2. 1. Alin sa mga sumusunod ang malaki ang epekto sa kabuhayan ng
bansa?
A. Dumagsa ang produktong lokal sa pamilihan ng Pilipinas.
B . Inidolo ng mga Pilipino ang mga naggagandahang kasuotan ng
mga Koreano.
C. Naakit sa paggamit ng wikang Ingles sa pakikipag-usap sa mga
kapwa Pilipino.
D. Mahilig ang mga mayayamang Pilipino sa mga mamahaling
pagkaing galing sa ibang bansa.
3. 2. Sino sa kanila ang hindi nagpapakita ng kaisipang kolonyal?
A. Si Leni ay madalas bumili ng mga produktong galing
ibang bansa kapag siya ay nagpupunta sa mall.
B. Kumakain sa mg Korean restaurant ang barkada ni Allen sa
tuwing sila ay lalabas.
C. Mahilig magsuot si Marina ng mga magagarang damit
galing sa Amerika upang maging sikat sa mga kaibigan.
D. Nais bumili ni Diana ng murang sapatos na yari sa
Marikina dahil matibay ang gawa ng mga sapatero rito.
4. 3. Ano ang kahulugan ng kaisipang kolonyal?
A. Ugaling mahilig sa mga local na produkto ng mga
Pilipino at dayuhan.
B. Pagtangkilik sa kagustuhan ng mga Amerikano at iba
pang dayuhan.
C. Ang pag-uugali ng isang Pilipino na tumatangkilik sa
kultura ng banyaga o dayuhan.
D. Pagkahilig sa paglalakbay, pagkain ng mga dayuhan at
sariling bansa.
5. 4. Alin sa mga sumusunod ang naging dahilan ng ugaling isip
kolonyal sa mga Pilipino?
A. Matagal na sinakop ng mga Amerikano ang Pilipinas.
B. Ang mga Pilipino ay mas nasisiyahan at nagmamalaki
kapag ang biniling produkto ay galing sa ibang bansa.
C. Iniisip nila na mas matibay at may kalidad ang mga
gawang Amerikano.
D. Hinangaan ng mga Pilipino ang kultura ng dayuhan
dahil sa ito ay magara.
6. 5. Anong pangungusap ang nagsasaad ng katotohanan?
A. Mas maganda at matibay ang produktong Amerikano
kaysa local.
B. Nabago ang ating orihinal na kultura, tradisyon at
paniniwala dahil sa Kolonyalismo.
C. Umunlad nang husto ang ekonomiya ng Pilipinas dahil
sa mga poduktong dayuhan na dumagsa sa Pilipinas.
D. Hindi na aasa ang mga Pilipino ng mga produktong
galing sa sariling
7. 6. Ano ang kalagayang pangkabuhayan ng mga Pilipino
pagkatapos ng digmaan?
A. Dumami ang nawalan ng trabaho at nagtiis sa hirap at
gutom
B. Nawasak ang mga gusali at mga imprastraktura
C. Namatay at nasira ang mga sakahan at mga pananim
D. Lahat ng nabanggit ay tama
8. 7. Ano ang ginawa ng pamahalaan upang maibsan ang gutom
ng mga mamamayan?
A. Hinikayat ang mga mamamayan na magtanim sa
bakuran, mga bakanteng lote at pati mga parke ay
tinamnan.
B. Pinabayaan ang mga mamamayan na magutom at
mahirapan
C. Namigay sila ng voucher para sa relief goods
D. Naghanap sila ng donors para mamigay ng relief goods
9. 8. Ano ang itinayo ng pamahalaan upang magkaroon ng
maayos na pama mahagi o pagbebenta ng bigas?
A. Samahan ng mga Nagtitinda ng Bigas
B. Bigasang Bayan (BIBA)
C. Bigasan ni Aling Puring
D. Bigasan ni Lolo Domeng
10. 9. Bakit lubos na naghirap at nagtiis sa gutom ang mga
Pilipino pagkatapos ng digmaan?
A. Ang kanilang mga ari-arian,bahay at pananim ay nasira
sa naganap na digmaan.
B. Ang presyo ng mga pangunahing bilihin ay nagsitaasan.
C. Nagkaroon ng kakulangan sa suplay ng pagkain
D. Lahat ng mga nabanggit ay tama
11. 10. Dahil sa walang sapat na suplay ng pagkain, bumuo ang
pamahalaan ng ahensya para sa tamang pagrasyon ng
pagkain,ano ito?
