SlideShare a Scribd company logo
1 of 24
Download to read offline
Tinipon at Inayos ni:
MRS. VISITACION S. AGRES
Teacher II
Schools Division of the City of Batac
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Pagsibol ng Kamalayang
Nasyonalismo ng mga Pilipino
6
Araling Panlipunan Grade 6
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan- Modyul 1: Pagsibol ng Kamalayang Nasyonalismo ng mga Pilipino
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.”
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Ang mga ito ay tinipon at inayos para lamang
sa modyul na ito. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng tagalikom ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region I
Office Address: Schools Division of the City of Batac
#16 Quiling Sur, City of Batac, Ilocos Norte 2906
Telefax: (077) 677-1993
E-mail Address: bataccity@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Tagalikom: Visitacion S. Agres
Editor: Lovella J. Galut
Eleonor B. Ramos
John Rey D. Ortal, EdD
Tagasuri: Cristina G. Paculan
Marites A. Sagun
Aubrhey Marie R. Oasay, PhD
John Ernest L. Medrano
Blesilda B. Antiporda
Tagaguhit: Rommel S. Villanueva
Tagalapat: Visitacion S. Agres
Tagapamahala:
Joel B. Lopez, EdD,CESO V Aubrhey Marie R. Oasay, PhD
Annie D. Pagdilao, EdD John Rey D. Ortal, EdD
Marilou B. Sales, EdD
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang inihanda ng mga edukador
para gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy, nang sa gayon ay
matulungan mo ang mga mag-aaral na makamit ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan, pang-ekonomiko at pangkalusugang hamon sa
pag-aral.
Sa pamamagitan ng iyong paggabay, inaasahang ang tulong-aral
na ito ay magamit ng mga mag-aral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mga mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayan ng pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-
aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa inyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul na ito nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng kuwaderno sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing nakapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa ibang pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay.
Ang modyul ay may mga bahagi na kinapapalooban ng mga
kaalaman at mga pagsasanay upang lalong hasain ang iyong kakayahan.
Sa katapusan ng modyul ay makikita ang sanggunian na talaan ng lahat
ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng mga Gawain.
Kung sakaling ikaw mahirapang sagutin ang gawain sa modyul na
ito, huwag mag-alinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa
nakatatandang mong kapatid o sa sinoman sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipan na hindi
ka nag-iisa.
Umaasa kami sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka
ng makahulugang pagkatuto at makakuha ka ng malalim na pang-unawa
sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito
1
“Kasabay ng pagbabago ng ating kapaligiran ay ang patuloy ring pagbabago
sa takbo ng ating lipunan”.
Bilang tugon sa mga pagbabagong ito ay ang pag-usbong ng mga kagamitang
- pampagkatuto na naglalayong tulungan kayo at imulat sa inyong mga isipan ang iba’t
ibang aspektong nakaapekto sa buhay ng tao.
Ang Modyul na ito ay naglalayong palawakin ang inyong kaalaman tungkol sa
Epekto ng Kaisipang Liberal sa Pag-usbong ng Damdaming Nasyonalismo sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga gawain nang buong husay.
Inaasahang matutuhan mo lahat ang mga aralin na inihanda para sa iyo. Ang
Aralin 1 ay tumutukoy sa Partisipasyon ng mga Kababaihang Pilipino. Ang modyul na
ito ay nahahati sa sumusunod na paksa:
• Paksa 1: Paglahok ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan
• Paksa 2: Pagbubukas ng Suez Canal
• Paksa 3: Pagpasok ng Liberal na Kaisipan sa Pilipinas
• Paksa 4: Paglitaw ng Panggitnang Uri ng mga Pilipino
• Paksa 5: Pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863
• Paksa 6: Isyu ng Sekularisasyon
• Paksa 7: Pag-aalsa sa Cavite
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC 1)
• Nasusuri ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming
nasyonalismo
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
sumusunod:
• naipaliliwanag ang kahulugan ng nasyonalismo;
• natutukoy ang mga kaganapan sa loob at labas ng Pilipinas noong ika-
19 n siglo na nakapagpagising sa kamalayang nasyonalismo ng mga
Pilipino; at
• napahahalagahan ang kamalayang nasyonalismo ng mga Pilipino sa
kasalukuyang panahon.
• nakagagawa ng chart na nagpapakita ng mga salik sa pagbuo ng
kamalayng nasyonalismo
Alamin
2
Subukin
Gawain 1: Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa malinis na papel
ang letra ng wastong sagot.
1. Sumigla ito nang buksan ang mga daungan sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
A. paglakbay sa Europe C. damdaming makabansa
B. kalakalang pandaigdig D. Paglaganap ng Kristiyanismo
2. Ano ang tawag sa kanal na nagpaikli ng panahon ng paglalakbay sa pagitan ng
Pilipinas at Europe?
A. Benham Rise C. Panatag Shoal
B. Panama Canal D. Suez Canal
3.Ano ng tawag sa mga Pilipinong nakapag-aral sa Europe?
A. Ilustrado B. Indio C. Insulares D. Peninsulares
4. Anong dekreto ang ipinatupad noong 1863?
A. Dekretong Agrikultura C. Dekretong Pangmasa
B. Dekretong Edukasyon D. Dekretong Panlipunan
5. Sinong monarkang Espanyol ang pinaalis sa tungkulin dahil sa pagiging mapaniil?
A. Carlos Maria de la Torre C. Rafael de Isquierdo
B. Padre Pedro Pelaez D. Reyna Isabela II
6. Sino ang obispong nag-utos ng sekularisasyon ng mga parokya?
A. Padre Jacinto Zamora C. Padre Mariano Gomez
B. Padre Jose Burgos D. Papa Pio V
7. Siya ang liberal na gobernador heneral ng Pilipinas. Sino siya?
A. Carlos Maria de la Torre C. Rafael de Isquierdo
B. Padre Pedro Pelaez D. Reyna Isabela II
8. Paring Pilipinong nagpasimula ng kilusan para sa sekularisasyon ng mga parokya.
A. Arsobispo Basilio Santa Justa C. Padre Mariano Gomez
B. Padre Jacinto Zamora D. Padre Pedro Pelaez
9. Sino ng pinuno ng pag-aalsa sa arsenal sa Cavite?
A. Arsobispo Basilio Santa Justa C.Padre Pedro Pelaez
B. Padre Mariano Gomez D. Sarhento Fernando La Madrid
10. Ano ang pinaikling tawag sa tatlong paring martir?
A. Gomburza B. Jamajo C. Ragozez D. Zamorg
Bilang panimula, sagutan mo ang mga tanong
sa ibaba para mataya ang iyong kahandaan
sa paksa.
Ito ay sa kadahilanang ang mga
pangyayari noon ay hindi nagbigay ng
pagkakataon sa mga Pilipino na magkaisa. Hindi
pa sumibol sa kanila ang tinatawag na
kamalayang nasyonlismo.
Ang mga kaganapan sa loob at labas ng
Pilipinas noong ika-19 na siglo ang gumising sa
kamalayang nasyonlismo ng mga Pilipino.
Nagbunga ito ng kanilang paghahangad na
makalaya mula sa mga Espanyol.
Upang maunawaan mong mabuti ang epekto ng
kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming
nasyonalismo, kailangang suriin ang mga salik
nito.
Mayroon pitong salik sa pagbuo ng kamalayang
nasyonalismo.
3
Aralin
1
Pagsibol ng Kamalayang
Nasyonalismo ng mga Pilipino
Balikan
Gawain 1: Buuin Mo
Basahin ang mga nakatalang salita sa ibaba. Mula sa mga sinalungguhitang titik,
mabubuo ang isang mahalagang salitang nakapaloob sa araling ito. Isulat nang
sunud-sunod sa patlang ang mga pantig na ito. Isulat sa iyong papel.
Anong salita ang nabuo mo? Masasabi mo ba ang kahulugan nito?
Malalaman mo sa aralin na ito ng
mga pangyayaring nakagising sa
kamalayang nasyonalismo ng mga
Pilipino.
mananakop
impormasyon
gobernador
kolonyalismo
merkantilismo
________________________
4
Gawain 2: Ipahayag Mo
Kopyahin ang concept map sa papel at isulat mo sa loob ng bilog ang sarili mong
pagkaunawa sa salitang “nasyonalismo”.
Tuklasin
Gawain 3: Manghinuha Ka
Matutukoy mo ba ng mga nasa larawan? Isulat sa iyong papel kung ano o sino ang
mga ito.
Ano ang mahalagang ambag ng mga ito sa pagkagising ng kamalayang nasyonalismo
ng mga Pilipino?
nasyonalismo
5
Suriin
Sa loob ng maraming taon, sinikil ng mga Espanyol ang kalayaan ng mga
Pilipino. Ito ay sa kadahilanang ang mga pangyayari noon ay hindi nagbigay ng
pagkakataon sa mga Pilipino na magkaisa. Hindi pa sumibol sa kanila ang tinatawag
na kamalayang nasyonalismo.
Ang mga kaganapan sa loob at labas ng Pilipinas noong ika-19 na siglo ang
gumising sa kamalayang nasyonlismo ng mga Pilipino. Nagbunga ito ng kanilang
paghahangad na makalaya mula sa mga Espanyol.
Upang maunawaan mong mabuti ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-
usbong ng damdaming nasyonalismo, kailangang suriin ang mga salik nito.
Mayroon pitong salik sa pagbuo ng kamalayang nasyonalismo.
1. Paglahok ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan
Ang kamalayang nasyonalismo ay
tumutukoy sa pagiging mulat ng mga mamamayan
sa tunay na mga nangyayari sa estado. Ito ay ang
pagpapahalaga sa lahat ng bagay na may
kinalaman sa sariling bansa. Nagpapakita ito ng
marubdob na pagmamahal sa bayan o bansang
sinilangan. Kasabay nito ay ng masidhing
pagnanais na magkaisa ang lahing kinabibilangan
at makalaya mula sa pananakop ng mga dayuhan.
6
Sa simula, ang daungan lamang sa Maynila ang bukas para sa
