2. 1. Ano ang paksa ng napanood na tula?
2. Pansinin ang mga salitang ginamit ni Juan
Miguel Severo? Itala ang mga salitang
nagpapahayag ng talinghaga at ilagay ang
kahulugan sa tapat nito.
5. Sa pagbuo ng tula ay mahalagang maging maingat sa
pagpili ng mga salitang gagamitin sa pagbuo nito. Kung
ang tulang bubuoin ay tugmang ganap, tandaang ang
dapat gamiting salita sa bawat hulihan ng taludtod ay
may magkakaparehong titik sa hulihan. O kaya naman ay
kung ang gagawin mong tula ay may sukat, kailangang
ang pipiliing salita ay sasakto sa sukat ng tulang
ginagawa. Mas magiging limitado ang pagpili ng salitang
gagamitin kung tulang may sukat at tugmang taludturan
ang iyong bubuoin
6. Gayundin, dapat na isaalang -alang sa pagpili ng salitang
gagamitin sa pagbuo ng tula ang edad ng magbabasa o
makikinig ng tulang gagawin. Kung pambata ang tula ay
mga salitang mauunawaan ng bata ang iyong gagamitin.
Kung ito’y para sa kabataan o matatanda maaaring
gumamit ng mga salita. Ito ay nakatutulong upang
mapanatiling kariktan at kasiningan ng tulang bubuoin.
Ang kahulugan ng mga salita ay makikita ayon sa…
7. 1.Kasingkahulugan o Kasalungat- sa pamamagitan ng
kasingkahulugan at kasingkasalungat na slaita ay
maipapakita ang mensaheng nais sabihin sa tulang
gagawin. Ang paggamit ng mga salitang
magkakasingkahulugan o pareho ang ibig sabihin ay
nakatutulong upang maipakita ang ugnayang nais
ipahayag sa tula.
8. 2.Idyoma- sa pamamagitan ng idyoma ay nakikilala ang yaman ng isang
wika. Nakiro ang halimbawa ng mga idyoma at mga kahulugan nito.
-balat sibuyas - madamdamin -basang sisiw - kaawa awa; api
-buto’t balat - payat na payat -huling hantungan - libingan
-ikapitong langit - malaking katuwaan
-laylay ang balikat - nabigo -magbilang ng poste - walang trabaho
-mahaba ang pisi - pasensyoso -magdildil ng asin - maghirap
-pabalat-bunga - hinde totoo
9.
10. Lagyan ng akmang salitang
kokompleto sa diwa ng tula sa
ibaba. Piliin ang sagot sa loob ng
kahon.
11. Marami mang pera ang mga ______________,
At ang tinitirhan malalaking ______________,
At ang pagkain nila masarap mang _________,
Ako, kahit dukkha sila ay _________________.
12. Lagyan ng akmang salitang
kokompleto sa diwa ng tula sa
ibaba. Piliin ang sagot sa loob ng
kahon.
13. Mahirap man kami suot parang ____________,
Wala kaming kotse’t magagarang __________,
Maski laging kayo ang Boss sa ____________,
Ang paniniwala ko magkapantay ___________.
14. Tayo ay nilalang ng Poong ________________,
At layunin Niya tayo’y ____________________,
Wala kahit saplot nang tayo’y _______________,
Lahat… iiwan din sa ating __________________.
15. Panuto: Piliin ang titik ng kahulugan ng
idyomang may salungguhit sa bawat bilang.
1.Ang mga basang sisiw ay dapat nating
tulungan.
a. basa ang sisiw
b. kaawa-awa
c. mabuti
d. bata
16. 2. Latay ang kanyang balikat nang siya
ay umuwi galling trabaho.
a. pagod na pagod
b. masakit ang balikat
c. bigo
d. may sugat
17. 3. Ang kanyang pamilya ay madalas
magdildil ng asin.
a. asin ang ulam
b. masagana
c. nakakaawa
d. naghihirap
18. Panuto : Piliin ang titik ng tamang kahulugan ng
salitang may diin batay sa pagkakagamit sa
pangungusap.
4. Nalalapit na ang kasal ng aking
kapatid at ng kanyang bata.
a. nobya
b. musmos
c. sanggol
d. kaibigan
19. 5. Bato na ang kanyang puso sa lahat ng
mga problemang naranasan sa buhay.
a. uri ng matigas na mineral
b. semento
c. graba
d. manhid na