SlideShare a Scribd company logo
1 of 24
Download to read offline
Tinipon at Inayos ni:
MAY HOPE MARIE C. CACK
Teacher III
Schools Division of the City of Batac
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5:
Ang Deklarasyon ng Kasarinlan ng
Pilipinas at ang Pagkakatatag ng
Unang Republika
6
Araling Panlipunan Grade 6
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan- Modyul 5: Ang Deklarasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas at ang
Pagkakatatag ng Unang Republika
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.”
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Ang mga ito ay tinipon at inayos para lamang
sa modyul na ito. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng tagalikom ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education- Region I
Schools Division of the City of Batac
Office Address: #16 Quiling Sur, City of Batac, Ilocos Norte 2906
Telefax: (077) 677-1993
E-mail Address: bataccity@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Tagalikom: May Hope Marie C. Cack
Editor: Lovella J. Galut
Eleonor B. Ramos
Jhon Rey D. Ortal
Tagasuri: Christina G. Paculan
Julita D. Tutaan
Aubrhey Marie R. Oasay
John Ernest L. Medrano
Blesilda B. Antiporda
Tagaguhit: Rommel S. Villanueva
Tagalapat: May Hope Marie C. Cack
Tagapamahala: Joel B. Lopez, EdD, CESO V
Annie D. Pagdilao, EdD
Jhon Rey D. Ortal, EdD
Marilou B. Sales
Aubrhey Marie R. Oasay, PhD
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang inihanda ng mga edukador para gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy, nang sa gayon ay matulungang mo ang mga mag-aaral na makamit
ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan, pang-ekonomiko at pangkalusugang hamon sa pag-aaral.
Sa pamamagitan ng iyong paggabay, inaasahang ang tulong-aral na ito ay magamit
ng mga mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga Gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayan ng pan- 21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng kuwaderno sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing nakapaloob
sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago simulan ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa ibang pagsasanay.
6. Ibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy pagkatapos sagutin ang lahat
ng gawain.
Ang modyul ay may mga bahagi na kinapalooban ng mga kaalaman at mga
pagsasanay upang lalong hasain ang iyong kakayahan. Sa katapusan ng modyul ay makikita
ang sanggunian na talaan ng lahat ng pinagkukuhanan sa paglikha o paglinang ng mga
gawain.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito huwag
mag-alangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong
sa iyong mga magulang, sa nakatatandang kapatid o sa sino man sa iyong kasama sa bahay.
Laging itanim sa iyong isipan na hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makabuluhang pagkatuto at makakakuha ng malalim na pang-unawa sa kaugnay ng mga
kompetensi. Kaya mo ito!
1
Alamin
“Kasabay ng pagbabago ng ating kapaligiran ay ang patuloy ring pagbabago
sa takbo ng ating lipunan”.
Bilang tugon sa mga pagbabagong ito ay ang pag-usbong ng mga kagamitang
- pampagkatuto na naglalayong tulungan kayo at imulat sa inyong mga isipan ang iba’t
ibang aspektong nakaapekto sa buhay ng tao.
Ang Modyul na ito ay naglalayong palawakin ang inyong kaalaman tungkol sa
mahahalang pangyayari sa Pilipinas noong panahon ng himagsikan ng 1896 sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga gawain nang buong husay.
Matutunghayan sa araling ito ang paksang Ang Deklarasyon ng Kasarinlan ng
Pilipinas at ang Pagkakatatag ng Unang Republika. Halina’t tuklasin at unawain ang
mga kaugnay na konsepto nito. Makatutulong sa iyo ang mga gawain upang lubos na
maunawaan ang mga esensyal na kaalaman tungkol sa Rebolusyon.
Inaasahang matutuhan mo lahat ang mga aralin na inihanda para sa iyo. Ang
aralin ay tumutukoy sa mahahalagang pangyayari sa kasaysayan. Ang modyul na ito
ay nahahati sa sumusunod na paksa:
 Paksa 1: Pagpapahayag ng Kasarinlan
 Paksa 2: Kongreso ng Malolos
 Paksa 3: Saligang Batas ng Malolos
 Paksa 4: Unang Republika ng Pilipinas
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
sumusunod:
 natatalakay ang mga pangyayaring naganap na nagbunsod sa deklarasyon
ng kalayaan ng Pilipinas;
 natatalakay ang mahalagang kontribusyon ng Kongreso ng Malolos at Saligang
Batas ng Malolos;
 natalakay ang kahalagahan ng pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas; at
 nakagagawa ng timeline tungkol sa pagkamit ng kasarinlan
2
Subukin
Bilang panimula, sagutan mo ang mga tanong sa ibaba para mataya ang iyong
kahandaan sa paksa.
Gawain 1: Paunang Pagtataya
Panuto: Panuto: Itambal ang hanay A sa hanay B. isulat ang titik ng tamang sagot.
A B
1. Ang sumulat ng saligang batas
na nagtadhana ng isang
Republikang Pederal
2. Ang nagpayo kay Aguinaldo na
itatag ang Pamahalaang
Diktadura
3. Ipinahayag ito ni Heneral
Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898
sa Kawit, Cavite
4. Ang pamangkin ni Dr. Jose Rizal
na tumulong sa pagtahi ng ating
watawat
5. Ang tinaguriang “Dakilang
Lumpo”
6. Ang Unang Republika sa Asya
7. Ang Kongresong pinasinayaan
noong Setyembre 15, 1898 sa
Malolos, Bulacan
8. Ang Republikang pinasinayaan
sa simbahan ng Barasoain noong
Enero 23, 1899
9. Pamahalaang itinatag ni
Aguinaldo pagbalik niya mula
Hongkong
10.Ang ipinalit sa Pamahalaang
Diktadura
A. Ambrocia Bautista
B. Apolinario Mabini
C. Mariano Ponce
D. Kongreso ng Malolos
E. Kasarinlan ng Pilipinas
F. Pamahalaang Rebolusyunaryo
G. Pamahalaang Diktadura
H. Josefina Herbosa
I. Unang Republika ng Pilipinas
J. Republika ng Malolos
K. Sumulat ng saligang Batas ng
Malolos
3
Aralin
5
Ang Deklarasyon ng Kasarinlan ng
Pilipinas at ang Pagkakatatag ng Unang
Republika
Balikan
Gawain 2: Gawin Mo
Panuto: Isulat ang mahalagang partisipasyon ng bawat kababaihang Pilipino sa
Panahon ng Rebolusyon.
1. Teresa Magbanua: _________________________________
2. Gregoria de Jesus: _________________________________
Ang paghahangad ng
kasarinlan ay nananatiling
buhay sa mga Pilipino. Hindi
sila nawalan ng pag-asa na ito
ay kanilang makakamit. Nang
ito ay kanilang naaaninag,
hinanda na nila ang mga bagay
na magbibigay ng simbolo ng
ating kasarinlan.
4
3. Melchora Aquino: ________________________________
4. Marcela Agoncillo: ________________________________
5. Nazaria Lagos: __________________________________
Tuklasin
Gawain 3: Pag-isipan Mo
A. Panuto: Isulat kung Tama o Mali ang bawat pangungusap.
1. Ang kalayaan ng Pilipinas ay idineklera noong Hunyo 12, 1898.
2. Si Emilio Aguinaldo ang nagbasa ng “Deklarasyon ng Kasarinlan ng
Pilipinas.”
3. Si Apolinario Mabini ang nahalal na pangulo ng Kongreso ng Malolos.
4. Ang watatwat ng Pilipinas ay batay sa dinsenyong ginawa ni Aguinaldo.
5. Si Emilio Aguinaldo ang pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas.
5
B. Bago ka magsimula ng aralin, subukin mo kung makikilala mo ang ilan sa mga
