Banghay Aralin 1st Virtual Culture-Based Video Lesson Contest 2022.doc
1. Baitang 7 Paaralan Tanza National High School,
SD0 Navotas City
Baitang 7
Guro BARTOLOME CASALME ALVEZ Asignatura Filipino
Petsa ng Patuturo,
Seksyon at oras
Agosto 30, 2022
7 Berzelius, 8:00-9:00 nu
Markahan Unang
Markahan,
Unang Linggo
dsd
I. LAYUNIN
A. Pamantayang
Pangnilalaman
(Content Standards)
Unang Markahan
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
pampanitikan ng Mindanao
B. Pamantayan sa Pagganap
(Performance Standards)
Unang Markahan
Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong
panturismo
C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto
(Learning Competencies/
Objectives)
Sa araling ito inaasahan na matututuhan mo ang mga sumusunod
na layunin:
1. Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng kuwentong-bayan batay sa mga pangyayari at
usapan ng mga tauhan (F7PN-1a-b-1)
a. Natutukoy ang kahulugan ng kuwentong-bayan
b. Nahihinuha ang kahalagahan ng kuwentong-bayan sa pagtukoy
ng kaugalian, kultura at kalagayang panlipunan ng Mindanao at
Navotas
2. Nagagamit ng wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga
patunay
(F7WG-1a-b-1)
II. NILALAMAN Filipino 7
Unang Markahan – Modyul 1:
Pamagat ng akda : Naging Sultan si Pilandok
Panitikan: Kuwentong bayan
Gramatika: Pangatnig na nagpapatotoo
III.KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian Filipino
Unang Markahan – Modyul 1:
Aralin 1 Naging Sultan si Pilandok
2. Pahina 3-5
1. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
Filipino 7
Modyul 1
Aralin 1, Pahina 1-5
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
Filipino 7
Modyul 1
Aralin 1, Pahina 1-5
3. Mga Pahina sa Teksbuk Filipino 7
Modyul 1
Aralin 1, Pahina 1-5
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resources
Tignan sa ating Group Chat ang soft copy ng Modyul/Aralin
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
Laptop
Television
Tsart at mga kartolinang papel
Internet
Powerpoint Presentation/Slides
IV. PAMAMARAAN
A. Pasimula ng bagong aralin /
Gawain 1 : Pagganyak
Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, ang ating bansa ay
mayroon ng mga halimbawa ng akdang pampanitikan.
Ilan sa mga ito ay…
Panuto:
Ayusin ang ginulong mga titik upang makabuo ng isang salita.
1. ULTA = TULA
2. AMAALT = ALAMAT
3. UGTOBNG = BUGTONG
4. NEWUKNGTO-AYABN = KUWENTONG-BAYAN
B. Pag-uugnay sa
aralin
Alam mo ba?
Ang kuwentong-bayan ay isang tuluyang pasalaysay na sinasabing
maimahinasyong literature o fiction. Hindi ito itinuturing na bahagi ng
paniniwala o kasaysayan, maaaring nangyari o hindi pa, at hindi ito
kapani- paniwala.
Sa kabilang banda, bagama’t kadalasang sinasabing ginawa ito
bilang libangan, mayroon pa rin itong mahalagang tungkulin bilang
pangkat ng akdang kapupulutan ng aral.
3. Maaaring ipagpalagay na sa alinmang oras o saan mang lugar ay
maaaring maganap ang pinangyarihan ng kuwentong- bayan. Iba-iba ang
uri ng kuwentong bayan na maaaring makilala tulad ng human tales,
animal tales, trickster tales, tall
tales, dilemma tales, formulistic tales, at moral tales o fables. Matatagpuan
ang mga akdang nabanggit sa aklat ni Damiana Eugenio, ang Philippine
Folk Literature: An
Anthology.
Sanggunian: Kalinangan: Batayan at Sanayang Aklat sa Wika at Panitikan
7. Rex Book Store
C. Gawain 2: Pag-uugnay at
paglalapit sa akda
Handa ka na bang basahin at suriin ang isang halimbawa ng
kuwentong bayan?
Bago iyan ay halina at talakayin muna natin ang mga kultura at kaugalian
ng ating mga kapatid na Pilipino.
