Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
DisAT-TQ- ARPAN 5.docx
1. 1 | 5
Strengthening
Unequivocal
Response for
Excellence
ARPAN – 5
Panuto: Basahin ng mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
iyong sagutang papel.
1. Ang bawat bansa sa mundo ay may tiyak na lokasyon sa globo. Ano ang eksaktong
kinalalagyan ng Pilipinas batay sa absolute location nito?
A. Malapit sa Bashi Channel at Dagat Timog Tsina
B. Nasa kanluran ng Vietnam, Hilaga ng Taiwan, at Guam sa Silangan
C. Nasa pagitan ng 5°23’ at 31°25’ Hilagang latutud at sa 120° at 147° Silangang Longhitud
D. Nasa pagitan ng 4°23’ at 21°25’ Hilagang Latitud at sa p 116° at 127° Silangang longhitud
2. Batay sa relatibong lokasyon ng Pilipinas, anong bansa ang nasa hilaga nito?
A. Laos
B. Guam
C. Taiwan
D. Vietnam
3. Iba’t ibang teorya ang pinagmulan ng sinaunang Pilipino. Alin sa sumusunod ang
tumatalakay sa pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa Pilipinas ayon sa Teoryang
Austronesyano?
A. Binuo ng mga diyos ang sinaunang tao sa Pilipinas.
B. Ginawa ni Bathala si Malakas at si Maganda na pinagmulan ng mga Pilipino.
C. Nagmula sa grupo ng mga Negrito na nakarating dito 30,000 taon na ang nakalipas.
D. Nagmula sa Taiwan patungong Timog-Silangang Asya sa pamamagitan ng paglalayag.
4. Ang taong Tabon ay nahukay sa isang kuweba sa Palawan. Ano ang kahalagahan nito?
A. Pinatutunayan na maraming tao sa Pilipinas
B. Pinatutunayan na sila ang nagdala ng relihiyong Islam
C. Pinatutunayan na sila ang kauna-unahang tao sa Pilipinas
D. Pinatutunayan na sila ang nagdala ng mga bagong teknolohiya
5. Kadalasang nakararanas ang Pilipinas ng malalakas na bagyo. Ano ang dahilan nito?
A. dahil malapit ito sa ekwador
B. dahil sa trade winds na dumadaan
C. dahil kasali ito sa Pacific ring of Fire
D. dahil nasa silangan nito ang Karagatang Pasipiko
2. 2 | 5
Strengthening
Unequivocal
Response for
Excellence
6. Bago pa man dumating ang mga Espanyol ay mayroon ng sariling paniniwala ang mga
katutubo. Bakit ipinipilit nila sa mga Pilipino ang bagong paniniwala?
A. Para maging huwaran ng mga Pilipino
B. Para sumali sa mga pandaigdigang kalakalan
C. Para ganap na maipapatupad ang kolonyalismo
D. Para makakuha sila ng mga simpatya sa mga Pilipino
7. Maraming bansa ang sumakop sa Pilipinas. Anong bansa ang unang sumakop dito?
A. Tsina
B. Hapon
C. Espanya
D. Estados Unidos
8. Alin sa sumusunod ang palaging kaakibat ng estado noong panahon ng pananakop ng
mga Espanyol?
A. pueblo
B. simbahan
C. mga iskolar
D. mga historyador
9. Naging magiliw ang pagtanggap nina Rajah Sulayman at Rajah Matanda sa mga Espanyol.
Ano ang dahilan nito?
A. dahil sa pangakong kapayapaan at pakikipagkaibigan
B. dahil sa pangakong karangyaan sa buhay na maibibigay
C. dahil sa pangakong magandang uri ng pamahalaan na ipatupad
D. dahil sa pangakong kaunlaran ng bansa na makakamtan ng lahat
10. Alin sa sumusunod ang binigyang konsiderasyon ng mga Espanyol sa pagbago nila ng
disenyo ng tahanan ng mga katutubo?
A. klima,paglindol at pagbagyo sa bansa
B. dami ng salaping naipon ng mga katutubo
C. kakayahan ng mga katutubo na gumawa ng tahanan
D. dami ng mga lumang kasangkapan ng mga katutubo
11. Malaki ang impluwensiya ng mga Espanyol sa ating kultura. Alin sa sumusunod na
kasuotan ang natutunang isuot ng mga kalalakihang Pilipino?
A. balabal
B. pantalon
C. baro at panuelo
3. 3 | 5
Strengthening
Unequivocal
Response for
Excellence
D. bahag at kanggan
12. Ang monopolyo ng tabako ay isa sa mga patakarang pangkabuhayan na ipatupad ng mga
Espanyol. Anong hakbang ang ginawa ng mga katutubo upang makabawi sa hirap na
dinanas nila nito?
A. ginamit nila ang mga naaning tabako
B. nagpuslit ng kanilang ani sa ibang mangangalakal
C. lihim silang nagtanim sa mga liblib na bahagi ng bansa
D. nagsumbong sila sa Gob. Heneral sa pang-aabuso ng mga kolektor
13. Gustong bumalik ng mga katutubo sa dati nilang paniniwala. Ano ang dahilan nito?
A. Matagal ang pagmimisa.
B. Malupit sa kanila ang mga prayle.
C. Nahirapan silang isaulo ang mga bersikulo sa bibliya.
D. Kinunan ng karapatan ang kanilang mga datu at sultan.
14. Paano pinatay ang Tatlong Paring Martir na sina Padre Gomez, Burgos at Zamora?
A. Sa pamamagitan ng pagbaril
B. Sa pamamagitan ng pagpugot
C. Sa pamamagitan ng pagpako sa krus
D. Sa pamamagitan ng garote o dahan dahang paghigpit ng lubid o kadena sa leeg
15. Noong panahon ng pananakop ay nagbago ang paraan ng pagpapangalan ng mga
Pilipino, pati na ang mga pook. Alin sa sumusunod kalimitan ito inihahango?
a. pangalan ng mga gobernador
b. pangalan ng mga patron at santo
c. pangalan ng mga dating datu at sultan
d. pangalan ng mga naging hari ng Espanya
16. Ano ang sanhi ng pag-alsa ni Francisco Dagohoy sa Bohol laban sa mga Espanyol?
A. dahil sa sobrang pagbubuwis
B. dahil sa sapilitang paggawa/polo y servicio
C. dahil sa hindi pagbigay ng marangal na libing ng kanyang kapatid
D. dahil sa hindi wasto ang pagbabayad ng kanyang mga aning tabako
17. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa katayuan ng kababaihan noon at sa panahon ng
kolonya?
A. Mababa ang pagtingin sa kanila noon at sa panahon ng Espanyol.
B. Mataas ang pagtingin sa kanila ng mga Espanyol ngunit hindi noong una.
4. 4 | 5
Strengthening
Unequivocal
Response for
Excellence
C. Mataas ang pagtingin sa kanila noon ngunit hindi na sa panahon ng Espanyol.
D. Hindi binigyang-halaga ang kababaihan sa lipunan noon at sa panahon ng Espanyol.
18. Bakit nahirapang masakop ng mga Espanyol ang mga Pilipinong Muslim?
A matatag ang kanilang sultanato
B. matibay ang kanilang mga sandata
C. malakas ang kanilang mga pangangatawan
D. matibay ang kanilang mga tirahan at gamit pandigma
19. Ano ang pangunahing pinuprotekhang mapanatili ng mga Pilipinong Muslim sa panahon
ng kolonyalismo?
A. ari-arian
B. relihiyon
C. edukasyon
D. kolaborasyon
20. Sa iyong pananaw, anong mangyayari kung naging maayos ang pakikitungo ng mga
kolonyalista sa mga katutubo?
A. naging marangya ang buhay ng mga katutubo
B. maraming nahimok na yumakap sa kristiyanismo
C. maraming mga katutubong gustong maging conquistador
D. lahat ng mga katutubo ay nagnanais na maging pari at magsilbi