SlideShare a Scribd company logo
1 of 22
Download to read offline
5
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Sosyo-kultural at Pampolitikang Pamumuhay
ng mga Sinaunang Pilipino
Tinipon at Inayos ni:
JULIE ANN D. TAGABAN
Teacher II
Schools Division of the City of Batac
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Sosyo-Kultural at Pampolitikang Pamumuhay ng mga
Sinaunang Pilipino
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Ang mga ito ay tinipon at inayos para lamang
sa modyul na ito. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng tagalikom ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education
Schools Division of the City of Batac
Office Address: Schools Division of the City of Batac
#16 Quiling Sur, City of Batac, Ilocos Norte, 2906
Telefax: 0776771993
E-mail Address: bataccity@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Tagalikom: Julie Ann D. Tagaban
Editor: Cristina G. Paculan
Eleonor B. Ramos
Jhon Rey D. Ortal
Tagasuri: Lovella J. Galut
Geraldine O. Lao-at
John Ernest L. Medrano
Blesilda B. Antiporda
Aubrey Marie R. Oasay
Tagaguhit: Rommel C. Villanueva
Tagalapat: Julie Ann D. Tagaban
Tagapamahala: Joel B. Lopez
Annie D. Pagdilao
Marilou B. Sales
Aubrey Marie R. Oasay
Jhon Rey D. Ortal
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang inihanda ng mga edukador para gabayan
ka, ang gurong tagapagdaloy, nang sa gayon matulungang mo ang mga mag-aaral
na makamit ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan, pangekonomiko at pangkalusugang
hamon sa pag-aaral.
Sa pamamagitan ng iyong paggabay inaasahang ang tulong aral na ito ay
magamit ng mga mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-
aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa Mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
1
Alamin
Ang modyul na ito ay tumatalakay sa sosyo-kultural at pampolitikang
pamumuhay ng ating mga ninuno na dapat mong pag-aaralan dahil sila ay mga
pamana ng ating lahi at kontribusyon ng lumang kabihasnan sa pagbuo ng ating
lipunan at pagkakakilanlan sa ating pagka Pilipino. Ang ating mga ninuno ay sagana
sa paniniwala at mga ritwal, mga palamuti sa damit at katawan. Pinahalagahan din ng
ating mga ninuno ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagkakasundo sa taga ibang
barangay.
Ang mga sinaunang Pilipino ay may sarili ng paraan ng pamumuno sa kanilang
pamayanan. Katulad ngayon, tayo ay may kinkilalang lider sa ating bansa at kahit pa
sa ating barangay ngayon ay may kinikilala tayong tagapanguna. Malalaman mo sa
modyul na ito ang dalawang uri ng pamamahala at ang kanilang mga patakarang
sinunod ng mga sinaunang Pilipino.
Handa ka na ba sa ating pag-aaral? Halina at samahan mo akong tuklasin
ang yugto ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino.
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
 masusuri ang sosyo-kultural at politikal na pamumuhay ng mga sinaunang
Pilipino
 makasusulat ng isang sanaysay na nagpapakita ng sosyo-kultural na
pamumuhay ng mga Pilipino; at
 mapapahalagahan ang sosyo-kultural at politikal na pamumuhay ng mga
Pilipino.
(MELC 6)
2
Subukin
Gawain 1: ABC ng Kaalaman
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Isulat sa iyong sagutang papel ang
titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kalagayan o sitwasyon ng Pilipinas noong
prekolonyal o bago dumating ang mga mananakop?
A. may sariling teritoryo
B. may sariling pamahalaan
C. may pananampalatayang Kristiyano
D. may sistema ng pagbasa at pagsulat
2. Ang paniniwala ng ating mga ninuno na ang tao, hayop, halaman, bato, tubig, at
kalikasan ay may kaluluwa.
A. Animismo B. Islam C. Judismo D. Kristyanismo
3. Noong unang panahon, ano ang simbolo ng tattoo o batuk sa katawan ng isang
Pilipino?
A. mga alipin
B. isang bilanggo
C. pagiging kriminal
D. kagitingan at kagandahan
4. Ano ang ginagawa ng mga barangay para maiwasan ang di pagkakaunawaan at
awayan?
A. Nagkaroon sila ng isang paligsahan.
B. Kapwa sila nanalangin sa mga diyos upang maiwasan ang gulo.
C. Sakupin ang ibang barangay upang maging tagasunod ng kanilang datu.
D. Nakipagkasundo ang mga barangay sa isa’t isa sa pamamagitan ng sandugo.
5. Anong kulay ng kangan ang isinusuot ng datu?
A. asul B. berde C. itim D. pula
6. Uri ng pamahalaang itinatag ng mga Muslim sa Mindanao.
A. pamahalaang lokal
B. pamahalaang lalawigan
C. pamahalaang sultanato
D. pamahalaang pambarangay
3
7. Ano ang tawag sa tagapayo at katulong ng sultan sa pagpapatupad ng batas?
A. Adat B. Hariraya C. Ruma Bichara D. Zakat
8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI inihahanda ng pamilya para sa kanilang
miyembro na yumao at ililibing?
A. paglilinis sa katawan
B. pagpapadala ng pera at pagkain
C. pagbibihis ng magarang kasuotan
D. paglalagay ng paglalangis sa katawan
9. Sino ang nangunguna sa pagsasagawa ng mga ritwal ng mga Bisaya na
pinaniniwalaang tagapamagitan sa mundo, diyos, at yumao?
A. babaylan C. pari
B. ganbanes D. pomares
10.Ito ay tawag sa pinunong panrelihiyon ng mga Igorot na nagsisilbing tagapamagitan
ng tao sa mga espiritu.
A. babaylan B. bathala C. katalona D. mumbaki
4
Aralin
6
Sosyo-Kultural at
Pampolitikang Pamumuhay ng
mga Sinaunang Pilipino
Sa araling ito ay malalaman mo ang kalagayang sosyo-kultural at
pampolitikang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. Masusuri at
mapapahalagahan mo ang mga kaugaliang ito na sumasalamin sa mayamang
kasaysayan ng ating bansa.
Balikan
Gawain 2: Maala-ala Mo Kaya?
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung
ang pangungusap ay wasto, at MALI naman kung ang mga ito ay hindi
wasto.
1. Natututong magsaka at maghayupan ang mga sinaunang Pilipino bago pa
man dumating ang mga dayuhan sa bansa.
2. Metalurhiya ang tawag sa gawaing pang ekonomiko na gumagawa ng mga
bagay na mula sa metal tulad ng ginto.
3. Ang plastik ay ginagamit sa paggawa ng mga palamuti tulad ng pulseras at
hikaw noong pre-kolonyal.
4. Ang kristal ay dalang produkto ng mga Tsino sa bansa
5. Kung ikaw ay nabuhay noong pre-kolonyal at ang iyong trabaho sa
paggawa ng mga sandata mula sa bakal, karpentero ang tawag sa iyo.
5
Tuklasin
Gawain 3: Alam mo ba?
Panuto: Sa iyong sagutang papel, sagutin ang mga tanong na nasa ibaba. Isulat ang
titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isang yunit na pampolitika, panlipunan, at pangkabuhayan noong sinaunang
panahon sa Pilipinas.
A. bansa B. barangay C. lungsod D. sultanato
2. Nagbubuklod-buklod ang mga barangay at bumuo ng alyansa sa pamamagitan
ng______________.
A. pagdiriwang C. paligsahan
B. pag-iinuman D. sanduguan
3. Ito ay kasuotan ng isang sinaunang Pilipino na pagpapakilala na siya ay isang Datu.
A. asul na kangan C. pulang putong