Kuhang-larawan mul sa:
https://www.slideshare.net/jeirelly/kultura-wika-tradisyon-turismo-at-pista-sa-
mga-rehiyon-ng-cordillera-administrative-regioncar-national-capital-regionncr-
kanlurang-visayas-silangang-visayas-at-gitnang-visayas
6. Kinuhang larawan sa:
https://www.flickr.com/photos/daphnerakstar/6164261701
Ang t’nalak (binabaybay ring tinalak) ay isa sa mga
ipinagmamalaking produkto sa South Cotabato, lalawigan sa Gitnang
Mindanao. Isa itong uri ng tela na gawa sa hibla o himaymay ng abaka na
hinahabi ng mga katutubong T’boli (binabaybay ring Tiboli).[1]
Noong unang panahon, mataas ang halaga ng t’nalak sa
pakikipagkalakalan. Sinasabing katumbas nito ang halaga ng isang kabayo
o baka at ipinagkakaloob ng maykaya sa kasalan. Itinuturing itong
kayamanan ng isang pamilya.[1]
Ang t’nalak ay kasalukuyan pa ring ipinagyayaman ng mga T’boli. Isa
rin ito sa mga popular na katutubong produkto sa Pilipinas.
Handa ka na bang basahin at suriin ang isang halimbawa ng
kuwentong bayan? Sige, basahin natin ito nang malakas, pagkatapos,
sagutin ang ilang katanungan
sa ibaba upang maunawaan lalo ang akda.
Isang masayang pagbabasa!
Alam mo rin ba?
Ang Pilandok ng Maranaw ay katumbas ng kinagigiliwang Juan ng
Katagalugan.
7. “Naging Sultan si Pilandok”
Halaw Mula sa Mister Homework Blogspot.com
Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at
itapon sa dagat dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa. Pagkalipas
ng ilang araw, ang sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa
kanyang harap na nakasuot ng magarang kasuotan ng sultan.
Nakasukbit sa kanyang baywang ang isang kumikislap na
ginintuang tabak. “Hindi ba’t itinapon ka na sa dagat?” nagtatakang
tanong ng sultan kay Pilandok. “Siya pong tunay, mahal na sultan,” ang
magalang na tugon ni Pilandok. “Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap
ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na ngayon,” ang wika
ng sultan. “Hindi po ako namatay mahal na sultan sapagkat nakita ko po
ang aking mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako’y sumapit doon.
Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang
magnanais na mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay,”
ang paliwanag ni Pilandok. “Marahil ay nasisiraan ka na ng bait,”ang sabi
ng ayaw na maniwalang sultan. “Alam ng lahat na walang kaharian sa
ilalim ng dagat.”
“Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na
ipinatapon ninyo sa gitna ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla,
naririto ngayon at kausap ninyo,” ang paliwanag ni Pilandok. “May
kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay
ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po’y aalis na at
marahil ay hinihintay na ako ng aking mga kamag anak.” Umakmang aalis
na si Pilandok.
“Hintay,” sabi ng sultan kay Pilandok. “Isama mo ako at nais kong makita
ang aking mga ninuno, ang sultan ng mga sultan at ang iba ko pang
kamag-anak.” Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil
siya ni Pilandok at pinagsabihang walang dapat makaalam ng bagay na
iyon. Dapat daw ay mag- isang pupunta roon ang sultan sa loob ng isang
hawla.
“Kung gayon ay ilagay mo ako sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna
8. ng dagat,” ang sabi ng sultan. “Sino po ang mamumuno sa kaharian sa
inyong pag alis? ang tanong ni Pilandok. “Kapag nalaman po ng iba ang
tungkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais
silang magtungo rin doon.”
D. Pagtalakay ng konsepto
GAWAIN 3
Gabay na tanong:
Panuto: Unawaing mabuti ang mga katanungan, pagkatapos, isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang katangiang ipinakita ni Pilandok sa akda? ang sultan?
2. Mula sa binasang kuwentong-bayan, ano ang kalagayang panlipunang
taglay ng lugar na pinangyarihan ng akda?
