q3, m3

8,229 views

Published on

1 Comment
4 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total views
8,229
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
1
Actions
Shares
0
Downloads
209
Comments
1
Likes
4
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

q3, m3

  1. 1. 1 Modyul 3: Pananakop ng Japan at ang Kapanganakan ng Bagong Republika Mga Paksa: 1. Mga Alaala ng Pananakop ng Japan sa Pilipinas 2. Pamumuhay at Pera sa Panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 3. Pagtatatag ng Republika matapos ang Digmaan 4. Mga Kondisyon ng Kasarinlan base sa Philippine Trade Act at Military Bases Agreement Mga Kakayahan: 1. Naisasalaysay ang kondisyon ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Hapones 2. Nailalarawan ang pamumuhay ng mga Pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig 3. Nasusuri ang mga epekto ng pananakop ng Japan sa Pilipinas 4. Napahahalagahan ang mga naranasan ng mga Pilipino sa panahon ng digmaan 5. Nababasa ang biswal na sanggunian, ang mga pisikal nitong katangian at ang kahulugan at mensaheng napapaloob sa mga ito 6. Naipaliliwanag ang nilalaman ng mga batas at kasunduan kaakibat sa pagtatag ng Republika ng Pilipinas noong 1946 7. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa sanggunian 8. Nabubuo at naiaayos ang buod ng impormasyon mula sa mga sipi gamit ang sariling salita 9. Nahihinuha ang mga datos upang bumuo ng konklusyon 10. Naipahahayag ang mga nararapat na katangian at hakbangin bilang mamamayan sa pagkamit ng mas matatag na soberanya ng bansa
  2. 2. 2 Panimula Itinatag ang pamahalaang Komonwelt sa bisa ng Tydings-McDuffie Act. Itinakda nito ang sampung taong transisyon mula sa pamamahala ng mga Amerikano sa Pilipinas hanggang sa pagkamit ng bansa ng minimithing kalayaan. Magaganap ito sa Hulyo 4, 1946. Nagsimulang manungkulan si Manuel L. Quezon, ang nahalal na pangulo at katuwang ang kanyang pangalawang pangulo na si Sergio Osmeña Sr. sa pamahalaang Komonwelt. Habang inihahanda ng mga Pilipino ang bansa sa nalalapit na ganap na paglaya mula sa mga Amerikano, sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europe. Noong Setyembre 1, 1939, sinalakay ni Adolf Hitler, diktador ng Germany at nagtatag ng partidong Nazi ang Warsaw, Poland. Pagkaraan ng dalawang araw, nagdeklara ng digmaan ang Great Britain at France laban sa Germany. Ito ang simula ng pinakamapaminsalang digmaan sa kasaysayan na pinagtunggalian ng dalawang magkalabang alyansa: ang Allied Power sa pangunguna ng Great Britain at France, at ang Axis Power ng Germany, Italy at Japan. Pagsakop sa Pilipinas ng mga Hapones Sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Asya nang wasakin ng Japan ang Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941 (sa Pilipinas ay Disyembre 8). Ang Pearl Harbor ay isa sa pangunahing baseng pandagat ng United States na matatagpuan sa pulo ng Hawaii na nasa rehiyong Pacific. Nasangkot ang Pilipinas sa digmaan nang salakayin ng pwersang Hapones ang bansa. Binomba ng Japan ang ilan sa pangunahing lugar sa Pilipinas kabilang na ang Davao, Baguio, Aparri, Clark Field, Nichols Air Base, at Sangley Point sa Cavite. Sa pagdating ni Heneral Masaharu Homma, pinuno ng hukbong Hapones na lumusob sa Pilipinas, ipinahayag ng pinuno ng hukbong Amerikano na si Heneral Douglas MacArthur ang Maynila bilang “Open City”. Idineklara niya ito noong Disyembre 26. Sa kabila ng pahayag ni MacArthur, binomba pa rin ng mga Hapones ang Maynila na ikinawasak ng lungsod at ikinasawi ng maraming sibilyan. Basahin ang batayang aklat Pilipinas, Isang Sulyap at Pagyakap, pahina 212-224. ja.wikipedia.org
  3. 3. 3 Ipinakikita ang time line ng mga mahahalagang kaganapan sa patuloy na pagsakop ng mga Hapones sa Pilipinas hanggang sa pagbalik ng mga Amerikano. Ang Kapanganakan ng Bagong Republika Sa pagbawi ng mga Amerikano sa Pilipinas mula sa pamamahala ng mga Hapones, muling ibinalik ang pamahalaang Komonwelt. Pinalitan ni Osmeña si Quezon bilang pangulo dahil sa pagpanaw nito sa sakit na tuberculosis noong Agosto 1, 1944. Naganap noong Abril 23, 1946 ang pambansang halalan. Dito nagwagi si Manuel Roxas bilang ikatlo at huling pangulo ng Komonwelt. Siya rin ang unang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas Noong Hulyo 4, 1946, pinasinayaan ng buong bansa ang pagkakatatag ng bagong Republika, at ang opisyal na pagwawakas ng kapangyarihang Amerikano sa Pilipinas. Ibinaba ang watawat ng United States at itinaas naman ang watawat ng Pilipinas bilang sagisag ng ganap na kasarinlan ng bansa. Sa araw ding iyon, naganap ang inagurasyon at panunumpa ni Roxas bilang pangulo sa Independence Grandstand sa Maynila sa gulang na 54. Naging pangalawang pangulo ng bansa si Elpidio Quirino. Pebrero 20, 1942. Nilisan ni Pangulong Quezon at ng kanyang pamilya ang Pilipinas at nagtungo ng Australia. Paglaon ay nagtungo sa United States. Marso 11, 1942. Nilisan ni Heneral MacArthur at ng kanyang mga kasamahan ang Pilipinas. Nagtungo sila sa Australia. Ipinahayag niya ang mga katagang “I shall return.” Abril, 1942. Tuluyang bumagsak ang Bataan sa kamay ng mga Hapones. Isinagawa ang “Martsa ng Kamatayan”. Oktubre 14, 1943. Pinasinayaan ang Ikalawang Republika ng Pilipinas kung saan si Jose P. Laurel ang pangulo nito. Oktubre 20, 1944. Muling bumalik si MacArthur sa Pilipinas at dumaong ang pwersang Amerikano sa Leyte. Setyembre 3, 1945. Pormal na isinuko ni Heneral Tomoyuki Yamashita ang Pilipinas kay Heneral E.H. Leavy. Oktubre 23, 1944. Muling namahala ang pamahalaang Komonwelt sa Pilipinas sa pangunguna ni Pangulong Osmeña. gov.ph
  4. 4. 4 Sa pagkakaluklok ni Roxas bilang pangulo ng bansa. Hinarap niya ang napakalaking suliraning dulot ng mga epekto at pinsala ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa bansa. Binigyang-pansin ni Pangulong Roxas sa kanyang programang pampamahalaan ang muling pagbangon ng industriya sa Pilipinas, muling pagpapasigla sa agrikultura at produksyon. Pati na rin ang paglutas sa mga suliraning pambansa tulad ng kaso ng kolaborasyon, amnestiya, kapayapaan at kahirapan. Pinagtuunan din ng pansin ni Pangulong Roxas ang mga isyung may kinalaman sa agrikultura sa pamamagitan ng pagsasabatas ng Republic Act (R.A.) No. 34. Itinakda ng batas na ito na magkaroon ng mas maayos na hatian sa mga produktong naani sa pagitan ng may-ari ng lupa at ng magsasaka. Hinimok din ni Pangulong Roxas na pumanig ang HUKBALAHAP (Hukbong Bayan Laban sa mga Hapones) na pangkat ng mga gerilyang Pilipino na naging kalaban ng pamahalaan ngunit nabigo siyang ayusin ito. Isa sa kontrobersyal na isyung kinaharap ng administrasyong Roxas ay ang pagbibigay nito ng espesyal na pribilehiyo sa pamahalaang Amerikano. Nilagdaan ni Pangulong Roxas ang mga batas at kasunduan na tuwirang may malaking kapakinabangan sa United States sa aspektong pang-ekonomiya at pang-militar. Ang mga ito ay ang Philippine Trade Act ng 1946 na kilala rin bilang Bell Trade Act, at ang Military Bases Agreement ng 1947. Ilan sa mga kasunduang pinagtibay sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Roxas na may kaugnayan sa United States ay ang sumusunod: Basahin ang batayang aklat Pilipinas, Isang Sulyap at Pagyakap, pahina 227-230. Itinadhana sa batas na ito ang pagkilala ng United States sa Pilipinas bilang isang malaya at nagsasariling estado. Inilahad din ang pag-alis ng kapangyarihan ng America sa pagkontrol at pamamahala nito sa teritoryo ng Pilipinas at mga mamamayan nito. Sa kabilang dako, isasakatuparan pa rin ang pananatili ng mga base militar ng America. Treaty of General Relations (Hulyo 4, 1946) Nagkabisa sa ilalim ng R.A. No. 33 na kasunduan ng Pilipinas at United States tungkol sa kapangyarihan ng pamahalaang Pilipino na pangasiwaan at ipagbili ang lahat ng labis na ari-ariang kaugnay sa digmaan. Ang halagang katumbas ng mga ari-ariang ito ay gagamitin sa rekonstruksyon at rehabilitasyon ng Pilipinas na dulot ng nakaraang digmaan. War Surplus Agreement (Setyembre 11, 1946) Itinakda ang pagbibigay ng kapangyarihan sa United States na maglaan ng tulong-militar sa Pilipinas tulad ng pagsanay sa hukbong sandatahan, paglaan ng mga kagamitan at sandatang pangmilitar, at pagtatag ng isang advisory group na binubuo ng mga Amerikano na magbibigay ng mungkahing may kaugnayan sa pagsasanay at taktikang pangmilitar. Military Assistance Agreement (Marso 21, 1947)
  5. 5. 5 Sinasabi ng kanyang mga kritiko na ang mga batas at kasunduang may kinalaman sa United States ay mga kondisyong nararapat na ipagkaloob ng Pilipinas sa pagbibigay ng mga Amerikanoa sa minimithing kalayaan ng bansa. Sa kasawiang palad, hindi natapos ni Pangulong Roxas ang kanyang termino nang mamatay siya sa isang heart attack. Ito ay pagkaraan niyang magbigay ng mensahe sa harap ng US Thirteenth Air Force sa Clark Field, Pampanga noong Abril 15, 1948. Ipinagpatuloy ni Elpidio Quirino ang nalalabing termino ni Pangulong Roxas. Callout Icon Ipagpalagay na ikaw ay nabuhay sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nabalitaan mo na sasalakayin ng mga Hapones ang ating bansa anumang oras. Ano-ano ang mga bagay at sitwasyon na iyong maiisip? Isulat ang iyong sagot sa loob ng callout icon. Pamprosesong Tanong: 1. Tunay ba na naganap ang pagsalakay ng mga Hapones sa Pilipinas? Kailan ito naganap? 2. Ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa pagkakasangkot ng bansa sa digmaan sa pagitan ng Japan at ng United States? 3. Paano mo mailalarawan ang naging kondisyon ng mga Pilipinong nakaranas ng pamamahala ng mga Hapones?
  6. 6. 6 Mga Alaala ng Pananakop ng Japan sa Pilipinas Inilalarawan sa sipi na isinulat ni Minyong Ordoñez ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Nagbalik-tanaw siya sa mga kaganapan sa bayan ng Majayjay sa lalawigan ng Laguna. Inilahad din ng may-akda ang ginawang pagpapatawad ngunit hindi ang paglimot sa isang di- malilimutang karanasan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig para sa mga tuwirang nakasaksi at nakaranas nito. Basahin at unawain ang sipi. Sanggunian 1: We World War II Kids Can Still Remember Minyong Ordonez (2011) We’re the World War II kids. A unique breed. The war years (1941-1945) brought us face-to-face with terror, violence, death and hunger as a way of life. On Dec. 8, 1941, Japanese fighter planes treacherously bombed Pearl Harbor and Clark Field. I was 5 years old. December is war nostalgia month. I’ve been leafing through the diary of my late uncle Felix Gozo, and I was transported back to life during the Japanese rule in my hometown, Majayjay, Laguna. Tio Felix’s wartime diary contained memorable words which captured the look and feel of that horrible Japanese rule. These unforgettable words brought back tragic memories. Bakwet (Tagalog for “evacuate”)—the panic word that started the exodus. The entire population of Majayjay made bakwet deep into the woods to ramshackle huts, hidden nooks and caves where the Japanese could not find them. Everybody lugged something needed for survival. I carried a coffee pot in one hand and herded our pet goat with the other. Bakwet was triggered by rumors that the Japanese were coming to massacre people, rape women, and burn houses. They just did in Pagsanjan and Lucban. Zona (mass incarceration of the male populace)—All men in town were herded and locked up in school buildings and churches. Packed like sardines with no food, no water, no toilet, no sleep, and no talking, they were bullied and beaten in order to extract information about guerilla identities and whereabouts. Lolo Elo, my grandmother’s brother, suffered a heart attack and died inside the zona. My mother took me to the wake. The next day, only women and children buried Lolo Elo. All the men were in prison.
  7. 7. 7 Horror of horrors Pinugutan (beheaded)— The horror of all horrors. Aunt Naty’s husband, Ka Pelis Solisa, the town mayor of Majayjay, was suspected as a guerilla and abducted by the Japanese. It was rumored that Ka Pelis was pinugutan ng ulo somewhere in the forest of Liliw. His body could not be found. Aunt Naty grieved everyday until she died of a heart attack. I saw my mother cry a bucket of tears during Aunt Naty’s funeral. She was my mother’s best friend. Tinubig (water torture)—A farmer from barrio Pook, another guerilla suspect, was picked up and brought to the municipio, and made to lie on his back stripped naked. His captors forced water through his mouth until his stomach was full and bloated, then they pummeled his stomach with a palo-palo until he vomited water. The water torture is repeated many times until the victim passes out. Kinulata (beaten with a rifle butt)—After a truckload of them were ambushed by the guerillas, the Japanese rounded off all the men in our neighborhood and kinulata sila. They were beaten with rifle butts hard on the chests, waists, butts and legs, leaving them maimed and crippled for several months. Binilad (sunburnt and dehydrated)—For failure to bow before Japanese sentries, failure to understand garbled Japanese orders, the offender was forced to stand motionless under the hot sun for hours until he collapsed due to heatstroke or dehydration. Pinagsasampal (slapped repeatedly on the face)—When a Japanese guard accosted or interrogated a person, he talked fast, harsh and boorish, punctuating his blabbermouth tirades with slaps on the face. Expletives and curses were spoken in Nippongo. For forgetting to bow before a Japanese sentry, our neighbor, Mang Leocadio, was pinagsasampal. Was his face red! Bloody red! Buslo (mystery man)—This bizarre creation of the Japanese was a Filipino traitor who appeared on the scene with his head fully covered by a buslo (a pandan-woven shopping bag) with two holes to serve as his eyes. When the Japanese assembled the men in town, Buslo would point a finger at the guerilla on the lineup, true or not. Makapili (collaborator)— This shadowy individual was a Filipino who rend ered service to the Japanese government. He acted as the mouthpiece for Japanese policies, persuading people to cooperate with Japanese efforts in manage
  8. 8. 8 Pinagkunan: Minyong Ordoñez. “We World War II Kids Can Still Remember”. 2011 http://lifestyle.inquirer.net/25613/we-world-war-ii-kids-can-still-remember Forgive It’s been 70 years since then. Have we forgiven the brutal and masochistic Japanese regime? The destruction and mayhem they’ve caused? Can we, World War II kids, forgive? We did. It must be our Christian culture, plus a lot of help from the power of consumerism. By the ’60s, we had welcomed the return of the Japanese, wittingly or unwittingly. We bought Sony transistor radios, Akai tape recorders, Casio calculators, National electric fans and refrigerators. In the ’70s, my first car was a Toyota Crown sedan. My teenage daughters went crazy over Sanrio characters. In 2002, our family toured Japan. We marveled at Japanese art, costumes, cuisine and the colorful festivals. Japanese politeness and social graces are admirable. Their cleanliness superb. My current vehicle is a Toyota Fortuner. I’m wearing a Seiko watch. But we have not forgotten the sufferings. In fact, some anger still lingers in the hearts of Filipino comfort women. Now in their 90s, comfort women were young, innocent girls in the early 1940s who were forcibly taken by the Japanese army to be used as their sex slaves (20 to 30 soldiers raped them daily.) They surfaced in 1993 to seek justice and retribution from the Japanese government. Us World War II kids are aging and dwindling fast. In a few years we’ll all be gone. Will our children and grandchildren ever remember our tragic past? Me thinks not. They are creatures of Steve Jobs, wired and immersed in data overload, knowledge clutter, and a short attention span. World War II’s tumult was destined only for us. We alone can mull the details, relish the dangers and adventures. We World War II kids are a unique breed. We are not afraid of the unknown. Glosari accosted – sinita garbled – nilihis ramshackle – hindi matibay breed – lahi incarceration – pagkabilanggo retribution - bayad exodus – pag-alis/paglisan maimed – lumpo tumult - kaguluhan expletive – paglapastangan pummeled – hinampas wittingly – lubos na alam
  9. 9. 9 Gawain 1. Pagbalik-Tanaw. Kumpletuhin ang tsart upang makabuo ng mahusay na buod tungkol sa sipi. Isulat ang sagot sa isang buong papel. Gawain 2. Para sa Akin. Kopyahin ang organizer sa kuwaderno. Magbigay ng sariling saloobin tungkol sa sumusunod na salita sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Ano ang sitwasyon ng mga Pilipino sa panahong ito? Bilang Pilipino, ano ang nais mong sabihin sa mga kababayan mo na nakaranas nito? 1. Sino ang may-akda ng artikulo? 2. Ilang taon lamang siya nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig? 3. Sino ang mga dayuhan na sumakop at namahala sa Pilipinas sa panahong iyon? 4. Saang bayan at lalawigan naganap ang salaysay ng may-akda? 5. Ano ang inilarawan ng may-akda tungkol sa Hapones? Para sa bilang 6-11, titik lamang ang isulat sa diagram. a. Ikinulong sa simbahan o paaralan ang lahat ng kalalakihan nang walang pagkain at inumin. Ang iba ay sinasaktan. b. Walang humpay na pinainom ng tubig ang Pilipino hanggang sa lumaki ang tiyan at mawalan ng malay. c. Sama-samang nilisan ang kanilang tirahan upang makaligtas sa mga Hapones. Karaniwang nagtutungo sa liblib na gubat. d. Sapilitang pinatayo sa ilalim ng araw ang Pilipino hanggang sa mamatay dahil sa sobrang pagkabilad sa araw at pagkaubos ng tubig sa katawan. 10. Ang Pilipinong maka-Hapones na ito ang naglahad ng mga patakarang nais ng mga Hapones. Siya rin ang nag-uudyok na makiisa sa mga dayuhan. 11. Ayon sa akda, napatawad na ba nila ang mga Hapones sa kanilang ginawa? 12. Nakalimutan na ba nila ang pagdurusang dinanas ng mga Pilipino sa mga Hapones? 1. 2. 3. 4. 5. 6. Zona 7. Binilad 8. Bakwet 10. 9. Tinubig 11. 12. Bakwet
