1. “SA MAY TOPAK DYAN” By: silentlyHURT_07 Itong tula ay alay lamang sa my topak dyan, Na sa puso ko sya lamang ang nilalaman. Isang babaing kakaiba sa karamihan, Pag-ibig kong inaalay sana’y iyong maramdaman. Ngunit paano ko maipababatid sa iyo, Ang lahat ng nilalaman ng puso ko kong ito. Hangarin ko ay hindi ang manloko, Nais ko lamang ay ang pag-ibig mo. Kapag nakikita ka gagawin ay di malaman, Aking pakiramdam ay lumulutang sa kalawakan. Sa tuwing ang iyong ngiti ay nasisilayan, Pag-ibig ko sayo lalong nadaragdagan. Ikaw may natatawa sa aking pahiwatig, Ngunit ang alay kong pag-ibig ay di mo parin dinidinig. Anu ba ang nais mo na aking gawin, Upang ang matamis mong “OO” ay tuluyan ng mapasakin. Hindi mo ba alam na ang kabaduyan, Ay pagsisiwalat ng katotohanan. Mga sinasabi ko ay walang pag-aalinlangan, Dahil nais kong lahat ng ito ay iyong malaman. Itong tula ay hindi trip, Dahil nagmula ito sa aking puso at isip. At kahit na sa kakaisip sa kanya ako’y napupuyat, Basta’t sa puso ko si “TOPAK” lang ang nakasulat.