2. 2
Add a Footer 2
Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikan na
nagsasalaysay ng pangyayari sa buhay ng mga piling tauhan. Ito ay
likhang isip lamang na nabubuo batay sa sariling karanasan na
posibling mag-iiwan ng aral o matinding damdamin sa mga
mambabasa.
Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung
ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang
pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si
Deogracias A. Rosario ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento".
Tinawag rin itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at
ginagawa itong libangan ng mga sundalo.
3. 3
Add a Footer 3
Kayarian:
Bilang isang akdang pampanitikan,
maaaring magsalaysay ng tuluy-tuloy ang
maikling kuwento ng isang pangyayari
hango sa tunay na buhay; may isa o ilang
tauhan lamang, sumasaklaw sa maikling
panahon, may isang kasukdulan, at nag-
iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip
ng mambabasa.
4. 4
Add a Footer 4
Mga Elemento:
•Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan
ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang
pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng
kuwento.
•Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng
panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
•Suliranin- Problemang haharapin ng
tauhan.
•Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa
tao, tao laban sa sarili, tao laban
sa lipunan, tao laban sa kapaligiran
o kalikasan.
5. 5
Add a Footer 5
•Kasukdulan- Makakamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
•Kakalasan- Tulay sa wakas.
•Wakas- Ito ang resolusyon o ang
kahihinatnan ng kuwento.
•Tagpuan- nakasaad ang lugar na
pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga
insidente, gayundin ang panahon kung
kailan naganap ang kuwento.
6. 6
Add a Footer 6
•Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng
maikling kuwento.
•Kaisipan- mensahe ng kuwento.
•Banghay- pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari sa kwento
7. 7
Add a Footer 7
Mga bahagi:
Ito ang mga bahagi at ng sangkap ng
isang maikling kuwento:
1. Simula - Bahagi ng suliranin ang
siyang kababasahan ng problemang
haharapin ng pangunahing tauhan.
Napapasama rin dito ang
pagpapakilala ng ilan sa mga tauhan
at ng tagpuan.
8. 8
Add a Footer 8
2. Gitna - Binubuo ang gitna ng saglit na
kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan.
kasiglahan - naglalahad ng panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin.
tunggalian - ang bahaging kababasahan
ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng
pangunahing tauhan laban sa mga suliraning
kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa,
o sa kalikasan.
kasukdulan - pinakamadulang bahagi
kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan
ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
9. 9
Add a Footer 9
3. Wakas - Binubuo ang wakas ng
kakalasan at katapusan.
a. kakalasan - ang bahaging
nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng
takbo ng kuwento mula sa maigting na
pangyayari sa kasukdulan.
b. katapusan - ang bahaging
kababasahan ng magiging resolusyon ng
kuwento. Maaring masaya o malungkot,
pagkatalo o pagkapanalo.
10. 10
Add a Footer 10
Gayunpaman, may mga kuwento
na hindi laging winawakasan sa
pamamagitan ng dalawang huling
nabanggit na mga sangkap.
Kung minsan, hinahayaan ng
may-akda na mabitin ang wakas ng
kuwento para bayaang ang mambabasa
ang humatol o magpasya kung ano, sa
palagay nito, ang maaring kahinatnan
ng kuwento.