2. Si Jose Corazon de Jesus, o mas kilala sa sagisag na Huseng
Batute, ay isang Pilipinong makata, na sumusulat sa wikang
Filipino upang ipahayag ang kanyang pagnanais ng
kalayaan mula sa pananakop ng mga Amerikano.
Tinaguriang “Hari ng Balagtasan,” kilala si Huseng Batute sa
kaniyang tula na pinamagatang “Bayan Ko.”
Ipinanganak noong Nobyembre 22,1896, isinilang si De
Jesus kasabay ang panahon ng pananakop ng mga
Amerikano. Sa kaniyang kabataan ay nakapagtapos
siya ng pag-aaral para maging mambabatas,
3. Our History
Where to
find us
Our Dearest
Customers
ngunit hindi niya ito ipinagpatuloy sa pag-aabogado sapagkat mas
pinili niyang maging manunulat sa isang pahayagang nagngangalang
Taliba, dito niya ginamit ang kaniyang sagisag-panulat na Huseng
Batute. Binigyan niya ng lakas ang literatura sapagkat ito’y ginamit niya
para sa bayan. Nagsulat siya ng maraming satirikal na akda at dito ay
pinuna niya ang mga nangyayari sa lipunan at ipinahiwatig ang
kaniyang labis na paghahangad ng kalayaan mula sa mga Amerikano.
Halos 4,000 na tula ang kaniyang isinulat para sa Taliba at 800 naman
para sa kaniyang kolum sa diyaryong Ang Lagot na Bagting.
4. Marami siyang ginamit na panagisag tulad ng Pusong Hapis, Paruparo,
Pepito Matimtiman, Mahirap, Dahong Kusa, Paruparong Luksa, Amado
Viterbi, Elias, at Anastacio Salagubang, ngunit sa lahat ng ito, ang
pinakasumikat ay ang Huseng Batute. Ilan sa mga akda niya ay “Ang
Manok Kong Bulik,” “Barong Tagalog,” “Ang Pagbabalik,” “Ang Pamana,” at
“Isang Punongkahoy,” at ang mga tulang tulad ng “Bayan Ko” na ngayon
ay kinikilala bilang unofficial na pambansang awit ng Pilipinas.
Siya’y pumanaw noong Mayo 26, 1932, sa murang edad na 36 dahil sa
sakit na ulser. Iprinreserba ang kaniyang puso bago ilibing kasama ng
kaniyang ina. Nang lumipas ang panahon, inilipat ito para masama muli
sa kaniyang katawan.
5. Isang Punongkahoy
Ni: Jose Corazon de Jesus
I.
Kung tatanawin mo sa malayong pook, Ako'y tila isang nakadipang krus; Sa napakatagal
na pagkakaluhod, Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
II.
Organong sa loob ng isang simbahan Ay nananalangin sa kapighatian, Habang ang
kandila ng sariling buhay, Magdamag na tanod sa aking libingan...
III.
Sa aking paanan ay may isang batis, Maghapo't magdamag na nagtutumangis; Sa mga
sanga ko ay nangakasabit Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
IV.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan, asa mo ri'y agos ng luhang nunukal; at tsaka buwang
tila nagdarasal. Ako’y binabati ng ngiting malamlam.
6. V.
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy; Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,
Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.
VI.
Ngunit tingnan niyo ang aking narating, Natuyo, namatay sa sariling aliw; Naging
krus ako ng magsuyong laing At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.
VII.
Wala na, ang gabi ay lambong na luksa, Panakip sa aking namumutlang mukha;
kahoy na nabuwal sa pagkakahiga, Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!
VIII.
At iyong isipin nang nagdaang araw, isang kahoy akong malago't malabay;
ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan, dahon ko'y ginawang korona sa hukay.
7. Ang Pamana
Ni: Jose Corazon de Jesus
I.
Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw Naglilinis ng marumi’t mga lumang
kasangkapan. Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan Nabakas ko ang
maraming taon niyang kahirapan; Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay At ang
sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay, Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan, Mga
silya’t aparador ay kay Tikong nababagay Sa ganyan ko hinahati itong ating munting
yaman.”
II.
Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha Tinangka kong magpatawa upang
siya ay matuwa, Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha Naisip ko ang ina ko,
ang ina ko na kawawa; Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at sa halip na
magalak sa pamanang mapapala, Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay
winika.
8. III.
”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin at huwag nang Makita pang ika’y
Nalulungkot mandin, O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin Ang lahat ng munting
yamang maiiwan sa amin?” ”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala
Mabuti nang malaman mo ang habilin? Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming
Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”
IV.
“Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan Ang lahat ng yaman dito ay hindi
ko kailangan Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang Hinihiling ko sa Diyos na ang
pamana ko’y ikaw Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay At hindi ko matutugtog
sa tabi ng iyong hukay? Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman Pagkat di ka maaaring
pantayan ng daigdigan Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”
9. Ang Manok Kong Bulik
ni Jose Corazon de Jesus
Linggo ng umaga. Ang nayo'y tahimik,
ang maraming dampa'y naro't nakapinid
liban na sa ibong maagang umawit
ay wala ka man lang marinig sa bukid...
Di-kaginsaginsa'y aking naulinig
ang pagtitilaok ng manok kong bulik,
ako'y napabangon at aking naisip:
Pintakasi ngayon! May sabong sa Pasig!
Gadali pa halos ang taas ng Araw
sa likod ng gintong bundok ng Silangan
ay kinuha ko na sa kanyang kulungan
ang manok kong bulik na sadyang panlaban...
10. Kay-kisig na bulik! At aking hinusay
bawa't balahibong nasira ang hanay,
ang palong ay aking hinimas ng laway,
binughan ng aso nang upang tumapang!
Muling nagtilaok nang napakahaba
at saka gumiri nang lalong magara,
kumkukutok-kutok pa't kumahig sa lupa,
napalatak ako nang hindi kawasa...
Ang aking puhunang sampung piso yata'y
nabilang ko tuloy sa malaking tuwa!
"Sampung pisong husto" ang aking nawika!
"kapagka nanalo'y doble na mamaya!"
Nang aalis ako't handa nang talaga,
siyang pagkagising ng aking asawa;
sinabi sa aking iwanan ko siya
ng maipamaryang dalawang piseta,
ang sagot ko nama'y mangutang ka muna't
sa pagbabalik ko ay babayaran ta...
11. Nguni, di pumayag, ako'y lumayas na't
baka ang baom ko ay makulangan pa!
Sumakay sa tram'ya na patungong Pasig,
na taglay ang tuwang walang kahulilip!
Hinhimas-himas ang manok kong bulik
at inaantig ko ang lakas ng bagwis!
Nang ako'y dumating sa Pasig kong nais
di naman nalaon ay aking sinapit
ang lumang sabungan; tao'y nagsisikip!
Nakiupo ako't nakikiumpuk-umpok
sa hany ng mga taong tanga'y manok,
ang aking katabi'y agad kong hinimok
na kami'y nagkahig upang magkasubok;
nagkayari kaming sa labang susunod,
mga manok nami'y siyang magsasalpok,
kaya ako noon sa tuwa ng loob
ang panalo'y tila salat ko na halos!
12. Nang kami'y naron na sa sadyang bitawan,
ang sigawa'y halos hindi magkamayaw!
Ang dala kong kuwalta, todo sa pustaha't
pati kusing yata'y ipinag-ubusan...
"Sa pula! Sa pula!" ang doo'y hiyawan;
"Sa bulik! Sa bulik!" ang dito'y tawagin,
may logro ang diyes sa aking kalaban
at may doblado pa akong napakinggan.
Ang tari ay aming hinubdan ng katad
at ang talim nito'y kumisap na kagyat;
iniaro ko na ang manok kong hawak
saka ibinaba nang lubhang banayad...
nagpandali na po sa gitna ng galak
ang bulik at pulang kapwa malakas,
nang magkasalpok na sa dakong itaas
ang pula'y natari't bituka'y lumabas!
13. "Panalo na ako!" ang aking nasambit,
ang kagalakan ko'y walang kahulilip
nguni't sa hindi ko malaman kung bakit
ay biglang tumakbo ang manok kong bulik
at hagad bg pula'y sa sulok sumiksik
na nangungupeteng sa karuwaga'y labis...
Kaya, sa nangyari ako ay nanlamig
at pinagpusan pa ng gamunggong pawis...
Nang aking kunin na ang manok kong duwag,
ngalingali ko nang sa lupa'y ihampas,
biro baga itong wala namang sugat
ay siyang tumakbo nang wala sa oras!
Ang sambalilo ko'y nalabnot ko't sukat
at ako'y nanggigil sa sariling palad,
hiyawan ng tao'y hindi magkamulat
14. at parang tiyupe ang manok kong hawak!
At ako'y umuwing malatang-malata,
malamig ang tulo ng pawis sa mukha,
nang aking sapitin ang sira kong dampa
sa aming palayok tutong man ay wala...
Mainit ang ulo't walang patumangga
sa aking asawa'y nasabi kong bigla;
"O! anak ang tupa! ako ay sinama,
dahil sa kanina'y namuwisit kang lubha!"
Sa nangyayaring ito'y isang bagay lamang
ang sa pagkatalo'y aking natutuhan,
bawa't pagkabigo ay aral sa buhay
at tinandaan kong sabong ay ilagan,
iyang mga taong lagi sa sabungan
15. todo kung pumusta't todo kung humapay,
alin sa dalawa ang kahihinatnan:
Mamatay sa gutom o kaya'y magnakaw!
Bayan Ko
ni José Corazón de Jesús
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.
16. Ibon mang may layang lumipad
kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya.