2. Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Geline T. Fajardo
Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag, PhD
Mary Jane P. Soriano / Ma. Leonora B. Cruz
Tagasuri ng Wika: Nenita J. Barro / Ma. Leonora B. Cruz
Diosdado S. Mateo / Erfe Donna A. Aspiras
Edelwiza L. Cadag
Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat: Jonathan Paranada / Ryan Corpuz Pastor
Tagaguhit: Joey-Rey D. Magracia
Tagalapat: Phoebe Marie B. Santarromana
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, EdD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, PhD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Dominador M. Cabrera, PhD
Edward C. Jimenez, PhD
Ma. Leonora B. Cruz
4. ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa
Panahong Prehistoriko!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
5. iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa
Panahong Prehistoriko!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.
Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
6. iv
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
7. 1
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa upang makatulong na higit mong maunawaan
ang aralin tungkol sa yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehestoriko.
Pagtutuonan ng pansin sa ating pag-aaral sa modyul na ito ang mga mahahalagang
bagay o datos sa pinagmulan ng sinaunang tao, kalagayang heograpikal,
pamumuhay, at yugto ng pag-unlad o ebolusyong kultural.
Ang modyul na ito ay nahahati sa mga sumusunod na paksang talakayan:
Talakayan 1 – Kondisyong Heograpikal sa Panahon ng mga Unang Tao
sa Daigdig
Talakayan 2 – Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao sa Daigdig
Talakayan 3 – Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko
Pagkatapos na mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang
a. nakapagsusuri ng kondisyong heograpikal sa panahon ng mga unang tao
sa daigdig;
b. nakapagpaliliwanag ng uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig;
at
c. nakapagsusuri ng yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong
prehistoriko.
8. 2
Subukin
Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.
1. Anong yugto ng kasaysayan kung saan ang mga tao ay gumamit ng mga
tinipak at magaspang na mga kagamitan at sandata?
A. Panahong Paleolitiko C. Panahong Mesolitiko
B. Panahong Neolitiko D. Panahong Metal
2. Ano ang pinaniniwalaang nabuo sa pamamagitan ng pagtama ng kidlat sa
isang punong kahoy?
A. abo C. uling
B. usok D. apoy
3. Ano-anong panahon nahahati ang Cenozoic?
A. Pleistocene at Holocene C. Tertiary at Quartenary
B. Vendian at Cambrian D. Jurassic at Cretaceous
4. Alin sa mga sumusunod ang patunay na ang mga Homo habilis ay bihasa sa
gawaing ito?
A. nakagagawa ng mga kasangkapang yari sa bato
B. natutong gumawa ng apoy
C. may mga kaalaman sa pagpinta
D. may kaalaman sa pagluluto
5. Ano ang mga unang anyo ng buhay ayon sa mga eksperto?
A. selyula C. rhinoceros
B. homo D. reptilya
6. Ano ang specie na nahukay ni Donald Johanson noong 1974 na tinatayang
nasa 3-5 milyong taon na ang mga labi nito?
A. Australopithecus Afarensis C. Australopithecus Aprikanus
B. Australopithecus Robustus D. Ramapithecus
7. Anong yugto sa Panahon ng Bato nagkaroon ng konsepto ng permanenteng
tirahan?
A. Mesolitiko C. Neolitiko
B. Paleolitiko D. copper
8. Ano ang panahon sa kasaysayan ng tao kung saan nagkaroon ng
modipikasyon sa bato sa pamamagitan ng pagkinis nito?
A. Panahong Paleolitiko C. Panahong Mesolitiko
B. Panahong Neolitiko D. Panahong Metal
9. Malaki ang inunlad ng taong Neanderthal sa mga unang nahukay, malaki ang
kanyang bungo at siya ay may kaliitan lamang ang sukat. Saan natagpuan
ang kanyang labi?
A. France C. Indonesia
B. Germany D. Pilipinas
9. 3
10. Ano ang tinuturing na panahon ng transisyon sa paglinang ng kaalaman ng
tao, lalo na sa paggawa ng kagamitan?
