Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
1C Ang Kuwentong Makabanghay.pptx
1.
2. Ang isang kuwentong nagbibigay-diin sa
banghay o maayos na daloy ng mga
pangyayari ay tinatawag na isang kuwentong
makabanghay.
Ang banghay ay ang maayos o masinop na
daloy ng magkakaugnay na pangyayari sa mga
akdang tuluyan tulad ng maikling kuwento,
anekdota, mito, alamat at nobela.
3. Ang mga akda ay makapag-iiwan
lamang ng kakintalan sa isipan ng mga
mambabasa kung may mangyayari at
kung masasagot ang mga katanungang
tulad ng sumusunod:
Ano ang nangyari?
Bakit iyon nangyari?
Ano ang naging wakas?
4. Mula sa banghay ay makabubuo ng
balangkas kung saan makikita ang
pagkakaugnay-ugnay at mabilis na galaw
ng mga pangyayari. Narito ang
karaniwang balangkas ng mga akdang
pasalaysay tulad ng maikling kuwento:
5. Panimulang Pangyayari: Pagpapakilala ng tauhan,
tagpuan at suliraning kakaharapin.
Papataas na Pangyayari: Sa bahaging ito nag-
kakaroon ng pagtatangkang malutas ang sulira-
ning magpapasidhi sa interes o kapanabikan.
Kasukdulan: Pinakamasidhing bahagi
kung saan haharapin ng pangunahing
tauhan ang kanyang suliranin.
Pababang Pangyayari: Matatamo ng
pangunahing tauhan ang layunin.
Resolusyon: Magkakaroon ang
kuwento ng isang makabuluhang
wakas.