito
(Naririnig mo ba ang paos kong tinig?)
ang inaaawit ko’t para sa supling mo
kung magsusupling ka sa baog mong hasik....
Ngayong hatinggabi ay aawitin ko
ang kamatayan mong di magbagong-binhi
d) Dalit – awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtataglay ng
kaunting pilosopiya sa buhay.
Halimbawa:
O Mariang sakdal dilag
Dalagang lubhang mapalad
Tanging pinili sa lahat
Ng Diyos Haring Mataas
Itong bulaklak na alay
Ng aming pagsintang tuinay
Palitan mo Birheng Mahal
Ng tuwa sa kalangitan
(Koro)
Halina’t tayo’y mag-alay
Ng bulaklak kay Maria
Halina’t magsilapit
Dine sa Birheng marikit
Ng isang kaibig-ibig
Dakilang Reyna sa langit
Ng ampuni’t saklolohan
Tayong mga anak niya
e) Pastoral – ito’y may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.
Halimbawa:
“BAYANI NG BUKID”
(Al Perez)
Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit.
Ang kaibigan ko ay si kalakian
Laging nakahanda maging araw-araw
Sa pag-aararo at sa paglilinang
Upang maihanda ang lupang mayaman.
Ang haring araw di pa sumisikat
Ako’y pupunta na sa napakalawak
Na aking bukiring laging nasa hagap
At tanging pag-asa ng taong masipag.
Sa aking lupain doon nagmumula
Lahat ng pagkain nitong ating bansa
Ang lahat ng tao, mayaman o dukha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa.
Sa aking paggawa ang tangi kong hangad
Ang aki’y dumami ng para sa lahat
Kapag ang balana’y may pagkaing tiyak
Umaasa akong puso’y nagagalak.
At pagmasdan ninyo ang aking bakuran
Inyong makikita ang mga halaman
Dito nagmumula masarap na gulay
Paunang pampalakas sa aking katawan.
Sa aming paligid namamalas pa rin
Ang alagang hayop katulad ng kambing
Baboy, manok, pato’y alay ay pagkain
Nagdudulot lakas sa sariling atin.
Ako’y gumagawa sa bawat panahon
Nasa aking puso ang taos na layon
Na sa bawat tao, ako’y makatulong
At nang maiwasan ang pagkakagutom.
Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init
Hidi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit.
g) Oda – Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang
damdamin; walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang
saknong.
Halimbawa:
“TUMANGIS SI RAQUEL”
Tumangis si Raquel
Wala na ang lusog ng hinubdang dibdib
Wala na ang bango ng labing nilanta.
Ang mga buwitre’y nagpipiging
Sa katawang tinubos
Ng tatlumpong putol na pilak.
3. TULANG DULA O PANTANGHALIAN:
Saklaw ng uring ito ang mga sumusunod
a. Komedya – Isang gawa na ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing
tauhan ay may layong pukawin ang kawilihang manonood. Nagwawakas ito ng
masaya. Ang tunggalian ay karaniwang nagtatapois sa pagkakasundo ng mga
tauhan na siyang nakapagpapasiya ng damdamin ng manonood.
b. Melodrama – Ito ay karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang
musikal, kasama na ang opera. Ngunit ngayon ito ay may kaugnayan sa trahedya
tulad din ng parsa sa komedya. Ang sangkap ng uring ito ng dula ay malungkot
ngunit nagiging kasiya-siya ang katapusan para sa pangunahing tauhan ng dula.
k. Trahedya – Angkop ang uring ito sa dula sa mga tunggaliang nagwawakas
sa pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing tauhan.
d. Parsa – Isang uri ng dula na ang layuinin ay magpasiya sa pamamagitan
ng mga kawing-kawing na mga pangyayaring nakakatawa.
e. Saynete – Ang paksa nga ganitong uri ng dula ay mga karaniwang pag-
uugali ng tao o pook.
4. TULANG PATNIGAN:
Kabilang sa mga uring ito ang mag sumusunod:
a. Karagatan – Ito ay batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na
naihulog niya sa dagat sa hangarin nitong mapangasawa ang kasintahang mahirap.
Hinamon niya ang mga binatang may gusto sa kanya na sisirain ang singsing sa
dagat at ang makakakuha’y pakakasalan niya. Sa larong ito, isang kunwa’y matanda
ang tutula hinggil sa dahilan ng laro; pagkatapos ay paiikutin ang isang lumbo o tabo
na may tandang puti at ang sinumang matapatan ng tandang ito paghinto ay siyang
tatan8ungin ng dalaga ng mga talinghaga.
b. Duplo – Ito ang humalili sa karagatan.Ito’y paligsahan ng husay sa
pagbigkas at pangangatwiran ng patula. Ang mga pangngatwiran ay hango sa
Bibliya, sa mga sawikain, at mga kasabihan. Karaniwang nilalaro upang aliwin ang
mga namatayan.
k. Balagtasan – Ito ang pumalit sa duplo at ito’y sa karangalan ng Siense Ng
Panginay na si Francisco “Balagtas” Baltazar. Ito’y tagisan ng talino sa pagbigkas ng
tula, bilang pangngatwiran sa isang paksang pagtatalunan.
Kahulugang Saklaw ng Panitikang Filipino
Saklaw ng Panitikang Filipino ang mga sumusunod:
1. Ang kasaysayang pinagdaanan ng Panitikang Filipino mula sa panahon
bago dumating ang mga Kastila hanggang sa kasalukuyan.
2. Ang mga akdang sinulat sa wikang banyaga ng mga Pilipino at dayuhang
manunulat subalit ang nilalaman ay tungkol sa mga saloobin, damdamin, at
kalinangang Pilipino.
3. Mga akdang sinulat ng ating mga dakilang manunulat na Pilipino bagamat
ang mga paksain ay sa dayuhan.
4. Higit sa lahat, saklaw ng Panitikang Filipino ang mga akdang sinulat ng
mga manunulat na Pilipino at ang mga paksa’y nahihinggil sa lahi’t kalinangang
Pilipino.
MGA TULONG SA PAG-AARAL
I. Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang panitikan? Magbigay ng kahulugan ng panitikan ayon sa paborito
mong manunulat at ipaliwanag ang kaniyang pakahulugan.
2. Ano ang kasaysayan? Paano ito nauugnay sa panitikan?
3. Anu-ano ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng panitikan? Ipaliwanag ang
bawat isa.
4. Bakit dapat mag-aral ng panitikan?
5. Anu-ano ang mga mahahalagang bagay na nakapangyayari sa panitikan?
Ipaliwanag kung paano nakapagdudulot ng impluwensiya sa tao ang
bawat isa?
6. Anu-ano ang labindalawang akdang pampanitikan na nagdala ng malaking
impluwensiya sa buong daigdig? Saan saan nagmula ang bawat isa?
7. Turan at ipaliwanag ang dalawang pangkalahatang uri ng panitikan.
8. Anu-anong mga akdang pampanitikan ang nabibilang sa tuluyan? Ipaliwanag
ang bawat isa at magbigay ng halimbawa.
9. Ilang pangkalahatang uri ng tula mayroon? Turan at ipaliwanag ang bawat isa.
10. Ano ang epiko? Magbigay ng halimbawa.
11. Ano ang pagkakaiba ng awit sa kurido? Magbigay ng halimbawa.
12. Turan ang mga uri ng tulang liriko. Ipaliwanag ang bawat isa at magbigay ng
halimbawa.
13. Anu-ano ang mga uri ng dula? Ipaliwanag ang bawat isa.
14. Ano ang karagatan? Paano ang paglalaro nito?
15. Ibigay ang pagkakaiba ng pagtatanghal ng duplo sa balagtasan.
16. Anu-ano ang kahulugang saklaw ng Panitikang Filipino?
17. Anu-anong mga kagandahang-asal ang napapaloob sa mga awit at kurido?
18. Anong kabutihan ang ating mapupulot sa mga awiting bayan?
19. Paano makatuitulong ang dalit at duplo sa pananampalataya ng isang tao?
20. Ano ang kaugnayan ng wika sa pananampalataya ng isang nilalang?
II. Pagtapat-tapatin. Hanapin ang sagot sa Hanay A sa Hanay B. Isulat lamang ang
titik.
Hanay A Hanay B
_____ 1. Tulang may labing-apat na taludtod A. Panitikan
_____ 2. Binubuo ng sukat na lala-bindalawahing B. Awit
pantig at inaawit nang mabagal sa saliw
ng gitara K. Bibliya
_____ 3. Binubuo ng wawaluhing pantig na sukat D. Epiko
at binibigkas sa kumpas ng martsa
E. Soneto
_____ 4. Tulang nagpapahayag ng damdamin
tungkol sa kamatayan G. Talambuhay
_____ 5. Mga awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal H. Kasaysayan
na Birhen
I. Dalit
_____ 6. Tulang nagsasalaysay ng Kabayanihan
L. Kurido
_____ 7. Tala ng kasaysayan ng buhay ng tao
M. Elehiya
_____ 8. Anumang bagay na naisatitik at may
kaugnayan sa buhay at damdamin ng tao N. Komedya
_____ 9. Mga bagay na naisatitik at tunay na nangyari O. Liriko
_____ 10. Pinagmulan ng Kakristiyanuhan
_____ 11. Tulang nagpapahayag ng damdamin ng
makata.
_____ 12. Dulang nagwawakas sa kasiya-siyang
pangyayari at pagkakasundu-sundo ng mga
tauhan.
III. Turan ang mga sumusunod:
_______ 1. Aklat na kinatutuhan ng mga mitolohiya at paalamatan ng Gresya.
_______ 2. Pinakabibliya ng mga Muslim.
_______ 3. Salaysaying nahahati sa mga kabanata at sumsakop sa mahabang
kawing
ng panahon.
_______ 4. Tulang may layuning maglarawn ng tunay na buhay sa bukid.
_______ 5. Paraan ng pagpapahayag na naglalayong humikayat sa mga bumabasa
o
nakikinig na pumanig sa opinyon ng sumulat o nagsasalita.
_______ 6. Aklat na naging batayan ng mga Intsik sa kanilang pananampalataya.
_______7. Paraan ng pagpapahayag na nagbibigay katuturan sa isang ideya o
konsepto.
_______ 8. Aklat na naglalaman ng mga kulto ni Osiris at mitolohiya ng Ehipto.
_______ 9. Aklat na kinapapalooban ng “Doce Pares” at “Ronces Valles” ng Pransya.
_______ 10. Aklat na nagpapahayag ng pag-uugali at pananampalataya ng mga
Italyano.
_______ 11. Ipinalalagay na pinakamahalagang epiko sa buong daigdig.
_______ 12. Aklat na nagsasaad ng ugaling pampamahalaaan, pangkabuhayan, at
panlipunan ng mga Arabo at Persyano.
_______ 13. Tulang nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy o iba pang masiglang
damdamin. Wlang tiyak na bilang ang pantig o taludtod nito.
_______ 14. Dulang paksa’y tungkol sa pag-uugali ng tao o pook.
_______ 15. Dula na nagtatapos sa pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing
tauhan.
_______ 16. Tulang patnigan na ipinalalagay na kahalili ng karagatan.
_______ 17. Tulang patnigan na ang pinakapaksa ay tungkol sa singsing ng dlaga ng
nahulog sa dgat, na kung sino man ang makapagsasauli sa kaniya nito ay siya
niyang pakakasalan.
_______ 18. Tulang damdamin na ang karaniwang paksa’y pag-ibig, kawalang pag-
asa
o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa o kalungkutan.
_______ 19. Aklat na nagpapahayag ng katangiang panlahi ng mga Kastila at ng
kanilang kasaysayang pambansa.
_______ 20. Aklat mula sa Estados Unidos at naging batayan ng demokrasya.
KABANATA 2
Panahon Bago Dumating ang mga Kastila
KAPALIGIRANG KSAYSAYAN
Noon pa mang hindi pa dumarating sa ating kapuluan ang mga Kastila, at
maging ang iba pang mga dayuihan, ang ating mga ninuno ay may sarili nang
panitikang nagtataglay ng kasaysayan ng ating lahi.
Panitikan ang nagpapahiwatig ng tunay na pagkalahi natin. Nagsisilbi itong
wika ng Pilipino na nagbubunyag ng panlipunan at panlahing kaugalian ng ating
pang-araw-araw na buhay, na nababakas sa mga kuwentong bayan, alamat, epiko,
kantahing bayan, kasabihan, bugtong, palaisipan, sinaunang dula, at maikling
kuwento.
Mayroon na rin ang ating ninuno noon ng sariling baybayin o alpabetong
kaiba sa kasalukuyang ginagamit na dinadala ng mga Kastila. Ito ay ang alibata –
ang abakadang kahawig ng Malayo-Polinesyo, na unang ginamit ng ating ninuno.
Anumang talang pampanitikan ng ating mga ninuno ay sinunog lahat ng mga
naturang pari sa paniniwalang ang mga iyon ay likha ng diyablo. Maliban sa
katuwirang ‘yun, nabuo sa kanilang sarili na magiging sagabal ang mga talang
nakuha nila sa madaling pagpapalaganap ng pananampalatayang Katoliko.
Subalit mayroong mga talang di pa rin nasunog. Kabilang sa mga ito ay mga
kantahing bayan na siya na mang magpapatunay ng pagkakaroon natin ng sariling
kalinangan. Mabilis itong nagpaslin-salin sa bibig ng mga katutubong mamamayan
hanggang sa dumating ang mga palimbagan na nagkaroon ng interes na iplimbag
ang mga napulot na talang pampanitikan ng matatandang Pilipino.
Ang mga ninuno natin ay gumamit ng biyas ng kawayan, talukap ng bunga o
niyog, at dahon at balat ng mga punongkahoy bilang sulatan. Ang mga panulat ay
matutulis na kawayan o kahoy, dulo ng lanseta, at matutulis na bato at bakal. Kahit
na ang bumbong na pansalok ng inuman ay tinatalaan nila ng mahahalagang
pangyayari sa buhay.
Pinatutunayan ng mga Kastilang nanakop sa Pilipinas na ang ating mga
ninuno ay talagang mahihilig sa mga tula, awit, kuwento, bugtong, at palaisipan na
mapaghanggang ngayon ay nagdudulot pa sa atin ng kasiyahan at nagiging
tagapagbadya sa salinlahi ng tunay na kalinangan at kultura ng ating lahi.
MGA BAHAGI NG PANITIKANG FILIPINO
BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA
Bago pa dumating ang mga kastila, ipinalalagay na ang ating mga ninuno ay
mayaman na sa mga alamat, kuwentong bayan, epiko, awiting bayan, mga
karunungang bayan ng bugtong, sawikain, salawikain, palaisipan, at bulong.
Mayroon na rin silang tula at dula noong panahong ‘yon.
ANG ALAMAT
Ang alamat ay isang uri ng panitikang tuluyan, na ang karaniwang paksa ay
nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, pook, kalagayan, o katawagan.
Mababakas na ang mga pangyayari ay likhang-isip lamang, salat sa katotohanan at
tunay na di-kapanipaniwala. Subalit ang mga matatandang kaugaliang Filipino ay
masasalamin din sa mga akdang ito. Ang layuinin nito’y manlilibang. Narito ang isang
halimbawa:
Ang mga kuwentong bayan ay binubuo ng mga kuwento tungkol sa buhay,
pakikipagsapalaran, pag-iibigan, katatakutan, at katatawanan na kapupulutan ng
magagandang aral sa buhay. Ang dulot nito sa atin ay totoong kapakipakinabang,
sapagkat nakatuitulong ito upang mapahalagahan ang ating kapaligiran, masuri ang
ating katauhan at pagbabago ng ating pananaw sa buhay.
Narito ang halimbawa:
“SI BULAN AT SI ADLAW”
(Kuwentong bayan ng mga Tinggiyan)
Noong unang panahon daw ay may mag-asawang nagngangalang Builan at
Adlaw. Sa tamis ng kanilang pagsasama ay nagkaanak sila ng marami. Nagpatuloy
ng pag-aanak si Bulan hanggang sa mapuna ni Adlaw na maraming-marami na pala
ang mga anak nila at nagsisikap na sila sa kanilang buhay.
Naisip ni Adlaw na kausapin si Bulan na pagpapatayin na lamang nila ang
iba nilang mga anak upang muling lumuwag sa kanilang tinitirhan. Tumutol si Bulan
sa mungkahi ni Adlaw at ito ang naging dahilan ng kanilang madalas na pag-aaway.
Halos araw-araw ay nag-aaway sila. Nang hindi na makatiis si Bulan, ay nagpasiya
siyang makipaghiwalay na lamang kay Adlaw. Lalong nagalit si Adlaw. Pumayag din
siyang makipaghiwalay kay Bulan sa kundisyong isasama lahat ni Bulan ang
kanilang mga anak at huwag ng pakikitang muli sa kanya.
Kaya ngayon, makikitag si Adlaw o ang araw ay nag-iisang sumisikat sa
araw, at si Bulan o ang Buwan ay sa gabi na lamang lumilitaw kasama ng kanyiyang
mga anak na mga bituin. At kapag nagkakatagpo sila, sumisidhi raw ang galit ni
Adlaw kay Bulan. Tinutugis niya ito na siya raw dahilan ng pagkakaroon natin
paminsan-minsan ng laho o eklipse.
PANAHON NG EPIKO
Napakaraming epiko ang nagsilitaw sa panahong ito, subalit walang
sinumang makapagsabi kung alin sa mga epiko ang pinakamatanda subalit maging
sa Ingles at Kastila at sa iba pang wika, ang pagkakasalin nito ay hindi pa naluluma.
Maging ang panahon ng pagkakasulat nito ay maaaring hula-hula lamang nang ayon
sa nasasalig na panahon ng pangyayaring isinalaysay ng epiko.
Sinasabing ang “Hudhud” at “Alim” daw ng mga Ipugaw ay maaaring sa panhon pa
nang ang bakal ay hindi nakikilala ng tao at ang kanilang mga kagamitan ay yari pa
sa bato. Ang “Ibalon” ng Bikol na natutungkol sa unang tao sa kabikulan ay
ipinalalagay na nangyari bago pa mag-“Dilubyo”. At ang “Maragtas” ng mga Bisaya
ay malinaw na naglalahad na panahon na ni Kristo nang mangyari ito.
Bukod sa mga nabanggit na epiko, marami pang kahawig ng mga ito na maaaring
mabasa at mapag-aralan tulad ng:
a. Bidasari – epiko ng Moro
b. Biag ni Lam-Ang – epiko ng Iloko
k. Maragtas – epiko ng Bisaya
d. Haraya –epiko ng Bisaya
e. Lagda – epiko ng Bisaya
g. Hari sa Bukid – epiko ng Bisaya
h. Kumintang – epiko ng Tagalog
i. Parang Sabir – epiko ng Moro
l. “Dagoy” at “Sudsud” – epiko ng mga Tagbanua
m. Tatuang – epiko ng mga Bagobo
n. Indarapatra at Sulayman
epiko ng
Moro na
o. Bantugan
bumubuo
sa
“Darangan”
p. Daramoke-A-Babay
Tunghayain natin ang ilan sa kabuuan ng mga epiko.
Biag ni Lam-Ang
(Epiko ng mga Iloko)
Ang epikong ito ay isinulat ni Pedro Bukaneg. Ang may-akdang ito ay
sinasabing itinapon ng mga magulang sa ilog ng Abra noong siya’y sanggol pa
dahilan sa siya ay bulag ng inianak. Subalit isang babae ang nakapulot sa kaniya at
siya’y ibinigay sa isang paring Agustino. Pinangalanan siyang Pedro Bukaneg,
pinakalaki, at pinag-aral hanggang sa siya’y maging dalubhasa sa kastila at sa
Samtoy (wikang Iloko). Sa kasalukuyan, kinikilala siyang “Ama ng Panitikang Iloko”.
Sa kanya rin hango ang salitang “Bukanegan” na nangangahulugan sa Tagalog ng
“Balagtasan”.
Ang Banghay ng Kasaysayang Biag
ni Lam-Angi
Sa Nalbuan (sakop ngayon ng La Union) ay may nakatirang mag-asawa na
nagngangalang Don Juan at Namongan. Nang malapit nang manganak si
Namongan, si Don Juan ay napasa-bundok upang parusahan ang isang pangkat ng
mga Igorot. Hindi pa siya nakababalik nang magsilang ng sanggol na lalaki si
Namongan. Ang sanggol ay nagsalita agad at hininging “Lam-Ang” ang ipangalan sa
kanya. Siya na rin ang pumili ng kaniyang magiging ninong. At dahil sa ang ina
lamang niya ang kaniyang nakikitang nag-aalaga sa kaniya ay naitanong niya kung
sino at nasaan ang kaniyang ama.
Nang siyam na buwan na si Lam-Ang at ang ama ay di pa nagbabalik, ang
bata’y sumunod sa kabundukan. Sa daan ay napanaginip niyang ipinagdiriwang ng
mga Igorot ang pagkamatay ng kanyang ama. Galit siyang nagising at mabilis na
nilakbay ang tirahan ng mga Igorot na inabot pa niyang nangagsasayawang paligid-
ligid sa pugot na ulo ng kanyang ama. Pinatay ni Lam-Ang ang mga Igorot, maliban
sa isang pinahirapan muna bago pinawalan.
Nang magbalik sa Nalbuan, si Lam-Ang ay pinaliguan ng ilang babaing kaibigan sa
Ilog ng Amburaya. Sa kapal ng libag at sama ng amoy na nahugasan sa katawan,
ang lahat ng mga isda sa ilog ay nangamatay.
May naibigan si Lam-Ang na isang babaing nagngangalang Ines Kanoyan, sa bayan
ng Kalunatian, karatig-bayan ng Nalbuan. Dumayo siya sa bayan nito upang
manligaw, na kasama ang isang puting tandang at isang aso. Nakasalubong niya sa
daan si Sumarang na manliligaw rin kay Ines. Nag-away sila at madaling napatay si
Sumarang. Sa harapan ng bahay nina Ines ay nakatagpo ni Lam-Ang iba pang
lumiligaw rito. Pinatilaok ni Lam-Ang ang tandang at pagdaka’y isang bahay sa tabi
ang bumagsak. Dumungaw si Ines. Pinatahol ni Lam-Ang ang aso, at sa isang iglap,
ang bahay na natumba ay tumindig uli. Nanaog si Ines na kasama ang mga
magulang. Ipinahayag ng tandang ang pag-big ni Lam-Ang. Ang mga magulang ni
Ines ay sumagot na payag sila kung mapapantayan ni Lam-Ang ang kanilang
kayamanan.
Umuwi si Lam-ang. Nang magbalik siya sa Kalanutian (bayan ni Ines) ay sakay siya
sa kaskong puno ng gintong ang halaga ay higit sa kayamanan nina Ines. Kaya’t
sila’y ikinasal at nagkaroon ng malaking pagdiriwang.
Ilang panahon ang lumipas, pinagsabihan ng apo ng bayan si Lam-ang na turno nito
ang manghuli ng rarang (isda). Tungkulin ito ng lahat.
Ipinagtapat ni Lam-ang kay Ines na may kutob siyang siya’y makakagat at
mapapatay ng berkakan (isdang kauri ng pating) kapag nanghuli ng rarang. At
nagkatotoo nga. Namatay si Lam-ang.
Sa laki ng lungkot ni Ines ay tinawag ng tandang ang isang maninisid at ipinatapon
ang mga buto ni Lam-ang. Nang mapagbuu-buo ang kalansay sa pangangalaga ng
tandang at sa tahol ng aso, si Lam-ang ay muling nabuhay.
Ganap na naging maligaya ang mag-asawang Lam-ang at Ines at namuhay nang
payapa.
Alim
(Epiko ng mga Ipugaw)
Noong unang panahon, ang mga tao ay may masagana, maligaya, at tahimik
na pamumuhay. Ang daigdig ay pawang kapatagan ang mamamalas maliban sa
dalawang bundok, ang bundok Amuyaw sa silangan at bundok Kalawitan sa
Kanluran. Doon sila naninirahan sa pagitan ng dalawang bundok na ito. Walang mga
suliranin ang mga tao tungkol sa kabuhayan. Ang mga pagkain ay nasa paligid
lamang nila. Mga biyas ng kawayan ang kanilang pinagsasaingan. Malaki rin ang
butil ng kanilang bigas.
Ang kanilang inumin ay nanggagaling sa katas ng tubo na kung tawagin ay bayak.
Kung nais nila ng ulam na isda ay sumasalok lamang sila sa sapa at ilog. Maamo
ang usa at baboy-ramo, kaya madaling hulihin kung nais nilang kumain nito. Anupa’t
kahit na ano ang maisipan nilang pagkain ay mayroon at sagana.
Subalit dumating sa kanilang buhay ang isang napakalungkot na pangyayari.
Nagkaroon ng tagtuyot. Hindi man lamang pumatak ang ulan. Namatay ang lahat ng
mga halaman at mga hayop. Nangamatay rin ang ilang tao sa uhaw at gutom. Naisip
ng iba na hukayin ang tubig. Dahil sa lakas ng pagbalong ng tubig ay may mga
namatay. Nagdiwng din ang mga tao kahit may nangamatay, sapagkat sila’y may
tubig na. Subali’t hindi naghinto ang patuloy na pagbalong ng tubig hanggang sa
mangalunod ang lahat ng mga tao sa magkapatid na Wigan at Bugan. Ang lalaki, si
Wigan, ay napadpad sa bundok ng Amuyaw at ang babae, si Bugan, ay ipinadpad ng
baha sa bundok ng Kalawitan.
Sa wakas ay humupa ring ang baha. Si Bugan ay nakapapaningas ng apoy at ito’y
nakita ni Wigan. Sumampa si Wigan sa bundok Kalawitan at nagkita silang
magkapatid. Naglakbay sila sa iba’t ibang pook upang maghanap ng mga tao subalit
wala silang natagpuiang isa man. Nagtayo si Wigan ng isang kubo at dito niya
iiniwan si Bugan at siya’y nagpatuloy pang muli sa paghahanap. Sa wakas ay
napagtanto niyang sila lamang magkapatid ang natira sa daigdig. Lumipas ang
panahon at naramdaman ni Bugan na siya’y nagdadalang-tao. Dala ng kahihiyan sa
sarili ay naisip niyang magpatiwakal subali’t hinadlangan siya ng kanilang Bathala, si
Makanungan.
Ikinasal silang magkapatid at sinabing ito’y hindi kasalanan sapagkat iyon lamang
ang paraan upang dumaming muli ang tao sa daigdig.
Nagkaanak sila ng siyam- apat na babae at limang lalaki. Ikinasal ang apat na babae
sa unang sa apat na lalaki kaya’t ang huling lalaki o bunso ay walang naging asawa.
Ang ngalan ng busong ito ay Igon.
Sumapit ang panahong nagkaroon ng tagtuyot. Wala silang makain. Naisip nilang
dumulog kay Makanungan. Bilang handog sa Bathala ay nanghuli si Wigan ng isang
daga at inihandog sa Bathala. Nang hindi sila kaawaan ng Bathala ay iginapos si
Igon at pinatay upng ihandog na naman sa Bathalang Makanungan. Nilunasan ni
Makanungan ang tagtuyot at dumalo pa sa kanilang handaan subalit laban sa
kanyang kalooban ang ginawa nila kay Igon. Dahil daw sa ginawa nilang iyon kay
Igon ay parurusahan sila, ang angkan nila ay magkakahiwalay. Ang magkakapatid na
mag-asawa ay magtutungo sa hilaga, sa timog, sa silangan, at sa kanluran. At sa
pagkakataong sila’y magkatagpu-tagpo ay mag-aaway at magpapatayan sila. Ito raw
ang sumpa ni Makanungan na tumalab sapagkat kahit ngayon, ang magkapatid,
mag-aama, magpipinsan, o magkakamag-anak ay nagpapatayan.
MGA AWITING BAYAN
Ang mga awiting bayan ay isa sa mga matatandang uri ng panitikang Filipino
na lumitaw bago dumating ang mga Kastila. Ito’y mga naglalarawan ng kalinangan
ng ating tinalikdang panahon. Karamihan sa mga ito ay may labindalwahing pantig.
Tunghayan natin ang mga sumusunod:
Kundiman
(Awit ng Pag-ibig)
Noong unang panahon ako ay bata pa,
Natisod mo na ay di pa alintana,
Nang ako’y lumaki at maging dalaga,
Tila sa wari ko ay may pagbabanta pa.
Pagsinta mo sa akin ay di ko tatanggapin,
Pagkat akong ito ay alangan sa tingin,
Ako ay mahirap, pangit pa sa tingin,
Bakit naman ngayon ay iyong iibigin.
Kumintang o Tagumpay
(Awit ng Pandigma)
Ang nuno nating lahat,
Sa gulok di nasisindak,
Sa labanan di naaawat,
Pinuhunan buhay, hirap,
Upang tayong mga anak,
Mabuhay nang mapanatag.
Ang Dalit o Imno
(Awit sa Diyos-diyosan
ng mga Bisaya)
Pumanaog, pumanaog si Mansilatan,
Saka si Badla ay bababa,
Mamimigay ng lakas,
Pasayawin ang mga Baylan,
Paligiran ang mga Baylan.
Ang Oyayi o Hele
(Awit sa Pagpapatulog ng Bata)
Tulog na bunso
Ang ina mo ay malayo
Di ka niya masundo
Pagkat ang daa’y maputik
at mabalaho.
Diona
(Awit sa Kasal)
Umawit tayo at ipagdiwang,
Ang dalawang pusong ngayon ay ikakasal,
Ang daraanan nilang landas,
Sabuyan natin ng bigas.
Suliranin
(Awit ng mga Manggagawa)
Hala gaod tayo, pagod tiisin,
Ang lahat ng hirap pag-aralang bathin,
Kahit malayo man, kung aking ibigin,
Daig ang malapit na ayaw lakbayin.
Kay–pagkasawing palad ng
Ianak sa hirap,
Ang bisig kundi iunat,
Di kumita ng pilak.
Talindaw
(Awit sa Pamamangka)
Sagwan, tayo ay sumagwan,
Ang buong kaya ay ibigay,
Malakas ang hangin,
Baka tayo ay tanghaliin,
Pagsagway pagbutihin.
MGA KARUNUNGANG BAYAN
Mayamang-mayaman tayo sa mga karunungang bayan bago pa dumating
ang mga Kastila. Binubuo ito ng mga salawikain, sawikain, bugtong , palaisipan,
kasbihan, at mga kawikaan.
1. Salawikain – ito’y nakaugalian nang sabihan at nagsilbing batas at
tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno. Ayon sa iba, ito’y parang
parabulang patalinghaga at nagbibigay ng aral, lalo na sa mga kabataan.
Halimbawa:
1. Aanhin pa ang damo,
kung wala na ang kabayo.
2. Ang maniwala sa sabi-sabi,
Walang bait sa sarili.
3. Hamak mang basahan,
May panahong kailangan.
4. Sa paghahangad ng kagitna,
Isang salop ang nawala.
5. Kung ikaw ay may ibinitin,
Mayroon kang titingalain.
6. Kung sino ang matiyaga,
siyang nagtatanong pala.
7. Hanggang maiksi ang kumot,
Magtiis kang mamaluktot.
8. May tainga ang lupa,
may pakpak ang balita.
9. Ang masama sa iyo,
Huwag mong gawin sa kapwa mo.
10. Kahoy nababad sa tubig
Sa apoy huwag ilapit,
Pag nadarang sa init
Sapilitang magdirikit.
11. Ang buhay ng tao ay parang gulong,
Magulungan at magkagulong.
12. Ang walang pagod magtipon,
Walang hinayang magtapon.
2. Sawikain – mga kasabihang walang natatagong kahulugan.
Halimbawa:
1. Nasa Diyos ang awa
Nasa tao ang gawa.
2. Ang tunay na kaibigan
Sa gipit nasusubukan.
3. Daig ng maagap
Ang taong masipag.
4. Ang sakit kapag naagapan
Madali itong malulunasan.
5. Huwag mong ipaglaban
Ang magagawa sa kasalukuyan.
6. Minsan kang pinagkatiwalaan
Huwag mong pababayaan.
7. Ang tao ay matatalos
Sa kaniyang pananalita at kilos.
8. Ang taong matiisin