A. Panahong Paleolitiko C. Panahong Mesolitiko
B. Panahong Neolitiko D. Panahong Metal
11. Ano ang isa sa mga Homo Species na tinatawag na mga taong nag-iisip?
A. Homo Erectus C. Homo Sapiens
B. Homo Habilis D. Homo Afarensis
12. Bakit ang Homo Sapiens ang pinakamaunlad sa sinaunang tao?
A. malaki ang sukat ng kanilang bungo
B. naitala na ang kanilang mga nagawa
C. may mga armas at guhit-kamay ang mga kuweba na tinitirhan nila
D. maraming labi ng ganitong uri ang nahukay
13.Ano ang Homo Specie na tinatayang ang sukat ng utak ay nasa 1000 cc o 2/3
katumbas ng laki ng utak ng modernong tao?
A. Homo Erectus C. Homo Sapiens
B. Homo Habilis D. Homo Afarensis
14. Ano ang kahulugan ng salitang “homo”?
A. bato C. tao
B. hayop D. ibon
15.Alin sa mga sumusunod ang gawain ng mga sinaunang tao sa Panahon ng
Neolitiko?
A. mangaso at mangisda
B. nagpalipat-lipat ng tirahan para may makain
C. gumawa ng mga bagay na makinis mula sa putik tulad ng brick
D. gumawa ng mga kasangkapan na yari sa bato
10. 4
Aralin
1
Yugto ng Pag-unlad ng Kultura
sa Panahong Prehistoriko
Natatangi sa daigdig ang pagkakaroon ng buhay. Kung isang malaking
katanungan ang pinagmulan ng daigdig, ay isa ring malaking katanungan kung saan
nagmula ang tao. Sa modyul na ito ay inaasahang matutuhan mo ang mahahalagang
konsepto patungkol sa sinaunang tao, kondisyong heograpikal, pamumuhay, at
yugto ng pag-unlad. Halina’t paluguin pa ang iyong mga nalalaman.
Balikan
Ang heograpiyang pantao ay ang nagbigay liwanag kung bakit kumikilos ang
mga tao sa isang lugar tulad ng ginagawa nila sa kanilang buhay.
• Paano nakatulong ang pagkakakilanlan ng rehiyon sa paghubog ng
sinaunang tao?
Tukuyin ang mga ipinakikita ng larawan bilang pangunahing bumubuo ng
kultural na heograpiya. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
W ____ ____ A
R ___ ___ I ___ I ___ ___ N
L ____ ____ ____
11. 5
Tuklasin
Ipagpalagay na ikaw ay nabuhay noong sinaunang panahon sa Daigdig. Ano-
anong bagay ang iyong dadalhin upang makatulong sa iyong pang-araw-araw na
pamumuhay. Iguhit sa kahon at pangalanan. Ilagay sa sagutang papel ang iyong
sagot.
Mga Tala para sa Guro
Mahalagang malaman ang mga teorya na pinagmulan ng
tao ayon sa mga eksperto o pangkat ng mga eksperto. Ang
panunuod ng video ukol dito ay makatutulong sa mas malalim na
pag-ntindi at mailarawan sa isip ang kaganapan noon at itsura ng
mga sinaunang tao. Gayundin ang pagsuring mabuti sa mga
teksto upang mas maintindihan ang yugto ng pag-unlad ng mga
sinaunang tao sa panahon ng prehistoriko.
12. 6
Suriin
Heograpikal na Kalagayan sa Panahon ng mga Unang Tao sa Daigdig
Milyong taon na ang nagdaan ang mga unang buhay sa Daigdig ay lumitaw.
Ang mga unang anyo ng buhay ay mga organismong binubuo ng iisang selyula (cell).
Ito ay ayon sa mga eksperto. Naging kompleks ang mga halamang tubig at hayop
dagat. Sinasabing gumapang ang mga sinaunang hayop patungong dalampasigan
dahil kinakailangang umangkop sa kanilang bagong kapaligiran pagkaraan ng
milyon-milyong taon. Para makalakad, nagkaroon sila ng paa at baga upang
huminga. Ito ang pagbabago ng kanilang anyo
Ang mga reptilya ay ituturing na mga unang
hayop kaya naman tinawag ang panahong ito na
Panahon ng mga Reptilya. Matigas na kaliskis o
butong tumatakip sa katawan tulad ng buwaya,
pagong, at butiki ang taglay nitong mga katangian.
Ang pinakamalaki sa mga reptilya ay ang Dinosaur.
Ngunit sa pagdaan ng panahon, kagulat-gulat ang
pagkawala nito. Ang pagkatuyo ng katihan ayon sa
siyentista ang dahilan ng pagkamatay ng kanilang
halamang pagkain. Ang mga unang anyo ng mammal
at iba’t ibang uri ng ibon ay nabuhay at sila naman
ang naninirahan sa daigdig nang lumabas ang mga
unang tao.
Ang Cenozoic ay nagsimula mga 63 milyong taon na ang nakararaan. Sa
panahon na ito nabuo ang mga tao, hanggang ngayon sa kasalukuyan ito pa
rin ang umiiral. Nahahati sa dalawang panahon ang Cenozoic: ang Tertiary at
Quartenary. Hinati sa limang epoka ang Tertiary: Paleocene, Eocene, Oligocene,
Miocene, Pliocene. Ang mga bakulaw ay naglipana sa panahon ng Eocene.
Gayundin, ang mga maliliit na reptilya, paniki, kamelyo, at pusa, kabayo,
rhinoceros, at mga balyena. Nabuhay naman ang mga bakulaw na tinawag na
proconsul mga 18 milyong taon na ang nakararaan. Hindi ito lumalakad nang
patayo. Maaaring ito ang pinagmulan ng malalaking bakulaw kasama ng mga
tao, hinala ng mga siyentipiko. Hinati sa dalawang panahon ang Quartenary.
Ang Pleistocene at Holocene. Nagkaroon ng makabagong tao sa panahon ng
Pleistocene. Ang mga malalaking hayop tulad ng mammoth, mabalahibong
Rhinoceros, at iba pa ay dumami ngunit namatay rin ang mga ito sa katapusan
ng epoka. Natutong mangaso at magpaamo ng hayop ang mga tao, nagsimula
ng agrikultura, gumamit ng metal, karbon, langis, gas at iba pang likas na
yaman ang tao, lakas ng hangin at tubig sa panahon ng Holocene.
13. 7
Sa panahon ng yelo, unang lumitaw ang unang anyo ng tao. Sa iba’t ibang
bahagi ng mundo partikular na sa Africa, Asia, at Europe. Nagkaisa sila sa teorya
na hindi iisang lugar ang pinagmulan ng unang tao. Ang unang kasangkapang
ginamit ng mga sinaunang tao ay napag-alaman na bato o yari sa bato sa pagkuha
ng pagkain at pang-depensa sa sarili.
Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao sa Daigdig
Nakita ang mga ninuno ng tao may 2.5 milyong taon na ang nakalilipas batay
sa makaagham na pag-aaral ng pinagmulan ng tao. Sila ang mga Homo species (homo
na nangangahulugang tao). Ang mga ito ang nagtagumpay na makiayon sa kanilang
kapaligiran at nagawang harapin ang mga hamon ng sitwasyon noong sinaunang
panahon.
Ramapithecus
Natagpuan sa Europe, Asia, at Africa. Tinatayang may gulang na 14 hanggang
12 milyon na ito nang mahukay. Hinihinalang nginunguya niya ang kanyang
pagkain tulad ng kasalukuyang tao.
Australopithecus africanus
Malapit ang kanyang pagkakahawig sa tao. Natagpuan ni Raymond Dart ang
mga labi noong 1924. Sa South Africa ito natagpuan.
Australopithecus robustus
Ang mag-asawang Louis at Mary Leakey ng Great Britain ang nakatagpo sa
mga labi noong 1959. May matipunong pangangatawan, may mahabang noo,
mahabang mukha, at maliit na panga. Sa Oduvai Gorge, Tanzania ang lugar kung
saan ito natagpuan.
Hominid
Ang species na ito ay
ipinalalagay na ninuno ng mga Homo
sapiens o ng kasalukuyang uri ng tao.
Nagpapahiwatig na may kawangis ang
tao na nabuhay mga apat na milyong
taon na ang nakaraan ang mga
sinaunang kalansay. Tinawag nila
itong “hominid” na ang kahulugan ay
“hayop”.
Early Homo
A. Afarensis
H. Erectus
A. Africanus
Ang mga Hominid
H. Sapiens
Dinosaur
Extinction
Age of
Animals
Primates
Grass
Modern Earth
Apes
Stone Age
Homo Sapiens
Cities
CENOIC ERA
14. 8
Australopithecus afarensis (Lucy)
Ito ay nahukay ni Donald Johanson ang kalansay noong 1974. Tinatayang
may 3-5 milyong taon na ang mga labi nito. Natagpuan ito sa Afar, Ethiopia.
Homo Habilis
Pinaniniwalaang nakagagawa ng kasangkapang
yari sa magagaspang na bato ang unang ginamit ng
isang pangkat ng nilikha na may pagkakahawig sa tao.
Homo Erectus
Tinatayang pinakadirektang
ninuno ng uri ng Homo Sapiens.
Ang mga katangian nito ay
nahahawig sa tao. Nakalalakad ito
nang tuwid, nakagagawa ng gamit
yari sa bato, marunong gumamit
ng apoy, mangaso, at mangisda.
Nabuhay ang mga ito may 500,00
taon na ang nakalipas. Sa Asia,
Africa, at Europe ay may
natagpuan na mga labi ng Homo
Erectus.
Ang mga Uri ng Homo erectus
Taong Java
(Pithecanthropus erectus)
Isang doktor at antropologong
Olandes sa Trinil, Java sa Indonesia
na si Eugene Dubois ang nakatagpo
sa labi na may taas na 1.5 metro.
Ipinagpapalagay na nakapaglalakad
ito nang tuwid, at may uak na halos
kasinglaki sa kasalukuyang tao.
Taong Peking
(Sinanthropus Pekinesis)
Noong 1929 sa Choukoutien,
China, natuklasan ng isang pangkat
ng mga arkeologong Tsino ang bungo
ng Taong Peking. May taas na
humigit kumulang sa limang
talampakan at nakalalakad nang
tuwid. May utak na hawig sa
kasalukuyang tao.
Homo Habilis
Homo Erectus
15. 9
Ayon sa mga eksperto, nasa Lambak ng Cagayan ang tinatayang
pinakamatandang ebidensiya ng tao sa Pilipinas. Ito ay mga teorya ukol sa
pinagmulan ng tao sa Pilipinas batay sa pananaliksik ng mga siyentipiko,
antropologo, at mananalaysay. Ngunit wala pang natutuklasang labi o kalansay ng
mga nasabing tao. Ang mga kagamitang yari sa bato at mga labi ng hayop katulad
na lamang ng mga elepante, stegodon, rhinoceros, buwaya, at malaking pawikan ang
nahukay lamang sa Cagayan.
Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko
Nakapaloob sa panahong prehistoriko ang mga pangyayari bago nakatagpo
ng mga tala sa kasaysayan o hindi pa nasusulat ang kasaysayan at panahong
historiko naman ang mga pangyayaring naganap matapos magkaroon nang sistema
ng pagsusulat. Dumaan sa iba’t ibang yugto ng pagbabago ang kultura ng tao. Ang
mga kasangkapan ng iba’t ibang lugar sa iba’t ibang panahon ang patunay nito. Ang
kalinangan, paniniwala, at pag-uugali ng isang pangkat ng mga tao ay tinawag na
kultura. Tinawag na Panahon ng Bato at Panahon ng Metal ang paghahati sa
dalawang panahon. Ito ang yugto ng pagbabago ng kultura noong panahon ng
prehistoriko o panahon na wala pang nakasulat sa kasaysayan..
Homo Sapiens
Sa mga pag-aaral na isinagawa, natuklasan na
mataas na antas ng pag-iisip ng mga Homo Sapiens.
Kasama ang kanilang pamilya, namuhay sila sa mga
kuweba. Naglilibing ng patay at nakagagawa ng mga
simpleng kasangkapan. Maipagmamalaki rin ng
pangkat ang kanilang primitibong sining at relihiyon.
Batay sa nahukay na labi, ang pangkat na ito ay
mayroong malaking utak, maliliit na ngipin, malaking
binti, at higit na nakatatayo nang tuwid kaysa ibang
pangkat ng tao.
16. 10
Panahong Paleolitiko
(dakong 2,500,000 – 10,000 B.C.E)
• Tinatawag ding “Panahon ng
Lumang Bato”
• (Old Stone Age)
• Nagmula ang Paleolitiko sa mga
katagang paleos o matanda at
lithos o bato
• Pinakamahabang yugto sa
kasaysayan ng sangkatauhan
• Maiuugat sa pagsisimula ng
paggamit ng kasangkapang bato
ng mga hominid.
• Unang gumamit ng apoy at
nangaso ang mga sinaunang tao.
Lower Paleolithic Period
• Nagwakas dakong 120,000 taon na
ang nakararaan
• Pinakamaagang pananatili ng tao sa
daigdig
• Hindi pa lumilikha ng mga
kasangkapan
• Ang Homo habilis ay nanga-
ngahulugang able man o handy man
dahil sila ang unang species ng
hominid na marunong gumawa ng
kagamitang bato.
• Sinundan ng mga Homo erectus
nang higit na may kakayahan sa
paggawa ng kagamitang bato.
Middle Paleolithic Period
• Dakong 120,000 – 40,000 taon
ang nakararaan
• Paglitaw ng makabagong tao
noong 100,000 taon ang
nakalilipas.
• Umusbong ang pagiging artis-
tiko ng mga tao sa pagpipinta sa
katawan at pagguhit sa bato
• Nabuhay ang taong Neanderthal
na natuklasan sa Germany ang
mga labi.
Upper Paleolithic Period
• Dakong 40,000 – 8500 taon ang
nakararaan.
• Nagkaroon na ng mga unang
pamayanan sa anyong mga
campsite na kadalasang matatag-
puan sa mga lambak.
• Ang mga Taong Neanderthal ay
nawala sa panahong ito at napa-
litan ng mga Taong Cro-Magnon.
• Lumitaw ang mga komplikadong
pagpapangkat sa lipunan.
Ang Homo Sapiens ang pinakahuling species sa ebolusyon ng tao, ang
Homo Sapiens Neanderthalensis. May mga patunay na may kaalaman ang
Neanderthal sa paglilibing samantalang ang Cro-Magnon ay lumikha ng sining
ng pagpipinta sa kuweba.
Homo Sapiens
Neanderthal Ensi
Cro-Magnon
17. 11
Panahong Neolitiko
(dakong 10,000 BCE – 4000 B.C.E)
• Ang huling bahagi ng Panahong
Bato ay tinatawag na Panahong
Neolitiko (Neolithic Period) o
Panahon ng Bagong Bato (New
Stone Age) na
• hango sa mga salitang Greek na
neos o “bago” at lithos o “bato.”
• Ang terminong neolitiko ay
ginagamit sa arkeolohiya at
antropolohiya upang italaga ang
isang antas ng ebolusyong
pangkalinangan o pagbabago sa
pamumuhay at teknolohiya.
• Kilala ang panahong ito sa
paggamit ng makikinis na
kasangkapang bato, perma-
nenteng paninirahan sa pamaya-
nan, pagtatanim, paggawa ng
palayok at paghahabi.
• Naganap sa panahong ito ang
Rebolusyong Neolitiko o Sistema-
tikong pagtatanim.
• Isa itong rebolusyong agrikul-
tural sapagkat natustusan na
ang pangangailangan sa
pagkain.
• Ito rin ang nagbigay-daan sa
permanenteng paninirahan sa
isang lugar upang alagaan ang
mga pananim
• Catal Huyuk – Isang pamaya-
nang Neolitikong matatagpuan
sa kapatagan ng Konya ng
gitnang Anatolia (Turkey
ngayon).
• Isang pamayanang sakahan
• May populasyong mula 3000 –
6000 katao.
• Magkakadikit ang mga
dingding ng kabahayan at ang
tanging pasukan ng isang
bahay ay mula sa bubungan
pababa sa hagdan.
• Inililibing ang mga yumao sa
loob ng kanilang bahay.
• May paghahabi, paggawa ng
mga alahas, salamin, at
kutsilyo.
18. 12
Panahong Metal
(4000 B.C.E–Kasalukuyan)
Panahon ng Tanso
• Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa tanso subalit patuloy pa rin ang
paggamit sa kagamitang yari sa bato.
• Nagsimulang gamitin ang tanso noong 4000 B.C. sa ilang lugar sa Asya, at
2000 B.C.E. sa Europe at 1500 B.C.E. naman sa Egypt
• Nalinang na mabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang yari sa
tanso.
Panahon ng Bronse
• Naging malawakan na noon ang paggamit ng bronse
nang matuklasan ang panibagong paraan ng
pagpapatigas dito.
• Pinaghalo ang tanso at lata (tin) upang makagawa
ng higit na matigas na bagay.
• Iba’t ibang kagamitan at armas ang nagagawa mula
sa tanso tulad ng espada, palakol, kutsilyo, punyal,
martilyo, pana, at sibat
• Sa panahong ito natutong makipagkalakalan ang
mga tao sa mga karatig-pook
Panahon ng Bakal
• Natuklasan ang bakal ng mga Hittites, isang
pangkat ng Indo- Europeo na nanirahan sa
Kanlurang Asya dakong 1500 B.C.E.
• Natutuhan nilang magtunaw at magpanday ng
bakal.
• Matagal nilang pinanatiling lihim ang pagtutunaw
at pagpapanday ng bakal.
• Nang lumaon, lumaganap ang paggamit ng bakal
sa iba pang kaharian.
19. 13
Pagyamanin
Gawain 1: SURI-HAYAG
Suriin ang pahayag at sagutin ang mga pamprosesong tanong. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kaugnayan nito sa patuloy na pagtatagumpay sa buhay ng tao?
2. Ano ang iyong paninindigan tungkol sa inihayag ni Darwin?
Gawain 2: K-W-H-L Chart
Punan ang hinihinging impormasyon gamit ang K-W-H-L Chart ukol sa kondisyong
heograpikal sa panahon ng mga sinaunang tao sa Daigdig. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.
“It is not the strongest of the species that
survives, nor the most intelligent, but
the one most responsive change. In the
struggle for survival, the fittest win out
at the expense of their rivals because
they succeed in adapting themselves to
their environment” – Charles Darwin
Ano-ano ang
nalalaman ko?
Ano-ano ang
gusto ko pang
malaman?
Paano ko pa
ito
matutunan?
Ano-ano ang
natutunan
ko?
K W H L
20. 14
Gawain 3: Likha Info-Cinemaposter
Ipagpalagay na ikaw ay isang direktor. Gamit ang mga natutuhang kaalaman sa
aralin, lumikha ng isang Info-cinemaposter. Ang lilikhaing Info-cinemaposter ay
magpapakita ng pamumuhay ng sinaunang tao sa daigdig. Mamarkahan ang Info-
cinemaposter gamit ang kasunod na rubrik.
Pamantayan sa Pagmamarka ng Info-Cinemaposter
Pamantayan
Natatangi
5 puntos
Mahusay
3 puntos
May Kakulangan
1 puntos
Impormatibo/
Praktikalidad
Ang nabuong Info-
cinemaposter ay
nakapagbigay ng
kumpleto, wasto at
mahalagang
impormasyon
Ang nabuong Info-
cinemaposter ay
nakapagbigay ng
wastong
impormasyon
Ang nabuong Info-
cinemaposter ay
kulang sa sapat na
impormasyon
Malikhain
Ang pagkakadi-
senyo ng Info-
cinemaposter ay
napakahusay
Ang pagkakadi-
senyo ng Info-
cinemaposter ay
mahusay
Ang pagkakadi-
senyo ng Info-
cinemaposter ay
may kakulangan
Katotohanan
Ang Info-cinema-
poster ay nagpapa-
kita ng makatoto-
hanang paraan ng
pagpapahalaga.
Ang nilalaman nito
ay may bisa/dating
sa madla.
Ang Info-cinema-
poster ay nagpapa-
kita ng ilang paraan
ng pagpapahalaga.
Ang nilalaman nito
ay may dating sa
madla.
Ang Info-cinema-
poster ay nagpapa-
kita ng iilang
pangyayari. Ang
nilalaman nito ay
walang dating sa
madla.
Gawain 4: Anong Yugto Ito? Tukuyin Mo!
A. Piliin ang HINDI kabilang sa pangkat. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang
papel.
1. Homo sapiens
A. Taong Cro-Magnon C. Taong Neanderthal
B. Taong Java D. Taong Tabon
2. Lugar kung saan natagpuan ang mga sinaunang tao
A. Afar, Ethiopia C. Java, Indonesia
B. California, United States D. Olduvai, Tanzania
3. Hominid
A. Australopithecus Africanus C. Ramapithecus
B. Australopithecus Robustus D. Zinjanthropus
4. Yugto ng ebolusyon
A. Hominid C. Homo erectus
B. Homo Africanus D. Homo sapiens
5. Cro-Magnon
A. may saplot sa katawan
B. may kaalaman sa pagguhit
C. may taas na higit sa limang talampakan
D. natagpuan ni Eugene Dubosis ang labi
21. 15
B. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong pagkaunawa sa
aralin. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Gawain 5 Espada ng Karunungan
Pumili ng limang pagbabago sa teknolohiya mula sa Panahong Paleolitiko tungo sa
Panahong Metal. Sa bawat pagbabago, tukuyin ang mga naging epekto nito sa
kasalukuyan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Gawain 6: Anong Yugto Ito? Tukuyin Mo!
Tukuying kung anong panahon nabibilang ang bawat kagamitan, gawain,
pamamahala, pananamit. Isulat ang P kung ito ay paleolitiko, MS kung mesolitiko,
N kung neolitiko, at MT kung metal. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
_____1. pagkahilig sa karne
_____2. microliths
_____3. Tribal
_____4. hinabing tela
_____5. pagtatanim
_____6. Hittites
_____7. araro
_____8. lungsod-estado
_____9. pakikipagkalakalan
_____10. kweba
_____11. Persian Silver Cup
_____12. palayok
_____13. sa yungib nakatira
_____14. pag-aalaga ng aso
_____15. gumamit ng apoy
Ano-ano ang pagbabago sa apat na yugto ng ebolusyon?
Paano nakaapekto ang heograpiya sa panahon ng mga unang
tao
Paano nagagamit sa kasalukuyan ang mga pagbabago sa
ebolusyong kultural?
Epekto
Sanhi
22. 16
Isaisip
Ibuod ang mahahalagang kaisipan sa yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong
prehistoriko. Isulat ang tamang impormasyon upang mabuo ang diwa ng mga
pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Isagawa
Sagutin ang katanungan batay sa iyong sariling pagkaunawa sa aralin. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
Ang mga unang tao ay produkto ng ebolusyon ayon kay
_____________. Ayon sa teorya ng ebolusyon, ang tao ay umunlad
mula sa Hominid tungong ___________. Ang pangkat na
nagtagumpay na makiayon sa kanilang ___________ at nagawang
harapin ang mga_________________noong sinaunang panahon ang
siyang natira.
Ang mga sinaunang tao ay nagdaan sa iba’t-ibang yugto ng
pag-unlad; ang Panahong Paleolitiko, Panahong Mesolitiko,
Panahong ____________, at Panahon ng ____________.
Paano mapahahalagahan ang mga
nagawa ng tao sa yugto ng pag-unlad ng
kultura sa panahong prehistoriko?
23. 17
Tayahin
Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.
1. Ano ang naiwan na mahalagang impormasyon noong Panahon ng Metal na may
kinalaman sa pagsulat?
A. mga kalansay
B. mga relika at artifacts
C. ebidensyang pangkasaysayan
D. batayang kultura
2. Ang Panahon ng Bato ay panahon ng mahahalagang tuklas tulad ng mga
kagamitan, armas, at paggamit ng apoy. Sa anong panahon ito kaugnay?
A. Panahong Paleolitiko C. Panahong Mesolitiko
B. Panahong Neolitiko D. Panahong Metal
3. Ano ang isang patunay na nagpapatuloy pa rin ag pag-unlad ng tao mula noon
hanggang ngayon batay sa aspektong pangkabuhayan?
A. Mula sa paggamit ng kasangkapang bato, naging makabago ang
kasangkapan ng kasalukuyan.
B. Mula sa pagiging nomadiko, nakapagtatag ang mga makabagong tao ng
mataas na antas ng kultura.
C. Mula sa pangangaso at pag-aalaga ng hayop, nakinabang ang mga
sinaunang tao dahil napabuti ang kanilang kabuhayan.
D. Mula sa pangangaso at pangangalap ng pagkain sa limitadong lugar,
naging pandaigdigan ang transaksiyon sa pagkuha ng mga
pangangailangan at sa hanapbuhay.
4. Sino ang nakatuklas sa Hominid na pinangalanang “Lucy”?
A. Charles Darwin C. Raymond Dart
B. Donald Johanson D. Richard Leakey
5. Ano ang tawag sa bungong kahawig ng sa modernong tao?
A. australopithecine C. homo erectus
B. dryopithecine D. ramapithecine
6. Alin sa mga sumusunod ang akda ni Charles Darwin?
A. bipedalismo C. Origin of the Species
B. natural selection D. stereoscopic vision
7. Ano ang pinakaunang uri ng kanunu-nunuan ng mismong tao?
A. australopithecine C. homo erectus
B. dryopithecine D. ramapithecine
8. Anong panahon sa kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na pinakamaagang
panahon sa pag-unlad ng tao batay sa mga ginamit na kasangkapan at naging
hudyat din ng pagtatapos ng Panahong Pleistocene?
A. Mesolitiko C. Neolitiko
B. Metal D. Paleolitiko
24. 18
9. Alin sa sumusunod ang may wastong pagkakasunod-sunod ng prosesong
naganap sa mga sinaunang tao sa Panahong Prehistorya?
I. agrikultura III. labis na pagkain
II. kalakalan IV. pangangaso
A. IV, I, III, II C. IV, I, II, III
B. II, I, IV, III D. I, II, III, IV
10. Ano ang kahulugan ng salitang “lithos”?
A. apoy C. halaman
B. bato D. tao
11. Ano ang tawag sa pinaghalong tanso at lata upang makagawa ng matigas na
bagay?
A. bakal C. ginto
B. bronse D. pilak
12. Anong pangkat ng Indo-Europeo na nanirahan sa Kanlurang Asya ang
nakadiskubre ng bakal?
A. Barbarians C. Hittites
B. Elamites D. Kissites
13. Ayon sa mga eksperto, saan matatagpuan ang tinatayang
pinakamatandang ebidensya ng tao sa Pilipinas?
A. Lambak ng Alan C. Lambak ng Compostela
B. Lambak ng Cagayan D. Lambak ng Trinidad
14. Ano ang itinuturing na mga unang hayop na may taglay na katangian na matigas
na kaliskis o butong tumatakip sa katawan tulad ng buwaya, pagong, at butiki?
A. dinosaurs C. mammals
B. amphibians D. reptiles
15. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na ang kultura ng sinaunang tao ay
dumaan sa iba’t ibang yugto ng pag-unlad?
A. natuklasan ang mga labi ng kasangkapan sa iba’t ibang lugar
B. natuklasan ang iba’t ibang uri ng sandata
C. may mga sining ng sinaunang tao na natagpuan sa yungib
D. may natuklasang fossil ng mga sinaunang tao
25. 19
Karagdagang Gawain
Pamantayan sa Pagmamarka ng Survival Plan
Pamantayan
Natatangi
5 puntos
Mahusay
3 puntos
May Kakulangan
1 puntos
Impormatibo/
Praktikalidad
Ang nabuong
survival plan ay
nakapagbigay ng
kompleto, wasto at
mahalagang
impormasyon
Ang nabuong
survival plan ay
nakapagbigay ng
wastong
impormasyon
Ang nabuong
survival plan ay
kulang sa sapat
na impormasyon
Malikhain
Ang
pagkakadisenyo ng
survival plan ay
napakahusay
Ang
pagkakadisenyo
ng survival plan
ay mahusay
Ang
pagkakadisenyo
ng survival plan ay
may kakulangan
Katotohanan
Ang survival plan ay
nagpapakita ng
makatotohanang
paraan ng
pagpapahalaga. Ang
nilalaman nito ay
may bisa/dating sa
madla.
Ang survival plan
ay nagpapakita
ng ilang paraan ng
pagpapahalaga.
Ang nilalaman
nito ay may dating
sa madla.
Ang survival plan
ay nagpapakita ng
iilang pangyayari.
Ang nilalaman
nito ay walang
dating sa madla.
Gumawa ng survival plan ayon sa mga napag-aralan sa modyul na ito.
Ilista ang mga mahahalagang bagay na iyong dadalhin sa oras na ikaw ay
mangailangan, mga taong malalapitan, lugar na pwedeng mapuntahan, at mga
inobasyon na maaring gawin upang ikaw ay makaayon sa kapaligiran.
Maaaring gumamit ng graphic organizer sa pagsagot ng iyong gawain. Ilagay
ang ito sa iyong sagutang papel.
27. 21
Sanggunian
Blando, Rosemarie C. et al. Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan. Modyul ng
Mag-aaral. Deped Complex Meralco Avenue, Pasig City: Department of
Education-Instructional Materials Council Secretariat, 2014.
K to 12 Curriculum Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG
Codes in Araling Panlipunan,”Department of Education, May, 2020, page 51
Learning Resource Portal. “Project EASE Araling Panlipunan III, Modyul 2 Mga
Unang Tao sa Daigdig”. Accessed May 08, 2020.
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6038
28. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education Region III – Learning Resources
Management Section (DepEd Region III-LRMS)
Office Address: Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando (P)