2. Ito ay isang sining ng
pagpapahatid ng isang
mensahe o kaisipan
hinggil sa isang mabisa o
napapanahong paksa sa
mga tagapakinig sa
pamamagitan ng wasto,
mabisa, at
madamdaming
pagbigkas.
PAGTATALUMPATI
PAGTATALUMPATI
4. Layunin nitong
mabigyan ng mga
bagong kaalaman o
kabatirang
makapagdaragdag sa
mga dating kaalaman
ng mga tagapakinig.
Makapagbigay ng
Kabatiran o Kaalaman
01
5. Ang isang talumpati ay maaaring
makapagturo o
makapagpaliwanag ng bagong
paraan o paniniwalang kaugnay
ng isang ideya o kaisipan.
Makatutulong ito sa mga
tagapakinig upang makita ang
paksa sa ibang anggulo at
maiangat ang nalalaman ukol sa
paksang tinatalakay.
Makapagturo at
Makapagpaliwanag
02
6. Ang isang mabisang talumpati ay
maaaring makapanghikayat sa
mga tagapakinig. Maaari nitong
mabago ang pananaw ng isang
tagapakinig at maakit itong
sumang-ayon o tanggapin ang
pinagtatalunang bagay o
kalagayan.
Makapanghikayat
03
7. Madalas itong nagagamit
ng mga politiko sa
pangangampanya o ng
isang taong nanghihikayat
sa publiko na subukan ang
isang produkto o serbisyo.
Makapanghikayat
03
8. Ang isang talumpati ay
maaaring makapaglahad
ng isang adhikain,
proyekto, batas, o
ordinansang kailangang
mapalaganap o
maipatupad sa nakararami.
Makapagpaganap o
Makapagpatupad
04
9. Ito ay magtutulak sa
tagapakinig upang
isagawa o isakatuparan
ang kaisipang
nabanggit sa talumpati.
Makapagpaganap o
Makapagpatupad
04
10. Ang talumpati, upang
maging mabisaay
kailangang magkaroon
ng pang-akit at
makapanlibang sa mga
tagapakinig.
Manlibang
05
11. Ang anupamang layunin ng
talumpati ay
magtatagumpay lang kung
lubos itong pinakinggan at
kinagiliwan ng mga
tagapakinig kaya’t nararapat
na ang talumpati’y maging
kawili-wili sa mga
tagapakinig.
Manlibang
05
12. Narito ang mga bagay na
dapat tandaan sa
pagsulat ng isang
talumpati:
13. Bago pa ang araw ng
pagbigkas o pagbasa ng
isang mananalumpati sa
kanyang piyesa ay
nararapat lang na
paghandaan niya muna ito.
Naririto ang mg bagay na
dapat tandaan.
14. 1. Pagtukoy sa Uri ng Tagapakinig
Mahalagang batid ng
mananalumpati ang uri ng kanyang
tagapakinig upang maibagay o
maiakma niya para sa mga ito ang
estilo, paksa, at paraan ng
pagsasaad ng kanyang talumpati.
15. 2. Pagkakaroon ng Malawak na
Kaalaman sa Paksa
Mahalagang magkaroon ng malawak na
kaalaman sa paksang kanyang ilalahad
ang mananalumpati. Makukumbinsi at
matututo lang ang tagapakinig sa
paksang tinatalakay kung ang
nagtatalumpati ay may lubos na
kaalaman sa kanyang sinasabi.
16. 2. Pagkakaroon ng Malawak na
Kaalaman sa Paksa
Makatutulong din uoang masagot niya
nang walang gatol at makapagpaliwanag
nang mahusay sa mga tanong na
ibibigay ng mga tagapakinig kung
malawak ang kabatiran niya ukol sa
paksa.
17. 3. Pagbuo ng Isang Mabisang
Balangkas
Bago pa maupo at simulan ang
pagsulat ng aktuwal na talumpati ay
makatutulong nang malaki ang
pagbuo muna ng balangkas.
19. a. PANIMULA
Mahalaga ito sapagkat ito ang magiging batayan
ng tagapakinig kung ibibigay ba niya ang kanyang
buong atensiyon sa nagtatalumpati o hindi.
Kailangang makapag-isip ang nagtatalumpati ng
mahusay na panimulang makapupukaw o
makatatawag-pansin sa tagapakinig. Sa bahaging ito
naihahayag na ng mananalumpati ang paksang
kanyang tatalakayin.
PAMBUNGAD NA TALUMPATI
20. b. PAGLALAHAD
Dito matatagpuan ang esensiya o ang nilalaman
ng talumpati. Kailangang maging masinop ang
mananalumpati sa paglalahad ng mga puntong
kanyang bibigyang-pansin.
Makatutulong kung sa balangkas pa lang ay isa-
isang isusulat ng mananalumpati ang mga paksang
sunod-sunod niyang ilalahad upang masuri kung
naisama ba niyang lahat ang mahahalagang puntong
kailangang mabigyang-diin.
KATAWAN NG TALUMPATI
21. c. IMPRESYON
Kung napaghandaan ng mananalumpati
ang isang mabisang simula ay kailangan ding
paghandaan niya ang isang pagwawakas na
hindi lang lalagom sa kabuoan ng mga
paksang kanyang binibigyang-diin kundi mag-
iiwan ng isang malalim na impresyong kikintal
sa puso at isipan ng mga tagapakinig.
PAGWAWAKAS SA TALUMPATI
22. c. IMPRESYON
Maaaring ang pagwawakas ay sa
pamamagitan ng isang hamon, tanong,
kuwento, o kasabihang mapag-iisipan
ng tagapakinig at maiuugnay niya sa
kabuoan ng pinakinggang talumpati.
PAGWAWAKAS SA TALUMPATI
23. 4. Pagsulat ng Talumpati
Mula sa nabuong balangkas at
mga nasaliksik na datos ay
maaari nang maupo at isulat ng
mananalumpati ang kabuoan ng
kanyang talumpati.
24. 4. Pagsulat ng Talumpati
Makatutulong kung susulat muna siya ng
borador at saka ito rebisahin nang ilang
beses pagkatapos.
Iwasang maging maligoy ang talumpati.
Maaari itong maging maikli subalit
maliwanag, malaman, at kawili-wili sa
mga tagapakinig.