2. I
Salamat sa iyo, O nanasang
irog
kung halagahan mo itong
aking pagod,
ang tula ma’y bukal ng bait na
kapos,
pakikinabangan ng ibig
tumarok.
3. II
Kung sa biglang tingi’y bobot
at masaklap
palibhasa’y hilaw at mura ang
balat,
ngunit kung namnamin ang sa
lamang lasap
masasarapan din ang
babasang pantas.
4. III
Di ko hinihinging pakamahalin
mo,
tawana’t dustain ang abang
tula ko;
gawin ang ibigi’t alba’y nasa
iyo,
ay huwag mo lamang baguhin
ang berso.
5. IV
Kung sa pagbasa mo’y may
tulang Malabo,
bago mo hatulang katkatin at
liko,
pasuriin muna ang luwasa’t
hulo
at makikilalang malinaw at
wasto.
6. V
Ang may tandang letra
alinmang talata
di mo mawatasa’t malalim na
wika,
ang mata’y itingin sa dakong
ibaba
buong kahuluga’y mapag-
uunawa.
7. VI
Hanggang dito ako O
nanasang pantas
sa kay Sigesmundo’y huwag
ding matulad,
sa gayong katamis wikang
masasarap
ay sa kababago ng tula’y
umalat.