(TALUMPATI) Talumpati for grade 10... Talumpati ppt.
1. Talumpati ang tawag sa isang uri ng sanaysay na binibigkas sa
harap ng madla. Ang layunin ng isang talumpati ay
mapaniwala ang mga nakikinig sa pangangatuwirang
ibinibigay ng kaalaman ng nagsasalita o kaya ay humihimok na
gawin ang isang bagay ayon sa kaniyang paniniwala at higit sa
lahat, mabago ang paniniwala ng mga nakikinig.
2. Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon
ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng
pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng
mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon
at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng
komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa
isang paksa na binibigkas sa harap ng mga
tagapakinig.
3. Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan
tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa
harap ng tagapakinig.
4. Ang panandaliang talumpati (extemporaneous
speech) ay ang agarang pagsagot sa paksang
ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang
magbigay ng sariling pananaw.
Ang paghahanda sa ganitong tipo o uri ng
pagtatalumpati ay limitado sa oras sa pagitan ng
pagkuha ng paksa at mismong paligsahan.
5. Tinatawag na impromptu sa wikang Ingles ang
talumpating walang paghahanda kung saan
binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati.
Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa
paksa.
ito ay biglaang talumpati na binibigkas
pamamaraan na maaaring gamiting gabay sa
pagbigkas ng biglaang talumpati. Ibinibigay rito
ang paksa sa oras na mismo ng pagsasalita.
6. Maaari ring binabasa, sinasaulo o binabalangkas
ang talumpati. Sa binabasang talumpati, inihanda
at iniayos ang sinusulat muna ang talumpati upang
basahin nang malakas sa harap ng mga
tagapakinig.
8. Talumpati na Nagpapaliwanag Layunin ng
talumpati na magbigay ng impormasyon o
paliwanag sa pamamagitan ng pag-uulat at
paglalarawan. Simple at direkta ang paglalahad ng
impormasyon upang madaling maunawaan ng mga
tagapakinig.
9. Talumpati na Nanghihikayat Layunin nitong
makaimpluwensiya sa pag-iisip at kilos ng mga
tagapakinig. Nagbibigay ng sapat na mga
katibayan upang mahimok ang mga tagapakinig
na paniwalaan ang sinasabing idea o pananaw.
Kinakailangang maalam ang nagsasalita sa
kaniyang pinupunto o sinasabi.
10. Talumpati ng Pagpapakilala Isinasagawa ito
upang ipakilala ang isang panauhin sa isang
pagtitipon o gawain batay sa kaniyang mga
karanasan at posisyon upang mabigyan ng
kaalaman ang mga tagapakinig tungkol sa
kaniyang buhay at upang maihanda ang mga
tagapakinig sa sasabihin ng magtatalumpati.
11. Talumpati ng Pagsalubong Madalas itong
isinasagawa sa mga programa o okasyon. Ito ang
paunang pagbati at pagpapaliwanag sa
kahalagahan at layunin ng idinaraos na okasyon
bago ito isagawa.
12. Talumpati ng Pamamaalam Isinasagawa ito sa
huling bahagi ng isang programa o okasyon.
Laman nito ang mensahe ng pasasalamat sa mga
dumalo at panghihikayat sa mga panauhin na
pahalagahan ang layunin ng isinagawang
programa.
13. Ang unang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng
talumpati ay ang pagpili ng paksa. Nakasalalay sa
paksa at sa mananalumpati ang
ikapagtatagumpay ng isang pagtatalumpati. Ano-
anong katangian ang dapat taglayin ng paksa ng
isang talumpati?
14. Tumutugon sa layunin – naisasagawa ang
pagtatalumpati dahil sa sumusunod na layunin:
magturo, magpabatid, manghikayat, manlibang,
pumuri, pumuna at bumatikos
Napapanahon – ang paksa ng talumpati ay
tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan.
15. Paghahanda sa Pagsulat – Ang hakbang na ito ay
sumasaklaw sa pangongolekta ng mga impormasyon
at mga idea para sa sulatin. Dito isinasagawa ang
pagpaplano sa paglikha, pagtuklas, pagdedebelop,
pagsasaayos at pagsubok sa mga idea.
16. Aktwal na pagsulat – Sa hakbang na ito isinasalin
mga idea sa mga pangungusap at talata. Malayang
gumamit ng iba’t-ibang pamamaraan o istilo sa
paglalahad ng mga ideya. Maaari ring magdagdag
at magbawas ng mga impormasyon o ideya na
angkop sa pangunahing paksa o tema ng
ginagawang talumpati.
17. Pagrerebisa at Pag-eedit – Ang pagrerebisa na
tinatawag ding pag-eedit ay nangangahulugan ng
muling pagtingin, muling pagbasa, muling pag-
iisip, muling pagbubuo ng mga kaisipan upang
masigurong handa na ang talumpati. Ang hakbang
na ito ay nasasangkot sa maraming pagbabago sa
nilalaman sa organisasyon ng mga idea at sa
estruktura ng mga pangungusap at talata.
18. Panimula – Sa bahaging ito tinatawag ang pansin
ng mga tagapakinig. Kadalasang gumagamit ng
anekdota o mga linya/pahayag na panawag-pansin
ang nagtatalumpati upang pukawin ang interes ng
mga tagapakinig.
19. Paglalahad – Ang bahaging ito ang pinakakatawan
sa talumpati. Dito inilalahad ang isyu at
pagpapahayag ng diwa sa paksang tinatalakay.
Dito rin ipinapaliwanag ng nagtatalumpati ang
layunin ng kaniyang talumpati sa mga
tagapakinig.
20. Paninindigan – Dito ipinapaliwanag ng
nagtatalumpati ang kaniyang mga katuwiran
hinggil sa isyu. May layunin itong humikayat o
magpaliwanag sa mga nakikinig.
21. Pamimitawan/Konklusyon – Sa bahaging ito
binibigkas ang pangwakas na pangungusap ng
isang talumpati. Kailangan din magtaglay ito ng
masining na pangungusap upang mag-iwan ng
kakintalan sa mga tagapakinig.
22. 1. Palad na itinataas habang nakataob- nagpapahiwatig ito ng
dakilang damdamin.
2. Nakataob na palad at biglang ibababa- nagpapahayag ito ng
marahas na damdamin.
3. Palad na bukas at marahang ibinababa- nagpapahiwatig ng
mababang uri ng kaisipan o damdamin.
4. Kumpas na pasuntok o kuyom ang palad- nagpapahayag ito
ng pagkapoot o galit at pakikipaglaban.
5. Paturong kumpas- ang kumpas na ito ay nagpapakilala ng
panduduro, pagkagalit at panghahamak.
23. 6. Nakabukas na palad na magkalayo ang mga daliri at unti
unting itinitikom- nagpapahiwatig ng matimping damdamin
ang uring ito.
7. Ang palad ay bukas, paharap sa nagsasalita- ito ay
pagtawag ng pansin sa alinmang bahagi ng katawan ng
nagsasalita.
8. Nakaharap sa madla, nakabukas ang palad- ipinahihiwatig
nito ang pagtanggi, pagkabahala at pagkatakot.
9. Kumpas na pahawi o pasaklaw- nagpapahayag ng
pagsaklaw ng isang diwa, tao o pook.
10. Marahang pagbababa ng dalawang kamay- ito ay
ginagamit sa pagpapahiwatig ng kabiguan o kawalan ng lakas.
24. Tinig - Ito ay mahalagang puhunan ng isang mambibigkas. Narito ang buhay ng
isang talumpati. Ang paglakas o paghina ng tinig ay dapat na naaayon sa diwa ng
talumpati. Ang paglalapat ng tindi o bigat sa tinig ay mahalagang sangkap sa
pagbigkas. Kailangan malaman ng isang mambibigkas kung kalian lalakipan ng
tindi o bigat ang kanyang tinig.
