SlideShare a Scribd company logo
1 of 48
ANGAKINGPAG-IBIG
TULAMULAENGLAND,UNITEDKINGDOM
(HOWDOILOVETHEE–SONNETXLIII)NIELIZABETHBARETBROWNING
(ISINALINSAFILIPINONIALFONSOO.SANTIAGO)
Paunang Gawain
Anong mga salita o kaisipan ang maiuugnay sa
salitang nasa loob ng puso?
1 _________________________________
2 _________________________________
3 _________________________________
4 _________________________________
5 _________________________________
PAG-IBIG
Basahin at unawain:
Ang Pag-ibig ay isa sa mga damdaming likas sa tao. May iba’t ibang uri
nito:
1.Eros – Ito ay ang uri ng pag-ibig na nararamdaman sa taong ninanais
makasama habambuhay. Ito ay nararamdaman ng dalawang taong
magsing-irog na nais makasama ang isa’t isa hanggang sa huli.
2.Philia- ito ay isang uri ng pag-ibig na nararamdaman sa isang
kaibigan. Ang pagmamahalan ng magkaibigan ay puno ng tiwala sa
isa’t isa.
3. Storge – ang uri ng pag-ibig na
nararamdaman sa bawat miyembro ng pamilya.
4. Agape – Ang pag-ibig sa Diyos kung saan
walang hinihinging kapalit. Ito ay pag-ibig na
walang kapantay
Gawain 1: Pakinggan Mo
Pakinggan ang awit sa Youtube Channel at sagutin ang mga
tanong pagkatapos.
Ang Awit ni Lira ni Jennylyn Mercado / Mikee Quintos
Nais kong liparin ang himpapawid
At maabot ang ulap sa langit Nais kong
marating ang asul na dagat At langoyin
ang kanyang rikit
Nais kong mahiga sa kanlungan ni ina At
lasapin ang kaniyang mga haplos Nais
kong marating ang paraiso Upang doon
ay mamahinga
Itong pagod kong puso.
Sa pangarap lang makakamtam ang
inaasam
Sa pangarap lang malalasap
ang saya nitong aking buhay
Sa pangarap lang naghihintay
Sa pangarap aking mahal
Doon akoy maghihintay
aking mahal
1.Tungkol saan ang awit na iyong nabasa o
napakinggan?
_________________________________________________
_______________________
2. Batay sa iyong napakinggan/nabasa, ilan ang
bilang ng pantig sa bawat taludtod?
_________________________________________
_________________________________________
3. Ilahad ang mga damdaming nangibabaw sa nasabing awitin gamit ang
mga salitang nagpapahayag ng damdamin. Gayahin sa iyong sagutang papel
ang pormat sa ibaba.
Damdamin
4. Anong kongklusyon ang nabuo sa iyong
imahinasyon matapos mong napakinggan ang
nasabing awit?
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Bigkasin MO:
Ang Aking Pag-ibig (How Do I Love Thee)
Sonnet XLIII) ni Elizabeth Baret Browning
(Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)
Ibig mong mabatid, ibig mong malaman Kung
paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.
Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing, Lipad
ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay
ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utos-utusan, Maging
sa liwanag, maging sa karimlan.
Kasinlaya ito ng mga lalaking
Dahil sa katwira’y hindi paaapi, Kasingwagas ito
ng mga bayaning Marunong umingos sa mga
papuri
Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin, Tulad
ng lumbay kong di makayang bathin Noong ako’y
isang musmos pa sa turing
na ang pananalig ay di masusupil.
Yaring pag-ibig ko, ang nakababagay
Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
na nang mangawala ay parang nanamlay Sa
pagkabigo ko at panghihinayang.
Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na, Ngiti,
luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita
Tulang Soneto
Ito ay isang uri ng tulang nagmula sa Italya na
may labing-apat na taludtod at sampung pantig sa
bawat taludtod. May tiyak na sukat at tugma na
kinakailangang isaalang-alang ng mga manunulat.
Sa madaling sabi, ito ay tula hinggil sa damdamin.
Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan Panuto: Piliin sa Kolum B ang
kahulugan ng matatalinghagang pananalitang ginamit ng tula sa
Kolum A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
KOLUM A
_____ 1. Lipad ng kaluluwang ibig na marating Ang
dulo ng hindi maubos-isipin _____ 2. Kasinlaya ito
ng mga lalaking Dahil sa katwira’y hindi paaapi
_____ 3. Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri
_____ 4. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na Ngiti,
luha buhay at aking hininga!
_____ 5. At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita
KOLUM B
A.handang mahalin anuman
ang mangyari
B. masidhing pagmamahal
C. tunay na pag-ibig
D. pag-ibig hanggang wakas
E. ang pag-ibig ay buhay
Gawain 3: Pag-unawa sa Akda
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano ang pag-ibig na tinutukoy ng makata sa tula?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Batay sa tula, ano ang magiging bunga ng pagkakaroon ng tunay na pag-ibig?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Aling bahagi ng tula ang nagpalutang ng ganda at kariktan nito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Paano naipamalas ng may-akda ang masidhing pagmamahal?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Paano nakatulong ang paggamit ng mga matatalinghagang salita upang
mapalutang ng may-akda sa mga mambabasa ang mensahe?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Alam mo bang…
Tulaang tawag sa isang akdang
pampanitikang may matatalinghagang
pagpapahayag ng isipan at damdamin.
Mababasa sa mga tula ang mga kaisipang
naglalarawan ng kagandahan, kariktan, at
kadakilaan.
➢ Maitutulad sa isang awit ang tula. Nagsisilbi rin itong
pagpapagunita sa dapat na kaasalan ng mga bata at
kabataan at naglalayong maipahayag ang karanasan,
damdamin, pananaw, kabayanihan, at ang maigting na
pagmamahal sa sariling bansa.
➢ Hanggang sa kasalukuyan, ang pagsulat at
pagbigkas ng tula ay nananatiling tulay ng kaalaman
mula sa kasaysayan ng kahapon patungo sa
kasalukuyan
Apat na pangkalahatang uri ng tula:
Tulang Pandamdamin o Tulang
Liriko
Tulang Pasalaysay
Tulang Padula
 Tulang Patnigan
Tulang Liriko
Ito ay ang tula ng damdaming nagpapakita
ng matinding emosyon ng tao o puno ng
masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig,
kalungkutan, kaligayahan, tagumpayan at
iba pa. Maikli at payak ang uring ito ng tula.
1. Soneto – Ang tulang ito ay may labing-
apat na taludtod hinggil sa damdamin,
kaisipan at pananaw sa buhay ng tao.
Naghahatid ng aral sa mambabasa.
Mga Halimbawa: Soneto ng Buhay ni
Fernando B. Monleon Ang Aking Pag-ibig
2. Pastoral – Hindi lamang tungkol sa buhay ng
isang pastol at pagpapastol. Ang tulang ito ay
pumapaksa at naglalarawan ito ng simpleng
paraan ng pamumuhay, pag-ibig, at iba pa.
Halimbawa:
Halika sa Bukirin ni Milagros B. Macaraig Ang Tinig
ng Ligaw na Gansa
3. Elehiya – Ito ay tula ng pamamanglaw
dahil sa pumapaksa ito sa kalungkutan,
kamatayan at iba pa
Halimbawa: Ang Pamana ni Jose Corazon de
Jesus
Elehiya para kay Ram ni Patrocinio V.
Villafuerte
4. Oda – Ang tulang ito ay nagpapahayag ng
isang papuri, panaghoy o iba pang uri ng
damdamin. Karaniwang tungkol sa papuri tungkol
sa mga nagawa ng dakilang tao, bansa o
anomang bagay na maaaring papurihan.
Halimbawa:
Tumangis si Raquel
Manggagawa ni Jose Corazon de Jesus
5. Awit – Karaniwang pinapaksa ng tulang ito
ay pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa,
pangamba, poot at kaligayahan. Tinatawag din
itong kundiman na ayon kay Jose Villa
Panganiban ito ay awit tungkol sa pag-ibig.
Halimbawa: May Isang Pangarap ni Teodoro
Gener
Sa Dalampasigan ni Teodoro Agoncillo
6. Dalit – Ito ay katutubong tula na may apat na
taludtod sa bawat saknong at may sukat na wawaluhin.
Ito’y awiting patungkol sa paglilingkod sa Diyos at
pananampalataya na may layuning dumakila at
magparangal. Sa kasalukuyang kahulugan, masasabi na
ring dalit ang isang tula kung ito’y may pagdarakila sa
bayan. Dalitsamba: patungkol sa Diyos Dalitbayan:
pagdakila sa bayan
Halimbawa: Dalit kay Maria
Mga Elemento ng Tula
1. Persona – Tumutukoy ito sa nagsasalita sa tula na
nililikha ng makata.
2. Imahe – Tumutukoy ito sa larawang diwa na
nabubuo sa mambabasa. Pinagagalaw nito ang
guniguni ng mambabasa. Nabubuo sa
pamamagitan pag-uugnay ng mga bagay sa
paligid o konsepto sa nais ipakahulugan.
3. Musikalidad – Nakapokus ito sa porma
at paraan ng pagkakasulat ng tula.
Nagtataglay ito ng angking melodiya o
tonong nararamdaman sa indayog o
ritmo.
a. Sukat – Saklaw nito ang sa bilang ng pantig sa
bawat linya o taludtod ng tula. Ang
pangkaraniwang tula ay may walo hanggang
labindalawang pantig sa bawat taludtod.
Halimbawa: Lalabindalawahing Pantig
Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang lamig
b. Tugma – Ito ang pagkakasintunugan ng mga salita o
pagkakapareho ng tunog ng mga huling pantig sa
bawat taludtod ng tula. Ito ay isang elemento ng tula
na nagbibigay dito ng himig at indayog
Halimbawa: Sukat: a-a-a-a (magkakatugma lahat ng
linya)
Sa aking lupain doon nagmumula
Lahat ng pagkain nitong ating bansa
Ang lahat ng tao, mayaman o dukha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa
c. Tono o Indayog – Ipinababatid nito paraan
ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito
ay karaniwang pataas o pababa.
4. Wika – Tumutukoy ito sa paggamit ng
salita – maaaring lantad o di-lantad ang mga
salita.
5. Kaisipan o Bagong Pagtingin sa/ng Tula –
tumutukoy ito sa kung paano nagkaroon ng
bagong pagtingin sa isang bagay na palasak.
a.Talinghaga – tumutukoy ito sa matayog na
diwang ipinahihiwatig ng makata. Dito
kinakailangang gumamit ng tayutay at
matatalinghagang mga pahayag o salita upang
pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.
Halimbawa:
Nahuli sa pain, umiyak
Ako’y hawak ng iyong pag-ibig
Hindi ako makaalpas
b. Kariktan – Tumutukoy ito sa malinaw at di-
malilimutang impresyong nakikintal sa isipan
ng mambabasa. Ito ang pagtataglay ng mga
salitang umaakit o pumupukaw sa damdamin
ng mga bumabasa
Mga Paraan sa Pagsulat ng Tula
1.Magmasid sa paligid, paglakbayin ang
imahinasyon, at magbasa ng mga halimbawa ng
tula. Sa ganitong paraan, detalyado at malinaw
na mailalarawan ng makata ang kaisipang nais
niyang palutangin sa tula.
1.Lahat na ng paksa ay naitampok na sa tula subalit
nakasalalay pa rin sa makata ang pagiging orihinal
ng akdang kaniyang isinusulat. Nagiging bago ang
lumang paksa sa pagbibigay ng makata ng bagong
pananaw tungkol dito. Ang pananaw na ito ay
maaaring batay sa sarili niyang karanasan, mga
namasid, o bunga lamang ng kaniyang makulay na
imahinasyon
3. Ang tula ay siksik at nag-uumapaw sa mensahe
na ipinahahayag sa kakaunting salita lamang.
Magiging busog sa kahulugan at malikhain ang
pagpapahayag ng kaisipan kung gagamitan ng
tayutay (sinadyang paglayo sa karaniawang paraan
ng pagpapahayag ng kaisipan) at matatalinghagang
pananalita.
4. Kailangang maging mapagparanas ang
isang tula upang mag-iwan ng kakintalan
sa mambabasa. Mapagparanas ang isang
tula kung ipinakikita at ipinadarama
(nalalasahan, naaamoy, naririnig) ng
makata ang mensahe ng kaniyang akda
hindi lamang niya ito sinasabi.
Musikalidad
Kaisipan
TULA
Persona
Sukat
Wika
Gawain 5: Suriin Mo! PANUTO: Mula sa mga elemento ng tula, suriin ang tulang
binasa “Ang Aking Pag-ibig.” Isulat ang inyong sagot sa inyong sagutang papel.
Matatalinghagang Pananalita
Ang tawag sa mga salita o pahayag na hindi
tuwirang inihahayag ang literal na kahulugan
ng isang salita. Sa madaling sabi, ito ay mga
salita o pahayag na nagtataglay ng malalim
na kahulugan
➢ Karaniwan itong ginagamitan ng paghahambing ng
mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga
mambabasa.
➢ Nag-uugnay sa mga karanasan, pangyayari at
bagay-bagay na alam ng taumbayan.
➢ Nagsisilbing larawan ng kamalayan ng manunulat.
Isa sa madalas na gamiting talinghaga ang
pagpapahayag na patayutay o tayutay
Tayutay
Ito ay tumutukoy sa mga salita o pahayag na
ginagamit upang maging maganda at kaakit-akit
ang isang pahayag. Tumutukoy din ito sa sadyang
paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita,
kung kaya’t magiging malalim at piling-pili ang
mga salita rito. Tinatawag ding palamuti ng tula
ang tayutay dahil ito ang nagpapaganda sa isang
tula.
Mga Uri ng Tayutay
1.Pagtutulad (Simile) – Isang paghahambing ng dalawang
bagay na magkaiba sa pangkalahatang anyo subalit may
mga magkatulad na katangian. Ito’y ginagamitan ng mga
salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng,
anaki’y, animo’y, tila, kasing-, magkasing- at iba pa.
Halimbawa:
Kasingkintab ng diyamante ang iyong mga luha.
Ang iyong labi ay tila rosas sa pula.
2. Pagwawangis (Metapora) – Tiyakang
naghahambing ng dalawang bagay ngunit
tuwiran ang ginagawang paghahambing. Hindi na
3. Pagmamalabis (Hyperbole) – Pilit na pinalalabis sa
normal na katangian, kalagayan o katayuan ng isang
tao, bagay, pook o pangyayari upang
bigyangkaigtingan ang nais ipahayag. Tinatawag din
itong eksaherasyon.
Halimbawa:
Nalulunod na siya sa kaniyang luha.
Hanggang tainga ang aking ngiti nang siya’y aking
nakilala.
4. Pagtatao (Personipikasyon) – Ito’y mga pahayag ng
paglilipat ng katangian, gawi, at talino ng isang tao sa
mga karaniwang bagay na walang buhay. Ginagamitan
ito ng pandiwa. Tinatawag din itong Pagbibigay-
katauhan.
Halimbawa:
Ang buwan ay nagmagandang gabi sa lahat. Matindi
ang unos sa paghagulgol ng langit.
5. Pagtawag (Apostrophe) – Ito ay isang
panawagan o pakiusap nang may masidhing
damdamin sa isang bagay na tila ito ay isang tao
o kaya’t tao na animo’y kaharap ang kausap.
Halimbawa:
O tukso, layuan mo ako!
Pag-ibig, bigyan mo ng kulay ang aking buhay.