Nakakamit ang mithiin.
9. Ang mabigat na gawain ay gumagaan
Kung marunong ka ng paraan.
10. Sa pagsisikap ay nakasalalay
Ang pagtatagumpay ng buhay.
3. Bugtong – ito’y binubuo ng isang o dalawang taludtod na maikli na may sukat o
tugma. Ang pantig naman nito ay maaaring apat o hanggang labindalawa.
Halimbawa:
1. Bungbong kung liwanag,
Kung gabi ay dagat. (banig)
2. Dalawang batong itim,
Malayo ang nararating. (mata)
3. Isang supot na uling,
Naroo’t bibitin-bitin. (duhat)
4. Isang tabo,
Laman ay pako. (pako)
5. Hinila koang baging,
Nagkakara ang matsing. (batingaw)
6. Bumili ako ng alipin,
Mataas pa sa akin. (sambalilo)
7. Lumalakad ay walang humihila,
Tumatakbo ay walang paa. (bangko)
8. Dalawang katawan,
Tagusan ang tadyang. (hagdan)
9. Nanganak ang aswang,
Sa tuktok nagdaan. (saging)
10. May ulo’y walang buhok,
May tiyan, walang pusod. (palaka)
11. Pinipinlit, kineterman,
Pinutungan ng mainam. (buyo)
4. Palaisipan – noon pa man ay may tawag na ring palaisipan ang ating mga ninuno.
Halimbawa:
Palaisipan: May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang
bola nang di man lang nagalaw ang sombrebro? Sagot:
Butas ang tuktok ng sombrero.
Palaisipan: May isang prinsesang sa tore ay nakatira, balita sa kaharian,
pambihirang ganda. Bawal tumingala upang siya’y makita. Ano ang gagawin ng
binatang sumisinta?
Sagot: Iinom ng tubig upang kunwa’y mapatingala at makita ang prinsesa.
Palaisipan: Paano tatawa ang dalaga na hindi makikita ang kaniyang ngipin? Sagot:
Tatakpan ng kaniyang palad ang kaniyang ngipin?
5. Bulong – ang bulong ay ginagamit na pangkulam o pangingkanto.
Halimbawa:
Ikaw ang nagnanakaw ng bigas ko
Lumuwa sana ang maga mata mo.
Mamaga sana ang katawan mo. Patayin ka ng
mga anito.
Dagang malaki, dagang maliit,
Ayto ang ngipin kong sira na’t pangit,
Sana ay bigyan mo ng bagong kapalit.
Huwag magagalit, kaibigan, aming pinuputol
lamang ang sa ami’y napag-uutusan.
6. Kasabihan – ang kasabihan ay karaniwang ginagamit sa panunukso opagpuna sa
kilos ng isang tao.
Halimbawa:
Putak, putak
Batang duwag
Matapang ka’t
Nasa pugad.
7. Kawikaan – ay kauri ng sawikain na ang kaibahan lamang ay laging
nagtatalagay ng aral sa buhay.
Halimbawa:
1. Ang panahon ay samantalahin
Sapagkat ginto ang kahambing.
2. Pag talagang palad
Sasampa sa balikat.
3. Ang kapalaran di man hanapin
Dudulog, lalapit kung talagang akin.
4. Ang katamaran ay kapatid
Kapatid ng kagutuman.
5. Ang di marunong magbata
Di magkakamit ng ginhawa.
6. Walang ligaya sa lupa
Na di dinilig ng luha.
7. Ang kasipagan ay
Kapatd ng kariwasaan.
8. Ang taong matiyaga
Anuman ay nagagawa.
9. Walang batong sakdal tigas
Na sa patak ng uilan ay di-naaagnas.
10. Ang ulang tikatik
Siyang malakas magpaputik.
ANG UNANG TULANG TAGALOG
Ipinalalagay na mga unang tulang Filipino ang mga awiting bayan,
salawikain, sawikain, bugtong, bulong, at mga kasabihan dahil sa taglay na sukat at
tuigma ng mga ito.
MGA TULONG SA PAG-AARAL
I. Sagutin ang mga sumusunod:
Patunayan na ang ating mga ninuno ay mayroon nang sariling panitikan bago pa
dumating ang mga Kastila.
Anu-anong mga bagay ang ginamit ng ating mga ninuno bilang sulatan?
Anu-ano ang bahagi ng panitikan na nakahiligan ng ating mga ninuno nang
panahong ito?
Ano ang alamat? Magbigay ng halimbawa.
Ano ang kuwentong bayan? Paano ito naiiba sa alamat? Magbigay ng halimbawa at
isalaysay.
Ano ang epiko? Magbigay ng halimbawa at isalaysay.
Ano ang katangian ng mga awiting bayan? Magbigay ng mga halimbawa ng uring ito
ng panitikan at turan kung saan inaawit.
Anu-ano ang ipinalalagay na mga karunungang bayan? Bakit?
Ibigay ang pagkakaiba ng sawikain at salawikain. Magbigay ng halimbawa ng bawat
isa.
Ano ang bugtong? Magbigay ng halimbawa.
Ano ang palaisipan? Magbigay ng halimbawa.
Alin sa mga karunungang bayan ang ginagamit na pangkulam o pang-ingkanto ng
ating mga ninuno? Magbigay ng halimbawa ng uring ito ng panitikan.
Ano ang kasabihan? Magbigay ng halimbawa.
Alin-aling akdang pampanitikan ang ipinalalagay ng mga unang tula? Bakit?
Anong tulong ang magagawa ng mga salawikain sa paghubog ng kagandahang asal
ng ating mga kabataan sa ngayon?
May kaugnayan ba ang karunungang bayan sa ating pamumuhay? Maging gabay sa
ating pamumuhay?
II. Punan ang mga patlang.
Ang (1) ________ ay epiko ng Ilokano. Ito ay isinulat ni (2) ________ na
kinilala bilang (3) ________ na nangangahulugan sa Tagalog ng Balagtasan.
Sa epikong ito ng mga Ilokano, ang pangunahing tauhan ay si (5) ________,
na anak nina (6) ________ at (7) ________ ng Nalbuan.
Ang (8) ________ at (9) ________ ay epiko ng mga Ipugaw na sinasabing
nangyari nang hindi pa nakikilala ng tao ang bakal.
Sa epikong Alim, ang natirang magkapatid sa daigdig na naging mag-asawa
ay sina (10) ________ at (11) _______. Sila ay ikinasal ng kanilang bathalang si (12)
_______. Nagkaanak sila ng (13) ________ na babae at (14) _______ lalake.
Pinarusahan sila ng kanilang bathala dahil sa pagkakapatay nila sa kanilang
bunsong anak na si (15) _______ bilang paghahandog sa nasabi ring bathala.
III. Pagtapat-tapatin: Hanapin ang sagot ng Hanay A sa Hanay B. Titik lamang ang
isulat na sagot:
Hanay A
Hanay B
_____ 1. Awit ng Pag-ibig A.
Ibalon
_____ 2. Awit sa Pagkakasal B.
Salawikain
_____ 3. Awit na Pandigma K. Sawikain
_____ 4. Awit sa Pamamangka D.
Kundiman
_____ 5. Awit sa Pagpapatulog ng bata E. Maragtas
_____ 6. Awit sa Diyos-diyosan ng mga Bisaya G. Suliranin
_____ 7. Awit ng Manggagawa H. Dalit o
Imno
_____ 8. Mga kasabihang walang natatagong kahulugan I. Diona
_____ 9. Mga kasabihang may natatagong kahulugan L. Tatuaang
_____ 10. Epiko ng Moro M.
Oyayi
_____ 11. Epiko ng Tagalog N. Talindaw
_____ 12. Ginagamit na pangkulam NG.
Tagumpay o
Kumintang
_____ 13. Epiko ng mga Bagobo
O. Kumintang
_____ 14. Epiko ng Bisaya
P.
Bulong
_____ 15. Epiko ng Bikol
R.
Bidasari
IV. Turan ang mga sumusunod
________ 1. Akdang pampanitikan na naglalarawan ng kalinangan ng ating
tinalikdang panahon.
________ 2. Mga kasabihang karaniwang ginagamit na panukso o pagpuna sa kilos
ng tao.
________ 3. Mga kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao.
________ 4. Isang uri ng panitikang tuluyan na ang karaniwang paksa ay
nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay,
pook, kalagayan,
o katawagan.
________ 5. Epiko na natutungkol sa mga unang tao sa kabikulan.
________ 6. Mga parabulang patalinghaga na nagbibigay aral sa mga kabataan.
________ 7. Binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli, may sukat at tugma, at
nangangailangan ng mabilis na kasagutan.
________ 8. Epikong nagpapahayag ng sanhi ng away ng mga tao sa sandaigdigan.
________ 9. Ama ng Panitikang Iloko.
________ 10. Epiko ng mga Moro na nagpapahayag na ito’y panahon pa ng
kaharian ng Bumbaran at lumubog sa dagat Pasipiko noong
Dilubyo.
KABANATA 3
Panahon ng mga Kastila
KALIGIRANG KASAYSAYAN
Ang isinasaalang-alang na unang pananakop ng mga Kastila sa ating
kapulun ay ang pananatili rito ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1565, bilang kauna-
unahang Kastilang gobernador-heneral. At dito nagsimula ang panitikan ng mga tao
rito. Ang diwa ng pasimulang ito ay nagpatuiloy nang walang pagbabago hanggang
sa pagkakaroon ng digmaan sa Kabite noong 1872. Higit sa tatlong dantaon din ang
pananakop na ito ng mga Kastila.
Sa mga panahong iyon, maraming pagbabago ang naganap sa buhay ng
mga Pilipino. Tinangkilik nila ang relihiyong Katoliko. Nagpalit sila ng mga pangalan
at nagpabinyag. Nagbago ang anyo ng kanilang pamamahay. Nagkaroon ng mga
bahay na bato at tisa, mga magagandang kasangkapang tulad ng piyano, muwebles,
at mga kagamitang pangkusina. Nagkaroon din ng mga sasakyang tulad ng karwahe,
tren, at bapor. Natuto silang magdiwang ng mga kapistahan bilang parangal sa mga
santo, sa Papa, at sa gobernador. Bilang libangan, nagkaroon ng mga sabong,
karera ng kabayo, at teatro.
Ang mga pagbabagong ito ay nagbigay din ng daan sa pagkakabuo ng ilang
pangkat ng “may-kaya” na may mga ari-arian at lupain. May ilan din sa mga Pilipino
ang nakapag-aral at nakakuha ng kurso tulad ng medisina, abugasya, agrikultura, at
pagiging maestro. Ang mga kursong ito ay halos natapos nila rito na rin sa Pilipinas
sa pagkat marami na rin namang paaralan ang naitatag nang mga panahong ‘yon.
MGA IMPLUWENSYA NG KASTILA SA
PANITIKANG FILIPINO
Dahil sa matagal na pagsasakop sa atin ng mga Kastila, di maikakailang malaki ang
impluwensyang naidulot nito sa Panitikang Filipino.
1. Ang “Alibata” na ipinagmamalaking kauna-unahang abakadang Filipino na
nahalinhan ng alpabetong Romano.
2. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga gawang
makarelihiyon.
3. Ang wikang Kastila na naging wika ng Panitikan nang panahong yaon. Marami sa
mga salitang ito ang naging bahagi ng wikang Filipino.
4. Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at tradisyong Europeo rito na naging
bahagi ng Panitikang Filipino tulad ng awit, corido, moro-moro, at iba pa.
5. Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan sa Tagalog at sa
ibang wikain.
6. Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat pambalarila sa wikang Filipino tulad sa
Tagalog, Ilokano, at Bisaya.
7. Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga lathalain ng mga panahong
yaon.
MGA UNANG AKLAT
1. Ang Doctrina Cristiana – Ito ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas
noong 1593, sa pamamagitan ng siklograpiko. Akda ito nina Padre Juan de
Placencia at Padre Domingo Nieva. Nasusulat ang aklat sa Tagalog at Kastila.
Naglalaman ito ng Pater Noster, Ave Maria, Regina Caeli, Sampung Utos ng Diyos,
Mga Utos ng Sta. Iglesya Katoliko, Pitong Kasalanang Mortal, Pangungumpisal, at
Katesisimo. Tatlong kopyang orihinal na lamang ang natitira sa aklat na ito na
matatagpuan sa Batikano, sa Museo ng Madrid at sa Kongreso ng Estados Unidos.
Nagtataglay lamang ng 87 pahina ang akdang ito subalit nagkakahalaga naman ng
$5,000.
2. Nuestra Señora del Rosario – Ito ang ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas.
Akda ito ni Padre Blancas de San Jose noong 1602 at nalimbag sa Imprenta ng
Pamantasan ng Sto. Tomas sa tulong ni Juan de Vera, isang mestisong Intsik.
Naglalaman ito ng mga talambuhay ng mga santo, nobena, at mga tanong at sagot
sa relihiyon.
3. Ang Barlaan at Josaphat – Ito ang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito sa
Tagalog ni Padre Antonio de Borja. Ipinalalagay itong kauna-unahang nobelang
napalimbag sa Pilipinas.
4. Ang Pasyon – Ito’y aklat na natutungkol sa buhay at pagpapakasakit ni Hesukristo.
Binabasa ito tuwing Mahal na Araw. Nagkaroon ng apat na bersyon sa Tagalog ang
akdang ito at ang bawat bersyon ay ayon na rin sa pangalan ng mga nagsisulat. Ang
mga ito ay ang Version de Pilapil (Mariano Pilapil), Version de Belen (Gasper Aquino
de Belen), Version de la Merced (Aniceto de la Merced), at Version de Guia (Luis de
Guia). Isinasaalang-alang na pinakapopular ang Version de Pilapil.
5. Ang Urbana at Felisa – Ito’y aklat na sinulat ni Modesto de Castro, ang tinaguriang
“Ama ng Klasikang Tuluyan sa Tagalog.” Naglalaman ito ng pagsusulatan ng
magkapatid na sina Urbana at Felisa. Pawang tungkol sa kabutihang-asal ang
nilalaman ng aklat na ito, kaya’t malaki ang nagawang impluwensiya nito sa
kaugaliang panlipunan ng mga Pilipino.
Narito ang buod ng UrBana at Felisa.
URBANA AT FELISA
ni
Padre Modesto de Castro
Ang aklat na ito ay pinamagatang “Pagsusulatan ng Dalawang Binibini na sina
Urbana at Felisa.”
Ang layunin ni P. Modesto sa pagsulat ay upang mangaral sa mga kabataan sa
siyudad at sa lalawigan tungkol sa mga pag-uugali, kilos, at makabagong
kabihasnan.
BUOD:
Sina Urbana, Felisa, at Honesto ay magkakapatid na tubo sa isang
lalawigan.
Nang sila’y magsilaki na, si Urbana ay nagtungo sa Maynila samantalang
sina Felisa at Honesto ay nanatili sa lalawigan. Sina Urbana at Felisa ay laging
nagsusulatan at sa kanilang mga pagsulat ay lagi nilang pinaaalaala sa bawat isa
ang mga ginintuang aral tulad ng pakikipagkapuwatao, mga katungkulan ng tao sa
Diyos, pag-iibigan, kalinisan ng kalooban, at mga dakilang aral ng ina sa anak o ng
mga anak sa ina. katuilad ng sabi ni Pari modesto kay Urbana na, “Pagkatantuin ng
ina na ang kalinisan ng isang dalaga ay parang bubog na kahit di nagkalamat, kahit
di mabasag, mahingahan lamang ay nagdurungisan.”
Tungkol naman sa pakikipagkapuwa-tao ay binanggit ni Felisa kay Urbana
na, “Ang kabaitang di-hamak na ipinakikita mo sa eskuwela na tinitipid mo ang gawi
ng kabataang kalaro sa kapuwa-bata, ang kahinhinan ng iyong asal na di-makitaan
ng kagaslawa’t katalipandasang magpahangga ngayo’y di-malilimutan ay nagagalak
ang loob ko’t nagnasang mahuwaran ang magandang kaasalan mo.”
Likas kay Urbana ang mabining kilos at kabaitan sa kapuwa, kaya’t kahit
wala na siya sa lalawigan ay bukambibig pa rin ng kaniyang mga guro dahil sa
magandang-asal niya at katapatan sa pakikisama sa kapuwa. Ang magagandang
gawa ay di-malilimutan kailanman.
Sa kanilang pagsusulatan ay nabanggit din ang tungkulin ng mga magulang
sa pagtuturo ng kagandahang asal, mga dasal, at karunungan sa pagkilala sa Diyos.
Kaya sinabi ni Urbana, na mapalad ang mga anak na may magulang na marunong
magturo ng mga katungkulan ng isang anak sa kanilang Diyos. Napag-usapan din
nila na kung magbinata si Honesto at magkaroon ng pagkakataong alukin ng
katungkulan sa bayan ay di niya dapat tanggapin ang panunungkulan kung
karangalan lamang ang nasa. Ngunit kung ito’y pinagkaisahan ng bayan ay dapat na
tanggapin sapagkat kaloob ito ng Diyos. Nabanggit din nila na karamihan sa mga
nanunungkulan ay may kasakiman at di marunong tumupad sa katungkulan at ang
iniisip ay pansariling kapakanan lamang. Kung sakaling tanggapin ni Honesto ang
panunungkulan ay dapat siyang maging matapat at di dapat na maging palalo upang
di maparusahan ng Diyos.
Ang huling tinalakay ni Urbana at Felisa ay ang “Kahatulang Ukol sa
Pagsang-ayon sa Kalooban ng Diyos.”
Sa pagkamatay ng ama nila pinayuhan ni Urbana si Felisa na umayon sa
kagustuhan o kalooban ng Diyos. Ang kapalaran ng isang tao ay naitakda na at di
dapat sisihin ang sinuman bagkus ay ipinalangin ang kaluluwa nito.
MGA AKDANG PANGWIKA
1. Arte Y Reglas de la Lengua Tagala – sinulat ni Padre Blancas de San
Jose at isinalin sa Tagalog ni Tomas Pinpin noong 1610.
2. Compendio de la Lengua Tagala – inakda ni Padre Gaspar de San Agustin
noong 1703.
3. Vocabulario de la Lengua Tagala – kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog
na sinulat ni Padre Diego Bergano noong 1732.
4. Vocabulario de la Lengua Pampango – unang aklat pang-wika sa
Kapampangan na sinulat ni Padre Diego Bergano noong 1732.
5. Vocabulario de la Lengua Bisaya – pinakamahusay na aklat pangwika sa
Bisaya na sinulat ni Mateo Sanchez noong 1711.
6. Arte de la Lengua Bicolana – unang aklat pangwika sa Bikol na sinulat ni Padre
Marcos Lisboa noong 1754.
7. Arte de la Lengua Iloka – kauna-unahang balarilang Iloko na sinulat ni Francisco
Lopez.
MGA KANTAHING BAYAN
Naging malaganap ang mga kantahing bayan sa buong Pilipinas. May kani-
kaniyang kantahing bayan ang mga naninirahan sa kapatagan at maging sa
bulubundukin ng Luzon, Bisaya’t Mindanaw.
Ang mga kantahing bayan ay tunay na nagpapahayag ng matulaing
damdamin ng mga Pilipino. Ipinakikilalang ang mga Pilipino ay likas na
nagpapahalaga at maibigin sa kagandahan.Narito ang mga halimbawa ng kantahing
bayan.
Leron-Leron Sinta
(Tagalog)
Leron, leron sinta, buko ng papaya
Dala-dala’y buslo, sisidlan ng sinta
Pagdating sa dulo’y nabali ang sanga
Kapos kapalaran, humanap ng iba.
Ako’y iibigan mo, lalaking matapang
Ang sundang ko’y pito, ang baril ko’y siyam
Ang lalakarin ko’y sampu ng dinulang
Isang pinggang pansit, ang aking kalaban.
Pamulinawen
(Iloko)
Pamulinawen Pusok imdengamman
Toy umas-asog agrayo ita sadiam
Panunotermman, di ka pagintutulngan
Toy agayat, agrayo ita sadiam
Essem ti diak kalipatan
Ta nasudi unay a nagan
Uray sadin ti ayan, disso sadino man
No malagipka, pusok ti mabang-aran.
Dandansoy
(Bisaya)
Dandansoy, bayaan ta ikaw
Pag-uli ako sa payaw
Ugaling kon ikaw hidlawon
Ang payaw imo lang lantawon
Dandansoy, kon imo apason
Bisan tubig di magbalon
Ugaling kon ikaw uhawon
Sa dalan magbobon-bobon.
Sarong Banggi
(Bikol)
Sarong banggi sa higdaan
Nakadangog ako, hinuni nin sarong gamgam
Sa liba ko, katorogan
Bako kundi simong voces iyo palan
Dagos ako banggon si sakuyang mata iminuklat
Sa tahaw nin kadikluman ako nangangalagkalag
Si sakuyang mata ipinasirang ko sa itaas
Simong laog nahiling kong maluhaan.
Duman sa inaaya bantog buayahon
Lumangoy si nooy sa kalipongawon
Dai pigbabakli ang mga tentasyon
Basta mahiling niya ang saiyang kailusyon.
Atin Cu Pung Singsing
(Kapampangan)
Atin cu pung singsing
Metong yang timpucan
Amana que iti
Cang indung ibatan
Sangcan queng sininup
Quing metong acaban
Mewala ya iti
Ecu camalayan
Quing sucal ning lub cu
Susucdul quing banua
Mengurus cung gamat
Babo ning lamesa
Ninumang manaquit
Queng singsing cung mana
Calulung pusu cu
Manginu ya que ya.
MGA DULANG PANLIBANGAN
Napakarami ng mga dulang panlibangan ang ginanap ng ating mga kalahi
noong panahon ng Kastila. Halos lahat ng mga dulang ito ay patula. Narito ang mga
sumusunod:
TIBAG
Dala ito sa atin ng mga Kastila upang ipakita at ipaalaala ang paghahanap ni
Sta. Elena sa kinamatayang krus ni hesus sa pamamagitan ng pagtitibag ng bunduk-
bundukan.
LAGAYLAY
Sa mga Pilarenos ng Sorsogon, isang pagkakataon at pag-iipunipon kung
buwan ng Mayo ang pagkakaroon ng lagaylay. Abril pa lamang, namimili na si Kikay,
ang anak ng sakristan mayor ng mga dalagang sasali rito. Kung minsan, ipiniprisinta
na ng mga magulang ang kanilang anak kahit hindi pa dalaga, dahil sa isang panata
na ginawa dahil sa pagkakasakit o isang pabor na nais makamtan. Sa ibang bahagi
ng Kabikulan, iba naman ang pagtatanghal ngunit ang layunin ay pareho: paggalang,
pagpuri, at pag-aalay ng pagmamahal sa mahal na krus na nakuha ni Santa Elena sa
bundok na tinibag.
SINAKULO
Pagtatanghal ito na natutungkol sa buhay at pagpapakasakit ng ating Poong si
Hesukristo. Ang salitaan dito ay mula sa “Pasyon.”
PANUNULUYAN
Isang pagtatanghal ito na isinagagawa bago mag-alas dose ng gabi ng
kapaskuhan. Natutungkol ito sa paghahanap ng matutuluyan ng Birheng Maria at ni
Joseph upang doon iluwal ang sanggol na si Hesukristo.
PANUBONG
Isang mahabang tulang nagpaparangal sa isang may kaarawan o kapistahan
na kung tawagin ay panubong ay ginaganap bilang parangal sa isang panauhin o
may kaarawan. Ang unang bahagi ay sinisimulang awitin sa may tarangkahan ng
bahay ng may kaarawan. Ang ikalawang bahagi ay inawit habang umaakyat sa
hagdan ang mga kumakanta. Ipinaliliwanag nila rito ang halaga ng bawat baitang.
Kapag nasa huling baitang na sila, hindi agad sila papasok hanggang hindi natatapos
ang awitin at hanggang hindi sila pinapapasok upang ipahiwatig na sila ay nahihiya.
Dapat ay anyayahan sila ng may bahay, upang pagkatapos ng pag-aawit sila kung
nasa loob na sila ng bahay. Ang pararangalan ay kailangang umupo sa isang silya at
siya ay lalagyan ng isang koronang yari sa sariwang bulaklak at handugan bilang
reyna.
KARILYO
Ito ay itinuturing na isang laro ng mga tau-tauhang ginagampanan ng mga
aninong ginawa mula sa karton , na pinanonod na gumagalaw sa likod ng isang
puting tabing at pinagagalaw naman ng taong di nakikita na siyang nagsasalita rin
para sa mga kartong gumagalaw.
MORO-MORO
Tulad ng sinakulo ang moro-moro ay itinatanghal din sa isang ipinasadyang
entablado. Ito’y itinatanghal sa mga araw ng pista ng bayan o ng nayon upang
magdulot ng aliw sa tao at laging ipaalala sa mga ito ang kabutihan ng relihiyong
Kristiyano. Ang mga moro-moro ay may hari’t reyna at mga mandirigmang kawal.
Halimbawa:
“Prinsipe Rodante”
Ngayo’y dumating na itong takdang araw
Dakilang Torneo sa plasang kalakalan
May kabalyerong dito’y daratal
Ay magpapamalas ng dangal at tapang.
O mahal kong anak, Prinsesa Florinda
Sabihin sa aki’t sa ina mong Reyna
Kung ang iyong loob ay handang-handa na
Sa larong torneo na magiging bunga.
KARAGATAN
Ito’y batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na naihulog niya sa
dagat sa hangaring mapangasawa niya ang kasintahang mahirap. Hinamon niya ang
mga binatang may gusto sa kanya na sisirin sa dagat at ang makakuha’y
pakakasalan niya. Sa larong ito, isang matanda ang kunwa’y tutula; pagkatapos ay
paiikutin ang isang tabo na may tandang puti at ang sinumang matapatan ng tandang
puti at ang sinumang matapatan ng tandang ito ay siyang tatanungin ng dalaga ng
mga talinghaga. Kapag ito’y nasagot ng binata ay ihahandog niya ang singsing sa
dalaga.
Halimbawa:
“KARAGATAN”
Dalaga - “Ikaw nga ang unang napili ng Diyos
Sumisid sa aking singsing na aking nhinulog
Subalit hindi upang siyang maging irog
Kundi idaan lang muna sa pagsubok.”
“Kaya’t sisirin mo ang tanong kong ito
At singsing kong ito ay nang maangkin mo
Sa sinsing na linao at walang pabato
Turan mong simula at ang dulot nito”
Binata - “Karagatang ito’y kahit na malalim
Pangangahasan kong aking lulusungin
Hustong bait ninyo ang titimbulanin
Na inaasahang sasagip sa akin.”
“Karagatan ito’y oo nga’t mababaw
Mahirap lusungin nang hindi maalam
Kaya kung sakaling ako’y masawi man
Kamay mong isasagip yaong hinihintay.”
DUPLO
Ito ang humalili sa karagatan. Ito’y paligsahan ng husay sa pagbigkas at
pangngatwiran na patula. Ang pangangatwiran ay hango sa Bibliya, sa mga sawikain,
at mga kasbihan. Karaniwang nilalaro ito sa paglalamay sa gunita ng isang namatay.
Halimbawa:
Hari: Yamang sa tuos ko ngayo’y natalastas
na ang isinakdal dito’y nahaharap
ang unang bigkas sa naritong dilag
siyang tinutukoy na di nagbabayad.
Bilyako:Bilyaka, mangyaring sumagot ka ngayon
kung inaamin mo ang sinabing sumbong
saging na nalugok, dahon may kuluntoy
bayaran ang dapat sa takdang panahon.
Bilyaka:Hari naming giliw na kagalang-galang,
punong sinusunod nitong kalahatan
ang kamunting tutol ay inyong pakinggan
niring walang sala’t wala namang utang.
Hiwagang malaki ang paratang nila
sapul magkaisip ay di nakilala
saging na nasabing hindi kinukuha
at di nangungutang kahit isang pera.
Bilyako: O! Himalang dilag na mapagpasakit
sa bayaning pusong lalong umiibig
ano’t yaong utang ay wawaling-tikis
at ikakaila yaring pag-uusig.
Dito po ay taglay yaong katunayan
bilang paghahabol sa naturang utang
may dalawang saksi akong ililitaw
na inilagak mo sa pagpapatibay.
KURIDO
Ang salitang “corrido” (baybay sa Kastila) ay nangangahulugang
kasalukuyang mga balita (current events) sa mga Mehikano.
Dito sa Pilipinas, ang kurido ay isang tulang pasalaysay na natutungkol sa
katapangan, kabayanihan, kababalaghan, at pananmpalataya ng mga tauhan.
Karamihan sa mga paksa ay galing sa Europa at dinala lamang dito ng mga Kastila.
Naging tanyag na awitin noong ikalabinsiyam na siglo ang kurido dahil sa
kakulangan ng babasahin, libangan, at panoorin ang mga tao.
Ang ilan sa ating mga manunulat ng kurido ay sina Jose de la Cruz, Ananias
Zorilla, at Francisco Baltazar.
Narito ang isa sa mga kuridong sinulat ni Jose de la Cruz.
Prinsipe Orentis
ni Jose de la Cruz
O Trinidad Santisima
Dios na tatlong Persona
Walang huili’t walang una
Capangyarihan i iisa.
Sa lakas ng carunungan
At tanang capangyarihan
Balang inyong calooban
Yari ng ano mang bagai.
Linalang din namang tigis
Yaong Imperio ng langit
Sampo ng mga Angeles
Arcangeles, Querubines.
At sa iyo Inang Virgen
Virgeng dating maawain
Ang tulong mo i papagcantim
Matuto nang sasabihin.
Yayang din sa camahalan
Nagyon dito i napipisan
Ang aquing capamanhican
Munting tahimik ay bigyan.
At aquing pupunuan na
Corrido i ipagbadia
Hangga’t salin sa historia
Niyon buhay ni Cassandra.
At ang mundong Universo
Linalang mo rin Dios co
Madlang halaman at damo
Isda, hayop, ibang tao.
Caya ang hingi ko ngayon
Ang ana mo’t papaampon
Sa aquin ay iabuloy
Sabi co i nang mapatuloy.
Sa historia i sinasambit
Ang buhay ni Orandatis
Doon naman i calaquip
Buhay nitong si Orentis.
Historiang wikang Castila
At limbag ng pagcatala
Tinatagalog at tinula
Sa corrido i inilagda.
SAYNETE
Itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan nang mga huling taon ng
pananakop sa atin ng mga Kastila ang Saynete. Ang paksa ng dulang ito ay
nahihinggil sa paglalahad ng kaugalian ng isang lahi o katutubo, sa kaniyang
pamumuhay, pangingibig, at pakikipagkapwa. Ang “La India Elegante Y El Negrito
Amante” ni Francisco Baltazar ay ipinalalagay na isa sa mga nakaaaliw na libangang
saynete nang panahong ito.
La India Elegante Y El Negrito Amante
(Sayneteng may isang yugto)
Mga Tauhan:
Uban, (pusong)
Kapitang Toming, (ita)
Menangge, (babae)
Pook: - Isang kalsada ng bayan ng pagpipistahan. Lalabas si Uban na may
dalang walis.
Uban: - Apwera, munti’t malaki babae man at lalaki at nang hindi makarumi
sa plasa ng komedyante.
Kay-hirap nitong magwalis, pigtas na ako ng pawis mula ulo
hanggang singit kamukha’y ulang tikatik.
Ikalimang araw ngayon nitong aking pagkukumon, may isang daang kareton
nahakot kong taeng-baboy.
Plasang ito’y gayon liit ay di ko malinis-linis, binayaang naging silid o ikumon ng
aso’t basig.
Saka ito’y linisin man ay wala ring kabuluhan gagawing suwagan lamang ng
kambing, baka’t kalabaw.
Dito’y walang makikita kundi nga giri, at salta, kunday at tadyak ng paa pampalubid
ng bituka.
Kay-hirap nitong magkumon lalo’t biyuka’y maghilom, sakat ako’y walangpatron na
magpalagok ng rom.
Bakit si Kapitang Toming ita kong katutulungin ay hindi pa dumarating, ako’y
lubhang papagurin.
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo
panitikang isabelo