B. pulang kangan D. burdadong putong
4. Ang Sultanato ay isang sistema ng pamahalaan na batay sa katuruan ng ________.
A. Animismo B. Islam C. Judismo D. Katoliko
5. Upang maging isang datu, kailangang ikaw ay kabilang sa pinakamataas na antas
ng lipunan, at kung sultan naman, kailangang ikaw ay____________.
A. matapang at mayaman
B. magaling gumawa ng batas
C. galing sa angkan ni Muhammad
D. galing din sa pinaka mataas na antas ng lipunan
6
Suriin
Ang kagalingan sa larangan ng sining, paniniwala, pakikipagkapwa-tao at pag-
aaral ng pag-uugali ng tao ay tinatawag na kalinangang sosyo-kultural. Makikita ang
pamamaraan ng pamumuhay sa kasaysayan, modernisasyon at teknolohiya ng isang
bansa.
Ang ating mga ninuno ay sumasamba sa kalikasan katulad ng kahoy, ilog,
araw, bato, at iba pa dahil naniniwala sila na ang mga ito ay may kaluluwa. Tinatawag
na animismo ang paniniwalang ito.
.
7
Pinapahalagahan ng ating mga ninuno ang kanilang mga patay. Bago pa ilibing
ang bangkay, ito ay nililinis muna, lalagyan ng langis at bibihisan ng magarang
kasuotan. Pinapabaunan din ang bangkay ng mga kasangkapan katulad ng seramika
at mga palamuti upang may magamit siya sa kabilang buhay. Matapos mailibing at
matuyo na ang mga buto ng bangkay, ito ay huhukayin at isisilid sa banga. Ang
paniniwala sa kabilang buhay ng ating mga ninuno ay makikita sa sinaunang tapayang
Manunggul. Sinasabing ang mga pigura sa takip ng tapayang ito ay nagpapahiwatig
ng paglalakbay sa kabilang buhay. Ang tapayang manunggul ay nagsisilbing burial jar
kung saan inilalagak ang buto ng namatay na tao.
Ang mga ninuno natin ay nagsagawa rin ng ibat-ibang ritwal at pagdiriwang
katulad ng Paganito at Pandot. Ang paganito ay pagbibigay alay sa mga anito, at ang
pandot naman ay isang pampamayanang alay na isinagawa sa puno ng balete. Ang
mga ritwal ay pinangunahan ng mga Katalonan (sa mga Tagalog) at Babaylan (sa
mga Bisaya). Sila ang katumbas ng mga pari sa ngayon.
Simple lang ang pananamit ng mga ninuno natin. Iniaangkop nila ang kanilang
kasuotan sa klima, kapaligiran, at uri ng kanilang pamumuhay. May mga sinaunang
kababaihan na ang karaniwang kasuotan ay baro at saya. May mga gumagamit din
ng malong o sarong. Ang kasuotan ng kalalakihan ay payak at simple. Mayroon
silang kangan bilang pang-itaas na kasuotan at bahag bilang pang-ibabang kasuota.
Karaniwang may putong sila sa ulo. Kung minsan, ang nagsusuot lamang ng mga
sapin sa paa ay ang mga taong kabilang sa mataas na uri ng panlipunan tulad ng
maginoo at maharlika. Ang mga kuwintas, pulseras, singsing at hikaw na gawa sa
ginto o tanso ay karaniwang isinusuot ng mga lalaki o babae.
8
Ang kasuotan ng ating mga ninuno ay batay sa kanilang katayuan sa buhay.
Ang Datu ay nagsusuot ng pulang kangan, habang asul o itim naman ang mga mas
mababa pa kaysa Datu. Ang mandirigmang nagsusuot ng pulang putong ay
nagpapahiwatig na nakapatay na siya ng isang tao, at Burdadong Putong naman para
sa mga nakapatay na ng pito o mahigit pa. Ang mga kababaihan ay nagsusuot ng
baro, kasuotang pang-itaas at saya ng mga Tagalog at patadyong ng mga Bisaya na
isang maluwag na palda na isinusuot pang –ibaba. Kilala sa Mindanao ang Tribong
B’laan sa pagsusuot ng pang-itaas na damit na tinatawag na Saul Laki at ang kanilang
pang-ibabang kasuotan ay tinatawag na Salwal B’laan. Ang mga kababaihan ay
nagsusuot ng pang-itaas na damit na kung tawagin ay Saul S’lah at ang kanilang
pang-ibabang kasuotan ay tinatawag na Dafeng. Ang mga Maranao ay kilala sa
kanilang tradisyunal na kasuotan na tinatawag na Malong. Ito ay malaki at makulay
na tela na isinusuot sa pamamagitan ng pagtapis sa katawan.
Ang mga ninuno natin ay kilala sa paggawa ng mga sopistikadong mga
bangka. Matitibay, matutulin, at hinahangaan ang mga bangkang nagmula sa
Pilipinas, katulad ng natagpuan sa Butuan. Ito ay pinagbuklod lang ng tinatawag na
“wooden peg” hindi ng pako. Maraming mga lumang bangka ang nahukay ng mga
eksperto sa Pilipinas. Ang mga bangkang ito ay tinawag ni Antonio Pigafetta, isang
historyador na “Balanghay”.
Ang mga sinaunang Pilipino ay may sariling paraan ng pamumuno at mga
batas bago pa man dumating ang mga Espanyol. May dalawang uri ng pamahalaan
na umiiral sa sinaunang panahon sa Pilipinas - ang barangay at sultanato.
9
Datu ang tawag sa namumuno sa isang barangay at sultan naman ang tawag
sa namuno sa isang sultanato. Higit na mas malaki ang sakop ng sultanato kaysa
barangay. Katulong ng datu ang Lupon ng Matatanda sa paggawa at pagpatupad ng
batas, habang katulong naman ng sultan ang Ruma Bichara na kanyang tagapayo.
May dalawang uri ng batas ang umiiral sa isang barangay-ang Batas na Nakasulat at
Batas na Hindi Nakasulat. Napaloob sa batas na nakasulat ang mga usapin tungkol
sa deborsiyo, krimen, pagmamay-ari ng ari-arian, at iba pa. Sa hindi nakasulat na
batas, nakasulat ang tungkol sa mga tradisyon, paniniwala, at kaugalian.
Ang batas ng sultanato ay batay sa tatlong Sistema. Ang una ayang Adat, ang
batas tungkol sa tradisyon. Ikalawa ay ang Sharia, ang batas na naaayon sa
paniniwalang Islam. Ikatlo ay ang Qur’an, ang banal na aklat ng Islam. Si Sharif ul-
Hashim o Sayyid Abu Bakr na isang Arabe ang kauna-unahang nagtatag ng
pamahalaang sultanato sa Sulu noong 1450.
Sinasabing noong unang panahon ay mayroon na ring maunlad na ugnayan
ang mga barangay tulad ng pakikipagpalitan ng mga kalakal, pagtutulungan sa
panahon ng digmaan, at pakikiisa sa ritwal na tinatawag na sanduguan. Sa
sanduguan, nagkakaroon ng ritwal ang dalawang pinuno. Gagawa sila ng maliit na
hiwa sa kanilang mga bisig. Ang dugong magmumula dito ay ihahalo sa kaunting alak
at iinumin ng dalawang pinuno. Sa pagkakataong iyon, itinuturing ang dalawang
barangay na magkapatid sa dugo at kapwa sasailalim sa mga batas at kautusan na
itinakda ng dalawang barangay.
10
Pagyamanin
Gawain 4: Talas ng Isip, Subukin
Panuto: Tukuyin ang konseptong isinasaad sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob
ng kahon at isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Nagsisilbing burial jar na nagpapakita ng paniniwala ng mga sinaunang Pilipino
sa pagkatapos ng kamatayan.
2. Ito ang tawag sa pang-itaas na kasuotang panlalaki sa sinaunang lipunang
Pilipino.
3. Tawag sa punong espiritwal sa Bisayas noong sinaunang lipunang Pilipino na
karaniwang ginagampanan ng babae.
4. Sila ang katulong ng Datu sa paggawa at pagpapatupad ng batas sa barangay.
5. Ito ang tawag sa simbolikong bangka ng mga sinaunang Pilipino.
Gawain 5: Quarantine Time!
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang tsek (√) kung ang pahayag ay nagpapakita ng
pagtupad sa mga batas, ekis (×) kung hindi nagpapakita ng pagtupad sa mga
batas.