Pilipinong may mahalagang ginampanan sa ilalim ng Pamahalaang
Rebolusyunaryo. Hanapin at buuin ang mga sagot. Gawin ito sa kwaderno.
T A V E R A A D
T R I A S L K E
M A B I N I O L
M N S P D E C P
L E G A R D A I
U T F J H G M L
N A V Q R X P A
A T B C F I O R
C. Ang mga sumusunod ay may papel na ginagampanan sa pagtatatag ng Unang
Republika. Isulat ang mga nawawalang titik sa bawat bilang upang mabuo ang
kanilang mga pangalan. Matutulungan ka ng pahiwatig sa kahon.
1. Makabayang guro ng musika
F E
2. Biyuda ni Andres Bonifacio
G E O
3. Matapang na Heneral
L N
4. Dakilang Lumpo
M B
5. Naglapat ng lirika ng Pambansang Awit ng Pilipinas
P L
6
Suriin
Ating alamin ang mga
mahahalagang
pangyayari sa
pagtatag ng Unang
Republika ng Pilinas
7
Pagpapahayag ng Kasarinlan
Matapos maitatag ang pamahalaang diktatoryal ay ipinalagay ni Aguinaldo
na panahon na upang ihayag ang kasarinlan ng Pilipinas. Bilang paghahanda,
inatasan niya si Julian Felipe noong Hunyo 5, 1898 na lumikha ng musikang
tutugtugin sa araw ng pagpapahayag ng kasarinlan. Kaagad tinugon ni Felipe ang
atas ni Aguinaldo. Natapos niya ang martsang pinamagatang “Marcha Nacional
Magdalo” noong Hunyo 11 at sa araw ding yaon ay tinugtog niya sa piano sa sala
ng tahanan ni Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Nasiyahan si Aguinaldo at ang iba pang
pinunong rebolusyunaryo na nakarinig dito. Tinanggap ang martsa at
pinagpasiyahang palitan ang pamagat nito sa “Marcha Nacional Filipina.”
Ginanap ang pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas mula sa Spain noong
Hunyo 12, 1898 sa bahay ni Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Ang Proklamasyon ng
Kasarinlan ay binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista, na siya ring sumulat ng
nasabing dokumento. Sa okasyong ito iwinagayway at itinanghal sa madla ang
pambansang bandila kasabay ng pagtugtog ng banda ng San Francisco de
Malabon sa “Marcha Nacional Filipina.”
Ang makasaysayang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas kasabay ng
pagdeklara ni Aguinaldo sa ating kasarinlan mula sa mga mananakop
8
Kongreso ng Malolos
Setyembre 15, 1898 nang pasinayaan ni Aguinaldo ang Kongreso ng
Malolos, na kilala rin bilang Kongresong Panghimagsikan. Nagpulong ang mga
kasapi ng Kongreso sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan.
Inihalal ang mga kasapi ng Kongreso ang sumusunod na pinuno:
Bagama’t hindi nagtagal ang Kongreso ng Malolos ay may mahalagang
ambag pa rin ito sa ating kasaysayan. Dalawang linggo makalipas itatag ang
Kongreso ay pinagtibay nito ang isinagawang pagpapahayag ng kalayaan ng
Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Pinangasiwaan din nito ang paggawa ng bagong
saligang batas.
Pangulo:
Pangalawang Pangulo:
Unang Kalihim:
Pangalawang Kalihim:
Pedro Paterno
Benito Legarda
Gregorio Araneta
Pablo Ocampo
Dinaluhan ng mga Pilipino ang pagbubukas ng Kongreso ng Malolos sa
simbahan ng Barasoain sa Malolos Bulacan
9
Saligang Batas ng Malolos
Pinangunahan ni Felipe Calderon ang lupong gumawa sa Saligang Batas ng
Malolos. Nagbigay din ng mahahalagang payo kaugnay nito sina Cayetano Arellano
at Mabini.
Ayon kay Calderon, kabilang sa mga naging inspirasyon niya sa paggawa ng
burador ng bagong saligang batas ang mga dokumento ng Katipunan, ang
pansamantalang Saligang Batas ng Biak-na-Bato, at mga saligang batas ng ibang
bansa sa South America at Europe.
Pinagtibay ang Saligang Batas ng Malolos noong Enero 21, 1899. Kabilang
sa mga probisyon nito ang pagkakaroon ng tatlong sangay ng pamahalaan:
tagapagbatas, tagapagpaganap, at panghukuman. Higit na makapangyarihan ang
sangay tagapagbatas kaysa dalawang iba pang sangay ng pamahalaan. May
probisyon din tungkol sa mga karapatan ng mga mamamayan at pangangasiwa sa
bansa. Kinikilala ang Saligang Batas ng Malolos bilang kauna-unahang
mahalagang dokumento na itinakda ng mga kinatawan ng mga Pilipino.
Unang Republika ng Pilipinas
Matapos mapagtibay ang Saligang
Batas ng Malolos ay pinasinayaan sa
Simbahan ng Barasoain ang Republika ng
Malolos, na kilala rin bilang Unang
Republika ng Pilipinas. Sa okasyong ito na
ginanap noong Enero 23, 1899 ay binasa
nang buo ang Saligang Batas ng Malolos,
nanumpa si Aguinaldo bilang Pangulo ng
Republika at nanumpa ng katapatan ang
hukbong sandatahan.
10
Kabilang sa mga naging unang kasapi ng Gabinete ni Aguinaldo ang
sumusunod:
Pangulo ng Gabinete at Kalihim ng
Ugnayang Panlabas:
Kalihim na Panloob:
Kalihim ng Digmaan:
Kalihim ng Pananalapi:
Apolinario Mabini
Teodoro Sandico
Baldomero Aguinaldo
Mariano Trias
Sa Kinaharap ng Unang Republika ang iba’t ibang hamon at suliranin.
Kabilang dito ang pagkuha sa pagkilala ng ibang bansa sa bagong tatag na
republika. Sinikap ng mga opisyal ng republika, sa pangunguna ni Felipe Agoncillo,
na makuha ang pagkilala ng ibang mga bansa sa kasarinlan ng Pilipinas.
Nagkaroon din ng hidwaan ang mga opisyal ng pamahalaan at ibang pinuno ng
bansa. Kasabay nito ang dahan-dahang pagpapalakas ng puwersa ng mga
Amerikano bilang paghahanda sa pagsakop sa Pilipinas.
Pagyamanin
Gawain 4. Gagawin Ko
Panuto: Tukuyin ang lugar na pinangyarihan ng sumusunod. Isulat ang sagot sa
kuwaderno.
1. Tinahi ang ating bandila
2. Pagpapahayag ng Kalayaan
3. Pagpapasinaya ng Unang Kongreso
4. Pagpapasinaya ng Unang Republika ng Pilipinas
11
Gawain 5. Sino Sila?
Panuto: Piliin mula sa kahon ang tinutukoy sa bawat pahayag. Isulat lamang ang titik
ng tamang sagot.
A. Emilio Aguinaldo
B. Pedro Paterno
C. Apolinario Mabini
D. Felipe Calderon
E. Marcela Agoncillo
1. Nahalal na pangulo ng Kongreso ng Malolos.
2. Ang Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas.
3. Pinuno ng lupon na gumawa ng Saligang Batas.
4. Ang naatasan ni Aguinaldo na tumahi ng ating bandila.
5. Ang nagpayo kay Aguinaldo ng pagpapalit ng uri ng pamahalaan mula
sa diktatoryal tungo sa rebolusyunaryo.
Gawain 6. Sulat-Kamay
Panuto: Gumawa ng Timeline sa isang malinis na papel kung saan ipinapakita ang
paghahandang ginawa ng mga Pilipino sa pagkakamit ng kasarinlan. Umpisahan ito
mula sa pagbabalik ni Aguinaldo mula sa Hong Kong hanggang sa pagpapakilala ng
kasarinlan ng Pilipinas sa mga bansa. Maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan sa
paglikha ng timeline.
Rubrik sa Paggawa ng Timeline
Puntos Pamantayan
5 Wasto ang impormasyong nakapaloob sa timeline
4 Malinaw at madaling maunawaan ang nilalaman ng timeline
3 Malikhain at malinis ang pagkakagawa sa timeline
12
Isaisip
Gawain 7. Isip-Isip
Binabati kita dahil matagumpay mong naisagawa ang mga naunang gawain sa
modyul na ito. Sa bahaging ito, sasagutin mo ang mga sumusunod upang mailahad
ang iyong natutuhan sa modyul.
1. Natutuhan ko na _____________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Bilang isang mag-aaral, pahahalagahan ko ang kalayaang aking tinatamasa
sa pamamagitan ng ___________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
3. Maipagmamalaki ko, bilang Pilipino ang pinagdaan ng Unang Republika ng
