8. Ikalimang Pangkat
Mula sa binasang akda, paano mo masasabi na
ang isang akdang pampanitikan ay isang alamat?
Ano-ano ang mga katangian nito?
Paano nakatutulong ang alamat sa pag-unawa
ng pinagmulan ng mga bagay sa kasalukuyan?
May saysay pa ba ang mga alamat bilang mga
akdang pampanitikan sa kasalukuyan? Patunayan
9. A B S T R A K S Y O N
Mungkahing estratehiya : KONSEP-BUO
Mula sa mga kaalamang natamo sa mga naunang Gawain, bumuo
ng konsepto tungkol rito. Gamitin ang mga salita na nasa ibaba
upang mas makabuo ng makabuluhang kaisipan
Ang Kahalagahan ng Alamat sa Kasalukuyan
_____________________________________________
_____________________________________________
tradisyon Pilipino kultura
pagpapanatili
pagpapaunlad alamat
malaki
kaugalian
naitutulong
10. Lumikha ng slogan na gumamit ng
mga matatalinhagang salita o
pahayag na nagpapakita ng
kahalagahan ng alamat sa
pagpapanatili ng
kultura at tradisyon ng Pilipino.
11. RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG SLOGAN
Makabuluhan ang impormasyon - - - - 4
Magkakaugnay ang mga ideya - - - - 2
Malikhain/may orihinalidaD - - - - - 4
Kabuuan - -10
12. Panuto: Isulat ang letra ng wastong sagot.
1. “Sa bayan ng Tagaytay ay may makapangyarihang
matanda, na kung tawagin ng lahat ay si Lakan-Taal.
Ang matandang ito ay siyang sinusunod ng mga tao,
palibhasa’y mabuti at matalino ang kaniyang
pamamahala.” Ang may salungguhit ay anong element
ng alamat?
a.tauhan c. banghay
b. Tagpuan d. buod
13. 2. Magbuhat noon, ang gayong pangyayari
ay nagkasalin-salin sa bibg ng madla,
hanggang mabuo ang paniniwala ng marami,
na ang bundok na yaon na naging bulkan ay
ari ni Lakan-Taal. Ngayon ay tinatawag ito
na Bulkan ng Taal.” Ang bahaging ito ng
alamat ay _________________.
a. Simula c. Wakas
b. Gitna d. suliranin
14. 3. Nagpapahayag ng alin sa mga sumusunod na pangyayari sa
akda ang nangyayari o maaring mangyari sa tunay na buhay ?
a. Walang anu-ano ay bigla na lamang naglaho ang matandang
puno, kaya’t nagtataka at nagsipanggilalas ang lahat.
b. ayon na lamang ang kanilang pagkamangha nang Makita
nilang sa itaas pala ng bundok na yon ay may malaking
guwang na punong-puno ng mahahalagang perlas, esmeralda,
brilyante at mga ginto.
c. Ang mamamayan sa Tagaytay ay hindi lamang minsang
nagkaroon ng pagpipista dahil sa tinatamasa nilang
masaganang kabuhayan. Laging umaani sila ng saganang kape,
abukado at iba’t-iba pang mga bungang kahoy.
d. Kaya naparusahan siya ng matandang hukluban.
15. 4. “Buong pagkakaisang sumang ayon
naman ang madla at nagsipanumpang
tatalimahin nila ang utos ng kanilang
puno.” Alin sa mga salita sa ibaba ang
kahulugan ng salitang may salungguhit sa
pangungusap?
a. Susuwayin
b. Susundin
c. Gagayahin
d. Aawayin
16. 5. Walang anu-ano ay bigla na lamang
naglaho ang matandang puno, kaya’t
nagtataka at nagsipanggilalas ang lahat. Alin
ang hindi kahulugan ng salitang nakahilig?
a. Nagalit
b. Natakot
c. Nagulat
d. Napaiyak
17. Magsaliksik ng Alamat o
pinagmulan ng alinmang lugar
sa Batangas. Sipiin ito sa
kwaderno at ítala ang mga
kulturang Batangueñong nabasa
dito.
Ano ang kahulugan ng alamat?
Magbigay ng 5 katangian nito
bilang isang genre ng panitikan.