SlideShare a Scribd company logo
1 of 30
ALAMIN NATIN:
ANG DEBATE O
PAKIKIPAGTALO
Ang debate ay isang pakikipagtalong
may estruktura. Isinasagawa ito ng
dalawang grupo o pangkat na may
magkasalungat na panig tungkol sa
isang napapanahong paksa; ang
dalawang panig ay ang proposisyon (o
sumasang-ayon) at ang oposisyon (o
sumasalungat).
May isang moderator na magiging
tagapamagitan upang matiyak na
magiging maayos ang daloy ng debate
at igagalang ng bawat kalahok ang mga
tuntunin ng debate. Sa pagtatapos ng
debate ay may mga huradong
magpapasiya kung kaninong panig ang
higit na nakapanghikayat.
Ang mga hurado ay dapat walang
kinikilingan sa dalawang panig ng mga
nagde-debate at kailangang nakaupo
nang magkakalayo sa isa't isa at hindi
mag-usap-usap bago magbigay ng
kani-kanilang hatol upang maiwasang
maimpluwensiyahan ang hatol ng isa't
isa.
Di tulad ng mga karaniwang
argumento sa pagitan mo at ng iyong
pamilya o mga kaibigan, ang bawat
kalahok sa isang pormal na debate ay
binibigyan ng pantay na oras o
pagkakataon upang makapaglahad ng
kani-kanilang mga patotoo gayundin
ng pagpapabulaan o rebuttal.
May nakatalaga ring timekeeper sa
isang debate upang matiyak na
susundin ng bawat tagapagsalita ang
oras na laan para sa kanila.
Karaniwang ang paksa sa isang debate
ay ibinibigay nang mas maaga upang
mapaghandaan ng dalawang panig
ang kani-kanilang mga argumento.
Mga Katangiang
Dapat Taglayin ng
Isang Mahusay na
Debater
Ang sumusunod ay mga
karaniwang pinagbabatayan ng
mga hurado sa pagiging
mapanghikayat kaya't
kailangang isaalang-alang ng
isang debater.
Nilalaman-Napakahalagang may
malawak na kaalaman ang isang
debater patungkol sa panig na
kanyang ipinagtatanggol at
maging sa pangkalahatang
paksa ng debate.
Kailangan niyang magkaroon ng sapat na
panahon upang mapaghandaan ang
sandaling ito at kasama sa paghahanda
ang malawakang pagbabasa,
pananaliksik, at pangangalap ng datos at
ebidensiya tungkol sa paksa upang
magbigay ng bigat at palunay sa
katotohanan ng kanyang ipinahahayag.
Estilo-Dito makikita ang husay ng
debater sa pagsasalita, sa o pagpili ng
tamang salitang gagamitin, at sa
kaangkupan ng pagbuo niya ng mga
pangungusap na kanyang babanggitin sa
debate. Papasok din dito ang linaw at
lakas o taginting ng kanyang tinig, husay
ng tindig, kumpiyansa sa sarili, at iba pa.
1.3.
Estratehiya-Dito makikita ang
husay ng debater sa pagsalo o
pagsagot sa mga argumento,
at kung paano niya matatawag
ng pansin ang kanyang
proposisyon.
Dito rin makikita kung gaano kahusay
ang pagkakahabi ng mga argumento ng
magkakapangkat. Mahalagang mag-
usap at magplano nang maigi ang
magkakapangkat upang ang
babanggiting patotoo o pagpapabulaan
ng isa ay susuporta at hindi kokontra sa
mga sasabihin ng iba.
Mga Uri o
Pormat ng
Debate
Maraming iba't ibang uri ng
debate subalit ang
pinakakaraniwang ginagamit ng
mga mag-aaral ay ang mga
debateng may uri o pormat na
Oxford at Cambridge.
Sa Debateng Oxford, ang bawat kalahok ay
magsasalita lamang nang minsan, maliban lang sa
unang tagapagsalita na wala pang sasalaging
mosyon kaya't mabibigyan ng isa pang
pagkakataong magbigay ng kanyang
pagpapabulaan sa huli. Sa pagtindig ng bawat
kalahok upang magsalita ay magkasama na
niyang inilalahad ang kanyang patotoo
(constructive remark) at pagpapabulaan
(rebuttal).
Sa debateng Cambridge, ang bawat
kalahok ay dalawang beses titindig
upang magsalita. Una ay para
ipahayag ang kanyang
pagtotoo(constructive remark) at sa
ikalawa ay para ilahad ang kanyang
pagpapabuluuan (rebuttal.)
ISAISIP NATIN: MGA
PAMANTAYAN SA
PAGSASALING-WIKA
Ang pagsasaling-wika ay ang
pagsasalin o paglilipat sa
pinakamalapit na katumbas na
mensahe o ideya ng tekstong
isinasalin sa wika o
diyalektong pinagsasalinan.
Sa pagsasaling-wika, kailangang
maipabatid nang tama ang mensahe
ng isinasalin kaya naman
mahalagang isaisip ng isang
tagapagsalin ang sumusunod na
paalala o pamantayan sa
pagsasaling-wika:
Alamin ang paksa ng isasalin.
Magbasá o magsaliksik upang
mapag-aralan ito at
magkaroon ng mas malawak
na kaalaman sa paksa ng
tekstong isasalin.
Basahin nang ilang beses ang tekstong isasalin.
Tiyaking nauunawaan mo ang nilalaman ng
teksto sa lebel na halos kakayanin mo nang
ipaliwanag o muling isalaysay kahit pa wala ang
orihinal sa iyong harapan. Gayumpama'y
tandaang hindi ka basta magpa-paraplırase
kundi magsasalin kaya hindi mo dapat baguhin,
palitan, o bawasan ang ideya o mensahe ng
iyong isinasalin.
Tandaang ang isinasalin ay ang
kahulugan o mensahe at hindi
lang mga salita. Makatutulong
ang malawak na kaalaman ng
isang tagapagsalin sa wikang
isasalin at sa wikang
pagsasalinan.
Hindi sapat na basta tumbasan lang
ng salita mula sa pinagmulang
teksto ng isa ring salita sa
pagsasalinang wika dahil literal lang
ang kalalabasan ng pagsasalin at
maaaring hindi mapalabas ang
tunay na diwa ng isinasalin.
Piliin ang mga salita at pariralang
madaling maunawaan ng mambabasa.
Mainam kung ang mga salitang
gagamitin ay lubos mong nauunawaan
ang kahulugan at tiyak na
mauunawaan din ng mga mambabasa
upang higit na maging natural o
malapit ang orihinal sa salin.
Ipabasa sa isang eksperto sa wikang
pinagsalinan o sa isang katutubong
nagsasalita ng wika ang iyong isinalin.
Makatutulong nang malaki ang pagpapabasa
ng isinalin sa isang taong eksperto o
katutubong nagsasalita ng wikang ito upang
mabigyang-puna niya ang paraan ng
pagkakasalin at masabi kung ito ba'y
naaangkop na sa konteksto ng isang taong
likas na gumagamit ng wika.
Isaalang-alang ang iyong kaalaman sa genre
ng akdang isasalin. Makatutulong sa
epektibong pagsasalin ang kaalaman ng
tagapagsalin sa genre na kinabibilangan ng
isasalin. Halimbawa, hindi basta
makapagsasalin ng isang tula ang isang taong
wala gaanong alam sa matatalinghagang
salita at mga tayutay na karaniwang ginagamit
sa isang tula.
Idagdag pa rito ang kaalaman ukol sa
magkakatugmang salita lalo na kung
may sukat at tugma ang tulang isasalin.
Kung tula ang isasalin, kailangang
lumabas pa rin itong isang tula at hindi
prosa. Kung ito'y may sukat at tugma,
kailangang pagsikapan ng tagapagsaling
mapanatili rin ito.
Isaalang-alang ang kultura at konteksto
ng wikang isasalin at ng pagsasalinan.
May mga pagkakataon kasing ang paraan
ng pagsasaayos ng dokumento sa isang
wika depende sa kanilang nakasanayan
ay naiiba sa wikang pagsasalinan kaya't
dapat din itong bigyang-pansin ng
magsasalin.
Maraming
salamat!

More Related Content

Similar to fil10.pptx

10 ARALIN 1 Pagbuo ng Talumpati.pptx
10 ARALIN 1 Pagbuo ng Talumpati.pptx10 ARALIN 1 Pagbuo ng Talumpati.pptx
10 ARALIN 1 Pagbuo ng Talumpati.pptxNymphaMalaboDumdum
 
TALUMPATI WK13.pptx magandang araw . aralin ay talumpati
TALUMPATI WK13.pptx magandang araw . aralin ay talumpatiTALUMPATI WK13.pptx magandang araw . aralin ay talumpati
TALUMPATI WK13.pptx magandang araw . aralin ay talumpatiGelVelasquezcauzon
 
(TALUMPATI) Talumpati for grade 10... Talumpati ppt.
(TALUMPATI) Talumpati for grade 10... Talumpati ppt.(TALUMPATI) Talumpati for grade 10... Talumpati ppt.
(TALUMPATI) Talumpati for grade 10... Talumpati ppt.JoemStevenRivera
 
10 ARALIN 8 Pagbuo ng Talumpati. Grade 10pptx
10 ARALIN 8 Pagbuo ng Talumpati. Grade 10pptx10 ARALIN 8 Pagbuo ng Talumpati. Grade 10pptx
10 ARALIN 8 Pagbuo ng Talumpati. Grade 10pptxNymphaMalaboDumdum
 
Pagsulat ng talumpati
Pagsulat ng talumpatiPagsulat ng talumpati
Pagsulat ng talumpatiAannerss
 
FILIPINO 10_Suring-basa.pptx
FILIPINO 10_Suring-basa.pptxFILIPINO 10_Suring-basa.pptx
FILIPINO 10_Suring-basa.pptxKimberlySonza
 
KOMUNIKASYON-6.pptx
KOMUNIKASYON-6.pptxKOMUNIKASYON-6.pptx
KOMUNIKASYON-6.pptxBarbieTan
 
TALUMPATI-DAPAT-ISAALANG-ALANG.docx
TALUMPATI-DAPAT-ISAALANG-ALANG.docxTALUMPATI-DAPAT-ISAALANG-ALANG.docx
TALUMPATI-DAPAT-ISAALANG-ALANG.docxPradoMarkDavid
 
ANG PAMAGAT.docx
ANG PAMAGAT.docxANG PAMAGAT.docx
ANG PAMAGAT.docxJeaanBalaon
 
Filipino 8 - Ang pag-aaral ng Balagtasan.pptx
Filipino 8 - Ang pag-aaral ng Balagtasan.pptxFilipino 8 - Ang pag-aaral ng Balagtasan.pptx
Filipino 8 - Ang pag-aaral ng Balagtasan.pptxMichaelAscueta
 

Similar to fil10.pptx (20)

Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
Kasanayan sa Pagsasalita.ppt
Kasanayan sa Pagsasalita.pptKasanayan sa Pagsasalita.ppt
Kasanayan sa Pagsasalita.ppt
 
pagsasalita.pptx
pagsasalita.pptxpagsasalita.pptx
pagsasalita.pptx
 
10 ARALIN 1 Pagbuo ng Talumpati.pptx
10 ARALIN 1 Pagbuo ng Talumpati.pptx10 ARALIN 1 Pagbuo ng Talumpati.pptx
10 ARALIN 1 Pagbuo ng Talumpati.pptx
 
TALUMPATI WK13.pptx magandang araw . aralin ay talumpati
TALUMPATI WK13.pptx magandang araw . aralin ay talumpatiTALUMPATI WK13.pptx magandang araw . aralin ay talumpati
TALUMPATI WK13.pptx magandang araw . aralin ay talumpati
 
Talumpati
TalumpatiTalumpati
Talumpati
 
(TALUMPATI) Talumpati for grade 10... Talumpati ppt.
(TALUMPATI) Talumpati for grade 10... Talumpati ppt.(TALUMPATI) Talumpati for grade 10... Talumpati ppt.
(TALUMPATI) Talumpati for grade 10... Talumpati ppt.
 
10 ARALIN 8 Pagbuo ng Talumpati. Grade 10pptx
10 ARALIN 8 Pagbuo ng Talumpati. Grade 10pptx10 ARALIN 8 Pagbuo ng Talumpati. Grade 10pptx
10 ARALIN 8 Pagbuo ng Talumpati. Grade 10pptx
 
Pagsulat ng talumpati
Pagsulat ng talumpatiPagsulat ng talumpati
Pagsulat ng talumpati
 
Talumpati
TalumpatiTalumpati
Talumpati
 
FILIPINO 10_Suring-basa.pptx
FILIPINO 10_Suring-basa.pptxFILIPINO 10_Suring-basa.pptx
FILIPINO 10_Suring-basa.pptx
 
KOMUNIKASYON-6.pptx
KOMUNIKASYON-6.pptxKOMUNIKASYON-6.pptx
KOMUNIKASYON-6.pptx
 
TALUMPATI-DAPAT-ISAALANG-ALANG.docx
TALUMPATI-DAPAT-ISAALANG-ALANG.docxTALUMPATI-DAPAT-ISAALANG-ALANG.docx
TALUMPATI-DAPAT-ISAALANG-ALANG.docx
 
ANG RETORIKA.pptx
ANG RETORIKA.pptxANG RETORIKA.pptx
ANG RETORIKA.pptx
 
ANG PAMAGAT.docx
ANG PAMAGAT.docxANG PAMAGAT.docx
ANG PAMAGAT.docx
 
FIL4 Aralin 2.pptx
FIL4 Aralin 2.pptxFIL4 Aralin 2.pptx
FIL4 Aralin 2.pptx
 
Pangkatang Talakayan FIL 1.ppt
Pangkatang Talakayan FIL 1.pptPangkatang Talakayan FIL 1.ppt
Pangkatang Talakayan FIL 1.ppt
 
Talumpati
TalumpatiTalumpati
Talumpati
 
Retorika
RetorikaRetorika
Retorika
 
Filipino 8 - Ang pag-aaral ng Balagtasan.pptx
Filipino 8 - Ang pag-aaral ng Balagtasan.pptxFilipino 8 - Ang pag-aaral ng Balagtasan.pptx
Filipino 8 - Ang pag-aaral ng Balagtasan.pptx
 

More from MarkLouieFerrer1 (20)

INVITATION TEMPLATE.pptx for birthday, christening
INVITATION TEMPLATE.pptx for birthday, christeningINVITATION TEMPLATE.pptx for birthday, christening
INVITATION TEMPLATE.pptx for birthday, christening
 
EPP 5 PPT Q3 W2 - Mga Uri At Gamit Ng Mga Kasangkapan Sa Paggawa.pptx
EPP 5 PPT Q3 W2 - Mga Uri At Gamit Ng Mga Kasangkapan Sa Paggawa.pptxEPP 5 PPT Q3 W2 - Mga Uri At Gamit Ng Mga Kasangkapan Sa Paggawa.pptx
EPP 5 PPT Q3 W2 - Mga Uri At Gamit Ng Mga Kasangkapan Sa Paggawa.pptx
 
Presentation.pptx
Presentation.pptxPresentation.pptx
Presentation.pptx
 
GRADE-11.pptx
GRADE-11.pptxGRADE-11.pptx
GRADE-11.pptx
 
Presentation2.pptx
Presentation2.pptxPresentation2.pptx
Presentation2.pptx
 
Presentation1.pptx
Presentation1.pptxPresentation1.pptx
Presentation1.pptx
 
science 3.pptx
science 3.pptxscience 3.pptx
science 3.pptx
 
fil4.pptx
fil4.pptxfil4.pptx
fil4.pptx
 
G1.pptx
G1.pptxG1.pptx
G1.pptx
 
fil7.pptx
fil7.pptxfil7.pptx
fil7.pptx
 
fil3.pptx
fil3.pptxfil3.pptx
fil3.pptx
 
sci 3.pptx
sci 3.pptxsci 3.pptx
sci 3.pptx
 
FILIPINO 4.pptx
FILIPINO 4.pptxFILIPINO 4.pptx
FILIPINO 4.pptx
 
FILIPINO 3.pptx
FILIPINO 3.pptxFILIPINO 3.pptx
FILIPINO 3.pptx
 
fil 1.pptx
fil 1.pptxfil 1.pptx
fil 1.pptx
 
FILIPINO 1.pptx
FILIPINO 1.pptxFILIPINO 1.pptx
FILIPINO 1.pptx
 
Presentation1.pptx
Presentation1.pptxPresentation1.pptx
Presentation1.pptx
 
FILIPINO 7 - for observation.pptx
FILIPINO 7 - for observation.pptxFILIPINO 7 - for observation.pptx
FILIPINO 7 - for observation.pptx
 
FILIPINO 4.pptx
FILIPINO 4.pptxFILIPINO 4.pptx
FILIPINO 4.pptx
 
fil 10.pptx
fil 10.pptxfil 10.pptx
fil 10.pptx
 

Recently uploaded

Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxjobellejulianosalang
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdfEdbrianMarkMApostol
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)RonalynGatelaCajudo
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxElmaPBasilio
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawBanghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawMichaelJawhare
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoChristineJaneWaquizM
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangerekimdavidmerana03
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptxBernsPadua
 
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxPaghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxRyzaMendoza3
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxRanjellAllainBayonaT
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxDahlvinJaro
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxChristineJaneWaquizM
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYYamAltib
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 

Recently uploaded (20)

Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawBanghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
 
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxPaghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 

fil10.pptx

  • 1. ALAMIN NATIN: ANG DEBATE O PAKIKIPAGTALO
  • 2. Ang debate ay isang pakikipagtalong may estruktura. Isinasagawa ito ng dalawang grupo o pangkat na may magkasalungat na panig tungkol sa isang napapanahong paksa; ang dalawang panig ay ang proposisyon (o sumasang-ayon) at ang oposisyon (o sumasalungat).
  • 3. May isang moderator na magiging tagapamagitan upang matiyak na magiging maayos ang daloy ng debate at igagalang ng bawat kalahok ang mga tuntunin ng debate. Sa pagtatapos ng debate ay may mga huradong magpapasiya kung kaninong panig ang higit na nakapanghikayat.
  • 4. Ang mga hurado ay dapat walang kinikilingan sa dalawang panig ng mga nagde-debate at kailangang nakaupo nang magkakalayo sa isa't isa at hindi mag-usap-usap bago magbigay ng kani-kanilang hatol upang maiwasang maimpluwensiyahan ang hatol ng isa't isa.
  • 5. Di tulad ng mga karaniwang argumento sa pagitan mo at ng iyong pamilya o mga kaibigan, ang bawat kalahok sa isang pormal na debate ay binibigyan ng pantay na oras o pagkakataon upang makapaglahad ng kani-kanilang mga patotoo gayundin ng pagpapabulaan o rebuttal.
  • 6. May nakatalaga ring timekeeper sa isang debate upang matiyak na susundin ng bawat tagapagsalita ang oras na laan para sa kanila. Karaniwang ang paksa sa isang debate ay ibinibigay nang mas maaga upang mapaghandaan ng dalawang panig ang kani-kanilang mga argumento.
  • 7. Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mahusay na Debater
  • 8. Ang sumusunod ay mga karaniwang pinagbabatayan ng mga hurado sa pagiging mapanghikayat kaya't kailangang isaalang-alang ng isang debater.
  • 9. Nilalaman-Napakahalagang may malawak na kaalaman ang isang debater patungkol sa panig na kanyang ipinagtatanggol at maging sa pangkalahatang paksa ng debate.
  • 10. Kailangan niyang magkaroon ng sapat na panahon upang mapaghandaan ang sandaling ito at kasama sa paghahanda ang malawakang pagbabasa, pananaliksik, at pangangalap ng datos at ebidensiya tungkol sa paksa upang magbigay ng bigat at palunay sa katotohanan ng kanyang ipinahahayag.
  • 11. Estilo-Dito makikita ang husay ng debater sa pagsasalita, sa o pagpili ng tamang salitang gagamitin, at sa kaangkupan ng pagbuo niya ng mga pangungusap na kanyang babanggitin sa debate. Papasok din dito ang linaw at lakas o taginting ng kanyang tinig, husay ng tindig, kumpiyansa sa sarili, at iba pa. 1.3.
  • 12. Estratehiya-Dito makikita ang husay ng debater sa pagsalo o pagsagot sa mga argumento, at kung paano niya matatawag ng pansin ang kanyang proposisyon.
  • 13. Dito rin makikita kung gaano kahusay ang pagkakahabi ng mga argumento ng magkakapangkat. Mahalagang mag- usap at magplano nang maigi ang magkakapangkat upang ang babanggiting patotoo o pagpapabulaan ng isa ay susuporta at hindi kokontra sa mga sasabihin ng iba.
  • 14. Mga Uri o Pormat ng Debate
  • 15. Maraming iba't ibang uri ng debate subalit ang pinakakaraniwang ginagamit ng mga mag-aaral ay ang mga debateng may uri o pormat na Oxford at Cambridge.
  • 16. Sa Debateng Oxford, ang bawat kalahok ay magsasalita lamang nang minsan, maliban lang sa unang tagapagsalita na wala pang sasalaging mosyon kaya't mabibigyan ng isa pang pagkakataong magbigay ng kanyang pagpapabulaan sa huli. Sa pagtindig ng bawat kalahok upang magsalita ay magkasama na niyang inilalahad ang kanyang patotoo (constructive remark) at pagpapabulaan (rebuttal).
  • 17. Sa debateng Cambridge, ang bawat kalahok ay dalawang beses titindig upang magsalita. Una ay para ipahayag ang kanyang pagtotoo(constructive remark) at sa ikalawa ay para ilahad ang kanyang pagpapabuluuan (rebuttal.)
  • 18. ISAISIP NATIN: MGA PAMANTAYAN SA PAGSASALING-WIKA
  • 19. Ang pagsasaling-wika ay ang pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit na katumbas na mensahe o ideya ng tekstong isinasalin sa wika o diyalektong pinagsasalinan.
  • 20. Sa pagsasaling-wika, kailangang maipabatid nang tama ang mensahe ng isinasalin kaya naman mahalagang isaisip ng isang tagapagsalin ang sumusunod na paalala o pamantayan sa pagsasaling-wika:
  • 21. Alamin ang paksa ng isasalin. Magbasá o magsaliksik upang mapag-aralan ito at magkaroon ng mas malawak na kaalaman sa paksa ng tekstong isasalin.
  • 22. Basahin nang ilang beses ang tekstong isasalin. Tiyaking nauunawaan mo ang nilalaman ng teksto sa lebel na halos kakayanin mo nang ipaliwanag o muling isalaysay kahit pa wala ang orihinal sa iyong harapan. Gayumpama'y tandaang hindi ka basta magpa-paraplırase kundi magsasalin kaya hindi mo dapat baguhin, palitan, o bawasan ang ideya o mensahe ng iyong isinasalin.
  • 23. Tandaang ang isinasalin ay ang kahulugan o mensahe at hindi lang mga salita. Makatutulong ang malawak na kaalaman ng isang tagapagsalin sa wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan.
  • 24. Hindi sapat na basta tumbasan lang ng salita mula sa pinagmulang teksto ng isa ring salita sa pagsasalinang wika dahil literal lang ang kalalabasan ng pagsasalin at maaaring hindi mapalabas ang tunay na diwa ng isinasalin.
  • 25. Piliin ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng mambabasa. Mainam kung ang mga salitang gagamitin ay lubos mong nauunawaan ang kahulugan at tiyak na mauunawaan din ng mga mambabasa upang higit na maging natural o malapit ang orihinal sa salin.
  • 26. Ipabasa sa isang eksperto sa wikang pinagsalinan o sa isang katutubong nagsasalita ng wika ang iyong isinalin. Makatutulong nang malaki ang pagpapabasa ng isinalin sa isang taong eksperto o katutubong nagsasalita ng wikang ito upang mabigyang-puna niya ang paraan ng pagkakasalin at masabi kung ito ba'y naaangkop na sa konteksto ng isang taong likas na gumagamit ng wika.
  • 27. Isaalang-alang ang iyong kaalaman sa genre ng akdang isasalin. Makatutulong sa epektibong pagsasalin ang kaalaman ng tagapagsalin sa genre na kinabibilangan ng isasalin. Halimbawa, hindi basta makapagsasalin ng isang tula ang isang taong wala gaanong alam sa matatalinghagang salita at mga tayutay na karaniwang ginagamit sa isang tula.
  • 28. Idagdag pa rito ang kaalaman ukol sa magkakatugmang salita lalo na kung may sukat at tugma ang tulang isasalin. Kung tula ang isasalin, kailangang lumabas pa rin itong isang tula at hindi prosa. Kung ito'y may sukat at tugma, kailangang pagsikapan ng tagapagsaling mapanatili rin ito.
  • 29. Isaalang-alang ang kultura at konteksto ng wikang isasalin at ng pagsasalinan. May mga pagkakataon kasing ang paraan ng pagsasaayos ng dokumento sa isang wika depende sa kanilang nakasanayan ay naiiba sa wikang pagsasalinan kaya't dapat din itong bigyang-pansin ng magsasalin.