1. Nagsusuot ng mask kapag lumalabas sa bahay.
2. Nag-iinuman ng alak habang nasa community quarantine.
3. Nasa loob ng bahay sa oras ng curfew.
4. Sumusunod sa utos ng pamahalaan na stay at home.
5. Dikit-dikit ang mga tao sa pampublikong lugar habang nasa community
quarantine.
6. Lumalabas lamang ng bahay kapag bumibili ng essentials.
Lupon ng matatanda kangan putong
Balangay babaylan manunggul
11
7. Naglilibang ang buong mag-anak sa tabing-dagat.
8. Bukas ang internet café hanggang gabi.
9. Walang pampublikong sasakyan ang bumibyahe.
10.Kumukuha at dinadala ang quarantine pass kapag lumalabas at bumibili ng
mga kakailanganin sa bahay.
Gawain 6: Mapaghambing kaya
Panuto: Gamit ang Venn diagram, suriin ang pagkakapareho at ang pagkakaiba ng
sosyo-kultural na pamumuhay ng sinaunang Pilipino sa kasalukuyan. Gawin
ito sa iyong sagutang papel.
12
Gawain 7: Buuin Ako!
Panuto: Punan ng wastong salita ang bawat patlang para mabuo ang kaisipan ng
talata. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa iyong sagutang papel.
Maraming natatanging kaugalian ang mga sinaunang Pilipino. Sa pananamit,
ang kalalakihan ay nagsuot ng pantaas na damit na tinatawag na (1.) __________ at
ang kababaihan ay nagsuot ng (2.) _________ at ________. Sa palamuti naman, ang
ating mga ninuno ay nagsuot ng isang alahas na hugis rosas na tinatawag na (3.)
_____________. Sa kaugalian sa paglilibing kung ang buto ng bangkay ay natutuyo
na, ito ay huhukayin at isisilid sa (4.) ___________. Naniniwala din ang mga
sinaunang Pilipino na may espiritung nananahan sa kanilang kapaligiran. Ang tawag
sa paniniwalang ito ay (5.) ____________.
Mula sa mga natatag na mga pamayanan ay umusbong ang pangangailangan
sa kaayusan kaya naitatag ang sistema ng pamamahala. May dalawang uri ng
pamahalaan na umiiral sa sinaunang panahon sa Pilipinas ang (6.) _________ at
________. Ang tawag sa namumuno ng barangay ay (7.) ________. (8.) _________
naman ang tawag sa namumuno sa isang sultanato. Nakipagkasundo ang mga
barangay sa isa’t-isa para sa kapayapaan at kalakalan sa pamamagitan ng (9.)
_____________. Habang ang batas ng sultanato ay batay sa (10.) __________
sistema.
Isaisip
tatlo barangay at sultanato putong
Sultan Datu baro at saya
Animismo pomaras kangan
banga sanduguan manunggul
13
Isagawa
Gawain 8: Subukin ang Sarili
A. Naranasan ng mga mamamayang Pilipino ang “Community Quarantine” dahil sa
dulot ng pandemyang COVID- 19. Dahil dito maraming mga pagbabago sa
pamumuhay ang naranasan ng mga Pilipino. Anong pagbabago sa pamamaraan
ng buhay at sistema ng mga batas ang inyong nararanasan?
Kopyahin ang tsart at isulat sa tamang hanay ang iyong sagot. Gawin ito sa
inyong sagutang papel.
Pagbabago sa pamamaraan ng buhay Pagbabago sa politikal na pamumuhay
B. Sa iyong sagutang papel, sagutin at ipaliwanag ang mga tanong sa ibaba. Gamitin
ang rubrik sa ibaba bilang gabay sa pagsagot.
1. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng batas sa pagkamit ng kaayusang panlipunan?
Bakit?
2. Sa kasalukuyang nararanasan ng bansa dulot ng pandemya, ano ang mga
ginawa mong paraan upang maiangkop ang sarili sa tinatawag na new normal?
Rubrik sa Pagsulat ng Talata
Kraytirya Napakahusay
(4)
Mahusay
(3)
Nalilinang
(2)
Nagsisimula
(1)
Nilalaman Kumpleto at
komprehensibo
ang nilalaman
at
wasto ang
lahat
ng
impormasyon
Kumpleto
ang
nilalaman at
wasto
ang lahat ng
impormasyon
May ilang
kulang sa
nilalaman at
may ilang
mali sa
impormasyon.
Maraming
kulang at may
mali sa
nilalaman at
impormasyon.
Presentasyon Malikhaing
nailahad ang
nilalaman at
maayos ang
daloy.
Maayos na
nailahad at
naunawaan
ang
nilalaman.
Hindi
gaanong
maayos na
nailahad ang
impormasyon.
Hindi maayos
na nailahad at
hindi
naunawaan
ang nilalaman.
Organisasyon Organisado at
malinaw ang
nilalaman ng
ideya.
Organisado
at
malinaw, ang
nilalaman ng
ideya.
Organisado
ang ideya
pero may
bahaging di
gaanong
malinaw.
Hindi
organisado
ang ideya at
maraming
bahagi ang hindi
malinaw ang
paglalahad.
Kabuuan
14
Tayahin
Gawain 9: Ano ang natutunan mo?
Panuto: Suriin ang mga pahayag. Isulat ang SK kung ito ay tumutukoy sa sosyo-
kultural na pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino at PM kung ito ay
tumutukoy sa pampolitikang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Pagsamba sa kalikasan, katulad ng kahoy, ilog, araw, bato, at iba
2. Barangay at sultanato ang uri ng pamahalaan na umiiral sa sinaunang panahon sa
Pilipinas.
3. Ruma Bichara ang tagapayo at katulong ng sultan sa pagpapatupad ng batas.
4. Pagpapahalaga sa mga mahal sa buhay na yumao na
5. Nagsusuot ng mga palamuti sa katawan
6. Naglagay ng mga tato sa katawan bilang simbolo ng kagitingan at kagandahan.
7. Pakikipagkasundo ng mga barangay sa isa’t isa para sa kapayapaan at kalakalan
8. Pagkatatag ng pamahalaang sultanato sa Sulu
9. Pagsasagawa ng iba’t- ibang ritwal at pagdiriwang
10. Ang batas ng Sultanato ay batay sa tatlong sistema.
15
Karagdagang Gawain
GAWAIN 10: Ipagpatuloy Mo
A. Panuto: Ipagpalagay ang iyong sarili na isa ka sa mga datu noong sinaunang
panahon sa Pilipinas. Anu-ano ang mga batas na iyong gagawin at ipapatupad
para sa katahimikan at kapayapaan ng iyong barangay? Sumulat ng limang batas
na iyong ipapatupad. Isulat ito sa sagutang papel.
B. Panuto: Punan ang ikalawang hanay ng tsart ng mga datos na mula sa aralin.
Sa ikatlong hanay, isulat ang kalagayang kultural ng mga Pilipino sa
kasalukuyan. Gawin ito sa sagutang papel.
Aspeto ng Kultura Kulturang Pilipino noong
Sinaunang Panahon
Kulturang Pilipino sa
Kasalukuyan
1. Paniniwala/Relihiyon
2. Paglilibing
3. Pananamit
16
Susi sa Pagwawasto
Gawain
7
1.
kangan
6.
barangay
2.
baro
at
saya
7.
Datu
3.
pomares
8.
Sultan
4.
banga
9.
sanduguan
5.
Animismo
10.
Sultanato
Gawain
3
1.
B
2.
D
3.
B
4.
B
5.
A
Gawain
4
1.
manunggul
2.
kangan
3.
babaylan
4.
lupon
ng
matatanda
5.
balangay
Gawain
1
1.
C
6.
C
2.
A
7.
C
3.
D
8.
C
4.
D
9.
A
5.
D
10.
C
Gawain
10
Magkakaiba
ang
sagot
Gawain
8
Magkakaiba
ang
sagot
Gawain
2
1.
TAMA
2.
TAMA
3.
MALI
4.
MALI
5.
MALI
Gawain
9
1.
SK
6.
SK
2.
PM
7.
PM
3.
PM
8.
PM
4.
SK
9.
SK
5.
SK
10.
PM
Gawain
5
1.
√
6.
√
2.
X
7.
X
3.
√
8.
X
4.
√
9.
√
5.
X
10.
√
Gawain
6
Iba-iba
ang
sagot
17
Sanggunian
Gabuat, Maria Annalyn P., Mercado, Michael M., dL. Jose Mary Dorothy. 2016.
"Araling Panlipunan 5 Pilipinas Bilang Isang Bansa." 72-75, 100. Quezon City:
Vibal Publishing.
Agno, Lydia N., et. al. 2016. “Kultura, Kasasayan, at Kabuhayan 5.” 101-104, 106-
108, Quezon City, Vibal Croup Inc.
18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region I
Schools Division of the City of Batac
#16 Quiling Sur, City of Batac, Ilocos Norte 2906
Telefax: 0776771993
Email Address: bataccity@deped.gov.ph