Pilipinas sa pamamagitan ng ____________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Tandaan:
 May mahahalagang pangyayaring
naganap bago ipahayag ang
kalayaan ng Pilipinas.
 Mayo 1, 1898: Natalo ng
Estados Unidos ang
Espanya sa labanan sa
Manila Bay.
 Mayo 19, 1898: Sa tulong
ng mga Amerikano,
nakabalik si Aguinaldo sa
Pilipinas mula sa Hong
Kong.
 Mayo 24, 1898: Itinatag ni
Aguinaldo ang
pamahalaang diktatoryal
13
 Ang ating pambansang watawat ay tinahi nina Marcela Agoncillo,
Lorenza Agoncillo at Delfina Herbosa at winagayway sa
pagpapahayag ng ating kalayaan sa Kawit, Cavite noong Hunyo
12, 1898.
 Kasabay ng pagwagayway ng ating bandila ay ang pagpapatugtog
ng ating pambansang awit na nilapatan ng musika ni Julian Felipe
at mula sa titik ni Jose Palma.
 Ang “Marcha Nacional Magdalo” ang unang naging pamagat ng
ating pambansang awit hanggang sa pinalitan ang pamagat nito
ng “Marcha Nacional Filipina” at kilala ngayon sa ngalan na
“Lupang Hinirang”
 Isang republikanong pamahalaan ang nais itatag ni Aguinaldo sa
Pilipinas sa kaniyang pagbabalik mula sa Hong Kong
 Ang Proklamasyon ng Kalayaan ay isinulat ni Ambrosio Rianzares
Bautista na siya ring nagbasa nito.
 Itinatag noong Hunyo 23, 1898 ang pamahalaang rebolusyonaryo
kapalit ang pamahalaang diktatoryal.
 Pinasinayaan noong Setyembre 15, 1898 ang Kongreso ng
Malolos sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan.
 Binuo sa pamumuno ni Felipe Calderon, kasama sina Cayetano
Arellano at Apolinario Mabini ang Saligang Batas ng Malolos.
 Itinatag ang Republika ng Malolos noong Enero 23, 1899 na kilala
rin bilang Unang Republika ng Pilipinas.
 Isa sa mga hamon ng Republika ng Malolos ay makuha ang
pagkilala ng ibang bansa sa kasarinlan ng Pilipinas.
14
Isagawa
Gawain 8: Paglalapat
A. Kung ikaw ay nabuhay noong panahon ng Unang Republika, ano ang gagawin
mo upang ipagtanggol ang iyong pamahalaan? Magbigay ng tatlong bagay na
iyong gagawin.
Mga Gagawin Ko Upang Ipagtanggol ang Pamahalaan
1. _________________________________________
2. _________________________________________
3. _________________________________________
B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Gaano kahalaga sa isang bansa ang pagkakaroon ng sariling watawat?
Bakit?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Ano ang kahalagahan ng Kongreso ng Malolos sa pagbubuo ng bansang
Pilipinas?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
3. Paano natin mapahahalagahan ang mga pagsisikap na ginawa ng mga
taong nabanggit sa ating aralin na maisasagawa ang mga bagay na
magpapatunay na kaya nating pamahalaan ang ating sariling bansa?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
15
Rubrik sa Pagpapaliwanag
Puntos Pamantayan
5 Napakahusay ng pagpapaliwanag (buo, maliwanag)
4 Mabuting pagpapaliwanag (katamtamang pagpapaliwanag)
3
Matatanggap ang pagpapaliwanag (may kaunting kamalian
ang pagpapaliwanag)
2
Kailangang isaayos (Malaki ang kakulangan, nagpapakita ng
kaunting kaalaman)
1 Mali at kulang ang pagpapaliwanag
Tayahin
Gawain 9: Pangwakas na Pagtataya
Panuto: Upang matiyak ang mga natutuhan mo sa araling ito sagutan mo ang mga
sumusunod na gawain. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kuwaderno.
1. Kailan ipinahayag ang kalayaan ng Pilipinas mula sa pananakop ng Espanya?
A. Hunyo 12, 1898
B. Hulyo 12, 1898
C. Hulyo 4, 1898
D. Disyembre 10, 1898
2. Saan pinasinayaan ang Kongreso ng Malolos?
A. Katedral ng Maynila
B. Simbahan ng Paoay
C. Simbahan ng Barasoain
D. Simbahan ng Quiapo
3. Sino ang unang pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas?
A. Ambrosia Bautista
B. Apolinario Mabini
C. Emilio Aguinaldo
D. Pedro Paterno
16
4. Bakit naisip ni Aguinaldo na ipahayag na ang kasarinlan ng Pilipinas noong
Hunyo 12, 1898?
A. Ayaw na ng Espanya
B. Mahina ang Espanya
C. Dumating na ang Estados Unidos
D. Nakipagkasundo na ang Espanya
5. Bakit lubhang madamdamin ang Hunyo 12, 1898 para sa mga Pilipino?
A. Aalis na sa bansa ang mga Espanyol
B. Nagsama-sama ang lahat ng Pilipino
C. Nakita nilang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas
D. Nakalaya na sa wakas ang mga Pilipino matapos ang tatlong siglo
6. Bakit si Aguinaldo ang nahalal na pangulo ng unang Republika ng Pilipinas?
A. Namili siya ng boto
B. Marami siyang kakampi
C. Mahusay siyang mamuno
D. Magaling siyang magsalita
7. Paano higit na nakatulong ang Kongreso ng Malolos sa mamamayang Pilipino?
A. Kinilala nito ang kasarinlan ng Pilipinas
B. Inihanda nito ang Saligang Batas ng Malolos
C. Nakilala ang Pilipinas bilang malayang bansa
D. Nangako ito ng magandang buhay sa mga Pilipino
8. Paano ang tamang pagpapahalaga sa kasarinlan ng Pilipinas?
A. Gunitain lagi ang kasaysayan ng Pilipinas
B. Makisali sa mga programa ng pamahalaan
C. Makibahagi sa pagbabantay sa kaligtasan ng Pilipinas
D. Makiisa sa pagdiriwang ng kasarinlan tuwing Hunyo 12
9. Paano nakaimpluwensiya ang unang Republika ng Pilipinas sa mundo?
A. Naghanda rin ng ibang bansa ng kongreso
B. Pinalayas din ng ibang bansa ang mananakop
C. Ginaya ito ng ibang bansa dahil una ito sa Asya
D. Naghalal din ang ibang bansa ng tulad ni Aguinaldo
10. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng Kongreso ng Malolos?
A. pagbubuo ng sanggunian
B. paghahalal ng mga pinuno
C. pagbubo ng kasunduan sa mga Amerikano
D. pagpapatibay ng Saligang Batas ng Malolos
17
Karagdagang Gawain
Gawain 10: Magagawa Mo
Panuto: Isulat sa graphic organizer ang mga paraan ng paggalang sa bandila ng
Pilipinas
Paggalang
sa bandila
ng Pilipinas
18
Susi sa Pagwawasto
Tuklasin
Gawain
3:
A.
1.
Tama
2.
Mali
3.
Mali
4.
Tama
5.
Tama
B
1.
Tavera
2.
Luna
3.
Del
Pilar
4.
Ocampo
5.
Araneta
6.
Legarda
7.
Mabini
C.
1.
Felipe
2.
Gregoria
3.
Luna
4.
Mabini
5.
Palma
Balikan
Gawain
2:
Iba-ibang
sagot
Tayahin
Gawain
9
1.
A
2.
C
3.
C
4.
B
5.
D
6.
C
7.
B
8.
C
9.
C
10.D
Isagawa
Gawain
8
A.
Iba-ibang
sagot
B.
Iba-ibang
sagot
Subukin
Gawain
1
1.
C
2.
A
3.
E
4.
H
5.
B
6.
I
7.
D
8.
J
9.
G
10.F
Pagyamanin
Gawain
4
1.
Hong
Kong
2.
Kawit,
Cavite
3.
Simbahan
ng
Barasoain
4.
Simbahan
ng
Barasoain
Gawain
5
1.
B
2.
A
3.
D
4.
E
5.
C
Gawain
6
Iba-ibang
sagot
Karagdagang
Gawain
Gawain
10
Iba-ibang
sagot
Isaisip
Gawain
7
Iba-ibang
sagot
19
Sanggunian:
Aklat:
Agno, Lydia N. et. al. Kultura, Kasaysayan at Kabuhayan 6, Aklat sa Araling
Panlipunan. Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016, pp.86-96
Rebis, Kristine Conde. et. al. Linangin ng Diwa 6, Aklat sa Araling Panlipunan.
Tandang Sora, Quezon City: PLL Publishing House., 2016, pp. 60-66
Julian, Ailene Baisa. et. al. Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 6, Aklat sa Araling
Panlipunan. 927 quezon Ave., Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc,
2017
Website:
https://link.quipper.com/en/organizations/547fdd06d11ff0000200004b/curriculum#cur
riculum
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region I
Schools Division of the City of Batac
#16 S-Quiling Sur, City of Batac, Ilocos Norte 2906
Telefax: (077) 677 - 1993
Email Address: bataccity@deped.gov.ph