More Related Content

Similar to panitikang isabelo

Banghay-Aralin ( edukasyon sa pagpapakatao
Banghay-Aralin ( edukasyon sa pagpapakataoBanghay-Aralin ( edukasyon sa pagpapakatao
Banghay-Aralin ( edukasyon sa pagpapakatao
crisjanmadridano32
 
Ferdinand e. marcos dina datar
Ferdinand e. marcos  dina datarFerdinand e. marcos  dina datar
Ferdinand e. marcos dina datarDina Datar
 
Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
Panitikan sa Panahon ng Bagong LipunanPanitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
Panitikan sa Panahon ng Bagong LipunanMi Shelle
 
Modyul 4 ang kalinangang pilipino sa panahon ng barangay
Modyul 4 ang kalinangang pilipino sa panahon ng barangayModyul 4 ang kalinangang pilipino sa panahon ng barangay
Modyul 4 ang kalinangang pilipino sa panahon ng barangay
南 睿
 
Unit Plan II - Grade Five
Unit Plan II - Grade Five Unit Plan II - Grade Five
Unit Plan II - Grade Five
Mavict De Leon
 
AP 5 - Q1 - M15.pdf
AP 5 - Q1 - M15.pdfAP 5 - Q1 - M15.pdf
AP 5 - Q1 - M15.pdf
MyrnellyTorririt2
 
6 AP Aralin 1.pptx
6 AP Aralin 1.pptx6 AP Aralin 1.pptx
6 AP Aralin 1.pptx
WIKA
 
Bec pelc+2010+-+sk-hks
Bec pelc+2010+-+sk-hksBec pelc+2010+-+sk-hks
Bec pelc+2010+-+sk-hks
titserchriz Gaid
 
Bec pelc 2010 hekasi
Bec pelc 2010 hekasiBec pelc 2010 hekasi
Bec pelc 2010 hekasi
Yhari Lovesu
 
BEC PELC 2010 in Sibika at Kultura at Hekasi
BEC PELC 2010 in Sibika at Kultura at HekasiBEC PELC 2010 in Sibika at Kultura at Hekasi
BEC PELC 2010 in Sibika at Kultura at Hekasi
Sheena Mae Balagot
 
Filipino-Group-Report Grade 8. Mga kaganapan sa ating Bansa
Filipino-Group-Report Grade 8. Mga kaganapan sa ating BansaFilipino-Group-Report Grade 8. Mga kaganapan sa ating Bansa
Filipino-Group-Report Grade 8. Mga kaganapan sa ating Bansa
CharmaineQuisora
 
Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02
Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02
Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02
Charisse Marie Verallo
 
PPT-Araling Panlipunan 7 Quarter 1Week1.pptx
PPT-Araling Panlipunan 7 Quarter 1Week1.pptxPPT-Araling Panlipunan 7 Quarter 1Week1.pptx
PPT-Araling Panlipunan 7 Quarter 1Week1.pptx
sunshinecasayuran2
 
syllabus grade 6
syllabus grade 6syllabus grade 6
syllabus grade 6
Mel Lye
 
KOM.pptx
KOM.pptxKOM.pptx
KOM.pptx
NerissaLopez10
 
SIKOLOHIYANG-PILIPINO-4th-TOPIC_085624.pptx
SIKOLOHIYANG-PILIPINO-4th-TOPIC_085624.pptxSIKOLOHIYANG-PILIPINO-4th-TOPIC_085624.pptx
SIKOLOHIYANG-PILIPINO-4th-TOPIC_085624.pptx
saliwandaniela
 
ARALING PANLIPUNAN 6 WEEK 1.pptx
ARALING PANLIPUNAN 6 WEEK 1.pptxARALING PANLIPUNAN 6 WEEK 1.pptx
ARALING PANLIPUNAN 6 WEEK 1.pptx
SherelynAldave2
 
ARALING PANGLIPUNAN 6 WEEK 1 DAY 1.pptx
ARALING PANGLIPUNAN  6 WEEK 1 DAY 1.pptxARALING PANGLIPUNAN  6 WEEK 1 DAY 1.pptx
ARALING PANGLIPUNAN 6 WEEK 1 DAY 1.pptx
MarkAlvinGutierrez1
 
Batayan sa kultura at kasaysayan
Batayan sa kultura at kasaysayanBatayan sa kultura at kasaysayan
Batayan sa kultura at kasaysayan
AgnesRizalTechnological
 

Similar to panitikang isabelo (20)

Banghay-Aralin ( edukasyon sa pagpapakatao
Banghay-Aralin ( edukasyon sa pagpapakataoBanghay-Aralin ( edukasyon sa pagpapakatao
Banghay-Aralin ( edukasyon sa pagpapakatao
 
Ferdinand e. marcos dina datar
Ferdinand e. marcos  dina datarFerdinand e. marcos  dina datar
Ferdinand e. marcos dina datar
 
Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
Panitikan sa Panahon ng Bagong LipunanPanitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
 
Modyul 4 ang kalinangang pilipino sa panahon ng barangay
Modyul 4 ang kalinangang pilipino sa panahon ng barangayModyul 4 ang kalinangang pilipino sa panahon ng barangay
Modyul 4 ang kalinangang pilipino sa panahon ng barangay
 
Unit Plan II - Grade Five
Unit Plan II - Grade Five Unit Plan II - Grade Five
Unit Plan II - Grade Five
 
Course description fil
Course description filCourse description fil
Course description fil
 
AP 5 - Q1 - M15.pdf
AP 5 - Q1 - M15.pdfAP 5 - Q1 - M15.pdf
AP 5 - Q1 - M15.pdf
 
6 AP Aralin 1.pptx
6 AP Aralin 1.pptx6 AP Aralin 1.pptx
6 AP Aralin 1.pptx
 
Bec pelc+2010+-+sk-hks
Bec pelc+2010+-+sk-hksBec pelc+2010+-+sk-hks
Bec pelc+2010+-+sk-hks
 
Bec pelc 2010 hekasi
Bec pelc 2010 hekasiBec pelc 2010 hekasi
Bec pelc 2010 hekasi
 
BEC PELC 2010 in Sibika at Kultura at Hekasi
BEC PELC 2010 in Sibika at Kultura at HekasiBEC PELC 2010 in Sibika at Kultura at Hekasi
BEC PELC 2010 in Sibika at Kultura at Hekasi
 
Filipino-Group-Report Grade 8. Mga kaganapan sa ating Bansa
Filipino-Group-Report Grade 8. Mga kaganapan sa ating BansaFilipino-Group-Report Grade 8. Mga kaganapan sa ating Bansa
Filipino-Group-Report Grade 8. Mga kaganapan sa ating Bansa
 
Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02
Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02
Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02
 
PPT-Araling Panlipunan 7 Quarter 1Week1.pptx
PPT-Araling Panlipunan 7 Quarter 1Week1.pptxPPT-Araling Panlipunan 7 Quarter 1Week1.pptx
PPT-Araling Panlipunan 7 Quarter 1Week1.pptx
 
syllabus grade 6
syllabus grade 6syllabus grade 6
syllabus grade 6
 
KOM.pptx
KOM.pptxKOM.pptx
KOM.pptx
 
SIKOLOHIYANG-PILIPINO-4th-TOPIC_085624.pptx
SIKOLOHIYANG-PILIPINO-4th-TOPIC_085624.pptxSIKOLOHIYANG-PILIPINO-4th-TOPIC_085624.pptx
SIKOLOHIYANG-PILIPINO-4th-TOPIC_085624.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 WEEK 1.pptx
ARALING PANLIPUNAN 6 WEEK 1.pptxARALING PANLIPUNAN 6 WEEK 1.pptx
ARALING PANLIPUNAN 6 WEEK 1.pptx
 
ARALING PANGLIPUNAN 6 WEEK 1 DAY 1.pptx
ARALING PANGLIPUNAN  6 WEEK 1 DAY 1.pptxARALING PANGLIPUNAN  6 WEEK 1 DAY 1.pptx
ARALING PANGLIPUNAN 6 WEEK 1 DAY 1.pptx
 
Batayan sa kultura at kasaysayan
Batayan sa kultura at kasaysayanBatayan sa kultura at kasaysayan
Batayan sa kultura at kasaysayan
 

More from JohnQuidulit2

Pakitang turo sa junior high school for rqa
Pakitang turo sa junior high school for rqaPakitang turo sa junior high school for rqa
Pakitang turo sa junior high school for rqa
JohnQuidulit2
 
arts images for class reporting of the student
arts images for class reporting of the studentarts images for class reporting of the student
arts images for class reporting of the student
JohnQuidulit2
 
Tekstong propesyunal para sa mga mag-aaral
Tekstong propesyunal para sa mga mag-aaralTekstong propesyunal para sa mga mag-aaral
Tekstong propesyunal para sa mga mag-aaral
JohnQuidulit2
 