pakikipagkalakalan. Sa pagtanggap sa patakarang laissez faire o malayang kalakalan
at pagluwag at pagsunod sa patakarang merkantilismo, unti-unting nabuksan ang
Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan.
Taong 1834, nang hayagang binuksan ang Maynila sa Kalakalang pandaigdig.
Binuksan din ang daungan ng Sual, Iloilo at Zamboanga at ng sumunod na taon ay
ang Cebu. Dahil dito ay umunlad ang mga produktong panluwas at lumaki ang kapital
ng ating bansa. Pinaigi ang teknolohiyang pansakahan at dumami ang mga aning
produkto ng mga magsasaka. Yumabong ang ekonomiya ng Pilipinas.
Ang bilang ng mga may-ari ng lupain, mga negosyante at mangangalakal ay
dumami rin. Gumanda ang transportasyon at komunikasyon kaya naging mabilis ang
pagkilos ng mga produkto. Ang mga ganitong pagbabagong dulot ng kalakalan ang
nagbigay daan sa madalas na pagkikita at pagkikilala ng mga tao. Namulat sila sa
sariling kalagayan kaiba sa mga prayle at mga Kastila.
2. Ang Pagbubukas ng Suez Canal
Lubos na ikinagalak ng daigdig ang pagbubukas ng Suez Canal na
nagdurugtong sa Mediterranean Sea at Red Sea noong 1869. Naging madali para sa
mga manlalakbay at negosyante ang pumunta sa Pilipinas. Dahil sa Suez Canal ang
paglalakbay ay 32 araw na lamang di tulad dati na kailangang umikot pa sa dulo ang
Aprika na tumatagal ng 3 buwan.
7
Nakabuti ang pagkakagawa ng Kanal Suez dahil nagkaroon ng pagkakataon
makipag-ugnayan ang mga Pilipino sa iba’t- ibang panig ng daigdig.
Natuto ang mga Pilipino ng mga liberal na kaisipan at sa pagdating ng mga aklat,
pahayagan, lathalain, at mga bagong ideya mula sa Europa at Estados Unidos ay lalo
pang lumawak ang kaalaman ng mga Pilipino. Sumigla ang pagnanasa ng mga
Pilipino sa paghingi ng pagbabago o reporma.
3. Ang Pagpasok ng Liberal na kaisipan sa Pilipinas
Dumating sa Pilipinas ang liberal na pamunuan mula sa Spain na nagpabago
sa Sistema ng pamamahala sa kolonya. Nagsimula ito matapos sumiklab ang isang
himagsikan sa Spain noong Setyembre 19, 1868. Bunga ng himagsikan ay ang
paglipat ng pamamahala ng gobyerno mula sa mga konserbatibo patungo sa mga
liberal. Ang pagbabagong ito ay umabot sa mga kolonya ng Spain kabilang na ng
Pilipinas kung saan ipinadala ang bagong gobernador-heneral – si Carlos Maria de la
Torre.
Ang liberal na mga kaisipang dala ng bagong pinuno ay tinangkilik ng mga
Pilipino. Naging dahilan ito upang manumbalik ng pagtitiwala ng mga tao sa
pamahalaan. Naging bukas din ang tanggapan ni de la Torre sa mga hinaing ng mga
mamamayan mula sa kanilang mga karanasan sa nakaraang pamunuan. Ipinatigil din
niya ang mga hindi makataong patakaran sa kolonya tulad ng paghihigpit sa mga
pahayagan, pagpapataw ng paghagupit bilang kaparusahan, at pagtugis at
pagdampot sa mga pinaghihinalaang kalaban ng pamahalaan. Ipinatupad din niya ang
sekularisasyon sa mga simbahan sa Pilipinas. Sa unang pagkakataon matapos ang
higit 300 taon, muling nakaranas ng kalayaan at nanumbalik ang ilang karapatan ng
mga Pilipino.
Subalit, daglian lamang ang liberal n pamumuno sa Pilipinas. Agad itong
natapos sa pagtatalaga kay Rafael de Izquierdo bilang bagong gobernador-heneral
ng kolonya. Kaiba kay de la Torre, si Izquierdo ang itinuturing na pinakamalupit na
Gobernador
Heneral Carlos
Maria de la
Torre, liberal na
gobernador
heneral ng
Pilipinas
8
namuno sa Pilipinas. Dahil sa magkataliwas na pamumunong ito, higit na hinangad
ng mga Pilipino ang reporma at kalayaan.
4. Ang Paglitaw ng Gitnang Uri ng mga Pilipino.
Ang tao sa lipunan noong panahon ng mga Kastila ay nauuri-uri ayon sa
kalagayan nila sa buhay. Ang mga purong Kastila na sa Espanya ipinanganak ay
tinatawag na peninsulares. Ang mga isinilang sa Pilipinas mula sa kapwa Kastila ay
mga insulares at mestizo naman ang tawag sa mula sa dalawang angkan, Kastila at
Pilipino o Intsik. Ang pinakamababa sa pangkat ng tao ay ang karaniwang
mamamayang Pilipino na kilala sa tawag na indio o busabos. Sa pagdaan ng mga
panahon, nabago ang panghuling uri.
Ang pagsigla ng pakikipagkalakalan ay nagpaangat sa kabuhayan ng
maraming Pilipino. Sila ang tinatawag na nasa panggitnang uri o middle class. Napag-
aral nila ang kanilang mga anak sa Europe. Tinawag na mga illustrado ang mga
Pilipinong nakapag-aral. Ang ilustrado ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng
kaalaman sa kaliwanagan.
Ang mga ilustrado ay nagkaroon ng malawak na pananaw sa buhay. Sa
pamamagitan ng kanilang karunungan, naiparating nila sa kanilang mga kababayan
ang tunay na kalagayan ng Pilipinas sa ilalim ng kolonyalismong Espanyol.
5. Pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863
Sa ilalim ng mga Espanyol, ang Sistema ng edukasyon na kanilang itinatag sa
Pilipinas ay nakasentro sa relihiyon, at sa primaryang pag-aaral ng mga insulares o
mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas. Kasabay nito ay ang patuloy na pagtuturo
ng mga ina ng bokasyonal na kakayahan sa kanilang mga anak sa loob ng kanilang
tahanan.
Mestizo – taong
nagmula sa
magkaibang lahi
9
Bilang bahagi ng programa ng pamahalaaang Espanyol na ireporma ang
Sistema ng edukasyon sa kolonya ay ipinatupad ang Dekretong Edukasyon ng 1863
sa Pilipinas.
Ayon sa kautusan, ang edukasyon ay naging bukas para sa lahat. Nagbukas
ng dalawang paaralang primarya sa bawat bayan, ang isa ay para sa mga babae at
ang isa ay para naman sa lalaki. Itinuro ang sumusunod na signatura: doktrina,
kasaysayan, kabutihang asal, pagbasa at pagsulat sa Espanyol, matematika,
agrikultura, tamang gawi, heograpiya, at iba pa. Itinuro rin sa mga babae ang pananahi
at pagsusulsi, at iba pang gawaing- bahay
Nagbukas ng isang paaralang normal na pinamamahalaan ng mga Jesuit para
sa mga lalaking nais maging guro.
Binuksan din sa mga Pilipino ang edukasyong pansekondarya at pantersiyarya
ngunit ang mayayaman lamang ang nakapagpaaral ng kanilang mga anak sa mga
paaralang ito. Ang iba sa kanila ay nagtungo sa Europe upang doon mag-aral.
6. Ang Isyu ng Sekularisasyon
Noong panahon ng mga Kastila ang mga pari ay nahahati sa dalawa; ang
regular at sekular. Mga Kastila ang mga paring regular na nag-aral at sinanay sa
Espanya. Kasapi ang mga ito ng mga ordeng relihiyoso - Agustinian, Pransiskano,
Rekoleto, Jesuita at Dominikano. Paring sekular ang mga paring Pilipino na nag-aral
at sinanay sa Pilipinas at nasa ilalim ng mga arsobispo at obispo. Hindi sila
pinahintulutang mapabilang sa anomang ordeng relihiyoso.
Ang pagpapalaganap ng pananampalatayang Katoliko ang tanging tungkulin
ng mga paring regular, kaya hindi sila puwedeng ilagay sa mga parokya. Tanging mga
paring sekular ang hihirangin sa pagiging kura paroko nang sa ganoon ay
mapangalagaan ang kapakanang pangkaluluwa ng mga nakatira sa parokya.
Dahil sa sigasig at sipag ng mga prayle nagkaroon ng bagong parokya.
Dumami ang bilang ng mga parokya kaya kinulang ang mga paring sekular. Nagpasya
ang Papa Pio V noong taong 1567 na payagang maglingkod ang mga paring regular
sa mga parokya. Bilang tugon sa suliranin, ang ilang mga Pilipino ang mabilisang
sinanay nang maging kura paroko. Pagkalipas ng ilang buwan pagsasanay ay
itinalaga na ang mga pari sa mga bakanteng parokya.
Sa kasamaang palad, ipinarating ng mga prayle sa hari ng Espanya na walang
kakayahan, ang mga paring sekular na mapamahalaan ng mabuti ang mga parokya
at sinabi pa na mahina ang karakter ng mga ito. Kaya di dapat humawak ng mga
parokya. Sa panahong ito, ang mga paring regular ang itinatalagang kura-paruko o
paring tagapamahala ng parokya o simbahan. Samantala, ang mga paring sekular ay
karaniwang naitatalaga bilang katuwang na kura ngunit walang kakayahang
magdesisyon o makialam sa desisyon ng kura-paroko.
10
Isinulong ni Padre Pedro Pelaez ang kilusan para sa sekularisasyon ng mga
parokya. Ngunit siya ay namatay noong 1863. Ang kanyang sinimulan ay
ipinagpatuloy ni Padre Jose Burgos.
Ang usapin ay unti-unting nagbigay ng ideya sa mga Pilipino na nararapat itaas
ang kanilang dangal
7. Ang Pag-aalsa sa Cavite
Isang pag-aalsa na pinamumunuan ng nagngangalang Fernando La Madrid
ang naganap sa Cavite noong Enero 20, 1872. Ang dahilan ay ang pag-alis ni
Gobernador Heneral Isquierdo sa mga pribilehiyo ng mga sundalo at manggagawa ng
arsenal sa Cavite na malibre sa buwis at sa polo.
Katulad ng ibang Pilipino, kailangan na ring magbayad ng buwis at gumawa ng
sapilitan ang mga sundalo at manggagawa ayon sa patakaran ng gobernador heneral
Isquierdo, ang pumalit kay de la Torre. Sa kaguluhang ito nilitis at hinatulang mamatay
ang lahat ng kasangkot sa labanan kabilang si La Madrid.
Sa pagpaparusa sa mga kasali sa paghihimagsik dapat sana’y tapos na ang
kaguluhan sa Cavite. Subalit ginawan ng mga Kastila ng panibagong kuwento ang
pangyayari. Pinalabas ng mga Kastila na ito’y isang pambansang paghihimagsik na
naglalayong ibagsak ang pamahalaang Kastila. Itatatag ang isang republika na
pamumunuan ni Padre Jose Burgos. Ayon pa sa mga prayle, pinasimulan daw ito ng
pari at itinaguyod ng mga mag-aaral, propesyonal at mga negosyante.
Pinakakilala sa mga hinuli ay sina Padre Jose Burgos, Jacinto Zamora at
Mariano Gomez. Samantalang ang iba ay ipiniit at ang iba’y ipinatapon sa labas ng
Pilipinas.
Ang
tatlong
paring
martir ay
kilala sa
tawag na
Gomburza
.
11
