SlideShare a Scribd company logo
1 of 13
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran
ARALING PANLIPUNAN 5 SUMMATIVE TEST
I. Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Paano nakatulong ang pagbubukas ng Suez Canal sa pagkagising ng damdaming makabansa ng
mga Pilipino?
A. Napabilis ang pagdadala ng mga kalakal.
B. Nagkaroon ng maraming kaibigang bansa ang Pilipinas.
C. Mabilis na nakahingi ng tulong ang mga Pilipino sa mga Espanyol.
D. Naging mabilis ang paglalakbay at nakapasok ang mga kaisipang liberal sa bansa.
2. Ano ang magandang naidulot ng pagbukas ng Suez Canal?
A. Humina ang pag-angkat at pagluwas ng mga kalakal.
B. Nagkaroon ng pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas.
C. Maraming Pilipino ang hindi nakapag-aral sa ibang bansa.
D. Bumagal ang pagdala ng mga Espanyol ng armas sa Pilipinas.
3. Alin ang naging pangunahing bunga ng malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa kanluran at
silangan ng Pilipinas?
A. Yumaman ang maraming Pilipino.
B. Naging malawak ang impluwensiya ng Pilipinas sa mundo.
C. Nakilala ang Pilipinas sa pagiging isang maunlad na bansa.
D. Dumating sa Pilipinas ang iba’t ibang paniniwala at ideya mula sa ibang bansa.
4. Paano nakatulong ang adhikain ng rebolusyong Pranses sa mga Pilipino?
A. Mas lalong naging pabigat sa Pilipinas ang mga Pranses.
B. Nakatulong ang mga Pranses sa pakikipaglaban sa mga Espanyol.
C. Nagkaroon ng pagkakapantay-pantay, kalayaan at pagkakapatiran sa loob ng bansa.
D. Naging abala sa pagtulong ang mga Espanyol sa Pransiya kaya bahagyang nakaligtaan ang
Pilipinas.
5. Ang panunungkulan ni Gobernador Heneral Carlos Maria de la Torre ay nakatulong ng malaki sa
pag-usbong ng nasyonalismo sa puso ng mga Pilipino. Alin ang HINDI kabilang sa uri ng kanyang
pamamahala sa ating bansa?
A. Nabigyan ng ilang kalayaan at karapatan ang mga Pilipino.
B. Naipamulat niya sa mga Pilipino ang kahalagahan ng kalayaan.
C. Hinatulan ng kamatayan ang mga Pilipinong lumalaban sa mga Espanyol.
D. Ipinaramdam niya sa mga Pilipino na hindi sila alipin, kung hindi mamamayang bahagi ng
lipunan.
6. Bakit maraming Espanyol ang tumutol sa panunungkulan ni Carlos Maria de la Torre bilang
gobernador – heneral ng bansa?
A. Pagpapatapon niya kay Rizal sa Dapitan.
B. Pagpapatapon niya sa mga Espanyol pabalik sa Espanya.
C. Pagbibigay niya ng mataas na posisyon sa mga Pilipino sa pamahalaan.
D. Pagbibigay niya ng magandang pribilehiyo at pakikitungo sa mga Pilipino.
7. Ano ang hindi epekto ng paghatol ng kamatayan sa tatlong paring martir?
A. Maraming Pilipino ang nagalit sa mga Espanyol.
B. Maraming Pilipino ang nag-alsa sa mga patakaran ng mga Espanyol.
C. Mas lalong napabilis ang pag-usbong ng nasyonalismo sa bansa.
D. Maraming Pilipino ang natuwa at kumampi sa mga Espanyol.
8. Ang mga sumusunod ay mga epekto ng paghatol ng kamatayan sa tatlong paring martir, MALIBAN
sa isa.
A. Maraming Pilipino ang nagalit sa mga Espanyol.
B. Mas napabilis ang pag-usbong ng nasyonalismo sa bansa.
C. Maraming Pilipino ang natuwa at kumampi sa mga Espanyol.
D. Maraming Pilipino ang nag-alsa sa mga patakaran ng mga Espanyol.
9. Alin ang HINDI kabilang sa panggitnang uri sa pagsibol ng kamalayang nasyonalismo ng mga
Pilipino?
A. Peninsulares at insulares.
B. Mga mahihirap na Pilipino.
C. Mga ilustrado at mestizong Espanyol.
D. Kapitan at ang kaniyang mga kamag-anak.
10. Alin ang HINDI kabilang sa mga salik ng pag-usbong ng kamalayang nasyonalismo sa Pilipinas?
A. Pagdagsa ng liberal na kaisipan.
B. Pagpapabuti ng sistema ng edukasyon sa bansa.
C. Pag-usbong ng uring mestizo at ng panggitnang uri.
D. Pagbubukas ng mga daungan sa bansa sa pandaigdigang kalakalan.
11. Ano ang tawag sa digmaan ng mga Kastila at mga Muslim?
a. Digmaang Moor c. Digmaang Kastila – Muslim
b. Digmaang Moro d. Digmaang Muslim
12. Ano ang tawag sa pangkat ng mga mamamayan sa hilagang kanluran ng Africa na
sumalakay sa Espanya?
a. Muslim c. Moor
b. Moro d. Mohammed
13. Ano ang ibang tawag sa relihiyong Islam?
a. Muslim c. Kristiyanismo
b. Pagano d. Mohammedanismo
14. Anong relihiyon ang nais maipalaganap ng mga Kastila nang salakayin nila ang
Mindanao?
a. Kristiyanismo c. Buddhismo
b. Islam d. Mohammedanismo
15. Sino ang nagpadala ng kauna-unahang ekspedisyon sa kamorohan?
a. Gobernador Francisco Sande c. Gobernador-Heneral Hurtado de Corcuera
b. Kapt. Francisco Atienza d. Ka[t. Esteban Rodriquez de Figueroa
16. Ito ang tawag sa banal na digmaan ng mga Muslim
a. Jihad c. Islam
b. Moro d. digmaan
17. Taon kung kalian nakipagkasundo ang mga Espanyol sa Sultan ng Jolo upang mahinto
ang labanan.
a. 1581 c. 1861
b. 1851 d. 1871
18. Sino ang umagaw sa trono ng kapangyarihan kay Sultan Alimud Din?
a. Sultan Kudarat c. Bantilan
b. Fatima d. Heneral Corcuera
19. Naghimok kay Bantilan na makipagkasundo sa mga kastila
a. Fatima c. Sultan Kudarat
b. Alimud Din d. Heneral Corcuera
20. Isa sa mga nangungunang ilog sa timog ng Pilipinas.
a. Rio Verde c. Rio Grande del Mindanao
b. Rio Grande d. Lawa ng Lanao
21. Ang pag-aalsa ni __________ ay nangyari noong 1574 nang salakayin niya ang mga Espanyol sa
Tondo dahil inalis ni Gobernador-Heneral Guido de Lavezares ang kanyiang mga karapatang
tinamasa na ipinagkaloob sa kaniya ni Miguel Lopez de Legazpi.
a. Diego Silang c. Lakandula
b. Francisco Maniago d. Andres Malong
22. Nagsimula ang pag-aalsa ni __________ noong 1762 sa Vigan ay dahil sa katiwalian at pang-
aaping naranasan ng kaniyang mga kababayan mula sa mananakop.
a. Diego Silang c. Lakandula
b. Francisco Maniago d. Andres Malong
23. Ipinagpatuloy ni __________ ang ipinaglalaban ng kaniyang asawa na si Diego Silang.
a. Melchora Aquino c. Gabriela Silang
b. Marcel Agoncillo d. wala sa nabanggit
24. Si ____________ ang namuno sa pag-aalsa sa Pampanga noong 1660 sa paglalayong tutylan ang
mapang-abusong sistema ng pagbubuwis, polo, bandala at ang hindi pagbabayad ng Espanyol ng
mga bigas na kinukuha sa kanila.
a. Andres Malong c. Juan Palariz
b. Francisco Maniago d. Lakandula
25. Si _____________ ang nanguna sa pag-aalsa sa Lingayen, Pangasinan noong 1660 dahil na rin sa
paghimok sa kaniya ni Francisco Maniago. Tinutulan din nila ang sapilitang pagtatrabaho at paggawa
ng mga galyon.
a. Juan dela Cruz Palaris c. Diego Silang
b. Juan Luna d. Andres Malong
26. Noong 1762, nagsimula rin ang isa pang pag-aalsa sa Binalatongan, Pangasinan sa pangunguna ni
______________________. Ang sanhi ng kaniyang pag-aaklas ay ang pagmamalabis ng mga Espanyol
at ang di makatarungang paglikom ng buwis.
a. Juan dela Cruz Palaris c. Diego Silang
b. Juan Luna d. Andres Malong
27. Ang pag-aalsa ni _______________ ang itinuturing na pinakamatagal na pakikipaglaban na
nangyari sa bansa. Ito ay tumagal ng 85 na taon mula taong 1744 hanggang 1829.
a. Francisco Dagohoy c. Sumuroy
b. Lakandula d. wala sa nabanggit
28. Si ______________ ang nanguna sa pag-aalsa sa Samar nang sapilitang ipadala ang kaniyang mga
kababayan Gobernador-Heneral Diego Fajardo sa Cavite upang gumawa ng mga galyon at mga
barkong pandigma ng mga Espanyol.
a. Francisco Dagohoy c. Sumuroy
b. Lakandula d. wala sa nabanggit
29. Pinangunahan ni ______________ na isang katutubong pari o babaylan ang pag-aalsa sa Bohol
dahil sa kanilang pakikipaglaban na talikdan ang relihiyong Katolisismo at bumalik sa paniniwalang
itinuro sa kanila ng kanilang mga ninuno.
a. Tamblot c. Sumuroy
b. Francisco Dagohoy d. Tablot
30. Ang pinakakilalang bayani sa Mindanao na matapang na nanguna sa pag-aalsa ay si
_________________, ang kilalang sultan sa Maguindanao mula taong 1619 hanggang 1671.
a. Sultan Kudarat c. Sultan Kudat
b. Sultan Kurat d. wala sa nabanggit
31. Tinaguriang Lakambinin ng Katipunan.
a. Melchora Aquino c. Teresa Magbanua
b. Gregoria de Jesus d. Gabriela Silang
32. Kasama ng kaniyang asawa ay sinuportahan nila ang rebolusyon lalo na pagkatapos bitayin ang
GOMBURZA.
a. Gliceria Marella Villavicencio c. Patrocinio Gamboa
b. Gregoria de Jesus d. Gabriela Silang
33. Sumapi sa Katipunan matapos sumapi dito ang kaniyang dalawang kapatid at namuno sa isang
maliit na pangkat.
a. Patrocinio Gamboa c. Teresa Magbanua
b. Gregoria de Jesus d. Melchora Aquino
34. Siya ang dahilan kung papaano nakarating ang watawat kay Heneral Delgado.
a. Patrocinio Gamboa c. Teresa Magbanua
b. Gregoria de Jesus d. Melchora Aquino
35. Siya ay hindi nag-atubiling tumulong lalo na sa mga nasugatang Katipunero.
a. Patrocinio Gamboa c. Teresa Magbanua
b. Gregoria de Jesus d. Melchora Aquino
36. Lugar kung saan ipinatapon si Melchora Aquino.
a. Europa c. Iloilo
b. Guam d. Ilocos
37. Nahalal bilang pangalawang pangulo sa sektor ng kababaihan ng Katipunan.
a. Josefa Rizal c. Gregoria de Jesus
b. Teresa Magbanua d. Gabriela Silang
38. Lugar kung saan nagtatag ng malayang pamahalaan si Diego Silang.
a. Iloilo c. Guam
b. Sta. Barbara d. Ilocos
39. Nagtapos bilang isang guro bago sumabak sa pakikipaglaban sa mga Espanyol
a. Patrocinio Gamboa c. Melchora Aquino
b. Gregoria de Jesus d. Teresa Magbanua
40. Ang sumusunod ay mga dahilang nagbunsod sa rebolusyon ng mga Pilipino laban sa mga
Espanyol maliban sa isa. Piliin ang hindi kabilang sa mga dahilan.
a. pangangamkam ng lupa c. pagmamalabis ng Kastila
b. relihiyon d. Edukasyon
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran
ARALING PANLIPUNAN 4 SUMMATIVE TEST
A. Isulat ang ( / ) kung ang pahayag ay may kinalaman sa kagalingang pansibiko at
(X) kung ito ay walang kaugnayan.
1. Pagbebenta ng tiket para sa isang benefit show
2.Pagtitinda upang kumita.
3. Panlilibre sa kabarkada.
4. Pagsusulat sa diyaryo hinggil sa usong damit.
5.Panonood ng sine.
6. Pagboto sa mga opisyal ng pamahalaan.
7. Pagtatanim sa mga gilid ng kalsada.
8. Paglalaan ng oras sa bahay- ampunan.
9. Pagpapakain sa mga batang lansangan.
10. Pagtulong sa pagbibigay ng relif goods.
11.Laging nasa takdang oras si Nelson sa pagpasok sa trabaho para matapos niya ang lahat ng
gawain.
12.Bumibili ng mga gamit na yari sa bansa gaya sa sapatos,kakanin, at mga palamuti
13. Si Joash ay magaling sa pagtatahi ng mga sapatos ngunit tamad siyang tapusin ang kanyang mga
gawain.
14. Si Cathy ay mahilig sa mga imported na pabango.
15. Tiyaking tapat at mahusay sa ating mga gawain.
16.Tinitiyak ni Mang Ramon na sakto sa timbang ang binibili niyang bigas.
17.Si Julius ay bumubili ng gamit o bagay batay sa mga anunsyo sa telebisyon.
18.Binabasa muna ni Cherry ang mga label sa etiketa ng mga paninda
B. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot
______ 19.Dumalo ka s isang pagdiriwang. Magsisismula na ang programa at
aawitin na ang Pambansang Awit. Ano ang dapat mong gawin?
A. Huwag kumibo.
B. Sumali sa nagkukwentuhan.
C. Sawayin ang mga nagkukwentuhan.
D. Patahimikin sumandali ang mga tao at makiawit ang lahat.
______ 20. Ang organisasyon pangkababaihan ay may “dental mission” sa inyong
lugar. Ano ang maaari mong maitulong?
A. Tumulong sa paghahanda.
B. Magsagawa ng ibang Gawain sa barangay.
C. Makigulo kasama ng ibang bata.
D. Umuwi na lamang.
______ 21. Tulong-tulong ang mga tao sa inyong pamayanan upang maglinis
pagkatapos ng isang malakas na bagyo. Ano ang gagawin mo?
A. Manood sa mga taong naglilinis.
B. Manatili sa kwarto at magpahinga.
C. Sumali sa mga naglilinis at gawin ang makakaya.
D. Ibalita sa media ang naganap na pagtutulungan sa lugar.
______ 22. Tila nakalimutan ni Lolo Sebyo ang daan pauwi. Paikot-ikot siya sa
lugar. Ano ang gagawin mo?
A. Hanapin ang pamilya ni Lolo Sebyo upang maiuwi siya.
B. Ipagbigay-alam ito sa mga barangay tanod.
C. Tanungin si Lolo Sebyo at tulungan siya.
D. Huwag pansinin ang matanda.
______ 23. Nakita mong tumatawid si Lola Inday sa Kalye Juana. Ano ang gagawin
mo?
A. Alalayan ang matanda.
B. Pabayaan siya at huwag pansinin.
C. Sabihan siyang mag-ingat sa pagtawid.
D. Maghanap ng pulis na magtatawid sa matanda.
_______24. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng mga gawaing nagpapakita
ng kagalingang pansibiko?
A. Pakikibahagi sa mga pagdiriwang na pansibiko
B. Pagsunod sa batas trapiko
C. Pagbibigay ng mga damit, pagkain at iba pa sa mga biktima ng sakuna
D. Lahat ng nabanggit
______25. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawaing
pansibiko maliban sa isa______________________.
A. Nagiging kapaki-pakinabang at produktibo ang mga mamamayan.
B. Nagiging maunlad at maayos ang komunidad dahil sa mga gawaing
pansibiko.
C. Nagsisilbing instrument ng pagbabago.
D. Nagkakaroon ng kanya-kanya o hiwa-hiwalay na pagkilos ng mga tao.
______26. Ito ay mga gawaing nilalahukan ng mga mamamayan na maituturing na
kapaki-pakinabang sa pagkamit ng kaayusan at kaunlaran ng komunidad.
A. bayanihan
B. pambansang pagdiriwang
C. gawaing pansibiko
D. wala sa nabanggit
_______27. Alin sa mga sumusunod ang nakikilahok sa mga gawaing nagpapakita
ng kagalingang pansibiko?
A. Pagkalat ng mga basura sa mga estero at daan sa pamayanan.
B.Paninigarilyo sa pampublikong lugar.
C. Pagreregalo ng mga damit at sapatos galing sa ibang bansa.
D. Pagbibigay ng perang donasyon at damit sa mga biktima ng kalamidad.
_______28.Ang sumusunod ay halimbawa ng mga gawaing nagpapakita ng
kagalingang pansibiko maliban sa isa.
A. pagsunod sa mga batas ng bansa
B. pagpapautang sa kapwa
C. pagtangkilik sa produktong Pilipino
29. Paano mapanatiling malusog ang iyong katawan upang makatulong sa pag-unlad
ng bansa?
a. Gumamit ng ipinagbabawal na gamut
b. Kumain ng masustansiyang pagkain.
c. Mag-ehersisyo kung kalian nais gawin ito.
d. Manood ng telebisyon hanggang hatinggabi.
30. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng taong may tamang saloobin sa
paggawa?
a. Palaging nagrereklamo sa Gawain.
b. Madalas magpahinga kahit oras nga trabaho
c. Ipinagpapaliban ang paggawa ng gawaing bahay.
d. Matipid sa paggamit ng mga materyales sa opisina o pabrika
31. Sino sa mga sumusunod ang makakatutulong sap ag-unlad?
a. Laging huli kung pumasok sa trbaho si Juan.
b. Palaging tinutuos ni Pepe ang bilang ng oras ng kanyang ipinagtrabaho.
c. Pinagbubuti ni Helen ang kaniyang trabaho sa opisina kahit walang nakakakita.
d. Kapag binibigyan ng manedyer si Ruben ng dagdag na Gawain hindi niya ito
ginagawa agad.
32. Binigyan kayo ng proyekto ng iyong guro. Hindi mo naintindihan ang paliwanag kung
paano ito gagawin. Ano ang dapat mong gawin?
a. Ipagawa ang proyekto sa kapatid.
b. Hindi na lang gagawin ang proyekto.
c. Magagalit sa guro at isusumbong sa magulang
d. Ipauulit sa guro ang paliwanag upang maintindihan ito
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran
ARALING PANLIPUNAN 6 SUMMATIVE TEST
A. Panuto: Tukuyin ang inilalarawan ng bawat pahayag. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang
sagot.
1. Tanging pangulo ng Pilipinas na namuno nang higit sa isang termino.
a. Diosdado Macapagal c. Ramon Magsaysay
b. Elpidio Quirino d. Ferdinand Marcos
2. Sa araw na ito idineklara ni Marcos na ang buong Pilipinas ay nasa ilalim na ng Batas
Militar. a. Setyembre 20, 1972 c. Setyembre 22, 1973
b. Setyembre 21, 1972 d. Setyembre 23, 1973
3. Ito ang isinagawang hakbang ni Marcos upang maiwasan ang nagbabantang panganib sa
pamahalaan dahil sa mga paghihimagsik, rebelyon at karahasang nangyayari sa bansa.
a. Coup d’etat c. batas military
b. Pambansang kumbensiyon d. referendum
4. Siya ang nagtatag ng Communist Party of the Philippines (CPP) noong
1968.
a. Nur Misuari c. Mao Tse Tung
b. Jose Maria Sison d. Benigno Aquino Jr.
5. Ito ay samahang binubuo ng mga Muslim na nagnanais na magtatag ng hiwalay na pamahalaan sa
Mindanao.
a. NPA c. MNLF
b. CPP d. NDF
6. Ito ang dahilan kung bakit isinagawa ng National Union of Students of the Philippines ang isang
malaking rali noong Enero 26, 1970 sa harapan ng gusali ng Kongreso.
a. Upang tutulan ang pag-aalis ng pribilehiyo para sa writ of habeas corpus
b. Upang pabagsakin ang naghaharing Sistema ng pamamahala ni Marcos
c. Upang hilingin sa pamahalaang magkaroon ng kumbensiyon para sa Saligang Batas.
d. Upang ipaabot ang kanilang kahilingan hinggil sa sobrang pagtaas ng matrikula sa mga
kolehiyo at Pamantasan.
7. Ito ang partidong nagtitipon noon sa Quiapo, Maynila nang mangyari ang pagbomba sa Plaza
Miranda noong Agosto 21, 1971.
a. Partido Nacionalista c. Kapisanan ng Bagong Lipunan
b. Partido Liberal d. UNIDO
8. Sa pamamagitan ng proklamasyong ito ipinahayag ni Marcos ang pagsususpindi sa Karapatan o
pribilehiyo sa writ of habeas corpus.
a. Proklamasyon Blg. 889 c. Proklamasyon Blg. 2-A
b. Proklamasyon Blg.1081 d. Proklamasyon Blg.8901
9. Ang pribilehiyong ito ang nangangalaga sa mamamayan upang hindi makulong nang hindi
dumaraan sa tamang proseso ng paglilitis.
a. Plebisito c. writ of habeas corpus
b. Referendum d. subpoena
10. Ito ang mga uri ng batas na maaaring ipalabas ng pangulo, maliban sa
a. Kautusang Pampanguluhan c. Kautusang Pangkalahatan
b. Kautusang Pangkongreso d. Liham-Pagpapatupad
TEST I - Isulat ang Oo kung ito ay dahilan o nagiging daan upang magwakas ang
Batas Militar at isulat ang Hindi kung hindi ito nagiging dahilan.
11. Nagustuhan ng maraming mamamayan ang pagpapapatupad ng Batas Militar.
12. Nabigo ang media na hawak ni Marcos na takpan ang kahirapang naranasan ng
mga tao .
13. Nagising ang mga tao sa masamang epekto na dala ng pagpapatupad ng
Batas Militar.
14. Ang mga tauhan ni Marcos ay unti-unting lumisan sa kanyang grupo at pumanig
na sa ordinaryong mamamayan.
15. Sa kabila ng pagtutol ng mga tao, nagpatuloy ang di makataong pag-aresto sa
mga kritiko ng gobyerno kaya natuto na ring mag-alsa ang mamamayan laban sa
pamahalaan.
16. Lumaganap ang paglabag sa karapatang pantao at iba pang pang-aabuso ng
militar kaya nawala ang tiwala ng mga mamamayan sa ating pamahalaan.
17. Sumidhi ang damdamin ng mga kilusan tulad ng MNLF at NPA na lumaban
sa mapaniil na pamahalaan.
18. Lahat ay mabuti at positibong epekto ang dulot ng pagpapatupad ng batas militar
sa bansa.
19. Maituturing na isang demokratikong bansa ang pamahalaang pinairal ni
Marcos noong panahon ng Batas Militar.
20. Nagsimula ng lumaban sa pamahalaan ang ilang sektor ng lipunan tulad ng
makabayang mamamahayag na nagkaisang bumuo ng mga pahayagang
magbabalita ng mga tunay na kalagayan ng bansa .
TEST II - Lagyan ng √ (tsek) ang patlang kung ang pangungusap ay nakatutulong sa
pagkamit ng demokrasya at X (ekis) kung hindi ito nakatutulong.
_____21. Pinawalang-bisa ang Saligang Batas ng 1973 at pinalitan sa Saligang Batas ng
1987. _____22. Binuo ni Pang. Corazon Aquino ang ConCom para makatulong sa pagbuo
ng bagong Saligang Batas ng bansa.
_____23. Iniutos ni Pangulong Marcos ang pagsuspinde ng writ of habeas corpus.
_____24. Pagpapalaya sa mga bilanggung pulitikal para sa pambansang
rekonsilyasyon. _____25. Ang sinumang naging suspek ng isang krimen ay ikulong
kaagad at hindi na kailangan ang paglilitis.
_____26. Ang pagtatag ng Freedom Constitution ay naayon sa batas habang hindi pa
tapos ang bagong Saligang Batas.
_____27. Itinatag ang PCGG sa panahon ni Corazon Aquino upang mabawi ang
nanakaw umanong yaman ng bansa.
_____28. Ang writ of habeas corpus ay ipapatupad lamang sa mga malalaking krimen
na nangyayari sa bansa.
_____29. Ang bawat akusadong mamamayan ay may karapatang sumasailalim sa
wastong proseso ng paglilitis.
_____30. Ang mga hakbang na ginawa ni Pangulong Corazon Aquino ay mga paraan ng
isang demokratikong pamahalaan.
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap at isulat sa sagutang papel
ang T kung ito ay tama at M kung mali.
31.Kakaunti lamang ang mga suliraning kinahaharap ng bansa sa
kasalukuyan.
32.Kayang-kaya na ng pamahalaang solusyunan ang mga problemang
kinahaharap ng bansa kaya di na kailangang makialam ng mga
mamamayan.
33.Ang pagkakaroon ng disiplina at pagmamalasakit para sa bansa ay
malaking tulong sa bawat isa para sa kaunlaran ng bansa.
34.Dapat ugaliin ng mga Pilipinong isipin ang kapakanan ng bansa at kapwa
kaysa pansariling interes lamang para na rin sa ikauunlad ng lahat.
35.Ang mga ahensiya ng pamahalaan ay hindi naging kapaki-pakinabang
upang maitaguyod ang kaunlaran ng bansa.
Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang wastong sagot na nasa loob
ng kahon at isulat sa titik sagutang papel.
A. Ipinagbabawal na gamot
B. Populasyon
C. Polusyon
D. Problema sa kahirapan
36. Ito’y isang uri ng gawain na pinadudumi at sinisira ang lupa, tubig,
hangin, bayan, at atmosphere gamit ang mga dilikado at nakasisirang
sangkap o maling pamamaraan.
37. Ito’y may masamang dulot sa katawan ng tao at naging impluwensya
dahil sa barkada o mga kaibigan.
38. Tumutukoy sa dami o bilang ng mga tao sa bansa.
39. Kaakibat ng suliraning ito ang maraming bilang ng mga Pilipinong
walang hanapbuhay kaya’t dahil dito’y maraming kabataan ang hindi
nakapag-aral.
40. Pagsama sa kurikulum ng mga aralin hinggil sa pagplano ng pamilya.

More Related Content

Similar to 4th PERIODICAL TEST.docx1231231231234123

Modyul 9 ang rebolusyong pilipino tungo sa kalayaan
Modyul 9 ang rebolusyong pilipino tungo sa kalayaanModyul 9 ang rebolusyong pilipino tungo sa kalayaan
Modyul 9 ang rebolusyong pilipino tungo sa kalayaan南 睿
 
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q3_W9.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q3_W9.docxDLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q3_W9.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q3_W9.docxpearllouiseponeles
 
AP5_ST1_Q4.docx
AP5_ST1_Q4.docxAP5_ST1_Q4.docx
AP5_ST1_Q4.docxmylinbano
 
Modyul 8 pagsibol ng kamalayang pilipino
Modyul 8 pagsibol ng kamalayang pilipinoModyul 8 pagsibol ng kamalayang pilipino
Modyul 8 pagsibol ng kamalayang pilipino南 睿
 
Online Class 6 Obedience 2ND day.pptx
Online Class 6 Obedience 2ND day.pptxOnline Class 6 Obedience 2ND day.pptx
Online Class 6 Obedience 2ND day.pptxRoyRebolado1
 
Gr.5 ar pan las q3 w2
Gr.5 ar pan las q3 w2Gr.5 ar pan las q3 w2
Gr.5 ar pan las q3 w2ssuser47bc4e
 
Ikaapat na Markahang Pagsusulit - AP7
Ikaapat na Markahang Pagsusulit - AP7Ikaapat na Markahang Pagsusulit - AP7
Ikaapat na Markahang Pagsusulit - AP7ExcelsaNina Bacol
 
DIAGNOSTIC TEST IN ARALING PANLIPUNAN.docx
DIAGNOSTIC TEST IN ARALING PANLIPUNAN.docxDIAGNOSTIC TEST IN ARALING PANLIPUNAN.docx
DIAGNOSTIC TEST IN ARALING PANLIPUNAN.docxCarmehlynBalogbog
 
Nat intervention for hekasi 6
Nat intervention for hekasi 6Nat intervention for hekasi 6
Nat intervention for hekasi 6unbeatable7
 
Ap 1 second grading ( 1st yr)
Ap 1 second grading ( 1st yr)Ap 1 second grading ( 1st yr)
Ap 1 second grading ( 1st yr)Jerome Alvarez
 
Q3 - AP 7 Reviewer...................pdf
Q3 - AP 7 Reviewer...................pdfQ3 - AP 7 Reviewer...................pdf
Q3 - AP 7 Reviewer...................pdfPaulineMae5
 
Q3-Week 8- April 3-7, 2023.docx
Q3-Week 8- April 3-7, 2023.docxQ3-Week 8- April 3-7, 2023.docx
Q3-Week 8- April 3-7, 2023.docxcherrymaigting
 
APAN_Q1W1(SUEZ CANAL).pptx
APAN_Q1W1(SUEZ CANAL).pptxAPAN_Q1W1(SUEZ CANAL).pptx
APAN_Q1W1(SUEZ CANAL).pptxDungoLyka
 
ARALING PANLIPUNAN.pptx
ARALING PANLIPUNAN.pptxARALING PANLIPUNAN.pptx
ARALING PANLIPUNAN.pptxMaFeBLazo
 
Panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas_quiz.pptx
Panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas_quiz.pptxPanahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas_quiz.pptx
Panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas_quiz.pptxeldredlastima
 
Panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas_quiz_key.pptx
Panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas_quiz_key.pptxPanahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas_quiz_key.pptx
Panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas_quiz_key.pptxeldredlastima
 
Group-6-PPT.pptx
Group-6-PPT.pptxGroup-6-PPT.pptx
Group-6-PPT.pptxAimeeNimes
 

Similar to 4th PERIODICAL TEST.docx1231231231234123 (20)

Modyul 9 ang rebolusyong pilipino tungo sa kalayaan
Modyul 9 ang rebolusyong pilipino tungo sa kalayaanModyul 9 ang rebolusyong pilipino tungo sa kalayaan
Modyul 9 ang rebolusyong pilipino tungo sa kalayaan
 
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q3_W9.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q3_W9.docxDLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q3_W9.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q3_W9.docx
 
AP5_ST1_Q4.docx
AP5_ST1_Q4.docxAP5_ST1_Q4.docx
AP5_ST1_Q4.docx
 
1st PT_AP 6.docx
1st PT_AP 6.docx1st PT_AP 6.docx
1st PT_AP 6.docx
 
Modyul 8 pagsibol ng kamalayang pilipino
Modyul 8 pagsibol ng kamalayang pilipinoModyul 8 pagsibol ng kamalayang pilipino
Modyul 8 pagsibol ng kamalayang pilipino
 
Online Class 6 Obedience 2ND day.pptx
Online Class 6 Obedience 2ND day.pptxOnline Class 6 Obedience 2ND day.pptx
Online Class 6 Obedience 2ND day.pptx
 
TOS&TQ.2ndQuarter.docx
TOS&TQ.2ndQuarter.docxTOS&TQ.2ndQuarter.docx
TOS&TQ.2ndQuarter.docx
 
Gr.5 ar pan las q3 w2
Gr.5 ar pan las q3 w2Gr.5 ar pan las q3 w2
Gr.5 ar pan las q3 w2
 
Araling panlipunan 6
Araling panlipunan 6Araling panlipunan 6
Araling panlipunan 6
 
Ikaapat na Markahang Pagsusulit - AP7
Ikaapat na Markahang Pagsusulit - AP7Ikaapat na Markahang Pagsusulit - AP7
Ikaapat na Markahang Pagsusulit - AP7
 
DIAGNOSTIC TEST IN ARALING PANLIPUNAN.docx
DIAGNOSTIC TEST IN ARALING PANLIPUNAN.docxDIAGNOSTIC TEST IN ARALING PANLIPUNAN.docx
DIAGNOSTIC TEST IN ARALING PANLIPUNAN.docx
 
Nat intervention for hekasi 6
Nat intervention for hekasi 6Nat intervention for hekasi 6
Nat intervention for hekasi 6
 
Ap 1 second grading ( 1st yr)
Ap 1 second grading ( 1st yr)Ap 1 second grading ( 1st yr)
Ap 1 second grading ( 1st yr)
 
Q3 - AP 7 Reviewer...................pdf
Q3 - AP 7 Reviewer...................pdfQ3 - AP 7 Reviewer...................pdf
Q3 - AP 7 Reviewer...................pdf
 
Q3-Week 8- April 3-7, 2023.docx
Q3-Week 8- April 3-7, 2023.docxQ3-Week 8- April 3-7, 2023.docx
Q3-Week 8- April 3-7, 2023.docx
 
APAN_Q1W1(SUEZ CANAL).pptx
APAN_Q1W1(SUEZ CANAL).pptxAPAN_Q1W1(SUEZ CANAL).pptx
APAN_Q1W1(SUEZ CANAL).pptx
 
ARALING PANLIPUNAN.pptx
ARALING PANLIPUNAN.pptxARALING PANLIPUNAN.pptx
ARALING PANLIPUNAN.pptx
 
Panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas_quiz.pptx
Panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas_quiz.pptxPanahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas_quiz.pptx
Panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas_quiz.pptx
 
Panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas_quiz_key.pptx
Panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas_quiz_key.pptxPanahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas_quiz_key.pptx
Panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas_quiz_key.pptx
 
Group-6-PPT.pptx
Group-6-PPT.pptxGroup-6-PPT.pptx
Group-6-PPT.pptx
 

Recently uploaded

Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxEVELYNGRACETADEO1
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxtambanillodaniel3
 
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxChristineJaneWaquizM
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGrade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGeizukiTaro
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptxAlyszaAbecillaPinion
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaDaisyCabuagPalaruan
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointRuvyAnnClaus
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxjessysilvaLynsy
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGronaldfrancisviray2
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxMimmeMCompra
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxLucy Datuin
 
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  MarkahanCOT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang MarkahanLornaBragaisBorbe
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptxcherrypastoral
 
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptxAng Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptxRoldanVillena1
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...LlemorSoledSeyer1
 

Recently uploaded (20)

Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
 
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGrade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
 
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  MarkahanCOT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang Markahan
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
 
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptxAng Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
 

4th PERIODICAL TEST.docx1231231231234123

  • 1. Republic of the Philippines Department of Education Region VII, Central Visayas Division of Bohol City of Tagbilaran ARALING PANLIPUNAN 5 SUMMATIVE TEST I. Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot. 1. Paano nakatulong ang pagbubukas ng Suez Canal sa pagkagising ng damdaming makabansa ng mga Pilipino? A. Napabilis ang pagdadala ng mga kalakal. B. Nagkaroon ng maraming kaibigang bansa ang Pilipinas. C. Mabilis na nakahingi ng tulong ang mga Pilipino sa mga Espanyol. D. Naging mabilis ang paglalakbay at nakapasok ang mga kaisipang liberal sa bansa. 2. Ano ang magandang naidulot ng pagbukas ng Suez Canal? A. Humina ang pag-angkat at pagluwas ng mga kalakal. B. Nagkaroon ng pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. C. Maraming Pilipino ang hindi nakapag-aral sa ibang bansa. D. Bumagal ang pagdala ng mga Espanyol ng armas sa Pilipinas. 3. Alin ang naging pangunahing bunga ng malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa kanluran at silangan ng Pilipinas? A. Yumaman ang maraming Pilipino. B. Naging malawak ang impluwensiya ng Pilipinas sa mundo. C. Nakilala ang Pilipinas sa pagiging isang maunlad na bansa. D. Dumating sa Pilipinas ang iba’t ibang paniniwala at ideya mula sa ibang bansa. 4. Paano nakatulong ang adhikain ng rebolusyong Pranses sa mga Pilipino? A. Mas lalong naging pabigat sa Pilipinas ang mga Pranses. B. Nakatulong ang mga Pranses sa pakikipaglaban sa mga Espanyol. C. Nagkaroon ng pagkakapantay-pantay, kalayaan at pagkakapatiran sa loob ng bansa.
  • 2. D. Naging abala sa pagtulong ang mga Espanyol sa Pransiya kaya bahagyang nakaligtaan ang Pilipinas. 5. Ang panunungkulan ni Gobernador Heneral Carlos Maria de la Torre ay nakatulong ng malaki sa pag-usbong ng nasyonalismo sa puso ng mga Pilipino. Alin ang HINDI kabilang sa uri ng kanyang pamamahala sa ating bansa? A. Nabigyan ng ilang kalayaan at karapatan ang mga Pilipino. B. Naipamulat niya sa mga Pilipino ang kahalagahan ng kalayaan. C. Hinatulan ng kamatayan ang mga Pilipinong lumalaban sa mga Espanyol. D. Ipinaramdam niya sa mga Pilipino na hindi sila alipin, kung hindi mamamayang bahagi ng lipunan. 6. Bakit maraming Espanyol ang tumutol sa panunungkulan ni Carlos Maria de la Torre bilang gobernador – heneral ng bansa? A. Pagpapatapon niya kay Rizal sa Dapitan. B. Pagpapatapon niya sa mga Espanyol pabalik sa Espanya. C. Pagbibigay niya ng mataas na posisyon sa mga Pilipino sa pamahalaan. D. Pagbibigay niya ng magandang pribilehiyo at pakikitungo sa mga Pilipino. 7. Ano ang hindi epekto ng paghatol ng kamatayan sa tatlong paring martir? A. Maraming Pilipino ang nagalit sa mga Espanyol. B. Maraming Pilipino ang nag-alsa sa mga patakaran ng mga Espanyol. C. Mas lalong napabilis ang pag-usbong ng nasyonalismo sa bansa. D. Maraming Pilipino ang natuwa at kumampi sa mga Espanyol. 8. Ang mga sumusunod ay mga epekto ng paghatol ng kamatayan sa tatlong paring martir, MALIBAN sa isa. A. Maraming Pilipino ang nagalit sa mga Espanyol. B. Mas napabilis ang pag-usbong ng nasyonalismo sa bansa. C. Maraming Pilipino ang natuwa at kumampi sa mga Espanyol. D. Maraming Pilipino ang nag-alsa sa mga patakaran ng mga Espanyol. 9. Alin ang HINDI kabilang sa panggitnang uri sa pagsibol ng kamalayang nasyonalismo ng mga Pilipino?
  • 3. A. Peninsulares at insulares. B. Mga mahihirap na Pilipino. C. Mga ilustrado at mestizong Espanyol. D. Kapitan at ang kaniyang mga kamag-anak. 10. Alin ang HINDI kabilang sa mga salik ng pag-usbong ng kamalayang nasyonalismo sa Pilipinas? A. Pagdagsa ng liberal na kaisipan. B. Pagpapabuti ng sistema ng edukasyon sa bansa. C. Pag-usbong ng uring mestizo at ng panggitnang uri. D. Pagbubukas ng mga daungan sa bansa sa pandaigdigang kalakalan. 11. Ano ang tawag sa digmaan ng mga Kastila at mga Muslim? a. Digmaang Moor c. Digmaang Kastila – Muslim b. Digmaang Moro d. Digmaang Muslim 12. Ano ang tawag sa pangkat ng mga mamamayan sa hilagang kanluran ng Africa na sumalakay sa Espanya? a. Muslim c. Moor b. Moro d. Mohammed 13. Ano ang ibang tawag sa relihiyong Islam? a. Muslim c. Kristiyanismo b. Pagano d. Mohammedanismo 14. Anong relihiyon ang nais maipalaganap ng mga Kastila nang salakayin nila ang Mindanao? a. Kristiyanismo c. Buddhismo b. Islam d. Mohammedanismo 15. Sino ang nagpadala ng kauna-unahang ekspedisyon sa kamorohan? a. Gobernador Francisco Sande c. Gobernador-Heneral Hurtado de Corcuera b. Kapt. Francisco Atienza d. Ka[t. Esteban Rodriquez de Figueroa 16. Ito ang tawag sa banal na digmaan ng mga Muslim a. Jihad c. Islam b. Moro d. digmaan 17. Taon kung kalian nakipagkasundo ang mga Espanyol sa Sultan ng Jolo upang mahinto ang labanan. a. 1581 c. 1861 b. 1851 d. 1871
  • 4. 18. Sino ang umagaw sa trono ng kapangyarihan kay Sultan Alimud Din? a. Sultan Kudarat c. Bantilan b. Fatima d. Heneral Corcuera 19. Naghimok kay Bantilan na makipagkasundo sa mga kastila a. Fatima c. Sultan Kudarat b. Alimud Din d. Heneral Corcuera 20. Isa sa mga nangungunang ilog sa timog ng Pilipinas. a. Rio Verde c. Rio Grande del Mindanao b. Rio Grande d. Lawa ng Lanao 21. Ang pag-aalsa ni __________ ay nangyari noong 1574 nang salakayin niya ang mga Espanyol sa Tondo dahil inalis ni Gobernador-Heneral Guido de Lavezares ang kanyiang mga karapatang tinamasa na ipinagkaloob sa kaniya ni Miguel Lopez de Legazpi. a. Diego Silang c. Lakandula b. Francisco Maniago d. Andres Malong 22. Nagsimula ang pag-aalsa ni __________ noong 1762 sa Vigan ay dahil sa katiwalian at pang- aaping naranasan ng kaniyang mga kababayan mula sa mananakop. a. Diego Silang c. Lakandula b. Francisco Maniago d. Andres Malong 23. Ipinagpatuloy ni __________ ang ipinaglalaban ng kaniyang asawa na si Diego Silang. a. Melchora Aquino c. Gabriela Silang b. Marcel Agoncillo d. wala sa nabanggit 24. Si ____________ ang namuno sa pag-aalsa sa Pampanga noong 1660 sa paglalayong tutylan ang mapang-abusong sistema ng pagbubuwis, polo, bandala at ang hindi pagbabayad ng Espanyol ng mga bigas na kinukuha sa kanila. a. Andres Malong c. Juan Palariz b. Francisco Maniago d. Lakandula 25. Si _____________ ang nanguna sa pag-aalsa sa Lingayen, Pangasinan noong 1660 dahil na rin sa paghimok sa kaniya ni Francisco Maniago. Tinutulan din nila ang sapilitang pagtatrabaho at paggawa ng mga galyon. a. Juan dela Cruz Palaris c. Diego Silang b. Juan Luna d. Andres Malong 26. Noong 1762, nagsimula rin ang isa pang pag-aalsa sa Binalatongan, Pangasinan sa pangunguna ni ______________________. Ang sanhi ng kaniyang pag-aaklas ay ang pagmamalabis ng mga Espanyol at ang di makatarungang paglikom ng buwis. a. Juan dela Cruz Palaris c. Diego Silang b. Juan Luna d. Andres Malong 27. Ang pag-aalsa ni _______________ ang itinuturing na pinakamatagal na pakikipaglaban na nangyari sa bansa. Ito ay tumagal ng 85 na taon mula taong 1744 hanggang 1829. a. Francisco Dagohoy c. Sumuroy b. Lakandula d. wala sa nabanggit 28. Si ______________ ang nanguna sa pag-aalsa sa Samar nang sapilitang ipadala ang kaniyang mga kababayan Gobernador-Heneral Diego Fajardo sa Cavite upang gumawa ng mga galyon at mga barkong pandigma ng mga Espanyol. a. Francisco Dagohoy c. Sumuroy b. Lakandula d. wala sa nabanggit
  • 5. 29. Pinangunahan ni ______________ na isang katutubong pari o babaylan ang pag-aalsa sa Bohol dahil sa kanilang pakikipaglaban na talikdan ang relihiyong Katolisismo at bumalik sa paniniwalang itinuro sa kanila ng kanilang mga ninuno. a. Tamblot c. Sumuroy b. Francisco Dagohoy d. Tablot 30. Ang pinakakilalang bayani sa Mindanao na matapang na nanguna sa pag-aalsa ay si _________________, ang kilalang sultan sa Maguindanao mula taong 1619 hanggang 1671. a. Sultan Kudarat c. Sultan Kudat b. Sultan Kurat d. wala sa nabanggit 31. Tinaguriang Lakambinin ng Katipunan. a. Melchora Aquino c. Teresa Magbanua b. Gregoria de Jesus d. Gabriela Silang 32. Kasama ng kaniyang asawa ay sinuportahan nila ang rebolusyon lalo na pagkatapos bitayin ang GOMBURZA. a. Gliceria Marella Villavicencio c. Patrocinio Gamboa b. Gregoria de Jesus d. Gabriela Silang 33. Sumapi sa Katipunan matapos sumapi dito ang kaniyang dalawang kapatid at namuno sa isang maliit na pangkat. a. Patrocinio Gamboa c. Teresa Magbanua b. Gregoria de Jesus d. Melchora Aquino 34. Siya ang dahilan kung papaano nakarating ang watawat kay Heneral Delgado. a. Patrocinio Gamboa c. Teresa Magbanua b. Gregoria de Jesus d. Melchora Aquino 35. Siya ay hindi nag-atubiling tumulong lalo na sa mga nasugatang Katipunero. a. Patrocinio Gamboa c. Teresa Magbanua b. Gregoria de Jesus d. Melchora Aquino 36. Lugar kung saan ipinatapon si Melchora Aquino. a. Europa c. Iloilo b. Guam d. Ilocos 37. Nahalal bilang pangalawang pangulo sa sektor ng kababaihan ng Katipunan. a. Josefa Rizal c. Gregoria de Jesus b. Teresa Magbanua d. Gabriela Silang 38. Lugar kung saan nagtatag ng malayang pamahalaan si Diego Silang. a. Iloilo c. Guam b. Sta. Barbara d. Ilocos 39. Nagtapos bilang isang guro bago sumabak sa pakikipaglaban sa mga Espanyol a. Patrocinio Gamboa c. Melchora Aquino b. Gregoria de Jesus d. Teresa Magbanua 40. Ang sumusunod ay mga dahilang nagbunsod sa rebolusyon ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol maliban sa isa. Piliin ang hindi kabilang sa mga dahilan. a. pangangamkam ng lupa c. pagmamalabis ng Kastila b. relihiyon d. Edukasyon
  • 6.
  • 7. Republic of the Philippines Department of Education Region VII, Central Visayas Division of Bohol City of Tagbilaran ARALING PANLIPUNAN 4 SUMMATIVE TEST A. Isulat ang ( / ) kung ang pahayag ay may kinalaman sa kagalingang pansibiko at (X) kung ito ay walang kaugnayan. 1. Pagbebenta ng tiket para sa isang benefit show 2.Pagtitinda upang kumita. 3. Panlilibre sa kabarkada. 4. Pagsusulat sa diyaryo hinggil sa usong damit. 5.Panonood ng sine. 6. Pagboto sa mga opisyal ng pamahalaan. 7. Pagtatanim sa mga gilid ng kalsada. 8. Paglalaan ng oras sa bahay- ampunan. 9. Pagpapakain sa mga batang lansangan. 10. Pagtulong sa pagbibigay ng relif goods. 11.Laging nasa takdang oras si Nelson sa pagpasok sa trabaho para matapos niya ang lahat ng gawain. 12.Bumibili ng mga gamit na yari sa bansa gaya sa sapatos,kakanin, at mga palamuti 13. Si Joash ay magaling sa pagtatahi ng mga sapatos ngunit tamad siyang tapusin ang kanyang mga gawain. 14. Si Cathy ay mahilig sa mga imported na pabango. 15. Tiyaking tapat at mahusay sa ating mga gawain. 16.Tinitiyak ni Mang Ramon na sakto sa timbang ang binibili niyang bigas. 17.Si Julius ay bumubili ng gamit o bagay batay sa mga anunsyo sa telebisyon. 18.Binabasa muna ni Cherry ang mga label sa etiketa ng mga paninda B. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot ______ 19.Dumalo ka s isang pagdiriwang. Magsisismula na ang programa at aawitin na ang Pambansang Awit. Ano ang dapat mong gawin? A. Huwag kumibo. B. Sumali sa nagkukwentuhan. C. Sawayin ang mga nagkukwentuhan. D. Patahimikin sumandali ang mga tao at makiawit ang lahat. ______ 20. Ang organisasyon pangkababaihan ay may “dental mission” sa inyong lugar. Ano ang maaari mong maitulong? A. Tumulong sa paghahanda. B. Magsagawa ng ibang Gawain sa barangay. C. Makigulo kasama ng ibang bata. D. Umuwi na lamang. ______ 21. Tulong-tulong ang mga tao sa inyong pamayanan upang maglinis pagkatapos ng isang malakas na bagyo. Ano ang gagawin mo? A. Manood sa mga taong naglilinis.
  • 8. B. Manatili sa kwarto at magpahinga. C. Sumali sa mga naglilinis at gawin ang makakaya. D. Ibalita sa media ang naganap na pagtutulungan sa lugar. ______ 22. Tila nakalimutan ni Lolo Sebyo ang daan pauwi. Paikot-ikot siya sa lugar. Ano ang gagawin mo? A. Hanapin ang pamilya ni Lolo Sebyo upang maiuwi siya. B. Ipagbigay-alam ito sa mga barangay tanod. C. Tanungin si Lolo Sebyo at tulungan siya. D. Huwag pansinin ang matanda. ______ 23. Nakita mong tumatawid si Lola Inday sa Kalye Juana. Ano ang gagawin mo? A. Alalayan ang matanda. B. Pabayaan siya at huwag pansinin. C. Sabihan siyang mag-ingat sa pagtawid. D. Maghanap ng pulis na magtatawid sa matanda. _______24. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng mga gawaing nagpapakita ng kagalingang pansibiko? A. Pakikibahagi sa mga pagdiriwang na pansibiko B. Pagsunod sa batas trapiko C. Pagbibigay ng mga damit, pagkain at iba pa sa mga biktima ng sakuna D. Lahat ng nabanggit ______25. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawaing pansibiko maliban sa isa______________________. A. Nagiging kapaki-pakinabang at produktibo ang mga mamamayan. B. Nagiging maunlad at maayos ang komunidad dahil sa mga gawaing pansibiko. C. Nagsisilbing instrument ng pagbabago. D. Nagkakaroon ng kanya-kanya o hiwa-hiwalay na pagkilos ng mga tao. ______26. Ito ay mga gawaing nilalahukan ng mga mamamayan na maituturing na kapaki-pakinabang sa pagkamit ng kaayusan at kaunlaran ng komunidad. A. bayanihan B. pambansang pagdiriwang C. gawaing pansibiko D. wala sa nabanggit _______27. Alin sa mga sumusunod ang nakikilahok sa mga gawaing nagpapakita ng kagalingang pansibiko? A. Pagkalat ng mga basura sa mga estero at daan sa pamayanan.
  • 9. B.Paninigarilyo sa pampublikong lugar. C. Pagreregalo ng mga damit at sapatos galing sa ibang bansa. D. Pagbibigay ng perang donasyon at damit sa mga biktima ng kalamidad. _______28.Ang sumusunod ay halimbawa ng mga gawaing nagpapakita ng kagalingang pansibiko maliban sa isa. A. pagsunod sa mga batas ng bansa B. pagpapautang sa kapwa C. pagtangkilik sa produktong Pilipino 29. Paano mapanatiling malusog ang iyong katawan upang makatulong sa pag-unlad ng bansa? a. Gumamit ng ipinagbabawal na gamut b. Kumain ng masustansiyang pagkain. c. Mag-ehersisyo kung kalian nais gawin ito. d. Manood ng telebisyon hanggang hatinggabi. 30. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng taong may tamang saloobin sa paggawa? a. Palaging nagrereklamo sa Gawain. b. Madalas magpahinga kahit oras nga trabaho c. Ipinagpapaliban ang paggawa ng gawaing bahay. d. Matipid sa paggamit ng mga materyales sa opisina o pabrika 31. Sino sa mga sumusunod ang makakatutulong sap ag-unlad? a. Laging huli kung pumasok sa trbaho si Juan. b. Palaging tinutuos ni Pepe ang bilang ng oras ng kanyang ipinagtrabaho. c. Pinagbubuti ni Helen ang kaniyang trabaho sa opisina kahit walang nakakakita. d. Kapag binibigyan ng manedyer si Ruben ng dagdag na Gawain hindi niya ito ginagawa agad. 32. Binigyan kayo ng proyekto ng iyong guro. Hindi mo naintindihan ang paliwanag kung paano ito gagawin. Ano ang dapat mong gawin? a. Ipagawa ang proyekto sa kapatid. b. Hindi na lang gagawin ang proyekto. c. Magagalit sa guro at isusumbong sa magulang d. Ipauulit sa guro ang paliwanag upang maintindihan ito
  • 10. Republic of the Philippines Department of Education Region VII, Central Visayas Division of Bohol City of Tagbilaran ARALING PANLIPUNAN 6 SUMMATIVE TEST A. Panuto: Tukuyin ang inilalarawan ng bawat pahayag. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. 1. Tanging pangulo ng Pilipinas na namuno nang higit sa isang termino. a. Diosdado Macapagal c. Ramon Magsaysay b. Elpidio Quirino d. Ferdinand Marcos 2. Sa araw na ito idineklara ni Marcos na ang buong Pilipinas ay nasa ilalim na ng Batas Militar. a. Setyembre 20, 1972 c. Setyembre 22, 1973 b. Setyembre 21, 1972 d. Setyembre 23, 1973 3. Ito ang isinagawang hakbang ni Marcos upang maiwasan ang nagbabantang panganib sa pamahalaan dahil sa mga paghihimagsik, rebelyon at karahasang nangyayari sa bansa. a. Coup d’etat c. batas military b. Pambansang kumbensiyon d. referendum 4. Siya ang nagtatag ng Communist Party of the Philippines (CPP) noong 1968. a. Nur Misuari c. Mao Tse Tung b. Jose Maria Sison d. Benigno Aquino Jr. 5. Ito ay samahang binubuo ng mga Muslim na nagnanais na magtatag ng hiwalay na pamahalaan sa Mindanao. a. NPA c. MNLF b. CPP d. NDF 6. Ito ang dahilan kung bakit isinagawa ng National Union of Students of the Philippines ang isang malaking rali noong Enero 26, 1970 sa harapan ng gusali ng Kongreso.
  • 11. a. Upang tutulan ang pag-aalis ng pribilehiyo para sa writ of habeas corpus b. Upang pabagsakin ang naghaharing Sistema ng pamamahala ni Marcos c. Upang hilingin sa pamahalaang magkaroon ng kumbensiyon para sa Saligang Batas. d. Upang ipaabot ang kanilang kahilingan hinggil sa sobrang pagtaas ng matrikula sa mga kolehiyo at Pamantasan. 7. Ito ang partidong nagtitipon noon sa Quiapo, Maynila nang mangyari ang pagbomba sa Plaza Miranda noong Agosto 21, 1971. a. Partido Nacionalista c. Kapisanan ng Bagong Lipunan b. Partido Liberal d. UNIDO 8. Sa pamamagitan ng proklamasyong ito ipinahayag ni Marcos ang pagsususpindi sa Karapatan o pribilehiyo sa writ of habeas corpus. a. Proklamasyon Blg. 889 c. Proklamasyon Blg. 2-A b. Proklamasyon Blg.1081 d. Proklamasyon Blg.8901 9. Ang pribilehiyong ito ang nangangalaga sa mamamayan upang hindi makulong nang hindi dumaraan sa tamang proseso ng paglilitis. a. Plebisito c. writ of habeas corpus b. Referendum d. subpoena 10. Ito ang mga uri ng batas na maaaring ipalabas ng pangulo, maliban sa a. Kautusang Pampanguluhan c. Kautusang Pangkalahatan b. Kautusang Pangkongreso d. Liham-Pagpapatupad TEST I - Isulat ang Oo kung ito ay dahilan o nagiging daan upang magwakas ang Batas Militar at isulat ang Hindi kung hindi ito nagiging dahilan. 11. Nagustuhan ng maraming mamamayan ang pagpapapatupad ng Batas Militar. 12. Nabigo ang media na hawak ni Marcos na takpan ang kahirapang naranasan ng mga tao . 13. Nagising ang mga tao sa masamang epekto na dala ng pagpapatupad ng Batas Militar. 14. Ang mga tauhan ni Marcos ay unti-unting lumisan sa kanyang grupo at pumanig na sa ordinaryong mamamayan. 15. Sa kabila ng pagtutol ng mga tao, nagpatuloy ang di makataong pag-aresto sa
  • 12. mga kritiko ng gobyerno kaya natuto na ring mag-alsa ang mamamayan laban sa pamahalaan. 16. Lumaganap ang paglabag sa karapatang pantao at iba pang pang-aabuso ng militar kaya nawala ang tiwala ng mga mamamayan sa ating pamahalaan. 17. Sumidhi ang damdamin ng mga kilusan tulad ng MNLF at NPA na lumaban sa mapaniil na pamahalaan. 18. Lahat ay mabuti at positibong epekto ang dulot ng pagpapatupad ng batas militar sa bansa. 19. Maituturing na isang demokratikong bansa ang pamahalaang pinairal ni Marcos noong panahon ng Batas Militar. 20. Nagsimula ng lumaban sa pamahalaan ang ilang sektor ng lipunan tulad ng makabayang mamamahayag na nagkaisang bumuo ng mga pahayagang magbabalita ng mga tunay na kalagayan ng bansa . TEST II - Lagyan ng √ (tsek) ang patlang kung ang pangungusap ay nakatutulong sa pagkamit ng demokrasya at X (ekis) kung hindi ito nakatutulong. _____21. Pinawalang-bisa ang Saligang Batas ng 1973 at pinalitan sa Saligang Batas ng 1987. _____22. Binuo ni Pang. Corazon Aquino ang ConCom para makatulong sa pagbuo ng bagong Saligang Batas ng bansa. _____23. Iniutos ni Pangulong Marcos ang pagsuspinde ng writ of habeas corpus. _____24. Pagpapalaya sa mga bilanggung pulitikal para sa pambansang rekonsilyasyon. _____25. Ang sinumang naging suspek ng isang krimen ay ikulong kaagad at hindi na kailangan ang paglilitis. _____26. Ang pagtatag ng Freedom Constitution ay naayon sa batas habang hindi pa tapos ang bagong Saligang Batas. _____27. Itinatag ang PCGG sa panahon ni Corazon Aquino upang mabawi ang nanakaw umanong yaman ng bansa. _____28. Ang writ of habeas corpus ay ipapatupad lamang sa mga malalaking krimen na nangyayari sa bansa. _____29. Ang bawat akusadong mamamayan ay may karapatang sumasailalim sa wastong proseso ng paglilitis. _____30. Ang mga hakbang na ginawa ni Pangulong Corazon Aquino ay mga paraan ng isang demokratikong pamahalaan.
  • 13. Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap at isulat sa sagutang papel ang T kung ito ay tama at M kung mali. 31.Kakaunti lamang ang mga suliraning kinahaharap ng bansa sa kasalukuyan. 32.Kayang-kaya na ng pamahalaang solusyunan ang mga problemang kinahaharap ng bansa kaya di na kailangang makialam ng mga mamamayan. 33.Ang pagkakaroon ng disiplina at pagmamalasakit para sa bansa ay malaking tulong sa bawat isa para sa kaunlaran ng bansa. 34.Dapat ugaliin ng mga Pilipinong isipin ang kapakanan ng bansa at kapwa kaysa pansariling interes lamang para na rin sa ikauunlad ng lahat. 35.Ang mga ahensiya ng pamahalaan ay hindi naging kapaki-pakinabang upang maitaguyod ang kaunlaran ng bansa. Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang wastong sagot na nasa loob ng kahon at isulat sa titik sagutang papel. A. Ipinagbabawal na gamot B. Populasyon C. Polusyon D. Problema sa kahirapan 36. Ito’y isang uri ng gawain na pinadudumi at sinisira ang lupa, tubig, hangin, bayan, at atmosphere gamit ang mga dilikado at nakasisirang sangkap o maling pamamaraan. 37. Ito’y may masamang dulot sa katawan ng tao at naging impluwensya dahil sa barkada o mga kaibigan. 38. Tumutukoy sa dami o bilang ng mga tao sa bansa. 39. Kaakibat ng suliraning ito ang maraming bilang ng mga Pilipinong walang hanapbuhay kaya’t dahil dito’y maraming kabataan ang hindi nakapag-aral. 40. Pagsama sa kurikulum ng mga aralin hinggil sa pagplano ng pamilya.