More Related Content

What's hot

PTA Accomplishment report
PTA Accomplishment reportPTA Accomplishment report
PTA Accomplishment reportWilly Rodriguez
 
AP 5-Q1 WEEK 3 PINAGMULAN NG UNANG PANGKAT NG TAO SA PILIPINAS.pptx
AP 5-Q1 WEEK 3 PINAGMULAN NG UNANG PANGKAT NG TAO SA PILIPINAS.pptxAP 5-Q1 WEEK 3 PINAGMULAN NG UNANG PANGKAT NG TAO SA PILIPINAS.pptx
AP 5-Q1 WEEK 3 PINAGMULAN NG UNANG PANGKAT NG TAO SA PILIPINAS.pptxAngelaSantiago22
 
A.P.-3-Week-2-1st-Q.pptx
A.P.-3-Week-2-1st-Q.pptxA.P.-3-Week-2-1st-Q.pptx
A.P.-3-Week-2-1st-Q.pptxVereEvan
 
Pwersang Militar/ Divide and Rule
Pwersang Militar/ Divide and Rule Pwersang Militar/ Divide and Rule
Pwersang Militar/ Divide and Rule EMELITAFERNANDO1
 
Mga Patakaran at Programa ng Pamahalaan Tungo sa Pag-unlad ng Bansa
Mga Patakaran at Programa ng Pamahalaan Tungo sa Pag-unlad ng BansaMga Patakaran at Programa ng Pamahalaan Tungo sa Pag-unlad ng Bansa
Mga Patakaran at Programa ng Pamahalaan Tungo sa Pag-unlad ng BansaEMELITAFERNANDO1
 
DIAGNOSTIC TEST FOR Music GRADE 4
DIAGNOSTIC TEST FOR Music GRADE 4DIAGNOSTIC TEST FOR Music GRADE 4
DIAGNOSTIC TEST FOR Music GRADE 4Mary Ann Encinas
 
Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 2 Impluwensya ng Klima at Lokasyon sa P...
Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 2 Impluwensya ng Klima at Lokasyon sa P...Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 2 Impluwensya ng Klima at Lokasyon sa P...
Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 2 Impluwensya ng Klima at Lokasyon sa P...Desiree Mangundayao
 
ArPan - kalakalang galyon.pptx
ArPan - kalakalang galyon.pptxArPan - kalakalang galyon.pptx
ArPan - kalakalang galyon.pptxFRANCEZVALIANT
 
Lesson exemplar in science 6
Lesson exemplar in science 6Lesson exemplar in science 6
Lesson exemplar in science 6jaylagasca
 
Activity sheet in grade 6 epp
Activity sheet in grade 6 eppActivity sheet in grade 6 epp
Activity sheet in grade 6 eppALLANGALDIANO2
 
Subtraction (isinalin sa tagalog)
Subtraction (isinalin sa tagalog)Subtraction (isinalin sa tagalog)
Subtraction (isinalin sa tagalog)Ivon Ezra Tabora
 
EPP4_Agri_W8_D1.docx
EPP4_Agri_W8_D1.docxEPP4_Agri_W8_D1.docx
EPP4_Agri_W8_D1.docxvbbuton
 
Accomplishment Report - Dec 6 - 10.docx
Accomplishment Report - Dec 6 - 10.docxAccomplishment Report - Dec 6 - 10.docx
Accomplishment Report - Dec 6 - 10.docxReyBeria2
 
Portfolio Day Monitoring & Evaluation Tool Revised.pdf
Portfolio Day Monitoring & Evaluation Tool Revised.pdfPortfolio Day Monitoring & Evaluation Tool Revised.pdf
Portfolio Day Monitoring & Evaluation Tool Revised.pdfZaldy Tabugoca
 
Grade 6-english-reading-major-events-ideas-in-a-selection
Grade 6-english-reading-major-events-ideas-in-a-selectionGrade 6-english-reading-major-events-ideas-in-a-selection
Grade 6-english-reading-major-events-ideas-in-a-selectionEDITHA HONRADEZ
 
Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul 1-Aralin 1 Suliranin at Hamon Kin...
Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul 1-Aralin 1 Suliranin at Hamon Kin...Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul 1-Aralin 1 Suliranin at Hamon Kin...
Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul 1-Aralin 1 Suliranin at Hamon Kin...MARIADELCORTEZ
 
AP6_q1_mod4_ang-kababaihan-sa-rebolusyong-pilipino_v2 (1).pdf
AP6_q1_mod4_ang-kababaihan-sa-rebolusyong-pilipino_v2 (1).pdfAP6_q1_mod4_ang-kababaihan-sa-rebolusyong-pilipino_v2 (1).pdf
AP6_q1_mod4_ang-kababaihan-sa-rebolusyong-pilipino_v2 (1).pdfShelvieDyIco
 
Catch-Up-Fridays-Sample-Activities.docx
Catch-Up-Fridays-Sample-Activities.docxCatch-Up-Fridays-Sample-Activities.docx
Catch-Up-Fridays-Sample-Activities.docxMarleneAguilar15
 
K TO 12 GRADE 5 IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5  IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 5  IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5 IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULITLiGhT ArOhL
 
Math3 q1 mod1_visualizing-numbers-up-to-10-000_v308092020
Math3 q1 mod1_visualizing-numbers-up-to-10-000_v308092020Math3 q1 mod1_visualizing-numbers-up-to-10-000_v308092020
Math3 q1 mod1_visualizing-numbers-up-to-10-000_v308092020angela quinto
 

What's hot (20)

PTA Accomplishment report
PTA Accomplishment reportPTA Accomplishment report
PTA Accomplishment report
 
AP 5-Q1 WEEK 3 PINAGMULAN NG UNANG PANGKAT NG TAO SA PILIPINAS.pptx
AP 5-Q1 WEEK 3 PINAGMULAN NG UNANG PANGKAT NG TAO SA PILIPINAS.pptxAP 5-Q1 WEEK 3 PINAGMULAN NG UNANG PANGKAT NG TAO SA PILIPINAS.pptx
AP 5-Q1 WEEK 3 PINAGMULAN NG UNANG PANGKAT NG TAO SA PILIPINAS.pptx
 
A.P.-3-Week-2-1st-Q.pptx
A.P.-3-Week-2-1st-Q.pptxA.P.-3-Week-2-1st-Q.pptx
A.P.-3-Week-2-1st-Q.pptx
 
Pwersang Militar/ Divide and Rule
Pwersang Militar/ Divide and Rule Pwersang Militar/ Divide and Rule
Pwersang Militar/ Divide and Rule
 
Mga Patakaran at Programa ng Pamahalaan Tungo sa Pag-unlad ng Bansa
Mga Patakaran at Programa ng Pamahalaan Tungo sa Pag-unlad ng BansaMga Patakaran at Programa ng Pamahalaan Tungo sa Pag-unlad ng Bansa
Mga Patakaran at Programa ng Pamahalaan Tungo sa Pag-unlad ng Bansa
 
DIAGNOSTIC TEST FOR Music GRADE 4
DIAGNOSTIC TEST FOR Music GRADE 4DIAGNOSTIC TEST FOR Music GRADE 4
DIAGNOSTIC TEST FOR Music GRADE 4
 
Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 2 Impluwensya ng Klima at Lokasyon sa P...
Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 2 Impluwensya ng Klima at Lokasyon sa P...Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 2 Impluwensya ng Klima at Lokasyon sa P...
Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 2 Impluwensya ng Klima at Lokasyon sa P...
 