A. Philippine Sweepstakes Office
B. Bureau of Food and Drugs
C. Philippine Commodities Distribution Control
D. Department of Social Welfare and Development
12. 11. Ano ang mararamdaman mo kung mayroong digmaan na
magaganap sa bansa?
A. Matutuwa dahil masasaksihan ang totoong labanan na
napapanood lang sa mga palabas.
B. Magtatalukbong at maiiyak sa takot
C. Malulungkot dahil sa maaaring masamang epekto nito sa
bansa.
D. Ang sagot sa titik B at C ay tama.
13. 12. Anu-ano sa iyong palagay ang maaaring idudulot ng
digmaan sa isang bansa?
A. Maraming buhay ang mawawala maging hayop man ito o
tao
B. Lahat ng mga imprastraktura,gusali at pamamahay ay
masisira
C. Marami ang magugutom
D. Lahat ng nabanggit ay tama
14. 13. Bilang mag-aaral,ano ang gagawin mo kung ang inyong
lugar ay salat na sa pagkain dahil sa naganap na digmaan?
A. Ako ay mamamalimos na lang sa lansangan
B. Ako ay magtatanim ng mga gulay sa aming bakuran
C. Ako ay hihingi ng tulong sa aming mga kapitbahay
D. Ako ay uupo na lang at maghihintay kung kalian
darating ang tulong.
15. 14. Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay nahinto sa pag-aaral
dahil winasak ng digmaan ang inyong silid-aralan?
A. Maglalaro nalang ako ng mobile legend.
B. Maghahanap ako ng libangan sa aming mga kapitbahay.
C. Mag-aaral pa rin ako ng aking mga aralin at magpatulong
sa mga magulang kung may hindi nauunawaan.
D. Maghahamon ako ng karera sa aking mga kalaro.
16. 15. Sa ating panahon ngayon,tayo ay nakikipaglaban sa hindi
natin nakiki tang kalaban,ang corona virus, bilang isang
bata,ano ang iyong maaaring gawin upang malabanan ang
sakit na ito?
A. Panatilihin kong malinis ang kapaligiran at ang aking
katawan
B. Ako ay palaging gagamit ng facemask at maglalagay ng
alcohol
C. Hindi ako lalabas ng bahay kung hindi naman kailangan.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
17. 16. Anong mabisang sistema ang ginamit ng mga Amerikano
na higit naka-apekto sa kaisipan - kolonyal ng mga Pilipino?
A. sistema ng edukasyon
B. pamamaraan ng pananmit
C. sitema ng pakikipaglaban
D. pamamaraan sa pagkaing banyaga
18. 17. Paano ipinakikita ng mga Amerikano sa mga Pilipino na
higit silang nakalalamang sa ibang bansa?
A. Magaling silang magsalita ng Ingles.
B. Ipinakikita nila ang mga bagong tuklas na bagay o
teknolohiya.
C. Mahusay silang mag-aral ng Heograpiya.
D. Ipinakikita nila na mataas at matangkad sila.
19. 18. Alin ang nagpabago ng pagkunsumo ng mga Pilipino sa
mga bagay –bagay?
A. Ang pakikitungo nila sa mga banyaga.
B. Ang pagtuturo ng mga gurong Thomasites.
C. Ang pagmememorya ng mga banyagang salita.
D. Ang pagbili ng abot-kayang mga PX goods at duty-free
products.
20. 19. Bakit ginamit ang Ingles bilang pangunahing wika sa
sistemang edukasyon?
A. Ginamit ang wikang Ingles upang paghiwalayin ang
Pilipino sa kaugaliang tradisyunal.
B. Ginamit ang wikang Inles upang maging angat ang
Pilipno sa ibang bansa.
C. Ginamit ang wikang Ingles upang makarating tayo sa
bansang Amerika.
D. Ginamit ang wikang Ingles upang makipag –usap sa
mga Amerikano.
21. 20. Naka-apekto ang kaisipang kolonyal sa pamumuhay ng
mga Pilipino ng masakop ng mga Kastila at Amerikano,sa
anong pamamaraan nagkakahalintulad ang dalawang
mananakop?
A. Sa pamamaraang pakikitungo
B. Sa pamamaraang panrelihiyon
C. Sa pamamaraang pakikipagdigmaan
D. Titik A at titik B