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptxPANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
JohnQuidulit2
 
mtb-....-joanna_-12-07-22-final.docx
mtb-....-joanna_-12-07-22-final.docxmtb-....-joanna_-12-07-22-final.docx
mtb-....-joanna_-12-07-22-final.docx
JohnQuidulit2
 
ap-marte.docx
ap-marte.docxap-marte.docx
ap-marte.docx
JohnQuidulit2
 

More from JohnQuidulit2 (6)

Pakitang turo sa junior high school for rqa
Pakitang turo sa junior high school for rqaPakitang turo sa junior high school for rqa
Pakitang turo sa junior high school for rqa
 
arts images for class reporting of the student
arts images for class reporting of the studentarts images for class reporting of the student
arts images for class reporting of the student
 
Tekstong propesyunal para sa mga mag-aaral
Tekstong propesyunal para sa mga mag-aaralTekstong propesyunal para sa mga mag-aaral
Tekstong propesyunal para sa mga mag-aaral
 
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptxPANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
 
mtb-....-joanna_-12-07-22-final.docx
mtb-....-joanna_-12-07-22-final.docxmtb-....-joanna_-12-07-22-final.docx
mtb-....-joanna_-12-07-22-final.docx
 
ap-marte.docx
ap-marte.docxap-marte.docx
ap-marte.docx
 

panitikang isabelo

  • 1. PANITIKANG FILIPINO Kasaysayan at Pag-unlad Pangkolehiyo Erlinda M. Santiago Alicia H. Kahayon Magdalena P. Limdico
  • 2. MGA NILALAMAN KABANATA 1 -Panimulang Pag-aaral Ng Panitikan - Ano ang Panitikan - Ang Panitikan At Kasaysayan - Mga Paraan Ng Pagpapahayag Ng Panitikan - Bakit Dapat Mag-aral Ng Panitikan - Mga Kalagayang Nakapangyayari Sa Panitikan - Ang Impluwensiya Ng Panitikan - Pangkalahatang Uri Ng Panitikan - Ang Mga Akdang Tuluyan - Mga Akdang Patula - Mga Uri Ng Tulang Pasalaysay - Mga Uri Ng Tulang Liriko - Mga Tulang Dula o Pantanghalan - Mga Tulang Patnigan - Kahulugang Saklaw Ng Panitikang Filipino - Mga Tulong Sa Pag-aaral KABANATA 2 - Panahon Bago Dumating Ang Mga Kastila - Kaligirang Kasaysayan - Mga Bahagi Ng Panitikang Filipino Bago Dumating Ang Mga Kastila - Ang Alamat - Ang Alamat Ng Mga Tagalog - Kuwentong Bayan - Si Bulan At Si Adlaw - Panahon Ng Epiko - Biag Ni Lam-Ang - Alim - Mga Awiting Bayan - Kundiman - Kumintang o Tagumpay - Dalit o Imno - Oyayi o Hele - Diona - Suliranin - Talindaw - Mga Unang Tulang Filipino - Mga Tulong Sa Pag-aaral KABANATA 3 - Panahon Ng Mga Kastila - Kaligirang Kasaysayan - Mga Impluwensiya Ng Kastila Sa Panitikang Filipino - Mga Unang Aklat - Doctrina Cristiana - Nuestra Señora del Rosario - Ang Barlaan At Josaphat - Urbana At Felisa - Mga Akdang Pangwika - Mga Kantahing Bayan - Leron-Leron Sinta - Pamulinawen - Dandansoy - Sarong Banggi - Atin Cu Pung Singsing - Mga Dulang Panlibangan - Tibag - Lagaylay - Sinakulo - Panunuluyan - Panubong - Karilyo - Moro-moro - Karagatan - Duplo - Kurido - Saynete - La India Elegante Y El Negrito Amante - Sarsuela - Mga Tulong Sa Pag-aaral
  • 3. KABANATA 4 - Panahon Ng Pagbabagong Isip - Kaligirang Kasaysayan - Ang Kilusang Propaganda - Mga Taluktok Ng Propaganda - Dr. Jose Rizal - Marcelo H. del Pilar - Graciano Lopez Jaena - Iba Pang Mga Propagandista - Antonio Luna - Mariano Ponce - Pedro Paterno - Jose Ma. Panganiban - Ang Panahon Ng Tahasang Paghihimagsik - Kaligirang Kasaysayan - Mga Taluktok Ng Tahasang Paghihimagsik - Andres Bonifacio - Emilio Jacinto - Iba Pang Maghihimagsik - Ang Mga Pahayagan Ng Panahon Ng Himagsikan - Mga Tulong Sa Pag-aaral KABANATA 5 - Panahon Ng Amerikano - Kaligirang Pangkasaysayan - Mga Katangian Ng Panitikan Sa Panahong Ito - Panitikan Sa Kastila - Cecilio Apostol - Fernando Ma. Guerrero - Jesus Balmori - Manuel Bernabe - Claro M. Recto - Mga Iba Pang Manunulat Sa Wikang Kastila - Panitikan Sa Tagalog - Lope K. Santos - Florentino Collantes - Amado V. Hernadez - Valeriano H. Peña - Iñigo Ed. Regelado - Ang Dulang Tagalog - Ang Nobelang Tagalog - Ang Maikling Kuwentong Tagalog - Ang Tulang Tagalog - Mga Iba Pang Panitikang Filipino - Panitikang Ilokano - Panitikang Kapampangan - Panitikang Bisaya - Ang Panitikang Filipino Sa Ingles - Mga Tulong Sa Pag-aaral KABANATA 6 - Panahon Ng Mga Hapones - Kaligirang Kasaysayan - Ang Mga Tula Sa Panhong Ito - Haiku - Tanaga - Karaniwang Tula - Ang Mga Dula Sa Panahong Ito - Ang Maikling Kuwento Sa Panahong Ito - Lupang Tinubuan - Uhaw Ang Tigang Na Lupa - Mga Tulong Sa Pag-aaral KABANATA 7 - Panahon Ng Isinauling Kalayaan - Kaligirang Kasaysayan - Ang Kalagayan Ng Panitikan Ng Panahong Ito - Ang Bagong Panitikan Sa Tagalog Ng Panahong Ito - Ang Muling Pagsigla Ng Panitikan Sa Ingles - Ang Timpalak-Palanca - Kuwento Ni Mabuti - Mabangis na Kamay ...Maamong Kamay - Planeta, Bituin at mga Bituin - Alamat Ng Pasig - Mga Tulong Sa Pag-aaral KABANATA 8 - Panahon Ng Aktibismo - Kaligirang Kasaysayan - Ang Binhi Ng Aktibismo - Panahon Ng Duguang Plakard - Ang Kalagayan Ng Panitikan Ng Panahong Ito - Ang Panulaang Filipino Ng Panahon Ng Aktibismo - Ang Dula, Maikling Kuwento, at Nobela Ng Panahong Ito - Mga Tulong Sa Pag-aaral
  • 4. KABANATA 9 - Panahon Ng Bagong Lipunan - Kaligirang Kasaysayan - Ang Panulaang Tagalog Sa Bagong Lipunan - Ang Awiting Filipino Sa Bagong Lipunan - Ang Radyo at Telebisyon - Ang Pelikulang Filipino - Ang Mga Pahayagang Komiks, Magasin, at Iba Pang Babasahin - Kabuuang Tanaw Sa Panitikan Sa Panahon Ng Bagong Lipunan - Mga Tulong Sa Pag-aaral KABANATA 10 - Panahon Ng Ikatlong Republika - Kaligirang Kasaysayan - Ang Panulaang Tagalog Ng Panahon Ng Ikatlong Republika - Ang Awiting Filipino Sa Panahon Ng Ikatlong Republika - Ang Pelikulang Filipino Ng Panahon Ng Ikatlong Republika - Ang Mga Pahayagan, Komiks, Magasin, At Iba Pang Babasahin - Ang Timpalak-Palanca Sa Panahon Ng Ikatlong Republika - Di Mo Masilip Ang Langit – ni “Ramaden” - Sa Kaduwagan Ng Pilikmata ni “Virginia Rivera” - Unang Binyag ni “Homer” - Kabuuang Tanaw Ng Panitikang Pilipino Ng Panahon Ng Ikatlong Republika - Mga Tulong Sa Pag-aaral KABANATA 11 - Ang Panitikan Sa Kasalukuyan - Kaligirang Kasaysayan - Ang Kalagayan Ng Panitikan Sa Panahong Ito - Ang Panulaang Filipino Sa Panahong Ito - Ang Awiting Filipino Sa Kasalukuyan - Ang Sanaysay Sa Panahong Ito - Ang Mga Programa Sa Radyo at Telebisyon - Ang Mga Pahayagan at Iba Pang Babasahin - Ang Mga Manunulat Sa Kasalukuyan - Ang Timpalak-Palanca Sa Kasalukuyan - Mga Tulong Sa Pag-aaral KABANATA 12 - Panunuring Pampanitikan - Isang Halimbawa Ng Sinuring Akda “Sinag Sa Karimlan” ni Dionisio Salazar - Talasanggunian MGA TIYAK NA LAYUNIN TUNGKOL SA KABUTIHAN AT NASYONALISMO (Specific Behavioral Objectives about Value Formation ang Nationalism) 1. Malaman natin ang kasaysayan ng ating lahi, ang idealismong Pilipino, ang ating pananampalataya at ang ating mga paniniwala, kultura, at kaisipang panlipunan. 2. Maipamalas natin ang sariling kaugalian, pananaw, at kalinangan ng ating lahi. 3. Maisaalang-alang din natin ang mga kabayanihan, pagpapakasakit, at pakikipaglaban ng ating mga ninuno upang makamtan natin ang ating kasarinlan. 4. Masuri natin ang ating sariling panitik ayon sa mga magagandang katangiang taglay nito. 5. Matalakay ang mga Panitikang Filipino noon at hanggang sa kasalukuyan at maihahambing ang paglago at paglinang ng mga akda ayon sa pagtalakay ng mga manunulat. 6. Maipakita ang mga pagbabagong naganap sa panitik, kultura at kaugalian ng mga Pilipino sapul noong bago dumating ang mga Kastila hanggang sa kasalakuyang panahon. 7. Maipakita sa pamamagitan ng mga akdang Filipino ang magagandang kaugalian ng mga Pilipino noon at maaaring makabuluhan pa sa kasalukuyan. 8. Mailahad ang suliranin sa kuwento at mabigyang-kalutasan ayon sa pang-unawa ng guro at mag-aaral.
  • 5. 9. Magkaroon ng malayang talakayan hinggil sa mga mahahalagang paksang napapaloob sa bawat kuwento. 10. Matutuhang sumuri at magbigay ng sariling pala-palagay o kuro-kuro ukol sa ilang mahahalagang bahagi ng kuwento. 11. Maunawaan ang tunay na pagmamahal sa Diyos, sa magulang, at sa bayan. 12. Maisasaisip tuwina na kung may tungkulin man ang magulang sa anak, ang mga anak ay mayroon ding katungkulan sa magulang. 13. Matutuhang tumanaw ng utang na loob sa Diyos, sa magulang, sa mga kaibigan, at sa lahat ng pinagkakautangan ng loob. 14. Mapahalagahan ang lahat ng pagsisikap ng mga magulang para sa kinabukasan ng anak. 15. Mahubog ang mga kabataan sa mga mabubuting kaugaliang panlipunan sapagkat sila ang pag-asa ng ating Bayan. 16. Mapukaw ang kanilang kaisipan o kawilihan sa mga gawaing pangnasyonalismo. 17. Magkaroon ng kamalayan sa mga nagaganap sa ating bansa, at magkaroon din ng partisipasyon tungo sa ikauunlad nito. Mailahad ang kahirapang dinaranas ng ating mga kapatid sa kasalukuyan at makagawa ng kaukulang pag-aaral tungkol dito. 19. Maisaalang-alang ang panuntunang pantay-pantay para sa lahat, lalo na sa edukasyon. Pagbibigay ng huwaran sa magaganda at mabubuting gawain na nais mapahalili sa mga kabataan sa kasalukuyan. 20. Maikintal sa kaisipan at hangarin ng bawat kabataan ang pagkukusang pagtulong sa kaniyang pamayanan at sa gayon ay magkaroon siya ng damdamin upang dumamay, umunawa, at tumingin sa kaniyang kapwa. 21. Maikintakl sa kaisipan ng bawa’t mag-aaral na sila ay mamamayan ng Republika ng Pilipinas at dapat na maging matapat sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin at obligasyon. 22. Mahubog ang kabataan sa mga kagandahang-asal na udyok ng isang matatag na pananalig sa Bathalang mapagkalinga. 23. Malinang sa kaisipan ng mga mamamayang Pilipino ang mga matatandang kaugalian tulad ng kasipagan, kalinisan, katapatan, at wastong pagtitipid. Mabigyan sila ng kasanayan at kaalamang makatutulong sa kanila upang kumita sa isang malinis na paraan. Makapamuhay nang maayos at makapag-abuloy sa kalinangan at kagalingang pangkabuhayan ng bansa. 24. Mabigyan ng kasanayan ang ating mga kababaihan at kalalakihan ng tungkuling panatilihin. 25. Maturuan ang ating kabataan ng kahalagahan at wastong paggamit ng oras upang makatulong sa kanilang pansariling kaunlaran at magtaguyod sa kagalingan nila sa pamayanang ginagalawan. 26. Maunawaan ang pangangailangan ng bawat mag-aaral, kung paano sila nakapag-iisip at nakadarama ng mabibisang paraan upang matanto ang mga kahalagahan ng edukasyon sabuhay ng bawat nilalang, at makapagpalahad ng palatuntunan na maaaring gawing sanayan ng mga mag-aaral. 27. Makahanap ng paraang makatutulong upang ang mga mag-aaral ay tumuklas ng pansariling pakahulugan sa mga pangyayari sa kaniyang paligid. 28. Makapaglimi tungkol sa kung paano makapagbibigay ng kasiyahang pisikal at ispiritwal at mapaunlad ang iba’t ibang aspekto ng pamumuhay.
  • 6. KABANATA 1 Panimulang Pag-aaral ng Panitikan ANO ANG PANITIKAN Maraming pakahulugan ang iba’t ibang manunulat tungkol sa panitikan. May nagsasabing “ang tunay na kahulugan daw ng panitikan ay yaong pagpapahayag ng damadamin, panaginip, at karanasan ng sangkatauhang nasusulat sa maganda, makahulugan, at masining na mga pahayag”. Sa aklat nina Atienza, Ramos, Zalazar, at Nazal na pinamagatang Panitikang Pilipino, ipinahahayag na “ang tunay na panitikan ay yaong walang kamatayan, yaong nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon sa kaniyang pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kaniyang kapaligiran at gayun din sa kaniyang kapaligiran at gayun din sa kaniyang pag susumikap na makita ang Maykapal”. Si Bro. Azarias ay nagsabing “ang panitikan ay ang pagpapahayag ng damdamin ng tao, sa lipunan, sa pamahalaan, sa kapaligiran, sa kapwa, at sa Dakilang Lumikha”. Ang pagpapahayag daw ng damdamin ng isang nilikha ay maaaring sa pamamagitan ng pag-ibig, kalungkutan, kaligayahan, galit o poot, pagkahabag, pag-alipusta, paghihiganti, at iba pa. Ayon namn kay Webster, sa kaniyang pinakabuod na pakahulugan, “anumang bagay raw na naisasatitik, basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng tao, maging ito’y totoo , kathangisip o bungang tulog lamang ay maaaring tawaging panitikan”. Ganito naman ang makabayaning pakahulugan ni MariaRamos sa panitikan. Ayon sa kanya, “Ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan. Sa panitikan nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing, at guniguni ng mga mamamayan na nasusulat o binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan, matalinghaga, at masining na mga pahayag.” Ang panitikan ay nagbubunsod sa pagkilos ng mga mamamayan sa kanilang pagkamakabayan o nasyonalismo. Ito ang lakas na nagbubuklod ng kanilang damdamin, nagdidilat ng kanilang mga mata sa katwiran at katarungan. Ang panitikan ay hindi lamang lumilinang ng nasyonalismo kundi ito’y nag- iigat din ng mga karanasan, tradisyon, at mga mithiin ng bawat bansa. Hinuhubog sa panitikan ang kagandahan ng kultuira ng bawat lipunan. Dito nasusulat ang henyo ng bawat panahon. Ito’y walang paglipas hanggang may tao sa sandaigdigan. Ang panitikan ay isang ilaw na walang kamatayang tumatanglaw sa kabihasnan ng tao. ANG PANITIKAN AT KASAYSAYAN Matlik na magkaugnay ang Panitikan at Kasaysayan. Sa pagtalakay ng kasaysayan ng isang lahi, tiyak na kasama rito ang damdamin, saloobin, kaugalian, o tradisyon ng lahing ito. At ang lahat ng ito kapag naisatitik ay tinatawag na panitikan. Ang kasaysayan ay naisatitik kaya’t ito’y makatotohanang panitikan. Ang lahat ng mga bagay na naisatitik at tunay na mga nangyari ay makatotohanang panitikan. Samakatwid, bahagi ng panitikan ang kasaysayan. Ang panitikan at kasaysayan ay mayroon ding pagkakaiba. Ang panitikan ay maaaring mga likhang-isip o bungang-isip lamang o mga pangyayaring hubad sa katotohanan na naisatala, samantalang ang kasaysayan ay pawing mga pangyayaring tunay na naganap- may pinangyarihan, may sanhi ng pangyayari, at may panahon. Mga Paraan Ng Pagpapahayag Pasulat man o pasalita, tuluyan man o patula, ang anumang sining ng panitikan ay maaaring talakayin sa apat na paraan ng pagpapahayag. 1. Pagsasalaysay – Ito’y isang uri ng pagpapahayag na nagsasalaysay ng isang karanasan. Halimbawa: “Isang Karanasang Hindi Ko Malilimutan.” 2. Paglalahad – Ito’y isang paraang nagbibigay katuturan sa isang ideya o konsepto. Nagmumungkahi rin ito ng paraan ng paggawa ng isang bagay. Tumatalakay rin ito sa suliranin, nagbibigay dahilan , at nagpapayo ng mga kalutasan. Halimbawa: “Ano Ang Panitikan?” 3. Paglalarawan – Ito’y isang paraang naglalarawan ng isang bagay, tao, o lunan. Ang detalye ng mga katangian, o kapintasan ng tao, o bagay na namamalas ay nababanggit ditto. Halimbawa: “Maynila … Kulay Anyo ng Lahi.”
  • 7. 4. Pangngatwiran – Naglalayong humikayat sa bumabasa o sa mga nakikinig na pumanig sa opinyon ng nagsasalita o sa sumulat ang paraang ito. Malinaw na mga katwiran at sinasamahan ng mga pagpapatunay upang lalong mapaniwala sa kaniyang mga kuro-kuro ang mga bumabasa o nakikinig. Halimbawa: “Kailangan Ang Tapat Na Pagtawag at Pananalig Sa Diyos Sa Anuimang Oras”. BAKIT DAPAT MAG-ARAL NG PANITIKAN May limang mahahalagang bagay kung bakit dapat tayong mag-aral ng Panitikang Pilipino. UNA: Upang makilala natin an gating sarili bilang Pilipino, at matalos ang ating minanang yaman ng isip at angking talino ng ating pinanggalingang lahi. IKALAWA: Tulad ng ibang lahi sa daigdig, dapat nating mabatid na tayo’y may dakila at marangal na tradisyong siya nating ginawang sandigan ng pagkabuo ng ibang kulturang nakarating sa ating bansa. IKATLO: Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan at makapagsanay na ito’y matuwid at mabago. IKAAPAT: Upang makilala at magamit ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na ito’y malinang at mapaunlad. IKALIMA: Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kulturan ay kailangang maipamalas ang pagmamalasakit sa ating sariling panitikan. MGA KALAGAYANG NAKAPANGYAYARI SA PANITIKAN May mga mahahalagang bagay na nakapangyayari sa panitikan. Ito’y ang mga sumusunod: 1. Ang klima – ang init o lamig ng panahon, ang bagyo, unos, baha, at ulan ay malaki ang nagagawa sa kaisipan at damdamin ng manunulat. 2. Ang hanapbuhay o gawaing pang-araw-araw ng tao – Nagpapasok ng mga salita o kuro-kuro sa wika at panitikan ng isang lahi ang tuingkulin, hanapbuhay, o gawaing pang-araw-araw ng mga tao. 3. Ang pook o tinitirhan – Malaki ang nagagawa nito sa isipan at damdamin ng tao. Kung ang pook na kinatitirahan ng mga tao ay may magagandang tanawin, mahalaman, maaliwalas, sagana sa kabukiran, madagat, at mabundok, ang mga ito’y siyang magiging paksa ng panitikan ng mga taong nagnanasang sumulat. 4. Lipunan at pulitika – Nasasalamin sa panitikan ng isang lahi ang sistema ng pamahalaan, ang ideolohiya at ugaling panlipunan, at gayuin din ang kultura ng mga tao. 5. Edukasyon at pananampalataya – Kung busog ang isipan, dala ng malawak na edukasyong natutuhan, ang mga ito’y mababakas sa panitikan ng lahi. Ang pananampalataya ay pinapaksa rin ng mga makata at manunulat. ANG IMPLUWENSIYA NG PANITIKAN Kung ang limang kalagayang nabanggit na nakapangyayari sa panitikan ay may impluwensiya sa anyo, hangarin, at laman ng panitikan, ang panitikan naman ay may dalang mahalagang impluwensiya sa buhay, kaisipan, at ugali ng tao. 1. Ang panitikan ay nagpapaliwanag ng kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing pinanggalingan ng akda. 2. Dahil sa panitikan nagkakalapit ang damdamin ng mga tao sa sandaigdigan. Nagkakahiraman sila ng ugali at palakad at nagkakatulungan. Marami ring mga akdang pampanitikan ang nagdala ng impluwensiya sa buong daigdig. Ilan lamang sa mga ito ang mga sumusunod: 1. Banal na Kasulatan o Bibliya – Ito ang naging batayan ng Kakristiyanuhan. Mula sa sa Palestino at Gresya. 2. Koran – Ang pinakabibliya ng mga Muslim. Galing ito sa Arabia. 3. Ang Iliad at Odyssey – Ito ang kinatutuhan ng mga mitolohiya at paalamatan ng Gresya. Akda ito ni Homer. 4. Ang Mahabharata – Ito ay ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong daigdig. Naglalaman ito ng kasaysayan ng pananampalataya ng Indiya.
  • 8. 5. Canterbury Tales – Naglalarawan ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon. Galing ito sa Inglatera at sinulat ni Chaucer. 6. Uncle Tom’s Cabin – Akda ito ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos. Kababasahan ito ng naging karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at naging batayan ng demokrasya. 7. Ang Divine Comedia – Akda ni Dante ng Italya. Nagpapahayag ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano nang panahong yaon. 8. Ang El Cid Compeador – Nagpapahayag ng mga katangiang panlahi ng mga Kastila at ng kanilang kasaysayang pambansa. 9. Ang Awit ni Rolando – Kinapapalooban ito ng Donce Pares at Roncesvalles ng Pransya. Nagsasalaysay ng gintong panahon ng Kakristiyanuhan sa Pransya. 10. Ang Aklat ng mga Patay – Naglalaman ito ng mga kulto ni Osiris at ng mitolohiya at teolohiya ng Ehipto. 11. Ang Aklat ng mga Araw – Akda ito ni Confucio ng Tsina. Naging batayan ng mga Intsik sa kanilang pananampalataya. 12. Isang Libo’t Isang Gabi – Mula ito sa Arabia at Persya. Nagsasaad ng mga ugaling pampamahalaan, pangkabuhayan, at panlipunan ng mga Arabo at Persyano. PANGKALAHATANG URI NG PANITIKAN Ang pangkalahatang uri ng panitikan ay ang tuluyan at patula. Ang mga akdang tuluyan ay yaong mga nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap, samantalang ang patula ay yaong mga pahayag na may sukat o bilang ng mga pantig, tugma taludtod, at saknong. ANG MGA AKDANG TULUYAN Ang mga akdang tuluyan ay marami. Kinabibilangan ito ng nobela o kathambuhay, maikling kuwento, mga dula sa kasalukuyang panahon, mga alamat, pabula, sanaysay, talambuhay, balita, talumpati, at iba pa. 1. Nobela – ito’y isang mahabang salaysayang nahahati sa mga kabanata. Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa mahabang panahon. Ginagalawan ito ng maraming tauhan. Halimbawa: “Banaag at Sikat” ni Lope K. Santos. 2. Maikling Kuwento – ito’y salaysaying may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari sa kakintalan. Halimbawa: “Pagbabalik” ni Genoveva E. Matute. 3. Dula – ito’y itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan. Nahahati ito sa ilang yugto, at sa bawat yugto ay maraming tagpo. Halimbawa: “Kahapon, Ngayon, at Bukas” ni Aurelio Tolentino. 4. Alamat – ito’y mga salaysaying hubad sa katotohanan. Tungkol sa pinagmulan ng bagay ang karaniwang paksa rito. Halimbawa: “Ang Alamat ng Pinya”. 5. Ang Pabula – mga salaysayin din itong hubad sa katotohanan ngunit ang layuni’y gisingin ang isipan ng mga bata sa mga pangyayaring makahuhubog ng kanilang ugali at pagkilos. Natutungkol sa mga hayop ang kuwentong ito. Halimbawa: “Ang Pagong at Ang Unggoy”. 6. Anekdota – mga likhang-isip lamang ng mga manunulat ang mga maikling salaysaying ito na ang tanging layunin ay makapagbigay-aral sa mga mambabasa. Maaaring ito’y isang kuwento ng mga hayop o bata. Halimbawa: “Ang Gamugamo at Ang Munting Ilawan”. 7. Sanaysay – ito’y pagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon ng may-akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari. Ang pinakamahusay na halimbawa nito’y ang bahagi ng Editoryal ng isang pahayagan. 8. Talambuhay – ito’y tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaaring ito’y pang-iba o pansarili. 9. Balita – ito’y isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, mga industriya at agham, mga sakuna, at iba pang paksang nagaganap sa buong bansa o maging sa ibayong dagat. 10. Talumpati – ito’y isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ang layuinin nito ay humikayat, magbigay ng impormasyon, mangatwiran, magpaliwanag, at magbigay ng opinyon o paniniwala.
  • 9. 11. Parabula – ito’y mga salaysaying hango sa Bibliya na tulad ng anekdota. Ang layunin nito’y makapagbigay-aral sa mga mambabasa o nakikinig. Halimbawa: “Ang Matandang Mayaman at si Lazaro”. Mga Akdang Patula ANG TULA Ang pagsulat ng tula ay naiiba sa ibang sangay ng panitikan sapagkat dito ay nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, pagbilang ng mga pantig, at paghahanap ng makakatugmang mga salita upang maipadama ang isang damdamin o kaisaping nais ipahayag ng isang manunulat. Bagama’t sa kasalukuyan ay unti-unti nang nawawala ang sukat at tugma ng isang tula, lalo’t ang makabagong manunulat ay naniniwala sa kaisipang malayang taludturan. Sa isang tula ay maaaring may tatlong interpretasyon o pakahulugan: yaong sa manunulat, sa guro at mag-aaral, bagama’t ang pinakadiwa nito ay iisa lamang. Marami nang katuturang nabuo ang tula at ang ilan ay babanggitin dito. Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, “ang tuila ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan na natitipon sa isang kaisipan upaing maangkin ang karapatang matawag na tula.” Ayon kay Iñigo Ed. Regalado, “ang tuila ay kagandahan, diwa, katas, larawan, at kabuuang tonong kariktang makikita sa silong ng alinmang langit.” Ayon naman sa katuituiran ni Fernando Monleon mula kay Lord Macaulay, “ang pagtula’y panggagagad at ito’y lubhang kahawig ng sining ng pangguhit, paglililok, at pagtatanghal. Ang kasaklawan ng pagtula ay higit na malawak kaysa alinman sa ibang gagad na mga sining, pagsama-samahin man ang mga iyon.” Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang katuturang ibinigay ni Edith Sitwell na napili niya, ay nagsasabing, “ang tuila ay kamalayang napapasigasig (heightened consciousness).” Ang mga akdang patula ay may apat na uri: tulang pasalaysay, tulang paawit o liriko, tulang padula o pantanghalan, at tulang patnigan. 1. Tulang pasalaysay – ang uirng ito ay naglalarawan ng mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay; halimbawa’y ang kabiguan sa pag-ibig, ang mga suliranin at painganib sa pakikidigma, o kagitingan ng mga bayani. MGA UIRI NG TULANG PASALAYSAY a) Epiko – ang mga epiko ay nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan pagkat nauukol sa mga kababalaghan. Ito’y nagbubunyi sa isang alamat o kasaysayan na naging mataguimpaiy laban sa mga panganib at kagipitan. Halimbawa: “Ang Indarapatra at Sulayman” INDARAPATRA AT SULAYMAN (Epiko ng mga Muslim) *Isinatula ni Bartolome del Valle Nang unang panahon ayon sa alamat, ang pulong Mindanaw ay wala ni kahit munting kapatagan. Pawang kabundukan ang tinatahanan ng maraming taong doo’y namumuhay. Maligaya sila sapagka’t sagana sa likas na yaman. Subali’t ang lagim ay biglang dumating sa kanilang bundok na dati’y payapa. Apat na halimaw ang doo’y nanalot. Una’y si Kurita na maraming paa at ganid na hayop, pagkat sa pagkain kahit limang tao’y kanyang nauubos. Ang bundok Matutum ay tinirhan naman ng isang halimaw na may mukhang tao na nakatatakot kung ito’y mamasdan, ang sino mang tao na kanyang mahuli agad nilalapang at ang nilalaman nito’y kinakain na walang anuman. Ang ikatlo’y si Pah na ibon, malaki ang bundok ng Bita ay napadidilim niyong kanyang pakpak. Ang lahat ng tao’y sa kuweba tumahan upang makaligtas sa salot na itong may matang malinaw at kukong matalas. Ang bundok Kurayang pinanahanan ng maraming tao ay pinapanlagim ng isa pang ibon na may pitong ulo. Walang nakaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na kuko pagkat maaari na kanyang matanaw ang lahat ng dako. Ang kalagim-lagim na kinasapitan ng pulong Mindanaw ay nagdulot-lungkot sa maraming baya’t mga kaharian, si Indarapatra na haring mabait dakila’t marangal ay agad nag-utos sa kanyang kapatid na prinsipeng mahal.
  • 10. “Prinsipe Sulayman, ako’y sumasamo na iyong iligtas ang maraming taong nangangailangan ng tulong mo’t habag.” “O mahal na hari na aking kapatid, ngayon di’y lilipad at maghihiganti sa mga halimaw ang talim ng tabak.” Binigyan ng singsing at isang ispada ang kanyang kapatid upang sandatahin sa pakikibaka. Kanyang isinabit sa munting bintana ang isang halaman at saka nagsulit: “Ang halamang ito’y siyang magsasabi ng iyong nasapit”. Nang siya’y dumating sa tuktok ng bundok na tinatahanan nitong si Kurita, siya ay nagmasid at kanyang natunghan ang maraming nayong walang kahit isang taong tumatahan “Ikaw’y magbabayad, mabangis na hayop!” yaong kanyang sigaw. Di pa nagtagal ang kanyang sinabi, nagimbal ang bundok at biglang lumabas itong si Kuritang sa puso’y may poot. Sila ay nagbaka at hindi tumigil hanggang sa malagot ang tanging hininga niyong si Kuritang sa lupa, ay salot. Tumatag ang puso nitong si Sulayman sa kanyang tagumpay kaya’t sa Matutum, ang hinanap naman ay si Tarabusaw; sa tuktok ng bundok ay kanyang namalas ang nakahahambal na mga tanawin: “Ngayon di’y lumabas nang ikaw’y mamatay.” Noon di’y nahawi ang maraming puno sa gilid ng bundok at ilang saglit pa’y nagkaharap silang puso’y nagpupuyos. Yaong si Sulayma’y may hawak na tabak na pinag-uulos, ang kay Tarabusaw na sandata nama’y sangang panghambulas. At sa paghahamok ng dalawang iyong balita sa tapang, ang ganid na hayop sa malaking pagod ay napahandusay. “Ang takdang oras mo ngayo’y dumating na,” sigaw ni Sulayman at saka sinaksak ng kanyang sandata ang pusong halimaw. Noon di’y nilipad niyong si Sulayman ang bundok ng Bita, siya ay nanlumo pagka’t ang tahanan sa tao’y ulila; ilang sandali pa ay biglang nagdilim gayong maaga pa at kanyang natantong ang kalabang ibon ay dumarating na. Siya ay lumundag at kanyang tinaga ang pakpak ng ibon datapwa’t siya rin ang sinamang-palad na bagsakan niyon; sa bigat ng pakpak, ang pakpak niya’y sa lupa bumaon kaya’t si Sulayman noon ay nalibing nang walang kabaong. Kasawiang ito ay agad nabatid ng mahal na hari pagka’t ang halaman noon di’y nalanta’t sanga’y nangabali. “Siya ay patay na!” ang sigaw ng kanyang namumutlang labi, “Ang kamatayan mo’y ipaghihiganti buhay ma’y masawi!” Nang siya’y dumating sa bundok ng Bita ay kanyang binuhat ang pakpak ng ibon. Katawang napipis ay kanyang namamalas.Nahabag sa kanya ang kanyang bathala,biglang nagliwanag at ilang saglit pa ay nakita niya ang tubig na lunas. Kanyang ibinuhos ang tubig na yaon sa lugaming bangkay at laking himala! Ang kanyang kapatid ay dagling nabuhay, sila ay nagyakap sa gitna ng galak at ng katuwaan, saka pinauiwi itong si Sulayman sa sariling bayan. Sa bundok Kurayan sinapit ay agad hinanap ang ibong sa tao’y nagbibigay-lagim at nagpapahirap dumating ang ibong kaylaki ng ulo at kukong matalas subalit ang kalis ni Indarapatra’y nagwagi sa wakas. Sa kanyang tagumpay may isang diwatang dumating magalang “Slamat sa iyo, butihing bayani na ubod ng tapang, Kaming mga labi ng ibong gahaman ngayon ay nabubuhay.” At kanyang namalas ang maraming taong noo’y nagdiriwang. Nabihag ang puso ng mahal na hari sa ganda ng mutya kaya’t sa naroon ay kanyang hiniling na lakip ang sumpa na sila’y ikasal. Noon di’y binuklod ng isang adhika ang kanilang puso. “Mabuhay ang Hari!” ang sigaw ng madla. Ang tubig ng dagat ay tila hinigop sa kailaliman at muling lumitaw ang lawak ng lupang pawang kapatagan, Si Indarapatra’y hindi na bumalik sa sariling bayan at dito naghari sa mayamang lupa ng pulong Mindanaw. b) Awit at Kurido - ang mga ito’y may mga paksang hango sa pangyayaring tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran, at ang mga tauhan ay mga hari’t reyna, prinsipe’t prinsesa. Ang dalawang ito’y nagkakaisa sa kaharian. Ang awit ay may sukat na labindalawang (12) pantig at inaawit nang mabagal sa saliw ng gitara o bandurya, samantalang ang kurido’y may sukat na walong (8) pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa. Halimbawa ng Awit – “Doce Pares sa Kaharian ng Francia” at “Florante at Laura” in Francisco Balagtas BUOD NG “DOCE PARES SA KAHARIAN NG FRANCIA” Nang ang Herusalem ay nasa ilalim ng kapangyarihan ni Patriyarka Aaron, ang mga tagaroon ay tumanggap ng balitang sasalakayin sila ng mga mrong taga- Zaragosa. Nagpadala agad ng sulat si Patriyarka Aaron kay Carlo Magno ng Francia
  • 11. upang humingi ng tulong. Hindi nag-aksaya ng panahon si Carlo Magno. Pinaghanda ang matatapang niyang Pares at sila’y naglakbay sa Herusalem. Tatlong buwan na silang naglalakbay nang malaman ni Carlo Magno na sila ay naliligaw. Nanalangin sila sa Diyos at kaagad ay maraming ibon ang naglalabasan at nag-awitan at sila’y sumunod dito patungong Herusalem. Pagdating nila sa Herusalem ay nalaman nila na a nasalakay na ito ng mga moro. Pininsala ang simbahan at pinagkukuha ang mga relikya. Pumatay rin sila ng mga taong bayan at si Aaron ay ipiniit nila. Nagimbal si Carlo Magno at nagpadala siya ng mga kawal sa Zaragosa. Ipinasabi sa pinuno nila na palayain si Aaron pati na ang mga kawal nito, isauli ang mga ninakaw at sila’y pabibinyag at kung hindi ay dirigmain sila ng mga kawal- kristiyano. Nagkaroon ng madugong labanan sapagkat tumanggi ang mga moro sa nais ni Carlo Magno. Nagtagumpay si Carlo Magno at ibinalik ang kapangyarihan kay Aaron. Bilang pagtanaw ng utang na loob ay ipinagkaloob ni Aaron ang korona ni kristo. Pakaraan ng tatlong taon ay muli silang sinalakay ng mga moro sa pamumunao ni Fierabras, isang morong kilabot sa digmaan. Pinatay nila ang Papa at tinangay sa Turkiya ang mga relikya. Iniutos ni Carlo Magno na salakayin noon din ang Roma sapagkat doon nagtayo ng isang pamahalaan ang mga moro. Nag-alala ang mga Pares na baka hindi nila abutan si Fierabras kaya nagpadala na lamang si Carlo Magno ng isang embahador at ang napili ay si Gui ng Borgonya. Kinausap ni Gui ang Pangulo ng Roma ngunit ipinagpaliban nila ang unawaan sapagkat wala si Fierabras, ang heneral ng mga moro. Si Gui ay paalis na nang masalubong si Floripes at sa pagtatama ng kanilang paningin ay sumibol ang isang pag-ibig. Nang bumalik si Gui sa Francia ay nagalit si Carlo Magno at siya’y pinabalik na may kasamang tatlumpong libong kawal. Si Gui ay nagpasabi na kung hindi lilisanin ng mga moro ang Roma at isauli ang kanilang mga ninakaw ay dirigmain sila ng mga Taga-Francia. Tumanggi ang mga moro kaya’t sila ay sumalakay na. Nang makita ni Gui na ang namumuno sa pangkat na kaaway ay si Floripes ay hindi ipinagpatuloy ang pagsalakay. Nagalit si Carlo Magno sa nangyari at inutusan si Roldan na mamuno sa mga Pares na lulusob sa Roma. Inutusan naman ni Balan ang kapatid na si Corsubel na paumaroon sa Roma at magdala ng limampung libong sundalo. Dinatnan ni Corsubel doon ang siyam na Pares at ang unang lumaban sa kanya ay si Ricarte. Napatay ni Ricarte si Corsubel. Nagalit ang mga moro at nagsilusob ngunit wala silang nagawa sa mga Pares. Napatay ang mga moro ngunit si Oliveros, isa sa mga Pares, ay nagtamong maraming mga sugat. Ang pangulo ngRoma ay humingi ng saklolo kay Balan at ito ay nagpadala ng sanlibong kawal upng lumaban sa siyam na Pares. Papasok na sana sila sa roma upng patayin ang Pangulo ngunit tumanggi si Roldan sapagkat ang mga Pares ay hapung-hapo na. Nagsibalik ang mga Pares sa Francia at ibinalita kay Carlo Magno ang pangyayari. Nagalit si Carlo magno sa kanilng pagbabalik at sinabing ang matatndang Pares ay hindi umalis sa labanan hangga’t hindi nagtatagumpay. Tiniis na lamang ng mga Pares ang kanilang narinig. Isinumpa ni Carlo Magno na hindi siya titigil hangga’t hindi nalilipol ang mga moro. Ang Doce Pares na pinangungunahan ng kanyng pamngking si Roldan ay binubuo nina Oliveros, na Konde sa Gones; Ricarte, ang Duke ng Normandia; Guarin, na tubo sa Lorena; Gute, na taga-Bordolois; Noel, Lamberto, Basin, Gui ng Borgonya, Guadabois, at iba pa. Nalaman naman ni Fierabras na ang kanyang amaing si Corsubel ay napatay ng mga Pares at isinumpa niyang ito’y ipaghihiganti. Si Fierabras ay pangalawang anak ni Balan at makapangyarihan sa Turkiya. Nang malaman ni Fierabras na si Carlo Magno at ang kanyang mga Pares ay nakipaglaban sa kanya. Inatasan ng Emperador si Roldan na humarap kay Fierabras ngunit tumutol ito at sinabing bakit hindi ang isa sa Matatandang Pares ang paharapin sa moro? Gayon na lamang ang poot ng Emperador sa pangungutya ni Roldan kaya’t dumampot ng isang bagay at inihagis kay Roldan. Pinaghanda niya ang kaniyang hukbo at lumusob sila sa Turkiya. Nagwagi sina Carlo Magno at nabihag nila si Balan. Tumangging pabinyag si Balan sa kabila ng pagsusumamo ng anak na si Fierabras kaya’t pinaputulan ito ng ulo. Nagpabinyag si Floripes at ikinasal siya kay Gui. Sila ay kinoronahan bilang kahalili ni Balan. Isinauling lahat ni Floripes ang mga relikyung sinamsam ng mga moro. Pagkaraan ng dalawang buwan ay nagpaalam na si Carlo Magno at nagsiuwi na sa Francia. Isang araw ay nakakita si Carlo Magno ng maraming tala sa kalangitan. Hiniling niya sa Diyos na ipaalam sa kaniya ang kahulugan ng gayong kababalaghan. Isang kaluluwa ang kaniyang nakita samantalang nananalangin at iyon si Santiago, ang apostol ni Kristo. Inutusan si Carlo Magno ng kalulwa na pumunta sa Galicia upang kunin sa mga moro ang kanyang katawan at sumunod naman si Carlo Magno at sila’y lumakad. Una nilang narating ang Pamplona at sila’y nagwagi roon. Maraming moro ang nagpabinyag. Sa Galicia ay nagtagumpay rin sila. Dumaan sila
  • 12. sa Valende at nagwagi rin doon ngunit wala kahit isang nagpabinyag. Sa matinding galit ni Carlo Magno ay isinumpa ang pook na iyon at kapagdaka’y bumuka ang lupa at bumukal ang tubig. Maiitim na isda ang nagsilabas at nangaglanguyan. Nabalitaan niyang ang Haring Aigolante ng Africa ay maraming pinatay na Kristiyano. Nagpahanda siya ng isang armada upang hanapin si Aigolante ngunit hindi nila natagpuan. Isang sugo ni Haring Aigolante ang lumalabas sa kampo at sinabing sila’y maglabanan. Nagwagi si Carlo Magno, napatay si Aigolante, at sila’y umuwi na sa Francia. Mahabang panahon ang nagdaan bago napalaban si Carlo Magno kay Haring Marsirios na taga-Ronsevalles. Nagpadala ng sugo si Carlo Magno kay Haring Marsirios at ipinasabi niyang ang nasasakupan ni Haring Marsirios ay kailangang pabinyag at magsipagbayad ng buwis sapagkat ang bayang iyon ay sakop ng Emperador Carlo Magno. Lingid sa kaalaman ng emperador, si Galalon ay isa palang taksil. Dinaya niya ang kanyang mga kasamahan. Nang siya ay bumalik sa sa Francia, marami siyang dalang mga bagay katulad ng mga ginto, pilak, alahas, alak, at lahat ng buwis na hinihingi ng emperador. Ayon sa kaniya’y sumang-ayon na raw na paskop at pabinyag ang Hring Marsirios kaya’t inatasan agad ng emperador ang mga Pares sa dami ng mga kalaban, kaya’t labing-isa sa kanila ay napatay nang matgal-tagal na ang labanan. Ang isa’y sugatn ngunit hindi rin inabutang buhay ng emperador. Halos himatayin si Carlo Magno sa kasawiang inabot ng kanyang tapat na Pares. Ipinalibing niya ang mga mahal niyang mga Pares. Ang taksil na si Galalon ay ipinadakip, ipinagapos ang mga kamay at paa nito sa apat na kabayo na pinatakbo hanggang magkahiwa-hiwalay ang buong katawan ng lilo. Sa matinding pangunguilila ng emperador ay inihandog niya sa simbahan ang kanyang buong kayamanan. Kusa siyang pumasok sa Aquisgron at ipinagawa ang simbahan at monasteryo. Hindi nagluwat at namatay ang emperador Carlo Magno. Binawian siya ng buhay noong ika-16 ng Pebrero ng taong sanlibo’t labindalawang taon ni Kristo. Ito ang wakas ng buhay ni Carlo Magno at ng kilabot ng Doce Pares. Ang “Doce Pares sa Kaharian ng Francia” ay isang awit. Narito ang ilang mga saknong na kinuha sa naturang awit. Sa lubhang ligaya lahit gaganapin, pusong di mabaklang sa pagod tumitik, sa galak salitin ang siyang umikit, sa historiyang liham ng balitang Pares. Magaling sa isang mag-aliw ang nasa, at sa makinig namang matiyaga, puno’t hanggang dulo ay kung maunawa, laging pakingga’t nanaising kusa. Pupulhin sa ibang trahedyang nangyari, dahas kabantugan di huli kay Marte kaya O nasasa kung may maling sabi’y, punan na husto mong bait sa sarili. Sapagkat alinmang marunong sa pantas, sumibol sa lupang alabok na hamak, ay mahihidwa rin di lalo ang pahat, laban sa Diyos ang di malilinsad. Sa iyong pagbasa’y iyong liwanagan, Iisa ang pagkutya’y dili dasal mahal, nang ang nakikinig mapanatag naman, sa matatamis mong sa bibig bumukal. Ang palaging lakad ay biglang nalagot, sa tuko’y ng nasa siyang ilalagos, upang hanggang wakas nang ating masayod, sasapitin ngayon bayaning guerreros. Bayaning Herusalem ng unang panahon, ang gumugubyerno’y patriyarka Aaron, nang salakayin at bigyang linggatong, taga-Zaragosang mga morong buhong. Nang mabalitaan nitong patriyarka, na ang Herusalem daratnang pangamba, nagpapadala agad ng sulat sa Francia, sa kay Carlo Magno bayani sa giyera. Matatag ang liham nitong emperador, biglang iginayak ang kaniiiyang kampon, at ang tanang Pares tinungo ang layon, naligaw sa lakad ng daang patuloy.
  • 13. Naging tatlong buwan ang tropa sa landas, sa kay Carlo Magno nang ito’y matatap, na sa tutunguhi’y sila’y nalilinsad, pagdaka’y nagwikang manalanging lahat. Sa puspos at taos na panalangin, sa Diyos at inang Birheng mahabagin, dininig ng langit ang kanilang daing, sari-saring ibon ang nagbigay aliw. Huning kinakanta nilang pakinggan, tropa’y magtuloy na’t sila’y siyang sundan, sa marinig ito niyang kalahatan, lumakad na sila’t pawang nagdiwang. Halimbawa ng Kurido: BUHAY NA PINAGDAANAN NI DONYA MARIANG ASAWA NG AHAS BUOD: Ang kaharian ng Murcia ay malungkot sapagkat ang hari ay may sakit. Ipinatawag na lahat ng pinakamagagaling na mediko subalit hindi pa rin gumagaling ang hari. Nakarinig ang hari ng tinig mula sa langit na nagsasabing ang tanging makakapagpagaling sa kanya ay isang ahas na nasa aplaya at siya’y napadaing sa hirap. Gagamutin siya ng ahas kung isa sa tatlong anak niyang prinsesa ay pakakasal dito. Sina Prinsesa Clara, Prinsesa Catharina, at Prinsesa Maria ay kinausap ng hari. Ang panganay na si Prinsesa Clara ay tumangging pakasal sa ahas at sinabing mamatamisin pa niyang mamatay kaysa pakasal sa ahas. Ang pangalawang anank na si Prinsesa Catharina ay katulad din ng panganay na tumanggi sapagkat di raw niya maaatim na makasal sa isang ahas. Ang busong si Prinsesa Maria ang huling tinanong ng hari at lumuluhang sumang-ayon ang prinsesa alang-alang sa kaligtasan ng ama. Ipinatawag ng hari noon din ang ahas at ang Arsobispo. Ikinasal si Prinsesa Maria at ang ahas. Ginamot ng ahas ang hari at agad namang gumaling. Dinala na ng ahas si Donya Maria sa tahanan nito sa isang pulo sa gitna ng karagatan. Laging lumuluha si Donya Maria. Araw-gabi’y nananalangin siya kaya’t labis na nag-alala ang ahas. Nangamba siyang mamatay sa pagdadalamhati ang asawa kaya siya ay nagalis na ng balatkayo at nagpakilala kay Donya Maria. Siya pala’y si Don Juan Rey del Mundo de Austria ng kahariang Espanya. Ipinagbilin ng ahas kay Donya Maria na huwag ipagtatapat kahit kanino ang kanyang lihim sapagkat kapag ito’y nangyari ay daranas ng mga kahirapan ang mga babae. Nangako naman si Donya Maria na itatago niya ang lihim ng ahas. Hiniling ni Donya Maria sa asawa na sila’y dumalaw sa kanyang mga magulang at kapatid. Pumayag naman ang ahas. Binigyan pa siya ng singsing na maaaring hilingin ang anumang naisin. Humiling siya ng magandang kasuotan, mga alahas, korona, karwaheng hila ng labindalwang kabayong pawang puti, at sampung alipin. Nagtuloy sa simbahan si Prinsesa Maria nang siya’y dumating sa kanilang kaharian sapagkat alam niyang naroon ang hari. Hindi siya nakilala ng ama. Gayon na lamang ang tuwa ng kanyang ina’t mga kapatid nang magtungo siya sa palasyo. Ang dalawang kapatid niya’y inggit na inggit sa kanya. Nagkasundo ang dalawa na yayain sa hardin si Maria at paaminin kung sino ang kanyang asawa. Gayon nga ang ginawa ng dalawa. Pilit na pinaaamin si Maria kung sino ang asawa at nang ayaw nitong magtapat ay ginapos nila ang mga kamay nito. Bumali sila ng mga sanga ng mga halamang matinik at painaghahampas ang kahabag- habag. Nang hindi na matiis ni Maria ang mga pahirap ng mga kapatid ay ipinagtapat niyang si Don Juan ng Espanya ang kanyang asawa. Noon lamang siya tinigilan ng dalawa. Nang pumanhik ang tatlo sa palasyo ay hindi ipinagtapat ni Maria sa mga magulang ang ginawa ng mga kapatid. Nagpaalam siya sa mga magulang at tinungo ang aplaya. Wala roon ang dalawa kaya’t napalugmok sa pagdaramdam ang prinsesa. Nang makalamay na niya ang kalooban ay bumalik na siya sa palasyo. Napansin ng hari ang paghihinagpis ng anak ngunit palibhasa’y may angking kabaitan ay hindi rin nito ipinagtapat sa ama ang ginawa ng dalawang kapatid. Hiniling lamang niya sa amang hari na ipagpagawa siya ng pitong balutang bakal na isusuot sa katawan sapagkat siya’y aalis upang hanapin ang asawa. Lumakad na ang prinsesa at hinanap ang asawa na walang baon kundi pitong tinapay. Si Don Juan naman ay umalis sa kanyang tirahang pulo sa gitna ng dagat. Nakarating siya sa kaharian ng Antioquia. Napag-alaman niyang kamamatay lamang ng emperador at ang kaharian ay naiwan sa isang magandang dalagang nagngangalang Valeriana na siyang magiging emperadora. Nagkakilala sina Don Juan at Emperador Valeriana. Naakit ng kakisigan ng prinsipe ang emperadora at sila’y nagkaibigan. Hindi nagtagal at sila’y ikinasal sa pagbubunyi ng buong kaharian.
  • 14. Samntala naman ay maraming hirap ang tiniis ni Donya Maria sa paghahanap sa asawa. Kapag siya ay nakakasalubong ng mababangis na hayop tulad ng leon at tigre ay binabanggit niya ang pangalan ng asawang si Don Juan at lahat ay nangangayupapa sa kanya. Pitong bundok na ang kanyang nalakbay nang makakita siya ng isang higanteng babae. Ipinagtapat niya na siya ay asawa ni Don Juan at hinahanap niya ito. Naawa ang higanteng dalaga at itinago siya sa amang higanteng mahilig kumain ng tao. Hiiniling sa ama na tulungan at huwag patayin ang prinsesa. Naniwala naman ang higante sa pahayag ni Donya Maria sapagkat suot nito ang engkantadang singsing ni Don Juan. Si Don Juan pala’y pamangkin ng higante at sinabing ang hinahanap ay nasa kaharian ng Antioquia. Tinulungan ng mag-amang higante na makarating sa Antioquia sa Prinsesa Maria. Nagbalatkayo siyang pulubi at sumama sa palasyo upang manghingi ng limos. Napansin ni Donya Valeriana si Maria at nagandahan dito kaya inalok na manirahan sa palasyo. Gayon na lamang ang paghihirap ng kalooban ni Maria tuwing nakikitang magkaniig sina Don Juan at Donya Valeriana. Isang araw naisipan ni Donya Maria na humiling sa singsing ni Don Juan ng laruang inahing may labindalawang sisiw na ang balahibo ay ginto. Pinagkaguluhan ito sa palasyo at nang malaman ni Donya Valeriana ang tungkol dito ay sinabing bibilhin niya kahit magkano. Tumanggi si Maria at sinabing ibibigay na lamang niya ang mga ito kung patutulugin siya sa silid ng emperadora. Sinabi ni Donya Valeriana na maaari siyang magtungo roon kahit anong oras. Nang unang makita ng emperador si Maria ay naisip niyang kamukha ito ng asawang iniwan. Isang gabi ay hindi na nakatiis si Donya Maria kaya humiling siya sa sinsing ng damit ng isang prinsesa at nagpakilala kay Don Juan. Humingi siya ng tawad sa pagbubunyag ng lihim ni Don Juan. Hindi kumibo si Don Juan kaya’t sa sama ng loob ni Maria ay tinangkang saksakin ang sarili ng isang punyal ngunit pinigil siya ni Don Juan at sinabing kasalanan niya ang lahat sapagkat hindi siya sumunod sa tagubilin. Nang magising si Donya Valeriana ay hinanap niya si Maria at nang hindi natagpuan ay nagtungo sa silid ni Don Juan. Nagitla siya nang makitang magkasiping ang dalawa. Sinampal at inalimura ni Donya Valeriana si Maria ngunit pinigil siya ni Don Juan at sinabing anak din ito ng hari. Inalipusta ni Valeriana si Maria sa pagsiping nito sa asawa ngunit sinabi ni Maria na asawa rin niya si Don Juan at sinabi pang tanungin si Don Juan kung ito’y katotohanan o hindi. Hindi malaman ni Don Juan kung sino ang papanigan sa dalawa. Ipinatawag ang Arsobispo at ang mga konseho upang magbigay ng hatol. Ang hatol ng arsobispo ay dapat sumama si Don Juan kay Donya Maria sapagkat siya ang unang pinakasalan nito. Si Donya Valeriana ay patuloy na naging emperadora ng Antioquia. Umuwi sa kaharian ng Murcia sina Don Juan at Donya Maria. Si Don Juan ay pinutungang hari ng Murcia sapagkat matanda na ang Amang Hari ni Donya Maria. Isang bahagi ng Kuridong “BUHAY NA PINAGDAANAN NI DONYA MARIA” May sinabi noong una doon sa Reyno ng Murcia, yaong hari at monarka, na may tatlong anak siya. Sabihin ang kariktan huwag sa tala’t buwan sila’y pinagkakaguluhan prinsipe sa madlang bayan Dito’y bayaan ko muna mga karikta’t ganda ang aking ipagbabadya nasapit ang haring ama. Itong haring nagkasakit buong baya’y naligalig tanang mediko’y nananhik ay wala ring nasasapit. Malaking pagkagulo mediko at siruhano sampung sa iba pang reyno naparoon at dumalo. Ano’y sa hinibik-hibik ng hininging mapapatid, may narinig siyang boses na nanggaling sa langit. May isang ahas ang badya na naroon sa aplaya,
  • 15. kung ang gagamot ay siya, walang liwag gagaling ka. Boses ay muling nangusap ito ay ipinahayag, kung sa hingi ko’y papayag, gagaling kang waliang liwag. Alin man sa tatlo baga mga anak mong dalaga, sa ahas ay mag-asawa wailang liwag gagaling ka. k) Balad – Ito ay may himig na awit dahilang ito ay inaawit habang may nagsasayaw. Ito ay nilikha noong unang panahon. Sa kasalukuyan ay napapasama na ito sa tulang kasaysayan na may anim hanggang walong pantig. 2. Tula ng Damdamin o Tuilang Liriko – Ang uring ito ay nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili ng sumulat o ng ibang tao, o kaya’y likha ng maharaya o mapangaraping guni-guni ng makata na batay sa isang karanasan. Karaniwang maikli, likas at madaling maunawaan ang mga ito. MGA URI NG TULANG LIRIKO: a) Awiting Bayan – ang karaniwang paksa ng uring ito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa, at kalungkutan. Halimbawa: “CHIT CHIRIT CHIT” Chit chiritchit alibangbang Salaginto salagubang Ang babae sa lansangan Kung gumiri’y parang tandang. Santo Nino sa Pandacan, Puto seco sa tindahan Kung ayaw kang magpautang UUubusin ka ng langgam. Mama, Mama, namamangka Pasakayin yaring bata Pagdating sa Maynila Ipagpalit ng Manika. Ale, ale namamayong Pasukubin yaring sanggol Pagdating sa Malabon Ipagpalit ng bagoong. b) Soneto – ito’y tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na pagkatao, at sa kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa mambasa. Halimbawa: “SONETO NG BUHAY” (Fernando B. Monleo Sa balabang niyog, aking minamalas ang palabang buwang lumantad-sumilip sa abot tanaw ko’y sultanang liwanag na napapaaasan sa aking pag-ibig..... sa lunday na puting kabigin-itulak pati paningin ko’y naglalakbay langit aling puso kaya ang di mangangarap kung ang kalikasa’y isang panaginip umigpa sa aking manlulumong diwa ang mga anino niring panimdim ang dalitang iwi’y nalimot na kusa madaling araw na, nang ako’y gumising pangarap! pangarap! pangarapang buhay! kaambil: ligaya; katapat; libingan! k) Elehiya – nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao. Halimbawa: “AWIT SA ISANG BANGKAY” (Bienvenido A. Ramos) Ngayong hatinggabi’y nais kong awitin
  • 16. ang ayaw marinig ng aking Diwata; awit na kaiba may bagong pagtingin may dugo ng buhay may tamis ng luha awit na hinabi ng buwang may silim ... (isinumpang awit ng mga bathala) Anila, ang awit ang kagandahan na nakaayubo sa ating paligid mabituing langit, bagwis ng amihan maingay na lunsod, at payapang bukid; (di iyan ang awit na ngayon ay alay... iya’y dati na’t mga lumang himig) Ang awit kong ito’y pipi’t walang nota at dilat sa labi ng mga pulubi kalan ay nasagpang ng mga buwitre aninong madapa sa mga bangketa sa gabing ang buiwa’y ni ayaw ngumisi Notang sa silabato’y nagbinhi ng takot at gintong makuyom sa bantay-salakay sa bawat lansanga’y uwak na magtanod laganap ang salot sa hulo’t luwasan .... (Sino ang pipigil, kung ito ay agos, kung pati ang puno ay yagit na lamang?) Inihimig pang pangako ring wasak sa binging pandinig ng mga naburol agunyas man ito’y makaaagnas sa pusong nagmoog sa daya at lason.... (May bunyi ang awit ng palayong uwak pagkat naging uwak ang lahat ng ibon!) Di para sa iyo ang awit kong ito (Naririnig mo ba ang paos kong tinig?) ang inaaawit ko’t para sa supling mo kung magsusupling ka sa baog mong hasik.... Ngayong hatinggabi ay aawitin ko ang kamatayan mong di magbagong-binhi d) Dalit – awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa buhay. Halimbawa: O Mariang sakdal dilag Dalagang lubhang mapalad Tanging pinili sa lahat Ng Diyos Haring Mataas Itong bulaklak na alay Ng aming pagsintang tuinay Palitan mo Birheng Mahal Ng tuwa sa kalangitan (Koro) Halina’t tayo’y mag-alay Ng bulaklak kay Maria Halina’t magsilapit Dine sa Birheng marikit Ng isang kaibig-ibig Dakilang Reyna sa langit Ng ampuni’t saklolohan Tayong mga anak niya e) Pastoral – ito’y may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid. Halimbawa: “BAYANI NG BUKID” (Al Perez) Ako’y magsasakang bayani ng bukid Sandata’y araro matapang sa init Hindi natatakot kahit na sa lamig Sa buong maghapon gumagawang pilit. Ang kaibigan ko ay si kalakian Laging nakahanda maging araw-araw
  • 17. Sa pag-aararo at sa paglilinang Upang maihanda ang lupang mayaman. Ang haring araw di pa sumisikat Ako’y pupunta na sa napakalawak Na aking bukiring laging nasa hagap At tanging pag-asa ng taong masipag. Sa aking lupain doon nagmumula Lahat ng pagkain nitong ating bansa Ang lahat ng tao, mayaman o dukha Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa. Sa aking paggawa ang tangi kong hangad Ang aki’y dumami ng para sa lahat Kapag ang balana’y may pagkaing tiyak Umaasa akong puso’y nagagalak. At pagmasdan ninyo ang aking bakuran Inyong makikita ang mga halaman Dito nagmumula masarap na gulay Paunang pampalakas sa aking katawan. Sa aming paligid namamalas pa rin Ang alagang hayop katulad ng kambing Baboy, manok, pato’y alay ay pagkain Nagdudulot lakas sa sariling atin. Ako’y gumagawa sa bawat panahon Nasa aking puso ang taos na layon Na sa bawat tao, ako’y makatulong At nang maiwasan ang pagkakagutom. Ako’y magsasakang bayani ng bukid Sandata’y araro matapang sa init Hidi natatakot kahit na sa lamig Sa buong maghapon gumagawang pilit. g) Oda – Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang damdamin; walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong. Halimbawa: “TUMANGIS SI RAQUEL” Tumangis si Raquel Wala na ang lusog ng hinubdang dibdib Wala na ang bango ng labing nilanta. Ang mga buwitre’y nagpipiging Sa katawang tinubos Ng tatlumpong putol na pilak. 3. TULANG DULA O PANTANGHALIAN: Saklaw ng uring ito ang mga sumusunod a. Komedya – Isang gawa na ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang kawilihang manonood. Nagwawakas ito ng masaya. Ang tunggalian ay karaniwang nagtatapois sa pagkakasundo ng mga tauhan na siyang nakapagpapasiya ng damdamin ng manonood. b. Melodrama – Ito ay karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musikal, kasama na ang opera. Ngunit ngayon ito ay may kaugnayan sa trahedya tulad din ng parsa sa komedya. Ang sangkap ng uring ito ng dula ay malungkot ngunit nagiging kasiya-siya ang katapusan para sa pangunahing tauhan ng dula. k. Trahedya – Angkop ang uring ito sa dula sa mga tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing tauhan. d. Parsa – Isang uri ng dula na ang layuinin ay magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na mga pangyayaring nakakatawa.
  • 18. e. Saynete – Ang paksa nga ganitong uri ng dula ay mga karaniwang pag- uugali ng tao o pook. 4. TULANG PATNIGAN: Kabilang sa mga uring ito ang mag sumusunod: a. Karagatan – Ito ay batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na naihulog niya sa dagat sa hangarin nitong mapangasawa ang kasintahang mahirap. Hinamon niya ang mga binatang may gusto sa kanya na sisirain ang singsing sa dagat at ang makakakuha’y pakakasalan niya. Sa larong ito, isang kunwa’y matanda ang tutula hinggil sa dahilan ng laro; pagkatapos ay paiikutin ang isang lumbo o tabo na may tandang puti at ang sinumang matapatan ng tandang ito paghinto ay siyang tatan8ungin ng dalaga ng mga talinghaga. b. Duplo – Ito ang humalili sa karagatan.Ito’y paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran ng patula. Ang mga pangngatwiran ay hango sa Bibliya, sa mga sawikain, at mga kasabihan. Karaniwang nilalaro upang aliwin ang mga namatayan. k. Balagtasan – Ito ang pumalit sa duplo at ito’y sa karangalan ng Siense Ng Panginay na si Francisco “Balagtas” Baltazar. Ito’y tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangngatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Kahulugang Saklaw ng Panitikang Filipino Saklaw ng Panitikang Filipino ang mga sumusunod: 1. Ang kasaysayang pinagdaanan ng Panitikang Filipino mula sa panahon bago dumating ang mga Kastila hanggang sa kasalukuyan. 2. Ang mga akdang sinulat sa wikang banyaga ng mga Pilipino at dayuhang manunulat subalit ang nilalaman ay tungkol sa mga saloobin, damdamin, at kalinangang Pilipino. 3. Mga akdang sinulat ng ating mga dakilang manunulat na Pilipino bagamat ang mga paksain ay sa dayuhan. 4. Higit sa lahat, saklaw ng Panitikang Filipino ang mga akdang sinulat ng mga manunulat na Pilipino at ang mga paksa’y nahihinggil sa lahi’t kalinangang Pilipino. MGA TULONG SA PAG-AARAL I. Sagutin ang mga sumusunod: 1. Ano ang panitikan? Magbigay ng kahulugan ng panitikan ayon sa paborito mong manunulat at ipaliwanag ang kaniyang pakahulugan. 2. Ano ang kasaysayan? Paano ito nauugnay sa panitikan? 3. Anu-ano ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng panitikan? Ipaliwanag ang bawat isa. 4. Bakit dapat mag-aral ng panitikan? 5. Anu-ano ang mga mahahalagang bagay na nakapangyayari sa panitikan? Ipaliwanag kung paano nakapagdudulot ng impluwensiya sa tao ang bawat isa? 6. Anu-ano ang labindalawang akdang pampanitikan na nagdala ng malaking impluwensiya sa buong daigdig? Saan saan nagmula ang bawat isa? 7. Turan at ipaliwanag ang dalawang pangkalahatang uri ng panitikan. 8. Anu-anong mga akdang pampanitikan ang nabibilang sa tuluyan? Ipaliwanag ang bawat isa at magbigay ng halimbawa. 9. Ilang pangkalahatang uri ng tula mayroon? Turan at ipaliwanag ang bawat isa. 10. Ano ang epiko? Magbigay ng halimbawa. 11. Ano ang pagkakaiba ng awit sa kurido? Magbigay ng halimbawa. 12. Turan ang mga uri ng tulang liriko. Ipaliwanag ang bawat isa at magbigay ng halimbawa. 13. Anu-ano ang mga uri ng dula? Ipaliwanag ang bawat isa.
  • 19. 14. Ano ang karagatan? Paano ang paglalaro nito? 15. Ibigay ang pagkakaiba ng pagtatanghal ng duplo sa balagtasan. 16. Anu-ano ang kahulugang saklaw ng Panitikang Filipino? 17. Anu-anong mga kagandahang-asal ang napapaloob sa mga awit at kurido? 18. Anong kabutihan ang ating mapupulot sa mga awiting bayan? 19. Paano makatuitulong ang dalit at duplo sa pananampalataya ng isang tao? 20. Ano ang kaugnayan ng wika sa pananampalataya ng isang nilalang? II. Pagtapat-tapatin. Hanapin ang sagot sa Hanay A sa Hanay B. Isulat lamang ang titik. Hanay A Hanay B _____ 1. Tulang may labing-apat na taludtod A. Panitikan _____ 2. Binubuo ng sukat na lala-bindalawahing B. Awit pantig at inaawit nang mabagal sa saliw ng gitara K. Bibliya _____ 3. Binubuo ng wawaluhing pantig na sukat D. Epiko at binibigkas sa kumpas ng martsa E. Soneto _____ 4. Tulang nagpapahayag ng damdamin tungkol sa kamatayan G. Talambuhay _____ 5. Mga awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal H. Kasaysayan na Birhen I. Dalit _____ 6. Tulang nagsasalaysay ng Kabayanihan L. Kurido _____ 7. Tala ng kasaysayan ng buhay ng tao M. Elehiya _____ 8. Anumang bagay na naisatitik at may kaugnayan sa buhay at damdamin ng tao N. Komedya _____ 9. Mga bagay na naisatitik at tunay na nangyari O. Liriko _____ 10. Pinagmulan ng Kakristiyanuhan _____ 11. Tulang nagpapahayag ng damdamin ng makata. _____ 12. Dulang nagwawakas sa kasiya-siyang pangyayari at pagkakasundu-sundo ng mga tauhan. III. Turan ang mga sumusunod: _______ 1. Aklat na kinatutuhan ng mga mitolohiya at paalamatan ng Gresya. _______ 2. Pinakabibliya ng mga Muslim. _______ 3. Salaysaying nahahati sa mga kabanata at sumsakop sa mahabang kawing ng panahon. _______ 4. Tulang may layuning maglarawn ng tunay na buhay sa bukid. _______ 5. Paraan ng pagpapahayag na naglalayong humikayat sa mga bumabasa o nakikinig na pumanig sa opinyon ng sumulat o nagsasalita. _______ 6. Aklat na naging batayan ng mga Intsik sa kanilang pananampalataya. _______7. Paraan ng pagpapahayag na nagbibigay katuturan sa isang ideya o konsepto. _______ 8. Aklat na naglalaman ng mga kulto ni Osiris at mitolohiya ng Ehipto. _______ 9. Aklat na kinapapalooban ng “Doce Pares” at “Ronces Valles” ng Pransya. _______ 10. Aklat na nagpapahayag ng pag-uugali at pananampalataya ng mga Italyano.
  • 20. _______ 11. Ipinalalagay na pinakamahalagang epiko sa buong daigdig. _______ 12. Aklat na nagsasaad ng ugaling pampamahalaaan, pangkabuhayan, at panlipunan ng mga Arabo at Persyano. _______ 13. Tulang nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy o iba pang masiglang damdamin. Wlang tiyak na bilang ang pantig o taludtod nito. _______ 14. Dulang paksa’y tungkol sa pag-uugali ng tao o pook. _______ 15. Dula na nagtatapos sa pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing tauhan. _______ 16. Tulang patnigan na ipinalalagay na kahalili ng karagatan. _______ 17. Tulang patnigan na ang pinakapaksa ay tungkol sa singsing ng dlaga ng nahulog sa dgat, na kung sino man ang makapagsasauli sa kaniya nito ay siya niyang pakakasalan. _______ 18. Tulang damdamin na ang karaniwang paksa’y pag-ibig, kawalang pag- asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa o kalungkutan. _______ 19. Aklat na nagpapahayag ng katangiang panlahi ng mga Kastila at ng kanilang kasaysayang pambansa. _______ 20. Aklat mula sa Estados Unidos at naging batayan ng demokrasya. KABANATA 2 Panahon Bago Dumating ang mga Kastila KAPALIGIRANG KSAYSAYAN Noon pa mang hindi pa dumarating sa ating kapuluan ang mga Kastila, at maging ang iba pang mga dayuihan, ang ating mga ninuno ay may sarili nang panitikang nagtataglay ng kasaysayan ng ating lahi. Panitikan ang nagpapahiwatig ng tunay na pagkalahi natin. Nagsisilbi itong wika ng Pilipino na nagbubunyag ng panlipunan at panlahing kaugalian ng ating pang-araw-araw na buhay, na nababakas sa mga kuwentong bayan, alamat, epiko, kantahing bayan, kasabihan, bugtong, palaisipan, sinaunang dula, at maikling kuwento. Mayroon na rin ang ating ninuno noon ng sariling baybayin o alpabetong kaiba sa kasalukuyang ginagamit na dinadala ng mga Kastila. Ito ay ang alibata – ang abakadang kahawig ng Malayo-Polinesyo, na unang ginamit ng ating ninuno. Anumang talang pampanitikan ng ating mga ninuno ay sinunog lahat ng mga naturang pari sa paniniwalang ang mga iyon ay likha ng diyablo. Maliban sa katuwirang ‘yun, nabuo sa kanilang sarili na magiging sagabal ang mga talang nakuha nila sa madaling pagpapalaganap ng pananampalatayang Katoliko. Subalit mayroong mga talang di pa rin nasunog. Kabilang sa mga ito ay mga kantahing bayan na siya na mang magpapatunay ng pagkakaroon natin ng sariling kalinangan. Mabilis itong nagpaslin-salin sa bibig ng mga katutubong mamamayan hanggang sa dumating ang mga palimbagan na nagkaroon ng interes na iplimbag ang mga napulot na talang pampanitikan ng matatandang Pilipino.