Kung tutuusin ang kaguluhan sa Cavite ay isa lamang pagtutol sa pamamahala
ni Gobernador Isquierdo ngunit kinasangkapan ang kaguluhang ito upang mawala sa
paningin ng mga prayle ang 3 paring nakikipaglaban para sa sekularisasyon ng mga
parokya. Nilitis sa isang hukuman ang mga pari subalit nagmistulang komedya ito.
Isang testigo ang binayaran at pinangukuan ng pabuya ang nagdiin sa mga pari. Kahit
walang malinaw na katibayan ay nahatulan ng kamatayan ang mga ito sa
pamamagitan ng paggarrote sa Bagumbayan. Iginawad sa kanila ang kamatayan
noong ika –17 ng Pebrero 1872.
Ang pagkamatay ng tatlong pari ay ginawang babala ng mga Kastila sa mga
Pilipino upang huwag silang pamarisan. Ipinakita nila na ang sinapit ng 3 pari ay
maaaring mangyari din sa kanila
Pagyamanin
GAWAIN 4: Paghusayan Mo
Pagtapatin ang hanay A at hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong papel.
A B
1. Pagkamakabansa a. demokrasya
2. Malayang kaisipan b. ilustrado
3. Pantay-pantay na pamumuhay c. liberalismo
4. Usaping Pansimbahan d. malayang kalakalan
5. Pilipinong nakapag-aral e. nasyonalismo
6. Laissez Faire f. normal
7. Pag-aalsa g. paghihimagsik
8. Paring Espanyol h. parokya
9. Paring Pilipino i. regular
10.Paaralan para sa nais magturo j. sekular
k. peninsulares
12
GAWAIN 5: Ipaliwanag Mo
Pumili ng tatlo at ihayag kung ano ang kahalagahan ng mga sumusunod sa
pagkakaroon ng kamalayang nasyonalismo ng mga Pilipino noong ika-19 siglo.
1. Pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan
__________________________________________________________________
2. Usapin ng sekularisasyon ng simbahan
__________________________________________________________________
3. Liberal na pamamahala ni goberndor heneral Carlos Maria de la Torre
__________________________________________________________________
4. Paglitaw ng panggitnang uri ng mga Pilipino
_________________________________________________________________
5. Pagbitay kina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora
__________________________________________________________________
Rubrics sa Pagsagot
Puntos Pamantayan
5 Nakasagot ng 3 nang malinaw at angkop ang kaisipan sa konsepto
4 Nakasagot ng 2 nang malinaw at angkop ang kaisipan sa konsepto
3 Nakasagot ng 1 nang malinaw at angkop ang kaisipan sa konsepto
2 Nakasagot ng 3 pero di malinaw ang kaisipan
1 Nakasagot ng 2 pero di malinaw ang kaisipan
GAWAIN 6: Gawin Mo
Isulat ang tsek (√) sa patlang kung ang sumusunod ay salik na
nakapagpausbong ng damdaming nasyonalismo. Lagyan ng ekis (X) kung hindi.
________ 1. Republika ng Biak na Bato
________ 2. Panggitnang uri ng lipunan
________ 3. Kaisipang liberal sa Pilipinas
________ 4. Ang Kilusang Sekularisasyon
________ 5. Saligang Batas ng Malolos
________ 6. Si Gobernador dela Torre
________ 7. Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan
________ 8. Pag-aalsa sa Cavite noong 1872
________ 9. Republika ng Malolos
________ 10. Pagbitay sa Tatlong Paring Martir
13
Isaisip
GAWAIN 7: Paglalapat
1. Ano ng kamalayang nasyonalismo?
2. Paano nagising ang kamalayang nasyonalismo ng mga Pilipino sa pakikisali
sa pandigdigang kalakalan?
3. Ano ang magandang naidulot ng pagbubukas ng Suez Canal?
4. Ano Ang sekularisasyon?
5. Bakit nagkaroon ng pag-aalsa sa Cavite?
6. Sina Padre ____________________, Padre _______________, at
Padre_______________ ay mga paring sekular na pinagbintangang may
kaugnayan sa pag-aalsa. Hinatulan silang nagkasala at ginarote sa
Bagumbayan.
7. Ang ___________________ ay kautusan na nagpapahayag na ang
edukasyon ay bukas para sa lahat.
8. Ang kamalayang nasyonalismo ay nagbunga ng paghahangad ng mga
Pilipino na magkaroon ng _______________________________________.
Binabati kita dahil matagumpay
mong naisagawa ang mga naunang
gawain sa modyul na ito. Sa bahaging ito,
sasagutin mo ang mga sumusunod upang
mailahad ang iyong natutuhan sa aralin.
Isulat ang sgot sa papel
14
GAWAIN 8: Isagawa Mo
Gawain 9: Pangwakas na Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong
papel.
1. Ano ang tawag sa pagiging mulat sa tunay na kalagayan ng sariling bansa at pagiging
mapagmahal at tapat sa lahat ng bagay na nauugnay sa bayan?
Mga Salik sa
Pagbuo ng
Kamalayang
Nasyonalism
o
Isagawa
Tayahin
Ngayong alam mo na ang konsepto ng
kamlayang nasyonalismo, ilahad mo kung paano
umusbong ito. Punan ang concept map upang
maipakita ang mga salik na nagbigay daan sa
pag-usbong ng kamalayang nasyonalismo. Isulat
ang sagot sa papel.
15
A. liberalismo C. kamalayang nasyonalismo
B. sekularisasyon D. pandaigdigang kalakalan
2. Ang mga Espanyol na isinilang sa Pilipinas o Mexico ay tinatawag na _________?
A. insulares C. mestizo
B. ilustrado D. peninsulares
3. Ang pagkakapantay-pantay, kalayaan at pagkakapatiran ay mga simulain ng _________?
A. liberalismo C. nasyonalismo
B. merkantilismo D. sekularisasyon
4. Ano ang tawag sa mga makapangyarihang paring humawak ng mga parokya?
A. arsobispo C. paring regular
B. obispo D. paring sekular
5. Ito ay pagsasalin ng pangangasiwa sa mga parokya mula sa mga prayleng Espanyol
tungo sa mga paring Pilipino.
A. kalakalan C. merkantilismo
B. laissez faire D. sekularisasyon
6. Sino ang nanguna sa kilusang tumuligsa sa hindi makatarungang pagtrato ng mga paring
Espanyol sa mga paring Pilipino?
A. Padre Jacinto Zamora C. Padre Mariano Gomez
B. Padre Jose Burgos D. Padre Pedro Pelaez
7. Alin sa mga sumusunod ang bunga ng pagsali ng mga Pilipino sa pandaigdigang
kalakalan?
A. nakamit nila ang kalayaan
B. naaprobahan ang sekularisasyon
K. naging makapangyarihan ang mga Pilipino
D. nagkaroon ng kamalayan sa malayang kaisipan
8. Sila ay mga anak ng mga mestizo na nakapag-aral sa Europe na ngkaroon ng kaalaman
sa kaliwanagan. Sino sila?
A. alipin C. insulares
B. ilustrado D. penisulares
9. Ano ang itinakda ng Dekreto ng Edukasyon ng 1863?
A. bukas ang pag-aral para sa lahat
B. pinag-aaral ng pagkaguro ang mga babae
C. mga lalaki lang ang pinapayagang mag-aral
D. insulares lamang ang maaring makapag-aral sa primarya.
16
10. Lahat ng mga ito ay salik sa pagkakaroon ng kamalayang nasyonalismo ng mga Pilipino
maliban sa isa. Alin ito?
A. Pag-aalsa sa Cavite C. Pandaigdigang kalakalan
B. Pagbukas ng Suez Canal D. Paglaganap ng Kristiyanismo
Karagdagang Gawain
GAWAIN 10: Magagawa Mo
Ibigay ang sanhi o bunga ng bawat pangyayari. Isulat sa iyong papel.
1. Pumasok sa Pilipinas ang mga malayang kaisipan.
2. Nakapag-aral sa ibang bansa ang ibang Pilipino kaya
3. Ipinagpatuloy ni Padre Jose Burgos ang kilusan para sa sekulrisasyon ng mga
parokya, kaya
4. Napamahal sa mga Pilipino si Gobernador Heneral Carlos Maria de la Torre dahil
5. Hindi nagtagumpay ang pag-aalsang pinamunuan ni Sarhento Fernando La
Madrid sapagkat
17
Susi sa Pagwawasto
Subukin
1.
B
2.
D
3.
A
4.
B
5.
D
6.
D
7.
A
8.
D
9.
D
10.
A
Balikan
–
Gawain
1
-
nasyonalismo
Gawain
2
Tuklasin
Gawain
3
*Larawan
ng
galyon
*
Larawan
ng
3
paring
martir-
Padre
Jose
Burgos,
Jacinto
Zamora
at
Mariano
Gomez
Pagyamanin
Gawain
4
1.
e
2.
c
3.
g
4.
h
5.
b
6.
d
7.
g
8.
i
9.
j
10.
f
Pagyamanin
Gawain
5
1.
Maraming
nakarating
sa
ibang
bansa.
Namulat
ang
mga
Pilipino
sa
sariling
kalagayan
at
natutong
makisalamuha
sa
ibang
dayuhan.
2.
Ipagtanggol
ang
karapatan
ng
mga
paring
sekular
sa
mga
parokya.
3.
Naniniwala
siya
sa
liberalismo
at
ipinamalas
niya
ito
sa
pamamagitan
ng
mga
patakaran
at
mahusay
na
pakikitungo
sa
mga
Pilipino
4.Sila
ang
nagpasimula
ng
paghiling
ng
pagbabago
at
nagtanggol
sa
mga
karapatan
ng
mga
Pilipino.
5.
Pinakamahalagang
salik
na
nagpausbong
sa
damdaming
nasyonalismo.
18
Pagyamanin
Gawain
6
1.
X
2.
√
3.
√
4.
√
5.
X
6.
√
7.
√
8.
√
9.
X
10.
√
Isaisip
–
Gawain
7
1.
Ito
ay
tumutukoy
sa
pagiging
mulat
ng
mga
Pilipino
sa
tunay
na
nangyayari
sa
Estado.
Pagmamahal
sa
bayan.
2.
Madalas
ang
pagkikita
at
pagkikillala
ng
mga
dayuhan
kaya
namulat
sila
sa
sariling
kalagayan
kaiba
sa
mga
prayle
at
Espanyol
3.
Mas
mabilis
ang
paglalakbay
ng
mga
negosyante
patungo
sa
Pilipinas
at
pabalik
4.
Ito
ay
panawagan
ng
mga
paring
regular
na
mabigyan
ng
karapatan
at
kapangyarihan
na
mamahala
sa
parokya.
5.
Ikinagalit
ng
mga
manggagawa
sa
arsenal
at
ilang
katutubong
kawal
ang
pagbawi
ni
gobernador
heneral
Rafael
de
Izquierdo
sa
kanilang
mga
prebilehiyo.
6.
Padre
Jose
Burgos,
Padre
Jacinto
Zamora,
at
Padre
Mariano
Gomez
7.
Dekreto
ng
Edukasyon
1863
8.
Pagbabago
sa
pamamalakad
ng
mga
Espanyol
Isagawa–
Gawain
8 Tayahin
Gawain
9
1.
C
2.
D
3.
A
4.
C
5.D
6.
D
7.
D
8.
B
9.
A
Karagdagang
Gawain
Gawain
10
1.
nagising
ang
kamlayang
nasyonalismo
ng
mga
Pilipino
2.
nagkaroon
ng
kamalayan
sa
liberal
na
kaisipan
3.
nabigyan
ng
ideya
ng
mga
Pilipino
na
nararapat
na
itaas
ang
kanilang
dangal
4.
nagpakita
siya
ng
demokrasya
sa
kanyang
pamamahala
5.
nilitis
at
hinatulang
mamatay
ang
lahat
ng
kasangkot
sa
labanan
19
Sanggunian:
Agno, Lydia N. et. al. Kultura, Kasaysayan at Kabuhayan 6, Aklat sa Araling
Panlipunan. Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016
Rebis, Kristine Conde. et. al. Linangin ng Diwa 6, Aklat sa Araling Panlipunan.
Tandang Sora, Quezon City: PLL Publishing House., 2016
Tuico, Amelia S. Yaman ng Lahi, Quezon City: JFC Publishing House, Inc 2017
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

