AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
Banghay aralin sa grado 7 pinelight!!!!!!!
1. BANGHAY ARALIN SA GRADO 7
PINESLIGHT SCHOOL OF MAKATI INC.
I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nabibigyang kahulugan ang Estado;
B. Natutukoy ang mga elemento ng estado;
C. Nasasabi ang tungkulin bilang mamamayan ng Pilipinas;
II. NILALAMAN
Paksa: Elemento ng estado at Pilipinas bilang isang estado.
Kagamitan: graphic organizers at visual aids
Sanggunian:
Cruz, et.al, Pilipinas isang sulyap at paggyakap: batayang aklat sa API, Edcrisch Int’l Inc.,
Makati city, 2006, pahina 270-272.
Forneste, Kalinangan sa Kasaysayan ng Pilipinas, Mind Builders Publishing House Inc.,
Quezon City, 2012, pahina 324-329.
III. PAMAMARAAN NG PAGTUTUTRO
A. Panimulang Gawain
Pagsasaayos ng silid-aralan
Pagdarasal
Pagbati sa guro
Balitaan
Balik-Aral: Paano nga ba naluklok sa pagkapangulo si Pang. Aquino III?
B. Panlinang na Gawain
Pagganyak
Paglalahad ng guro ng awitin:
ANG PILIPINAS AY ISANG ESTADO
(Himig ng Cha-cha)
Pilipinas ay isang estado
Maaay, may mamamayan
Naninirahan
Sa teritoryong tiyak 2x
May pamahalaang
Namamahala2x
Ito’y Malaya
sa pangongontrol 2x
ng ibang estado
Pilipinas2x isang estado
3x
2. Paglalahad
Tanong: mula sa kanta, ano ang mahihinuhang kahulugan ng estado?
Talakayan
Tanong: ayon sa kanta, anu-ano ang mga elemento ng estado?
C. PANGWAKAS NA GAWAIN
Paglalapat at Paglalahat
Paglalahad ng awitin
Pilipinas Kong Mahal
Francisco Santiago
Ang bayan ko'y tanging ikaw
Pilipinas Kong Mahal
Ang puso ko at buhay man
Sa iyo'y ibibigay
Tungkulin kong gagampanan
Na lagi kang paglingkuran
Ang laya mo'y babantayan
Pilipinas kong Hirang...
Tanong: Bilang mag-aaral at mamamayan ng Pilipinas, ano ang gampanin mo sa
ating bansa?
MAMAMAYAN
TERITORYO
ELEMENTO
NG
ESTADO
PAMAHALAAN
SOBERANYA
3. Paglalahat
Tanong: Ang Pilipinas ba ay isang estado? Paano mo ito nasabi?
IV. PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot bago ang bilang.
A. Teritoryo B. Mamamayan C. Pamahalaan D. Soberanya
1. Nahuli si Sam Mer na isang tsino na nangingisda sa teritroyo ng Pilipinas ng walang pahintulot
kung kayat siya hinuli.
2. Tagapaghalal ng mga tagapamahala.
3. Noong sakop pa ng Esapanya ang Pilipinas, Espanya ang nagpapatupad ng batas sa loob at
labas ng Pilipinas kayat ang Pilipinas noon ay walang: _______________.
4. Nagpapatupad ng batas sa loob at labas ng estado.
5. Saklaw at hangganan ng isang lugar.
6. Naipapatupad ang mga batas sa loob at labas ng teritoryo.
7. Sa elementong ito n/magmumula ang mga Pulitiko at iba pang pinuno ng estado.
V. KASUNDUAN
Gumawa ng sanaysay.
Bakit mahalagang may Saligang batas ang isang estado? Ipliwanag ang kasagutan?
Ipaliwanag ang sagot.
Inihanda ni:
Mark Anhtony A. Bartolome
BSE Araling Panlipunan(UMak)
PSM Inc. (Demo)