  10. 10. 10 Ano ang naramdaman ng mga Pilipino sa pagpapahirap na ito? Bilang Pilipino, ano ang nais mong ipaalala sa mga Hapones na nagsagawa nito? Ano ang pagtingin ng mga Pilipino noon sa kanya? Bilang Pilipino, maituturing ba siya na isang taksil sa bayan? Bakit? Gawain 3. Aral ng Kasaysayan. Basahin ang pahayag sa bawat bilang. Sagutin ang sumusunod. 1. Batay sa akda, ilahad ang naging karanasan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Hapones. Pangatwiranan ang iyong sagot. 2. Pagkalipas ng 70 taon, sa iyong palagay, napatawad na ba ng mga Pilipinong nakasaksi sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang mga Hapones? Patunayan. 3. Kung ikaw ang Pilipinong nakaranas ng pamamahala ng mga Hapones noong panahon ng digmaan, kaya mo bang magpatawad sa ginawa ng mga Hapones? Bakit mo nasabi? 4. Ayon sa may-akda, nakalimot na ba ang mga Pilipinong nakaranas at nakasaksi sa pananakop ng mga Hapones? Patunayan. 5. Maglahad ng iyong mga natutuhan sa mga karanasan ng World War II kids. Tinubig Makapili
  11. 11. 11 Pamumuhay at Pera sa Panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Ang pamamahala ng mga Hapones mula 1942 hanggang 1945 ay nagdulot ng iba’t ibang karanasan sa mga Pilipino. Sapilitang binago ng mga mananakop ang pamumuhay ng mga Pilipino upang iwaksi ang impluwensiyang Amerikano at tanggapin ang kanilang pamamahala. Isa sa hindi mabuting karanasan ng mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhang Hapones ay inilalarawan sa political cartoon na hango sa The History of the Burgis. Unawain ang mga ilustrasyon sa ibaba at sagutin ang sumusunod na tanong. Sanggunian 2: “Not So Funny”, Political Cartoon. Pinagkunan: Francisco, Mariel N. at Arriola, Fe Maria C., The History of the Burgis. Quezon City: GCF Books, 1987. 121
  12. 12. 12 Gawain 4. Pagtukoy sa Nilalaman ng Political Cartoon. Buuin ang blank book sa pamamagitan ng paglalagay ng hinihinging detalye tungkol sa political cartoon. Para sa unang pangkat, bigyang-pansin ang Ilustrasyon A. Sa ikalawang pangkat naman ang para sa Ilustrasyon B. Gawain 5. Simbolismo sa Political Cartoon. Batay pa rin sa itinakdang ilustrasyon, kumpletuhin ng bawat pangkat ang tsart. Gawain 6. Mensahe ng Political Cartoon. Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Ano ang ipinakikitang pangyayari sa cartoon? 2. Ano ang mensahe ng cartoon? 3. Sang-ayon ka ba sa mensaheng nais ipahayag ng cartoonist? Bakit? 4. Kung bibigyan ka ng pagkakataon, alin sa mga aspeto ng political cartoon ang nais mong baguhin? Ipaliwanag ang dahilan. 1. Ilista sa unang pahina ang mga bagay at tauhan na nakita sa cartoon. 2. Sa ikalawang pahina, itala ang cartoon caption o mga salita na matatagpuan sa cartoon. 1 2 Itala sa unang kolum ang mga bagay at tauhan sa cartoon ang may sinisimbolo, at sa ikalawang kolum ang kahulugan nito. Itala sa unang kolum ang mga salita sa cartoon na pumukaw ng iyong atensyon, at sa ikalawang kolum ang iyong paliwanag o pakahulugan sa piniling salita. Isulat sa unang kolum ang mga tauhan sa cartoon na nagpapakita ng emosyon, at sa ikalawang kolum ang kahulugan ng emosyon nito.
  13. 13. 13 Pera ng Pilipinas sa Panahon ng mga Hapones Isa sa mahalagang artifact sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang mga ipinagawang salaping papel na gagamitin sa pagbili ng pangangailangan ng tao. Nagpalabas ang mga dayuhang Hapones ng napakaraming salaping papel na tinawag na Japanese government-issued Philippine fiat peso o Southern Development Bank Notes. Hindi lubusang nagamit ng mga mamamayan ang mga naturang salapi sapagkat halos walang halaga ang mga ito. Dahil dito, tinagurian ng mga Pilipino ang mga perang ito bilang “mickey mouse money” kung saan inihahalintulad ang mga ito sa play money na walang halaga sa ekonomiya. Kung pagmamasdan ang salaping papel, gumamit ang mga Hapones ng “Block Letters” na nakasulat ng pula at nasa harapan ng salapi. Ang unang titik ay tumutukoy sa lugar kung saan inilabas ang salapi at ang pangalawang titik ay ang dami ng salaping inilabas ng pamahalaang Hapones. Samakatuwid, ang unang titik sa salaping papel ng Pilipinas ay titik P na susundan ng titik A para sa unang salaping papel. Titik B para sa pangalawang salaping papel. Titik C sa pangatlo at sa mga susunod pang titik para sa mga salaping papel. Sa paglabas ng sumunod na mga salaping papel para sa 1, 5, 10 at 100 piso, dinagdagan ng numero ang mga Block Letters. Ang sumusunod ay halimbawa ng salaping ginamit sa panahon ng mga Hapones. Suriin ang mga ito. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na tanong. Sanggunian 3: Japanese Invasion Money Notes Pinagkunan: http://www.guerrilla-money.com/JIM/
  14. 14. 14 Gawain 7. Pagtukoy sa Artifact. Sagutin ang tanong sa bawat bilang. 1. Anong mahalagang bagay ang binigyang-diin ng Sanggunian 3? 2. Bakit maituturing na artifact ang nakalarawan sa Sanggunian 3? 3. Aling bahagi ng salaping papel ang nagpapakita kung anong panahon sa kasaysayan ng Pilipinas ito ipinalabas at ginamit? 4. Ano ang dalawang patunay na ang “mickey mouse money” ay inilabas upang gamitin ng mga Pilipino sa pagbili ng kanilang pangangailangan? 5. Sa five centavo bill, ano ang ibig sabihin ng titik “P” sa salapi? Ano ang ibig sabihin ng titik “L” sa salapi? Gawain 8. Pagsuri ng Sanggunian. Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Bakit naglabas ng mga salaping papel ang mga Hapones noong panahon ng digmaan? 2. Ano ang layunin ng mga Hapones sa paglagay ng larawan ng bantayog ni Rizal sa ilang salaping papel na kanilang inilabas? 3. Bakit tinawag na mickey mouse money ang mga salaping papel na inilabas ng mga Hapones? 4. Ano ang pagkakaiba ng halaga ng “mickey mouse money” noon at sa salapi natin ngayon? 5. Sa paanong paraan mo mapahahalagahan ang salapi na ibinibigay ng iyong magulang? Gawain 9. Pinoy Idol of the Year. Iguhit sa bond paper ang human icon organizer. Kumpletuhin ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Isulat sa loob ng kahon ang iyong sagot. A B C D
  15. 15. 15 A. Katulad ng mga Pilipinong naghangad ng mabuting kalagayan sa panahon ng mga Hapones, ano ang iyong naiisip upang mapabuti ang kalagayan ng iyong kapwa? B. Katulad ng mga Pilipinong ipinagtanggol ang kanilang karapatan at kalayaan laban sa mga Hapones, paano mo mapangangalagaan ang iyong mga karapatan? C. Katulad ng mga Pilipinong nanatili ang pagmamahal sa kanilang bayan noong panahon ng digmaan, bakit kailangang ipagmalaki ang pagiging isang Pilipino? D. Katulad ng mga Pilipinong nagnais na lumaya sa panahon ng pananakop ng mga dayuhan, ano ang iyong nais gawin upang mapanatili ang pagiging malaya ng bansa? Rubric sa pagmamarka ng Human Icon Organizer/Pinoy Idol of the Year Pamantayan 4 Napakahusay 3 Mahusay 2 Nalilinang 1 Nagsisimula Puntos Nilalaman ng human icon organizer batay sa pagsagot sa mga nakalaang tanong (60%) Malinaw na nailahad ang nilalaman ng gawang organizer. Nasagot ang apat na tanong. Angkop, konkreto, makatotohanan at natatamo ang inilahad na sagot sa mga tanong. Nailahad ang nilalaman ng gawang organizer. Na- sagot ang apat na tanong. Angkop, konkreto at ma- katotohanan ang mga ito. Baga- ma’t may ilang aytem na ma- hirap matamo. Nailahad ang nilalaman ng gawang organizer. Nasagot ang dalawa hanggang tatlong tanong. Angkop ngunit may aytem na hindi makato- tohanan at hindi natatamo. Hindi gaanong nailahad ang nilalaman ng gawang organizer. Isa lamang ang naisagot. Guhit ng human icon organizer (20%) Malikhain at masining na naiguhit ang organizer. Gumamit ng mga akmang kulay at angkop na disenyo. Natatangi ang disenyo. Maayos at malinaw ang pagkakasulat. Malikhain at masining na naiguhit ang organizer. Gumamit ng mga akmang kulay at angkop na disenyo. Karaniwan ang disenyo. Maayos at malinaw ang pagkakasulat. Karaniwan ang naiguhit ang organizer. May bahagi na hindi akma ang disenyo at kumbinasyon ng kulay. Hindi gaanong maayos at malinaw ang pagkakasulat. Hindi gaanong maayos ang iginuhit na organizer. Malaking bahagi ng guhit ang hindi nakulayan at hindi naging akma ang disenyo. Hindi gaanong maayos at malinaw ang pagkakasulat. Kooperasyon bilang miyembro ng pangkat Mahusay na nakiisa sa pangkat. Aktibo sa talakayan. Malaki ang naging Mahusay na nakiisa sa pangkat. Aktibo sa talakayan. Mahusay na nakiisa sa pangkat bagama’t hindi Hindi gaanong nakiisa sa pangkat. Walang
  16. 16. 16 (20%) bahagi sa pagbuo ng pangkatang produkto. May naibahagi sa pagbuo ng pangkatang produkto. gaanong aktibo sa talakayan. May naibahagi sa pagbuo ng pangkatang produkto. naibahagi sa pagbuo ng pangkatang produkto. KABUUAN Pagtatatag ng Republika matapos ang Digmaan Sa pagwawakas ng pamamahala ng mga Hapones sa Pilipinas noong 1945, tuluyang ibinalik ng mga Amerikano ang Pamahalaang Komonwelt sa bansa. Sumunod na inihanda ang pagkakaloob ng kasarinlan ng bansa na itinakda noong Hulyo 4, 1946. Sa araw ding ito, pinasinayaan ang pagtatatag ng bagong Republika ng Pilipinas. Muli nating balikan ang ilang mahahalagang probisyon ng batas na nagtakda ng kasarinlan ng Pilipinas. Ang batas na ipinagkaloob ng mga Amerikanong mambabatas na sina Senador Millard E. Tydings at Kinatawan John McDuffie. Ito ang Philippine Independence Law na tanyag sa tawag na Tydings-McDuffie Law. Sanggunian 4: Tydings-McDuffie Act, 1934 AN ACT TO PROVIDE FOR THE COMPLETE INDEPENDENCE OF THE PHILIPPINE ISLANDS, TO PROVIDE FOR THE ADOPTION OF A CONSTITUTION AND A FORM OF GOVERNMENT FOR THE PHILIPPINE ISLANDS AND OTHER PURPOSES Be it enacted by the Senate and House of Representatives of the United States of America in Congress assembled. SECTION 10. (a) On the 4th of July immediately following the expiration of a period of ten years from the date of the inauguration of the new Government under the Constitution provided for in this Act the President of the United States shall by proclamation withdraw and surrender all rights of possession, supervision, jurisdiction, control, or sovereignty then existing and exercised by the United States in and over the territory and people of the Philippine Islands, including all military and other reservations of the Government of the United States in the Philippines (except such naval reservations and fueling stations as are reserved under Section 5), and, on behalf of the United States, shall recognize the independence of the Philippine Islands as a separate and self-governing nation and acknowledge the authority and control over the same of the government instituted by the people thereof, under the constitution then in force. SECTION 12. Upon the proclamation and recognition of the independence of the Philippine Islands, the President shall notify the Governments with which the United States is in diplomatic correspondence thereof and invite said governments to recognize the independence of the Philippine Islands.
  17. 17. 17 Cornejo, Miguel, Cornejo’s Pre-War Encyclopedic Directory of the Philippines. Manila. 1939. 311 Gawain 10. Q and A. Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa sipi. Isulat ang sagot sa papel. 1. Ano ang pangunahing probisyon ng Tydings-McDuffie Act? 2. Ilang taon ang transisyon ng pamamahala ng United States sa Pilipinas ayon sa batas? 3. Kailan lalaya ng Pilipinas? 4. Paano mailalarawan ang Pilipinas bilang nagsasariling bansa ayon sa Seksyon 10? 5. Kung ikaw ay nabuhay sa panahong ito, ano ang iyong reaksyon sa isinasaad ng batas? Mga Kondisyon ng Kasarinlan base sa Philippine Trade Act at Military Bases Agreement Bago pa man ang inagurasyon ng Ikatlong Republika at maging isang ganap na malayang bansa ang Pilipinas, inaprubahan na ng United States at ng Pilipinas ang Philippine Trade Act na kilala rin sa tawag na Bell Trade Act noong Abril 30, 1946. Hinango ang katawagan ng nasabing batas kay Congressman C. Jasper Bell na nagpanukala nito sa Kongreso ng United States. Kung babalikan, ang katatapos na Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang nagdulot ng malawakang pinsala sa pamumuhay at kabuhayan ng mga Pilipino. Sa mga sang-ayon sa Philippine Trade Act, isang magandang simula ito para sa bansa dahil binubuksan nito ang malaking oportunidad na muling itaguyod ang ekonomiya sa pamamagitan ng mahusay na ugnayang pangkalakalan ng Pilipinas at United States. Sa kabilang dako, naging isang malaking isyu ang pag-apruba sa Philippine Trade Act. Marami ang hindi sang-ayon dahil sa pagkakaloob sa mga Amerikano ng pantay na karapatang gamitin, linangin at paunlarin ang likas na yaman ng Pilipinas. Tinawag ito bilang “Parity Rights”. Bukod dito, Ipinahayag ng U.S. na hindi maipagkakaloob ang halaga para sa bayad-pinsala nang walang kasunduang pangkalakalan na tulad ng Bell Trade Act. Basahin at suriin ang ilang mahahalagang probisyon sa Philippine Trade Act. Glosari: allegiance – katapatan enactment – pagpasya Bill of Rights – Kalipunan ng mga ratification – pagpapatibay Karapatan sovereignty – ganap na kalayaan
  18. 18. 18 Sanggunian 5: Philippine Trade Act. 1946 AN ACT TO PROVIDE FOR TRADE RELATIONS BETWEEN THE UNITED STATES AND THE PHILIPPINES, AND FOR OTHER PURPOSES. Be it enacted by the Senate and House of Representatives of the United States of America in Congress assembled. TITLE I – SHORT TITLE AND DEFINITIONS Section 1. SHORT TITLE This Act may be cited as the “Philippine Trade Act of 1946”. TITLE III – OBLIGATIONS OF PHILIPPINES SEC. 341. RIGHTS OF UNITED STATES CITIZENS AND BUSINESS ENTERPRISES IN NATURAL RESOURCES The disposition, exploitation, development, and utilization of all agricultural, timber, and mineral lands of the public domain, waters, minerals, coal, petroleum, and other mineral oils, all forces and sources of potential energy, and other natural resources of the Philippines, and the operation of public utilities, shall, if open to any person, be open to citizens of the United States and to all forms of business enterprise owned or controlled, directly or indirectly, by United States citizens. SEC. 402. OBLIGATIONS OF PHILIPPINES The President of the United States is not authorized by section 401 to enter into such executive agreement unless in the agreement the Government of the Philippines agrees – (b) That the Government of the Philippines will promptly take such steps as are necessary to secure the amendment of the Constitution of the Philippines so as to permit the taking effect as laws of the Philippines of such part of the provisions of section 341 as is in conflict with such constitution before such amendment.
  19. 19. 19 allego J.D., Manuel V., The Philippine Trade Act in the Light of History. Manila. 1946. 72-95 Gawain 11A. Jigsaw Letter Puzzle. Sagutin ang sumusunod na tanong. Maaaring gamitin ang mga kahon at titik na nasa mga piraso ng puzzle bilang clue sa pagsagot. 1. Anong aspetong pang-ekonomiya ang tuon ng Philippine Trade Act ng 1946? 2. Anong bansa ang nakipagkasundo sa Pilipinas batay sa itinakdang batas? SEC. 404. TERMINATION OF AGREEMENT (c) Termination or Suspension by the United States. – (1) that if the President of the United States determines that a reasonable time for the making of the amendment to the Constitution of the Philippines referred to in section 402 (b) has elapsed, but such amendment has not made, he shall so proclaim and the executive agreement shall have no effect after the date of such proclamation; and (2) that if the President of the United States determines and proclaims, after consultation with the President of the Philippines, that the Republic of the Philippines or any of its political subdivisions or the Philippine Government is in any manner discriminating against citizens of the United States or any form of United States business enterprise, then the United States shall have the right to suspend the effectiveness of the whole or any portion of the agreement… SEC. 509. RIGHTS OF THIRD COUNTRIES The benefits granted by this Act, and by executive agreement provided for in Title IV, to the Philippines, Philippine articles or products, and Philippine citizens, shall not, by reason of any provision of any existing treaty or agreement with any third country, be extended to such country or its products, citizens, or subjects. KA ST Glosari: amendment – pagwawasto elapsed - lumipas disposition – pagsasaayos exploitation – lubos na gamitin
  20. 20. 20 3. Kumpletuhin: Ayon sa batas, ipinagkakaloob sa mga Amerikano ang karapatan na gamitin, linangin at paunlarin ang mga _____________ ng Pilipinas tulad ng karapatan na taglay ng mga Pilipino. 4. Ano ang nararapat na baguhin ng pamahalaang Pilipino upang maipasa ang probisyon ng Philippine Trade Act na itinakda sa Section 341? 5. Ano ang isang dahilan ng United States upang suspindihin o wakasan ang mga kasunduang nakapaloob sa Philippine Trade Act? sa mga Amerikanong nasa Pilipinas Sanggunian 6: Military Bases Agreement, March 14, 1947 Walong buwan pagkaraang makamit ng mga Pilipino ang kasarinlan mula sa mga Amerikano, dalawang kasunduan ang inaprubahan sa pagitan ng Pilipinas at United States: ang Military Bases Agreement noong Marso 14, 1947 at ang Mutual Assistance Agreement noong Marso 21, 1947. Nilagdaan ang mga kasunduang ito nina Pangulong Manuel Roxas at Ambassador Paul McNutt ng United States. Ninanais ng Military Bases Agreement na itaguyod ang kooperasyon ng Pilipinas at United States sa pangangalaga ng kaligtasan ng bawat isa sa pamamagitan ng pagtutulungan sa aspetong militar. Tulad ng Bell Trade Act, naging mainit na isyu ang kasunduang nagpapanatili ng mga base militar sa bansa dahil sa ilang probisyong nagbibigay ng espesyal na pagtrato at malaking kapakinabangan sa bansang America. Alamin ang sumusunod na mahahalagang nilalaman ng kasunduang ito. NA LI KR
  21. 21. 21 AGREEMENT BETWEEN THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES AND THE UNITED STATES OF AMERICA CONCERNING MILITARY BASES Signed at Manila, March 14, 1947 WHEREAS, the war in the Pacific has confirmed the mutuality of interest of the Republic of the Philippines and of the United States of America in matters relating to the defense of their respective territories and that mutuality of interest demands that the Governments of the two countries take the necessary measures to promote their mutual security and to defend their territories and areas… WHEREAS, the Government of the Republic of the Philippines has requested United States assistance in providing for the defense of the Philippines and in developing for such defense effective Philippine armed forces… THEREFORE, the Governments of the Republic of the Philippines and of the United States of America agree upon the following terms for the delimitation, establishment, maintenance and operation of military bases in the Philippines. Article I GRANT OF BASES 1. The Government of the Republic of the Philippines (hereinafter referred to as the Philippines) grants to the Government of the United States of America (hereinafter referred to as the United States) the right to retain the use of the bases in the Philippines listed in Annex A attached hereto. 2. The Philippines agrees to permit the United States, upon notice to the Philippines, to use such of those bases listed in Annex B as the United States determines tio be required by military necessity. Article II MUTUAL COOPERATION 1. It is mutually agreed that the armed forces of the Philippines may serve on United States bases and that the armed forces of the United States may serve on Philippine military establishments whenever such conditions appear beneficial as mutually determined by the armed forces of both countries.
  22. 22. 22 Article III DESCRIPTION OF RIGHTS 1. It is mutually agreed that the United States shall have the rights, power and authority within the bases which are necessary for the establishment, use, operation and defense thereof or appropriate for the control thereof and all the rights, power and authority within the limits of territorial waters and air space adjacent to, or in the vicinity of, the bases which are necessary to provide access to them, or appropriate for their control. Article IV SHIPPING AND NAVIGATION 1. It is mutually agreed that United States public vessels operated by … the military forces of the United States… shall be accorded free access to and movement between ports and United States bases throughout the Philippines, including territorial waters, by land, air and sea. Article VII USE OF PUBLIC SERVICES It is mutually agreed that the United States may employ and use for United States military forces any and all public utilities, other services and facilities, airfields, ports, harbors, roads, highways, railroads, bridges, viaducts, canals, lakes, rivers and streams in the Philippines under condition no less favorable than those that may be applicable from time to time to the military forces of the Philippines. Article XII INTERNAL REVENUE TAX EXEMPTION 1. No member of the United States armed forces, except Filipino citizens, serving in the Philippines in connection with the bases and residing in the Philippines by reason only of such service, or his dependents, shall be liable to pay income tax in the Philippines except in respect of income derived from Philippine sources. Article XIII JURISDICTION 1. The Philippines consents that the United States shall have the right to exercise jurisdiction over the following offenses: (a) Any offense committed by any person within any base except where the offender and offended parties are both Philippine citizens…
  23. 23. 23 Romualdez, Eduardo Z, A Question of Sovereignty. The Military Bases and Philippine-American Relations, 1944-1979. Manila. 1980. 381-395 (b) Any offense committed outside the bases by any member of the armed forces of the United States in which the offended party is also a member of the armed forces of the United States. 2. The Philippines shall have the right to exercise jurisdiction over all other offenses committed outside the bases by any member of the armed forces of the United States. Article XVII REMOVAL OF IMPROVEMENTS 1. It is mutually agreed that the United States shall have the right to remove or dispose of any or all removable improvements, equipment or facilities located at or on any base and paid for with funds of the United States… 2. All buildings and structures which are erected by the United States in the bases shall be the property of United States and may be removed by it before the expiration of this Agreement …all of which shall become the property of the Philippines upon the termination of the Agreement or the earlier relinquishment by the United States of the bases where the structures have been built. Article XXV GRANTS OF BASES TO A THIRD POWER 1. The Philippines agrees that it shall not grant without prior consent of the United States, any bases or any rights, power, or authority whatsoever, in or relating to bases , to any third power. Article XXIX TERM OF AGREEMENT The present Agreement shall enter into force upon its acceptance by the two Governments and shall remain in force for a period of ninety-nine years subject to extension thereafter as agreed by the two Governments. Glosari: delimitation – hangganan liable – mananagot relinquishment - pagpapabaya jurisdiction – sakop mutuality – pagkakaayon viaduct – tulay
  24. 24. 24 Gawain 11B. Combined Facts. Tukuyin ang mga wastong impormasyon tungkol sa Military Bases Agreement na nasa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa papel. Gawain 12. Probisyong Mabuti at Hindi Mabuti. Sa isang buong papel, buuin ang tsart sa pamamagitan ng pagtala ng mabubuti at hindi mabubuting probisyon ng mga batas para sa mga Pilipino. Ang pagsagot ay batay sa nakatalagang batas sa bawat pangkat. A. Ang Digmaang Pandaigdig sa Pacific ang nagbigay-daan sa pag-ayon ng Pilipinas at United States na magtulungan upang pangalagaan katiwasayan ng teritoryo ng dalawang bansa. B. Hiniling ng mga Amerikano na magbigay ng tulong-militar ang Pilipinas upang maprotektahan ang United States laban sa pananakop. D. Ipinagkaloob ng Pilipinas sa United States ang karapatang panatalihin ang mga base militar ng America sa iba’t ibang panig ng bansa.C. Ipinagbawal sa kasunduan na gamitin o daanan ng mga Amerikano ang mga daungan sa pagitan ng mga base militar sa buong kapuluan, mapatubig man, lupa o himpapawid. E. Tatagal ang kasunduang ito sa loob ng 99 taon na maaaring palawigin ang taon. F. Maaaring gamitin ng mga Amerikanong kasapi ng militar ang lahat ng mga pampublikong daan, tulay, daungan at iba pa batay sa kondisyon. G. Maaaring patawan ng buwis sa sahod ang mga Amerikanong sundalo at empleyado na naglilingkod sa mga base militar. H. Lahat ng istruktura sa loob ng mga base militar ng America ay pag-aari ng U.S. hanggang sa magwakas ang kasunduan. Mga Probisyong nakabuti sa mga Pilipino Philippine Trade Act Military Bases Agreement
  25. 25. 25 Ano ang iyong naging konklusyon batay sa nabuong tsart? _________________________ _________________________________________________________________________ PAGLALAPAT. Produkto: Matatag na Soberanya Stone Wall. Ikaw ay isang miyembro ng Special Task Force ng kasalukuyang pamahalaan na inatasang gumawa ng isang illustrated stone wall na nagpapakita ng mga nararapat na katangian ng mga pinuno at mamamayan. Kabilang din ang mga akmang hakbangin sa pagkakaroon ng bansa ng isang matatag na soberanya. Ipakikita at ipaliliwanag ang gawang illustrated stone wall sa isang komperensiya na lalahukan ng mga kinatawan ng lokal at pambansang pamahalaan. Isaalang-alang ang mga pamantayan sa pagmamarka batay sa sumusunod na rubric: Pamantayan 4 Napakahusay 3 Mahusay 2 Nalilinang 1 Nagsisimula Puntos Nilalaman at kaugnayan sa paksa ng illustrated stone wall (60%) Malinaw na nailahad ang nilalaman ng gawang illustrated stone wall sa paksa. Nakapagtala ng lima o higit pang konkreto at angkop detalye sa stone wall. Nailahad ang nilalaman ng gawang illustrated stone wall batay sa paksa. Nakapagtala ng 3-4 na konkreto at angkop na detalye sa stone wall. Nailahad ang nilalaman ng gawang illustrated stone wall batay sa paksa. Nakapagtala ng 2 detalye. May mga aytem na hindi malinaw na nailahad. Hindi malinaw na nailahad ang maraming aytem sa illustrated stone wall. Isa lamang ang may kaugnayan sa paksa. Mga Probisyong hindi nakabuti sa mga Pilipino Philippine Trade Act Military Bases Agreement
  26. 26. 26 Guhit ng stone wall (20%) Malikhain at masining na naiguhit ang stone wall. Gumamit ng mga akmang kulay at angkop na disenyo. Natatangi ang disenyo. Malikhain at masining na naiguhit ang stone wall. Gumamit ng mga akmang kulay at angkop na disenyo. Karaniwan ang disenyo. Karaniwan ang naiguhit na stone wall. May bahagi na hindi akma ang disenyo at kumbinasyon ng kulay. Hindi gaanong maayos ang iginuhit na stone wall. Malaking bahagi ng guhit ang hindi nakulayan at hindi naging akma ang disenyo. Pagpapa- liwanag ng guhit (20%) Malinaw ang pagpapaliwanag sa guhit. Mahusay at detalyado na naipaliwanag ang lahat ng bahagi ng gawang illustrated stone wall. Malinaw ang pagpapaliwana g sa guhit. Mahusay at detalyado na naipaliwanag ang mga bahagi . Mayroon lamang isa na hindi nabigyang- pansin. Hindi gaanong malinaw ang pagpapaliwana g sa guhit. May 2-4 na bahagi ang hindi naipaliwanag. Hindi naunawaan ang pagpapa- liwanag. Maraming detalye sa guhit ang hindi binigyang- pansin. KABUUAN Pangyunit na Produkto/Pagganap: Makibahagi sa iyong pangkat. Basahin ang nilalaman ng produkto/pagganap. Isaalang- alang ang mga panuntunan ng guro. Ikaw ay isang miyembro ng komite sa iyong paaralan na may tungkulin na magpatupad ng mga programa na huhubog sa pagiging isang mapanagutang mag-aaral. Magkakaroon ng general school assembly na dadaluhan ng pamunuan ng paaralan, mga opisyal ng PTA at mga guro. Naatasan ka na magbalangkas ng mga panuntunan tungkol sa pananagutan ng mga mag-aaral sa loob at labas ng paaralan. Nakatuon ito sa sumusunod na aspeto: kalinisan ng paaralan, isyu ng bullying at mga programang pangkomunidad. Ilalahad ang mga nabalangkas na mungkahing panuntunan sa gaganaping taunang school general assembly. Ang iyong nabalangkas na panuntunan ay bibigyan ng marka batay sa sumusunod na pamantayan: kaangkupan ng nilalaman, kahusayan sa pagpapaliwanag at kooperasyon ng bawat miyembro ng pangkat.
  27. 27. 27 Rubric sa pagmamarka ng Produkto/Pagganap: Pamantayan 4 Napakahusay 3 Mahusay 2 Nalilinang 1 Nagsisimula Puntos Kaangkupan ng Nilalaman (50%) Malinaw na nailahad ang nilalaman ng mga panuntunan. Nakapagtala ng lima o higit pang konkreto at angkop detalye. Nailahad ang nilalaman ng mga panuntunan. Nakapagtala ng 3-4 na konkreto at angkop na detalye. Nailahad ang nilalaman ng mga panuntunan. Nakapagtala ng 2 detalye. May mga aytem na hindi malinaw na nailahad. Hindi malinaw na nailahad ang maraming aytem sa panuntunan. Isa lamang ang may kaugnayan sa paksa. Kahusayan sa Pagpapa- liwanag (25%) Malinaw ang pagpapaliwanag sa produkto. Mahusay at detalyado na naipaliwanag ang lahat ng bahagi. Malinaw ang pagpapaliwanag sa guhit. Mahusay at detalyado na naipaliwanag ang mga bahagi . Mayroon lamang isa na hindi nabigyang- pansin. Hindi gaanong malinaw ang pagpapaliwanag sa guhit. May 2-4 na bahagi ang hindi naipaliwanag. Hindi naunawaan ang pagpapa- liwanag. Maraming detalye sa guhit ang hindi binigyang- pansin. Kooperasyon ng bawat miyembro sa pangkat (25%) Mahusay na nakiisa sa pangkat. Aktibo sa talakayan. Malaki ang naging bahagi sa pagbuo ng pangkatang produkto. Mahusay na nakiisa sa pangkat. Aktibo sa talakayan. May naibahagi sa pagbuo ng pangkatang produkto. Mahusay na nakiisa sa pangkat bagama’t hindi gaanong aktibo sa talakayan. May naibahagi sa pagbuo ng pangkatang produkto. Hindi gaanong nakiisa sa pangkat. Walang naibahagi sa pagbuo ng pangkatang produkto. KABUUAN TRANSISYON SA SUSUNOD NA MODYUL Inilarawan ng mga primaryang sanggunian ang naging kalagayan ng mga Pilipino sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at pamamahala ng Japan sa bansa. Ang hindi malilimutang karanasan ng mga tuwirang nakasaksi sa pagmamalupit ng mga dayuhan ay patuloy na ipinaaalala ng mga salaysay at biswal na sanggunian na binigyang-diin sa modyul na ito.
  28. 28. 28 Sa pagtatatag ng Ikatlong Republika ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946, muling naharap sa panibagong pakikibaka ang mga Pilipino sa pagtaguyod ng isang nagsasariling bansa. Isa sa mga ito ay ang mga probisyon ng mga batas at kasunduang tinanggap ng pamahalaan ni Pangulong Roxas ay nagbigay ng kapaki-pakinabangan sa mga Amerikano sa aspetong pang-ekonomiya at pangmilitar. Sa susunod na modyul, tatalakayin ang iba pang hamon na kinaharap ng mga Pilipino sa pagsisimula ng Ikatlong Republika. Dalawa sa mga ito ay ang suliranin sa lupa at ang paghahangad ng mga magsasaka sa makamit ang kanilang mga karapatan. (EVEN NUMBER… LAST PAGE)

×