More Related Content

What's hot

3 health 4 tg (qtr. 1 lessons 1 4)
3 health 4 tg (qtr. 1 lessons 1 4)3 health 4 tg (qtr. 1 lessons 1 4)
3 health 4 tg (qtr. 1 lessons 1 4)
Dionisio Ponte
 
Aralin 2 pagiging matiyaga uugaliin ko!
Aralin 2 pagiging matiyaga uugaliin ko!Aralin 2 pagiging matiyaga uugaliin ko!
Aralin 2 pagiging matiyaga uugaliin ko!
EDITHA HONRADEZ
 
Kilusang propaganda at katipunan
Kilusang propaganda at katipunanKilusang propaganda at katipunan
Kilusang propaganda at katipunan
Ivy Fabro
 
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 4 2ND QUARTER SY 2021-2022.docx
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 4  2ND QUARTER  SY 2021-2022.docxBANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 4  2ND QUARTER  SY 2021-2022.docx
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 4 2ND QUARTER SY 2021-2022.docx
GenevieAnigan
 

What's hot (20)

Araling Panlipunan 6 Curriculum Guide rev.2016
Araling Panlipunan 6 Curriculum Guide rev.2016Araling Panlipunan 6 Curriculum Guide rev.2016
Araling Panlipunan 6 Curriculum Guide rev.2016
 
Araling Panlipunan 4 Curriculum Guide rev.2016
Araling Panlipunan 4 Curriculum Guide rev.2016Araling Panlipunan 4 Curriculum Guide rev.2016
Araling Panlipunan 4 Curriculum Guide rev.2016
 
3 health 4 tg (qtr. 1 lessons 1 4)
3 health 4 tg (qtr. 1 lessons 1 4)3 health 4 tg (qtr. 1 lessons 1 4)
3 health 4 tg (qtr. 1 lessons 1 4)
 
Mga Tanyag na Tao sa Komunidad
Mga Tanyag na Tao sa KomunidadMga Tanyag na Tao sa Komunidad
Mga Tanyag na Tao sa Komunidad
 
Dlp araling panlipunan 5 sosyo kultural w6
Dlp araling panlipunan 5 sosyo kultural w6Dlp araling panlipunan 5 sosyo kultural w6
Dlp araling panlipunan 5 sosyo kultural w6
 
Grade 3 Arts Teachers Guide
Grade 3 Arts Teachers GuideGrade 3 Arts Teachers Guide
Grade 3 Arts Teachers Guide
 
Aralin 2 pagiging matiyaga uugaliin ko!
Aralin 2 pagiging matiyaga uugaliin ko!Aralin 2 pagiging matiyaga uugaliin ko!
Aralin 2 pagiging matiyaga uugaliin ko!
 
Pagtatanggol ng mga Pilipino Laban sa Kolonyalismong EspanyoL.pptx
Pagtatanggol ng mga Pilipino Laban sa Kolonyalismong EspanyoL.pptxPagtatanggol ng mga Pilipino Laban sa Kolonyalismong EspanyoL.pptx
Pagtatanggol ng mga Pilipino Laban sa Kolonyalismong EspanyoL.pptx
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
 
K to 12 Grade 2 DLL EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1 – Q4)
K to 12 Grade 2 DLL EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1 – Q4)K to 12 Grade 2 DLL EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1 – Q4)
K to 12 Grade 2 DLL EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1 – Q4)
 
NAT Type Answer Sheet
NAT Type Answer SheetNAT Type Answer Sheet
NAT Type Answer Sheet
 
Kilusang propaganda at katipunan
Kilusang propaganda at katipunanKilusang propaganda at katipunan
Kilusang propaganda at katipunan
 
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 4 2ND QUARTER SY 2021-2022.docx
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 4  2ND QUARTER  SY 2021-2022.docxBANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 4  2ND QUARTER  SY 2021-2022.docx
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 4 2ND QUARTER SY 2021-2022.docx
 
Lesson plan in epp 6
Lesson plan in epp 6Lesson plan in epp 6
Lesson plan in epp 6
 
Detailed Lesson Plan sa filipino 3
Detailed Lesson Plan sa filipino 3Detailed Lesson Plan sa filipino 3
Detailed Lesson Plan sa filipino 3
 
Banghay Aralin sa Filipino V
Banghay Aralin sa Filipino VBanghay Aralin sa Filipino V
Banghay Aralin sa Filipino V
 
Lesson plan in tle 6
Lesson plan in tle 6Lesson plan in tle 6
Lesson plan in tle 6
 
Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 3 Ang Pagkakakilanlang Kultural ng Kina...
Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 3 Ang Pagkakakilanlang Kultural ng Kina...Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 3 Ang Pagkakakilanlang Kultural ng Kina...
Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 3 Ang Pagkakakilanlang Kultural ng Kina...
 
ENGLISH-5-Q1-WEEK-FILLING-OUT-FORMS.pptx
ENGLISH-5-Q1-WEEK-FILLING-OUT-FORMS.pptxENGLISH-5-Q1-WEEK-FILLING-OUT-FORMS.pptx
ENGLISH-5-Q1-WEEK-FILLING-OUT-FORMS.pptx
 
Pandiwa
PandiwaPandiwa
Pandiwa
 

Similar to AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf

AP6_q1_mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
AP6_q1_mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...AP6_q1_mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
AP6_q1_mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
rochellelittaua
 
AP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdf
AP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdfAP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdf
AP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdf
Kariue
 
AP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdf
AP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdfAP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdf
AP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdf
Angelika B.
 
AP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdf
AP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdfAP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdf
AP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdf
rochellelittaua
 
AP6_q1_mod2_ang kilusang propaganda at ang katipunan_v2.pdf
AP6_q1_mod2_ang kilusang propaganda at ang katipunan_v2.pdfAP6_q1_mod2_ang kilusang propaganda at ang katipunan_v2.pdf
AP6_q1_mod2_ang kilusang propaganda at ang katipunan_v2.pdf
rochellelittaua
 
AP6_q1_mod7_ang mga natatanging pilipino at ang kanilang kontribusyon para sa...
AP6_q1_mod7_ang mga natatanging pilipino at ang kanilang kontribusyon para sa...AP6_q1_mod7_ang mga natatanging pilipino at ang kanilang kontribusyon para sa...
AP6_q1_mod7_ang mga natatanging pilipino at ang kanilang kontribusyon para sa...
rochellelittaua
 
AP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdf
AP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdfAP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdf
AP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdf
DianaValiente5
 

Similar to AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf (20)

AP6_q1wk5_mod5_Ang-Deklarasyon-ng-Kasarinlan-ng-Pilipinas-at-ang-Pagkakatatag...
AP6_q1wk5_mod5_Ang-Deklarasyon-ng-Kasarinlan-ng-Pilipinas-at-ang-Pagkakatatag...AP6_q1wk5_mod5_Ang-Deklarasyon-ng-Kasarinlan-ng-Pilipinas-at-ang-Pagkakatatag...
AP6_q1wk5_mod5_Ang-Deklarasyon-ng-Kasarinlan-ng-Pilipinas-at-ang-Pagkakatatag...
 
AP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdf
AP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdfAP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdf
AP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdf
 
AP6_Q1wk3_mod3.pdf
AP6_Q1wk3_mod3.pdfAP6_Q1wk3_mod3.pdf
AP6_Q1wk3_mod3.pdf
 
AP5_q1wk8_mod8_sinaunangkabihasnangasyanoangpagkabuonglipunanatpagkakakilanla...
AP5_q1wk8_mod8_sinaunangkabihasnangasyanoangpagkabuonglipunanatpagkakakilanla...AP5_q1wk8_mod8_sinaunangkabihasnangasyanoangpagkabuonglipunanatpagkakakilanla...
AP5_q1wk8_mod8_sinaunangkabihasnangasyanoangpagkabuonglipunanatpagkakakilanla...
 
AP5_q1wk6_mod6_sosyokulturalatpampolitikangpamuuhayngmgasinaunangpilipino.pdf
AP5_q1wk6_mod6_sosyokulturalatpampolitikangpamuuhayngmgasinaunangpilipino.pdfAP5_q1wk6_mod6_sosyokulturalatpampolitikangpamuuhayngmgasinaunangpilipino.pdf
AP5_q1wk6_mod6_sosyokulturalatpampolitikangpamuuhayngmgasinaunangpilipino.pdf
 
AP6_q1_mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
AP6_q1_mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...AP6_q1_mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
AP6_q1_mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
 
AP6_q1wk7_mod7_mganatatangingpilipinongnakipaglabanparasakalayaan.pdf
AP6_q1wk7_mod7_mganatatangingpilipinongnakipaglabanparasakalayaan.pdfAP6_q1wk7_mod7_mganatatangingpilipinongnakipaglabanparasakalayaan.pdf
AP6_q1wk7_mod7_mganatatangingpilipinongnakipaglabanparasakalayaan.pdf
 
AP6_q1wk6_mod6_pakikibakasamgaamerikano.pdf
AP6_q1wk6_mod6_pakikibakasamgaamerikano.pdfAP6_q1wk6_mod6_pakikibakasamgaamerikano.pdf
AP6_q1wk6_mod6_pakikibakasamgaamerikano.pdf
 
AP5_q1wk7_mod7_paglaganapngrelihiyongislamsapilipinas.pdf
AP5_q1wk7_mod7_paglaganapngrelihiyongislamsapilipinas.pdfAP5_q1wk7_mod7_paglaganapngrelihiyongislamsapilipinas.pdf
AP5_q1wk7_mod7_paglaganapngrelihiyongislamsapilipinas.pdf
 
AP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdf
AP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdfAP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdf
AP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdf
 
AP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdf
AP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdfAP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdf
AP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdf
 
AP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdf
AP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdfAP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdf
AP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdf
 
AP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdf
AP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdfAP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdf
AP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdf
 
AP6_q1_mod2_ang kilusang propaganda at ang katipunan_v2.pdf
AP6_q1_mod2_ang kilusang propaganda at ang katipunan_v2.pdfAP6_q1_mod2_ang kilusang propaganda at ang katipunan_v2.pdf
AP6_q1_mod2_ang kilusang propaganda at ang katipunan_v2.pdf
 
AP6_q1_mod7_ang mga natatanging pilipino at ang kanilang kontribusyon para sa...
AP6_q1_mod7_ang mga natatanging pilipino at ang kanilang kontribusyon para sa...AP6_q1_mod7_ang mga natatanging pilipino at ang kanilang kontribusyon para sa...
AP6_q1_mod7_ang mga natatanging pilipino at ang kanilang kontribusyon para sa...
 
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
 
AP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdf
AP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdfAP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdf
AP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdf
 
Ap 8 quarter 1 module 6
Ap 8 quarter 1 module 6Ap 8 quarter 1 module 6
Ap 8 quarter 1 module 6
 
quarter 4 DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q4_W1.docx
quarter 4 DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q4_W1.docxquarter 4 DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q4_W1.docx
quarter 4 DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q4_W1.docx
 
ESP6-Q3-MODYUL1 (1).pdf
ESP6-Q3-MODYUL1 (1).pdfESP6-Q3-MODYUL1 (1).pdf
ESP6-Q3-MODYUL1 (1).pdf
 

Recently uploaded

Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
CindyManual1
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Paul649054
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
AizaStamaria3
 
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxAP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
DonnaMaeSuplagio
 
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
vh27pvs4b5
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
KathlyneJhayne
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
VillasoClarisse
 

Recently uploaded (20)

Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
 
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxAP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
 
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusapAyos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
Communication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptxCommunication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptx
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptxFATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. pptLumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
 
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptxKulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
 

AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf

  • 1. Tinipon at Inayos ni: MRS. VISITACION S. AGRES Teacher II Schools Division of the City of Batac Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1: Pagsibol ng Kamalayang Nasyonalismo ng mga Pilipino 6
  • 2. Araling Panlipunan Grade 6 Alternative Delivery Mode Unang Markahan- Modyul 1: Pagsibol ng Kamalayang Nasyonalismo ng mga Pilipino Unang Edisyon, 2020 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.” Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Ang mga ito ay tinipon at inayos para lamang sa modyul na ito. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng tagalikom ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region I Office Address: Schools Division of the City of Batac #16 Quiling Sur, City of Batac, Ilocos Norte 2906 Telefax: (077) 677-1993 E-mail Address: bataccity@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Tagalikom: Visitacion S. Agres Editor: Lovella J. Galut Eleonor B. Ramos John Rey D. Ortal, EdD Tagasuri: Cristina G. Paculan Marites A. Sagun Aubrhey Marie R. Oasay, PhD John Ernest L. Medrano Blesilda B. Antiporda Tagaguhit: Rommel S. Villanueva Tagalapat: Visitacion S. Agres Tagapamahala: Joel B. Lopez, EdD,CESO V Aubrhey Marie R. Oasay, PhD Annie D. Pagdilao, EdD John Rey D. Ortal, EdD Marilou B. Sales, EdD
  • 3. Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Ang modyul na ito ay pinagtulungang inihanda ng mga edukador para gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy, nang sa gayon ay matulungan mo ang mga mag-aaral na makamit ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan, pang-ekonomiko at pangkalusugang hamon sa pag-aral. Sa pamamagitan ng iyong paggabay, inaasahang ang tulong-aral na ito ay magamit ng mga mag-aral sa mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mga mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan ng pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag- aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
  • 4. Para sa mag-aaral: Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa inyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul na ito nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng kuwaderno sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing nakapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa ibang pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay. Ang modyul ay may mga bahagi na kinapapalooban ng mga kaalaman at mga pagsasanay upang lalong hasain ang iyong kakayahan. Sa katapusan ng modyul ay makikita ang sanggunian na talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng mga Gawain. Kung sakaling ikaw mahirapang sagutin ang gawain sa modyul na ito, huwag mag-alinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatandang mong kapatid o sa sinoman sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipan na hindi ka nag-iisa. Umaasa kami sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito
  • 5. 1 “Kasabay ng pagbabago ng ating kapaligiran ay ang patuloy ring pagbabago sa takbo ng ating lipunan”. Bilang tugon sa mga pagbabagong ito ay ang pag-usbong ng mga kagamitang - pampagkatuto na naglalayong tulungan kayo at imulat sa inyong mga isipan ang iba’t ibang aspektong nakaapekto sa buhay ng tao. Ang Modyul na ito ay naglalayong palawakin ang inyong kaalaman tungkol sa Epekto ng Kaisipang Liberal sa Pag-usbong ng Damdaming Nasyonalismo sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gawain nang buong husay. Inaasahang matutuhan mo lahat ang mga aralin na inihanda para sa iyo. Ang Aralin 1 ay tumutukoy sa Partisipasyon ng mga Kababaihang Pilipino. Ang modyul na ito ay nahahati sa sumusunod na paksa: • Paksa 1: Paglahok ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan • Paksa 2: Pagbubukas ng Suez Canal • Paksa 3: Pagpasok ng Liberal na Kaisipan sa Pilipinas • Paksa 4: Paglitaw ng Panggitnang Uri ng mga Pilipino • Paksa 5: Pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863 • Paksa 6: Isyu ng Sekularisasyon • Paksa 7: Pag-aalsa sa Cavite Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC 1) • Nasusuri ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang sumusunod: • naipaliliwanag ang kahulugan ng nasyonalismo; • natutukoy ang mga kaganapan sa loob at labas ng Pilipinas noong ika- 19 n siglo na nakapagpagising sa kamalayang nasyonalismo ng mga Pilipino; at • napahahalagahan ang kamalayang nasyonalismo ng mga Pilipino sa kasalukuyang panahon. • nakagagawa ng chart na nagpapakita ng mga salik sa pagbuo ng kamalayng nasyonalismo Alamin
  • 6. 2 Subukin Gawain 1: Paunang Pagtataya Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa malinis na papel ang letra ng wastong sagot. 1. Sumigla ito nang buksan ang mga daungan sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. A. paglakbay sa Europe C. damdaming makabansa B. kalakalang pandaigdig D. Paglaganap ng Kristiyanismo 2. Ano ang tawag sa kanal na nagpaikli ng panahon ng paglalakbay sa pagitan ng Pilipinas at Europe? A. Benham Rise C. Panatag Shoal B. Panama Canal D. Suez Canal 3.Ano ng tawag sa mga Pilipinong nakapag-aral sa Europe? A. Ilustrado B. Indio C. Insulares D. Peninsulares 4. Anong dekreto ang ipinatupad noong 1863? A. Dekretong Agrikultura C. Dekretong Pangmasa B. Dekretong Edukasyon D. Dekretong Panlipunan 5. Sinong monarkang Espanyol ang pinaalis sa tungkulin dahil sa pagiging mapaniil? A. Carlos Maria de la Torre C. Rafael de Isquierdo B. Padre Pedro Pelaez D. Reyna Isabela II 6. Sino ang obispong nag-utos ng sekularisasyon ng mga parokya? A. Padre Jacinto Zamora C. Padre Mariano Gomez B. Padre Jose Burgos D. Papa Pio V 7. Siya ang liberal na gobernador heneral ng Pilipinas. Sino siya? A. Carlos Maria de la Torre C. Rafael de Isquierdo B. Padre Pedro Pelaez D. Reyna Isabela II 8. Paring Pilipinong nagpasimula ng kilusan para sa sekularisasyon ng mga parokya. A. Arsobispo Basilio Santa Justa C. Padre Mariano Gomez B. Padre Jacinto Zamora D. Padre Pedro Pelaez 9. Sino ng pinuno ng pag-aalsa sa arsenal sa Cavite? A. Arsobispo Basilio Santa Justa C.Padre Pedro Pelaez B. Padre Mariano Gomez D. Sarhento Fernando La Madrid 10. Ano ang pinaikling tawag sa tatlong paring martir? A. Gomburza B. Jamajo C. Ragozez D. Zamorg Bilang panimula, sagutan mo ang mga tanong sa ibaba para mataya ang iyong kahandaan sa paksa. Ito ay sa kadahilanang ang mga pangyayari noon ay hindi nagbigay ng pagkakataon sa mga Pilipino na magkaisa. Hindi pa sumibol sa kanila ang tinatawag na kamalayang nasyonlismo. Ang mga kaganapan sa loob at labas ng Pilipinas noong ika-19 na siglo ang gumising sa kamalayang nasyonlismo ng mga Pilipino. Nagbunga ito ng kanilang paghahangad na makalaya mula sa mga Espanyol. Upang maunawaan mong mabuti ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo, kailangang suriin ang mga salik nito. Mayroon pitong salik sa pagbuo ng kamalayang nasyonalismo.
  • 7. 3 Aralin 1 Pagsibol ng Kamalayang Nasyonalismo ng mga Pilipino Balikan Gawain 1: Buuin Mo Basahin ang mga nakatalang salita sa ibaba. Mula sa mga sinalungguhitang titik, mabubuo ang isang mahalagang salitang nakapaloob sa araling ito. Isulat nang sunud-sunod sa patlang ang mga pantig na ito. Isulat sa iyong papel. Anong salita ang nabuo mo? Masasabi mo ba ang kahulugan nito? Malalaman mo sa aralin na ito ng mga pangyayaring nakagising sa kamalayang nasyonalismo ng mga Pilipino. mananakop impormasyon gobernador kolonyalismo merkantilismo ________________________
  • 8. 4 Gawain 2: Ipahayag Mo Kopyahin ang concept map sa papel at isulat mo sa loob ng bilog ang sarili mong pagkaunawa sa salitang “nasyonalismo”. Tuklasin Gawain 3: Manghinuha Ka Matutukoy mo ba ng mga nasa larawan? Isulat sa iyong papel kung ano o sino ang mga ito. Ano ang mahalagang ambag ng mga ito sa pagkagising ng kamalayang nasyonalismo ng mga Pilipino? nasyonalismo
  • 9. 5 Suriin Sa loob ng maraming taon, sinikil ng mga Espanyol ang kalayaan ng mga Pilipino. Ito ay sa kadahilanang ang mga pangyayari noon ay hindi nagbigay ng pagkakataon sa mga Pilipino na magkaisa. Hindi pa sumibol sa kanila ang tinatawag na kamalayang nasyonalismo. Ang mga kaganapan sa loob at labas ng Pilipinas noong ika-19 na siglo ang gumising sa kamalayang nasyonlismo ng mga Pilipino. Nagbunga ito ng kanilang paghahangad na makalaya mula sa mga Espanyol. Upang maunawaan mong mabuti ang epekto ng kaisipang liberal sa pag- usbong ng damdaming nasyonalismo, kailangang suriin ang mga salik nito. Mayroon pitong salik sa pagbuo ng kamalayang nasyonalismo. 1. Paglahok ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan Ang kamalayang nasyonalismo ay tumutukoy sa pagiging mulat ng mga mamamayan sa tunay na mga nangyayari sa estado. Ito ay ang pagpapahalaga sa lahat ng bagay na may kinalaman sa sariling bansa. Nagpapakita ito ng marubdob na pagmamahal sa bayan o bansang sinilangan. Kasabay nito ay ng masidhing pagnanais na magkaisa ang lahing kinabibilangan at makalaya mula sa pananakop ng mga dayuhan.