More Related Content

What's hot

Ponemang suprasegmental
Ponemang suprasegmentalPonemang suprasegmental
Ponemang suprasegmentalStevenSantos25
 
GRADE 9 TUNGGALIAN.pptx
GRADE 9 TUNGGALIAN.pptxGRADE 9 TUNGGALIAN.pptx
GRADE 9 TUNGGALIAN.pptxROSEANNIGOT
 
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)faithdenys
 
PAGSASANAY 2 sa Antas ng Wika.pptx
PAGSASANAY 2 sa Antas ng Wika.pptxPAGSASANAY 2 sa Antas ng Wika.pptx
PAGSASANAY 2 sa Antas ng Wika.pptxDaliaLozano2
 
Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.pptx
Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.pptxAlamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.pptx
Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.pptxTRISHAMAEARIAS3
 
Aralin 5.1 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
Aralin 5.1 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga PangyayariAralin 5.1 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
Aralin 5.1 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga PangyayariJoseph Cemena
 
Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdfLUELJAYVALMORES4
 
Pretest filipino grade 9
Pretest filipino grade 9Pretest filipino grade 9
Pretest filipino grade 9Geneveve Templo
 
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)GinalynMedes1
 
SIM Ang Kuba ng Notre Dame
SIM Ang Kuba ng Notre DameSIM Ang Kuba ng Notre Dame
SIM Ang Kuba ng Notre DameRamelia Ulpindo
 
hudyat-ng-pagkasunod-sunod (1).pptx
hudyat-ng-pagkasunod-sunod (1).pptxhudyat-ng-pagkasunod-sunod (1).pptx
hudyat-ng-pagkasunod-sunod (1).pptxAndreaEstebanDomingo
 
Mga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptx
Mga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptxMga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptx
Mga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptxKlarisReyes1
 

What's hot (20)

Ponemang suprasegmental
Ponemang suprasegmentalPonemang suprasegmental
Ponemang suprasegmental
 
Klino
KlinoKlino
Klino
 
GRADE 9 TUNGGALIAN.pptx
GRADE 9 TUNGGALIAN.pptxGRADE 9 TUNGGALIAN.pptx
GRADE 9 TUNGGALIAN.pptx
 
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
 
PAGSASANAY 2 sa Antas ng Wika.pptx
PAGSASANAY 2 sa Antas ng Wika.pptxPAGSASANAY 2 sa Antas ng Wika.pptx
PAGSASANAY 2 sa Antas ng Wika.pptx
 
Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.pptx
Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.pptxAlamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.pptx
Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.pptx
 
elehiya ppt.pptx
elehiya ppt.pptxelehiya ppt.pptx
elehiya ppt.pptx
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdamin
 
kolokasyon.pptx
kolokasyon.pptxkolokasyon.pptx
kolokasyon.pptx
 
Aralin 5.1 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
Aralin 5.1 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga PangyayariAralin 5.1 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
Aralin 5.1 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
 
MITOLOHIYANG LIONGO .pptx
MITOLOHIYANG  LIONGO .pptxMITOLOHIYANG  LIONGO .pptx
MITOLOHIYANG LIONGO .pptx
 
TULA-Ikalawang Markahan F.10.pptx
TULA-Ikalawang Markahan F.10.pptxTULA-Ikalawang Markahan F.10.pptx
TULA-Ikalawang Markahan F.10.pptx
 
Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdf
 
Pagsasaad ng Saloobin at Damdamin
Pagsasaad ng Saloobin at DamdaminPagsasaad ng Saloobin at Damdamin
Pagsasaad ng Saloobin at Damdamin
 
Filipino 2 nd
Filipino 2 ndFilipino 2 nd
Filipino 2 nd
 
Pretest filipino grade 9
Pretest filipino grade 9Pretest filipino grade 9
Pretest filipino grade 9
 
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
 
SIM Ang Kuba ng Notre Dame
SIM Ang Kuba ng Notre DameSIM Ang Kuba ng Notre Dame
SIM Ang Kuba ng Notre Dame
 
hudyat-ng-pagkasunod-sunod (1).pptx
hudyat-ng-pagkasunod-sunod (1).pptxhudyat-ng-pagkasunod-sunod (1).pptx
hudyat-ng-pagkasunod-sunod (1).pptx
 
Mga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptx
Mga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptxMga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptx
Mga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptx
 

Similar to ANG AKING PAG-IBIG_PPT-1.pptx

G_10_Week_5-FILIPINO_QUARTER_2.pdf
G_10_Week_5-FILIPINO_QUARTER_2.pdfG_10_Week_5-FILIPINO_QUARTER_2.pdf
G_10_Week_5-FILIPINO_QUARTER_2.pdfAlexgicale
 
Q2M3 TULA NG ENGLAND.pptx
Q2M3 TULA NG ENGLAND.pptxQ2M3 TULA NG ENGLAND.pptx
Q2M3 TULA NG ENGLAND.pptxLeomarBornales1
 
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na GansaAng Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na GansaJenita Guinoo
 
hpl7qzhku3igs-!g7).pptx. Filipino 8
hpl7qzhku3igs-!g7).pptx. Filipino       8hpl7qzhku3igs-!g7).pptx. Filipino       8
hpl7qzhku3igs-!g7).pptx. Filipino 8andresnicole398
 
Modyul 1 Para sa Sariling Pagkatuto Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna...
Modyul 1 Para sa Sariling Pagkatuto Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna...Modyul 1 Para sa Sariling Pagkatuto Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna...
Modyul 1 Para sa Sariling Pagkatuto Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna...2z9s6rsqpn
 
Filipino 10-q2-week-3
Filipino 10-q2-week-3Filipino 10-q2-week-3
Filipino 10-q2-week-3SolomonGusto1
 
BANGHAY ARALIN SA BAITANG 9- ELEHIYA .pptx
BANGHAY ARALIN SA BAITANG 9- ELEHIYA .pptxBANGHAY ARALIN SA BAITANG 9- ELEHIYA .pptx
BANGHAY ARALIN SA BAITANG 9- ELEHIYA .pptxgracerendula11
 
Pakikinig nang may_pagpapahalaga
Pakikinig nang may_pagpapahalagaPakikinig nang may_pagpapahalaga
Pakikinig nang may_pagpapahalagaicgamatero
 
TULA- Filipino 7- MeLC based.............
TULA- Filipino 7- MeLC based.............TULA- Filipino 7- MeLC based.............
TULA- Filipino 7- MeLC based.............MariaRuthelAbarquez4
 
PAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN - GRADE 9 3RD QUARTER
PAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN - GRADE 9 3RD QUARTERPAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN - GRADE 9 3RD QUARTER
PAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN - GRADE 9 3RD QUARTERMercylynSalinas
 
DEMO TEACHING.pptx
DEMO TEACHING.pptxDEMO TEACHING.pptx
DEMO TEACHING.pptxMack943419
 
elehiyappt.pptx.........................................
elehiyappt.pptx.........................................elehiyappt.pptx.........................................
elehiyappt.pptx.........................................ferdinandsanbuenaven
 

Similar to ANG AKING PAG-IBIG_PPT-1.pptx (20)

G_10_Week_5-FILIPINO_QUARTER_2.pdf
G_10_Week_5-FILIPINO_QUARTER_2.pdfG_10_Week_5-FILIPINO_QUARTER_2.pdf
G_10_Week_5-FILIPINO_QUARTER_2.pdf
 
Q2M3 TULA NG ENGLAND.pptx
Q2M3 TULA NG ENGLAND.pptxQ2M3 TULA NG ENGLAND.pptx
Q2M3 TULA NG ENGLAND.pptx
 
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na GansaAng Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
 
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdfFILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
 
Sum pag ibig
Sum pag ibigSum pag ibig
Sum pag ibig
 
hpl7qzhku3igs-!g7).pptx. Filipino 8
hpl7qzhku3igs-!g7).pptx. Filipino       8hpl7qzhku3igs-!g7).pptx. Filipino       8
hpl7qzhku3igs-!g7).pptx. Filipino 8
 
Modyul 1 Para sa Sariling Pagkatuto Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna...
Modyul 1 Para sa Sariling Pagkatuto Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna...Modyul 1 Para sa Sariling Pagkatuto Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna...
Modyul 1 Para sa Sariling Pagkatuto Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna...
 
Filipino 10-q2-week-3
Filipino 10-q2-week-3Filipino 10-q2-week-3
Filipino 10-q2-week-3
 
BANGHAY ARALIN SA BAITANG 9- ELEHIYA .pptx
BANGHAY ARALIN SA BAITANG 9- ELEHIYA .pptxBANGHAY ARALIN SA BAITANG 9- ELEHIYA .pptx
BANGHAY ARALIN SA BAITANG 9- ELEHIYA .pptx
 
Pakikinig nang may_pagpapahalaga
Pakikinig nang may_pagpapahalagaPakikinig nang may_pagpapahalaga
Pakikinig nang may_pagpapahalaga
 
tula-1.pptx
tula-1.pptxtula-1.pptx
tula-1.pptx
 
TULA- Filipino 7- MeLC based.............
TULA- Filipino 7- MeLC based.............TULA- Filipino 7- MeLC based.............
TULA- Filipino 7- MeLC based.............
 
FILIPINO 3 PPT.pptx
FILIPINO 3 PPT.pptxFILIPINO 3 PPT.pptx
FILIPINO 3 PPT.pptx
 
PAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN - GRADE 9 3RD QUARTER
PAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN - GRADE 9 3RD QUARTERPAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN - GRADE 9 3RD QUARTER
PAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN - GRADE 9 3RD QUARTER
 
tula.pptx
tula.pptxtula.pptx
tula.pptx
 
angkop na salita.ppt
angkop na salita.pptangkop na salita.ppt
angkop na salita.ppt
 
DEMO TEACHING.pptx
DEMO TEACHING.pptxDEMO TEACHING.pptx
DEMO TEACHING.pptx
 
TULA.pptx
TULA.pptxTULA.pptx
TULA.pptx
 
elehiyappt.pptx.........................................
elehiyappt.pptx.........................................elehiyappt.pptx.........................................
elehiyappt.pptx.........................................
 
Panitikang pilipino
Panitikang pilipinoPanitikang pilipino
Panitikang pilipino
 

More from JuffyMastelero

TEST II_summative.pptx
TEST II_summative.pptxTEST II_summative.pptx
TEST II_summative.pptxJuffyMastelero
 
ANG HATOL NG KUNEHO.pptx
ANG HATOL NG KUNEHO.pptxANG HATOL NG KUNEHO.pptx
ANG HATOL NG KUNEHO.pptxJuffyMastelero
 
Kolokasyon(Collocation).pptx
Kolokasyon(Collocation).pptxKolokasyon(Collocation).pptx
Kolokasyon(Collocation).pptxJuffyMastelero
 
Iba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin.pptx
Iba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin.pptxIba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin.pptx
Iba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin.pptxJuffyMastelero
 

More from JuffyMastelero (7)

tAYUTAY.pptx
tAYUTAY.pptxtAYUTAY.pptx
tAYUTAY.pptx
 
TANKA at HAIKU-2.pptx
TANKA at HAIKU-2.pptxTANKA at HAIKU-2.pptx
TANKA at HAIKU-2.pptx
 
pangatnig.pptx
pangatnig.pptxpangatnig.pptx
pangatnig.pptx
 
TEST II_summative.pptx
TEST II_summative.pptxTEST II_summative.pptx
TEST II_summative.pptx
 
ANG HATOL NG KUNEHO.pptx
ANG HATOL NG KUNEHO.pptxANG HATOL NG KUNEHO.pptx
ANG HATOL NG KUNEHO.pptx
 
Kolokasyon(Collocation).pptx
Kolokasyon(Collocation).pptxKolokasyon(Collocation).pptx
Kolokasyon(Collocation).pptx
 
Iba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin.pptx
Iba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin.pptxIba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin.pptx
Iba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin.pptx
 

Recently uploaded

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4MarieClaireRanesesYa
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxANNALYNBALMES2
 
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1MaeganVeeu
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxFameIveretteGalapia
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...MaamCle
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2OlinadLobatonAiMula
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsJeielCollamarGoze
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsJeielCollamarGoze
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfAizaStamaria3
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................VALERIEYDIZON
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...KathlyneJhayne
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-diannesofocado8
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxVillasoClarisse
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptxHannaLingatong
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxMaamMeshil1
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfjulliennelopega1
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values edFatimaCayusa2
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikoErwinPantujan2
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxVALERIEYDIZON
 

Recently uploaded (20)

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 

ANG AKING PAG-IBIG_PPT-1.pptx

  • 2. Paunang Gawain Anong mga salita o kaisipan ang maiuugnay sa salitang nasa loob ng puso? 1 _________________________________ 2 _________________________________ 3 _________________________________ 4 _________________________________ 5 _________________________________ PAG-IBIG
  • 3. Basahin at unawain: Ang Pag-ibig ay isa sa mga damdaming likas sa tao. May iba’t ibang uri nito: 1.Eros – Ito ay ang uri ng pag-ibig na nararamdaman sa taong ninanais makasama habambuhay. Ito ay nararamdaman ng dalawang taong magsing-irog na nais makasama ang isa’t isa hanggang sa huli. 2.Philia- ito ay isang uri ng pag-ibig na nararamdaman sa isang kaibigan. Ang pagmamahalan ng magkaibigan ay puno ng tiwala sa isa’t isa.
  • 4. 3. Storge – ang uri ng pag-ibig na nararamdaman sa bawat miyembro ng pamilya. 4. Agape – Ang pag-ibig sa Diyos kung saan walang hinihinging kapalit. Ito ay pag-ibig na walang kapantay
  • 5. Gawain 1: Pakinggan Mo Pakinggan ang awit sa Youtube Channel at sagutin ang mga tanong pagkatapos.
  • 6. Ang Awit ni Lira ni Jennylyn Mercado / Mikee Quintos Nais kong liparin ang himpapawid At maabot ang ulap sa langit Nais kong marating ang asul na dagat At langoyin ang kanyang rikit Nais kong mahiga sa kanlungan ni ina At lasapin ang kaniyang mga haplos Nais kong marating ang paraiso Upang doon ay mamahinga Itong pagod kong puso.
  • 7. Sa pangarap lang makakamtam ang inaasam Sa pangarap lang malalasap ang saya nitong aking buhay Sa pangarap lang naghihintay Sa pangarap aking mahal Doon akoy maghihintay aking mahal
  • 8. 1.Tungkol saan ang awit na iyong nabasa o napakinggan? _________________________________________________ _______________________ 2. Batay sa iyong napakinggan/nabasa, ilan ang bilang ng pantig sa bawat taludtod? _________________________________________ _________________________________________
  • 9. 3. Ilahad ang mga damdaming nangibabaw sa nasabing awitin gamit ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin. Gayahin sa iyong sagutang papel ang pormat sa ibaba. Damdamin
  • 10. 4. Anong kongklusyon ang nabuo sa iyong imahinasyon matapos mong napakinggan ang nasabing awit? ___________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________
  • 11. Bigkasin MO: Ang Aking Pag-ibig (How Do I Love Thee) Sonnet XLIII) ni Elizabeth Baret Browning (Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago) Ibig mong mabatid, ibig mong malaman Kung paano kita pinakamamahal? Tuturan kong lahat ang mga paraan, Iisa-isahin, ikaw ang bumilang. Iniibig kita nang buong taimtim, Sa tayog at saklaw ay walang kahambing, Lipad ng kaluluwang ibig na marating Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
  • 12. Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay ng kailangan mong kaliit-liitan, Laging nakahandang pag-utos-utusan, Maging sa liwanag, maging sa karimlan. Kasinlaya ito ng mga lalaking Dahil sa katwira’y hindi paaapi, Kasingwagas ito ng mga bayaning Marunong umingos sa mga papuri
  • 13. Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin, Tulad ng lumbay kong di makayang bathin Noong ako’y isang musmos pa sa turing na ang pananalig ay di masusupil. Yaring pag-ibig ko, ang nakababagay Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal, na nang mangawala ay parang nanamlay Sa pagkabigo ko at panghihinayang.