3. Ano ang kahalagahang dulot ng kuwentong-bayan sa isang lugar?
4. Ano ang mensaheng nais iparating ng akda?
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na siping pahayag mula sa akda,
pagkatapos, tukuyin kung anong uri ng pahayag ang mga salitang may
salungguhit. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1. Siya pong tunay, mahal na sultan,” ang magalang na tugon ni
Pilandok.
a. Nagpapahayag ng katotohanan
b. Nagpapahayag ng pagtanggi
2. “Sa katunayan, hindi po ako namatay mahal na sultan sapagkat nakita
ko po
ang aking mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako’y sumapit doon.
a. Nagpapahayag ng katotohanan
b. Nagpapahayag ng pagtanggi
F. Gramatika
Alam mo rin ba?
Sa pamamagitan ng usapan ng mga tauhan sa anomang uri ng
akdang pampanitikan ay nakikilala o nahihinuha ang kanilang katangian o
kaugaliang taglay. Mahihinuha rin dito ang uri ng kanilang pinagmulan at
ang kulturang kanilang kinagisnan.
Gamit ang pahayag sa pagbibigay ng mga patunay tulad ng
pangatnig na nagpapatotoo mas kapanipaniwala ang pagtukoy sa
kaugalian at kalagayang panlipunan ng isang lugar na pinagmulan ng
kuwentong-bayan.
Pangatnig na Nagpapatotoo
9. Ang pangatnig na nagpapatotoo ay uri ng pangatnig na
nagsasaad ng pagpapatunay. Ilan sa mga susing salita sa pagtukoy
ngpangatnig na nagpapatotoo ay sa totoo lang, sa katunayan, bilang
pagpapatunay, talaga, tunay, talagang,
sadyang, totoong, tunay nga, at iba pang kauri nito ay mga
pahayag/salitang nagbibigay ng patunay.
Karaniwang ang mga ito ay sinasamahan ng ebidensiya o
batayan. Maaaring gamitin ang mga katagang gaya, kahit pa, sapagkat,
kasi, dahil at iba pa.
Halimbawa:
1. Sa totoo lang, buong mundo ang dumanas sa pandemyang dulot ng
Covid 19.
2. Talagang napakahirap na sitwasyon ang kinaharap ng mga tao dahil sa
pandemya.
3. Bilang pagpapatunay na marami ang naapektuhan dulot ng pandemya,
libong
bilang ng mga OFW ang umuwi dahil maraming kompanya sa ibang
bansa ang
nagsara.
G. Pagsasanay
Batid kong naunawaan mong mabuti ang paksang iyong binasa. Ngayon,
ihanda na ang sarili para sa pagsagot sa sumusunod na gawain na
huhubog sa kasanayang dapat malinang sa araling ito. Tandaan mo lang
ito: Kailanman ang taong may pagsisikap at pagtitiyaga ay pinagpapala.
H. Paglalahat ng Aralin
Ano-anong aral at kaalaman ang inyong natutuhan sa ating aralain?
Walang buting maidudulot sa kahit kanino man ang paghahangad ng
labis. Gaya ng Sultan sa kwento. Sa paghahangad niya ng mas higit pang
kapangyarihan at kayamanan ay nalinlang siya ni Pilandok at ang naging
kapalit ay ang kayang buhay.
Si Pilandok naman ay tuso. Nilinlang niya ang Sultan sa pagsasabing
mayroong kayamanan sa ilalim ng dagat.
10. Ipinapakita sa kuwentong Naging Sultan si Pilandok ang kultura at
tradisyon ng mga taga-Mindanao, partikular ng mga Maranao, sa
pagpapasa ng kapangyarihan ng sultanato at pagpapakita ng uri
pamamahala nito. Ipinapakita rin sa kuwento ang pagiging mautak ni
Pilandok.
makikita natin ang isang kultura o kaugalian na sumasalamin sa mga
Muslim.
Ito ay ang pagkakaroon ng sultan bilang pinuno ng kanilang lugar. Ang
isang sultan ay maihahalintulad sa hari o datu.
Islam ang kanilang relihiyon kaya naman gayun nalang ang naging tawag
sa kanilang mga pinuno. Ang ibig sabihin kasi ng salitang sultan sa
salitang Arabiko na karaniwang salita kung saan nagmula ang Islam ay
“kalakasan” o “kapangyarihan.”
J. Karagdagang Gawain para sa
takdang-aralin
Takdang Aralin