  • 10. 6 Sa simula, ang daungan lamang sa Maynila ang bukas para sa pakikipagkalakalan. Sa pagtanggap sa patakarang laissez faire o malayang kalakalan at pagluwag at pagsunod sa patakarang merkantilismo, unti-unting nabuksan ang Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan. Taong 1834, nang hayagang binuksan ang Maynila sa Kalakalang pandaigdig. Binuksan din ang daungan ng Sual, Iloilo at Zamboanga at ng sumunod na taon ay ang Cebu. Dahil dito ay umunlad ang mga produktong panluwas at lumaki ang kapital ng ating bansa. Pinaigi ang teknolohiyang pansakahan at dumami ang mga aning produkto ng mga magsasaka. Yumabong ang ekonomiya ng Pilipinas. Ang bilang ng mga may-ari ng lupain, mga negosyante at mangangalakal ay dumami rin. Gumanda ang transportasyon at komunikasyon kaya naging mabilis ang pagkilos ng mga produkto. Ang mga ganitong pagbabagong dulot ng kalakalan ang nagbigay daan sa madalas na pagkikita at pagkikilala ng mga tao. Namulat sila sa sariling kalagayan kaiba sa mga prayle at mga Kastila. 2. Ang Pagbubukas ng Suez Canal Lubos na ikinagalak ng daigdig ang pagbubukas ng Suez Canal na nagdurugtong sa Mediterranean Sea at Red Sea noong 1869. Naging madali para sa mga manlalakbay at negosyante ang pumunta sa Pilipinas. Dahil sa Suez Canal ang paglalakbay ay 32 araw na lamang di tulad dati na kailangang umikot pa sa dulo ang Aprika na tumatagal ng 3 buwan.
  • 11. 7 Nakabuti ang pagkakagawa ng Kanal Suez dahil nagkaroon ng pagkakataon makipag-ugnayan ang mga Pilipino sa iba’t- ibang panig ng daigdig. Natuto ang mga Pilipino ng mga liberal na kaisipan at sa pagdating ng mga aklat, pahayagan, lathalain, at mga bagong ideya mula sa Europa at Estados Unidos ay lalo pang lumawak ang kaalaman ng mga Pilipino. Sumigla ang pagnanasa ng mga Pilipino sa paghingi ng pagbabago o reporma. 3. Ang Pagpasok ng Liberal na kaisipan sa Pilipinas Dumating sa Pilipinas ang liberal na pamunuan mula sa Spain na nagpabago sa Sistema ng pamamahala sa kolonya. Nagsimula ito matapos sumiklab ang isang himagsikan sa Spain noong Setyembre 19, 1868. Bunga ng himagsikan ay ang paglipat ng pamamahala ng gobyerno mula sa mga konserbatibo patungo sa mga liberal. Ang pagbabagong ito ay umabot sa mga kolonya ng Spain kabilang na ng Pilipinas kung saan ipinadala ang bagong gobernador-heneral – si Carlos Maria de la Torre. Ang liberal na mga kaisipang dala ng bagong pinuno ay tinangkilik ng mga Pilipino. Naging dahilan ito upang manumbalik ng pagtitiwala ng mga tao sa pamahalaan. Naging bukas din ang tanggapan ni de la Torre sa mga hinaing ng mga mamamayan mula sa kanilang mga karanasan sa nakaraang pamunuan. Ipinatigil din niya ang mga hindi makataong patakaran sa kolonya tulad ng paghihigpit sa mga pahayagan, pagpapataw ng paghagupit bilang kaparusahan, at pagtugis at pagdampot sa mga pinaghihinalaang kalaban ng pamahalaan. Ipinatupad din niya ang sekularisasyon sa mga simbahan sa Pilipinas. Sa unang pagkakataon matapos ang higit 300 taon, muling nakaranas ng kalayaan at nanumbalik ang ilang karapatan ng mga Pilipino. Subalit, daglian lamang ang liberal n pamumuno sa Pilipinas. Agad itong natapos sa pagtatalaga kay Rafael de Izquierdo bilang bagong gobernador-heneral ng kolonya. Kaiba kay de la Torre, si Izquierdo ang itinuturing na pinakamalupit na Gobernador Heneral Carlos Maria de la Torre, liberal na gobernador heneral ng Pilipinas
  • 12. 8 namuno sa Pilipinas. Dahil sa magkataliwas na pamumunong ito, higit na hinangad ng mga Pilipino ang reporma at kalayaan. 4. Ang Paglitaw ng Gitnang Uri ng mga Pilipino. Ang tao sa lipunan noong panahon ng mga Kastila ay nauuri-uri ayon sa kalagayan nila sa buhay. Ang mga purong Kastila na sa Espanya ipinanganak ay tinatawag na peninsulares. Ang mga isinilang sa Pilipinas mula sa kapwa Kastila ay mga insulares at mestizo naman ang tawag sa mula sa dalawang angkan, Kastila at Pilipino o Intsik. Ang pinakamababa sa pangkat ng tao ay ang karaniwang mamamayang Pilipino na kilala sa tawag na indio o busabos. Sa pagdaan ng mga panahon, nabago ang panghuling uri. Ang pagsigla ng pakikipagkalakalan ay nagpaangat sa kabuhayan ng maraming Pilipino. Sila ang tinatawag na nasa panggitnang uri o middle class. Napag- aral nila ang kanilang mga anak sa Europe. Tinawag na mga illustrado ang mga Pilipinong nakapag-aral. Ang ilustrado ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng kaalaman sa kaliwanagan. Ang mga ilustrado ay nagkaroon ng malawak na pananaw sa buhay. Sa pamamagitan ng kanilang karunungan, naiparating nila sa kanilang mga kababayan ang tunay na kalagayan ng Pilipinas sa ilalim ng kolonyalismong Espanyol. 5. Pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863 Sa ilalim ng mga Espanyol, ang Sistema ng edukasyon na kanilang itinatag sa Pilipinas ay nakasentro sa relihiyon, at sa primaryang pag-aaral ng mga insulares o mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas. Kasabay nito ay ang patuloy na pagtuturo ng mga ina ng bokasyonal na kakayahan sa kanilang mga anak sa loob ng kanilang tahanan. Mestizo – taong nagmula sa magkaibang lahi
  • 13. 9 Bilang bahagi ng programa ng pamahalaaang Espanyol na ireporma ang Sistema ng edukasyon sa kolonya ay ipinatupad ang Dekretong Edukasyon ng 1863 sa Pilipinas. Ayon sa kautusan, ang edukasyon ay naging bukas para sa lahat. Nagbukas ng dalawang paaralang primarya sa bawat bayan, ang isa ay para sa mga babae at ang isa ay para naman sa lalaki. Itinuro ang sumusunod na signatura: doktrina, kasaysayan, kabutihang asal, pagbasa at pagsulat sa Espanyol, matematika, agrikultura, tamang gawi, heograpiya, at iba pa. Itinuro rin sa mga babae ang pananahi at pagsusulsi, at iba pang gawaing- bahay Nagbukas ng isang paaralang normal na pinamamahalaan ng mga Jesuit para sa mga lalaking nais maging guro. Binuksan din sa mga Pilipino ang edukasyong pansekondarya at pantersiyarya ngunit ang mayayaman lamang ang nakapagpaaral ng kanilang mga anak sa mga paaralang ito. Ang iba sa kanila ay nagtungo sa Europe upang doon mag-aral. 6. Ang Isyu ng Sekularisasyon Noong panahon ng mga Kastila ang mga pari ay nahahati sa dalawa; ang regular at sekular. Mga Kastila ang mga paring regular na nag-aral at sinanay sa Espanya. Kasapi ang mga ito ng mga ordeng relihiyoso - Agustinian, Pransiskano, Rekoleto, Jesuita at Dominikano. Paring sekular ang mga paring Pilipino na nag-aral at sinanay sa Pilipinas at nasa ilalim ng mga arsobispo at obispo. Hindi sila pinahintulutang mapabilang sa anomang ordeng relihiyoso. Ang pagpapalaganap ng pananampalatayang Katoliko ang tanging tungkulin ng mga paring regular, kaya hindi sila puwedeng ilagay sa mga parokya. Tanging mga paring sekular ang hihirangin sa pagiging kura paroko nang sa ganoon ay mapangalagaan ang kapakanang pangkaluluwa ng mga nakatira sa parokya. Dahil sa sigasig at sipag ng mga prayle nagkaroon ng bagong parokya. Dumami ang bilang ng mga parokya kaya kinulang ang mga paring sekular. Nagpasya ang Papa Pio V noong taong 1567 na payagang maglingkod ang mga paring regular sa mga parokya. Bilang tugon sa suliranin, ang ilang mga Pilipino ang mabilisang sinanay nang maging kura paroko. Pagkalipas ng ilang buwan pagsasanay ay itinalaga na ang mga pari sa mga bakanteng parokya. Sa kasamaang palad, ipinarating ng mga prayle sa hari ng Espanya na walang kakayahan, ang mga paring sekular na mapamahalaan ng mabuti ang mga parokya at sinabi pa na mahina ang karakter ng mga ito. Kaya di dapat humawak ng mga parokya. Sa panahong ito, ang mga paring regular ang itinatalagang kura-paruko o paring tagapamahala ng parokya o simbahan. Samantala, ang mga paring sekular ay karaniwang naitatalaga bilang katuwang na kura ngunit walang kakayahang magdesisyon o makialam sa desisyon ng kura-paroko.
  • 14. 10 Isinulong ni Padre Pedro Pelaez ang kilusan para sa sekularisasyon ng mga parokya. Ngunit siya ay namatay noong 1863. Ang kanyang sinimulan ay ipinagpatuloy ni Padre Jose Burgos. Ang usapin ay unti-unting nagbigay ng ideya sa mga Pilipino na nararapat itaas ang kanilang dangal 7. Ang Pag-aalsa sa Cavite Isang pag-aalsa na pinamumunuan ng nagngangalang Fernando La Madrid ang naganap sa Cavite noong Enero 20, 1872. Ang dahilan ay ang pag-alis ni Gobernador Heneral Isquierdo sa mga pribilehiyo ng mga sundalo at manggagawa ng arsenal sa Cavite na malibre sa buwis at sa polo. Katulad ng ibang Pilipino, kailangan na ring magbayad ng buwis at gumawa ng sapilitan ang mga sundalo at manggagawa ayon sa patakaran ng gobernador heneral Isquierdo, ang pumalit kay de la Torre. Sa kaguluhang ito nilitis at hinatulang mamatay ang lahat ng kasangkot sa labanan kabilang si La Madrid. Sa pagpaparusa sa mga kasali sa paghihimagsik dapat sana’y tapos na ang kaguluhan sa Cavite. Subalit ginawan ng mga Kastila ng panibagong kuwento ang pangyayari. Pinalabas ng mga Kastila na ito’y isang pambansang paghihimagsik na naglalayong ibagsak ang pamahalaang Kastila. Itatatag ang isang republika na pamumunuan ni Padre Jose Burgos. Ayon pa sa mga prayle, pinasimulan daw ito ng pari at itinaguyod ng mga mag-aaral, propesyonal at mga negosyante. Pinakakilala sa mga hinuli ay sina Padre Jose Burgos, Jacinto Zamora at Mariano Gomez. Samantalang ang iba ay ipiniit at ang iba’y ipinatapon sa labas ng Pilipinas. Ang tatlong paring martir ay kilala sa tawag na Gomburza .