  • 21. Ang mga ninuno natin ay gumamit ng biyas ng kawayan, talukap ng bunga o niyog, at dahon at balat ng mga punongkahoy bilang sulatan. Ang mga panulat ay matutulis na kawayan o kahoy, dulo ng lanseta, at matutulis na bato at bakal. Kahit na ang bumbong na pansalok ng inuman ay tinatalaan nila ng mahahalagang pangyayari sa buhay. Pinatutunayan ng mga Kastilang nanakop sa Pilipinas na ang ating mga ninuno ay talagang mahihilig sa mga tula, awit, kuwento, bugtong, at palaisipan na mapaghanggang ngayon ay nagdudulot pa sa atin ng kasiyahan at nagiging tagapagbadya sa salinlahi ng tunay na kalinangan at kultura ng ating lahi. MGA BAHAGI NG PANITIKANG FILIPINO BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA Bago pa dumating ang mga kastila, ipinalalagay na ang ating mga ninuno ay mayaman na sa mga alamat, kuwentong bayan, epiko, awiting bayan, mga karunungang bayan ng bugtong, sawikain, salawikain, palaisipan, at bulong. Mayroon na rin silang tula at dula noong panahong ‘yon. ANG ALAMAT Ang alamat ay isang uri ng panitikang tuluyan, na ang karaniwang paksa ay nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, pook, kalagayan, o katawagan. Mababakas na ang mga pangyayari ay likhang-isip lamang, salat sa katotohanan at tunay na di-kapanipaniwala. Subalit ang mga matatandang kaugaliang Filipino ay masasalamin din sa mga akdang ito. Ang layuinin nito’y manlilibang. Narito ang isang halimbawa: Ang mga kuwentong bayan ay binubuo ng mga kuwento tungkol sa buhay, pakikipagsapalaran, pag-iibigan, katatakutan, at katatawanan na kapupulutan ng magagandang aral sa buhay. Ang dulot nito sa atin ay totoong kapakipakinabang, sapagkat nakatuitulong ito upang mapahalagahan ang ating kapaligiran, masuri ang ating katauhan at pagbabago ng ating pananaw sa buhay. Narito ang halimbawa: “SI BULAN AT SI ADLAW” (Kuwentong bayan ng mga Tinggiyan) Noong unang panahon daw ay may mag-asawang nagngangalang Builan at Adlaw. Sa tamis ng kanilang pagsasama ay nagkaanak sila ng marami. Nagpatuloy ng pag-aanak si Bulan hanggang sa mapuna ni Adlaw na maraming-marami na pala ang mga anak nila at nagsisikap na sila sa kanilang buhay. Naisip ni Adlaw na kausapin si Bulan na pagpapatayin na lamang nila ang iba nilang mga anak upang muling lumuwag sa kanilang tinitirhan. Tumutol si Bulan sa mungkahi ni Adlaw at ito ang naging dahilan ng kanilang madalas na pag-aaway. Halos araw-araw ay nag-aaway sila. Nang hindi na makatiis si Bulan, ay nagpasiya siyang makipaghiwalay na lamang kay Adlaw. Lalong nagalit si Adlaw. Pumayag din siyang makipaghiwalay kay Bulan sa kundisyong isasama lahat ni Bulan ang kanilang mga anak at huwag ng pakikitang muli sa kanya. Kaya ngayon, makikitag si Adlaw o ang araw ay nag-iisang sumisikat sa araw, at si Bulan o ang Buwan ay sa gabi na lamang lumilitaw kasama ng kanyiyang mga anak na mga bituin. At kapag nagkakatagpo sila, sumisidhi raw ang galit ni Adlaw kay Bulan. Tinutugis niya ito na siya raw dahilan ng pagkakaroon natin paminsan-minsan ng laho o eklipse. PANAHON NG EPIKO Napakaraming epiko ang nagsilitaw sa panahong ito, subalit walang sinumang makapagsabi kung alin sa mga epiko ang pinakamatanda subalit maging sa Ingles at Kastila at sa iba pang wika, ang pagkakasalin nito ay hindi pa naluluma. Maging ang panahon ng pagkakasulat nito ay maaaring hula-hula lamang nang ayon sa nasasalig na panahon ng pangyayaring isinalaysay ng epiko. Sinasabing ang “Hudhud” at “Alim” daw ng mga Ipugaw ay maaaring sa panhon pa nang ang bakal ay hindi nakikilala ng tao at ang kanilang mga kagamitan ay yari pa sa bato. Ang “Ibalon” ng Bikol na natutungkol sa unang tao sa kabikulan ay ipinalalagay na nangyari bago pa mag-“Dilubyo”. At ang “Maragtas” ng mga Bisaya ay malinaw na naglalahad na panahon na ni Kristo nang mangyari ito. Bukod sa mga nabanggit na epiko, marami pang kahawig ng mga ito na maaaring mabasa at mapag-aralan tulad ng: a. Bidasari – epiko ng Moro
  • 22. b. Biag ni Lam-Ang – epiko ng Iloko k. Maragtas – epiko ng Bisaya d. Haraya –epiko ng Bisaya e. Lagda – epiko ng Bisaya g. Hari sa Bukid – epiko ng Bisaya h. Kumintang – epiko ng Tagalog i. Parang Sabir – epiko ng Moro l. “Dagoy” at “Sudsud” – epiko ng mga Tagbanua m. Tatuang – epiko ng mga Bagobo n. Indarapatra at Sulayman epiko ng Moro na o. Bantugan bumubuo sa “Darangan” p. Daramoke-A-Babay Tunghayain natin ang ilan sa kabuuan ng mga epiko. Biag ni Lam-Ang (Epiko ng mga Iloko) Ang epikong ito ay isinulat ni Pedro Bukaneg. Ang may-akdang ito ay sinasabing itinapon ng mga magulang sa ilog ng Abra noong siya’y sanggol pa dahilan sa siya ay bulag ng inianak. Subalit isang babae ang nakapulot sa kaniya at siya’y ibinigay sa isang paring Agustino. Pinangalanan siyang Pedro Bukaneg, pinakalaki, at pinag-aral hanggang sa siya’y maging dalubhasa sa kastila at sa Samtoy (wikang Iloko). Sa kasalukuyan, kinikilala siyang “Ama ng Panitikang Iloko”. Sa kanya rin hango ang salitang “Bukanegan” na nangangahulugan sa Tagalog ng “Balagtasan”. Ang Banghay ng Kasaysayang Biag ni Lam-Angi Sa Nalbuan (sakop ngayon ng La Union) ay may nakatirang mag-asawa na nagngangalang Don Juan at Namongan. Nang malapit nang manganak si Namongan, si Don Juan ay napasa-bundok upang parusahan ang isang pangkat ng mga Igorot. Hindi pa siya nakababalik nang magsilang ng sanggol na lalaki si Namongan. Ang sanggol ay nagsalita agad at hininging “Lam-Ang” ang ipangalan sa kanya. Siya na rin ang pumili ng kaniyang magiging ninong. At dahil sa ang ina lamang niya ang kaniyang nakikitang nag-aalaga sa kaniya ay naitanong niya kung sino at nasaan ang kaniyang ama. Nang siyam na buwan na si Lam-Ang at ang ama ay di pa nagbabalik, ang bata’y sumunod sa kabundukan. Sa daan ay napanaginip niyang ipinagdiriwang ng mga Igorot ang pagkamatay ng kanyang ama. Galit siyang nagising at mabilis na nilakbay ang tirahan ng mga Igorot na inabot pa niyang nangagsasayawang paligid- ligid sa pugot na ulo ng kanyang ama. Pinatay ni Lam-Ang ang mga Igorot, maliban sa isang pinahirapan muna bago pinawalan. Nang magbalik sa Nalbuan, si Lam-Ang ay pinaliguan ng ilang babaing kaibigan sa Ilog ng Amburaya. Sa kapal ng libag at sama ng amoy na nahugasan sa katawan, ang lahat ng mga isda sa ilog ay nangamatay. May naibigan si Lam-Ang na isang babaing nagngangalang Ines Kanoyan, sa bayan ng Kalunatian, karatig-bayan ng Nalbuan. Dumayo siya sa bayan nito upang manligaw, na kasama ang isang puting tandang at isang aso. Nakasalubong niya sa daan si Sumarang na manliligaw rin kay Ines. Nag-away sila at madaling napatay si Sumarang. Sa harapan ng bahay nina Ines ay nakatagpo ni Lam-Ang iba pang lumiligaw rito. Pinatilaok ni Lam-Ang ang tandang at pagdaka’y isang bahay sa tabi ang bumagsak. Dumungaw si Ines. Pinatahol ni Lam-Ang ang aso, at sa isang iglap, ang bahay na natumba ay tumindig uli. Nanaog si Ines na kasama ang mga magulang. Ipinahayag ng tandang ang pag-big ni Lam-Ang. Ang mga magulang ni Ines ay sumagot na payag sila kung mapapantayan ni Lam-Ang ang kanilang kayamanan.
  • 23. Umuwi si Lam-ang. Nang magbalik siya sa Kalanutian (bayan ni Ines) ay sakay siya sa kaskong puno ng gintong ang halaga ay higit sa kayamanan nina Ines. Kaya’t sila’y ikinasal at nagkaroon ng malaking pagdiriwang. Ilang panahon ang lumipas, pinagsabihan ng apo ng bayan si Lam-ang na turno nito ang manghuli ng rarang (isda). Tungkulin ito ng lahat. Ipinagtapat ni Lam-ang kay Ines na may kutob siyang siya’y makakagat at mapapatay ng berkakan (isdang kauri ng pating) kapag nanghuli ng rarang. At nagkatotoo nga. Namatay si Lam-ang. Sa laki ng lungkot ni Ines ay tinawag ng tandang ang isang maninisid at ipinatapon ang mga buto ni Lam-ang. Nang mapagbuu-buo ang kalansay sa pangangalaga ng tandang at sa tahol ng aso, si Lam-ang ay muling nabuhay. Ganap na naging maligaya ang mag-asawang Lam-ang at Ines at namuhay nang payapa. Alim (Epiko ng mga Ipugaw) Noong unang panahon, ang mga tao ay may masagana, maligaya, at tahimik na pamumuhay. Ang daigdig ay pawang kapatagan ang mamamalas maliban sa dalawang bundok, ang bundok Amuyaw sa silangan at bundok Kalawitan sa Kanluran. Doon sila naninirahan sa pagitan ng dalawang bundok na ito. Walang mga suliranin ang mga tao tungkol sa kabuhayan. Ang mga pagkain ay nasa paligid lamang nila. Mga biyas ng kawayan ang kanilang pinagsasaingan. Malaki rin ang butil ng kanilang bigas. Ang kanilang inumin ay nanggagaling sa katas ng tubo na kung tawagin ay bayak. Kung nais nila ng ulam na isda ay sumasalok lamang sila sa sapa at ilog. Maamo ang usa at baboy-ramo, kaya madaling hulihin kung nais nilang kumain nito. Anupa’t kahit na ano ang maisipan nilang pagkain ay mayroon at sagana. Subalit dumating sa kanilang buhay ang isang napakalungkot na pangyayari. Nagkaroon ng tagtuyot. Hindi man lamang pumatak ang ulan. Namatay ang lahat ng mga halaman at mga hayop. Nangamatay rin ang ilang tao sa uhaw at gutom. Naisip ng iba na hukayin ang tubig. Dahil sa lakas ng pagbalong ng tubig ay may mga namatay. Nagdiwng din ang mga tao kahit may nangamatay, sapagkat sila’y may tubig na. Subali’t hindi naghinto ang patuloy na pagbalong ng tubig hanggang sa mangalunod ang lahat ng mga tao sa magkapatid na Wigan at Bugan. Ang lalaki, si Wigan, ay napadpad sa bundok ng Amuyaw at ang babae, si Bugan, ay ipinadpad ng baha sa bundok ng Kalawitan. Sa wakas ay humupa ring ang baha. Si Bugan ay nakapapaningas ng apoy at ito’y nakita ni Wigan. Sumampa si Wigan sa bundok Kalawitan at nagkita silang magkapatid. Naglakbay sila sa iba’t ibang pook upang maghanap ng mga tao subalit wala silang natagpuiang isa man. Nagtayo si Wigan ng isang kubo at dito niya iiniwan si Bugan at siya’y nagpatuloy pang muli sa paghahanap. Sa wakas ay napagtanto niyang sila lamang magkapatid ang natira sa daigdig. Lumipas ang panahon at naramdaman ni Bugan na siya’y nagdadalang-tao. Dala ng kahihiyan sa sarili ay naisip niyang magpatiwakal subali’t hinadlangan siya ng kanilang Bathala, si Makanungan. Ikinasal silang magkapatid at sinabing ito’y hindi kasalanan sapagkat iyon lamang ang paraan upang dumaming muli ang tao sa daigdig. Nagkaanak sila ng siyam- apat na babae at limang lalaki. Ikinasal ang apat na babae sa unang sa apat na lalaki kaya’t ang huling lalaki o bunso ay walang naging asawa. Ang ngalan ng busong ito ay Igon. Sumapit ang panahong nagkaroon ng tagtuyot. Wala silang makain. Naisip nilang dumulog kay Makanungan. Bilang handog sa Bathala ay nanghuli si Wigan ng isang daga at inihandog sa Bathala. Nang hindi sila kaawaan ng Bathala ay iginapos si Igon at pinatay upng ihandog na naman sa Bathalang Makanungan. Nilunasan ni Makanungan ang tagtuyot at dumalo pa sa kanilang handaan subalit laban sa kanyang kalooban ang ginawa nila kay Igon. Dahil daw sa ginawa nilang iyon kay Igon ay parurusahan sila, ang angkan nila ay magkakahiwalay. Ang magkakapatid na mag-asawa ay magtutungo sa hilaga, sa timog, sa silangan, at sa kanluran. At sa pagkakataong sila’y magkatagpu-tagpo ay mag-aaway at magpapatayan sila. Ito raw ang sumpa ni Makanungan na tumalab sapagkat kahit ngayon, ang magkapatid, mag-aama, magpipinsan, o magkakamag-anak ay nagpapatayan. MGA AWITING BAYAN Ang mga awiting bayan ay isa sa mga matatandang uri ng panitikang Filipino na lumitaw bago dumating ang mga Kastila. Ito’y mga naglalarawan ng kalinangan ng ating tinalikdang panahon. Karamihan sa mga ito ay may labindalwahing pantig. Tunghayan natin ang mga sumusunod:
  • 24. Kundiman (Awit ng Pag-ibig) Noong unang panahon ako ay bata pa, Natisod mo na ay di pa alintana, Nang ako’y lumaki at maging dalaga, Tila sa wari ko ay may pagbabanta pa. Pagsinta mo sa akin ay di ko tatanggapin, Pagkat akong ito ay alangan sa tingin, Ako ay mahirap, pangit pa sa tingin, Bakit naman ngayon ay iyong iibigin. Kumintang o Tagumpay (Awit ng Pandigma) Ang nuno nating lahat, Sa gulok di nasisindak, Sa labanan di naaawat, Pinuhunan buhay, hirap, Upang tayong mga anak, Mabuhay nang mapanatag. Ang Dalit o Imno (Awit sa Diyos-diyosan ng mga Bisaya) Pumanaog, pumanaog si Mansilatan, Saka si Badla ay bababa, Mamimigay ng lakas, Pasayawin ang mga Baylan, Paligiran ang mga Baylan. Ang Oyayi o Hele (Awit sa Pagpapatulog ng Bata) Tulog na bunso Ang ina mo ay malayo Di ka niya masundo Pagkat ang daa’y maputik at mabalaho. Diona (Awit sa Kasal) Umawit tayo at ipagdiwang, Ang dalawang pusong ngayon ay ikakasal, Ang daraanan nilang landas, Sabuyan natin ng bigas. Suliranin (Awit ng mga Manggagawa) Hala gaod tayo, pagod tiisin, Ang lahat ng hirap pag-aralang bathin, Kahit malayo man, kung aking ibigin, Daig ang malapit na ayaw lakbayin. Kay–pagkasawing palad ng Ianak sa hirap, Ang bisig kundi iunat, Di kumita ng pilak. Talindaw (Awit sa Pamamangka) Sagwan, tayo ay sumagwan, Ang buong kaya ay ibigay, Malakas ang hangin, Baka tayo ay tanghaliin, Pagsagway pagbutihin. MGA KARUNUNGANG BAYAN Mayamang-mayaman tayo sa mga karunungang bayan bago pa dumating ang mga Kastila. Binubuo ito ng mga salawikain, sawikain, bugtong , palaisipan, kasbihan, at mga kawikaan.
  • 25. 1. Salawikain – ito’y nakaugalian nang sabihan at nagsilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno. Ayon sa iba, ito’y parang parabulang patalinghaga at nagbibigay ng aral, lalo na sa mga kabataan. Halimbawa: 1. Aanhin pa ang damo, kung wala na ang kabayo. 2. Ang maniwala sa sabi-sabi, Walang bait sa sarili. 3. Hamak mang basahan, May panahong kailangan. 4. Sa paghahangad ng kagitna, Isang salop ang nawala. 5. Kung ikaw ay may ibinitin, Mayroon kang titingalain. 6. Kung sino ang matiyaga, siyang nagtatanong pala. 7. Hanggang maiksi ang kumot, Magtiis kang mamaluktot. 8. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita. 9. Ang masama sa iyo, Huwag mong gawin sa kapwa mo. 10. Kahoy nababad sa tubig Sa apoy huwag ilapit, Pag nadarang sa init Sapilitang magdirikit. 11. Ang buhay ng tao ay parang gulong, Magulungan at magkagulong. 12. Ang walang pagod magtipon, Walang hinayang magtapon. 2. Sawikain – mga kasabihang walang natatagong kahulugan. Halimbawa: 1. Nasa Diyos ang awa Nasa tao ang gawa. 2. Ang tunay na kaibigan Sa gipit nasusubukan. 3. Daig ng maagap Ang taong masipag. 4. Ang sakit kapag naagapan Madali itong malulunasan. 5. Huwag mong ipaglaban Ang magagawa sa kasalukuyan. 6. Minsan kang pinagkatiwalaan Huwag mong pababayaan. 7. Ang tao ay matatalos Sa kaniyang pananalita at kilos. 8. Ang taong matiisin Nakakamit ang mithiin. 9. Ang mabigat na gawain ay gumagaan Kung marunong ka ng paraan. 10. Sa pagsisikap ay nakasalalay Ang pagtatagumpay ng buhay. 3. Bugtong – ito’y binubuo ng isang o dalawang taludtod na maikli na may sukat o tugma. Ang pantig naman nito ay maaaring apat o hanggang labindalawa.
  • 26. Halimbawa: 1. Bungbong kung liwanag, Kung gabi ay dagat. (banig) 2. Dalawang batong itim, Malayo ang nararating. (mata) 3. Isang supot na uling, Naroo’t bibitin-bitin. (duhat) 4. Isang tabo, Laman ay pako. (pako) 5. Hinila koang baging, Nagkakara ang matsing. (batingaw) 6. Bumili ako ng alipin, Mataas pa sa akin. (sambalilo) 7. Lumalakad ay walang humihila, Tumatakbo ay walang paa. (bangko) 8. Dalawang katawan, Tagusan ang tadyang. (hagdan) 9. Nanganak ang aswang, Sa tuktok nagdaan. (saging) 10. May ulo’y walang buhok, May tiyan, walang pusod. (palaka) 11. Pinipinlit, kineterman, Pinutungan ng mainam. (buyo) 4. Palaisipan – noon pa man ay may tawag na ring palaisipan ang ating mga ninuno. Halimbawa: Palaisipan: May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang bola nang di man lang nagalaw ang sombrebro? Sagot: Butas ang tuktok ng sombrero. Palaisipan: May isang prinsesang sa tore ay nakatira, balita sa kaharian, pambihirang ganda. Bawal tumingala upang siya’y makita. Ano ang gagawin ng binatang sumisinta? Sagot: Iinom ng tubig upang kunwa’y mapatingala at makita ang prinsesa. Palaisipan: Paano tatawa ang dalaga na hindi makikita ang kaniyang ngipin? Sagot: Tatakpan ng kaniyang palad ang kaniyang ngipin? 5. Bulong – ang bulong ay ginagamit na pangkulam o pangingkanto. Halimbawa: Ikaw ang nagnanakaw ng bigas ko Lumuwa sana ang maga mata mo. Mamaga sana ang katawan mo. Patayin ka ng mga anito. Dagang malaki, dagang maliit, Ayto ang ngipin kong sira na’t pangit, Sana ay bigyan mo ng bagong kapalit. Huwag magagalit, kaibigan, aming pinuputol lamang ang sa ami’y napag-uutusan. 6. Kasabihan – ang kasabihan ay karaniwang ginagamit sa panunukso opagpuna sa kilos ng isang tao. Halimbawa: Putak, putak Batang duwag Matapang ka’t Nasa pugad. 7. Kawikaan – ay kauri ng sawikain na ang kaibahan lamang ay laging nagtatalagay ng aral sa buhay. Halimbawa: 1. Ang panahon ay samantalahin
  • 27. Sapagkat ginto ang kahambing. 2. Pag talagang palad Sasampa sa balikat. 3. Ang kapalaran di man hanapin Dudulog, lalapit kung talagang akin. 4. Ang katamaran ay kapatid Kapatid ng kagutuman. 5. Ang di marunong magbata Di magkakamit ng ginhawa. 6. Walang ligaya sa lupa Na di dinilig ng luha. 7. Ang kasipagan ay Kapatd ng kariwasaan. 8. Ang taong matiyaga Anuman ay nagagawa. 9. Walang batong sakdal tigas Na sa patak ng uilan ay di-naaagnas. 10. Ang ulang tikatik Siyang malakas magpaputik. ANG UNANG TULANG TAGALOG Ipinalalagay na mga unang tulang Filipino ang mga awiting bayan, salawikain, sawikain, bugtong, bulong, at mga kasabihan dahil sa taglay na sukat at tuigma ng mga ito. MGA TULONG SA PAG-AARAL I. Sagutin ang mga sumusunod: Patunayan na ang ating mga ninuno ay mayroon nang sariling panitikan bago pa dumating ang mga Kastila. Anu-anong mga bagay ang ginamit ng ating mga ninuno bilang sulatan? Anu-ano ang bahagi ng panitikan na nakahiligan ng ating mga ninuno nang panahong ito? Ano ang alamat? Magbigay ng halimbawa. Ano ang kuwentong bayan? Paano ito naiiba sa alamat? Magbigay ng halimbawa at isalaysay. Ano ang epiko? Magbigay ng halimbawa at isalaysay. Ano ang katangian ng mga awiting bayan? Magbigay ng mga halimbawa ng uring ito ng panitikan at turan kung saan inaawit. Anu-ano ang ipinalalagay na mga karunungang bayan? Bakit? Ibigay ang pagkakaiba ng sawikain at salawikain. Magbigay ng halimbawa ng bawat isa. Ano ang bugtong? Magbigay ng halimbawa. Ano ang palaisipan? Magbigay ng halimbawa. Alin sa mga karunungang bayan ang ginagamit na pangkulam o pang-ingkanto ng ating mga ninuno? Magbigay ng halimbawa ng uring ito ng panitikan. Ano ang kasabihan? Magbigay ng halimbawa. Alin-aling akdang pampanitikan ang ipinalalagay ng mga unang tula? Bakit? Anong tulong ang magagawa ng mga salawikain sa paghubog ng kagandahang asal ng ating mga kabataan sa ngayon? May kaugnayan ba ang karunungang bayan sa ating pamumuhay? Maging gabay sa ating pamumuhay? II. Punan ang mga patlang. Ang (1) ________ ay epiko ng Ilokano. Ito ay isinulat ni (2) ________ na kinilala bilang (3) ________ na nangangahulugan sa Tagalog ng Balagtasan.
  • 28. Sa epikong ito ng mga Ilokano, ang pangunahing tauhan ay si (5) ________, na anak nina (6) ________ at (7) ________ ng Nalbuan. Ang (8) ________ at (9) ________ ay epiko ng mga Ipugaw na sinasabing nangyari nang hindi pa nakikilala ng tao ang bakal. Sa epikong Alim, ang natirang magkapatid sa daigdig na naging mag-asawa ay sina (10) ________ at (11) _______. Sila ay ikinasal ng kanilang bathalang si (12) _______. Nagkaanak sila ng (13) ________ na babae at (14) _______ lalake. Pinarusahan sila ng kanilang bathala dahil sa pagkakapatay nila sa kanilang bunsong anak na si (15) _______ bilang paghahandog sa nasabi ring bathala. III. Pagtapat-tapatin: Hanapin ang sagot ng Hanay A sa Hanay B. Titik lamang ang isulat na sagot: Hanay A Hanay B _____ 1. Awit ng Pag-ibig A. Ibalon _____ 2. Awit sa Pagkakasal B. Salawikain _____ 3. Awit na Pandigma K. Sawikain _____ 4. Awit sa Pamamangka D. Kundiman _____ 5. Awit sa Pagpapatulog ng bata E. Maragtas _____ 6. Awit sa Diyos-diyosan ng mga Bisaya G. Suliranin _____ 7. Awit ng Manggagawa H. Dalit o Imno _____ 8. Mga kasabihang walang natatagong kahulugan I. Diona _____ 9. Mga kasabihang may natatagong kahulugan L. Tatuaang _____ 10. Epiko ng Moro M. Oyayi _____ 11. Epiko ng Tagalog N. Talindaw _____ 12. Ginagamit na pangkulam NG. Tagumpay o Kumintang _____ 13. Epiko ng mga Bagobo O. Kumintang _____ 14. Epiko ng Bisaya P. Bulong _____ 15. Epiko ng Bikol R. Bidasari IV. Turan ang mga sumusunod ________ 1. Akdang pampanitikan na naglalarawan ng kalinangan ng ating tinalikdang panahon. ________ 2. Mga kasabihang karaniwang ginagamit na panukso o pagpuna sa kilos ng tao. ________ 3. Mga kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao. ________ 4. Isang uri ng panitikang tuluyan na ang karaniwang paksa ay nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, pook, kalagayan, o katawagan. ________ 5. Epiko na natutungkol sa mga unang tao sa kabikulan.
  • 29. ________ 6. Mga parabulang patalinghaga na nagbibigay aral sa mga kabataan. ________ 7. Binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli, may sukat at tugma, at nangangailangan ng mabilis na kasagutan. ________ 8. Epikong nagpapahayag ng sanhi ng away ng mga tao sa sandaigdigan. ________ 9. Ama ng Panitikang Iloko. ________ 10. Epiko ng mga Moro na nagpapahayag na ito’y panahon pa ng kaharian ng Bumbaran at lumubog sa dagat Pasipiko noong Dilubyo. KABANATA 3 Panahon ng mga Kastila KALIGIRANG KASAYSAYAN Ang isinasaalang-alang na unang pananakop ng mga Kastila sa ating kapulun ay ang pananatili rito ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1565, bilang kauna- unahang Kastilang gobernador-heneral. At dito nagsimula ang panitikan ng mga tao rito. Ang diwa ng pasimulang ito ay nagpatuiloy nang walang pagbabago hanggang sa pagkakaroon ng digmaan sa Kabite noong 1872. Higit sa tatlong dantaon din ang pananakop na ito ng mga Kastila. Sa mga panahong iyon, maraming pagbabago ang naganap sa buhay ng mga Pilipino. Tinangkilik nila ang relihiyong Katoliko. Nagpalit sila ng mga pangalan at nagpabinyag. Nagbago ang anyo ng kanilang pamamahay. Nagkaroon ng mga bahay na bato at tisa, mga magagandang kasangkapang tulad ng piyano, muwebles, at mga kagamitang pangkusina. Nagkaroon din ng mga sasakyang tulad ng karwahe, tren, at bapor. Natuto silang magdiwang ng mga kapistahan bilang parangal sa mga santo, sa Papa, at sa gobernador. Bilang libangan, nagkaroon ng mga sabong, karera ng kabayo, at teatro. Ang mga pagbabagong ito ay nagbigay din ng daan sa pagkakabuo ng ilang pangkat ng “may-kaya” na may mga ari-arian at lupain. May ilan din sa mga Pilipino ang nakapag-aral at nakakuha ng kurso tulad ng medisina, abugasya, agrikultura, at pagiging maestro. Ang mga kursong ito ay halos natapos nila rito na rin sa Pilipinas sa pagkat marami na rin namang paaralan ang naitatag nang mga panahong ‘yon. MGA IMPLUWENSYA NG KASTILA SA PANITIKANG FILIPINO Dahil sa matagal na pagsasakop sa atin ng mga Kastila, di maikakailang malaki ang impluwensyang naidulot nito sa Panitikang Filipino. 1. Ang “Alibata” na ipinagmamalaking kauna-unahang abakadang Filipino na nahalinhan ng alpabetong Romano. 2. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga gawang makarelihiyon. 3. Ang wikang Kastila na naging wika ng Panitikan nang panahong yaon. Marami sa mga salitang ito ang naging bahagi ng wikang Filipino. 4. Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at tradisyong Europeo rito na naging bahagi ng Panitikang Filipino tulad ng awit, corido, moro-moro, at iba pa. 5. Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan sa Tagalog at sa ibang wikain.
  • 30. 6. Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat pambalarila sa wikang Filipino tulad sa Tagalog, Ilokano, at Bisaya. 7. Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga lathalain ng mga panahong yaon. MGA UNANG AKLAT 1. Ang Doctrina Cristiana – Ito ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noong 1593, sa pamamagitan ng siklograpiko. Akda ito nina Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva. Nasusulat ang aklat sa Tagalog at Kastila. Naglalaman ito ng Pater Noster, Ave Maria, Regina Caeli, Sampung Utos ng Diyos, Mga Utos ng Sta. Iglesya Katoliko, Pitong Kasalanang Mortal, Pangungumpisal, at Katesisimo. Tatlong kopyang orihinal na lamang ang natitira sa aklat na ito na matatagpuan sa Batikano, sa Museo ng Madrid at sa Kongreso ng Estados Unidos. Nagtataglay lamang ng 87 pahina ang akdang ito subalit nagkakahalaga naman ng $5,000. 2. Nuestra Señora del Rosario – Ito ang ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito ni Padre Blancas de San Jose noong 1602 at nalimbag sa Imprenta ng Pamantasan ng Sto. Tomas sa tulong ni Juan de Vera, isang mestisong Intsik. Naglalaman ito ng mga talambuhay ng mga santo, nobena, at mga tanong at sagot sa relihiyon. 3. Ang Barlaan at Josaphat – Ito ang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito sa Tagalog ni Padre Antonio de Borja. Ipinalalagay itong kauna-unahang nobelang napalimbag sa Pilipinas. 4. Ang Pasyon – Ito’y aklat na natutungkol sa buhay at pagpapakasakit ni Hesukristo. Binabasa ito tuwing Mahal na Araw. Nagkaroon ng apat na bersyon sa Tagalog ang akdang ito at ang bawat bersyon ay ayon na rin sa pangalan ng mga nagsisulat. Ang mga ito ay ang Version de Pilapil (Mariano Pilapil), Version de Belen (Gasper Aquino de Belen), Version de la Merced (Aniceto de la Merced), at Version de Guia (Luis de Guia). Isinasaalang-alang na pinakapopular ang Version de Pilapil. 5. Ang Urbana at Felisa – Ito’y aklat na sinulat ni Modesto de Castro, ang tinaguriang “Ama ng Klasikang Tuluyan sa Tagalog.” Naglalaman ito ng pagsusulatan ng magkapatid na sina Urbana at Felisa. Pawang tungkol sa kabutihang-asal ang nilalaman ng aklat na ito, kaya’t malaki ang nagawang impluwensiya nito sa kaugaliang panlipunan ng mga Pilipino. Narito ang buod ng UrBana at Felisa. URBANA AT FELISA ni Padre Modesto de Castro Ang aklat na ito ay pinamagatang “Pagsusulatan ng Dalawang Binibini na sina Urbana at Felisa.” Ang layunin ni P. Modesto sa pagsulat ay upang mangaral sa mga kabataan sa siyudad at sa lalawigan tungkol sa mga pag-uugali, kilos, at makabagong kabihasnan. BUOD: Sina Urbana, Felisa, at Honesto ay magkakapatid na tubo sa isang lalawigan. Nang sila’y magsilaki na, si Urbana ay nagtungo sa Maynila samantalang sina Felisa at Honesto ay nanatili sa lalawigan. Sina Urbana at Felisa ay laging nagsusulatan at sa kanilang mga pagsulat ay lagi nilang pinaaalaala sa bawat isa ang mga ginintuang aral tulad ng pakikipagkapuwatao, mga katungkulan ng tao sa Diyos, pag-iibigan, kalinisan ng kalooban, at mga dakilang aral ng ina sa anak o ng mga anak sa ina. katuilad ng sabi ni Pari modesto kay Urbana na, “Pagkatantuin ng ina na ang kalinisan ng isang dalaga ay parang bubog na kahit di nagkalamat, kahit di mabasag, mahingahan lamang ay nagdurungisan.” Tungkol naman sa pakikipagkapuwa-tao ay binanggit ni Felisa kay Urbana na, “Ang kabaitang di-hamak na ipinakikita mo sa eskuwela na tinitipid mo ang gawi ng kabataang kalaro sa kapuwa-bata, ang kahinhinan ng iyong asal na di-makitaan ng kagaslawa’t katalipandasang magpahangga ngayo’y di-malilimutan ay nagagalak ang loob ko’t nagnasang mahuwaran ang magandang kaasalan mo.” Likas kay Urbana ang mabining kilos at kabaitan sa kapuwa, kaya’t kahit wala na siya sa lalawigan ay bukambibig pa rin ng kaniyang mga guro dahil sa magandang-asal niya at katapatan sa pakikisama sa kapuwa. Ang magagandang gawa ay di-malilimutan kailanman.
  • 31. Sa kanilang pagsusulatan ay nabanggit din ang tungkulin ng mga magulang sa pagtuturo ng kagandahang asal, mga dasal, at karunungan sa pagkilala sa Diyos. Kaya sinabi ni Urbana, na mapalad ang mga anak na may magulang na marunong magturo ng mga katungkulan ng isang anak sa kanilang Diyos. Napag-usapan din nila na kung magbinata si Honesto at magkaroon ng pagkakataong alukin ng katungkulan sa bayan ay di niya dapat tanggapin ang panunungkulan kung karangalan lamang ang nasa. Ngunit kung ito’y pinagkaisahan ng bayan ay dapat na tanggapin sapagkat kaloob ito ng Diyos. Nabanggit din nila na karamihan sa mga nanunungkulan ay may kasakiman at di marunong tumupad sa katungkulan at ang iniisip ay pansariling kapakanan lamang. Kung sakaling tanggapin ni Honesto ang panunungkulan ay dapat siyang maging matapat at di dapat na maging palalo upang di maparusahan ng Diyos. Ang huling tinalakay ni Urbana at Felisa ay ang “Kahatulang Ukol sa Pagsang-ayon sa Kalooban ng Diyos.” Sa pagkamatay ng ama nila pinayuhan ni Urbana si Felisa na umayon sa kagustuhan o kalooban ng Diyos. Ang kapalaran ng isang tao ay naitakda na at di dapat sisihin ang sinuman bagkus ay ipinalangin ang kaluluwa nito. MGA AKDANG PANGWIKA 1. Arte Y Reglas de la Lengua Tagala – sinulat ni Padre Blancas de San Jose at isinalin sa Tagalog ni Tomas Pinpin noong 1610. 2. Compendio de la Lengua Tagala – inakda ni Padre Gaspar de San Agustin noong 1703. 3. Vocabulario de la Lengua Tagala – kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog na sinulat ni Padre Diego Bergano noong 1732. 4. Vocabulario de la Lengua Pampango – unang aklat pang-wika sa Kapampangan na sinulat ni Padre Diego Bergano noong 1732. 5. Vocabulario de la Lengua Bisaya – pinakamahusay na aklat pangwika sa Bisaya na sinulat ni Mateo Sanchez noong 1711. 6. Arte de la Lengua Bicolana – unang aklat pangwika sa Bikol na sinulat ni Padre Marcos Lisboa noong 1754. 7. Arte de la Lengua Iloka – kauna-unahang balarilang Iloko na sinulat ni Francisco Lopez. MGA KANTAHING BAYAN Naging malaganap ang mga kantahing bayan sa buong Pilipinas. May kani- kaniyang kantahing bayan ang mga naninirahan sa kapatagan at maging sa bulubundukin ng Luzon, Bisaya’t Mindanaw. Ang mga kantahing bayan ay tunay na nagpapahayag ng matulaing damdamin ng mga Pilipino. Ipinakikilalang ang mga Pilipino ay likas na nagpapahalaga at maibigin sa kagandahan.Narito ang mga halimbawa ng kantahing bayan. Leron-Leron Sinta (Tagalog) Leron, leron sinta, buko ng papaya Dala-dala’y buslo, sisidlan ng sinta Pagdating sa dulo’y nabali ang sanga Kapos kapalaran, humanap ng iba. Ako’y iibigan mo, lalaking matapang Ang sundang ko’y pito, ang baril ko’y siyam Ang lalakarin ko’y sampu ng dinulang Isang pinggang pansit, ang aking kalaban. Pamulinawen (Iloko) Pamulinawen Pusok imdengamman Toy umas-asog agrayo ita sadiam Panunotermman, di ka pagintutulngan Toy agayat, agrayo ita sadiam Essem ti diak kalipatan Ta nasudi unay a nagan Uray sadin ti ayan, disso sadino man No malagipka, pusok ti mabang-aran.
  • 32. Dandansoy (Bisaya) Dandansoy, bayaan ta ikaw Pag-uli ako sa payaw Ugaling kon ikaw hidlawon Ang payaw imo lang lantawon Dandansoy, kon imo apason Bisan tubig di magbalon Ugaling kon ikaw uhawon Sa dalan magbobon-bobon. Sarong Banggi (Bikol) Sarong banggi sa higdaan Nakadangog ako, hinuni nin sarong gamgam Sa liba ko, katorogan Bako kundi simong voces iyo palan Dagos ako banggon si sakuyang mata iminuklat Sa tahaw nin kadikluman ako nangangalagkalag Si sakuyang mata ipinasirang ko sa itaas Simong laog nahiling kong maluhaan. Duman sa inaaya bantog buayahon Lumangoy si nooy sa kalipongawon Dai pigbabakli ang mga tentasyon Basta mahiling niya ang saiyang kailusyon. Atin Cu Pung Singsing (Kapampangan) Atin cu pung singsing Metong yang timpucan Amana que iti Cang indung ibatan Sangcan queng sininup Quing metong acaban Mewala ya iti Ecu camalayan Quing sucal ning lub cu Susucdul quing banua Mengurus cung gamat Babo ning lamesa Ninumang manaquit Queng singsing cung mana Calulung pusu cu Manginu ya que ya. MGA DULANG PANLIBANGAN Napakarami ng mga dulang panlibangan ang ginanap ng ating mga kalahi noong panahon ng Kastila. Halos lahat ng mga dulang ito ay patula. Narito ang mga sumusunod: TIBAG Dala ito sa atin ng mga Kastila upang ipakita at ipaalaala ang paghahanap ni Sta. Elena sa kinamatayang krus ni hesus sa pamamagitan ng pagtitibag ng bunduk- bundukan. LAGAYLAY Sa mga Pilarenos ng Sorsogon, isang pagkakataon at pag-iipunipon kung buwan ng Mayo ang pagkakaroon ng lagaylay. Abril pa lamang, namimili na si Kikay, ang anak ng sakristan mayor ng mga dalagang sasali rito. Kung minsan, ipiniprisinta na ng mga magulang ang kanilang anak kahit hindi pa dalaga, dahil sa isang panata na ginawa dahil sa pagkakasakit o isang pabor na nais makamtan. Sa ibang bahagi ng Kabikulan, iba naman ang pagtatanghal ngunit ang layunin ay pareho: paggalang, pagpuri, at pag-aalay ng pagmamahal sa mahal na krus na nakuha ni Santa Elena sa bundok na tinibag. SINAKULO Pagtatanghal ito na natutungkol sa buhay at pagpapakasakit ng ating Poong si Hesukristo. Ang salitaan dito ay mula sa “Pasyon.”
  • 33. PANUNULUYAN Isang pagtatanghal ito na isinagagawa bago mag-alas dose ng gabi ng kapaskuhan. Natutungkol ito sa paghahanap ng matutuluyan ng Birheng Maria at ni Joseph upang doon iluwal ang sanggol na si Hesukristo. PANUBONG Isang mahabang tulang nagpaparangal sa isang may kaarawan o kapistahan na kung tawagin ay panubong ay ginaganap bilang parangal sa isang panauhin o may kaarawan. Ang unang bahagi ay sinisimulang awitin sa may tarangkahan ng bahay ng may kaarawan. Ang ikalawang bahagi ay inawit habang umaakyat sa hagdan ang mga kumakanta. Ipinaliliwanag nila rito ang halaga ng bawat baitang. Kapag nasa huling baitang na sila, hindi agad sila papasok hanggang hindi natatapos ang awitin at hanggang hindi sila pinapapasok upang ipahiwatig na sila ay nahihiya. Dapat ay anyayahan sila ng may bahay, upang pagkatapos ng pag-aawit sila kung nasa loob na sila ng bahay. Ang pararangalan ay kailangang umupo sa isang silya at siya ay lalagyan ng isang koronang yari sa sariwang bulaklak at handugan bilang reyna. KARILYO Ito ay itinuturing na isang laro ng mga tau-tauhang ginagampanan ng mga aninong ginawa mula sa karton , na pinanonod na gumagalaw sa likod ng isang puting tabing at pinagagalaw naman ng taong di nakikita na siyang nagsasalita rin para sa mga kartong gumagalaw. MORO-MORO Tulad ng sinakulo ang moro-moro ay itinatanghal din sa isang ipinasadyang entablado. Ito’y itinatanghal sa mga araw ng pista ng bayan o ng nayon upang magdulot ng aliw sa tao at laging ipaalala sa mga ito ang kabutihan ng relihiyong Kristiyano. Ang mga moro-moro ay may hari’t reyna at mga mandirigmang kawal. Halimbawa: “Prinsipe Rodante” Ngayo’y dumating na itong takdang araw Dakilang Torneo sa plasang kalakalan May kabalyerong dito’y daratal Ay magpapamalas ng dangal at tapang. O mahal kong anak, Prinsesa Florinda Sabihin sa aki’t sa ina mong Reyna Kung ang iyong loob ay handang-handa na Sa larong torneo na magiging bunga. KARAGATAN Ito’y batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na naihulog niya sa dagat sa hangaring mapangasawa niya ang kasintahang mahirap. Hinamon niya ang mga binatang may gusto sa kanya na sisirin sa dagat at ang makakuha’y pakakasalan niya. Sa larong ito, isang matanda ang kunwa’y tutula; pagkatapos ay paiikutin ang isang tabo na may tandang puti at ang sinumang matapatan ng tandang puti at ang sinumang matapatan ng tandang ito ay siyang tatanungin ng dalaga ng mga talinghaga. Kapag ito’y nasagot ng binata ay ihahandog niya ang singsing sa dalaga. Halimbawa: “KARAGATAN” Dalaga - “Ikaw nga ang unang napili ng Diyos Sumisid sa aking singsing na aking nhinulog Subalit hindi upang siyang maging irog Kundi idaan lang muna sa pagsubok.” “Kaya’t sisirin mo ang tanong kong ito At singsing kong ito ay nang maangkin mo Sa sinsing na linao at walang pabato Turan mong simula at ang dulot nito” Binata - “Karagatang ito’y kahit na malalim Pangangahasan kong aking lulusungin
  • 34. Hustong bait ninyo ang titimbulanin Na inaasahang sasagip sa akin.” “Karagatan ito’y oo nga’t mababaw Mahirap lusungin nang hindi maalam Kaya kung sakaling ako’y masawi man Kamay mong isasagip yaong hinihintay.” DUPLO Ito ang humalili sa karagatan. Ito’y paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangngatwiran na patula. Ang pangangatwiran ay hango sa Bibliya, sa mga sawikain, at mga kasbihan. Karaniwang nilalaro ito sa paglalamay sa gunita ng isang namatay. Halimbawa: Hari: Yamang sa tuos ko ngayo’y natalastas na ang isinakdal dito’y nahaharap ang unang bigkas sa naritong dilag siyang tinutukoy na di nagbabayad. Bilyako:Bilyaka, mangyaring sumagot ka ngayon kung inaamin mo ang sinabing sumbong saging na nalugok, dahon may kuluntoy bayaran ang dapat sa takdang panahon. Bilyaka:Hari naming giliw na kagalang-galang, punong sinusunod nitong kalahatan ang kamunting tutol ay inyong pakinggan niring walang sala’t wala namang utang. Hiwagang malaki ang paratang nila sapul magkaisip ay di nakilala saging na nasabing hindi kinukuha at di nangungutang kahit isang pera. Bilyako: O! Himalang dilag na mapagpasakit sa bayaning pusong lalong umiibig ano’t yaong utang ay wawaling-tikis at ikakaila yaring pag-uusig. Dito po ay taglay yaong katunayan bilang paghahabol sa naturang utang may dalawang saksi akong ililitaw na inilagak mo sa pagpapatibay. KURIDO Ang salitang “corrido” (baybay sa Kastila) ay nangangahulugang kasalukuyang mga balita (current events) sa mga Mehikano. Dito sa Pilipinas, ang kurido ay isang tulang pasalaysay na natutungkol sa katapangan, kabayanihan, kababalaghan, at pananmpalataya ng mga tauhan. Karamihan sa mga paksa ay galing sa Europa at dinala lamang dito ng mga Kastila. Naging tanyag na awitin noong ikalabinsiyam na siglo ang kurido dahil sa kakulangan ng babasahin, libangan, at panoorin ang mga tao. Ang ilan sa ating mga manunulat ng kurido ay sina Jose de la Cruz, Ananias Zorilla, at Francisco Baltazar. Narito ang isa sa mga kuridong sinulat ni Jose de la Cruz. Prinsipe Orentis ni Jose de la Cruz O Trinidad Santisima Dios na tatlong Persona Walang huili’t walang una Capangyarihan i iisa. Sa lakas ng carunungan At tanang capangyarihan Balang inyong calooban Yari ng ano mang bagai. Linalang din namang tigis Yaong Imperio ng langit Sampo ng mga Angeles Arcangeles, Querubines.
  • 35. At sa iyo Inang Virgen Virgeng dating maawain Ang tulong mo i papagcantim Matuto nang sasabihin. Yayang din sa camahalan Nagyon dito i napipisan Ang aquing capamanhican Munting tahimik ay bigyan. At aquing pupunuan na Corrido i ipagbadia Hangga’t salin sa historia Niyon buhay ni Cassandra. At ang mundong Universo Linalang mo rin Dios co Madlang halaman at damo Isda, hayop, ibang tao. Caya ang hingi ko ngayon Ang ana mo’t papaampon Sa aquin ay iabuloy Sabi co i nang mapatuloy. Sa historia i sinasambit Ang buhay ni Orandatis Doon naman i calaquip Buhay nitong si Orentis. Historiang wikang Castila At limbag ng pagcatala Tinatagalog at tinula Sa corrido i inilagda. SAYNETE Itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan nang mga huling taon ng pananakop sa atin ng mga Kastila ang Saynete. Ang paksa ng dulang ito ay nahihinggil sa paglalahad ng kaugalian ng isang lahi o katutubo, sa kaniyang pamumuhay, pangingibig, at pakikipagkapwa. Ang “La India Elegante Y El Negrito Amante” ni Francisco Baltazar ay ipinalalagay na isa sa mga nakaaaliw na libangang saynete nang panahong ito. La India Elegante Y El Negrito Amante (Sayneteng may isang yugto) Mga Tauhan: Uban, (pusong) Kapitang Toming, (ita) Menangge, (babae) Pook: - Isang kalsada ng bayan ng pagpipistahan. Lalabas si Uban na may dalang walis. Uban: - Apwera, munti’t malaki babae man at lalaki at nang hindi makarumi sa plasa ng komedyante. Kay-hirap nitong magwalis, pigtas na ako ng pawis mula ulo hanggang singit kamukha’y ulang tikatik. Ikalimang araw ngayon nitong aking pagkukumon, may isang daang kareton nahakot kong taeng-baboy. Plasang ito’y gayon liit ay di ko malinis-linis, binayaang naging silid o ikumon ng aso’t basig. Saka ito’y linisin man ay wala ring kabuluhan gagawing suwagan lamang ng kambing, baka’t kalabaw. Dito’y walang makikita kundi nga giri, at salta, kunday at tadyak ng paa pampalubid ng bituka. Kay-hirap nitong magkumon lalo’t biyuka’y maghilom, sakat ako’y walangpatron na magpalagok ng rom. Bakit si Kapitang Toming ita kong katutulungin ay hindi pa dumarating, ako’y lubhang papagurin.