ArPan - kalakalang galyon.pptx
ArPan - kalakalang galyon.pptxArPan - kalakalang galyon.pptx
ArPan - kalakalang galyon.pptx
 
Lesson exemplar in science 6
Lesson exemplar in science 6Lesson exemplar in science 6
Lesson exemplar in science 6
 
Activity sheet in grade 6 epp
Activity sheet in grade 6 eppActivity sheet in grade 6 epp
Activity sheet in grade 6 epp
 
Subtraction (isinalin sa tagalog)
Subtraction (isinalin sa tagalog)Subtraction (isinalin sa tagalog)
Subtraction (isinalin sa tagalog)
 
EPP4_Agri_W8_D1.docx
EPP4_Agri_W8_D1.docxEPP4_Agri_W8_D1.docx
EPP4_Agri_W8_D1.docx
 
Accomplishment Report - Dec 6 - 10.docx
Accomplishment Report - Dec 6 - 10.docxAccomplishment Report - Dec 6 - 10.docx
Accomplishment Report - Dec 6 - 10.docx
 
Portfolio Day Monitoring & Evaluation Tool Revised.pdf
Portfolio Day Monitoring & Evaluation Tool Revised.pdfPortfolio Day Monitoring & Evaluation Tool Revised.pdf
Portfolio Day Monitoring & Evaluation Tool Revised.pdf
 
Grade 6-english-reading-major-events-ideas-in-a-selection
Grade 6-english-reading-major-events-ideas-in-a-selectionGrade 6-english-reading-major-events-ideas-in-a-selection
Grade 6-english-reading-major-events-ideas-in-a-selection
 
Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul 1-Aralin 1 Suliranin at Hamon Kin...
Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul 1-Aralin 1 Suliranin at Hamon Kin...Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul 1-Aralin 1 Suliranin at Hamon Kin...
Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul 1-Aralin 1 Suliranin at Hamon Kin...
 
AP6_q1_mod4_ang-kababaihan-sa-rebolusyong-pilipino_v2 (1).pdf
AP6_q1_mod4_ang-kababaihan-sa-rebolusyong-pilipino_v2 (1).pdfAP6_q1_mod4_ang-kababaihan-sa-rebolusyong-pilipino_v2 (1).pdf
AP6_q1_mod4_ang-kababaihan-sa-rebolusyong-pilipino_v2 (1).pdf
 
Catch-Up-Fridays-Sample-Activities.docx
Catch-Up-Fridays-Sample-Activities.docxCatch-Up-Fridays-Sample-Activities.docx
Catch-Up-Fridays-Sample-Activities.docx
 
K TO 12 GRADE 5 IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5  IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 5  IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5 IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT
 
Math3 q1 mod1_visualizing-numbers-up-to-10-000_v308092020
Math3 q1 mod1_visualizing-numbers-up-to-10-000_v308092020Math3 q1 mod1_visualizing-numbers-up-to-10-000_v308092020
Math3 q1 mod1_visualizing-numbers-up-to-10-000_v308092020
 

Similar to AP5_q1wk6_mod6_sosyokulturalatpampolitikangpamuuhayngmgasinaunangpilipino.pdf

AP5_q1wk8_mod8_sinaunangkabihasnangasyanoangpagkabuonglipunanatpagkakakilanla...
AP5_q1wk8_mod8_sinaunangkabihasnangasyanoangpagkabuonglipunanatpagkakakilanla...AP5_q1wk8_mod8_sinaunangkabihasnangasyanoangpagkabuonglipunanatpagkakakilanla...
AP5_q1wk8_mod8_sinaunangkabihasnangasyanoangpagkabuonglipunanatpagkakakilanla...josefadrilan2
 
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdfAP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdfjosefadrilan2
 
AP6_q1wk7_mod7_mganatatangingpilipinongnakipaglabanparasakalayaan.pdf
AP6_q1wk7_mod7_mganatatangingpilipinongnakipaglabanparasakalayaan.pdfAP6_q1wk7_mod7_mganatatangingpilipinongnakipaglabanparasakalayaan.pdf
AP6_q1wk7_mod7_mganatatangingpilipinongnakipaglabanparasakalayaan.pdfjosefadrilan2
 
AP6_q1wk5_mod5_Ang-Deklarasyon-ng-Kasarinlan-ng-Pilipinas-at-ang-Pagkakatatag...
AP6_q1wk5_mod5_Ang-Deklarasyon-ng-Kasarinlan-ng-Pilipinas-at-ang-Pagkakatatag...AP6_q1wk5_mod5_Ang-Deklarasyon-ng-Kasarinlan-ng-Pilipinas-at-ang-Pagkakatatag...
AP6_q1wk5_mod5_Ang-Deklarasyon-ng-Kasarinlan-ng-Pilipinas-at-ang-Pagkakatatag...josefadrilan2
 
AP5_q1wk7_mod7_paglaganapngrelihiyongislamsapilipinas.pdf
AP5_q1wk7_mod7_paglaganapngrelihiyongislamsapilipinas.pdfAP5_q1wk7_mod7_paglaganapngrelihiyongislamsapilipinas.pdf
AP5_q1wk7_mod7_paglaganapngrelihiyongislamsapilipinas.pdfjosefadrilan2
 
AP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdf
AP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdfAP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdf
AP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdfjosefadrilan2
 
AP6_q1wk6_mod6_pakikibakasamgaamerikano.pdf
AP6_q1wk6_mod6_pakikibakasamgaamerikano.pdfAP6_q1wk6_mod6_pakikibakasamgaamerikano.pdf
AP6_q1wk6_mod6_pakikibakasamgaamerikano.pdfjosefadrilan2
 
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner ModuleK to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner ModuleNico Granada
 
Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8
Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8
Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8dan_maribao
 
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 1 Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 1 Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan.pptxESP 4 PPT Q3 - Aralin 1 Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 1 Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan.pptxcindydizon6
 
Reporting in AP 10 4th quarter.pptx
Reporting in AP 10 4th quarter.pptxReporting in AP 10 4th quarter.pptx
Reporting in AP 10 4th quarter.pptxambross2
 

Similar to AP5_q1wk6_mod6_sosyokulturalatpampolitikangpamuuhayngmgasinaunangpilipino.pdf (20)

AP5_q1wk8_mod8_sinaunangkabihasnangasyanoangpagkabuonglipunanatpagkakakilanla...
AP5_q1wk8_mod8_sinaunangkabihasnangasyanoangpagkabuonglipunanatpagkakakilanla...AP5_q1wk8_mod8_sinaunangkabihasnangasyanoangpagkabuonglipunanatpagkakakilanla...
AP5_q1wk8_mod8_sinaunangkabihasnangasyanoangpagkabuonglipunanatpagkakakilanla...
 
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdfAP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf
 
AP6_q1wk7_mod7_mganatatangingpilipinongnakipaglabanparasakalayaan.pdf
AP6_q1wk7_mod7_mganatatangingpilipinongnakipaglabanparasakalayaan.pdfAP6_q1wk7_mod7_mganatatangingpilipinongnakipaglabanparasakalayaan.pdf
AP6_q1wk7_mod7_mganatatangingpilipinongnakipaglabanparasakalayaan.pdf
 
AP6_q1wk5_mod5_Ang-Deklarasyon-ng-Kasarinlan-ng-Pilipinas-at-ang-Pagkakatatag...
AP6_q1wk5_mod5_Ang-Deklarasyon-ng-Kasarinlan-ng-Pilipinas-at-ang-Pagkakatatag...AP6_q1wk5_mod5_Ang-Deklarasyon-ng-Kasarinlan-ng-Pilipinas-at-ang-Pagkakatatag...
AP6_q1wk5_mod5_Ang-Deklarasyon-ng-Kasarinlan-ng-Pilipinas-at-ang-Pagkakatatag...
 
AP5_q1wk7_mod7_paglaganapngrelihiyongislamsapilipinas.pdf
AP5_q1wk7_mod7_paglaganapngrelihiyongislamsapilipinas.pdfAP5_q1wk7_mod7_paglaganapngrelihiyongislamsapilipinas.pdf
AP5_q1wk7_mod7_paglaganapngrelihiyongislamsapilipinas.pdf
 
Ohspm1b q1
Ohspm1b q1Ohspm1b q1
Ohspm1b q1
 
AP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdf
AP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdfAP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdf
AP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdf
 
AP6_Q1wk3_mod3.pdf
AP6_Q1wk3_mod3.pdfAP6_Q1wk3_mod3.pdf
AP6_Q1wk3_mod3.pdf
 
ESP6-Q3-MODYUL1 (1).pdf
ESP6-Q3-MODYUL1 (1).pdfESP6-Q3-MODYUL1 (1).pdf
ESP6-Q3-MODYUL1 (1).pdf
 
AP6_q1wk6_mod6_pakikibakasamgaamerikano.pdf
AP6_q1wk6_mod6_pakikibakasamgaamerikano.pdfAP6_q1wk6_mod6_pakikibakasamgaamerikano.pdf
AP6_q1wk6_mod6_pakikibakasamgaamerikano.pdf
 
Gr8 es p learners manual
Gr8 es p learners manualGr8 es p learners manual
Gr8 es p learners manual
 
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner ModuleK to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
 
esp_learners_module.pdf
esp_learners_module.pdfesp_learners_module.pdf
esp_learners_module.pdf
 
Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8
Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8
Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8
 
ESP MODULE GRADE 8
ESP MODULE GRADE 8ESP MODULE GRADE 8
ESP MODULE GRADE 8
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learner's Material
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learner's MaterialEdukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learner's Material
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learner's Material
 
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 1 Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 1 Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan.pptxESP 4 PPT Q3 - Aralin 1 Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 1 Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan.pptx
 
Lesson plan sa Hekasi
Lesson plan sa HekasiLesson plan sa Hekasi
Lesson plan sa Hekasi
 
Reporting in AP 10 4th quarter.pptx
Reporting in AP 10 4th quarter.pptxReporting in AP 10 4th quarter.pptx
Reporting in AP 10 4th quarter.pptx
 
AP-V-Q1-W6.pptx
AP-V-Q1-W6.pptxAP-V-Q1-W6.pptx
AP-V-Q1-W6.pptx
 

Recently uploaded

Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptxcherrypastoral
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............AljayGanda
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxjobellejulianosalang
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...jourlyngabasa001
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...mtmedel20in0037
 
Edukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docx
Edukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docxEdukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docx
Edukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docxLADYALTHEATAHAD
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdfEdbrianMarkMApostol
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxRanjellAllainBayonaT
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptxYollySamontezaCargad
 
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikanJohairaAcot
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxLucy Datuin
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxRioOrpiano1
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxRobinsonBaclaan
 
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxAP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxComisoMhico
 

Recently uploaded (20)

Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
 
Edukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docx
Edukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docxEdukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docx
Edukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docx
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
 
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
 
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxAP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
 