More Related Content

Similar to AP6_q1wk5_mod5_Ang-Deklarasyon-ng-Kasarinlan-ng-Pilipinas-at-ang-Pagkakatatag-ng-Unang-Republika (1).pdf

AP5_q1wk8_mod8_sinaunangkabihasnangasyanoangpagkabuonglipunanatpagkakakilanla...
AP5_q1wk8_mod8_sinaunangkabihasnangasyanoangpagkabuonglipunanatpagkakakilanla...AP5_q1wk8_mod8_sinaunangkabihasnangasyanoangpagkabuonglipunanatpagkakakilanla...
AP5_q1wk8_mod8_sinaunangkabihasnangasyanoangpagkabuonglipunanatpagkakakilanla...josefadrilan2
 
AP6_q1_mod7_ang mga natatanging pilipino at ang kanilang kontribusyon para sa...
AP6_q1_mod7_ang mga natatanging pilipino at ang kanilang kontribusyon para sa...AP6_q1_mod7_ang mga natatanging pilipino at ang kanilang kontribusyon para sa...
AP6_q1_mod7_ang mga natatanging pilipino at ang kanilang kontribusyon para sa...rochellelittaua
 
AP6_q1_mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
AP6_q1_mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...AP6_q1_mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
AP6_q1_mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...rochellelittaua
 
Ap6 q1 mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
Ap6 q1 mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...Ap6 q1 mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
Ap6 q1 mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...Roneil Glenn Dumrigue
 
AP5_q1wk7_mod7_paglaganapngrelihiyongislamsapilipinas.pdf
AP5_q1wk7_mod7_paglaganapngrelihiyongislamsapilipinas.pdfAP5_q1wk7_mod7_paglaganapngrelihiyongislamsapilipinas.pdf
AP5_q1wk7_mod7_paglaganapngrelihiyongislamsapilipinas.pdfjosefadrilan2
 
AP6_q1_mod2_ang kilusang propaganda at ang katipunan_v2.pdf
AP6_q1_mod2_ang kilusang propaganda at ang katipunan_v2.pdfAP6_q1_mod2_ang kilusang propaganda at ang katipunan_v2.pdf
AP6_q1_mod2_ang kilusang propaganda at ang katipunan_v2.pdfrochellelittaua
 
AP6_q1_mod4_ang kababaihan sa rebolusyong pilipino_v2.pdf
AP6_q1_mod4_ang kababaihan sa rebolusyong pilipino_v2.pdfAP6_q1_mod4_ang kababaihan sa rebolusyong pilipino_v2.pdf
AP6_q1_mod4_ang kababaihan sa rebolusyong pilipino_v2.pdfrochellelittaua
 
AP6_q1_mod4_ang-kababaihan-sa-rebolusyong-pilipino_v2 (1).pdf
AP6_q1_mod4_ang-kababaihan-sa-rebolusyong-pilipino_v2 (1).pdfAP6_q1_mod4_ang-kababaihan-sa-rebolusyong-pilipino_v2 (1).pdf
AP6_q1_mod4_ang-kababaihan-sa-rebolusyong-pilipino_v2 (1).pdfShelvieDyIco
 
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...OLIVESAMSON2
 
AP4_Q2_Mod3_Mga Hamong Pangkabuhayan sa.PDF
AP4_Q2_Mod3_Mga Hamong Pangkabuhayan sa.PDFAP4_Q2_Mod3_Mga Hamong Pangkabuhayan sa.PDF
AP4_Q2_Mod3_Mga Hamong Pangkabuhayan sa.PDFyrrallarry
 
AP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdf
AP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdfAP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdf
AP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdfjosefadrilan2
 
AP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdf
AP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdfAP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdf
AP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdfDianaValiente5
 
AP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdf
AP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdfAP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdf
AP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdfAngelika B.
 