  • 14. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na, Ngiti, luha, buhay at aking hininga! At kung sa Diyos naman na ipagtalaga Malibing ma’y lalong iibigin kita
  • 15. Tulang Soneto Ito ay isang uri ng tulang nagmula sa Italya na may labing-apat na taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod. May tiyak na sukat at tugma na kinakailangang isaalang-alang ng mga manunulat. Sa madaling sabi, ito ay tula hinggil sa damdamin.
  • 16. Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan Panuto: Piliin sa Kolum B ang kahulugan ng matatalinghagang pananalitang ginamit ng tula sa Kolum A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. KOLUM A _____ 1. Lipad ng kaluluwang ibig na marating Ang dulo ng hindi maubos-isipin _____ 2. Kasinlaya ito ng mga lalaking Dahil sa katwira’y hindi paaapi _____ 3. Kasingwagas ito ng mga bayaning Marunong umingos sa mga papuri _____ 4. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na Ngiti, luha buhay at aking hininga! _____ 5. At kung sa Diyos naman na ipagtalaga Malibing ma’y lalong iibigin kita KOLUM B A.handang mahalin anuman ang mangyari B. masidhing pagmamahal C. tunay na pag-ibig D. pag-ibig hanggang wakas E. ang pag-ibig ay buhay
  • 17. Gawain 3: Pag-unawa sa Akda Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Ano ang pag-ibig na tinutukoy ng makata sa tula? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Batay sa tula, ano ang magiging bunga ng pagkakaroon ng tunay na pag-ibig? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 3. Aling bahagi ng tula ang nagpalutang ng ganda at kariktan nito? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 4. Paano naipamalas ng may-akda ang masidhing pagmamahal? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 5. Paano nakatulong ang paggamit ng mga matatalinghagang salita upang mapalutang ng may-akda sa mga mambabasa ang mensahe? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________
  • 18. Alam mo bang… Tulaang tawag sa isang akdang pampanitikang may matatalinghagang pagpapahayag ng isipan at damdamin. Mababasa sa mga tula ang mga kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan, at kadakilaan.
  • 19. ➢ Maitutulad sa isang awit ang tula. Nagsisilbi rin itong pagpapagunita sa dapat na kaasalan ng mga bata at kabataan at naglalayong maipahayag ang karanasan, damdamin, pananaw, kabayanihan, at ang maigting na pagmamahal sa sariling bansa. ➢ Hanggang sa kasalukuyan, ang pagsulat at pagbigkas ng tula ay nananatiling tulay ng kaalaman mula sa kasaysayan ng kahapon patungo sa kasalukuyan
  • 20. Apat na pangkalahatang uri ng tula: Tulang Pandamdamin o Tulang Liriko Tulang Pasalaysay Tulang Padula  Tulang Patnigan
  • 21. Tulang Liriko Ito ay ang tula ng damdaming nagpapakita ng matinding emosyon ng tao o puno ng masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan, kaligayahan, tagumpayan at iba pa. Maikli at payak ang uring ito ng tula.
  • 22. 1. Soneto – Ang tulang ito ay may labing- apat na taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan at pananaw sa buhay ng tao. Naghahatid ng aral sa mambabasa. Mga Halimbawa: Soneto ng Buhay ni Fernando B. Monleon Ang Aking Pag-ibig
  • 23. 2. Pastoral – Hindi lamang tungkol sa buhay ng isang pastol at pagpapastol. Ang tulang ito ay pumapaksa at naglalarawan ito ng simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig, at iba pa. Halimbawa: Halika sa Bukirin ni Milagros B. Macaraig Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
  • 24. 3. Elehiya – Ito ay tula ng pamamanglaw dahil sa pumapaksa ito sa kalungkutan, kamatayan at iba pa Halimbawa: Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus Elehiya para kay Ram ni Patrocinio V. Villafuerte
  • 25. 4. Oda – Ang tulang ito ay nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy o iba pang uri ng damdamin. Karaniwang tungkol sa papuri tungkol sa mga nagawa ng dakilang tao, bansa o anomang bagay na maaaring papurihan. Halimbawa: Tumangis si Raquel Manggagawa ni Jose Corazon de Jesus
  • 26. 5. Awit – Karaniwang pinapaksa ng tulang ito ay pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan. Tinatawag din itong kundiman na ayon kay Jose Villa Panganiban ito ay awit tungkol sa pag-ibig. Halimbawa: May Isang Pangarap ni Teodoro Gener Sa Dalampasigan ni Teodoro Agoncillo
  • 27. 6. Dalit – Ito ay katutubong tula na may apat na taludtod sa bawat saknong at may sukat na wawaluhin. Ito’y awiting patungkol sa paglilingkod sa Diyos at pananampalataya na may layuning dumakila at magparangal. Sa kasalukuyang kahulugan, masasabi na ring dalit ang isang tula kung ito’y may pagdarakila sa bayan. Dalitsamba: patungkol sa Diyos Dalitbayan: pagdakila sa bayan Halimbawa: Dalit kay Maria
  • 28. Mga Elemento ng Tula 1. Persona – Tumutukoy ito sa nagsasalita sa tula na nililikha ng makata. 2. Imahe – Tumutukoy ito sa larawang diwa na nabubuo sa mambabasa. Pinagagalaw nito ang guniguni ng mambabasa. Nabubuo sa pamamagitan pag-uugnay ng mga bagay sa paligid o konsepto sa nais ipakahulugan.
  • 29. 3. Musikalidad – Nakapokus ito sa porma at paraan ng pagkakasulat ng tula. Nagtataglay ito ng angking melodiya o tonong nararamdaman sa indayog o ritmo.
  • 30. a. Sukat – Saklaw nito ang sa bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod ng tula. Ang pangkaraniwang tula ay may walo hanggang labindalawang pantig sa bawat taludtod. Halimbawa: Lalabindalawahing Pantig Ako’y magsasakang bayani ng bukid Sandata’y araro matapang sa init Hindi natatakot kahit na sa lamig Sa buong maghapon gumagawang lamig
  • 31. b. Tugma – Ito ang pagkakasintunugan ng mga salita o pagkakapareho ng tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod ng tula. Ito ay isang elemento ng tula na nagbibigay dito ng himig at indayog Halimbawa: Sukat: a-a-a-a (magkakatugma lahat ng linya) Sa aking lupain doon nagmumula Lahat ng pagkain nitong ating bansa Ang lahat ng tao, mayaman o dukha Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa
  • 32. c. Tono o Indayog – Ipinababatid nito paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito ay karaniwang pataas o pababa. 4. Wika – Tumutukoy ito sa paggamit ng salita – maaaring lantad o di-lantad ang mga salita.
  • 33. 5. Kaisipan o Bagong Pagtingin sa/ng Tula – tumutukoy ito sa kung paano nagkaroon ng bagong pagtingin sa isang bagay na palasak.
  • 34. a.Talinghaga – tumutukoy ito sa matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata. Dito kinakailangang gumamit ng tayutay at matatalinghagang mga pahayag o salita upang pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. Halimbawa: Nahuli sa pain, umiyak Ako’y hawak ng iyong pag-ibig Hindi ako makaalpas
  • 35. b. Kariktan – Tumutukoy ito sa malinaw at di- malilimutang impresyong nakikintal sa isipan ng mambabasa. Ito ang pagtataglay ng mga salitang umaakit o pumupukaw sa damdamin ng mga bumabasa
  • 36. Mga Paraan sa Pagsulat ng Tula 1.Magmasid sa paligid, paglakbayin ang imahinasyon, at magbasa ng mga halimbawa ng tula. Sa ganitong paraan, detalyado at malinaw na mailalarawan ng makata ang kaisipang nais niyang palutangin sa tula.
  • 37. 1.Lahat na ng paksa ay naitampok na sa tula subalit nakasalalay pa rin sa makata ang pagiging orihinal ng akdang kaniyang isinusulat. Nagiging bago ang lumang paksa sa pagbibigay ng makata ng bagong pananaw tungkol dito. Ang pananaw na ito ay maaaring batay sa sarili niyang karanasan, mga namasid, o bunga lamang ng kaniyang makulay na imahinasyon
  • 38. 3. Ang tula ay siksik at nag-uumapaw sa mensahe na ipinahahayag sa kakaunting salita lamang. Magiging busog sa kahulugan at malikhain ang pagpapahayag ng kaisipan kung gagamitan ng tayutay (sinadyang paglayo sa karaniawang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan) at matatalinghagang pananalita.
  • 39. 4. Kailangang maging mapagparanas ang isang tula upang mag-iwan ng kakintalan sa mambabasa. Mapagparanas ang isang tula kung ipinakikita at ipinadarama (nalalasahan, naaamoy, naririnig) ng makata ang mensahe ng kaniyang akda hindi lamang niya ito sinasabi.
  • 40. Musikalidad Kaisipan TULA Persona Sukat Wika Gawain 5: Suriin Mo! PANUTO: Mula sa mga elemento ng tula, suriin ang tulang binasa “Ang Aking Pag-ibig.” Isulat ang inyong sagot sa inyong sagutang papel.
  • 41. Matatalinghagang Pananalita Ang tawag sa mga salita o pahayag na hindi tuwirang inihahayag ang literal na kahulugan ng isang salita. Sa madaling sabi, ito ay mga salita o pahayag na nagtataglay ng malalim na kahulugan
  • 42. ➢ Karaniwan itong ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa. ➢ Nag-uugnay sa mga karanasan, pangyayari at bagay-bagay na alam ng taumbayan. ➢ Nagsisilbing larawan ng kamalayan ng manunulat. Isa sa madalas na gamiting talinghaga ang pagpapahayag na patayutay o tayutay
  • 43. Tayutay Ito ay tumutukoy sa mga salita o pahayag na ginagamit upang maging maganda at kaakit-akit ang isang pahayag. Tumutukoy din ito sa sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita, kung kaya’t magiging malalim at piling-pili ang mga salita rito. Tinatawag ding palamuti ng tula ang tayutay dahil ito ang nagpapaganda sa isang tula.
  • 44. Mga Uri ng Tayutay 1.Pagtutulad (Simile) – Isang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian. Ito’y ginagamitan ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, anaki’y, animo’y, tila, kasing-, magkasing- at iba pa. Halimbawa: Kasingkintab ng diyamante ang iyong mga luha. Ang iyong labi ay tila rosas sa pula.
  • 45. 2. Pagwawangis (Metapora) – Tiyakang naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing. Hindi na
  • 46. 3. Pagmamalabis (Hyperbole) – Pilit na pinalalabis sa normal na katangian, kalagayan o katayuan ng isang tao, bagay, pook o pangyayari upang bigyangkaigtingan ang nais ipahayag. Tinatawag din itong eksaherasyon. Halimbawa: Nalulunod na siya sa kaniyang luha. Hanggang tainga ang aking ngiti nang siya’y aking nakilala.
  • 47. 4. Pagtatao (Personipikasyon) – Ito’y mga pahayag ng paglilipat ng katangian, gawi, at talino ng isang tao sa mga karaniwang bagay na walang buhay. Ginagamitan ito ng pandiwa. Tinatawag din itong Pagbibigay- katauhan. Halimbawa: Ang buwan ay nagmagandang gabi sa lahat. Matindi ang unos sa paghagulgol ng langit.
  • 48. 5. Pagtawag (Apostrophe) – Ito ay isang panawagan o pakiusap nang may masidhing damdamin sa isang bagay na tila ito ay isang tao o kaya’t tao na animo’y kaharap ang kausap. Halimbawa: O tukso, layuan mo ako! Pag-ibig, bigyan mo ng kulay ang aking buhay.