Nakakatulong ang tinig sa pag-unawa sa nilalaman ng talumpati. Kailangang
ibagay ang tinig sa nilalaman ng pananalita. Isinasaalang-alang sa bahaging ito
ang tulin o bilis ng pananalita, pagbibigay-diin sa mahahalagang salita o
mensahe na kailangang maunawaan ng tagapakinig, tono ng pananalita, pagtaas
at pagbaba ng tinig, at paglakas at paghina ng tinig. Ang magandang tinig ay
madaling makaakit sa madla. Iwasan ang matining na tinig o kaya ay garalgal na
tinig na parang sirang plaka.
25. Tikas o Tindig – Ang katauhan sa tanghalan ng mambibigkas ay
agad nakikilala sa kanyang tikas. Ang tikas ay nakikita sa
pagtindig, pagkilos at pagkumpas ng isang mambibigkas sa
pagtindig, ang bigat ng katawan ay kailangan nakasalalay sa
nauunang paa. Kung patag ang tindig, ang bigat ay nasa dalawang
paa.
Tumindig nang maayos at iwasan ang tindig militar na parang
naninigas ang katawan. Sikaping maging magaan ang katawan at
nakarelaks. Mahalaga na magmukhang kapita-pitagan para
makuha agad ang atensyon ng mga tagapakinig. Ang ganitonng uri
ng anyo ay nakapagpapahiwatig na handang-handa ang
tagapagsalita.
26. Panuunan ng Paningin – Ang isang mambibigkas ay nagkakaroon
ng mabisang pakikipag-ugnayan sa kanyang madla, kung alam niya
ang pagtutuunan ng kanyang paningin upang maging malawak ang
masasaklaw nito. Karaniwan nang ang panuunan ng paningin ng
isang mambibigkas ay sa gitna, sa gawing likuran nagsisimula.
Kung nais niyang baguhin ang panuunan ng paningin niya,
malilipat ito sag awing likuran sa kanan o kaliwa ngunit hindi niya
malalaktawan ang gawing gitna.
27. Pagbigkas – Ang maliwanag na pagbigkas ng mga salita ay isa sa
mga dapat isagawa ng mahusay na mambibigkas. Kailangang
magkaroon siya ng tatas sa malinaw na pagbibitaw ng salita na
naaayon sa pagkakapantig-pantig nito at sa wastong diing taglay ng
salitang binibigkas. Bigkasin ng malinaw ang bawat pantig
hanggang sa huli. Ang mga dalumpatinig ay dapat bigyang-pansin
sa pagbigkas.
28. Galaw – Ang galaw ay tumutukoy sa anumang pagkilos na
ginagawa ng tao na may kaugnayan sa pagsasalita o pagpapahayag
ng kaisipan o anumang damdamin sa madla o mga tagapakinig.
Nasasaklaw ng galaw ang mata, ekspresyon ng mukha, tindig,
galaw ng ulo at katawan. Lahat ng ito ay nakatutulong sa
paghahatid ng mensahe.
29. Kumpas ng mga kamay - Ginagamit ang kumpas ng mga kamay sa
pagbibigay-diin sa sinasabi. Halimbawa, karaniwang itinataas ang
hintuturo o braso kung ipinapahayag ang mahalagang opinion o
puntos ng talumati o pananalita. Ginagamit din ang mga kumpas
ng kamay para biigyan ng pagtutumbas ang ideya. Halimbawa,
kung binabanggit ang dalawang magkaibang katwiran ay maaaring
itaas ang kanan at kaliwang kamay sa kumpas sa pagpapatuloy ng
diwa, imbis na “umm ,saka, bale” ang lumalabas sa tuwing may
kailangang alalahanin sa pananalita, ginagamit ang galaw ng
kamay bilang di-verbal na komunikasyon. Kailangang tumpak,
tiyak, tiyak at maayos ang kumpas ng mga kamay. Ginagamit
lamang ito bilang pantulong sa pananalita. Hindi dapat makaagaw
ng pansin ang sobrang pagkumpas ng kamay habang nagsasalita.
30. Pagkumpas – Ang kumpas ay ginagamit upang maihatid
ang damdamin ng tula sa madla o mailarawan ang
inilalahad nito. Ang mga kumpas ay mahalagang sangkap
ng sining ng pagbigkas.