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdfARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdfKristineDelaCruz50
 
AP5_Q4_Week1-2-Mod1_Salik-sa-Pagusbong-ng-Nasyonalismo (1).pdf
AP5_Q4_Week1-2-Mod1_Salik-sa-Pagusbong-ng-Nasyonalismo (1).pdfAP5_Q4_Week1-2-Mod1_Salik-sa-Pagusbong-ng-Nasyonalismo (1).pdf
AP5_Q4_Week1-2-Mod1_Salik-sa-Pagusbong-ng-Nasyonalismo (1).pdfAilenDalo1
 
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayanMay 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayanjaibongs
 
power point presentation. for grade- 2
power point presentation.  for grade-  2power point presentation.  for grade-  2
power point presentation. for grade- 2JonilynUbaldo1
 
AP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdf
AP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdfAP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdf
AP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdfKariue
 

Similar to AP6_q1wk5_mod5_Ang-Deklarasyon-ng-Kasarinlan-ng-Pilipinas-at-ang-Pagkakatatag-ng-Unang-Republika (1).pdf (20)

AP5_q1wk8_mod8_sinaunangkabihasnangasyanoangpagkabuonglipunanatpagkakakilanla...
AP5_q1wk8_mod8_sinaunangkabihasnangasyanoangpagkabuonglipunanatpagkakakilanla...AP5_q1wk8_mod8_sinaunangkabihasnangasyanoangpagkabuonglipunanatpagkakakilanla...
AP5_q1wk8_mod8_sinaunangkabihasnangasyanoangpagkabuonglipunanatpagkakakilanla...
 
AP6_q1_mod7_ang mga natatanging pilipino at ang kanilang kontribusyon para sa...
AP6_q1_mod7_ang mga natatanging pilipino at ang kanilang kontribusyon para sa...AP6_q1_mod7_ang mga natatanging pilipino at ang kanilang kontribusyon para sa...
AP6_q1_mod7_ang mga natatanging pilipino at ang kanilang kontribusyon para sa...
 
AP6_q1_mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
AP6_q1_mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...AP6_q1_mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
AP6_q1_mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
 
Ap6 q1 mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
Ap6 q1 mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...Ap6 q1 mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
Ap6 q1 mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
 
AP5_q1wk7_mod7_paglaganapngrelihiyongislamsapilipinas.pdf
AP5_q1wk7_mod7_paglaganapngrelihiyongislamsapilipinas.pdfAP5_q1wk7_mod7_paglaganapngrelihiyongislamsapilipinas.pdf
AP5_q1wk7_mod7_paglaganapngrelihiyongislamsapilipinas.pdf
 
AP6_q1_mod2_ang kilusang propaganda at ang katipunan_v2.pdf
AP6_q1_mod2_ang kilusang propaganda at ang katipunan_v2.pdfAP6_q1_mod2_ang kilusang propaganda at ang katipunan_v2.pdf
AP6_q1_mod2_ang kilusang propaganda at ang katipunan_v2.pdf
 
AP6_q1_mod4_ang kababaihan sa rebolusyong pilipino_v2.pdf
AP6_q1_mod4_ang kababaihan sa rebolusyong pilipino_v2.pdfAP6_q1_mod4_ang kababaihan sa rebolusyong pilipino_v2.pdf
AP6_q1_mod4_ang kababaihan sa rebolusyong pilipino_v2.pdf
 
AP6_q1_mod4_ang-kababaihan-sa-rebolusyong-pilipino_v2 (1).pdf
AP6_q1_mod4_ang-kababaihan-sa-rebolusyong-pilipino_v2 (1).pdfAP6_q1_mod4_ang-kababaihan-sa-rebolusyong-pilipino_v2 (1).pdf
AP6_q1_mod4_ang-kababaihan-sa-rebolusyong-pilipino_v2 (1).pdf
 
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
 
AP4_Q2_Mod3_Mga Hamong Pangkabuhayan sa.PDF
AP4_Q2_Mod3_Mga Hamong Pangkabuhayan sa.PDFAP4_Q2_Mod3_Mga Hamong Pangkabuhayan sa.PDF
AP4_Q2_Mod3_Mga Hamong Pangkabuhayan sa.PDF
 
AP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdf
AP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdfAP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdf
AP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdf
 
AP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdf
AP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdfAP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdf
AP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdf
 
AP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdf
AP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdfAP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdf
AP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdf
 
ESP6-Q3-MODYUL1 (1).pdf
ESP6-Q3-MODYUL1 (1).pdfESP6-Q3-MODYUL1 (1).pdf
ESP6-Q3-MODYUL1 (1).pdf
 
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdfARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
 
AP5_Q4_Week1-2-Mod1_Salik-sa-Pagusbong-ng-Nasyonalismo (1).pdf
AP5_Q4_Week1-2-Mod1_Salik-sa-Pagusbong-ng-Nasyonalismo (1).pdfAP5_Q4_Week1-2-Mod1_Salik-sa-Pagusbong-ng-Nasyonalismo (1).pdf
AP5_Q4_Week1-2-Mod1_Salik-sa-Pagusbong-ng-Nasyonalismo (1).pdf
 
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayanMay 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
 
power point presentation. for grade- 2
power point presentation.  for grade-  2power point presentation.  for grade-  2
power point presentation. for grade- 2
 
AP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdf
AP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdfAP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdf
AP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdf
 
AP6-Q3-MODYUL3.pdf
AP6-Q3-MODYUL3.pdfAP6-Q3-MODYUL3.pdf
AP6-Q3-MODYUL3.pdf
 

Recently uploaded

Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaDaisyCabuagPalaruan
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipinodandemetrio26
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxjessysilvaLynsy
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...john mark calimpusan
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedRICXIE1
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxMarcChristianNicolas
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxArielTupaz
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...FairyLouMejia1
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxJustinArquero
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiMiaBumagat1
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointRuvyAnnClaus
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxJieMartinez1
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGronaldfrancisviray2
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...SundieGraceBataan
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxevafecampanado1
 

Recently uploaded (20)

Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 

AP6_q1wk5_mod5_Ang-Deklarasyon-ng-Kasarinlan-ng-Pilipinas-at-ang-Pagkakatatag-ng-Unang-Republika (1).pdf

  • 1. Tinipon at Inayos ni: MAY HOPE MARIE C. CACK Teacher III Schools Division of the City of Batac Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 5: Ang Deklarasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas at ang Pagkakatatag ng Unang Republika 6
  • 2. Araling Panlipunan Grade 6 Alternative Delivery Mode Unang Markahan- Modyul 5: Ang Deklarasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas at ang Pagkakatatag ng Unang Republika Unang Edisyon, 2020 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.” Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Ang mga ito ay tinipon at inayos para lamang sa modyul na ito. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng tagalikom ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education- Region I Schools Division of the City of Batac Office Address: #16 Quiling Sur, City of Batac, Ilocos Norte 2906 Telefax: (077) 677-1993 E-mail Address: bataccity@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Tagalikom: May Hope Marie C. Cack Editor: Lovella J. Galut Eleonor B. Ramos Jhon Rey D. Ortal Tagasuri: Christina G. Paculan Julita D. Tutaan Aubrhey Marie R. Oasay John Ernest L. Medrano Blesilda B. Antiporda Tagaguhit: Rommel S. Villanueva Tagalapat: May Hope Marie C. Cack Tagapamahala: Joel B. Lopez, EdD, CESO V Annie D. Pagdilao, EdD Jhon Rey D. Ortal, EdD Marilou B. Sales Aubrhey Marie R. Oasay, PhD
  • 3. Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Ang modyul na ito ay pinagtulungang inihanda ng mga edukador para gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy, nang sa gayon ay matulungang mo ang mga mag-aaral na makamit ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan, pang-ekonomiko at pangkalusugang hamon sa pag-aaral. Sa pamamagitan ng iyong paggabay, inaasahang ang tulong-aral na ito ay magamit ng mga mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan ng pan- 21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
  • 4. Para sa mag-aaral: Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng kuwaderno sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing nakapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago simulan ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa ibang pagsasanay. 6. Ibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy pagkatapos sagutin ang lahat ng gawain. Ang modyul ay may mga bahagi na kinapalooban ng mga kaalaman at mga pagsasanay upang lalong hasain ang iyong kakayahan. Sa katapusan ng modyul ay makikita ang sanggunian na talaan ng lahat ng pinagkukuhanan sa paglikha o paglinang ng mga gawain. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito huwag mag-alangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatandang kapatid o sa sino man sa iyong kasama sa bahay. Laging itanim sa iyong isipan na hindi ka nag-iisa. Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makabuluhang pagkatuto at makakakuha ng malalim na pang-unawa sa kaugnay ng mga kompetensi. Kaya mo ito!
  • 5. 1 Alamin “Kasabay ng pagbabago ng ating kapaligiran ay ang patuloy ring pagbabago sa takbo ng ating lipunan”. Bilang tugon sa mga pagbabagong ito ay ang pag-usbong ng mga kagamitang - pampagkatuto na naglalayong tulungan kayo at imulat sa inyong mga isipan ang iba’t ibang aspektong nakaapekto sa buhay ng tao. Ang Modyul na ito ay naglalayong palawakin ang inyong kaalaman tungkol sa mahahalang pangyayari sa Pilipinas noong panahon ng himagsikan ng 1896 sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gawain nang buong husay. Matutunghayan sa araling ito ang paksang Ang Deklarasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas at ang Pagkakatatag ng Unang Republika. Halina’t tuklasin at unawain ang mga kaugnay na konsepto nito. Makatutulong sa iyo ang mga gawain upang lubos na maunawaan ang mga esensyal na kaalaman tungkol sa Rebolusyon. Inaasahang matutuhan mo lahat ang mga aralin na inihanda para sa iyo. Ang aralin ay tumutukoy sa mahahalagang pangyayari sa kasaysayan. Ang modyul na ito ay nahahati sa sumusunod na paksa:  Paksa 1: Pagpapahayag ng Kasarinlan  Paksa 2: Kongreso ng Malolos  Paksa 3: Saligang Batas ng Malolos  Paksa 4: Unang Republika ng Pilipinas Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang sumusunod:  natatalakay ang mga pangyayaring naganap na nagbunsod sa deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas;  natatalakay ang mahalagang kontribusyon ng Kongreso ng Malolos at Saligang Batas ng Malolos;  natalakay ang kahalagahan ng pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas; at  nakagagawa ng timeline tungkol sa pagkamit ng kasarinlan
  • 6. 2 Subukin Bilang panimula, sagutan mo ang mga tanong sa ibaba para mataya ang iyong kahandaan sa paksa. Gawain 1: Paunang Pagtataya Panuto: Panuto: Itambal ang hanay A sa hanay B. isulat ang titik ng tamang sagot. A B 1. Ang sumulat ng saligang batas na nagtadhana ng isang Republikang Pederal 2. Ang nagpayo kay Aguinaldo na itatag ang Pamahalaang Diktadura 3. Ipinahayag ito ni Heneral Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite 4. Ang pamangkin ni Dr. Jose Rizal na tumulong sa pagtahi ng ating watawat 5. Ang tinaguriang “Dakilang Lumpo” 6. Ang Unang Republika sa Asya 7. Ang Kongresong pinasinayaan noong Setyembre 15, 1898 sa Malolos, Bulacan 8. Ang Republikang pinasinayaan sa simbahan ng Barasoain noong Enero 23, 1899 9. Pamahalaang itinatag ni Aguinaldo pagbalik niya mula Hongkong 10.Ang ipinalit sa Pamahalaang Diktadura A. Ambrocia Bautista B. Apolinario Mabini C. Mariano Ponce D. Kongreso ng Malolos E. Kasarinlan ng Pilipinas F. Pamahalaang Rebolusyunaryo G. Pamahalaang Diktadura H. Josefina Herbosa I. Unang Republika ng Pilipinas J. Republika ng Malolos K. Sumulat ng saligang Batas ng Malolos
  • 7. 3 Aralin 5 Ang Deklarasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas at ang Pagkakatatag ng Unang Republika Balikan Gawain 2: Gawin Mo Panuto: Isulat ang mahalagang partisipasyon ng bawat kababaihang Pilipino sa Panahon ng Rebolusyon. 1. Teresa Magbanua: _________________________________ 2. Gregoria de Jesus: _________________________________ Ang paghahangad ng kasarinlan ay nananatiling buhay sa mga Pilipino. Hindi sila nawalan ng pag-asa na ito ay kanilang makakamit. Nang ito ay kanilang naaaninag, hinanda na nila ang mga bagay na magbibigay ng simbolo ng ating kasarinlan.
  • 8. 4 3. Melchora Aquino: ________________________________ 4. Marcela Agoncillo: ________________________________ 5. Nazaria Lagos: __________________________________ Tuklasin Gawain 3: Pag-isipan Mo A. Panuto: Isulat kung Tama o Mali ang bawat pangungusap. 1. Ang kalayaan ng Pilipinas ay idineklera noong Hunyo 12, 1898. 2. Si Emilio Aguinaldo ang nagbasa ng “Deklarasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas.” 3. Si Apolinario Mabini ang nahalal na pangulo ng Kongreso ng Malolos. 4. Ang watatwat ng Pilipinas ay batay sa dinsenyong ginawa ni Aguinaldo. 5. Si Emilio Aguinaldo ang pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas.
  • 9. 5 B. Bago ka magsimula ng aralin, subukin mo kung makikilala mo ang ilan sa mga Pilipinong may mahalagang ginampanan sa ilalim ng Pamahalaang Rebolusyunaryo. Hanapin at buuin ang mga sagot. Gawin ito sa kwaderno. T A V E R A A D T R I A S L K E M A B I N I O L M N S P D E C P L E G A R D A I U T F J H G M L N A V Q R X P A A T B C F I O R C. Ang mga sumusunod ay may papel na ginagampanan sa pagtatatag ng Unang Republika. Isulat ang mga nawawalang titik sa bawat bilang upang mabuo ang kanilang mga pangalan. Matutulungan ka ng pahiwatig sa kahon. 1. Makabayang guro ng musika F E 2. Biyuda ni Andres Bonifacio G E O 3. Matapang na Heneral L N 4. Dakilang Lumpo M B 5. Naglapat ng lirika ng Pambansang Awit ng Pilipinas P L
  • 10. 6 Suriin Ating alamin ang mga mahahalagang pangyayari sa pagtatag ng Unang Republika ng Pilinas
  • 11. 7 Pagpapahayag ng Kasarinlan Matapos maitatag ang pamahalaang diktatoryal ay ipinalagay ni Aguinaldo na panahon na upang ihayag ang kasarinlan ng Pilipinas. Bilang paghahanda, inatasan niya si Julian Felipe noong Hunyo 5, 1898 na lumikha ng musikang tutugtugin sa araw ng pagpapahayag ng kasarinlan. Kaagad tinugon ni Felipe ang atas ni Aguinaldo. Natapos niya ang martsang pinamagatang “Marcha Nacional Magdalo” noong Hunyo 11 at sa araw ding yaon ay tinugtog niya sa piano sa sala ng tahanan ni Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Nasiyahan si Aguinaldo at ang iba pang pinunong rebolusyunaryo na nakarinig dito. Tinanggap ang martsa at pinagpasiyahang palitan ang pamagat nito sa “Marcha Nacional Filipina.” Ginanap ang pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas mula sa Spain noong Hunyo 12, 1898 sa bahay ni Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Ang Proklamasyon ng Kasarinlan ay binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista, na siya ring sumulat ng nasabing dokumento. Sa okasyong ito iwinagayway at itinanghal sa madla ang pambansang bandila kasabay ng pagtugtog ng banda ng San Francisco de Malabon sa “Marcha Nacional Filipina.” Ang makasaysayang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas kasabay ng pagdeklara ni Aguinaldo sa ating kasarinlan mula sa mga mananakop
  • 12. 8 Kongreso ng Malolos Setyembre 15, 1898 nang pasinayaan ni Aguinaldo ang Kongreso ng Malolos, na kilala rin bilang Kongresong Panghimagsikan. Nagpulong ang mga kasapi ng Kongreso sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan. Inihalal ang mga kasapi ng Kongreso ang sumusunod na pinuno: Bagama’t hindi nagtagal ang Kongreso ng Malolos ay may mahalagang ambag pa rin ito sa ating kasaysayan. Dalawang linggo makalipas itatag ang Kongreso ay pinagtibay nito ang isinagawang pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Pinangasiwaan din nito ang paggawa ng bagong saligang batas. Pangulo: Pangalawang Pangulo: Unang Kalihim: Pangalawang Kalihim: Pedro Paterno Benito Legarda Gregorio Araneta Pablo Ocampo Dinaluhan ng mga Pilipino ang pagbubukas ng Kongreso ng Malolos sa simbahan ng Barasoain sa Malolos Bulacan
  • 13. 9 Saligang Batas ng Malolos Pinangunahan ni Felipe Calderon ang lupong gumawa sa Saligang Batas ng Malolos. Nagbigay din ng mahahalagang payo kaugnay nito sina Cayetano Arellano at Mabini. Ayon kay Calderon, kabilang sa mga naging inspirasyon niya sa paggawa ng burador ng bagong saligang batas ang mga dokumento ng Katipunan, ang pansamantalang Saligang Batas ng Biak-na-Bato, at mga saligang batas ng ibang bansa sa South America at Europe. Pinagtibay ang Saligang Batas ng Malolos noong Enero 21, 1899. Kabilang sa mga probisyon nito ang pagkakaroon ng tatlong sangay ng pamahalaan: tagapagbatas, tagapagpaganap, at panghukuman. Higit na makapangyarihan ang sangay tagapagbatas kaysa dalawang iba pang sangay ng pamahalaan. May probisyon din tungkol sa mga karapatan ng mga mamamayan at pangangasiwa sa bansa. Kinikilala ang Saligang Batas ng Malolos bilang kauna-unahang mahalagang dokumento na itinakda ng mga kinatawan ng mga Pilipino. Unang Republika ng Pilipinas Matapos mapagtibay ang Saligang Batas ng Malolos ay pinasinayaan sa Simbahan ng Barasoain ang Republika ng Malolos, na kilala rin bilang Unang Republika ng Pilipinas. Sa okasyong ito na ginanap noong Enero 23, 1899 ay binasa nang buo ang Saligang Batas ng Malolos, nanumpa si Aguinaldo bilang Pangulo ng Republika at nanumpa ng katapatan ang hukbong sandatahan.
  • 14. 10 Kabilang sa mga naging unang kasapi ng Gabinete ni Aguinaldo ang sumusunod: Pangulo ng Gabinete at Kalihim ng Ugnayang Panlabas: Kalihim na Panloob: Kalihim ng Digmaan: Kalihim ng Pananalapi: Apolinario Mabini Teodoro Sandico Baldomero Aguinaldo Mariano Trias Sa Kinaharap ng Unang Republika ang iba’t ibang hamon at suliranin. Kabilang dito ang pagkuha sa pagkilala ng ibang bansa sa bagong tatag na republika. Sinikap ng mga opisyal ng republika, sa pangunguna ni Felipe Agoncillo, na makuha ang pagkilala ng ibang mga bansa sa kasarinlan ng Pilipinas. Nagkaroon din ng hidwaan ang mga opisyal ng pamahalaan at ibang pinuno ng bansa. Kasabay nito ang dahan-dahang pagpapalakas ng puwersa ng mga Amerikano bilang paghahanda sa pagsakop sa Pilipinas. Pagyamanin Gawain 4. Gagawin Ko Panuto: Tukuyin ang lugar na pinangyarihan ng sumusunod. Isulat ang sagot sa kuwaderno. 1. Tinahi ang ating bandila 2. Pagpapahayag ng Kalayaan 3. Pagpapasinaya ng Unang Kongreso 4. Pagpapasinaya ng Unang Republika ng Pilipinas
  • 15. 11 Gawain 5. Sino Sila? Panuto: Piliin mula sa kahon ang tinutukoy sa bawat pahayag. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot. A. Emilio Aguinaldo B. Pedro Paterno C. Apolinario Mabini D. Felipe Calderon E. Marcela Agoncillo 1. Nahalal na pangulo ng Kongreso ng Malolos. 2. Ang Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas. 3. Pinuno ng lupon na gumawa ng Saligang Batas. 4. Ang naatasan ni Aguinaldo na tumahi ng ating bandila. 5. Ang nagpayo kay Aguinaldo ng pagpapalit ng uri ng pamahalaan mula sa diktatoryal tungo sa rebolusyunaryo. Gawain 6. Sulat-Kamay Panuto: Gumawa ng Timeline sa isang malinis na papel kung saan ipinapakita ang paghahandang ginawa ng mga Pilipino sa pagkakamit ng kasarinlan. Umpisahan ito mula sa pagbabalik ni Aguinaldo mula sa Hong Kong hanggang sa pagpapakilala ng kasarinlan ng Pilipinas sa mga bansa. Maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan sa paglikha ng timeline. Rubrik sa Paggawa ng Timeline Puntos Pamantayan 5 Wasto ang impormasyong nakapaloob sa timeline 4 Malinaw at madaling maunawaan ang nilalaman ng timeline 3 Malikhain at malinis ang pagkakagawa sa timeline
  • 16. 12 Isaisip Gawain 7. Isip-Isip Binabati kita dahil matagumpay mong naisagawa ang mga naunang gawain sa modyul na ito. Sa bahaging ito, sasagutin mo ang mga sumusunod upang mailahad ang iyong natutuhan sa modyul. 1. Natutuhan ko na _____________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ 2. Bilang isang mag-aaral, pahahalagahan ko ang kalayaang aking tinatamasa sa pamamagitan ng ___________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ 3. Maipagmamalaki ko, bilang Pilipino ang pinagdaan ng Unang Republika ng Pilipinas sa pamamagitan ng ____________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ Tandaan:  May mahahalagang pangyayaring naganap bago ipahayag ang kalayaan ng Pilipinas.  Mayo 1, 1898: Natalo ng Estados Unidos ang Espanya sa labanan sa Manila Bay.  Mayo 19, 1898: Sa tulong ng mga Amerikano, nakabalik si Aguinaldo sa Pilipinas mula sa Hong Kong.  Mayo 24, 1898: Itinatag ni Aguinaldo ang pamahalaang diktatoryal
  • 17. 13  Ang ating pambansang watawat ay tinahi nina Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo at Delfina Herbosa at winagayway sa pagpapahayag ng ating kalayaan sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898.  Kasabay ng pagwagayway ng ating bandila ay ang pagpapatugtog ng ating pambansang awit na nilapatan ng musika ni Julian Felipe at mula sa titik ni Jose Palma.  Ang “Marcha Nacional Magdalo” ang unang naging pamagat ng ating pambansang awit hanggang sa pinalitan ang pamagat nito ng “Marcha Nacional Filipina” at kilala ngayon sa ngalan na “Lupang Hinirang”  Isang republikanong pamahalaan ang nais itatag ni Aguinaldo sa Pilipinas sa kaniyang pagbabalik mula sa Hong Kong  Ang Proklamasyon ng Kalayaan ay isinulat ni Ambrosio Rianzares Bautista na siya ring nagbasa nito.  Itinatag noong Hunyo 23, 1898 ang pamahalaang rebolusyonaryo kapalit ang pamahalaang diktatoryal.  Pinasinayaan noong Setyembre 15, 1898 ang Kongreso ng Malolos sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan.  Binuo sa pamumuno ni Felipe Calderon, kasama sina Cayetano Arellano at Apolinario Mabini ang Saligang Batas ng Malolos.  Itinatag ang Republika ng Malolos noong Enero 23, 1899 na kilala rin bilang Unang Republika ng Pilipinas.  Isa sa mga hamon ng Republika ng Malolos ay makuha ang pagkilala ng ibang bansa sa kasarinlan ng Pilipinas.
  • 18. 14 Isagawa Gawain 8: Paglalapat A. Kung ikaw ay nabuhay noong panahon ng Unang Republika, ano ang gagawin mo upang ipagtanggol ang iyong pamahalaan? Magbigay ng tatlong bagay na iyong gagawin. Mga Gagawin Ko Upang Ipagtanggol ang Pamahalaan 1. _________________________________________ 2. _________________________________________ 3. _________________________________________ B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Gaano kahalaga sa isang bansa ang pagkakaroon ng sariling watawat? Bakit? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ 2. Ano ang kahalagahan ng Kongreso ng Malolos sa pagbubuo ng bansang Pilipinas? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ 3. Paano natin mapahahalagahan ang mga pagsisikap na ginawa ng mga taong nabanggit sa ating aralin na maisasagawa ang mga bagay na magpapatunay na kaya nating pamahalaan ang ating sariling bansa? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________
  • 19. 15 Rubrik sa Pagpapaliwanag Puntos Pamantayan 5 Napakahusay ng pagpapaliwanag (buo, maliwanag) 4 Mabuting pagpapaliwanag (katamtamang pagpapaliwanag) 3 Matatanggap ang pagpapaliwanag (may kaunting kamalian ang pagpapaliwanag) 2 Kailangang isaayos (Malaki ang kakulangan, nagpapakita ng kaunting kaalaman) 1 Mali at kulang ang pagpapaliwanag Tayahin Gawain 9: Pangwakas na Pagtataya Panuto: Upang matiyak ang mga natutuhan mo sa araling ito sagutan mo ang mga sumusunod na gawain. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kuwaderno. 1. Kailan ipinahayag ang kalayaan ng Pilipinas mula sa pananakop ng Espanya? A. Hunyo 12, 1898 B. Hulyo 12, 1898 C. Hulyo 4, 1898 D. Disyembre 10, 1898 2. Saan pinasinayaan ang Kongreso ng Malolos? A. Katedral ng Maynila B. Simbahan ng Paoay C. Simbahan ng Barasoain D. Simbahan ng Quiapo 3. Sino ang unang pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas? A. Ambrosia Bautista B. Apolinario Mabini C. Emilio Aguinaldo D. Pedro Paterno
  • 20. 16 4. Bakit naisip ni Aguinaldo na ipahayag na ang kasarinlan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898? A. Ayaw na ng Espanya B. Mahina ang Espanya C. Dumating na ang Estados Unidos D. Nakipagkasundo na ang Espanya 5. Bakit lubhang madamdamin ang Hunyo 12, 1898 para sa mga Pilipino? A. Aalis na sa bansa ang mga Espanyol B. Nagsama-sama ang lahat ng Pilipino C. Nakita nilang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas D. Nakalaya na sa wakas ang mga Pilipino matapos ang tatlong siglo 6. Bakit si Aguinaldo ang nahalal na pangulo ng unang Republika ng Pilipinas? A. Namili siya ng boto B. Marami siyang kakampi C. Mahusay siyang mamuno D. Magaling siyang magsalita 7. Paano higit na nakatulong ang Kongreso ng Malolos sa mamamayang Pilipino? A. Kinilala nito ang kasarinlan ng Pilipinas B. Inihanda nito ang Saligang Batas ng Malolos C. Nakilala ang Pilipinas bilang malayang bansa D. Nangako ito ng magandang buhay sa mga Pilipino 8. Paano ang tamang pagpapahalaga sa kasarinlan ng Pilipinas? A. Gunitain lagi ang kasaysayan ng Pilipinas B. Makisali sa mga programa ng pamahalaan C. Makibahagi sa pagbabantay sa kaligtasan ng Pilipinas D. Makiisa sa pagdiriwang ng kasarinlan tuwing Hunyo 12 9. Paano nakaimpluwensiya ang unang Republika ng Pilipinas sa mundo? A. Naghanda rin ng ibang bansa ng kongreso B. Pinalayas din ng ibang bansa ang mananakop C. Ginaya ito ng ibang bansa dahil una ito sa Asya D. Naghalal din ang ibang bansa ng tulad ni Aguinaldo 10. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng Kongreso ng Malolos? A. pagbubuo ng sanggunian B. paghahalal ng mga pinuno C. pagbubo ng kasunduan sa mga Amerikano D. pagpapatibay ng Saligang Batas ng Malolos
  • 21. 17 Karagdagang Gawain Gawain 10: Magagawa Mo Panuto: Isulat sa graphic organizer ang mga paraan ng paggalang sa bandila ng Pilipinas Paggalang sa bandila ng Pilipinas
  • 23. 19 Sanggunian: Aklat: Agno, Lydia N. et. al. Kultura, Kasaysayan at Kabuhayan 6, Aklat sa Araling Panlipunan. Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016, pp.86-96 Rebis, Kristine Conde. et. al. Linangin ng Diwa 6, Aklat sa Araling Panlipunan. Tandang Sora, Quezon City: PLL Publishing House., 2016, pp. 60-66 Julian, Ailene Baisa. et. al. Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 6, Aklat sa Araling Panlipunan. 927 quezon Ave., Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc, 2017 Website: https://link.quipper.com/en/organizations/547fdd06d11ff0000200004b/curriculum#cur riculum
  • 24. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Region I Schools Division of the City of Batac #16 S-Quiling Sur, City of Batac, Ilocos Norte 2906 Telefax: (077) 677 - 1993 Email Address: bataccity@deped.gov.ph