  • 15. 11 Kung tutuusin ang kaguluhan sa Cavite ay isa lamang pagtutol sa pamamahala ni Gobernador Isquierdo ngunit kinasangkapan ang kaguluhang ito upang mawala sa paningin ng mga prayle ang 3 paring nakikipaglaban para sa sekularisasyon ng mga parokya. Nilitis sa isang hukuman ang mga pari subalit nagmistulang komedya ito. Isang testigo ang binayaran at pinangukuan ng pabuya ang nagdiin sa mga pari. Kahit walang malinaw na katibayan ay nahatulan ng kamatayan ang mga ito sa pamamagitan ng paggarrote sa Bagumbayan. Iginawad sa kanila ang kamatayan noong ika –17 ng Pebrero 1872. Ang pagkamatay ng tatlong pari ay ginawang babala ng mga Kastila sa mga Pilipino upang huwag silang pamarisan. Ipinakita nila na ang sinapit ng 3 pari ay maaaring mangyari din sa kanila Pagyamanin GAWAIN 4: Paghusayan Mo Pagtapatin ang hanay A at hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong papel. A B 1. Pagkamakabansa a. demokrasya 2. Malayang kaisipan b. ilustrado 3. Pantay-pantay na pamumuhay c. liberalismo 4. Usaping Pansimbahan d. malayang kalakalan 5. Pilipinong nakapag-aral e. nasyonalismo 6. Laissez Faire f. normal 7. Pag-aalsa g. paghihimagsik 8. Paring Espanyol h. parokya 9. Paring Pilipino i. regular 10.Paaralan para sa nais magturo j. sekular k. peninsulares
  • 16. 12 GAWAIN 5: Ipaliwanag Mo Pumili ng tatlo at ihayag kung ano ang kahalagahan ng mga sumusunod sa pagkakaroon ng kamalayang nasyonalismo ng mga Pilipino noong ika-19 siglo. 1. Pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan __________________________________________________________________ 2. Usapin ng sekularisasyon ng simbahan __________________________________________________________________ 3. Liberal na pamamahala ni goberndor heneral Carlos Maria de la Torre __________________________________________________________________ 4. Paglitaw ng panggitnang uri ng mga Pilipino _________________________________________________________________ 5. Pagbitay kina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora __________________________________________________________________ Rubrics sa Pagsagot Puntos Pamantayan 5 Nakasagot ng 3 nang malinaw at angkop ang kaisipan sa konsepto 4 Nakasagot ng 2 nang malinaw at angkop ang kaisipan sa konsepto 3 Nakasagot ng 1 nang malinaw at angkop ang kaisipan sa konsepto 2 Nakasagot ng 3 pero di malinaw ang kaisipan 1 Nakasagot ng 2 pero di malinaw ang kaisipan GAWAIN 6: Gawin Mo Isulat ang tsek (√) sa patlang kung ang sumusunod ay salik na nakapagpausbong ng damdaming nasyonalismo. Lagyan ng ekis (X) kung hindi. ________ 1. Republika ng Biak na Bato ________ 2. Panggitnang uri ng lipunan ________ 3. Kaisipang liberal sa Pilipinas ________ 4. Ang Kilusang Sekularisasyon ________ 5. Saligang Batas ng Malolos ________ 6. Si Gobernador dela Torre ________ 7. Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan ________ 8. Pag-aalsa sa Cavite noong 1872 ________ 9. Republika ng Malolos ________ 10. Pagbitay sa Tatlong Paring Martir
  • 17. 13 Isaisip GAWAIN 7: Paglalapat 1. Ano ng kamalayang nasyonalismo? 2. Paano nagising ang kamalayang nasyonalismo ng mga Pilipino sa pakikisali sa pandigdigang kalakalan? 3. Ano ang magandang naidulot ng pagbubukas ng Suez Canal? 4. Ano Ang sekularisasyon? 5. Bakit nagkaroon ng pag-aalsa sa Cavite? 6. Sina Padre ____________________, Padre _______________, at Padre_______________ ay mga paring sekular na pinagbintangang may kaugnayan sa pag-aalsa. Hinatulan silang nagkasala at ginarote sa Bagumbayan. 7. Ang ___________________ ay kautusan na nagpapahayag na ang edukasyon ay bukas para sa lahat. 8. Ang kamalayang nasyonalismo ay nagbunga ng paghahangad ng mga Pilipino na magkaroon ng _______________________________________. Binabati kita dahil matagumpay mong naisagawa ang mga naunang gawain sa modyul na ito. Sa bahaging ito, sasagutin mo ang mga sumusunod upang mailahad ang iyong natutuhan sa aralin. Isulat ang sgot sa papel
  • 18. 14 GAWAIN 8: Isagawa Mo Gawain 9: Pangwakas na Pagtataya Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong papel. 1. Ano ang tawag sa pagiging mulat sa tunay na kalagayan ng sariling bansa at pagiging mapagmahal at tapat sa lahat ng bagay na nauugnay sa bayan? Mga Salik sa Pagbuo ng Kamalayang Nasyonalism o Isagawa Tayahin Ngayong alam mo na ang konsepto ng kamlayang nasyonalismo, ilahad mo kung paano umusbong ito. Punan ang concept map upang maipakita ang mga salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng kamalayang nasyonalismo. Isulat ang sagot sa papel.
  • 19. 15 A. liberalismo C. kamalayang nasyonalismo B. sekularisasyon D. pandaigdigang kalakalan 2. Ang mga Espanyol na isinilang sa Pilipinas o Mexico ay tinatawag na _________? A. insulares C. mestizo B. ilustrado D. peninsulares 3. Ang pagkakapantay-pantay, kalayaan at pagkakapatiran ay mga simulain ng _________? A. liberalismo C. nasyonalismo B. merkantilismo D. sekularisasyon 4. Ano ang tawag sa mga makapangyarihang paring humawak ng mga parokya? A. arsobispo C. paring regular B. obispo D. paring sekular 5. Ito ay pagsasalin ng pangangasiwa sa mga parokya mula sa mga prayleng Espanyol tungo sa mga paring Pilipino. A. kalakalan C. merkantilismo B. laissez faire D. sekularisasyon 6. Sino ang nanguna sa kilusang tumuligsa sa hindi makatarungang pagtrato ng mga paring Espanyol sa mga paring Pilipino? A. Padre Jacinto Zamora C. Padre Mariano Gomez B. Padre Jose Burgos D. Padre Pedro Pelaez 7. Alin sa mga sumusunod ang bunga ng pagsali ng mga Pilipino sa pandaigdigang kalakalan? A. nakamit nila ang kalayaan B. naaprobahan ang sekularisasyon K. naging makapangyarihan ang mga Pilipino D. nagkaroon ng kamalayan sa malayang kaisipan 8. Sila ay mga anak ng mga mestizo na nakapag-aral sa Europe na ngkaroon ng kaalaman sa kaliwanagan. Sino sila? A. alipin C. insulares B. ilustrado D. penisulares 9. Ano ang itinakda ng Dekreto ng Edukasyon ng 1863? A. bukas ang pag-aral para sa lahat B. pinag-aaral ng pagkaguro ang mga babae C. mga lalaki lang ang pinapayagang mag-aral D. insulares lamang ang maaring makapag-aral sa primarya.
  • 20. 16 10. Lahat ng mga ito ay salik sa pagkakaroon ng kamalayang nasyonalismo ng mga Pilipino maliban sa isa. Alin ito? A. Pag-aalsa sa Cavite C. Pandaigdigang kalakalan B. Pagbukas ng Suez Canal D. Paglaganap ng Kristiyanismo Karagdagang Gawain GAWAIN 10: Magagawa Mo Ibigay ang sanhi o bunga ng bawat pangyayari. Isulat sa iyong papel. 1. Pumasok sa Pilipinas ang mga malayang kaisipan. 2. Nakapag-aral sa ibang bansa ang ibang Pilipino kaya 3. Ipinagpatuloy ni Padre Jose Burgos ang kilusan para sa sekulrisasyon ng mga parokya, kaya 4. Napamahal sa mga Pilipino si Gobernador Heneral Carlos Maria de la Torre dahil 5. Hindi nagtagumpay ang pag-aalsang pinamunuan ni Sarhento Fernando La Madrid sapagkat
  • 21. 17 Susi sa Pagwawasto Subukin 1. B 2. D 3. A 4. B 5. D 6. D 7. A 8. D 9. D 10. A Balikan – Gawain 1 - nasyonalismo Gawain 2 Tuklasin Gawain 3 *Larawan ng galyon * Larawan ng 3 paring martir- Padre Jose Burgos, Jacinto Zamora at Mariano Gomez Pagyamanin Gawain 4 1. e 2. c 3. g 4. h 5. b 6. d 7. g 8. i 9. j 10. f Pagyamanin Gawain 5 1. Maraming nakarating sa ibang bansa. Namulat ang mga Pilipino sa sariling kalagayan at natutong makisalamuha sa ibang dayuhan. 2. Ipagtanggol ang karapatan ng mga paring sekular sa mga parokya. 3. Naniniwala siya sa liberalismo at ipinamalas niya ito sa pamamagitan ng mga patakaran at mahusay na pakikitungo sa mga Pilipino 4.Sila ang nagpasimula ng paghiling ng pagbabago at nagtanggol sa mga karapatan ng mga Pilipino. 5. Pinakamahalagang salik na nagpausbong sa damdaming nasyonalismo.
  • 22. 18 Pagyamanin Gawain 6 1. X 2. √ 3. √ 4. √ 5. X 6. √ 7. √ 8. √ 9. X 10. √ Isaisip – Gawain 7 1. Ito ay tumutukoy sa pagiging mulat ng mga Pilipino sa tunay na nangyayari sa Estado. Pagmamahal sa bayan. 2. Madalas ang pagkikita at pagkikillala ng mga dayuhan kaya namulat sila sa sariling kalagayan kaiba sa mga prayle at Espanyol 3. Mas mabilis ang paglalakbay ng mga negosyante patungo sa Pilipinas at pabalik 4. Ito ay panawagan ng mga paring regular na mabigyan ng karapatan at kapangyarihan na mamahala sa parokya. 5. Ikinagalit ng mga manggagawa sa arsenal at ilang katutubong kawal ang pagbawi ni gobernador heneral Rafael de Izquierdo sa kanilang mga prebilehiyo. 6. Padre Jose Burgos, Padre Jacinto Zamora, at Padre Mariano Gomez 7. Dekreto ng Edukasyon 1863 8. Pagbabago sa pamamalakad ng mga Espanyol Isagawa– Gawain 8 Tayahin Gawain 9 1. C 2. D 3. A 4. C 5.D 6. D 7. D 8. B 9. A Karagdagang Gawain Gawain 10 1. nagising ang kamlayang nasyonalismo ng mga Pilipino 2. nagkaroon ng kamalayan sa liberal na kaisipan 3. nabigyan ng ideya ng mga Pilipino na nararapat na itaas ang kanilang dangal 4. nagpakita siya ng demokrasya sa kanyang pamamahala 5. nilitis at hinatulang mamatay ang lahat ng kasangkot sa labanan
  • 23. 19 Sanggunian: Agno, Lydia N. et. al. Kultura, Kasaysayan at Kabuhayan 6, Aklat sa Araling Panlipunan. Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016 Rebis, Kristine Conde. et. al. Linangin ng Diwa 6, Aklat sa Araling Panlipunan. Tandang Sora, Quezon City: PLL Publishing House., 2016 Tuico, Amelia S. Yaman ng Lahi, Quezon City: JFC Publishing House, Inc 2017
  • 24. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph