Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Imperyalismo sa Japan. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang konsepto sa Imperyalismo sa Japan.
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
AP 7 Lesson no. 30-K: Imperyalismo sa Japan
1. Lesson 30-K: Imperyalismo sa Japan
• Tokugawa Shogunate – Ito din ay tinatawag na Tokugawa bakufu. Ito ay ang huling piyudal na
pamahalaang militar ng Japan, na namuno mula 1603 hanggang 1807. Ang tawag sa mga pinuno ay
mga shogun. Ito din ang panahon kung saan nararamdaman na ng Japan ang impluwensiya ng mga
Kanluranin.
Tokugawa Ieyasu – Siya ang nagtatag at unang shogun ng Tokugawa Shogunate ng Japan. Siya ay
naging opisyal na shogun mula 1603 hanggang 1605, pero nanatili pa rin siya sa kapangyarihan
hanggang sa kanyang kamatayan noong 1616. Siya rin ang namumuno sa mga diplomatikong affairs sa
iba’t-ibang Europeong bansa, katulad ng Netherlands, Spain, at United Kingdom.
Christian Expulsion Effect Law – Ito ay isang batas o edict na nagpapabawal sa relihiyon ng
Kristiyanismo at pagpapaalis sa lahat ng mga misyonerong Katoliko.
Tokugawa Iemitsu – Siya ang ikatlong shogun ng Tokugawa Shogunate ng Japan. Siya ay nanungkulan
bilang Shogun mula 1623 hanggang 1651. Noong panahon niya, pinapako niya sa krus ang lahat ng mga
Kristiyano, at pinalayas lahat ng mga Europeo sa Japan.
Sakoku Effect of 1635 – Ito ay isang decree na ang layunin ay mapuksa o itanggal lahat ng mga
impluwensiyang dayuhan. Kung sinumang Hapones ang gustong pumunta sa iba pang bansa, ay
papatayin. Pinagbabawal din ang relihiyong Kristiyanismo. Pinayagan ang mga Chinese Merchants at
Dutch East India Company na makipag-kalakalan sa Nagasaki lamang. Ang ganitong sitwasyon ng
Japan ay nagtagal sa loob ng 200 na taon.
• Commodore Matthew Perry – Siya ang tinaguriang “Ama ng Steam Navy”. Siya ay nanguna sa
ekspedisyon upang makipag-usap sa mga shogun na buksan ang Japan sa buong mundo. Sinabihan
niya ang mga pinuno na kapag hindi sila nakisama o pumayag sa kanyang gusto, magkakaroon ng
digmaan. Pagkatapos niya ipresenta ang kanyang liham o kasulatan sa mga pinuno, pumunta siya sa
Hong Kong at doon siya naghintay para sa sagot ng mga Hapones. Pagkatapos ng kalahating taon,
bumalik siya sa Japan, at pinayagan siyang dumaong sa Kanagawa o Yokohama. Nilagdaan niya ang
kasunduan na pumapayag sa pakikipag-kalakalan ng mga Hapones sa mga Amerikano. Pagbalik niya sa
Amerika, ginawaran siya ng $20,000 na gantimpala ng Kongreso para sa pagkilala ng kanyang ginawa.
• Treaty of Kanagawa – Ito ay isang tratado (treaty) sa pagitan ng Estados Unidos at ng Hapon. Ito ay
nilagdaan noong Marso 31, 1854. Ito ang nagwakas sa halos 220 na taon ng Sakoku, o isolasyon ng
bansang Japan sa buong mundo. Alinsunod sa tratadong ito, binuksan ang mga himpilan ng Shimoda at
Hakodate sa mga barkong pangkalakalan ng mga Amerikano.
• Anglo-Japanese Friendship Treaty – Ito ay ang kauna-unahang tratado sa pagitan ng Great Britain at
ng Japan. Ito ay halos kaparehos ng Tratado ng Kanagawa. Ito ay nilagdaan noong Oktubre 14, 1854.
Alinsunod sa tratadong ito, binuksan ng mga Hapones ang mga himpilan ng Nagasaki at Hakodate sa
mga Briton at ginawaran ang Britain ng “Most-favored-nation clause”.