AP5_q1wk6_mod6_sosyokulturalatpampolitikangpamuuhayngmgasinaunangpilipino.pdf

  • 1. 5 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 6: Sosyo-kultural at Pampolitikang Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino Tinipon at Inayos ni: JULIE ANN D. TAGABAN Teacher II Schools Division of the City of Batac
  • 2. Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Sosyo-Kultural at Pampolitikang Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Ang mga ito ay tinipon at inayos para lamang sa modyul na ito. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng tagalikom ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education Schools Division of the City of Batac Office Address: Schools Division of the City of Batac #16 Quiling Sur, City of Batac, Ilocos Norte, 2906 Telefax: 0776771993 E-mail Address: bataccity@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Tagalikom: Julie Ann D. Tagaban Editor: Cristina G. Paculan Eleonor B. Ramos Jhon Rey D. Ortal Tagasuri: Lovella J. Galut Geraldine O. Lao-at John Ernest L. Medrano Blesilda B. Antiporda Aubrey Marie R. Oasay Tagaguhit: Rommel C. Villanueva Tagalapat: Julie Ann D. Tagaban Tagapamahala: Joel B. Lopez Annie D. Pagdilao Marilou B. Sales Aubrey Marie R. Oasay Jhon Rey D. Ortal
  • 3. Paunang Salita Para sa Tagapagdaloy: Ang modyul na ito ay pinagtulungang inihanda ng mga edukador para gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy, nang sa gayon matulungang mo ang mga mag-aaral na makamit ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan, pangekonomiko at pangkalusugang hamon sa pag-aaral. Sa pamamagitan ng iyong paggabay inaasahang ang tulong aral na ito ay magamit ng mga mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag- aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag- aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
  • 4. Para sa Mag-aaral: Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
  • 5. 1 Alamin Ang modyul na ito ay tumatalakay sa sosyo-kultural at pampolitikang pamumuhay ng ating mga ninuno na dapat mong pag-aaralan dahil sila ay mga pamana ng ating lahi at kontribusyon ng lumang kabihasnan sa pagbuo ng ating lipunan at pagkakakilanlan sa ating pagka Pilipino. Ang ating mga ninuno ay sagana sa paniniwala at mga ritwal, mga palamuti sa damit at katawan. Pinahalagahan din ng ating mga ninuno ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagkakasundo sa taga ibang barangay. Ang mga sinaunang Pilipino ay may sarili ng paraan ng pamumuno sa kanilang pamayanan. Katulad ngayon, tayo ay may kinkilalang lider sa ating bansa at kahit pa sa ating barangay ngayon ay may kinikilala tayong tagapanguna. Malalaman mo sa modyul na ito ang dalawang uri ng pamamahala at ang kanilang mga patakarang sinunod ng mga sinaunang Pilipino. Handa ka na ba sa ating pag-aaral? Halina at samahan mo akong tuklasin ang yugto ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:  masusuri ang sosyo-kultural at politikal na pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino  makasusulat ng isang sanaysay na nagpapakita ng sosyo-kultural na pamumuhay ng mga Pilipino; at  mapapahalagahan ang sosyo-kultural at politikal na pamumuhay ng mga Pilipino. (MELC 6)
  • 6. 2 Subukin Gawain 1: ABC ng Kaalaman Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Isulat sa iyong sagutang papel ang titik ng tamang sagot. 1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kalagayan o sitwasyon ng Pilipinas noong prekolonyal o bago dumating ang mga mananakop? A. may sariling teritoryo B. may sariling pamahalaan C. may pananampalatayang Kristiyano D. may sistema ng pagbasa at pagsulat 2. Ang paniniwala ng ating mga ninuno na ang tao, hayop, halaman, bato, tubig, at kalikasan ay may kaluluwa. A. Animismo B. Islam C. Judismo D. Kristyanismo 3. Noong unang panahon, ano ang simbolo ng tattoo o batuk sa katawan ng isang Pilipino? A. mga alipin B. isang bilanggo C. pagiging kriminal D. kagitingan at kagandahan 4. Ano ang ginagawa ng mga barangay para maiwasan ang di pagkakaunawaan at awayan? A. Nagkaroon sila ng isang paligsahan. B. Kapwa sila nanalangin sa mga diyos upang maiwasan ang gulo. C. Sakupin ang ibang barangay upang maging tagasunod ng kanilang datu. D. Nakipagkasundo ang mga barangay sa isa’t isa sa pamamagitan ng sandugo. 5. Anong kulay ng kangan ang isinusuot ng datu? A. asul B. berde C. itim D. pula 6. Uri ng pamahalaang itinatag ng mga Muslim sa Mindanao. A. pamahalaang lokal B. pamahalaang lalawigan C. pamahalaang sultanato D. pamahalaang pambarangay
  • 7. 3 7. Ano ang tawag sa tagapayo at katulong ng sultan sa pagpapatupad ng batas? A. Adat B. Hariraya C. Ruma Bichara D. Zakat 8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI inihahanda ng pamilya para sa kanilang miyembro na yumao at ililibing? A. paglilinis sa katawan B. pagpapadala ng pera at pagkain C. pagbibihis ng magarang kasuotan D. paglalagay ng paglalangis sa katawan 9. Sino ang nangunguna sa pagsasagawa ng mga ritwal ng mga Bisaya na pinaniniwalaang tagapamagitan sa mundo, diyos, at yumao? A. babaylan C. pari B. ganbanes D. pomares 10.Ito ay tawag sa pinunong panrelihiyon ng mga Igorot na nagsisilbing tagapamagitan ng tao sa mga espiritu. A. babaylan B. bathala C. katalona D. mumbaki
  • 8. 4 Aralin 6 Sosyo-Kultural at Pampolitikang Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino Sa araling ito ay malalaman mo ang kalagayang sosyo-kultural at pampolitikang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. Masusuri at mapapahalagahan mo ang mga kaugaliang ito na sumasalamin sa mayamang kasaysayan ng ating bansa. Balikan Gawain 2: Maala-ala Mo Kaya? Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto, at MALI naman kung ang mga ito ay hindi wasto. 1. Natututong magsaka at maghayupan ang mga sinaunang Pilipino bago pa man dumating ang mga dayuhan sa bansa. 2. Metalurhiya ang tawag sa gawaing pang ekonomiko na gumagawa ng mga bagay na mula sa metal tulad ng ginto. 3. Ang plastik ay ginagamit sa paggawa ng mga palamuti tulad ng pulseras at hikaw noong pre-kolonyal. 4. Ang kristal ay dalang produkto ng mga Tsino sa bansa 5. Kung ikaw ay nabuhay noong pre-kolonyal at ang iyong trabaho sa paggawa ng mga sandata mula sa bakal, karpentero ang tawag sa iyo.
  • 9. 5 Tuklasin Gawain 3: Alam mo ba? Panuto: Sa iyong sagutang papel, sagutin ang mga tanong na nasa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Ito ay isang yunit na pampolitika, panlipunan, at pangkabuhayan noong sinaunang panahon sa Pilipinas. A. bansa B. barangay C. lungsod D. sultanato 2. Nagbubuklod-buklod ang mga barangay at bumuo ng alyansa sa pamamagitan ng______________. A. pagdiriwang C. paligsahan B. pag-iinuman D. sanduguan 3. Ito ay kasuotan ng isang sinaunang Pilipino na pagpapakilala na siya ay isang Datu. A. asul na kangan C. pulang putong B. pulang kangan D. burdadong putong 4. Ang Sultanato ay isang sistema ng pamahalaan na batay sa katuruan ng ________. A. Animismo B. Islam C. Judismo D. Katoliko 5. Upang maging isang datu, kailangang ikaw ay kabilang sa pinakamataas na antas ng lipunan, at kung sultan naman, kailangang ikaw ay____________. A. matapang at mayaman B. magaling gumawa ng batas C. galing sa angkan ni Muhammad D. galing din sa pinaka mataas na antas ng lipunan
  • 10. 6 Suriin Ang kagalingan sa larangan ng sining, paniniwala, pakikipagkapwa-tao at pag- aaral ng pag-uugali ng tao ay tinatawag na kalinangang sosyo-kultural. Makikita ang pamamaraan ng pamumuhay sa kasaysayan, modernisasyon at teknolohiya ng isang bansa. Ang ating mga ninuno ay sumasamba sa kalikasan katulad ng kahoy, ilog, araw, bato, at iba pa dahil naniniwala sila na ang mga ito ay may kaluluwa. Tinatawag na animismo ang paniniwalang ito. .
  • 11. 7 Pinapahalagahan ng ating mga ninuno ang kanilang mga patay. Bago pa ilibing ang bangkay, ito ay nililinis muna, lalagyan ng langis at bibihisan ng magarang kasuotan. Pinapabaunan din ang bangkay ng mga kasangkapan katulad ng seramika at mga palamuti upang may magamit siya sa kabilang buhay. Matapos mailibing at matuyo na ang mga buto ng bangkay, ito ay huhukayin at isisilid sa banga. Ang paniniwala sa kabilang buhay ng ating mga ninuno ay makikita sa sinaunang tapayang Manunggul. Sinasabing ang mga pigura sa takip ng tapayang ito ay nagpapahiwatig ng paglalakbay sa kabilang buhay. Ang tapayang manunggul ay nagsisilbing burial jar kung saan inilalagak ang buto ng namatay na tao. Ang mga ninuno natin ay nagsagawa rin ng ibat-ibang ritwal at pagdiriwang katulad ng Paganito at Pandot. Ang paganito ay pagbibigay alay sa mga anito, at ang pandot naman ay isang pampamayanang alay na isinagawa sa puno ng balete. Ang mga ritwal ay pinangunahan ng mga Katalonan (sa mga Tagalog) at Babaylan (sa mga Bisaya). Sila ang katumbas ng mga pari sa ngayon. Simple lang ang pananamit ng mga ninuno natin. Iniaangkop nila ang kanilang kasuotan sa klima, kapaligiran, at uri ng kanilang pamumuhay. May mga sinaunang kababaihan na ang karaniwang kasuotan ay baro at saya. May mga gumagamit din ng malong o sarong. Ang kasuotan ng kalalakihan ay payak at simple. Mayroon silang kangan bilang pang-itaas na kasuotan at bahag bilang pang-ibabang kasuota. Karaniwang may putong sila sa ulo. Kung minsan, ang nagsusuot lamang ng mga sapin sa paa ay ang mga taong kabilang sa mataas na uri ng panlipunan tulad ng maginoo at maharlika. Ang mga kuwintas, pulseras, singsing at hikaw na gawa sa ginto o tanso ay karaniwang isinusuot ng mga lalaki o babae.
  • 12. 8 Ang kasuotan ng ating mga ninuno ay batay sa kanilang katayuan sa buhay. Ang Datu ay nagsusuot ng pulang kangan, habang asul o itim naman ang mga mas mababa pa kaysa Datu. Ang mandirigmang nagsusuot ng pulang putong ay nagpapahiwatig na nakapatay na siya ng isang tao, at Burdadong Putong naman para sa mga nakapatay na ng pito o mahigit pa. Ang mga kababaihan ay nagsusuot ng baro, kasuotang pang-itaas at saya ng mga Tagalog at patadyong ng mga Bisaya na isang maluwag na palda na isinusuot pang –ibaba. Kilala sa Mindanao ang Tribong B’laan sa pagsusuot ng pang-itaas na damit na tinatawag na Saul Laki at ang kanilang pang-ibabang kasuotan ay tinatawag na Salwal B’laan. Ang mga kababaihan ay nagsusuot ng pang-itaas na damit na kung tawagin ay Saul S’lah at ang kanilang pang-ibabang kasuotan ay tinatawag na Dafeng. Ang mga Maranao ay kilala sa kanilang tradisyunal na kasuotan na tinatawag na Malong. Ito ay malaki at makulay na tela na isinusuot sa pamamagitan ng pagtapis sa katawan. Ang mga ninuno natin ay kilala sa paggawa ng mga sopistikadong mga bangka. Matitibay, matutulin, at hinahangaan ang mga bangkang nagmula sa Pilipinas, katulad ng natagpuan sa Butuan. Ito ay pinagbuklod lang ng tinatawag na “wooden peg” hindi ng pako. Maraming mga lumang bangka ang nahukay ng mga eksperto sa Pilipinas. Ang mga bangkang ito ay tinawag ni Antonio Pigafetta, isang historyador na “Balanghay”. Ang mga sinaunang Pilipino ay may sariling paraan ng pamumuno at mga batas bago pa man dumating ang mga Espanyol. May dalawang uri ng pamahalaan na umiiral sa sinaunang panahon sa Pilipinas - ang barangay at sultanato.
  • 13. 9 Datu ang tawag sa namumuno sa isang barangay at sultan naman ang tawag sa namuno sa isang sultanato. Higit na mas malaki ang sakop ng sultanato kaysa barangay. Katulong ng datu ang Lupon ng Matatanda sa paggawa at pagpatupad ng batas, habang katulong naman ng sultan ang Ruma Bichara na kanyang tagapayo. May dalawang uri ng batas ang umiiral sa isang barangay-ang Batas na Nakasulat at Batas na Hindi Nakasulat. Napaloob sa batas na nakasulat ang mga usapin tungkol sa deborsiyo, krimen, pagmamay-ari ng ari-arian, at iba pa. Sa hindi nakasulat na batas, nakasulat ang tungkol sa mga tradisyon, paniniwala, at kaugalian. Ang batas ng sultanato ay batay sa tatlong Sistema. Ang una ayang Adat, ang batas tungkol sa tradisyon. Ikalawa ay ang Sharia, ang batas na naaayon sa paniniwalang Islam. Ikatlo ay ang Qur’an, ang banal na aklat ng Islam. Si Sharif ul- Hashim o Sayyid Abu Bakr na isang Arabe ang kauna-unahang nagtatag ng pamahalaang sultanato sa Sulu noong 1450. Sinasabing noong unang panahon ay mayroon na ring maunlad na ugnayan ang mga barangay tulad ng pakikipagpalitan ng mga kalakal, pagtutulungan sa panahon ng digmaan, at pakikiisa sa ritwal na tinatawag na sanduguan. Sa sanduguan, nagkakaroon ng ritwal ang dalawang pinuno. Gagawa sila ng maliit na hiwa sa kanilang mga bisig. Ang dugong magmumula dito ay ihahalo sa kaunting alak at iinumin ng dalawang pinuno. Sa pagkakataong iyon, itinuturing ang dalawang barangay na magkapatid sa dugo at kapwa sasailalim sa mga batas at kautusan na itinakda ng dalawang barangay.
  • 14. 10 Pagyamanin Gawain 4: Talas ng Isip, Subukin Panuto: Tukuyin ang konseptong isinasaad sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa iyong sagutang papel. 1. Nagsisilbing burial jar na nagpapakita ng paniniwala ng mga sinaunang Pilipino sa pagkatapos ng kamatayan. 2. Ito ang tawag sa pang-itaas na kasuotang panlalaki sa sinaunang lipunang Pilipino. 3. Tawag sa punong espiritwal sa Bisayas noong sinaunang lipunang Pilipino na karaniwang ginagampanan ng babae. 4. Sila ang katulong ng Datu sa paggawa at pagpapatupad ng batas sa barangay. 5. Ito ang tawag sa simbolikong bangka ng mga sinaunang Pilipino. Gawain 5: Quarantine Time! Panuto: Isulat sa sagutang papel ang tsek (√) kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagtupad sa mga batas, ekis (×) kung hindi nagpapakita ng pagtupad sa mga batas. 1. Nagsusuot ng mask kapag lumalabas sa bahay. 2. Nag-iinuman ng alak habang nasa community quarantine. 3. Nasa loob ng bahay sa oras ng curfew. 4. Sumusunod sa utos ng pamahalaan na stay at home. 5. Dikit-dikit ang mga tao sa pampublikong lugar habang nasa community quarantine. 6. Lumalabas lamang ng bahay kapag bumibili ng essentials. Lupon ng matatanda kangan putong Balangay babaylan manunggul
  • 15. 11 7. Naglilibang ang buong mag-anak sa tabing-dagat. 8. Bukas ang internet café hanggang gabi. 9. Walang pampublikong sasakyan ang bumibyahe. 10.Kumukuha at dinadala ang quarantine pass kapag lumalabas at bumibili ng mga kakailanganin sa bahay. Gawain 6: Mapaghambing kaya Panuto: Gamit ang Venn diagram, suriin ang pagkakapareho at ang pagkakaiba ng sosyo-kultural na pamumuhay ng sinaunang Pilipino sa kasalukuyan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
  • 16. 12 Gawain 7: Buuin Ako! Panuto: Punan ng wastong salita ang bawat patlang para mabuo ang kaisipan ng talata. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa iyong sagutang papel. Maraming natatanging kaugalian ang mga sinaunang Pilipino. Sa pananamit, ang kalalakihan ay nagsuot ng pantaas na damit na tinatawag na (1.) __________ at ang kababaihan ay nagsuot ng (2.) _________ at ________. Sa palamuti naman, ang ating mga ninuno ay nagsuot ng isang alahas na hugis rosas na tinatawag na (3.) _____________. Sa kaugalian sa paglilibing kung ang buto ng bangkay ay natutuyo na, ito ay huhukayin at isisilid sa (4.) ___________. Naniniwala din ang mga sinaunang Pilipino na may espiritung nananahan sa kanilang kapaligiran. Ang tawag sa paniniwalang ito ay (5.) ____________. Mula sa mga natatag na mga pamayanan ay umusbong ang pangangailangan sa kaayusan kaya naitatag ang sistema ng pamamahala. May dalawang uri ng pamahalaan na umiiral sa sinaunang panahon sa Pilipinas ang (6.) _________ at ________. Ang tawag sa namumuno ng barangay ay (7.) ________. (8.) _________ naman ang tawag sa namumuno sa isang sultanato. Nakipagkasundo ang mga barangay sa isa’t-isa para sa kapayapaan at kalakalan sa pamamagitan ng (9.) _____________. Habang ang batas ng sultanato ay batay sa (10.) __________ sistema. Isaisip tatlo barangay at sultanato putong Sultan Datu baro at saya Animismo pomaras kangan banga sanduguan manunggul
  • 17. 13 Isagawa Gawain 8: Subukin ang Sarili A. Naranasan ng mga mamamayang Pilipino ang “Community Quarantine” dahil sa dulot ng pandemyang COVID- 19. Dahil dito maraming mga pagbabago sa pamumuhay ang naranasan ng mga Pilipino. Anong pagbabago sa pamamaraan ng buhay at sistema ng mga batas ang inyong nararanasan? Kopyahin ang tsart at isulat sa tamang hanay ang iyong sagot. Gawin ito sa inyong sagutang papel. Pagbabago sa pamamaraan ng buhay Pagbabago sa politikal na pamumuhay B. Sa iyong sagutang papel, sagutin at ipaliwanag ang mga tanong sa ibaba. Gamitin ang rubrik sa ibaba bilang gabay sa pagsagot. 1. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng batas sa pagkamit ng kaayusang panlipunan? Bakit? 2. Sa kasalukuyang nararanasan ng bansa dulot ng pandemya, ano ang mga ginawa mong paraan upang maiangkop ang sarili sa tinatawag na new normal? Rubrik sa Pagsulat ng Talata Kraytirya Napakahusay (4) Mahusay (3) Nalilinang (2) Nagsisimula (1) Nilalaman Kumpleto at komprehensibo ang nilalaman at wasto ang lahat ng impormasyon Kumpleto ang nilalaman at wasto ang lahat ng impormasyon May ilang kulang sa nilalaman at may ilang mali sa impormasyon. Maraming kulang at may mali sa nilalaman at impormasyon. Presentasyon Malikhaing nailahad ang nilalaman at maayos ang daloy. Maayos na nailahad at naunawaan ang nilalaman. Hindi gaanong maayos na nailahad ang impormasyon. Hindi maayos na nailahad at hindi naunawaan ang nilalaman. Organisasyon Organisado at malinaw ang nilalaman ng ideya. Organisado at malinaw, ang nilalaman ng ideya. Organisado ang ideya pero may bahaging di gaanong malinaw. Hindi organisado ang ideya at maraming bahagi ang hindi malinaw ang paglalahad. Kabuuan
  • 18. 14 Tayahin Gawain 9: Ano ang natutunan mo? Panuto: Suriin ang mga pahayag. Isulat ang SK kung ito ay tumutukoy sa sosyo- kultural na pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino at PM kung ito ay tumutukoy sa pampolitikang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Pagsamba sa kalikasan, katulad ng kahoy, ilog, araw, bato, at iba 2. Barangay at sultanato ang uri ng pamahalaan na umiiral sa sinaunang panahon sa Pilipinas. 3. Ruma Bichara ang tagapayo at katulong ng sultan sa pagpapatupad ng batas. 4. Pagpapahalaga sa mga mahal sa buhay na yumao na 5. Nagsusuot ng mga palamuti sa katawan 6. Naglagay ng mga tato sa katawan bilang simbolo ng kagitingan at kagandahan. 7. Pakikipagkasundo ng mga barangay sa isa’t isa para sa kapayapaan at kalakalan 8. Pagkatatag ng pamahalaang sultanato sa Sulu 9. Pagsasagawa ng iba’t- ibang ritwal at pagdiriwang 10. Ang batas ng Sultanato ay batay sa tatlong sistema.
  • 19. 15 Karagdagang Gawain GAWAIN 10: Ipagpatuloy Mo A. Panuto: Ipagpalagay ang iyong sarili na isa ka sa mga datu noong sinaunang panahon sa Pilipinas. Anu-ano ang mga batas na iyong gagawin at ipapatupad para sa katahimikan at kapayapaan ng iyong barangay? Sumulat ng limang batas na iyong ipapatupad. Isulat ito sa sagutang papel. B. Panuto: Punan ang ikalawang hanay ng tsart ng mga datos na mula sa aralin. Sa ikatlong hanay, isulat ang kalagayang kultural ng mga Pilipino sa kasalukuyan. Gawin ito sa sagutang papel. Aspeto ng Kultura Kulturang Pilipino noong Sinaunang Panahon Kulturang Pilipino sa Kasalukuyan 1. Paniniwala/Relihiyon 2. Paglilibing 3. Pananamit
  • 21. 17 Sanggunian Gabuat, Maria Annalyn P., Mercado, Michael M., dL. Jose Mary Dorothy. 2016. "Araling Panlipunan 5 Pilipinas Bilang Isang Bansa." 72-75, 100. Quezon City: Vibal Publishing. Agno, Lydia N., et. al. 2016. “Kultura, Kasasayan, at Kabuhayan 5.” 101-104, 106- 108, Quezon City, Vibal Croup Inc.
  • 22. 18 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Region I Schools Division of the City of Batac #16 Quiling Sur, City of Batac, Ilocos Norte 2906 Telefax: 0776771993 Email Address: bataccity@deped.gov.ph